WEBVTT

00:01.000 --> 00:01.960
ANG MGA KUWENTO AY MAY DAGDAG-ALIW LAMANG
AT HINDI PANINIRA SA ANUMANG PROPESYON

00:02.040 --> 00:02.920
WALA ITONG LAYUNING MAGSULONG NG IMORAL
O KAUGALIANG SEKSWAL, O NEGATIBONG PANANAW

00:03.000 --> 00:03.920
HUMIHINGI AGAD NG PAUMANHIN ANG PRODUKSYON
PARA SA ANUMANG PAGKAKAMALI SA SERYE

00:04.000 --> 00:05.640
Chef, hahayaan mo akong itago ito?

00:05.720 --> 00:06.960
Naniniwala akong talentado ka.

00:07.040 --> 00:09.240
Sigurado ako na mahahanap mo
ang kagalingan ng restaurant mo.

00:09.320 --> 00:11.360
Pero kailangan mo pang magtiwala
sa sarili mo.

00:11.440 --> 00:12.879
Sa sandaling matapos ko ang bagong dish,

00:12.959 --> 00:14.600
iimbitahan ko ang lahat na subukan 'to.

00:14.680 --> 00:16.040
Mukhang kinamumuhian mo ako

00:16.120 --> 00:17.919
pero sa tuwing nagkikita tayo,
bumibilis ang tibok ng puso ko.

00:18.000 --> 00:19.680
Puwedeng dahil ito sa galit,

00:19.759 --> 00:20.919
o may iba pang rason.

00:21.000 --> 00:22.759
Heart therapist ka ba?

00:22.840 --> 00:23.720
Galit ka ba sa 'kin?

00:23.799 --> 00:25.560
Ayaw kong malabo ang mga bagay.

00:25.640 --> 00:26.799
Magkalinawan tayo rito.

00:26.880 --> 00:29.240
Tungkol sa 'tin sa rooftop…
ano'ng nararamdaman mo tungkol doon?

00:29.320 --> 00:31.680
Dahil sa’yo, gusto ko uli
gumawa ng granita.

00:31.759 --> 00:34.240
Na may bagong lasa na katulad mo.

00:34.320 --> 00:38.280
ANG NAKARAAN

00:45.199 --> 00:46.640
Kapag sisimulan mo,

00:47.680 --> 00:49.199
di kita hahayaang tumigil
gaya ng nakaraan.

01:55.720 --> 01:56.800
MAGPAPADALA NA AKO NG ISA PANG BAYAD,

01:56.880 --> 01:58.000
AT SANA AY MAKA-ABOT KA HANGGANG
SA HULING PAGSUBOK

03:05.679 --> 03:06.640
Ano 'to?

03:09.799 --> 03:11.239
Ano ba naman 'yan?

03:13.120 --> 03:14.880
Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal?

03:14.959 --> 03:16.440
Alam mo ba kung ano'ng oras na?

03:16.519 --> 03:17.959
Maaga pa ako bukas.

03:18.040 --> 03:21.519
Bro, may nangyari sa 'min
ni Chef Oab kagabi.

03:23.120 --> 03:25.679
Ano'ng sabi mo, Wan?

03:28.440 --> 03:30.239
Binalaan na kita, di ba?

03:30.320 --> 03:31.280
Bobo ka talaga!

03:31.359 --> 03:33.000
Wag mo muna ako sisigawan!

03:33.079 --> 03:35.160
Ang rupok na masyado ng puso ko.

03:35.239 --> 03:37.720
JJ, ano'ng gagawin ko?

03:37.799 --> 03:39.560
Kailangan mong mag-focus, Wan.

03:39.640 --> 03:41.040
Iba 'yong may nangyari sa inyo

03:41.119 --> 03:42.440
sa nararamdaman mo.

03:42.519 --> 03:45.840
Bawal kang mahulog sa chef na 'yon
ano man ang mangyari.

03:45.920 --> 03:48.440
Hoy, ang daling sabihin niyan!

03:50.079 --> 03:52.359
Huling beses ko na 'ton sasabihin sa 'yo.

03:52.440 --> 03:53.399
Kahit mahirap, gawin mo.

03:53.480 --> 03:56.519
Kung hindi, ikaw na mismo
ang umalis sa paligsahan.

03:56.600 --> 03:57.600
Naiintindihan mo?

03:58.440 --> 04:00.119
JJ!

04:33.320 --> 04:34.159
Pasok.

04:35.599 --> 04:36.640
Okay.

05:19.400 --> 05:21.479
Chef, halika muna rito saglit.

05:32.560 --> 05:34.560
-Hinanda mo ba 'to mag-isa?
-Oo.

05:35.479 --> 05:37.159
Hindi ko inakalang magigising ka agad

05:37.800 --> 05:40.680
matapos ang nakakapagod nating
workout kagabi.

05:40.760 --> 05:42.159
Ang saya siguro maging bata.

05:43.000 --> 05:45.400
May mga mas nakakapagod
akong workout noon.

05:48.080 --> 05:49.800
Kailangan mo bang ipagyabang 'yon?

05:50.560 --> 05:54.120
Nakakapagod ba talaga 'yon
na kinailangan mong ipagyabang sa 'kin?

05:54.200 --> 05:56.640
Hindi ako ganito madalas kababaw

05:57.240 --> 05:58.680
pero ano ba'ng
mas ikinagaling niya sa 'kin?

06:02.320 --> 06:04.640
Ibig ko sabihin ay totoong ehersisyo

06:04.719 --> 06:05.919
hindi tulad ng ginawa natin kagabi.

06:15.719 --> 06:17.039
Wala bang nagturo sa 'yo

06:17.120 --> 06:21.039
na may parusa ang pagiging tuso?

06:23.280 --> 06:26.680
Hindi ako mapaparusahan
dahil magaling akong chef.

06:33.640 --> 06:35.200
Subukan mo, Chef.

06:38.240 --> 06:39.159
Ikaw ang gumawa nito?

06:39.799 --> 06:41.240
Oo, tikman mo.

07:00.359 --> 07:01.200
Puwede na rin.

07:03.200 --> 07:06.000
Pero kailangan pang ayusin
ang palaman na basil.

07:06.080 --> 07:09.680
Masyadong malabnaw
at wala na ang aroma ng basil.

07:12.080 --> 07:13.479
Sige, wag mo na lang kainin.

07:14.680 --> 07:16.760
-Kakainin ko.
-Wag na.

07:16.840 --> 07:18.680
-Gusto ko.
-Sabi mo, malabnaw?

07:19.479 --> 07:21.000
Ibigay mo sa 'kin.

07:30.400 --> 07:31.440
Chef,

07:32.640 --> 07:34.719
gusto kitang kausapin tungkol
sa isang seryosong bagay.

07:41.560 --> 07:43.400
Bakit? Ano'ng problema?

07:48.880 --> 07:51.560
Gusto kong itago mong lihim
ang nangyari kagabi.

07:53.000 --> 07:54.599
Ayaw kong masamain ng tao
ang tingin nila sa 'tin

07:54.680 --> 07:57.200
o tingnan na di pantay ang paligsahan.

08:00.400 --> 08:02.120
Hindi dahil gusto kita
o may nangyari sa 'tin

08:02.200 --> 08:04.880
ay magiging mabait ako sa 'yo
sa paligsahan.

08:04.960 --> 08:07.239
Ang susunod na halili
ng restaurant na ito…

08:07.320 --> 08:09.159
kalaguyo ko man o kamag-anak,

08:09.239 --> 08:10.560
kung wala silang kakayahan,

08:10.640 --> 08:12.039
hindi ko ito ibibigay sa kanila.

08:12.120 --> 08:15.239
Kung hindi, matagal ko na itong nabenta.

08:18.000 --> 08:18.919
Mabuti.

08:20.520 --> 08:21.479
Pero,

08:23.039 --> 08:24.640
gusto mo ba talaga ako, Chef?

08:37.959 --> 08:39.240
Ayaw mo ba sa 'kin?

08:41.159 --> 08:42.079
Sa nakita ko,

08:42.760 --> 08:44.600
mukha namang masaya ka kagabi.

08:48.880 --> 08:50.000
Oo.

08:53.480 --> 08:54.520
Kung gano'n, ano?

08:55.680 --> 08:56.920
Ano'ng gusto mo?

09:34.400 --> 09:35.439
Pareho, siguro.

09:36.400 --> 09:39.560
Pero hindi ako sigurado
kung gusto mo ba talaga ako.

10:01.439 --> 10:02.680
Kapag naayos na ang sa restaurant,

10:03.800 --> 10:06.720
lilinawin ko
ang namamagitan sa 'ting dalawa.

10:21.959 --> 10:23.839
Sa ngayon, mag-focus ka muna, Wan.

10:23.920 --> 10:26.800
Iba ang may nangyari sa inyo
sa nararamdaman mo.

10:26.880 --> 10:30.000
Bawal kang mahulog sa chef na 'yon
ano man ang mangyari.

10:31.560 --> 10:33.319
Sana ay magtagumpay ka.

10:36.600 --> 10:37.800
Ano'ng gagawin ko?

10:47.600 --> 10:50.439
Chef, kailangan kitang kausapin
tungkol sa isang seryosong bagay.

10:50.520 --> 10:53.480
Gusto kong itago mong lihim
ang nangyari kagabi.

11:09.439 --> 11:11.439
Ilang araw lang ako na wala sa opisina,

11:11.520 --> 11:13.400
bumaba na ang kita natin nang ganito?

11:13.480 --> 11:14.719
Ano ba'ng ginagawa ninyong lahat?

11:14.800 --> 11:18.040
Mr. Methas, nandito na
ang physiotherapist niyo.

11:20.280 --> 11:22.040
Ayusin ninyo ito.

11:22.120 --> 11:23.079
Bilis!

11:26.400 --> 11:27.319
Nandito ka.

11:27.400 --> 11:29.199
Simulan na natin ang session.
Handa na ako.

11:33.120 --> 11:34.240
Hoy, ikaw.

11:35.600 --> 11:37.120
Mag-ingat ka.

11:43.959 --> 11:45.319
Kumain ka na ba ng almusal?

11:45.400 --> 11:46.760
Hindi ako nag-aalmusal.

11:46.839 --> 11:49.400
Madalas ay nagkakape lang ako.

11:49.480 --> 11:51.839
Bakit hindi ka nag-aalmusal?

11:51.920 --> 11:53.680
'Yon ang pinakamahalagang
pagkain sa buong araw.

11:53.760 --> 11:56.800
Kung hindi ka kakain, paano ka
magkakaroon ng lakas para sa therapy?

11:57.719 --> 11:58.760
Maupo ka.

12:00.199 --> 12:01.319
Upo.

12:05.439 --> 12:06.880
Hintayin mo ako rito.

12:29.560 --> 12:32.199
Plawan, puwede mo bang tingnan ang stock
kung handa na ito?

12:32.280 --> 12:33.240
Sige.

12:42.079 --> 12:44.079
Kumusta ang paghahanda?

12:44.160 --> 12:45.240
Malapit nang matapos, Chef.

12:45.319 --> 12:47.560
Ngayon, maggigisa ako.

12:47.640 --> 12:49.599
Punsib, hindi mo kailangang
magprito ngayon.

12:49.680 --> 12:50.719
Alagaan mo ang mga customer.

12:50.800 --> 12:51.800
Opo, Chef.

12:53.599 --> 12:57.000
Kluer, ikaw ang maghuhugas
at maghahanda ngayon.

12:57.640 --> 12:59.719
Plawan, ikaw ang magpiprito.

12:59.800 --> 13:01.439
Prito? Ako?

13:02.120 --> 13:04.680
Oo. Sinabi ko naman, umiikot ang lahat
sa bawat station ng kusinang ito.

13:04.760 --> 13:06.240
Hindi ka puwedeng nagseserve lang lagi.

13:06.920 --> 13:09.480
Para maging halili, kailangan
ay magaling ka sa bawat posisyon.

13:10.160 --> 13:11.079
May problema ba?

13:13.319 --> 13:14.439
Wala po, Chef.

13:21.920 --> 13:23.520
-Magsimula ka na.
-Opo, Chef.

13:34.000 --> 13:35.000
Bilisan mong magbalot.

13:35.719 --> 13:36.839
Tama ba 'to, Chef?

13:36.920 --> 13:37.760
Oo.

13:39.719 --> 13:40.599
Ayusin mo ang pagbabalot.

13:41.199 --> 13:42.680
Seryosohin mo.

13:42.760 --> 13:43.839
Paano ko dapat balutin?

13:59.760 --> 14:01.120
Ano'ng ginagawa mo?

14:01.199 --> 14:02.680
Walang maayos sa mga 'to.

14:02.760 --> 14:05.839
Hilaw 'to at sunog naman 'to.
Prituhin mo ulit.

14:08.040 --> 14:09.160
Opo, Chef.

14:15.160 --> 14:16.040
Amin na.

14:17.120 --> 14:18.240
Ang sabi ko, amin na.

14:27.040 --> 14:27.920
Sinabi ko naman sa 'yo,

14:28.599 --> 14:31.719
wala akong paborito dahil lang
may nangyari sa 'tin.

14:32.760 --> 14:34.599
Baka mas mabuting matalo ka sa paligsahan

14:35.479 --> 14:36.880
para malinaw na natin
ang namamagitan sa 'tin.

14:42.959 --> 14:44.599
Prituhin mo uli.

14:47.719 --> 14:49.040
Ayusin mo.

14:53.400 --> 14:56.319
Tama ba na hindi niya ginamit
ang special treatment card?

14:59.240 --> 15:01.000
Ano ba? Dalian mo.

15:01.520 --> 15:02.560
Prituhin mo nang maayos

15:02.640 --> 15:06.000
at siguraduhin mong kulay ginto
ang bawat piraso.

15:06.959 --> 15:08.000
Opo, Chef.

15:09.400 --> 15:11.839
Hindi mo talaga ako hinahayaang gawin
ang gusto ko. Amin na.

15:14.959 --> 15:15.800
Tingnan mo.

15:18.680 --> 15:19.800
-Tingnan mo ang kulay.
-Kluer, tingnan mo.

15:21.560 --> 15:24.520
No'ng ako ang nagpiprito, sinisigawan niya
ako at itinatapo sa basurahan ang gawa ko.

15:25.160 --> 15:27.240
Pero kay Plawan,
tinuturuan niya siya sa bawat hakbang.

15:27.319 --> 15:28.400
Ano'ng mayro'n?

15:28.479 --> 15:31.760
Malay natin? Baka nagbago na si Chef Oab.

15:32.400 --> 15:33.240
Talaga?

15:34.640 --> 15:35.800
Ikaw naman.

15:39.240 --> 15:41.000
Bakit wala ka sa labas para batiin
ang mga customer?

15:41.079 --> 15:42.240
Bakit nasa kusina ka?

15:43.160 --> 15:44.079
Opo, Chef.

16:11.839 --> 16:13.280
Ngayon lang ako makakapag-almusal.

16:13.359 --> 16:14.560
Hindi ako puwedeng kumain sa umaga.

16:14.640 --> 16:16.199
Hindi sanay ang katawan ko.

16:16.760 --> 16:18.439
Bakit mo masyadong iniisip 'to?

16:19.079 --> 16:21.719
Uy, ikaw, maupo ka, ngayon na.

16:23.640 --> 16:24.719
Maupo ka na.

16:25.680 --> 16:28.599
Magkaiba ang disiplina sa nakagawian.

16:28.680 --> 16:32.079
Kung sanay ang katawan mo rito,
bigyan mo lang ito ng bagong kagawian.

16:32.160 --> 16:34.199
Simulan sa magaan na bagay gaya nito.

16:35.120 --> 16:38.040
Physiotherapist ka.
Gawin mo lang ang trabaho mo.

16:38.120 --> 16:39.920
Bakit mo ako pinipilit kumain?

16:40.520 --> 16:43.959
Nakakatulong ang almusal para makakuha
ng sustansya ang katawan mo

16:44.040 --> 16:46.520
at mas mabilis kang gumaling.

16:47.199 --> 16:50.800
Kung ayaw mong tumanda
ang utak mo, kumain ka ng almusal.

16:50.880 --> 16:51.719
Hindi naman mahirap.

16:52.439 --> 16:54.160
Ang kulit mo talaga masyado.

17:04.839 --> 17:05.800
Sige, kakain na ako

17:05.879 --> 17:08.520
dahil gusto ko nang matapos agad
ang session na 'to.

17:08.599 --> 17:09.879
Maraming salamat.

17:13.399 --> 17:14.440
Sandali lang.

17:15.960 --> 17:17.240
Dito ka muna.

17:37.560 --> 17:39.960
Magaling kang magluto.

17:40.040 --> 17:43.040
Caregiver ka ba o housekeeper noon?

17:44.000 --> 17:47.159
Nakapag-alaga na ako ng mga tao noon,
gaya ni Plawan.

17:47.760 --> 17:49.560
Mas demanding pa siya kaysa sa 'yo.

17:51.840 --> 17:53.639
Mukhang matalik talaga kayong
magkaibigan ni Plawan.

17:54.639 --> 17:56.840
Wala ka namang lihim
na pagtingin sa kanya, tama?

17:56.919 --> 17:58.240
Ano ka ba?

17:58.320 --> 18:00.399
Ako at si Plawan?

18:00.480 --> 18:03.080
Nagpapatawa ka ba?

18:03.159 --> 18:05.800
Matagal na kaming magkilala
simula pa no'ng hayskul.

18:05.879 --> 18:07.960
Bukod sa 'kin,
wala na siyang ibang kaibigan.

18:08.040 --> 18:11.680
Mahilig mang-asar ng tao 'yon

18:11.760 --> 18:13.600
kaya ako lagi nag-aasikaso sa kanya.

18:13.680 --> 18:16.240
Gaya ng sa restaurant,

18:17.240 --> 18:18.760
ikaw na mismo
ang tumulong sa kanya na harapin ako.

18:20.639 --> 18:22.200
Ano ba'ng nakukuha mo ro'n?

18:22.879 --> 18:24.840
May kasunduan ba kayo ni Plawan?

18:24.919 --> 18:26.280
Kasunduan?

18:26.360 --> 18:28.440
Ano ba'ng magagawa
ng isang taong gaya niya para sa 'kin?

18:29.040 --> 18:31.120
Kung titigil na siyang matulog
sa bahay ko nang libre,

18:31.200 --> 18:32.919
magpapasalamat talaga ako.

18:33.000 --> 18:34.520
Ibig sabihin, wala kang mapapala.

18:34.600 --> 18:36.760
Kailangan mong mamasahe
para lang makausap ako,

18:36.840 --> 18:38.520
mag-aksaya ng oras kaysa kumita ng pera,

18:39.040 --> 18:43.560
at gastusan rin siguro
ang pagkain ng kaibigan mo, tama?

18:43.639 --> 18:44.840
Tama.

18:44.919 --> 18:48.280
Ngayon, di ko na sigurado
kung kaibigan ba o anak ang mayro'n ako.

18:50.120 --> 18:51.080
Ganito na lang kaya?

18:51.679 --> 18:54.040
Kung mananalo
ang kaibigan mo sa paligsahan,

18:55.000 --> 18:56.919
magbubukas ako
ng physical therapy clinic para sa 'yo.

18:58.840 --> 18:59.679
Para saan?

18:59.760 --> 19:02.000
Dahil magaling kang physiotherapist.

19:02.560 --> 19:04.800
Karapat-dapat kang magkaroon
ng sarili mong klinika.

19:04.879 --> 19:06.000
Bakit?

19:06.080 --> 19:10.120
Para makapag-invest ka sa 'kin
at makapiga ka ng pera sa 'kin araw-araw?

19:10.200 --> 19:11.879
Sa 'yo na 'yang pera mo.

19:11.960 --> 19:13.800
Kaya ko pa ring kumita mag-isa.

19:13.879 --> 19:16.639
At kung marami kang pera
at di mo alam kung ano ang gagawin do'n,

19:17.320 --> 19:19.639
bakit hindi mo i-donate
para sa tax deductions?

19:19.720 --> 19:23.040
Para naman may makinabang na iba.

19:24.679 --> 19:27.919
Sinabihan mo ang kaibigan mo
na samantalahin ako

19:28.000 --> 19:30.960
pero ngayon, nag-aalok na ako
ng kasunduan sa 'yo.

19:31.040 --> 19:32.560
Ayaw ko na ginagamit ka.

19:33.280 --> 19:35.000
Kung magiging partners tayo,

19:35.720 --> 19:37.360
pareho tayong mananalo, tama?

19:39.159 --> 19:40.399
Hindi ako gaya mo.

19:40.480 --> 19:44.639
Hindi ko kailangang timbangin
kung sino ang mas nakalalamang.

19:46.560 --> 19:47.480
Magmatigas ka lang.

19:48.080 --> 19:49.240
Tingnan ko lang

19:49.840 --> 19:52.240
kung hanggang kailan ka magiging banal.

19:52.320 --> 19:55.159
Sa huli,
makasarili pa rin ang lahat ng tao.

20:23.800 --> 20:25.960
Kapag tapos na kayong lahat na maglinis,

20:26.040 --> 20:28.639
gusto niyo bang kumain ng inihaw na baboy?
Libre ko.

20:29.760 --> 20:30.800
Ano'ng sabi mo, Chef?

20:30.879 --> 20:32.399
Ililibra mo kami ng pagkain?

20:32.480 --> 20:33.760
Bingi ka ba?

20:33.840 --> 20:35.320
Sabi ko, libre ko.

20:40.040 --> 20:41.600
Sa tagal kitang nakilala,

20:41.679 --> 20:43.879
hindi pa kita nakikitang manlibre.

20:44.679 --> 20:45.760
Tama.

20:45.840 --> 20:47.360
Ano'ng mayro'n sa 'yo, Chef?

20:49.159 --> 20:51.120
Wala.

20:51.200 --> 20:53.520
Napansin ko lang na stressed na
ang lahat nitong nakaraang mga linggo,

20:53.600 --> 20:55.240
naisip kong ilibre kayo para marelax.

20:55.320 --> 20:57.560
Sinabi ko naman sa inyo noon,
isang team tayo sa kusina.

20:58.280 --> 21:00.159
Makakatulong ang pagsasalu-salo

21:00.760 --> 21:02.360
para mapagtibay
ang relasyon natin sa isa't-isa.

21:10.080 --> 21:12.440
Kung gusto mo talagang mapalapit sa 'min,

21:12.520 --> 21:14.879
dapat ginawa mo 'to
no'ng nandito pa si Auto.

21:19.320 --> 21:21.320
Ang dami mong sinasabi.
Sasama ka ba o hindi?

21:21.399 --> 21:23.360
Siyempre, Chef.
Sino naman ang hihindi doon?

21:23.440 --> 21:25.080
Siyempre, sasama ako. Kayo ba?

21:28.320 --> 21:29.480
Ako rin.

21:30.639 --> 21:31.879
Sige.

21:35.560 --> 21:36.600
Ikaw?

21:36.679 --> 21:38.760
Bakit ko palalampasin ang libre?

21:42.080 --> 21:44.399
Kapag tapos na kayo rito,
magkita tayo sa harap ng restaurant.

21:44.480 --> 21:45.399
Opo, Chef.

21:45.480 --> 21:46.679
Magkita tayo.

21:51.600 --> 21:52.960
Dahan-dahan ka lang maglakad, Mr. Methas.

21:54.040 --> 21:56.240
Ayan, mabuti. Dahan-dahan lang.

21:56.320 --> 21:57.240
Magaling.

21:57.879 --> 21:59.399
Dahan-dahan.

22:02.240 --> 22:03.639
Umikot ka nang dahan-dahan.

22:04.280 --> 22:05.639
Ingat.

22:16.720 --> 22:18.120
Magaling, Mr. Methas.

22:18.200 --> 22:20.919
Tingin ko ay gumagaling ka na.

22:22.000 --> 22:26.600
Sabi mo, tumatagal ang bawat session
ng 45 minuto kada araw.

22:27.480 --> 22:29.960
Madilim na.

22:30.040 --> 22:32.159
Bakit hindi ka pa umuwi?

22:33.040 --> 22:34.480
Ihahatid ka ng secretary ko.

22:34.560 --> 22:36.000
Ayos lang, sir.

22:36.600 --> 22:38.960
Plano kong magtagal
para tulungan kang maligo.

22:39.560 --> 22:42.080
Sa kondisyon mong ito, baka mahirapan ka.

22:42.159 --> 22:43.439
Sige na, hayaan mo akong tulungan ka.

22:44.040 --> 22:45.080
Hindi na kailangan.

22:47.399 --> 22:49.600
Wag mo nang tawagin ang secretary mo.

22:49.679 --> 22:51.439
Baka kanina pa siya umuwi.

22:51.520 --> 22:52.679
Kaya kong umuwi mag-isa.

22:52.760 --> 22:55.520
Binabayaran ko ang secretary ko
para pagsilbihan ako ng 24 oras.

22:55.600 --> 22:58.480
Umuwi ka na. Kaya ko na ang sarili ko.

23:03.720 --> 23:04.840
Tulungan na kita.

23:26.760 --> 23:27.560
Chef?

23:30.120 --> 23:31.000
Ano?

23:32.399 --> 23:34.879
Sorry pero hindi ako makakasama.

23:34.960 --> 23:35.800
May biglaan lang.

23:43.399 --> 23:45.800
Kung hindi ka kakain,
bakit mo pa kami niyaya?

23:47.919 --> 23:49.280
Gusto ko kayong ilibre.

23:49.879 --> 23:50.760
Sige lang at kumain na kayo.

23:52.240 --> 23:55.879
-Puwede ba akong kumuha pa ng panghimagas?
-Sige lang.

23:55.960 --> 23:58.000
Yey! Kukuha pa ako.

24:07.240 --> 24:08.760
Chef, ano'ng tingin mo kay Plawan?

24:13.520 --> 24:15.080
Bakit mo 'ko tinatanong nang ganyan?

24:17.560 --> 24:18.919
Wala.

24:19.000 --> 24:21.560
Isang contestant lang si Plawan.

24:22.240 --> 24:24.679
Tinatrato ko siya nang pareho
sa pagtrato ko sa inyo ni Punsib.

24:25.399 --> 24:26.760
Walang espesyal do'n.

24:27.600 --> 24:29.200
Hindi 'yon ang ibig kong sabihin.

24:29.280 --> 24:32.960
Ibig kong sabihin,
tingin mo ba ay gumaling na siya?

24:33.480 --> 24:37.200
No'ng una, wala kang tiwala
sa kakayahan niyang magluto.

24:37.280 --> 24:41.040
No'ng mga naunang round,
lagi mo ako sinasabihan na bantayan siya.

24:41.639 --> 24:44.480
Ayon ba?

24:45.240 --> 24:47.760
Oo, gumaling siya.

24:48.360 --> 24:50.760
Salamat sa pagbabantay mo sa kanya
para sa 'kin.

24:51.439 --> 24:54.960
Masaya akong makatulong.
Higit pa rito ang kaya kong gawin.

24:59.679 --> 25:00.879
Ano'ng ibig mong sabihin?

25:03.600 --> 25:05.520
Gusto ko si Plawan, Chef.

25:13.480 --> 25:14.439
Hoy.

25:18.080 --> 25:19.320
Wag mong isasara ang pinto.

25:23.879 --> 25:25.639
Aray!

25:25.720 --> 25:27.399
Mr. Methas?

25:33.120 --> 25:36.919
Mr. Methas! Ayos ka lang ba?

25:37.919 --> 25:40.120
Umikot ka, please. Humarap ka rito.

25:41.600 --> 25:44.480
Nasaktan ka ba?
Sabihin mo sa 'kin kung saan ang masakit.

25:44.560 --> 25:46.159
Bakit ka biglang pumapasok?

25:46.240 --> 25:48.639
Labas, nakahubad ako!

25:50.399 --> 25:51.960
-Ikaw!
-Amin na ang tuwalya.

25:54.439 --> 25:56.600
Ayos lang, ingat
at dahan-dahan kang tumayo.

25:56.679 --> 25:58.600
Wag mong didiinan sa pilay mong binti.

25:58.679 --> 26:00.760
Tulungan na kitang tumayo. Tara.

26:00.840 --> 26:02.159
Ingat.

26:04.240 --> 26:06.520
Isa, dalawa, ganyan nga.

26:14.600 --> 26:16.840
Mr. Methas, nandito na ang bisita mo.

26:23.720 --> 26:26.280
-Takpan mo!
-Takpan mo na!

26:26.360 --> 26:28.960
-Takpan mo.
-Bilis!

26:29.040 --> 26:30.320
-Isara mo muna ang pinto!
-Wan!

26:37.399 --> 26:38.560
Ano'ng problema mo?

26:38.639 --> 26:41.040
Sa dinami-dami ng mga
physiotherapists sa bansa,

26:41.120 --> 26:43.399
ikaw pa ang dapat
na mag-alaga kay Mr. Methas?

26:44.600 --> 26:45.800
At sa ganitong gabing-gabi na?

26:45.879 --> 26:47.919
Walang physiotherapists ang nagtatrabaho
nang ganito kagabi.

26:49.560 --> 26:52.080
At 'yong nangyari sa banyo ngayon lang…

26:52.159 --> 26:53.280
Tama na, Wan.

26:53.360 --> 26:56.679
Nadulas siya at tinulungan ko siya.
Ayon lang.

26:57.480 --> 27:00.000
Talaga ba?

27:00.800 --> 27:01.919
'Yon lang ba talaga?

27:03.439 --> 27:04.399
Oo, totoo.

27:09.320 --> 27:10.399
Ano?

27:18.720 --> 27:19.960
Kainis.

27:21.159 --> 27:22.240
Wag mo akong duruin.

27:25.280 --> 27:26.639
Sabi ko, wag mo akong duruin.

27:27.280 --> 27:28.480
Diretsuhin na natin.

27:30.000 --> 27:32.439
-Kailangan mo bumalik bago alas-dies tama?
-Oo, tama.

27:32.520 --> 27:34.800
Gusto kong masulit
ang bawat investment ko.

27:34.879 --> 27:37.679
Gusto kong malaman ang plano mo
para manalo sa paligsahan.

27:37.760 --> 27:40.760
Sa gano'n, malalaman ko
kung mananalo ka ba talaga

27:40.840 --> 27:44.960
o kung kailangan ko nang
bilhin ang mananalo.

27:48.639 --> 27:53.240
O baka hindi ka kampante
sa susunod na round.

27:53.320 --> 27:55.720
Sabihin mo na sa 'kin
nang di na tayo magsayang pa ng oras.

28:01.439 --> 28:04.520
Nakuha ng kaibigan ko
ang loob ni Chef Oab.

28:04.600 --> 28:07.439
Sigurado ako na makakahanap siya ng paraan
para mabigay ang restaurant sa 'yo.

28:07.520 --> 28:10.840
'Yong kasunduan na lang ang isipin mo.

28:12.320 --> 28:13.520
Ano'ng problema mo?

28:13.600 --> 28:16.560
JJ, di mo na kinailangang sabihin 'yon.

28:16.639 --> 28:18.159
Ayaw kong may makaalam.

28:21.320 --> 28:22.800
Pero hindi ako nagsisinungaling.

28:22.879 --> 28:25.760
Kung ayaw mo akong magsalita,
mananahimik ako.

28:30.439 --> 28:31.439
Di na masama.

28:32.040 --> 28:34.800
Mas mabuti pa sa inaasahan ko.

28:34.879 --> 28:38.120
Gamitin mo 'yang nangyayari sa inyo

28:39.399 --> 28:41.959
at kumbinsihin mo si Chef Oab
na ibigay na sa 'yo ang restaurant.

28:44.080 --> 28:45.159
Baliw ka ba?

28:45.240 --> 28:46.919
Di ko kayang gawin 'yon.

28:47.000 --> 28:49.919
May dignidad ang kaibigan ko, Mr. Methas.

28:50.000 --> 28:52.360
Hindi ka mabubusog ng dignidad.

28:52.959 --> 28:54.520
Kapag tapos na ang trabaho mo,

28:54.600 --> 28:56.639
makukuha mo agad sa banko mo ang pera.

28:56.720 --> 28:58.399
Ano na ang plano mo?

29:09.760 --> 29:11.959
Ano'ng mayro'n sa inyo ni Mr. Methas?

29:12.040 --> 29:14.240
Puwede na ba kita tawaging
asawa ng mayaman?

29:15.840 --> 29:17.240
Asawa ng mayaman?

29:17.320 --> 29:19.439
Sinabihan na kitang tigilan 'yang ganyan.

29:19.520 --> 29:20.919
Siraulo ka!

29:21.000 --> 29:23.560
Bumili siya ng malaking package
sa clinic ko

29:23.639 --> 29:26.639
at nakiusap siyang hawakan ko
ang physical therapy niya. 'Yon lang.

29:29.439 --> 29:32.600
Pero parang di lang 'yon ang nakita ko.

29:33.520 --> 29:34.959
Tumigil ka na.

29:35.040 --> 29:37.080
Sabihin mo na, JJ.

29:37.159 --> 29:38.159
Ano na nagawa ninyo?

29:39.120 --> 29:43.080
Kapag matalo ako sa round na 'to,
puwede ko magamit ang lamang mo.

29:45.080 --> 29:48.159
Malas mo. Kapag natalo ka,
mag-isa kang magbabayad

29:48.240 --> 29:51.520
dahil walang namamagitan sa aming dalawa.

29:53.240 --> 29:55.199
-Sigurado ka?
-Oo, sigurado ako.

29:57.520 --> 29:58.959
Nalaman ko

29:59.040 --> 30:02.159
na napakasahol niyang investor.

30:02.800 --> 30:04.600
Dahil minsan nang napagtaksilan
ang pamilya niya.

30:04.679 --> 30:08.080
Hindi na nakakagulat ng magiging ganito
ang kahihinatnan ng natalo.

30:13.240 --> 30:18.520
Minsan, awa ang umpisa ng pag-ibig,

30:18.600 --> 30:20.560
sabi ng isang love guru.

30:21.959 --> 30:24.159
Hay naku. Love guru, talaga?

30:24.240 --> 30:25.679
Wag mo na akong tanungin.

30:25.760 --> 30:27.679
Ang dami mong pinapakinggang
relationship advice shows.

30:27.760 --> 30:31.159
Naaawa lang ako sakanya, 'yon lang.

30:31.240 --> 30:34.600
Sa totoo lang, mas kaduda-duda
ang sitwasyon mo kaysa sa 'kin.

30:34.679 --> 30:38.959
Pumasok ka para kunin ang restaurant
para kay Mr. Methas

30:39.040 --> 30:41.760
pero nakipagtalik ka sa chef.

30:41.840 --> 30:43.040
Baka nahuhulog ka na?

30:54.280 --> 30:56.800
Siyempre! Gulong-gulo na puso ko.

30:57.439 --> 31:00.000
Ano'ng gagawin ko? Ayaw ko nang gawin 'to.

31:00.080 --> 31:02.240
Pero hindi ko siya kayang bayaran

31:02.320 --> 31:05.879
kasi nabayad ko na sa upa 'yong pera.

31:05.959 --> 31:07.639
Nasestress ako!

31:12.080 --> 31:13.600
Binabalaan kita,

31:13.679 --> 31:16.120
kapag nalaman ni Chef Oab
na nagsinungaling ka sa kanya,

31:16.199 --> 31:19.280
patay ka.

31:19.360 --> 31:20.800
Seryoso ako.

31:20.879 --> 31:22.360
Kapag lumabas ang katotohanan,

31:22.439 --> 31:25.600
hindi ka na niya kakausapin pa uli.

31:26.800 --> 31:29.040
Hay naku, JJ.

31:29.120 --> 31:32.000
Kailangan mo ba akong saktan palagi?

31:32.080 --> 31:35.040
Ang sakit na ng puso ko.

31:35.120 --> 31:39.159
Magdesisyon ka na. Kung gusto mo
aminin ang nararamdaman mo sa kanya,

31:39.240 --> 31:41.320
kailangan mo muna aminin
ang mga kasalanan mo.

31:41.399 --> 31:42.760
Alam mo?

31:44.240 --> 31:45.720
Ano'ng gagawin ko?

31:53.800 --> 31:55.639
Bakit ka nandito? Ano'ng problema?

32:00.719 --> 32:03.800
Wala. Nandito lang ako
para sabihing nakauwi na ako.

32:04.399 --> 32:06.600
'Yon lang. Good night, Chef.

32:08.639 --> 32:09.520
Saan ka galing?

32:09.600 --> 32:11.639
Bakit di ka sumama sa 'min maghapunan?

32:11.719 --> 32:14.320
Nilibre ko sila para magsalu-salo tayo.

32:14.399 --> 32:16.040
Paano makukumpleto kung wala ka?

32:19.600 --> 32:20.679
Di ko puwedeng sa bihin.

32:24.560 --> 32:28.040
Kung ayaw mong sabihin, wag.
Ayaw kong marinig.

32:28.679 --> 32:31.199
Pero ito ang sinasabi ko,
di ako masaya ro'n.

32:34.679 --> 32:36.480
Sandali, Chef.

32:39.080 --> 32:40.240
Sasabihin mo na ba?

32:43.240 --> 32:44.439
Kasi…

32:45.240 --> 32:46.320
Ako…

32:47.080 --> 32:49.280
Chef!

33:02.600 --> 33:06.159
Gamitin mo ang nangyari sa inyong dalawa

33:06.240 --> 33:08.840
para makumbinsi si Chef Oab
na ibigay sa 'yo ang restaurant.

33:13.360 --> 33:14.719
Di ako nakasama sa inyo

33:14.800 --> 33:16.240
dahil sa pamilya ko.

33:16.919 --> 33:20.399
Kapag naayos ko na
saka ko sasabihin ko sa 'yo.

33:24.520 --> 33:25.919
Sigurado ka bang pamilya?

33:27.600 --> 33:29.120
Oo, sigurado ako.

33:29.840 --> 33:31.040
Pero di ko puwedeng sabihin sa 'yo.

33:34.439 --> 33:35.520
Hindi masabi

33:36.480 --> 33:37.800
o ayaw sabihin?

33:43.080 --> 33:45.159
Sasabihin mo rin sa'kin ang lahat.

33:46.040 --> 33:48.159
Wala kang maitatago sa 'kin.

35:48.200 --> 35:49.520
Masusunog ang kamay mo.

35:50.520 --> 35:53.200
TIngnan mo, pulang-pula na. Hugasan natin.

36:03.080 --> 36:07.799
Makakatulong ang asin para sa chili burn.

36:11.279 --> 36:13.480
Ano'ng ginagawa mo?
Nagpapabaya ka na naman?

36:19.120 --> 36:21.120
Ayaw ko masunog ang kamay niya
dahil sa chili.

36:21.200 --> 36:23.520
-Tinutulungan ko siyang maghugas.
-Patingin.

36:33.360 --> 36:34.920
Ayos lang. Ayos ako.

36:35.000 --> 36:37.360
Ako na ang maghuhugas.

36:39.240 --> 36:40.279
Ikaw ang bahala.

36:43.440 --> 36:44.400
Bilisan mo.

36:47.520 --> 36:48.560
Ayusin mo.

36:48.640 --> 36:51.400
Kapag mapunta sa mata mo 'yan, mas malala.

36:53.480 --> 36:56.120
Hindi na ako bata. Alam ko.

36:58.480 --> 36:59.839
Ano'ng oras na?

36:59.920 --> 37:01.200
Nag-uusap lang kayo diyan.

37:01.279 --> 37:02.560
Malapit na ang service time.

37:03.160 --> 37:04.080
Opo, Chef.

37:05.560 --> 37:07.240
Lalabas na ako
para batiin ang mga customer.

37:07.319 --> 37:08.200
Ayos na.

37:08.279 --> 37:09.680
Maraming salamat, Kluer.

37:21.640 --> 37:23.120
Gusto ko si Wan, Chef.

37:23.200 --> 37:24.839
Romansa sa trabaho?

37:25.600 --> 37:27.400
Hindi ka ba nag-aalala
na magresulta ito sa problema?

37:27.480 --> 37:31.080
Magkalaban kayong dalawa
sa restaurant ko, naaalala mo?

37:31.160 --> 37:32.920
Ayos lang, Chef.

37:33.000 --> 37:35.560
Pinatakbo niyo rin ni Khaosuay
ang restaurant magkasama.

37:36.600 --> 37:38.160
Tingin ko naman ay di magiging problema.

37:38.240 --> 37:40.400
Kung magkatuluyan kami,

37:40.480 --> 37:42.000
sino man sa amin ang manalo,

37:42.680 --> 37:43.839
kaya naming gawin magkasama.

37:44.440 --> 37:48.720
Hindi mo naman ako pipigilan
na ligawan siya, di ba?

37:57.640 --> 38:00.400
Hindi, gawin mo kung ano ang gusto mo.

38:01.000 --> 38:02.319
Basta dapat ay nakahiwalay ang trabaho.

38:02.920 --> 38:04.160
Makakaasa ka, Chef.

39:02.600 --> 39:03.839
Hello,

39:03.920 --> 39:06.120
puwede ko bang makuhaang pangalan
para sa reservation?

39:06.720 --> 39:07.839
Hindi ako kumuha ng reservation.

39:08.600 --> 39:11.720
Sorry pero mga may reservation lang
ang tinatanggap namin.

39:12.600 --> 39:15.640
Puwede kang magbook gamit ang LINE
o sa pagtawag sa 'min.

39:18.480 --> 39:20.520
Excuse me pero hindi pa kami bukas.

39:22.359 --> 39:24.080
Hindi pa bukas ang restaurant namin.

39:25.200 --> 39:27.960
Kluer, ihanda mo na ang lahat
bago tayo magbukas.

39:28.040 --> 39:29.240
Opo, Chef.

39:36.279 --> 39:37.240
Khaosuay?

39:50.240 --> 39:51.319
Oab!

40:29.200 --> 40:32.240
Walang ipinagbago ang lugar na ito.

41:05.759 --> 41:07.680
Bakit ang aga mong nakabalik?

41:08.880 --> 41:10.279
Nagbakasyon ka ba sa school?

41:11.799 --> 41:13.759
Kung maaga ko lang nalaman
ang tungkol kay Dad,

41:13.839 --> 41:16.000
baka mas maaga akong umuwi.

41:16.920 --> 41:19.240
Bakit hindi mo sinabi sa 'kin
ang tungkol sa kanya?

41:20.640 --> 41:22.680
Ayaw ni Propesor na iwan mo
ang scholarship mo

41:22.759 --> 41:23.759
o ang kinabukasan mo

41:24.600 --> 41:25.799
para lang bumalik dahil may sakit siya.

41:25.880 --> 41:28.400
Pero seryoso ang operasyon niya.

41:28.480 --> 41:30.600
Bakit kayo nagdesisyon dalawa
nang wala ako?

41:30.680 --> 41:33.040
Sinubukan ko kausapin si Propesor dito.

41:33.120 --> 41:36.319
Pero di ka pinayagan ni Dad
na tawagan ako, tama?

41:40.160 --> 41:41.160
AKo…

41:41.240 --> 41:44.880
Kaya ba hindi mo ako kinakausap?

41:47.759 --> 41:50.319
Tinawagan ako ng ospital

41:51.240 --> 41:54.319
at ang sabi nila ay magsasagawa sila
ng emergency surgery kay Dad.

41:58.720 --> 41:59.680
Oab,

42:00.400 --> 42:02.799
puwede mo ba ako samahan?

42:42.640 --> 42:44.759
Kluer, sino 'yong babae kanina?

42:44.839 --> 42:45.839
Girlfriend ni Chef Oab?

42:45.920 --> 42:48.000
Oo, ex-girlfriend siya ni Chef Oab.

42:48.960 --> 42:49.920
Gano'n ba?

42:51.480 --> 42:54.960
May biglaan lang nangyari, kailangan muna
nating isara ang restaurant ngayong araw.

42:57.200 --> 42:58.240
-Kluer,
-Ano 'yon?

42:58.319 --> 43:01.880
Tawagan mo at kanselahin mo ang lahat
ng reservations ngayong araw at magrefund.

43:01.960 --> 43:04.560
Sabihin mo na may family emergency.
Maiintindihan nila 'yon.

43:04.640 --> 43:05.960
Masusunod, Chef.

43:12.839 --> 43:15.400
Mukhang nagmamadali talaga si Chef.
May masama kaya na nangyari?

43:15.480 --> 43:19.080
Oo, mukhang nag-aalala rin si Khaosuay
pagkarating niya.

43:19.960 --> 43:21.759
Kailangan ng emerhency surgery
ng tatay ni Khaosuay.

43:21.839 --> 43:23.120
Ano?

43:27.120 --> 43:30.600
Itinuturing ni Chef Oab na pamilya
sina Khaosuay at ang tatay niya.

43:31.440 --> 43:32.440
Nakakabahala.

43:33.640 --> 43:34.799
Kahit mag-aalala tayo,

43:35.359 --> 43:37.160
wala rin naman tayo magagawa, tama?

44:07.319 --> 44:09.240
Plawan, Kluer,

44:09.319 --> 44:10.680
gusto niyong kumain sa labas?

44:11.400 --> 44:14.480
Hindi pa ako nakakapunta sa palengke
buong buhay ko. Tingnan ninyo.

44:15.000 --> 44:17.160
Walang namang espesyal dito.

44:17.240 --> 44:20.480
Mamalengke na lang tayo gaya ng dati.
Mainit at matao sa palengke ngayon.

44:20.560 --> 44:21.720
Naku.

44:24.000 --> 44:26.839
Tara, Plawan, samahan mo ako sa palengke.

44:26.920 --> 44:27.879
Please.

44:27.960 --> 44:30.040
Ayaw ko. Matutulog na lang ako.

44:30.120 --> 44:31.839
Puwede kayo pumuntang dalawa.

44:32.960 --> 44:34.600
Parang matanda ka kung kumilos.

44:34.680 --> 44:37.080
Di ba lagi kang nagvavlog
tungkol sa pagkain?

44:37.160 --> 44:40.440
Nagtatanong ang mga viewers mo
kung kailan darating ang sunod na episode.

44:40.520 --> 44:42.960
Wala ako gustong gawin. Aalis na ako.

44:43.040 --> 44:45.000
Hoy, sandali.

44:45.600 --> 44:47.279
Kluer, tulungan mo ako.

44:48.040 --> 44:49.240
Pangako,

44:49.319 --> 44:51.359
isang larawan lang kukunin ko para i-post.

44:51.440 --> 44:53.799
Madalang tayo magsawa nang maaga
gaya nito.

44:56.960 --> 44:58.480
Plawan, sumama ka na sa 'min.

44:59.200 --> 45:01.120
Hindi tayo magtatagal. Kakain lang tayo.

45:01.200 --> 45:03.600
Kailangan pa rin naman natin
bumalik sa restaurant.

45:04.359 --> 45:06.480
Maganda rin na may iba kang nakikita.

45:06.560 --> 45:07.960
Ipapasyal kita sa lugar.

45:08.560 --> 45:10.560
Saka madalang na wala si Chef dito.

45:10.640 --> 45:11.480
Tara.

45:12.759 --> 45:14.480
Mismo. Bonding tayo.

45:14.560 --> 45:17.440
Pagbalik ni Chef, makikita niya
kung gaano na tayo ka-close.

45:18.400 --> 45:19.279
Please.

45:23.400 --> 45:24.279
Okay.

45:26.200 --> 45:27.160
Pumunta na tayo sa palengke.

45:35.640 --> 45:38.560
BUNYAVEJ HOSPITAL

45:41.680 --> 45:44.200
Dok, kumusta ang tatay ko?

45:44.920 --> 45:45.960
Maayos naman.

45:47.319 --> 45:48.319
Pagkatapos ng operasyon,

45:48.400 --> 45:51.520
ililipat na namin siya sa ICU
para obserbahan.

45:51.600 --> 45:52.799
Kung maayos ang magiging takbo ng lahat,

45:52.879 --> 45:55.000
ililipat na namin siya
sa regular na kwarto pagkatapos.

45:55.080 --> 45:56.560
Salamat, Dok.

45:56.640 --> 45:58.319
Maraming salamat.

45:58.400 --> 45:59.400
Walang anuman.

46:04.200 --> 46:05.520
Wag kang mag-alala.

46:05.600 --> 46:08.120
Ang ICU ay para lang
mabantayan siya nang maigi.

46:08.200 --> 46:09.040
Maayos na ang lahat.

46:10.560 --> 46:14.920
Naniniwala ako na ginawa ng mga doktor
ang lahat ng makakaya nila

46:16.040 --> 46:16.920
pero…

46:21.279 --> 46:22.839
Ano'ng ikinababahala mo?

46:24.359 --> 46:27.839
Hindi ba makakaapekto sa paligsahan
ang pagbabalik ni Khaosuay?

46:28.440 --> 46:30.480
Kung magdesisyon si Chef na wag na ibenta
ang restaurant,

46:30.560 --> 46:31.879
magiging masaya ako.

46:31.960 --> 46:33.920
Ayaw ko ring magbago ang lugar.

46:34.600 --> 46:35.560
Ano ka ba?

46:35.640 --> 46:37.359
Sa ganda ng pwesto niya,

46:37.440 --> 46:39.160
kailangan na no'n ma-renovate.

46:39.240 --> 46:40.759
Kung ako ang makakakuha ng restaurant,

46:40.839 --> 46:43.720
papalakihin ko pa ito
para mas maraming customer ang makakain,

46:43.799 --> 46:46.120
dadagdagan ko ang menu,

46:46.200 --> 46:47.759
at mag-iimbita ako
ng mga artista para kumain.

46:47.839 --> 46:48.920
Oab!

46:54.920 --> 46:56.000
Mas maraming customer ang madadala no'n.

46:56.080 --> 46:57.160
Excited na ako!

46:57.240 --> 46:58.279
E, ikaw, Plawan?

46:58.359 --> 47:00.040
Ano'ng gagawin mo sa restaurant?

47:02.839 --> 47:05.759
Hindi ko alam.
Walang saysay na isipin ko na 'yan.

47:06.720 --> 47:09.640
Ikaw na mismo ang nagsabi,
kung nakabalik na si Khaosuay,

47:09.720 --> 47:10.759
puwedeng mangyari ang kahit na ano.

47:12.000 --> 47:13.600
Kailangan lang nating maghintay.

47:14.839 --> 47:17.200
Kung nag-aalala ka sa mga gastos,

47:17.279 --> 47:18.359
wag.

47:18.440 --> 47:19.720
Nakapaghanda na ako para ro'n.

47:20.319 --> 47:21.879
Wag mong gagamitin ang pera
mula sa pagbebenta ng restaurant

47:21.960 --> 47:23.120
para tulungan ako.

47:23.879 --> 47:26.040
Ayaw ko na ibenta mo ang lugar na 'yon.

47:26.839 --> 47:27.759
Alam mo ang tungkol do'n?

47:27.839 --> 47:31.040
Sa pag-anunsyo mo ro'n sa social media,

47:31.680 --> 47:33.080
nalaman ko rin kahit sa ibang bansa.

47:36.400 --> 47:38.560
Hayaan mo ako na maghanap muna ng paraan.

47:39.400 --> 47:40.359
Khaosuay,

47:41.160 --> 47:42.920
kailangan mong tipirin
ang pera mo para sa pag-aaral mo.

47:43.000 --> 47:44.920
Marami ang kakailanganin mo
para makapagtapos.

47:45.000 --> 47:48.040
Para sa tatay mo, wag kang mag-alala.
Ako ang bahala.

47:48.120 --> 47:51.440
Nirerespeto ko siya na parang ama ko na.
Hindi ako aalis.

47:52.279 --> 47:53.879
Nakapagdesisyon na akong
magpapahinga muna sa pag-aaral.

47:56.799 --> 47:59.319
Tara, magpicture tayong lahat!

48:00.000 --> 48:01.480
Tara.

48:03.000 --> 48:03.839
Iniisip ko noon

48:03.920 --> 48:07.359
na ang paghabol sa mga pagkakataon
ang pinakamahalagang bagay sa buhay.

48:07.440 --> 48:09.240
Pero ang totoo,

48:09.319 --> 48:12.960
mas importante ang mga taong
laging nananatili sa tabi ko.

48:13.040 --> 48:15.680
At iyon ay ikaw at si dad.

48:19.160 --> 48:22.160
Sige na, tingin dito.

48:22.240 --> 48:24.560
Isa, dalawa, tatlo.

48:26.839 --> 48:30.200
Salamat, Oab,
dahil lagi kang mabuti sa 'kin.

48:30.759 --> 48:33.319
Walang ibang tao na ganito kabait sa 'kin.

48:44.560 --> 48:47.560
Isa pang picture. Isa, dalawa, tatlo.

49:13.240 --> 49:14.560
Hoy, tulungan na kita.

49:14.640 --> 49:17.359
Kung ganyan ka maghiwa,
baka mahiwa mo pa ang daliri mo.

49:18.839 --> 49:20.200
Salamat,

49:20.759 --> 49:22.359
halos siyam na lang
ang natitira kong mga daliri.

49:25.120 --> 49:26.480
Pero kung mabawasan pa ako
ng dalawang daliri…

49:27.680 --> 49:30.560
-Mahal kita?
-Hindi, Spider-Man.

49:30.640 --> 49:32.720
Pew, pew, pew.

49:33.960 --> 49:35.480
Pero kung tatlong daliri ang mawala ko,

49:35.560 --> 49:37.279
Magiging magaling na singer ako.

49:37.359 --> 49:38.319
Bakit?

49:39.359 --> 49:41.480
Rockstar.

49:42.080 --> 49:42.960
Nakakatawa ka.

49:43.759 --> 49:45.359
Isa akong rockstar.

49:45.960 --> 49:47.520
Rock.

49:51.520 --> 49:53.040
-Rock.
-Rock.

49:53.720 --> 49:54.799
Kakagatin kita.

49:54.879 --> 49:56.319
Talaga? Kakagatin mo ako?

50:03.359 --> 50:04.759
Malapit na kaming matapos maghanda.

50:04.839 --> 50:06.720
Puwede kang maghintay sa labas.

50:10.000 --> 50:11.799
Chef, nandito si Khaosuay.

50:13.680 --> 50:15.160
Hello sa inyong lahat.

50:16.839 --> 50:18.879
Tutulong ako bilang server ngayong araw.

50:18.960 --> 50:21.799
Bigyan niyo lang ako ng mga suggestion,
wag kayong mahihiya.

50:28.680 --> 50:30.160
Kung gano'n ay sige.

50:30.240 --> 50:32.240
Tumulong na si Khaosuay noon.

50:33.279 --> 50:35.080
Kluer, ikaw sa gisa. Punsib sa prito.

50:36.080 --> 50:37.359
At ikaw Plawan,

50:38.279 --> 50:39.600
sa hugasin ka ngayon.

50:40.480 --> 50:41.680
'Yon ang mga gawain natin ngayon.

50:42.359 --> 50:43.480
-Opo, Chef.
-Opo, Chef.

50:46.759 --> 50:48.879
Oab, puwede ba ako makakuha ng apron?

50:55.560 --> 50:57.000
Puwede mo ako tulungang isuot?

51:16.319 --> 51:17.560
Aray!

51:18.399 --> 51:19.440
Ayos ka lang?

51:20.799 --> 51:22.359
Gamutin muna natin.

51:22.440 --> 51:24.240
Magsuot ka ng gloves
kapag maghuhugas ng mga pinggan.

51:28.560 --> 51:31.200
Oab, puwede mo ba ako
tulungan itali ang buhok ko?

52:05.359 --> 52:06.520
Ang sarap naman tingnan nito.

52:14.279 --> 52:16.319
-Puwede mo nang i-serve.
-Okay.

52:31.440 --> 52:33.040
Wag kang tutulala sa trabaho.

52:33.120 --> 52:34.279
Ayos ka lang?

52:37.279 --> 52:38.640
Bakit naman ako hindi magiging okay?

52:40.240 --> 52:41.319
Kasi, dahil kay Khaosuay.

52:43.000 --> 52:46.000
Di ba, sabi mo, naghiwalay na kayo?

52:47.399 --> 52:48.319
Oo.

52:49.560 --> 52:50.680
Ayon.

52:50.759 --> 52:52.240
Naniniwala ako sa sinabi mo.

52:52.879 --> 52:54.440
Bakit ka pa magpapaliwanag?

52:55.680 --> 52:57.920
May bago ka bang kailangan ipaliwanag?

52:59.839 --> 53:01.240
At ayos ka lang ba

53:01.319 --> 53:03.160
na tumutulong siya nang ganito?

53:04.839 --> 53:07.680
Magaling siya,
bakit ako hindi magiging okay?

53:08.680 --> 53:10.240
Wag mo ako alalahanin.

53:10.319 --> 53:11.799
Kung makabubuti para sa restaurant,

53:11.879 --> 53:13.600
wala akong problema ro'n.

53:29.080 --> 53:30.960
Ang Four Seasons dish
ay mayroong apat na bites.

53:31.040 --> 53:33.920
Ang unang bite ay may katamtamang lasa
para ihanda ang panlasa ninyo,

53:34.000 --> 53:35.839
hipon ito na may basil sauce.

53:35.920 --> 53:38.799
Ang pangalawang bite naman
ang nagpapalabas na natural na tamis

53:38.879 --> 53:40.960
ng sariwang scallop sa basil sauce.

53:41.040 --> 53:42.240
Ang ikatlong bite,

53:42.319 --> 53:45.600
mayaman sa aroma ng basil, na may karne
ng alimango at basil sauce.

53:45.680 --> 53:46.960
At ang panghuling bite

53:47.040 --> 53:50.319
ay malutong at maanghang na may pritong
grouper na ibinabad sa basil sauce.

53:53.720 --> 53:54.879
Sana ay mag-enjoy kayo.

54:17.960 --> 54:19.279
Aray!

54:29.040 --> 54:30.120
Nasaktan ka ba?

54:31.399 --> 54:33.399
How long have you been practicing walking?

54:33.480 --> 54:34.720
Baka sinosobrahan mo?

54:37.680 --> 54:38.600
Ayos lang ako.

54:38.680 --> 54:40.920
Kaninang umaga pa ako nagsasanay.

54:41.000 --> 54:43.839
Ngayong linggo, pinaplano ko
na tumigil na sa paggamit ng walker.

54:43.920 --> 54:46.000
Maghanda ka nang turuan ko
ng mga bagong physical therapy exercise.

54:46.759 --> 54:48.640
Bilis, kailangan ko nang gumaling agad.

54:49.359 --> 54:50.799
Hoy, tumigil ka diyan.

54:51.640 --> 54:53.200
Hapon na.

54:53.279 --> 54:54.640
Gaano katagal ka nang naglalakad?

54:54.720 --> 54:56.399
Nagstretching ka ba gaya ng utos ko?

54:56.480 --> 54:58.720
Sinusunod mo ba ang mga itinuturo ko?

54:58.799 --> 55:01.839
Mas naninigas ka ba o may masakit sa 'yo?

55:02.799 --> 55:03.759
Ha?

55:03.839 --> 55:06.440
Bakit? Karaniwang paninigas lang,

55:06.520 --> 55:08.359
baka kaunting sakit dito at diyan.

55:10.040 --> 55:11.839
Kailangan mo nang tumigil at magpahinga.

55:12.440 --> 55:13.480
Humawak ka sa braso ko.

55:14.040 --> 55:14.960
Sige na, humawak ka sa braso ko.

55:22.279 --> 55:24.279
Ano ba ang gusto mo, ha?

55:24.359 --> 55:27.080
Nagsasanay ako maglakad mag-isa
pero nagrereklamo ka pa rin.

55:28.839 --> 55:31.120
Puwede bang hinay-hinay ka lang?

55:31.200 --> 55:34.040
Sinabihan kita na magsanay
hindi pagurin ang sarili mo.

55:34.600 --> 55:37.960
Lagi kang nagmamadali pabalik
sa bilyong dolyar mo na negosyo

55:38.040 --> 55:39.960
pero may pakialam ka man lang ba
sa sarili mong kalusugan?

55:42.600 --> 55:45.600
Makulit ka. Madali lang para sa 'yo
na sabihin 'yan.

55:45.680 --> 55:47.319
Ayaw kong magmadaling bumalik sa trabaho

55:48.399 --> 55:49.759
pero kung di ako magtatrabaho,

55:49.839 --> 55:51.680
gagawin ba ng trabaho ang sarili niya?

55:51.759 --> 55:54.040
Hindi ka negosyante
kaya di mo maiintindihan.

55:54.120 --> 55:55.160
Nakikita mo ba ang tuhod mo?

55:55.240 --> 55:57.440
Namamaga.

55:57.520 --> 55:59.640
Wala munang physical therapy ngayong araw.

56:04.720 --> 56:05.600
Lagyan muna natin ng yelo ang pamamaga.

56:06.520 --> 56:07.520
Aray, dahan-dahan lang!

56:07.600 --> 56:08.839
Masyado bang masakit?

56:11.279 --> 56:12.440
Kaya pa rin naman.

56:12.520 --> 56:13.839
Bakit mo tinitiis?

56:14.799 --> 56:15.920
Hawakan mo 'to.

56:22.799 --> 56:24.879
Bibigyan kita ng painkiller.

56:29.000 --> 56:30.799
Ipapainom ko sa 'yo.
Naghugas na ako ng kamay.

56:31.839 --> 56:32.799
Ibuka mo ang bibig mo.

56:34.200 --> 56:35.000
Ibuka mo.

56:37.000 --> 56:37.879
Buka.

56:40.879 --> 56:42.040
Heto ang tubig.

56:48.560 --> 56:49.720
Isa pa.

57:21.919 --> 57:23.240
Magpahinga ka lang ngayong araw.

57:23.319 --> 57:24.520
Mauuna na ako.

57:26.040 --> 57:27.080
Hoy, ikaw.

57:27.919 --> 57:30.080
Walang session para sa 'kin ngayong araw?

57:30.160 --> 57:31.759
Pumunta ka pa rito.

57:31.839 --> 57:34.359
Hindi ako papayag na magbabawas
ang clinic mo

57:34.440 --> 57:36.080
para sa wala.

57:36.160 --> 57:37.640
Hindi naman ito malaking bagay.

57:37.720 --> 57:38.759
Babalik na lang ako.

57:40.359 --> 57:41.480
Sandali.

57:42.160 --> 57:43.600
Ano na naman?

57:49.600 --> 57:50.640
Para saan ito?

57:50.720 --> 57:52.319
Para sa pamasahe mo.

57:52.399 --> 57:53.759
Pumunta ka rito para sa wala ngayong araw.

57:54.839 --> 57:56.520
Pero nabayaran mo na ang clinic ko.

57:56.600 --> 57:57.879
Kasama na ito do'n.

57:58.640 --> 58:00.200
Bakit magbabayad ka pa ng extra?

58:00.279 --> 58:03.680
Tumatakbo sa pera
ang lahat sa mundong ito.

58:03.759 --> 58:04.640
Hindi nakakahiya.

58:05.399 --> 58:07.399
Sa 'ting dalawa lang 'to.

58:16.120 --> 58:18.600
Kailan ba kayo titigil magtapon
ng pera sa mga tao?

58:19.240 --> 58:21.200
Gusto ko lang linawin 'to.

58:21.279 --> 58:25.799
Tumatanggap lang ako ng maayos na bayad
sa clinic na pinagtatrabahuan ko.

58:25.879 --> 58:27.960
At kung itutuloy mo ito,

58:28.040 --> 58:30.040
magsimula ka nang maghanap
ng bagong physiotherapist.

58:33.120 --> 58:35.359
Okay! Magmatigas ka kung gusto mo.

58:35.440 --> 58:36.359
Balang araw,

58:36.440 --> 58:39.720
maiintindihan mo rin
na walang di kayang bilhin ang pera.

59:02.759 --> 59:04.359
Namiss ko ang lugar na 'to.

59:05.040 --> 59:07.080
Pareho pa rin ang mga bagay-bagay, di ba?

59:13.480 --> 59:16.080
Salamat at hinayaan mo ako
tumulong sa restaurant.

59:16.160 --> 59:18.879
Mababaliw ako
kung nasa ospital lang ako lagi.

59:21.319 --> 59:22.160
At…

59:22.839 --> 59:23.799
kumusta na ang tatay mo?

59:24.480 --> 59:25.720
Gising na siya

59:26.279 --> 59:28.839
pero nasa ICU pa rin siya
para maobserbahan.

59:30.120 --> 59:32.160
Hindi nila pinapayagang manatili
ang mga kamag-anak sa tabi niya.

59:38.160 --> 59:39.879
Ibebenta mo ba talaga
ang restaurant na 'to?

59:47.200 --> 59:48.919
'Yon ang iniisip ko.

59:50.839 --> 59:52.080
Sayang naman.

59:52.160 --> 59:55.279
Naaalala ko pa ang unang araw
na tiningnan ko ang building na ito.

59:56.120 --> 59:59.080
Sa totoo lang, ang tunay na sayang ay kung
mawawala ang kakayahan mo sa pagluluto.

59:59.160 --> 01:00:00.879
Hindi ako titigil sa pagluluto.

01:00:01.680 --> 01:00:02.600
Kailangan ko lang magpahinga.

01:00:03.200 --> 01:00:05.160
Kung mahahanap ko uli ang passion ko,
magluluto ako uli.

01:00:07.080 --> 01:00:08.600
Paano kung…

01:00:09.279 --> 01:00:11.879
gusto kong mag-invest uli
sa restaurant kasama mo?

01:00:19.080 --> 01:00:21.399
At ngayon, di na ako aalis.

01:00:21.480 --> 01:00:24.200
Tingin ko ay gusto rin ni dad
na manatili ako rito.

01:00:25.520 --> 01:00:29.560
Bigyan mo ako ng pagkakataong
patunayan ang sarili ko at makuha ka uli.

01:01:01.839 --> 01:01:04.080
Nakagawa ako ng bagong dish
para tanggapin mo.

01:01:04.160 --> 01:01:06.160
Pero gusto na ng mga customer natin
ang menu na mayro'n tayo.

01:01:06.240 --> 01:01:07.399
Di na natin kailangang baguhin.

01:01:07.480 --> 01:01:09.399
Bakit parang iba ang pakikipag-usap

01:01:09.480 --> 01:01:10.440
ni Plawan sa 'yo?

01:01:10.520 --> 01:01:12.960
May namamagitan ba sa inyo ni Plawan?

01:01:13.040 --> 01:01:13.960
Ang sabi mo, wala kang pakialam.

01:01:14.040 --> 01:01:15.799
Naiinis ka talaga, tama?

01:01:15.879 --> 01:01:16.839
SA SUSUNOD NA KABANATA

01:01:16.919 --> 01:01:18.759
SIno ang bagong may-ari ng clinic?

01:01:19.680 --> 01:01:21.960
Tingin mo ba ay susuko ako

01:01:22.040 --> 01:01:23.440
sa pang-iinis mo sa 'kin?

01:01:23.520 --> 01:01:24.480
Hindi.

01:01:24.560 --> 01:01:28.240
Kluer, mukhang ikaw lang
ang totoong naniniwala sa 'kin.

01:01:28.319 --> 01:01:31.279
Seryoso ako nang sinabi kong magtapat ka
ng nararamdaman mo kay Plawan.

01:01:31.359 --> 01:01:33.560
Ngayong araw dapat.

01:02:38.560 --> 01:02:40.600
Nagsalin ng Subtitle: Kulay Posadas
t ka
ng nararamdaman mo kay Plawan.
