WEBVTT

00:34.701 --> 00:36.870
Ano 'yan? Tingnan mo 'yong lobster.

00:37.871 --> 00:39.039
Umihi ba siya?

00:40.874 --> 00:41.958
Tingnan natin.

00:42.500 --> 00:44.627
-Sinabi mo na sa kanila?
-Hindi pa.

00:46.546 --> 00:47.756
Kailangan na siguro.

00:48.423 --> 00:49.883
Na magre-retire ka na?

00:49.966 --> 00:50.925
Gano'n na nga.

00:53.136 --> 00:55.805
Pero pa'no kung kalaunan…

00:56.347 --> 00:57.807
Ngayon na, o—

00:57.891 --> 01:00.143
Kung kailangan mong pumunta ro'n at…

01:02.729 --> 01:03.938
Ready na kayo?

01:07.609 --> 01:09.110
Ang galing ni Lola, a!

01:09.194 --> 01:10.570
Ang galing ni Lola.

01:11.071 --> 01:12.906
Uy! Champion siya, di ba?

01:12.989 --> 01:14.949
-Papa.
-Teka.

01:16.367 --> 01:21.206
Siguro kailangan ko nang mag-retire
pagkatapos ng Roland-Garros.

01:22.832 --> 01:25.126
Gusto mo pa bang maglaro sa iba
pagkatapos no'n?

01:25.210 --> 01:27.086
Parang mahirap na 'yon, Ma.

01:30.882 --> 01:36.012
Pero wag n'yong sabihin kahit kanino
kasi— Kahit kanino, okay?

01:38.014 --> 01:40.225
Kailangan nating…

01:42.393 --> 01:43.937
tanggapin ang realidad.

01:45.230 --> 01:46.523
Kung tutuosin, masyado nang…

01:47.232 --> 01:49.150
parang masyado ko nang…

01:52.487 --> 01:53.780
pinatagal 'yong sitwasyon.

01:55.073 --> 01:57.075
Mas matagal pa sa inakala mo.

01:58.201 --> 01:59.119
Oo.

02:00.203 --> 02:01.454
Tanggap mo naman na?

02:02.288 --> 02:04.958
Ewan ko. Ganito ako, e.
Ano ba'ng magagawa ko?

02:18.054 --> 02:21.432
2 LINGGO BAGO ANG ROLAND-GARROS

02:23.476 --> 02:25.770
Itawid mo sa net.

02:26.688 --> 02:28.982
Itawid mo sa net.

02:29.524 --> 02:31.734
Di pwedeng sumablay
'yong tirang 'yon. Hindi.

02:32.318 --> 02:34.404
Di ko na nga dapat kailangang
bumalik sa gitna.

02:34.487 --> 02:37.407
Magaganda 'yong tira niya,
tapos biglang dalawang sablay.

02:37.991 --> 02:39.784
Nakakaramdam siya ng…

02:41.452 --> 02:43.621
Nawawala siya sa focus,
at di siya makabalik.

02:44.873 --> 02:47.083
Pambihira! Bakit ang bagal mong gumalaw?

02:48.042 --> 02:49.002
Buwisit.

02:52.422 --> 02:54.007
Wag kang mainis.

02:54.090 --> 02:55.633
Kasi sa huli—

02:55.717 --> 02:57.010
Hindi makakatulong.

02:57.093 --> 03:00.054
Mismo. Mawawala ka sa focus
at mahihirapan kang makabalik.

03:01.514 --> 03:04.684
Alam kong mahirap i-enjoy 'to at—
Pero subukan mong—

03:04.767 --> 03:07.687
Ganito dapat sa Paris,
pero simulan mo na ngayon.

03:07.770 --> 03:11.691
Di mo alam kung ilang practice na lang
na tulad nito ang natitira.

03:13.026 --> 03:16.988
Ang maganda ro'n, paglipas ng apat
o limang taon, babalikan mo 'to,

03:18.114 --> 03:19.240
at, pare,

03:19.324 --> 03:22.493
gugustuhin mong balikan 'to,
dahil hindi mo na-enjoy.

03:22.577 --> 03:25.455
At ito 'yong mga oras
na di mo na maibabalik.

03:41.554 --> 03:44.182
715 days na ang nakalipas

03:44.265 --> 03:48.561
mula no'ng huling tumapak si Rafa Nadal
sa center court sa Roland-Garros.

03:48.645 --> 03:50.855
Ito ang pang-19 na pagsali niya dito.

03:50.939 --> 03:54.734
Una, no'ng 18 years old pa lang siya
no'ng 2005.

04:02.242 --> 04:05.870
Ito ang pinakaespesyal na pagsasama
sa history ng world sport,

04:05.954 --> 04:09.791
si Rafa Nadal at ang court
kung saan siya nanalo ng 14 na beses…

04:09.874 --> 04:11.084
Rafa!

04:11.167 --> 04:13.711
…at sana hindi pa ito ang huli.

04:26.516 --> 04:29.269
7 ARAW BAGO ANG UNANG LABAN

04:31.896 --> 04:32.939
Wag kang ma-out!

04:37.860 --> 04:39.237
-Ituloy mo lang.
-Oo.

04:39.320 --> 04:40.530
Ngayon…

04:43.199 --> 04:45.034
Sa buong career ni Rafa,

04:45.118 --> 04:48.037
may mga panahong
napakahigpit niya sa sarili niya.

04:48.121 --> 04:49.163
TINIG NI CARLOS MOYÁ

04:49.664 --> 04:51.708
Sa mga ganitong panahon,

04:51.791 --> 04:53.960
gusto mong maging kaibigan niya,
at hindi coach.

04:55.878 --> 04:59.674
May mga taon na masalimuot at mahihirap.

05:00.925 --> 05:03.678
At kahit no'ng di pa 'ko kasama
sa team niya,

05:03.761 --> 05:07.181
alam ko 'yong pinagdadaanan niya.

05:15.106 --> 05:16.816
2015 'yong pinakapangit na taon.

05:18.568 --> 05:21.362
'Yon lang ang tanging taon sa career ko

05:21.446 --> 05:24.532
na ni isang tournament sa clay season,
wala akong napanalunan.

05:27.160 --> 05:30.788
Ang baba ng energy ko,
di ako makapag-focus.

05:31.372 --> 05:33.791
Malinaw na may problema.

05:35.335 --> 05:39.505
Iniisip ko habang naglalakad sa court,
"Tingnan natin 'yong mangyayari ngayon."

05:40.548 --> 05:42.383
-Laban, Rafa!
-Rafa!

05:42.467 --> 05:44.052
Laban, Rafa!

05:53.728 --> 05:55.980
Nagkakaro'n siya lagi ng anxiety,

05:56.064 --> 05:59.942
pero hindi kasingtindi
no'ng panahon na 'yon.

06:00.943 --> 06:04.489
Tanda ko na di siya makapag-concentrate.

06:04.572 --> 06:07.158
Pag hinahagis niya 'yong bola,
hindi niya makita.

06:15.416 --> 06:17.085
Wala akong kontrol.

06:21.130 --> 06:22.090
Out.

06:22.173 --> 06:24.926
'Yon ang tirang kailangan niya
para makabalik sa laban.

06:25.009 --> 06:27.678
Sabi ko,
"Ipinapahiya ko ang sarili ko dito."

06:28.388 --> 06:29.555
Out.

06:29.639 --> 06:31.015
Error ulit mula kay Nadal.

06:31.099 --> 06:34.268
At sinasalamin ng laban na 'yon

06:35.353 --> 06:39.482
'yong naging araw-araw na buhay ko
sa loob ng ilang buwan.

06:43.569 --> 06:46.614
-Fault!
-Game, set, match, Djokovic.

06:48.282 --> 06:52.870
Ang King of Clay ay napatalsik sa trono
sa Roland-Garros.

06:53.371 --> 06:56.874
Tapos na ang paghahari niya.
Natalo siya sa quarterfinals.

06:56.958 --> 06:59.752
Pagkatapos ng 70 panalo
at 2 talo lamang sa clay ng Paris,

06:59.836 --> 07:02.713
bumagsak si Nadal sa number 10
sa ATP rankings.

07:02.797 --> 07:05.299
Sa Lunes, pwede siyang bumaba
sa number 11 kung…

07:06.551 --> 07:11.472
Muntik na 'kong magpahinga
nang panandalian sa tennis.

07:13.266 --> 07:15.393
Nanawa ako sa araw-araw na buhay ko.

07:18.688 --> 07:19.814
Pero…

07:19.897 --> 07:21.607
si Toni, hindi siya…

07:21.691 --> 07:25.903
Sabihin na lang natin
na hindi siya mahilig magpahinga.

07:29.323 --> 07:34.120
Naniniwala siyang ang pinakamadaling
paraan para maka-recover

07:34.620 --> 07:36.747
ay patuloy na maglaro ng tennis.

07:41.919 --> 07:45.715
Lagi kong sinasabi, "Wala pa 'kong nakita
na nag-improve dahil sa kakapahinga."

07:46.215 --> 07:47.967
Dahil pag natatalo ako,

07:48.050 --> 07:49.886
ang solusyon ay mag-training.

07:49.969 --> 07:51.053
Isa pa.

07:56.142 --> 07:57.894
Mahirap ba 'yong training?

07:57.977 --> 07:59.896
Mas mahirap pa 'to kesa sa laro.

08:01.522 --> 08:05.401
Para pagdating mo sa court, handa ka na.

08:05.943 --> 08:06.819
O hindi.

08:11.157 --> 08:13.284
PHYSICAL TRAINER NI RAFA

08:13.367 --> 08:14.785
Kinausap ko si Toni.

08:14.869 --> 08:17.955
Sinabi kong kailangan ni Rafa
na mas makapagpahinga.

08:18.456 --> 08:19.957
I-manage 'yong training.

08:22.126 --> 08:24.503
Pero parang ayaw ni Toni no'n.

08:25.713 --> 08:27.507
Ang sinabi ko lang,

08:28.007 --> 08:29.884
"Kailangan nating magsikap pa."

08:31.427 --> 08:34.263
Naniniwala siya na ang mga bagay
na poprotekta kay Rafa

08:34.347 --> 08:37.099
ang magpapahina sa kanya
bilang isang competitor.

08:39.560 --> 08:41.896
Mas nag-alala 'ko sa psychological impact.

08:41.979 --> 08:43.481
Kasi konektado ang lahat.

08:46.651 --> 08:49.028
Naapektuhan 'yong pang-araw-araw
na buhay niya,

08:49.111 --> 08:52.907
dahil di siya makawala sa anxiety na 'yon.

08:55.159 --> 08:58.996
Tanda ko no'ng panahong 'yon,
lagi siyang may dalang tubig.

08:59.080 --> 09:02.250
Ni hindi kami makasakay ng kotse
pag wala siyang dalang tubig.

09:02.333 --> 09:04.043
Parang nasu-suffocate siya.

09:04.544 --> 09:06.754
Pag wala akong dalang bote ng tubig,

09:07.755 --> 09:09.382
kahit laway ko, di ko malunok.

09:09.465 --> 09:11.384
Matutuyo 'yong lalamunan ko

09:12.843 --> 09:15.346
at mabubulunan ako sa laway ko.

09:17.848 --> 09:19.392
Alam kong anxiety 'yon,

09:19.892 --> 09:22.562
pero di ako makahanap ng solusyon.

09:30.778 --> 09:33.406
At 'yon ang tira
na di niya naitawid sa net.

09:34.699 --> 09:37.952
Sinubukan kong kumbinsihin 'yong sarili ko
na bumubuti na ang lahat,

09:38.035 --> 09:40.079
pero hindi talaga, e.

09:41.205 --> 09:42.206
Hindi ko kaya.

09:46.419 --> 09:51.799
Masasabi nating
lumipas na ang dating Rafael Nadal

09:51.882 --> 09:53.134
at di na babalik pa.

09:54.468 --> 09:56.929
Kung may anxiety ka, anxiety lang.

10:00.474 --> 10:02.727
Di ko masyadong binigyang-halaga 'yon.

10:03.436 --> 10:07.982
Naisip ko, "Kung magpupursigi kami,
malalampasan namin 'to."

10:10.443 --> 10:14.071
Natalo na naman si Rafael Nadal
sa quarterfinals.

10:14.155 --> 10:15.990
At para kay Nadal, kalungkutan.

10:16.490 --> 10:20.161
Mahabang paglalakad 'yan
sa pasilyo kung saan siya matagumpay noon.

10:20.244 --> 10:25.041
Masasabi kong 'yong dalawang taon na 'yon
ang pinakamahirap sa buong career ko.

10:27.376 --> 10:30.212
Kalaunan, kinailangan kong lumapit…

10:30.755 --> 10:31.964
sa…

10:32.965 --> 10:34.300
sa isang psychiatrist.

10:36.427 --> 10:38.429
Sabi nila, siguro dahil sa…

10:38.929 --> 10:41.766
maraming taon ng matinding pressure

10:42.725 --> 10:47.104
at laging stress.

10:49.106 --> 10:54.070
Okay naman 'yong professional
relationship namin ni Toni,

10:57.114 --> 11:00.284
pero siguro kinailangan ko

11:00.826 --> 11:05.539
ng ibang magbibigay ng mensahe sa isip ko.

11:07.583 --> 11:09.835
Kalaunan, napagdesisyunan namin

11:09.919 --> 11:14.632
na kailangan na naming magpasok
ng ibang tao sa team.

11:17.259 --> 11:19.053
'Yong tatay ko ang kumausap kay Toni.

11:20.096 --> 11:23.140
Hindi ko 'yon magagawa.

11:27.103 --> 11:30.356
Para sa 'kin, mahirap 'yon,
napakahirap na desisyon.

11:30.898 --> 11:32.900
Kasi alam ko na…

11:34.026 --> 11:36.821
sa loob-loob ko,

11:36.904 --> 11:40.324
masasaktan si Toni
pag nagpasok ng ibang tao sa team.

11:41.951 --> 11:44.912
Kapag paulit-ulit na 'yong ginagawa mo,

11:45.413 --> 11:48.833
siguro darating 'yong oras
na kakailanganin mo na ng pagbabago.

11:50.292 --> 11:52.461
Kapatid ko si Toni, pero…

11:52.962 --> 11:56.090
mas importante ang anak ko.

11:58.342 --> 12:01.053
Siguro hindi 'yon ikinatuwa ni Toni,

12:02.304 --> 12:06.934
pero inisip namin
na makakabuti 'yon kay Rafa.

12:09.728 --> 12:14.567
At doon namin naisip na kunin…

12:15.192 --> 12:16.193
si Carlos.

12:28.873 --> 12:33.252
No'ng bata ako, idol ko talaga si Carlos.

12:35.337 --> 12:37.590
KASAMA MO KAMI, CARLOS

12:42.261 --> 12:45.765
Si Carlos ang unang Spanish player
na naging world number 1.

12:45.848 --> 12:47.099
Taga-Mallorca siya.

12:47.975 --> 12:50.978
Pag nakikita mo si Carlos Moyá,
ano'ng naiisip mo?

12:51.645 --> 12:53.481
Gusto kong maging katulad niya.

12:55.024 --> 12:57.776
Napakabata ko pa no'ng sumali ako sa tour.

12:58.569 --> 13:03.073
Si Carlos lang 'yong taong kilala ko.

13:03.783 --> 13:05.075
Kamayan o wag na?

13:05.159 --> 13:06.577
-Ayan.
-Ganyan.

13:07.286 --> 13:10.456
Ramdam kong hangad ni Carlos
'yong makakabuti sa 'kin.

13:10.539 --> 13:11.999
May laro ka ngayon?

13:12.082 --> 13:14.835
Mabait siya. Humble, tahimik.

13:15.377 --> 13:19.089
Tinutulungan ko siya,
pinapayuhan ko pag nanghihingi siya.

13:19.673 --> 13:21.133
-Umaangat 'to.
-Talaga?

13:21.217 --> 13:23.552
Umaangat 'to pag naglalaro ako.

13:24.094 --> 13:26.138
Alam mo bang kailangan ng red tape dito?

13:29.600 --> 13:34.188
Nakikita kong kaya niyang talunin
ang kahit na sino sa tour.

13:34.688 --> 13:38.234
Tandaan n'yo, siya ang pang-apat
na pinakamagaling na player sa mundo,

13:38.317 --> 13:41.278
at 16 years old ang kalaban niya,
at tinatalo siya.

13:46.784 --> 13:48.244
-Out!
-At nagawa niya!

13:48.327 --> 13:51.539
Napakagandang sandali nito para kay Nadal.

13:51.622 --> 13:53.707
Malinaw na malalampasan niya 'ko, pero…

13:54.208 --> 13:58.838
ayokong pigilan siya
o hilahin siya pababa.

13:59.839 --> 14:01.632
Uy, kumaliwa ka.

14:01.715 --> 14:02.758
Saan siya pupunta?

14:02.842 --> 14:04.260
Uy, sa kaliwa 'yon!

14:05.261 --> 14:06.637
Hayop na 'to!

14:11.100 --> 14:15.312
No'ng nagdesisyon siya
na maging parte ako ng team,

14:15.396 --> 14:17.606
medyo nagulat ako.

14:20.401 --> 14:24.280
Nag-dinner kami sa Palma,
at tatlong oras kaming nag-usap

14:24.363 --> 14:29.743
tungkol sa kung ano sa tingin niya
'yong kailangan ko at maitutulong niya.

14:31.120 --> 14:33.497
Dalawang taon siyang di nanalo
ng Grand Slam.

14:33.998 --> 14:36.792
Sabi ko, "Kaya mo ulit manalo
ng mga Grand Slam

14:36.876 --> 14:39.044
"at maging world number 1 ulit."

14:39.128 --> 14:42.464
Pagkatapos naming mag-usap, kumbinsido ako

14:43.340 --> 14:47.303
na tama 'yong desisyon
na isama siya sa team.

14:50.055 --> 14:53.183
Pumasok si Carlos sa team
no'ng katapusan ng taong 'yon.

14:53.767 --> 14:59.231
Ang plano,
magtulungan sina Carlos at Toni.

15:00.316 --> 15:03.611
Sa huli, naintindihan ko na…

15:04.361 --> 15:07.615
pag hindi maganda 'yong mga resulta

15:07.698 --> 15:13.412
at gusto mo ng pagbabago,
e di makakabuti nga 'yong pagbabago.

15:15.164 --> 15:16.915
Thirty na siya no'ng pumasok ako.

15:16.999 --> 15:20.419
Kaya kinailangan niyang baguhin
'yong ilang bagay na gumana noon.

15:21.462 --> 15:23.923
Binago namin nang konti
'yong training system.

15:24.798 --> 15:28.719
Naniniwala siyang kailangan namin
ng mas maiikling training,

15:28.802 --> 15:32.681
pero mas specific,
naka-focus lang sa mga kailangan ko.

15:33.182 --> 15:34.600
Laging sinasabi sa 'min

15:34.683 --> 15:38.562
na kailangang maglaro nang maglaro ni Rafa
para magkakumpiyansa.

15:39.730 --> 15:44.068
Pero napakahusay na niya
na di na niya kailangan ng gano'n karami.

15:44.860 --> 15:49.448
Magagamit 'yong early rounds ng Grand Slam
para makakuha ng rhythm

15:49.949 --> 15:51.325
at magkakumpiyansa.

15:52.201 --> 15:55.329
Australian Open 'yong unang tournament
na sinalihan namin.

15:57.748 --> 16:01.126
"Masaya 'kong makabalik sa competition,"
sabi ni Rafa Nadal.

16:01.627 --> 16:02.836
Mahirap 'to para kay Rafa.

16:02.920 --> 16:06.966
Hindi niya tatanggalin si Tito Toni,
pero ito ang gustong desisyon ni Rafa.

16:07.049 --> 16:08.509
Gusto niyang nandito si Carlos.

16:08.592 --> 16:11.679
Sa mata ng media o opinyon ng publiko,

16:11.762 --> 16:13.806
si Carlos na 'yong namamalakad.

16:13.889 --> 16:16.642
…matalas ang isip,
naniniwala sa sarili niya,

16:16.725 --> 16:19.061
'yon ang Rafa na gusto nating makita.

16:23.482 --> 16:26.402
Sinasabi ko sa 'yo,
no'ng 2017, umpisa pa lang,

16:26.485 --> 16:28.320
makikita mong may bumabalik na.

16:42.167 --> 16:44.753
Wala pa 'kong nakitang tao sa buhay ko

16:44.837 --> 16:46.547
na may napakalaking tiwala kay Rafa

16:47.715 --> 16:49.133
gaya ni Charlie Moyá.

16:50.175 --> 16:53.762
Ayos!

16:54.304 --> 16:57.808
Madalas, bago ang laban, sinasabi ko,
"Tandaan mo kung sino ka.

16:59.017 --> 17:02.521
"Iparamdam mo sa kalaban mo
kung sino ang kalaban niya.

17:03.856 --> 17:05.899
"Napakalaki na ng nagawa mo.

17:09.862 --> 17:11.989
"Iparamdam mo 'yong bigat
ng mga nakamit mo."

17:19.580 --> 17:21.373
Nakuha na niya ang pangsampu.

17:23.959 --> 17:27.087
Nabawi na ng King of Clay
ang kanyang trono.

17:29.548 --> 17:33.761
Mula no'n,
siguro nag-iba na 'yong pananaw niya.

17:35.262 --> 17:37.056
Bumabalik na sa isip niya…

17:39.308 --> 17:43.645
"Ako na ulit si Rafa Nadal,
'yong Rafa na kilala n'yo."

17:49.109 --> 17:50.110
Iangat mo.

17:53.072 --> 17:54.448
Mahusay.

17:54.990 --> 17:57.659
Lagyan mo naman ng puwersa, okay?
Magiging mas mahirap 'to.

17:59.828 --> 18:03.373
4 NA ARAW BAGO ANG UNANG LABAN

18:18.847 --> 18:24.812
Grabe. Anim na libong tao
ang manonood sa practice ni Rafa Nadal.

18:26.063 --> 18:27.481
Nakakamangha.

18:27.564 --> 18:32.611
Rafa!

18:32.694 --> 18:35.280
Olé!

18:39.952 --> 18:42.830
Tiyaga lang, pare.
Tiyaga lang, magagamay mo rin.

18:42.913 --> 18:44.957
Magagamay mo rin 'yan.

18:58.804 --> 19:01.223
'Yong maglakad sa court para mag-practice

19:02.975 --> 19:05.185
at dumagundong 'yong buong stadium…

19:05.769 --> 19:07.271
at isinisigaw 'yong pangalan mo,

19:08.605 --> 19:09.690
nakakatuwa, di ba?

19:09.773 --> 19:13.735
Pagkatapos nito,
maiisip pa ba niyang tumigil sa tennis?

19:15.571 --> 19:17.364
Sige, paisa-isang puntos lang, Rafael.

19:21.076 --> 19:22.202
Ganyan nga.

19:22.953 --> 19:23.787
Sige lang.

19:23.871 --> 19:25.873
-Mahusay, pare.
-Ang ganda. Nice.

19:39.094 --> 19:40.804
Maganda 'yong training ni Rafa.

19:42.264 --> 19:44.516
Tatlong oras pa rin
'yong training niya araw-araw,

19:44.600 --> 19:46.351
at naipanalo niya ang lahat ng set.

19:57.279 --> 19:59.531
-I-kiss mo 'ko. Dali.
-I-kiss mo.

19:59.615 --> 20:02.034
-Yakapin mo si Papa.
-Yakapin mo si Papa.

20:02.117 --> 20:03.493
-Pawis na pawis siya.
-Hindi.

20:03.577 --> 20:05.579
Yakapin mo si Papa.

20:11.543 --> 20:15.547
Napagdesisyunan mo na ba
kung ito na ang huli mong French Open?

20:15.631 --> 20:18.175
Dahil 'yon ang iniisip ng lahat,

20:18.258 --> 20:21.178
pero di ko alam
kung napagdesisyunan mo na 'yon.

20:21.261 --> 20:22.679
Baka ito na 'yong huli.

20:23.180 --> 20:25.015
Baka hindi. Pero…

20:28.310 --> 20:29.978
Pero tingnan natin.

20:33.899 --> 20:35.734
Tama lang na mag-retire na 'ko.

20:36.235 --> 20:40.697
Pero malulungkot ako
kung hindi ko susubukan.

20:40.781 --> 20:44.618
"Nag-improve 'yong katawan ko
nitong mga nakaraang linggo.

20:44.701 --> 20:48.288
"Masaya 'yong pamilya ko,
masaya 'kong naglalaro, nag-e-enjoy ako.

20:48.372 --> 20:52.417
"Kaya di ko masisigurong
ito na 'yong huling Roland-Garros ko."

20:53.502 --> 20:54.628
Kaya ko pa naman.

20:59.466 --> 21:01.510
3 ARAW BAGO ANG UNANG LABAN

21:01.593 --> 21:03.553
Magandang umaga sa inyong lahat.

21:03.637 --> 21:06.264
Salamat at welcome sa Roland-Garros,

21:06.348 --> 21:08.308
dito sa iconic na venue

21:08.392 --> 21:11.603
kung saan gaganapin ang draw
para malaman ang final bracket.

21:13.188 --> 21:15.148
Isang napakaimportanteng draw.

21:15.232 --> 21:19.945
Mula sa pinakaunang laban,
maaari niyang makalaban ang kahit na sino.

21:21.238 --> 21:23.865
Di pa kumpleto 'yong draw.
Wala pa 'yong mga seeded player.

21:23.949 --> 21:26.535
Pero nagiging interesting na.

21:27.536 --> 21:29.663
-Totí, totí, totí.
-"Totí, totí," ha?

21:29.746 --> 21:31.748
Mahilig ka sa "totí, totí, totí."

21:31.832 --> 21:35.210
Tingin ko, aabot sa quarters si Rafa,
pero kung si Alcaraz sa first round—

21:35.293 --> 21:37.713
Di mo alam kung sino'ng makakalaban niya.

21:38.297 --> 21:41.383
Seed number three at four. Marie-Jo?

21:44.845 --> 21:46.847
-Number four.
-Alexander Zverev.

21:57.733 --> 22:01.570
At ang malaking balita,
minalas si Rafa Nadal

22:01.653 --> 22:03.864
sa draw ng Roland-Garros.

22:03.947 --> 22:07.492
Makakalaban niya sa kanyang pagbabalik
si Zverev, ang world number 4.

22:09.369 --> 22:11.747
-Ang gandang draw, di ba?
-Gano'n talaga.

22:11.830 --> 22:14.041
Sisiw.

22:15.000 --> 22:16.043
Si Zverev.

22:16.126 --> 22:18.295
-Okay. First round?
-First round.

22:19.921 --> 22:23.633
Hindi 'yon ang gusto mo.

22:31.099 --> 22:33.185
-Kumusta 'yon sa kanya?
-Okay naman.

22:34.352 --> 22:37.147
Pumunta naman siya dito
para manalo sa tournament, e.

22:38.857 --> 22:41.234
Rafa!

22:41.318 --> 22:42.527
The best ka.

22:43.987 --> 22:45.489
Mahal ka namin dito sa France.

23:02.506 --> 23:06.676
Nakakatuwa, di ba, na makita si Nadal,
'yong totoong Nadal,

23:06.760 --> 23:07.886
na naglalaro ulit?

23:07.969 --> 23:12.057
Tingin ko, kaya ulit ni Nadal
na maging world number 1.

23:13.350 --> 23:15.018
'Yong pagkuha kay Carlos sa team,

23:15.519 --> 23:18.438
para sa 'kin,
naging maganda naman sa simula.

23:21.775 --> 23:23.527
No'ng nagte-training kami sa Manacor,

23:24.403 --> 23:28.490
nasa isang conference
sa ibang bansa si Toni,

23:29.199 --> 23:31.159
merong nag-check ng phone,

23:31.701 --> 23:34.287
at sinabing may statement si Toni.

23:35.080 --> 23:38.208
Hindi na magiging coach ni Rafa Nadal
si Toni Nadal next season.

23:38.291 --> 23:40.377
At nireport ng press

23:41.336 --> 23:44.464
na hindi ko na siya makakasama,
na 'yon na ang huling taon namin.

23:44.965 --> 23:45.882
Buweno…

23:46.383 --> 23:47.884
Doon namin nalaman.

23:47.968 --> 23:51.346
Di alam ni Rafa, di ko alam,
wala siyang sinabihan.

23:51.429 --> 23:53.265
Sa press namin nalaman.

23:55.058 --> 23:59.896
Hindi 'yon ang plano ko
no'ng kinuha ko si Carlos sa team.

24:00.564 --> 24:03.024
Para sa 'kin,
hindi "papasok si Carlos, aalis si Toni."

24:06.153 --> 24:08.989
Maghihiwalay na sila
ng tiyuhin niyang si Toni,

24:09.072 --> 24:10.866
na ilang taon nga niyang naging coach?

24:10.949 --> 24:13.618
-Twenty-seven o 28 years.
-Twenty-seven o 28 years.

24:14.327 --> 24:18.290
Siguro dapat sinabi niya muna sa 'min,

24:18.373 --> 24:19.916
bago niya sinabi sa press,

24:20.000 --> 24:21.877
pero may dahilan siguro siya.

24:21.960 --> 24:23.753
Sabi ko, "Ano'ng magagawa ko?"

24:25.839 --> 24:28.508
Sa buhay,
gusto kong meron akong pakinabang.

24:28.592 --> 24:33.180
Ayokong nasa sitwasyon na pakiramdam ko

24:33.263 --> 24:37.642
parang wala akong maitutulong.

24:38.143 --> 24:42.230
Kaya nagdesisyon akong umalis.

24:43.064 --> 24:46.860
Siguradong ikinagulat niya 'yon.

24:46.943 --> 24:47.903
Hindi siguro.

24:47.986 --> 24:48.987
-Hindi?
-Hindi.

24:49.905 --> 24:51.198
Medyo…

24:52.616 --> 24:54.284
nagulat ako, siyempre.

24:58.121 --> 24:59.998
Tito ko si Toni, e.

25:00.081 --> 25:02.292
'Yong naging impluwensiya niya sa 'kin,

25:02.876 --> 25:05.754
mas higit pa sa kahit kaninong tao
sa buhay ko.

25:08.048 --> 25:10.550
Parang natakot ako

25:11.218 --> 25:14.679
na isipin kung pa'no ako magpapatuloy
nang wala si Toni.

25:31.238 --> 25:32.364
No'ng 2017,

25:32.864 --> 25:34.199
nag-champion ako sa US Open.

25:35.742 --> 25:37.494
Naging world number 1 ako no'n.

25:39.162 --> 25:40.956
Sa tingin ko, nag-evolve siya

25:41.039 --> 25:44.626
at nagbago nang konti
'yong pananaw niya sa sarili niya.

25:45.961 --> 25:47.545
Kaya sa palagay ko,

25:47.629 --> 25:51.258
'yon ang dahilan ng tagumpay niya
paglampas niya ng edad 30.

25:57.931 --> 26:03.144
Siguro parang pinalakas no'n
'yong self-confidence niya.

26:09.150 --> 26:10.151
Fault!

26:10.235 --> 26:12.237
Game, set, at match, Nadal.

26:12.904 --> 26:14.948
Meron na siyang 17 Grand Slam.

26:17.492 --> 26:22.831
Naging mas malaya ako
sa mga huling taon ng career ko,

26:25.041 --> 26:28.086
at di masyadong stressed
kesa no'ng kasama si Toni.

26:31.006 --> 26:33.967
Natutunan niyang mag-relax nang konti,

26:36.011 --> 26:39.472
sa pagkakaro'n ng araw-araw na routine
kung saan nag-e-enjoy siya.

26:42.934 --> 26:44.144
Mas mature na siya.

26:44.227 --> 26:47.147
Sa edad na 30, kilala mo na ang sarili mo.

26:47.814 --> 26:51.860
Kumbaga hindi ka na bata.

26:53.570 --> 26:56.197
Kasama niya 'yong mga magulang niya
hanggang…

26:57.115 --> 26:59.659
2018 yata.

27:00.201 --> 27:03.830
Baka mas matagal pa sana.

27:03.913 --> 27:04.956
Pero…

27:06.708 --> 27:10.253
Ako pa nga 'yong nagsabi
na bumukod na kami, tapos sabi niya,

27:10.337 --> 27:11.212
"Bakit?"

27:12.505 --> 27:14.299
Natakot ako sa…

27:14.841 --> 27:17.010
sa desisyong 'yon.

27:17.093 --> 27:18.762
Pero no'ng nangyari na,

27:19.596 --> 27:20.472
okay naman.

27:21.598 --> 27:23.975
Siya 'yong gusto kong makasama
sa pagbuo ng pamilya.

27:25.518 --> 27:29.064
At walang duda,
napakalaking suporta niya sa 'kin.

27:30.565 --> 27:32.817
Masaya 'ko sa career ko
no'ng mga taong 'yon.

27:34.861 --> 27:39.616
Nag-enjoy akong nakikita 'yong sarili ko
na lumalaban sa pinakamagagaling.

27:43.036 --> 27:45.413
Rafa Nadal. Lahat-lahat, may 18 na siya.

27:45.997 --> 27:50.085
Panlimang Wimbledon
para sa Serbian superstar.

27:50.835 --> 27:53.505
Novak Djokovic, may 16.
Roger Federer, may 20.

27:53.588 --> 27:57.258
Kahanga-hanga na nakikita natin
'yong mga nakakamit nila sa tennis.

27:58.218 --> 28:02.722
Nasa prime sila ng career nila,
naglalaro sila sa lahat ng surface,

28:02.806 --> 28:04.557
nananalo sila sa apat na Grand Slam.

28:04.641 --> 28:06.393
Masasabi mong, "Ang suwerte natin."

28:06.476 --> 28:09.979
Tapos sasabihin mo,
"Teka, hindi siya nag-iisa."

28:10.063 --> 28:13.608
Ang dahilan kaya lumalaban pa sila
ay dahil pinalalakas nila ang isa't isa.

28:13.692 --> 28:16.444
"Nananalo pa rin ng ilang major
sa isang taon 'tong taong 'to

28:16.528 --> 28:19.197
"kahit malapit na siyang mag-40
kumpara no'ng 30 siya.

28:19.280 --> 28:20.365
"Bakit hindi ako?"

28:20.448 --> 28:22.158
Three sets to two.

28:22.242 --> 28:24.661
Siya ang US Open champion!

28:25.787 --> 28:27.122
Sa unang pagkakataon,

28:27.205 --> 28:31.960
isa na lang
ang lamang ni Federer kay Nadal.

28:32.877 --> 28:34.295
Handang-handa na sila.

28:34.379 --> 28:38.341
Magse-serve na si Rafael Nadal
para sa pang-13 Roland-Garros title

28:38.425 --> 28:41.052
at pang-20 Grand Slam title.

28:43.638 --> 28:45.432
Game, set, at match, Nadal.

28:45.515 --> 28:50.353
Sa taong 2020,
nakuha ni Rafael Nadal ang pang-20.

28:51.020 --> 28:54.232
Tinalo niya ang matinding karibal
na si Novak Djokovic.

29:04.325 --> 29:06.578
Ang milagro sa Melbourne.

29:07.245 --> 29:11.916
Isang pambihirang comeback.
Twenty-one major titles.

29:12.417 --> 29:15.628
Ang pinakamagaling na player
sa kasaysayan.

29:17.422 --> 29:21.009
Sobrang ganda ng pakiramdam ko.

29:22.010 --> 29:25.263
Gusto kong gawin ang lahat
para makapagpatuloy pa.

29:27.265 --> 29:29.684
Pero pagkatapos ng Australian Open final,

29:31.978 --> 29:33.730
hindi naging okay 'yong katawan ko.

29:42.071 --> 29:44.282
Uy, hintayin n'yo 'ko.

29:46.659 --> 29:48.369
Ingatan mo 'yang paa na 'yan.

29:48.453 --> 29:50.997
-Kumusta?
-Rafa, kumusta?

29:51.080 --> 29:53.750
Di ko alam.
Malalaman natin sa loob ng ilang araw.

29:53.833 --> 29:56.252
-Ano'ng nararamdaman mo?
-Maganda o hindi?

29:56.336 --> 29:57.629
Wala akong nararamdaman.

30:03.468 --> 30:07.764
Sa totoo lang, nagulat kaming lahat

30:07.847 --> 30:10.433
na nakayanan niyang maglaro
nang mahabang panahon.

30:11.768 --> 30:14.437
Palala nang palala 'yong paa niya
sa paglipas ng mga taon,

30:14.521 --> 30:17.690
kaya dumating 'yong oras
na sabi ng paa niya,

30:18.191 --> 30:19.692
"Hindi ko na kaya."

30:23.780 --> 30:25.949
Naging mahirap 'yong mga sumunod na buwan.

30:27.867 --> 30:29.327
Naipasok niya!

30:29.410 --> 30:32.413
Sa wakas,
tinalo na ng apprentice ang master.

30:32.497 --> 30:33.831
Naglaro siya sa Madrid

30:34.832 --> 30:36.125
at natalo.

30:38.670 --> 30:40.713
Naglaro siya sa Rome

30:41.923 --> 30:42.799
at natalo.

30:43.383 --> 30:47.178
-'Yong problema sa paa niya.
-Mukhang pinahihirapan na siya nito.

30:47.262 --> 30:50.849
Kaya dumating siya sa Roland-Garros
na puno ng pagdududa.

30:51.850 --> 30:54.852
…Grand Slam champion,
nanalo ng 13 Roland-Garros titles,

30:54.936 --> 30:58.439
ang Espanyol na si Rafael Nadal!

30:58.940 --> 31:02.235
Hindi nawawala 'yong sakit.

31:02.819 --> 31:05.321
Siguro para sa 'ming lahat,

31:05.405 --> 31:09.033
parang pakiramdam namin, 'yong career ko…

31:09.617 --> 31:10.660
tapos na.

31:13.538 --> 31:18.251
Malinaw na hindi na kaya ng katawan niya.

31:18.334 --> 31:20.920
Hindi maganda 'yong drop shot ni Nadal,

31:21.004 --> 31:23.965
at sinamantala 'yon ni Jordan Thompson.

31:24.966 --> 31:28.011
Unang laban pa lang, may iniinda na siya,

31:29.804 --> 31:32.849
pero nagawa niyang manalo.

31:40.773 --> 31:41.941
Bago 'yong laban,

31:42.025 --> 31:44.819
binigyan ko siya ng gamot
para makalaro siya.

31:46.863 --> 31:48.740
Pero pagkatapos ng laban, sabi niya,

31:48.823 --> 31:54.329
"Ángel, di ko alam kung pa'no natin
matatapos 'tong tournament na 'to.

31:55.079 --> 31:56.205
"Ang sakit ng paa ko."

31:58.458 --> 32:02.545
Hindi na tumatalab 'yong treatment
sa paa niya.

32:04.881 --> 32:06.466
Paglabas ko ng court,

32:06.966 --> 32:09.928
kinailangan akong alalayan ng tatay ko

32:10.011 --> 32:12.430
nang ganito, sa balikat niya,
papunta sa kuwarto ko.

32:13.348 --> 32:15.516
Sobrang sakit.

32:16.392 --> 32:18.102
Di ako nakatulog ni isang minuto.

32:19.562 --> 32:21.356
Ni isang minuto buong gabi.

32:22.273 --> 32:24.150
At saka isip ako nang isip.

32:25.610 --> 32:29.030
Kinabukasan nang umaga,
tinawagan ko si Ángel

32:30.031 --> 32:31.449
at tinanong ko siya,

32:31.949 --> 32:37.080
"May paraan ba
para pamanhirin 'yong sensory nerve

32:37.580 --> 32:40.458
"nang di naaapektuhan 'yong motor nerve?"

32:43.294 --> 32:46.547
Sabi niya, "Sige, pwede nating subukan."

32:47.423 --> 32:49.300
Pero medically speaking, para sa 'kin,

32:49.384 --> 32:50.927
'yon na ang sukdulan.

32:51.552 --> 32:53.596
Kasi pwedeng may mapunit na litid.

32:54.430 --> 32:57.058
Tinurukan nila 'ko dito, dito, dito.

32:57.141 --> 33:01.229
Sa mga nerve na sakop ng paa na 'to.

33:02.522 --> 33:04.941
Hindi ko alam kung gagana 'yon.

33:05.441 --> 33:06.943
Pero naglaro ako.

33:08.653 --> 33:10.822
Ito ang pinakahihintay natin.

33:11.364 --> 33:13.324
At dumating na ang oras.

33:13.408 --> 33:16.786
Ito na ang kanilang pang-59 na paghaharap.

33:16.869 --> 33:20.248
Alam mong ginagawa niya ang lahat
para lang makapaglaro.

33:20.748 --> 33:23.459
Wala pala siyang nararamdaman.
Manhid 'yong paa niya.

33:23.543 --> 33:26.879
Medyo delikado, di ba?
Na wala kang nararamdaman.

33:27.588 --> 33:30.717
Pag may nangyaring di maganda sa paa mo,
di mo malalaman.

33:38.641 --> 33:39.767
Ayos!

33:41.644 --> 33:43.604
Alam niyang sumasakit 'yon.

33:44.272 --> 33:45.815
Pero malinaw sa kanya

33:45.898 --> 33:50.611
na pag binigyan ko siya ng gamot
para makapaglaro,

33:50.695 --> 33:53.448
ibubuhos niya ang lahat sa laban,
at ginawa nga niya.

34:00.163 --> 34:02.665
Pag kalaban si Rafa,
alam mong bawat laban,

34:02.749 --> 34:04.250
parang wala nang bukas.

34:06.252 --> 34:09.464
'Yong pagpupursigi
na ipinakita niya sa court.

34:09.547 --> 34:11.716
Grabe 'yong laban na 'yon.

34:18.639 --> 34:21.142
At nagawa niya. Rafa Nadal!

34:21.225 --> 34:24.103
Pasok na siya
sa semifinals ng Roland-Garros.

34:24.187 --> 34:27.356
Di niya nararamdaman 'yong paa niya,
at nanalo siya?

34:27.440 --> 34:29.609
Ano naman ang susunod?

34:29.692 --> 34:32.945
Maglalaro siya nang nakapiring
at mananalo rin?

34:33.029 --> 34:34.155
Pambihira 'yon!

34:34.822 --> 34:38.743
Malapit nang makuha ni Rafa
ang pang-14 na title

34:38.826 --> 34:40.328
dito sa Roland-Garros.

34:43.081 --> 34:44.749
Ibinigay ni Rafa ang lahat.

34:47.835 --> 34:49.295
Ibinigay niya sa 'tin ang lahat.

34:54.717 --> 34:58.304
Kumbinsido akong no'ng lumabas si Rafa
sa court no'ng araw na 'yon,

34:58.805 --> 35:01.057
iniisip niyang baka 'yon na
ang huling laban niya.

35:05.394 --> 35:09.774
Dahil kung hindi, di ko alam
kung pa'no 'yon kakayanin ng katawan niya.

35:13.277 --> 35:17.240
Ang pinakamahusay,
lalo pang naging mas mahusay.

35:19.283 --> 35:21.911
Ang taong ginagawang parang normal lang
ang mga himala

35:21.994 --> 35:23.913
ay sumulat ng panibagong pahina.

35:25.623 --> 35:27.917
Di ko alam kung himala 'yon,
pero parang gano'n.

35:30.962 --> 35:32.880
Rafa!

35:32.964 --> 35:35.174
Ang dami niyang pinagdaanan
para makarating do'n.

35:35.258 --> 35:36.467
Pero magtatapat ako,

35:37.051 --> 35:39.178
naisulat ko na
'yong retirement story niya,

35:39.262 --> 35:40.429
tulad ng marami sa 'min.

35:42.140 --> 35:45.643
Nasa computer ko na,
at habang papalapit siya sa microphone,

35:45.726 --> 35:49.230
may inaasahan na 'yong mga tao,
pati 'yong mga journalist.

35:49.313 --> 35:52.984
Handa na kaming i-send
'yong mga istoryang hinanda namin.

35:55.069 --> 35:57.780
Hindi ko alam
kung ano'ng mangyayari sa future,

35:57.864 --> 36:01.033
pero patuloy lang akong lalaban.

36:01.117 --> 36:04.203
Maraming salamat.
Maraming salamat sa inyong lahat.

36:04.704 --> 36:05.705
"Delete."

36:05.788 --> 36:07.748
O "save para sa susunod." Alam mo 'yon?

36:10.418 --> 36:13.796
Senyales 'yon na papunta na tayo
sa isang mapait na katapusan.

36:14.338 --> 36:16.716
Iniisip mo ba na sana nag-retire ka na

36:16.799 --> 36:21.512
pagkatapos ng 2022 Roland-Garros?

36:21.596 --> 36:22.722
Siyempre hindi.

36:24.932 --> 36:25.766
Bakit naman?

36:27.268 --> 36:29.812
Wala akong planong tumigil.

36:29.896 --> 36:31.522
Gusto kong lumaban nang lumaban.

36:32.857 --> 36:34.275
Para sa 'kin, simple lang.

36:35.651 --> 36:37.528
Aalamin ko 'yong limitasyon ko.

36:42.825 --> 36:45.077
ARAW NG LABAN

36:47.371 --> 36:50.333
Si Zverev, kumpiyansa siya, at—

36:50.416 --> 36:52.293
Parang siya 'yong tipo na—

36:52.376 --> 36:54.795
-Sinasabi ko sa inyo—
-Magiging magandang araw 'to.

36:56.756 --> 36:57.924
Salamat, Rafa!

36:58.007 --> 36:59.175
Mahal ka namin, Rafa!

36:59.258 --> 37:01.302
Rafa!

37:08.351 --> 37:09.852
Hindi siya dumadaing.

37:09.936 --> 37:11.103
-Sa 'yo?
-Sa katawan niya.

37:11.187 --> 37:12.146
Naku po.

37:12.688 --> 37:16.359
-Di ko alam kung maganda 'yon.
-Hindi siya dumadaing.

37:18.110 --> 37:19.445
Mukha siyang kalmado.

37:27.787 --> 37:29.372
Puntahan natin si Papa.

37:29.997 --> 37:31.666
Papa.

37:33.084 --> 37:34.085
Papa.

37:36.504 --> 37:38.673
Okay, isang raketa. Isa lang, ha?

37:40.758 --> 37:43.052
Makulimlim at basang-basa,

37:43.135 --> 37:46.597
pero makakapanood tayo
ng magagandang laban ng tennis.

37:47.890 --> 37:49.392
Kung may tournament

37:49.475 --> 37:53.270
kung saan nararapat lumaban
nang todo-todo at ibigay ang lahat,

37:53.354 --> 37:54.355
sa Paris 'yon.

37:55.940 --> 37:58.818
Napakaliit ng tsansa niyang manalo.

37:58.901 --> 38:00.486
Magiging mahirap 'to para kay Rafa.

38:00.569 --> 38:03.614
Gastado na 'yong katawan niya
sa mga nagdaang panahon.

38:14.083 --> 38:16.127
At may 14 Roland-Garros titles,

38:16.210 --> 38:20.423
noong 2005, 2006, 2007, 2008, 2010,

38:20.506 --> 38:22.758
2011, 2012, 2013,

38:22.842 --> 38:24.677
2014, 2017,

38:24.760 --> 38:27.096
2018, 2019, 2020,

38:27.179 --> 38:28.723
at 2022,

38:29.473 --> 38:32.518
Rafael Nadal!

38:34.395 --> 38:38.441
Hindi mo pwedeng maliitin
si Rafael Nadal sa Paris.

38:38.524 --> 38:39.567
Laban!

38:42.028 --> 38:44.113
Sarado ang bubong sa Chatrier,

38:44.196 --> 38:47.867
kaya lalong magiging mas maingay.

39:18.064 --> 39:21.108
Siguradong kinakabahan siya.
Pero okay lang siya.

39:25.863 --> 39:27.406
Magandang simula para kay Zverev.

39:41.504 --> 39:44.799
Hindi natalo ni isang set
si Rafa Nadal sa practice.

39:44.882 --> 39:47.718
Natalo siya sa opening set
ng mahalagang laban.

39:47.802 --> 39:49.762
Pambihira naman.

39:49.845 --> 39:51.388
Gaganda rin 'yan, makikita mo.

39:52.681 --> 39:55.059
Ano ba, Gus. Magtiwala ka.

39:58.020 --> 40:00.564
Sa kabila ng lahat
ng nangyari sa career ko,

40:01.065 --> 40:03.609
sa mga panahon na nawala ako sa court,

40:04.110 --> 40:08.823
sa mga panahon na parang tapos na
'yong career ko, palagi akong…

40:09.323 --> 40:13.452
palagi akong nagpupursigi na lumaban.

40:15.037 --> 40:16.247
Maniwala ka, Rafael!

40:16.330 --> 40:17.665
Laban!

40:31.095 --> 40:32.930
Ayos!

40:33.514 --> 40:35.349
At may momentum na.

40:36.100 --> 40:37.935
Sige lang. Isang maganda!

40:38.018 --> 40:38.853
Kaya 'yan!

40:42.731 --> 40:44.150
Ang gandang puntos no'n.

40:44.942 --> 40:47.361
Apat na sunod na break point
para kay Nadal.

40:50.489 --> 40:52.283
Nakikita na niya.

40:52.366 --> 40:53.951
-Naniniwala na siya.
-Naniniwala na.

40:54.034 --> 40:55.744
Ang gandang bawi.

41:00.124 --> 41:01.876
Wow, napakagandang puntos na naman.

41:03.544 --> 41:06.547
Magkakaro'n tayo ng tie-break.

41:21.520 --> 41:23.647
Nakuha ni Nadal ang puntos!

41:36.744 --> 41:37.786
Naku po!

41:46.545 --> 41:47.796
Ayos!

41:47.880 --> 41:48.797
Ganyan!

41:48.881 --> 41:51.717
Hindi talaga sumusuko si Nadal.

41:57.806 --> 41:59.850
Nabasa ulit ni Zverev 'yon.

42:02.019 --> 42:04.063
Nasa alanganin na si Nadal.

42:05.606 --> 42:07.900
Pangalawang set point para sa German.

42:10.694 --> 42:11.862
Two set-love, Zverev.

42:11.946 --> 42:15.533
Lamang na si Zverev ng dalawang set, 2-0.

42:15.616 --> 42:18.077
May natitira pa kaya siyang lakas?

42:21.747 --> 42:23.207
Mukhang pagod na siya.

42:23.290 --> 42:24.792
Pagod na pagod na siya.

42:35.177 --> 42:39.723
Hindi ko naisip na sa edad na 37,

42:40.724 --> 42:42.226
naglalaro pa rin ako ng tennis.

42:48.691 --> 42:52.528
Alam kong wala akong
kailangang patunayan kahit kanino.

42:57.950 --> 42:59.493
Kahit sa sarili ko.

43:01.453 --> 43:03.539
Pero hindi ko kayang tumigil.

43:06.792 --> 43:08.002
Doon ako tumatak.

43:10.212 --> 43:11.463
'Yon ang pagkatao ko.

43:18.470 --> 43:19.471
Out!

43:19.555 --> 43:22.016
Game, set, at match, Zverev.

43:23.600 --> 43:28.856
Ang huling sayaw ni Rafa Nadal
sa Roland-Garros ay nauwi sa pagkatalo.

43:34.320 --> 43:35.654
Umaraw na.

43:38.407 --> 43:39.908
Umaraw na!

43:40.409 --> 43:42.411
Rafael Nadal!

44:06.769 --> 44:08.437
Babalik pa kaya siya? Di natin alam.

44:08.520 --> 44:10.647
Pero napakagandang legacy ang iiwan niya.

44:10.731 --> 44:14.902
Champion nang 14 na beses
dito sa Roland-Garros.

44:40.386 --> 44:43.889
Ano'ng ginawa ni Papa?
Alam mo'ng ginawa ni Papa, Rafelet?

44:44.890 --> 44:45.974
Womp, womp.

44:47.267 --> 44:48.602
Ganito, tingnan mo.

44:55.234 --> 44:56.235
Dibale…

44:56.735 --> 44:59.071
mahirap 'tong record na 'to.

45:00.906 --> 45:02.908
-Mahirap burahin?
-Oo.

45:04.702 --> 45:08.080
Tingin ko, mas mahirap,
o pwedeng mali ako,

45:08.163 --> 45:10.749
na burahin 'tong record na 'to
kesa sa 24 ni Djokovic.

45:11.458 --> 45:12.459
Tama ka.

45:16.255 --> 45:19.383
Di natin alam,
pero kung magpupustahan tayo,

45:19.883 --> 45:23.595
mas matatagalan siguro bago mabura

45:23.679 --> 45:26.265
'yong 14 na Roland-Garros title
kesa sa 24 na Grand Slam.

45:35.983 --> 45:39.278
Hindi, di matigas.
Di matigas 'yang bukol na nakikita mo.

45:39.945 --> 45:42.156
Malambot. Tingnan mo, gawin mo 'to.

45:42.948 --> 45:46.535
Di ba? Di matigas 'yang bukol. Malambot.

45:49.204 --> 45:50.372
May alien sa loob n'yan.

46:04.511 --> 46:08.557
Sabi niya, di raw magandang idea
na piliting makalaro sa US Open.

46:08.640 --> 46:10.058
Oo, tingin ko rin.

46:24.198 --> 46:25.574
Maaliwalas dito.

46:27.701 --> 46:29.369
Ang ganda rito.

46:36.752 --> 46:39.129
No'ng dumating siya sa Roland-Garros
ngayong taon,

46:39.963 --> 46:42.007
akala namin magpapaalam na siya.

46:46.220 --> 46:48.972
Pero no'ng gumanda
'yong pakiramdam niya sa training,

46:49.681 --> 46:52.601
naisip niyang magpatuloy pa.

46:59.525 --> 47:02.152
Pero sa loob-loob ko, iniisip ko,

47:02.236 --> 47:04.154
"Pa'no tayo magpapatuloy nang ganito?"

47:09.409 --> 47:11.495
Tingin ko, gusto niyang nahihirapan

47:11.578 --> 47:15.123
dahil gusto niyang malampasan
'yong paghihirap na 'yon.

47:17.417 --> 47:19.545
Pero sa dulo ng career niya,

47:19.628 --> 47:24.007
hindi na malalampasan
'yong paghihirap na 'yon.

47:25.717 --> 47:28.262
Paghihirap na lang talaga 'yon.

47:29.805 --> 47:34.643
At sa palagay ko,
'yon na ang nagpatigil sa kanya.

47:44.570 --> 47:47.447
Araw ng finals ngayon sa Båstad.

47:47.531 --> 47:50.993
May ilang laban
na parang di maganda 'yong lagay niya.

47:51.076 --> 47:52.870
Parang suko na siya.

47:53.620 --> 47:55.163
Ang bagal niyang gumalaw.

48:00.294 --> 48:02.337
Siguro kinailangan niyang
dumating sa puntong…

48:02.963 --> 48:06.550
masakit nang makita
'yong nangyayari sa kanya.

48:08.886 --> 48:11.096
Kailangan niyang maramdaman
'yong mga limitasyon.

48:11.805 --> 48:15.893
Makita na 'yong mga bola
na nahahabol niya dati at nakakapuntos,

48:15.976 --> 48:17.477
di na niya nahahabol.

48:17.978 --> 48:22.816
At makita 'yong level ng laro
na parang paghinga lang noon,

48:23.317 --> 48:25.485
ngayon, napakahirap na.

48:26.737 --> 48:28.864
Game, set, at match, Borges.

48:39.499 --> 48:42.419
Pagkatapos matalo sa Båstad,

48:42.502 --> 48:45.881
nag-message sa 'min si Rafa
pagkalipas ng ilang oras.

48:48.926 --> 48:51.470
Ang nakasulat, "Team…

48:53.639 --> 48:55.515
"hindi talaga 'ko ganito,

48:55.599 --> 48:58.393
"pero ngayon, napakasama ng pakiramdam ko,
pagod na pagod ako.

48:58.977 --> 49:00.854
"Pasensiya na kayong lahat ngayong araw.

49:02.856 --> 49:05.734
"Hindi ko nahanap 'yong lakas
para lumaban pa,

49:05.817 --> 49:07.486
"o kahit subukan man lang.

49:08.070 --> 49:10.530
"Habang naglalaro,
nagdesisyon akong mag-retire na.

49:13.533 --> 49:14.826
"Salamat sa lahat.

49:14.910 --> 49:18.330
"At kahit wala nang saysay na humingi
ng tawad sa stage na 'to ng career ko,

49:18.413 --> 49:20.374
"gagawin ko
dahil 'yon ang nararamdaman ko.

49:21.416 --> 49:23.085
"Mahigpit na yakap sa inyong lahat."

49:25.087 --> 49:28.632
Pagkatapos ng laban,
nagkulong siya sa banyo.

49:29.257 --> 49:30.133
At…

49:30.676 --> 49:32.427
sobrang lungkot niya.

49:36.682 --> 49:39.559
Nasa DNA niya ang lumaban nang lumaban.

49:39.643 --> 49:44.523
Pero no'ng oras na 'yon,
sa Båstad, na-realize niya

49:44.606 --> 49:47.526
na hindi na niya kaya.

49:48.151 --> 49:51.822
Ano'ng sinabi niya
na nagparamdam sa 'yo na, "Tapos na"?

49:52.322 --> 49:54.658
'Yong mga salitang 'yon.
"Magre-retire na 'ko."

49:57.744 --> 50:00.163
Hindi "Gusto ko."

50:00.247 --> 50:01.748
"Magre-retire na 'ko."

50:04.084 --> 50:06.461
Sinabi ba niya kung bakit?
'Yon lang ang sinabi niya?

50:06.545 --> 50:07.671
Malinaw na.

50:08.839 --> 50:11.216
Hindi na niya nakikilala
'yong sarili niya sa court.

50:12.551 --> 50:16.013
No'ng oras na 'yon,
alam niyang wala na siyang maibibigay.

50:29.568 --> 50:32.904
Parang pag sinabi mong,
"Magre-retire na 'ko,"

50:36.116 --> 50:38.201
ibig sabihin no'n, "Suko na 'ko."

50:44.291 --> 50:48.670
Titigil ka na sa kung ano ka
buong buhay mo.

50:51.882 --> 50:54.426
Babalik ka na
sa pagiging simpleng tao lang.

51:00.307 --> 51:01.516
Hello sa inyong lahat.

51:02.893 --> 51:06.563
Buweno, nandito ako para ipaalam

51:06.646 --> 51:09.566
ang isang bagay…

51:11.276 --> 51:14.905
na matagal ko nang pinag-iisipan.

51:19.868 --> 51:22.204
Nagdesisyon akong ang Davis Cup Finals

51:22.287 --> 51:26.750
ang magiging huling tournament ko
bilang isang professional tennis player.

51:26.833 --> 51:29.836
Rafa!

51:29.920 --> 51:35.217
Rafa!

51:38.678 --> 51:44.226
Lagi akong umaasa
na magiging maayos ang lahat,

51:44.309 --> 51:48.188
gaya ng maraming beses na nangyari
sa career ko.

51:52.818 --> 51:54.194
Pero hindi na gano'n ngayon.

52:05.622 --> 52:07.249
Ang tanong,

52:09.501 --> 52:11.461
"Bakit pa magpapatuloy?"

52:17.425 --> 52:20.470
MAKALIPAS ANG ANIM NA BUWAN

52:28.061 --> 52:30.897
Welcome sa tribute ceremony na ito

52:30.981 --> 52:34.025
para kay Rafael Nadal.

52:40.907 --> 52:43.910
Sobrang malulungkot ako

52:44.578 --> 52:49.124
pag pakiramdam ko
hindi ako lumaban hanggang dulo.

52:50.584 --> 52:53.086
'Yon ang pinakamalaking takot ko.

52:54.462 --> 52:57.340
At ngayon, wala na 'kong kinatatakutan.

52:58.091 --> 53:03.597
Rafa!

53:04.431 --> 53:05.640
Salamat.

53:05.724 --> 53:07.517
ANG TAGUMPAY AY PARA SA PINAKAPURSIGIDO

53:07.601 --> 53:09.853
Mahirap magsimula sa isang tao, pero,

53:09.936 --> 53:11.021
Toni,

53:12.606 --> 53:15.817
ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako.

53:16.359 --> 53:20.322
Salamat sa paglalaan
ng malaking parte ng buhay mo

53:20.405 --> 53:21.948
para makasama ako.

53:22.449 --> 53:26.244
Sa training, kuwentuhan,
pang-uuto sa 'kin,

53:26.328 --> 53:29.247
pagpapahirap sa 'kin, pagpapatawa sa 'kin,

53:29.331 --> 53:31.166
at pagsisikap na palakasin ako.

53:32.209 --> 53:36.421
Hindi naging madali
'yong mga pinagdaanan natin,

53:36.504 --> 53:39.049
pero walang duda
na sulit ang lahat ng 'yon.

54:05.158 --> 54:06.576
Natupad ko 'yong hangarin ko,

54:07.577 --> 54:10.080
na maibigay ko ang lahat…

54:16.044 --> 54:19.089
at matanggap nang maluwag
ang pagre-retire.

54:19.965 --> 54:23.051
Masayang-masaya 'ko
sa naging takbo ng career ko.

54:28.682 --> 54:32.018
ROLAND-GARROS
MEN'S SINGLES

55:07.387 --> 55:08.305
Okay na.

55:15.603 --> 55:21.192
Nanatili si Rafael Nadal sa world Top 10
sa record na 912 na linggo.

55:21.276 --> 55:26.156
Halos 18 taon.

55:26.239 --> 55:30.285
Siya ang tanging manlalaro
sa kasaysayan ng tennis

55:30.368 --> 55:34.372
na naging world No. 1
sa tatlong magkakaibang dekada.

55:34.456 --> 55:38.877
Ang kanyang 14 na French Open titles
ang pinakamarami sa isang Grand Slam,

55:38.960 --> 55:41.963
at ang kanyang 112-4 record doon

55:42.047 --> 55:46.718
ang pinakamataas
na single-tournament win rate sa lahat.

59:37.740 --> 59:42.745
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz
t win rate sa lahat.
