WEBVTT

00:23.857 --> 00:27.193
Mas maaliwalas ang panahon ngayon
kumpara no'ng mga nakaraang araw.

00:27.277 --> 00:30.572
At magiging mas mainit. Ang hangin…

00:30.655 --> 00:36.661
Naglaro ako
sa una kong official tennis tournament,

00:37.245 --> 00:40.248
mga pitong taon yata ako no'n.

00:41.291 --> 00:43.877
Siguro 11 years old 'yong kalaban ko no'n.

00:46.963 --> 00:49.007
Kaya kabado talaga 'ko.

00:49.966 --> 00:52.302
Pero tennis coach si Tito Toni,

00:52.385 --> 00:55.847
na naging malaking impluwensiya sa 'kin.

00:56.347 --> 00:57.682
Tinulungan niya 'ko sa lahat.

00:59.476 --> 01:02.604
Medyo kabado si Rafael no'n bago lumaban.

01:02.687 --> 01:04.022
TITO AT HEAD COACH NI RAFA

01:04.105 --> 01:06.608
Kaya sabi ko kay Rafael,

01:06.691 --> 01:10.278
"Pag mas magaling sa 'yo 'yong kalaban mo,
pauulanin ko."

01:10.779 --> 01:13.406
Tinanong niya 'ko, "Kaya mong paulanin?"

01:13.990 --> 01:16.618
Sabi ko, "Oo naman, kaya kong paulanin."

01:18.620 --> 01:24.000
Napakataas ng respeto
at paghanga ko sa kanya

01:24.084 --> 01:26.753
no'ng bata ako.

01:27.337 --> 01:29.047
Tiwala ako sa kanya.

01:34.219 --> 01:35.929
Nagsimula na 'yong laban.

01:36.763 --> 01:41.518
1-0, 2-0, 3-0, 4-0 para sa kalaban.

01:44.687 --> 01:47.649
Pero nagsimula akong bumawi.

01:49.609 --> 01:52.153
4-1, 4-2, 4-3.

02:01.079 --> 02:02.205
Tapos umulan.

02:05.583 --> 02:08.711
Kaya lumapit ako kay Toni, sabi ko,

02:09.796 --> 02:13.716
"Toni, pwede mo nang patigilin 'yong ulan

02:14.217 --> 02:16.469
"kasi mukhang kaya ko siyang talunin."

02:29.107 --> 02:31.943
Inanunsiyo ni Rafa Nadal
kaninang 6:20 p.m.

02:32.026 --> 02:36.114
na hindi siya maglalaro
sa Monte Carlo tournament.

02:36.197 --> 02:39.284
Unti-unting nagwi-withdraw si Rafa
sa mga tournament.

02:39.367 --> 02:43.538
Una, sa Doha, tapos sa Indian Wells,
ngayon naman, sa Monte Carlo.

02:44.205 --> 02:47.542
Palapit na nang palapit ang Roland-Garros,

02:47.625 --> 02:50.879
at halos di pa natin nakikita si Rafa
ngayong taon.

02:51.379 --> 02:52.505
Nauubos na ang oras.

02:53.423 --> 02:56.176
6 NA LINGGO BAGO ANG ROLAND-GARROS

02:59.554 --> 03:00.555
Sumasakit dito?

03:01.264 --> 03:02.515
Mas ramdam ko dito.

03:03.433 --> 03:04.642
Banda dito?

03:05.143 --> 03:06.728
-Malapit dito.
-Oo.

03:07.437 --> 03:09.647
Hindi pa d'yan 'yong pinakasumasakit.

03:11.941 --> 03:13.484
Ano sa tingin mo?

03:14.360 --> 03:16.821
Mukhang wala gaanong maitutulong 'yan.

03:16.905 --> 03:18.698
-Ano?
-Wala 'yan gaanong maitutulong.

03:19.198 --> 03:21.659
Pero alam niyang
konti na lang ang mga pagpipilian.

03:22.452 --> 03:24.871
Hindi siya nagsasawa.

03:25.455 --> 03:27.498
Hindi pa siya pwedeng mapuwersa.

03:27.582 --> 03:28.583
Oo.

03:30.710 --> 03:32.253
Sasama ka ba sa Barcelona?

03:32.337 --> 03:34.505
Tingnan natin.
Di ko alam kung makakapasok siya.

03:34.589 --> 03:36.132
Di ako siguradong handa na siya.

03:36.215 --> 03:37.300
Ako rin.

03:37.383 --> 03:40.887
Pero kung makakapag-training daw siya
ng isang linggo, kakayanin niya.

03:40.970 --> 03:41.971
Hindi gano'n 'yon.

03:42.639 --> 03:44.349
Magkaka-injury na naman siya.

03:44.933 --> 03:46.226
Ang hirap.

03:46.809 --> 03:48.561
-Mali 'yon.
-Oo.

03:53.608 --> 03:54.609
Aawatin mo?

04:03.076 --> 04:04.410
Gusto mo bang sumama 'ko?

04:04.494 --> 04:06.037
-Dapat pa ba siyang sumali?
-Hindi.

04:06.120 --> 04:06.955
Ikaw?

04:07.038 --> 04:08.289
Hindi ko siya pasasalihin.

04:09.415 --> 04:11.042
-Pero sasama ka?
-Hindi.

04:11.125 --> 04:12.627
-Okay.
-Kinausap ko na siya.

04:13.962 --> 04:15.421
-Pero—
-Nagsabi ako ngayon.

04:16.965 --> 04:21.094
Kailangan niyang mag-isip ngayong gabi
at tanungin ang sarili niya,

04:21.177 --> 04:22.428
"Ano'ng ginagawa ko?"

04:25.348 --> 04:27.517
-Eskimo kiss.
-Papa.

04:27.600 --> 04:28.726
Ano si Papa?

04:34.482 --> 04:35.817
Nasaan si Rafa Nadal?

04:35.900 --> 04:37.151
Nasa Barcelona.

04:37.235 --> 04:38.653
Nagte-training na siya.

04:38.736 --> 04:41.906
Pero hindi ibig sabihin no'n
na sasali siya.

04:42.782 --> 04:44.450
Kaya ngayong Biyernes,

04:44.534 --> 04:47.578
kailangang magdesisyon ni Rafa Nadal
kung sasali siya sa Barcelona.

04:47.662 --> 04:49.914
COURT 2

04:59.966 --> 05:02.802
-Kaya ko pa. Wala namang masakit.
-Gaya kahapon.

05:02.885 --> 05:05.388
Kailangan ko pang magpalakas,
pero kailangan…

05:07.598 --> 05:10.893
kailangan masabi kong, "Kaya ko na."

05:10.977 --> 05:12.562
-Oo.
-Alam n'yo 'yon? Kaya ko na.

05:12.645 --> 05:14.355
Hindi mo ba kaya na 70% lang?

05:15.023 --> 05:18.359
Charlie, ni hindi ko nga alam
kung sasali ba 'ko o hindi.

05:19.694 --> 05:22.488
Kailangan nating maisaayos ang lahat.

05:23.865 --> 05:24.741
E di kakayanin ko.

05:25.491 --> 05:27.076
Kailangan mong mag-ingat.

05:28.161 --> 05:29.287
Hanggang sa bumigay ako.

05:38.463 --> 05:40.381
Mataas 'yong standard niya sa sarili niya.

05:41.049 --> 05:43.885
Pero pag na-injure siya ulit,
mawawala ang lahat.

05:45.428 --> 05:49.557
Kaya ngayon,
kasama sa trabaho namin na pigilan siya.

05:50.600 --> 05:54.020
Kayod-kalabaw siya nang maraming taon.
Binibigay niya ang lahat.

05:54.729 --> 05:56.773
'Yon ang dahilan kung sino siya ngayon.

06:04.697 --> 06:08.868
Mula pagkabata,
nag-e-enjoy na 'ko sa mga challenge.

06:08.951 --> 06:11.120
Gusto ko 'yong mga bagay na mahihirap.

06:13.331 --> 06:17.085
Dahil 'yon sa paraan
ng pagpapalaki sa 'kin ni Toni.

06:17.168 --> 06:18.795
Hindi madali.

06:18.878 --> 06:19.837
Ulit.

06:20.338 --> 06:22.173
Mahigpit na coach ako.

06:23.758 --> 06:25.176
Paluin mo nang mas mataas!

06:26.052 --> 06:29.514
Mahigpit ako kay Rafael
dahil mahalaga siya sa 'kin.

06:29.597 --> 06:30.723
Ulit.

06:33.184 --> 06:35.019
At dahil pamangkin ko siya.

06:39.315 --> 06:41.818
Wag! Sige pa, champ! Hayaan mo 'yan d'yan.

06:42.318 --> 06:46.072
Pag nagte-training sina Toni at Rafael,

06:46.656 --> 06:50.076
palaging mataas 'yong tensiyon.

06:51.452 --> 06:53.663
Rafael, wag mong paluin nang mababa.

06:53.746 --> 06:57.708
"Rafa, ipihit mo'ng katawan mo," "galaw,"
"follow-through." Unang bola pa lang.

06:58.835 --> 07:01.337
Lagi niyang sinisita si Rafa para itama.

07:01.421 --> 07:04.132
Binibigyan niya lagi ng pressure si Rafa.

07:04.215 --> 07:05.842
Ulit. Umatras ka.

07:06.384 --> 07:10.012
Hindi gano'n kataas 'yong pressure
na lumaban kahit kanino

07:10.096 --> 07:11.681
kesa mag-training kasama si Toni.

07:12.598 --> 07:13.433
Ulit.

07:13.516 --> 07:17.270
Pag nagkamali ako, lagi niyang tinatanong,
"Bakit ka nagkamali?"

07:17.353 --> 07:21.941
Natatakot akong magkamali ulit.

07:23.151 --> 07:27.071
Sa unang isang oras ng practice,
bawal uminom.

07:27.780 --> 07:29.282
Isang oras na walang tubig.

07:29.782 --> 07:33.119
Para matuto silang magtiis.

07:34.370 --> 07:38.082
May mga coach na kumokontra sa 'kin

07:38.166 --> 07:40.168
dahil grabe naman daw 'yon.

07:42.086 --> 07:44.672
Tanda ko sa first round ng tournament,

07:45.423 --> 07:47.758
nadapa ako at nabali 'tong daliri.

07:49.093 --> 07:52.597
No'ng nangyari 'yon sa daliri niya,
sabi ko sa kanya, "Ituloy mo lang.

07:52.680 --> 07:54.807
"Hanggang sa kaya mo pang maglaro."

07:58.686 --> 08:00.229
Nanalo ako sa tournament.

08:00.730 --> 08:04.650
Pero isang buwan akong may cast.

08:06.819 --> 08:08.905
Kung tatanungin mo 'ko noon,

08:09.489 --> 08:11.574
"Okay lang ba sa 'yo lahat ng 'to?"

08:12.074 --> 08:13.493
Sasabihin ko, "Hindi.

08:14.035 --> 08:15.328
"Ayaw ko."

08:16.329 --> 08:17.747
Prinsipyo 'yon, e.

08:18.247 --> 08:20.666
Matutong magtiis sa pamamagitan ng sport.

08:21.792 --> 08:23.586
Lagi kong sinasabi sa kanya,

08:23.669 --> 08:26.297
"Rafa, di mo kailangang maglaro."

08:27.298 --> 08:29.967
"Hindi, gusto ko 'to."

08:30.468 --> 08:32.053
Sige pa, huli na.

08:32.887 --> 08:36.849
May isa 'kong naaalala
kung saan hindi ko na talaga kinaya,

08:36.933 --> 08:38.059
sabi ko sa kanya, "Toni,

08:39.227 --> 08:41.270
"sorry, pero hindi ko na kaya."

08:43.564 --> 08:44.815
Umalis ako sa court.

08:45.691 --> 08:48.945
Nanlulumo at mangiyak-ngiyak.

08:51.989 --> 08:54.951
Pero hindi ako umuwing umiiyak.

08:55.660 --> 09:00.081
Kukumustahin ako ng tatay ko, sasagot ako,
"Okay naman, normal lang, ang sama."

09:01.123 --> 09:02.041
Gano'n lang.

09:03.167 --> 09:08.089
Ayokong kausapin ng tatay ko si Toni

09:08.172 --> 09:10.091
para padaliin 'yong training.

09:10.883 --> 09:14.804
Pakiramdam ko,
madidismaya sa 'kin si Toni.

09:15.346 --> 09:19.308
Na parang hindi ako gano'n kalakas
para tiisin 'yon.

09:20.601 --> 09:23.938
Alam kong
gusto niyang lumabas 'yong galing ko.

09:24.438 --> 09:26.274
Gusto niyang magtagumpay ako.

09:27.191 --> 09:30.027
At naniniwala siyang 'yon ang…

09:32.280 --> 09:33.114
tamang landas.

09:35.491 --> 09:36.909
Isagad ako sa limitasyon ko.

09:41.539 --> 09:42.498
Nagawa niya!

09:46.294 --> 09:50.298
Hindi ako kontento
na magaling na player lang siya.

09:53.009 --> 09:56.679
Napanalunan ni Nadal
ang kanyang ikalawang Roland-Garros title.

09:56.762 --> 09:59.682
Pinupursigi ko siya
na maghangad ng mas mataas.

10:16.866 --> 10:18.784
No'ng nagsimula akong makatrabaho sila,

10:20.036 --> 10:22.580
parang pakiramdam ni Rafa

10:23.581 --> 10:25.499
na hindi pa siya magaling.

10:27.043 --> 10:29.337
Gano'n 'yong mindset ni Toni.

10:31.047 --> 10:34.759
Naniniwala siya
na kung sa clay court ka lang champion,

10:34.842 --> 10:38.471
parang kulang 'yong pagiging champion mo.

10:40.723 --> 10:44.226
At sa paglipas ng panahon,
na-realize ng legend na 'to

10:44.310 --> 10:46.771
na 'yong Wimbledon
ang tournament na dapat mapanalunan.

10:47.563 --> 10:50.650
'Yong magtatatak sa 'yo
bilang habambuhay na tennis legend.

10:51.150 --> 10:53.819
Aling tournament
ang pinakagusto mong mapanalunan?

10:53.903 --> 10:57.365
Wimbledon. Pero mahirap
at kailangan mong magpursigi.

10:58.741 --> 11:00.534
'Yon ang pangarap,

11:00.618 --> 11:02.203
ang ambisyon.

11:03.245 --> 11:07.249
Wala pang Espanyol na nag-champion do'n
sa loob ng mahigit 40 taon.

11:08.626 --> 11:11.754
Parang hindi kayang manalo
ng mga Espanyol sa grass.

11:13.964 --> 11:18.594
Kaya may aura ang Wimbledon
na parang mahiwaga at mahirap makuha.

11:18.678 --> 11:21.347
Pinangungunahan
ng kakapanalo lang sa Paris,

11:21.430 --> 11:25.059
ang two-time French Open champion
na si Rafael Nadal.

11:26.394 --> 11:30.147
Ang tanong, kaya bang pagharian
ng King of Clay ang grass?

11:31.148 --> 11:34.443
No'ng nakaraang taon bago 'yon,
di naging maganda 'yong laro ko.

11:39.448 --> 11:41.742
Marami pa siyang dapat matutunan
sa grass court.

11:41.826 --> 11:44.620
Sana football boots
'yong sinuot niya rito.

11:45.121 --> 11:46.831
-Wag kang tumawa.
-Bakit?

11:46.914 --> 11:48.999
Nakakatawa kung lagi siyang madudulas.

11:51.168 --> 11:53.963
Parang dalawang magkaibang laro 'yon.

11:55.005 --> 11:58.843
Sa clay, kailangan ng lakas, tatag,
at bakbakan para makapuntos.

11:58.926 --> 12:01.804
Sa grass, kailangan ng finesse,

12:02.304 --> 12:05.182
mas pabor sa mga player
na may mas magandang…

12:05.266 --> 12:06.392
technique.

12:07.852 --> 12:10.521
…posibleng siya ang pinakamagaling
na player sa lahat.

12:10.604 --> 12:11.814
Si Roger Federer.

12:14.316 --> 12:16.235
Wala akong ibang kilalang atleta

12:16.318 --> 12:19.864
na naglaro sa sport niya
nang gano'n kaelegante.

12:25.870 --> 12:29.331
Para siyang lumulutang sa court.

12:30.374 --> 12:33.919
Pwede mo siyang ilagay
sa classical ballet.

12:37.006 --> 12:38.674
Angat si Federer sa lahat.

12:39.967 --> 12:43.512
Matindi ang kompetisyon sa men's tennis,
malalakas at mahuhusay,

12:43.596 --> 12:47.600
pero sadyang mas magaling si Federer
sa kanilang lahat.

12:48.100 --> 12:51.937
Eighty-four weeks na siyang number one.

12:53.606 --> 12:56.108
Si Federer ang pinakamagaling sa mundo.

12:58.652 --> 13:01.363
2003 no'ng una akong nanalo ng Grand Slam.

13:02.072 --> 13:03.657
Nakatatlo ako no'ng 2004.

13:04.700 --> 13:07.870
Tapos no'ng 2005, bihira akong matalo.

13:08.454 --> 13:11.832
Anim na sunod na Grand Slam finals.

13:11.916 --> 13:15.044
Nanalo si Roger Federer
sa lahat ng finals na 'yon.

13:15.878 --> 13:18.088
Gaano pa karami ang makakamit niya?

13:18.172 --> 13:20.633
Pagaling ka pa nang pagaling.

13:20.716 --> 13:22.551
Mukhang gano'n nga.

13:24.595 --> 13:27.890
Siguro masasabi nating
medyo nasa ibang level ako.

13:31.101 --> 13:32.770
Inaasahang si Roger Federer pa rin

13:32.853 --> 13:36.190
ang mananalo ng men's singles title
sa ikaapat na sunod na taon.

13:36.273 --> 13:38.609
Magandang umaga ulit,
ladies and gentlemen.

13:38.692 --> 13:40.945
Ikinagagalak kong iharap si Roger Federer,

13:41.028 --> 13:43.280
three-time Wimbledon champion,
defending champion.

13:43.364 --> 13:46.200
Pakiramdam mo ba iuukit ka na
sa kasaysayan ng Wimbledon?

13:46.283 --> 13:47.993
Maganda 'yong pakiramdam ko.

13:48.077 --> 13:50.079
Maganda 'yong nilalaro ko ngayon,

13:50.162 --> 13:53.082
at kailangan ko lang maging consistent.

13:55.251 --> 13:57.920
Para kay Rafa, ito 'yong pinaka-challenge.

13:58.921 --> 14:00.339
Manalo sa Wimbledon,

14:00.422 --> 14:01.924
talunin si Federer,

14:02.007 --> 14:03.926
at talunin si Federer sa Wimbledon.

14:12.434 --> 14:14.478
Game, set, match kay Nadal.

14:14.562 --> 14:17.481
Ano 'yong maituturing mong
magandang tournament ngayong taon?

14:17.565 --> 14:20.359
Kung makakapasok siya
sa third o fourth round,

14:20.442 --> 14:21.527
maganda na 'yon.

14:27.074 --> 14:29.118
Ano'ng masasabi mo kung sa finals,

14:29.201 --> 14:31.745
kayo ni Rafael Nadal ang magkaharap?

14:31.829 --> 14:36.041
Kung magkakaharap kami sa finals,
marami siguro ang magugulat.

14:39.295 --> 14:42.673
Nakikita mo siyang natututo.
Patuloy siyang gumagaling sa bawat laban.

14:49.805 --> 14:54.018
Mukhang magiging Rafael Nadal
versus Roger Federer na sa finals.

14:54.518 --> 14:57.271
Walang nag-akala
na aabot siya sa Wimbledon final.

14:59.356 --> 15:00.399
Sa grass,

15:01.025 --> 15:03.569
hindi ko pa ramdam
na nasa level na 'ko ni Roger.

15:04.528 --> 15:07.197
Lamang na lamang siya sa 'kin
sa maraming bagay.

15:08.365 --> 15:10.159
At lagi 'yon sinasabi ni Toni.

15:11.160 --> 15:14.371
Nakita mo 'yong huling volley
na ginawa niya?

15:15.080 --> 15:16.957
Sinasabi ko kay Rafael,

15:17.041 --> 15:20.377
"'Yong forehand, backhand,
volley, at serve ni Federer,

15:20.461 --> 15:22.379
"lamang siya sa 'yo do'n."

15:23.505 --> 15:26.634
Sabi ko,
"Pwede akong magsinungaling sa 'yo,

15:26.717 --> 15:28.802
"pero di magsisinungaling sa 'tin
si Federer."

15:30.220 --> 15:33.599
Para kay Toni, si Federer ang benchmark.

15:34.433 --> 15:38.020
Siguro ginamit niya 'yon na motivation

15:39.563 --> 15:43.776
para patuloy na maniwala si Rafa
na wala pa siya sa pinakamagaling niya.

15:52.743 --> 15:56.038
Pumapasok na si Roger Federer
sa court na pagmamay-ari niya.

15:56.121 --> 16:01.335
Itong grass sa Center Court,
apat na taon na niyang pinaghaharian 'to.

16:01.418 --> 16:06.840
Apatnapu't pitong sunod na panalo
sa surface na nababagay sa kahusayan niya.

16:15.182 --> 16:17.101
Game at set, Federer.

16:17.768 --> 16:20.604
No'ng oras na 'yon,
alam ko nang mahusay siya,

16:20.688 --> 16:24.108
pero mahahalata mong
medyo hindi pa siya sanay sa grass.

16:28.529 --> 16:31.365
Siguro medyo nadidismaya siya
pag walang rhythm.

16:37.204 --> 16:39.081
Di gano'n kabagsik 'yong forehand niya.

16:44.378 --> 16:46.338
Makikita mong may kailangan siyang ayusin.

16:47.840 --> 16:48.716
Out!

16:57.016 --> 17:00.019
Sabi mo, para sa tatlong trophy
'yong tatlong raketa sa blazer mo,

17:00.102 --> 17:02.104
kailangan mo ng mas malaking bulsa
next year.

17:02.187 --> 17:06.316
Oo, papalitan ko na 'to
kasi mukhang di pa sapat 'yong tatlo.

17:08.527 --> 17:12.072
Gusto ko lang sabihing ang ganda
ng performance ni Rafael sa tournament,

17:12.156 --> 17:16.410
at di ko talaga inasahang
aabot siya sa finals ngayong linggo,

17:16.493 --> 17:20.456
pero napakahusay niya,
at congratulations sa pag-abot dito.

17:24.251 --> 17:26.795
Mahusay na champion.
Congratulations, Roger Federer.

17:31.133 --> 17:33.677
'Yong makaharap
ang isang taong katulad ni Roger,

17:33.761 --> 17:37.848
siguro naging mas malinaw 'yong landas.

17:38.807 --> 17:41.560
Alam mong kailangan mong ibuhos ang lahat
sa lahat ng bagay.

17:42.895 --> 17:46.315
Toni, ano'ng masasabi mo kay Rafael
pagkatapos ng laban?

17:46.398 --> 17:47.858
Isa lang ang lagi kong sinasabi,

17:48.358 --> 17:50.819
"Kailangan mong patuloy na mag-improve."

17:50.903 --> 17:52.821
Sa tingin mo, mananalo na siya next year?

17:52.905 --> 17:53.989
Hindi.

17:54.072 --> 17:55.491
Hindi ko nakikita 'yon.

17:56.617 --> 17:58.744
Hindi ko nakikitang magcha-champion siya.

17:58.827 --> 18:01.205
Kailangan naming mag-training
at mag-improve.

18:03.624 --> 18:05.209
Sabi ko kay Rafael,

18:06.126 --> 18:07.461
"Kailangan mo pa magpursigi.

18:10.339 --> 18:12.508
"Kailangan mong umabot sa limitasyon mo.

18:14.885 --> 18:16.637
"Kailangan mong mahirapan."

18:25.479 --> 18:28.107
Nakuha ko 'to kahapon sa practice.

18:29.858 --> 18:33.111
Ang totoo, masakit. Medyo komplikado.

18:33.612 --> 18:35.864
Tapos di ko na maibaluktot
'yong daliri ko.

18:36.615 --> 18:38.826
Baka kailangan mong yeluhan.

18:41.578 --> 18:42.454
Konti pa.

18:43.872 --> 18:44.790
Ganyan.

18:49.753 --> 18:51.880
Malaking balita,

18:51.964 --> 18:53.340
napakalaking balita.

18:53.423 --> 18:55.008
Maglalaro si Rafa Nadal.

18:55.092 --> 18:58.470
Sa Godó, alas-kuwatro ng hapon.

19:01.890 --> 19:03.892
May malaki tayong problema.

19:04.393 --> 19:06.603
Di alam ni Rafa
kung pa'no maglaro nang 80% lang.

19:10.315 --> 19:12.734
Para kay Rafa, zero o 100 lang.

19:13.902 --> 19:16.613
Isa 'yon sa dahilan kaya siya matagumpay.
Sigurado 'yon.

19:19.158 --> 19:21.034
Hindi lang sigurado. Siguradong-sigurado.

19:25.789 --> 19:26.790
Okay na!

19:30.002 --> 19:31.503
Nakita mo 'yong tingin na 'yon?

19:32.754 --> 19:34.673
May pag-aalala sa mga mata niya.

19:36.758 --> 19:38.635
May sumasakit ba ngayon?

19:40.178 --> 19:44.349
No'ng nakapag-warm up ka na,
bumuti ba 'yong pakiramdam mo o hindi?

19:44.433 --> 19:45.809
Wala pa naman sumasakit.

19:46.310 --> 19:47.811
May iniinda ka no'ng nakaraan.

19:48.312 --> 19:49.479
Araw-araw.

19:50.522 --> 19:52.816
Wala kang nararamdamang sakit
o di lang lumalala?

19:52.900 --> 19:54.443
Wala akong nararamdaman.

19:57.738 --> 19:59.281
Ang tanging gusto namin,

19:59.364 --> 20:02.826
makarating sa Roland-Garros
sa pinakamagandang kondisyon.

20:03.744 --> 20:07.539
Pero kung gusto pa niyang magpatuloy,
pa'no namin siya pipigilan?

20:09.333 --> 20:13.212
Tanda ko sa mga practice,
halos lahat 'yon,

20:13.295 --> 20:14.963
may problema sa paa niya.

20:15.672 --> 20:19.259
May iniinda siya,
at kinailangan naming tumigil.

20:21.345 --> 20:25.807
Pero gustong nahihirapan ni Rafa
dahil doon niya nararamdaman

20:25.891 --> 20:28.518
na ibinubuhos niya ang lahat.

20:31.521 --> 20:32.731
Okay lang.

20:33.565 --> 20:34.566
Okay lang talaga.

20:35.859 --> 20:38.570
Wala talaga 'kong nararamdaman.
Kung meron, sasabihin ko.

20:38.654 --> 20:40.989
Sa tingin ko, sa isang banda,

20:42.032 --> 20:44.576
pakiramdam ni Rafa, may obligasyon siya

20:44.660 --> 20:49.248
na wag biguin 'yong mga tao
na naniniwala kay Rafa Nadal.

20:50.916 --> 20:54.169
At sa kabila naman,
bihag siya ng sitwasyong 'yon.

20:57.172 --> 21:00.092
Pero 'yon din ang nagbibigay sa kanya
ng lakas para magpatuloy.

21:09.184 --> 21:13.105
Animnapung sunod-sunod na panalo sa clay.

21:15.941 --> 21:20.904
Makakabuti para sa tennis
'yong rivalry n'yo ni Nadal.

21:21.405 --> 21:22.948
-Di ba?
-Oo, tama.

21:23.031 --> 21:27.869
Minsan, kailangan din ng sports
ng mga rivalry.

21:31.123 --> 21:34.835
Sumikat talaga 'yong rivalry,
pati sa mga di mahilig sa tennis.

21:34.918 --> 21:36.128
Sobrang sikat.

21:36.211 --> 21:37.462
KANINO KA KAKAMPI?

21:38.672 --> 21:41.425
Simula ngayon, ang pinakaaabangang laban
sa bawat tournament

21:41.508 --> 21:42.968
ay Nadal versus Federer.

21:43.051 --> 21:45.095
-Magkaiba sila.
-'Yon ang gusto natin.

21:45.178 --> 21:48.015
Tingnan mo sila. Magkaibang-magkaiba.

21:49.016 --> 21:50.100
Ano'ng suot ni Roger?

21:50.183 --> 21:53.186
Nakapostura na parang pupunta
sa isang dinner party.

21:53.270 --> 21:56.231
Eto si Roger Federer,
elegante pa rin gaya ng dati.

21:56.314 --> 21:58.692
Walang kagusot-gusot. Maayos ang lahat.

21:58.775 --> 22:00.152
At si Rafa?

22:00.235 --> 22:01.778
Para siyang si Rambo.

22:01.862 --> 22:02.988
Mahaba ang buhok,

22:03.071 --> 22:04.656
maskulado,

22:04.740 --> 22:06.241
may tali na parang mandirigma.

22:06.742 --> 22:08.785
Iisipin mo agad na parang lalaban.

22:08.869 --> 22:12.539
'Yong isa, may gentleman image.

22:12.622 --> 22:14.499
Perfect combo 'yon.

22:15.000 --> 22:17.836
Federer o Nadal,
sino'ng paborito n'yo sa kanila?

22:17.919 --> 22:19.129
Siyempre si Federer.

22:19.629 --> 22:21.465
-Si Rafa?
-Future husband ko.

22:21.548 --> 22:22.799
Kay Roger kami.

22:22.883 --> 22:23.884
Siyempre si Rafa.

22:23.967 --> 22:25.719
Wag kayong mag-aaway.

22:25.802 --> 22:29.306
Nakakatuwang makita
kung paano kailangang mamili

22:29.389 --> 22:31.016
ng mga tao ng kakampihan.

22:33.727 --> 22:35.854
Pa'no mo sila di magugustuhang dalawa?

22:38.148 --> 22:41.360
Gustong-gusto ng mga tao
na mapanood silang maglaro, kahit saan pa.

22:42.110 --> 22:44.237
…sa isang unique at bagong court,

22:44.321 --> 22:46.865
na ginawa lamang para sa okasyong ito.

22:46.948 --> 22:49.326
Kalahating clay at kalahating grass.

22:49.409 --> 22:50.994
Ang labanan ng mga court surface.

22:51.078 --> 22:52.370
Ang weird no'n.

22:57.542 --> 23:00.295
Nakabenta sila ng 7,000 ticket.
Triple pa sana.

23:04.216 --> 23:06.718
Nasaksihan ng capital ng France
ang isang tennis match

23:06.802 --> 23:10.180
sa pagitan ng dalawang pinakamagaling
na player sa mundo sa finals.

23:11.306 --> 23:13.475
Susubukan ni Roger Federer
na putulin ang sumpa

23:13.558 --> 23:15.977
laban sa karibal niya sa clay court.

23:18.021 --> 23:21.942
At puno ng tao ngayon
dito sa Philippe Chatrier Court,

23:22.025 --> 23:23.485
para sa men's final.

23:24.277 --> 23:27.823
Hangad ni Roger Federer
na manalo sa French Open sa unang beses.

23:27.906 --> 23:30.826
Masyadong mabigat ang inaasahan.

23:35.914 --> 23:39.876
Parang gustong patunayan ni Federer
na kaya niyang talunin si Nadal sa clay.

23:41.795 --> 23:42.921
Pasok 'yon!

23:44.047 --> 23:45.048
Sa ibang panahon,

23:45.549 --> 23:49.136
si Federer sana ang pinakamagaling
sa clay court sa panahong 'yon.

23:49.636 --> 23:52.597
Pero may nakaharap siyang isang malakas.

23:56.601 --> 24:01.148
Si Rafa lang ang nakakapagbigay sa kanya
ng gano'n kahirap na laban.

24:02.816 --> 24:04.568
May mga pagkakataong naiinis ako.

24:05.110 --> 24:08.780
Pero mas magaling lang talaga si Rafa
kesa sa 'kin sa clay.

24:10.073 --> 24:14.161
Kailangan mong pumalo nang magaganda
nang matagal.

24:14.661 --> 24:18.623
Parang dapat mala-superhuman 'yong laro mo
sa clay court para matalo siya.

24:20.250 --> 24:21.501
Out!

24:22.085 --> 24:24.713
6-3, 4-6, 6-3, 6-4.

24:24.796 --> 24:28.800
May tatlong magkakasunod
na Roland-Garros title na si Rafael Nadal.

24:28.884 --> 24:33.138
Sobrang exciting nito dahil hudyat ito
ng mga susunod na mangyayari.

24:34.222 --> 24:36.683
Rafa! Rafa! Oy, oy!

24:36.766 --> 24:39.227
Muli na namang pinatunayan
ng binatang taga-Manacor

24:39.311 --> 24:41.771
na teritoryo niya
ang Roland-Garros at clay.

24:46.276 --> 24:47.777
Salamat sa pagpunta n'yo.

24:49.738 --> 24:50.655
Salamat.

24:53.283 --> 24:54.701
Next year, pang-apat na.

24:54.784 --> 24:55.994
May training kami bukas.

24:56.077 --> 24:58.288
-Next year, pang-apat na.
-Siyempre.

25:02.501 --> 25:04.127
At halos walang pahinga,

25:04.211 --> 25:07.505
nagtungo si Rafa Nadal sa England
para simulan ang kanyang grass season.

25:08.965 --> 25:10.675
-Good morning.
-Good morning.

25:12.469 --> 25:13.386
Para sa 'kin,

25:14.221 --> 25:17.307
mahirap mapanalunan nang magkasunod
'yong Roland-Garros at Wimbledon.

25:17.891 --> 25:19.351
Mananalo ka sa Roland-Garros,

25:20.143 --> 25:21.311
tapos sasakay ka ng tren,

25:21.394 --> 25:25.398
darating sa London
nang mga 3:00 o 4:00 p.m.,

25:25.482 --> 25:28.527
at pagkaraan ng isang oras,
sabak ka na sa matinding training.

25:29.110 --> 25:31.279
Pag nag-relax ka kahit konti,

25:32.989 --> 25:34.032
bababa 'yong level mo.

25:35.242 --> 25:38.745
Pero alam lagi ni Toni
na may ibibigay pa siya.

25:39.454 --> 25:40.455
Palagi.

25:44.042 --> 25:47.629
At si Rafa,
hindi ka niya bibigyan ng kulang.

25:51.841 --> 25:55.845
Kailangan kong baguhin
'yong mindset at 'yong laro ko.

25:55.929 --> 25:58.765
Maghintay ka bago umatake,
imbes na umatake agad.

25:59.975 --> 26:04.646
Sa grass, si Federer
ang may pinakamabilis na laro sa lahat.

26:05.522 --> 26:08.358
Ang diskarte niya,
wag kang bigyan ng oras.

26:10.110 --> 26:13.530
Para talunin si Federer
sa paborito niyang court,

26:13.613 --> 26:15.448
kailangan mong maging agresibo.

26:17.117 --> 26:19.494
Sa clay, mas mabagal ang lahat.

26:20.745 --> 26:23.164
Maghahanap ka ng winner

26:24.249 --> 26:26.876
pagkatapos ng limang tira.

26:31.089 --> 26:32.507
Pero sa grass,

26:33.258 --> 26:35.802
kailangan makapuntos ka kaagad.

26:37.596 --> 26:39.389
Umatake ka lagi, Rafael.

26:40.181 --> 26:42.350
Dahil kung hindi,
uunahan ka ng kalaban mo.

26:42.851 --> 26:44.185
Nasa front foot ka na.

26:48.898 --> 26:52.193
Pakiramdam ko, handa na 'kong…

26:52.694 --> 26:53.653
manalo.

26:57.032 --> 26:59.576
Ano para sa 'yo ang manalo sa Wimbledon?

26:59.659 --> 27:00.869
Pag nanalo ako dito…

27:01.369 --> 27:04.789
'yon ang magiging
pinakamasayang sandali ng career ko.

27:08.668 --> 27:12.130
Patungong South at East,
'yon ang isa pang bahagi ng ulat panahon.

27:12.213 --> 27:16.259
Mainit-init ang sikat ng araw dito
at sa Southeast, mas mainit pa…

27:16.343 --> 27:19.220
May mala-gladiator na pakiramdam

27:19.304 --> 27:21.723
dito sa Center Court arena.

27:22.807 --> 27:24.976
Si Nadal ang world number 2

27:25.060 --> 27:27.187
at hinahabol si Federer.

27:28.480 --> 27:31.983
At siyempre, si Federer
ang matagal nang world number 1.

27:33.026 --> 27:36.571
Silang dalawa
ang naghahari sa sport ngayon.

27:37.072 --> 27:39.658
At mararamdaman mong sila lang din

27:39.741 --> 27:42.577
ang may kayang tumalo sa isa't isa
sa buong draw.

27:43.578 --> 27:46.373
Ramdam mo na may espesyal na mangyayari.

27:46.456 --> 27:47.707
Ang finals ng Wimbledon.

27:50.627 --> 27:52.420
Si Roger Federer ang magse-serve.

28:04.641 --> 28:06.017
Mapapansin mo agad

28:06.101 --> 28:09.187
na mas mahusay na siyang player
sa grass court.

28:11.189 --> 28:14.359
Kailangan kong bilisan 'yong laro
at idikta 'yong laban.

28:28.081 --> 28:30.750
Isang set para sa defending champion.

28:32.627 --> 28:38.091
Malalaman mo na mas magaling sa 'yo
'yong kalaban mo sa tennis.

28:38.591 --> 28:41.177
Kaya kailangan kong makahanap ng paraan

28:41.261 --> 28:44.764
para ma-target 'yong pinakakahinaan niya,

28:44.848 --> 28:47.892
kung saan ko siya mapapahirapan.

28:48.393 --> 28:53.481
Na-realize namin na pag tinaasan mo
'yong bola sa backhand niya,

28:53.565 --> 28:55.525
doon siya medyo nahihirapan.

28:55.608 --> 28:57.193
Kaya ang naging strategy ko,

28:57.277 --> 29:01.239
dalhin nang dalhin 'yong bola
sa backhand niya.

29:07.704 --> 29:10.081
Hirap si Federer sa high backhand na 'yon.

29:10.165 --> 29:12.417
Paulit-ulit nang paulit-ulit.

29:12.500 --> 29:15.378
High ball sa backhand.

29:18.214 --> 29:21.426
At gumana talaga 'yong strategy na 'yon.

29:22.886 --> 29:26.806
Papunta sa backhand ni Federer
ang karamihan sa mga bola.

29:31.519 --> 29:32.896
One set all.

29:36.357 --> 29:37.859
Sino ang mananalo?

29:43.573 --> 29:44.449
Basang-basa niya.

29:45.408 --> 29:48.077
Nagiging agresibo na si Federer.
Nakakuha pa siya ng isa.

29:48.161 --> 29:49.454
LAMANG SI FEDERER, 2-1

29:49.537 --> 29:50.413
Sabi ni Toni,

29:51.372 --> 29:55.877
"Ang tanging hindi pwedeng mawala sa 'yo
ay ang focus at motivation mo.

29:55.960 --> 29:59.672
"Ang mga bagay na 'yon
na nakadepende sa 'yo at sa isip mo,

29:59.756 --> 30:01.174
"di 'yon pwedeng mawala.

30:01.257 --> 30:02.258
"Kailangan 'yon

30:02.926 --> 30:04.052
"nasa 100%."

30:14.437 --> 30:18.107
Mukhang ito na ang pinakamagandang laro
ni Nadal sa surface na 'to.

30:18.191 --> 30:20.777
Nakuha ni Nadal ang fourth set.

30:21.611 --> 30:24.405
Iisipin mong
nasa kanya ang momentum ngayon.

30:24.489 --> 30:27.492
Sa fifth set, akala ko mananalo na 'ko.

30:27.575 --> 30:30.286
Si Nadal ang magse-serve, 2-3, fifth set.

30:30.370 --> 30:33.331
Pero sa tennis, kailangan mong sumugal.

30:33.915 --> 30:36.084
Lalo na kay Roger,

30:36.167 --> 30:38.670
kaya niyang maka-break sa serve mo
anumang oras.

30:45.760 --> 30:46.845
Napakahusay!

30:46.928 --> 30:49.055
Break para kay Federer.

30:49.931 --> 30:51.891
No'ng naka-break siya sa serve ko,

30:52.851 --> 30:54.811
parang nawalan ako ng gana

30:56.396 --> 30:59.315
at di na 'ko nakapag-focus nang husto.

30:59.816 --> 31:03.152
-Mahal ka namin, Roger!
-Delikado na siya sa fifth set.

31:07.991 --> 31:11.995
Ngayon lang natin nakitang
nadismaya si Nadal.

31:12.078 --> 31:14.205
Sa huling walong minuto ng laban,

31:14.706 --> 31:17.500
hinayaan kong
medyo bumaba 'yong intensity ko.

31:18.626 --> 31:20.128
At hindi nakabuti 'yon.

31:20.211 --> 31:22.463
Dalawang puntos na lang, talo na siya.

31:31.222 --> 31:35.351
Ang 2007 Wimbledon
gentlemen's singles champion,

31:35.435 --> 31:36.936
si Roger Federer.

32:05.048 --> 32:07.592
Naaalala ko,
nasa Wimbledon locker room ako,

32:07.675 --> 32:10.094
umiiyak akong mag-isa.

32:13.848 --> 32:19.604
Iniisip ko, "Hindi ko alam
kung kaya ko bang manalo sa Wimbledon."

32:22.857 --> 32:25.693
No'ng mag-usap kami ni Toni,

32:27.028 --> 32:30.907
sinabi niyang wala ako sa 100%
hanggang sa dulo.

32:31.824 --> 32:33.284
At tama siya.

32:52.762 --> 32:57.058
Handa na ang Barcelona Open
para sa pagbabalik ni Rafa Nadal.

33:06.192 --> 33:07.860
-Isa lang 'yong raketa mo?
-Oo.

33:08.486 --> 33:11.155
Nakita ko kasi si Rafelet
na kinakalikot 'yong gamit mo.

33:18.204 --> 33:21.749
Matagal nang nalusaw
'yong plano ni Rafael Nadal,

33:21.833 --> 33:23.501
at ngayon, araw-araw—

33:23.584 --> 33:25.962
Iba 'yong training sa competition.

33:26.045 --> 33:27.797
Magkaibang-magkaiba 'yon.

33:27.880 --> 33:30.717
Ang tanging sigurado ako, sa puntong ito,

33:30.800 --> 33:33.052
malamang na iniisip na ni Rafa Nadal

33:33.136 --> 33:37.390
na patapos na ang career niya.

33:39.142 --> 33:42.812
Rafa, matatakot ang kahit sino
pagkatapos ng napakaraming pagsubok.

33:42.895 --> 33:44.939
Pa'no mo hina-handle 'yon?

33:45.023 --> 33:46.357
Alam namin ang sitwasyon.

33:46.441 --> 33:48.735
May mga inaalala ba 'ko? Oo.

33:48.818 --> 33:51.404
Alam ko ba 'yong pwedeng mangyari?
Oo. E, ano?

34:14.802 --> 34:18.014
Wag mong puwersahin.
Wala ka nang dapat patunayan dito.

34:18.681 --> 34:21.851
Pakiramdaman mo lang.
Maglaro ka at i-enjoy mo.

34:22.602 --> 34:25.605
Pag may masakit, mag-relax ka lang.
Gano'n lang.

34:25.688 --> 34:27.398
Panalo na 'yong makarating lang dito.

34:28.983 --> 34:30.359
Alam kong malabong mangyari,

34:30.443 --> 34:32.570
pero nakikita ko

34:33.196 --> 34:34.947
sa isang sulok ng isip ko.

34:36.741 --> 34:38.659
-Naiisip kong mananalo sa tournament.
-Oo.

34:39.160 --> 34:40.703
Akala mo ba kami, hindi?

34:41.287 --> 34:44.582
Ang sinasabi ko lang,
gawin mo 'yong makakaya mo

34:44.665 --> 34:45.792
na wag ma-injure.

34:46.292 --> 34:49.128
At pag may nangyari—

34:49.212 --> 34:52.256
Lintik. Magiging malaking problema 'yon.

34:53.758 --> 34:56.177
Alam kong mahirap 'yon,
at di mo pa nagagawa 'yon.

34:57.512 --> 35:00.181
Pero oras na para baguhin mo nang konti
'yong mindset mo.

35:00.264 --> 35:01.766
Wala nang ibang paraan.

35:08.397 --> 35:12.068
'Yong asawa ko,
mga magulang ko, 'yong team ko,

35:12.568 --> 35:15.822
pag nakikita nila 'kong nahihirapan,
siyempre ayaw nila 'kong paglaruin.

35:17.073 --> 35:20.368
Pero para sa 'kin,
hindi gano'n kasimple 'yon.

35:25.081 --> 35:27.959
Hindi ko sinabi kay Rafael
na magiging madali.

35:28.543 --> 35:32.839
Pero sa paglipas ng panahon,
nasanay na siya sa hirap.

35:34.924 --> 35:39.136
May quote mula kay Goethe na sinasabing,

35:39.220 --> 35:42.306
"Lumalabas ang talento sa katiwasayan,

35:42.932 --> 35:45.601
"lumalabas ang karakter sa unos."

35:47.436 --> 35:48.813
Umuulan ngayon,

35:48.896 --> 35:51.816
at mahigit isang oras nang bumubuhos.

35:52.942 --> 35:56.404
Makakaharap ni Rafael Nadal,
sa ikatlong sunod na taon,

35:56.487 --> 35:59.949
si Roger Federer para sa Wimbledon title.

36:01.284 --> 36:03.953
Dahil sa ulan, na-delay 'yong laban.

36:04.036 --> 36:06.914
At bago pa 'yong laban,
grabe na 'yong excitement

36:07.415 --> 36:08.708
at paghihintay.

36:09.333 --> 36:12.211
Nakadagdag lahat 'yon sa pagiging classic

36:12.295 --> 36:14.797
at napakalaking impact ng laban.

36:16.507 --> 36:19.218
Alam ng lahat
na isang pambihirang sporting event 'to,

36:19.302 --> 36:23.055
at ito na 'yong
pinakamalaking okasyon sa rivalry.

36:24.557 --> 36:27.685
At sobrang laki na ng nakataya.

36:29.604 --> 36:33.941
Sana tumigil na 'yong ulan
para matuloy na itong men's championship.

36:34.025 --> 36:37.153
Ang ikatlong sunod na paghaharap
nina Roger Federer at Rafael Nadal.

36:37.236 --> 36:39.572
May potensiyal na maging classic 'to.

36:39.655 --> 36:42.116
Pinahihirapan siya ni Roger Federer.

36:42.200 --> 36:44.744
Ito 'yong final na inaabangan ng lahat.

36:50.458 --> 36:52.835
"No'ng nakaraang taon,
natalo ako sa Wimbledon

36:52.919 --> 36:58.132
"dahil wala pa sa pinakamataas na level
'yong laro ko.

36:58.966 --> 37:00.092
"Ngayong taon,

37:00.927 --> 37:02.428
"hindi ako matatalo."

37:06.432 --> 37:09.644
Dalawang set na para kay Rafael Nadal.

37:12.146 --> 37:14.440
Napakahusay.

37:14.523 --> 37:18.110
Isang set na lang si Nadal para makuha
ang kanyang unang Wimbledon title.

37:20.404 --> 37:22.782
Lumabas si Rafa,
kinuha 'yong unang dalawang set,

37:22.865 --> 37:25.993
at may pag-aalala na si Roger Federer.

37:26.077 --> 37:27.536
Kaharian niya 'to, e.

37:28.871 --> 37:30.414
Halatang nag-aalala na si Roger.

37:30.915 --> 37:32.500
Makikita mo sa mukha niya.

37:34.335 --> 37:38.256
Parang tinanggal ni Rafa
'yong pag-asa niya.

37:40.424 --> 37:43.010
Mas mahirap din 'yong laban,
sa totoo lang.

37:43.094 --> 37:47.723
Ramdam mo na ibang level na player
na talaga siya sa grass.

37:48.307 --> 37:52.895
Kinailangan kong magbago ng mindset,
kasi ayokong isip-isipin 'yon,

37:52.979 --> 37:55.690
at magkaro'n ng negative mindset.

37:56.941 --> 37:59.860
Kinailangan kong maniwala
na kaya kong baliktarin 'yong laban.

38:02.989 --> 38:05.449
Malaki 'yong lamang ko, pero…

38:06.242 --> 38:07.243
malayo pa 'yong laban.

38:10.329 --> 38:14.333
Makikita mo na may intensity
sa pagitan nilang dalawa.

38:14.959 --> 38:19.297
At parang hindi lang 'yon
tungkol sa magiging resulta ng laban.

38:27.513 --> 38:29.765
Unti-unti, tapos biglang-bigla,

38:29.849 --> 38:32.101
nakabalik si Roger sa laban.

38:39.734 --> 38:43.529
LAMANG SI NADAL, 2-1

38:43.612 --> 38:45.656
Gusto ni Rafa ng rhythm.
Di ko kailangan 'yon.

38:48.117 --> 38:49.994
Pag walang rhythm, mas magaling ako.

38:50.077 --> 38:51.912
At siguro alam din ni Rafa

38:51.996 --> 38:55.082
na sobrang nakakapagod
'yong ganitong laro ng tennis.

39:08.888 --> 39:09.889
Federer.

39:10.389 --> 39:11.932
Six games all.

39:12.016 --> 39:13.893
Fourth set. Tie-break.

39:15.227 --> 39:18.773
Hindi mo iisipin
na ipamimigay niya 'yong championship

39:18.856 --> 39:21.317
pagkatapos pagharian ng limang taon.

39:25.488 --> 39:27.907
Hindi ako naging kalmado buong laban.

39:28.491 --> 39:30.826
Parang 'yon ang pinakamahirap na araw ko.

39:32.286 --> 39:35.831
Sa fourth set, umabot kami sa tie-break.

39:36.707 --> 39:41.170
Para sa 'kin, sobrang stressful no'n.

39:41.670 --> 39:44.048
Dahil mahalaga ang bawat puntos.

39:44.131 --> 39:46.884
Eto na. Fourth set tie-break.

39:46.967 --> 39:50.096
UNANG MAKAPITONG PUNTOS, PANALO
LAMANG DAPAT NG DALAWANG PUNTOS

39:53.516 --> 39:54.392
Bilis!

40:02.024 --> 40:05.069
Kung ganyan ang lahat ng seven points
sa tie-break,

40:05.152 --> 40:06.821
mawawalan ng boses ang crowd.

40:07.988 --> 40:11.534
Maraming beses nangyari sa laro na,
"dadaigin ko lahat ng kaya mong gawin."

40:19.792 --> 40:21.001
One all.

40:21.502 --> 40:23.921
Pareho silang naniniwala
na sila ang mananalo.

40:25.005 --> 40:26.382
Two-one.

40:26.465 --> 40:27.550
Three-one.

40:28.300 --> 40:29.677
Four-one.

40:29.760 --> 40:32.054
Four-two, Nadal.

40:33.973 --> 40:37.518
Out 'yon. At maaaring 'yon na
ang pinakamatinding dagok.

40:39.145 --> 40:43.399
-Hindi na kayang manood ni Tito Toni.
-5-2, Nadal.

40:43.482 --> 40:47.611
Sinanay niya ang binatang ito
mula pa no'ng apat na taon siya.

40:48.904 --> 40:52.116
Siya na ang magse-serve,
nasa kanya na 'yong pressure.

40:52.867 --> 40:57.830
5-2 sa fourth set tie-break,
halos tapos na 'yong laban.

41:00.541 --> 41:01.459
Fault!

41:02.710 --> 41:03.711
Fault.

41:05.671 --> 41:07.798
Iniisip ko no'ng oras na 'yon,

41:07.882 --> 41:09.133
"Wag mag-double fault."

41:14.013 --> 41:14.847
Fault!

41:14.930 --> 41:15.890
Double fault.

41:19.560 --> 41:21.479
'Yong moment, 'yong pressure,

41:21.562 --> 41:25.107
nakaapekto sa 'kin 'yon,
at nakagawa ako ng mga pagkakamali.

41:26.400 --> 41:30.529
Alam niyang pwede siyang matalo sa dalawa
o tatlong puntos sa maling serve niya,

41:30.613 --> 41:34.116
at siguro nakaapekto 'yong stress na 'yon.

41:47.087 --> 41:49.965
Maraming nasayang na pagkakataon.

41:50.049 --> 41:53.802
Sa mga gano'ng sitwasyon
lamang si Federer.

42:11.403 --> 42:12.696
Napakahusay!

42:19.662 --> 42:22.248
Sabi ko kay Rafael,
"Pag nag-match point ka,

42:22.331 --> 42:25.542
"mag-serve ka papunta sa backhand
at umatake ka sa net,

42:25.626 --> 42:27.253
"para di ka na mag-isip."

42:40.015 --> 42:41.016
Eight-all.

42:44.853 --> 42:47.106
Di nagdalawang-isip si Federer.
Di siya sumablay.

42:48.732 --> 42:50.818
Wala na 'yong championship point ni Nadal.

42:57.575 --> 42:58.409
Ayos!

42:58.492 --> 43:00.160
Game. Fourth set.

43:01.620 --> 43:02.830
Two sets all.

43:03.539 --> 43:05.833
Parang sinaksak si Nadal.

43:05.916 --> 43:08.544
Siguradong nanlulumo siya ngayon.

43:09.461 --> 43:12.923
Lamang siya ng dalawang set,
tapos natalo sa dalawang tie-break,

43:13.007 --> 43:16.385
siguradong magdududa na naman siya.

43:16.885 --> 43:19.972
Gaya no'ng 2007,
kung saan di niya naipanalo 'yong laban.

43:21.223 --> 43:24.143
Bumagsak na nga
ang di maiiwasan sa Center Court.

43:24.226 --> 43:28.480
Nagpaulan na ang makakapal na ulap dito…

43:30.065 --> 43:32.192
sa napakagandang laban sa Wimbledon.

43:32.276 --> 43:35.487
Balik ulit sa locker room.

43:38.657 --> 43:40.534
Pagdating ko sa locker room,

43:42.745 --> 43:45.414
iniisip ko, "Siguradong…

43:46.415 --> 43:50.753
"nanlulumo si Rafael
dahil sa dami ng nasayang na pagkakataon."

43:53.756 --> 43:56.884
Iniisip ko, "Ano'ng sasabihin ko
para pasiglahin siya?"

43:57.384 --> 44:00.846
Pero wala akong maisip.

44:06.143 --> 44:09.521
Tapos si Rafael,
nagsisintas siya ng sapatos,

44:09.605 --> 44:10.981
sabi niya sa 'kin,

44:11.857 --> 44:14.234
"Pwede mo nang patigilin 'yong ulan,

44:14.818 --> 44:16.278
"dahil di ako matatalo.

44:17.571 --> 44:18.906
"Hindi ako matatalo."

44:21.617 --> 44:24.787
"Malalamangan niya 'ko,
pero hindi ako matatalo.

44:25.287 --> 44:28.457
"Mentally, magiging 100% ako

44:29.249 --> 44:30.209
"sa bawat puntos.

44:30.959 --> 44:32.544
"Hindi ako pwedeng

44:33.712 --> 44:35.673
"magpakita ng kahinaan."

44:37.549 --> 44:41.261
Handa akong mas mahirapan kesa sa kanya.

44:46.016 --> 44:48.018
Nakadaan na 'yong ulan.

44:48.102 --> 44:50.979
May isa pa tayong set

44:51.063 --> 44:54.775
para malaman kung may
Wimbledon champion na ngayong gabi.

44:57.569 --> 45:01.532
At no'ng nakita ko siyang
lumabas ulit sa court,

45:03.992 --> 45:05.828
alam ko nang mananalo siya.

45:08.831 --> 45:13.627
Anim at kalahating oras na
ang buong laban ngayong araw.

45:14.128 --> 45:16.422
Madilim na no'ng mga oras na 'yon.

45:17.005 --> 45:19.883
At nagliliwanag na
'yong screen ng laptop ko.

45:23.429 --> 45:25.013
Hindi na sila dapat naglalaro.

45:27.141 --> 45:28.517
Pero napakaganda no'n.

45:42.948 --> 45:44.074
Ayos!

45:44.575 --> 45:47.411
Ganyan nga.

45:50.998 --> 45:53.125
Grabeng laban 'yon.

45:56.086 --> 45:57.880
Ang hirap nang makakita.

45:59.047 --> 46:01.175
Sagad na sagad na 'ko.

46:01.884 --> 46:05.512
Naka-focus na lang ako
na mabigyan ng tsansa 'yong sarili ko.

46:10.893 --> 46:14.480
Laging nando'n 'yong tukso na sumuko na.

46:15.564 --> 46:19.026
Pero pag nasanay kang magtiis
nang konti pa,

46:19.109 --> 46:20.861
"Isang bola pa."

46:21.653 --> 46:24.072
Gano'n ang mahuhusay na champion.

46:24.656 --> 46:26.909
Tinitiis ang isa pang laban.

46:29.912 --> 46:32.039
Napakagandang laro mula kay Nadal.

46:32.706 --> 46:35.209
Championship point na para sa kanya.

46:37.169 --> 46:39.880
Sa tingin ko,
sagad na si Roger no'ng oras na 'yon.

46:42.049 --> 46:44.676
"Inaasahan niyang
sa backhand ko ibibigay 'yong serve.

46:45.177 --> 46:47.095
"Baka pwede ko siyang gulatin."

46:48.972 --> 46:50.516
Di pwede ang madaling serve.

46:52.893 --> 46:55.437
Binigyan ko siya ng serve
na napaisip siya.

46:57.272 --> 47:00.400
Minsan, mas madali 'yong pumalo
nang hindi nag-iisip.

47:20.003 --> 47:23.048
Hindi lang isa ang landas
patungo sa tagumpay.

47:24.925 --> 47:29.429
Maaaring hindi mo kailangang pagdaanan
'yong hirap na pinagdaanan ko

47:29.513 --> 47:32.099
para makamit 'yong nakamit ko.

47:34.685 --> 47:38.564
Pero tinahak ko 'yong landas
na nilatag ni Toni para sa 'kin.

47:40.274 --> 47:42.943
At naniniwala akong
'yon ang tamang landas.

47:48.615 --> 47:50.200
Ayos!

47:59.126 --> 48:00.836
Game, set, match kay Nadal!

48:10.304 --> 48:12.806
Iniisip ng mga tao na isa 'kong winner.

48:13.307 --> 48:15.309
Pero hindi ako winner.

48:16.268 --> 48:17.936
Isa 'kong competitor.

48:20.480 --> 48:21.857
Ang tagumpay…

48:23.358 --> 48:24.651
ay hindi permanente.

48:26.236 --> 48:27.446
Panandalian lang.

48:27.529 --> 48:28.906
CONGRATULATIONS, RAFA!

48:30.157 --> 48:32.409
Ang talagang nagmo-motivate sa 'kin

48:32.492 --> 48:35.245
ay ang kagustuhang lumaban nang lumaban.

48:37.289 --> 48:41.001
Dahil ang tunay na kasiyahan,
para sa 'kin, ay 'yong pinaghihirapan.

51:40.680 --> 51:45.685
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz
a 'kin, ay 'yong pinaghihirapan.
