WEBVTT

00:07.040 --> 00:11.879
NOONG IKA-15 NG JULY 1992, PINASLANG
SI RACHEL NICKELL SA WIMBLEDON COMMON.

00:11.959 --> 00:17.400
ANG KANYANG ANAK NA SI ALEX,
NA HALOS TATLONG TAON, ANG TANGING SAKSI.

00:17.480 --> 00:19.599
ANG IMBESTIGASYONG SUMUNOD

00:19.680 --> 00:24.439
AY NAGING ISA SA MGA PINAKAKONTROBERSIYAL
NA KASO SA KASAYSAYAN NG BRITISH POLICE.

00:25.200 --> 00:30.560
BINAGO ANG ILANG MGA TAUHAN AT BAHAGI
NG KUWENTO PARA MAGING MAS KAPANA-PANABIK.

00:42.320 --> 00:44.400
Kita mo si Papa? Kaway tayo kay Papa.

00:44.480 --> 00:47.000
-Sige. Kaway.
-Nakahawak ang dalawang kamay?

00:47.760 --> 00:49.000
Hello!

00:49.080 --> 00:50.199
Ay, wag!

00:50.280 --> 00:53.800
Huwag!

00:56.320 --> 00:58.720
Naglakad-lakad kami ng nanay ko
noong bata ako…

01:03.040 --> 01:04.640
At hindi na siya nakauwi.

01:15.560 --> 01:17.280
Isuot na natin itong medyas.

01:17.800 --> 01:19.759
Tapos sunod naman 'tong jumper.

01:20.520 --> 01:22.360
-Ha?
-Gusto ko pabihis kay Mama.

01:22.440 --> 01:24.119
-Bihis na.
-Si Mama na lang.

01:24.200 --> 01:25.560
Sige na, Alex.

01:26.240 --> 01:30.200
Alex, halika na.
Kahit minsan lang, si Papa na ang gagawa.

01:30.280 --> 01:31.320
Uy, hello!

01:31.839 --> 01:32.839
Alex.

01:32.920 --> 01:35.119
-Pasuot ng jumper ko.
-Pwede kay Papa.

01:35.199 --> 01:38.160
-Ayaw kong pabihis kay Papa.
-Nag-aayos si Mama, e.

01:38.240 --> 01:41.240
-May ginagawa pa si Mama.
-Si Mama ang gusto ko.

01:42.640 --> 01:44.040
-Pasuot ng jumper.
-Sige.

01:44.119 --> 01:45.520
Sige, ipapasuot ko na.

01:45.600 --> 01:47.360
Makulit ka, e.

01:47.880 --> 01:49.720
Eto na.

01:50.960 --> 01:54.080
Akin na 'yang jumper mo?
Mas mabilis tayong makakabihis,

01:54.160 --> 01:56.399
mas mabilis tayong makakapunta sa park.
Tapos…

01:56.479 --> 02:00.000
-Sasakay ako sa tricycle ko.
-Sasakay tayo sa tricycle mo.

02:00.080 --> 02:01.440
Punta muna sa park, ha?

02:02.240 --> 02:04.320
-Babay na tayo kay Papa?
-Okay.

02:04.399 --> 02:06.240
Magsaya ka. I love you.

02:07.160 --> 02:09.280
Tatawagan kita sa lunch. I love you.

02:10.199 --> 02:11.239
I love you din.

02:12.079 --> 02:13.760
O, ano pang kailangan natin?

02:13.840 --> 02:16.320
-Sapatos ko.
-Oo, saan sila nakalagay?

02:16.400 --> 02:19.519
Nandiyan ba sila? Itinago mo na naman ba?

02:31.600 --> 02:33.760
Uy, ano ba? May pupuntahan pa ako!

02:34.400 --> 02:35.560
Tabi!

02:41.120 --> 02:42.360
Andito na tayo.

02:43.080 --> 02:45.200
Ready. Kaya mo bang tumalon? Ayan.

02:46.560 --> 02:49.080
Okey-dokey. Sige, hawak ka sa kamay ko.

02:49.160 --> 02:53.080
Dahil dadaan tayo sa paradahan,
ilang puno ang kaya mong akyatin?

02:53.679 --> 02:55.239
-Labinlima.
-Labinlima?

02:55.320 --> 02:57.720
-Hindi, 100.
-One hundred?

02:57.799 --> 02:59.799
Ay, hindi, 110.

02:59.880 --> 03:02.360
One hundred and ten. Oo, pwede na 'yan.

03:03.760 --> 03:05.840
Naku, anak. Eto na.

03:06.360 --> 03:07.760
-At saka isda?
-Oo.

03:07.840 --> 03:09.640
Anong klaseng isda? Malaki ba?

03:10.280 --> 03:13.600
-Malaking isda?
-Oo. Malaki, katamtaman, at maliit.

03:13.679 --> 03:14.959
Aha!

03:18.239 --> 03:20.880
-Magandang umaga.
-Magandang umaga. Isa lang.

03:21.560 --> 03:23.360
Pukpukin mo nang dahan-dahan.

03:24.000 --> 03:25.600
Ano 'yan? Uod ba 'yan?

03:26.840 --> 03:27.679
Tingnan mo!

03:28.440 --> 03:29.360
Kita mo 'yan?

03:29.440 --> 03:30.560
Salamat.

03:30.640 --> 03:33.560
Oo. Hahanapin ko lang 'yong pen ko.
Papirma diyan.

03:33.640 --> 03:36.679
Sino kaya ang magkakagusto nito?
'Yong mga palaka.

03:36.760 --> 03:37.600
-Oo.
-Oo.

03:37.679 --> 03:39.880
-Mga elepante.
-Magugustuhan ito ng mga elepante.

03:39.959 --> 03:41.840
Parang squish, squish, squish.

03:41.920 --> 03:43.799
Hindi mo naisip na…

04:48.440 --> 04:49.599
Hello?

04:49.680 --> 04:52.640
Hello, si André ba 'to?
Boyfriend ni Rachel?

04:53.200 --> 04:56.240
At sino ito?
Ano'ng ginagawa mo sa apartment ko?

04:56.320 --> 04:58.360
André, nasaan ka? Mag-isa ka ba?

05:08.400 --> 05:11.680
Hi, ako si André Hanscombe.
Tatay ni Alex Hanscombe.

05:11.760 --> 05:13.080
Mr. Hanscombe?

05:14.240 --> 05:15.680
-Wala dito si Alex.
-Nasaan?

05:15.760 --> 05:18.720
Ligtas siya. Sumama ka sa akin.

05:28.240 --> 05:30.919
-Pakiiwan muna kami?
-Oo naman, sir.

05:31.000 --> 05:31.880
Salamat.

05:33.160 --> 05:34.440
Ano ba'ng nangyari?

05:35.200 --> 05:36.120
Maupo ka muna.

05:46.840 --> 05:49.919
Si Rachel ay inatake
at pinatay gamit ang kutsilyo.

05:56.120 --> 05:57.200
Ikinalulungkot ko.

06:05.280 --> 06:07.359
Sabihin n'yo na sa 'kin lahat.

06:07.440 --> 06:10.440
Kailangan kong malaman ang nangyari.

06:27.039 --> 06:28.680
-Gandang hapon.
-Gandang hapon, sir.

06:28.760 --> 06:31.160
Investigation team. Saang banda 'yon?

06:31.240 --> 06:32.440
Doon, sir.

06:40.440 --> 06:41.640
Unang impresyon mo?

06:41.720 --> 06:43.680
Sa isang tingin,

06:43.760 --> 06:47.840
hindi nangyari ang unang pag-atake
kung saan natagpuan ang bangkay.

06:48.400 --> 06:50.080
Sa tingin mo, nilipat siya?

06:50.160 --> 06:52.000
May mga sugat sa pagkakaladkad,

06:52.080 --> 06:55.919
na posibleng nagsimula dito
kung saan may unang bahid ng dugo.

06:57.280 --> 07:01.440
Pagkatapos nito, naging paudlot-udlot na
ang bakas ng dugo.

07:02.640 --> 07:05.599
Tapos dito na siya sapilitang dinala.

07:06.120 --> 07:08.680
Dito na siya marahas na hinalay.

07:10.200 --> 07:12.960
Sinaksak siya nang maraming beses.

07:18.400 --> 07:19.239
Sino 'yan?

07:19.919 --> 07:22.599
'Yong nakakita sa bangkay, at sa bata.

07:28.680 --> 07:32.799
Parang ayaw iwan no'ng bata 'yong bangkay.

07:32.880 --> 07:36.960
Paumanhin, sir. DCI Wickerson.
May nasabi ba ang bata na kahit ano?

07:37.840 --> 07:39.159
Oo, sabi niya,

07:39.960 --> 07:42.039
"Bangon, Mama. Kunin mo si mama."

07:44.400 --> 07:45.919
Nakita niya lahat?

07:48.080 --> 07:50.159
Naka-lockdown ang lugar na ito, André,

07:50.239 --> 07:51.840
para walang makalapit sa kanya.

07:57.640 --> 08:00.560
Pinatulog namin siya. Kakatulog lang niya.

08:00.640 --> 08:04.599
Mga gasgas lang ang nakuha ng anak mo,
karamihan sa mukha.

08:04.679 --> 08:06.719
Kung hihintayin mo siyang magising,

08:06.799 --> 08:09.640
gusto ka munang makausap
ng child psychologist.

08:09.719 --> 08:12.000
-Pwede—
-Balik muna tayo sa apartment.

08:12.080 --> 08:15.919
Kailangan n'yo ng mga gamit.
Di na kayo pwedeng manatili doon.

08:18.479 --> 08:21.080
-Pwede ba akong pumasok—
-Pinatulog siya.

08:28.520 --> 08:31.919
Ang brutal na pagpatay sa isang ina
ngayong araw ang bumasag sa katahimikan

08:32.000 --> 08:34.400
ng isa sa pinakamayayamang lugar
sa London.

08:34.480 --> 08:37.039
Siya ay ginahasa at ginilitan sa leeg.

08:37.120 --> 08:39.199
Nasaktan din ang bata sa pag-atake

08:39.280 --> 08:42.120
at natagpuang nakakapit
sa bangkay ng ina ng isang dumaraan.

08:42.199 --> 08:44.480
Ang bata ay puno ng putik at dugo.

08:44.560 --> 08:47.360
Lumalabas na sinaktan siya sa ulo.

08:47.440 --> 08:51.240
Ayon sa pulis, baka una siyang dinakip
at kinaladkad sa damuhan

08:51.320 --> 08:54.120
at inatake ang nanay niya
noong hinabol siya.

08:55.160 --> 08:56.959
Ba't di niya pinatay ang bata?

09:06.040 --> 09:09.120
Atras. Umatras kayo.

09:09.959 --> 09:11.600
Halika na, André, dito.

09:13.800 --> 09:17.120
Sige, tama na! Atras!

09:17.199 --> 09:19.560
Sige, tapos na tayo! Tama na!

09:24.880 --> 09:27.959
Sinusuhulan nila ang mga kapitbahay
para piktyuran ang apartment.

09:30.120 --> 09:33.600
Married name ang gamit ng ina ni André,
makakapagtago sila doon.

09:48.120 --> 09:49.880
May maitutulong ba kami?

09:51.640 --> 09:54.079
Si Rachel ang gumagawa nito. Hindi ko…

09:54.959 --> 09:56.560
Di ko alam ang kailangan niya.

09:57.199 --> 10:00.600
-Di ko nga alam ang kailangan niya, e.
-Mga damit din.

10:00.680 --> 10:03.839
'Yong suot n'yo ni Alex, pang-forensics.

10:08.480 --> 10:11.600
-Baka magandang magdala ng mga laruan.
-Oo.

10:13.160 --> 10:14.120
Oo.

10:16.600 --> 10:19.480
Di pa siya nagsasalita
mula no'ng nilayo siya sa bangkay.

10:22.040 --> 10:26.079
Mahalagang maunawaan mo, André,
na para malampasan ito ni Alex,

10:26.160 --> 10:28.040
di ka pwedeng magsinungaling.

10:28.560 --> 10:34.120
Mahalagang malaman niya
ang kalagayan niya sa simula pa lang.

10:34.880 --> 10:38.480
Ang kailangan niya ngayon
ay katapatan at karaniwang gawain.

10:43.280 --> 10:44.199
Okay.

10:45.839 --> 10:46.760
Salamat.

11:15.440 --> 11:16.440
Ayan.

11:17.120 --> 11:18.240
Sige, makinig ka.

11:19.480 --> 11:20.959
Nagkaroon ng aksidente.

11:22.640 --> 11:24.120
Pinatay si mama,

11:24.760 --> 11:26.120
at wala na siya.

11:28.040 --> 11:29.440
Hindi na siya babalik.

11:35.079 --> 11:35.959
Uy.

11:38.760 --> 11:39.600
Halika dito.

11:57.719 --> 12:01.839
Naglalakad sila dati sa lugar namin,
pero may nagpakita ng ari, ilang buwan na.

12:01.920 --> 12:04.120
Do'n na siya pumuntang Wimbledon.

12:04.199 --> 12:06.719
-Mas ligtas kasi do'n.
-Oo.

12:06.800 --> 12:08.400
-Okay.
-Tulog na siya.

12:09.079 --> 12:10.280
Salamat, Ma.

12:10.880 --> 12:12.079
Mag-partner sila,

12:12.160 --> 12:14.320
sina Alex at Rachel, alam mo 'yon?

12:14.400 --> 12:15.640
-Ano lang ako…
-Oo.

12:15.719 --> 12:17.520
Alam kong mahirap ito—

12:17.600 --> 12:20.120
Kunin kaya siya
ng social services sa akin?

12:21.760 --> 12:23.199
Nahuli na ba siya?

12:23.719 --> 12:27.160
Nasa 1,100 na ektarya
ang pinangyarihan ng krimen, André,

12:27.680 --> 12:30.880
at sa ngayon, wala pang saksi. Pero…

12:33.320 --> 12:34.240
Ano?

12:34.320 --> 12:37.680
Kung ano man ang nakita ni Alex,
maaaring makatulong,

12:37.760 --> 12:40.839
pero wala namang
may gustong magpalala ng sitwasyon.

12:40.920 --> 12:43.440
Wala, at hindi kami ang magdedesisyon.

12:43.520 --> 12:46.160
Pero kung si Alex lang ang saksi,

12:46.920 --> 12:51.199
nasa panganib siya, di ba?
Alam ng killer na nakita siya ni Alex.

12:51.280 --> 12:53.160
Magiging ligtas siya dito, André.

13:03.839 --> 13:07.880
…sa ngayon, hindi malinaw kung ano
ang nakita ni Alex sa pag-atake.

13:07.959 --> 13:11.199
Parang di pa maintindihan
ng isang bata ang kamatayan,

13:11.280 --> 13:14.000
kaya para sa kanya,
iniwan siya ng nanay niya.

13:14.520 --> 13:17.199
Sa isip niya,
tulad ng maraming bata sa ganyang edad,

13:17.280 --> 13:19.599
na kasalanan niya ang lahat.

13:19.680 --> 13:22.280
Gaano kaya katagal ang trauma na ito?

13:22.360 --> 13:24.199
Pwedeng panghabambuhay.

13:33.599 --> 13:34.599
Ano'ng problema?

13:35.440 --> 13:38.560
Ano'ng problema dito? Ano ba… Alex.

13:38.640 --> 13:40.120
Gusto ko 'yong dinosaur.

13:40.199 --> 13:42.360
-Pero wala 'yong dinosaur—
-Nasaan?

13:42.880 --> 13:45.280
Nasa bahay. Di tayo pwedeng umuwi, kaya—

13:45.360 --> 13:47.440
-Pero gusto ko 'yon, e.
-Paano kung…

13:48.240 --> 13:49.680
Si Desperate Dan?

13:49.760 --> 13:51.400
-Gusto mo ito, e.
-Ayaw.

13:51.480 --> 13:54.199
Alex, di tayo pwedeng umuwi
kaya isuot mo na 'to.

13:54.280 --> 13:55.599
Gusto ko nang umuwi!

14:04.400 --> 14:06.880
-Uy, Keith. Maupo ka muna.
-Sir.

14:10.400 --> 14:11.560
Balita kahit saan.

14:12.040 --> 14:14.280
Magandang blonde at sex murder ito, e.

14:15.040 --> 14:17.360
Kahit walang bata, papatok 'to sa news.

14:18.160 --> 14:19.760
Samantala, wala tayong nakuha.

14:20.719 --> 14:24.560
Isang babae ang 49 beses na sinaksak
sa pampublikong lugar sa gitna ng araw.

14:24.640 --> 14:25.479
Wala.

14:25.560 --> 14:28.240
Gusto ni Commissioner
ng daily progress report.

14:28.319 --> 14:29.560
Minamadali na?

14:29.640 --> 14:33.160
Oo. Kailangan ko ng DI na maaasahan.
Pasok ka at lutasin mo 'to.

14:35.479 --> 14:38.760
Pasensiya na, sir,
pero parang delikado yata 'yan.

14:41.199 --> 14:42.920
Pwede ring magandang pagkakataon

14:43.000 --> 14:45.520
para sa paangat na pulis
para patunayan ang sarili niya.

14:52.680 --> 14:56.160
-Gusto ko ng bus bowl.
-Wala diyan 'yong mangkok niya.

14:56.240 --> 14:58.319
-Ito na.
-Ayaw niya kumain diyan.

14:58.400 --> 14:59.760
Diyan siya kakain.

14:59.839 --> 15:01.719
Di kita laging makakarga. Ano ba 'yon?

15:01.800 --> 15:03.560
-'Yong paraan ni Mama.
-Sa shelf niya.

15:03.640 --> 15:05.839
Alex, sige na. Ibababa na kita.

15:06.360 --> 15:07.360
-Kahit ano?
-Wala.

15:07.439 --> 15:09.280
Tulungan kita… ayaw niya 'yan.

15:09.360 --> 15:10.360
-Sige.
-Oo?

15:10.439 --> 15:12.439
Tutulungan ka ni Lola June, okay?

15:12.959 --> 15:14.040
Halika na.

15:15.079 --> 15:16.560
-Kain na tayo.
-Sige, ha?

15:19.680 --> 15:20.920
Ayos ka lang, André?

15:23.520 --> 15:25.479
Nasa front page ng bawat diyaryo.

15:25.560 --> 15:26.760
Tungkol sa…

15:28.599 --> 15:30.599
May mga reporter sa labas ng nursery niya.

15:30.680 --> 15:32.959
Tingnan mo 'to. May nahanap ako, o.

15:33.640 --> 15:35.160
-May nasabi na ba siya?
-Wala.

15:35.240 --> 15:37.599
-Ayaw mo bang tingnan?
-Okay.

15:40.400 --> 15:41.760
Okay. Eto na.

15:44.319 --> 15:46.560
Kailangan n'yo siya, di ba?

15:50.400 --> 15:52.079
Oo. Tanggalin mo 'yan sa…

16:01.839 --> 16:03.800
Alam kong no'ng mamatay si Mama,

16:05.000 --> 16:07.199
may ibang tao doon, di ba?

16:10.400 --> 16:12.120
May naaalala ka ba sa kanila?

16:21.719 --> 16:24.120
Paano kung iguhit ko siya?

16:24.959 --> 16:26.199
Tulungan mo nga ako?

16:27.120 --> 16:29.120
Sabihin mo sa akin ang suot niya?

16:30.599 --> 16:31.599
Kahit…

16:38.760 --> 16:39.760
Ito kaya?

16:41.120 --> 16:43.880
Kita mo 'yong masamang tao? Ayoko siya.

16:43.959 --> 16:46.079
Ganito ang gusto kong gawin sa kanya.

16:51.240 --> 16:53.359
Gusto mong subukan?

16:58.640 --> 16:59.640
Ayos.

17:07.879 --> 17:09.079
Ang galing.

17:09.640 --> 17:11.640
May naaalala siya, kawawang bata.

17:14.119 --> 17:16.760
Upo ka diyan, at ilalapit ko.
Sige. Upo ka.

17:17.280 --> 17:18.119
Handa ka na?

17:21.520 --> 17:22.560
Ayos!

17:23.399 --> 17:24.919
Ni hindi siya umiyak.

17:26.040 --> 17:27.040
May kailangan pa?

17:27.119 --> 17:30.320
Baka hindi niya naiintindihan
na ang nanay niya…

17:30.399 --> 17:31.399
-Ayos?
-…wala na.

17:33.000 --> 17:33.840
Kumusta?

17:34.360 --> 17:35.840
Gusto mong sumama ako?

17:36.600 --> 17:40.280
Mahusay sina Nick at Paul sa mga kuta.
Pupunta ako mamaya, ha?

17:40.360 --> 17:41.520
Maya-maya lang.

17:42.720 --> 17:45.840
-Ano'ng gusto mo?
-Gusto ko 'yang unan para sa pader.

17:46.320 --> 17:48.159
Sige, kunin mo na.

17:51.440 --> 17:52.480
Magaling.

17:53.040 --> 17:55.240
Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya?

17:55.320 --> 17:57.000
Saan natin gagamitin 'yan?

17:57.520 --> 17:58.360
Alex?

17:59.440 --> 18:00.560
Wow, tingnan mo.

18:01.399 --> 18:03.040
Siguro isasama ko siya

18:04.040 --> 18:05.280
pag i-identify ko siya.

18:06.960 --> 18:07.880
Talaga?

18:09.840 --> 18:11.600
Di ako sigurado diyan.

18:12.760 --> 18:15.159
Huling tingin na niya 'to sa mukha niya.

18:18.080 --> 18:19.000
Nasa'n na siya?

18:40.880 --> 18:42.600
Gusto mo bang makita si Mama?

18:45.280 --> 18:46.240
Alex?

19:34.399 --> 19:35.399
Alex?

19:38.120 --> 19:39.679
Gusto mong makita si Mama?

19:58.720 --> 19:59.560
Keith?

20:00.800 --> 20:03.600
Ladies and gentlemen, atensiyon muna dito?

20:04.840 --> 20:05.880
Salamat.

20:07.200 --> 20:09.520
Oo, ito si DI Pedder.

20:09.600 --> 20:11.720
-Si Keith, isa sa pinakamatatalas.
-Isa sa?

20:12.600 --> 20:14.679
Ano na'ng balita?

20:14.760 --> 20:17.120
Bale may dalawang posibleng suspek.

20:17.200 --> 20:20.240
Lalaking maiksi ang buhok
na naghuhugas ng kamay sa batis,

20:20.880 --> 20:24.040
at isang nakapusod na nagmamadaling umalis
pagkahanap ng bangkay.

20:24.120 --> 20:26.200
Hulihin siya, naka-ponytail, e.

20:26.760 --> 20:30.360
Pero wala pa tayong nakuhang
kahit isang tugmang paglalarawan,

20:30.440 --> 20:33.880
tapos walang armas, walang DNA,
walang fingerprint,

20:33.960 --> 20:36.000
bukod sa kalahating bakas ng paa

20:36.080 --> 20:39.480
at kaunting pulang pintura
sa buhok ni Alex,

20:39.560 --> 20:41.240
walang pisikal na ebidensiya.

20:41.320 --> 20:43.600
E, 'yong papel na nilagay sa noo niya?

20:43.679 --> 20:47.679
Ah, oo. Notification 'yon
ng bangko tungkol sa PIN number ni Rachel.

20:47.760 --> 20:50.840
Pero di natin alam
kung paano napunta doon o kung bakit.

20:50.919 --> 20:54.200
Kaya sa 500 na posibleng testigo…

20:54.280 --> 20:56.120
Na hinahanap pa namin,

20:56.200 --> 21:00.120
kasama ang 100 na kilalang sex offenders
na malapit sa lugar.

21:00.200 --> 21:01.640
Sorry, ituloy mo lang.

21:01.720 --> 21:04.880
…wala pa rin tayong makumpirmang suspek?

21:04.960 --> 21:07.159
Wala. Sabi pa ng pathologist,

21:07.240 --> 21:11.159
dahil walang ugat na naputol,
baka walang bahid ng dugo sa suspek.

21:11.240 --> 21:13.560
Kaya malabong mahanap siya.

21:13.640 --> 21:16.080
Ewan ko kung naghahanap tayo
sa tamang lugar.

21:18.720 --> 21:20.360
Nakausap na ba 'yong bata?

21:20.960 --> 21:23.640
Sabi ng pulis,
di bababa sa 100 katao ang nasa common

21:23.720 --> 21:25.120
sa oras ng pag-atake.

21:25.200 --> 21:28.520
Puntahan ito ng mga jogger
at mga naglalakad ng kanilang aso.

21:28.600 --> 21:30.679
May golf tournament din noon,

21:30.760 --> 21:33.480
at may mga golfer
ilang daang yarda ang layo

21:33.560 --> 21:35.240
nang maganap ang pagpatay.

21:35.320 --> 21:38.919
Nandito kami mula 7:30.
Ngayon lang ako nakarinig ng ganito.

21:40.200 --> 21:41.520
Alam kong kabado tayo,

21:42.640 --> 21:46.600
pero matagal na akong
nagtatrabaho sa larangan ng child trauma,

21:46.679 --> 21:50.840
at sinisiguro ko sa 'yo
na kung sasabihin ni Alex ang nangyari,

21:51.360 --> 21:53.280
makakatulong ito sa kanya sa hinaharap.

21:54.679 --> 21:55.600
Kaya,

21:56.480 --> 21:57.480
ngayon na

21:58.480 --> 22:02.960
nakapagkuwento na kaming lahat
kung paano namin nalaman ang nangyari,

22:03.480 --> 22:05.399
isang tao na lang ang natitira.

22:05.480 --> 22:08.600
At nandoon ka, di ba, Alex?

22:10.320 --> 22:13.480
Noong pinatay ng masamang tao
ang maganda mong mama,

22:16.399 --> 22:18.320
naaalala mo ba kung may sinabi siya, Alex?

22:19.760 --> 22:21.960
Nasa aling kamay ang kutsilyo, Alex?

22:22.040 --> 22:23.560
Kaliwa ba o kanan?

22:25.320 --> 22:26.360
Uy, Alex?

22:29.399 --> 22:30.640
-Dahan-dahan.
-Ayos lang.

22:32.919 --> 22:34.240
Naramdaman mo siguro

22:35.159 --> 22:37.760
na napakaliit mo at wala kang magawa.

23:06.960 --> 23:11.600
Naaalala mo ba noong una mong makita
'yong masamang lalaki, Alex?

23:16.480 --> 23:18.560
Uy, dahan-dahan, Alex.

23:20.280 --> 23:22.360
Ayos lang. Ayos lang.

23:23.760 --> 23:25.280
Alex, tigil. Mag-drawing na.

23:25.360 --> 23:30.720
Sa tingin ko, naaalala ni Alex ang lahat
tungkol sa pinakamasamang araw niya.

23:30.800 --> 23:33.120
Dahil napakatalino niyang bata.

23:33.200 --> 23:34.880
Alex, tama na. Dahan-dahan.

23:34.960 --> 23:37.640
Dahan-dahan o tigil. Alex.

23:37.720 --> 23:39.560
Alex, tama na. Alex!

23:40.520 --> 23:43.760
Uy. Alex, tama na. Sige na, kumalma ka.

23:46.040 --> 23:48.720
-Ano 'yan? Chimney?
-Gusali.

23:49.320 --> 23:52.200
Gusali lahat ito, di ba? At bangka 'yan?

23:52.280 --> 23:53.600
Parang palikuran.

23:57.240 --> 23:58.240
Hi.

23:59.040 --> 24:02.520
Handa ka na bang magpatuloy?

24:02.600 --> 24:06.000
Balik muna ako sa bahay
para kunin 'yong trike niya o…

24:07.080 --> 24:11.280
André, gusto kong tandaan mo
na napakabata pa niya.

24:12.280 --> 24:17.439
Wala pang sapat na kaalaman si Alex
o kakayahan para ipaliwanang ang nangyari

24:17.520 --> 24:19.399
o ang nararamdaman niya.

24:19.480 --> 24:23.200
Para kasing interogasyon ito, e.

24:24.240 --> 24:25.679
Tama ang ginagawa mo.

24:25.760 --> 24:30.760
Alam mong tama 'to? Sigurado ka?
Dahil di ko nakilala 'yong batang iyon.

24:31.560 --> 24:35.000
Sa totoo lang, bago ito sa ating lahat.

24:35.520 --> 24:38.720
Walang makapagsasabi
sa pangmatagalang epekto,

24:38.800 --> 24:41.480
pero kung walang therapy,

24:41.560 --> 24:46.000
ang panganib na lumaki si Alex
na puno ng galit at magulo ang buhay

24:46.080 --> 24:48.040
at saktan ang sarili o ang iba,

24:48.600 --> 24:49.880
lalong lumalaki.

25:01.679 --> 25:02.679
André.

25:03.919 --> 25:05.520
Salamat sa pagpunta.

25:06.280 --> 25:08.399
Ivan Agnew. Nag-usap tayo sa phone.

25:08.919 --> 25:11.880
Ayos ba ang biyahe?
Alam kong nag-alala ka.

25:11.960 --> 25:15.320
Oo, nakakakuha ng tip ang press
mula sa flight logs, kaya…

25:15.399 --> 25:17.720
-Tama.
-Sa airport na ako bumibili ng tiket.

25:17.800 --> 25:19.840
Oo, naiintindihan ko.

25:20.399 --> 25:22.120
Gusto mong iwan ang bag mo diyan?

25:24.480 --> 25:26.040
May ipapakita ako sa 'yo.

25:38.360 --> 25:42.280
Ang kuwartong ito
ay nakalaan lang sa imbestigasyon.

25:42.800 --> 25:46.439
Isa na ito sa pinakamalaking kaso
sa kasaysayan ng British police.

25:47.640 --> 25:49.360
At bubuksan ulit ito, André.

25:52.760 --> 25:54.760
Di ko maintindihan kung ano'ng nagbago.

25:55.960 --> 25:56.840
Ang totoo,

25:57.840 --> 26:01.720
nag-improve na ang DNA technology
simula noong 1992,

26:01.800 --> 26:04.080
at kumuha kami
ng independent forensic firm

26:04.159 --> 26:06.840
para suriin ulit
ang mga orihinal na sample.

26:06.919 --> 26:09.360
Okay, at alam ba ito ng media?

26:10.399 --> 26:11.240
Hindi.

26:12.640 --> 26:13.480
Hindi pa.

26:14.280 --> 26:18.320
Oo, alam kong may mga pagkakamali
noong nakaraan

26:19.439 --> 26:22.720
pero kailangan namin ng tulong mo, André.

26:24.159 --> 26:27.760
At alam kong sensitibo ito…

26:30.000 --> 26:31.800
pero pag-usapan natin si Alex.

26:58.280 --> 26:59.760
Uy, kumusta?

27:02.040 --> 27:03.320
Kumusta, 'tol?

27:12.760 --> 27:14.399
Tingnan n'yo.

27:15.880 --> 27:17.080
Sa wakas.

27:17.720 --> 27:20.240
Sandali. Bumisita ba ang tatlong pantas?

27:20.320 --> 27:22.520
-Sa wakas, nakabili din siya.
-Layas.

27:22.600 --> 27:25.240
Hihithitin ba natin 'tong damo o ano?

27:55.960 --> 27:57.120
Alex.

27:57.199 --> 27:58.120
Nakauwi ka na.

27:59.199 --> 28:00.919
-Ayos ka lang?
-Oo.

28:01.880 --> 28:04.480
Saan ka galing?
Ilang oras na akong nakauwi.

28:04.560 --> 28:07.199
Tinulungan ko 'yong kaibigan ko
pagkatapos ng klase.

28:07.280 --> 28:10.040
-Gano'n ba?
-Oo. Kumain ka na ba?

28:10.120 --> 28:13.360
Hindi pa nga, e.
Pwede kitang ipaghain kung gusto mo.

28:13.439 --> 28:14.360
Sige.

28:22.399 --> 28:23.320
Di ka ba…

28:24.520 --> 28:26.040
magtatanong tungkol sa London?

28:27.560 --> 28:28.439
Sige.

28:29.919 --> 28:30.880
Kumusta?

28:31.399 --> 28:32.600
Oo, ano…

28:33.120 --> 28:34.399
ayos naman.

28:35.679 --> 28:37.959
Binubuksan ulit nila 'yong kaso,

28:38.480 --> 28:40.679
at gusto ka nilang kausapin ulit.

28:43.520 --> 28:45.600
Sinabi ko na lahat ng naaalala ko.

28:47.760 --> 28:49.520
Di ko na nga naiisip 'yon, e.

28:49.600 --> 28:53.120
Alam ko, Alex.
Sabi ko sa kanila, pag-usapan muna natin.

28:53.720 --> 28:56.040
Di mo ako pwedeng pangunahan, Pa.

28:57.199 --> 28:58.080
Di na ngayon.

29:06.040 --> 29:07.439
Alex.

29:08.360 --> 29:09.199
Kumatok ka nga?

29:09.959 --> 29:11.199
Sorry, hindi ko…

29:12.120 --> 29:12.959
Di ko naisip.

29:14.199 --> 29:15.879
Alex, makinig ka…

29:18.879 --> 29:21.639
Naiintindihan kong sinisisi mo ang pulis.

29:23.000 --> 29:24.840
Pero di 'to tungkol sa kanila.

29:25.520 --> 29:26.879
Di ito tungkol sa akin.

29:28.840 --> 29:31.240
-Tungkol ito sa 'yo.
-Wag mong idamay si Mama dito.

29:32.399 --> 29:34.600
Ayokong maalala ang nanay ko
sa pagkamatay niya.

29:34.679 --> 29:38.639
Gusto ko siyang maalalang buhay,
ang gusto niya para sa akin.

29:38.720 --> 29:41.760
-Ayaw niya ng mainstream education.
-Pinag-usapan…

29:41.840 --> 29:44.320
-Ayaw niyang kumain ako ng hayop.
-Kahit isda lang.

29:44.399 --> 29:46.199
Kailangan mo ng protina, Alex. 'Yon…

29:46.280 --> 29:48.360
Hindi mo na ako mapipilit diyan.

29:49.399 --> 29:50.800
Alex, sandali. Al—

29:57.399 --> 29:58.720
Marami sigurong nagtatanong,

29:58.800 --> 30:01.959
sino'ng ligtas kung may pagpatay
kahit tirik ang araw?

30:02.040 --> 30:04.280
Pakiramdam ko ligtas ako dito. Palagi.

30:04.800 --> 30:06.639
Binago nito ang buhay ko.

30:06.720 --> 30:10.320
May mga suspek. Apat na lalaki
ang nakita malapit sa scene.

30:10.399 --> 30:13.159
Pinakamahalaga 'yong naghuhugas ng kamay

30:13.240 --> 30:16.240
sa batis na ito matapos ang pagpatay.

30:16.320 --> 30:18.720
Siya, tulad ng iba, ay hindi natunton.

30:18.800 --> 30:22.760
Takot ang pulisya na kung siya ang killer,
baka muli siyang umatake.

30:26.000 --> 30:26.959
Sir.

30:32.159 --> 30:34.600
André. Nicholas Campbell.

30:35.120 --> 30:36.560
Sige, maupo ka lang.

30:44.840 --> 30:46.959
Naiintindihan kong nag-aalangan ka.

30:47.520 --> 30:48.639
Oo, ano lang…

30:50.199 --> 30:51.879
Di ko yata kaya ito.

30:54.720 --> 30:56.280
Ano 'yan? Rainbow ba 'yan?

30:57.080 --> 30:59.120
-Ipakita natin sa kaibigan ko?
-Patingin.

31:00.760 --> 31:01.639
Oo.

31:02.439 --> 31:05.080
Kailangan natin ng impormasyon, André.

31:06.399 --> 31:09.959
At para makuha ito,
dapat kaibiganin natin ang media.

31:10.480 --> 31:11.480
Kuha mo ba?

31:12.879 --> 31:16.840
-Hindi—
-Kailangan talaga natin ito, André.

31:22.040 --> 31:23.040
Salamat.

31:30.320 --> 31:31.240
Okay.

31:31.800 --> 31:34.720
Saglit lang si Papa.
Ayos lang. Kasama mo si Paul.

31:35.199 --> 31:37.879
-Mag-drawing ka lang.
-Babalik din siya agad.

31:37.959 --> 31:40.399
-Hindi. Papa…
-Gusto mo ng stickers?

31:40.480 --> 31:42.840
Wag kang umalis. Huwag.

31:42.919 --> 31:46.120
Gumuhit ka ng larawan
para kay Papa mo pagbalik niya.

31:47.639 --> 31:49.520
Ano'ng paborito mong sticker?

31:54.480 --> 31:55.760
-Eto na siya.
-Ayan siya.

31:55.840 --> 31:58.320
-André.
-Kumalma tayo, pwede?

31:58.399 --> 32:00.800
-May pahayag si Mr. Hanscombe.
-Kalma.

32:00.879 --> 32:03.120
-May pagkakataon kayong magtanong.
-André!

32:03.199 --> 32:06.520
May pagkakataon kayong magtanong.
Tumahimik tayo.

32:06.600 --> 32:07.760
-André!
-Salamat.

32:07.840 --> 32:11.439
-Nagsalita na ba si Alex?
-Gaano karami ang naaalala ni Alex, André?

32:16.199 --> 32:19.240
Hindi ko alam
kung ano ang magiging future ni Alex.

32:22.159 --> 32:25.679
Pero kung may sino mang nakakakilala
sa gumawa nito,

32:25.760 --> 32:27.679
kahit ano pa ang relasyon ninyo,

32:28.879 --> 32:32.919
mangyaring lumapit
bago siya makasira ng iba pang buhay.

32:34.080 --> 32:37.520
-May pag-usad na ba sa kaso?
-Saan ka nakatira, André?

32:39.399 --> 32:40.520
Nakakatulog ba si Alex?

32:41.399 --> 32:44.360
Irespeto sana natin
ang privacy ng pamilya ngayon…

32:47.240 --> 32:49.439
-At…
-Ayos ka lang?

32:50.679 --> 32:51.679
Sino ang susunod?

33:00.959 --> 33:01.959
Uy!

33:07.040 --> 33:07.959
Tara na.

33:28.360 --> 33:31.760
Hindi lang naman ito
tungkol sa kailangan ni Alex, e.

33:34.959 --> 33:36.760
Nawala din siya sa 'yo, André.

33:37.959 --> 33:39.159
Ano'ng kailangan mo?

33:46.240 --> 33:47.120
Halika dito.

33:54.800 --> 33:56.159
Sigurado ka ba dito?

33:57.760 --> 33:59.520
Uy. Hindi ako magtatagal.

34:02.439 --> 34:03.800
Uy, ano'ng problema?

34:03.879 --> 34:06.000
Saglit lang ako. Andito si Nick.

34:06.080 --> 34:07.800
-Pwede tayong maglaro.
-Ayaw.

34:07.879 --> 34:09.679
-Babalik siya agad.
-Ayaw.

34:12.080 --> 34:12.920
Alex.

34:14.520 --> 34:18.080
Nasabi ko na, di ba?
Titingnan ko kung saan namatay si Mama.

34:19.280 --> 34:20.799
Maglalagay ako ng rosas

34:21.639 --> 34:23.679
at magpaalam nang maayos. Saglit lang.

34:23.760 --> 34:25.719
Gusto kong sumama sa 'yo.

34:26.560 --> 34:29.120
-Alex, di yata—
-Gusto kong sumama.

34:33.319 --> 34:34.799
Gusto mo ring magpaalam?

34:34.880 --> 34:35.960
Oo.

34:37.560 --> 34:39.319
Di yata magandang ideya 'yan.

34:40.520 --> 34:41.360
Uy.

34:42.400 --> 34:45.040
Sinisiguro natin na alam mo
ang gagawin natin.

34:45.920 --> 34:47.480
Gusto mong sumama at magpaalam?

34:47.560 --> 34:48.520
Oo.

34:50.400 --> 34:51.319
Sige.

34:52.719 --> 34:53.560
Sigurado siya.

34:55.440 --> 34:57.799
-Oo, sige.
-Okay.

34:59.120 --> 35:00.040
Okay.

35:00.760 --> 35:02.839
Wag mo na lang silang pansinin, ha?

35:04.440 --> 35:07.160
Umatras kayo, okay? Padaanin n'yo sila.

35:12.560 --> 35:13.520
Atras!

35:14.040 --> 35:15.440
Tinatakot n'yo siya.

35:16.200 --> 35:17.799
Atras. Tabi.

35:19.000 --> 35:19.960
Tabi!

35:46.360 --> 35:47.720
Dito ba 'yon?

35:55.200 --> 35:56.480
Nandito si Papa.

35:57.400 --> 35:58.880
Lagi lang akong nandito.

36:11.000 --> 36:12.280
Inaalala mo ba?

36:21.760 --> 36:23.720
Ito? Ganito ba ang itsura niya?

36:25.240 --> 36:26.760
Okay, hindi 'yan.

36:29.680 --> 36:30.839
Ito, Alex?

36:33.319 --> 36:35.000
Hindi? Sige.

36:35.080 --> 36:38.040
Ganito, may naaalala ka ba sa suot niya?

36:38.120 --> 36:40.920
Nakasuot ba siya ng T-shirt?

36:41.440 --> 36:45.760
Tulad ng suot ni Papa?
O shirt na may kuwelyo, tulad nito?

36:45.839 --> 36:48.600
-Ganito o parang suot ni Paul?
-Ganito?

36:48.680 --> 36:49.560
Ganito?

36:49.640 --> 36:52.160
-Nakasuot siya ng ganyan.
-May mga butones.

36:52.880 --> 36:54.400
Oo? Polo.

36:54.920 --> 36:56.160
-Okay.
-Okay.

36:56.760 --> 36:59.319
-Payat ba siya gaya ni Papa?
-O mataba tulad ni Paul?

37:01.799 --> 37:02.920
Tulad ni Papa.

37:03.000 --> 37:06.400
Tulad ni Papa. Okay, ayos 'yan. Magaling.

37:06.480 --> 37:07.760
-Magaling, bata.
-Oo.

37:08.600 --> 37:10.440
Malaki ba siya o maliit, Alex?

37:12.000 --> 37:14.400
Bata siya, Paul. Lahat, malaki sa kanya.

37:16.319 --> 37:17.760
Batman.

37:19.160 --> 37:21.080
-Siya ay…
-Batman.

37:21.160 --> 37:25.080
Makikipaglaro tayo kay Batman mamaya.
Nakapantalon ba siya o naka-shorts?

37:25.160 --> 37:27.319
-Batman.
-Anong Batman?

37:27.400 --> 37:29.040
Sinturon.

37:29.120 --> 37:31.520
Sinturon? May sinturon siya
gaya ni Batman?

37:31.600 --> 37:34.319
-Mm-hmm.
-Oo? May sinturon siya.

37:35.200 --> 37:36.720
Batman.

37:38.240 --> 37:41.359
'Yong utility belt
na isinusuot niya sa costume niya.

37:41.440 --> 37:44.359
Di siya naka-tuck in,
pero may sinturon sa ibabaw.

37:44.440 --> 37:47.240
Alam kong kakaiba, pero sigurado si Alex.

37:47.960 --> 37:50.680
Mabata-bata, puti, payat, maikling buhok,

37:50.760 --> 37:52.400
puting polo, asul na pantalon,

37:52.480 --> 37:55.200
brown na sapatos, may itim na bag.

37:57.359 --> 37:59.160
Ang galing ng anak mo.

38:00.720 --> 38:01.960
Salamat, André.

38:02.560 --> 38:05.280
Alam kong nakatuon ka sa libing,
pero ito ay…

38:06.000 --> 38:07.040
Napakahusay.

38:08.440 --> 38:09.319
Talaga?

38:10.240 --> 38:12.600
Mababalikan na natin
ang pahayag ng bawat saksi

38:12.680 --> 38:13.760
kung may tutugma.

38:14.280 --> 38:16.319
Pero ibig sabihin, naaalala ni Alex lahat.

38:17.480 --> 38:19.319
Di natin alam ang epekto nito sa kanya.

38:23.680 --> 38:27.000
Sa paglalarawan ni Alex,
balikan natin ang bawat pahayag

38:27.080 --> 38:29.240
kung may anumang tutugma.

38:29.319 --> 38:32.000
Alam kong dagdag na abala ito sa lahat,

38:32.080 --> 38:36.359
pero hindi ito aksaya sa oras.
Baka may nakakita sa lalaking ito.

38:40.040 --> 38:41.400
Usapang aksaya sa oras…

38:42.319 --> 38:46.839
Para sa iba pang lead,
ibang detalye, tatawagan na lang kita.

38:48.120 --> 38:53.600
Ngayon, alam namin ang trabaho mo
sa iba pang puwersa, Professor Britton,

38:53.680 --> 38:56.120
at pati na ang mga tagumpay mo.

38:57.040 --> 38:58.359
DI Pedder.

38:58.440 --> 39:03.040
At kailangan lang nating paliitin
'yong listahan ng mga suspek.

39:03.120 --> 39:05.240
-Ganoon 'yon, di ba, Keith?
-Oo.

39:05.319 --> 39:07.400
Sa tingin mo, kaya mo bang gumawa

39:07.480 --> 39:10.720
ng psychological profile
no'ng halimaw na gumawa no'n?

39:10.799 --> 39:12.920
Naku, hindi siya halimaw.

39:13.000 --> 39:16.600
Isa siyang lalaki,
nasa pagitan ng 20 at 30 ang edad,

39:16.680 --> 39:18.760
at hirap makisama sa opposite sex.

39:19.280 --> 39:22.000
Meron siyang malakas
at kakaibang sexual fantasy

39:22.080 --> 39:24.280
at baka meron siyang dysfunction.

39:25.240 --> 39:29.280
Kung nagtatrabaho siya,
ito ay trabahong walang kasanayan.

39:29.359 --> 39:33.640
Single siya, nakatira sa mga magulang
o mag-isa at nasa studio apartment.

39:34.160 --> 39:37.280
Duda akong kilala siya ng biktima,
o hindi mabubuhay ang bata.

39:37.359 --> 39:40.400
Rachel ang pangalan niya
at di ginagamit ang "biktima" dito.

39:41.880 --> 39:44.520
Nakuha mo 'yan
sa ilang litrato, Mr. Britton?

39:44.600 --> 39:46.799
'Yon ang totoong palaisipan.

39:47.319 --> 39:48.920
Ba't hinayaang mabuhay 'yong bata?

39:50.839 --> 39:52.720
"Professor" nga pala.

39:56.520 --> 39:57.359
André?

39:59.359 --> 40:00.600
André!

40:00.680 --> 40:02.160
Ano 'yon, Ma?

40:03.720 --> 40:04.720
Nandito na sila.

40:06.680 --> 40:07.560
Ano 'yon?

40:08.960 --> 40:09.799
Tingnan mo.

40:13.080 --> 40:14.240
Natunton na tayo.

40:35.240 --> 40:37.839
-Buti andito kayo pareho.
-Ano 'yon, Grant?

40:38.359 --> 40:41.319
'Yong lalaking naghuhugas ng kamay
sa batis ay may itim na bag.

40:41.839 --> 40:47.200
Pagkatapos ng paglalarawan ni Alex,
may nagsabi ng puting damit at bag.

40:47.880 --> 40:50.040
-Tapos…
-Nahanap mo na.

40:50.120 --> 40:54.839
Sabi ng asawa ng doctor na nadaanan niya
ito ng tatlong beses at kaduda-duda.

40:55.720 --> 40:57.680
Noong huling kita niya sa lalaki…

40:57.760 --> 41:02.000
"Napansin kong may sinturon siya
o parang strap sa baywang niya."

41:02.080 --> 41:03.480
Parang si Batman.

41:05.400 --> 41:06.359
Parang si Batman.

41:07.240 --> 41:09.680
Oo. Nakita nga niya 'yong killer.

41:22.359 --> 41:25.480
-Sabi mo ba na medyo payat ang mukha niya?
-Oo.

41:25.560 --> 41:27.880
Una, isang karumal-dumal na krimen,

41:27.960 --> 41:30.520
dalawang buwan na ang nakaraan
ang balita sa Britain.

41:30.600 --> 41:33.240
Sa Wimbledon Common
sa Southwest London, isang ina,

41:33.319 --> 41:36.680
si Rachel Nickell,
ay hinarang at pinagsasaksak.

41:36.760 --> 41:40.120
Ang puro galos na 2-anyos na anak
ay natagpuang nakakapit sa katawan niya.

41:40.200 --> 41:42.040
Ang lalaki ay nasa 20s o 30s.

41:42.120 --> 41:45.480
Matangkad siya, higit sa 5'10",
at maikling brown ang buhok.

41:45.560 --> 41:49.120
Nakaputing polo siya na de-butones
at maitim na pantalon, posibleng asul,

41:49.200 --> 41:51.600
at may dalang maliit at maitim na bag.

42:03.839 --> 42:05.480
Paul, hindi na 'to normal.

42:06.000 --> 42:09.160
-Kinakalkal ang mga basurahan namin.
-Aayusin namin 'yan.

42:09.240 --> 42:12.240
Ninanakaw nila ang mail namin,
nagdo-doorbell lagi.

42:12.319 --> 42:14.000
-Kakausapin namin sila.
-Ayaw makinig.

42:14.080 --> 42:18.080
André, may pag-usad sa magdamag
bilang resulta ng Crimewatch appeal.

42:18.160 --> 42:22.160
May ilang lumapit at nagbigay
ng parehong pangalan base sa photofit.

42:22.240 --> 42:23.280
Nasa kustodiya na.

42:26.240 --> 42:27.080
Okay.

42:27.600 --> 42:29.040
Sige. Labas na.

42:40.160 --> 42:41.560
Kaya tugma ang lahat.

42:41.640 --> 42:44.560
Siya na nga ang photofit natin.

42:45.120 --> 42:48.080
At talagang match
sa profile ni Professor Britton.

42:49.319 --> 42:50.680
"Professor" na, ha?

42:51.440 --> 42:52.400
Colin Stagg.

42:52.480 --> 42:54.880
Twenties, single, walang trabaho,
malapit sa common

42:54.960 --> 42:55.920
at nando'n araw-araw.

42:56.000 --> 42:58.920
At inaamin niyang nilakad niya
ang aso niya no'ng 15th.

42:59.000 --> 43:01.839
Pero nasa bahay na daw siya
sa oras ng pagpatay.

43:01.920 --> 43:03.760
Tingin ng mga kapitbahay, weirdo siya.

43:03.839 --> 43:06.520
May nahanap na kaming kutsilyo
sa apartment niya,

43:06.600 --> 43:08.680
at mga libro sa black magic.

43:15.839 --> 43:19.120
Gigising ako,
maghahatid ng mga newspaper, tapos…

43:19.200 --> 43:22.200
Babalik ako sa apartment,
kukunin ang aso kong si Brandy,

43:22.280 --> 43:25.240
at maglalakad-lakad kami sa common.

43:25.319 --> 43:28.160
At nakita mo ba si Rachel sa common?

43:28.240 --> 43:31.640
May nakita akong kamukha niya,
mga dalawang taon na.

43:31.720 --> 43:35.000
Sabi ko, "Magandang babae," gano'n.

43:35.080 --> 43:38.680
Parang, "Gusto ko siyang makita ulit."

43:39.200 --> 43:41.319
-Pero…
-Pero di mo na siya nakita?

43:41.400 --> 43:42.960
Hindi na.

43:48.120 --> 43:49.200
Ito kaya?

43:50.120 --> 43:51.440
-Alin?
-Maganda, o.

43:52.319 --> 43:55.839
Ay, nabiyak pala. Hindi na maganda.
Gusto mong ihagis do'n?

44:05.080 --> 44:06.960
Sige na. May dalawa pa doon, o.

44:07.560 --> 44:10.359
Pasensiya na. Lumapit lang ako para…

44:11.240 --> 44:12.600
André, 'no?

44:13.359 --> 44:16.680
Asawa mo 'yong pinatay sa Wimbledon.

44:16.760 --> 44:19.520
-Alis na tayo. Sorry.
-Ito siguro si Alex mo.

44:19.600 --> 44:22.440
-Sorry.
-Gusto ko lang malaman kung ayos kayo.

44:22.520 --> 44:23.960
-Ayos lang siya.
-Hindi.

44:24.040 --> 44:26.560
-Sorry, hindi ko…
-Ayaw kong umalis.

44:35.400 --> 44:37.040
Ngayon, Colin,

44:37.799 --> 44:40.000
sabi ng kapitbahay mo,
kakaiba ang kinikilos mo

44:40.080 --> 44:41.240
no'ng araw ng pagpatay.

44:41.319 --> 44:42.640
Noong sinabi mo sa kanya,

44:42.720 --> 44:45.040
mukha kang bagong ligo at bagong bihis.

44:45.120 --> 44:47.400
Alam ko kung sino 'yon at mali siya.

44:50.640 --> 44:52.319
Sorry, usap tayo saglit?

45:00.280 --> 45:03.560
Sabi ng isa pang kapitbahay,
nakita niya si Stagg noong araw na 'yon

45:03.640 --> 45:08.040
na papunta sa common sa oras
na sinabi niyang nakauwi na siya.

45:08.120 --> 45:10.960
Nakita rin daw niya
na may dala siyang itim na bag.

45:31.280 --> 45:33.200
Sige lang, wag kang magmadali.

45:34.920 --> 45:36.240
'Yong panglima.

45:37.359 --> 45:38.240
Sigurado ka?

45:38.760 --> 45:41.359
'Yong panglima
ang lalaking nakita ko, 100%.

45:50.000 --> 45:51.600
Paano ngayon 'yan, Colin,

45:52.400 --> 45:54.080
isang mapagkakatiwalaang saksi

45:54.160 --> 45:56.799
ang pumili sa 'yo sa identity parade
kaninang umaga

45:56.879 --> 46:00.000
at sigurado siyang nakita ka niya
sa araw ng pagpatay,

46:00.080 --> 46:04.640
malapit sa pinangyarihan ng pagpatay,
nang 10:10, 10:17, at 10:23 a.m.?

46:06.359 --> 46:07.520
Hindi ako 'yon.

46:08.200 --> 46:11.720
Pero di ako naniniwala sa 'yo, Colin.

46:12.839 --> 46:14.960
At ganoon din 'yong iba.

46:16.720 --> 46:18.520
Hindi ako 'yon.

46:24.080 --> 46:25.000
Ayun,

46:26.120 --> 46:29.359
umamin siyang nagpaaraw siya nang hubad
sa common, kasong kahalayan.

46:30.120 --> 46:31.920
Kailangan ng pag-amin sa pagpatay.

46:32.000 --> 46:33.520
Nagsisinungaling siya, sir.

46:34.040 --> 46:35.000
Sang-ayon ako.

46:35.080 --> 46:36.560
100% ang sabi niya.

46:36.640 --> 46:39.040
Oo, isa siyang posibleng suspek.

46:39.120 --> 46:41.600
Pero alam natin na kung walang pag-amin,

46:41.680 --> 46:43.799
sasabihin ng CPS na circumstantial ito.

46:46.280 --> 46:49.120
Pwede bang kausapin 'yong saksi
para suportahan 'yan?

46:49.200 --> 46:50.440
-Si Alex?
-Oo.

46:50.960 --> 46:54.799
O dapat tayong gumawa
ng special ID parade para sa kanya?

46:54.879 --> 46:57.680
O ipakita ang larawan ng suspek,
kahit papaano?

46:57.760 --> 46:58.920
Hindi.

47:00.480 --> 47:01.760
Napakabata pa niya, sir.

47:01.839 --> 47:03.920
Magiging mahinang ebidensiya ito.

47:04.000 --> 47:08.960
Kailangang hayaang maging bata si Alex,
at kailangan nating makuha ang pag-amin.

47:10.799 --> 47:11.640
Kunin mo.

47:16.080 --> 47:18.680
Di alam ng mga tao dito
ang nakaraan natin.

47:19.280 --> 47:20.839
Wag mong kakalimutan 'yon.

47:20.920 --> 47:22.319
Oo, ang higpit mo, e.

47:31.839 --> 47:33.359
André! Alex!

47:33.440 --> 47:34.879
Hi. Kumusta ka?

47:34.960 --> 47:37.040
Mabuti, ikaw?

47:37.560 --> 47:39.640
Sakto ang dating n'yo. Nasa baba na kami.

47:40.400 --> 47:42.680
Susunod ako. Welcome.

47:53.640 --> 47:55.040
Sana gutom na kayo.

47:55.720 --> 47:58.240
Ay, nandito na pala kayo. Tuloy kayo.

47:58.319 --> 47:59.799
Iniwan mong bukas ang oven.

47:59.879 --> 48:00.799
Maupo kayo.

48:06.200 --> 48:09.960
Ang lakas ng ulan
kaya puno ng mga dahon 'yong pool.

48:10.040 --> 48:12.520
Buong umaga kong nilinis 'yan.

48:13.680 --> 48:15.160
Suwerte ka, wala ka dito.

48:15.680 --> 48:17.200
Oo, kumusta ang London?

48:18.200 --> 48:19.680
Wag banggitin ang London.

48:26.000 --> 48:27.000
Ang sarap nito.

48:29.440 --> 48:31.160
Ayaw mo ng pagkain, Alex?

48:31.240 --> 48:34.040
Hindi iyon. Vegetarian ako.

48:35.799 --> 48:38.560
-Sabi ng papa mo na kumakain ka ng isda.
-Tama.

48:38.640 --> 48:41.240
Pero may mga vegetarian
na kumakain ng isda.

48:41.319 --> 48:43.839
Sabi ko sa kanya,
di na ako kakain ng isda.

48:43.920 --> 48:46.080
Walang problema. Gagawa ako ng iba.

48:46.160 --> 48:48.160
Hindi, matigas ang ulo ni Alex.

48:49.359 --> 48:50.480
Teenager na, e.

48:50.560 --> 48:52.480
Tama, nagbibinata na siya.

48:52.560 --> 48:55.440
Alex, tikman mo.
Kung ayaw mo, di mo kailangang ubusin.

48:55.520 --> 48:56.879
Gusto mong masuka ako?

48:56.960 --> 48:59.000
Sobra naman yata 'yan.

49:01.560 --> 49:03.440
Bakit ka nakikisali?

49:03.520 --> 49:04.520
Anong nakikisali?

49:04.600 --> 49:08.280
Alex, hangga't di ka pa nag-18,
susundin mo ako, okay?

49:08.359 --> 49:10.200
Nakakahiya. Kainin mo ang isda.

49:11.400 --> 49:13.400
Ang batang di sinaway, magiging pasaway.

49:13.480 --> 49:15.720
Ayos lang. Gagawan ko siya ng iba.

49:15.799 --> 49:18.160
-Hindi.
-Paparusahan ba ako sa mga ganito?

49:18.240 --> 49:19.640
Hindi. Kakainin niya 'to.

49:21.319 --> 49:22.839
Binibigo mo siya, e.

49:22.920 --> 49:26.480
Mahihiya ang nanay mo
sa kinikilos mo ngayon, okay?

49:26.560 --> 49:28.720
-Kainin mo 'yang isda.
-Daig mo pa ang pulis.

49:28.799 --> 49:30.640
-Kumain ka.
-Wag mo siyang pangunahan!

49:30.720 --> 49:34.240
Alex, ibaba mo 'yang kutsilyo.
Kumalma kayo.

49:36.200 --> 49:38.799
-Alex.
-Alex, bitawan mo 'yang kutsilyo.

49:44.120 --> 49:48.120
ANG BATANG PINATAY ANG INA
ANAK NI RACHEL

49:57.280 --> 49:59.000
André!

50:04.760 --> 50:06.240
Sinasabi mong hindi siya?

50:07.600 --> 50:10.040
Sinasabi kong kailangan siyang pakawalan.

50:11.640 --> 50:13.040
Pero kung siya 'yon,

50:13.960 --> 50:17.080
paano kung balikan niya si Alex
ngayong kilala n'yo na siya?

50:17.160 --> 50:20.879
Ligtas si Alex, André.
Ang lalaking ito, di magtatagal sa labas.

50:20.960 --> 50:23.319
Paano siya naging ligtas?
Sabi mo, ito ang suspek.

50:23.399 --> 50:26.600
At ngayon, malaya na siya.
Paano nangyari 'yon?

50:30.440 --> 50:31.640
Babalik ako agad.

50:36.240 --> 50:37.480
Ano'ng sabi niya?

50:39.120 --> 50:41.760
-Kinailangan siyang pakawalan.
-Bakit daw?

50:41.839 --> 50:43.520
Di ko alam, Ma. Di ko alam.

50:43.600 --> 50:46.440
-Walang sapat na ebidensiya.
-Di ko maintindihan.

50:46.520 --> 50:50.040
Oo. Ang labo nga.
Pero di ko alam ang gagawin ko.

50:50.120 --> 50:53.560
Di ko alam ang gagawin sa mga regalo,
sa mga tao sa labas.

50:53.640 --> 50:55.120
Pag mahuli siya, baka—

50:55.200 --> 50:56.399
Paano kung hindi?

50:56.480 --> 50:58.720
Dahil ngayon, gumagala 'yong killer.

50:58.799 --> 51:01.080
Di masisiguro ni Keith
ang kaligtasan ni Alex.

51:01.160 --> 51:02.040
-Kahit sino.
-Okay.

51:02.120 --> 51:04.680
Nangako ako kay Rachel
na aalagaan ko ang batang 'yan.

51:04.760 --> 51:07.560
-Baka marinig ka niya.
-Di tayo pwedeng ganito.

51:07.640 --> 51:10.240
-Di siya pwedeng mabuhay nang ganito.
-Alam ko.

51:10.760 --> 51:13.839
At sa pagitan ng mababait na tao,

51:13.920 --> 51:16.680
mga therapist, pulis, at press,

51:17.399 --> 51:19.399
di siya magkakaroon ng normal na kabataan.

51:23.560 --> 51:25.640
Baka 'yon ang kailangan kong gawin.

51:25.720 --> 51:28.640
Dalhin ko siya sa lugar na di siya kilala.

51:30.440 --> 51:33.000
-Hindi.
-Ano pa ba, Ma? Ano pa?

51:33.080 --> 51:37.560
Baka ito lang ang tsansa niya
ng bagong-buhay kung ilalayo ko siya.

51:37.640 --> 51:40.200
Hindi, wag kang padalos-dalos ngayon.

51:40.280 --> 51:41.359
Ma, tama na.

51:42.920 --> 51:43.839
Wag ngayon.

51:45.120 --> 51:46.280
O, sige.

51:51.440 --> 51:53.240
Wag kang magpakita kay Alex na ganito.

52:00.960 --> 52:03.280
Simula pa ng imbestigasyon
para kay Rachel Nickell,

52:03.359 --> 52:06.399
nasa 120 na suspek na
ang natanong ng pulisya,

52:06.480 --> 52:08.680
pero wala pang matibay na ebisensiya.

52:08.760 --> 52:12.080
At sa kabila ng tugon ng publiko
sa Crimewatch appeal,

52:12.160 --> 52:14.520
mukhang bumalik lang sila sa umpisa.

52:14.600 --> 52:17.480
Di lang suspek si Colin Stagg.
Siya ang killer.

52:17.560 --> 52:19.280
Tulungan mo kaming patunayan 'yon.

52:20.399 --> 52:23.080
Ngayon, tinawagan kami

52:23.680 --> 52:27.359
ng babaeng nakakita kay Stagg sa balita
noong indecency hearing.

52:27.440 --> 52:29.799
Nagpapalitan daw sila
ng mga lonely heart letter

52:29.879 --> 52:34.120
sa huling bahagi ng 1990 hanggang '91
nang maging mahalay si Stagg.

52:34.200 --> 52:36.240
Malaswa, ang sabi niya.

52:36.319 --> 52:40.799
At iniisip n'yong bigyan siya
ng pen pal galing sa inyo?

52:40.879 --> 52:42.399
Di masamang subukan.

52:43.399 --> 52:46.240
Kung gagawin 'to, matutulungan mo ba kami

52:46.319 --> 52:51.359
para magdisenyo ng lihim na operasyon
para mapalabas ang katotohanan kay Stagg?

52:54.680 --> 52:55.680
Oo, sa tingin ko.

52:56.640 --> 52:58.440
O, sige.

52:58.520 --> 53:00.680
Pero kailangan nating bilisan.

53:00.760 --> 53:04.960
Dahil pag hindi nahuli
ang pumatay kay Rachel, papatay siya ulit.

53:45.920 --> 53:47.839
BASE SA MEMOIR NA "LETTING GO"
NI ALEX HANSCOMBE

55:10.480 --> 55:12.879
Nagsalin ng Subtitle: Jewel T
