WEBVTT

00:04.000 --> 00:06.000
Dude, may nangyari sa 'min ni Chef Oab.

00:06.080 --> 00:08.840
Gusto kong malaman ano'ng plano mo
para manalo sa kompetisyon.

00:08.920 --> 00:09.840
Ano'ng gagawin ko?

00:09.920 --> 00:10.959
Gusto ko nang umalis.

00:11.040 --> 00:14.760
Kung aamin ka rin lang ng pag-ibig mo,
unahin mo muna mga kasalanan mo.

00:14.840 --> 00:16.360
Mukhang ang saya mo kagabi.

00:16.439 --> 00:18.960
Kailan ka titigil
magtatapon ng pera para sa tao?

00:19.040 --> 00:21.160
At kung itutuloy mo 'yan,

00:21.240 --> 00:23.160
magsimula ka nang maghanap
ng physiotherapist.

00:23.240 --> 00:26.000
Pa'no kung mag-invest ulit ako
sa restaurant mo?

00:26.080 --> 00:28.160
Sa pagkakataong ito, di na 'ko aalis.

00:28.240 --> 00:32.080
Bigyan mo 'ko ng pagkakataong
patunayan ang sarili ko para bumalik ka.

00:32.159 --> 00:33.920
ANG NAKARAAN

00:41.680 --> 00:44.600
Kluer, ito ba ang facebook ni Chef Oab?

00:45.360 --> 00:47.400
Oo, 'yan ang personal Facebook niya.

00:48.040 --> 00:49.480
Wow.

00:51.160 --> 00:53.960
Di niya pa inaalis
ang photos nila ni Khaosuay.

00:55.559 --> 00:56.720
Heartbroken talaga siguro siya.

00:56.800 --> 00:59.040
Di siya tumitigil sa pagpo-post ng mga
malulungkot na quotes.

01:10.880 --> 01:13.360
Gusto n'yo bang uminom mamaya?
Biyernes naman. Masaya 'yon.

01:13.880 --> 01:16.119
Sama ka? Parang gusto kong sumayaw.

01:17.000 --> 01:18.840
Plawan, sasama ka ba?

01:20.560 --> 01:22.479
Hindi, salamat. Masakit ang mga daliri ko.

01:24.839 --> 01:26.520
Kailangan mo ng mga daliri mo
para sumayaw o ano?

01:27.440 --> 01:28.360
Pa'no ko malalaman?

01:30.520 --> 01:31.960
Ikaw si Plawan?

01:33.360 --> 01:34.399
Oo.

01:34.920 --> 01:36.600
Hinahanap ka ni Oab.

01:36.679 --> 01:39.520
No'ng una, akala ko gusto ka niyang
tulungan sa mga tanim na basil.

01:40.199 --> 01:42.199
Nakita kong kausap mo si Chef

01:42.280 --> 01:43.759
kaya di ko na siya inabala.

01:43.839 --> 01:45.640
Tingin ko di na kailangan 'yon.

01:46.160 --> 01:48.559
Di na niya kailangan ng tulong ng sinuman.

01:49.960 --> 01:51.119
Kuha ko na.

01:52.440 --> 01:54.920
Salamat sa pagtawag para sabihin
ang tungkol sa dad ko.

02:04.440 --> 02:05.919
Ano'ng sinasabi mo?

02:06.000 --> 02:07.399
Wala akong alam d'yan.

03:29.679 --> 03:30.720
NAGBEBENTA NG NEGOSYO

03:30.799 --> 03:32.120
NAGHAHANAP NG ANGKOP NA KAHALILI
SA PAMAMAGITAN NG KOMPETISYON

03:36.200 --> 03:38.239
Bumalik ang ex niya ng ganito.

03:38.320 --> 03:40.239
Paano ako magpapatuloy?

03:40.760 --> 03:43.399
Ang perpekto nilang tingnan na magkasama.

03:43.480 --> 03:47.359
Naiintindihan mo ba ang "perpekto"?

03:47.440 --> 03:48.640
Tama!

03:48.720 --> 03:50.880
Ito na ang pagkakataon para makaalis ka.

03:50.959 --> 03:52.679
Gawin mong pagkakataon ang krisis na ito.

03:52.760 --> 03:55.000
Gamitin mo ang pagkakataong ito
para pakawalan siya.

03:55.079 --> 03:57.679
Bumalik ang ex niya,
kaya hayaan mo na silang magkabalikan.

03:57.760 --> 04:01.399
Imposible naman talaga ang sa inyo
sa simula palang.

04:03.280 --> 04:04.519
Sapat na ang kasinungalingan
tungkol sa restaurant.

04:04.600 --> 04:05.959
Wag mo nang hayaang
mahulog pa siya sa 'yo.

04:06.040 --> 04:08.880
Pumunta ka sa impiyerno mag-isa,
wag mo 'kong idamay.

04:20.839 --> 04:22.599
Kung pumapayag ka.,

04:22.680 --> 04:24.680
Hindi na kailangan ng kompetisyon

04:24.760 --> 04:26.440
para makahanap ng kahalili.

04:27.200 --> 04:28.479
Ano sa tingin mo?

04:53.039 --> 04:54.560
NO LONG BEANS BASIL HOUSE

04:58.000 --> 04:59.000
Ang lahat,

05:00.000 --> 05:01.840
malapit na ang ikalawang hamon.

05:01.919 --> 05:04.800
Nakaka-excite, di ba?
Ano kaya ang susunod na hamon.

05:05.880 --> 05:06.880
Sino'ng nakakaalam?

05:06.960 --> 05:07.880
Bumalik na si Khaosuay,

05:07.960 --> 05:10.200
Baka magbago ng isip si Chef
at hindi na ibenta ang restaurant.

05:11.200 --> 05:14.479
Ibig sabihin… nagkabalikan na sila?

05:14.560 --> 05:16.840
Ibig sabihin walang silbi
ang kompetisyong 'to?

05:17.360 --> 05:19.000
Oo, na parang…

05:19.080 --> 05:21.000
bumalik ang passion niya o kung ano man.

05:22.000 --> 05:23.960
Sa edad niya ngayon,
duda akong di siya maseseryoso

05:24.039 --> 05:24.960
sa seryoso din sa kanya.

05:25.680 --> 05:27.640
Paghandaan natin ang susunod na round.

05:31.840 --> 05:33.400
Ano'ng ginagawa n'yo?

05:33.479 --> 05:35.120
Bakit di pa kayo naghahanda?

05:37.200 --> 05:38.159
Gusto naming sabihin

05:38.240 --> 05:39.719
kahit na magbago ang isip mo,

05:40.320 --> 05:44.039
gusto naming patunayan ang sarili namin
para kunin mo kami dito.

05:45.440 --> 05:47.840
Magbago ang isip ko? Ano'ng sinasabi mo?

05:48.479 --> 05:50.400
Kasi… bumalik na si Khaosuay.

05:50.479 --> 05:51.919
Walang magbabago.

05:52.560 --> 05:54.240
Ngayong araw,
bibigyan ko kayo ng bagong hamon.

05:54.880 --> 05:55.719
Basil lang.

05:56.719 --> 05:59.240
Isang salita lang ang hamon: Basil.

05:59.320 --> 06:01.159
Puwede kayong gumawa ng kahit anong
putahe na gusto n'yo,

06:01.240 --> 06:03.200
pero dapat basil ang pangunahing sangkap.

06:04.080 --> 06:06.880
Sa round na ito, magbibigay ako ng puntos
batay sa pagiging malikhain.

06:08.400 --> 06:10.400
Matatangal ang makakakuha
ng pinakamababang puntos.

06:11.320 --> 06:12.599
May tanong pa kayo?

06:14.719 --> 06:15.560
Wala po, Chef.

06:16.359 --> 06:18.880
Ayos. Maghanda na kayo ngayon.

06:18.960 --> 06:20.320
-Opo, Chef.
-Opo, Chef.

06:44.159 --> 06:45.599
Salamat.

06:45.680 --> 06:47.000
-Salamat.
-Salamat.

06:47.080 --> 06:48.440
Balik kayo sa uulitin.

06:49.960 --> 06:51.520
Hello, sa lahat.

06:54.359 --> 06:55.479
Hello, Oab.

06:55.560 --> 06:57.560
May papakita ako sa 'yo.

06:57.640 --> 06:58.840
Maupo tayo.

07:05.799 --> 07:07.840
Iniisip kong baguhin ang harapan.

07:08.680 --> 07:12.760
May kaibigan akong nagdisenyo
ng bagong interior sa restaurant.

07:12.840 --> 07:15.520
Tingnan mo. Nagustuhan mo ba?

07:16.880 --> 07:19.120
Maganda, pero…

07:19.200 --> 07:21.320
Iniisip ko ring magbukas ng bagong branch.

07:21.400 --> 07:23.599
Kung gagawin nating
mas organisado ang lahat,

07:23.680 --> 07:25.400
hindi ka na masyadong mapapagod.

07:27.919 --> 07:29.200
Di ba masyadong maaga?

07:29.799 --> 07:31.440
Di ko pa naisip 'yan sa ngayon.

07:31.520 --> 07:33.080
Okay lang.

07:33.159 --> 07:34.680
Wag kang mag-alala.

07:34.760 --> 07:38.159
Magpokus ka lang sa kusina,

07:38.239 --> 07:40.280
at ako na'ng bahala sa lahat gaya ng dati.

07:44.440 --> 07:46.599
Pero plano kong ibenta ang restaurant.

07:46.680 --> 07:49.200
Wala na akong gana na
ipagpatuloy ang pagpapatakbo nito,

07:49.799 --> 07:52.880
kaya hindi na kailangan pang i-renovate.

07:56.080 --> 07:57.400
Oab,

07:59.359 --> 08:02.359
puwede tayong maglaan ng oras
para ganahan ka ulit.

08:02.440 --> 08:04.080
O ayaw mo na bang magluto?

08:08.280 --> 08:10.520
Tutulungan kitang ganahan ulit.

08:10.599 --> 08:13.359
Siguro pagod ka lang sa basil.

08:13.440 --> 08:16.640
Puwede nating palitan na lang
ang konsepto ng restaurant.

08:16.719 --> 08:20.039
Basta wala pa rin mahabang beans,

08:20.120 --> 08:22.120
kasi allergic ako do'n.

08:22.880 --> 08:24.599
Doon nga nakuha ang pangalan
ng lugar natin, di ba?

09:05.520 --> 09:06.640
Kumain ka.

09:08.120 --> 09:10.280
Ayaw ko, salamat.
Sasama ako sa mga kaibigan kong kumain.

09:12.680 --> 09:13.680
Sandali lang.

09:16.400 --> 09:18.400
Umalis na sila
Punsib at Kluer para kumain.

09:18.480 --> 09:20.680
Di ka siguro nila mahanap,
kaya iniwan ka na nila.

09:32.520 --> 09:33.560
Ang bango, di ba?

09:48.319 --> 09:49.520
Bigyan mo 'ko.

09:50.160 --> 09:51.360
Hindi, sa 'kin 'to.

09:52.720 --> 09:53.800
Para kang bata.

09:54.680 --> 09:55.720
Naiinis ka lang kanina,

09:55.800 --> 09:57.360
pero nagbago ang mood mo pag may pagkain.

09:59.560 --> 10:01.120
Kaninong kasalanan 'yon sa tingin mo?

10:04.480 --> 10:05.400
Alam kong naiinis ka,

10:06.040 --> 10:07.360
kaya pinuntahan kita.

10:08.199 --> 10:09.880
Nagtatampo ka kanina.

10:09.959 --> 10:11.760
Sila Kluer at Punsib din.

10:11.839 --> 10:14.560
Hindi pa ako pumapayag
sa kahit ano kay Khaosuay

10:14.640 --> 10:16.040
tungkol sa pagbabago ng restaurant.

10:17.959 --> 10:21.079
Hindi pa sa ngayon,
di natin alam sa mga susunod na araw.

10:21.160 --> 10:22.880
Paano ako magtitiwala sa 'yo?

10:23.600 --> 10:25.920
No'ng una, sabi mo
nakipaghiwalay ka sa kanya,

10:26.000 --> 10:29.120
pero ngayong bumalik siya,
mukhang masaya ka pa nga.

10:29.920 --> 10:31.600
-Uy!
-Chef!

10:33.800 --> 10:35.880
Anong ibig mong sabihin na masaya ako?

10:36.880 --> 10:38.000
Bitiwan mo 'ko.

10:40.680 --> 10:42.760
Talagang nagagalit ka nga.

10:42.839 --> 10:44.560
Sabi mo no'ng una, wala kang pakialam.

10:46.280 --> 10:48.160
Talaga namang wala akong pakialam.

10:48.240 --> 10:50.640
Matagal kitang hinihintay na magpaliwanag.

10:51.160 --> 10:53.079
Ayokong maging wala sa rason.

10:54.640 --> 10:55.800
Puwede ka na bang bumitaw ngayon?

10:57.160 --> 10:58.839
Mapagkakatiwalaan mo 'ko.

11:05.560 --> 11:06.480
Chef!

11:26.400 --> 11:28.600
Som, bakit mo 'ko tinawag sa clinic?

11:28.680 --> 11:31.680
May problema ba sa mga papeles?
O may bagong pasyente tayo?

11:31.760 --> 11:32.600
Hindi, di 'yon.

11:33.600 --> 11:34.959
Bakit ka nag-iimpake ng mga gamit mo?

11:37.079 --> 11:39.240
Matagal muna tayong di magkikita.

11:41.040 --> 11:42.640
Ingatan mo ang sarili mo, okay?

11:43.319 --> 11:45.680
Ano'ng ibig mong sabihing
di tayo magkikita nang matagal?

11:48.680 --> 11:50.920
Wag mong sabihing mamatay ka na

11:51.000 --> 11:53.360
o may malubhang sakit na di sinasabi.

11:53.439 --> 11:56.319
-Oh, tigil mo nga 'yan.
-Uy! Tingnan ko.

11:57.560 --> 11:59.079
Puwede bang maging positibo ka naman.

11:59.160 --> 12:01.199
Ngayon ang huling araw ko dito.

12:02.240 --> 12:03.240
Sandali, aalis ka na?

12:03.319 --> 12:04.560
Bakit di mo sinabi sa 'kin?

12:05.520 --> 12:08.000
Sandali, ikaw may-ari ng clinic.

12:08.079 --> 12:09.959
Bakit ka aalis sa sarili mong clinic?

12:10.040 --> 12:11.640
Hindi ako aalis.

12:11.719 --> 12:13.199
Benenta ko na 'to.

12:13.280 --> 12:17.199
May nagbigay sa 'kin ng magandang presyo.

12:17.280 --> 12:18.560
Pero wag kang mag-alala,

12:18.640 --> 12:21.839
sabi ng bagong may-ari,
wala siyang tatanggalin.

12:21.920 --> 12:23.680
Walang mawawalan ng trabaho.

12:23.760 --> 12:26.719
Sandali, aalis ka na lang
nang ganun-ganun na lang?

12:28.079 --> 12:31.640
Sandali,
sino ang bagong may-ari ng clinic?

12:33.760 --> 12:36.520
Kilalang-kilala mo siya.

12:36.599 --> 12:38.240
Oh, nandito na siya.

12:49.439 --> 12:50.640
Magmatigas ka hangga't gusto mo.

12:50.719 --> 12:55.040
Kalaunan maiisip mo din
na lahat nabibili ng pera.

13:02.040 --> 13:03.480
Anong ginagawa mo?

13:03.560 --> 13:06.360
-Sandali.
-Ano bang problema mo?

13:06.439 --> 13:07.959
Di mo kailangang matakot sa 'kin.

13:08.040 --> 13:09.520
Hindi ako takot sa 'yo.

13:09.599 --> 13:10.959
Kaya mong bilhin ang lugar na 'to.

13:11.040 --> 13:13.319
Pero kung gusto kong umalis,
choice ko 'yon.

13:14.240 --> 13:16.240
Pero kailangan ko ang lugar
kung saan ka nagtatrabaho.

13:16.319 --> 13:17.839
Kaya kahit saan ka pumunta,

13:17.920 --> 13:19.760
susundan kita at bibilhin ang negosyo.

13:19.839 --> 13:22.719
Nakita mo na ang kaya kong gawin,
o hindi pa?

13:25.839 --> 13:28.760
Totoong buhay ito, hindi Monopoly.

13:28.839 --> 13:30.599
Sa tingin mo talaga

13:30.680 --> 13:32.800
sa paraang 'to mo makukuha ang tao?

13:33.319 --> 13:35.439
Takot lang sila sa pera mo.

13:35.520 --> 13:38.920
Sa tingin mo ba, dahil iniinis mo 'ko,
titigil na ako?

13:39.680 --> 13:40.680
Hinding-hindi.

13:43.360 --> 13:44.199
Sandali lang.

13:49.240 --> 13:52.079
Seryoso, may iba ka pa bang paraan

13:52.160 --> 13:55.520
para magustuhan ka ng mga tao
o para mapalapit sa 'yo?

13:57.240 --> 14:00.040
May pera ako. Wala akong ibang kailangan.

14:00.800 --> 14:03.240
Hindi. Di mo lang alam kung pa'no,
at natatakot ka lang subukan.

14:03.319 --> 14:05.000
Para sabihin ko sa 'yo.

14:05.079 --> 14:06.640
Kung gusto mong makuha ang loob ng tao,

14:06.719 --> 14:08.760
kailangan mong paghirapan,

14:08.839 --> 14:10.959
hindi sa pagtatapon ng pera
sa bawat problema.

14:11.800 --> 14:13.800
Oo, kaya mong bilhin ang lugar na 'to,

14:14.319 --> 14:16.680
pero di mo kayang bilhin ang tulad ko.

14:17.560 --> 14:19.719
Paano mo naisip ang 'yan?

14:20.319 --> 14:22.120
Talagang nadismaya ako sa 'yo.

14:26.000 --> 14:27.319
-Sandali, JJ.
-Bitiwan mo 'ko.

14:27.400 --> 14:30.319
JJ!

14:39.800 --> 14:41.680
Paghirapan ko?

14:49.000 --> 14:51.520
Guys, may naisip akong paraan para

14:51.599 --> 14:55.120
makapasa tayong tatlo sa second round.

14:55.199 --> 14:56.640
Kung magtutulungan tayo

14:56.719 --> 14:59.479
makagawa ng menu
at maluto ang parehong putahe,

14:59.560 --> 15:00.719
paano niya tayo matatanggal?

15:00.800 --> 15:01.839
Tama, di ba?

15:01.920 --> 15:02.880
Hindi 'yan gagana.

15:02.959 --> 15:06.120
Lahat tayo matatanggal

15:06.199 --> 15:07.640
kung susubukan natin 'yan.

15:07.719 --> 15:08.560
Tama.

15:08.640 --> 15:11.319
Mapapalampas ni si Chef ang ibang bagay,
pero hindi pagdating sa pagluluto.

15:12.280 --> 15:15.880
Oh, kailangan ba talaga nating maglaban?

15:16.400 --> 15:17.760
Ayaw ko ng makipagkompetisyon.

15:17.839 --> 15:19.400
Bakit?

15:19.479 --> 15:20.640
Ayaw mo ba ang lugar na 'to?

15:21.400 --> 15:24.280
Pero sa totoo lang, Punsib,
ang yaman ng pamilya mo.

15:24.360 --> 15:25.959
Bakit di na lang magbukas ng restaurant
ang tatay mo para sa 'yo?

15:26.040 --> 15:28.800
-Bakit ka pa sumali dito?
-Oo nga, ang yaman ng pamilya n'yo.

15:30.120 --> 15:32.160
Kasi gusto kong maging
magaling na chef sa sarili kong paraan.

15:33.079 --> 15:35.240
Simula pagkabata,
lagi akong may pribadong tutor.

15:35.319 --> 15:38.360
Hindi ako nagkaroon ng kaibigan.
Lagi akong mag-isa.

15:39.000 --> 15:41.760
Pag nagluluto tayong tatlo, ang galing.

15:42.680 --> 15:46.160
No'ng umalis si Auto nalungkot ako.

15:48.920 --> 15:50.800
Ayaw kong mawalan ulit ng kaibigan.

15:54.520 --> 15:56.040
Pero kompetisyon 'to.

15:56.839 --> 15:59.280
Isang araw, maghihiwalay din tayo.

16:00.520 --> 16:03.640
Pagkatapos nito,
matatapos na din ang pagsasama natin.

16:08.680 --> 16:10.560
Hindi naman kailangang maging gano'n.

16:11.160 --> 16:13.040
Kung may malasakit ka sa isang tao,

16:14.719 --> 16:17.599
gagawan mo ng paraan
para mapanatili ang relasyon.

16:17.680 --> 16:19.319
Hindi porke natapos na sa restaurant

16:20.240 --> 16:21.680
magtatapos din tayo.

16:24.079 --> 16:27.079
Paano kung magkasundo tayo?

16:27.160 --> 16:30.719
Isasama ng mananalo ang iba
para magtrabaho sa restaurant.

16:34.439 --> 16:36.560
Sige, okay ako d'yan.

16:45.479 --> 16:48.839
Mas malamang na mas malaki ang chance
n'yong manalo kaysa sa 'kin.

16:50.560 --> 16:51.800
Oh, ano ba 'yan.

16:57.719 --> 16:58.680
Gutom na 'ko.

17:06.879 --> 17:08.680
Palihim ka na namang
kumukuha ng pagkain sa restaurant.

17:09.440 --> 17:11.720
Pag madami ang kinain mo,
kailangan na kitang singilin.

17:11.800 --> 17:13.000
Oh, Chef!

17:13.079 --> 17:15.520
Nagulat mo ako, bigla kang pumasok.

17:16.119 --> 17:17.159
Gutom ka pa rin?

17:18.040 --> 17:20.040
Pag stress ako, di ako nakakakain.

17:20.119 --> 17:21.280
Stressed?

17:22.200 --> 17:23.399
Saan?

17:23.480 --> 17:25.560
Siyempre, ang kompetisyon.

17:25.639 --> 17:27.560
Walang gustong matalo.

17:28.639 --> 17:29.960
Tungkol sa restaurant?

17:31.320 --> 17:32.760
Bakit ang dami mong tanong?

17:32.840 --> 17:34.280
Tungkol sa lahat.

17:34.360 --> 17:35.879
Kasama na si Khaosuay.

17:35.960 --> 17:37.440
Malinaw na ba?

17:38.280 --> 17:40.040
Matutulog na 'ko. Pagod na 'kong sumagot.

17:40.120 --> 17:41.680
Sandali lang!

17:42.720 --> 17:43.879
Naiinis ka na naman?

17:44.639 --> 17:45.600
Hindi ka na gutom?

17:52.680 --> 17:53.919
Maghintay ka muna.

18:04.840 --> 18:06.000
Tapos na.

18:06.520 --> 18:09.280
Wow, sabi mo simple lang ang gagawin mo.

18:10.040 --> 18:12.040
Simple lang 'yan. Di naman matagal gawin.

18:17.000 --> 18:18.680
-Talaga?
-Ako muna kakain.

18:32.320 --> 18:33.320
Ang sarap.

18:33.840 --> 18:35.000
Hindi ko 'to bibigay sa 'yo.

18:35.080 --> 18:36.360
Ano?

18:36.440 --> 18:37.919
Bakit mo gagawin 'yan?

18:38.000 --> 18:39.040
Sabi mo para sa 'kin 'to.

18:52.320 --> 18:53.879
Wow,

18:55.520 --> 18:56.600
Ang sarap.

18:56.679 --> 18:58.440
Dadalhin ko na 'to sa kuwarto ko.

18:59.360 --> 19:00.200
Good night.

19:01.560 --> 19:02.679
Plawan, sandali!

19:07.760 --> 19:09.280
NO LONG BEANS BASIL HOUSE

19:12.480 --> 19:13.399
May iba pa ba?

19:13.480 --> 19:14.919
Dahon na lang ng basil.

19:17.399 --> 19:18.520
Okay na 'to.

19:20.679 --> 19:23.800
Kayong lahat, maghanda na
sa pagbukas ng restaurant.

19:23.879 --> 19:24.919
-Opo, Chef.
-Opo, Chef.

19:26.960 --> 19:28.480
Hello, sa inyong lahat.

19:28.560 --> 19:29.960
Hello, Khaosuay.

19:31.080 --> 19:32.159
Hello, Oab.

19:32.679 --> 19:34.440
Nandito ka ba para tulungan kami?

19:34.520 --> 19:37.440
Oo, pero hindi para mag-serve.

19:37.520 --> 19:40.040
May naisip akong bagong putahe
baka puwede mong pag-isipan.

19:40.800 --> 19:42.440
-Bagong putahe?
-Oo.

19:43.040 --> 19:45.760
Matagal na rin tayong walang
bago sa menu, Chef.

19:45.840 --> 19:47.720
Maraming customers
ang nagtatanong na rin ng bago.

19:48.600 --> 19:52.280
Nakuha ko ang ideya sa focus group
kasama ang dati nating customers.

19:52.360 --> 19:54.639
Ibinahagi nila kung anong
mga bagong putahe ang gusto nila.

19:56.879 --> 20:00.560
Kamakailan, uso ang lobster
sa Asian chef's tables.

20:00.639 --> 20:03.639
Pero pag ihain 'to ng ginisang basil
medyo masyadong pangkaraniwan.

20:03.720 --> 20:06.120
Ano kaya kung clay pot lobster basil
na may sinangag na lang?

20:06.200 --> 20:07.560
Tingin ko bebenta 'to.

20:08.440 --> 20:10.879
Wow, mukhang maganda 'yan.

20:13.639 --> 20:15.120
Kung maghahain tayo ng bagong putahe,

20:15.200 --> 20:17.040
kailangan ko pa ng oras para pasarapin

20:17.120 --> 20:18.960
bago natin ihain 'yan sa customers.

20:19.040 --> 20:21.679
Kailangan ng maraming oras at trabaho.

20:21.760 --> 20:23.720
Kaya nga gusto kong sabihin
sa 'yo agad-agad

20:23.800 --> 20:25.080
para makapagplano tayo nang maaga.

20:25.159 --> 20:27.560
May naisip na akong bagong promotion.

20:27.639 --> 20:29.480
Kailangan ko lang i-finalize ang graphics.

20:30.639 --> 20:33.280
Pero gusto na ng customers natin ang menu.

20:33.360 --> 20:35.200
Iyon talaga ang signature ng restaurant.

20:35.280 --> 20:38.440
Tingin ko di na kailangan baguhin.

20:38.520 --> 20:40.080
Perpekto na ang lahat sa ganito.

20:40.720 --> 20:42.919
Ano sa tingin mo, Chef?

20:46.080 --> 20:47.040
Tama ka.

20:51.840 --> 20:52.840
Pero…

20:53.360 --> 20:55.360
matagal na tayong walang bagong putahe.

20:56.040 --> 20:57.560
Tama si Khaosuay.

21:05.080 --> 21:07.840
Eh ba't di na lang tayo gumawa
ng ginisang basil na may mahabang beans?

21:07.919 --> 21:11.520
Magugulat ang mga customers
at ipapakita nito na nagre-rebrand tayo.

21:12.040 --> 21:15.679
Hindi puwedeng gawin ni Oab 'yan
kasi allergic ako sa mahabang beans.

21:15.760 --> 21:17.080
Eh ano?

21:18.639 --> 21:19.720
Hindi puwede.

21:21.080 --> 21:22.720
Allergic talaga siya sa mga 'yon.

21:31.919 --> 21:33.320
Eh pa'no kung maikling beans na lang?

21:45.800 --> 21:47.120
Magtrabaho na kayo.

21:47.200 --> 21:48.560
-Opo, Chef
-Opo, Chef.

21:51.040 --> 21:52.280
Oab, tingnan mo ang menu.

22:05.919 --> 22:08.320
May galit ba sa 'kin si Plawan?

22:10.000 --> 22:13.360
Masyado kang nag-iisip.

22:13.960 --> 22:17.600
Hindi niya nga alam kung bakit gano'n
ang pangalan ng restaurant.

22:19.280 --> 22:20.360
Kung gano'n…

22:21.560 --> 22:24.360
may relasyon ba kayo ni Plawan?

22:25.560 --> 22:27.520
Kung pa'no ka niya kausapin,

22:27.600 --> 22:29.399
iba kung pa'no siya sa iba.

22:50.840 --> 22:51.720
Khaosuay,

22:52.480 --> 22:53.919
ang totoo n'yan,

22:55.800 --> 22:57.000
Si Plawan at ako…

22:59.760 --> 23:02.040
-para kaming…
-Okay lang.

23:02.639 --> 23:04.760
Baka di ko gaanong maintindihan ang menu
tulad ng ginagawa n'yong dalawa.

23:04.840 --> 23:06.520
Ikaw na magdesisyon para sa sarili mo.

23:07.240 --> 23:09.200
Kung gusto mong magdagdag ng putahe,

23:09.280 --> 23:11.000
wala akong problema do'n.

23:21.560 --> 23:23.520
Ang init!

23:30.399 --> 23:31.560
Sandali, sandali!

23:31.639 --> 23:33.399
Pa'no ka nakapasok sa bahay ko?

23:34.919 --> 23:37.399
Pa'no mo nalaman kung saan ako nakatira?

23:42.120 --> 23:43.800
Tinatanong kita, sagutin mo 'ko.

23:44.399 --> 23:45.760
Di naman gano'n kahirap.

23:45.840 --> 23:47.960
Tiningnan ko lang sa rekord ng clinic.

23:48.040 --> 23:49.520
At bakit ka nandito?

23:52.520 --> 23:54.320
Linawin ko na lang sa 'yo ngayon.

23:54.399 --> 23:55.960
Wala akong pakialam sa presyo,
di ko ibebenta.

23:56.040 --> 23:58.200
Di ko ibebenta ang bahay na 'to sa 'yo.

23:58.280 --> 23:59.280
Di mo kailangan gawin.

23:59.360 --> 24:02.520
Kung gusto ko talaga 'to,
bibilhin ko na lang ang buong lupa

24:02.600 --> 24:05.360
sa paligid ng bahay mo at kapitbahay mo.

24:05.439 --> 24:07.320
Wag mong sabihing…

24:07.399 --> 24:08.439
Hindi ko nagagawa 'yon.

24:09.919 --> 24:12.879
Pinag-isipan ko yung sinabi mo
noong isang araw.

24:13.399 --> 24:16.639
Siguro hinusgahan kita base
sa sarili kong mga karanasan.

24:17.240 --> 24:18.840
Di mo kailangang umalis sa clinic.

24:19.679 --> 24:21.240
Pumasok ka lang sa trabaho gaya ng dati.

24:25.200 --> 24:26.040
Gayunpaman,

24:26.120 --> 24:28.840
ako lang ang gagawan mo
ng physical therapy.

24:30.439 --> 24:32.360
Sabi ko na e.

24:33.240 --> 24:34.600
Sa ngayon,

24:34.679 --> 24:36.360
Gusto ko munang obserbahan ka.

24:36.439 --> 24:38.480
Tingnan ko kung mabait ka ba talaga.

24:39.159 --> 24:42.600
Baka mabago mo pa ang isip ko.

24:47.600 --> 24:49.560
Babalik ako
para magpa-physical therapy sa 'yo,

24:49.639 --> 24:51.639
pero may iba rin akong pasyenteng gagawan.

24:51.720 --> 24:54.639
Kung tatanggapin mo man o hindi,
nasa sa 'yo 'yon.

24:55.800 --> 24:59.200
Ang malala. magtatrabaho na lang ako sa
pampublikong ospital.

24:59.280 --> 25:00.679
Kaunti man ang kikitain ko,

25:00.760 --> 25:05.360
pero di mo naman mabibili
ang ospital, di ba?

25:07.159 --> 25:08.840
Dapat pinapakita mo sa 'kin

25:09.360 --> 25:12.080
kung pa'no maging totoong mabuting tao.

25:13.520 --> 25:16.080
Bakit ang hirap mong intindihin?

25:18.480 --> 25:20.280
-Bwisit.
-Sandali.

25:26.399 --> 25:27.360
Kita mo?

25:29.240 --> 25:32.120
Dapat mas maingat ka sa pagkikilos.

25:35.560 --> 25:37.919
Matutulungan mo ba akong makapasok?

25:38.000 --> 25:39.000
Ang init na dito.

25:41.919 --> 25:43.040
Halika, tara na.

25:43.720 --> 25:45.960
Hindi maganda sa kalagayan mo
ang nakatayo dito.

25:46.879 --> 25:49.280
O baka sisihin mo pa ang
physiotherapist na gaya ko

25:49.360 --> 25:51.080
na nanakit ng pasyente,

25:52.439 --> 25:54.000
kahit gustuhin ko man.

26:00.199 --> 26:01.960
Pakihipan mo ang tsaa. Mainit 'yan.

26:02.040 --> 26:03.439
Mag-iingat ka baka mapaso ka.

26:09.080 --> 26:11.960
No'ng umalis ka, ano'ng una mong ginawa?

26:13.320 --> 26:14.480
Wala masyado.

26:14.560 --> 26:16.520
Kumain ako, nanood, at nakinig ng musika,

26:16.600 --> 26:18.560
naglaro ako, tapos nanood ng ilang serye.

26:19.280 --> 26:21.720
Pang medyo matandang
maybahay ang buhay mo.

26:24.800 --> 26:25.840
Oh, puwede ba.

26:25.919 --> 26:28.679
Kung parang matandang
maybahay na ang buhay ko,

26:28.760 --> 26:29.639
tigilin mo na'ko.

26:29.720 --> 26:32.439
Sapat na akong nai-stress sa trabaho.

26:32.520 --> 26:33.879
May mga kaibigan din ako.

26:33.960 --> 26:37.760
Kung libre si Wan,
niyayaya ko siyang manood.

26:41.960 --> 26:43.600
Mahilig ka ring manood ng pelikula?

26:44.240 --> 26:45.320
Akala ko sa 'yo

26:45.399 --> 26:47.840
seryoso, at masyadong pormal.

26:48.480 --> 26:49.679
Pinapanood ko lahat ng klase ng pelikula.

26:49.760 --> 26:53.120
Komedi, drama, aksyon, at horror.

26:53.199 --> 26:54.800
Kaya kong manood ng kahit ano.

26:54.879 --> 26:56.280
Pero takot si Wan sa multo,

26:56.360 --> 26:58.080
kaya ako lang mag-isa
ang nanonood ng horror movies.

26:59.840 --> 27:02.000
Malapit ka sa kaibigan mo.

27:02.080 --> 27:04.000
Tingin ko di masyadong maganda 'yon.

27:04.080 --> 27:05.879
Alam mo, di masyadong matalino si Wan.

27:06.480 --> 27:07.600
Ikaw ha.

27:07.679 --> 27:10.080
Kahit mukhang medyo kalog
at kakaiba ang kaibigan ko,

27:10.159 --> 27:12.480
may isang bagay na lamang siya sa 'yo,

27:12.560 --> 27:14.280
at 'yon ay pagiging tapat.

27:14.919 --> 27:18.120
Kung hindi, bakit magkaibigan pa rin
kami hanggang ngayon?

27:22.399 --> 27:24.320
Tapat din ako sa 'yo.

27:25.120 --> 27:26.560
Pero mali ang mga paraan mo.

27:26.639 --> 27:28.639
Kung gagamitin mo ang paraan ni Wan,

27:28.720 --> 27:30.600
baka maging magkaibigan tayo.

27:32.399 --> 27:33.439
Ano 'yon?

27:33.960 --> 27:34.760
Sang-ayon ako.

27:36.560 --> 27:37.679
Sang-ayon saan?

27:37.760 --> 27:38.879
Sang-ayong umalis.

27:38.960 --> 27:41.000
Di mo kailangan sabihin ng dalawang beses.

27:41.080 --> 27:43.120
Manonod akong kasama ka.

27:44.720 --> 27:47.360
Hindi pa pala kita naimbitahan.

27:49.120 --> 27:50.280
Hello.

27:50.360 --> 27:51.199
I-reserve mo ang buong sinehan

27:52.080 --> 27:53.879
sa pinakasikat na horror movie ngayon.

27:53.960 --> 27:56.120
Kahit anong pelikula, basta gawin mo.

27:57.280 --> 28:00.360
Hindi ako sigurado sa traffic,
kaya i-reserve mo lahat ng oras.

28:01.040 --> 28:03.240
Para lang sigurado. Ikaw na bahala.

28:09.080 --> 28:10.520
Hindi ka na magbibihis?

28:11.520 --> 28:13.800
Aalis kang ganyan ang suot mo?

28:13.879 --> 28:15.000
Ako?

28:15.879 --> 28:17.800
Alam mo dadalhin kita sa sinehan.

28:38.600 --> 28:39.919
Shit!

28:40.439 --> 28:43.159
Pa'no ka nakapasok ng basta-basta?

28:43.240 --> 28:45.000
Kailangan kong umihi.

28:45.080 --> 28:47.159
Gusto mo bang umihi ako
sa gitna ng bahay mo?

28:48.199 --> 28:51.040
Di ka ba makapaghintay?

28:52.040 --> 28:53.600
Wag ka ng magreklamo at iihi muna 'ko.

28:53.679 --> 28:54.959
Sandali.

28:55.040 --> 28:56.439
Ano na naman?

28:59.080 --> 29:00.639
Tulungan mo 'kong alisin ang pantalon ko.

29:00.720 --> 29:01.840
Baliw ka ba?

29:01.919 --> 29:03.320
Di ko gagawin 'yan.

29:03.399 --> 29:05.760
Ang legs mo ang may problema,

29:05.840 --> 29:07.679
hindi naman ang mga kamay mo.

29:07.760 --> 29:10.439
Walang hawakan ang bahay mo
di tulad ng bahay ko.

29:10.520 --> 29:12.720
Pa'no kung madulas at matumba ako?

29:13.480 --> 29:15.240
Dalian mo na, kailangan ko ng umihi.

29:16.040 --> 29:17.159
Dalian mo.

29:22.480 --> 29:23.760
Lumapit ka.

29:24.560 --> 29:25.679
Dahan-dahan lang.

29:27.120 --> 29:27.959
Hinay-hinay lang.

29:30.439 --> 29:31.840
Pa'no ko makakaihi ng ganito?

29:32.439 --> 29:34.439
-Kailangan ko bang hawakan para sa 'yo?
-Oo, kailangan.

29:35.320 --> 29:37.800
Dalian mo, kailangan ko ng umihi.

29:39.000 --> 29:40.159
Okay, heto na.

29:40.240 --> 29:41.320
At itutok mong mabuti.

29:42.040 --> 29:43.679
-Gaya nito?
-Oo.

29:47.159 --> 29:49.919
-Hindi ka pa ba tapos?
-Sandali, d'yan ka lang baka kumalat.

29:53.000 --> 29:55.120
Hoy! Kumakalat kung saan-saan.

30:14.760 --> 30:15.720
Pumunta kayo dito lahat.

30:21.360 --> 30:24.080
Napagdesisyunan kong magbenta
ng bagong putahe.

30:31.879 --> 30:35.879
Hindi ako magdadagdag ng bago sa menu
para lang bigyan kayo ng dagdag trabaho.

30:39.320 --> 30:40.520
Naisip ko lang

30:40.600 --> 30:43.840
hindi ko pa kayo naturuan
kung pa'no gumawa ng bagong putahe.

30:44.480 --> 30:46.879
Magagamit n'yo 'to sa
pangalawang round ng kompetisyon.

30:47.520 --> 30:49.919
Para sa isang chef, mahalaga
ang paglikha ng mga bagong putahe

30:50.000 --> 30:52.000
kasing-halaga ng lasa.

30:54.439 --> 30:55.679
Naiintindihan?

30:59.040 --> 31:00.399
Hindi mo kailangang ipaliwanag.

31:00.919 --> 31:02.639
Malinaw na sa 'min.

31:08.840 --> 31:11.240
Bibigyan ko kayo
ng base recipe na susundin,

31:11.320 --> 31:12.159
CLAYPOT LOBSTER NA KANIN

31:12.240 --> 31:15.600
wag kalimutang masarapin ang lasa

31:15.679 --> 31:17.280
at ang presentasyon ng putahe.

31:17.919 --> 31:20.399
At ano ang makukuha ng mananalo?

31:20.919 --> 31:21.760
Bakit mo tinatanong?

31:21.840 --> 31:23.520
Idadagdag sa menu ang mananalo.

31:23.600 --> 31:24.679
Hindi pa ba sapat 'yon?

31:24.760 --> 31:26.560
Ibebenta talaga dito.

31:26.639 --> 31:28.840
Talaga? Totoo ba, Chef?

31:34.120 --> 31:35.280
Maghanda na kayo.

31:35.360 --> 31:36.560
-Opo, Chef.
-Opo, Chef.

32:01.800 --> 32:03.800
-Dalian n'yo.
-Opo, Chef.

32:08.719 --> 32:10.560
-Simulan mo nang ihanda ang hipon, Kluer.
-Opo, Chef.

32:15.199 --> 32:16.719
Mag-pokus kayo.

32:17.719 --> 32:20.520
Gusto ng mga customer na kumain
ng pagkain, hindi ng dugo n'yo.

32:20.600 --> 32:21.879
-Opo, Chef.
-Opo, Chef.

32:21.959 --> 32:22.959
Opo, Chef.

34:33.520 --> 34:36.040
Kluer, masarap ang pagkain mo.

34:36.639 --> 34:37.520
Manatili ka lang sa lasa.

34:38.880 --> 34:40.040
Punsib,

34:40.120 --> 34:41.920
maganda ang presentasyon mo.

34:42.000 --> 34:45.080
Tingin ko pagpinagsama ang dalawang 'yan

34:45.159 --> 34:46.400
magiging mabenta ang putahe.

34:52.520 --> 34:53.639
Ikaw naman,

34:55.120 --> 34:56.960
nakakadismaya,

34:57.960 --> 34:59.880
akala ko mas gumaling ka na ngayon.

35:00.600 --> 35:02.480
Malinaw na hindi ka nagbigay ng effort.

35:02.560 --> 35:06.200
Kailangan mong malaman
kung ano talaga ang gusto mo.

35:06.279 --> 35:09.880
Gusto mo lang talagang kumain,
o gusto mo talagang maging chef?

35:25.319 --> 35:26.360
Plawan.

35:27.360 --> 35:28.680
Plawan!

35:35.880 --> 35:37.400
Ginawa niya lahat ng makakaya niya, Chef.

35:37.480 --> 35:40.040
Medyo stress lang siya ngayong araw.

35:54.080 --> 35:55.240
Plawan.

35:55.759 --> 35:57.080
Plawan, huminahon ka.

35:57.600 --> 35:58.440
Kumalma ka.

35:58.520 --> 36:01.640
Ayos lang.
Tingin ko aalis na 'ko sa kompetisyon.

36:01.720 --> 36:03.319
Wala akong ginawang tama sa paningin niya.

36:03.400 --> 36:04.920
Lahat ng ginagawa ko palpak.

36:06.520 --> 36:08.560
Baka di naman gano'n ibig niyang sabihin.

36:08.640 --> 36:11.279
Alam mo namang lagi siyang ganyan.

36:12.200 --> 36:14.799
Tama, pero simula palang hanggang ngayon,

36:14.880 --> 36:17.680
ilang buwan na,
pero lagi pa din akong napapagalitan.

36:17.759 --> 36:19.640
Siguro kailangan kong pag-isipan 'to.

36:19.720 --> 36:21.520
Uy!

36:21.600 --> 36:22.960
Wag ka mong isipin 'yon.

36:24.240 --> 36:25.960
Maniwala ka sa 'kin, kaya mo 'yan.

36:26.040 --> 36:27.640
Kaya mo talaga.

36:29.319 --> 36:31.279
Medyo galit lang ako.

36:33.720 --> 36:36.560
Ang biglaang magsabak sa hamon ng ganito,

36:36.640 --> 36:37.920
hindi lahat nagagawa 'yon.

36:38.000 --> 36:40.160
Pero kahanga-hanga ang ginawa mo.

36:40.240 --> 36:42.319
Hindi naman gano'n kasama.

36:45.160 --> 36:48.839
Kaunting pagsasanay pa,
malalampasan mo pa 'ko.

36:57.319 --> 36:58.200
Salamat.

37:02.520 --> 37:03.600
Kluer,

37:03.680 --> 37:06.759
ikaw lang
ang nagtatanging naniniwala sa 'kin.

37:08.279 --> 37:09.160
Salamat.

37:10.799 --> 37:12.319
Ayos lang.

37:13.040 --> 37:14.880
Lagi akong naniniwala sa 'yo.

37:15.720 --> 37:17.000
Puwede mong sabihin sa 'kin lahat.

37:18.680 --> 37:19.759
Salamat.

38:20.240 --> 38:22.359
Tama ang sinabi ko kanina.

38:22.440 --> 38:23.720
Grabe ang traffic.

38:25.240 --> 38:27.480
Sabi ko sa 'yo di na kailangan.

38:28.279 --> 38:29.120
Bakit di ko gagawin?

38:29.200 --> 38:30.759
Gusto mong manood ng pelikula,

38:30.839 --> 38:33.520
Kailangan kong alagaan
ang physiotherapist ko sa maganda paraan.

38:34.680 --> 38:36.080
Alagaan mo muna ang sarili mo.

38:36.160 --> 38:37.240
Dami mo ng pahirap sa 'kin.

38:39.640 --> 38:42.600
Mom, gusto kong manood ng
Paranormal Rivalry.

38:42.680 --> 38:44.319
Bakit di ko puwedeng mapanood?

38:44.400 --> 38:47.080
Sabi ng nagbebenta ng ticket,
may nagreserve ng buong sinehan.

38:47.160 --> 38:48.640
Iba nalang panoorin mo.

38:48.720 --> 38:51.799
Pero gusto ko mapanood 'yan.

38:52.319 --> 38:54.120
Sige na, Mom.

38:55.359 --> 38:56.480
Uy, ano ba!

38:57.560 --> 38:59.480
Kung gusto mong manood, sumama ka sa 'min.

39:00.520 --> 39:01.839
Ayaw naman naming makaistorbo.

39:01.920 --> 39:03.000
Okay lang.

39:03.080 --> 39:05.000
Hindi rin naman ako ang nagbayad nito.

39:05.080 --> 39:06.640
-Siya!
-Ikaw!

39:06.720 --> 39:08.960
Siya ang nag-reserve
ng sinehan para sa 'tin.

39:09.640 --> 39:10.920
Magpasalamat ka sa kanya, dear.

39:11.520 --> 39:13.560
Maraming salamat, pogi.

39:13.640 --> 39:15.520
Napakabait mo naman!

39:16.920 --> 39:18.120
Ang cute!

39:18.200 --> 39:20.080
Tara na, manood na tayo ng pelikula.

39:22.080 --> 39:24.120
-Sandali.
-Ano na?

39:24.200 --> 39:26.160
Dahil tinawag ako ng bata na pogi,

39:26.240 --> 39:28.080
papalampasin ko 'to.

39:29.080 --> 39:30.040
Ako ang tinutukoy niya.

39:31.279 --> 39:32.560
Ang yabang. Tara na.

39:34.319 --> 39:37.480
-Manood na tayo.
-Uy, ikaw!

39:37.560 --> 39:38.839
-Magaling.
-Ikaw!

39:38.920 --> 39:39.839
Hintayin mo 'ko.

39:39.920 --> 39:41.160
Wag mo 'kong iwan.

39:41.240 --> 39:42.319
'Yan ang tunay na nakakatakot.

39:42.400 --> 39:43.400
Ikaw!

40:11.520 --> 40:12.720
Shit!

40:15.680 --> 40:18.359
-Ano ba!
-Ano?

40:20.839 --> 40:21.880
Oh!

40:22.960 --> 40:24.839
Uy, ikaw.

40:24.920 --> 40:26.319
-Ano?
-Wag masyadong malapit.

40:26.400 --> 40:27.319
Natatakot ako.

41:11.520 --> 41:13.240
Okay na 'ko.

41:13.759 --> 41:15.160
Makakabalik ka na sa pag-aaral.

41:17.400 --> 41:19.759
Bakit ka pa nag-aalala sa bagay na 'yan?

41:19.839 --> 41:22.279
Ano bang nangyayari sa 'yo?

41:24.319 --> 41:25.520
At ikaw,

41:26.319 --> 41:28.200
di ba dapat inaasikaso mo
ang restaurant mo?

41:28.799 --> 41:30.279
Ano'ng ginagawa mo rito?

41:30.799 --> 41:32.359
Maayos na ba ang pakiramdam mo?

41:33.279 --> 41:34.720
Ano?

41:36.080 --> 41:38.200
Wala akong sakit o ano man.

41:38.279 --> 41:39.799
Hindi nakakatawa, Dad.

41:40.400 --> 41:42.279
Hindi 'to biro.

41:42.880 --> 41:44.759
Pa'no kung may masamang mangyari sa 'yo?

41:45.440 --> 41:47.720
Bakit di mo sa 'kin sinabi?

41:47.799 --> 41:50.680
Ano'ng gagawin ko kung wala ka?

41:56.000 --> 41:57.560
Khaosuay, …

41:58.880 --> 42:01.359
Hindi ko sinasadyang ilihim sa 'yo.

42:03.000 --> 42:04.680
Nag-aalala lang ako sa 'yo

42:06.520 --> 42:09.480
Ayaw kong isakripisyo mo
ang kinabukasan mo.

42:13.200 --> 42:15.120
Patawad, anak.

42:23.600 --> 42:24.680
Oab.

42:25.720 --> 42:26.839
Aba,

42:27.520 --> 42:29.359
nag-aalala ka sa kanya kanina,

42:30.240 --> 42:32.440
ngayon pinagtataasan mo na ng boses.

42:32.520 --> 42:36.720
Mahirap talagang pasayahin ang anak mo.

42:38.520 --> 42:40.560
Bukod sa 'kin,

42:41.319 --> 42:43.080
kahit gaano katigas ang ulo niya,

42:43.160 --> 42:47.080
ikaw lang nakakaintindi sa kanya.

42:49.279 --> 42:50.600
Sayang naman.

42:50.680 --> 42:54.000
Akala ko magiging isang pamilya tayo.

43:02.400 --> 43:03.240
Tulog na siya.

43:04.920 --> 43:06.440
Kumain na tayo.

43:08.839 --> 43:10.200
Ginisang curry na naman?

43:11.319 --> 43:14.400
Alam mong lagi silang
naglalagay ng mahabang beans d'yan.

43:16.520 --> 43:19.240
At lagi kong inaalis para sa 'yo.

43:21.440 --> 43:23.359
Bakit ka nag-order
ng di mo naman puwedeng kainin?

43:26.240 --> 43:27.759
Salamat, Oab.

43:27.839 --> 43:30.400
Ikaw lang ang nakakakilala sa 'kin.

43:33.520 --> 43:35.480
Nakasanayan na lang siguro.

43:36.000 --> 43:39.319
Pag sanay ka na sa isang tao,

43:40.200 --> 43:41.799
wala na lang 'to.

43:47.960 --> 43:50.359
Hindi 'yan ginagawa ng isang tao

43:50.440 --> 43:52.400
para sa taong casual lang nilang kilala.

44:09.960 --> 44:12.600
Wow, bakit ang dami mong oras?

44:12.680 --> 44:14.359
Pumunta ka pa dito para gumawa ng granita.

44:15.040 --> 44:16.359
Wala ka bang sariling kuwarto?

44:17.960 --> 44:20.799
Meron, pero ayaw kong makita ang iba.

44:21.799 --> 44:22.759
Sandali.

44:23.600 --> 44:25.759
Hindi ito ang karaniwang granita recipe

44:25.839 --> 44:27.960
na ginawa mo kay Khaosuay, di ba?

44:29.240 --> 44:32.640
May naaalala ako sa itsura niyan.

44:36.799 --> 44:39.160
Naalala ko si Plawan sa restaurant mo.

44:39.240 --> 44:40.480
Di ba?

44:40.560 --> 44:42.960
Bakit? Kung totoo man, ano naman?

44:47.359 --> 44:48.359
Oo!

44:50.000 --> 44:51.279
Gawin mo ang gusto mo.

44:52.120 --> 44:53.879
Kung gusto mo siyang landiin nang harapan,
gawin mo lang.

44:54.480 --> 44:57.799
Bakit iniisip mo pa rin si Khaosuay
gayong tapos na naman kayo?

45:00.359 --> 45:02.040
Puwede ko naman siyang landiin
kung gusto ko.

45:02.640 --> 45:04.960
Pero ngayon, kailangan ni Khaosuay
ng taong nasa tabi niya.

45:06.160 --> 45:08.480
Kahit hindi ko na siya mahal,

45:09.160 --> 45:10.359
ang pangalan ng restaurant ko ay

45:11.480 --> 45:13.240
"No Long Beans Basil House".

45:13.319 --> 45:14.640
Alam mo kung bakit?

45:15.480 --> 45:17.160
Kasi allergic siya sa mahabang beans.

45:19.480 --> 45:20.680
At sa totoo lang,

45:21.200 --> 45:23.520
mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon.

45:23.600 --> 45:25.160
Inaasahan mo bang lalayuan ko siya?

45:25.240 --> 45:26.920
Oh, Oab.

45:27.000 --> 45:29.040
Hanggang kailan mo pa ba ito papatagalin?

45:29.120 --> 45:32.720
Iba ang pasasalamat sa pagmamahal.

45:32.799 --> 45:35.359
Kung hindi na tama,
tatanggihan mo din siya.

45:35.440 --> 45:37.799
Kung ipagpapatuloy mo 'yan,

45:39.040 --> 45:40.799
parang pinapaasa mo lang siya.

45:46.480 --> 45:47.319
Tumba na ang isa.

45:48.440 --> 45:50.160
Sige, halika na.

45:52.359 --> 45:53.200
Hindi ka ba nai-stress?

45:54.440 --> 45:55.960
Malapit na ang second round.

45:57.120 --> 45:57.960
-Halika.
-Ano?

45:58.040 --> 45:59.920
Kung hindi ka nag-iisip para sa sarili mo,
tulungan mo akong mag-isip.

46:00.520 --> 46:01.759
Tulungan mo 'ko.

46:01.839 --> 46:03.839
Sige, sige na.

46:03.920 --> 46:06.279
Ituring mo na lang na kabayaran 'to
sa pagtuturo mo sa 'king magluto.

46:06.920 --> 46:08.480
Ano'ng mga ideya mo, Kluer?

46:09.200 --> 46:10.400
Wala.

46:12.080 --> 46:13.759
isipin mo kung saan ka magaling.

46:13.839 --> 46:15.640
Isang bagay na talagang gusto mo.

46:15.720 --> 46:16.680
Pagluluto.

46:19.040 --> 46:23.720
Bukod sa pagluluto,
wala ka ba talagang gusto kahit ano?

46:25.879 --> 46:27.080
Gusto?

46:32.480 --> 46:33.839
Ahm, meron, pero…

46:33.920 --> 46:35.480
Di ko puwedeng sabihin sa 'yo.

46:36.279 --> 46:37.120
Ha?

46:37.200 --> 46:39.160
Bakit hindi?

46:39.240 --> 46:41.839
Sabihin mo. Baka matulungan kitang
makaisip ng ideya.

46:42.480 --> 46:44.640
Puwedeng manggaling
ang inspirasyon kahit saan.

46:44.720 --> 46:46.720
Wag kang mag-alala
kung magmukha kang katawa-tawa.

46:46.799 --> 46:49.000
Pangako di kita pagtatawanan.

46:52.640 --> 46:55.160
Hindi ko kaya, di ko talaga masabi sa 'yo.

46:57.480 --> 46:58.319
Ganito na lang.

46:59.040 --> 47:00.960
Wala tayong maiisip
kung nandito lang tayo.

47:01.040 --> 47:02.600
Punta tayo sa amusement park.

47:03.600 --> 47:05.759
Baka makatulong pag nasa ibang lugar.

47:05.839 --> 47:06.960
Ayos ba?

47:08.440 --> 47:10.680
Ayos. Puwede din tayong kumain.

47:11.520 --> 47:12.759
Kluer, tara na.

47:14.680 --> 47:16.759
Sige, sige, tara.

47:18.200 --> 47:20.040
Puwedeng tapusin ko muna
ang trabaho ko sa restaurant?

47:30.279 --> 47:31.879
Balik na sa laro.

47:45.799 --> 47:47.120
Oo, Oab?

47:47.720 --> 47:50.839
Khaosuay,
puwede ka bang pumunta sa restaurant?

47:50.920 --> 47:52.319
Kailangan nating mag-usap.

47:56.200 --> 47:57.879
Hindi pa natutulog si Dad.

47:57.960 --> 47:59.480
Abala pa 'ko sa pag-aalaga sa kanya.

47:59.560 --> 48:01.160
Puwede sa ibang araw na lang?

48:01.720 --> 48:03.960
Sige. alagaan mo muna ang dad mo.

48:04.040 --> 48:05.680
Hintayin kita sa restaurant.

48:06.200 --> 48:09.240
Pag tapos ka na,
puntahan mo 'ko sa restaurant.

48:09.759 --> 48:11.720
Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa 'tin.

48:17.720 --> 48:21.359
Pero ngayon alam kong mahal ko pa siya.

48:22.160 --> 48:24.879
Nubneung, puwede mo ba akong
tulungang kausapin si Oab?

48:25.720 --> 48:27.080
Kahit papano,

48:27.160 --> 48:29.720
pag-isipan niya ulit.

48:30.960 --> 48:32.560
Kung talagang mahal natin ang tao,

48:33.640 --> 48:36.359
gusto nating makita siyang masaya, di ba?

48:37.839 --> 48:39.080
Tingin ko

48:40.080 --> 48:43.200
dapat mo ring irespeto ang desisyon niya.

48:46.600 --> 48:48.200
Ang masasabi ko,

48:48.279 --> 48:50.080
isa ako sa malapit na kaibigan niya,

48:50.920 --> 48:52.440
hindi ako ang tamang tao para mamagitan.

48:53.040 --> 48:54.720
Pero kung may ibibigay akong payo,

48:55.680 --> 48:56.960
pag-isipan mong mabuti

48:57.920 --> 48:59.839
bago ka may gawin na kahit ano.

49:00.839 --> 49:04.120
Pamilya ang turing niya sa 'yo.

49:04.920 --> 49:07.359
Wag kang gagawa ng kahit ano
na pagsisisihan n'yong dalawa.

49:10.120 --> 49:12.120
Excuse me, pakikuha po ng bill.

49:12.640 --> 49:14.359
Sige, sandali lang po.

49:16.520 --> 49:17.640
Pag-isipan mong mabuti, okay?

49:19.960 --> 49:22.279
Papunta na.

49:22.920 --> 49:24.120
Heto na.

49:36.319 --> 49:38.720
Hindi ako puwede ngayong gabi.

49:39.600 --> 49:41.960
Sa ibang araw na lang.

50:01.440 --> 50:03.720
Plawan, tara na.

50:06.200 --> 50:07.040
Saan nagpunta si Pun Sib?

50:08.319 --> 50:09.560
May biglaan siyang lakad.

50:09.640 --> 50:11.000
Susunod daw siya mamaya.

50:11.600 --> 50:12.799
Ano bang nangyari sa kanya?

50:12.879 --> 50:15.480
Siya ang nagplano nito,
tapos siya ang wala.

50:16.319 --> 50:17.839
Hayaan mo na.

50:17.920 --> 50:19.120
Nandito na tayo. Tara na.

50:20.480 --> 50:21.680
Okay, tara.

50:26.759 --> 50:28.720
Good luck, at galingan mo!

50:28.799 --> 50:29.879
GOOD LUCK, GALINGAN MO

50:30.520 --> 50:31.399
Kluer,

50:31.480 --> 50:33.560
Binigay ko sa 'yo ang pagkakataong 'to.
Wag mong sayangin.

50:34.319 --> 50:35.520
Sayangin ang ano?

50:35.600 --> 50:36.640
Ano bang sinasabi mo?

50:36.720 --> 50:38.640
Gusto mo si Plawan, di ba?

50:38.720 --> 50:40.160
Magtapat ka na sa kanya.

50:40.240 --> 50:42.040
Pa'no mo nasabi 'yan nang basta-basta?

50:42.120 --> 50:43.839
At pa'no mo nalaman?

50:45.120 --> 50:48.920
Seryoso ako nang sinabi kong
magtapat ka na sa kanya.

50:49.000 --> 50:51.560
Malapit na
ang second round ng kompetisyon,

50:51.640 --> 50:53.440
at kung isa man sa 'tin ang matanggal,

50:53.520 --> 50:56.080
matagal pa bago tayo magkikita ulit.

50:56.960 --> 51:01.000
Kaya ngayong araw na dapat, okay?

51:04.080 --> 51:07.359
Sige, gagawin ko lahat.

51:07.879 --> 51:09.040
Maraming salamat.

51:11.240 --> 51:12.600
Kluer,

51:13.440 --> 51:14.359
tara na.

51:14.440 --> 51:15.759
Oo, papunta na.

51:21.799 --> 51:23.879
-'Yong isa.
-'Yong isa, tama?

51:27.879 --> 51:29.879
-Tingnan mo. Papakita ko paano.
-Ngayon na?

51:31.160 --> 51:32.520
-Panoorin mo.
-Okay.

51:37.759 --> 51:38.720
I-shoot mo na.

51:42.839 --> 51:44.600
-Ano ha?
-Ako naman.

51:52.279 --> 51:55.200
-Kumusta ang skills ko?
-Ano…?

52:01.600 --> 52:03.839
Salamat.

52:05.399 --> 52:06.359
Ang cute, di ba?

52:07.160 --> 52:08.240
Ano ba 'yan.

52:11.319 --> 52:12.359
Bakit?

52:12.440 --> 52:13.279
Para sa 'yo 'to.

52:15.399 --> 52:16.440
Talaga?

52:16.520 --> 52:17.680
Totoo?

52:20.279 --> 52:21.480
Salamat, Kluer.

52:27.759 --> 52:28.759
Heto na.

52:30.399 --> 52:32.560
Mukhang masarap
yung kulay orange, pahingi.

52:32.640 --> 52:34.040
Hoy, hoy, mauubos 'yan!

52:34.560 --> 52:35.520
Tama na 'yan, tama na.

52:35.600 --> 52:36.680
Aalis na 'ko.

52:40.000 --> 52:41.560
Inom ka.

52:44.600 --> 52:45.799
Alak?

52:45.879 --> 52:47.319
-Gusto mo pa?
-Hindi, salamat.

52:47.399 --> 52:49.120
-Kaunti na lang, sige na.
-Hindi, salamat.

52:58.000 --> 53:00.160
Tulog ka na ba? Magkita tayo?

53:00.240 --> 53:01.799
CHEF OAB
TULOG KA NA BA? MAGKITA TAYO?

53:18.319 --> 53:19.240
Whoa!

53:20.799 --> 53:22.160
Ginulat mo 'ko, Chef.

53:22.240 --> 53:24.680
Ano'ng ginagawa mo diyan
mag-isa ng ganitong oras?

53:25.359 --> 53:28.080
Wala naman, may iniisip lang ako.

53:28.160 --> 53:30.240
Tulog na ba ang lahat?

53:30.879 --> 53:31.960
Hindi pa.

53:32.040 --> 53:33.359
Wala pa si Kluer at Plawan.

53:34.200 --> 53:36.319
Mabuti at nandito ka, Chef.

53:36.399 --> 53:39.799
Akala ko mag-isa lang
ako dito sa restaurant.

53:39.879 --> 53:41.600
Takot talaga ako sa multo.

53:42.279 --> 53:44.799
Wala pa sila dito? Saan sila nagpunta?

53:46.359 --> 53:49.960
Pumunta sila sa palengke sa may kanto.

53:50.879 --> 53:53.160
Pero wag mong madaliin si Kluer.

53:53.240 --> 53:54.440
Katunayan,

53:55.040 --> 53:57.000
di ko dapat sinasabi 'to, pero…

53:57.759 --> 53:59.399
Tingin ko mas mabuting sabihin sa 'yo

53:59.480 --> 54:02.399
para di ka magalit kay Kluer
kung matagalan silang umuwi.

54:02.480 --> 54:03.560
Katunayan,

54:04.399 --> 54:06.040
Magtatapat si Kluer kay Plawan.

54:17.319 --> 54:19.279
Kung magkatuluyan tayo

54:19.359 --> 54:22.440
ako man o si Wan ang manalo
mapapatakbo namin ang restaurant

54:22.520 --> 54:25.120
Hindi mo 'ko pipigilan
na ligawan siya, di ba?

54:28.799 --> 54:29.640
Chef?

54:31.520 --> 54:32.359
Wow!

54:33.279 --> 54:34.319
Plawan, dalian mo.

54:35.080 --> 54:36.120
Dali.

54:37.640 --> 54:39.720
Tara. Sakay tayo sa carousel.

54:39.799 --> 54:41.080
Halika na.

54:41.160 --> 54:42.359
Tara na.

54:43.600 --> 54:46.200
Hindi diyan, bumaba ka muna.

54:46.279 --> 54:47.960
-Hindi ba dito?
-Hindi, dito tayo.

55:28.240 --> 55:30.480
Kung hahayaan mo siyang
mali ang pagkakaintindi ng bagay-bagay,

55:30.560 --> 55:32.680
at umalis

55:32.759 --> 55:34.799
walang ibang may kasalanan
kung hindi ikaw.

55:46.120 --> 55:47.040
Plawan?

56:00.879 --> 56:02.120
Ganito kasi…

56:02.640 --> 56:04.359
May sasabihin ako sa 'yo.

56:39.080 --> 56:40.000
Maging tapat ka sa 'kin.

56:40.920 --> 56:42.520
Ano'ng namamagitan sa inyo ni Chef Oab?

56:43.120 --> 56:45.040
Alam ko ang nararamdaman ni Kluer sa 'yo,

56:45.120 --> 56:48.759
pero ang gusto kong malaman,
ay kung ano'ng nararamdaman mo kay kluer.

56:48.839 --> 56:50.319
Seryoso ako sa 'yo.

56:50.399 --> 56:52.040
Ano pa ang kailangan kong patunayan?

56:52.120 --> 56:53.279
Bakit di mo kanselahin

56:53.359 --> 56:56.000
yung condo project na pinaplano mong
papalit sa restaurant ni Chef Oab?

56:56.080 --> 56:57.279
Kaya mo bang gawin 'yon?

56:57.359 --> 57:00.120
Wow, Chef, ang sarap nito.

57:00.200 --> 57:01.720
Puwede mo 'kong turuan pa'no gawin 'to?

57:01.799 --> 57:02.879
Oo naman, tuturuan kita.

57:02.960 --> 57:06.399
Pero pag ginawa ko 'yon, wag kang iiyak.

57:06.480 --> 57:08.319
SA SUSUNOD NA KABANATA

58:10.759 --> 58:12.960
Nagsalin ng Subtitle: Rosemarie Hernandez
it sa restaurant ni Chef Oab?
