WEBVTT

00:12.750 --> 00:14.875
Bye, Asamiya.

00:17.166 --> 00:18.666
Wag!

00:30.250 --> 00:31.416
Tatsuya…

00:41.666 --> 00:43.708
Ano'ng kailangan mo?

00:46.250 --> 00:49.041
Parang isang tagapagligtas,
may hero na biglang dumating

00:50.083 --> 00:51.916
at niligtas ako.

00:54.208 --> 00:55.708
Bakit ka nandito?

01:06.500 --> 01:07.625
Tara na.

01:13.916 --> 01:15.791
Sobrang lakas…

01:16.583 --> 01:20.250
at sobrang astig ng hero na 'to.

01:31.750 --> 01:33.416
Kaho, okay ka lang?

01:33.500 --> 01:36.291
Oo. Okay lang ako, pero…

01:37.166 --> 01:41.208
Pero kahit niligtas niya 'ko…

01:44.500 --> 01:46.916
di ko mapigilang mainis sa kanya.

01:51.500 --> 01:52.333
Tara na.

01:57.875 --> 01:59.375
Galit na galit din ako…

02:01.000 --> 02:03.000
sa sarili ko…

02:04.333 --> 02:06.583
dahil ganito ako.

02:10.958 --> 02:12.375
Shimura.

02:32.958 --> 02:35.291
Sa wakas,
natapos din 'yong bangungot na 'yon.

02:40.125 --> 02:41.625
Do'n na rin natapos…

02:43.375 --> 02:44.500
'yong buhay ko.

02:46.666 --> 02:53.666
VIRAL HIT

02:55.000 --> 02:56.125
ANO 'TO?

02:56.208 --> 02:57.750
NAGSI-STREAM NA ULIT SIYA?

02:57.833 --> 02:58.750
SA WAKAS!

02:58.833 --> 03:00.583
Sorry, ngayon lang nakabalik!

03:00.666 --> 03:04.166
Ire-relaunch namin ngayon ang Hamaken TV.

03:04.250 --> 03:08.458
Wala nang magpapanggap simula ngayon.
Ito na ang totoong ako.

03:08.541 --> 03:11.708
Hoy, mga gago, humanda kayo.

03:11.791 --> 03:13.666
NAGPAKAGAGO NA TALAGA LOL

03:13.750 --> 03:14.750
GUSTO KO 'TO

03:14.833 --> 03:17.333
May guest din ako ngayon para sa inyo.

03:17.416 --> 03:20.541
Pinaghirapan kong makeup-an
'tong model namin.

03:20.625 --> 03:22.458
Sabi sa 'yo, ako na, e.

03:22.541 --> 03:23.375
KAWAWA LOL

03:24.041 --> 03:25.583
Uy.

03:26.708 --> 03:30.458
Totoo bang ikaw 'yong editor ng Viral Hit?

03:31.625 --> 03:35.541
Wala ka bang mga totoong kaibigan
kaya puro internet ka na lang?

03:35.625 --> 03:37.083
Kawawa naman!

03:37.166 --> 03:39.333
Hello? Nakikinig ka ba?

03:39.833 --> 03:41.583
Sumagot ka!

03:42.250 --> 03:43.791
Aba?

03:44.291 --> 03:46.333
Hala? Ano'ng problema niya?

03:46.875 --> 03:48.000
Weirdo.

03:48.583 --> 03:49.666
Hay, Shimura.

03:49.750 --> 03:52.791
Bumalik ka na sa 'min, Shimura.

03:54.916 --> 03:55.833
I-edit mo 'to.

03:55.916 --> 03:57.416
Tapusin mo bago 'yong next break.

03:58.125 --> 04:00.250
Ay, masyadong marami…

04:04.583 --> 04:05.583
Gawin mo na lang.

04:07.125 --> 04:08.250
Oo, sige.

04:08.333 --> 04:11.125
I-send mo na lang sa 'kin
para magawa ko na.

04:14.333 --> 04:16.083
WALA NANG VIRAL HIT

04:16.166 --> 04:18.166
BUHAY KA PA BA, SHIMURA? LOL

04:18.250 --> 04:20.083
PATAY NA 'YONG CHANNEL LMAO

04:22.041 --> 04:23.375
Mga tanga.

04:24.875 --> 04:26.416
OKAY KA LANG?
NAG-AALALA AKO.

04:26.500 --> 04:27.500
MAG-REPLY KA, PLEASE

04:31.208 --> 04:34.375
Di pumasok si Shimura.
Alam mo ba kung bakit, Asamiya?

04:34.458 --> 04:37.666
A, e… Baka may sakit siya.

04:37.750 --> 04:38.958
Alam ko kung bakit.

04:39.041 --> 04:41.333
-Talaga?
-Tingnan n'yo 'tong nakita ko.

04:41.833 --> 04:43.291
Si Shimura ba 'yan?

04:43.791 --> 04:45.250
Tama na!

04:45.333 --> 04:46.458
Malandi ka.

04:46.541 --> 04:49.708
Uy, Asamiya. Di ba, boses mo 'yon?

04:50.458 --> 04:51.500
Hindi ako 'yon.

04:51.583 --> 04:52.958
Oo nga.

04:53.041 --> 04:56.458
Mas okay pang mamatay
kesa makita ako ni Asamiya na ganito.

04:56.541 --> 04:58.666
Mahihiya akong lumabas n'yan.

04:58.750 --> 05:00.625
Ganyan dapat ang nagso-sorry.

05:00.708 --> 05:02.500
Uy, grabe ka naman.

05:03.541 --> 05:05.583
Wala kayong alam.

05:08.791 --> 05:09.833
Excuse me.

05:10.708 --> 05:11.791
Oo.

05:12.583 --> 05:14.208
Hindi siya pumapasok.

05:15.125 --> 05:16.291
Gano'n ba?

05:17.000 --> 05:18.958
Nag-aalala ako sa kanya.

05:19.041 --> 05:20.666
Okay lang 'yong mga sugat niya.

05:20.750 --> 05:22.166
Ang mas inaalala ko…

05:23.041 --> 05:24.916
'yong dignidad na nawala sa kanya.

05:26.541 --> 05:30.250
Do'n natin siya hindi matutulungan.

05:36.208 --> 05:39.041
Talaga? Binili mo 'yong mascara?

05:39.125 --> 05:42.500
I-try n'yo 'yon. Highly recommended.

05:43.333 --> 05:44.250
KUMUSTA SI SHIMURA?

05:44.333 --> 05:45.708
WALA NA BANG VIRAL HIT?

05:45.791 --> 05:46.916
SOBRANG YABANG NIYA

05:47.000 --> 05:48.500
Viral Hit?

05:49.291 --> 05:50.125
Si Shimura?

05:50.208 --> 05:51.833
PUMAPASOK PA BA SI SHIMURA?

05:51.916 --> 05:53.125
MAG-COLLAB KAYO PLEASE LOL

05:53.208 --> 05:54.291
Ano ba, guys.

05:54.375 --> 05:57.208
Tama na 'yang kaka-Shimura n'yo.

05:57.291 --> 05:59.250
Laos na siya.

06:36.250 --> 06:37.958
Nice to meet you…

06:44.458 --> 06:45.625
Kaya pala.

06:46.166 --> 06:48.541
Hinahanap mo rin pala si Shimura.

06:49.416 --> 06:51.875
May kasalanan din ako sa nangyaring 'to.

06:51.958 --> 06:53.625
Pareho tayo.

06:54.125 --> 06:56.833
Bakit? E, nakipag-date ka lang naman.

06:56.916 --> 06:57.750
Ha?

06:57.833 --> 07:00.208
A… Hindi naman date 'yon.

07:03.625 --> 07:08.500
Kung tatakasan niya 'to ngayon,
habambuhay na lang siyang tatakas.

07:09.791 --> 07:10.958
Di okay 'yon.

07:11.041 --> 07:12.041
Bakit naman?

07:14.041 --> 07:18.250
May mga taong lumalakas ang loob
pag nakikita 'yong mga tulad niya.

07:19.000 --> 07:21.875
Sinasabi mo ba na gano'n ka rin, Aki?

07:23.000 --> 07:24.666
Siguro.

07:26.416 --> 07:27.458
Gano'n ba.

07:29.625 --> 07:33.041
Hay, naku. Ano ba'ng binabalak niya?

07:34.625 --> 07:38.166
-Sorry, naabala pa kita.
-Hindi. Buti nga, nagkausap tayo, e.

07:38.666 --> 07:39.500
Bye.

07:46.625 --> 07:48.500
Hindi pala 'ko nag-iisa.

07:50.541 --> 07:52.458
Hamaken TV!

07:52.541 --> 07:53.666
INSTANT BAD BOY LOL

07:53.750 --> 07:56.416
Dahil parte si Kanegon ng Viral Hit team,

07:56.500 --> 07:59.583
sasabihin niya sa 'tin
'yong totoong kulay ni Shimura Kota.

07:59.666 --> 08:00.750
Ano?

08:00.833 --> 08:01.750
Hoy.

08:03.500 --> 08:05.291
Okay, ready na.

08:05.375 --> 08:09.041
'Yong totoo,
ano ba talaga ang ugali ni Shimura?

08:09.125 --> 08:11.333
A, e…

08:12.125 --> 08:13.041
Si Shimura…

08:13.125 --> 08:15.583
Si Shimura… Ano siya?

08:17.541 --> 08:21.166
Si Shimura…

08:21.666 --> 08:23.958
Papasikatin natin 'tong channel na 'to.

08:24.041 --> 08:25.708
Ang galing mo, Shimura!

08:26.208 --> 08:29.166
Thank you. Natauhan ako dahil sa 'yo.

08:29.250 --> 08:32.875
Sa special na araw na 'to,
nabuo ang Viral Hit!

08:36.083 --> 08:38.250
Sobrang…

08:39.583 --> 08:41.000
Sobrang gago niya.

08:41.083 --> 08:43.416
Ay, talaga ba?

08:44.125 --> 08:45.333
Sobrang greedy niya.

08:45.416 --> 08:46.375
Ano pa?

08:46.458 --> 08:49.875
Pagva-viral at donations lang
'yong importante sa kanya.

08:49.958 --> 08:53.583
Kaya pala nagsinungaling siya
tapos sinabing manloloko daw ako, 'no?

08:54.916 --> 08:58.083
Sigurado, scripted 'yong mga laban niya.

08:58.166 --> 09:02.500
Gagawin niya lahat para sa pera.

09:03.875 --> 09:06.250
Pero akala ko ba, magtropa kayo?

09:06.333 --> 09:10.208
Ano ba! Di ko tropa
'yong walang-kuwentang nerd na 'yon.

09:11.458 --> 09:12.625
Ayoko nang…

09:13.375 --> 09:14.875
makatrabaho siya ulit.

09:15.541 --> 09:16.416
Narinig n'yo 'yon.

09:16.500 --> 09:18.166
Naiintindihan n'yo na ba?

09:18.708 --> 09:21.125
Kaya sa susunod na stream ko,

09:21.208 --> 09:24.875
magso-sorry si Shimura
dahil pinaniwala niya kayo na hero siya.

09:24.958 --> 09:27.500
Wag n'yong papalampasin, ha.

09:28.083 --> 09:29.458
Cut.

09:29.541 --> 09:31.375
Na-excite lahat do'n, a.

09:31.458 --> 09:32.958
GAGANTI SI HAMAKEN

09:33.041 --> 09:35.583
Mukhang mas magaling akong producer
kesa sa 'yo.

09:35.666 --> 09:37.291
Oo, mas magaling ka talaga.

09:37.375 --> 09:40.375
E, nasa'n ba si Shimura?

09:40.916 --> 09:43.250
Ga'no katagal ba siyang aabsent?

09:43.333 --> 09:45.375
Di ko alam. Di na kami nag-uusap.

09:45.458 --> 09:49.416
-Wala akong paki. Papasukin mo siya.
-Di na nga kami magkaibigan.

09:49.500 --> 09:50.583
Manahimik ka.

09:52.250 --> 09:55.166
Gago, bakit ako maniniwala sa 'yo?

09:55.250 --> 09:57.541
Ang laki ng kasalanan mo sa 'kin, a?

09:58.125 --> 10:01.458
Isipin mo 'yong mangyayari
pag di mo siya napapunta dito.

10:01.541 --> 10:03.875
Okay, oo na.

10:04.375 --> 10:05.708
Dadalhin ko siya dito.

10:16.666 --> 10:17.500
Uy.

10:23.000 --> 10:24.500
Kumusta siya?

10:25.166 --> 10:27.125
-Uy!
-Ano ba'ng malay ko?

10:27.208 --> 10:29.041
Bakit ako 'yong tinatanong n'yo?

10:33.541 --> 10:35.166
Kasalanan niya lahat 'to.

10:36.666 --> 10:38.166
Kasalanan niya…

10:39.958 --> 10:42.291
-Kakaladkarin ko siya dito—
-Sa'n ka pupunta?

10:42.375 --> 10:44.791
Sa ospital. Itatanong ko kung nasa'n siya.

10:44.875 --> 10:46.250
Sa ospital?

10:48.375 --> 10:49.875
Nasa ospital…

10:51.583 --> 10:52.916
'yong mama niya.

11:01.625 --> 11:02.958
Para po ba sa anak n'yo 'yan?

11:05.125 --> 11:09.416
Kung wala lang akong sakit,
mabilis kong matatapos 'to.

11:10.000 --> 11:12.625
Wag po kayong magpapakapagod, ma'am.

11:14.458 --> 11:16.375
May bibisitahin ka?

11:16.458 --> 11:18.291
A, e… Opo.

11:23.875 --> 11:24.708
A…

11:25.208 --> 11:27.750
Alam n'yo po ba kung nasaan si Kota?

11:27.833 --> 11:30.250
Kailangan ko po siyang makausap, e.

11:31.333 --> 11:32.458
Si Kota?

11:35.083 --> 11:37.416
Naku, pumunta ka pa dito.

11:37.916 --> 11:40.708
Ilang araw na siyang di bumibisita.

11:41.208 --> 11:43.000
Busy yata.

11:43.500 --> 11:46.083
Gano'n po ba? Sige po.

11:47.208 --> 11:48.500
Ikaw ba si…

11:49.666 --> 11:51.125
Kaneko?

11:51.708 --> 11:52.541
Po?

11:53.958 --> 11:54.791
Opo.

11:54.875 --> 11:56.000
Sabi na, e.

11:57.000 --> 12:00.875
Tuwang-tuwa si Kota
pag kinukuwento ka niya.

12:01.375 --> 12:03.833
Ikaw 'yong una niyang kaibigan sa klase.

12:05.333 --> 12:09.041
Sabi niya, natutuwa na siyang pumasok
kasi ando'n ka.

12:11.000 --> 12:16.083
Grabe ang paghihirap niya
dahil sa sitwasyon ko.

12:16.583 --> 12:19.875
Nag-aalala nga ako
na baka di na siya nag-e-enjoy sa school.

12:23.291 --> 12:26.625
Salamat sa pakikipagkaibigan sa kanya, a.

12:31.041 --> 12:31.875
Wala po 'yon.

12:39.000 --> 12:40.250
Mauna na po ako.

13:13.041 --> 13:15.083
Ano pa'ng hinihintay mo?

13:17.791 --> 13:18.916
Masakit 'yan.

13:19.875 --> 13:21.541
Mas masakit pa kesa sa suntok.

13:23.625 --> 13:25.250
Hayaan mo na lang ako.

13:27.083 --> 13:27.916
Wala na…

13:31.000 --> 13:32.750
Wala nang kuwenta 'yong buhay ko.

13:34.625 --> 13:37.166
Nakita mo naman. Sobrang nakakahiya ako.

13:39.333 --> 13:41.541
Kung mabubuhay ako, para sa'n pa?

13:43.583 --> 13:44.583
Mas mabuti pa…

13:45.416 --> 13:47.083
kung mamatay na lang ako.

14:04.375 --> 14:05.208
Hala…

14:17.958 --> 14:19.583
Naghihintay sila sa 'yo.

14:21.708 --> 14:24.916
Dumadami pa
'yong subscribers ng Viral Hit.

14:27.000 --> 14:28.000
Ano naman?

14:30.041 --> 14:33.458
Maraming manonood
sa susunod na video natin.

14:33.541 --> 14:34.375
Ano naman?

14:34.458 --> 14:36.416
Chance mo na 'to para kumita ng malaki.

14:36.500 --> 14:38.750
Wala akong paki! Umalis ka na nga!

14:41.375 --> 14:42.458
Gano'n ba.

14:43.916 --> 14:44.750
Sige, wag na.

14:49.208 --> 14:51.291
Ilang beses na rin akong pumunta dito.

14:57.083 --> 14:59.625
Kung gusto mong mamatay,
humanap ka ng ibang lugar.

15:13.000 --> 15:15.375
Uy, Tatsuya.

15:16.875 --> 15:17.750
May bisita ka.

15:24.041 --> 15:25.375
Isang buwan na pala.

15:26.750 --> 15:29.250
Hindi rin siya pumapasok sa trabaho.

15:30.666 --> 15:33.791
Saka di niya binabasa
'yong mga message ko.

15:35.500 --> 15:38.875
Magpaparamdam pa naman siya ulit, di ba?

15:42.375 --> 15:43.583
Gago ka!

15:44.166 --> 15:47.375
Paano na ngayon 'to? Ano'ng gagawin mo?

15:47.458 --> 15:48.833
MISSION FAILED LOL

15:48.916 --> 15:51.458
Wala siya sa bahay nila,
di ko siya ma-con—

15:51.541 --> 15:54.000
Tingin mo, maniniwala ako sa palusot mo?

15:55.125 --> 15:56.041
Hoy.

15:56.125 --> 15:58.458
Hinihintay ako ng viewers ko.

15:58.541 --> 16:01.666
Send-an mo kaya siya ng video?

16:01.750 --> 16:03.458
Ipakita mo 'yong lagay ni Kanegon.

16:04.333 --> 16:05.166
Okay 'yon, a.

16:05.250 --> 16:06.791
-Eto, video-han mo.
-Sige.

16:09.125 --> 16:10.458
Sabihin mo sa kanya.

16:10.541 --> 16:13.333
Sabihin mo kay Shimura na pumunta dito.

16:15.000 --> 16:16.125
Bilisan mo!

16:16.916 --> 16:18.500
Gusto mo pang masaktan, a?

16:19.708 --> 16:22.875
Pag dumating si Shimura,
pwede ka nang umalis.

16:23.375 --> 16:25.958
Ngayon, sabihin mo
na pumunta na siya dito.

16:33.375 --> 16:35.708
Shimura.

16:35.791 --> 16:38.708
Ikaw 'yong una niyang kaibigan sa klase.

16:40.708 --> 16:41.666
Please…

16:48.416 --> 16:49.250
wag kang pupunta!

16:50.125 --> 16:52.041
Bubugbugin ka niya pag pumunta ka.

16:53.500 --> 16:54.333
Hoy…

16:56.791 --> 16:58.625
Ano 'yon?

16:59.125 --> 17:00.000
Hoy.

17:03.083 --> 17:04.750
Gusto mo bang mamatay?

17:04.833 --> 17:05.708
Hoy.

17:10.583 --> 17:11.791
Hamaken.

17:21.375 --> 17:22.375
Sa wakas.

17:38.583 --> 17:39.416
Kanegon.

17:41.333 --> 17:42.458
Mag-stream ka.

17:51.625 --> 17:53.041
Saka isa pa.…

17:56.958 --> 17:58.500
hindi ka nag-iisa.

18:15.375 --> 18:16.583
Nagsi-stream ka na ba,

18:17.916 --> 18:18.750
Kanegon?

18:22.333 --> 18:23.166
Oo.

18:27.958 --> 18:29.875
Ang title ng livestream na 'to…

18:30.375 --> 18:32.541
"Paano Talunin ang Isang Basagulero".

18:32.625 --> 18:33.458
AYAN NA SIYA!

18:38.250 --> 18:39.833
Wag ka nang mag-alala.

18:39.916 --> 18:40.833
Tingnan mo.

18:42.500 --> 18:44.166
ANG GANTI NG API!

18:44.250 --> 18:46.208
DAPAT MANALO KA NGAYON

18:47.083 --> 18:48.458
Ang tagal mo.

18:48.541 --> 18:50.750
Hindi ikaw 'yong pinunta ko dito.

18:50.833 --> 18:54.041
Gano'n ka talaga kadesperado sa pera?

18:55.625 --> 18:57.375
Kadiri kang pulubi ka.

19:00.958 --> 19:04.875
PAANO TALUNIN ANG ISANG BASAGULERO

19:05.458 --> 19:08.500
Gusto mong bugbugin
'yong nambu-bully sa 'yo.

19:08.583 --> 19:13.125
Kung gusto mo talaga siyang labanan,
ituturo ko sa 'yo lahat.

19:13.208 --> 19:15.125
Sumunod ka lang.

19:15.625 --> 19:18.166
Mga Sikreto sa Pakikipaglaban, Rule One:

19:18.666 --> 19:21.041
Malakas na Pangangatawan.

19:21.541 --> 19:25.208
Para sa isang amateur,
imposibleng maiwasan ang lahat ng atake.

19:25.291 --> 19:29.416
Kaya naman, palakasin mo ang katawan mo
para kayanin mo ang bawat tama.

19:31.250 --> 19:35.625
Pag napalakas mo na ang outer muscles,
mag-focus ka naman sa deep muscles.

19:35.708 --> 19:39.208
Palakasin mo rin ang core mo
para handa ka sa counterattack.

19:40.208 --> 19:44.458
Kumain ka ng high-quality protein
pagkatapos ng mga workout mo.

19:44.541 --> 19:49.708
Hindi lang muscle ang importante sa laban,
importante rin ang timbang.

19:49.791 --> 19:54.416
Kumain ka nang malakas
para lumaki ang katawan mo.

19:55.000 --> 19:57.416
Mga Sikreto sa Pakikipaglaban, Rule Two:

19:57.500 --> 19:58.750
Stamina.

19:58.833 --> 20:02.666
Walang silbi ang lahat ng training na 'to
kung wala kang stamina.

20:02.750 --> 20:06.833
Pareho mong palakasin ang muscular
at cardiovascular endurance mo.

20:08.041 --> 20:12.166
Oo nga pala, wag kang umasa
na malaki agad ang magbabago sa katawan mo

20:12.250 --> 20:15.375
pagkatapos lang
ng ilang linggong training.

20:16.041 --> 20:17.375
-Ano?
-Pero!

20:17.875 --> 20:23.166
Pag na-master mo ang technique na 'to,
magkakaroon ka ng chance na manalo.

20:23.250 --> 20:25.750
Mga Sikreto sa Pakikipaglaban, Rule Three:

20:25.833 --> 20:26.958
Technique.

20:27.041 --> 20:29.375
Master-in mo ang finishing move na 'to.

20:33.208 --> 20:34.083
Sumugod ka.

20:37.708 --> 20:38.916
'Tang ina mo, a.

20:40.458 --> 20:41.875
Papatayin kita.

20:56.958 --> 20:57.958
'Tang ina ka!

21:17.416 --> 21:19.875
Akala mo ba, kaya mo 'ko?

21:20.666 --> 21:22.458
Wala kang kuwenta!

21:23.333 --> 21:24.291
Halika dito.

21:37.625 --> 21:40.000
Ano? 'Yan lang ba 'yong kaya mo?

21:40.708 --> 21:42.000
Lumaban ka.

22:10.916 --> 22:13.125
Handa ka na bang lumaban?

22:13.208 --> 22:15.625
Sabi ng isang martial arts champion,

22:15.708 --> 22:20.791
kung papapiliin siya kung anong technique
ang gagamitin niya sa kalaban,

22:20.875 --> 22:22.916
ito 'yon.

22:24.000 --> 22:25.166
Wala kang kuwenta.

22:26.333 --> 22:28.750
Ang lakas ng loob mo, ha!

22:28.833 --> 22:32.000
Iharap mo ang katawan mo
sa paa na gagamitin mong pangsipa.

22:33.458 --> 22:37.625
Pag nilipat ng kalaban mo 'yong bigat niya
sa paa niya sa harap,

22:38.833 --> 22:42.291
iikot mo 'yong buong katawan mo

22:42.375 --> 22:45.541
saka ka sumipa nang malakas.

22:52.541 --> 22:54.375
Gumana ba?

22:59.791 --> 23:02.083
Hindi ka bibiguin ng pagsisikap mo.

23:03.250 --> 23:07.416
Master-in mo lang ang technique na 'to.
Mag-practice ka nang mag-practice!

23:22.333 --> 23:23.500
Shimura.

23:26.375 --> 23:30.291
Nagpapatawa ka ba? Low kick ba dapat 'yon?

23:31.625 --> 23:34.916
Sa hita ang tama ng low kick, tanga!

23:40.625 --> 23:42.458
Wala man lang akong naramdaman.

23:42.541 --> 23:43.458
THANKS SA INFO

23:54.291 --> 23:57.708
Sa hita pinapatama ang low kick,
maraming muscle na nagpo-protect do'n.

23:58.333 --> 24:02.166
Pero 'yong binti 'yong sinipa niya,
kung sa'n wala masyadong protection.

24:03.291 --> 24:04.250
Calf kick 'yon.

24:04.333 --> 24:05.916
Patay ka sa 'kin!

24:07.125 --> 24:08.333
Wag mo 'kong dikitan.

24:10.083 --> 24:11.958
Lintik ka!

24:16.958 --> 24:19.500
Kaya mo 'yan!

24:23.291 --> 24:25.666
Papatayin talaga kita!

24:25.750 --> 24:27.375
NASIPA NIYA ULIT!

24:27.458 --> 24:28.708
ANG GALING NI SHIMURA

24:28.791 --> 24:30.208
KAYA NIYA PALANG MANALO?

24:32.833 --> 24:35.416
'Tang ina mong gago ka.

24:47.291 --> 24:49.708
'Yon lang ba 'yong alam mong technique?

24:50.291 --> 24:52.041
'YON DIN 'YONG INIISIP KO

24:52.125 --> 24:53.833
MAY POINT SI HAMAKEN

24:53.916 --> 24:55.125
TAPOS NA SI SHIMURA

24:56.791 --> 24:57.916
Di na gagana 'yon!

25:13.375 --> 25:14.250
Shimura.

25:14.333 --> 25:15.750
BAKA MAMATAY TALAGA SIYA

25:15.833 --> 25:17.000
OKAY LANG SUMUKO

25:31.833 --> 25:35.125
Wala ka talagang kuwenta.

25:40.541 --> 25:41.666
Kailan ba 'ko…

25:43.041 --> 25:45.833
naging loser?

25:48.375 --> 25:49.958
No'ng pinanganak ako?

25:50.875 --> 25:53.208
Hindi. Siyempre, hindi.

25:54.291 --> 25:56.833
Normal naman dati
'yong buhay ko sa school.

25:57.333 --> 25:59.041
-Di ba?
-Hoy!

26:00.875 --> 26:02.333
Naiinis ako sa ingay mo.

26:04.291 --> 26:06.833
Hanggang sa dumating si Hamaken.

26:06.916 --> 26:08.458
-Hoy.
-Aray!

26:10.833 --> 26:14.041
Di ko maintindihan no'n
kung bakit niya 'ko pinagsusuntok.

26:14.125 --> 26:17.125
Aray! Ang sakit!

26:17.625 --> 26:22.083
Pero wala namang kailangang intindihin,
kasi walang dahilan 'yon.

26:24.166 --> 26:27.291
Do'n na 'ko nagsimulang umayaw
sa pagpasok sa school.

26:28.125 --> 26:31.208
Natakot na 'kong
makipag-eye contact sa mga tao.

26:32.833 --> 26:36.666
Lagi na 'kong nakayuko
para di ako mapansin ng iba.

26:40.666 --> 26:41.583
Pero…

26:42.625 --> 26:43.708
Hindi…

26:57.166 --> 27:00.583
Magaling. Bumangon ka ulit.

27:08.083 --> 27:09.208
Gusto mo pa?

27:09.291 --> 27:12.791
Sige. Pagbibigyan kita.

27:12.875 --> 27:17.041
Ngayon, maniwala ka sa sarili mo.

27:19.583 --> 27:22.666
Punong-puno na ako sa 'yong gago ka!

27:24.625 --> 27:26.125
Hindi…

27:29.250 --> 27:30.416
Hindi…

27:36.666 --> 27:38.000
Pagkakataon mo na.

27:42.791 --> 27:45.708
Hindi ako loser!

27:50.541 --> 27:54.000
Overhand hook.

28:11.708 --> 28:13.291
NAKAKAIYAK NAMAN

28:13.375 --> 28:15.000
DAPAT GAWAN 'TO NG MOVIE, E

28:15.083 --> 28:16.250
LAHAT TAYO, NAIIYAK

28:18.875 --> 28:20.500
Grabe…

28:42.125 --> 28:43.416
Ang galing mo.

28:49.833 --> 28:51.458
Wag ka nang umiyak.

28:58.916 --> 28:59.875
Shimura.

29:02.541 --> 29:03.500
SOBRANG GALING

29:03.583 --> 29:04.791
IKAW NA, SHIMURA

29:06.250 --> 29:07.791
Ang ganda ng panalo niya.

29:25.791 --> 29:26.708
Shimura.

29:27.791 --> 29:28.708
Thank you.

29:34.625 --> 29:35.708
Thank you.

29:40.333 --> 29:41.458
Ilan na?

29:41.541 --> 29:42.375
Ha?

29:43.166 --> 29:44.041
Dalawa?

29:44.541 --> 29:46.666
Lagpas 700,000 views na.

29:47.208 --> 29:50.041
Konti na lang, makaka-one million na tayo.

29:50.541 --> 29:51.916
E, 'yong donations?

29:52.000 --> 29:53.500
-Hoy.
-Tingnan natin…

29:53.583 --> 29:54.958
Lagpas one million yen.

29:55.041 --> 29:59.333
Ibig sabihin,
600,000 yen 'yong makukuha natin.

30:00.625 --> 30:03.375
Akala ko, pumunta ka para iligtas ako.

30:03.458 --> 30:06.125
Bakit ko gagawin 'yon?
Pumunta 'ko para sa pera, 'no.

30:07.125 --> 30:10.166
Buwisit ka! Na-touch pa 'ko para sa wala!

30:10.250 --> 30:13.625
-Akala ko, ako 'yong—
-"Gagawin niya lahat para sa pera."

30:13.708 --> 30:15.333
Ikaw 'yong nagsabi no'n.

30:15.416 --> 30:16.416
Napanood mo pala…

30:17.375 --> 30:19.916
Sorry kung gago ako, a.

30:20.541 --> 30:22.833
Kaya wala kang kaibigan, e.

30:22.916 --> 30:26.333
Ano naman? Wala ka rin namang kaibigan.

30:26.833 --> 30:27.666
Ano'ng sabi mo?

30:29.375 --> 30:30.541
Gusto mo ng away?

30:31.041 --> 30:32.166
Sige, aba.

30:33.958 --> 30:36.125
-Technique ko 'yan, a.
-Tumahimik ka d'yan.

30:58.250 --> 30:59.750
Sana pumasok siya ngayon.

31:00.583 --> 31:01.416
Shimura!

31:01.500 --> 31:02.833
Uy, Shimura!

31:02.916 --> 31:03.750
Shimura.

31:03.833 --> 31:06.500
Thank you, a. Ang galing mo.

31:06.583 --> 31:10.416
Simula no'n, hindi na pumasok si Hamaken.

31:11.000 --> 31:15.666
Alam kong hindi siya sa 'kin natatakot.

31:16.208 --> 31:19.333
Natatakot siya sa katotohanan
na bumagsak na siya.

31:20.166 --> 31:23.541
Sorry nga pala,
di ako nakikialam pag binu-bully ka dati.

31:24.208 --> 31:26.375
Okay lang 'yon. Wala kang kasalanan.

31:26.458 --> 31:27.875
Ang bait mo talaga!

31:27.958 --> 31:31.041
Pag naiisip ko
'yong pinagdadaanan ni Hamaken ngayon…

31:32.791 --> 31:33.916
natutuwa ako!

31:34.000 --> 31:35.416
Buti nga sa kanya.

31:35.500 --> 31:37.458
Okay, okay.

31:38.041 --> 31:40.583
Alam n'yo na ngayon
kung gaano kami ka-cool?

31:40.666 --> 31:43.916
Salamat sa 'kin,
ang producer saka creator ng—

31:44.000 --> 31:46.500
Shimura, mag-KTV tayo minsan.

31:46.583 --> 31:48.291
Ha? E…

31:48.375 --> 31:50.375
Sige, sa day off ko sa trabaho.

31:50.458 --> 31:51.958
-Talaga?
-Hoy…

31:53.125 --> 31:53.958
Grabe.

31:57.625 --> 31:58.625
Oh my God, ew.

31:58.708 --> 32:00.000
Sobrang cringe niya.

32:00.083 --> 32:01.375
Seryoso ba siya?

32:01.458 --> 32:04.083
Bina-bash siya
kasi girlfriend siya ni Hamaken.

32:04.875 --> 32:06.916
-Ang boring niya naman.
-Oo nga.

32:09.583 --> 32:11.291
-Tara, CR tayo.
-Sige.

32:17.250 --> 32:18.750
NEW MESSAGE

32:19.666 --> 32:22.833
INVITATION TO PARTNER
AS AN OFFICIAL INFLUENCER

32:27.250 --> 32:28.416
Mag-isa ka lang?

32:29.166 --> 32:30.291
Uy, Aki.

32:30.375 --> 32:31.750
Nasa'n si Shimura?

32:32.666 --> 32:33.625
Malay ko.

32:36.958 --> 32:37.791
Ano'ng problema?

32:43.208 --> 32:45.541
Gets ko naman na magaling siya.

32:46.458 --> 32:47.458
Gets ko naman, pero…

32:48.916 --> 32:49.750
Naiinggit ka.

32:49.833 --> 32:52.125
-Hindi.
-Di attractive ang pagiging inggitero.

32:52.208 --> 32:53.583
Di ako naiinggit, okay?

32:57.291 --> 33:01.583
Ang dapat mong gawin ngayon,
hanapan siya ng susunod na kalaban.

33:05.333 --> 33:07.166
Malaki 'yong tiwala ko sa 'yo.

33:13.416 --> 33:14.916
Malaki 'yong tiwala niya sa 'kin?

33:17.000 --> 33:18.125
Talaga ba?

33:19.375 --> 33:20.708
CANDY CROWN CEO
KIMISHIMA EIJI

33:20.791 --> 33:22.500
Gaya ng sinabi ko sa DM,

33:22.583 --> 33:25.791
gusto ko sanang sumali ka sa agency namin.

33:26.833 --> 33:30.041
Under kami ng B.F. Promotion group.
Sikat na company 'yon.

33:30.125 --> 33:33.250
Kaya ka naming bigyan ng modeling gigs
saka roles sa mga dating show.

33:33.833 --> 33:35.708
Pag mas sumikat ka na—

33:35.791 --> 33:36.791
Dadami po ba…

33:38.250 --> 33:39.416
'yong followers ko?

33:42.125 --> 33:43.833
Gusto ko po ng maraming followers.

33:46.500 --> 33:47.375
Oo naman.

33:47.958 --> 33:49.250
Ako'ng bahala.

33:51.666 --> 33:53.208
May gagawin ka ba pagkatapos nito?

33:59.916 --> 34:02.041
Sorry po sa abala.

34:02.125 --> 34:03.208
Sorry talaga.

34:07.291 --> 34:08.833
Sorry po sa—

34:11.291 --> 34:12.750
-Sorry po.
-Sorry po.

34:13.250 --> 34:14.791
Sorry, di kita nakita.

34:14.875 --> 34:17.000
Okay lang. Kasalanan ko rin.

34:18.291 --> 34:19.250
Gamitin mo 'to, o.

34:20.500 --> 34:21.833
-Thank you.
-Sige lang.

34:22.500 --> 34:23.833
Buti, bumalik ka.

34:26.125 --> 34:27.166
Oo nga, e.

34:30.500 --> 34:34.625
Sorry talaga kung pinag-alala kita.

34:35.708 --> 34:38.291
Nababasa ko 'yong mga text mo,

34:38.875 --> 34:42.041
pero pagkatapos mo 'kong makitang gano'n…

34:43.458 --> 34:44.291
Thank you.

34:47.000 --> 34:49.333
Alam kong
pinoprotektahan mo ulit ako no'n.

34:52.791 --> 34:55.916
Okay lang 'yon.
Ilang beses mo na rin akong niligtas.

34:57.416 --> 34:58.250
Talaga?

34:58.333 --> 35:02.083
Ngayon, ako naman dapat
'yong magligtas sa 'yo.

35:03.416 --> 35:04.833
Grabe naman.

35:09.750 --> 35:10.708
Uy.

35:12.250 --> 35:15.375
Pwede ba ulit tayong mag-café?

35:16.000 --> 35:18.875
-Ako naman 'yong manlilibre.
-Talaga? Yehey!

35:19.833 --> 35:20.708
Yehey.

35:21.333 --> 35:22.458
Promise?

35:22.541 --> 35:23.541
Promise.

35:23.625 --> 35:24.458
Sige.

35:24.958 --> 35:25.916
Bye.

36:04.500 --> 36:06.166
Nakauwi ka na pala, Kaho.

36:06.666 --> 36:08.041
Hello po, Tita Akiko.

36:26.708 --> 36:28.083
Ano'ng ginawa mo ngayong araw?

36:28.958 --> 36:31.250
Magkasama lang po kami ni Tatsuya.

36:31.333 --> 36:32.333
Bakit?

36:32.916 --> 36:35.541
-Nag-usap po kami tungkol sa college…
-Gaano katagal?

36:36.250 --> 36:37.291
Dalawang oras po.

36:38.291 --> 36:40.458
MMA fighter siya, di ba?

36:41.166 --> 36:44.250
Makakatulong ba sa future mo
'yong tulad niya?

36:45.583 --> 36:48.291
Wag mong sayangin ang oras mo.

36:50.500 --> 36:51.333
Opo.

36:52.833 --> 36:55.500
-Excuse me po.
-May kasama ka pa bang ibang lalaki?

36:58.250 --> 36:59.500
Wala na po.

37:06.125 --> 37:06.958
Rumi.

37:08.666 --> 37:09.500
Ang galing mo.

37:18.208 --> 37:19.708
560,000 followers?

37:19.791 --> 37:22.166
Grabe, 'no?
Sumisikat na 'yong channel natin.

37:22.875 --> 37:25.916
Dahil 'to sa producing skills ko.

37:26.541 --> 37:27.541
Tingnan n'yo.

37:29.791 --> 37:30.833
BAD FELLOWS?

37:30.916 --> 37:32.833
-Ano 'yan?
-Di mo alam 'yong show na 'to?

37:33.458 --> 37:36.416
Sikat 'to, naglalaban-laban dito
'yong mga amateur fighter.

37:36.500 --> 37:38.208
No'ng sumikat 'yong show,

37:38.291 --> 37:42.625
nakapag-branch out 'yong CEO
sa entertainment industry.

37:43.583 --> 37:44.416
Ano ngayon?

37:46.666 --> 37:48.208
Basahin mo 'yong comments.

37:49.708 --> 37:50.708
MUKHANG FAKE

37:50.791 --> 37:52.541
MAS GUSTO KO 'YONG VIRAL HIT

37:52.625 --> 37:54.125
LEGIT 'YONG VIRAL HIT

37:54.958 --> 37:57.875
Umabot na sa channel na 'to
'yong kasikatan natin.

37:57.958 --> 37:59.666
Ano ba'ng gusto mong sabihin?

37:59.750 --> 38:03.166
Ang point ko, advantage natin
na totoo 'yong content natin.

38:03.250 --> 38:04.833
LEGIT 'YONG VIRAL HIT

38:04.916 --> 38:06.125
Oo nga, tapos?

38:06.208 --> 38:08.708
May susunod ka nang kakalabanin.

38:09.416 --> 38:12.041
Oo, inayos na
ng genius producer na 'to ang lahat.

38:22.083 --> 38:23.083
Umuwi na tayo.

38:23.583 --> 38:24.916
Teka, bakit?

38:25.000 --> 38:27.166
Ang laki ng weight difference.

38:27.250 --> 38:30.166
Naisip ko kasi, interesting panoorin 'yon.

38:30.250 --> 38:34.083
Subukan mo muna kayang kalabanin sila?
Tingnan natin kung safe ba.

38:34.166 --> 38:35.000
Ano?

38:37.875 --> 38:39.583
Kamay sa lupa.

38:53.666 --> 38:54.833
Start…

38:54.916 --> 38:55.791
Suko na 'ko!

38:58.500 --> 39:01.416
Alam mo na ngayon
'yong pakiramdam ko pag nakikipaglaban.

39:01.500 --> 39:05.458
Mahalagang part ng trabaho ng producer
'yong pagche-check ng safety.

39:05.541 --> 39:07.791
Gusto ko lang
na maging proud ka sa 'kin, Aki.

39:07.875 --> 39:10.500
Next time,
hanapan mo 'ko ng maayos na kalaban.

39:11.750 --> 39:13.750
Bakit ba pinagtutulungan n'yo 'ko?

39:15.291 --> 39:18.250
Kayo kaya ang humanap ng kalaban.

39:18.333 --> 39:20.875
Mukhang wala kaming choice.
Kami na nga ang hahanap.

39:21.708 --> 39:22.541
Tara na.

39:26.125 --> 39:27.375
Ano ba 'yan.

39:29.666 --> 39:32.625
Dapat alamin natin
kung pa'no hahanap ng makakalaban mo.

39:32.708 --> 39:34.291
Mag-strategy meeting tayo.

39:34.375 --> 39:36.333
Umisip din tayo ng ibang content.

39:36.416 --> 39:37.250
Oo nga.

39:37.875 --> 39:40.125
A, gusto mo, sa 'min tayo mag-meeting?

39:42.875 --> 39:43.708
A, e…

39:44.208 --> 39:48.625
Mag-aalala si Papa pag pumunta ako
sa lalaki na mag-isa lang sa bahay.

39:48.708 --> 39:49.791
Sa bagay.

39:50.291 --> 39:52.541
E, wag na muna tayong mag-meeting.

39:53.750 --> 39:54.708
Ay, di pwede.

39:56.166 --> 39:58.833
Kailangan pa rin nating mag-meeting.

40:03.666 --> 40:06.125
FOLLOWERS 71,000

40:18.791 --> 40:20.333
Tingnan mo. Lagpas 70K na.

40:20.416 --> 40:22.541
RUMI
BEAUTY-LOVING HIGH SCHOOL GIRL (17)

40:22.625 --> 40:24.375
Mas dadami pa 'yan.

40:24.875 --> 40:27.875
Kaya bang umabot sa 600,000?
Gusto ko silang matalo ASAP.

40:27.958 --> 40:30.333
Wag kang mag-alala. May plano ako.

40:31.208 --> 40:32.125
'Lika nga dito.

40:34.208 --> 40:37.000
Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Rumi.

40:39.791 --> 40:41.125
Ano, Rumi…

40:46.333 --> 40:48.375
Wag kang makinig sa kanila!

40:49.250 --> 40:50.375
Kanegon.

40:50.875 --> 40:53.333
-Bakit?
-Ano'ng ginagawa mo d'yan nang mag-isa?

40:53.416 --> 40:54.500
Di mo ba nakikita?

40:54.583 --> 40:56.416
Magkakaaway ba kayo?

40:56.500 --> 40:57.666
Tumahimik ka nga.

40:58.750 --> 41:00.083
Grabe naman sila.

41:01.125 --> 41:04.333
Pero ako, Kanegon, alam kong magaling ka.

41:09.916 --> 41:12.125
BARBER YASHIO

41:33.291 --> 41:35.000
May maganda bang nangyari?

41:35.083 --> 41:36.500
Oo.

41:36.583 --> 41:39.333
Ngayon ka lang magdadala ng kaibigan dito.

41:39.416 --> 41:41.791
Hindi kaibigan, kakampi.

41:41.875 --> 41:42.791
Kakampi?

41:42.875 --> 41:45.458
E di, close na close pala kayo.

41:46.583 --> 41:47.916
Hello po.

41:48.000 --> 41:49.041
Pasok ka lang.

41:49.125 --> 41:50.041
Late ka.

41:50.125 --> 41:51.541
Sorry. Naligaw ako.

41:51.625 --> 41:53.250
-Tara.
-A, sige.

41:53.750 --> 41:55.541
Shimura po, schoolmate po ni Aki.

41:55.625 --> 41:57.833
A… Nice to meet you.

41:57.916 --> 41:59.916
Thank you po. Sorry po sa abala.

42:02.458 --> 42:03.541
Lalaki?

42:05.750 --> 42:08.041
-Cheers!
-Oo nga, cheers!

42:08.625 --> 42:11.125
Ikaw ba talaga
'yong producer ng Viral Hit?

42:11.208 --> 42:13.083
-Big deal ba 'yon?
-Oo naman!

42:13.166 --> 42:15.291
Lumalabas sa Instagram ko 'yong videos mo.

42:15.375 --> 42:16.791
Sikat na sikat ka.

42:16.875 --> 42:19.458
-Talaga?
-Hindi kasi alam ng iba.

42:19.541 --> 42:21.708
Pinakaimportante ang mga producer.

42:21.791 --> 42:25.291
Okay lang, di nila alam
'yong nangyayari sa likod ng camera.

42:25.375 --> 42:26.708
Ang mature mo.

42:26.791 --> 42:28.333
-Sobra.
-Sobra.

42:28.416 --> 42:29.833
Talaga ba?

42:29.916 --> 42:32.500
Kung ako 'yon, magrereklamo ako for sure.

42:32.583 --> 42:35.083
Sasabihin ko,
"Sikat 'yong Viral Hit dahil sa 'kin."

42:35.166 --> 42:36.583
Kalma lang.

42:36.666 --> 42:41.500
Basta may mga taong nakaka-gets,
tulad n'yo, okay na 'ko do'n.

42:41.583 --> 42:44.041
Libre ko 'to ngayon. Inom pa.

42:44.125 --> 42:46.208
Sure ka? Di ako magpipigil.

42:46.291 --> 42:47.125
Eto na.

42:47.208 --> 42:48.708
-Cheers!
-Cheers!

42:53.666 --> 42:54.750
Wow!

42:57.625 --> 42:58.541
Nag-flop tayo.

42:58.625 --> 43:00.708
Wala man lang nag-donate kahit isa.

43:01.208 --> 43:02.416
Kahit one yen?

43:02.916 --> 43:05.333
Eto na 'yong susunod kong kalaban.

43:06.916 --> 43:08.416
VIRAL HIT LIVE NOW

43:08.500 --> 43:10.833
Parang di ito 'yong gusto nila sa 'yo.

43:10.916 --> 43:12.166
MAKIPAGLABAN KA NA

43:14.291 --> 43:15.375
Nakakamagkano na tayo?

43:15.458 --> 43:18.000
735,300 yen.

43:18.708 --> 43:20.375
Kulang na kulang pa 'yon.

43:20.458 --> 43:22.833
TOTAL AMOUNT DUE: 3,140,000 YEN

43:23.416 --> 43:26.041
Kailangan ko yata talagang makipaglaban…

43:29.416 --> 43:32.291
Uy, Kanegon.
Bigyan mo naman ako ng editing tips.

43:32.375 --> 43:34.708
-Gusto n'yong matuto?
-Oo!

43:34.791 --> 43:36.000
Pakitaan mo sila.

43:36.083 --> 43:37.458
-Talaga?
-Seryoso ba?

43:37.541 --> 43:41.000
-Mukhang wala na rin akong choice.
-Ang saya-saya.

43:48.166 --> 43:50.083
Aalis na 'ko.

43:50.166 --> 43:52.375
Hindi ko namalayan 'yong oras.

43:53.500 --> 43:54.500
Uy…

43:55.666 --> 43:56.666
'Yong video…

43:58.333 --> 43:59.375
-Video?
-A…

44:00.125 --> 44:01.291
Wala pala.

44:01.958 --> 44:04.583
May itatanong din pala 'ko.

44:05.500 --> 44:06.333
Sino 'yong…

44:08.000 --> 44:09.750
nagtuturo sa 'yong lumaban?

44:16.458 --> 44:19.208
PAANO TALUNIN ANG ISANG BASAGULERO

44:21.125 --> 44:21.958
A…

44:25.625 --> 44:26.583
Self-study lang.

44:28.458 --> 44:29.750
Self-study…

44:32.208 --> 44:33.333
Mauna na 'ko.

44:42.541 --> 44:44.750
So, hindi pala si Aki 'yon.

44:52.125 --> 44:52.958
Ha?

44:54.833 --> 44:58.333
PASSWORD INCORRECT

45:07.583 --> 45:08.708
Pahingi pa!

45:09.583 --> 45:10.708
Gusto pa namin.

45:10.791 --> 45:12.041
Sorry, girls.

45:12.125 --> 45:13.291
Bakit?

45:13.375 --> 45:17.291
Hello, Aki? Na-miss mo ba 'yong boses ko?

45:17.375 --> 45:19.958
Binago mo ba 'yong password ng channel?

45:20.041 --> 45:21.000
Password?

45:21.083 --> 45:22.583
Hindi, bakit?

45:22.666 --> 45:23.916
Kanegon, o. Inom pa.

45:24.000 --> 45:26.500
Mamaya na. May kausap ako.

45:35.708 --> 45:36.541
Hello?

45:36.625 --> 45:38.625
May emergency tayo. Bumalik ka dito.

45:38.708 --> 45:40.625
Anong "emergency"?

45:41.125 --> 45:42.916
Na-suspend…

45:43.791 --> 45:45.208
'yong Viral Hit account.

45:46.458 --> 45:49.208
Pero ginagamit pa natin 'yon kanina, a.

45:49.291 --> 45:50.708
Na-hack tayo.

45:51.291 --> 45:52.166
Teka.

45:52.250 --> 45:53.500
DEPOSIT: 735,300 YEN

45:53.583 --> 45:54.750
Ibig sabihin…

45:56.583 --> 46:00.208
Ibig sabihin, wala tayong makukuhang pera.

46:03.208 --> 46:04.041
Uy.

46:05.000 --> 46:06.208
Ano'ng problema?

46:07.250 --> 46:08.833
May nangyari ba?

46:10.791 --> 46:11.708
Sumagot ka.

46:37.083 --> 46:38.666
Warning 'to.

46:42.250 --> 46:43.083
Shimura?

46:43.791 --> 46:44.875
Ano'ng nangyari?

46:44.958 --> 46:46.333
Sumagot ka, Shimura.

46:46.916 --> 46:48.583
Uy, Shimura.

46:49.083 --> 46:51.083
Sumagot ka, Shimura!

47:03.541 --> 47:10.541
VIRAL HIT

48:28.250 --> 48:31.250
Nagsalin ng Subtitle: K. Erilla
hang pera.
