WEBVTT

00:14.724 --> 00:16.767
Sa Aklat ng Mga Hukom,

00:16.851 --> 00:20.771
tinanong ni Gideon sa Diyos
kung paano pumili ng tao para sa laban.

00:23.607 --> 00:28.279
Sinabi ng Panginoon, dalhin niya
ang mga tao niya sa ilog at painumin sila.

00:30.364 --> 00:34.952
Ang mga tumalon sa ilog at uminom
nang parang aso ay walang silbi sa kanya.

00:37.455 --> 00:38.914
Pinanood ni Gideon

00:39.582 --> 00:43.836
na lumuhod ang ilan, uminom
nang nagmamatyag sa kapaligiran,

00:44.962 --> 00:46.422
at hawak ang sibat.

00:48.966 --> 00:50.760
Bagama't iilan lang sila,

00:52.511 --> 00:54.597
sila ang mga taong kailangan niya.

00:55.639 --> 00:57.391
Agap, TA.

00:59.268 --> 01:02.104
Handa. Sipat. Putok.

01:04.231 --> 01:06.275
Atras. Atras.

01:08.110 --> 01:10.988
Handa. Sipat. Putok.

01:12.698 --> 01:15.826
INCIRLIK AIR BASE
2 LINGGO ANG NAKARAAN

01:15.951 --> 01:17.328
Alpha, ipasok mo.

01:24.251 --> 01:26.629
Pinayagan na tayong
sugurin si Chemical Kahani.

01:26.712 --> 01:27.838
Ayos!

01:29.715 --> 01:33.594
Nasa Syria na siya ulit.
May pag-atake raw ulit ayon sa intel.

01:33.677 --> 01:34.887
Teka, nasa'n si Donny?

01:34.970 --> 01:37.765
Naka-IV siya sa medikal.
Masakit ang ulo niya.

01:37.848 --> 01:38.682
Masakit ang ulo?

01:38.766 --> 01:40.392
Natuyuan siya sa pagtakbo.

01:40.476 --> 01:41.560
Hindi sa pagtakbo.

01:41.644 --> 01:43.854
Binibigyan ko ng electrolytes. Iigi 'yon.

01:43.938 --> 01:46.732
Nababaliw kasi manganganak na
ang asawa niya.

01:46.816 --> 01:47.775
Sa anak ni Boozer!

01:48.526 --> 01:50.361
Oo na. Gago ka, Lecrone.

01:50.444 --> 01:52.404
Karangalang magkaroon ng baby Boozer.

01:52.488 --> 01:54.490
Kahit na hanggang 5'2" lang siya!

01:54.573 --> 01:56.283
Tarantado ka. 5'3".

01:56.367 --> 01:58.118
Sige na, guys. Tumahimik na tayo.

01:58.619 --> 02:00.204
Donny, kumusta ang pakiramdam mo?

02:00.287 --> 02:01.956
Matindi, sir.

02:02.915 --> 02:05.125
Sige. Tara na.

02:06.085 --> 02:06.961
Sige, boys.

02:07.044 --> 02:10.881
Papasok tayo sa indige fishing trawler,
800 metro mula sa baybayin.

02:10.965 --> 02:13.050
Lalangoy tayo pasilangan
papunta sa target.

02:13.133 --> 02:14.718
May high tide nang 0232.

02:14.802 --> 02:15.928
MEDITERRANEAN SEA
5 KM MULA SA BAYBAYIN NG SYRIA

02:16.011 --> 02:18.889
Magiging madilim.
14% ang liwanag ng buwan.

02:29.275 --> 02:30.860
Ang mga tunnel na 'to,

02:30.943 --> 02:33.737
mukhang 20 o 30 talampakan
sa ilalim ng solidong limestone.

02:33.821 --> 02:35.865
Di puwede ang Batman at Signore squad.

02:35.948 --> 02:37.199
Bawal.

02:38.075 --> 02:41.704
Magpapasahan tayo ng balita sa pasukan

02:41.787 --> 02:43.706
at sa mga sangang daan.

02:43.789 --> 02:48.168
Dapat gumana na ulit ang comms
pagdating natin sa access point sa crypt.

02:48.294 --> 02:50.546
Mapagkakatiwalaan ba itong
mga mapa ng tunnel, sir?

02:50.629 --> 02:53.132
Binigyan tayo ng demokratiko sa Syria
ng sundalo na

02:53.215 --> 02:55.843
laruan ang mga tunnel
sa ilalim ng compound noong bata.

02:55.926 --> 02:57.386
Personal 'to para sa kanya.

02:57.469 --> 03:00.639
Pinatay ni Kahani ang pamilya niya.
Sasamahan niya tayo sa Op.

03:01.098 --> 03:02.099
Roger.

03:03.434 --> 03:04.810
Limang kilometro, sir.

03:06.562 --> 03:09.064
Maghanda na tayong dalhin ito sa ibabaw.

03:13.152 --> 03:15.404
Ayos ang infield, chief. Ano'ng tantya mo?

03:15.487 --> 03:17.156
Walang nakakaalam kay Kahani.

03:17.239 --> 03:20.492
Mukhang 'di masyadong guwardyado
ang compound.

03:20.576 --> 03:24.747
Kung magkakaaberya,
may mga ranger sampung minuto mula sa QRF.

03:25.331 --> 03:26.457
Mukhang ayos, sir.

03:28.125 --> 03:28.959
Oo nga.

03:30.210 --> 03:34.131
Tahimik tayo. Sa loob at labas.
Ni walang makakaalam na nando'n tayo.

04:05.287 --> 04:07.581
Lumapag na ang Bravo platoon,
gaya ng alam n'yo.

04:07.665 --> 04:12.086
Binigyan tayo ng opsyon ni Cox na umatras,
at ipasa ito bilang parte ng turnover.

04:12.795 --> 04:15.464
Sabi ko, 'di tayo pumunta rito
para magpetiks.

04:15.547 --> 04:18.175
At sa'tin ang gagong 'to. Tayo ang Alpha.

04:18.759 --> 04:20.636
-Tama ka.
-Tama 'yon.

04:20.719 --> 04:22.304
Sige. Mabuti.

04:23.555 --> 04:25.140
Maging mapagmatyag kayo.

04:26.517 --> 04:27.726
Galingan natin.

04:43.826 --> 04:44.827
Sige.

04:47.538 --> 04:48.372
Tara na.

05:36.128 --> 05:38.630
Lecrone, Fletcher, ituloy n'yo ang comms.

05:39.840 --> 05:41.216
-Kopya.
-Mabuti, kopya.

06:24.343 --> 06:25.928
Access point, 60 talampakan.

06:42.152 --> 06:43.445
Sir, sumesenyas si Zeke.

06:44.238 --> 06:46.907
Tigil! EOD na. Walang comms!

06:56.792 --> 06:58.210
Magpuputing ilaw tayo.

07:19.940 --> 07:21.900
Puro gumuhong lupa, sir.

07:23.152 --> 07:25.112
Handa nang sumabog itong crypt.

07:25.195 --> 07:28.699
Ilabas n'yo ang comms.
Sabihin n'yong palpak ang access point.

07:28.782 --> 07:29.700
Opo, sir.

07:34.329 --> 07:36.707
May kalaban, sa entry point!

07:37.666 --> 07:38.709
Ano'ng meron?

07:38.959 --> 07:41.378
Matindi ang putukan sa likod.
Kailangan ng backup!

07:41.461 --> 07:44.089
Bumuo kayo ng fire team
para sa cross position.

07:44.173 --> 07:45.340
-Roger.
-Kilos!

07:46.466 --> 07:47.968
Lecrone! Kumusta?

07:49.178 --> 07:50.679
Lecrone, mag-ingat ka!

07:56.351 --> 07:57.603
Tinamaan si Lecrone!

07:57.853 --> 07:59.021
Kilos, kilos!

08:01.315 --> 08:03.233
Tira! Tira! Kilos!

08:04.526 --> 08:05.485
Tigil!

08:08.614 --> 08:09.489
Bomba!

08:09.948 --> 08:11.241
Bomba!

08:13.994 --> 08:15.871
Barnes, patayin mo ang gagong 'yan!

08:18.540 --> 08:19.499
Ratratin mo!

08:25.130 --> 08:25.964
Clear!

08:26.048 --> 08:28.133
Kunin n'yo sila! Ilabas n'yo na sila!

08:28.217 --> 08:29.801
Papasok na! Ibaba n'yo!

08:33.013 --> 08:34.973
Balik sa crypt! Ngayon na! Dali!

08:47.694 --> 08:49.613
Ibalik n'yo siya! Ibalik n'yo siya!

08:49.738 --> 08:51.865
Kumaliwa! Ang CCP ay sa kaliwa!

08:51.949 --> 08:52.824
Dali, dali, dali!

08:53.784 --> 08:54.826
Heto na!

09:01.124 --> 09:02.334
Barnes! Tapusin mo na!

09:08.882 --> 09:11.218
Tara. Ako'ng bahala sa'yo, 'tol!
Ako'ng bahala.

09:14.471 --> 09:16.306
-Huli na!
-Huli na! Oo!

09:17.266 --> 09:19.268
Ano'ng ginagawa mo? Tara na!

09:29.861 --> 09:32.281
Sir, kailangan na nating bilisan!

09:32.614 --> 09:35.742
Hoy! Pakalmahin mo 'yan!
Kumusta ang mga sugatan, Rell?

09:35.867 --> 09:39.037
May dalawang KIA,
at naghihingalo na si Barnes.

09:39.871 --> 09:43.041
Uy, 'tol! Uy! Makinig ka sa'kin.

09:43.667 --> 09:46.753
Ilalabas kita rito.
Ako'ng bahala sa'yo, 'tol.

09:49.965 --> 09:51.967
-Tinamaan si Mallory!
-'Di sila nauubos!

09:57.014 --> 09:59.099
Boozer! Sa'kin! Kailangang mag-comms.

09:59.182 --> 10:01.268
Kailangang iakyat ang QRF! Tara!

10:01.893 --> 10:04.479
Crowley! Dalhin mo sa access point! Kilos!

10:04.563 --> 10:05.772
Dali, dali!

10:08.025 --> 10:10.027
May trip wire. Humandang tumawid. Dito.

10:10.110 --> 10:11.278
-Ingat!
-Nasaan?

10:11.361 --> 10:13.905
-Ingat. May trip wire, ingatan ang paa!
-Nasaan?

10:13.989 --> 10:16.742
Crowley, sa trigger ang tingin.
Sabihin mo ang sitwasyon!

10:16.825 --> 10:17.826
Ako'ng bahala, sir.

10:21.246 --> 10:22.497
Ano'ng meron, Boozer?

10:22.581 --> 10:23.665
May labasan ako.

10:23.832 --> 10:26.084
Iakyat mo ang comms,
paikutin mo na ang QRF!

10:32.257 --> 10:36.511
Kausapin n'yo ang mga tropa.
Maraming tumumba. Simulan na ang QFR.

10:37.679 --> 10:39.306
Hindi! Hindi! Balik.

10:39.806 --> 10:41.016
Pigilan n'yo ang trooper!

11:16.593 --> 11:19.805
Picasso, ipapakita mo ba sa'kin
'yang drawing mo?

11:33.527 --> 11:34.694
Ano 'yon?

11:57.843 --> 11:59.803
Ayos lang ba siya, Daddy?

12:05.934 --> 12:06.935
Daddy!

12:21.116 --> 12:21.950
Lucy!

12:46.349 --> 12:48.810
Donny. Ayos ka lang? Donny?

12:53.857 --> 12:55.567
Tayo, Reece, dali!

12:58.361 --> 13:00.655
Reece! Pakiusap. Kilos!

13:03.033 --> 13:04.659
Dali, pare! Tayo!

13:08.205 --> 13:10.248
Cortese, papunta ako sa'yo!

13:17.214 --> 13:18.215
Cortese!

13:21.718 --> 13:22.719
Sa'kin!

13:26.640 --> 13:28.183
'Wag munang magpaputok!

13:28.266 --> 13:30.143
-'Wag muna! Kakampi 'yan!
-Reese!

13:30.227 --> 13:31.895
-Kausapin mo 'ko!
-Head count?

13:31.978 --> 13:33.230
'Tol, kumusta?

13:45.575 --> 13:47.244
Tara na, tara na.

14:20.986 --> 14:23.196
Papunta na ang helicopter! Alis na sa X!

14:23.280 --> 14:25.323
-Sandali lang!
-Cortese, tara na!

14:25.407 --> 14:27.284
-Tayo! Tayo!
-Tumayo ka!

14:27.367 --> 14:29.995
-Tayo, dali.
-Kailangan na nating lumabas!

14:30.161 --> 14:33.206
-Tara.
-Dali! Tara na!

14:33.290 --> 14:36.334
-Iwasan n'yo ang mga putok!
-Ratratin n'yo sila!

14:36.793 --> 14:38.670
Tara! Suportahan natin sila!

14:44.467 --> 14:46.344
Sir! Sumakay na kayo sa helicopter!

14:46.428 --> 14:47.971
Bilangin n'yo ang mga tao ko!

14:48.054 --> 14:50.223
Naiintindihan ko.
Umalis na tayo rito sa X!

14:50.307 --> 14:51.683
Alisin n'yo sila sa beach!

14:51.766 --> 14:54.519
Ikaw ang huli. Pangako! Pangako!

14:56.855 --> 14:58.481
Kailangan ng gagamot sa hita!

14:58.898 --> 15:00.233
Walang pulso.

15:04.362 --> 15:06.698
Cortese! Tumingin ka sa'kin!

15:06.990 --> 15:09.409
Cortese! Dumilat ka!

15:09.868 --> 15:11.453
Kapit ka lang, 'tol.

15:11.536 --> 15:13.371
-Pigilan n'yo ang pagdurugo.
-Kapit.

15:13.455 --> 15:15.957
-Diinan n'yo pa.
-Sige na, 'tol.

15:49.407 --> 15:50.408
Hello?

15:51.910 --> 15:52.911
Mrs. Reece?

15:53.536 --> 15:56.373
Naghihintay ang service member n'yo
na makausap kayo.

15:58.958 --> 15:59.876
James?

16:01.628 --> 16:04.422
-Lauren? Ikaw ba 'yan?
-James, salamat naman!

16:05.632 --> 16:08.176
Buong gabi silang tumatawag
sa mga pami-pamilya.

16:12.305 --> 16:14.683
Ano'ng nangyari? Sabihin mo sa'kin.

16:19.229 --> 16:21.523
Hindi maganda. Sila...

16:24.359 --> 16:26.444
Wala na ang lahat. Wala na silang lahat.

16:27.696 --> 16:31.366
Kami lang ni Boozer. Lahat ng iba pa...

16:33.535 --> 16:35.537
Lahat ng iba pa, 'di na nakalabas.

16:37.747 --> 16:38.873
Ang sama nito.

16:39.958 --> 16:40.917
Sige.

16:44.587 --> 16:45.714
Mahal kita.

16:46.172 --> 16:48.174
Basta... basta umuwi ka.

16:48.883 --> 16:52.345
Nandito ako para sa'yo. Ha?

17:01.354 --> 17:04.232
Ito si Special Agent Robert Bridger, NCIS.

17:04.816 --> 17:08.278
Nasa Incirlik Air Force Base ako
kasama ni Special Agent Daniel Stubbs

17:08.361 --> 17:13.116
para interviewhin si Lieutenant Commander
James Reece, SEAL Team Seven,

17:13.199 --> 17:15.744
tungkol sa mission number 6-4-4,
Odin's Sword.

17:17.078 --> 17:20.290
Commander, puwede mo bang ibuod
ang mga detalye ng misyon n'yo?

17:20.707 --> 17:24.294
Inatasan kaming suportahan ang SDF
at hulihin si Dr. Jahan Kahani

17:24.377 --> 17:26.546
at intel sa chemical weapons program niya.

17:26.629 --> 17:29.048
-Dalawang linggo na ang tip.
-Tip galing kanino?

17:29.758 --> 17:32.343
Kay Tabari Moussa.
Arms dealer sa labas ng Aleppo.

17:33.428 --> 17:34.763
Top source ng SDF.

17:37.515 --> 17:39.809
Ni-red team mo ang operasyong 'to
kasama ni...

17:39.893 --> 17:41.269
Commander William Cox.

17:42.145 --> 17:43.146
May flag ba?

17:43.563 --> 17:46.566
Wala. Ayos ang intel ni Moussa.
Nagbigay ng dalawang tsansa kay Kahani

17:46.649 --> 17:49.527
nang dalawang taon.
Pasensya na,

17:49.611 --> 17:52.030
nakita ba ng QRF si Kahani sa compound?

17:52.947 --> 17:53.948
Hindi.

17:54.073 --> 17:58.870
Ayon sa mga audio log, nagpatay kayo ng
comms pagkaraan ng apat na minuto. Bakit?

18:00.079 --> 18:02.457
Pag-iingat, may mga IED
malapit sa access point.

18:02.540 --> 18:06.044
SOP ang pagpatay ng comm. May senyales ba
na pumunta siya sa compound?

18:06.211 --> 18:08.129
Maituturo mo ba kung saan may mga IED?

18:08.213 --> 18:11.090
-May nakitang mobile lab ang QRF.
-Sa Op muna tayo.

18:11.257 --> 18:13.009
Nasa'n ang mga IED?

18:19.432 --> 18:20.308
Nandito.

18:21.518 --> 18:23.686
Mga IED lang, walang kakaiba.

18:23.770 --> 18:26.314
May mga armadong loyalistang
nakaabang sa amin.

18:26.397 --> 18:27.982
Alam nilang darating kami.

18:28.066 --> 18:31.611
Commander, sa anong punto ng operasyon mo
napansin na...

18:31.694 --> 18:35.907
'di maayos ang lagay ni special warfare
operator second-class, Donny Mitchell?

18:41.996 --> 18:43.164
Pasensya na, ano 'yon?

18:45.166 --> 18:48.169
Si SO-Two Mitchell.
Ang pinakabata sa tropa mo,

18:48.253 --> 18:50.421
nagkaroon ng episode noong operasyon

18:50.505 --> 18:52.841
bago mismo ang pagsabog.

18:55.718 --> 18:56.719
Mga ginoo.

18:58.304 --> 19:00.265
May kailangan kayong maintindihan.

19:00.849 --> 19:03.601
May 12 tao akong
pauwi nang nakakabaong ngayon.

19:04.394 --> 19:07.188
Gusto mo 'kong tanungin
tungkol kay Donny Mitchell?

19:08.731 --> 19:11.860
'Yong SDF trooper ang nataranta.
Hindi si Donny.

19:12.694 --> 19:15.947
-Ayon sa mission log, si Donny Mitchell.
-Hindi. Nando'n ako.

19:16.030 --> 19:17.782
-Hindi si Donny.
-Kalma, Commander.

19:17.866 --> 19:19.617
Sinasabi ko lang ang alam namin.

19:27.584 --> 19:30.086
Ang ingay nito, Boozer.
Napakaingay nito.

19:30.211 --> 19:31.796
Ramirez, kailangan ng tulong ni Donny!

19:31.880 --> 19:33.798
Donny! Kumalma ka lang!

19:34.132 --> 19:35.091
Tumira ka!

19:35.174 --> 19:36.634
Donny! Ano'ng nangyayari...

19:52.442 --> 19:54.110
'Di gano'n ang nangyari.

19:55.987 --> 19:57.947
'Di ko sinabi 'yan.

20:01.159 --> 20:03.161
Baka masyado pang maaga 'tong interview.

20:03.244 --> 20:05.413
-Gusto ng Navy...
-'Wag mong sabihing Navy.

20:05.496 --> 20:08.791
Ha? 'Di kayo Navy. Mga hilaw kayong pulis.

20:09.876 --> 20:11.586
Alam ko kung ano'ng nangyari.

20:11.669 --> 20:14.339
Puno ng pampasabog at armadong loyalista
ang lugar,

20:14.422 --> 20:16.424
at nataranta ang SDF trooper namin.

20:20.678 --> 20:21.721
Kausapin mo 'ko.

20:21.804 --> 20:23.765
Kumusta?

20:23.848 --> 20:25.808
-Kumalma ka, Donny!
-Masyadong maingay rito.

20:25.892 --> 20:29.646
Donny! Tumingin ka sa'kin.
Ilalabas kita rito, 'tol. Ako'ng bahala!

20:29.771 --> 20:30.855
Ako'ng bahala.

20:33.441 --> 20:37.654
Ayon sa lahat ng audio,
si Mitchell ang nagpasabog.

20:38.363 --> 20:41.783
Pakiusap, balikan mo ang mga log.

20:42.158 --> 20:45.244
Tapos, sabihan mo kami
kung gusto mong baguhin ang pahayag mo.

20:46.204 --> 20:49.457
Mabuti ang lagay mo, Commander.
Kung susumahin.

20:50.333 --> 20:52.293
Siyempre naman, Doc. Tingnan mo siya.

20:52.961 --> 20:55.546
Matibay ang mga tao ko.

20:56.297 --> 20:58.800
Kumusta ang pakiramdam mo, Commander?

20:59.258 --> 21:02.011
Lumalabo ang paningin,
sumasakit ang ulo, nakakalimot?

21:03.888 --> 21:04.889
Nakakalimot?

21:05.598 --> 21:08.434
Sa brain trauma,
mabilis gumaling ang pisikal na pinsala.

21:08.518 --> 21:10.770
Baka mas matagalan ang neural pathways.

21:10.853 --> 21:12.981
Dagdag pa ang stress sa pagluluksa, at...

21:13.064 --> 21:15.066
May mga sintomas ka ba, Reece?

21:17.193 --> 21:18.945
Wala, sir. Wala...

21:20.780 --> 21:22.991
May ilan pa tayong test na puwedeng gawin.

21:23.116 --> 21:25.827
Gusto ko talagang ipagawa 'yon sa Balboa,
kung puwede.

21:25.910 --> 21:27.620
Mas gusto kong magbigay ng MRI dito.

21:27.704 --> 21:29.914
Oo. Nakauwi na ang mga tao ko.

21:30.873 --> 21:33.251
Gusto kong bumalik sa mga pamilya nila.

21:35.086 --> 21:38.339
Maliban kung grounded siya,
ayos lang sa'king lumipad si Reece.

21:39.007 --> 21:41.509
Makikipag-usap ang WARCOM
pag nasa States na siya.

21:44.053 --> 21:45.263
Sige, Commander.

21:46.514 --> 21:49.517
Pero hanggang sa follow-up mo,
hinay-hinay lang.

21:50.435 --> 21:53.021
Magpahinga ka lang. Bawal uminom.

22:03.906 --> 22:05.324
Hahanapin natin si Kahani.

22:11.289 --> 22:13.207
'Pag nahanap natin siya, babalatan ko.

22:13.916 --> 22:14.917
Tama.

22:19.380 --> 22:23.509
'Yon sana ang ginawa ni Donny.
Ang lupit ng batang 'yon.

22:31.893 --> 22:32.894
Para kay Donny.

22:33.603 --> 22:35.188
Mabuhay ang kapatiran.

22:45.156 --> 22:46.699
Whiskey nga, neat?

22:55.249 --> 22:56.626
Sino ang iinuman natin?

23:03.091 --> 23:05.134
Contractor ka ba o reporter?

23:06.094 --> 23:09.305
Ang tatak sa pulso mo.
'Di nagpapapasok ng service members dito.

23:09.388 --> 23:11.265
'Di ka sumusuway?

23:12.391 --> 23:14.477
May kasama akong airman.

23:14.936 --> 23:19.440
May transport daw na lumipad
nang may dalawang 12 SEAL.

23:20.191 --> 23:22.360
Walang color guard. Walang ramp ceremony.

23:22.777 --> 23:24.195
Ayos. Press ka.

23:24.529 --> 23:26.280
Katie Buranek. VoltStreem News.

23:26.531 --> 23:30.284
-Sagot ko ang susunod na round, Commander.
-Sagot ko ang akin, salamat.

23:30.368 --> 23:31.953
Nagsusulat ako tungkol sa Team.

23:32.453 --> 23:35.039
May series ako
sa sobrang pagsalalay sa Spec-Ops...

23:35.123 --> 23:36.124
Oo. Nabasa ko.

23:36.207 --> 23:39.252
Commander, may pakialam pa rin ang mga tao
sa nangyayari rito.

23:39.335 --> 23:42.672
Labindalawang SEAL ang namatay
at walang naglabas ng pahayag?

23:42.839 --> 23:44.132
Ano'ng itinatago nila?

23:47.093 --> 23:50.388
Anuman ang hanap mo,
di mo makukuha sa'kin o kay Boozer.

23:50.471 --> 23:51.472
Sino si Boozer?

24:02.817 --> 24:04.902
'Di ako nagli-leak ng kuwento,
Miss Buranek.

24:06.404 --> 24:08.865
Lalo na sa mga taong
pumupuna sa trabaho namin.

24:08.948 --> 24:12.451
Kinukuwestyon ko lang
ang mga assignment n'yo.

24:22.837 --> 24:24.005
Para sa pagpupursigi mo.

25:00.374 --> 25:02.960
Dahan-dahan, boss. Dahan-dahan.

25:20.561 --> 25:23.314
Reece! Tayo!

25:23.397 --> 25:25.274
Reece, tayo!

25:25.650 --> 25:27.944
Reece! Gising!

25:28.069 --> 25:29.070
Commander.

25:30.154 --> 25:34.367
Bumaba na lahat, sir.
Ilang beses kitang sinubukang gisingin.

26:12.697 --> 26:15.241
'Wag mong sabihing mag-u-Uber ka.

26:18.369 --> 26:21.872
May narinig akong tsismis
na uuwi ka ngayon. Kaya naisip ko...

26:27.920 --> 26:29.005
Naku, pare.

26:36.178 --> 26:37.263
Salamat, Ben.

26:39.432 --> 26:41.517
-Ihahatid na kita pauwi, 'tol.
-Sige.

26:47.940 --> 26:50.318
Mag-ikot tayo sandali?
Para makapag-isip-isip.

27:04.957 --> 27:06.917
Gusto mo bang ikuwento ang nangyari?

27:07.043 --> 27:09.462
Ano'ng alam mo? Naisip ko, ang agency.

27:09.545 --> 27:11.088
Walang sinabi ang agency.

27:11.172 --> 27:13.174
Ang hirap do'n.

27:13.257 --> 27:14.091
Alam mo 'yon.

27:17.803 --> 27:18.929
Set-up 'yon.

27:19.180 --> 27:20.264
Ano'ng ibig sabihin?

27:20.348 --> 27:23.309
May nagbigay ng maling intel kay Kahani
para mabitag kami.

27:25.519 --> 27:26.771
Mga Iranian.

27:28.564 --> 27:31.275
Siguro. Baka mga Russian.
Baka si Assad.

27:31.609 --> 27:32.610
Lintik.

27:33.152 --> 27:35.654
Sino'ng kayang
magbago ng mga signal natin?

27:35.738 --> 27:37.198
Ano? Manggulo?

27:37.281 --> 27:41.077
Baguhin ang digital record.
Magbago ng mga boses, mag-deepfake.

27:43.371 --> 27:44.872
'Tol, 'yon...

27:45.247 --> 27:48.417
high-level EW capability 'yon.

27:49.752 --> 27:51.712
Parang kamay na 'yon ng Diyos.

27:56.550 --> 27:59.970
May mga kakilala ako sa Persia House,
puwede akong tumawag.

28:00.054 --> 28:03.349
Aalamin ko kung may dapat malaman.
Do'n tayo magsimula.

29:11.667 --> 29:13.085
Tama na 'to, idura mo na.

29:13.169 --> 29:15.713
-'Di pa tapos.
-Gabing-gabi na.

29:21.677 --> 29:22.678
Tao po?

29:23.262 --> 29:24.263
Daddy!

29:25.890 --> 29:27.766
Uy, anak.

29:29.768 --> 29:30.895
Nakauwi ka na.

29:33.314 --> 29:35.316
Oo naman. Nandito na 'ko.

29:36.192 --> 29:38.527
Sabi ni Mommy, bukas ka pa raw uuwi,

29:38.611 --> 29:40.654
-pero sabi ko na nga ba, ngayon.
-Talaga?

29:41.655 --> 29:44.241
Tingnan mo. Ang tangkad mo na.

29:45.367 --> 29:47.995
May mga bago akong unan
at stuffed toy sa kuwarto.

29:48.078 --> 29:49.997
-Gusto ko talagang ipakita sa'yo.
-Sige.

29:50.080 --> 29:54.001
May maganda rin akong ideya.
Gusto ko talagang magkaaso.

29:54.084 --> 29:54.919
Sige.

29:55.002 --> 29:57.171
Lucy, mahiga ka na kaya

29:57.254 --> 29:59.715
at pupuntahan ka ni Daddy maya-maya.

29:59.798 --> 30:01.550
-Hahanapin kita.
-Tara na.

30:07.765 --> 30:08.974
Sige na.

30:09.934 --> 30:11.685
Sige, magkita tayo sa loob.

30:38.295 --> 30:42.508
Sige. Mahiga ka na.
Masaya akong hinintay mo 'ko. Salamat.

30:47.096 --> 30:48.222
Ayos ka lang ba?

30:49.473 --> 30:51.016
Oo. Ayos lang ako.

30:51.517 --> 30:52.726
Masakit ba?

30:53.185 --> 30:55.020
Hindi. Wala lang 'to.

30:55.646 --> 30:56.647
Sigurado ka?

30:57.606 --> 31:00.025
Oo. Sigurado ako. Ayos lang ako.

31:00.776 --> 31:02.903
Ano'ng binabasa mo mula no'ng nawala ako?

31:02.987 --> 31:04.655
The Girl Who Drank the Moon.

31:05.072 --> 31:06.574
Tungkol sa kapangyarihan.

31:07.533 --> 31:08.867
Gusto mo bang magbasa?

31:09.493 --> 31:12.580
Pagod si Daddy.
Kaya matutulog na siya, ha?

31:12.788 --> 31:16.083
Kailangan niyang maligo,
kasi nangangamoy na siya.

31:19.837 --> 31:20.796
Sige.

31:23.716 --> 31:25.467
Ano 'yan, bagong drawing?

31:25.593 --> 31:28.554
Naku, ang galing mo na, anak.
Tingnan mo 'to.

31:28.637 --> 31:29.972
ANG PAMILYA KO

31:30.055 --> 31:31.307
Drawing mo 'to?

31:31.390 --> 31:35.227
-Drinowing ko 'yan bago ka umalis, Daddy.
-'Di ko pa 'to nakikita.

31:35.603 --> 31:36.812
Ipinakita ko sa'yo.

31:37.646 --> 31:39.064
Nagustuhan mo.

31:42.985 --> 31:44.069
Patawa ka.

31:44.278 --> 31:47.781
Nagpapatawa ako. Lagi akong nagpapatawa.

31:48.115 --> 31:50.576
Kahit ano para mapangiti ang anak ko.

31:52.911 --> 31:54.371
-Good night.
-Mahal kita.

31:54.830 --> 31:55.873
Mahal kita.

32:03.547 --> 32:04.548
Sige.

32:09.136 --> 32:11.096
Sinundo sana kita.

32:16.518 --> 32:19.480
Ayos lang. Nando'n si Ben.

32:23.692 --> 32:27.363
Alam mo, ang sinabi lang nila sa'kin,
nagka-concussion ka

32:27.446 --> 32:29.156
at kailangan mong magpahinga.

32:31.116 --> 32:34.828
Dapat kang magpatingin, James.
Puwede kitang ipa-appointment.

32:34.912 --> 32:35.913
Ayos lang ako.

33:13.909 --> 33:17.538
-Ramirez! Tigil! Pupuntahan kita.
-Sa pader!

33:17.621 --> 33:19.790
Reece! Tara, pare! Tayo!

33:24.920 --> 33:26.422
Ano sa tingin mo, Daddy?

33:27.506 --> 33:28.507
Daddy!

33:30.259 --> 33:31.176
James?

33:33.512 --> 33:34.346
Ano?

33:34.722 --> 33:37.891
Sabi ko, naplano na namin ni Mommy
ang unang araw mo sa bahay.

33:38.809 --> 33:43.480
Simulan mo kaya sa pagsasabi kay Daddy
tungkol sa bago nating ginagawa?

33:43.564 --> 33:46.900
No'ng wala ka, nagsimula kaming
mag-stand-up paddle boarding.

33:46.984 --> 33:49.528
Parang pinagsamang surfing
at sea-kayaking.

33:49.862 --> 33:50.863
Sobrang saya.

33:51.530 --> 33:56.160
At baka puwede nating tanungin si Daddy
kung gusto niyang sumama sa'tin.

33:56.326 --> 33:58.620
Gusto mong sumama, Daddy?
Magugustuhan mo 'yon.

33:58.704 --> 34:00.289
No'ng huli akong nag-surfing...

34:01.749 --> 34:03.667
medyo palpak. Natatandaan mo ba?

34:05.085 --> 34:09.590
Madali lang. Magsisimula tayo
sa La Jolla Cove nang napakaaga,

34:09.757 --> 34:12.259
walang alon,
puwede tayo sa kalmadong tubig.

34:12.342 --> 34:14.511
Mukhang ayos 'yon. Pupunta tayo.

34:14.595 --> 34:17.264
Mag-stand-up paddle boarding tayo.

34:17.973 --> 34:19.641
Ayos. Magiging masaya 'yon.

34:20.768 --> 34:21.685
Sige.

34:22.936 --> 34:26.440
Sikat na cinnamon rolls.
Kakainin ba natin 'to?

34:26.523 --> 34:28.400
Kunin mo... Ang init!

34:28.484 --> 34:29.735
Diyos ko!

34:32.237 --> 34:34.865
-Ayos ka lang ba?
-Ayos lang ako. Pasensya na.

34:39.203 --> 34:40.788
Ikuwento mo sa'kin 'yong...

34:43.123 --> 34:44.374
WARCOM 'yon.

34:47.628 --> 34:48.796
Si Reece 'to.

34:51.507 --> 34:54.176
Hindi, sir. Imposible 'yon.

34:57.387 --> 34:58.931
Sige, sir. Papunta na 'ko.

35:06.396 --> 35:09.900
Kailangan ko 'yon ngayon.
Hindi bukas, ngayon. Mauuna na 'ko.

35:09.983 --> 35:11.693
-Reece.
-Captain, nasa'n si Boozer?

35:11.777 --> 35:14.780
Kinuha na ng coroner ang katawan.
Naghihintay kami ng meeting.

35:14.863 --> 35:17.574
Mga 30 minuto. Reece, sasamahan kita.

35:17.658 --> 35:20.202
Commander Reece.
Special Agent Holder, NCIS.

35:21.286 --> 35:22.162
-Sir...
-Tabi.

35:31.421 --> 35:35.843
May mga kailangan akong itanong sa'yo
tungkol sa pag-iisip ni...

35:37.135 --> 35:38.220
Petty Officer Vicker.

35:42.850 --> 35:45.352
Kasama ko siya kahapon. At ayos lang siya.

35:46.895 --> 35:49.273
Imposibleng magbabaril siya.

35:50.816 --> 35:52.526
-Pasensya na. Kahapon?
-Oo.

35:53.360 --> 35:56.780
Magkasama kaming umuwi galing Incirlik.
At ayos lang siya.

35:59.116 --> 36:00.117
Commander.

36:01.285 --> 36:02.286
Hindi 'yon...

36:02.494 --> 36:05.622
'Di 'yon posible. Dalawang araw na
mula no'ng nagbaril si Vickers.

36:05.706 --> 36:07.708
Hindi, pasensya na, mali ka.

36:08.292 --> 36:10.961
-Alam mo? Huminga ka muna.
-Sabihin mo sa kanila!

36:11.253 --> 36:13.255
Kakauwi lang ni Commander
galing sa labanan.

36:13.380 --> 36:15.257
Oo. Kasama ni Vickers. Kahapon.

36:17.551 --> 36:18.552
Sige.

36:18.844 --> 36:23.432
Umuwi si PO-One Vickers kasama ng mga labi
ng mga tao mo dalawang araw ang nakaraan.

36:24.099 --> 36:26.435
No'ng kinagabihan, nagpakamatay siya.

36:27.561 --> 36:29.271
Nakita ng mga kapitbahay kanina.

36:29.354 --> 36:32.232
Coronado Police ang nauna sa eksena.

36:32.566 --> 36:34.234
Ikinalulungkot ko, Commander.

36:35.277 --> 36:36.612
Dahan-dahan, boss.

36:37.404 --> 36:38.655
Dahan-dahan.

36:55.380 --> 36:56.381
Reece.

36:57.549 --> 37:00.802
'Di mo 'to kailangang gawin ngayon.
Puwede kang magpahinga.

37:00.886 --> 37:03.221
-Puwede, kung makakapaghintay.
-Sige.

37:03.972 --> 37:07.142
Tuloy tayo sa mga inaalala mo
sa operational intelligence.

37:07.225 --> 37:08.268
Tara.

37:08.393 --> 37:09.353
Push-ups, handa na?

37:09.519 --> 37:10.395
Handa na!

37:10.562 --> 37:11.897
-Isa!
-Isa!

37:11.980 --> 37:12.814
-Dalawa!
-Dalawa!

37:13.023 --> 37:16.652
Sir, ang paniniwala ko, nakapuntirya
ang pag-atakeng 'to sa Alpha Platoon.

37:17.819 --> 37:20.405
2018 pa tinutugis ng tropa ko si Kahani,

37:20.656 --> 37:23.909
at dalawang Quds Force lieutenant niya
ang napatay namin no'n.

37:24.034 --> 37:26.536
May nagbigay ng maling intel
sa tao ko sa Aleppo.

37:27.120 --> 37:28.288
Patibong 'to.

37:28.413 --> 37:31.041
Hinahanap ng SOCOM at CIA si Moussa.

37:31.458 --> 37:33.877
On hold ang operasyon sa Syria,

37:35.170 --> 37:38.632
pero ang gusto kong malaman,
ano'ng nangyari sa mismong Op?

37:41.051 --> 37:42.052
Sir?

37:42.135 --> 37:45.055
Ikaw lang ang natitirang saksi.

37:45.138 --> 37:47.349
Pero walang maintindihan sa file na 'to.

37:51.395 --> 37:52.562
Tama ang file na 'yan.

37:53.730 --> 37:57.693
Maiintindihan mo 'pag naisip mong
may nagmanipula sa audio record namin.

37:57.901 --> 38:00.445
Lilinawin ko lang. 'Yon ang paniniwala mo?

38:00.529 --> 38:04.700
Na may SDF Trooper na nataranta
at nagpasabog ng IED.

38:05.117 --> 38:06.994
-Hindi si SO-Two Mitchell?
-Opo.

38:07.661 --> 38:10.247
Oo, sir, pinaninindigan ko ang pahayag ko.

38:10.580 --> 38:13.542
Kung tama ako,
'di tayo puwedeng kumilos do'n

38:13.625 --> 38:15.919
hangga't 'di alam
kung sino'ng may teknolohiya,

38:16.003 --> 38:19.965
ang may kakayahang gumawa ng gano'n
at magse-set up sa'tin.

38:22.300 --> 38:26.513
Sabihin mo sa'kin ang nangyari
kay Petty Officer Vickers.

38:26.722 --> 38:32.144
Sabi ng NCIS, kinuwestyon mo raw
ang oras ng pagkamatay ni Vickers.

38:34.396 --> 38:38.942
Kinuwestyon ko, sir,
kung ba't magbabaril si Boozer.

38:41.194 --> 38:43.572
Pero, oo, medyo malabo ang oras ko.

38:43.989 --> 38:47.451
Nagkaroon ng matinding concussion
si Commander sa misyon.

38:49.202 --> 38:51.413
May mga nararanasan siyang epekto.

38:51.788 --> 38:54.791
At nakakaapekto kaya
ang "mga epektong" 'to

38:55.709 --> 38:58.170
sa pag-alala mo sa operasyon?

38:58.253 --> 39:00.213
'Di mo makakalimutan ang gano'ng Op, sir.

39:01.757 --> 39:02.758
Hindi, sir.

39:09.139 --> 39:10.932
Alam mo, Reece,

39:12.100 --> 39:14.644
hanga ako sa paninindigan mo.

39:16.063 --> 39:19.858
Mula enlisted sniper,
para maging Troop Commander,

39:19.941 --> 39:23.612
di 'yon biro. At sa edad na 40,
matalas ka pa rin.

39:25.572 --> 39:27.657
Pero kailangan mong itama ang sarili mo.

39:32.621 --> 39:35.582
Mag-ahit ka kapag nasa garrison ka.

39:36.249 --> 39:38.752
Ginagawa tayong huwaran ng mga tao.

39:40.087 --> 39:41.254
Lalo na ngayon.

39:43.965 --> 39:44.800
Opo, sir.

39:45.967 --> 39:48.178
Ipinaalam sa'tin na
bawat SEAL sa platoon,

39:48.261 --> 39:51.181
makakatanggap ng posthumous Silver Star,
pati si Vickers.

39:51.264 --> 39:52.099
Tara na!

39:52.182 --> 39:55.268
Pupunta sa libing
ang Secretary of Defense.

39:55.352 --> 39:57.437
Sigurado akong matutuwa ang mga pamilya.

39:58.105 --> 39:59.397
Kumpirmado ba, sir?

40:00.816 --> 40:03.401
-Ang mga medalya?
-Ang sanhi ng pagkamatay ni Boozer.

40:03.652 --> 40:05.654
Tinanong ko ulit sa coroner.

40:06.363 --> 40:09.574
Kinumpirma nilang self-inflicted wound.
Kalibre nuwebe.

40:11.618 --> 40:13.120
Sir, pasensya na, sir.

40:14.037 --> 40:15.956
Team pistol niya ang ginamit niya?

40:16.665 --> 40:17.791
SIG niya mismo.

40:18.625 --> 40:20.752
Regalo yata 'yon ng platoon?

40:23.630 --> 40:27.050
Reece, sigurado ka bang ayos lang sa'yong
pumunta sa mga libing?

40:28.176 --> 40:30.804
Puwede naming gawan ng dahilan
ang 'di mo pagpunta.

40:30.887 --> 40:32.055
Pupunta ako, sir?

40:48.029 --> 40:49.156
May darating na bagyo.

40:51.408 --> 40:53.493
Kung ayaw mong makipagkuwentuhan,

40:53.869 --> 40:58.165
umupo ka lang d'yan at panoorin mo 'kong
ayusin ang layag. Ayos lang din 'yon.

41:00.417 --> 41:02.502
May nakikita ka bang mali sa balang 'to?

41:13.388 --> 41:14.389
Gaya ng ano?

41:16.725 --> 41:17.726
'Yong kalibre.

41:18.977 --> 41:20.312
Gusto ko ang SIG ko.

41:21.229 --> 41:24.357
Ang paboritong pistol ni Boozer,
custom 1911-45.

41:27.652 --> 41:30.780
Ayaw niya sa kalibre nuwebe ng Team.
Ayaw na ayaw niya.

41:33.533 --> 41:36.203
Lagi naming pinagtatalunan
ang mga katangian.

41:37.120 --> 41:38.872
Kalibre nuwebe kumpara sa 45.

41:40.457 --> 41:42.125
Mas malaking magazine ba,

41:42.209 --> 41:44.502
o mas maraming lead
na mag-iitsa para sa'yo.

41:44.586 --> 41:46.379
Sa ibang bansa, 45 ang gusto niya.

41:46.463 --> 41:48.882
Sabi niya, kung may sisirain ka,
sirain mo na.

41:48.965 --> 41:52.677
'Wag mong butasin, 'wag kang
magdala ng kutsilyo sa espadahan.

41:54.846 --> 41:59.392
'Di ako naniniwala, pare. Imposibleng
nagbaril si Boozer gamit ang SIG.

42:00.227 --> 42:01.311
Imposible.

42:02.604 --> 42:04.147
Sinumang nag-set up sa'min...

42:07.984 --> 42:10.946
Mapepeke nila ang ebidensya,
pero 'di nila mapepeke si Boozer.

42:13.990 --> 42:17.661
May mga asset ang Quds
na pumapatay ng mga SEAL sa Coronado?

42:19.204 --> 42:20.997
'Yon ang sinasabi mo sa'kin.

42:21.248 --> 42:22.582
Meron nga.

42:25.543 --> 42:26.544
Pahiram?

42:33.593 --> 42:35.387
"Mabuhay ang kapatiran."

42:35.679 --> 42:36.888
Tama.

42:36.972 --> 42:38.807
Nami-miss ko ang Teams, pare.

42:42.811 --> 42:46.398
Baka pinili ni Boozer ang Team gun
dahil may sinasabi siya.

42:47.023 --> 42:48.566
Gano'n siya nagpaalam.

42:52.779 --> 42:53.780
Siguro.

43:02.455 --> 43:06.876
Ba't 'di n'yo hiramin nina Laur at Luce
ang bangka sa katapusan ng linggo,

43:07.669 --> 43:11.047
at maglayag kayo, estilo'ng Kon-Tiki?

43:12.007 --> 43:13.925
Pumunta kayo sa rancho ni Marco.

43:15.010 --> 43:16.219
Mag-relax kayo.

43:20.473 --> 43:22.225
Sa tingin mo ba, nababaliw ako?

43:25.729 --> 43:26.646
Hindi.

43:30.817 --> 43:33.945
Pero sa tingin ko, naalog ka nang mabuti.

43:36.489 --> 43:38.658
Pero, kapatid mo 'ko.

43:39.951 --> 43:43.496
At kung pakiramdam mo, may mali,
kahit ano...

43:44.831 --> 43:45.957
Tawagan mo 'ko.

43:48.043 --> 43:48.877
Alam ko 'yon.

43:49.586 --> 43:52.297
Mabuti. Sige, isa pang beer.

44:18.865 --> 44:21.493
KINUHA NG VOLTSTREEM ANG
IMPACT JOURNALIST NA SI KATIE BURANEK

44:27.332 --> 44:29.542
ANG MGA LIMOT NA SUNDALO:
MGA SPECIAL OPERATOR NG AMERIKA

44:37.717 --> 44:39.219
MAKIPAG-UGNAYAN KAY KATIE BURANEK

44:49.896 --> 44:53.483
NO'NG NAGKITA TAYO SA INCIRLIK,
MAG-ISA BA 'KO?

44:57.654 --> 45:00.323
MAG-ISA BA 'KO?

45:04.119 --> 45:06.371
'Di makatuwiran
ang hinihingi namin sa inyo.

45:07.622 --> 45:10.792
At nagpapasalamat ako
sa pagsasakripisyo n'yong lahat.

45:11.751 --> 45:13.837
Isang bayan ang nagluluksa kasama ninyo

45:14.546 --> 45:15.547
at nagpapasalamat,

45:16.214 --> 45:19.384
habang kinikilala
ang mahalagang miyembro nitong komunidad.

45:20.260 --> 45:21.803
Ginawaran ng Silver Star,

45:22.554 --> 45:25.056
si Petty Officer First Class
Victor Ramirez.

45:26.766 --> 45:27.976
Handa. Harap.

45:29.769 --> 45:31.438
Agap, TA.

45:33.606 --> 45:36.526
Handa. Sipat. Putok.

45:38.611 --> 45:40.363
Paurong. Kanan.

45:42.490 --> 45:45.243
Handa. Sipat. Putok.

45:46.327 --> 45:49.789
UNITED STATES
NAVAL SPECIAL WARFARE COMMAND

45:58.965 --> 46:01.301
MGA CHEMICAL WEAPON, NAUUGNAY SA IRAN

46:02.552 --> 46:04.429
Isang bayan ang nagluluksa kasama ninyo

46:05.430 --> 46:11.186
at nagpapasalamat, habang kinikilala
ang mahalagang miyembro nitong komunidad.

46:11.811 --> 46:13.438
Ginawaran ng Silver Star,

46:14.105 --> 46:16.524
si Special Warfare Operator Second Class,

46:17.525 --> 46:18.735
Donald Mitchell.

46:18.902 --> 46:21.571
Handa. Sipat. Putok.

46:31.664 --> 46:33.041
WALANG NAKITANG MENSAHE

46:33.750 --> 46:36.836
'Di makatuwiran
ang hinihingi namin sa inyo

46:37.420 --> 46:40.548
at nagpapasalamat ako
sa pagsasakripisyo n'yong lahat.

46:42.675 --> 46:45.720
Kinikilala natin ang pagkamatay
ng ginawaran ng Silver Star

46:45.887 --> 46:49.516
na si Petty Officer
Ernest "Boozer" Vickers.

46:57.565 --> 46:58.983
-Commander Reece.
-Ma'am.

47:01.819 --> 47:05.156
Mrs. Reece.
Ikinuwento ka sa'kin ng asawa ng Admiral.

47:05.949 --> 47:08.743
Natalo mo raw ang karamihan sa kanila
sa lokal na karera.

47:09.244 --> 47:11.079
Magbabayad ako para mapanood 'yon.

47:11.329 --> 47:13.039
Salamat, Madam Secretary.

47:14.916 --> 47:16.543
Puwedeng pahiram ng asawa mo?

47:16.793 --> 47:17.794
Siyempre po.

47:24.801 --> 47:26.553
'Di ako masyadong mapulitika.

47:26.886 --> 47:30.640
Sinasabi ko ang naiisip ko
at ginagawa ko ang gusto ko.

47:30.723 --> 47:31.683
Opo, ma'am.

47:32.600 --> 47:37.230
Kaya 'pag sinabi ko na kahit ano'ng
kailangan mo at ng mga pamilyang 'to

47:37.313 --> 47:40.275
para makabangon ulit, ibibigay 'yon.

47:41.693 --> 47:42.694
Salamat, ma'am.

47:46.739 --> 47:49.033
Irerekomenda kita para sa Navy Cross.

47:49.367 --> 47:51.744
-'Di ako karapat-dapat do'n.
-Karapat-dapat ka.

47:52.453 --> 47:55.373
Sabi ng rangers, 'di ka nila makaladkad
palabas ng tunnel.

47:55.456 --> 47:57.542
Nagpumilit kang tulungan ang mga tao mo.

48:00.169 --> 48:03.464
At ipinapakita no'n sa mga SEAL
na babalik sa bakbakan

48:03.548 --> 48:05.967
na tinatayuan namin
ang mga operator namin.

48:06.050 --> 48:08.386
Ma'am, may mga ide-deploy na SEAL?

48:10.221 --> 48:13.558
Akala ko, on hold ang paghabol
sa pagpalya ng intelligence.

48:13.641 --> 48:15.059
Nahanap namin si Moussa.

48:15.351 --> 48:18.980
May butas siya sa ulo,
at pera ng Quds Force sa bulsa.

48:23.276 --> 48:27.030
Nakatuon ako sa susunod na galaw
ni Kahani. Gusto ko, nando'n ako 'pag...

48:28.281 --> 48:29.532
'pag nahanap natin siya.

48:30.825 --> 48:33.620
'Pag patay na si Kahani,
ikaw ang unang makakaalam.

48:41.085 --> 48:42.795
May dala ka bang 20?

48:44.881 --> 48:45.965
James.

48:47.133 --> 48:49.510
May pera ka ba para sa babysitter?

48:51.679 --> 48:52.889
Baka puwede nating...

48:53.348 --> 48:55.725
-Puwede nating i-Venmo.
-Walang tao sa libing.

48:56.100 --> 48:58.686
'Di sumipot ang asawa ni Mallory.

48:59.562 --> 49:01.439
'Di lang 'yon ang dapat kay Boozer.

49:06.194 --> 49:09.030
Tumawag ka ba sa klinika
para ipa-schedule ang MRI?

49:10.698 --> 49:11.699
James?

49:11.991 --> 49:13.034
Umigi na 'ko.

49:58.579 --> 49:59.580
James.

50:08.005 --> 50:10.091
Malalampasan natin 'to, ha?

50:16.347 --> 50:17.890
Ayos lang ako, mahal.

50:17.974 --> 50:19.892
Ayos lang ako.

50:35.158 --> 50:36.367
Ano? Ano?

50:36.451 --> 50:40.246
Nakikita mo ba 'yong gray na kotse?
Nando'n lang, nakaparada.

50:40.997 --> 50:43.166
Nasa libing 'yan, sinundan tayo rito.

50:46.502 --> 50:47.962
-Sigurado ka ba?
-Sigurado ako.

50:48.880 --> 50:51.257
Pumasok ka na. Kunin mo si Lucy.

51:28.544 --> 51:30.129
-Kamay!
-Diyos ko!

51:31.798 --> 51:33.341
Pasensya na, Commander.

51:35.426 --> 51:38.095
Kailangan lang kitang makausap
nang malayo sa Teams.

51:45.019 --> 51:47.021
Maikukuha ba kita ng tsaa o kahit ano?

51:48.439 --> 51:49.982
May mas matapang ba?

51:50.650 --> 51:52.109
Parang may bukas kaming bote...

51:52.193 --> 51:54.987
-Ayos lang, mabilis lang 'to.
-Alam mo, ayos lang ako.

51:55.154 --> 51:57.657
Salamat. At pasensya na
sa nangyari kanina.

51:59.534 --> 52:01.077
Papatulugin ko na si Lucy.

52:01.994 --> 52:02.912
Sige.

52:09.377 --> 52:11.170
Iba 'yon.

52:12.255 --> 52:14.966
Labing-walong buwan akong
nasa iba't ibang base at outpost,

52:15.049 --> 52:17.009
pero 'di ako natutukan ng baril.

52:19.679 --> 52:22.139
Natutuwa pa rin ako na
nakipag-ugnayan ka sa'kin.

52:23.182 --> 52:25.977
Nitong nakaraang dalawang taon,
anim na buwang salitan

52:26.102 --> 52:28.479
ang deployment at training ng tropa mo.

52:28.563 --> 52:30.731
67% mas kaunting pahinga...

52:30.815 --> 52:32.942
'Di ako nakipag-ugnayan
tungkol sa OPTEMPO.

52:33.025 --> 52:35.403
Sino'ng kasama ko
no'ng nagkita tayo sa Incirlik?

52:35.486 --> 52:38.197
Pero 'di 'yon
ang itinanong mo sa'kin, 'no?

52:38.406 --> 52:39.740
'Di 'yon mismo.

52:41.284 --> 52:44.871
Inimbestigahan ko ang pagkamatay
ni Si PO-One Vickers. "Boozer", 'di ba?

52:44.954 --> 52:47.540
Nakahanap ako ng kopya ng police report.

52:48.207 --> 52:50.001
Ito ang death certificate niya.

52:52.420 --> 52:53.629
Tingnan mo ang petsa.

53:00.636 --> 53:04.765
Patay na siya, dito sa Coronado,
no'ng nagkita tayo sa Incirlik.

53:05.099 --> 53:09.145
Binanggit ko ang deployment ng tropa mo
kasi kung ang sobrang trabaho at pagod

53:09.228 --> 53:12.607
ay parte ng pagkamatay ng mga tao mo,
'di mo 'yon kasalanan.

53:12.690 --> 53:14.734
Pero may kailangang panagutin...

53:14.817 --> 53:15.943
Kailangan mo nang umalis.

53:16.569 --> 53:19.614
Alam kong sa tingin mo, kalaban ako,
pero ang totoo ang hanap ko.

53:19.697 --> 53:23.075
Kung nalagay kayo sa alanganing sitwasyon
dahil sa bulok na sistema...

53:23.159 --> 53:27.455
Salamat sa oras mo, Miss Buranek.
Salamat sa pagdaan mo.

53:32.126 --> 53:35.296
Sige. Nandito ako sa bayan
ngayong susunod na linggo.

53:35.671 --> 53:37.882
Kaya kung magbabago ang isip mo...

53:42.386 --> 53:43.512
Salamat.

54:03.532 --> 54:05.034
Hahanapin natin si Kahani.

54:07.495 --> 54:09.455
'Pag nahanap natin siya, babalatan ko.

54:09.789 --> 54:11.415
Mabuhay ang kapatiran.

54:12.583 --> 54:14.126
Mabuhay ang kapatiran.

54:58.629 --> 55:01.215
Mukhang may nangyari sa'kin
sa Op na 'yon.

55:06.262 --> 55:07.888
Kailangan kong tawagan ang klinika.

55:25.448 --> 55:27.867
-Alam mo ba kung ano ang Engram?
-Hindi.

55:27.950 --> 55:30.244
Ito ang "holy grail" ng brain research.

55:30.327 --> 55:33.164
Pisikal na daanan
para sa pag-encode ng mga alaala.

55:33.372 --> 55:36.042
Visualization ito ng maayos na pag-alala,

55:36.250 --> 55:37.918
natatanging mapa ang bawat memorya.

55:38.294 --> 55:41.047
Pero 'pag nagulo
ang mga daanan ng alaala natin,

55:41.338 --> 55:43.215
nagkakapatong-patong.

55:43.299 --> 55:45.384
Ang mga luma at bagong alaala.

55:46.677 --> 55:50.056
Kaya ang alaala mula no'ng nakaraang taon,
parang kahapon nangyari.

55:50.139 --> 55:54.101
-'Di mapag-iba ng utak mo.
-Puwedeng dahil 'yon sa concussion?

55:54.310 --> 55:57.646
Puwede. Kung papahintulutan mo,
titingnan natin nang mas mabuti.

56:01.734 --> 56:04.195
Magbibigay ang scan
ng detalyadong mapa ng utak mo.

56:04.278 --> 56:07.573
Wala pa 'tong isang oras.
Susunduin ka namin 'pag tapos na.

56:25.925 --> 56:27.635
Malapit nang magsimula, James.

56:28.135 --> 56:29.136
Kopya.

56:51.826 --> 56:53.953
Ayos 'yan, James. Relax ka lang.

56:54.036 --> 56:56.914
Magsisimula na ang susunod
at pinakamahabang yugto ng scan.

57:16.308 --> 57:17.977
Kailangan ng tulong ni Mitchell.

57:18.060 --> 57:20.062
-Napakaingay.
-Donny. 'Wag kang lumapit.

57:20.146 --> 57:22.606
-Napakaingay, Ram!
-Hindi, kaya natin 'to...

57:22.898 --> 57:23.899
Donny!

57:24.191 --> 57:25.025
-Hindi.
-Uy.

57:25.109 --> 57:26.110
Donny!

57:26.902 --> 57:29.155
Hindi!

57:34.326 --> 57:35.703
Donny, 'wag!

57:54.763 --> 57:56.056
Ayos na ba tayo, doc?

58:45.981 --> 58:47.942
Ganito n'yo ba pinatay si Boozer?

58:49.485 --> 58:50.819
Diskarte ng duwag.

01:00:55.778 --> 01:00:59.365
Si Lauren Reece ito.
Mag-iwan ng mensahe pagkatapos ng beep.

01:01:00.699 --> 01:01:02.826
Laur, ako... Ako 'to. Totoo.

01:01:02.910 --> 01:01:05.245
Pinagtangkaan nila ako.
Hawak nila ang baril ko.

01:01:05.329 --> 01:01:08.582
Umalis na kayo ng bahay ni Lucy.
Tawagan mo 'ko 'pag ligtas kayo.

01:01:14.713 --> 01:01:15.964
Dali! Tabi!

01:01:17.299 --> 01:01:20.636
-9-1-1, ano'ng emergency n'yo?
-Si Commander James Reece 'to.

01:01:20.719 --> 01:01:23.806
Magpapunta kayo ng patrol units
sa 423 Cayman Street.

01:01:24.264 --> 01:01:26.725
Uulitin ko, 423 Cayman Street.

01:02:40.591 --> 01:02:42.092
Hindi. Hindi.

01:03:16.668 --> 01:03:17.711
Patawad.

01:04:50.679 --> 01:04:52.681
Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Alyssa Lesaca
