WEBVTT

00:11.458 --> 00:13.166
Para akong tatay ko.

00:15.666 --> 00:19.125
At gaya niya,
ilang beses na akong pumalpak sa buhay.

00:21.291 --> 00:24.250
Pero kung may nagawa kang tama,

00:24.833 --> 00:26.458
kung may nagawa kang maganda,

00:26.541 --> 00:28.541
nakakalimutan ng mga tao lahat.

00:28.625 --> 00:30.458
-Mr. Ciaramitano?
-Oo.

00:30.541 --> 00:32.541
-Nice to meet you.
-Nice to meet you.

00:32.625 --> 00:33.875
-Gusto ni Libero…
-Hi.

00:33.958 --> 00:35.875
-na ikaw ang sumundo sa kanya.
-Mm.

00:35.958 --> 00:37.166
-Buti naman.
-At…

00:37.250 --> 00:38.666
-Wag ka diyan magtapon.
-Okay.

00:38.750 --> 00:41.791
Wag dito. Diyos ko, sorry!
Wag dito, siyempre.

00:41.875 --> 00:45.083
Sa bahay, bukambibig nga ang planeta.

00:45.166 --> 00:47.791
Alam 'yan ni Libero.
Lahat kami, electric cars ang gamit.

00:47.875 --> 00:51.083
Sa Korte, nabanggit ng judge
'yong pag-uwi ni Libero.

00:51.166 --> 00:53.041
-Mabuti.
-Hihintayin na lang 'yong utos.

00:53.125 --> 00:56.041
Magche-check kami next week
para mangumusta.

00:56.125 --> 00:58.291
Sige. Pwede na kaming umalis?

00:58.375 --> 01:00.416
-Oo, pwede na.
-O, sige…

01:00.500 --> 01:01.458
-Salamat.
-Bye.

01:01.541 --> 01:03.750
-Magpaalam ka, Libero. Tara na.
-Bye.

01:03.833 --> 01:05.875
-Eto na.
-Bakit ka tensiyonado?

01:05.958 --> 01:08.583
Ha? Di ako tensiyonado. Excited lang ako.

01:08.666 --> 01:11.333
-Bakit?
-Dahil ilalayo na kita rito.

01:11.416 --> 01:14.250
Iuuwi na kita. Di ba? Pa-kiss nga.

01:14.333 --> 01:15.416
Sige, sakay na.

01:17.916 --> 01:19.083
Gusto mo magmaneho?

01:21.125 --> 01:23.625
Oo, Lucia. Wag kang mag-alala,
kasama ko siya.

01:23.708 --> 01:25.333
Oo, pauwi na kami.

01:25.416 --> 01:28.458
Ibababa ko na 'to, nagmamaneho ako.
Okay? Papunta na kami.

01:28.541 --> 01:30.333
Bye. Ay, naku…

01:31.125 --> 01:32.791
Tensiyonado na rin si Lola.

01:32.875 --> 01:34.875
Alam mo naman kung pa'no kabahan 'yon.

01:34.958 --> 01:37.833
Pwedeng pasabi sa kanyang
ayokong pag-usapan 'to?

01:38.791 --> 01:41.333
Sige. Sasabihin natin, sige.

01:41.416 --> 01:45.375
Ayokong sabihin nila
kung ga'no nila ako na-miss.

01:45.458 --> 01:47.000
Tama ka, tama…

01:47.708 --> 01:49.875
tahimik kang bata at…

01:49.958 --> 01:52.458
Ayokong makita nila 'yong nararamdaman ko.

01:55.541 --> 01:57.250
Okay, karapatan mo 'yan.

01:57.833 --> 02:01.916
Pero ang totoo, minsan,
pag sinabi mo 'yong nararamdaman mo…

02:02.000 --> 02:02.875
Masaya 'yon.

02:03.625 --> 02:06.958
Mabuti para sa 'yo at sa iba
na marinig 'yon.

02:07.041 --> 02:09.916
Dalawang salita lang naman, di ba?
"Miss kita."

02:10.000 --> 02:11.666
Sinasabi ko sa 'yo, masarap…

02:12.333 --> 02:13.916
kapag may nakaka-miss sa 'yo.

02:18.250 --> 02:23.958
Libero, pwede ko bang malaman
kung bakit sa akin ka nagpasundo?

02:24.041 --> 02:27.125
Kasi alam kong
papagaanin mo 'yong sitwasyon.

02:27.208 --> 02:30.541
Di ba? Apir nga diyan!

02:58.416 --> 02:59.291
Diyos ko…

03:02.375 --> 03:05.375
Uy! Sandali! Diyan lang kayo.

03:07.041 --> 03:10.583
Masaya siyang makauwi,
pero may ilang kondisyon, okay?

03:10.666 --> 03:12.458
Ayaw niya ng maraming drama. Gets?

03:12.541 --> 03:13.916
-Maliwanag ba?
-Oo.

03:14.416 --> 03:16.666
-Low-key lang.
-Sige.

03:19.500 --> 03:21.333
Pwede ba namin siyang yakapin?

03:21.416 --> 03:22.583
Tatanungin ko siya.

03:25.625 --> 03:28.125
-E, yakap?
-Kailangang magpaalam?

03:28.875 --> 03:29.958
Ewan ko.

03:33.125 --> 03:34.500
Nakauwi na kami.

03:35.958 --> 03:37.125
Hi, Libero.

03:41.750 --> 03:43.833
Pwede ka namang yakapin, di ba?

03:45.625 --> 03:46.875
Isa lang.

03:47.416 --> 03:49.000
Sabay-sabay na para isa lang.

03:49.666 --> 03:50.875
-Diyos ko. Pwede?
-Tara.

03:50.958 --> 03:52.625
-Sandali.
-Ay.

03:53.625 --> 03:55.791
-Na-miss ko kayo.
-Libero!

03:55.875 --> 03:57.375
-Na-miss ka din namin!
-Apo.

03:57.458 --> 03:58.500
Welcome back. Halika.

03:58.583 --> 04:00.416
-Sino?
-Halika!

04:05.833 --> 04:07.625
Bumalik na 'yong kuya mo, o.

04:08.750 --> 04:11.791
-Miss na miss ka namin.
-Ay, Diyos ko!

04:15.708 --> 04:18.875
MY FAMILY

04:21.208 --> 04:22.041
Uy.

04:22.125 --> 04:23.750
Ililigpit ko 'yong kama.

04:23.833 --> 04:24.875
Diyan ka natutulog?

04:24.958 --> 04:27.625
Oo. Pero di ko ginalaw gamit mo, promise.

04:28.500 --> 04:29.500
Naniniwala ako.

04:30.000 --> 04:32.250
Ang saya-saya ko, bumalik ka na.

04:34.375 --> 04:35.958
Libero, ano'ng kakainin natin?

04:36.041 --> 04:39.958
Ah, pasta… na may tuna sauce kaya?

04:40.041 --> 04:43.458
Ipaluto ba natin kay Gaetano?
Mas masarap 'yong luto niya.

04:43.541 --> 04:44.541
Sige.

04:46.166 --> 04:49.875
-Pa'no ako? Gusto ko ng pork chop.
-Hindi, isang putahe lang.

04:49.958 --> 04:51.625
Bakit 'yong gusto niya?

04:52.208 --> 04:54.375
Pasayahin natin 'yong kapatid mo.

04:57.958 --> 05:00.708
Ginagawa niya 'to
kasi natatakot siyang umalis ka ulit.

05:03.208 --> 05:04.708
Di na ako aalis.

05:07.333 --> 05:08.291
Ano'ng sabi mo?

05:08.375 --> 05:11.166
Sabi ko, wag ka nang mag-alala
na aalis uli ako.

05:11.666 --> 05:12.875
Di na mauulit 'yon.

05:14.083 --> 05:18.166
Kahit mag-away tayo
o pangit 'yong luto mo.

05:19.958 --> 05:21.541
Ang ganda ng sinabi mo.

05:25.041 --> 05:26.041
Uy.

05:26.666 --> 05:27.666
Uy.

05:31.791 --> 05:33.708
Aalis ka na ba?

05:35.333 --> 05:36.791
Hindi muna.

05:36.875 --> 05:38.875
May mga aayusin pa ako.

05:42.833 --> 05:45.750
Uy, kinausap mo na ba si Pau tungkol do'n?

05:47.458 --> 05:48.458
Hindi pa.

05:49.083 --> 05:50.750
Ano pa'ng hinihintay mo?

05:57.458 --> 05:59.291
Sinusubukan ko pang ayusin.

05:59.375 --> 06:02.625
Tuwing umaga, gumagawa ako
ng listahan ng priorities ko.

06:02.708 --> 06:05.583
Paternity test ba muna sa 'yo o kay Pau?

06:05.666 --> 06:07.958
Kakausapin ko ba muna si Pau?

06:08.041 --> 06:11.208
Tapos lumalabo 'yong utak ko,
di ako makapag-isip nang maayos,

06:11.291 --> 06:12.958
kinakabahan ako, di ko na ginagawa.

06:13.458 --> 06:15.583
Maria, mahal mo ba si Pau?

06:15.666 --> 06:18.791
Alamin mo muna kung mahal mo siya.

06:23.791 --> 06:26.083
Nasabi ko na ba sa 'yo
kung ano'ng ginagawa ko

06:26.583 --> 06:28.291
pag di ako makapagdesisyon?

06:28.375 --> 06:29.833
-Hindi pa.
-Hindi pa?

06:30.708 --> 06:31.958
Naglalaro ako ng submarine.

06:32.041 --> 06:33.583
Submarine? Ano 'yon?

06:33.666 --> 06:35.416
-Di ko pa nasasabi?
-Hindi.

06:35.500 --> 06:39.000
Ano… Basta parang submarine siya.

06:39.083 --> 06:42.166
Kumot ang ginagamit ko, parang tent.

06:42.250 --> 06:45.250
Pag nasa loob ako ng submarine,
wala akong iniisip.

06:45.333 --> 06:46.833
Kasi nasa ilalim ako ng tubig.

06:46.916 --> 06:49.958
Madilim, tahimik.
Sino'ng makakakita sa 'kin do'n?

06:50.041 --> 06:53.166
Kaya doon ako nagpo-procrastinate.
Ano'ng paki ko?

06:55.708 --> 06:59.208
Gawin mo kaya? Ipakita mo sa 'kin.

07:07.291 --> 07:11.791
Mga kaibigan, welcome
sa Walang-May-Paki U-boat…

07:11.875 --> 07:13.750
Gusto ko 'yong pangalan!

07:13.833 --> 07:17.000
Paalala sa mga pasahero, iwanan n'yo ho

07:17.083 --> 07:20.166
ang inyong mga problema at alalahanin,

07:21.125 --> 07:24.708
at wala tayong pakialam
sa kahit ano o sino. Ingat ho kayo.

07:32.458 --> 07:35.166
Ang sayang sumakay
sa Walang-May-Paki kasama ka.

07:35.250 --> 07:36.250
Oo nga.

07:50.250 --> 07:52.708
-Good night.
-Good night.

08:03.458 --> 08:05.708
Dito ka matulog kung gusto mo.

08:05.791 --> 08:06.791
Talaga?

08:06.875 --> 08:09.333
Oo, pero sa paanan ko 'yong ulo mo.

08:23.416 --> 08:25.541
Sige na, good night na talaga.

08:26.291 --> 08:27.500
Good night.

08:44.166 --> 08:45.000
Bakit?

08:45.916 --> 08:47.958
Wala, iniisip ko lang…

08:49.500 --> 08:51.458
May naayos naman ako, di ba?

08:52.333 --> 08:54.375
Para sa gulong iniwan mo,

08:54.458 --> 08:56.458
-oo, may naayos ka naman.
-Mm.

08:57.333 --> 08:58.166
Hindi lahat.

08:58.250 --> 08:59.750
Lahat?

08:59.833 --> 09:04.041
Apat na buhay ang aabutin
para maayos ang lahat ng gulong ginawa mo.

09:04.791 --> 09:05.916
Buweno.

09:06.666 --> 09:08.416
-Okay na 'yon.
-Mm.

09:09.583 --> 09:13.041
Nagpapasalamat ako sa 'yo, Gaetano,
malaking bagay na 'yon.

09:13.125 --> 09:14.500
Mm.

09:16.125 --> 09:17.708
Gusto mo pa rin ba ako?

09:18.875 --> 09:21.083
-Di naman kita nagustuhan.
-Sus!

09:33.083 --> 09:35.958
Akala mo ba talaga,
magkakabalikan pa tayo?

09:37.541 --> 09:38.625
-Hindi.
-Okay.

09:40.083 --> 09:41.291
Mabuti naman.

09:41.375 --> 09:43.875
Ibig sabihin, hindi ka tanga.

09:45.416 --> 09:47.375
Mukhang pwede na 'kong umalis.

09:48.666 --> 09:49.833
Gusto mo nang umalis?

09:49.916 --> 09:50.916
Puwes…

09:51.541 --> 09:54.875
Hindi naman kasya tayong lahat dito.

09:54.958 --> 09:55.958
Tama.

09:58.625 --> 10:00.333
-Gaetano.
-Mm?

10:00.416 --> 10:01.625
Pwede ka pa ring umuwi.

10:01.708 --> 10:02.833
-Talaga?
-Oo.

10:02.916 --> 10:03.916
Sige.

10:05.208 --> 10:07.625
Oo, baka may iba pa akong maayos.

10:07.708 --> 10:09.291
Hindi, pinag-isipan ko na 'to.

10:09.375 --> 10:12.750
Tingin ko, kalokohan
na kausapin si Valerio tungkol do'n.

10:13.875 --> 10:16.083
Pero ewan ko. Kung sa tingin mo…

10:18.041 --> 10:20.416
Kung maaayos nito ang samahan n'yo…

10:20.500 --> 10:22.833
Ano'ng masasabi ko? Kausapin natin siya.

10:22.916 --> 10:23.916
Okay?

11:00.291 --> 11:01.500
Six, seven.

11:03.875 --> 11:04.875
Ingat.

11:19.250 --> 11:20.083
Doon.

11:34.000 --> 11:35.000
Bilisan mo!

11:35.916 --> 11:36.875
Wag!

12:08.291 --> 12:11.166
Isolations. One, two.

12:12.958 --> 12:14.541
One… two…

12:17.166 --> 12:18.166
Bam!

12:18.791 --> 12:20.041
Na-out-of-balance ka.

12:20.625 --> 12:22.041
'Yong paa mo.

12:22.125 --> 12:23.375
-Tama naman.
-Hindi.

12:33.958 --> 12:35.541
Uy! Ang galing!

12:36.041 --> 12:36.875
Magaling!

12:44.333 --> 12:45.500
Ano'ng ginagawa mo rito?

12:45.583 --> 12:46.708
-Hi.
-Hi.

12:46.791 --> 12:49.208
Gusto kitang makausap, kung pwede.

12:49.291 --> 12:51.958
Ngayon talaga? Di pwedeng pagkatapos?

12:52.041 --> 12:53.291
Siyempre naman. Sige.

12:53.375 --> 12:54.500
Nasa baba lang ako.

12:55.958 --> 12:59.333
Magkaiba 'yong steps.
Pag-open mo, magko-close ka.

12:59.416 --> 13:01.208
Sorry, pwedeng break muna?

13:04.666 --> 13:05.666
Sige.

13:06.250 --> 13:07.166
Salamat.

13:07.250 --> 13:10.416
Pasensiya na kanina, inistorbo ko kayo…

13:11.958 --> 13:13.291
Wala 'yon.

13:13.916 --> 13:15.791
Bumabawi lang ako kay Valeria.

13:16.375 --> 13:18.500
Gusto ko nang matapos 'tong
pagkukunwaring 'to.

13:18.583 --> 13:21.875
Anong pagkukunwari?
Magaling ka ngang sumayaw, e.

13:22.666 --> 13:25.041
Sumasayaw ako dati, kaya…

13:25.125 --> 13:28.083
May ritmo ako. Namana mo sa 'kin 'yon.

13:29.791 --> 13:30.666
Ba't ka nandito?

13:33.916 --> 13:35.208
Aalis na ako bukas.

13:37.083 --> 13:39.041
Para makauwi ka na.

13:41.833 --> 13:43.000
Ano'ng sabi ni Mama?

13:44.708 --> 13:47.291
Hindi na siya makapaghintay na makauwi ka.

13:51.750 --> 13:52.750
Mabuti.

13:53.791 --> 13:56.083
Gusto kong humingi ng tawad sa…

13:58.541 --> 14:01.833
sa nangyari sa sasakyan
noong isang araw. Nakakahiya.

14:01.916 --> 14:04.500
Pag nakakakita kasi ako ng pulis,
nagiging… Alam mo na?

14:05.666 --> 14:07.541
'Yan ba ang dahilan ng pagpunta mo?

14:09.333 --> 14:11.708
Hindi, gusto ko ring humingi ng tawad…

14:12.666 --> 14:13.666
Sa…

14:14.708 --> 14:18.458
Sa pagiging napakasamang ama.

14:20.125 --> 14:21.166
Oo.

14:22.166 --> 14:26.000
Isang bagay na malinaw
na sinabi ng kaibigan mo…

14:27.291 --> 14:28.750
noong isang araw.

14:33.208 --> 14:34.458
'Yon na 'yon?

14:35.041 --> 14:36.458
Oo, 'yon na 'yon…

14:36.541 --> 14:38.958
Akala mo ba,
madali ang humingi ng tawad sa anak?

14:43.291 --> 14:44.541
Pwede na kaming sumayaw?

14:44.625 --> 14:46.708
Oo. Paalis na ako.

14:47.583 --> 14:50.833
May gusto rin sana akong sabihin…
May gusto akong sabihin kay…

14:50.916 --> 14:53.416
Valeria. Valeria ang pangalan ko.

14:56.791 --> 14:58.125
Alam kong galit ka sa 'kin.

14:59.666 --> 15:01.208
Pero di ako galit sa 'yo.

15:02.375 --> 15:04.458
Kasi gustong-gusto kita.

15:09.500 --> 15:11.583
-Mabuti kang tao.
-Mm?

15:12.750 --> 15:13.833
Buti naman.

15:16.000 --> 15:18.000
-Salamat.
-Walang anuman.

15:19.000 --> 15:20.166
Aalis na ako.

15:24.791 --> 15:25.958
Uy.

15:26.625 --> 15:27.708
Ano'ng kailangan niya?

15:29.166 --> 15:30.583
Aalis na siya bukas.

15:32.666 --> 15:34.458
Para makauwi na ako.

15:36.166 --> 15:37.625
Balik na tayo?

15:37.708 --> 15:39.208
-Ano?
-Sayaw na tayo?

15:39.291 --> 15:40.791
-Oo.
-Tara.

15:55.375 --> 15:56.708
Sandali lang!

15:59.541 --> 16:00.625
Hi.

16:02.708 --> 16:04.000
-Hi.
-Hi.

16:11.625 --> 16:12.708
Hi.

16:15.416 --> 16:16.750
Kailan ka pa dumating?

16:17.916 --> 16:19.000
Ano…

16:19.916 --> 16:21.708
Pwede ba akong pumasok?

16:22.416 --> 16:24.250
-Oo naman.
-Salamat.

16:33.541 --> 16:34.708
Okay ka lang?

16:35.583 --> 16:38.166
Oo, nagulat lang ako.

16:40.250 --> 16:41.583
'Yon nga ang punto.

16:43.083 --> 16:44.666
Gusto ko sanang sorpresahin ka.

16:46.875 --> 16:49.500
Alam mo ba kung ano'ng pakiramdam nito?

16:50.000 --> 16:54.083
Parang 'yong mga pangit na pelikula
tapos nagtatago sa aparador 'yong kabit.

17:00.041 --> 17:02.833
Makinig ka… May sasabihin ako sa 'yo.

17:02.916 --> 17:05.083
Kita sa mukha mo. Ano 'yon?

17:05.166 --> 17:09.250
Pwede bang ibaba ko muna ang bag ko
at magbanyo muna sandali?

17:09.333 --> 17:10.250
Hindi.

17:10.333 --> 17:11.375
Anong "hindi"?

17:11.458 --> 17:14.833
Kung may sasabihin kang ikakainis ko,
umalis ka na agad.

17:18.541 --> 17:20.416
Ayokong mainis ka.

17:22.000 --> 17:25.208
Iniisip ko lang
kung ano'ng naghihintay sa atin.

17:25.958 --> 17:27.208
Sa ating tatlo.

17:27.958 --> 17:30.875
Kahit wala kang sabihin, ramdam ko na din.

17:33.875 --> 17:36.916
Alam kong nagbago ang isip mo.

17:37.625 --> 17:39.916
Ayaw mo nang umalis.

17:41.291 --> 17:43.083
Nandito lahat ng meron ka, Maria.

17:43.166 --> 17:46.458
Habang ako, wala dito ang buhay ko.

17:47.708 --> 17:49.000
Hindi ito…

17:50.333 --> 17:53.125
ang kompromisong kailangan natin.

17:55.041 --> 17:57.500
Pero mas mabigat pa.

17:58.875 --> 18:01.541
May isa sa 'ting
kailangang isuko ang lahat.

18:03.625 --> 18:05.500
Di ko alam kung ano'ng gagawin ko.

18:07.166 --> 18:08.333
Ayun.

18:12.666 --> 18:14.833
Pareho lang tayo ng iniisip.

18:17.083 --> 18:20.000
Mas nag-aalala pa nga ako kaysa sa 'yo.

18:20.083 --> 18:21.166
Mas nag-aalala?

18:29.708 --> 18:31.500
Baka di ikaw ang ama.

18:41.583 --> 18:43.208
Kung gusto mong umalis, sige lang.

18:44.291 --> 18:45.791
Huwag mong sabihin 'yan.

18:55.833 --> 18:57.291
Maria!

18:57.375 --> 18:59.916
Maria, may magandang balita ako!

19:00.000 --> 19:02.333
Nakahanap ako
ng broccoli rabe sa palengke.

19:02.416 --> 19:06.250
Bumili ako ng isang kilo.
Kumokonti kasi 'to kapag…

19:06.750 --> 19:08.583
Hi Demetrio, kumusta?

19:08.666 --> 19:09.916
Uy, Pau.

19:11.708 --> 19:13.041
Hi, kumusta ka?

19:13.125 --> 19:14.458
Nandito ka rin.

19:15.916 --> 19:18.041
Saka… Gusto mo ng broccoli rabe?

19:18.125 --> 19:20.958
-Ano?
-Broccoli rabe, 'yong green?

19:21.041 --> 19:23.291
'Yong kinakain na may sausage.

19:23.375 --> 19:25.083
Kinakain 'yon sa Naples.

19:25.166 --> 19:26.791
Ay, kinakain? Hindi.

19:26.875 --> 19:29.375
Magpapahinga na ako,

19:29.458 --> 19:31.166
kasi medyo…

19:31.250 --> 19:34.833
Di ko alam kung paano sabihin sa Italian,
pero medyo…

19:35.750 --> 19:36.708
Basta.

19:36.791 --> 19:38.125
Pero salamat.

19:39.791 --> 19:40.875
Salamat.

19:43.875 --> 19:44.875
Sige.

19:50.708 --> 19:51.708
Uy.

19:52.541 --> 19:53.666
Nag-usap na kayo.

19:54.291 --> 19:55.916
Ouch. Okay…

19:59.458 --> 20:02.291
Nakakahiya 'yong sitwasyon.

20:05.500 --> 20:08.500
CAR PARTS

20:10.250 --> 20:12.916
Wala nang space dito.

20:13.708 --> 20:14.708
Akin na lang, pwede?

20:17.083 --> 20:19.500
-Bakit?
-Akala mo di ko kayang sabihin?

20:19.583 --> 20:21.375
Di ko alam kung ano'ng sasabihin mo.

20:21.458 --> 20:23.166
Na nalulungkot akong aalis ka.

20:25.250 --> 20:27.083
Di ako katulad mo.

20:27.166 --> 20:28.958
Sinasabi ko ang nararamdaman ko.

20:33.083 --> 20:34.125
Ano?

20:34.208 --> 20:36.333
May ibig sabihin ba 'to?

20:36.416 --> 20:38.083
Hiningi mo 'yong T-shirt.

20:39.583 --> 20:43.500
-Pupunta ka ba sa rehearsals bukas?
-Siyempre. Bakit hindi?

20:43.583 --> 20:46.958
Hindi ko alam kung ano'ng iniisip mo
at gusto mong gawin.

20:48.416 --> 20:52.000
Baka nahihirapan lang akong
sabihin 'yong iniisip at gusto kong gawin.

20:52.083 --> 20:53.291
Naisip mo ba 'yon?

20:54.125 --> 20:55.833
Oo.

20:55.916 --> 20:58.250
Ano'ng magagawa mo? Wala.

20:58.833 --> 21:01.416
'Yong mga tahimik na tao, parang…

21:01.500 --> 21:06.458
may komplikadong mundo sa loob nila,
parang sobrang sensitibo. Di ba?

21:07.791 --> 21:10.458
Ano'ng gusto mo, Valeria?
Ano'ng sasabihin ko?

21:11.041 --> 21:13.958
-Gusto mo talagang malaman?
-Oo. Please.

21:18.166 --> 21:20.375
Tayo na ba?

21:21.208 --> 21:22.458
Anong klaseng tanong 'yan?

21:22.541 --> 21:24.625
Di mo ba naiisip kung ano tayong dalawa?

21:24.708 --> 21:26.208
-Siyempre naisip ko na.
-Ah!

21:26.291 --> 21:28.500
Nagmamalasakit tayo sa isa't isa.

21:30.041 --> 21:32.000
-Nagmamalasakit sa isa't isa?
-Hindi.

21:32.083 --> 21:34.708
May ginawa ka para sa 'kin
at may ginawa ako para sa 'yo.

21:34.791 --> 21:36.583
Lalo na sa sayaw na 'to.

21:36.666 --> 21:39.000
Tingnan natin. Paano ko malalaman?

21:39.083 --> 21:41.083
Dapat di tinatanong ang ganito.

21:41.166 --> 21:43.166
-Di ko dapat itanong 'to?
-Hindi.

21:43.250 --> 21:45.875
Valerio, normal lang
na itanong ang mga 'to!

21:45.958 --> 21:48.250
Alam mo ba kung ano'ng tawag
sa mga gaya mo?

21:48.333 --> 21:49.958
'Yong di nagbibigay ng sagot?

21:50.041 --> 21:51.666
-Duwag.
-Ewan ko sa 'yo.

21:51.750 --> 21:55.958
Duwag. Dahil pinipilit nilang mag-open up
ang mga katulad ko.

21:56.041 --> 21:57.625
Para kami lagi ang unang kikilos.

21:57.708 --> 21:59.625
At medyo nagsasawa na akong

21:59.708 --> 22:02.583
mag-open up at unang kumilos.

22:02.666 --> 22:03.875
Ano ba'ng gusto mo?

22:03.958 --> 22:07.291
Ang dami mong satsat,
pero di naman malinaw. Ano ba'ng gusto mo?

22:09.250 --> 22:10.291
Wala.

22:10.375 --> 22:11.458
Wala.

22:14.583 --> 22:16.583
Kita tayo sa rehearsal bukas o hindi na?

22:16.666 --> 22:19.583
Ah… Wala na 'kong paki.

22:19.666 --> 22:20.833
Bahala ka.

22:21.750 --> 22:22.625
Wag kang mag-alala.

22:26.166 --> 22:27.250
Bye, Valerio.

22:34.708 --> 22:35.708
Bye.

22:43.916 --> 22:46.958
-Kinuha ko 'to sa laundry.
-Salamat.

22:47.041 --> 22:50.791
Wag mong ilagay sa maleta.
Magugusot. Kailangan mo 'yan bukas.

22:50.875 --> 22:52.250
Bukas? Bukas…

22:52.333 --> 22:54.833
Saan ako matutulog ngayong gabi?
Bumalik na si Valerio.

22:56.458 --> 22:57.708
Puwes…

22:58.625 --> 23:00.083
Dito ka matulog.

23:00.166 --> 23:02.500
Sa sofa ako. Ayos lang ako.

23:02.583 --> 23:03.958
Ah, gan'on ba…

23:07.708 --> 23:09.083
Saan ka na pupunta?

23:09.583 --> 23:11.000
Sa Tenerife.

23:13.000 --> 23:15.208
Inalok nila akong…

23:15.958 --> 23:18.000
mamahala ng bowling alley sa Tenerife.

23:19.291 --> 23:21.750
-Bowling alley sa Tenerife? Ikaw?
-Oo.

23:22.791 --> 23:24.666
Gaetano, kausapin mo 'yong mga bata.

23:24.750 --> 23:27.083
Di pwedeng wala ka na paggising nila.

23:27.166 --> 23:29.416
Hindi. Di ko gagawin 'yon.

23:30.416 --> 23:33.625
Pwede tayong magtabi.
'Yong paa mo, nasa ulunan ko…

23:33.708 --> 23:36.833
-Hindi na.
-Sige. Di ako humihilik, kaya…

23:36.916 --> 23:40.500
Alam ko. Pero mas gusto ko sa sofa.

23:47.375 --> 23:49.208
-Ma?
-Ano?

23:52.333 --> 23:53.500
Ano…

23:56.333 --> 23:58.041
May itatanong ako.

23:58.125 --> 23:59.125
Sa 'kin?

24:00.041 --> 24:00.916
Sa inyong dalawa.

24:01.000 --> 24:03.250
Naku, seryoso 'to.

24:10.208 --> 24:11.625
Anak ba niya ako?

24:17.291 --> 24:18.375
-Ah…
-Uy!

24:19.000 --> 24:20.083
'Yong totoo.

24:21.083 --> 24:22.958
-Gusto niyang malaman.
-Oo.

24:24.291 --> 24:25.791
Gusto mong malaman ang totoo.

24:28.083 --> 24:29.833
Sasabihin ko ang totoo.

24:33.208 --> 24:35.583
Sa kasamaang palad… ang totoo…

24:37.500 --> 24:38.875
anak ka namin.

24:43.250 --> 24:44.416
-Oo…
-Ah.

24:44.500 --> 24:47.250
-Walang duda, sa kasamaang palad.
-Walang duda.

24:47.333 --> 24:50.125
Baka iba ang inaasahan mong sagot,

24:50.208 --> 24:51.541
pero hindi.

24:51.625 --> 24:53.583
Pasensiya na.

24:53.666 --> 24:54.875
Mas malala sana 'to.

24:54.958 --> 24:56.875
Mas malala pa rito?

24:56.958 --> 24:58.958
-Huwag kang magbiro.
-Biro lang.

24:59.041 --> 25:00.833
Anong klaseng tanong 'yan, anak?

25:04.750 --> 25:05.833
Valerio.

25:09.291 --> 25:10.375
Salo!

25:12.083 --> 25:13.125
Parang tanga.

25:17.250 --> 25:19.875
Tito, di ka na nakatira sa girlfriend mo?

25:19.958 --> 25:21.375
Di ko siya girlfriend.

25:21.958 --> 25:24.583
Kawawa ka naman. Sobrang ganda niya, e.

25:25.416 --> 25:26.416
Ti-ti-ti-ti-ti.

25:26.500 --> 25:27.583
Huy! Wag nga.

25:28.166 --> 25:30.041
Oo nga, bakit ka umuwi?

25:32.000 --> 25:34.041
Gusto ko ring itanong 'yan sa 'yo.

25:34.125 --> 25:35.625
Bakit ka umuwi?

25:37.041 --> 25:40.166
Hindi dahil sa inyo kaya ako bumalik.

25:40.666 --> 25:42.708
Dahil kay Lolo.

25:43.583 --> 25:46.750
Nalulungkot na ako roon,
pinaalala niya sa 'kin kung pa'no sumaya.

25:47.833 --> 25:49.000
Parang si Papa.

25:49.083 --> 25:50.250
Nagbibiro at tumatawa.

25:50.333 --> 25:52.541
-Gusto kong maging gaya nila.
-Ako rin.

25:52.625 --> 25:55.750
Sa tingin ko, makakabuti sa atin
kung magiging gaya nila tayo.

25:55.833 --> 25:57.041
Oo.

25:57.958 --> 25:59.541
Game over na 'ko.

26:01.000 --> 26:01.875
Hoy!

26:01.958 --> 26:03.291
Hay, ewan.

26:04.291 --> 26:07.875
Tito, di pa kita nakitang masaya
sa buong buhay ko.

26:07.958 --> 26:08.958
Ano?

26:09.041 --> 26:10.083
Seryoso.

26:17.583 --> 26:19.125
Salamat, Ercole.

26:19.208 --> 26:21.500
-Sige!
-Saan ka pupunta?

26:22.125 --> 26:23.833
-Magsasaya.
-Uy!

26:33.625 --> 26:36.333
So, isa lang sa amin
ang kailangang magpa-test?

26:36.416 --> 26:39.291
Oo, Demetrio.
Kung hindi 'yong isa, 'yong isa.

26:39.375 --> 26:41.208
Nagtatanong lang ako. First time…

26:41.291 --> 26:42.333
Logic lang.

26:50.166 --> 26:51.166
Sa pisngi mo.

26:52.458 --> 26:53.625
Ano…

26:54.125 --> 26:56.083
Sigurado ba tayo dito?

26:57.333 --> 26:59.083
Ang awkward nito, Maria.

27:00.541 --> 27:01.583
Okay, ako na.

27:13.791 --> 27:15.250
Tapos na.

27:15.333 --> 27:18.458
Ngayon, ipapadala ko na 'to sa lab.

27:18.541 --> 27:22.541
-Lalabas ang resulta sa isang linggo.
-Hindi. Sorry, pero hindi.

27:23.208 --> 27:26.458
Gusto ba talaga nating
iasa ang ganito kaimportanteng bagay

27:26.541 --> 27:28.041
sa cotton bud na 'to?

27:28.791 --> 27:31.250
Ano'ng ibig mong sabihin?
May iba bang choice?

27:31.333 --> 27:35.000
Sa tingin ko, ito na 'yong tamang oras
para maging honest tayo.

27:36.833 --> 27:39.416
Tayong tatlo, dapat magsabi ng totoo.

27:39.500 --> 27:41.333
Pau, lagi akong nagsasabi ng totoo.

27:41.416 --> 27:43.458
Mm… Okay.

27:43.541 --> 27:44.625
Sige.

27:45.333 --> 27:46.500
Ikaw muna.

27:48.666 --> 27:50.541
Matutuwa ka ba kung iyo 'to?

27:51.333 --> 27:53.250
O… Oo. Sobra.

27:53.333 --> 27:55.625
Hindi, sandali lang.

27:55.708 --> 27:58.166
Ano'ng laro 'to? Ano'ng ginagawa natin?

27:58.250 --> 27:59.250
Ikaw naman, Maria.

27:59.833 --> 28:01.583
Mahal mo ba ako?

28:03.000 --> 28:04.375
Huwag kang mataranta.

28:04.958 --> 28:06.458
Di nakakatakot ang totoo.

28:07.375 --> 28:09.875
Gusto ba nating saktan
ang isa't isa? Sige.

28:14.208 --> 28:16.416
Di ko alam kung in love ako sa 'yo.

28:18.375 --> 28:19.208
Ayun.

28:21.166 --> 28:22.166
Ikaw?

28:22.708 --> 28:24.375
Mahal mo ba ako?

28:25.833 --> 28:29.500
Hindi yata 'yan ang tamang tanong.

28:29.583 --> 28:30.833
-Hindi?
-Hindi, Maria.

28:30.916 --> 28:32.458
May tamang tanong ako kay Pau.

28:33.041 --> 28:34.041
Talaga?

28:34.791 --> 28:36.000
Ano 'yon?

28:36.083 --> 28:37.291
Gusto mo ba ng anak?

28:45.541 --> 28:46.541
Ayoko.

28:48.375 --> 28:49.541
Hindi. Di ganito.

28:52.250 --> 28:53.750
Lintik, Maria.

28:53.833 --> 28:56.041
Alam mo, noong makilala kita,

28:56.125 --> 28:57.958
para kang panaginip.

28:59.000 --> 29:02.041
Alam mong handa akong baguhin
ang buong buhay ko.

29:03.250 --> 29:05.958
Pero sa panaginip na 'to,
di lang ikaw ang nandito.

29:06.041 --> 29:07.791
May bahay.

29:07.875 --> 29:09.375
May pamilya.

29:09.458 --> 29:11.083
Malaking pamilya.

29:12.083 --> 29:15.541
May trabaho at baka aso at siyempre, anak.

29:16.208 --> 29:17.458
Baka dalawa pa.

29:17.541 --> 29:18.708
Nakikipaghiwalay ka na?

29:18.791 --> 29:21.750
Ang sinasabi ko,
kung magsasabi tayo ng totoo

29:22.416 --> 29:25.291
at susundin natin
'yong nararamdaman natin,

29:26.000 --> 29:27.375
itong sitwasyon na 'to…

29:28.125 --> 29:30.083
matatapos 'to na masaya tayong lahat.

29:30.166 --> 29:31.708
Nakikipaghiwalay ka sa 'kin.

29:35.000 --> 29:36.083
Maria…

29:37.375 --> 29:39.000
Kung makakapili ako,

29:40.208 --> 29:43.583
gusto ko ring si Demetrio
ang maging ama ng mga anak ko.

29:47.791 --> 29:48.791
Ah.

29:48.875 --> 29:50.666
At saka,

29:50.750 --> 29:52.416
sabi mo, di mo ako mahal.

29:52.500 --> 29:57.083
Hindi! Hindi 'yon ang sinabi ko. Hindi.

29:59.041 --> 30:00.833
Sabi ko, baka…

30:01.833 --> 30:03.500
di ko na alam kung mahal pa kita.

30:04.083 --> 30:05.166
Wag mo 'kong hawakan.

30:06.625 --> 30:08.583
Wag ka nang magpilosopo,

30:09.125 --> 30:11.666
dahil sa totoo lang, wala kang kuwenta.

30:20.666 --> 30:26.416
Kailangan ko ng tulong!
May dalawang ipis na… Tulong!

30:26.500 --> 30:28.416
Aray!

30:28.500 --> 30:29.666
Pulis!

30:29.750 --> 30:33.458
-May dalawang mikrobyo…
-Wag ako. Si Papa.

30:33.541 --> 30:35.625
Kayo na lang! Bakit ako?

30:36.583 --> 30:39.833
Kayo ang magbubugan! Ano ba!

30:49.083 --> 30:51.750
Binisita ako ni Papa sa Rome nito lang.

30:52.250 --> 30:54.375
Wala akong sinabihang nagkita kami.

30:54.458 --> 30:56.708
Sabi niya, nagbukas siya
ng restaurant sa Genoa,

30:56.791 --> 30:58.458
na sigurado akong sarado na.

30:59.708 --> 31:02.166
At para mag-celebrate, sabi niya,

31:02.250 --> 31:04.541
"Magpa-tattoo tayo."

31:05.833 --> 31:10.208
May tula si Emily Dickinson
na ipinakita sa 'kin ni Maria,

31:10.291 --> 31:12.250
ang sabi do'n…

31:12.333 --> 31:15.541
"Sabihin mo sa lahat ang totoo,
pero sabihin mo nang paunti-unti.

31:16.500 --> 31:20.666
Dahil dapat dahan-dahang
nagliliwanag ang katotohanan.

31:21.333 --> 31:24.166
Kundi mabubulag ang lahat."

31:26.958 --> 31:28.958
Di ko alam kung paano uunti-untiin.

31:29.500 --> 31:30.750
Kaya ang sabi ko sa kanya…

31:30.833 --> 31:32.625
Pa, may cancer ako.

31:38.291 --> 31:39.291
Pa…

31:40.541 --> 31:41.833
may cancer ako.

31:51.583 --> 31:52.791
Excuse me.

31:58.083 --> 32:00.583
Gusto ko sana, sa Rome ka na tumira.

32:01.875 --> 32:03.708
Gusto kong makilala mo 'yong mga bata.

32:04.666 --> 32:06.750
At, alam mo na…

32:06.833 --> 32:11.083
makasama mo sila sa mga susunod na buwan.

32:13.291 --> 32:14.291
Sige.

32:16.166 --> 32:17.500
Walang problema.

32:19.333 --> 32:22.750
'Yong kasosyo ko sa restaurant, ano naman…

32:23.250 --> 32:25.041
Papayag naman 'yon.

32:25.125 --> 32:28.458
At gusto kong tulungan mo akong
sabihin kay Mama.

32:28.541 --> 32:30.958
-Di mo pa sinasabi?
-Hindi pa.

32:32.333 --> 32:35.125
Di yata ako gustong makasama ng Mama mo.

32:35.208 --> 32:38.333
Hindi ka talaga gusto ni Mama.

32:38.416 --> 32:41.500
Pero kailangan namin ng katulad mo.

32:41.583 --> 32:45.333
-Puwes…
-'Yong kayang magpasaya…

32:46.125 --> 32:47.625
Kasi kailangan 'yon ng mga bata.

32:51.458 --> 32:52.541
Oo nga.

32:54.375 --> 32:56.166
Naaalala mo si Agostino?

32:56.916 --> 32:58.875
-Sino?
-Si Agostino.

32:59.458 --> 33:01.708
Kaibigan ko. Kasama ko sa military.

33:02.333 --> 33:04.208
-Sa Sardinia.
-Hindi.

33:04.291 --> 33:08.250
Naging big-time orthopedic doctor siya
sa Gemelli hospital.

33:08.333 --> 33:11.833
Tatawagan ko siya, at…

33:11.916 --> 33:16.583
Mahaharap niya agad tayo, walang hintayan.
Di tayo maghihintay. Alam mo?

33:17.083 --> 33:18.375
Maghihintay saan, Pa?

33:18.458 --> 33:22.875
Anong saan? Kailangan nating
magpa-second opinion, di ba?

33:22.958 --> 33:24.750
Hindi, Pa, di mo naiintindihan…

33:25.500 --> 33:27.208
Wala na silang magagawa.

33:27.291 --> 33:28.958
Hindi! May magagawa sila.

33:29.041 --> 33:32.541
-Meron 'yan!
-Papa, minsan…

33:33.083 --> 33:34.500
wala na silang magagawa.

33:35.125 --> 33:36.458
Maniwala ka, may…

33:44.500 --> 33:46.166
Puwes…

33:48.958 --> 33:51.541
Fausto, ang masasabi ko lang…

33:51.625 --> 33:53.333
di ko alam kung kaya ko.

33:55.208 --> 33:56.625
Hindi ko alam, hindi…

33:57.958 --> 34:00.916
Hindi ko kayang…

34:01.000 --> 34:03.541
panoorin ang anak kong mamatay. Hindi.

34:04.458 --> 34:05.541
Ah…

34:06.500 --> 34:08.458
Hindi ko kaya.

34:08.541 --> 34:11.125
Na samahan ka… Hindi ko kaya.

34:12.791 --> 34:14.500
Fausto, di ko kaya.

34:20.458 --> 34:21.625
Fausto.

34:22.333 --> 34:23.666
Hindi ko kaya.

34:30.625 --> 34:31.625
Fa…

34:31.708 --> 34:33.916
Wag, Pa. Please.

34:34.000 --> 34:35.458
Seryoso, please.

34:42.250 --> 34:44.291
Hindi ako nakapagpa-tattoo.

34:44.375 --> 34:48.083
Umalis ako. At bumalik siya sa Genoa agad.

34:49.458 --> 34:50.458
Ngayon…

34:52.041 --> 34:54.958
Lilinawin ko lang.
Naiintindihan ko ang tatay ko.

34:55.458 --> 34:58.333
Pero 'yon 'yong pinakamalaking
pagkadismaya ko sa buhay.

35:02.125 --> 35:05.375
Lagi kong pinapatawad si Papa. Sa lahat.

35:06.250 --> 35:07.250
Pero…

35:07.333 --> 35:11.375
'Yong iniwan niya ako sa ganitong panahon…

35:13.375 --> 35:14.791
Di ko mapapatawad 'yon.

35:16.291 --> 35:18.333
Hindi ko… Hindi ko maintindihan.

35:18.416 --> 35:20.166
Ako na ang magpapaalam sa mga bata.

35:23.541 --> 35:24.625
Lucia.

35:27.541 --> 35:28.916
-Lucia…
-Wag mo 'kong kausapin.

35:30.083 --> 35:31.500
Lucia, please.

35:34.125 --> 35:35.625
Lumabas ka, Gaetano.

35:35.708 --> 35:37.791
-Magpapaliwanag ko.
-Labas na!

36:02.541 --> 36:03.708
Buweno…

36:27.083 --> 36:29.583
Sana walang samaan ng loob.

36:33.750 --> 36:35.166
Susubukan kong tawagan ka.

36:36.083 --> 36:37.833
Kung gusto mo, sagutin mo.

36:38.583 --> 36:40.500
Kung hindi, wag mo na lang pansinin.

36:41.375 --> 36:42.416
Okay?

36:44.666 --> 36:46.000
Naiintindihan ko lahat.

36:47.958 --> 36:48.958
Sige.

36:50.375 --> 36:51.458
Bye.

36:54.666 --> 36:55.750
Bye.

38:54.041 --> 38:55.041
Uy.

38:55.875 --> 38:57.208
Nakakadismaya.

39:01.833 --> 39:03.416
Oo nga, Maria.

39:04.041 --> 39:07.500
Overrated ang Spain.
Progressive daw, pero sa huli…

39:07.583 --> 39:10.833
-Hindi Spain. Ako ang nakakadismaya.
-Hindi totoo 'yan!

39:17.458 --> 39:18.666
Valeria!

39:23.375 --> 39:25.166
Kailangan kong sumaya!

39:25.750 --> 39:26.875
Buti ka pa.

39:26.958 --> 39:28.708
Mismo. Sandali lang.

39:28.791 --> 39:30.875
Hindi. Umuwi ka na, Valerio.

39:30.958 --> 39:33.375
-Sandali lang!
-Valerio, umuwi ka na…

39:33.458 --> 39:35.375
-Ayokong makipag-usap.
-Bakit?

39:35.458 --> 39:39.208
Tumigil ka na. May malaking gagambang
mahuhulog sa ulo mo!

39:39.750 --> 39:42.291
-Tigil ka muna, please?
-Tantanan mo na 'ko!

39:42.375 --> 39:44.708
Please, Valeria! Bakit ka ganiyan?

39:44.791 --> 39:46.916
Hoy! Ano'ng ginagawa mo?

39:49.458 --> 39:50.833
Valerio!

41:59.791 --> 42:03.458
Nagsalin ng Subtitle: J. Ignacio
?
