WEBVTT

00:01.000 --> 00:01.839
ANG MGA KUWENTO AY MAY DAGDAG-ALIW LAMANG
AT HINDI PANINIRA SA ANUMANG PROPESYON

00:01.920 --> 00:02.920
WALA ITONG LAYUNING MAGSULONG NG IMORAL
O KAUGALIANG SEKSWAL, O NEGATIBONG PANANAW

00:03.000 --> 00:03.920
HUMIHINGI AGAD NG PAUMANHIN ANG PRODUKSYON
PARA SA ANUMANG PAGKAKAMALI SA SERYE

00:04.000 --> 00:05.439
Mas gumagaling ka na ba sa pagluluto?

00:05.520 --> 00:07.399
Kailangan mong mag-improve agad.

00:07.479 --> 00:08.400
ANG NAKARAAN

00:08.480 --> 00:09.959
-Kluer?
-Plawan,

00:10.040 --> 00:11.200
wag mong sabihin kay Chief.

00:11.280 --> 00:15.200
-Pero hindi kita pagtatakpan nang libre.
-Ano'ng gusto mo?

00:15.280 --> 00:16.720
Turuan mo akong magluto.

00:16.800 --> 00:19.160
May pag-asa pa akong magluto?

00:19.240 --> 00:22.320
Tingin mo sa isang gabi lang,
master ka na?

00:23.599 --> 00:24.759
Uy, ikaw!

00:24.840 --> 00:26.400
Kumusta? Medyo okay ka na ba?

00:26.480 --> 00:29.240
Kung iistorbohin mo lang ako,
makakaalis ka na.

00:29.320 --> 00:30.759
Ibig sabihin ba,

00:30.840 --> 00:32.640
gusto mo akong kainin

00:32.720 --> 00:34.879
gaya ng pagnanais mong kumain
ng basil stir-fry?

03:19.399 --> 03:21.519
Ang sarap ng granita na 'to!

03:21.600 --> 03:23.760
Oab, puwede mo bang idagdag 'yan sa menu?

03:23.840 --> 03:26.160
Tingin ko bebenta 'yan.

03:26.720 --> 03:27.799
Hindi.

03:27.880 --> 03:30.720
Ginagawa ko lang 'to
para sa 'yo, Khaosuay.

03:30.799 --> 03:31.799
Di ako pastry chef,

03:31.880 --> 03:35.079
pero gagawa ako ng desserts
para sa espesyal na tao.

03:35.160 --> 03:36.359
Okay lang ba?

03:36.440 --> 03:37.959
Oab, ikaw ang pinaka-sweet!

03:55.000 --> 03:57.200
Diyos ko, ano 'yon?

03:59.600 --> 04:02.880
Isip, mag-isip ka!

04:04.320 --> 04:05.440
Hoy, tumigil ka na diyan.

04:05.519 --> 04:08.399
H-A-L-I-K 'yon,

04:08.480 --> 04:10.480
halik, dude.

04:10.560 --> 04:14.560
Hahalikan ka na ni Chef Oab
pero nagbago ang isip niya.

04:14.640 --> 04:15.720
Hindi mo first time.

04:16.920 --> 04:18.680
Bakit niya 'ko gustong halikan?

04:18.760 --> 04:20.479
May feelings ba siya sa 'kin?

04:20.560 --> 04:21.719
Paano ko malalaman?

04:21.800 --> 04:23.479
Pero kung muntik na kayong maghalikan,

04:23.560 --> 04:24.680
malamang may feelings siya.

04:24.760 --> 04:26.920
Baka inaasar niya lang ako.

04:28.159 --> 04:30.719
Kung may feelings man sa 'yo
si Chef Oab o wala, di ko alam.

04:30.800 --> 04:32.760
Pero ikaw, Wan,
siguradong may feelings ka.

04:32.840 --> 04:34.440
May feelings ka na ba kay Chef Oab?

04:44.599 --> 04:45.520
O, ano?

04:48.320 --> 04:49.719
Wala!

04:49.800 --> 04:50.840
Naguguluhan lang ako.

04:50.919 --> 04:52.479
Ayokong ginugulo niya ang utak ko.

04:52.560 --> 04:53.400
Sira ka.

04:53.479 --> 04:55.880
Wala akong feelings kay chef.

04:55.960 --> 04:58.080
Pero kung gusto ka niya,
di ba 'yon pabor sa 'yo?

04:58.159 --> 05:01.520
Kung gusto ka ni Chef Oab,
may pakinabang 'yon sa 'yo.

05:01.599 --> 05:03.400
Kasi mapapadali ang mga bagay-bagay

05:03.479 --> 05:06.400
sa deal natin kay Methas.

05:06.479 --> 05:11.520
Pero binabalaan kita, pag nahulog ka,
di magiging maganda sa huli.

06:05.560 --> 06:08.200
Nasa rule na bawal nang bumalik
pagkatapos ng 10 PM.

06:13.400 --> 06:14.919
Di ka ba takot mawalan ng points?

06:16.400 --> 06:17.760
Bahala na kayo, Chef.

06:29.760 --> 06:30.840
Galit ka ba sa 'kin?

06:43.200 --> 06:45.719
Hindi, naiinis lang ako.

06:46.719 --> 06:48.479
Ayoko nang di malinaw.

06:50.560 --> 06:51.960
Magkalinawan tayo.

06:52.799 --> 06:55.880
Ano'ng naramdaman mo, Chef
no'ng nandoon tayo sa rooftop?

07:02.799 --> 07:05.000
Isipin mo na lang, walang nangyari.

07:10.760 --> 07:11.840
Okay.

07:11.919 --> 07:14.560
Walang nangyari.

07:14.640 --> 07:17.120
Sana panindigan mo ang sinabi mo.

07:36.120 --> 07:39.159
Kumusta ka? Nakatulog ka ba nang maayos?

07:40.680 --> 07:41.840
Opo.

07:43.840 --> 07:47.039
-Mabuti naman.
-Good morning, Chef.

07:49.719 --> 07:51.919
Nandito na ang lahat, ‘di ba?
Magtrabaho na kayo.

07:58.239 --> 07:59.799
-Sige na!
-Opo, Chef.

08:03.640 --> 08:05.599
Papalapit na ang selection day.

08:05.679 --> 08:07.039
I-remind ko kayo ulit,

08:07.120 --> 08:09.919
lahat ng mangyayari sa kusinang 'to,
may katumbas na points.

08:10.000 --> 08:12.080
May gusto bang lumipat ng station ngayon?

08:12.679 --> 08:14.039
Gusto ko po sa stir-fry station.

08:14.120 --> 08:15.799
Doon po ako pinaka-confident.

08:15.880 --> 08:17.599
Gusto ko po sa frying station.

08:17.679 --> 08:18.719
Gusto kong subukang magprito ulit.

08:19.320 --> 08:20.880
Kukunin ko po ba
ang customer service, Chef?

08:21.479 --> 08:23.520
Para ma-try na ni Plawan
ang magtrabaho sa kusina.

08:25.239 --> 08:27.799
Ano sa tingin mo?
Matagal ka nang nasa service,

08:27.880 --> 08:29.799
gusto mong subukang magtrabaho sa kusina?

08:29.880 --> 08:31.159
Gusto ko po,

08:32.559 --> 08:34.640
pero baka hindi na.

08:36.360 --> 08:39.679
Tingin ko, mas okay sa lahat
na wag na lang mag-stay sa kusina.

08:50.920 --> 08:53.079
Auto, sa stir-fry ka.

08:53.160 --> 08:54.680
Punsib, ikaw sa frying station.

08:54.760 --> 08:56.360
Kluer, ikaw sa dishwashing.

08:56.439 --> 08:58.800
Ganyan ang hatian ng trabaho ngayon.
Sige na.

08:58.880 --> 09:00.040
-Opo, Chef.
-Opo, Chef.

09:30.280 --> 09:31.680
Plawan, may problema ba?

09:32.600 --> 09:34.360
Medyo may tense
sa pagitan ninyo ni Chef, a.

09:34.439 --> 09:36.839
Dahil ba nahuli ka ni Chef
na late kang umuwi kagabi?

09:36.920 --> 09:40.480
Di kita nakitang bumalik sa kwarto
hanggang bandang hatinggabi.

09:41.280 --> 09:42.600
Hindi, may ibang dahilan.

09:43.480 --> 09:45.160
Kung wala naman, okay lang 'yan.

09:45.760 --> 09:48.839
Kahit masungit minsan si Chef,
tiisin mo na lang.

09:48.920 --> 09:50.360
Di naman niya sinasadya 'yon.

09:53.000 --> 09:54.920
Gumagawa si Chef Oab ng mga bagay
nang di nag-iisip, tama?

09:55.760 --> 09:58.319
Bukod sa ’yo,
sino pa ang puwede niyang makatrabaho?

09:59.800 --> 10:01.520
Bakit naman wala?

10:01.600 --> 10:04.439
Gano'n man ang personality niya,
sikat si Chef Oab.

10:05.040 --> 10:06.920
Nagka-girlfriend pa nga siya dati, e.

10:07.000 --> 10:08.920
Ha? Talaga?

10:14.760 --> 10:16.959
Khaosuay ang pangalan niya.

10:17.720 --> 10:21.280
Matagal silang nagkasama
at halos ikasal na nga, e.

10:22.400 --> 10:25.199
Pero, walang ano-ano, si Khaosuay,

10:26.079 --> 10:27.680
nag-decide na mag-aral abroad

10:27.760 --> 10:29.319
at iniwan na lang ang restaurant.

10:29.400 --> 10:31.079
Pagkatapos no'n,
nawalan ng passion si Chef

10:31.160 --> 10:33.720
at nagpasiyang ipasa na lang kung kanino
ang restaurant.

10:34.920 --> 10:36.560
Parang mahal pa niya siya talaga.

10:43.720 --> 10:46.079
Tingnan mo lang 'tong restaurant na 'to.

10:46.160 --> 10:48.199
Tinulungan ni Khaosuay si Chef
na i-decorate ito.

10:48.280 --> 10:50.120
Kung nag-move on na siya,

10:50.199 --> 10:52.680
dapat matagal na niyang pinalitan
ang lahat.

10:53.280 --> 10:54.680
Pero hindi pa rin.

10:54.760 --> 10:56.480
Pero gano'n pa rin lahat.

10:59.319 --> 11:00.480
Dahil doon,

11:01.480 --> 11:03.959
wala sa isip niya ang mag-start over
kung kanino man.

11:16.800 --> 11:18.439
Dito po tayo.

11:18.520 --> 11:21.480
May five-course menu po
ang restaurant namin.

11:21.560 --> 11:23.719
May pagkain po ba na allergic kayo?

11:23.800 --> 11:25.319
Walang allergy.

11:25.400 --> 11:27.360
-Okay.
-Puwedeng magpa-picture?

11:27.439 --> 11:28.560
Sige po.

11:29.760 --> 11:30.880
E, selfie puwede?

11:30.959 --> 11:32.120
Puwede mo ba kaming kunan ng picture?

11:32.199 --> 11:33.680
Okay, sige.

11:33.760 --> 11:35.800
Sige, itodo n'yo na.

11:48.640 --> 11:51.160
Chef, gusto mo bang ikaw na'ng magluto
sa next dish?

11:52.560 --> 11:54.199
Chef?

11:55.400 --> 11:58.400
-Ano?
-Handa na po ang ingredients.

11:58.480 --> 12:00.280
Ilagay ko na ba sa kawali?

12:00.880 --> 12:02.280
Wag na, ako na'ng bahala.

12:22.000 --> 12:23.800
Bakit ang sungit ni Chef ngayon?

12:24.640 --> 12:26.560
Never pa siyang naging lutang,

12:26.640 --> 12:28.439
at ready siyang managpang anumang oras.

12:28.520 --> 12:30.760
Ikaw ang pinaka-close sa kanya,
kaya ingat ka.

12:30.839 --> 12:33.680
Wala ka bang ibang gagawin?
Lumipat ka na lang.

12:34.360 --> 12:35.360
Nakakairita ka.

12:40.920 --> 12:44.760
SEASONING SAUCE GREEN CAP
(SOYBEAN SAUCE)

13:12.240 --> 13:13.800
Chef, ginagawa mo ba 'yong sauce?

13:15.839 --> 13:18.079
Oo, special recipe sauce ko 'to.

13:18.959 --> 13:20.319
Ano'ng tawag sa technique na 'yan, Chef?

13:20.400 --> 13:21.560
At ano 'yong ingredients?

13:23.160 --> 13:25.680
Gisain mo muna ang sili
at bawang hanggang sa bumango.

13:27.560 --> 13:29.800
Gaano katagal igisa ang bawang, Chef?

13:31.120 --> 13:32.480
Kung marami kang tanong,

13:32.560 --> 13:34.079
i-video mo na kung paano 'ko magluto.

13:34.680 --> 13:36.120
Ihanda mo na ang next dish.

13:36.199 --> 13:37.839
-Ngayon na!
-Opo, Chef.

13:53.480 --> 13:54.319
Plawan!

13:54.920 --> 13:56.360
-Gusto mo nang kumain?
-Sige.

13:56.439 --> 13:58.000
Ano'ng nasa menu?

13:58.079 --> 13:59.120
Pritong baboy at ginisang gulay.

13:59.199 --> 14:00.520
Gusto mo ba?

14:02.599 --> 14:04.400
-Masarap ba?
-Kuha ka na kanin.

14:08.079 --> 14:09.079
Chef Oab!

14:09.160 --> 14:11.360
Kain po tayo. Ikukuha ko kayo ng kanin.

14:12.920 --> 14:14.120
Sige, kakain ako.

14:14.719 --> 14:16.920
Halika, sama ka sa'min.

14:26.959 --> 14:29.520
Uy, Plawan. Sa'n ka pupunta?

14:30.800 --> 14:31.800
Busog na ako.

14:31.880 --> 14:33.959
Ihanda ko na 'yong ingredients
sa next round.

14:37.479 --> 14:38.800
Hoy, teka!

14:40.640 --> 14:44.920
Kluer, buong araw bang may saltik
ang roommate mo?

14:45.719 --> 14:47.280
Sa totoo lang, Chef,

14:47.360 --> 14:49.719
may ginawa ka ba kagabi kay Plawan?

14:51.760 --> 14:53.160
Wala.

14:54.160 --> 14:55.680
Kung wala kang ginawa,

14:55.760 --> 14:58.120
edi, walang dahilan para magalit
si Plawan.

14:59.240 --> 15:01.240
Baka iritable lang siya, kaya gano'n.

15:01.319 --> 15:02.719
Wag ka nang mag-alala sa kanya.

15:02.800 --> 15:04.040
Kain tayo.

15:06.199 --> 15:07.240
Halika na.

15:11.560 --> 15:14.439
Ako'ng bahala kay Plawan.
Wag kang mag-alala.

15:28.240 --> 15:29.479
Ba't siya pumunta do'n?

15:30.520 --> 15:33.000
Kainis, isang piraso ng baboy lang
ang nakain ko.

15:37.280 --> 15:39.640
Gutom na ako. Ano kaya'ng
puwede kong kainin?

15:44.479 --> 15:46.439
Hindi, di ako gutom.

16:18.520 --> 16:20.319
Auto, tara kain na tayo.

16:24.000 --> 16:25.040
Auto!

16:29.120 --> 16:30.959
Auto, ano'ng ginagawa mo?

16:31.040 --> 16:32.199
May sinusulat ka ba?

16:33.520 --> 16:35.560
Ba't ka ba pasulpot-sulpot nang ganyan?

16:37.520 --> 16:40.160
Sobrang stressed ka ba sa test natin?

16:40.240 --> 16:43.839
Lagi kitang nakikitang nagsusulat
at seryoso.

16:44.959 --> 16:46.560
Naghahanda lang ako gaya ng iba.

16:46.640 --> 16:49.359
Nag-iisip ako ng mga recipe, presentation.
Di mo ba ginagawa 'yon?

16:49.439 --> 16:51.560
Syempre meron. Ang dami kong nagawa.
Gusto mo bang makita?

16:54.280 --> 16:55.520
Eto, o.

16:55.599 --> 16:58.400
May mga dish akong kinuha
na nakaka-inspire.

16:58.479 --> 17:01.240
May nakita din akong pictures online.

17:01.319 --> 17:03.359
Baka magka-idea ako pag tiningnan ko lang.

17:04.119 --> 17:07.000
Pinapakita mo talaga 'yang gawa mo
sa competitor?

17:07.919 --> 17:09.480
Wala naman akong problema do'n.

17:09.560 --> 17:11.960
Kita ko kasing stressed ka,
kaya gusto kong tumulong.

17:12.040 --> 17:13.639
Pero di ako humihingi ng tulong.

17:15.359 --> 17:17.359
Puwedeng lubayan mo na 'ko?

17:17.440 --> 17:19.960
Kahit ang makipagshare ng kwarto sa iba

17:20.040 --> 17:22.119
naririndi na ako agad.

17:41.280 --> 17:43.240
-Nandito na ang basket.
-Dito na lang 'yan.

17:46.960 --> 17:48.200
Ano'ng problema, Som?

17:51.240 --> 17:53.360
Bakit?
Ba't mo 'ko tinitingnan nang ganyan?

17:53.440 --> 17:54.800
JJ!

17:54.879 --> 17:57.960
Ano'ng ginawa mo kay Mr. Methas,
ang double VIP patient ko?

17:59.120 --> 18:00.120
Wala akong ginawa.

18:00.760 --> 18:02.159
Sino'ng nagsabi sa 'yo?

18:02.760 --> 18:03.960
Si matakaw na Mr. Methas?

18:04.040 --> 18:05.840
'Yong secretary niya.

18:05.919 --> 18:07.600
Tumawag siya sa clinic para mag-complain.

18:07.680 --> 18:11.120
Sabi, 'yong physiotherapist
na pinadala namin no'ng isang araw

18:11.200 --> 18:12.159
di raw magaling,

18:12.240 --> 18:13.919
kaya dislocated na ngayon si Mr. Methas.

18:14.960 --> 18:16.360
Paano ko naging kasalanan 'yon?

18:16.440 --> 18:19.760
Binalaan ko na siya,
pero ang tigas ng ulo ni Mr. Methas.

18:19.840 --> 18:22.760
Sinamahan ko pa nga siya
no'ng surgery niya, e.

18:22.840 --> 18:24.560
Ang dami kong ginawa,

18:24.639 --> 18:25.879
ta's nagrereklamo pa siya sa 'kin?

18:26.480 --> 18:29.240
May history na ba 'ko na pumalpak
sa trabaho?

18:30.000 --> 18:33.159
Alam kong lagi kang maingat.

18:33.240 --> 18:35.480
Pero siya 'yong nagrereklamo kasi,
so ano'ng gagawin ko?

18:36.080 --> 18:37.200
Wag mo lang pansinin.

18:37.280 --> 18:40.080
Hayaan mo lang siyang magdrama.
Titigil din 'yon.

18:40.159 --> 18:41.399
O idedemanda niya 'ko?

18:41.480 --> 18:43.480
Kung gusto niyang magdemanda, pabayaan mo.

18:43.560 --> 18:46.120
May ebidensya ako ng lahat ng sinabi ko.

18:46.720 --> 18:48.639
Di mo pa alam ang reputasyon niya, ano?

18:48.720 --> 18:52.040
Pag ni-post niya 'to sa social media
tapos na ang clinic natin.

18:52.120 --> 18:53.840
Kahit pa tayo ang tama,

18:53.919 --> 18:57.480
pag nakalabas na 'yon,
mahirap nang depensahan.

18:59.159 --> 19:01.720
May mas madaling paraan.

19:02.520 --> 19:03.879
Kailangan mong gawin 'yong ayaw mo.

19:05.080 --> 19:06.120
Gaya ng ano?

19:10.679 --> 19:12.120
Kainis ka, Som.

19:12.840 --> 19:13.960
Ang bigat pa naman nito.

19:17.320 --> 19:19.480
DR. AKARAWUT TEERAKITBUNNAKARN
MR. METHAS SIRAMONGKOLSAWAT

19:25.000 --> 19:28.520
Sige, na nga.
Gagawin ko 'to para sa future ko.

19:30.200 --> 19:31.480
Tara na, JJ.

19:33.960 --> 19:35.159
Sinabi ko na sa 'yo.

19:35.240 --> 19:37.639
Di ako gagamit ng crutches.

19:37.720 --> 19:41.240
If you don’t do physical therapy properly,
your condition won’t improve.

19:41.320 --> 19:42.679
Sinabi ko naman

19:42.760 --> 19:44.200
Babayaran ko na lang.

19:44.280 --> 19:46.440
Tulungan mo na lang akong mag-recover

19:46.520 --> 19:47.879
Nang hindi gumagamit ng saklay.

19:48.919 --> 19:52.280
Di mo naiintindihan.
May bilyong halaga akong aasikasuhin.

19:52.360 --> 19:54.480
Kung makakalabas ako ng hospital bukas,
mas maganda.

19:55.159 --> 19:56.679
Pero kaka-opera lang sa 'yo.

19:57.280 --> 19:58.440
Lilipat na lang ako ng ospital.

19:59.280 --> 20:02.280
Mas maganda 'yon
kaysa sayangin ang oras ko dito.

20:04.919 --> 20:05.840
Mawalang galang na,

20:06.520 --> 20:09.000
puwede mo bang ayusin
ang pakikipag-usap sa kanila?

20:09.600 --> 20:13.840
Di porke mayaman ka
puwede mo ng maliitin ang iba.

20:14.520 --> 20:15.760
Ikaw na naman?

20:15.840 --> 20:18.560
Di ba naglatag na ng reklamo
ang secretary ko tungkol sa 'yo?

20:19.120 --> 20:20.440
Bakit ka pa nandito?

20:20.520 --> 20:22.720
Katunayan,
pumunta ako para humingi ng tawad.

20:23.320 --> 20:25.760
Pero pagkatapos kong makita
kung paano mo tratuhin ang iba,

20:25.840 --> 20:27.600
Nagbago ang isip ko.

20:27.679 --> 20:30.720
At kung gusto mong magreklmo ulit
tungkol sa trabaho ko,

20:30.800 --> 20:31.760
sige.

20:34.000 --> 20:35.280
Ikaw… aray!

20:41.840 --> 20:45.200
Di ka dapat gumagalaw sa kondisyon mo.

20:45.280 --> 20:47.800
Makinig ka dapat sa doktor

20:47.879 --> 20:49.320
at magpahinga.

20:49.399 --> 20:52.240
At wag isipin ang trabaho sa ngayon.

20:53.159 --> 20:55.240
May gusto akong i-suggest.

20:55.320 --> 20:58.520
Maghanap ka ng taong mag-aalaga sa’yo.

20:59.200 --> 21:02.000
Kung maayos sana ang trato mo sa mga tao,
baka may kasama ka sana ngayon.

21:11.960 --> 21:13.159
Bwesit!

21:31.440 --> 21:32.919
Di mo ba gusto ang pagkain?

21:33.919 --> 21:36.760
Puwede kong ipabago ang recipe
sa restaurant na gusto mo.

21:37.960 --> 21:40.280
Di na kailangan. Di ako gutom.

21:42.399 --> 21:45.200
Sige na, ayusin mo na paglabas ko bukas.

21:46.879 --> 21:49.600
Pa'no yong therapy plan
na nirekomenda ng doktor?

21:50.879 --> 21:52.360
May naisip na akong lugar.

21:54.320 --> 21:57.639
-Tawagan mo na lang sila para sa’kin.
-Sige.

21:59.919 --> 22:01.800
May gusto akong i-suggest.

22:01.879 --> 22:04.560
Maghanap ka ng taong mag-aalaga sa’yo.

22:20.320 --> 22:21.520
Nakakagutom.

22:33.240 --> 22:36.520
Kung di ka kumain sa umaga,
baka himatayin ka sa gabi.

22:40.320 --> 22:42.679
Di mo dapat ako pinagluluto.

22:44.159 --> 22:46.879
Para saan ba talaga ito, Chef?

22:50.240 --> 22:53.240
Bilang boss mo, siyempre.
Kaya, kakain ka ba o hindi?

24:07.560 --> 24:10.879
Ano'ng meron sa’yo,
bigla mo na lang akong inaaya uminom?

24:11.639 --> 24:13.960
Bakit? Hindi na ba kita puwedeng yayain?

24:14.040 --> 24:15.360
Mayabang ka na?

24:15.439 --> 24:16.480
May-ari ka na ng restaurant

24:16.560 --> 24:17.760
-binago na ang ugali mo?
-Tumigil ka.

24:17.840 --> 24:21.120
Ibinubunton mo ba sa 'kin
ang inis mo sa restaurant?

24:21.200 --> 24:23.080
Kung may galit sa iba,

24:23.159 --> 24:24.760
sabihan mo sila at tapusin na natin ’to.

24:24.840 --> 24:26.560
Hindi naman sa nagagalit ako.

24:26.639 --> 24:28.360
May isa lang talagang tao

24:28.439 --> 24:30.399
na mahilig sumagot nang pabalik.

24:31.200 --> 24:32.439
Kailangan kong bumawi sa kanila.

24:33.919 --> 24:37.000
May naiisip ka bang magandang idea?

24:37.080 --> 24:40.560
Marami. Pero ang tanong ko,

24:40.639 --> 24:42.960
bumabawi ka sa kanila bilang ano?

24:43.879 --> 24:44.840
Bilang staff member ba ng restaurant mo?

24:44.919 --> 24:46.639
O dahil may gusto ka sa taong 'yon?

24:47.280 --> 24:48.600
A, gano'n ha? Gusto mong mainis ako.

24:49.320 --> 24:50.919
-Eto sa 'yo!
-Aray!

24:51.000 --> 24:52.480
Di mo pa rin binabago 'yan?

24:52.560 --> 24:53.560
Ang alin?

24:53.639 --> 24:55.720
Ang mambara at mang-assume.

24:55.800 --> 24:58.360
Bakit ka sa 'kin nagsasabi?

24:59.639 --> 25:01.320
Kita mo? Di ka nag-deny.

25:01.399 --> 25:03.919
Kita mo? Di ako nag-iimagine ng mga bagay.

25:04.000 --> 25:06.280
Pero di ka naman 'yong tipo na

25:06.360 --> 25:07.840
babawi sa iba.

25:07.919 --> 25:11.800
Nang makipag-break sa 'yo si Khaosuay,
grabe ang iyak mo,

25:12.679 --> 25:13.560
pero di mo naman siya sinuyo.

25:13.639 --> 25:15.399
Iba naman kasi 'yon.

25:15.480 --> 25:17.800
Pero magandang sign ito, Oab.

25:18.520 --> 25:21.840
Ibig sabihin, ready ka nang mag-move on
kay Khaosuay.

25:22.520 --> 25:25.760
At maganda 'yon sa totoo lang.

25:25.840 --> 25:28.560
Pero ito ang sasabihin ko,

25:28.639 --> 25:31.080
kung di mo mabitawan
ang past relastionship mo,

25:31.760 --> 25:32.840
wag ka nang manuyo.

25:34.520 --> 25:36.159
Baka magdulot lang ng problema.

25:37.120 --> 25:39.439
Sigurado ka dapat sa sarili mo.

25:42.000 --> 25:45.480
So… kung sigurado na 'ko sa sarili ko,

25:46.840 --> 25:48.159
ano'ng gagawin ko?

25:52.159 --> 25:54.080
Edi, let's go! Let's go,

25:54.159 --> 25:55.639
let's go, let's go!

25:55.720 --> 25:57.600
Ta's sabay tayo.

25:57.679 --> 26:00.000
Sabay nating itama ang mga bagay,
at mag-move on sa kanila.

26:00.080 --> 26:01.960
Ano pa'ng hinihintay mo?

26:02.639 --> 26:04.159
Let's go,

26:04.240 --> 26:06.040
let's go, let's go, let's go!

26:07.040 --> 26:08.560
-Anong klaseng kanta 'yan?
-Ha?

26:09.159 --> 26:10.439
Inom na!

26:11.280 --> 26:12.639
Inom na, cheers!

26:24.240 --> 26:25.560
Ayon!

26:26.399 --> 26:28.879
'Yan, ganyan nga, go, go!

26:47.960 --> 26:49.280
Hello?

26:49.919 --> 26:50.800
Sandali lang, ha.

26:50.879 --> 26:51.919
Sige, ano 'yon?

26:55.360 --> 26:56.199
Oo?

27:06.439 --> 27:07.560
Putik!

27:08.960 --> 27:10.800
Ano'ng tawag sa technique na 'to?

27:10.879 --> 27:12.120
-At 'yong ingredients?
-Kumusta?

27:12.199 --> 27:13.040
May sinusulat ka?

27:15.960 --> 27:17.120
Sinulat ba niya lahat?

27:24.600 --> 27:26.919
SCALLOP BASIL SOUP

27:42.720 --> 27:44.240
'Yan, pasok!

28:18.520 --> 28:20.720
SENERA SENIOR WELLNESS

28:25.159 --> 28:26.000
Ano'ng balita?

28:26.080 --> 28:28.439
Wag mong sabihing idedemanda na 'ko.

28:34.000 --> 28:35.040
Napano ka, Som?

28:35.120 --> 28:36.720
Ano'ng meron sa 'yo, JJ?

28:36.800 --> 28:40.080
Ano'ng sinabi mo kay Mr. Methas kahapon?

28:40.159 --> 28:43.240
Ba't niya biglang binili
ang premium package?

28:43.320 --> 28:44.520
Ang laki no'n!

28:44.600 --> 28:45.879
Totoo ba?

28:45.959 --> 28:46.959
Oo, nga.

28:47.760 --> 28:50.840
Edi, congrats
at nakakuha ka ng malaking client.

28:50.919 --> 28:54.679
Sabihan mo na ang star physiotherapist mo
na si Elk na mag-ready.

28:55.360 --> 28:59.480
Parang nagme-menopause
'yong si Mr. Methas sa mood swings niya.

28:59.560 --> 29:00.480
Ows, talaga?

29:00.560 --> 29:02.840
Di ko naman sinabing si Elk
ang magha-handle.

29:03.919 --> 29:06.679
Kung di siya, e, di sino?

29:06.760 --> 29:09.320
Dati na niyang hinilot si Mr. Methas.

29:09.399 --> 29:13.600
This time, ikaw ang gusto ni Mr. Methas.

29:14.639 --> 29:16.159
Ano? Ba't ako?

29:16.240 --> 29:18.199
-Oo, nga.
-Ayaw ko nga.

29:18.280 --> 29:19.199
Ayaw ko, Som.

29:19.280 --> 29:21.399
Hanap ka na lang ng iba para sa kanya.

29:21.480 --> 29:22.639
Ayaw kitang masira.

29:22.720 --> 29:25.800
-Hay, sige na.
-Hindi, ayaw ko nga.

29:25.879 --> 29:29.399
Ang galing galing mo,
paano mo masisira 'yon?

29:31.919 --> 29:33.800
Magsimula ka na ngayon, okay?

29:34.439 --> 29:35.679
Som!

29:37.879 --> 29:39.800
MR. METHAS SIRAMONGKOLSAWAT

29:39.879 --> 29:41.639
Ano ba'ng nagawa kong kasalanan?

29:42.399 --> 29:44.360
NO LONG BEANS BASIL HOUSE

29:51.600 --> 29:53.000
Chef?

29:54.800 --> 29:55.600
Ano 'yon?

29:58.120 --> 29:59.280
Kasi…

30:04.280 --> 30:05.639
Wala, Chef.

30:05.720 --> 30:07.399
Kung wala kang sasabihin, mag-ready ka na.

30:07.480 --> 30:08.720
Susunod na ang next round ng competition.

30:09.720 --> 30:10.760
Opo, Chef.

30:17.600 --> 30:19.520
Ngayon ang first major test n'yo.

30:20.040 --> 30:22.320
Uulitin ko sa inyo ang rules.

30:22.919 --> 30:25.199
Sa araw na 'to, may isang matatanggal.

30:25.919 --> 30:29.639
Kung ayaw n'yong maging kayo 'yon,
galingan ninyo.

30:29.720 --> 30:32.919
Gaya ng sabi ko dati, ang challenge ay

30:33.000 --> 30:34.600
basil stir-fry na may bilog na fried egg.

30:40.000 --> 30:42.240
Bibigyan ang bawat isa sa inyo ng itlog.

30:42.840 --> 30:45.760
Pag nagkamali, wala na kayo sa competition

30:45.840 --> 30:48.679
dahil walang puwang ang mali
sa kusing ito.

30:48.760 --> 30:50.679
May 15 minuto kayo.

30:50.760 --> 30:52.800
Kung handa na kayo, umpisahan n'yo na.

30:52.879 --> 30:53.840
-Opo, Chef.
-Opo, Chef.

30:59.399 --> 31:01.080
Okay, mag-focus ka lang.

31:01.159 --> 31:02.520
Kaya mo 'to.

31:30.879 --> 31:31.720
Naku!

31:34.520 --> 31:37.040
Naku po!

31:43.560 --> 31:45.600
Auto, patulong naman, please.

31:50.480 --> 31:53.480
Kluer, Plawan, tulungan n'yo 'ko.

32:07.240 --> 32:08.280
Punsib,

32:08.800 --> 32:10.199
Hahatian kita ng itlog.

32:10.959 --> 32:11.800
Hahatian kita ng itlog.

32:16.560 --> 32:17.600
Plawan, ano'ng ginagawa mo?

32:18.120 --> 32:19.199
Sira ka ba?

32:23.439 --> 32:24.879
Teka, tulungan kita.

32:24.959 --> 32:26.600
Tutulungan kita.

32:41.560 --> 32:43.800
Sapat na 'to para makagawa ng fried egg.

32:44.919 --> 32:47.719
Salamat, Plawan. Salamat, Kluer.

32:53.360 --> 32:55.320
Mukha naman siyang mabait.

32:56.320 --> 32:59.399
Kaya pala nakatutok ang mata mo sa kanya.

33:00.000 --> 33:02.199
Nueng, ang ingay mo.

33:28.439 --> 33:30.080
Sampung segundo na lang.

33:31.399 --> 33:33.520
Sampu, siyam

33:34.120 --> 33:34.959
walo,

33:35.600 --> 33:36.600
pito,

33:37.199 --> 33:38.199
anim,

33:38.280 --> 33:39.320
lima,

33:40.360 --> 33:41.280
apat,

33:41.919 --> 33:43.120
tatlo,

33:43.199 --> 33:44.199
dalawa

33:44.879 --> 33:46.000
isa,

33:46.080 --> 33:47.719
time's up. Tigil na kayo.

34:10.319 --> 34:13.080
Sakto ang flavor.
Nasipsip ng karne ang seasoning.

34:13.159 --> 34:14.960
Maganda rin ang pagkagawa sa fried egg.

34:15.560 --> 34:17.239
Gusto ko ang presentation nito.

34:17.319 --> 34:20.239
Nag-complement din sa braised pork basil.

34:20.319 --> 34:21.440
Salamat, Chef.

34:29.839 --> 34:32.080
Auto, magaling ang ginawa mo
sa paggisa sa karne.

34:32.159 --> 34:33.679
Tamang-tamang lang ang pagkaprito.

34:33.759 --> 34:35.159
Masarap at lasang-lasa ang flavor.

34:35.239 --> 34:36.839
Salamat, Chef.

34:36.920 --> 34:38.239
Masarap ang dish na 'to.

34:44.679 --> 34:47.199
Punsib, magaling ka sa pagprito.

34:47.279 --> 34:48.799
Medyo maliit nga lang ang itlog.

34:49.400 --> 34:52.319
Pero gusto ko ang plating style mo.

34:52.400 --> 34:53.880
Ang sarap tingnan sa mata.

34:54.480 --> 34:58.279
Pagdating sa itlog,
na-handle mo naman nang mabuti.

34:58.360 --> 34:59.720
Salamat, Chef.

35:16.440 --> 35:18.960
Hoy, di ka ba magko-comment?

35:19.040 --> 35:20.880
Hindi, tapos na.

35:23.160 --> 35:24.319
Sasabihin ko na ngayon.

35:25.040 --> 35:27.279
Ang taong mae-eliminate ngayon ay si…

35:36.120 --> 35:37.080
Auto.

35:42.360 --> 35:44.440
Paano nangyari 'yon, Chef?

35:44.520 --> 35:46.279
Pinakaperpekto ang dish ko dito!

35:46.360 --> 35:49.360
Parehong na-meet ng basil stir-fry
at fried egg ang criteria.

35:49.440 --> 35:50.799
Ba't gano'n ang desisyon n'yo?

35:51.400 --> 35:53.080
Humingi ng tulong si Punsib,
ano'ng ginawa mo?

35:53.160 --> 35:54.880
Nag-focus ako sa sarili kong dish, Chef.

35:55.600 --> 35:56.759
Tama ka.

35:56.839 --> 35:59.440
Pero di ginagawa nang mag-isa
ang kitchen work.

35:59.520 --> 36:02.120
Pag may nagkamali kailangang may tumulong,

36:02.200 --> 36:03.600
dahil kung hindi, babagsak ang restaurant.

36:04.400 --> 36:06.480
Sinabi ko na sa inyo,
tinitingnan ko lahat.

36:10.480 --> 36:11.720
At isa pa.

36:11.799 --> 36:14.720
Walang nakakalusot dito
na nagtatrabaho para kay Methas.

36:16.640 --> 36:17.799
Nagtatrabaho ka kay Methas?

36:24.960 --> 36:26.600
Paano n'yo nasabi 'yan?

36:27.319 --> 36:30.279
Labas-masok ka gabi-gabi
para gumawa ng phone calls.

36:31.480 --> 36:33.120
Akala mo di ko mahahalata?

36:33.200 --> 36:36.640
Sinabi ko naman, lahat ng nangyayari
sa restaurant na 'to, alam ko.

36:36.720 --> 36:38.640
Pero wala kayong ebidensya.

36:40.520 --> 36:43.880
Paano mo ito ipapaliwang, Auto?

36:45.600 --> 36:47.080
RIB EYE WITH BASIL SAUCE

36:47.160 --> 36:49.520
Parang di lang exam preparation
ang ginagawa mo,

36:49.600 --> 36:51.440
nangangalap ka rin ng impormasyon.

36:56.080 --> 36:57.759
Punsib, patingin ako niyan.

37:01.319 --> 37:04.120
Ito lahat ang recipe mo sa restaurant, a,

37:05.120 --> 37:08.000
pati 'yong presyo
at mga contact ng supplier.

37:10.839 --> 37:12.319
May gusto ka pang sabihin?

37:12.920 --> 37:14.799
Di ako nagtatrabaho para kay Methas.

37:14.880 --> 37:16.319
Paano kita paniniwalaan?

37:20.960 --> 37:21.960
Kasi…

37:26.120 --> 37:28.279
Nagpapatakbo rin ng restauran
ang pamilya ko,

37:29.759 --> 37:31.319
pero Chinese restaurant ito.

37:31.920 --> 37:33.960
Maba-bankrupt na ang restaurant namin,

37:34.040 --> 37:36.279
kaya gumawa ako ng paraan para isalba ito.

37:37.040 --> 37:38.640
Tapos nakita ko ang announcement ni Chef.

37:42.359 --> 37:45.839
Naisip ko kung matututo ako't isusulat
ang mga basil recipe,

37:45.920 --> 37:47.920
baka magamit ko
para sa sarili kong restaurant

37:49.040 --> 37:51.200
at pabalikin nito ang mga customer ko.

37:51.279 --> 37:52.640
'Yon lang po.

37:52.720 --> 37:55.279
E, 'yong paglabas-labas mo
para tumawag gabi-gabi,

37:55.359 --> 37:56.440
paano mo ipapaliwanag 'yon?

37:58.520 --> 37:59.799
Kausap ko po ang nanay ko.

38:03.960 --> 38:07.200
Kung di kayo naniniwala sa 'kin,
ipapakita ko.

38:34.080 --> 38:37.160
Auto. May problema ba, anak?

38:37.240 --> 38:38.480
Ba't ka tumatawag?

38:39.000 --> 38:42.160
Wala ka bang test ngayon? Kumusta naman?

38:43.480 --> 38:44.520
Opo.

38:45.480 --> 38:46.880
Na-eliminate ako, Ma.

38:48.680 --> 38:50.000
Pasensya na.

38:52.720 --> 38:55.560
Okay lang, anak. Maliit na bagay
lang 'yan.

38:56.640 --> 38:58.160
Umuwi ka na..

38:59.160 --> 39:02.880
Opo, Ma. Uuwi na 'ko.

39:12.240 --> 39:13.240
Chef,

39:14.480 --> 39:17.080
kahit na may mga patago akong ginawa,

39:17.160 --> 39:19.799
wala akong masamang balak
sa restaurant mo.

39:21.040 --> 39:24.560
Nasisiguro kong di ako nagtatrabaho
kay Methas.

39:28.240 --> 39:31.960
Bukod doon, ayaw ko ang restaurant mo,

39:33.319 --> 39:35.799
at wala akong intensyong kunin ito sa 'yo.

40:30.240 --> 40:33.560
Auto…

40:33.640 --> 40:36.160
Humihingi ako ng tawad
kasi nagduda ako sa 'yo.

40:38.960 --> 40:40.240
Okay lang.

40:40.319 --> 40:42.960
Alam kong mapapansin mo kalaunan.

40:43.600 --> 40:45.080
Pero wala ka namang sinabi, di ba?

40:45.839 --> 40:49.520
Kung di lang nabanggit ni Chef Oab,
di mo rin babanggitin, tama?

40:51.160 --> 40:52.560
Maraming salamat.

41:02.880 --> 41:05.839
Sinasarili mo ba ang mga 'yan

41:05.920 --> 41:07.920
kasi kailangan mong itago ang itensyon mo?

41:09.240 --> 41:11.400
Hindi, ganito ako talaga.

41:16.440 --> 41:20.200
Anyway, salamat sa pagiging
mabuting roommate mo.

41:21.240 --> 41:23.920
Mag-instagram ako tapos ila-like ko do'n
'yong photos mo.

41:46.080 --> 41:47.319
Okay lang 'yan, Auto.

41:48.319 --> 41:49.920
NO LONG BEANS BASIL HOUSE

41:50.000 --> 41:51.080
Kita-kita tayo sa susunod, ha.

41:53.319 --> 41:54.520
Teka lang.

41:59.120 --> 42:00.319
Ano po 'yon, Chef?

42:14.680 --> 42:17.000
Binabalik n'yo sa 'kin 'to, Chef?

42:18.359 --> 42:19.480
Oo.

42:21.640 --> 42:23.720
Pero di pupuwedeng kopyahin mo
lahat ng recipe.

42:25.600 --> 42:27.080
Naniniwala akong talentado ka.

42:27.160 --> 42:29.720
Magkakaroon ka ng unique selling point
para sa restaurant mo.

42:32.880 --> 42:35.480
Pero kailangan mong magkaroon
ng kumpiyansa sa sarili mo.

42:37.600 --> 42:40.920
At pag kailangan mo ng taste-test,
tawagan mo lang ako.

42:45.759 --> 42:46.880
Salamat, Chef.

42:46.960 --> 42:49.120
Pag may bago akong dish sa restaurant ko,

42:49.920 --> 42:51.480
iimbitahan ko lahat na tikman 'yon.

42:53.279 --> 42:55.359
-Kayo din.
-Okay.

42:55.440 --> 42:56.560
Punta ako doon.

42:56.640 --> 42:59.520
Ako din! Bigyan ko ng 5-star review.

43:00.799 --> 43:02.040
Mauna muna ako.

43:02.120 --> 43:03.560
-Sige.
-Excited na ako.

43:04.160 --> 43:05.520
-Okay?
-Sige, bye.

44:02.080 --> 44:03.480
Uminom ka muna ng tubig.

44:05.440 --> 44:07.799
Mag-isang nakatira lang
ni Mr. Methas dito?

44:08.400 --> 44:10.400
O sa ibang bahay nakatira
ang pamilya niya?

44:10.480 --> 44:12.680
Pasok na ba ako at batiin ko muna siya?

44:12.759 --> 44:13.759
Wala na ang pamilya niya

44:13.839 --> 44:15.600
habang nag-aaral abroad si Mr. Methas.

44:15.680 --> 44:17.879
Nabalita iyon dito.

44:17.960 --> 44:20.120
Secretary na lang niya ang dumadalaw
paminsan-minsan.

44:20.879 --> 44:21.879
A, gano'n ba?

44:21.960 --> 44:25.080
-Tatawagin ko na si Mr. Methas.
-Sige.

44:35.160 --> 44:37.879
Nasaan ang pamilya't secretary mo?

44:37.960 --> 44:41.240
Inayos ng secretary ko ang insurance
tapos umalis na.

44:41.319 --> 44:44.200
Pamilya? Wala ako noon.

44:49.240 --> 44:50.279
I-search ko nga.

44:58.160 --> 45:01.600
TRAHEDYANG AKSIDENTE
SA BILLIONAIRE BUSINESS FAMILY

45:01.680 --> 45:04.400
MR. SUTATH SIRAMONGKOLSAWAT

45:04.480 --> 45:07.400
ISANG REAL ESTATE BUSINESSMAN,
ANG NAAKSIDENTE

45:07.480 --> 45:08.560
Diyos ko.

45:12.799 --> 45:16.920
Napaka-professional na physical therapist.
Tamang-tama sa oras ang pagdating.

45:18.000 --> 45:19.400
Kumusta po, Mr. Methas.

45:21.960 --> 45:23.400
Tulungan ko po kayo.

45:24.480 --> 45:26.240
Delikado ang ganyang paglakad.

45:30.799 --> 45:32.000
Dahan-dahan sa pag-upo.

45:34.240 --> 45:37.400
Mag-physiotherapy po tayo ngayon
nang 45 minuto.

45:37.480 --> 45:41.160
Una muna, magpalit po tayo
sa mas kumportableng damit.

45:43.799 --> 45:45.080
Ano'ng problema sa suot ko?

45:46.040 --> 45:47.879
Ito ang pinakakumportable kong outfit.

45:49.200 --> 45:50.879
Okay po ang sportswear.

45:52.160 --> 45:53.319
Excuse me,

45:54.200 --> 45:57.440
puwede mo bang dalhan
si Mr. Methas ng pang-workout?

45:57.520 --> 45:58.680
Tutulungan ko siyang magbihis.

45:59.400 --> 46:00.960
-Sige.
-Salamat.

46:04.000 --> 46:06.240
Tulungan ko po kayong magpalit.

46:06.319 --> 46:08.799
Nahihirapan ako sa ganyang uri ng outfit.

46:13.440 --> 46:14.560
Pakitanggal po 'yong butones.

46:21.000 --> 46:23.879
Di ko in-expect na pupunta ka
para mag-physiotherapy.

46:24.480 --> 46:27.279
Kita mo? Lahat nabibili ng pera.

46:30.560 --> 46:32.440
Di ako nagpunta dito dahil sa pera.

46:33.359 --> 46:34.799
Nandito ako para magtrabaho.

46:35.400 --> 46:37.200
Wala akong gustong madamay dito

46:37.279 --> 46:39.240
dahil lang may problema ka sa 'kin.

46:53.400 --> 46:57.799
Di ka ba laging nagsasakripisyo
para sa ikabebenepisyo ng iba?

46:58.560 --> 46:59.839
Noong nasa ospital ka,

47:00.440 --> 47:03.319
ano 'yong gusto mo? Pera ba?

47:03.960 --> 47:05.319
Connections para matulungan ka?

47:06.319 --> 47:07.759
Paano mo naisip ang mga 'yan?

47:08.319 --> 47:10.319
Mukha ba akong may gustong makuha sa 'yo?

47:10.920 --> 47:12.080
Di ko maintindihan.

47:13.359 --> 47:17.160
Kung wala ka namang mapapala,
ba't mo ginagawa?

47:19.799 --> 47:21.359
Wala kang kailangang intindihan ngayon.

47:22.200 --> 47:23.920
Balang araw, maiintindihan mo.

47:56.680 --> 47:58.240
Simulan na natin ang session.

48:06.480 --> 48:07.600
Tense ka po ba?

48:09.240 --> 48:10.080
Medyo.

48:29.720 --> 48:31.160
Warm-up lang ito.

48:34.080 --> 48:35.000
Dahan-dahan lang.

48:55.920 --> 48:57.080
Konting tiis lang.

48:59.600 --> 49:01.680
Itaas n'yo 'yong tuhod n'yo.

49:02.560 --> 49:04.160
-Ta's ibaluktot n'yo.
-Dahan-dahan lang.

49:04.240 --> 49:06.279
Okay lang, nakaalalay ako.

49:07.400 --> 49:08.400
Dahan-dahan lang.

49:08.480 --> 49:10.120
-Ang sakit.
-Alam ko po.

49:11.879 --> 49:13.600
Okay, dahan-dahan.

49:15.640 --> 49:16.839
Ready?

49:18.120 --> 49:19.480
Aray!

49:26.879 --> 49:28.120
Masakit po ba?

49:28.799 --> 49:29.799
Kaya ko naman.

49:36.839 --> 49:38.160
Ano'ng nararamdaman n'yo?

49:39.480 --> 49:40.319
Masakit pa rin.

49:46.839 --> 49:48.120
Aray!

50:03.960 --> 50:05.799
Itong paglabas mo sa 'kin,

50:05.879 --> 50:08.200
kasama ba 'to sa physical therapy package?

50:09.120 --> 50:10.520
Magkano 'yong extrang babayaran ko?

50:10.600 --> 50:12.200
Wala kang kailangang bayaran.

50:12.279 --> 50:15.000
Ginagawa ko 'to
kasi gusto lang kitang tulungan.

50:15.080 --> 50:16.359
Nasa bahay ka lang at nasasaktan,

50:16.960 --> 50:19.160
ayaw mo namang humingi ng tulong
kung kanino, tama?

50:21.319 --> 50:24.120
Naniniwala ako na kapag tumulong tayo
sa iba

50:24.879 --> 50:26.520
wag tayong laging mag-expect
ng gantimpala.

50:41.040 --> 50:42.359
Ang higpit naman.

50:42.960 --> 50:45.359
Gano'n kasi dapat.
Mas makaka-recover ka pag ganyan.

50:48.560 --> 50:49.879
Ba't mo 'to ginagawa sa 'kin?

50:51.399 --> 50:53.120
Para mas maganda ang mood mo

50:53.200 --> 50:56.000
at hindi ka na masungit sa iba.

50:56.600 --> 50:59.960
Para sabihin ko sa 'yo,
naaapektuhan ng isip ang katawan.

51:00.040 --> 51:03.399
Kapag mas stressed ka,
mas mabagal ang recovery mo.

51:10.920 --> 51:12.480
Parang galit ka sa 'kin,

51:13.160 --> 51:15.600
pero sa tuwing magkikita tayo,
bumibilis ang tibok ng puso ko.

51:15.680 --> 51:17.480
Hindi ito bumibilis dahil sa galit,

51:17.560 --> 51:19.000
iba ang dahilan.

51:19.080 --> 51:21.279
Heart therapist ka ba?

51:23.240 --> 51:24.839
Ano'ng pinagsasasabi mo?

51:24.920 --> 51:26.759
Kung gusto mo 'kong manatili dito,

51:26.839 --> 51:28.279
manahimik ka

51:28.359 --> 51:30.560
at mag-focus ka sa therapy
para gumaling ka na.

51:30.640 --> 51:32.319
Tapos puwede na tayong magkanya-kanya.

51:34.600 --> 51:36.240
Noong una, gusto ko nang maka-recover,

51:36.319 --> 51:38.200
pero ngayon, ayaw ko na.

51:39.120 --> 51:40.920
Alagaan mo 'ko nang matagal na panahon,

51:41.000 --> 51:42.399
Dr. JJ.

51:43.480 --> 51:46.000
-Ha?
-Ilang beses ko nang sinabi,

51:46.080 --> 51:48.640
di ako doktor, physiotherapist ako.

51:49.920 --> 51:52.759
Okay, Mr. physiotherapist JJ.

52:03.279 --> 52:04.440
Nasaan sina Kluer at Punsib?

52:06.799 --> 52:08.799
Umakyat sila. Sabi nila pagod daw sila.

52:13.720 --> 52:15.960
Di mo ba 'ko pasasalamatan
sa basil stir-fry?

52:18.240 --> 52:19.920
Gaano mo 'ko katagal iiwasan?

52:22.000 --> 52:24.480
O, eto na, Chef. Pasalamatan pa lang kita.

52:33.279 --> 52:36.120
-Ipagluluto mo ba 'ko?
-Opo.

52:36.200 --> 52:39.359
Bilang pasasalamat sa ginawa n'yong
basil stir-fry no'ng isang araw,

52:40.040 --> 52:42.720
gagawa ako ngayon ng basil stir-fry
para sa inyo.

52:45.240 --> 52:46.359
Mukhang okay, a.

53:26.200 --> 53:29.440
Ikaw lang ba ang gumawa sa recipe na 'to,
o may pinagkuhanan ka?

53:31.640 --> 53:33.640
Dati itong ginagawa sa 'kin ng nanay ko.

53:34.240 --> 53:35.920
Naaalala ko lang ang lasa.

53:36.000 --> 53:38.200
Di ko alam
kung anong ingredients ang gamit niya,

53:38.279 --> 53:41.359
kaya ni-recreate ko ito
base sa pagkakaalala ko.

53:41.440 --> 53:42.920
Ito 'yong resulta.

53:45.480 --> 53:48.680
"Beef Basil para sa Mahal Ko".

53:57.839 --> 53:59.440
Pinangalan ko ang dish sa nanay ko.

54:00.920 --> 54:04.080
Di nito kasingsarap
ang basil stir-fry n'yo,

54:04.160 --> 54:07.040
pero sana di masama ang lasa.

54:08.680 --> 54:10.080
Sinabi ko bang di masarap?

54:11.759 --> 54:14.720
-Ano po?
-Masarap.

54:16.480 --> 54:19.200
Minarinate mo muna ang baka
sa gatas, kaya malambot.

54:19.279 --> 54:21.120
Tama lang 'yong pagkakahiwa mo.

54:21.200 --> 54:23.480
Gumamit ka ng tubig sa halip na mantika,

54:23.560 --> 54:25.920
tapos tinosta mo muna ang sili't bawang.

54:26.000 --> 54:28.040
Nandoon pa rin ang aroma.

54:29.920 --> 54:33.160
Nakaka-impress na kaya mong gawin ito.

54:53.720 --> 54:55.720
Kailan ka kaya matututong
maniwala sa sarili mo?

54:56.480 --> 54:57.799
Nanalo ka ngayon.

54:58.440 --> 54:59.600
Di ka ba masaya?

55:00.480 --> 55:03.200
Kahit na masaya ako,
nagi-guilty naman ako.

55:03.839 --> 55:05.399
Mas may skill si Auto kaysa sa 'kin.

55:06.359 --> 55:08.560
Kailangan ng experience
sa mga bagay na 'to.

55:09.279 --> 55:12.680
Nagsisimula pa lang ang sa 'yo.
Mahaba pa ang panahon.

55:13.600 --> 55:17.399
Pero hanga ako sa pagtulong mo kay Punsib
sa kusina kanina.

55:19.279 --> 55:22.080
Grabe ang papuri n'yo sa 'kin,
ano'ng kapalit nito?

55:23.240 --> 55:26.120
Hihilingin n'yong tumulong akong
magtanim ulit ng basil?

55:27.120 --> 55:28.839
Wala akong hinihiling.

55:30.799 --> 55:33.359
Gusto lang kitang bigyan ng reward
sa ginawa mong mabuti.

55:41.359 --> 55:43.759
-Pasok ka.
-Okay.

56:04.000 --> 56:06.440
Ano po ito?
Dinala n'yo ko dito para sa dessert?

56:08.879 --> 56:12.080
Di naman dessert
pero masasabi mong sweet treat.

56:14.319 --> 56:15.560
Gusto mo ba?

56:16.160 --> 56:19.040
Syempre, gusto ko ng pagkain.

56:21.920 --> 56:24.520
Siya nga pala, Chef,
gumagawa ka rin ng desserts?

56:25.120 --> 56:27.799
Wala man akong nakita sa restaurant menu.

56:30.480 --> 56:31.640
Ano 'to?

56:32.279 --> 56:33.879
Granita ang tawag diyan.

56:38.839 --> 56:40.000
Tikman mo.

56:55.000 --> 56:56.560
Grabe, ang sarap, Chef.

56:57.080 --> 56:58.759
Ba't di mo po ito ibenta?

57:00.560 --> 57:04.600
Di ko 'yan binebenta.
Special menu item 'yan.

57:06.000 --> 57:08.839
O di ako ang unang taong dinala n'yo

57:08.919 --> 57:12.960
sa third floor para makatikim ng granita?

57:14.960 --> 57:17.960
Hindi, hindi ikaw.

57:20.680 --> 57:23.040
Ginawa ko lang 'yan
para sa ex-girlfriend ko.

57:23.640 --> 57:25.720
Anak siya ng mentor na nirerespeto ko.

57:26.640 --> 57:29.839
Pero no'ng maghiwalay kami,
tumigila na'ko sa paggawa ng desserts.

57:31.520 --> 57:33.600
Sa kanya ko lang 'yan ginawa.

57:35.359 --> 57:36.720
E, ba't n'yo po 'to sinasabi sa 'kin?

57:52.240 --> 57:55.040
Ikaw ang dahilan kung ba't ko gustong
gumawa ulit ng granita

57:55.680 --> 57:57.040
nang may bagong flavor.

57:58.160 --> 57:59.720
Internal Summer,

57:59.799 --> 58:03.560
ang lasa ng summer na kuhang-kuha mo.

58:57.600 --> 59:01.240
Pag nagsimula ka, di na kita pipigilan
gaya no'ng last time.

59:50.200 --> 59:52.960
MAGTATRANSFER ULIT AKO NG BAYAD,

59:53.040 --> 59:55.600
AT SANA MAKAABOT KA SA FINAL ROUND.

59:55.680 --> 59:57.680
May nangyari sa'min ni Chef Oab.

59:57.759 --> 01:00:00.520
Sabihin mo sa 'kin ang plano mo
pag nanalo ka sa competition.

01:00:00.600 --> 01:00:02.640
Ano'ng gagawin ko?
Ayaw ko nang ituloy 'to.

01:00:02.720 --> 01:00:04.440
Kung magtatapat ka ng pag-ibig mo,

01:00:04.520 --> 01:00:06.440
magtapat ka muna ng kasalanan mo.

01:00:06.520 --> 01:00:08.080
Parang masaya ka kagabi.

01:00:08.160 --> 01:00:10.200
Puwede ka nang umalis.
Kaya ko na ang sarili ko.

01:00:10.279 --> 01:00:11.960
Mr. Methas?

01:00:13.359 --> 01:00:14.359
Ingat.

01:00:14.440 --> 01:00:16.120
SA SUSUNOD NA KABANATA

01:00:20.319 --> 01:00:21.359
Oab!

01:00:23.359 --> 01:00:24.600
Khaosuay!

01:01:27.399 --> 01:01:29.560
Nagsalin ng Subtitle: Rose Hernandez
sarili ko.
