WEBVTT

00:14.541 --> 00:15.750
Galingan n'yo.

00:16.791 --> 00:19.458
Ako ang original na Viral Hit.

00:27.250 --> 00:29.250
Tumigil ka. Sasama ka sa 'min.

00:35.083 --> 00:36.208
Gago ka, a!

00:49.333 --> 00:50.541
Ano 'yan?

01:01.958 --> 01:03.083
MAGPALAKAS KA PA!

01:03.166 --> 01:04.958
May ganyan din akong keychain.

01:07.000 --> 01:08.250
Ang childish, 'no?

01:08.958 --> 01:10.416
Hindi, a.

01:10.500 --> 01:11.333
Pero…

01:13.125 --> 01:15.083
importante talaga 'yan sa 'kin.

01:15.791 --> 01:18.416
Dito na siya sa 'tin titira
simula next week.

01:18.916 --> 01:20.666
Registered na 'yong kasal namin.

01:24.333 --> 01:25.375
Last year,

01:26.083 --> 01:27.958
namatay 'yong mama ko.

01:28.583 --> 01:30.791
Tapos kailan lang,
nagpakasal na sa iba si Papa.

01:33.041 --> 01:37.250
Matagal na sa 'kin 'yong keychain,
pero naiwala ko.

01:38.583 --> 01:41.250
Ang tagal ko ring hinanap 'yon.

01:45.666 --> 01:48.166
Tapos may napulot ako
na kamukhang-kamukha niya.

01:59.833 --> 02:01.541
NEWTUBE@VIRAL_HIT

02:04.583 --> 02:07.000
MINDSET SA PAKIKIPAGLABAN
UNLISTED

02:07.333 --> 02:11.208
Hello, guys. Ako si TOU-KEI.

02:11.291 --> 02:13.750
Tuturuan ko kayo kung paano magpalakas.

02:13.833 --> 02:14.666
Pero…

02:15.583 --> 02:17.625
bakit mo sinend sa 'kin 'yong videos?

02:18.250 --> 02:21.291
Nakita ko kasing binu-bully ka.

02:23.625 --> 02:25.083
-Ha?
-Aray.

02:28.583 --> 02:29.583
Sorry na.

02:30.166 --> 02:32.458
Naisip ko, baka matulungan kita.

02:33.458 --> 02:37.708
Kaya sinend ko sa 'yo 'yong links isa-isa.

02:44.041 --> 02:46.166
Subukan mo lang na gaguhin ako ulit.

02:46.250 --> 02:47.666
@PAANO_MAKIPAGLABAN

02:47.750 --> 02:49.208
Di ko alam na gano'n pala…

02:49.708 --> 02:50.958
Sorry.

02:51.541 --> 02:53.083
Hindi, thank you.

02:53.583 --> 02:57.791
Halos di mo pa 'ko kilala no'n,
pero naisip mong tulungan ako.

03:02.666 --> 03:03.875
Pero, ayun,

03:04.625 --> 03:06.416
wala nang ibang video.

03:06.500 --> 03:07.541
Ano?

03:07.625 --> 03:08.791
Kaya…

03:09.375 --> 03:11.208
pag-isipan mo sana ulit

03:12.666 --> 03:14.583
'yong tungkol sa medical fees.

03:19.000 --> 03:20.291
Mauna na 'ko.

03:21.541 --> 03:22.708
Asamiya.

03:26.750 --> 03:30.166
Makikita pa ba kita ulit?

03:35.375 --> 03:36.208
Oo.

04:05.041 --> 04:06.333
Goodbye.

04:09.708 --> 04:11.916
-Okay lang po ba kayo, Ma?
-Oo.

04:20.583 --> 04:21.958
Eto na tayo.

04:23.458 --> 04:24.666
Hay.

04:26.375 --> 04:27.916
-Salamat.
-Opo.

04:29.125 --> 04:30.083
Ms. Kaho?

04:30.166 --> 04:31.750
Uy, hello.

04:31.833 --> 04:34.416
Hinahanap mo ba si Director?

04:34.500 --> 04:35.625
Ay, hindi.

04:35.708 --> 04:36.541
Ano…

04:37.041 --> 04:39.583
Kilala n'yo ba 'yong lalaking 'yon?

04:40.416 --> 04:42.291
A, si Mr. Shimura.

04:43.291 --> 04:45.125
Sobrang bait na anak n'yan.

04:45.625 --> 04:48.166
Inaalagaan niya nang mabuti
'yong mama niya.

04:48.250 --> 04:50.416
Pabalik-balik siya sa ospital, e.

04:50.916 --> 04:52.333
Ako si Asamiya Kaho.

04:52.416 --> 04:53.958
Excited na 'kong mag-work.

04:54.041 --> 04:56.416
-Pag may tanong ka, magsabi ka lang.
-Okay po.

04:59.291 --> 05:00.125
Ang init!

05:12.208 --> 05:13.916
Eto. Nakita ko na!

05:16.166 --> 05:17.250
Thank you!

05:18.458 --> 05:19.500
Kaho!

05:22.500 --> 05:23.791
Teka…

05:27.166 --> 05:28.625
Asamiya!

05:40.958 --> 05:42.250
Nakauwi na po ako.

05:44.291 --> 05:45.625
Saan ka galing?

05:46.875 --> 05:47.916
D'yan lang sa labas.

05:48.750 --> 05:50.833
Pinuntahan mo 'yong Kuwata na 'yon?

05:53.666 --> 05:54.916
Pasensiya ka na.

05:56.208 --> 05:59.583
Nag-alala ako sa 'yo,
kaya pumasok ako sa kuwarto mo.

06:00.291 --> 06:02.125
Ano? Wag na kayong makialam.

06:02.208 --> 06:05.833
Anong klaseng magulang 'yong hahayaan
na maghirap 'yong anak niya?

06:07.000 --> 06:08.750
Problema namin 'to.

06:08.833 --> 06:10.083
Wala kayong pakialam.

06:10.166 --> 06:11.333
Hindi.

06:11.416 --> 06:12.958
Responsable din ako do'n.

06:14.625 --> 06:16.416
Ang sinasabi ko, tutulungan kita.

06:23.708 --> 06:25.750
Sa'n ka galing? Gabi na.

06:33.375 --> 06:35.375
Nakipagkita ka na naman sa lalaking 'yon?

06:36.791 --> 06:38.458
Sabi mo, di mo na siya kikitain.

06:40.708 --> 06:42.833
Nag-goodbye lang po ako.

06:44.166 --> 06:48.125
Simula ngayon, school at tutor na lang
'yong pwede mong puntahan.

06:49.000 --> 06:51.958
Titingnan ko sa GPS
'yong mga pupuntahan mo.

06:53.458 --> 06:54.500
Naiintindihan mo?

07:03.791 --> 07:06.666
MAGPALAKAS KA PA!
NEWTUBE @VIRAL_HIT

07:09.291 --> 07:11.333
Wala ka nang mapapanood
na videos ni TOU-KEI.

07:18.791 --> 07:20.208
MMA MATCH

07:20.291 --> 07:22.500
MMA MATCH
NEWTUBE - BAD FELLOWS OFFICIAL

08:04.458 --> 08:05.333
Ano?

08:05.416 --> 08:07.125
Nakapag-decide ka na ba?

08:08.375 --> 08:11.083
Oo. Nakapag-decide na 'ko.

08:11.791 --> 08:12.875
Okay.

08:12.958 --> 08:14.166
Magsusumbong ako sa pulis.

08:16.041 --> 08:17.208
Rumi.

08:20.166 --> 08:21.791
Ikaw, ha…

08:22.833 --> 08:24.208
Seryoso ka ba?

08:24.291 --> 08:26.291
O kakausapin ko 'yong CEO, si Mr. Kuwata.

08:31.500 --> 08:35.166
Tingin mo, hindi 'yon alam ni Mr. Kuwata?

08:40.416 --> 08:42.666
Siya nga 'yong nag-uutos, e.

08:45.541 --> 08:47.666
Ginagawa niya 'to

08:48.583 --> 08:53.000
para makakuha ng pera
sa mga tanga at mahihinang tulad mo.

08:54.625 --> 08:55.458
Kung gano'n…

08:56.833 --> 08:58.833
pa'no kung magsumbong ako sa pulis?

09:00.500 --> 09:02.875
Alam mo ba'ng nangyayari
sa mga kumakalaban sa kanya?

09:03.375 --> 09:04.208
Ha?

09:06.958 --> 09:08.541
Mawawala ka sa mundong 'to.

09:08.625 --> 09:10.083
Kung oo…

09:12.375 --> 09:14.250
dapat protektahan mo siya.

09:15.000 --> 09:16.333
Mawawala ako?

09:17.125 --> 09:18.750
Hindi, di ako naniniwala.

09:24.541 --> 09:25.583
Kung gano'n…

09:28.041 --> 09:29.541
bakit di natin alamin?

09:30.458 --> 09:31.291
Ano?

09:33.000 --> 09:38.625
Meron nang sumubok dati
ng gusto mong gawin.

09:48.166 --> 09:49.583
Buhay ka pa?

10:03.875 --> 10:05.208
Di ako okay sa laban na 'yon.

10:05.291 --> 10:06.625
Tumanggi ka.

10:08.625 --> 10:12.166
Puro panalo ka sa mga laban mo
kasi walang rules sa mga 'yon.

10:12.833 --> 10:16.166
Ibang usapan na pag lumaban ka
sa trained na fighter sa loob ng ring.

10:16.750 --> 10:19.958
Pero kailangan ko 'yong pera.

10:21.083 --> 10:24.041
Tingin mo ba,
may mga magdo-donate pa sa inyo?

10:25.500 --> 10:27.875
Wag mo nang pahirapan si Kaho.

10:29.166 --> 10:33.416
Ayaw na niyang makita ka na nasasaktan.

10:35.875 --> 10:38.041
Di kita matutulungan ngayon.

10:46.958 --> 10:49.250
Ano'ng gagawin ko?

10:50.250 --> 10:52.333
Wala nang ibang video…

10:53.875 --> 10:55.208
Hey, boy.

10:58.125 --> 10:59.833
Gusto mong makita si TOU-KEI?

11:03.208 --> 11:06.791
"Hello, guys. Ako si TOU-KEI."

11:09.083 --> 11:09.916
Ha?

11:15.875 --> 11:16.708
Aki?

11:17.333 --> 11:18.666
Pumunta ka dito.

11:19.166 --> 11:21.041
Isama mo si Logan.

11:23.625 --> 11:25.083
Naguguluhan ako.

11:26.375 --> 11:28.250
Matagal ko nang kaibigan si Logan.

11:28.750 --> 11:30.625
Nanonood din siya sa Viral Hit.

11:31.125 --> 11:33.416
Teka, alam mo 'yong tungkol kay TOU-KEI?

11:33.500 --> 11:34.625
Kalma ka lang.

11:35.333 --> 11:36.583
Bago 'yon,

11:37.166 --> 11:39.458
pa'no mo na-access 'yong mga video?

11:43.750 --> 11:46.750
Sinend sa 'kin no'ng nakapulot nito.

11:47.250 --> 11:48.791
Akin 'to, a.

11:48.875 --> 11:50.125
Naiinis talaga ako sa 'yo.

11:50.208 --> 11:51.750
Sad girl ang puta.

11:53.583 --> 11:55.708
Akalain mo, nasa 'yo pala 'to.

11:56.291 --> 11:57.125
E di…

11:58.125 --> 12:00.166
kayo po ba si TOU-KEI, Mr. Logan?

12:00.708 --> 12:01.541
Hindi.

12:01.625 --> 12:02.458
Ha?

12:03.291 --> 12:05.750
Kung gano'n, sino si TOU-KEI?

12:06.250 --> 12:07.083
Ako.

12:13.166 --> 12:14.000
Hindi nga!

12:14.875 --> 12:16.458
Long time no see, Master.

12:17.041 --> 12:17.875
"Master"?

12:17.958 --> 12:19.375
Wag mo 'kong tawaging gano'n.

12:20.041 --> 12:21.750
Di ko deserve matawag na master.

12:21.833 --> 12:25.625
Lumalaban dati si Papa sa UFC.
American MMA organization 'yon.

12:26.750 --> 12:29.125
No'ng nag-retire ako,
naging coach ako ni Logan,

12:29.208 --> 12:31.583
pero na-injure siya sa training.

12:32.083 --> 12:34.041
Feeling ni Papa, kasalanan niya,

12:34.125 --> 12:37.208
kaya umalis na siya sa MMA
tapos bumalik kami dito sa Japan.

12:37.291 --> 12:40.791
Pero medyo ano po 'yong katawan n'yo…

12:40.875 --> 12:42.458
Parang lumiit, 'no?

12:42.958 --> 12:44.000
Nag-yoga kasi ako.

12:44.083 --> 12:45.125
Yoga po?

12:45.208 --> 12:47.041
Yoga 'yong secret weapon

12:47.125 --> 12:49.416
ng undefeated fighter
na si Rickson Gracie.

12:49.500 --> 12:50.625
Subukan mo minsan.

12:51.791 --> 12:53.416
Pass po muna 'ko d'yan.

12:53.916 --> 12:55.375
'Yong mga video na 'yon…

12:56.458 --> 12:58.000
ginawa ko 'yon para kay Aki.

12:59.083 --> 13:00.541
Para kay Aki po?

13:00.625 --> 13:04.583
Nahirapang mag-adjust si Aki
sa ibang bansa.

13:06.291 --> 13:10.291
Ang kaibigan lang niya no'n,
'yong alaga niyang manok.

13:11.125 --> 13:12.875
LIBINGAN NI P-CHAN

13:12.958 --> 13:15.041
Kaya lang…

13:15.541 --> 13:17.333
namatay 'yong manok niya.

13:48.500 --> 13:50.750
MAGPALAKAS KA PA!
NEWTUBE@VIRAL_HIT

13:52.541 --> 13:55.791
Hello, guys. Ako si TOU-KEI.

13:56.416 --> 13:59.291
Tuturuan ko kayo kung paano magpalakas.

13:59.791 --> 14:02.500
No'ng una,
ginawa ko lang 'yon para matuwa siya,

14:02.583 --> 14:04.166
pero nagustuhan ko rin.

14:04.250 --> 14:06.500
Buti, ginawa n'yo 'yon.

14:06.583 --> 14:07.416
Ha?

14:09.333 --> 14:11.000
Sinabi sa 'kin ni Aki lahat.

14:11.500 --> 14:14.416
Isinumpa kong
di na 'ko magma-martial arts kahit kailan

14:14.500 --> 14:15.833
pero gusto ka ni Aki.

14:15.916 --> 14:18.166
Tingnan natin
kung karapat-dapat ka sa kanya.

14:18.250 --> 14:20.250
-Ay, mali po yata kayo ng—
-Wala nang oras.

14:20.333 --> 14:21.583
Simulan na natin.

14:22.541 --> 14:24.125
-Tara na.
-Opo.

14:34.583 --> 14:36.208
-Sumabay ka.
-Opo!

14:38.500 --> 14:40.000
-One, two.
-Hook!

14:40.083 --> 14:41.750
-One, two, hook!
-Yes, hook!

14:41.833 --> 14:43.041
One, two, hook!

14:50.625 --> 14:51.666
Itaas mo 'yong siko mo!

14:52.916 --> 14:54.041
Mas mataas pa!

14:54.125 --> 14:55.375
Itaas mo 'yong siko mo!

14:56.708 --> 14:58.458
Itaas mo agad pagbaba ng paa mo.

15:05.791 --> 15:06.666
Good.

15:09.000 --> 15:10.125
Taasan mo pa.

15:28.291 --> 15:33.500
SOBRANG HIRAP NG PAMILYA NIYA LOL

15:34.791 --> 15:36.125
VIRAL HIT
UMANI NG DEATH THREATS

15:56.583 --> 15:57.416
Isa pa!

16:34.250 --> 16:35.250
Okay na!

16:44.333 --> 16:46.458
Ang galing mo
dahil nakatagal ka sa training.

16:48.208 --> 16:51.458
Huling araw na natin bukas.

16:52.250 --> 16:53.333
Tingin n'yo po ba,

16:54.250 --> 16:55.500
kaya kong manalo?

16:56.791 --> 16:57.791
Hindi.

16:59.250 --> 17:00.958
Pasensiya ka na, pero…

17:02.125 --> 17:04.083
hindi ka mananalo.

17:05.291 --> 17:06.125
Po?

17:20.875 --> 17:21.958
NAKAKAPAGOD MAG-VIDEO

17:22.041 --> 17:23.875
KABABAE KONG TAO, PINAGTATRABAHO MO 'KO

17:29.083 --> 17:30.291
READ

17:34.458 --> 17:36.291
Uy, ano'ng ginagawa mo?

17:38.875 --> 17:41.583
Ikaw 'yong nagsimula ng Viral Hit.

17:41.666 --> 17:43.541
Dapat kasama ka dito.

17:45.750 --> 17:47.750
Nag-aalala rin si Shimura sa 'yo.

17:51.375 --> 17:52.208
Hay.

17:52.791 --> 17:54.666
Kababae kong tao, pinagtatrabaho mo 'ko.

17:56.500 --> 17:58.166
YASHIO AKI

18:21.083 --> 18:22.041
Kanegon?

18:26.125 --> 18:29.291
Ang galing, 'no?

18:30.916 --> 18:33.208
Nag-viral nang gano'n

18:33.708 --> 18:35.458
'yong channel na ginawa mo.

18:40.958 --> 18:41.958
Aki…

18:44.333 --> 18:45.333
Sorry.

18:46.625 --> 18:47.500
Ano…

18:47.583 --> 18:48.583
Alam mo…

18:51.666 --> 18:54.791
mas gusto ko 'yong Viral Hit
pag kasama ka.

19:01.125 --> 19:04.458
Ang galing mong producer, e.

19:06.750 --> 19:08.791
Kailangan ka namin sa team.

19:13.041 --> 19:14.166
Bumalik ka na.

19:16.125 --> 19:17.333
Hihintayin ka namin.

19:35.208 --> 19:38.916
SA 'TING TATLO 'YONG VIRAL HIT

20:15.916 --> 20:17.208
Bukas na 'yong laban.

20:17.708 --> 20:19.791
Opo. Ano po 'to…

20:21.833 --> 20:24.541
Mainit pa 'yong panahon para d'yan.

20:26.125 --> 20:27.833
Next year mo gamitin 'yan.

20:28.750 --> 20:30.750
Hindi. Kukunin ko na po 'to.

20:30.833 --> 20:31.666
Thank you po.

20:37.000 --> 20:38.375
Pasensiya ka na talaga.

20:40.083 --> 20:42.833
'Yan lang 'yong kaya kong gawin
para sa 'yo.

20:45.083 --> 20:46.875
Ano po ba'ng sinasabi n'yo?

20:48.041 --> 20:50.625
Sana pwede kong komprontahin

20:50.708 --> 20:53.208
'yong mga nagsasabi sa 'yo
ng kung ano-ano.

20:55.541 --> 20:58.291
Sasabihin ko sa kanila
kung gaano ka kabait.

21:01.250 --> 21:02.583
Tama na po 'yan.

21:04.416 --> 21:07.500
Kung wala lang akong sakit…

21:09.416 --> 21:11.250
hahayaan kitang gawin

21:11.875 --> 21:13.750
lahat ng gusto mo.

21:21.541 --> 21:22.833
Mali po kayo.

21:27.458 --> 21:29.083
Siyempre po, no'ng una,

21:29.791 --> 21:31.500
ginagawa ko 'to para sa inyo.

21:32.375 --> 21:33.291
Pero ngayon,

21:35.333 --> 21:37.333
hindi lang po 'yon 'yong dahilan.

21:40.083 --> 21:42.375
Na-realize ko po na kahit lampa ako,

21:43.291 --> 21:45.875
may mga kaya rin po akong gawin.

21:47.750 --> 21:50.041
Ramdam ko na buhay ako.

21:52.000 --> 21:53.333
Ngayon ko lang po…

21:55.791 --> 21:58.458
naramdaman 'yong gano'n.

22:01.541 --> 22:02.583
Saka…

22:04.208 --> 22:06.500
first time ko pong nagkaro'n
ng mga kaibigan.

22:08.458 --> 22:10.208
Pag kasama ko po sila,

22:11.000 --> 22:13.125
sobrang nakakainis sila,

22:13.958 --> 22:15.500
tapos pinapahirapan nila 'ko.

22:16.708 --> 22:17.583
Pero…

22:22.500 --> 22:23.333
Pero…

22:24.583 --> 22:26.875
sobrang nag-e-enjoy po akong kasama sila.

22:29.083 --> 22:30.958
Sabi n'yo nga po, di ba,

22:31.833 --> 22:35.458
"Isang beses ka lang magiging bata."

22:38.083 --> 22:41.000
'Yong Viral Hit po 'yong kabataan ko.

22:44.000 --> 22:45.625
Gagawin ko po 'yong best ko

22:46.625 --> 22:48.041
sa huling laban ko.

22:49.833 --> 22:50.791
Kaya…

23:00.208 --> 23:01.041
Kaya…

23:04.666 --> 23:06.833
hindi rin po kayo pwedeng sumuko.

23:10.000 --> 23:13.125
Bakit ba ako 'yong inaalala mo?

23:15.041 --> 23:17.208
Di ako mamamatay nang basta-basta.

23:20.791 --> 23:24.291
Dapat sarili mo 'yong alalahanin mo.

23:29.333 --> 23:31.541
Ayokong makita na nasasaktan ka

23:33.000 --> 23:35.375
o nananakit ka ng iba.

23:45.541 --> 23:48.125
Pero wag kang mauunang mamatay sa 'kin.

24:22.791 --> 24:23.625
LEAKED

24:23.708 --> 24:26.541
TATAY NI HOT GIRLFRIEND
ANG DIRECTOR NG URABE GENERAL HOSPITAL

24:31.041 --> 24:31.958
Wow.

24:34.000 --> 24:35.583
Ha? Bro, tingnan mo.

24:35.666 --> 24:38.916
-Di ba siya 'yong GF ni Viral Hit?
-'Yong mga fake na laban?

24:39.000 --> 24:41.958
-Oo, 'yon nga.
-Iba 'yong mukha niya sa picture.

24:42.041 --> 24:44.166
-Wag mong tingnan.
-Di ba siya 'yong…

24:44.250 --> 24:45.708
Oo, siya nga.

24:46.916 --> 24:48.291
ASAMIYA KAHO 'YONG NAME NIYA

24:48.375 --> 24:50.083
WALANG-KUWENTANG SPOILED BRAT 'YAN

24:50.166 --> 24:51.583
DESERVE NIYANG MASAKTAN

25:03.333 --> 25:05.916
Di magtatagal
'yang mga pambatang laban n'yo.

25:06.000 --> 25:08.125
Siguradong si Kuwata 'yong may gawa nito.

25:08.208 --> 25:10.916
Nakita niya si Kuwata
kung saan namatay 'yong kaibigan niya.

25:11.000 --> 25:13.250
Tingin mo ba,
may mga magdo-donate pa sa inyo?

25:13.333 --> 25:14.958
Pag-isipan mo sana ulit.

25:15.041 --> 25:17.291
Ayokong makita na nasasaktan ka

25:18.708 --> 25:20.875
o nananakit ka ng iba.

25:21.375 --> 25:24.083
Pero wag kang mauunang mamatay sa 'kin.

25:53.750 --> 25:55.083
Aalis na 'ko.

26:15.208 --> 26:18.666
May mga nampa-prank call din sa ospital.

26:19.583 --> 26:20.500
Ikaw…

26:21.000 --> 26:23.083
'yong sumira sa pangalan natin.

26:23.666 --> 26:27.083
Dahil lang nakipagkaibigan ka
sa gano'ng lalaki.

26:29.916 --> 26:33.958
Pinagsisisihan ko talaga
na pinakasalan ko 'yong nanay mo.

26:37.375 --> 26:40.250
Bawal ka nang makipag-usap kahit kanino.

27:14.416 --> 27:16.500
GIRLFRIEND,
GUSTONG MAKAPASOK SA MED SCHOOL!

27:16.583 --> 27:17.416
Uy, Aki.

27:17.500 --> 27:18.666
DI 'TO PWEDENG MAG-DOCTOR

27:18.750 --> 27:21.583
Tingin mo ba,
mali 'yong naging desisyon ko?

27:22.833 --> 27:24.083
Ano'ng sinasabi mo?

27:25.750 --> 27:27.000
Dahil sa 'kin,

27:28.000 --> 27:30.625
nasaktan 'yong mga tao
na importante sa 'kin.

27:32.208 --> 27:35.083
Hindi ko ginustong makasakit ng iba.

27:43.000 --> 27:47.458
May mga tao ka ring nailigtas.

27:52.041 --> 27:53.375
Kung tutuusin nga…

27:54.333 --> 27:56.041
isa na 'ko do'n.

27:59.500 --> 28:01.083
Kung di dahil sa 'yo,

28:03.208 --> 28:05.416
mag-isa pa rin siguro ako ngayon.

28:12.625 --> 28:13.583
Shimura.

28:16.666 --> 28:18.333
Ikaw…

28:19.666 --> 28:21.500
'yong nag-iisang hero ko.

28:26.958 --> 28:27.833
Aki…

28:32.500 --> 28:33.333
Kayo na.

28:33.916 --> 28:35.125
Okay po.

28:40.333 --> 28:42.041
Tandaan mo 'yong sinabi ko dati.

28:42.625 --> 28:44.583
Hindi ka nag-iisa.

28:44.666 --> 28:47.833
TOU-KEI

28:56.708 --> 28:58.250
Sige, tara na.

28:58.750 --> 29:01.625
Ipakita mo sa kanila
kung ga'no kalakas si Viral Hit.

29:01.708 --> 29:05.333
Malalang bugbog ang aabutin niya sa 'kin.

29:05.833 --> 29:06.666
Okay.

29:07.166 --> 29:08.375
I-knock out mo siya.

29:21.625 --> 29:23.291
Salamat sa paghihintay.

29:23.791 --> 29:27.291
Sisimulan na natin ang main event.

29:29.666 --> 29:31.041
Sa blue corner…

29:31.625 --> 29:35.166
Kilala siya sa pagla-livestream
ng malulupit niyang laban.

29:35.250 --> 29:37.375
Isang full-time high school student.

29:38.166 --> 29:40.000
Representing Viral Hit,

29:40.791 --> 29:43.333
Shimura Kota!

30:18.125 --> 30:19.666
Nasa teritoryo siya ng kalaban.

30:23.000 --> 30:24.333
Sige.

30:25.166 --> 30:26.583
Galingan mo.

30:34.583 --> 30:37.750
KUWATA 172,300 YEN VS SHIMURA 300 YEN

30:40.583 --> 30:43.208
Sa red corner naman…

30:44.208 --> 30:47.083
ang bumuo ng BAD FELLOWS

30:48.708 --> 30:51.583
at isa sa mga nakapagpabago
sa mundo ng martial arts,

30:52.250 --> 30:54.291
Kuwata Yugo!

30:55.208 --> 30:56.541
Go, Kuwata!

30:56.625 --> 30:58.000
Ang astig mo!

31:03.125 --> 31:04.291
Kuwata!

31:10.291 --> 31:11.291
Kuwata!

31:14.208 --> 31:15.625
Kuwata!

31:38.333 --> 31:39.416
Center!

31:44.166 --> 31:47.125
Tatlong five-minute round.
Rules ng BAD FELLOWS ang masusunod.

31:47.208 --> 31:50.708
Bawal ang headbutts, illegal strikes,
bawal mangagat at manundot ng mata.

31:50.791 --> 31:52.125
Touch gloves!

31:55.375 --> 31:58.666
Kumusta? Tingin mo,
kikita ka dito nang malaki?

32:01.208 --> 32:02.500
Maraming gustong makakita…

32:02.583 --> 32:03.458
KUWATA VS SHIMURA

32:04.208 --> 32:06.000
…na bumagsak at mapahiya ka.

32:06.083 --> 32:08.000
Ikaw 'yong kontrabida dito, e.

32:09.083 --> 32:11.208
Ikaw 'yong mabubugbog at mapapahiya.

32:13.083 --> 32:14.166
Balik sa corners n'yo.

32:24.041 --> 32:25.833
Round one!

32:25.916 --> 32:27.125
Fight!

32:33.916 --> 32:35.458
Go, Kuwata!

32:45.250 --> 32:46.250
Lintik.

32:51.833 --> 32:52.875
Ano'ng problema?

32:52.958 --> 32:54.958
Hindi ka pa tumatama.

33:04.416 --> 33:06.125
Go, Kuwata!

33:08.333 --> 33:11.791
Pag natalo ka sa first round pa lang,
wala kang…

33:12.375 --> 33:13.625
kikitain.

33:18.916 --> 33:19.875
SHIMURA 300 YEN

33:19.958 --> 33:21.333
Di maganda 'to.

33:29.750 --> 33:31.416
START LIVESTREAM

33:37.750 --> 33:38.750
Hello po sa inyo.

33:39.291 --> 33:40.958
SIYA BA TALAGA 'TO?

33:41.041 --> 33:42.250
MAY LABAN 'YONG BF MO!

33:42.333 --> 33:45.000
Sorry sa mga gulong nagawa ko
sa social media.

33:47.333 --> 33:49.333
Ako 'yong girlfriend ni Viral Hit.

33:49.416 --> 33:52.416
NAKA-LIVE 'YONG GIRLFRIEND NI VIRAL HIT!

33:55.083 --> 33:56.500
Nakita ko…

33:57.333 --> 33:58.500
SIYA NGA LOL

33:58.583 --> 34:02.791
…na bina-bash sa comments si Shimura,
na kumikita raw siya sa pakikipag-away.

34:03.833 --> 34:04.791
Siyempre,

34:06.208 --> 34:09.000
hindi dapat jina-justify ang violence.

34:10.250 --> 34:11.083
Pero…

34:13.208 --> 34:15.500
may kasalanan din ako…

34:17.208 --> 34:18.875
kung bakit siya nakikipag-away.

34:22.000 --> 34:25.541
Buong buhay ko,
sumusunod lang ako sa mga magulang ko.

34:26.875 --> 34:28.708
Para 'kong nakatali, hindi ako malaya.

34:29.333 --> 34:31.750
Dumating sa point na di na ako lumalaban.

34:32.250 --> 34:35.125
Mas madali kasing maging mahina na lang…

34:37.291 --> 34:39.625
kesa lumaban pa o magrebelde.

34:42.083 --> 34:46.791
Grabeng tapang 'yong kailangan
para lumaban at harapin 'yong katotohanan.

34:47.750 --> 34:49.500
Hindi madaling gawin 'yon.

34:51.416 --> 34:55.250
Di ko namalayan, nakikita ko na
'yong sarili ko kay Shimura.

34:56.333 --> 34:57.958
Pag lumalaban siya,

34:59.375 --> 35:01.750
feeling ko, lumalakas din ako.

35:04.041 --> 35:04.958
Sigurado ako…

35:05.458 --> 35:07.416
-TUMAPANG AKO DAHIL SA KANYA
-TAMA

35:07.500 --> 35:09.833
…hindi lang ako 'yong nakaramdam no'n.

35:09.916 --> 35:11.083
NAKAKAIYAK NAMAN

35:11.166 --> 35:12.750
ANG LAKAS NG TIBOK NG PUSO KO

35:12.833 --> 35:14.875
Malakas si Shimura…

35:18.041 --> 35:19.875
dahil may tao siyang pinoprotektahan.

35:22.458 --> 35:24.083
'Yong pakikipaglaban lang…

35:26.958 --> 35:29.625
'yong paraan
para magbago 'yong buhay niya.

35:36.166 --> 35:38.916
Kung iki-criticize n'yo siya
sa pakikipaglaban niya…

35:39.000 --> 35:40.291
MALI 'YONG AKALA KO SA KANYA

35:40.375 --> 35:44.875
…pa'no naman 'yong ginagawa n'yong
pamba-bash sa kanya habang anonymous kayo?

35:45.458 --> 35:46.500
Gusto n'yo ng justice,

35:46.583 --> 35:49.458
akala n'yo, okay lang na mag-assume
at pagtulungan siya.

35:50.458 --> 35:52.208
Pero 'yong gano'ng justice…

35:54.083 --> 35:56.291
ang pinakamasamang klase ng violence.

36:00.625 --> 36:02.875
Hindi na ako tatakbo o magtatago.

36:04.708 --> 36:05.666
Nag-decide na 'ko…

36:07.208 --> 36:09.416
na kausapin kayong lahat dito.

36:11.708 --> 36:13.958
Para labanan
'yong violence sa mga salita n'yo.

36:48.416 --> 36:49.458
Thank you.

36:53.500 --> 36:55.166
Shimura! Tingnan mo!

36:56.916 --> 36:58.875
May nagdo-donate na sa 'tin.

36:58.958 --> 36:59.791
Ano?

37:00.791 --> 37:03.125
NA-TOUCH AKO SA STORY NG GIRLFRIEND MO

37:03.208 --> 37:05.750
Bitawan n'yo 'ko! Bitaw!

37:07.583 --> 37:08.583
-Kanegon?
-Uy!

37:08.666 --> 37:09.791
Shimura!

37:13.041 --> 37:13.875
Umabot ako.

37:13.958 --> 37:15.333
Puro pasa 'yong mukha mo.

37:15.416 --> 37:18.500
May mga nan-trip sa 'kin
no'ng papunta ako dito.

37:18.583 --> 37:19.791
Hayaan n'yo na 'yon.

37:20.291 --> 37:21.125
Ano na?

37:21.208 --> 37:23.250
Gumana ba 'yong counterpunch ko?

37:23.333 --> 37:25.291
GUSTO KANG MANALO NG GIRLFRIEND MO

37:30.708 --> 37:33.791
Hello, girlfriend ni Viral Hit.
May favor ako.

37:33.875 --> 37:35.166
Idea mo ba 'yon?

37:35.250 --> 37:36.208
Oo.

37:36.291 --> 37:39.208
Saka marami pa tayong panlaban.

37:40.875 --> 37:42.583
Malamang, nagkakalat na rin 'yon.

37:44.375 --> 37:46.541
SHIMURA KOTA 145,900 YEN

37:48.416 --> 37:49.833
Gagong 'yon.

37:52.833 --> 37:53.833
Rumi.

37:54.666 --> 37:55.958
Ano'ng ginagawa mo dito?

37:56.041 --> 37:57.791
Gusto ko lang ipaalam sa 'yo.

37:58.291 --> 38:01.416
THE DARK SIDE OF INFLUENCER AGENCIES

38:01.500 --> 38:04.166
-Ha?
-Mawawala ka sa mundong 'to.

38:04.250 --> 38:07.708
Sabi nila, may pinatay daw siya dati…

38:07.791 --> 38:09.166
Ano'ng ginawa mo?

38:09.750 --> 38:10.875
Totoo ba 'yon?

38:12.208 --> 38:15.250
May binugbog daw sila ng mga kasama niya
tapos namatay?

38:16.541 --> 38:18.000
Wala siyang kasama.

38:18.750 --> 38:20.583
Si Mr. Kuwata lang 'yon.

38:21.083 --> 38:23.000
Siya lang mag-isa 'yong pumatay.

38:23.500 --> 38:24.541
Grabe.

38:24.625 --> 38:27.000
Nakaka-10,000 likes na.

38:27.083 --> 38:28.666
Puta ka, alam mo ba 'yong—

38:28.750 --> 38:29.833
Hoy!

38:30.583 --> 38:32.125
Mukhang ikaw

38:33.250 --> 38:35.250
'yong mawawala sa mundong 'to.

38:46.916 --> 38:49.291
Ito na 'yong moment ng Viral Hit.

38:56.166 --> 38:57.291
Thank you sa lahat.

38:59.041 --> 39:02.125
Shimura, wala ka nang dapat alalahanin.

39:03.750 --> 39:07.041
Hindi lang ikaw 'yong nakikipaglaban.

39:08.500 --> 39:11.583
Kasama mo lahat sa laban na 'to.

39:12.875 --> 39:14.250
I-knock out mo na siya!

39:15.250 --> 39:17.625
Gagamitin natin 'yong trick natin
sa next round.

39:26.791 --> 39:28.750
Magsisimula na ang next round.

39:30.416 --> 39:32.291
Round two!

39:33.166 --> 39:34.291
Kaya mo 'yan, Shimura!

39:38.333 --> 39:39.250
Kaya mo 'yan!

39:41.625 --> 39:43.458
Ang daming nagdo-donate.

39:43.541 --> 39:45.125
Pa'no nangyari 'to?

39:45.958 --> 39:49.791
Sabi sa 'yo, magaling akong producer, e.

39:53.958 --> 39:54.791
Oo nga.

40:04.958 --> 40:05.916
Bakit?

40:06.000 --> 40:08.583
Teka, may nilagay ka ba sa kanya?

40:08.666 --> 40:09.875
Vegetable oil.

40:10.375 --> 40:12.083
Ang lakas ng loob mo, ha.

40:12.791 --> 40:15.916
Laban 'to, di ba?

40:18.041 --> 40:19.666
Tulungan n'yo po ako, please.

40:21.166 --> 40:22.083
Saka…

40:23.291 --> 40:25.875
suportahan n'yo po si Shimura Kota.

40:25.958 --> 40:27.375
Ano'ng ginagawa mo?

40:27.875 --> 40:29.666
-Akin na 'yan.
-Wag po!

40:29.750 --> 40:30.750
Akin na!

40:31.541 --> 40:33.875
Kulang pa ba 'yong pamamahiya mo sa 'kin?

40:33.958 --> 40:35.291
Tama na po!

40:36.125 --> 40:39.083
Hindi mo alam 'yong ginagawa mo.

40:41.166 --> 40:43.166
Kaya ka pariwara—

40:43.250 --> 40:45.125
Ayoko na!

40:56.625 --> 40:59.375
Mindset sa pakikipaglaban, rule one.

40:59.458 --> 41:01.250
Kalma ka lang.

41:02.583 --> 41:05.125
Walang-hiya ka.

41:10.875 --> 41:12.750
-Sakay.
-Tatsuya.

41:18.291 --> 41:19.750
Kumawala ka!

41:29.125 --> 41:31.708
Di maganda 'to.
Nagseryoso na siya no'ng nasuntok siya.

41:35.250 --> 41:36.375
Magtakip ka!

41:53.375 --> 41:55.291
Kota, Kota!

41:56.166 --> 41:57.375
Balik sa corner!

41:57.458 --> 42:00.125
-Ilan na 'yong donations?
-Nasa two million pa lang.

42:00.208 --> 42:03.250
Shimura! Bumangon ka!
Di ka pa pwedeng matalo!

42:03.333 --> 42:04.416
-Bangon, Shimura!
-Six…

42:04.500 --> 42:08.041
Seven, eight, nine…

42:08.541 --> 42:10.000
Ayos ka lang? Kaya pa?

42:10.083 --> 42:10.916
Fight!

42:12.083 --> 42:13.000
Stop!

42:20.500 --> 42:21.666
Shimura, dito.

42:25.416 --> 42:26.625
Buti, nag-bell na.

42:31.458 --> 42:33.791
-'Yong donations?
-Nasa two million pa lang.

42:34.625 --> 42:36.958
Kulang pa 'yon.

42:37.458 --> 42:39.958
Shimura, last round na 'yong susunod.

42:40.458 --> 42:41.416
Kayanin mo!

42:42.041 --> 42:45.291
-Alam ko.
-Ipakita mo 'yong galing ni Viral Hit!

42:46.916 --> 42:50.041
Magsisimula na ang next round.

42:50.125 --> 42:51.458
Nanonood 'yong mama mo.

43:04.083 --> 43:05.958
Final round!

43:06.041 --> 43:07.416
Fight!

43:22.125 --> 43:23.625
Suntok lang nang suntok!

43:27.041 --> 43:28.333
Kaya mo 'yan, Shimura!

43:32.833 --> 43:35.750
Ano'ng ginagawa mo?
Alalahanin mo 'yong training mo!

44:14.625 --> 44:16.625
-Yes! Kaya mo 'yan!
-Sige lang!

44:24.750 --> 44:25.666
Thank you, Tatsuya.

44:25.750 --> 44:26.583
Bilisan mo.

45:16.500 --> 45:17.375
Shimura!

45:17.458 --> 45:19.000
Down! Neutral corner!

45:20.208 --> 45:21.208
One…

45:21.875 --> 45:23.125
two…

45:23.208 --> 45:24.208
Masama 'to.

45:25.000 --> 45:26.000
Three…

45:26.083 --> 45:27.416
Kaya mo 'yan!

45:27.500 --> 45:29.500
-Bangon!
-Bumangon ka, Shimura!

45:29.583 --> 45:30.958
Bumangon ka!

46:11.791 --> 46:14.291
HOY, BUMANGON KA

46:14.375 --> 46:16.833
PLEASE, BUMANGON KA

46:19.833 --> 46:21.791
HINDI PA TAPOS 'YONG LABAN

46:21.875 --> 46:24.083
KAILANGAN MONG BUMANGON!

46:47.041 --> 46:48.541
TUMAPANG KAMI DAHIL SA 'YO

46:48.625 --> 46:50.708
KAMI NAMAN 'YONG TUTULONG SA 'YO NGAYON

46:52.625 --> 46:54.166
HINDI KA NAMIN IIWAN

46:54.250 --> 46:56.625
KAIBIGAN MO RIN KAMI

47:01.375 --> 47:03.750
MANGARAP TAYO ULIT

47:09.833 --> 47:11.333
Shimura, bumangon ka!

47:11.416 --> 47:12.500
Five…

47:14.500 --> 47:15.500
six…

47:19.250 --> 47:20.250
seven…

47:24.750 --> 47:26.083
eight…

47:26.708 --> 47:27.708
nine…

47:28.416 --> 47:29.250
Ayos ka lang?

47:33.500 --> 47:34.750
Shimura!

47:36.416 --> 47:38.958
Dumadami na 'yong donations!

47:39.041 --> 47:41.500
Shimura! Konti na lang!

47:41.583 --> 47:42.833
Kaya mo 'yan!

47:42.916 --> 47:44.083
Kaya pa ba?

47:45.958 --> 47:46.791
Fight!

48:04.375 --> 48:05.541
Pasensiya ka na, pero…

48:07.375 --> 48:09.250
hindi ka mananalo.

48:14.041 --> 48:16.458
Kung totoong laban 'yon.

48:18.375 --> 48:20.208
Kaya niya pa ring talunin si Kuwata?

48:20.291 --> 48:21.791
Kung normal na away, oo.

48:46.916 --> 48:47.750
Stop!

48:47.833 --> 48:49.000
Foul!

48:49.083 --> 48:53.208
Dahil sa foul ni Shimura,

48:53.875 --> 48:57.833
ang nanalo sa laban ay si Kuwata Yugo!

49:08.333 --> 49:09.291
HIMALA 'TO

49:11.291 --> 49:12.166
Yes!

49:16.333 --> 49:17.791
Ang galing mo!

49:18.958 --> 49:21.916
Ikaw talaga ang best streamer ever!

49:28.916 --> 49:29.750
Aray!

49:31.541 --> 49:32.416
Pasado ka na.

49:52.375 --> 49:53.208
'Yong pera…

49:54.250 --> 49:55.791
Magkano 'yong kinita natin?

50:08.208 --> 50:15.208
VIRAL HIT

51:32.916 --> 51:35.916
Nagsalin ng Subtitle: K. Erilla
er!
