WEBVTT

00:00:06.005 --> 00:00:09.259 align:center
Pwede nang manguna ang Brazil.

00:00:09.926 --> 00:00:12.595 align:center
Maingat na ipinuwesto ng captain ang bola.

00:00:14.431 --> 00:00:18.518 align:center
Naka-score ng dalawa ang Italy
sa apat na penalty shot.

00:00:19.686 --> 00:00:20.937 align:center
Sumipa si Dunga.

00:00:22.397 --> 00:00:24.649 align:center
Dito na magdedesisyon.

00:00:24.733 --> 00:00:28.570 align:center
Kinabahan ako. Sabi ko, "Pag pumalya ako,
di na ako makakauwi."

00:00:28.653 --> 00:00:30.447 align:center
Pero kasabay no'n,

00:00:30.530 --> 00:00:33.825 align:center
naalala kong humingi ako
ng isa pang tsansa.

00:00:33.908 --> 00:00:35.785 align:center
Heto na si Dunga.

00:00:53.011 --> 00:00:55.805 align:center
May walong oras akong
behind-the-scenes footage.

00:00:56.681 --> 00:00:58.308 align:center
Marami akong materyal.

00:00:58.808 --> 00:01:02.937 align:center
Nandito ang buong kuwento, detalyado.

00:01:03.021 --> 00:01:04.397 align:center
Iba ang panahon noon.

00:01:04.481 --> 00:01:06.483 align:center
Wala nang player para rito.

00:01:06.566 --> 00:01:08.193 align:center
Marami akong materyal dito.

00:01:09.360 --> 00:01:10.403 align:center
Nag-record ako,

00:01:10.487 --> 00:01:14.616 align:center
at gumawa kami ng magandang archive
ng lahat ng nangyari.

00:01:14.699 --> 00:01:18.203 align:center
May idea ako. Kung ipakita natin
ang di pa nakitang footage?

00:01:18.286 --> 00:01:19.913 align:center
Mula sa loob,

00:01:19.996 --> 00:01:23.208 align:center
'yong privacy ng locker room,
'yong usapan ng team,

00:01:23.291 --> 00:01:25.877 align:center
'yong maganda
at pangit na nangyari, lahat.

00:01:25.960 --> 00:01:30.131 align:center
Nagkaisa ang grupong ito
at nalampasan ang mga pagsubok,

00:01:30.215 --> 00:01:33.718 align:center
kahit maraming gustong
pabagsakin tayo. Di tayo papayag.

00:01:40.683 --> 00:01:41.601 align:center
Ano 'yan?

00:01:41.684 --> 00:01:45.396 align:center
'Yan 'yong sobrang komportable naming bus.

00:01:45.480 --> 00:01:48.900 align:center
Ordinaryong bus lang 'yan.
May turnstile at lahat.

00:01:50.944 --> 00:01:53.655 align:center
Lahat ng pinagdaanan namin
sa mga buwang 'yon…

00:01:53.738 --> 00:01:57.492 align:center
mga dalawa o tatlong buwan kaming
magkakasama…

00:01:57.575 --> 00:01:59.160 align:center
kailangan naming i-record.

00:01:59.244 --> 00:02:00.703 align:center
SA UNANG PAGKAKATAON SA 30 TAON,

00:02:00.787 --> 00:02:03.581 align:center
ANG MGA DI PA NAKITANG FOOTAGE
NA KUHA MISMO NG MGA MANLALARO

00:02:06.292 --> 00:02:08.503 align:center
-Gawin natin!
-Ano'ng lunch ngayon?

00:02:08.586 --> 00:02:10.213 align:center
-Ano?
-Ano'ng lunch?

00:02:10.922 --> 00:02:11.923 align:center
Macaroni!

00:02:12.006 --> 00:02:14.801 align:center
Ano'ng lunch? Italy ang kalaban,
kaya macaroni.

00:02:16.928 --> 00:02:20.140 align:center
Nagwa-warm-up kami niyan,
sobrang kinakabahan kami.

00:02:22.142 --> 00:02:26.354 align:center
Limang taon ako, halos anim,
noong napanood ko 'yong 1970 World Cup.

00:02:26.855 --> 00:02:30.275 align:center
Eto na si Pelé! Goal!

00:02:33.444 --> 00:02:36.573 align:center
Bata pa ako noon, at naisip ko,
"Mapupunta ako riyan."

00:02:36.656 --> 00:02:39.159 align:center
"Magiging world champion ako.
Maglalaro ako sa Seleção."

00:02:39.242 --> 00:02:43.746 align:center
Three-time world football champion
ang Brazil!

00:02:57.719 --> 00:02:59.345 align:center
Pagkatapos ng 24 taon,

00:02:59.429 --> 00:03:02.640 align:center
nagharap ulit ang Brazil
at Italy sa World Cup final.

00:03:03.391 --> 00:03:06.978 align:center
Ito ang 1994 World Cup sa United States.

00:03:07.061 --> 00:03:09.522 align:center
Dalawang dekada ang lumipas.

00:03:09.606 --> 00:03:13.735 align:center
Kami lang na nando'n ang makakapagsabi
ng pakiramdam na 'yon.

00:03:14.485 --> 00:03:16.946 align:center
Di lang basta laro 'yon,
Brazil versus Italy 'yon.

00:03:17.447 --> 00:03:19.866 align:center
Isang hakbang na lang sa titulong gusto…

00:03:19.949 --> 00:03:24.245 align:center
Four-time champions! Sa kontra sa amin,
magiging four-time champions kami!

00:03:25.038 --> 00:03:28.875 align:center
Gusto kong maging world champion.
Gusto kong gumawa ng kasaysayan.

00:03:31.044 --> 00:03:34.172 align:center
Tuwing isusuot ko 'yong jersey,
may nagbabago.

00:03:34.756 --> 00:03:35.798 align:center
Mataas ang inaasahan.

00:03:35.882 --> 00:03:38.593 align:center
Kung di kami world champions,
mga bigo kami.

00:03:40.261 --> 00:03:41.971 align:center
May pressure, demands.

00:03:42.055 --> 00:03:44.724 align:center
-Di maganda ang laro nila.
-Uwi na, Parreira!

00:03:44.807 --> 00:03:47.810 align:center
Nasira ang Brazilian football noong 1994.

00:03:48.394 --> 00:03:52.315 align:center
Twenty-four years kaming di nanalo.
Sa Brazilian national team, matagal 'yon.

00:03:52.398 --> 00:03:55.652 align:center
Naalala ng lahat
na hinalikan ko 'yong poste,

00:03:55.735 --> 00:03:57.779 align:center
pero hindi 'yong pagkakamali ko.

00:03:59.155 --> 00:04:01.699 align:center
Unang World Cup 'yon
na sa penalties nagdesisyon.

00:04:01.783 --> 00:04:04.494 align:center
Noong tinira ko 'yong penalty…

00:04:04.577 --> 00:04:05.662 align:center
MIDFIELDER - ITALY

00:04:05.745 --> 00:04:07.121 align:center
…nablangko ako.

00:04:08.206 --> 00:04:11.417 align:center
Masipag at matiisin
ang mga kababayan natin.

00:04:12.085 --> 00:04:14.921 align:center
Naisip ko, "Dapat pasayahin ko
ang mga tao."

00:04:16.172 --> 00:04:20.301 align:center
Dapat magpasaya sa mga tao ang World Cup.

00:04:20.385 --> 00:04:22.595 align:center
Kaya uulit-ulitin ko 'yon.

00:04:22.679 --> 00:04:24.347 align:center
Wala akong pinagsisisihan.

00:04:25.640 --> 00:04:27.100 align:center
Ang pang-apat na titulo.

00:04:27.183 --> 00:04:31.062 align:center
"Nasa kung saan ako noon,"
"Kasama ko ang papa ko," "Nasa…"

00:04:31.145 --> 00:04:34.274 align:center
Naaalala ng lahat
kung nasaan sila noong larong 'yon.

00:04:34.357 --> 00:04:38.611 align:center
Kami ang pinakadeterminadong team
na maging world champion.

00:04:38.695 --> 00:04:41.864 align:center
Dapat magaling kang magkontrol ng emosyon.

00:04:41.948 --> 00:04:43.032 align:center
MIDFIELDER - ITALY

00:04:43.116 --> 00:04:45.660 align:center
Pwedeng baguhin ng penalty ang buhay mo.

00:04:46.661 --> 00:04:50.081 align:center
Kapag nasalo ni Taffarel,
magiging kampeon ang Brazil.

00:04:51.374 --> 00:04:53.584 align:center
Si Baggio ang sisipa.

00:04:55.086 --> 00:04:58.798 align:center
USA 94: BRAZIL'S RETURN TO GLORY

00:05:01.259 --> 00:05:03.720 align:center
Naghahanda ang Brazil

00:05:03.803 --> 00:05:07.015 align:center
para ipagdiwang
ang laban nila sa Argentina

00:05:07.098 --> 00:05:10.852 align:center
sa Round of 16 ng 1990 World Cup.

00:05:10.935 --> 00:05:11.978 align:center
Nakaka-excite.

00:05:12.061 --> 00:05:15.023 align:center
Brazil at Argentina,

00:05:15.106 --> 00:05:16.983 align:center
mortal nang magkalaban.

00:05:18.818 --> 00:05:22.655 align:center
Sa World Cup, kailangan mong maglaro
nang walang pagkakamali

00:05:23.573 --> 00:05:24.532 align:center
at dapat tumpak.

00:05:24.615 --> 00:05:27.368 align:center
Dahil may 11 silang magagaling na player,

00:05:27.452 --> 00:05:29.537 align:center
at importante 'yong dalawa o tatlo.

00:05:29.620 --> 00:05:33.124 align:center
Kaya kung nagkamali ka sa player na 'yon,
wala nang balikan.

00:05:33.207 --> 00:05:36.336 align:center
Kung di sila makaka-goal,
kami ang pupuntos.

00:05:37.587 --> 00:05:41.841 align:center
Nagsimula na ang laro
ng Brazil at Argentina!

00:05:42.967 --> 00:05:44.886 align:center
Mas maganda ang laro ng Brazil,

00:05:44.969 --> 00:05:47.930 align:center
at isa lang ang naging tsansa
ng Argentina. Sino'ng nakakuha?

00:05:48.014 --> 00:05:49.724 align:center
Ayan na si Maradona.

00:05:50.224 --> 00:05:53.102 align:center
Henyo. Wala kang magagawa.
Gano'n ang football.

00:05:53.186 --> 00:05:56.272 align:center
Iniwan ni Maradona si Dunga at tumakbo.

00:05:56.356 --> 00:05:58.107 align:center
Kailangan niyang mag-ingat.

00:05:58.191 --> 00:05:59.817 align:center
Ipinasa niya kay Caniggia.

00:05:59.901 --> 00:06:03.404 align:center
Nilampasan niya si Taffarel at naka-score!

00:06:05.782 --> 00:06:11.079 align:center
Tanggal na ang Brazil sa 1990 World Cup.

00:06:12.163 --> 00:06:13.998 align:center
Marami ang umiyak sa pagkatalo.

00:06:14.082 --> 00:06:17.502 align:center
Maghihintay ulit sa susunod
na World Cup sa apat na taon.

00:06:17.585 --> 00:06:22.256 align:center
Noong natalo ang Brazil,
inaway ng mga tao si Lazaroni

00:06:22.340 --> 00:06:23.841 align:center
at ako.

00:06:23.925 --> 00:06:25.802 align:center
Bakit Dunga era?

00:06:25.885 --> 00:06:28.096 align:center
Kasi sinisimbolo no'n ang era

00:06:28.179 --> 00:06:32.183 align:center
kung saan mas kilala ang Seleção
sa depensa nila

00:06:32.266 --> 00:06:34.227 align:center
kesa sa pagiging creative nila.

00:06:34.310 --> 00:06:36.312 align:center
Dapat nagpalit tayo ng coach.

00:06:36.896 --> 00:06:41.901 align:center
Kung ang mga tao ang pumili ng coach,
mas naging madali sa kanya ang trabaho.

00:06:43.152 --> 00:06:45.988 align:center
Di mo pipiliin na maging coach ng Seleção,

00:06:46.072 --> 00:06:47.865 align:center
iimbitahan ka.

00:06:48.533 --> 00:06:51.244 align:center
Buong araw sa Hilton Hotel
si Parreira sa Rome.

00:06:51.327 --> 00:06:54.580 align:center
Nag-usap sila ni Pelé,
pero ayaw niyang magpa-interview.

00:06:54.664 --> 00:06:58.376 align:center
Nang pinili si Parreira
para maging coach ng Seleção, sabi niya,

00:06:58.459 --> 00:07:01.921 align:center
"May isang kondisyon ako.
Isasama ko si Zagallo."

00:07:02.505 --> 00:07:05.216 align:center
Magkakilala na kami
noong 1970 World Cup pa.

00:07:05.299 --> 00:07:08.761 align:center
Puno ng aral ang mga sinasabi niya.

00:07:08.845 --> 00:07:12.390 align:center
Nagustuhan namin ang isa't isa,
nagkasundo kami,

00:07:12.473 --> 00:07:17.186 align:center
pero una sa lahat,
ginawa namin ang lahat para sa Seleção.

00:07:17.270 --> 00:07:19.188 align:center
MAMUMUNO SI PARREIRA SA SELEÇÃO.

00:07:22.942 --> 00:07:23.776 align:center
BAYANI

00:07:24.360 --> 00:07:27.613 align:center
Nagsimula ang paghahanda
pagkatapos ng 1990 World Cup.

00:07:27.697 --> 00:07:31.576 align:center
Sinimulan na nilang buuin
ang team para sa pang-apat na titulo.

00:07:31.659 --> 00:07:33.578 align:center
BRAZIL, IPINAGLALABAN ANG SPOT
SA WORLD CUP

00:07:33.661 --> 00:07:37.165 align:center
Iba pa noon ang World Cup qualifiers.
Bawat laro, kritikal.

00:07:37.248 --> 00:07:39.792 align:center
Maraming naghintay sa Seleção sa hotel.

00:07:39.876 --> 00:07:42.336 align:center
Hinalikan pa si Raí ng fans.

00:07:45.006 --> 00:07:47.633 align:center
May apat na taon na cycle

00:07:47.717 --> 00:07:49.469 align:center
sa pagitan ng World Cup.

00:07:49.552 --> 00:07:55.850 align:center
Nasa peak ako noong '91, kaya ako
ang nanguna sa "Road to 1994".

00:07:56.601 --> 00:07:59.270 align:center
Nagsimula na ang laro sa La Paz.

00:07:59.353 --> 00:08:03.024 align:center
Sa puntong 'yon,
di pa natatalo ang Brazil sa qualifiers.

00:08:03.107 --> 00:08:06.486 align:center
Delikado. Ingat, Taffarel.
Wag kang umatras, Taffarel.

00:08:07.069 --> 00:08:09.655 align:center
Ang lakas ng tira. Goal para sa Bolivia.

00:08:11.491 --> 00:08:15.369 align:center
Unang pagkatalo 'yon ng Brazil
sa qualifying match.

00:08:15.453 --> 00:08:19.707 align:center
Umuwi ang Brazil na naghahanap
ng dahilan at paliwanag sa pagkatalo.

00:08:19.790 --> 00:08:23.377 align:center
Walang tiwala ang mga tao
sa henerasyon na 'yon.

00:08:23.461 --> 00:08:26.380 align:center
Matapos ang halos 40 years
na World Cup qualifiers,

00:08:26.464 --> 00:08:28.341 align:center
unang beses natalo ang Brazil.

00:08:28.424 --> 00:08:32.845 align:center
Pag-uwi namin, nakalaban namin
ang Ecuador sa Morumbi stadium.

00:08:32.929 --> 00:08:34.805 align:center
Binu-boo kami buong laro.

00:08:40.937 --> 00:08:45.441 align:center
Kaya naging tensiyonado 'yong paligid.

00:08:45.525 --> 00:08:48.069 align:center
Ito ang dahilan kung bakit sila na-boo:

00:08:48.152 --> 00:08:50.947 align:center
Sabi ni Parreira,
di pwedeng maglaro ang dalawa.

00:08:51.030 --> 00:08:54.659 align:center
Kinuwestiyon nila ang coach,
si Parreira, at 'yong style niya.

00:08:54.742 --> 00:08:56.077 align:center
Ayoko sa style ni Parreira.

00:08:56.160 --> 00:08:57.620 align:center
Dapat palitan ang coach.

00:08:57.703 --> 00:08:59.372 align:center
Ayoko sa Seleção ngayon.

00:08:59.455 --> 00:09:02.166 align:center
Gusto ng Brazilian press
na alisin sina Parreira at Zagallo.

00:09:02.250 --> 00:09:07.255 align:center
Pero naniwala kami sa kanila.
Naniwala ang national team sa kanila.

00:09:08.256 --> 00:09:11.592 align:center
Tanggalin si Parreira!

00:09:11.676 --> 00:09:16.180 align:center
Nakipag-meeting kami nang gabing-gabi
kay Parreira sa Granja Comary,

00:09:16.264 --> 00:09:19.183 align:center
ang training camp ng Seleção.

00:09:20.059 --> 00:09:21.769 align:center
"Parreira, diyan ka lang."

00:09:21.852 --> 00:09:25.564 align:center
"Ano'ng ibig mong sabihin,
magre-resign ka?"

00:09:25.648 --> 00:09:28.568 align:center
Paraan 'yon para patatagin
'yong dedikasyon.

00:09:28.651 --> 00:09:32.863 align:center
"Tuloy tayo, Parreira.
Magiging world champions tayo."

00:09:32.947 --> 00:09:35.032 align:center
Oras ng desisyon.

00:09:35.533 --> 00:09:36.951 align:center
Naglaro kami sa Recife,

00:09:37.034 --> 00:09:39.120 align:center
at umapela ako sa Pernambuco fans.

00:09:39.203 --> 00:09:41.205 align:center
"Kailangan namin kayo."

00:09:41.872 --> 00:09:45.626 align:center
Pagdating namin sa Recife,
pambihira 'yong nakita namin.

00:09:45.710 --> 00:09:49.714 align:center
Punô ng tao 'yong airport,
napakainit ng pagtanggap nila.

00:09:49.797 --> 00:09:53.801 align:center
Sinalubong nila kami, niyakap kami,
ipinakita ang pagmamahal nila.

00:09:54.468 --> 00:09:58.347 align:center
Baka limang libo ang naghihintay
sa amin, isinisigaw kami.

00:09:58.431 --> 00:10:00.016 align:center
Raí!

00:10:00.641 --> 00:10:04.603 align:center
Handa na lahat para sa laro sa Linggo.
Ramdam ko ang pagmamahal sa Recife.

00:10:04.687 --> 00:10:06.564 align:center
"Tahanan mo 'to. Mahal ka namin."

00:10:06.647 --> 00:10:10.067 align:center
Kailangan ng players ng pagmamahal.
Pati ikaw, lahat tayo, pamilya natin…

00:10:10.151 --> 00:10:12.903 align:center
Doon pumasok
ang mga kaibigan namin sa Recife.

00:10:16.407 --> 00:10:18.701 align:center
Brazil!

00:10:18.784 --> 00:10:22.872 align:center
Sixty-nine thousand tickets
ang nabenta para sa laro bukas.

00:10:25.207 --> 00:10:28.794 align:center
Mula noon, may nagbago na.

00:10:28.878 --> 00:10:30.880 align:center
Sabi ni Ricardo Rocha,

00:10:30.963 --> 00:10:34.467 align:center
dapat daw ipakita at isigaw namin sa pitch

00:10:34.550 --> 00:10:37.053 align:center
kung ano ang nararamdaman namin.

00:10:37.637 --> 00:10:38.804 align:center
Magkakahawak-kamay.

00:10:38.888 --> 00:10:44.226 align:center
Kakaiba ang pagpasok
ng national team sa field.

00:10:44.310 --> 00:10:49.190 align:center
Baka magkakahawak-kamay sila para suklian

00:10:50.316 --> 00:10:53.110 align:center
ang pagmamahal
ng mga taga-Pernambuco sa team.

00:10:53.194 --> 00:10:57.948 align:center
Kaya magkakahawak-kamay sila
para ipakita kung paano sila maglalaro.

00:10:58.532 --> 00:11:02.953 align:center
Alam namin ang potensiyal namin.
Alam namin kung ano'ng kaya namin.

00:11:03.537 --> 00:11:05.831 align:center
Nagpasiklab kami noong araw na 'yon.

00:11:05.915 --> 00:11:07.583 align:center
Sige! Goal!

00:11:07.666 --> 00:11:09.460 align:center
Tingnan n'yo! Goal!

00:11:10.044 --> 00:11:11.128 align:center
Goal!

00:11:11.212 --> 00:11:12.755 align:center
Tingnan n'yo! Goal!

00:11:12.838 --> 00:11:14.924 align:center
Perfect 'yan! Goal!

00:11:15.007 --> 00:11:16.717 align:center
Pang-anim na goal 'yan ng Brazil.

00:11:16.801 --> 00:11:19.428 align:center
Sa mga nagrereklamo, ito ang sagot namin.

00:11:20.054 --> 00:11:23.265 align:center
Pero dumating 'yong laro na magdedesisyon.

00:11:24.475 --> 00:11:26.936 align:center
Nagkataong 'yong huling qualifying match,

00:11:27.019 --> 00:11:29.647 align:center
laban sa Uruguay sa Maracanã.

00:11:30.564 --> 00:11:31.816 align:center
Heto na.

00:11:32.316 --> 00:11:33.734 align:center
Maracanaço.

00:11:34.777 --> 00:11:36.278 align:center
1950.

00:11:36.946 --> 00:11:38.906 align:center
"Hindi, hindi na ulit!"

00:11:43.160 --> 00:11:45.454 align:center
Pag natalo kami, laglag na kami.

00:11:45.538 --> 00:11:48.916 align:center
Pwedeng mas malungkot pa
ang mangyari sa Seleção,

00:11:48.999 --> 00:11:52.878 align:center
unang beses na di makakapasok
ang Brazil sa World Cup.

00:11:52.962 --> 00:11:55.423 align:center
Siguradong mananalo kami at makakapasok.

00:11:55.506 --> 00:11:58.801 align:center
Kung di kami makakapasok,
ipasara na lang ang bansa.

00:11:59.927 --> 00:12:03.139 align:center
Sa bawat interview,
"Parreira, paano si Romário?"

00:12:03.848 --> 00:12:05.558 align:center
Sabi ko, "Babalik siya pag oras na."

00:12:06.392 --> 00:12:08.936 align:center
Romário!

00:12:09.019 --> 00:12:11.564 align:center
Tinatawag ng mga tao si Romário.

00:12:11.647 --> 00:12:15.484 align:center
Mahusay si Romário sa Barcelona.
Magaling siya sa Europe.

00:12:15.568 --> 00:12:18.696 align:center
At alam ng lahat
kung gaano kaimportante si Romário.

00:12:20.156 --> 00:12:23.200 align:center
Sa totoo lang, umasa akong tatawagan,

00:12:23.284 --> 00:12:26.537 align:center
kasi mahirap 'yong sitwasyon ng Brazil.

00:12:27.913 --> 00:12:31.125 align:center
Na-pressure sina Parreira at Zagallo
na ibalik siya.

00:12:31.208 --> 00:12:34.211 align:center
Tinawagan ako nina Zagallo
at Parreira at sabi nila,

00:12:34.295 --> 00:12:37.590 align:center
"Bebeto, iniisip naming ibalik
si Romário."

00:12:37.673 --> 00:12:40.885 align:center
Tinanong siya ng coaching staff
sa opinyon niya sa pagbabalik ko.

00:12:40.968 --> 00:12:43.095 align:center
Siya ang unang nagsabi, "Dalhin mo siya."

00:12:43.179 --> 00:12:47.224 align:center
Isa si Bebeto sa mga pinakamatalik kong
kaibigan sa football.

00:12:47.308 --> 00:12:49.477 align:center
At best partner ko sa field.

00:12:50.102 --> 00:12:55.149 align:center
Dalawang duo lang ang di natalo
habang magkasama sa senior national team.

00:12:55.232 --> 00:13:00.070 align:center
Kilala n'yo kung sino?
Pelé at Garrincha, at Bebeto at Romário.

00:13:00.154 --> 00:13:04.200 align:center
Kung di namin ibinalik si Romário,
at natalo kami sa Uruguay,

00:13:04.283 --> 00:13:08.287 align:center
at di nakapasok sa World Cup
sa unang pagkakataon?

00:13:09.038 --> 00:13:09.872 align:center
Tapos na.

00:13:09.955 --> 00:13:12.208 align:center
Pakiramdam ko importante ako.

00:13:12.291 --> 00:13:15.628 align:center
Kung di namin makuha
'yong gusto naming resulta,

00:13:15.711 --> 00:13:18.923 align:center
kasalanan ko 'yon.
Magiging handa ako roon.

00:13:19.006 --> 00:13:22.384 align:center
Nagpakitang-gilas ako,
kaya di ko na kailangang magsalita.

00:13:22.468 --> 00:13:24.011 align:center
Nasa field na ang Brazilian team.

00:13:24.094 --> 00:13:27.556 align:center
Dumating 'yong tamang oras,
'yong linggo ng desisyon

00:13:27.640 --> 00:13:29.266 align:center
laban sa Uruguay.

00:13:30.100 --> 00:13:33.729 align:center
Di ko kailangang maging importante lagi,
pag kailangan lang.

00:13:33.813 --> 00:13:36.482 align:center
Tuwing kailangan 'yon,
naging importante ako.

00:13:37.483 --> 00:13:38.317 align:center
Nagsimula na.

00:13:38.400 --> 00:13:41.070 align:center
Nakalusot siya sa pressure,
at nagbunyi ang Maracanã!

00:13:41.153 --> 00:13:43.280 align:center
Sabi ni Romário sa akin,

00:13:43.364 --> 00:13:49.411 align:center
"Magna-nutmeg ako, magso-sombrero,

00:13:49.495 --> 00:13:50.704 align:center
at dodoblehin ang score."

00:13:50.788 --> 00:13:54.291 align:center
Kinailangan kong gawin 'yon
para magpakitang-gilas.

00:13:54.375 --> 00:13:59.797 align:center
Tapos na ang unang half. Papasok na siya
sa tunnel, tinanong ko, "Paano ang goal?"

00:13:59.880 --> 00:14:01.715 align:center
"Sa second half ako ii-score."

00:14:01.799 --> 00:14:02.883 align:center
Bebeto, nag-cross.

00:14:02.967 --> 00:14:06.136 align:center
Perfect cross 'yon.
Parang pass 'yon kesa cross.

00:14:06.220 --> 00:14:10.516 align:center
Nag-cross si Bebeto,
napunta kay Romário sa kabila. Goal!

00:14:10.599 --> 00:14:14.061 align:center
Tumalon lang ako nang kaunti,

00:14:14.144 --> 00:14:16.355 align:center
at nag-header pababa.

00:14:16.438 --> 00:14:18.607 align:center
Ipinasok ni Romário gamit ang ulo.

00:14:18.691 --> 00:14:20.693 align:center
Isa para sa Brazil.

00:14:21.193 --> 00:14:22.528 align:center
Nauna roon si Romário.

00:14:22.611 --> 00:14:25.614 align:center
Nakakabilib 'yong bilis ko noon.

00:14:25.698 --> 00:14:28.242 align:center
Habang papalapit ako sa keeper,
itinulak ko 'yong bola.

00:14:28.325 --> 00:14:30.327 align:center
Tinakpan niya 'yong side,
kaya kumabila ako.

00:14:30.411 --> 00:14:34.123 align:center
Sinubukan niya akong suntukin
nang ganito, pero napakabilis ko.

00:14:34.957 --> 00:14:36.876 align:center
Nauna roon si Romário.

00:14:36.959 --> 00:14:38.669 align:center
Ano na? Tingnan 'yong goal!

00:14:38.752 --> 00:14:40.254 align:center
Ipasok mo!

00:14:40.337 --> 00:14:43.465 align:center
Goal!

00:14:45.593 --> 00:14:47.261 align:center
Tapos na ang laro. Makinig!

00:14:47.344 --> 00:14:50.347 align:center
May stamp na sa passport ng Brazil!

00:14:50.431 --> 00:14:53.726 align:center
Wow, Brazil. Pasok na tayo sa World Cup.

00:14:53.809 --> 00:14:56.312 align:center
Grabe. Pasok na tayo.

00:14:56.395 --> 00:14:58.230 align:center
Ramdam ko sa grupong 'yon,

00:14:58.314 --> 00:15:01.650 align:center
lalo na't natalo kami noong '90,

00:15:02.401 --> 00:15:04.069 align:center
na ayaw na naming matalo.

00:15:04.153 --> 00:15:07.990 align:center
Ang pinakaimportante, nanalo ang Brazil
at nasa World Cup na tayo.

00:15:08.073 --> 00:15:10.993 align:center
Nakapasok na ang Brazil sa US World Cup.

00:15:11.076 --> 00:15:12.244 align:center
Ang galing, honey.

00:15:12.328 --> 00:15:14.163 align:center
Pwede pang mas pagandahin,

00:15:14.246 --> 00:15:17.333 align:center
pero magpa-party na tayo at iinom ng beer.

00:15:19.460 --> 00:15:22.254 align:center
Utang ko sa football lahat ng meron ako.

00:15:22.338 --> 00:15:26.091 align:center
May koneksiyon na ako sa bola
mula nang ipanganak ako.

00:15:26.175 --> 00:15:30.846 align:center
Repleksiyon ng football
ang sitwasyon ng bansa

00:15:30.930 --> 00:15:32.806 align:center
o ng lipunan.

00:15:34.016 --> 00:15:37.144 align:center
Nagdurusa ang mga tao sa Brazil.

00:15:37.227 --> 00:15:40.356 align:center
Determinado sila, masisipag.

00:15:40.439 --> 00:15:42.441 align:center
Di madali ang buhay rito.

00:15:42.524 --> 00:15:47.446 align:center
Napakalaki ng bansa. At football
ang ipinagmamalaki at saya natin.

00:15:47.529 --> 00:15:50.949 align:center
Kilala ang Brazil
bilang bansa ng football.

00:15:52.117 --> 00:15:55.329 align:center
Buhay ng mga tao
at mahal ng mga tao ang football.

00:15:55.412 --> 00:15:59.333 align:center
Lahat nangangarap
na maging football player sa Brazil.

00:16:03.170 --> 00:16:06.715 align:center
Naglaro kami sa Paris,

00:16:06.799 --> 00:16:11.178 align:center
laban sa Paris Saint-Germain,
ang team ni Raí.

00:16:11.261 --> 00:16:14.723 align:center
At pagdating ko sa training camp,

00:16:15.516 --> 00:16:19.728 align:center
malungkot silang lahat.

00:16:19.812 --> 00:16:21.271 align:center
Doon ko nalaman

00:16:21.355 --> 00:16:25.109 align:center
na may nangyaring aksidente.

00:16:25.192 --> 00:16:29.113 align:center
Namatay ang isang magaling
na atleta, ang kaibigan ko,

00:16:29.196 --> 00:16:34.410 align:center
na siguradong magiging
pinakamagaling sana sa mundo, si Dener.

00:16:34.493 --> 00:16:36.578 align:center
Heto na si Dener, napakabilis.

00:16:36.662 --> 00:16:39.248 align:center
Nilampasan niya
ang defender at goalkeeper.

00:16:39.331 --> 00:16:42.835 align:center
Bihira tayong makakita ng gaya ni Dener.
Ang husay niya.

00:16:42.918 --> 00:16:47.297 align:center
Hinamon niya ang laws of gravity
sa galaw niya.

00:16:47.381 --> 00:16:52.052 align:center
5:15 a.m. Sa 10 o 15 minuto,
makakauwi na sana si Dener.

00:16:54.346 --> 00:16:58.100 align:center
Ihahatid ang Papa ko
mula São Paulo papuntang Rio de Janeiro.

00:16:58.183 --> 00:17:01.061 align:center
At 15 minutes bago makauwi,

00:17:01.145 --> 00:17:05.023 align:center
nakatulog ang driver,
sumalpok sa puno, at namatay ang papa ko.

00:17:05.607 --> 00:17:09.403 align:center
Sa kasamaang-palad, nawalan kami
ng isa pang kasama sa aksidente.

00:17:09.486 --> 00:17:14.783 align:center
Natanggap namin ang balita
nang umaga ring 'yon.

00:17:14.867 --> 00:17:17.786 align:center
Siguradong kasama sana namin siya.

00:17:18.829 --> 00:17:21.874 align:center
Siguradong kasama siya sa listahan.

00:17:21.957 --> 00:17:24.334 align:center
Isa sana siya sa mga bida sa World Cup,

00:17:24.418 --> 00:17:26.420 align:center
pero iba ang plano ng tadhana.

00:17:30.549 --> 00:17:35.471 align:center
Si Ayrton Senna ang nagbukas ng laro.

00:17:35.554 --> 00:17:39.141 align:center
Ayan na siya, si Ayrton Senna,
ang Formula 1 driver,

00:17:39.224 --> 00:17:42.269 align:center
para sa ceremonial kickoff.

00:17:42.352 --> 00:17:46.148 align:center
Sige, Ayrton. Apakan mo. Kaway sa mga tao.

00:17:46.231 --> 00:17:49.193 align:center
Salamat sa pagsuporta
sa Brazilian National Team.

00:17:49.276 --> 00:17:53.822 align:center
Three-time champion siya, Brazil din.
Mananalo siya ng pang-apat, pati kami.

00:17:53.906 --> 00:17:57.034 align:center
Mahirap 'yon, pero gagawin namin
ang makakaya namin.

00:17:57.117 --> 00:17:58.452 align:center
Nagkasundo kami.

00:17:59.495 --> 00:18:02.164 align:center
Sa ngayon, mas may pag-asa tayo sa soccer

00:18:02.247 --> 00:18:03.248 align:center
kesa Formula One.

00:18:03.332 --> 00:18:06.502 align:center
Para may idea kayo,
humihinto kami tuwing Linggo

00:18:07.086 --> 00:18:08.796 align:center
para panoorin si Ayrton.

00:18:11.715 --> 00:18:13.801 align:center
Dakilang bayani namin siya.

00:18:13.884 --> 00:18:16.595 align:center
Siya ang nagpapasaya
sa Brazilians pag Linggo.

00:18:19.098 --> 00:18:21.225 align:center
Labinlimang araw pagkatapos, May 1,

00:18:21.308 --> 00:18:22.893 align:center
namatay siya sa aksidente.

00:18:22.976 --> 00:18:24.436 align:center
NAGLULUKSA ANG BRAZIL KAY SENNA.

00:18:24.520 --> 00:18:26.605 align:center
MAHIGIT ISANG MILYON
ANG NAGPAALAM KAY SENNA.

00:18:27.648 --> 00:18:31.401 align:center
Nakakalungkot 'yong pagkawala
ni Ayrton Senna.

00:18:32.528 --> 00:18:36.448 align:center
Napakalungkot ng Brazil noon.
Sobrang lungkot.

00:18:42.037 --> 00:18:44.623 align:center
Pagkamatay nina Senna at Dener,

00:18:44.706 --> 00:18:48.127 align:center
lagi naming sinusubukang gawing lakas

00:18:48.210 --> 00:18:50.087 align:center
ang hirap, pagkawala, at sakit,

00:18:50.170 --> 00:18:53.757 align:center
para manatili kaming nakatutok

00:18:53.841 --> 00:18:56.009 align:center
at hindi sumusuko.

00:18:58.262 --> 00:19:02.015 align:center
Sa pagkawala ni Ayrton,
ramdam namin na nire-represent namin

00:19:02.099 --> 00:19:04.059 align:center
ang bansang nasa krisis.

00:19:04.768 --> 00:19:07.729 align:center
Mahirap talaga
'yong pinagdaanan ng Brazil.

00:19:07.813 --> 00:19:13.277 align:center
At 'yong football, 'yong Seleção,
ang pag-asa ng mga Brazilian

00:19:13.944 --> 00:19:15.696 align:center
para sa panandaliang saya.

00:19:15.779 --> 00:19:19.199 align:center
Kaya nang tawagin kami,

00:19:19.283 --> 00:19:21.285 align:center
isa lang ang naging goal namin,

00:19:21.368 --> 00:19:24.037 align:center
ang maiuwi ang cup

00:19:24.121 --> 00:19:27.916 align:center
para mapasaya ang mga kababayan namin.

00:19:28.000 --> 00:19:29.543 align:center
NAKATUTOK ANG MUNDO SA USA.

00:19:29.626 --> 00:19:31.378 align:center
BRAZIL, LUMIPAD PARA SA HULING PAG-ASA

00:19:33.130 --> 00:19:34.590 align:center
Wala ka pa noon.

00:19:34.673 --> 00:19:37.885 align:center
Ako 'yong unang sumakay
sa eroplano na may camera.

00:19:37.968 --> 00:19:40.387 align:center
BRAZIL, LALABAN PARA SA IKAAPAT NA TITULO

00:19:40.470 --> 00:19:42.806 align:center
Kinunan ko lahat, kaya may footage ako.

00:19:42.890 --> 00:19:44.641 align:center
At tingin ko, ang ganda no'n.

00:19:45.142 --> 00:19:48.437 align:center
Natupad ang pangarap ko noong bata ako.

00:19:49.688 --> 00:19:52.191 align:center
Kapag kumikilos bilang grupo,

00:19:52.274 --> 00:19:56.361 align:center
ang pinakaimportante,
iisa ang pilosopiya ng lahat.

00:19:56.445 --> 00:19:58.447 align:center
Ano'ng gusto namin?

00:19:59.239 --> 00:20:00.866 align:center
Maging world champions.

00:20:11.210 --> 00:20:15.255 align:center
Iba talaga 'yong makarating sa US
para maglaro sa World Cup.

00:20:16.131 --> 00:20:18.467 align:center
Kasi di pa sikat ang soccer doon.

00:20:18.550 --> 00:20:20.344 align:center
'Yong makapunta sa World Cup,

00:20:20.427 --> 00:20:22.804 align:center
'yong makapaglaro, makisali…

00:20:22.888 --> 00:20:24.681 align:center
Walang katulad 'yon.

00:20:25.265 --> 00:20:27.935 align:center
Di kami nagpasok ng diyaryo o magazine.

00:20:29.603 --> 00:20:32.064 align:center
Di kami nakisali sa kahit ano.

00:20:33.106 --> 00:20:34.733 align:center
Nag-eensayo kami,

00:20:34.816 --> 00:20:37.194 align:center
tapos bumabalik sa hotel,

00:20:37.277 --> 00:20:39.655 align:center
tapos kumakain ng hapunan, tanghalian.

00:20:41.073 --> 00:20:44.743 align:center
At mag-eensayo ulit kami kinabukasan.
Lahat nakatutok.

00:20:46.954 --> 00:20:49.456 align:center
Alam naming kailangan naming mag-adjust,

00:20:49.539 --> 00:20:52.542 align:center
at iniisip namin
kung paano magre-react ang publiko.

00:20:52.626 --> 00:20:55.504 align:center
Number one ang Brazil!

00:20:56.588 --> 00:21:00.884 align:center
Sa bansang 'to, pwede kang maglakad
sa kalye at di 'yon alam ng karamihan.

00:21:00.968 --> 00:21:05.013 align:center
Pwede kang magtanong,
"May World Cup. Alam mo 'yon?"

00:21:05.097 --> 00:21:06.390 align:center
-Soccer fan?
-Hindi.

00:21:06.473 --> 00:21:07.849 align:center
Manonood ka ng laban?

00:21:07.933 --> 00:21:09.101 align:center
Hindi.

00:21:09.184 --> 00:21:10.477 align:center
Hindi ako interesado.

00:21:10.560 --> 00:21:15.274 align:center
-May papanoorin kang laro? Sa World Cup?
-Wala, magtatrabaho ako.

00:21:15.357 --> 00:21:18.318 align:center
Gusto ng FIFA na palakihin
at paunlarin ang laro,

00:21:18.402 --> 00:21:21.321 align:center
at sa tingin ko, nakita ng FIFA
ang market sa US.

00:21:21.405 --> 00:21:25.784 align:center
Malugod kayong tinatanggap
ng United States of America

00:21:25.867 --> 00:21:31.498 align:center
sa World Cup USA 1994!

00:21:31.999 --> 00:21:37.462 align:center
Dumagsa ang soccer fans mula Brazil
na may tambol at nagsa-samba sa Los Gatos.

00:21:38.797 --> 00:21:40.632 align:center
Ano'ng natutuhan mo sa kanila?

00:21:41.133 --> 00:21:43.593 align:center
"Taas, baba, urong, sulong." Anuman ’yon.

00:21:44.886 --> 00:21:45.721 align:center
Ano 'yon?

00:21:45.804 --> 00:21:49.433 align:center
-Taas, baba, urong, sulong!
-Ano'ng ibig sabihin no'n?

00:21:50.684 --> 00:21:52.602 align:center
BRAZIL, NASA GROUP OF DEATH

00:21:53.687 --> 00:21:56.940 align:center
Ang Cameroon, Russia,
at Sweden ang nasa group stage.

00:21:57.024 --> 00:22:01.570 align:center
Sa first game laban sa Russia,
sobrang kinabahan kami.

00:22:01.653 --> 00:22:06.158 align:center
Unang World Cup ko 'yon. Pati nina Cafu,
Leonardo, at Márcio Santos.

00:22:06.241 --> 00:22:09.328 align:center
Malakas 'yong grupo namin
mula sa 1990 team.

00:22:10.203 --> 00:22:13.707 align:center
Simula 'yon ng World Cup,
kalaban namin ang Russia.

00:22:13.790 --> 00:22:17.878 align:center
Sa simula… Nakakakaba talaga
ang first game para sa kahit anong team.

00:22:17.961 --> 00:22:20.797 align:center
Alam naming importante ang first game,

00:22:20.881 --> 00:22:23.633 align:center
kasi pag nanalo ka roon, qualified ka na.

00:22:23.717 --> 00:22:27.095 align:center
At may kaba, 'yong nerbiyos
sa first game, na mahirap.

00:22:27.679 --> 00:22:31.224 align:center
GROUP STAGE

00:22:31.308 --> 00:22:34.561 align:center
Naalala ko ang unang hakbang ko.
Ako ang nauna sa field.

00:22:34.644 --> 00:22:37.856 align:center
Pag-apak ko sa field
gamit 'yong kanang paa ko, parang…

00:22:38.440 --> 00:22:40.650 align:center
kumisap ako, at parang pelikula 'yon.

00:22:40.734 --> 00:22:43.445 align:center
Lahat ng pinagdaanan ng grupong 'yon

00:22:43.528 --> 00:22:45.238 align:center
para makarating sa World Cup.

00:22:45.322 --> 00:22:48.950 align:center
Lahat ng nasa stadium,
nakadilaw, 'yong kulay ng Brazil.

00:22:52.662 --> 00:22:54.831 align:center
Pinalusot niya sa paa ng Russian.

00:22:54.915 --> 00:22:56.833 align:center
Nasa kanya pa rin ang bola.

00:22:57.584 --> 00:23:00.128 align:center
Mahirap na laban 'yon
kontra Russia, magulo.

00:23:02.839 --> 00:23:06.968 align:center
Hindi na makakalaro
ang center back na si Ricardo Rocha.

00:23:07.052 --> 00:23:09.054 align:center
Na-injure ako.

00:23:09.137 --> 00:23:10.847 align:center
Muscle injury raw.

00:23:10.931 --> 00:23:12.516 align:center
Tapos na ako sa World Cup.

00:23:14.935 --> 00:23:18.313 align:center
Mas gusto kong maka-goal
kesa matawag na best player.

00:23:18.397 --> 00:23:22.025 align:center
May chance ang Brazil! Goal!

00:23:22.109 --> 00:23:26.488 align:center
Magaling ang team. Lagi kaming nagmamarka,
umaatake. Gumawa kami ng tsansa.

00:23:26.571 --> 00:23:28.657 align:center
Penalty!

00:23:28.740 --> 00:23:30.742 align:center
Tinira ni Raí at naka-score!

00:23:32.536 --> 00:23:35.914 align:center
Maganda ang simula namin,
at importante 'yon sa World Cup.

00:23:35.997 --> 00:23:37.916 align:center
Brazil!

00:23:37.999 --> 00:23:40.210 align:center
Halos sigurado na ang qualification

00:23:40.293 --> 00:23:42.337 align:center
sa tatlong puntos sa umpisa.

00:23:42.421 --> 00:23:45.382 align:center
Kailangan ng isa pang panalo
para sa next stage.

00:23:45.465 --> 00:23:49.719 align:center
-Si Ricardo Rocha, makakalaro pa?
-Maaga pa. Di pa siya nakita ng doktor.

00:23:49.803 --> 00:23:52.889 align:center
Naisip ko, "Aalis ako,
di ako pwedeng mag-stay dito."

00:23:52.973 --> 00:23:55.934 align:center
Lumapit sina Parreira
at Zagallo at sabi, "Hindi,

00:23:56.685 --> 00:23:58.770 align:center
kinausap namin ang players,
magse-stay ka."

00:23:58.854 --> 00:24:01.398 align:center
Sa oras na 'yon, naging tulay si Ricardo

00:24:01.481 --> 00:24:04.734 align:center
sa players, sa management,
at coaching staff.

00:24:04.818 --> 00:24:08.238 align:center
Di ako maglalaro sa World Cup,
pero dapat tulungan ko sila

00:24:08.321 --> 00:24:09.698 align:center
sa abot ng makakaya ko.

00:24:09.781 --> 00:24:14.035 align:center
Tingnan mo 'yong mga video kay Jorginho.

00:24:14.119 --> 00:24:17.622 align:center
Sabi ko, "Sabihin mo kung kailan liliko."
Sabi niya, "Dito!"

00:24:20.167 --> 00:24:21.710 align:center
Nang natuto siyang mag-drive.

00:24:21.793 --> 00:24:26.381 align:center
Kinukuwento niya
noong umakyat siya sa matarik na burol.

00:24:26.465 --> 00:24:30.010 align:center
Pero dahil di talaga siya
marunong mag-drive, huminto siya,

00:24:30.093 --> 00:24:33.138 align:center
naglagay siya ng warning triangle
at nagsabi, "May problema kami."

00:24:33.638 --> 00:24:35.682 align:center
-Na-record mo ba 'yon?
-Oo.

00:24:35.765 --> 00:24:39.019 align:center
Nang sinabi kong, "Ayan na,"
at sabi mo, "Strike!"

00:24:41.354 --> 00:24:42.981 align:center
CAMEROON

00:24:43.064 --> 00:24:46.735 align:center
Brazil ang pamantayan ng football
sa buong mundo.

00:24:46.818 --> 00:24:52.032 align:center
'Yong players, sa TV lang namin sila
nakikita. Nakakabilib silang makalaban.

00:24:52.115 --> 00:24:53.950 align:center
Ika-24 ng Hunyo.

00:24:54.034 --> 00:24:58.496 align:center
Muli, puno ng libo-libong Brazilian
ang Stanford Stadium.

00:24:58.580 --> 00:25:02.292 align:center
Inabangan ang second game ng Brazil.

00:25:02.918 --> 00:25:06.004 align:center
Mahirap kalabanin
ang African team gaya ng Cameroon.

00:25:06.588 --> 00:25:09.424 align:center
BRAZIL VS CAMEROON
GROUP STAGE

00:25:09.508 --> 00:25:12.260 align:center
Through ball para kay Romário.
Dire-diretso…

00:25:12.344 --> 00:25:16.806 align:center
Alam nilang mapagkakatiwalaan nila ako.
"Ipasa n'yo sa gago, ii-score siya."

00:25:16.890 --> 00:25:19.309 align:center
Go! Goal!

00:25:19.392 --> 00:25:22.103 align:center
Ang ganda ng pasa. Jorginho, nag-cross.

00:25:22.187 --> 00:25:25.148 align:center
Tinapos ni Márcio Santos. Goal!

00:25:25.232 --> 00:25:29.194 align:center
Naka-goal ako at nasa hall of defenders
na naka-goal sa World Cup.

00:25:29.277 --> 00:25:31.112 align:center
Di 'yon gano'n karami.

00:25:31.196 --> 00:25:33.365 align:center
Sinubukan 'yon ni Romário.

00:25:33.448 --> 00:25:37.035 align:center
Sinubukan niyang ipasa,
pero di niya kaya. Napunta sa 'kin.

00:25:37.118 --> 00:25:40.497 align:center
Di maganda ang anggulo ko,
pero tinira ko 'yon sa kanto.

00:25:40.580 --> 00:25:45.794 align:center
Ayan na si Bebeto, sinipa niya! Goal!

00:25:46.711 --> 00:25:49.172 align:center
Masaya ako na natapos 'yong laro.

00:25:54.511 --> 00:25:55.345 align:center
Brazil!

00:25:55.428 --> 00:25:58.431 align:center
Napansin n'yong ibang player na
si Dunga ngayon

00:25:58.515 --> 00:26:00.141 align:center
kesa sa World Cup sa Italy?

00:26:00.225 --> 00:26:03.228 align:center
'Yong unang goal ng Brazil kahapon
na nagpapanalo,

00:26:03.311 --> 00:26:05.689 align:center
assist 'yon ni Dunga kay Romário.

00:26:09.234 --> 00:26:11.945 align:center
Perpektong mundo ang football.

00:26:12.028 --> 00:26:14.864 align:center
Sa isang grupo,
may mga tao na mas kasundo mo,

00:26:14.948 --> 00:26:16.116 align:center
makaka-relate ka.

00:26:16.199 --> 00:26:18.660 align:center
Di ibig sabihin na di mo kasundo ang iba.

00:26:18.743 --> 00:26:21.079 align:center
Nirerespeto mo sila, parte ka ng team.

00:26:23.832 --> 00:26:28.795 align:center
Maraming tao na iba ang opinyon,
pero iisa ang layunin.

00:26:37.053 --> 00:26:39.306 align:center
Di umiinom o naninigarilyo si Romário.

00:26:39.389 --> 00:26:43.560 align:center
Babae at sayaw ang bisyo ni Romário.
Mahilig talaga siyang sumayaw.

00:26:43.643 --> 00:26:45.061 align:center
Subukan natin ang samba.

00:26:46.479 --> 00:26:49.357 align:center
Gusto kong mag-enjoy sa buhay.
Hanggang ngayon.

00:26:49.441 --> 00:26:52.027 align:center
Mga babae ang lakas ko.

00:26:52.610 --> 00:26:53.862 align:center
O kahinaan.

00:26:54.696 --> 00:26:57.866 align:center
Tumatakas si Baixinho,
pero bumabalik siya sa oras,

00:26:57.949 --> 00:27:00.910 align:center
natutulog at nagfo-focus
nang walang problema.

00:27:01.953 --> 00:27:03.038 align:center
Tigil.

00:27:03.538 --> 00:27:05.081 align:center
Magpatugtog tayo ng Salgueiro.

00:27:05.165 --> 00:27:07.375 align:center
Dahil nanalo kami sa first two games,

00:27:07.459 --> 00:27:10.253 align:center
pareho kaming qualified
ng Sweden sa last round.

00:27:10.337 --> 00:27:12.422 align:center
Maglalaro kami para sa first place.

00:27:13.340 --> 00:27:14.633 align:center
SWEDEN

00:27:16.468 --> 00:27:18.803 align:center
Pagpasok namin sa World Cup '94,

00:27:18.887 --> 00:27:23.350 align:center
alam naming malakas ang team namin,
marami kaming naabot.

00:27:23.433 --> 00:27:25.101 align:center
Three-zero para sa Brazil!

00:27:25.685 --> 00:27:27.729 align:center
BRAZIL VS SWEDEN
GROUP STAGE

00:27:28.730 --> 00:27:30.815 align:center
Target naming manalo sa laban.

00:27:30.899 --> 00:27:35.862 align:center
Delikado. Isang placed shot. Goal!

00:27:35.945 --> 00:27:37.947 align:center
Pero nauna sila.

00:27:38.031 --> 00:27:40.825 align:center
Sa second half, pumasok si Mazinho

00:27:40.909 --> 00:27:43.953 align:center
para magbantay sa likod para makausad ako.

00:27:44.037 --> 00:27:47.540 align:center
Gano'n ang galaw. Ipinasa ko 'yon
sa kanya, ang bilis niya.

00:27:47.624 --> 00:27:50.251 align:center
Ayan na si Romário. Umabante at ipinasok!

00:27:50.335 --> 00:27:51.252 align:center
Goal!

00:27:51.336 --> 00:27:52.545 align:center
Mahirap 'yong laro.

00:27:52.629 --> 00:27:55.715 align:center
Sa huli, naka-score ako sa toe-poke

00:27:56.299 --> 00:27:57.425 align:center
at nagtabla kami.

00:27:57.509 --> 00:27:59.469 align:center
Isa sa Brazil at isa sa Sweden.

00:27:59.552 --> 00:28:01.388 align:center
Nanalo ang Brazil sa group.

00:28:01.471 --> 00:28:07.143 align:center
Doon nagpalit si Parreira
ng mas maingat na formation.

00:28:07.227 --> 00:28:08.728 align:center
Tinanggal niya si Raí.

00:28:08.812 --> 00:28:11.856 align:center
Pinaupo ako, pero naisip ko agad

00:28:11.940 --> 00:28:14.859 align:center
na pinakaimportanteng isipin ang team.

00:28:14.943 --> 00:28:17.362 align:center
Nang umalis si Raí, 'yong captain,

00:28:17.445 --> 00:28:20.657 align:center
hindi kami nagdalawang-isip.

00:28:20.740 --> 00:28:23.493 align:center
Obvious naman. "Si Dunga na 'yon."

00:28:23.576 --> 00:28:27.497 align:center
Di ako nagbago nang isuot ko
ang armband ng captain. Gano'n ako.

00:28:27.580 --> 00:28:30.917 align:center
'Yong kilos ko, 'yong asal ko sa field,

00:28:31.000 --> 00:28:33.837 align:center
'yong pagiging istrikto,
'yong leadership style,

00:28:33.920 --> 00:28:35.839 align:center
walang kinalaman sa pagiging captain ko.

00:28:35.922 --> 00:28:39.217 align:center
Nag-anunsiyo si Coach Parreira
noong Linggo.

00:28:39.300 --> 00:28:41.302 align:center
Pero di pa rin masaya ang fans.

00:28:41.386 --> 00:28:44.305 align:center
Kasi 220 million kaming coach.

00:28:44.389 --> 00:28:47.809 align:center
Lahat may opinyon,
lahat may paboritong team,

00:28:47.892 --> 00:28:51.020 align:center
lahat may paboritong star,
'yong namumukod-tangi.

00:28:51.104 --> 00:28:53.148 align:center
Pangit ang performance ng team.

00:28:53.273 --> 00:28:57.026 align:center
Nandito ako, nag-cheer,
nagpinta ng mukha, pero sablay kayo.

00:28:57.902 --> 00:29:01.990 align:center
Alam ko kung paano sundan
at suportahan ng fans ang team nila.

00:29:02.073 --> 00:29:04.826 align:center
May mga gimik sila. Matindi 'yong passion.

00:29:04.909 --> 00:29:06.870 align:center
Mahal ko ang football.

00:29:06.953 --> 00:29:10.331 align:center
Bumili lang kami ng ticket
para sa first stage.

00:29:10.415 --> 00:29:14.627 align:center
Inisip kong baka di tayo makapasok, tapos…

00:29:14.711 --> 00:29:19.466 align:center
Ayaw naming magtagal nang isang buwan
sa US para manood ng ibang laro.

00:29:19.549 --> 00:29:22.510 align:center
Makakalaban ng Brazil
ang United States sa July 4

00:29:22.594 --> 00:29:23.845 align:center
sa Round of 16.

00:29:23.928 --> 00:29:28.391 align:center
Nakakatakot dahil gumagaling na
ang United States sa football.

00:29:28.475 --> 00:29:31.144 align:center
Para sa United States, sobrang saya no'n.

00:29:31.227 --> 00:29:33.521 align:center
Makakasama sila sa best 16 sa mundo,

00:29:33.605 --> 00:29:37.400 align:center
at makukuha ang atensiyon
ng kapwa Amerikano sa Independence Day.

00:29:37.484 --> 00:29:41.821 align:center
May photographer sa gilid na narinig
na sinabi ni Tab Ramos

00:29:41.905 --> 00:29:43.406 align:center
bago ang laro

00:29:43.490 --> 00:29:47.577 align:center
na aalis ang Brazilians
gaya ng ginawa sa Maracanã noong 1950.

00:29:47.660 --> 00:29:48.661 align:center
Strike!

00:29:50.789 --> 00:29:54.042 align:center
Tara, guys! Magpatugtog tayo ng samba.

00:29:54.125 --> 00:29:55.126 align:center
Strike!

00:29:55.210 --> 00:29:57.670 align:center
Tapos na 'yong patalastas ko.

00:29:57.754 --> 00:30:00.006 align:center
Hatid sa inyo ng…

00:30:00.089 --> 00:30:03.092 align:center
May mga nangyayari at natural 'yon,
may mga tsansa.

00:30:03.176 --> 00:30:06.262 align:center
May injury si Branco ngayon,
di siya makakalaro.

00:30:06.346 --> 00:30:07.764 align:center
Baka bukas, ako naman.

00:30:09.849 --> 00:30:14.646 align:center
Makabayan ang mga lalaking 'yon.

00:30:15.230 --> 00:30:18.483 align:center
Eighty percent ng fans sa stadium,
mga Amerikano.

00:30:18.566 --> 00:30:22.904 align:center
USA!

00:30:23.738 --> 00:30:25.073 align:center
Nakaayon ang lahat.

00:30:25.156 --> 00:30:29.953 align:center
Araw ng Kalayaan, sa sariling bayan,
laban sa pinakamagaling sa World Cup.

00:30:30.036 --> 00:30:31.371 align:center
May tsansa kami.

00:30:31.454 --> 00:30:33.706 align:center
Nagsimula na ang laban
ng Brazil at United States.

00:30:33.790 --> 00:30:35.625 align:center
Magaling ang team nila,

00:30:35.708 --> 00:30:39.879 align:center
perpekto ang taktika nila, matibay,
magagaling 'yong players nila.

00:30:39.963 --> 00:30:41.089 align:center
Importante yon.

00:30:41.172 --> 00:30:44.592 align:center
Maganda ang pasa ni Tab Ramos
kay Thomas Dooley. Delikado!

00:30:45.552 --> 00:30:47.720 align:center
Mahirap 'yong laro, pabalik-balik.

00:30:47.804 --> 00:30:50.431 align:center
Malinaw na laging nasa Brazil 'yong bola.

00:30:50.515 --> 00:30:53.309 align:center
Dahil nasa harap sina Bebeto at Romário,

00:30:53.393 --> 00:30:56.062 align:center
makaka-goal kami at mananalo sa laro.

00:30:56.855 --> 00:30:59.065 align:center
Kaya nakipagsabayan kami.

00:30:59.148 --> 00:31:00.859 align:center
Maganda 'yong laro.

00:31:00.942 --> 00:31:05.405 align:center
Pinag-aagawan nina Tab Ramos at Leonardo…
Foul si Leonardo.

00:31:09.701 --> 00:31:11.661 align:center
Nagkaroon ng konting gulo.

00:31:11.744 --> 00:31:15.373 align:center
Red card. Pinaalis si Leonardo.

00:31:17.000 --> 00:31:19.752 align:center
Tapos pinaalis siya.

00:31:19.836 --> 00:31:21.212 align:center
Sa first half 'yon.

00:31:21.296 --> 00:31:23.298 align:center
Tumahimik 'yong stadium.

00:31:23.381 --> 00:31:28.761 align:center
Tumigil ang Brazilian fans para tingnan
ang nangyayari. Di sila makapaniwala.

00:31:29.721 --> 00:31:34.934 align:center
May player na pinaalis. Pag may pinaalis,
sasabihin mo, "Diyos ko, paano na?"

00:31:35.018 --> 00:31:37.687 align:center
Nawalan ng kontrol ang Brazil.

00:31:37.770 --> 00:31:39.856 align:center
Komplikado na ang sitwasyon.

00:31:39.939 --> 00:31:42.900 align:center
Nakakadismayang makita
'yong ginawa ni Leonardo.

00:31:44.068 --> 00:31:49.032 align:center
Nakakatakot 'yon, kasi naisip namin
na baka umuwi na kami.

00:31:49.949 --> 00:31:51.492 align:center
Tumama sa poste!

00:31:51.576 --> 00:31:53.328 align:center
Tapos na ang first half.

00:31:53.411 --> 00:31:57.373 align:center
Tama na sa laro ni Parreira,
hindi 'yan football ng Brazil.

00:31:57.457 --> 00:32:00.043 align:center
Kung matatalo ang Brazil
dahil kay Leonardo,

00:32:00.126 --> 00:32:01.711 align:center
hindi na siya makakauwi.

00:32:02.670 --> 00:32:05.924 align:center
Nang natapos ang first half,
pumasok ako sa locker room,

00:32:06.007 --> 00:32:08.009 align:center
"Nasaan si Leonardo?"

00:32:08.843 --> 00:32:10.219 align:center
"Nasaan si Leonardo?"

00:32:10.303 --> 00:32:12.680 align:center
Nakaupo siya sa shower.

00:32:13.598 --> 00:32:16.893 align:center
Tiningnan ko siya at sinabi ko, "Uy!"

00:32:16.976 --> 00:32:18.061 align:center
"Tumayo ka!"

00:32:18.853 --> 00:32:22.023 align:center
Umiiyak siya. Sabi ko, "Pare, makinig ka."

00:32:22.523 --> 00:32:26.110 align:center
"Makaka-goal ako.
Wag kang mag-alala, mananalo tayo."

00:32:26.694 --> 00:32:29.197 align:center
Alam naming kailangang doblehin ang takbo.

00:32:29.280 --> 00:32:31.699 align:center
Nagsimula na ang second half.

00:32:31.783 --> 00:32:35.119 align:center
'Yong bola, di talaga… Naintindihan ko rin

00:32:35.203 --> 00:32:38.206 align:center
na di ako makaka-score
kasi ayaw pumasok ng bola.

00:32:38.289 --> 00:32:40.416 align:center
Ayan na si Romário, sumipa at…

00:32:41.292 --> 00:32:43.962 align:center
Sampu na lang sila, tumindi ang pressure.

00:32:44.045 --> 00:32:46.965 align:center
Naglaro ako sa kanan, sa kaliwa, sa gitna.

00:32:48.007 --> 00:32:50.510 align:center
Lumaban ako, umatake, dumepensa.

00:32:51.803 --> 00:32:53.554 align:center
Naging dramatic 'yong laro.

00:32:53.638 --> 00:32:56.724 align:center
Ayan na si Romário,
siya ang pag-asa natin.

00:32:56.808 --> 00:32:59.644 align:center
Galing si Romário sa gitna ng field.

00:32:59.727 --> 00:33:01.938 align:center
Nagbigay-daan ako sa kanya

00:33:02.021 --> 00:33:04.482 align:center
para maipasa niya sa 'kin 'yong bola.

00:33:04.565 --> 00:33:06.359 align:center
Sige, Romário. Sige!

00:33:06.442 --> 00:33:08.194 align:center
Tinitingnan ko siya at 'yong unahan,

00:33:08.277 --> 00:33:10.863 align:center
sinusundan 'yong huling defender
para di ako ma-offside.

00:33:10.947 --> 00:33:12.865 align:center
Maniwala ka sa sarili, Romário.

00:33:12.949 --> 00:33:15.827 align:center
"Sige!" Naghintay ako.

00:33:15.910 --> 00:33:20.415 align:center
Pupunta na sila at naisip ko,
"Mao-offside ako,"

00:33:20.498 --> 00:33:25.044 align:center
Tinitingnan ko ang huling tao nila.
At tiningnan ko si Romário. Mabilis lahat.

00:33:25.128 --> 00:33:29.173 align:center
Dahil di ako maka-score,
ipinasa ko 'yon sa makaka-score.

00:33:29.257 --> 00:33:31.342 align:center
Ipinasa ni Romário kay Bebeto…

00:33:31.426 --> 00:33:34.762 align:center
Pagkapasa niya sa akin, umikot ako.

00:33:34.846 --> 00:33:38.641 align:center
Tiningnan ko ang malaking goalie.
Sabi ko, "Ngayon na o di na mangyayari."

00:33:38.725 --> 00:33:40.518 align:center
At sinipa na ni Bebeto!

00:33:40.601 --> 00:33:42.395 align:center
Go! Goal!

00:33:42.478 --> 00:33:44.772 align:center
Nakapuntos ang Brazil! Goal!

00:33:44.856 --> 00:33:47.859 align:center
Gaya lagi, pulido siya.

00:33:47.942 --> 00:33:51.070 align:center
Walang ibang makakagawa ng gano'ng goal.

00:33:51.154 --> 00:33:54.782 align:center
Nilagay ko 'yon sa sulok,

00:33:54.866 --> 00:33:57.618 align:center
kung saan nakalagay
'yong mga bote ng tubig.

00:33:58.119 --> 00:33:59.787 align:center
At 'yon na, grabe.

00:33:59.871 --> 00:34:05.168 align:center
Goal!

00:34:05.251 --> 00:34:08.087 align:center
Naka-score ako at sabi ko sa kanya,
"Mahal kita."

00:34:08.629 --> 00:34:12.133 align:center
Mahal namin ang isa't isa.
At maraming paraan para magmahal.

00:34:12.216 --> 00:34:14.719 align:center
At mula 'yon sa puso, alam niya 'yon.

00:34:14.802 --> 00:34:18.931 align:center
Mula 'yon sa puso.
Mahal namin ang isa't isa,

00:34:19.015 --> 00:34:20.433 align:center
silang lahat.

00:34:20.516 --> 00:34:24.187 align:center
Nakakatuwang panoorin
ang Brazil na maglaro nang ganito.

00:34:24.270 --> 00:34:27.565 align:center
Nagdiwang ang buong stadium.

00:34:27.648 --> 00:34:29.817 align:center
Go, Brazil!

00:34:29.901 --> 00:34:31.944 align:center
Napakaimportante ng goal na 'yon.

00:34:32.028 --> 00:34:36.699 align:center
Sinabi ko kay Jorginho,
"Bro, walang makakakuha nito sa atin."

00:34:37.366 --> 00:34:40.161 align:center
Pagpasok ko sa locker room, niyakap ako…

00:34:40.661 --> 00:34:41.829 align:center
ni Leonardo.

00:34:43.206 --> 00:34:45.041 align:center
Umiyak kaming lahat.

00:34:47.960 --> 00:34:53.091 align:center
Pumito na ang referee,
tapos na ang laban kontra US.

00:34:55.593 --> 00:34:58.638 align:center
Pasok na ang Brazil sa quarterfinals.

00:34:58.721 --> 00:35:03.351 align:center
Go, Brazil. Sa quarterfinals na.

00:35:06.020 --> 00:35:10.066 align:center
Sinuspinde ng FIFA ang fullback
na si Leonardo sa apat na laro

00:35:10.149 --> 00:35:14.987 align:center
at pinagmulta ng 10,000 Swiss Francs,
halos 7,000 reais.

00:35:15.571 --> 00:35:18.574 align:center
Nang isara niya ang legs niya,
umiikot ako sa kanya,

00:35:18.658 --> 00:35:20.993 align:center
dahil sinusubukan kong makalusot,

00:35:21.077 --> 00:35:22.912 align:center
at hinila ko 'yong shirt niya.

00:35:22.995 --> 00:35:25.832 align:center
Nang hinila ko 'yong shirt niya,
siniko niya ako.

00:35:25.915 --> 00:35:30.044 align:center
Mas maliit akong player,
at nasa mas mababa ako,

00:35:30.127 --> 00:35:33.881 align:center
kaya nang sumiko siya,
tumama 'yon sa ulo ko,

00:35:33.965 --> 00:35:35.800 align:center
at nabasag 'yong bungo ko.

00:35:41.013 --> 00:35:43.683 align:center
Una, naalala kong nakahiga ako,

00:35:43.766 --> 00:35:49.689 align:center
at parang may naririnig akong ingay
na parang tren na dumadaan.

00:35:49.772 --> 00:35:51.774 align:center
Parang nasa ulo ko.

00:35:51.858 --> 00:35:54.235 align:center
Tapos may injury talaga,

00:35:54.318 --> 00:35:57.613 align:center
kasi sumakit ang ulo ko
nang ilang taon pagkatapos no'n.

00:35:58.364 --> 00:36:01.701 align:center
Napaka-loyal na tao ni Leonardo,

00:36:01.784 --> 00:36:05.872 align:center
hindi niya gagawin 'yon.

00:36:07.165 --> 00:36:08.833 align:center
Kilala mo ang players.

00:36:08.916 --> 00:36:14.172 align:center
May players na may masamang intensiyon,
at hindi gano'n si Leonardo.

00:36:14.255 --> 00:36:17.633 align:center
Okay lang ako dahil di 'yon sinasadya,

00:36:17.717 --> 00:36:21.554 align:center
wala akong intensiyong manakit
ng kahit sino.

00:36:23.514 --> 00:36:27.977 align:center
Laging naghahangad ng higit pa
ang Brazilian press at ang mga Brazilian.

00:36:28.060 --> 00:36:29.520 align:center
Di sapat ang manalo.

00:36:29.604 --> 00:36:34.192 align:center
Sa huli, nanalo tayo.
Pero ang gan'ong laro laban sa US,

00:36:34.275 --> 00:36:38.196 align:center
takot at umiiwas, mahirap 'yon tanggapin.

00:36:38.279 --> 00:36:41.490 align:center
Sa tingin ko, di struggle
'yong panalong 'yon.

00:36:41.574 --> 00:36:43.117 align:center
Pero naging mahirap 'yon.

00:36:58.257 --> 00:37:01.677 align:center
Ipinanganak si Mattheus
noong July 7, 1994.

00:37:01.761 --> 00:37:04.305 align:center
Kalaban namin ang Netherlands noong 9.

00:37:04.388 --> 00:37:08.059 align:center
Wala ako roon,
nasa delivery room ang hipag ko,

00:37:08.142 --> 00:37:13.314 align:center
at halos isang oras akong naghintay
sa phone para marinig ang iyak ng anak ko.

00:37:13.397 --> 00:37:15.024 align:center
Nag-relax lang siya…

00:37:15.107 --> 00:37:18.069 align:center
Nakapulupot 'yong cord
sa leeg ni Mattheus,

00:37:18.152 --> 00:37:22.114 align:center
kaya medyo purple siya nang ipinanganak,
at natagalan bago umiyak.

00:37:23.032 --> 00:37:26.285 align:center
Noong narinig ko na siyang umiyak,
ang saya ko.

00:37:26.369 --> 00:37:28.120 align:center
Tapos binuksan nila 'yong TV,

00:37:28.704 --> 00:37:31.040 align:center
at nando'n 'yong asawa ko at anak ko.

00:37:31.123 --> 00:37:34.252 align:center
Grabe. Nakakatuwa talaga 'yon.

00:37:34.335 --> 00:37:37.171 align:center
Naririnig ka niya, kausapin mo siya.

00:37:37.255 --> 00:37:40.049 align:center
Masaya ako, sobrang saya ko at…

00:37:40.132 --> 00:37:43.803 align:center
Sana maka-goal ako
para kay Mattheus laban sa Netherlands.

00:37:44.804 --> 00:37:46.973 align:center
Nakita mo kung gaano siya kalaki?

00:37:47.056 --> 00:37:49.100 align:center
Ang galing, ang guwapo niya.

00:37:49.183 --> 00:37:51.519 align:center
-Kamukha siya ng tatay niya, di ba?
-Oo.

00:37:51.602 --> 00:37:53.729 align:center
Pero kamukha rin ng nanay, di ba?

00:37:54.272 --> 00:37:57.650 align:center
Gusto mo lahat ng anak mo, kamukha mo.

00:37:57.733 --> 00:38:00.528 align:center
"Nandito ako at nakikita ko 'yong anak ko…

00:38:00.611 --> 00:38:04.865 align:center
Sana nandiyan ako, pero magiging
worth it 'to," sabi ko sa kanya.

00:38:04.949 --> 00:38:06.367 align:center
"Magiging worth it 'to."

00:38:06.450 --> 00:38:09.161 align:center
Nadal, Ferrer,

00:38:09.245 --> 00:38:11.080 align:center
Luis Enrique.

00:38:12.415 --> 00:38:15.835 align:center
Malala 'yong pamamaga ng sciatic nerve ko.

00:38:15.918 --> 00:38:18.754 align:center
Hindi ako starter noong una,
si Leonardo 'yon.

00:38:20.464 --> 00:38:23.301 align:center
Nagpapagaling siya buong World Cup.

00:38:23.384 --> 00:38:25.886 align:center
Naglaro si Leonardo
kasi injured si Branco.

00:38:27.513 --> 00:38:32.893 align:center
Kaya sabi ko, "Di siya makakatakbo
sa field, pero makakatakbo siya sa pool."

00:38:32.977 --> 00:38:37.106 align:center
"Mapapaganda ko pa
'yong kondisyon niya sa pool."

00:38:37.189 --> 00:38:39.567 align:center
Pinagkatiwalaan nila ako.

00:38:39.650 --> 00:38:43.779 align:center
Nag-practice ako sa pool
na may vest at elastic rope

00:38:43.863 --> 00:38:48.492 align:center
dahil di ko maapakan 'yong sahig
dahil sa pamamaga ng sciatic nerve ko.

00:38:48.576 --> 00:38:52.705 align:center
Maraming tumuligsa sa akin
dahil tinawag ko si Branco.

00:38:52.788 --> 00:38:56.042 align:center
Alam ng lahat
na masama ang kondisyon ni Branco.

00:38:56.125 --> 00:38:59.879 align:center
Di siya naglaro ng 50 araw,
at matindi pa rin ang init.

00:39:00.671 --> 00:39:02.757 align:center
At noong kailangan namin ng tao,

00:39:02.840 --> 00:39:06.135 align:center
hindi ako nagdalawang-isip na isali siya.

00:39:06.218 --> 00:39:07.595 align:center
At nagpakita siya.

00:39:07.678 --> 00:39:12.558 align:center
Di magtatagal, makakalaban natin
ang Netherlands sa do-or-die match.

00:39:12.641 --> 00:39:16.562 align:center
Bumalik si Branco sa team,
na ikinadismaya ng bansa.

00:39:16.645 --> 00:39:18.397 align:center
Better late than never.

00:39:18.481 --> 00:39:21.025 align:center
Importante na suklian 'yong suporta

00:39:21.650 --> 00:39:24.070 align:center
ng magandang laro at pag-score.

00:39:24.153 --> 00:39:26.197 align:center
Hinahabol ko 'yong oras.

00:39:27.531 --> 00:39:29.075 align:center
NETHERLANDS

00:39:30.034 --> 00:39:33.245 align:center
Kahit di perpekto ang laro namin
sa group stage,

00:39:33.788 --> 00:39:36.165 align:center
nag-i-improve kami bilang grupo.

00:39:36.248 --> 00:39:40.878 align:center
Pati 'yong paraan ng paglalaro namin,
sabay-sabay kaming nag-i-improve.

00:39:41.379 --> 00:39:44.632 align:center
Alam namin na matatalo namin sila
kung gagalingan namin.

00:39:44.715 --> 00:39:46.967 align:center
Tingnan natin, ibibigay namin lahat,

00:39:47.051 --> 00:39:49.512 align:center
at sana masorpresa namin ang lahat.

00:39:49.595 --> 00:39:51.055 align:center
Mag-ingat ang Brazil

00:39:51.138 --> 00:39:55.142 align:center
dahil ang Dutch national team,
di gaya natin, ay gumagaling…

00:39:55.226 --> 00:39:59.188 align:center
parang nakahanap ng tamang taktika
at mas nagkaisa ang grupo.

00:39:59.814 --> 00:40:03.484 align:center
Ang Netherlands, gaya ng alam natin,
isang football powerhouse

00:40:03.567 --> 00:40:05.903 align:center
at may magagaling na player
sa World Cup na 'yon.

00:40:07.029 --> 00:40:10.074 align:center
Magaling ang players namin,
pero handa kami.

00:40:10.658 --> 00:40:14.036 align:center
Gagalingan namin ang laro
at papasok kami sa semifinal.

00:40:14.120 --> 00:40:17.415 align:center
Natalo nila kami noong '74, pero laban.
Kukunin namin ang fourth title.

00:40:17.998 --> 00:40:20.126 align:center
BRAZIL VS NETHERLANDS
QUARTERFINALS

00:40:20.209 --> 00:40:22.753 align:center
Pinanood namin lahat ng laro
ng Netherlands.

00:40:22.837 --> 00:40:25.423 align:center
Sa second half,
bumagal sila dahil sa init.

00:40:25.506 --> 00:40:28.426 align:center
Pero umulan bago 'yong laro.

00:40:28.509 --> 00:40:31.137 align:center
Bumaba ang temperatura ng 20 °C,

00:40:31.220 --> 00:40:33.431 align:center
kaya naging balanse ang laban.

00:40:35.433 --> 00:40:40.229 align:center
May lumapit na journalist sa amin
at may inabot na note,

00:40:40.312 --> 00:40:43.649 align:center
"Pakisabi kay Parreira
na wag isali si Branco."

00:40:43.732 --> 00:40:47.194 align:center
Ang sagot ng team,
"Sinusuportahan namin si Branco."

00:40:47.278 --> 00:40:50.364 align:center
Heto na, Brazil at Netherlands.

00:40:50.448 --> 00:40:53.242 align:center
Ang Netherlands at Argentina,
teams na umaatake,

00:40:53.325 --> 00:40:54.994 align:center
kapareho sila ng Brazil.

00:40:55.578 --> 00:40:57.246 align:center
Kaya intense 'yong laro.

00:40:58.789 --> 00:41:01.959 align:center
Sinipa ko ang bola,
dalawang beses ginalaw ni Bebeto,

00:41:02.042 --> 00:41:05.129 align:center
at itinulak lang ni Romário.

00:41:05.212 --> 00:41:10.342 align:center
Aldair kay Bebeto. Bebeto kay Romário,
nakuha ni Romário ang bola, goal!

00:41:10.426 --> 00:41:13.888 align:center
Sa totoo lang,
pinakamagandang laro 'yon ng Brazil.

00:41:14.430 --> 00:41:16.682 align:center
Pinahirapan ng Brazil ang Netherlands.

00:41:16.765 --> 00:41:20.269 align:center
Determinado si Bebeto,
nagpatuloy. Nagpatuloy pa.

00:41:20.352 --> 00:41:22.313 align:center
Ngayon na 'to o hindi na.

00:41:22.396 --> 00:41:24.315 align:center
Ayokong sumugal,

00:41:24.398 --> 00:41:29.028 align:center
kaya nag-dribble ako sa defender at keeper
at halos ako na ang nagpasok sa bola

00:41:29.111 --> 00:41:30.529 align:center
para walang mintis.

00:41:30.613 --> 00:41:32.281 align:center
Ang gandang tira!

00:41:32.364 --> 00:41:33.324 align:center
Goal!

00:41:33.908 --> 00:41:38.579 align:center
Nag-celebrate ako. Pagkapanganak lang
kay Mattheus ang di ko napuntahan.

00:41:38.662 --> 00:41:42.082 align:center
Sabi ko, "Kunwari karga ko siya."

00:41:42.166 --> 00:41:43.959 align:center
Ang saya ng selebrasyon ni Bebeto.

00:41:44.043 --> 00:41:48.297 align:center
Tapos lumapit sina Romário at Mazinho,
tiningnan ko lang sila.

00:41:48.380 --> 00:41:51.342 align:center
At ginawa naming tatlo 'yon.

00:41:54.261 --> 00:41:57.139 align:center
'Yong kaibigan mo, mahal mo,
nagmamahal sa 'yo,

00:41:57.223 --> 00:42:01.393 align:center
naka-goal at ginawa 'yon
para sa anak niya,

00:42:01.477 --> 00:42:03.187 align:center
hindi mo mapipigilan 'yon.

00:42:06.607 --> 00:42:09.652 align:center
Parang binyag niya 'yon.

00:42:10.319 --> 00:42:12.446 align:center
Ang sayang maging tatay. Diyos ko.

00:42:15.658 --> 00:42:20.037 align:center
Naintindihan namin. "Guys, makinig.
Kailangang may baguhin tayo."

00:42:20.120 --> 00:42:22.498 align:center
Tapos naglaro kami ng football, at…

00:42:22.581 --> 00:42:25.668 align:center
Delikado! Nakapuntos ang Netherlands.

00:42:25.751 --> 00:42:28.379 align:center
Diyos ko, ang galing no'n.

00:42:28.462 --> 00:42:29.588 align:center
BRAZIL 2 - 1 NETHERLANDS

00:42:29.672 --> 00:42:33.676 align:center
Pagkatapos ng 2-1,
mas lumakas 'yong paniniwala sa team.

00:42:33.759 --> 00:42:36.762 align:center
Header mula kay Aron Winter. At naka-goal!

00:42:36.845 --> 00:42:40.224 align:center
Alam mo 'yong pakiramdam
na paangat 'yong isang team

00:42:40.307 --> 00:42:43.018 align:center
at pababa 'yong isa?

00:42:43.602 --> 00:42:47.439 align:center
Nagbibigay 'yon ng tsansa
at paniniwala na pwede ka ring manalo.

00:42:47.523 --> 00:42:50.442 align:center
Pumalit si Raí kay Mazinho. Go, Brazil!

00:42:50.526 --> 00:42:52.319 align:center
Dumulas si Raí para agawin ang bola.

00:42:52.403 --> 00:42:54.196 align:center
Dumulas si Raí.

00:42:54.280 --> 00:42:56.657 align:center
Gigil siya. Sabi namin, "Relax!"

00:42:57.575 --> 00:42:58.784 align:center
"Mapapalayas ka!"

00:42:58.867 --> 00:43:02.997 align:center
Isa pa 'yon sa mga senyales
na solid 'yong grupo.

00:43:03.580 --> 00:43:06.750 align:center
Dahil pwedeng magalit si Raí.

00:43:06.834 --> 00:43:08.961 align:center
Siya ang team captain.

00:43:09.044 --> 00:43:09.878 align:center
Di si Dunga.

00:43:09.962 --> 00:43:12.464 align:center
Di ko inisip ang pressure
ng pagiging captain.

00:43:12.548 --> 00:43:15.926 align:center
Ang pressure, 'yong posibilidad
na di makabalik sa Brazil.

00:43:16.010 --> 00:43:20.514 align:center
Papatayin kami ng mga tao, lalo na
pagkatapos ng 1990. Kaya sa oras na 'yon,

00:43:20.598 --> 00:43:23.350 align:center
nakatutok kami sa paglutas sa problema.

00:43:23.434 --> 00:43:27.730 align:center
Kailangan naming manalo sa laro.
Mula noon, do or die na.

00:43:28.606 --> 00:43:34.069 align:center
Inilapit ko ang kanang binti ko sa kanya,
at bumagsak ako at napa-foul ko siya.

00:43:34.153 --> 00:43:37.531 align:center
Sinipa niya ako habang nasa baba,
nagkaroon ng sagutan.

00:43:38.032 --> 00:43:40.701 align:center
Tapos naglagay siya
ng limang taong harang.

00:43:41.201 --> 00:43:43.996 align:center
Si Branco ang sisipa sa free kick.

00:43:45.623 --> 00:43:48.042 align:center
Sabi ko, "Gagwin ko 'yon sa corner niya."

00:43:49.293 --> 00:43:52.796 align:center
Dahil medyo natatakpan
'yong paningin niya.

00:43:55.341 --> 00:43:59.345 align:center
Naisip ko, "Ngayon na o di mangyayari.
Dahil ito na 'yong moment ko."

00:43:59.428 --> 00:44:02.264 align:center
Noong nag-free kick ako,
pinakurba ko 'yong bola,

00:44:02.348 --> 00:44:04.183 align:center
kaya napunta sa pader.

00:44:04.266 --> 00:44:05.392 align:center
Tumira siya!

00:44:06.268 --> 00:44:08.228 align:center
Goal!

00:44:08.312 --> 00:44:11.398 align:center
BRAZIL 3 - 2 NETHERLANDS

00:44:12.941 --> 00:44:16.654 align:center
Tapos nagsaya ako at tinuro 'yong staff.

00:44:16.737 --> 00:44:19.782 align:center
Lahat sila, 'yong doktor,
'yong physical therapists,

00:44:19.865 --> 00:44:21.575 align:center
si Moraci, lahat sila.

00:44:25.704 --> 00:44:27.748 align:center
Noong naging 3-2, nawasak na kami.

00:44:31.835 --> 00:44:36.256 align:center
Huling pito na.
Salamat kay Branco at sa huling goal,

00:44:36.340 --> 00:44:39.259 align:center
pasok na ang Brazil sa semifinals.

00:44:39.343 --> 00:44:41.136 align:center
AYRTON SENNA:
PARA SA 'YO ANG CUP NA 'TO

00:44:41.220 --> 00:44:43.555 align:center
Pagkatapos ng magandang panalo
laban sa Netherlands,

00:44:43.639 --> 00:44:46.934 align:center
siguradong masasabi na natin,

00:44:47.017 --> 00:44:49.645 align:center
isa tayo sa apat na pinakamagaling
na team sa mundo.

00:44:49.728 --> 00:44:51.772 align:center
-Kumusta, bro?
-Kumusta?

00:44:51.855 --> 00:44:53.899 align:center
Pare! Okay na tayo.

00:44:53.982 --> 00:44:56.360 align:center
Nagawa natin. Bayad na lahat ng utang.

00:44:56.443 --> 00:44:59.071 align:center
Sabi ni Romário siya 'yong naka-goal.

00:44:59.154 --> 00:44:59.988 align:center
Talaga?

00:45:00.072 --> 00:45:01.407 align:center
Oo.

00:45:01.490 --> 00:45:03.450 align:center
Sabi ko, "Naku."

00:45:03.534 --> 00:45:05.285 align:center
Dumiretso sa akin 'yong bola.

00:45:05.369 --> 00:45:08.122 align:center
Kung sasabihin ko 'yon,
magagalit siya sa akin.

00:45:08.205 --> 00:45:10.624 align:center
May gustong sabihin si Zagallo.

00:45:10.708 --> 00:45:15.087 align:center
Pagkatapos ng panalong 'to, alam ko
na mananalo tayo ng pang-apat na title.

00:45:15.170 --> 00:45:16.880 align:center
Ang galing, Mr. Power Shot.

00:45:16.964 --> 00:45:20.008 align:center
Gano'n ang football.
Minsan panalo, minsan talo.

00:45:20.801 --> 00:45:24.304 align:center
Hustisya galing sa itaas, sabi nga nila.

00:45:24.388 --> 00:45:28.350 align:center
Branco, ano'ng tawag mo
sa pinakaimportanteng goal ng career mo?

00:45:28.851 --> 00:45:31.895 align:center
Sa totoo lang, tatawagin ko 'yong
"shut-up goal."

00:45:31.979 --> 00:45:33.814 align:center
Kasi marami 'yong pinatahimik.

00:45:33.897 --> 00:45:37.901 align:center
Pag nanalo ka, nae-excite ang fans.

00:45:37.985 --> 00:45:41.488 align:center
Ngayon lang umayos ang laro ng Brazil
sa World Cup na 'to. Nag-enjoy ako.

00:45:41.572 --> 00:45:44.491 align:center
Nag-enjoy talaga ako
sa laro kahapon. Ang galing.

00:45:44.575 --> 00:45:49.204 align:center
Di inasahan, pero si Branco
ang naging bida na nagpatahimik sa fans.

00:45:49.288 --> 00:45:50.414 align:center
Gagalingan ni Branco.

00:45:50.497 --> 00:45:55.127 align:center
Unti-unti naming nabago
ang pananaw ng mga journalist

00:45:55.210 --> 00:45:58.213 align:center
kasi tutol silang lahat sa amin dati.
Sa totoo lang.

00:45:58.297 --> 00:46:00.048 align:center
Magaling si Parreira?

00:46:00.132 --> 00:46:01.258 align:center
Nag-uumpisa na.

00:46:01.341 --> 00:46:02.593 align:center
Sang-ayon ang lahat

00:46:02.676 --> 00:46:06.180 align:center
na malaki ang papel ng coach
sa panalo laban sa Netherlands.

00:46:06.263 --> 00:46:11.393 align:center
Mula sa wala, biglang naging bayani
si Carlos Alberto Parreira.

00:46:11.477 --> 00:46:14.396 align:center
Dati, iniisip ng lahat, kasama ako,

00:46:14.480 --> 00:46:18.776 align:center
nang naka-score si Branco sa ikatlong goal
ng Brazil laban sa Netherlands,

00:46:18.859 --> 00:46:20.736 align:center
sabi ko, "Diyos ko, nangyayari na!"

00:46:20.819 --> 00:46:24.740 align:center
Nasa semifinals na tayo,
isang hakbang sa pang-apat na titulo.

00:46:24.823 --> 00:46:27.951 align:center
Go, Brazil. Umaasa sa inyo ang mga bata.

00:46:30.996 --> 00:46:35.083 align:center
Masaya ang lahat. 'Yong team, merong…

00:46:35.918 --> 00:46:38.879 align:center
Mga kapatid sila
na ibinigay ng football at buhay.

00:46:39.713 --> 00:46:41.715 align:center
Nilinaw sa amin ni Parreira

00:46:42.466 --> 00:46:45.636 align:center
na di lang isa ang kailangan para manalo.

00:46:47.095 --> 00:46:49.306 align:center
Maipapanalo ng isang player ang laro,

00:46:49.389 --> 00:46:52.226 align:center
pero kailangan ng team
para manalo sa World Cup.

00:46:52.309 --> 00:46:55.145 align:center
Kailangan n'yong
maging magkakaibigan para roon.

00:46:55.229 --> 00:46:56.939 align:center
GO, BRAZIL!

00:46:57.022 --> 00:47:00.192 align:center
Kailan huling pumasok
ang Brazil sa World Cup semifinal?

00:47:00.275 --> 00:47:02.653 align:center
Ewan ko. Di ko talaga alam.

00:47:02.736 --> 00:47:04.071 align:center
Di ko alam.

00:47:04.154 --> 00:47:06.824 align:center
Di ko alam ang mga numero,

00:47:06.907 --> 00:47:09.159 align:center
pero makakarating kami sa final
sa awa ng Diyos.

00:47:09.243 --> 00:47:13.205 align:center
Noong panahong 'yon,
wala sa mga player doon

00:47:13.288 --> 00:47:18.252 align:center
ang nakapasok sa World Cup semifinal.
Kaya malaking bagay 'yon.

00:47:18.335 --> 00:47:21.672 align:center
-Pangarap mo ba ang title?
-Hindi. Wala pa kami sa final.

00:47:21.755 --> 00:47:24.299 align:center
'Yong nasa final lang
ang pwedeng mangarap sa title.

00:47:24.383 --> 00:47:28.887 align:center
Gusto naming maging world champions.
Maging world champions ulit.

00:47:28.971 --> 00:47:31.890 align:center
Ang mananalo sa Sweden vs. Saudi Arabia
at Romania vs. Argentina,

00:47:31.974 --> 00:47:33.392 align:center
maglalaban sa quarterfinals,

00:47:33.475 --> 00:47:36.186 align:center
at ang mananalo, makakalaban
ng Brazil sa semifinals.

00:47:36.270 --> 00:47:39.314 align:center
Target naming maabot hanggang dulo,

00:47:39.398 --> 00:47:43.235 align:center
kaso dalawang beses na naming
nakalaban ang Brazil.

00:47:45.028 --> 00:47:49.575 align:center
Inaral nina Parreira at ng depensa
ang kalaban, pero walang internet, walang…

00:47:49.658 --> 00:47:52.452 align:center
Inaral nila 'yong mga litrato at report.

00:47:52.536 --> 00:47:56.498 align:center
Ipinakita niya sa amin na naglalaro
ang Sweden sa two lines of four.

00:47:57.124 --> 00:47:59.626 align:center
Mahirap talagang makalusot sa kanila.

00:47:59.710 --> 00:48:02.629 align:center
Kailangan naming magtiyaga
at pagsikapan 'yon

00:48:02.713 --> 00:48:07.301 align:center
kasama sina Mazinho at Zinho
para subukang basagin 'yong mga linya.

00:48:07.384 --> 00:48:11.847 align:center
Kailangan palawakin nina Romário
at Bebeto ang…

00:48:11.930 --> 00:48:14.433 align:center
Magtulungan. At kailangan naming magsikap.

00:48:14.516 --> 00:48:18.895 align:center
Pag nakarating kami sa byline
at nakapag-cross, makaka-score kami.

00:48:19.855 --> 00:48:22.941 align:center
Tandaan n'yo na nalampasan natin
ang mahirap na bagay

00:48:23.025 --> 00:48:25.986 align:center
dahil nagkaisa tayo.

00:48:26.069 --> 00:48:29.823 align:center
Kaya importante 'yon.
Gawin na natin 'to, guys!

00:48:29.906 --> 00:48:33.535 align:center
Kasama natin lahat ng Brazilian fans,
magkakahawak-kamay.

00:48:33.619 --> 00:48:36.747 align:center
Sige! Ipanalo natin!

00:48:41.668 --> 00:48:42.711 align:center
Strike!

00:48:42.794 --> 00:48:45.339 align:center
Tingnan n'yo 'yong ginawa nila sa aspalto.

00:48:45.422 --> 00:48:47.549 align:center
Mga drawing at painting,

00:48:47.633 --> 00:48:52.888 align:center
daan ng tagumpay
kasama ang sigla at saya ng fans.

00:48:52.971 --> 00:48:54.473 align:center
Kailangan natin 'to.

00:48:54.556 --> 00:48:58.560 align:center
Kailangan ng bansa ng ganitong sigla,
at sigurado akong kaya natin.

00:48:58.644 --> 00:49:01.980 align:center
Brazil at Sweden.
Brazil, magkakahawak ang kamay.

00:49:02.064 --> 00:49:04.483 align:center
Nagsimula na ang laro sa Rose Bowl.

00:49:04.566 --> 00:49:08.445 align:center
Magandang kalaban ang Sweden
kasi magaling silang maglaro.

00:49:08.528 --> 00:49:10.572 align:center
At hinahayaan nila kaming maglaro.

00:49:11.657 --> 00:49:15.118 align:center
Naramdaman ko mula sa umpisa,

00:49:15.202 --> 00:49:18.038 align:center
na kami 'yong inaatake.

00:49:19.206 --> 00:49:21.291 align:center
Nakuha ni Romário ang bola. Tinira.

00:49:21.375 --> 00:49:25.921 align:center
Uy! Sinubukan ni Mazinho!
Mintis si Mazinho.

00:49:28.507 --> 00:49:31.176 align:center
Walang goal. Hanggang sa huli,

00:49:31.259 --> 00:49:34.054 align:center
nag-cross si Jorginho,
at si Romário, sa gitna ng depensa…

00:49:34.680 --> 00:49:37.307 align:center
Cross 'yon na nagmarka sa buhay ko.

00:49:37.391 --> 00:49:39.935 align:center
Napakalinaw ng basa ko sa laro.

00:49:40.018 --> 00:49:43.105 align:center
Si Raí, na kakapasok lang sa laro,

00:49:43.188 --> 00:49:45.649 align:center
tumakbo sa malapit na poste
para hilahin ang depensa.

00:49:45.732 --> 00:49:50.070 align:center
Nag-cross si Jorginho. Tumalon siya.
At goal! Romário!

00:49:50.153 --> 00:49:52.322 align:center
Nahanap ko si Baixinho, at ang galing.

00:49:52.406 --> 00:49:56.827 align:center
Tinira niya 'yon pababa,
at walang nagawa si Ravelli.

00:49:57.327 --> 00:50:01.540 align:center
Hindi ako lumalapit sa player
na mas matangkad sa akin.

00:50:01.623 --> 00:50:05.293 align:center
Kaya naging madali ang talon ko
at pag-score sa goal na 'yon.

00:50:05.377 --> 00:50:06.753 align:center
Naka-score ang Brazil!

00:50:06.837 --> 00:50:08.380 align:center
At sobrang saya no'n

00:50:08.463 --> 00:50:11.091 align:center
dahil nasa World Cup final na kami.

00:50:11.174 --> 00:50:13.176 align:center
Tapos na.

00:50:13.260 --> 00:50:17.514 align:center
Pasok na sa finals ang Brazil
pagkatapos ng 24 na taon.

00:50:17.597 --> 00:50:22.686 align:center
Gumawa ng mas maraming tsansa
ang mas magaling na team, kaya deserve.

00:50:23.311 --> 00:50:24.521 align:center
Oo, ang galing.

00:50:26.523 --> 00:50:29.234 align:center
Grabe ang saya.

00:50:29.317 --> 00:50:33.196 align:center
Walang umaalis sa stadium.
Tingnan n'yo ang selebrasyon!

00:50:33.280 --> 00:50:34.489 align:center
Ang galing, Brazil.

00:50:34.573 --> 00:50:37.701 align:center
Sige lang, kaya natin 'to. Isa na lang.

00:50:37.784 --> 00:50:40.203 align:center
Nasa final na ang Brazil laban sa Italy

00:50:40.287 --> 00:50:42.789 align:center
gaya ng nangyari noong 1970.

00:50:50.505 --> 00:50:52.507 align:center
Ayan!

00:50:53.800 --> 00:50:57.429 align:center
Thirteen ngayon, grabe!

00:50:57.512 --> 00:50:58.805 align:center
Makinig kayo,

00:50:58.889 --> 00:51:03.185 align:center
si Jorginho, ang number 2 natin,
nakarating sa byline,

00:51:03.268 --> 00:51:06.146 align:center
at nag-cross sa number 11 natin,
si Romário.

00:51:06.229 --> 00:51:08.774 align:center
Eleven plus two, thirteen!

00:51:14.529 --> 00:51:16.323 align:center
ITALY

00:51:20.786 --> 00:51:23.914 align:center
Oo, naramdaman naming
pwede kaming mag-world champion,

00:51:23.997 --> 00:51:31.004 align:center
pero alam naming makakalaban namin
ang Brazil na kilalang mahirap talunin.

00:51:32.214 --> 00:51:35.550 align:center
Napakaganda ng World Cup na 'yon,

00:51:35.634 --> 00:51:38.386 align:center
puno ng tagumpay at kabiguan.

00:51:38.470 --> 00:51:41.264 align:center
PAGLALAKBAY NG ITALY SA '94 WORLD CUP

00:51:41.348 --> 00:51:45.977 align:center
Kapag mataas ang expectations,
mataas din ang tensiyon.

00:51:46.061 --> 00:51:49.106 align:center
Sa first game, di gaanong maayos
sa maraming rason.

00:51:49.189 --> 00:51:51.399 align:center
Ang lakas ng tira. Goal!

00:51:53.819 --> 00:52:00.116 align:center
Sa second game, 10 lang kami
laban sa 11, at kailangan naming manalo.

00:52:01.660 --> 00:52:04.496 align:center
Ako ang unang goalkeeper
sa kasaysayan na naalis.

00:52:07.624 --> 00:52:10.627 align:center
Ipinasa niya! Naka-score si Dino Baggio!

00:52:10.710 --> 00:52:14.756 align:center
Sampu lang sila laban sa 11,
pero nakagawa ng himala ang Italy.

00:52:14.840 --> 00:52:19.010 align:center
Di kami nanalo sa Mexico.

00:52:19.094 --> 00:52:23.640 align:center
Buti na lang, pumasok kami
bilang best third-placed team.

00:52:23.723 --> 00:52:25.642 align:center
May tsansa pa at goal!

00:52:26.226 --> 00:52:28.687 align:center
ITALY 0 - 1 NIGERIA
ROUND OF 16

00:52:28.770 --> 00:52:31.231 align:center
Iniisip ko na kung saan ako magbabakasyon

00:52:31.314 --> 00:52:33.817 align:center
dahil halos talo na kami.

00:52:33.900 --> 00:52:35.902 align:center
Ang totoo…

00:52:36.403 --> 00:52:40.949 align:center
Sabi ng mga tao, si Roberto Baggio
ang nagsalba sa amin sa laro,

00:52:41.032 --> 00:52:43.034 align:center
at 'yon talaga ang nangyari.

00:52:43.118 --> 00:52:45.620 align:center
Tabla na dahil kay Roberto Baggio.

00:52:45.704 --> 00:52:47.080 align:center
ITALY 1 - 1 NIGERIA
ROUND OF 16

00:52:47.956 --> 00:52:49.749 align:center
Ipinasok ni Baggio.

00:52:50.917 --> 00:52:53.920 align:center
ITALY 2 - 1 NIGERIA
ROUND OF 16

00:52:54.880 --> 00:52:59.217 align:center
Lagi kaming nahihirapan
sa istilo ng laro ng Spain

00:52:59.301 --> 00:53:00.468 align:center
sa mga nakaraan.

00:53:00.552 --> 00:53:05.682 align:center
Pero 'yong pagiging palaban namin
bilang Italian,

00:53:05.765 --> 00:53:09.644 align:center
laging nakakatulong
para malampasan namin 'yong mga hadlang.

00:53:09.728 --> 00:53:12.939 align:center
Ugaling Italian 'yon
hindi lang sa football.

00:53:13.023 --> 00:53:16.067 align:center
Normal na sa Italy na lumalakas
habang tumatagal.

00:53:16.151 --> 00:53:18.820 align:center
Mahirap pigilan
ang kabayong humahabol sa likod.

00:53:18.904 --> 00:53:24.451 align:center
Masaya kami pagkatapos ng lahat
ng hirap namin sa nakaraang buwan.

00:53:24.534 --> 00:53:30.540 align:center
'Yong posibilidad na makapaglaro
ng importante at pambihirang laro

00:53:30.624 --> 00:53:32.500 align:center
gaya ng World Cup final.

00:53:41.301 --> 00:53:44.554 align:center
Tapos nagkaroon ng minor injury si Baggio

00:53:44.638 --> 00:53:48.016 align:center
at di namin alam
kung makakalaro siya sa final.

00:53:50.018 --> 00:53:53.605 align:center
Kung wala si Baggio, mahina ang Italy,
gaya ng Brazil kung wala si Romário.

00:53:53.688 --> 00:53:56.608 align:center
Dalawang importanteng tao sa final na 'to.

00:53:58.902 --> 00:54:02.656 align:center
Sa Brazil-Italy final,
maghaharap ang dalawang higante ng laro.

00:54:02.739 --> 00:54:05.367 align:center
Parehong may karisma, tradisyon,

00:54:05.450 --> 00:54:08.828 align:center
sikat na manlalaro, at masugid na fans
ang dalawang bansa.

00:54:08.912 --> 00:54:12.791 align:center
Sa US, nagsimula ang mga laro
nang alas-kuwatro, alas-singko ng hapon.

00:54:12.874 --> 00:54:16.544 align:center
Nasa kalye ang mga tao.
May mga pinta at bandila sa kalye.

00:54:16.628 --> 00:54:21.341 align:center
Kasabay ng lungkot
sa pagkawala ni Ayrton Senna

00:54:21.424 --> 00:54:23.259 align:center
at ng krisis sa Brazil,

00:54:23.343 --> 00:54:25.845 align:center
Seleção ang kasiyahan ng mga tao.

00:54:25.929 --> 00:54:29.266 align:center
Kahit matalo ang Brazil,
magpapa-party kami sa mga bata.

00:54:29.349 --> 00:54:31.601 align:center
Mga bata, ano sa tingin n'yo?
Mananalo ba tayo?

00:54:31.685 --> 00:54:33.520 align:center
Opo!

00:54:33.603 --> 00:54:35.021 align:center
Four-time champions tayo.

00:54:35.105 --> 00:54:36.398 align:center
Brazil!

00:54:39.651 --> 00:54:41.486 align:center
Matagal nating hinintay 'to.

00:54:41.569 --> 00:54:43.738 align:center
Twenty four years tayong naghintay.

00:54:43.822 --> 00:54:46.908 align:center
Go, Brazil, dahil excited na kaming lahat.

00:54:46.992 --> 00:54:49.744 align:center
At nandito ang mga tao
para sumuporta sa team.

00:54:49.828 --> 00:54:54.207 align:center
Mahigit 25,000 katao sa Paulista Avenue.

00:54:54.290 --> 00:54:58.670 align:center
Iba 'yong mood sa bus ng Brazil
kumpara sa iba sa kahit anong finals.

00:54:58.753 --> 00:55:03.591 align:center
Ipinakita nila 'yong Italian bus,
seryoso sila, naka-suit, lahat matigas.

00:55:03.675 --> 00:55:07.887 align:center
Tapos magulo 'yong bus namin.
Pawis na lahat bago maglaro.

00:55:13.184 --> 00:55:14.978 align:center
Strike!

00:55:15.061 --> 00:55:18.356 align:center
Gano'n kami maghanda para sa laro.

00:55:18.440 --> 00:55:20.984 align:center
'Yong bugso ng adrenaline

00:55:21.067 --> 00:55:22.777 align:center
ang pumapawi sa kaba.

00:55:22.861 --> 00:55:26.364 align:center
At may samahan kami roon.

00:55:26.448 --> 00:55:29.159 align:center
Ibig kong sabihin, parang magic.

00:55:29.242 --> 00:55:33.621 align:center
Ugaling Brazilian 'yon. Wag mong subukang
intindihin. Si Ricardo lagi

00:55:33.705 --> 00:55:37.375 align:center
ang nagpapalakas ng loob namin.

00:55:38.626 --> 00:55:40.962 align:center
At pinagkakatiwalaan namin siya.

00:55:41.880 --> 00:55:43.590 align:center
Nagbibiro siya,

00:55:43.673 --> 00:55:46.760 align:center
pero kapag oras nang magseryoso,
seryoso siya.

00:55:46.843 --> 00:55:48.386 align:center
Nagdesisyon ang grupo,

00:55:48.470 --> 00:55:52.682 align:center
hindi indibidwal ang desisyon,
kundi kolektibo.

00:55:52.766 --> 00:55:55.060 align:center
-Gano'n dapat tayo mag-isip.
-Tama!

00:55:55.143 --> 00:55:56.895 align:center
Magkaisa tayo,

00:55:56.978 --> 00:56:00.648 align:center
maghawak-kamay
at dalhin sa field ang sigla

00:56:00.732 --> 00:56:02.359 align:center
kasi pinakamagaling tayo.

00:56:02.442 --> 00:56:07.280 align:center
Di lang sa galing nananalo.
Nananalo ka sa balanse, tatag ng isip,

00:56:07.364 --> 00:56:09.866 align:center
pagkagutom na manalo,
at pagiging selfless.

00:56:09.949 --> 00:56:12.786 align:center
Naalala ko 'yong ibang meeting namin.

00:56:12.869 --> 00:56:15.997 align:center
"Nandito tayo para manalo
sa World Cup na 'to!"

00:56:16.081 --> 00:56:19.918 align:center
"Magiging champion tayo! Kasali lahat.
Walang nananalong mag-isa."

00:56:20.001 --> 00:56:22.796 align:center
"Di ito tungkol sa sarili,
kundi pagkakaisa."

00:56:26.925 --> 00:56:29.886 align:center
Gano'n noong '94
at gano'n pa rin hanggang ngayon.

00:56:29.969 --> 00:56:34.599 align:center
Medyo kumulo 'yong tiyan ko, medyo…

00:56:34.682 --> 00:56:37.018 align:center
kabado at balisa 'yong team.

00:56:42.607 --> 00:56:44.275 align:center
Tinipon ko 'yong team.

00:56:44.359 --> 00:56:47.445 align:center
"Una, magpasalamat tayo sa Diyos
na nasa final tayo."

00:56:47.529 --> 00:56:50.657 align:center
"At may sasabihin ako,
isa na roon ang pamilya."

00:56:50.740 --> 00:56:53.118 align:center
"Pasalamatan natin
ang pamilya, mga kababayan natin,

00:56:53.201 --> 00:56:54.619 align:center
karapat-dapat sila sa titulo."

00:56:54.702 --> 00:56:57.831 align:center
Sabi ko, "Guys, gayahin natin
ang mga Japanese pilot

00:56:57.914 --> 00:56:59.457 align:center
na lumaban para sa bansa nila."

00:56:59.541 --> 00:57:03.503 align:center
"Nang nakita nilang may gasolina silang
pang-500 kilometro sa tangke

00:57:03.586 --> 00:57:07.215 align:center
at alam nilang mamamatay sila
pag naubos, ano'ng ginawa nila?

00:57:07.298 --> 00:57:10.343 align:center
"Sinugod nila ang kalaban
at namatay para sa bayan."

00:57:10.426 --> 00:57:12.971 align:center
"Magandang kuwento, di ba?
Gagawin natin 'yon ngayon."

00:57:13.054 --> 00:57:17.851 align:center
"Mamamatay tayo rito pero champions."
Grabe. Nagsimula silang umiyak.

00:57:17.934 --> 00:57:21.354 align:center
"Maging champions tayo!
Ano nga 'yong tawag sa fighters?"

00:57:21.938 --> 00:57:23.356 align:center
Kilala ko sila.

00:57:23.440 --> 00:57:26.818 align:center
Kaso ibang pangalan 'yong naisip ko.

00:57:27.527 --> 00:57:28.736 align:center
Wag mong gawin 'yan.

00:57:28.820 --> 00:57:30.947 align:center
Kawasaki, 'yong mga lalaki sa Japan.

00:57:31.030 --> 00:57:32.782 align:center
"Patay na akong naglalakad."

00:57:32.866 --> 00:57:36.828 align:center
Sumigaw ako, "Kawasaki!" Tumahimik.
Doon na sumingit si Romário.

00:57:37.745 --> 00:57:39.497 align:center
Kamikaze, pare!

00:57:39.998 --> 00:57:42.000 align:center
Kamikaze 'yon!

00:57:44.586 --> 00:57:45.879 align:center
"Sabi mo…"

00:57:45.962 --> 00:57:48.798 align:center
"Motor 'yong Kawasaki,
ano'ng sinasabi mo?"

00:57:55.263 --> 00:57:58.057 align:center
Nalito siya, pero tinawanan na lang niya.

00:57:58.141 --> 00:57:59.392 align:center
Tapos lahat…

00:57:59.475 --> 00:58:00.935 align:center
Relax lang noon. Kami…

00:58:01.019 --> 00:58:06.274 align:center
Lagi siyang nagbibiro. Kami…
Pero pag kailangang magseryoso,

00:58:06.357 --> 00:58:09.527 align:center
"Magaling tayo! Siguradong panalo na 'to!"

00:58:11.070 --> 00:58:14.741 align:center
Twenty-four years tayong binabatikos.
Mananalo tayo ngayon.

00:58:14.824 --> 00:58:18.661 align:center
Kumalma lang tayo at mag-focus.

00:58:20.497 --> 00:58:22.499 align:center
-Kaya natin 'to.
-Di natin 'to makakalimutan.

00:58:22.582 --> 00:58:25.793 align:center
Kaya natin 'to.
Kumalma lang tayo at mag-focus.

00:58:29.005 --> 00:58:31.716 align:center
-Tara na.
-Tara na.

00:58:31.799 --> 00:58:36.846 align:center
Gano'n kami pumasok sa laro.

00:58:55.782 --> 00:58:59.285 align:center
Sa tingin ko, dito nangyari
'yong sikat na pangyayaring 'yon

00:58:59.369 --> 00:59:03.164 align:center
na nasa unahan ako,
at pinapanood ako ni Baggio mula likod…

00:59:05.041 --> 00:59:06.960 align:center
Tanda ng respeto.

00:59:07.043 --> 00:59:10.171 align:center
Gagawin ko rin 'yon kung ako siya.

00:59:13.466 --> 00:59:16.719 align:center
Naalala ko 'yon,
grabe, itong lugar na 'to…

00:59:17.553 --> 00:59:18.638 align:center
puno 'to ng tao.

00:59:18.721 --> 00:59:22.392 align:center
Punong-puno 'to. Nakakabaliw.

00:59:24.269 --> 00:59:26.479 align:center
Brazil!

00:59:26.562 --> 00:59:27.939 align:center
Brazil!

00:59:30.275 --> 00:59:34.862 align:center
Paraan namin 'yon
para pasiglahin ang isa't isa.

00:59:34.946 --> 00:59:37.657 align:center
Naghawak-kamay ulit kami
gaya sa Recife match.

00:59:37.740 --> 00:59:41.160 align:center
Sa lahat ng laro, lagi kaming lumalabas
na magkahawak-kamay.

00:59:41.244 --> 00:59:43.705 align:center
50 °C noon, sobrang init.

00:59:43.788 --> 00:59:47.250 align:center
Pero sinasabi namin,
"Magkakasama tayo hanggang dulo."

00:59:47.333 --> 00:59:51.587 align:center
Mas consistent na ang Brazil,
at nagsimula na ang laro sa Rose Bowl.

00:59:51.671 --> 00:59:55.133 align:center
Nagsimula na ang malaking final
ng Brazil at Italy.

00:59:55.216 --> 00:59:57.093 align:center
Dalawang makasaysayang team 'yon.

00:59:57.176 --> 00:59:59.512 align:center
Nag-cross si Dunga. Nag-header si Romário!

00:59:59.596 --> 01:00:04.225 align:center
Delikado bawat pagkakamali. Di ka matatalo
sa laro, mawawalan ka ng Cup.

01:00:04.309 --> 01:00:07.645 align:center
Nagkamali si Mauro Silva. Tingnan
ang hakbang. Ingat. Nasalba ni Taffarel.

01:00:07.729 --> 01:00:12.859 align:center
Kung naka-score ang Italy, pwede kaming
magtabla, pero kailangang magpursigi.

01:00:12.942 --> 01:00:15.445 align:center
Pagod na 'yong players namin sa final

01:00:15.528 --> 01:00:21.075 align:center
kasi nakakapagod ang pinagdaanan namin
papunta sa larong 'yon.

01:00:22.702 --> 01:00:27.165 align:center
Maganda ang posisyon at organisado,
kontrolado ng Brazil ang laro.

01:00:27.248 --> 01:00:28.708 align:center
Tumira si Bebeto!

01:00:28.791 --> 01:00:32.378 align:center
Napaka-solid ng midfield namin.

01:00:32.462 --> 01:00:33.921 align:center
Pulido.

01:00:34.005 --> 01:00:37.675 align:center
Minsan lang 'yon sa buhay
ng isang football player.

01:00:37.759 --> 01:00:42.555 align:center
Naniniwala ako na napagod talaga
'yong team namin sa final na 'yon.

01:00:42.638 --> 01:00:47.602 align:center
Mas naging mabagal ang pace namin
kumpara sa mga nakaraang laban.

01:00:47.685 --> 01:00:50.480 align:center
Halftime. Brazil zero, Italy zero.

01:00:50.563 --> 01:00:53.483 align:center
Konti lang ang tsansang
makapuntos sa larong 'yon.

01:00:53.566 --> 01:00:56.027 align:center
Pumito na ang referee para sa laro.

01:00:56.110 --> 01:00:58.071 align:center
Laban, Brazil!

01:00:58.154 --> 01:01:01.908 align:center
Hirap si Pagliuca sa mga tira
sa kanan niya sa nakaraang season.

01:01:01.991 --> 01:01:06.996 align:center
Maraming soft goals ang naipasok sa kanya.
Halos pinalusot ang pinakamalaking sablay.

01:01:07.080 --> 01:01:12.001 align:center
Tumira si Mauro Silva.
Naharang ni Pagliuca! Tumama sa poste!

01:01:13.461 --> 01:01:16.673 align:center
Nasalba no'n ang reputasyon ko sa football

01:01:16.756 --> 01:01:20.426 align:center
kasi kung natalo kami sa larong 'yon 0-1
dahil sa goal na 'yon…

01:01:20.510 --> 01:01:24.097 align:center
di man natapos ang career ko,
siguradong nadungisan 'yon.

01:01:24.764 --> 01:01:29.685 align:center
Naaalala ng tao na hinalikan ko
'yong poste, pero hindi 'yong mali ko.

01:01:29.769 --> 01:01:33.272 align:center
Alam naming magiging patas 'yong laban

01:01:33.356 --> 01:01:35.900 align:center
dahil sa experience nila
at sa players nila.

01:01:35.983 --> 01:01:37.443 align:center
Umabante ang Italy.

01:01:38.653 --> 01:01:40.613 align:center
Lumagpas ang tira ni Baggio.

01:01:41.739 --> 01:01:46.536 align:center
Extrang oras, 90 minutes, 36 ºC.

01:01:46.619 --> 01:01:48.663 align:center
Ayaw ng referee na magkaaberya.

01:01:49.247 --> 01:01:50.915 align:center
Zero-zero laban sa Italy,

01:01:50.998 --> 01:01:55.002 align:center
isang team na isinantabi na,

01:01:55.086 --> 01:01:57.547 align:center
pero patuloy na lumalaban…

01:01:57.630 --> 01:01:59.340 align:center
Na-injure si Baggio,

01:01:59.424 --> 01:02:03.553 align:center
pero patuloy silang lumalaban,
habang tinitiis ni Baggio ang sakit.

01:02:03.636 --> 01:02:05.054 align:center
Pero final 'yon,

01:02:05.138 --> 01:02:09.100 align:center
at hindi ka araw-araw
makakapaglaro sa World Cup final.

01:02:09.183 --> 01:02:11.686 align:center
Tumataas ang temperatura rito
sa Rose Bowl.

01:02:11.769 --> 01:02:16.023 align:center
Natapos sa zero-zero ang first half,
zero-zero rin ang second half.

01:02:16.607 --> 01:02:19.026 align:center
Sa extra time,
pumalya ang Brazil sa goals.

01:02:19.110 --> 01:02:21.320 align:center
Cross mula sa Brazil. May tsansa pa.

01:02:21.404 --> 01:02:24.157 align:center
Lumampas sa poste!

01:02:24.240 --> 01:02:27.618 align:center
Tumira si Romário.
Nasalba ni Pagliuca at itinulak palayo.

01:02:27.702 --> 01:02:31.414 align:center
Sumablay si Romário
sa goal na di dapat pinalampas.

01:02:31.497 --> 01:02:35.418 align:center
Bola kay Romário, walang bantay.
Ito na ang tsansa. At lumagpas!

01:02:35.501 --> 01:02:38.004 align:center
Di ko naipasok
'yong pinakamadaling goal sa World Cup.

01:02:38.629 --> 01:02:40.756 align:center
Pero may dalawa na kaming mintis.

01:02:41.716 --> 01:02:46.304 align:center
Noong pumasok ako sa field,
tiningnan ko 'yong score.

01:02:46.387 --> 01:02:49.807 align:center
"May 15 minutes na lang ako

01:02:49.891 --> 01:02:51.934 align:center
para maka-goal."

01:02:53.561 --> 01:02:56.397 align:center
May eksena na nag-dribble ako,

01:02:56.481 --> 01:03:00.193 align:center
at nang nakita ko ang goal…

01:03:00.276 --> 01:03:03.571 align:center
Ayan na si Viola,
itinulak ang bola sa kaliwa.

01:03:04.280 --> 01:03:06.532 align:center
Naalala ko si Romário.

01:03:06.616 --> 01:03:09.118 align:center
Huling pagkakataon. Tumira si Romário…

01:03:09.202 --> 01:03:14.665 align:center
Hanggang ngayon, tinatanong pa rin ako
ng mga tao, "Bakit di ikaw ang tumira?"

01:03:15.249 --> 01:03:18.878 align:center
Hindi, ginawa niya ang dapat.
Ipinasa niya ang bola sa akin.

01:03:18.961 --> 01:03:22.507 align:center
Ako ang big dog, top scorer.
Kailangan kong tapusin ang laro.

01:03:22.590 --> 01:03:24.967 align:center
Pero di ako naka-score.

01:03:25.051 --> 01:03:28.095 align:center
Di kami nakakuha ng extra time,
kaya napunta sa penalty shootout.

01:03:28.679 --> 01:03:30.890 align:center
Tapos na ang laban.

01:03:32.099 --> 01:03:37.396 align:center
Unang beses sa World Cup
na sa penalty shootout nagdesisyon.

01:03:39.482 --> 01:03:41.025 align:center
Unang beses sa kasaysayan.

01:03:41.108 --> 01:03:45.821 align:center
At mas tumindi pa 'yong init.
Dahil grabe 'yong tensiyon.

01:03:45.905 --> 01:03:47.990 align:center
Nagsimula akong masuka.

01:03:48.574 --> 01:03:50.576 align:center
Dahil sa tindi ng tensiyon.

01:03:50.660 --> 01:03:53.287 align:center
Di na kami makatayo sa mga huling minuto.

01:03:53.371 --> 01:03:57.667 align:center
Kailangan naming tumayo sa sakong
kasi nasusunog na ang talampakan namin.

01:03:59.168 --> 01:04:02.380 align:center
Naalala ko na noong natapos na
'yong extra time,

01:04:02.463 --> 01:04:05.925 align:center
lumapit si Parreira sa akin sa field.

01:04:06.008 --> 01:04:08.469 align:center
"Márcio, mauna kang tumira?"
Sabi ko, "Sige."

01:04:08.553 --> 01:04:12.640 align:center
Lumapit si Parreira sa 'kin, sabi ko,
"Diyos ko, ako ang pipiliin niya."

01:04:13.224 --> 01:04:15.184 align:center
Malaking responsibilidad 'yon.

01:04:15.268 --> 01:04:20.898 align:center
May isang player na dapat magpe-penalty,
pero sabi niya, "Parreira, di ko kaya."

01:04:20.982 --> 01:04:22.441 align:center
Di ko maalala kung sino.

01:04:22.525 --> 01:04:26.487 align:center
"Di ko kaya, kasi pagkatapos maglaro
nang 120 minutes,

01:04:26.571 --> 01:04:28.990 align:center
parang sobrang bigat ng mga binti ko."

01:04:29.490 --> 01:04:33.619 align:center
Ang pinakamagandang gawin,
piliin 'yong may lakas ng loob.

01:04:34.537 --> 01:04:38.624 align:center
Di nag-practice si Romário
ng penalty kicks, at sabi niya, "Ako na."

01:04:38.708 --> 01:04:40.251 align:center
Sabi nila, "Okay."

01:04:40.334 --> 01:04:43.838 align:center
Di ako sanay sa penalties.
Dalawa, tatlo, o apat lang ang nagawa ko.

01:04:45.506 --> 01:04:47.049 align:center
"Bebeto, sasama ka ba?"

01:04:47.133 --> 01:04:48.509 align:center
Kinausap niya lahat.

01:04:48.593 --> 01:04:50.219 align:center
Lumapit siya sa akin.

01:04:50.720 --> 01:04:55.266 align:center
Sabi ko, "Gagawin ko at gusto kong mauna."
Sinabi ko 'yon sa kanya.

01:04:56.017 --> 01:04:58.769 align:center
Sabi niya, "Hindi, ikaw ang huli."

01:04:58.853 --> 01:05:00.313 align:center
Nasa 'yo na, Taffarel.

01:05:00.396 --> 01:05:02.565 align:center
Kasama mo ang Brazil.

01:05:03.274 --> 01:05:05.693 align:center
Nasa penalty takers ang pressure,
hindi sa keepers.

01:05:05.776 --> 01:05:08.070 align:center
Mas malaki ang panalo ng goalkeeper.

01:05:08.154 --> 01:05:11.407 align:center
Iba ang mindset ng penalty taker

01:05:11.490 --> 01:05:14.327 align:center
kesa sa mga nagtatangkang i-save 'yon.

01:05:14.410 --> 01:05:17.330 align:center
Kahit wala ka roon para mag-penalty,

01:05:17.413 --> 01:05:21.000 align:center
titigil ang puso mo
at di ka makakasigaw, wala.

01:05:26.631 --> 01:05:29.800 align:center
Tumira si Baresi… lumampas!

01:05:29.884 --> 01:05:31.552 align:center
Ano ba, Brazil!

01:05:34.263 --> 01:05:39.226 align:center
Isipin mo 'yong mga tao sa bahay.
Isipin mo kung gaano sila ka-stress.

01:05:40.353 --> 01:05:43.189 align:center
Matindi 'yong tensiyon.

01:05:43.272 --> 01:05:45.858 align:center
Pero iba para sa goalkeeper.

01:05:46.567 --> 01:05:48.277 align:center
Naghahanda si Márcio Santos.

01:05:48.861 --> 01:05:51.155 align:center
Sinimulan ni Baresy ang tira ng Italy.

01:05:51.238 --> 01:05:54.116 align:center
Mintis si Baresi.
Di nila nakita ang bola niya.

01:05:54.200 --> 01:05:56.118 align:center
Lumipad 'yon palabas ng stadium.

01:05:56.202 --> 01:05:58.746 align:center
Nagkapit-kamay ang lahat.

01:05:58.829 --> 01:06:02.708 align:center
Magkakaakbay ang players.
Nagkaisa ang buong Brazil.

01:06:02.792 --> 01:06:04.460 align:center
Si Márcio Santos ang titira.

01:06:04.543 --> 01:06:07.213 align:center
Isinalba ni Pagliuca.

01:06:07.296 --> 01:06:10.758 align:center
Sobrang desperado na kami.

01:06:14.303 --> 01:06:16.555 align:center
At least, hindi ako nagmintis.

01:06:16.639 --> 01:06:18.140 align:center
Sa kanan niya ako tumira.

01:06:18.224 --> 01:06:22.061 align:center
Maganda 'yong pagkaka-save ko,

01:06:22.144 --> 01:06:26.899 align:center
pero higit sa lahat, natulungan ko
ang team na mapalapit sa panalo.

01:06:26.982 --> 01:06:30.861 align:center
Si Márcio Santos,
ang pinakamagaling sa penalty sa practice,

01:06:30.945 --> 01:06:36.909 align:center
ang unang sumipa at nagmintis.
Lalong naging tensiyonado 'yong paligid.

01:06:37.493 --> 01:06:40.788 align:center
Di ko naipasok 'yong penalty ko,
kaya back to zero kami.

01:06:41.664 --> 01:06:44.542 align:center
Pwedeng mangyari kahit ano noon.
Dapat handa ka.

01:06:44.625 --> 01:06:48.337 align:center
Hangga't di tapos ang limang penalty,
di mo alam kung panalo o talo ka.

01:06:49.171 --> 01:06:50.423 align:center
Pwedeng mangyari kahit ano.

01:06:50.506 --> 01:06:51.799 align:center
Twenty-two ako noon,

01:06:51.882 --> 01:06:55.594 align:center
at 'yon ang una kong penalty kick
bilang professional player.

01:06:56.178 --> 01:06:57.680 align:center
Ipinuwesto ni Albertini.

01:06:58.764 --> 01:07:00.182 align:center
Di ako kalmado.

01:07:00.266 --> 01:07:02.643 align:center
Panlabas lang 'yong pagiging kalmado.

01:07:02.727 --> 01:07:04.437 align:center
Walang takbo.

01:07:05.020 --> 01:07:06.480 align:center
Naka-score ang Italy.

01:07:10.609 --> 01:07:13.904 align:center
Noong naka-score ako sa penalty,

01:07:13.988 --> 01:07:15.781 align:center
medyo natuwa ako.

01:07:15.865 --> 01:07:17.742 align:center
Nakahinga ako nang maluwag.

01:07:18.868 --> 01:07:20.661 align:center
Masasalba 'to ni Taffarel!

01:07:20.745 --> 01:07:22.079 align:center
Sige na!

01:07:22.163 --> 01:07:25.207 align:center
Sabi ni Romário, "Matapang ako,

01:07:25.291 --> 01:07:27.334 align:center
pero natakot ako noon."

01:07:27.918 --> 01:07:30.046 align:center
Romário laban kay Pagliuca.
Sige, Baixinho!

01:07:30.129 --> 01:07:32.339 align:center
Mahirap 'yon. Mahirap talaga.

01:07:32.423 --> 01:07:35.259 align:center
Nasa akin lahat ng responsibilidad.

01:07:35.342 --> 01:07:38.596 align:center
Twenty-four years na di nanalo ang Brazil.

01:07:39.430 --> 01:07:40.848 align:center
Naghahanda si Pagliuca.

01:07:42.266 --> 01:07:43.809 align:center
Kailangan mong mag-focus.

01:07:43.893 --> 01:07:45.978 align:center
Talikuran mo lahat.

01:07:46.062 --> 01:07:49.690 align:center
Kailangan mong magpanggap
na nag-iisa ka at walang naririnig.

01:07:50.191 --> 01:07:52.234 align:center
At gano'n ang ginawa ko.

01:07:54.153 --> 01:07:56.572 align:center
Kanang paa! Goal!

01:07:58.282 --> 01:07:59.533 align:center
Go, Brazil!

01:08:02.161 --> 01:08:06.040 align:center
Nang tumama 'yong bola sa poste,
sabi niya, kinilabutan siya.

01:08:06.123 --> 01:08:08.584 align:center
Buti na lang pumasok 'yong bola.

01:08:08.667 --> 01:08:13.422 align:center
Kumalma ako at nakahinga,
pero alam kong di pa tapos 'yon.

01:08:14.089 --> 01:08:18.219 align:center
Narinig kong tumama sa poste
at akala ko lumabas,

01:08:18.302 --> 01:08:19.678 align:center
pero pumasok 'yon.

01:08:25.684 --> 01:08:28.521 align:center
Kinuha ko 'yong bola at pumunta sa goal.

01:08:29.480 --> 01:08:33.067 align:center
Humarap ako sa goal at inisip ko,

01:08:33.150 --> 01:08:36.153 align:center
"Kanan, kaliwa, kanan, kaliwa?"

01:08:36.237 --> 01:08:39.073 align:center
Nang nakalapit ako, nagdesisyon na ako.

01:08:39.156 --> 01:08:41.534 align:center
Umatras si Evani.

01:08:41.617 --> 01:08:44.995 align:center
Habang naghahanda ako sa tira,

01:08:45.079 --> 01:08:48.707 align:center
ang naisip ko na pinakamagandang gawin,
power shot.

01:08:49.458 --> 01:08:53.295 align:center
Heto na si Evani. Binanatan niya sa gitna!

01:08:56.173 --> 01:08:59.552 align:center
Pumasok sa gitna 'yong bola,

01:08:59.635 --> 01:09:01.929 align:center
tumalon sa gilid 'yong goalkeeper,

01:09:03.222 --> 01:09:04.849 align:center
at naka-score ako.

01:09:07.726 --> 01:09:10.479 align:center
Dalawang goal para sa Italy,
isa sa Brazil.

01:09:10.563 --> 01:09:11.981 align:center
Ako 'yong pangatlo.

01:09:14.733 --> 01:09:17.695 align:center
Ngayon, si Branco na ang titira.

01:09:20.030 --> 01:09:23.868 align:center
Noong 1994, sa World Cup final,
24 years na kaming walang panalo.

01:09:23.951 --> 01:09:25.870 align:center
Lahat ng tao sa bansa, nanonood.

01:09:25.953 --> 01:09:30.374 align:center
Lahat ng expectations at responsibilidad,
nasa 'kin. Sa akin mismo.

01:09:30.457 --> 01:09:34.837 align:center
Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko.
Parang napanood mo buong buhay mo,

01:09:34.920 --> 01:09:38.174 align:center
ang pelikula ng buhay mo.
Lahat ng nagdala sa 'yo roon.

01:09:38.257 --> 01:09:41.552 align:center
Pamilya, mga kaibigan, lahat, buong bansa.

01:09:42.428 --> 01:09:44.680 align:center
Pumuwesto na si Branco.

01:09:44.763 --> 01:09:47.141 align:center
Umatras siya para sa mahabang takbo.

01:09:47.224 --> 01:09:50.019 align:center
Dahil mahaba 'yong takbo ko,
akala niya, malakas ang tira ko.

01:09:50.102 --> 01:09:53.439 align:center
Naisip ko, "Para maharang niya,
kailangan niyang gumalaw agad."

01:09:53.522 --> 01:09:56.817 align:center
Kaya hinintay kong pumili siya ng side
at maingat kong ipinuwesto.

01:09:56.901 --> 01:09:58.819 align:center
Kakaibang desisyon 'yon.

01:09:59.904 --> 01:10:02.197 align:center
Pero habang papalapit ako, siya…

01:10:02.281 --> 01:10:04.533 align:center
Papalapit na ako sa bola,

01:10:04.617 --> 01:10:06.827 align:center
pero di siya gumagalaw.

01:10:07.411 --> 01:10:10.039 align:center
Tapos mga dalawa, tatlong hakbang…

01:10:10.122 --> 01:10:12.917 align:center
Gumanito siya at binigay
ang kaliwang side niya.

01:10:13.000 --> 01:10:14.627 align:center
Ayan na si Branco!

01:10:16.754 --> 01:10:18.881 align:center
Naka-score ang Brazil!

01:10:18.964 --> 01:10:24.762 align:center
Sabi ng instinct ko, pumili ng side,
at nagulat ako.

01:10:24.845 --> 01:10:26.263 align:center
Kung nagmintis ako roon,

01:10:26.347 --> 01:10:30.392 align:center
titira na lang ako sa Caribbean island.
Di na ako babalik sa Brazil.

01:10:33.812 --> 01:10:35.522 align:center
Go, Massaro!

01:10:37.816 --> 01:10:41.445 align:center
Kilala ko si Taffarel mula nagsimula siya.
Sabi niya sa akin,

01:10:41.528 --> 01:10:45.699 align:center
sa una at pangalawang penalty,
gustong-gusto niyang maka-save

01:10:45.783 --> 01:10:47.576 align:center
kaya gumalaw siya nang maaga,

01:10:47.660 --> 01:10:51.872 align:center
kaya pumalya siya. Pero sabi niya
sa sarili, "Kailangan kong mag-focus."

01:10:51.956 --> 01:10:53.874 align:center
"Dapat alamin ko kung kailan gagalaw."

01:10:53.958 --> 01:10:56.710 align:center
Hawak ni Massaro ang bola.
Mukhang nakatutok si Taffarel.

01:10:57.795 --> 01:11:00.714 align:center
Ang galing ng pag-save ni Taffarel!
Go, Brazil!

01:11:04.635 --> 01:11:05.886 align:center
Si Dunga ang susunod.

01:11:05.970 --> 01:11:08.597 align:center
Sabi ko, "Diyos ko, 'yong captain na."

01:11:08.681 --> 01:11:10.432 align:center
"May stiff leg siya."

01:11:11.725 --> 01:11:14.728 align:center
Naiisip mo ba 'yong bigat
sa balikat ni Dunga

01:11:14.812 --> 01:11:16.939 align:center
habang papunta siya sa penalty spot?

01:11:17.022 --> 01:11:20.985 align:center
Baka libong kilometro ang nilakad niya
sa isip niya. Ang tagal niya.

01:11:21.068 --> 01:11:23.946 align:center
Go, Dunga. Umatras siya.

01:11:24.029 --> 01:11:25.739 align:center
Humingi ako ng tsansa

01:11:26.240 --> 01:11:29.368 align:center
na isulat ulit ang kuwento ko sa Seleção,
na maging world champion,

01:11:29.451 --> 01:11:32.746 align:center
na makilala sa kasaysayan ng bansa ko,
magpasaya ng tao,

01:11:32.830 --> 01:11:35.791 align:center
at tutok pa rin,
kasi ako ang titira ng penalty.

01:11:38.168 --> 01:11:41.338 align:center
Tumakbo siya, sinipa nang malakas. Goal!

01:11:51.515 --> 01:11:54.518 align:center
Pinractice ko 'yon. Kailangang
gawin 'yon. Walang ibang paraan.

01:11:54.601 --> 01:11:58.605 align:center
Kailangan kong tamaan 'yong gilid
ng net, 'yong di maaabot ng keeper.

01:11:59.815 --> 01:12:03.610 align:center
Sa gitna tinira ni Dunga.
Akala ko sa gilid.

01:12:04.570 --> 01:12:07.072 align:center
Di ko gaanong kilala 'yong penalty takers.

01:12:07.156 --> 01:12:11.368 align:center
Di gaya ngayon,
na pwede mong pag-aralan lahat.

01:12:11.452 --> 01:12:16.707 align:center
Di ko sila kilala, kaya nakadepende
lang ako sa kutob at suwerte.

01:12:16.790 --> 01:12:21.837 align:center
Kaso sa maling direksiyon ako sumuong.

01:12:22.838 --> 01:12:27.718 align:center
Sa Cup na 'yon, nagkakaintindihan kami
at may respeto kami sa isa't isa.

01:12:27.801 --> 01:12:30.637 align:center
Lahat kami, gusto naming magpakitang-gilas

01:12:30.721 --> 01:12:32.389 align:center
at makatulong sa team.

01:12:32.473 --> 01:12:34.308 align:center
Si Baggio ang titira.

01:12:35.934 --> 01:12:40.314 align:center
Pag nasalag ni Taffarel,
panalo na ang Brazil sa ikaapat na titulo.

01:12:41.315 --> 01:12:43.275 align:center
Baggio laban kay Taffarel.

01:12:43.358 --> 01:12:47.321 align:center
Penalties specialist si Baggio,

01:12:47.404 --> 01:12:52.826 align:center
pero sobrang tensiyonado noon
para sa lahat.

01:12:54.203 --> 01:12:56.955 align:center
I-save mo 'yong penalty, gago!

01:13:11.470 --> 01:13:13.097 align:center
Tapos si Roberto Baggio,

01:13:14.681 --> 01:13:17.935 align:center
magaling na goalscorer
na laging mababa ang tira…

01:13:18.018 --> 01:13:21.688 align:center
Ipinapakita roon ang pressure
pag ginawa mo ang penalty kick.

01:13:23.107 --> 01:13:25.526 align:center
May tatlo ang Brazil. Dalawa ang Italy.

01:13:28.779 --> 01:13:29.947 align:center
Ayan na si Baggio.

01:13:32.741 --> 01:13:37.037 align:center
Pwedeng baguhin
ng penalty kick ang buhay mo.

01:13:39.873 --> 01:13:42.668 align:center
Tumakbo siya, tinira, at… tapos na!

01:13:42.751 --> 01:13:47.548 align:center
Tapos na! Brazil! Nanalo ang Brazil
sa pang-apat nilang World Cup!

01:13:47.631 --> 01:13:50.175 align:center
Nanalo ang Brazil
ng pang-apat na World Cup!

01:13:50.259 --> 01:13:53.887 align:center
Nagawa natin! Salamat, Brazil!
Four-time champion na tayo!

01:13:53.971 --> 01:13:55.597 align:center
"Champion tayo!"

01:13:56.765 --> 01:14:00.144 align:center
Isa 'yon sa pinakamasayang oras
ng buhay ko.

01:14:00.227 --> 01:14:02.896 align:center
Four-time champion!

01:14:02.980 --> 01:14:05.691 align:center
Natupad ang pangarap ko noong bata ako.

01:14:06.275 --> 01:14:10.028 align:center
Four-time world champions na ang Brazil!

01:14:10.112 --> 01:14:13.615 align:center
'Yon ang pinakamasayang oras
sa buhay ko hanggang ngayon.

01:14:13.699 --> 01:14:15.742 align:center
Brazilian ang football!

01:14:15.826 --> 01:14:18.120 align:center
Opisyal na!

01:14:18.203 --> 01:14:20.289 align:center
Kung may makaka-score
sa amin ng winning goal,

01:14:20.372 --> 01:14:22.749 align:center
tatawagin siyang bayani
ng pang-apat na World Cup.

01:14:23.333 --> 01:14:25.294 align:center
Ipinakita ng panalo
kahit pumalya si Baggio,

01:14:25.377 --> 01:14:28.964 align:center
'yong pang-apat na titulo,
para sa buong team,

01:14:30.340 --> 01:14:35.262 align:center
para sa sipag, sa pagkakaisa,
sa katatagan, at para sa mga tao.

01:14:39.183 --> 01:14:41.143 align:center
Lagi ka naming binabatikos,

01:14:41.226 --> 01:14:44.563 align:center
pero ipinakita mo ang tatag ng loob.

01:14:44.646 --> 01:14:49.067 align:center
Karapat-dapat ka sa posisyon mo.
Salamat, Parreira.

01:14:49.151 --> 01:14:52.362 align:center
Walang naniwala sa team na 'yon,
pero nagawa namin.

01:14:52.446 --> 01:14:54.031 align:center
Nagtiwala kami.

01:14:54.114 --> 01:14:56.241 align:center
Tapang, dedikasyon,

01:14:56.325 --> 01:14:59.286 align:center
pagmamahal sa dilaw na jersey.

01:15:00.746 --> 01:15:04.666 align:center
At para gawing mas emosyonal 'yon,

01:15:05.542 --> 01:15:07.252 align:center
pumasok ang players…

01:15:09.505 --> 01:15:14.968 align:center
nagdala ng banner para kay Ayrton Senna.
Kailangan talaga ng Brazil 'yong titulo.

01:15:16.887 --> 01:15:22.100 align:center
At nakasulat doon, "Ayrton Senna,
kasama mo kami sa karera."

01:15:22.684 --> 01:15:27.856 align:center
Habambuhay na kampeon si Ayrton Senna
sa puso ng mga Brazilian.

01:15:27.940 --> 01:15:29.942 align:center
Nagbigay-pugay ang mga manlalaro.

01:15:30.526 --> 01:15:33.445 align:center
"Senna, kasama mo kami sa karera."

01:15:33.529 --> 01:15:35.364 align:center
"Atin ang pang-apat na titulo."

01:15:35.447 --> 01:15:36.907 align:center
Nakakatuwa.

01:15:43.121 --> 01:15:46.208 align:center
Noong nanalo kami, umakyat kami roon.

01:15:47.125 --> 01:15:51.004 align:center
Doon sa taas. Kinuha namin
'yong cup at nag-celebrate.

01:15:52.714 --> 01:15:56.260 align:center
Binago ni Dunga,
ang captain, ang mga bagay.

01:15:56.343 --> 01:15:59.096 align:center
Noong '90, nawasak siya.

01:15:59.179 --> 01:16:00.347 align:center
"Ang Dunga era."

01:16:00.847 --> 01:16:03.684 align:center
Noong '94, itinaas niya ang World Cup.

01:16:09.356 --> 01:16:11.567 align:center
Di ka nagiging kampeon
pag tinaas mo 'yong cup,

01:16:11.650 --> 01:16:13.902 align:center
kundi pag nag-practice ka,
nagtrabaho, lahat.

01:16:14.611 --> 01:16:17.406 align:center
'Yan, Dunga! Itaas mo ang cup.

01:16:17.489 --> 01:16:19.658 align:center
World champions tayo.

01:16:19.741 --> 01:16:23.370 align:center
Four-time World Cup champions!

01:16:23.453 --> 01:16:28.500 align:center
Di ko inakalang makakaalis ako sa Bagé,
sa border ng Uruguay,

01:16:28.584 --> 01:16:31.753 align:center
60 kilometro mula Uruguay,
sa southern Brazil.

01:16:31.837 --> 01:16:35.424 align:center
Na aalis ako sa maliit na bayang 'yon
at aabutin ang mundo.

01:16:35.507 --> 01:16:37.092 align:center
Nakakabilib 'yon.

01:16:37.175 --> 01:16:39.177 align:center
Umiiyak si Romário.

01:16:39.261 --> 01:16:42.598 align:center
Sabi nila, kulang siya sa disiplina,
hindi siya seryoso.

01:16:42.681 --> 01:16:44.433 align:center
Pinatunayan niyang mali sila.

01:16:46.184 --> 01:16:49.855 align:center
Panalo 'yon para sa mga magulang ko
at ng mga lalaking 'yon.

01:16:50.647 --> 01:16:55.444 align:center
Panalo 'yon para sa henerasyong 'yon
na maraming pinagdaanan noong '90.

01:16:55.527 --> 01:16:58.739 align:center
Isang bagay na talagang magtatagal.

01:16:59.323 --> 01:17:02.409 align:center
Kaya nandito ako ngayon,
nakikipag-usap sa 'yo.

01:17:06.747 --> 01:17:11.585 align:center
Bumaba ako sa napakalaking hagdang 'yon
habang hawak 'yong cup.

01:17:11.668 --> 01:17:16.006 align:center
At sabi ko sa lahat,
"Hawakan n'yo 'to, atin 'to."

01:17:16.089 --> 01:17:20.510 align:center
Nakita 'yon sa buong mundo.
Di ko makakalimutan 'yon.

01:17:20.594 --> 01:17:24.890 align:center
Ang World Cup natin,
para sa Seleção natin.

01:17:24.973 --> 01:17:27.392 align:center
Grabe 'yong determinasyon. Ang galing.

01:17:27.476 --> 01:17:29.478 align:center
Ang saya, Brazil.

01:17:32.147 --> 01:17:35.734 align:center
-Congratulations, champions!
-Magpa-party tayo ngayong gabi.

01:17:35.817 --> 01:17:37.736 align:center
May malaking party na naghihintay sa atin.

01:17:37.819 --> 01:17:39.905 align:center
-Oo nga!
-'Yon ang narinig ko.

01:17:39.988 --> 01:17:42.366 align:center
-Congrats, Mauro! Pare!
-Salamat.

01:17:42.449 --> 01:17:46.161 align:center
-Ang galing mo, Mauro!
-Nagawa natin. Wala nang utang.

01:17:46.244 --> 01:17:48.455 align:center
Uy, Leo. Congrats, pare!

01:17:48.538 --> 01:17:50.957 align:center
Nagawa mo, bata!

01:17:51.041 --> 01:17:55.462 align:center
Ronaldinho! Seventeen lang,
pero world champion na, bata!

01:17:55.545 --> 01:17:58.256 align:center
Márcio, ang galing mo. Ikaw ang hari.

01:17:58.340 --> 01:18:02.302 align:center
Four-time champions tayo!
Ang galing natin!

01:18:02.386 --> 01:18:05.013 align:center
Sinubukan nila tayong pabagsakin,
pero patas ang Diyos.

01:18:05.097 --> 01:18:07.808 align:center
-Congrats, Mora.
-Salamat sa lahat, Jorginho.

01:18:07.891 --> 01:18:09.476 align:center
-Seryoso.
-Ayos.

01:18:09.559 --> 01:18:13.730 align:center
Dalawa lang ang four-time champions
sa mundo: Brazil at Zagallo!

01:18:13.814 --> 01:18:15.732 align:center
-Oo!
-Oo!

01:18:15.816 --> 01:18:16.983 align:center
Salamat!

01:18:17.067 --> 01:18:19.820 align:center
Four-time champions!

01:18:20.404 --> 01:18:24.658 align:center
Four-time champions!

01:18:24.741 --> 01:18:29.121 align:center
FOUR-TIME FOOTBALL WORLD CHAMPIONS

01:18:29.204 --> 01:18:32.666 align:center
Tingnan n'yo ang fourth star, guys!

01:18:37.963 --> 01:18:39.881 align:center
"Magkakaibigan magpakailanman."

01:18:39.965 --> 01:18:42.718 align:center
'Yon pa rin ang motto namin
hanggang ngayon.

01:18:44.469 --> 01:18:47.889 align:center
Nasa Brazil na kami,
nasa Brazilian airspace.

01:18:47.973 --> 01:18:50.267 align:center
Pagbukas namin ng blinds,
may dalawang fighter jet.

01:18:51.768 --> 01:18:57.441 align:center
Dalawang Air Force aircraft
ang nag-escort sa amin.

01:18:57.524 --> 01:18:58.817 align:center
Tapos…

01:18:58.900 --> 01:19:02.070 align:center
Tinanggap kami na parang bayani ng gera.

01:19:04.156 --> 01:19:08.535 align:center
Recife ang unang city na pinuntahan namin
pagkatapos ng World Cup

01:19:08.618 --> 01:19:10.620 align:center
para magpasalamat sa mga tao.

01:19:10.704 --> 01:19:12.706 align:center
Dahil sa kabaitan nila.

01:19:13.457 --> 01:19:15.125 align:center
Dahil dito nagsimula lahat.

01:19:16.334 --> 01:19:17.461 align:center
Sabi ng piloto,

01:19:17.544 --> 01:19:21.965 align:center
"May isang milyong tao
na naghihintay sa inyo sa ibaba."

01:19:22.048 --> 01:19:24.801 align:center
Noong bumaba na 'yong eroplano
at nakita namin,

01:19:24.885 --> 01:19:28.513 align:center
doon ako unang umiyak sa saya.

01:19:34.352 --> 01:19:37.773 align:center
Noong bumalik kami sa Brazil
at nakita kung gaano katindi…

01:19:37.856 --> 01:19:39.775 align:center
Di ko makakalimutan 'yong image.

01:19:39.858 --> 01:19:43.278 align:center
Pati 'yong mga nandoon.

01:19:43.779 --> 01:19:47.073 align:center
Napakaganda, napakagaling no'n.

01:19:47.157 --> 01:19:51.244 align:center
Katabi ko 'yong presidente,
'yong taga-customs,

01:19:51.328 --> 01:19:55.916 align:center
at may lumapit na guard, security.
Tumakbo siya, pawisan, at sabi niya,

01:19:55.999 --> 01:19:59.669 align:center
"Tingnan n'yo, sinisira ng mga tao
'yong bakod ng airport."

01:19:59.753 --> 01:20:01.463 align:center
"Pumapasok sila."

01:20:12.516 --> 01:20:15.393 align:center
Tumingin kami sa mga building at lahat…

01:20:16.186 --> 01:20:17.896 align:center
naghehele ng baby.

01:20:17.979 --> 01:20:20.273 align:center
Napakasaya no'n.

01:20:20.357 --> 01:20:23.944 align:center
'Yong mga sampu o kinse noon,
sasabihin nila,

01:20:24.027 --> 01:20:27.739 align:center
"First time kong nakitang nanalo
ang Brazil." Sasabihin nila agad 'yon.

01:20:27.822 --> 01:20:31.076 align:center
Gan'on kaimportante 'yon sa mga bata,

01:20:31.159 --> 01:20:33.119 align:center
sa pag-asa ng buong bansa.

01:20:37.040 --> 01:20:39.751 align:center
Nang nakita namin 'yong saya,
naisip namin,

01:20:39.835 --> 01:20:42.754 align:center
"Grabe, mahirap 'yong apat na taon natin."

01:20:42.838 --> 01:20:46.591 align:center
"Nag-practice tayo, nagsakripisyo,
mahirap 'yon, pero sulit."

01:20:46.675 --> 01:20:49.344 align:center
"Nagpasaya tayo.
Ayan, masaya ang mga tao."

01:20:49.427 --> 01:20:52.430 align:center
"Gusto lang nilang magdiwang.
'Yan ang gusto natin."

01:20:52.514 --> 01:20:55.308 align:center
"Di nila iniisip
kung mayaman o mahirap sila,

01:20:55.392 --> 01:20:58.019 align:center
ang relihiyon nila,
ang club ang sinusuportahan nila."

01:20:58.103 --> 01:21:01.064 align:center
"Hindi. Masaya tayo.
Pinagkaisa nito ang bansa."

01:21:05.443 --> 01:21:09.281 align:center
Walang makakamit ng gano'ng tagumpay
kung walang malakas na team.

01:21:09.364 --> 01:21:13.910 align:center
Pinagsama-sama 'yon, lipunan 'yon,
grupo ng mga tao, isang bansa.

01:21:17.289 --> 01:21:20.458 align:center
Masarap 'yon balikan lahat.

01:21:20.542 --> 01:21:21.918 align:center
Lumabas kami sa kalye,

01:21:22.002 --> 01:21:26.047 align:center
naaalala ko 'yong batang umiiyak sa puno.

01:21:26.840 --> 01:21:28.049 align:center
Tumingin lahat.

01:21:29.134 --> 01:21:31.177 align:center
Mahirap 'yong panahong 'yon.

01:21:31.261 --> 01:21:32.596 align:center
Sobrang…

01:21:32.679 --> 01:21:34.306 align:center
At naintindihan ng mga tao.

01:21:36.391 --> 01:21:37.642 align:center
Brazil!

01:21:37.726 --> 01:21:39.477 align:center
Walang kapantay 'yon, di ba?

01:21:40.520 --> 01:21:44.608 align:center
Nagiging emosyonal ako
pag naaalala 'yon kasi ang tindi no'n,

01:21:44.691 --> 01:21:46.359 align:center
isang bagay 'yon na…

01:21:46.443 --> 01:21:49.404 align:center
Sulit lahat ng paghihirap namin.

01:21:49.487 --> 01:21:52.032 align:center
Nagiging emosyonal ako
pag pinag-uusapan 'yon.

01:21:52.115 --> 01:21:54.659 align:center
Four-time champions!

01:22:01.041 --> 01:22:03.585 align:center
Hanggang ngayon,
nagce-celebrate pa rin ako.

01:22:09.090 --> 01:22:11.051 align:center
Pagkatapos ng lahat ng nangyari,

01:22:11.134 --> 01:22:14.054 align:center
kinailangan lang maniwala ng team namin.

01:22:14.137 --> 01:22:16.264 align:center
At 'yon ang nangyari. Naniwala kami.

01:22:19.934 --> 01:22:23.396 align:center
Kailangan naming ibalik ang pag-asa.
Di lang sa football, kundi sa bansa.

01:25:08.103 --> 01:25:09.979 align:center
Nagsalin ng Subtitle: Lea Torre
asa.
Di lang sa football, kundi sa bansa.

