WEBVTT

00:24.524 --> 00:26.401
-Na-upset siya.
-Papa!

00:26.484 --> 00:28.319
"Pero, Papa, aalis na si Mama!"

00:29.279 --> 00:30.155
Halika rito.

00:30.238 --> 00:31.072
Papa!

00:31.156 --> 00:32.198
Takbo kay Papa.

00:32.282 --> 00:33.408
Papa!

00:33.491 --> 00:35.076
Aray!

00:39.330 --> 00:40.915
-Bye, Rafelet!
-Tara na, Rafa.

00:40.999 --> 00:41.833
Bye.

00:42.500 --> 00:44.252
Yehey!

00:48.131 --> 00:51.426
Ilang araw nang sold out,
halos isang linggo na.

00:51.509 --> 00:55.221
Ayaw palampasin ng mga tao,
di lang 'yong laban ni Rafa Nadal,

00:55.305 --> 00:57.974
kundi ang makita si Rafa Nadal
nang personal.

00:58.058 --> 00:59.642
Ang daming tao ngayon.

01:01.770 --> 01:03.855
Rafa!

01:03.938 --> 01:05.940
Ano'ng gusto mong mangyari dito sa Madrid

01:06.024 --> 01:09.652
bilang bahagi ng pagbabalik mo
at paghahanda para sa Roland-Garros?

01:10.779 --> 01:13.031
Para sa 'kin, ang Roland-Garros…

01:13.114 --> 01:16.409
ang pinakaimportanteng tournament
ng tennis career ko,

01:16.493 --> 01:20.330
kaya napakahalaga ng mga susunod na linggo

01:20.997 --> 01:24.209
para malaman
kung posible pa ba talaga o hindi na.

01:29.464 --> 01:31.216
-At maging positibo ka lang, Rafa.
-Oo.

01:31.299 --> 01:34.135
Hindi ka pa pwedeng sumagad agad.

01:34.719 --> 01:37.263
Papunta ka na ro'n. Pero posible 'yon.

01:41.184 --> 01:43.603
Mahirap 'yong tatahakin niya.

01:59.160 --> 02:00.620
Ilang beses na siyang nagbanyo?

02:01.996 --> 02:04.332
Di ko alam kung kinakabahan siya o ano.

02:07.127 --> 02:08.670
Wala nang tubig 'yong toilet.

02:12.006 --> 02:13.007
Tara na.

02:14.092 --> 02:15.510
Halika na. Tara.

02:23.768 --> 02:25.436
Nag-training si Rafa kaninang umaga,

02:25.520 --> 02:28.231
naghahanda para sa isang matinding laban.

02:28.314 --> 02:31.317
Makakalaban niya si Alex de Minaur,
world number 11.

02:32.318 --> 02:34.445
Ano ba'ng tsansa ni Rafa ngayon?

02:34.529 --> 02:36.489
Tingin ko, medyo mababa.

02:36.573 --> 02:41.870
Kung ikaw si Nadal, sa isip mo,
natatakot kang baka ma-injure ka ulit.

02:46.541 --> 02:48.001
Nalagay 'yong buhay 'ko

02:48.084 --> 02:51.421
sa isa sa pinaka-individual na sport.

02:54.716 --> 02:58.761
Isang sport na nakakapagdulot
ng pressure at stress.

03:01.306 --> 03:03.933
Sobrang nakakakaba, alam mo 'yon?

03:05.393 --> 03:07.937
Kaya sa buong career ko,

03:08.021 --> 03:10.523
napakalaki ng naitulong ng mga routine ko.

03:19.115 --> 03:20.867
Kadalasan, ang ginagawa ko,

03:21.951 --> 03:22.952
sa shorts…

03:23.870 --> 03:28.291
tapos ganito, ganito, ganito,

03:28.374 --> 03:30.835
ganito, ganito, ganito,

03:31.794 --> 03:32.712
at saka ganito.

03:33.963 --> 03:36.883
Habang naglalaro, di ako tatapak sa linya.

03:38.593 --> 03:41.179
Sa mga clay court,
winawalis ko ng paa ko 'yong mga linya

03:41.262 --> 03:43.348
sa umpisa ng bawat laro

03:44.057 --> 03:46.351
at saka sa mga break point.

03:49.395 --> 03:53.858
Paraan ko 'yon para makapag-focus.

03:56.527 --> 03:58.196
Laban, Rafa!

03:59.405 --> 04:01.366
May kontrol ako pag ginagawa ko 'yon.

04:07.038 --> 04:11.084
Kung mananalo siya ngayon,
siguradong mapapansin ng tennis world

04:11.167 --> 04:13.878
na seryosong lalaban dito si Rafa.

04:14.879 --> 04:16.839
Vintage Rafa 'yong ipinapakita niya.

04:17.757 --> 04:20.134
Napakagandang tira mula kay Nadal.

04:20.969 --> 04:24.430
'Yong maramdaman
na lumalaban ka sa pinakamagagaling.

04:24.514 --> 04:27.600
Kapareho ng lakas
na nakasanayan nating makita.

04:27.684 --> 04:30.228
'Yong magkakumpiyansa na mananalo ako.

04:31.312 --> 04:33.606
'Yong pakiramdam na 'yon sa tiyan mo…

04:34.107 --> 04:35.858
Nadal, isang game na lang para manalo.

04:36.359 --> 04:37.402
…mapapatanong ka,

04:37.902 --> 04:40.738
"Hanggang kailan ko mararamdaman 'to?"

04:44.534 --> 04:49.831
Napakalaking panalo nito
para sa kampanya ni Rafael Nadal sa 2024.

04:50.873 --> 04:53.459
Kasi alam mong di panghabambuhay
'yong pakiramdam na 'yon.

04:54.544 --> 05:01.551
Rafa!

05:04.178 --> 05:05.888
Ayos! Mahusay!

05:05.972 --> 05:07.015
Mahusay!

05:13.521 --> 05:15.273
Bumalik na 'yong dating Rafa.

05:18.401 --> 05:20.737
Matagal ko nang di nakita
'yong gano'ng laro mo.

05:21.529 --> 05:22.739
Seryoso.

05:23.406 --> 05:26.242
Pero kalmado 'yong laro mo ngayon.

05:26.325 --> 05:27.618
Dati, takbo ka nang takbo.

05:27.702 --> 05:28.911
Sabi mo, e.

05:28.995 --> 05:30.705
Hindi ko sinasabi. Nakita ko.

05:32.332 --> 05:34.000
Makakabuti sa 'yo kung—

05:34.083 --> 05:36.085
Di ka masyadong nanggigil, pero—

05:36.169 --> 05:37.420
Hindi naman.

05:37.503 --> 05:38.921
Pero gawin mo pa rin.

05:39.005 --> 05:40.506
Kahit limang minuto lang.

05:40.590 --> 05:41.758
Habang umiinom ka.

05:45.011 --> 05:46.387
TINIG NI CARLOS MOYÁ

05:46.471 --> 05:50.349
'Yong makasama dito
at makita siyang competitive at masaya,

05:51.726 --> 05:53.478
para sa 'kin, panalo na 'yon.

05:55.313 --> 05:57.565
Kailangan niya
'yong kumpiyansang 'yon kasi…

05:58.274 --> 06:01.569
nakadepende ang lahat
sa paniniwala niyang kaya niyang manalo.

06:04.906 --> 06:07.200
At ang isa pang finalist, mula sa Spain,

06:07.283 --> 06:09.327
Rafael Nadal!

06:10.828 --> 06:12.914
Napakalaki ng nakataya rito.

06:14.457 --> 06:15.917
Desperado na si Federer.

06:16.000 --> 06:19.545
Natalo siya kay Nadal no'ng nakaraang taon
sa clay, pati sa grass,

06:19.629 --> 06:22.757
ngayon, di niya gugustuhing matalo
sa hard court.

06:24.509 --> 06:27.512
Isa 'yon sa pinakamagandang laban namin.

06:32.016 --> 06:33.684
Iniisip malamang ni Federer,

06:33.768 --> 06:36.979
"Ano ba'ng gagawin ko
para talunin 'tong taong 'to?"

06:37.563 --> 06:38.773
Si Rafa,

06:39.273 --> 06:40.942
sobrang husay niya no'n.

06:45.613 --> 06:47.115
Ayos!

06:47.198 --> 06:50.868
Nanalo si Rafael Nadal sa Melbourne,
sa Australian Open,

06:50.952 --> 06:52.203
sa unang pagkakataon.

06:52.286 --> 06:55.164
Si Rafa Nadal ang bagong world number 1.

06:55.957 --> 06:58.501
Tapos na ang era ni Federer.

07:03.881 --> 07:07.176
May mga nagagawa siya sa tennis court
na di kayang gawin ng iba.

07:12.723 --> 07:15.685
Ang men's champion, si Rafael Nadal!

07:15.768 --> 07:19.814
Ang walang makatalo, si Rafa Nadal!

07:21.149 --> 07:23.693
Parang 2010 'yong prime ni Rafa.

07:23.776 --> 07:25.111
Nanalo siya sa Roland-Garros,

07:25.903 --> 07:28.698
nakuha niya
'yong pangalawa niyang Wimbledon,

07:29.699 --> 07:31.617
at tanda kong medyo nagbago 'yong usapan.

07:31.701 --> 07:34.162
Parang naakit tayong lahat ni Federer,

07:34.245 --> 07:39.250
pero, "Pambihira! Baka siya
ang pinakamagaling na player na nabuhay."

07:42.628 --> 07:46.048
Si Rafael Nadal
ang nangungunang tennis player sa mundo.

07:46.966 --> 07:48.551
Nasa New York siya para sa US Open,

07:48.634 --> 07:52.013
ang tanging major tournament
na di pa napapanalunan ni Nadal.

07:53.514 --> 07:54.390
Pressure.

07:55.766 --> 07:56.934
'Yon ang naramdaman ko.

07:57.727 --> 08:02.148
Dahil pag nag-champion ako sa US Open,
kumpleto ko na 'yong apat na Grand Slam.

08:02.231 --> 08:04.358
Para sa isang tennis player,

08:04.442 --> 08:06.569
ang mapanalunan 'yong apat na Grand Slam,

08:06.652 --> 08:08.654
ilang tao lang ang nakagawa no'n.

08:09.614 --> 08:12.408
Umaasa ang tennis fans sa buong mundo

08:12.491 --> 08:14.494
na si Nadal at si Federer ang maghaharap.

08:14.577 --> 08:18.456
Gustong-gusto ng lahat ng tao sa mundo
na 'yon ang maging finals.

08:25.087 --> 08:27.215
Live mula sa men's championship,

08:27.298 --> 08:29.800
world number 1, Rafa Nadal,

08:30.843 --> 08:34.388
laban sa number 3 seed
na si Novak Djokovic.

08:38.601 --> 08:40.520
Rafa at Roger sa finals,

08:40.603 --> 08:43.022
'yon ang gustong makita ng lahat.

08:43.564 --> 08:44.732
Pero wala akong pakialam.

08:44.815 --> 08:45.858
Ang totoo,

08:46.526 --> 08:50.279
ayokong mangyari 'yon.

08:51.822 --> 08:55.576
Ngayon, siyempre,
kasama na rin si Novak Djokovic.

08:58.079 --> 08:59.205
No'ng panahong 'yon,

08:59.288 --> 09:01.666
nakita kong hindi lang si Roger
ang kalaban ko

09:01.749 --> 09:03.793
para sa number 1.

09:03.876 --> 09:05.628
Pumasok na rin si Novak.

09:08.923 --> 09:11.550
May history sina Nadal at Novak.

09:12.134 --> 09:15.388
Unang beses nilang naglaban
no'ng 2006 sa French Open.

09:17.848 --> 09:20.268
Doon unang umangat si Novak
sa isang major tournament,

09:20.351 --> 09:22.061
pero wala pa siya masyadong nagawa.

09:22.853 --> 09:25.940
Natalo siya sa unang dalawang set
kay Rafa, 6-4, 6-4,

09:26.023 --> 09:28.192
tapos nag-retire siya
dahil sa back injury.

09:28.276 --> 09:29.819
Game, set, at match, Nadal.

09:29.902 --> 09:32.905
Kahit siya 'yong pinakamagaling
at parang walang tatalo sa kanya,

09:32.989 --> 09:35.241
para sa 'kin, kaya siyang talunin.

09:35.324 --> 09:36.617
Nagbibiro ka ba?

09:36.701 --> 09:38.661
Djokovic, kailangan mo ba ng amonya?

09:38.744 --> 09:42.540
Heavyweight versus middleweight 'yon.
Nilalampaso ka.

09:42.623 --> 09:46.794
Parang ginawa ng mga diyos ng tennis
sina Rafa at Roger.

09:48.838 --> 09:52.425
Kaya kinailangan kong lumaban
para sa puwesto ko.

09:55.678 --> 09:59.682
Ibang-iba 'yong personality ni Djokovic
kina Roger at Rafa.

10:00.474 --> 10:03.853
Lagi siyang nagbibiro.

10:03.936 --> 10:07.023
Ginagaya niya 'yong ibang mga player,
pati si Rafa.

10:09.650 --> 10:11.319
Makulit siya.

10:13.279 --> 10:16.282
Okay lang naman sa 'kin 'yon.

10:17.908 --> 10:19.535
Pero…

10:21.621 --> 10:23.998
Di ko maalala kung napikon ako.

10:24.081 --> 10:26.292
Hindi naman. Hindi.

10:27.627 --> 10:29.003
Rafa Nadal.

10:29.086 --> 10:32.757
Malaki ang nakataya
para sa 24 years old na Espanyol.

10:47.355 --> 10:50.900
Wow! Puntos na ni Djokovic 'yon
kung iba 'yong kalaban.

10:50.983 --> 10:51.942
Si Djokovic,

10:52.026 --> 10:54.737
kita mo na may kumpiyansa siya

10:54.820 --> 10:57.239
dahil napakataas ng level niya.

10:58.074 --> 10:59.700
Malaking banta siya.

11:00.201 --> 11:01.952
Sa tindi ng effort ni Djokovic,

11:02.036 --> 11:06.040
lalong kahanga-hanga
'yong ginagawa ni Nadal.

11:13.005 --> 11:15.341
Napakaengrande
ng kanyang grand slam career!

11:16.050 --> 11:17.635
Rafael Nadal!

11:18.135 --> 11:20.680
Ang huling hiyas sa kanyang korona.

11:23.766 --> 11:26.310
Palakpakan natin
ang US Open men's champion,

11:26.394 --> 11:27.395
si Rafael Nadal.

11:28.979 --> 11:31.065
Pagkatapos kong mag-champion sa US Open,

11:31.148 --> 11:35.111
medyo dinumog ako ng media.

11:35.694 --> 11:37.405
Rafa, I love you!

11:38.155 --> 11:40.116
Pero hindi ko talaga gusto

11:41.033 --> 11:42.827
na sentro ako ng atensiyon.

11:43.786 --> 11:46.163
Palakpakan natin si Rafael Nadal.

11:47.623 --> 11:50.918
Maraming media ang nagsabi sa 'kin,
"Magugustuhan niya 'to."

11:51.001 --> 11:54.588
Pero sasabihin ko
nang may buong paggalang,

11:54.672 --> 11:56.507
"Hindi, hindi 'yon ang tamang salita."

11:56.590 --> 11:58.592
Hindi ko alam kung ano 'to.

12:01.220 --> 12:03.222
Parang ikaw na naka-underwear.

12:03.305 --> 12:05.683
Alam niyang parte 'yon ng trabaho niya,

12:06.183 --> 12:09.937
pero mahirap para sa kanya na gawin
'yong mga bagay na di siya komportable.

12:10.980 --> 12:14.442
Tanda ko no'ng nag-shoot kami
ng music video ni Shakira.

12:15.526 --> 12:19.613
Humingi ako ng bote ng tequila
at uminom ng ilang shot para ma-relax.

12:22.950 --> 12:24.618
Para kang isang sex symbol.

12:25.119 --> 12:26.120
Hindi, ewan ko.

12:26.704 --> 12:29.123
Lagi kong iniisip-isip 'yong mga 'yon.

12:29.206 --> 12:31.917
So, Rafael, may girlfriend ka na ba?

12:32.877 --> 12:33.836
Meron.

12:33.919 --> 12:36.589
Di ako maka-move on
na nakikipag-flirt ka sa kanya.

12:37.089 --> 12:39.175
ASAWA NI RAFA

12:39.258 --> 12:42.470
Hindi alam ng mga tao
na mahiyain talaga siya.

12:46.056 --> 12:47.224
Good luck, Nadal!

12:48.100 --> 12:50.686
Lumaki kami sa isang maliit na bayan.

12:53.772 --> 12:56.692
Magkakilala na 'yong mga pamilya namin

12:57.193 --> 12:59.278
bago pa kami ipinanganak.

13:00.821 --> 13:04.450
Naaalala ko na nasa communion ako ni Rafa.

13:06.118 --> 13:08.496
Pero anim na taon lang siguro ako no'n.

13:10.164 --> 13:14.627
Mas nakilala namin ang isa't isa
no'ng mga teenager na kami.

13:16.212 --> 13:19.924
Tanda kong nagsimula kaming mag-date
no'ng summer ng 2000,

13:20.007 --> 13:20.966
ewan ko, siguro—

13:21.050 --> 13:24.220
Mahina ako sa mga petsa, e.
Papatayin ako ni Rafa.

13:25.221 --> 13:27.223
Magaling ka palang mag-text, ha?

13:27.306 --> 13:28.224
Medyo.

13:28.974 --> 13:31.352
Nililigawan niya 'ko noon.

13:31.852 --> 13:35.606
Nagte-text ako sa kanya,

13:35.689 --> 13:39.735
tapos magre-reply siya,
pero di siya masyadong interesado.

13:39.819 --> 13:41.904
Wag kang malungkot. Magre-reply siya.

13:41.987 --> 13:43.239
Namomroblema 'ko.

13:44.824 --> 13:45.908
Mary!

13:46.450 --> 13:48.035
Mag-reply ka naman.

13:52.998 --> 13:54.375
In love ako sa kanya.

13:55.125 --> 13:58.087
Siya 'yong nagbibigay-lakas sa 'kin para…

13:59.171 --> 14:01.173
manatiling matatag

14:01.757 --> 14:03.467
sa panahong kailangan ko.

14:05.386 --> 14:08.556
Gustong-gusto ni Rafa na nasa bahay,

14:09.306 --> 14:12.351
kasama ang pamilya niya, sa Mallorca.

14:13.727 --> 14:18.357
Nakatira 'ko sa bahay
kasama 'yong mga magulang ko hanggang…

14:18.440 --> 14:20.526
sa edad na 31 o 32?

14:20.609 --> 14:22.236
Ayokong bumukod.

14:22.736 --> 14:23.571
Ayoko.

14:25.322 --> 14:29.285
Sa pamilya namin,
malapit talaga kami sa isa't isa.

14:31.036 --> 14:33.163
KAPATID NI RAFA

14:34.373 --> 14:36.083
No'ng nasa Manacor kami,

14:36.166 --> 14:38.669
sa first floor nakatira
'yong lolo't lola namin.

14:38.752 --> 14:41.755
Sa second floor si Toni,
tapos sa third floor kami.

14:42.756 --> 14:44.675
Kaya mula pagkabata,

14:44.758 --> 14:47.970
lagi niyang kasama ang pamilya.

14:48.053 --> 14:50.806
HAPPY BIRTHDAY

14:50.890 --> 14:56.520
At siguro nakatulong din 'yon
na lumaki siya sa isang nagkakaisa

14:56.604 --> 14:58.188
at ligtas na paligid.

15:09.366 --> 15:11.619
Para sa 'kin, pag nasa bahay,

15:11.702 --> 15:13.412
nararamdaman ko

15:13.495 --> 15:17.291
na malapit ako sa mga taong mahal ko.

15:18.584 --> 15:21.170
Jerry! Ubusin mo na. May isang kutsara pa.

15:24.924 --> 15:27.843
Pakiramdam ko,
nailalabas ko 'yong totoong ako.

15:28.510 --> 15:30.471
Nasa'n 'yong mga may Nutella?

15:31.347 --> 15:33.057
At isang tao na namumuhay…

15:33.557 --> 15:35.309
nang normal.

15:37.061 --> 15:38.228
Rafelet!

15:38.312 --> 15:40.856
Kumusta? Ano'ng ginagawa mo?

15:40.939 --> 15:42.358
Grabe!

15:47.112 --> 15:49.490
Ang galing!

15:53.494 --> 15:56.413
Ang sarap nito.

15:56.955 --> 15:58.707
Titikim lang ako.

15:58.791 --> 16:00.501
-Hindi, kumain ka.
-Ayoko.

16:00.584 --> 16:02.670
Nasa prime ka ng buhay mo.

16:04.088 --> 16:05.172
Ngayon…

16:05.673 --> 16:07.549
Hindi mo alam, pero…

16:09.843 --> 16:12.054
espesyal 'tong sandaling 'to.

16:15.182 --> 16:16.183
Nilibre mo 'ko?

16:26.193 --> 16:29.279
Sa huli,
nakatatlong panalo si Rafa sa Madrid.

16:29.363 --> 16:31.073
Nagawa niyang umusad.

16:31.156 --> 16:35.244
Pinatunayan niya sa sarili
na kaya niyang maglaro nang sunod-sunod.

16:35.327 --> 16:38.038
Ano 'yong pinakanapuna mo
sa tournament na 'to kay Nadal?

16:38.122 --> 16:40.082
Ang pinakanapuna ko, may pag-asa.

16:43.210 --> 16:44.211
Ang tindi.

16:45.295 --> 16:48.424
Mentally, okay siya.
Mukha siyang masaya ngayon.

16:49.007 --> 16:51.552
Ngayon, may isang linggo siya

16:51.635 --> 16:53.595
bago siya lumaban sa Rome.

16:53.679 --> 16:56.765
Siyempre, naka-focus siya
para makapasok sa Roland-Garros.

16:56.849 --> 16:59.268
Kung ganito pa rin ang kondisyon niya
ngayong linggo,

16:59.351 --> 17:01.395
makakalaro siya sa Roland-Garros.

17:02.771 --> 17:05.816
Higit isang taon nang maganda
'yong kondisyon ng katawan niya.

17:07.651 --> 17:10.237
At sa huli, ang importante…

17:11.905 --> 17:14.825
maramdaman niyang
maganda 'yong nilalaro niya.

17:15.659 --> 17:19.246
At makita siya ng anak niya
na nag-aangat ng trophy.

17:20.372 --> 17:21.999
'Yon talaga ang gusto niya.

17:22.082 --> 17:25.085
At siyempre,
ang makita siya ng anak niya na manalo.

17:29.423 --> 17:34.678
Ladies and gentlemen, ang champion
sa 2010 US Open men's championship,

17:34.762 --> 17:36.764
Rafael Nadal!

17:37.848 --> 17:41.518
No'ng mga oras na 'yon,
ako ang pinakamagaling na player sa mundo.

17:43.062 --> 17:44.271
Hindi sapat 'yon.

17:45.981 --> 17:50.069
Para maging pinakamagaling sa mundo,
patutunayan mo 'yon sa bawat tournament.

17:52.196 --> 17:55.324
Dumako na tayo sa men's singles final.

17:56.116 --> 17:59.620
Si Rafael Nadal,
ang number 1 player sa mundo,

17:59.703 --> 18:01.997
makakalaban si Novak Djokovic.

18:02.498 --> 18:03.499
Siya ang pinakasikat.

18:03.582 --> 18:06.752
Di maganda 'yong mga resulta niya
sa finals laban kay Rafa,

18:06.835 --> 18:08.670
kaya malaking asterisk 'yon.

18:09.421 --> 18:11.131
Ang tingin kay Djokovic,

18:11.215 --> 18:12.257
mahusay siya,

18:12.758 --> 18:15.219
pero hindi pa rin niya matalo
'yong pinakamagaling

18:15.302 --> 18:16.845
sa mga importanteng laban.

18:18.639 --> 18:20.641
Pero 2011 no'ng nagkatotoo na 'yong banta.

18:29.233 --> 18:31.360
Gusto ng lahat na talunin 'yong number 1.

18:33.028 --> 18:36.657
Kaya kadalasan,
mas maganda kung ikaw 'yong humahanting.

18:37.241 --> 18:41.370
Kasi pakiramdam mo,
gusto mong lumaban para sa tagumpay mo,

18:41.453 --> 18:42.788
kesa dumepensa.

18:44.289 --> 18:47.417
Lumaki na ang lamang ni Djokovic.

18:47.501 --> 18:50.170
Kaya psychological battle 'yon.

18:50.254 --> 18:52.548
Nanggigigil na si Nadal.

18:52.631 --> 18:54.341
Di natin madalas makita 'yan.

18:55.551 --> 18:59.429
Dumarating 'yong panahon
na 'yong mahuhusay na mga player…

19:02.850 --> 19:06.270
nagkakaro'n sila ng malaking pagbabago
sa maikling panahon.

19:07.688 --> 19:10.983
Si Novak Djokovic
ang inyong champion dito!

19:13.068 --> 19:17.239
Malalaman natin kung hanggang saan aabot
ang momentum ni Djokovic.

19:18.115 --> 19:22.244
No'ng sumunod na tournament,
nagharap ulit sila sa finals ng Miami.

19:25.205 --> 19:27.749
Na kay Djokovic na 'yong pressure.

19:31.587 --> 19:35.465
Sobrang hirap ng mga laban kay Djokovic.

19:36.008 --> 19:37.634
Grabe naman 'yon!

19:37.718 --> 19:39.720
Sinasabi ni Rafa, "Pag kalaban si Federer,

19:39.803 --> 19:43.182
"alam kong pag nakaanim
o pitong magagandang tira 'ko,

19:43.265 --> 19:45.017
"makukuha ko 'yong puntos."

19:46.643 --> 19:48.770
Pa'no niya naabot 'yon?

19:49.479 --> 19:52.441
"Pag kalaban si Djokovic, 15 tira na,
pwede pa rin akong matalo."

19:55.360 --> 19:56.361
Nagawa niya!

20:00.782 --> 20:02.910
No'ng natalo ako sa finals sa Miami,

20:03.452 --> 20:06.705
na-realize kong iba na
'yong reaction ng utak ko.

20:07.289 --> 20:09.291
Novak Djokovic!

20:09.374 --> 20:11.793
Hindi pa natatalo si Djokovic buong taon.

20:12.753 --> 20:17.841
Pero siyempre, wag nating kalimutan
na di pa niya natatalo si Nadal sa clay.

20:19.801 --> 20:23.388
Ramdam mong medyo may pagdududa siya,

20:23.472 --> 20:25.974
at gusto kong maramdaman niya 'yon.

20:38.779 --> 20:41.615
Panalo para kay Djokovic

20:41.698 --> 20:43.951
sa paboritong clay ng Espanyol.

20:46.245 --> 20:49.748
May panahong mawawalan ka ng kumpiyansa.

20:50.832 --> 20:53.460
At magkakagulo-gulo na.

20:54.294 --> 20:58.882
Magkakamali ako, mawawalan ng kumpiyansa,
lalong magkakamali.

20:58.966 --> 21:02.511
Wow! Si Djokovic ang champion sa Rome!

21:03.220 --> 21:07.099
Doon ko naramdamang, "Napapaisip na siya.
Kailangan ko na lang ipagpatuloy."

21:07.182 --> 21:08.642
Pumasok sa isip ko

21:08.725 --> 21:10.310
na nalampasan na niya 'ko.

21:11.436 --> 21:15.357
At nabigo si Nadal na samantalahin
'yong mga pagkakataon niya.

21:16.316 --> 21:18.986
Hindi lang tayo sanay
na makita 'yon kay Rafa.

21:22.990 --> 21:24.241
-Out!
-Outside 'yon.

21:24.324 --> 21:26.910
Si Novak Djokovic
ang inyong champion dito,

21:26.994 --> 21:30.706
at masasabi mong siya ang pinakamagaling
na player sa mundo.

21:31.415 --> 21:36.211
At limang sunod na panalo na 'yon
kay Rafa Nadal.

21:36.795 --> 21:40.007
Tanda kong lumabas si Rafa
sa press conference na 'yon,

21:41.300 --> 21:44.303
isang taong parang tuliro.

21:46.304 --> 21:48.181
Na para bang kinuha ni Novak…

21:49.433 --> 21:50.851
'yong kaluluwa niya.

21:51.560 --> 21:55.439
Natalo ako dahil kalaban ko
ang pinakamagaling na player ngayon.

21:55.522 --> 21:58.608
Ang pinakamagaling na player
sa mundo, bukas.

21:58.692 --> 21:59.776
At…

22:01.987 --> 22:03.363
at ako 'yong pangalawa.

22:03.905 --> 22:07.409
Parang nawasak
ang matikas na si Rafa Nadal.

22:08.410 --> 22:12.039
Ang 2011 US Open men's singles champion,

22:12.122 --> 22:13.957
Novak Djokovic!

22:15.500 --> 22:16.877
Disaster 'yon.

22:18.962 --> 22:21.506
Di na siya makalaban.
Di na niya alam kung pa'no lalaban.

22:25.218 --> 22:27.012
Matinding pressure 'yon

22:27.512 --> 22:29.264
na kailangan mong malampasan.

22:31.600 --> 22:34.728
At pag di mo nalampasan,
di ka na magiging magaling.

22:39.274 --> 22:42.944
Malaki 'yong naitulong ni Toni
para maging malakas siya.

22:44.780 --> 22:49.242
Pero bilang isang ina,
nag-aalala 'ko sa matinding pressure.

22:49.868 --> 22:51.870
Kasi napakabata niyang nagsimula,

22:51.953 --> 22:56.333
at kinailangan na niyang labanan
'yong mga nasa isip niya.

23:01.463 --> 23:04.007
Parang kailangan mong laging mas galingan.

23:05.217 --> 23:07.552
Na parang laging hindi pa sapat.

23:08.762 --> 23:11.848
Na parang kailangan mong
laging umangat nang umangat.

23:12.557 --> 23:16.895
Kumpirmadong si Rafael Nadal ang
pinakamagaling na junior player sa Spain.

23:17.396 --> 23:19.231
Na kahit umangat ka pa,

23:19.731 --> 23:21.108
di ka magiging pinakamagaling.

23:21.191 --> 23:23.151
Kailangan mong mas umangat pa.

23:23.235 --> 23:24.861
Ano'ng plano mo ngayon?

23:24.945 --> 23:27.197
Mag-training. Tingnan natin.

23:27.280 --> 23:29.783
Importante 'tong tournament na 'to,

23:29.866 --> 23:34.121
pero hindi ibig sabihin
na pag nanalo ka sa tournament na 'to,

23:34.204 --> 23:35.747
magiging magaling ka na.

23:37.040 --> 23:39.793
Lahat ng 'yon, nagdudulot ng insecurity.

23:41.253 --> 23:42.379
Eto na ulit tayo.

23:42.963 --> 23:44.047
Medyas.

23:44.131 --> 23:45.549
Susunod na 'yong buhok.

23:47.134 --> 23:50.053
Habang tumatagal,

23:50.137 --> 23:52.013
nadadagdagan 'yong mga routine niya.

23:52.097 --> 23:53.515
Laban, Rafael!

23:53.598 --> 23:54.808
Laban!

23:56.059 --> 23:57.144
Time!

23:58.979 --> 24:00.397
Ganito, ganito,

24:00.480 --> 24:03.692
'yong mga bote,
'yong mga linya, paghihintay…

24:03.775 --> 24:07.154
Sabi ko sa kanya, "Tigilan mo 'yan,
mukha tayong katawa-tawa."

24:09.573 --> 24:14.995
Sinubukan kong tanggalin
'yong ibang routine…

24:17.622 --> 24:19.958
kasi pag nakikita ko
'yong sarili ko sa TV,

24:20.458 --> 24:22.461
di ko gusto
'yong nakikita kong ginagawa ko.

24:23.587 --> 24:25.130
Pero…

24:26.756 --> 24:27.757
di ko matanggal.

24:28.508 --> 24:29.926
Kailangan ko 'yong mga 'yon.

24:31.970 --> 24:33.805
Doon ko nararamdaman na may kontrol ako.

24:37.350 --> 24:39.227
Lahat, nakakaramdam ng pressure.

24:40.353 --> 24:42.397
Pero kaya ka nga magaling, e.

24:43.815 --> 24:46.026
Dahil kaya mo 'yon kontrolin.

24:53.074 --> 24:56.161
3 ARAW BAGO ANG ITALIAN OPEN

24:56.745 --> 25:00.081
Panibagong linggo ng matinding training,
para magamay at magpalakas.

25:00.165 --> 25:01.958
Tatlo o apat na laban sa Rome.

25:02.042 --> 25:05.962
Wag niyang i-pressure 'yong sarili niya,
maglaro lang siya,

25:06.046 --> 25:07.631
at tingnan ang mangyayari.

25:11.343 --> 25:15.222
Hindi pantay sa side na 'to,
pero pantay sa kabila.

25:16.514 --> 25:18.016
Mas mababa ro'n.

25:24.439 --> 25:26.650
-Papuntahin mo sa backhand niya, okay?
-Sige.

25:26.733 --> 25:28.610
Lakasan mo. Tingnan natin 'yong forehand.

25:33.823 --> 25:36.201
Para sa 'kin,
dapat makontrol niya 'yong utak niya.

25:36.993 --> 25:40.330
Dahil pag kinakabahan siya,
pumapangit 'yong volley niya, 'yong palo,

25:40.413 --> 25:42.207
takbo nang takbo,

25:42.290 --> 25:45.669
bumabagal siya, late mag-react,
nawawala sa timing, lahat.

25:48.255 --> 25:49.422
Pag kalmado siya,

25:51.299 --> 25:52.842
mas maayos ang lahat.

25:58.848 --> 26:00.100
Mag-reset ka, okay?

26:00.183 --> 26:01.017
Sige lang.

26:01.101 --> 26:04.604
Reset ako nang reset
dahil panay ang sablay ko.

26:07.023 --> 26:08.650
Ano 'yong pinakaimportante?

26:08.733 --> 26:11.361
Ang pinakaimportante…

26:12.237 --> 26:13.697
talunin si Djokovic.

26:17.534 --> 26:20.161
Sinisira ni Novak 'yong focus ko,

26:20.662 --> 26:22.539
at kinailangan kong baguhin 'yon.

26:23.873 --> 26:26.501
Para sa 'kin,
hindi lang mentality 'yong mahalaga,

26:26.585 --> 26:28.878
kundi pati 'yong paghahanda.

26:29.546 --> 26:33.008
Magkakakumpiyansa ka kapag preparado ka.

26:35.927 --> 26:37.470
Binago niya 'yong forehand niya.

26:37.554 --> 26:39.264
Mas agresibong forehand.

26:40.640 --> 26:42.809
Tanda kong
nagpapakita ako sa kanya ng footage.

26:42.892 --> 26:45.103
Sabi ko, "Sina Federer at Djokovic,

26:45.186 --> 26:48.189
"pag pinapalo nila 'yong finishing shot,
tumatalon sila."

26:48.273 --> 26:52.193
Binibigyan sila no'n ng karagdagang bilis

26:52.277 --> 26:55.822
at, higit sa lahat,
ng kagustuhang makuha 'yong puntos.

26:56.990 --> 27:00.076
Pinapalo ko siya ng mga winner

27:00.160 --> 27:02.746
mula dito, doon, kahit saan.

27:03.246 --> 27:05.123
Sige pa. Buong lakas!

27:06.708 --> 27:09.127
Tinulungan ako ni Toni na bumangon.

27:09.210 --> 27:12.756
Unti-unti kong nararamdamang
nagiging handa na 'ko, mentally.

27:24.934 --> 27:26.603
Napakagandang laban nito.

27:27.187 --> 27:31.149
Pareho silang nasa prime nila.
Ang dalawang pinakamagaling sa mundo.

27:31.649 --> 27:35.904
Ang kaibahan ngayon para kay Rafael Nadal,
siya ang number 2.

27:36.988 --> 27:38.031
Siya ang humahanting,

27:39.115 --> 27:40.575
hindi ang hinahanting.

27:49.501 --> 27:51.961
'Yon ang forehand. 'Yon ang pamatay.

27:52.462 --> 27:56.216
Di ko alam kung ano'ng nangyari,
pero sobrang agresibo niya.

28:00.387 --> 28:03.973
Mas mabagsik na 'yong mga forehand ko
kumpara no'ng mga naunang buwan.

28:06.351 --> 28:09.437
Napakatinding forehand.
'Yon ang paboritong tira.

28:09.521 --> 28:15.151
Nakuha ni Rafael Nadal ang unang set
matapos ang 1 oras at 20 minuto.

28:15.235 --> 28:19.030
Pero kahit gumanda na 'yong pakiramdam ko,
'yong mga nakalipas na buwan,

28:19.114 --> 28:22.075
naiisip ko pa rin 'yon.

28:25.161 --> 28:27.747
Tinabla ni Djokovic ang laban.

28:38.508 --> 28:40.844
Napakataas ng kumpiyansa ni Djokovic.

28:40.927 --> 28:44.013
Sa kabila naman,
maraming sinasabi 'yong mukha ni Rafa.

28:44.097 --> 28:45.473
LAMANG SI DJOKOVIC, 2-1

28:45.557 --> 28:47.767
Mararamdaman mong iniisip ni Nadal,

28:47.851 --> 28:49.185
"Déjà vu 'to."

28:49.686 --> 28:53.648
Kakailanganin ng matinding pagsisikap
mula sa Espanyol

28:53.732 --> 28:56.067
para mapaabot 'to sa fifth set.

28:56.860 --> 28:58.236
Sa buong taon na 'yon,

28:58.319 --> 29:01.197
pag may mahahalagang sandali
sa laban kay Novak,

29:02.115 --> 29:03.783
pakiramdam ko, mentally,

29:03.867 --> 29:07.203
di ako lubos na naniniwalang mananalo ako.

29:09.414 --> 29:10.790
Pero no'ng labang 'yon,

29:11.291 --> 29:12.876
'yong nararamdaman ko…

29:14.627 --> 29:15.712
Out!

29:16.671 --> 29:17.839
…nagbabago na.

29:18.923 --> 29:21.259
Two set all na.

29:24.721 --> 29:28.308
Napaluhod si Nadal at agad na tumayo,

29:28.391 --> 29:32.562
dahil alam niyang
may trabaho pang kailangang tapusin.

29:32.645 --> 29:36.399
Ito ang unang beses na lubos na naniwala
si Nadal na kaya niyang manalo.

29:36.483 --> 29:38.485
Umaasa siya, nag-aasam siya,

29:38.568 --> 29:41.488
pero ngayon lang siya lubusang naniwala.

29:42.572 --> 29:46.993
Officially, ito na ang pinakamatagal
na Grand Slam final sa kasaysayan.

29:51.456 --> 29:54.584
Nagsi-stretch si Djokovic
para manatiling maliksi.

29:54.667 --> 29:56.503
Sobrang hirap no'ng fifth set.

29:58.004 --> 30:01.382
Physically, laspag ka talaga.

30:04.761 --> 30:06.095
Naku po!

30:06.179 --> 30:07.847
Napahiga si Djokovic.

30:07.931 --> 30:10.183
Thirty-one points sa rally.

30:10.266 --> 30:13.853
Nakatayo at nagpapalakpakan ang crowd.
Nakatayo sila rito.

30:14.562 --> 30:16.147
Pagod na pagod na 'ko.

30:16.981 --> 30:21.986
Palaki na nang palaki 'yong pagdududa ko
kung kakayanin ko pa ba.

30:23.363 --> 30:25.740
Hirap na hirap na 'ko,

30:26.282 --> 30:28.409
pero nag-e-enjoy din ako

30:28.910 --> 30:31.996
na makita 'yong sarili kong
lumalaban ulit…

30:32.747 --> 30:34.040
sa pinakamataas na level.

30:34.791 --> 30:37.418
Lamang si Nadal, 4-2.

30:38.336 --> 30:39.712
Lamang siya ng isang break.

30:41.464 --> 30:43.508
At naaalala ko pa 'yong puntos na 'yon.

30:47.345 --> 30:49.722
Nag-drop shot siya,
nag-counter drop shot ako.

30:51.349 --> 30:52.600
Pangit na drop shot 'yon.

30:54.686 --> 30:57.355
Napakadaling passing shot.

31:00.608 --> 31:04.279
Kung nakuha ko 'yong puntos na 'yon,
tapos na sana 'yong laban.

31:09.826 --> 31:10.910
Out!

31:10.994 --> 31:13.830
Nag-challenge si Nadal.
Medyo late 'yong tawag.

31:16.332 --> 31:17.667
Naku po!

31:17.750 --> 31:18.918
Pambihira!

31:25.592 --> 31:26.801
Ang sakit panoorin.

31:39.731 --> 31:43.318
Kahit gaano pa katapang
ang ipinakita ni Rafael Nadal,

31:43.401 --> 31:45.653
natalo pa rin siya.

31:48.698 --> 31:50.408
Minsan, matatalo ka

31:50.491 --> 31:53.119
at pwede mo 'yon tingnan
sa positibo o negatibong paraan.

32:01.127 --> 32:03.546
No'ng araw na 'yon, natalo ako,

32:04.964 --> 32:06.424
pero hindi ako…

32:06.966 --> 32:10.345
dismayado, malungkot, o kahit ano.

32:11.387 --> 32:12.889
Kontento ako.

32:14.766 --> 32:17.226
Nalampasan ko 'yong sarili ko, mentally.

32:19.437 --> 32:20.813
Naramdaman ko na…

32:21.773 --> 32:22.815
nakabalik na 'ko.

32:31.199 --> 32:32.909
Sa Rome ang pagbabalik ni Rafa Nadal.

32:32.992 --> 32:35.244
Nagsimula na ang Masters 1000
sa capital ng Italy,

32:35.328 --> 32:38.456
ang huling tournament
bago ang Roland-Garros.

32:40.917 --> 32:43.878
Oras na para magpursigi
at malaman 'yong kondisyon niya

32:43.962 --> 32:45.797
at kung pa'no siya aabot sa Paris.

32:45.880 --> 32:48.549
Simple lang ang kailangan dito,
wag ma-injure.

32:49.342 --> 32:51.344
Tapos sa Paris, todo na.

33:01.604 --> 33:03.898
Ibang-ibang player na siya ngayon.

33:04.399 --> 33:05.400
Halimaw.

33:13.116 --> 33:14.867
Halos tatlong oras na.

33:14.951 --> 33:17.537
Gusto nang tapusin ni Nadal.

33:23.209 --> 33:25.003
Laban! Gamitan mo ng utak!

33:26.295 --> 33:27.672
Sige, Rafa! Laban!

33:38.141 --> 33:39.600
Ayos!

33:40.143 --> 33:41.769
Ayos!

33:44.355 --> 33:47.525
4-6, 6-3, 6-4.

33:50.987 --> 33:54.407
Panalo si Rafa Nadal sa pagbabalik niya
sa Foro Italico sa Rome.

33:55.450 --> 33:57.910
Kaninang hapon,
nakita natin siyang mas malakas,

33:57.994 --> 34:01.122
mas positibo, at tiwala sa kakayahan niya…

34:11.215 --> 34:13.009
Ang 2012 champion,

34:13.092 --> 34:14.761
si Novak Djokovic!

34:17.722 --> 34:19.056
Noong 2012,

34:19.557 --> 34:22.393
bumalik ako pagkatapos matalo
sa lahat ng finals.

34:22.477 --> 34:24.645
Laban, Rafa! Laban!

34:24.729 --> 34:28.483
Pero mentally, handa na 'kong manalo.

34:34.781 --> 34:37.158
-Ayos!
-Game, Nadal.

34:37.700 --> 34:39.285
Si Rafa, no'ng 2012,

34:39.368 --> 34:41.746
umaangat siya.

34:43.206 --> 34:44.582
Magandang performance ni Rafa.

34:45.166 --> 34:47.168
Game, Nadal.

34:48.544 --> 34:52.131
Pagkatapos kong manalo
sa Monte-Carlo, Barcelona, Rome…

34:53.925 --> 34:57.303
doon ko unang naramdaman
'yong sakit ng tuhod ko.

35:01.182 --> 35:03.142
Pero no'ng panahong 'yon,

35:03.643 --> 35:04.685
gusto kong maglaro.

35:04.769 --> 35:06.813
Ang ganda ng pakiramdam ko.
Gusto kong manalo.

35:10.107 --> 35:12.193
Kahit sumasakit 'yong tuhod ko…

35:12.944 --> 35:14.570
-Out!
-Game, Nadal.

35:14.654 --> 35:16.030
…nanalo ako sa Roland-Garros.

35:19.200 --> 35:21.828
Kaya naisip ko,
"Magiging number 1 ulit ako."

35:21.911 --> 35:24.372
Rafael Nadal!

35:28.209 --> 35:29.585
'Yong tuhod ko…

35:30.086 --> 35:32.213
nakakasagabal na sa 'kin.

35:33.464 --> 35:36.801
Pero lagi kong iniisip
na kung gusto ng isip ko,

35:38.511 --> 35:39.679
susunod 'yong katawan ko.

36:08.040 --> 36:10.168
May tama na 'yong tuhod ko.

36:12.461 --> 36:16.048
Nagkabutas na 'yong litid.

36:21.470 --> 36:24.473
Nag-withdraw si Rafa Nadal
sa Olympics at US Open,

36:24.557 --> 36:26.767
kung saan finalist siya
noong nakaraang taon.

36:28.603 --> 36:30.605
PATELLAR TENDINOPATHY

36:31.522 --> 36:34.317
'Yong mga injury na 'yon na naglabasan,

36:34.859 --> 36:36.444
hindi 'yon nagkataon lang.

36:36.527 --> 36:37.570
DOKTOR NI RAFA

36:37.653 --> 36:41.032
'Yon ang resulta
ng isang pangunahing problema.

36:42.909 --> 36:46.829
Dahil sa paggamit ng insole
sa buong career ko,

36:47.663 --> 36:50.333
nawala sa alignment
'yong ibang parte ng katawan ko.

36:54.295 --> 36:56.631
Mula sa tuhod hanggang sa paa,

36:57.381 --> 36:58.716
parang kadena 'yan.

37:01.385 --> 37:05.264
Kaya pag may binago tayo sa paa,

37:05.973 --> 37:08.184
maaapektuhan 'yong buong kadena.

37:13.439 --> 37:14.690
'Yong injury na 'yon,

37:15.191 --> 37:17.944
hindi 'yon parang fracture

37:18.027 --> 37:21.197
na merong timeline
para makabalik sa competition.

37:24.533 --> 37:25.534
Sumasakit ba?

37:26.285 --> 37:28.204
Okay, dahan-dahan lang.

37:28.287 --> 37:31.624
Hindi makakasali si Rafael Nadal
sa Australian Open.

37:31.707 --> 37:35.252
Nasungkit ni Novak Djokovic
ang pang-apat niyang title sa Melbourne,

37:35.336 --> 37:37.255
ang pangatlo niyang sunod.

37:37.755 --> 37:41.759
Muli na namang pinatunayan ni Djokovic
kung sino ang number 1.

37:46.055 --> 37:48.683
Makalipas ang ilang buwang di paglalaro,

37:48.766 --> 37:50.685
marami ang nagsasabi,

37:50.768 --> 37:53.980
"Tapos na si Rafa Nadal.
Sinagad niya 'yong katawan niya.

37:54.063 --> 37:56.315
"Di na siya magiging tulad ng dati."

37:56.399 --> 38:00.069
Rafa Nadal,
102 days kang hindi nakapag-compete.

38:00.152 --> 38:02.321
Sa mga panahong 'yon,
mahigit tatlong buwan,

38:02.405 --> 38:05.116
naisip mo bang 'yon na ang katapusan?

38:10.288 --> 38:12.915
Ang paggaling ng kaliwang tuhod
ni Rafa Nadal

38:12.999 --> 38:15.209
ay hindi kasingbilis ng inaasahan.

38:15.293 --> 38:19.130
Kaya baka iniisip na ni Nadal
na hindi na maglaro sa Indian Wells,

38:19.213 --> 38:21.299
kung saan umabot siya sa semifinals
last year.

38:21.382 --> 38:25.428
Sumasakit 'yong tuhod ko
maglaro man ako o hindi.

38:26.095 --> 38:28.431
Kaya pipiliin ko na lang na maglaro.

38:29.557 --> 38:30.933
Pumunta 'ko sa New York

38:31.809 --> 38:34.812
para magpatingin sa isang espesyalista.

38:38.441 --> 38:42.445
Tinanong ko, "Makakapaglaro ba 'ko
sa Indian Wells, sa hard court?"

38:43.529 --> 38:44.530
Sabi niya, "Hindi.

38:45.740 --> 38:48.951
"Wag ka nang maglaro. Hindi mo kakayanin."

38:50.453 --> 38:52.830
Sinabi ng doktor na delikado 'yon,

38:52.913 --> 38:55.583
at pwedeng hindi na 'yon gumaling.

38:59.462 --> 39:01.255
Pinigilan niya kami.

39:05.509 --> 39:07.219
Nag-meeting kami…

39:09.764 --> 39:11.640
at nagpasya 'kong sumali sa Indian Wells.

39:12.224 --> 39:14.602
Ako. Sabi ko,
"Hindi, sasali ako sa Indian Wells."

39:21.442 --> 39:24.570
Walong buwan akong di tumapak
sa isang hard court,

39:25.488 --> 39:29.492
at nagpalagay ako ng anesthesia
sa tuhod ko para makalaro ako.

39:30.284 --> 39:32.328
Kung hindi, di ako makakagalaw.

39:34.747 --> 39:35.623
'Yon ang tira!

39:35.706 --> 39:38.292
Maganda 'yong nilalaro ko…

39:41.045 --> 39:42.922
at nanalo ako sa tournament.

39:43.005 --> 39:46.842
Record na pang-22 na ATP Masters 1000…

39:46.926 --> 39:51.097
At mula no'n, nagsimula
ang bagong kabanata para sa 'kin.

39:52.014 --> 39:52.932
Sa isang iglap.

39:55.476 --> 39:59.814
Pagpasok ng 2013,
biglang pinagsusungkit niya lahat.

40:00.523 --> 40:03.526
Napakaganda ng pagbalik ng kondisyon niya.

40:03.609 --> 40:06.362
Si Rafa Nadal ang champion sa Barcelona

40:06.445 --> 40:09.281
sa kahanga-hangang pangwalong beses.

40:09.782 --> 40:12.535
Sobrang sama ng lagay ng tuhod ko,
sobrang sakit,

40:12.618 --> 40:14.829
pero hindi 'yon ang oras para…

40:17.248 --> 40:18.082
tumigil.

40:21.085 --> 40:25.297
Hindi lang 'yong sakit
pag naglalaro siya, kundi…

40:26.215 --> 40:29.135
sa araw-araw na buhay,
tulad ng pagbaba sa hagdan.

40:32.638 --> 40:34.473
Nag-alala 'ko nang husto.

40:37.143 --> 40:41.021
Nakikita mong nahihirapan siya
at di mo alam kung pa'no tutulong.

40:41.939 --> 40:44.817
Nakakadurog ng puso.

40:49.071 --> 40:51.657
Naglalaro ako
sa tulong ng maraming anti-inflammatory.

40:52.450 --> 40:54.243
Voltaren sa gabi,

40:55.536 --> 40:59.790
at Voltaren intramuscular injection
bago ang bawat laban.

41:05.337 --> 41:08.299
Pampitong final at pampitong tournament

41:08.382 --> 41:11.635
mula nang bumalik
ang kahanga-hangang Espanyol.

41:17.391 --> 41:21.312
Mahirap mamuhay sa sakit
na nararanasan niya araw-araw

41:22.813 --> 41:25.232
at makita siyang umiinom
ng maraming anti-inflammatory

41:26.108 --> 41:29.945
na pwedeng makasama sa kalusugan niya.

41:31.238 --> 41:36.452
Si Nadal ang maestro sa Madrid
sa pangatlong beses!

41:36.952 --> 41:38.996
Gusto kong pasalamatan
'yong buong team ko.

41:39.079 --> 41:42.458
Kung wala kayo,
imposibleng makabalik ako rito.

41:43.500 --> 41:46.587
Nagkaro'n kami ng mga pagtatalo dahil…

41:46.670 --> 41:49.215
parang sobra na 'yong iniinom niya

41:49.298 --> 41:52.218
o minsan, hindi naman kailangan.

41:58.849 --> 42:01.644
Tutol si Maymó do'n.

42:02.978 --> 42:05.397
Kada tatanungin ko siya tungkol sa gamot…

42:07.942 --> 42:09.944
Kailangan kong magdesisyon.

42:11.529 --> 42:15.533
Dumating sa puntong nagdadala na si Rafa
ng sarili niyang mga gamot.

42:16.158 --> 42:17.785
Iniinom niya 'yon…

42:18.744 --> 42:23.374
hindi dahil nakakaramdam siya ng sakit,
kundi para unahan 'yong pagsakit.

42:23.457 --> 42:26.210
Pampitong title niya dito sa Rome!

42:26.293 --> 42:29.505
Umaangat siya sa rankings sa bawat panalo.

42:30.339 --> 42:31.590
Sabi ko, "Bahala na.

42:31.674 --> 42:36.095
"May gamot naman ako.
Iinom ako pag kailangan ko."

42:44.186 --> 42:45.980
Rafael Nadal!

42:46.814 --> 42:48.983
Minsan, pag nananalo ka,

42:49.525 --> 42:53.112
binibigyan ka no'n
ng pagtingin sa realidad

42:54.405 --> 42:55.823
na hindi totoo.

42:57.741 --> 42:59.410
Dahil 'yong kalusugan mo

43:00.160 --> 43:03.872
ang mas importante
kesa sa kahit anong tagumpay.

43:04.832 --> 43:07.751
Si Rafael Nadal ang inyong champion
sa Canada!

43:08.961 --> 43:12.881
Si Rafael Nadal ang champion
sa Cincinnati!

43:14.049 --> 43:18.929
Ang totoo,
may dalawang maliit na butas sa bituka ko.

43:19.013 --> 43:22.933
Maliliit na butas
dahil sa sobrang daming anti-inflammatory.

43:24.393 --> 43:25.519
Saglit lang.

43:38.198 --> 43:39.491
Ang US Open final.

43:39.575 --> 43:43.537
World number 1, Novak Djokovic,
laban kay number 2, Rafael Nadal.

43:43.621 --> 43:45.914
At ang laban na magpapasya

43:45.998 --> 43:49.335
para maging number 1 sa taong ito
ay ang laban na 'to.

43:49.960 --> 43:54.089
Sa career ko, kinailangan kong magdesisyon
para sa kalusugan ko

43:54.173 --> 43:58.177
kung saan nasa hangganan ka
kung ano'ng tama o mali.

44:03.515 --> 44:06.602
'Yon ang ibig kong sabihin
ng manipis lang 'yong linya.

44:07.519 --> 44:11.607
Nasa match point na tayo ng championship.

44:12.107 --> 44:14.943
Pero kung di ko sinagad 'yong sarili ko,

44:15.527 --> 44:18.989
siguro bawas ng sampu
'yong mga Grand Slam ko.

44:20.866 --> 44:24.161
Hindi lang isa o dalawa,
kundi mga 10 o 12.

44:24.662 --> 44:26.789
'Yon ang katotohanan.

44:30.542 --> 44:35.214
Nakuha ni Rafa Nadal
ang kanyang pangalawang US Open!

44:36.340 --> 44:39.176
Ayos!

44:39.259 --> 44:41.929
Bumalik na si Rafa Nadal
bilang pinakamagaling sa mundo.

44:42.012 --> 44:44.014
Tinalo niya si Novak Djokovic.

44:44.598 --> 44:46.975
Ang puwestong nawala sa kanya
mula pa no'ng 2011.

44:47.059 --> 44:49.228
Rafa Nadal, world number 1.

44:57.694 --> 44:59.196
Isa siyang competitor…

44:59.279 --> 45:00.531
TINIG NI CARLOS MOYÁ

45:00.614 --> 45:02.282
…na adik sa competition.

45:02.783 --> 45:03.909
Hindi madali 'yon.

45:07.371 --> 45:10.708
Ladies and gentlemen,
ang inyong US Open champion,

45:10.791 --> 45:12.042
si Rafael Nadal!

45:12.126 --> 45:14.378
'Yong adrenaline
na nararamdaman mo sa court,

45:14.461 --> 45:18.257
'yong pakiramdam pag lumalaban ka
sa harap ng 20,000 katao,

45:18.340 --> 45:20.384
at sinusuportahan ka ng crowd…

45:20.968 --> 45:23.679
Rafa!

45:23.762 --> 45:24.888
…nakakaadik 'yon.

45:50.706 --> 45:52.583
Medyo nararamdaman ko. At saka— Grabe.

45:52.666 --> 45:55.043
Parang magang-maga nga, sa kabuoan—

45:55.127 --> 45:56.044
Patingin.

45:57.171 --> 45:58.172
I-bend mo.

45:59.465 --> 46:00.841
Tingnan natin. Sige.

46:05.554 --> 46:06.889
Tingin ko, banda rito.

46:06.972 --> 46:08.891
Iangat-baba mo sa banda d'yan.

46:08.974 --> 46:10.142
At malalim, 'no?

46:11.310 --> 46:14.313
Ang tanong ko, Ángel,
wala na ba tayong magagawa?

46:14.396 --> 46:16.815
-Ituloy lang natin 'yong ginagawa natin.
-Okay, sige.

46:17.316 --> 46:19.401
Di naman ako nag-aalala sa sakit.

46:25.991 --> 46:28.702
Iniisip ko lang, Rafa, kung gaano kahirap

46:28.786 --> 46:31.497
na i-manage 'yong katawan mo sa mga laban

46:31.580 --> 46:34.750
na alam mong kailangan mong isipin,
o siguraduhin,

46:34.833 --> 46:36.835
na hindi mo sinasaktan ang sarili mo.

46:38.504 --> 46:40.964
May mga problema 'ko.

46:42.007 --> 46:44.718
Pero gano'n talaga.
Tinatanggap ko na lang.

46:46.637 --> 46:51.475
Sumapit na ang araw
na kailangan kong ibigay ang 100% ko.

46:53.519 --> 46:56.605
Dalawa't kalahating linggo na lang,
Roland-Garros na.

46:56.688 --> 46:58.899
Kailangan kong ibigay
ang makakaya ng katawan ko.

46:58.982 --> 47:01.819
At kung may mangyari, mangyayari.

47:05.364 --> 47:08.158
Nagpapatuloy ang second round
dito sa Rome.

47:08.700 --> 47:12.412
Ang number 7 seed na si Hubert Hurkacz
laban kay Rafa Nadal.

47:12.913 --> 47:15.332
-Sino'ng liyamado?
-Tingin ko, si Nadal.

47:15.833 --> 47:19.628
Papunta na sina Rafa at Stanislas Wawrinka
sa Rod Laver Arena.

47:19.711 --> 47:20.754
Grabe.

47:20.837 --> 47:23.340
Kung titingnan mo 'yong history,
'yong mga head-to-head,

47:23.423 --> 47:25.259
lamang sa lahat ang world number 1.

47:25.342 --> 47:26.385
Puno ang stadium,

47:26.468 --> 47:31.598
sabik na makita kung paano haharapin
ni Rafa Nadal ang bago niyang pagsubok.

47:32.182 --> 47:33.684
Nagsimula 'yong 2014.

47:34.184 --> 47:35.602
Ako 'yong number 1.

47:36.228 --> 47:38.438
At handa akong…

47:39.022 --> 47:41.775
ibigay ang lahat ng makakaya ko.

47:47.906 --> 47:49.658
Kontrolado ni Rafa ang laro.

47:53.579 --> 47:54.872
Ang gandang simula!

47:54.955 --> 47:56.123
Bravo.

47:57.457 --> 48:00.168
Nakikita nating agresibo siya ngayon.

48:07.801 --> 48:08.886
Tapos biglang…

48:10.345 --> 48:11.346
boom.

48:12.014 --> 48:14.725
Sumakit 'yong likod ko.

48:15.893 --> 48:18.061
At hindi ko na kinayang ituloy.

48:18.562 --> 48:19.396
Di ko kinaya.

48:21.356 --> 48:22.232
Di ko kinaya.

48:29.906 --> 48:31.199
Delikado.

48:32.534 --> 48:33.785
Sumasakit 'yong paa niya.

48:34.786 --> 48:37.289
Nakita n'yo 'yon? Ni hindi siya makagalaw.

48:41.585 --> 48:43.420
Tinitingnan niya si Tito Toni.

48:43.962 --> 48:46.423
At hindi 'yon tingin na, "Kaya ko 'to."

48:46.506 --> 48:48.425
Tingin 'yon ng pag-aalala.

48:55.641 --> 48:57.392
Ngayon, pahihigain nila siya.

49:00.062 --> 49:03.565
Kung sa likod 'yan,
dapat uminom siya ng mga painkiller.

49:04.441 --> 49:05.442
Hindi na niya kaya.

49:06.860 --> 49:09.029
'Yong mga injury, 'yong stress,

49:10.489 --> 49:13.492
'yong isagad 'yong katawan at isip mo,

49:14.826 --> 49:17.537
dumating 'yong punto na lahat ng 'yon,

49:17.621 --> 49:21.083
nagsimula nang makaapekto.

49:24.586 --> 49:25.754
Kaya 'yan, Rafa!

49:26.421 --> 49:29.383
Mag-reset ka! Simulan mo ulit. Laban!

49:29.966 --> 49:31.051
Maniwala ka, pare!

49:33.929 --> 49:35.597
Di naging maingat si Nadal do'n.

49:39.017 --> 49:41.645
Ilang mintis na 'yon para kay Nadal.

49:41.728 --> 49:43.021
Ito ang itsura ng isang tao

49:43.647 --> 49:46.233
na maaaring di maabot ang finish line
gaya ng hangad niya.

49:51.530 --> 49:54.408
At nanalo na nga si Hubie Hurkacz,

49:54.491 --> 49:57.327
habang magpapaalam naman si Rafa sa Rome.

50:06.753 --> 50:09.631
Attention, players, match point na.

50:10.215 --> 50:13.885
Magtungo na sa meeting point
upang maihatid na kayo sa court.

50:13.969 --> 50:16.013
Wag ka munang magdesisyon ngayon.

50:17.013 --> 50:21.101
Anuman 'yong gusto mong gawin,
pag-isipan mo muna ng ilang araw.

50:21.685 --> 50:23.228
Kahit ano'ng kailangan mo.

50:34.573 --> 50:39.119
Matagal na 'kong nakikipaglaban
sa katawan ko.

50:41.580 --> 50:43.999
Lagi kong sinasagad,

50:46.293 --> 50:49.463
at mentally, sobrang nakakaapekto na.

50:50.005 --> 50:50.922
Sobra.

50:52.883 --> 50:54.217
At kalaunan,

50:55.051 --> 50:56.261
bibigay na lang.

51:06.772 --> 51:09.024
Hay, kung alam mo lang. Sa totoo lang…

51:10.776 --> 51:11.693
Seryoso ako…

51:12.778 --> 51:14.112
Sa totoo lang,

51:14.196 --> 51:16.031
pagod na pagod na 'ko.

51:16.615 --> 51:18.617
Hindi nawawala.

51:19.576 --> 51:22.996
Ako ang pinakalaspag na player
sa history ng sport natin.

51:26.917 --> 51:29.127
Pero kailangan mo pa ring magpatuloy.

51:30.253 --> 51:31.254
Walang ibang paraan.

51:32.672 --> 51:34.508
Pwede ring ganito.

51:37.594 --> 51:39.513
Maglagay ng pako sa taas…

51:40.013 --> 51:41.014
Hindi.

51:43.016 --> 51:44.309
Para tapos na.

51:44.810 --> 51:46.186
Makakapaghintay 'yong pako.

52:06.915 --> 52:08.625
Ang dulot sa 'kin nito…

52:10.418 --> 52:12.546
Ang dulot sa 'kin nito ngayon,

52:13.046 --> 52:15.841
mas marami pa 'tong kinukuha
kesa ibinibigay.

52:17.676 --> 52:19.803
-Ngayon—
-Naiintindihan mo 'yon?

52:19.886 --> 52:23.765
Sa personal na kaligayahan,

52:23.849 --> 52:25.475
kasiyahan, paghihirap,

52:25.559 --> 52:27.269
sa puntong 'to,

52:28.145 --> 52:30.188
mas marami pa 'tong kinukuha
kesa ibinibigay.

52:32.899 --> 52:34.651
May ibang buhay na naghihintay sa 'yo.

57:10.802 --> 57:15.807
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz
o.
