WEBVTT

00:14.083 --> 00:17.541
No'ng bata ako,
nakatira kami sa maliit na bahay,

00:17.625 --> 00:20.791
'yong patusok ang bubong.

00:20.875 --> 00:25.375
Kasi nabasa ni Papa sa diyaryo

00:25.458 --> 00:31.083
na may kompanya sa Eastern Europe
na nagbebenta ng Russian prefab houses.

00:31.166 --> 00:33.583
-Ano'ng pinapanood mo?
-Dumating 'yong dalawang truck,

00:33.666 --> 00:36.750
-tinapos nila sa isang linggo.
-Video ni Fausto, bigay ni Lucia.

00:36.833 --> 00:38.291
Isang umaga, sabi ni Papa,

00:38.375 --> 00:40.375
"Alis na tayo. Delikado ang bahay."

00:40.458 --> 00:43.958
Nalaman ko na lang
na di siya nagbayad ng kahit ano.

00:49.708 --> 00:52.791
Sorry, pero ang weird
na panoorin mo 'yong videos ni Fausto.

00:52.875 --> 00:55.625
Hindi ka kasi niya kilala, kaya…

00:56.166 --> 00:59.041
di ko alam kung matutuwa siyang
alam mo 'yong buhay niya.

01:01.208 --> 01:02.208
Sige.

01:03.416 --> 01:05.166
Naiintindihan ko.

01:05.250 --> 01:06.458
Salamat.

01:06.541 --> 01:08.208
Iiwan muna kita.

01:16.458 --> 01:20.583
Sa bahay na 'yon,
may nakatagong cassette tape

01:20.666 --> 01:23.708
kung saan ni-record ko
'yong alaala ko noong bata pa ako.

01:23.791 --> 01:26.541
Iniwan ko 'yon
para mapakinggan ko ulit pagtanda ko.

01:26.625 --> 01:29.875
Di ko na maalala 'yong laman ng mensahe,

01:29.958 --> 01:32.583
pero malamang tungkol 'yon sa katotohanang

01:32.666 --> 01:34.916
laging nag-aaway sina Mama at Papa.

01:35.500 --> 01:38.458
Gusto kong pakinggan ulit
'yong mensahe na 'yon

01:38.541 --> 01:40.916
at marinig din 'yon ng mga anak ko.

01:41.833 --> 01:44.208
Noong bata ako,

01:44.291 --> 01:48.041
nakayanan ko kahit malungkot ako.

01:48.125 --> 01:50.583
Noong bata ako, palagi akong malungkot.

01:50.666 --> 01:52.375
Pero masaya ang buhay ko.

01:52.458 --> 01:57.916
Kaya sa tingin ko,
may recipe ng kaligayahan 'yong tape.

02:01.208 --> 02:02.083
Mm.

02:41.208 --> 02:44.083
MY FAMILY

02:57.416 --> 02:59.041
-Deme?
-Mm?

02:59.125 --> 03:00.666
-Gising ka na?
-Hindi pa.

03:00.750 --> 03:02.958
-Bangon na, labas tayo.
-Ha?

03:03.041 --> 03:05.250
Labas tayo nina Libero.

03:05.333 --> 03:07.041
-Bakit?
-Ang dami mong tanong.

03:07.125 --> 03:09.833
Mag-treasure hunt tayo.
Masaya 'to. Bangon na.

03:09.916 --> 03:13.750
Treasure hunt?
Ganito ka ba talaga kasigla tuwing umaga?

03:13.833 --> 03:15.625
Valeria, aalis na kami.

03:19.125 --> 03:20.166
Vale?

03:22.166 --> 03:23.791
-Vale?
-O?

03:24.375 --> 03:25.541
-Tawag mo 'ko?
-Oo.

03:27.500 --> 03:33.375
Aalis na kami. Tumawag si Maria.
Gagala raw kami.

03:33.458 --> 03:35.416
Pupunta kami sa bahay
kung saan ako lumaki.

03:35.500 --> 03:36.500
Ayos 'yon.

03:36.583 --> 03:38.166
Ayos? Ewan ko.

03:38.250 --> 03:40.208
Sasama si Libero, kaya okay din.

03:40.291 --> 03:42.375
Magla-lunch kami ng tatay ko.

03:42.458 --> 03:43.458
Ah.

03:43.541 --> 03:47.833
Oo, mga anim na buwan
na kaming di nag-uusap.

03:47.916 --> 03:50.625
Kagabi, tinawagan niya ako,
at sobrang saya ko.

03:50.708 --> 03:53.125
Bakit ilang buwan na kayong di nag-uusap?

03:53.208 --> 03:55.625
Di kami magkasundo.

03:55.708 --> 03:57.875
Sundalo ang tatay ko, istrikto.

03:58.875 --> 04:01.541
Minalas siya at nagkaanak siya
na gaya ko at…

04:01.625 --> 04:03.833
Mula nang mamatay ang ate ko,

04:03.916 --> 04:05.625
lalong lumala.

04:05.708 --> 04:08.041
Siya na ang nag-aalaga sa pamangkin ko.

04:08.125 --> 04:12.083
Parang inagaw niya sa akin.
Miss na miss ko na siya.

04:13.791 --> 04:15.250
Ngayon mo lang nakuwento 'to.

04:15.333 --> 04:18.458
-Di ka naman nagtanong.
-Di ako nagtanong sa 'yo?

04:18.541 --> 04:21.583
Okay. Baka ngayon ko lang din

04:21.666 --> 04:24.375
nalamang kaya akong sorpresahin
ng tatay ko.

04:24.458 --> 04:25.541
Di nagbabago ang tao.

04:25.625 --> 04:28.583
Grabeng optimism naman 'yan sa umaga.

04:28.666 --> 04:30.583
-Totoo. Hindi…
-Puwes…

04:30.666 --> 04:31.583
Tito!

04:32.416 --> 04:34.291
-Mamaya na lang ulit?
-Sige.

04:34.375 --> 04:35.791
-Sige, bye.
-Bye.

04:42.666 --> 04:44.458
-Deme.
-Ayaw bumaba ni Libero.

04:44.541 --> 04:45.583
Di ko napilit.

04:45.666 --> 04:46.833
Sabi na, e.

04:48.000 --> 04:49.000
Sorry.

04:50.541 --> 04:52.541
Sige, i-postpone natin 'to.

04:52.625 --> 04:56.083
Hindi. Walang magpo-postpone.

04:57.125 --> 04:58.583
Pwede kong subukan?

04:58.666 --> 05:00.541
Wala ka ring magagawa.

05:00.625 --> 05:03.833
"Wala ka ring…". Five minutes.
Nandito na din tayo.

05:03.916 --> 05:05.541
-Sige na.
-Pwede? Okay.

05:06.916 --> 05:08.708
-Libero!
-Diyos ko.

05:09.708 --> 05:11.875
Nagkasundo tayong di siya sasama.

05:11.958 --> 05:13.625
Wag n'yo 'kong tingnan. Di ako.

05:14.500 --> 05:15.541
Ba't mo sinama?

05:15.625 --> 05:18.333
-"Sinama?" Di naman siya aso.
-Di ito 'yong pinagkasunduan.

05:18.416 --> 05:21.708
Pupuntahan natin 'yong lumang bahay.

05:21.791 --> 05:23.916
Siyempre, sasama 'yon si Gaetano.

05:24.000 --> 05:26.250
-Tama siya.
-Di mo ba gets, Mari?

05:26.333 --> 05:28.583
Akala niya, magkakabalikan pa sila.

05:28.666 --> 05:32.250
Vale, para kang ahas.
Laging may lason 'yang sinasabi mo.

05:32.333 --> 05:34.208
Wag kang sasagot.

05:34.291 --> 05:37.958
Basta, Mari, walang may gustong
sumama siya.

05:38.041 --> 05:41.166
Si Gaetano lang ang masaya.
Ipagpasadiyos na lang natin 'to.

05:41.250 --> 05:45.125
Konting enthusiasm naman sana.

05:45.208 --> 05:47.875
Pwede ba 'yon? Wag n'yo 'kong iwan sa ere.

05:47.958 --> 05:50.291
Enthusiastic kami, Mari.

05:50.375 --> 05:52.875
Pero tandaan mo, kung di sasama si Libero,

05:53.416 --> 05:54.666
kanselado ang trip.

05:54.750 --> 05:57.458
Excuse me,
pero sinusubukan naman ni Maria.

05:57.541 --> 05:59.166
Baka mali.

05:59.250 --> 06:01.708
Pero konting positivity naman sa kanya.

06:02.291 --> 06:05.125
-Magpakapositibo tayo.
-Tumawa naman tayo, Lucia.

06:05.208 --> 06:06.791
-Ikaw lang nakaka-gets.
-Apo!

06:06.875 --> 06:09.083
-Hi.
-Libero! Hi.

06:09.166 --> 06:10.458
-Hi, Libero.
-Uy.

06:12.291 --> 06:15.041
-Libero.
-Paano mo siya nakumbinsi?

06:17.791 --> 06:20.333
Gusto mong malaman ang totoo?

06:20.416 --> 06:22.416
Ang dami n'yo kasing sinasabi.

06:22.500 --> 06:23.625
Sobra.

06:24.208 --> 06:26.208
-Blah blah.
-Diyos ko, Gaetano.

06:26.291 --> 06:27.916
Nakakainis ka. Ano'ng ginawa mo?

06:28.000 --> 06:29.500
Pumayag siya.

06:30.000 --> 06:32.916
Ayun. Nagkasundo kami sa 57 euros.

06:33.875 --> 06:35.666
Uy! Isandaan nga dapat, e.

06:36.708 --> 06:38.083
Tara na!

06:43.625 --> 06:45.000
May cassette do'n.

06:45.083 --> 06:46.375
Ano 'yong cassette?

06:46.458 --> 06:49.625
Rectangle tape na pinapakinggan namin
bago magka-CD.

06:49.708 --> 06:51.125
Dinala ko rin 'to,

06:51.208 --> 06:53.833
para kung makita natin,
mapapakinggan natin.

06:54.791 --> 06:56.916
Kasi nalilito tayo sa panahong 'to.

06:58.041 --> 07:01.458
At sana magdala ito
ng kapayapaan sa 'ting lahat.

07:01.541 --> 07:03.541
-Mangyari nawa ang kalooban niya.
-Amen.

07:03.625 --> 07:04.875
Amen.

07:04.958 --> 07:06.041
Sige, tatahimik na ako.

07:07.458 --> 07:08.750
Bakit ka pumunta?

07:08.833 --> 07:10.375
Kasi inaya ako ni Maria.

07:10.958 --> 07:12.458
Nasa Spain ba 'yong bahay mo?

07:12.541 --> 07:14.333
Wala akong bahay.

07:14.416 --> 07:15.958
Wala kang bahay?

07:17.958 --> 07:21.083
Hindi. Pwede kang mabuhay sa kalsada.

07:21.958 --> 07:27.000
Nando'n pa 'yong kinalakhan kong bahay.
Nakatira do'n ang nanay ko, sa Barcelona.

07:27.083 --> 07:31.333
-Two years ko na siyang di nakikita.
-Teka, two years na kayong di nagkikita?

07:31.416 --> 07:33.791
Oo. Di naman gano'n ka-weird.

07:33.875 --> 07:35.041
Weird para sa 'kin.

07:35.875 --> 07:40.041
So, sa Italy,
lagi n'yong kasama ang pamilya n'yo.

07:40.125 --> 07:43.083
Pero sa ibang bansa,
maagang umaalis ang mga anak.

07:43.166 --> 07:47.166
Saka mahilig din kayo sa bahay.

07:47.250 --> 07:48.708
Ayokong bumili ng bahay.

07:48.791 --> 07:50.375
Sang-ayon ako kay Paul.

07:50.458 --> 07:52.041
-Pau.
-Pau.

07:52.666 --> 07:55.208
Pang-Italian lang
'yong pressure ng pamilya.

07:55.291 --> 07:57.208
Aminin na natin.

07:57.291 --> 07:59.208
Parang Scandinavian ang puso ko.

07:59.291 --> 08:01.708
-Scandinavian ang puso mo?
-Mula Oslo.

08:02.625 --> 08:04.083
Tumigil ka nga.

08:40.458 --> 08:41.541
Bakit?

08:43.000 --> 08:44.750
Grabe, Lucia.

08:46.833 --> 08:48.166
Di ko inasahan 'to.

08:51.416 --> 08:52.833
Dahan-dahan lang.

08:56.750 --> 08:58.208
Maria, dahan-dahan.

09:00.333 --> 09:01.583
Cute, di ba?

09:04.041 --> 09:05.916
May mga agiw pa.

09:06.000 --> 09:07.333
Wow, 'yong fireplace.

09:08.583 --> 09:10.375
Ma, naalala mo 'yong paniki?

09:10.458 --> 09:12.375
Diyos ko. Sino'ng makakalimot do'n?

09:12.458 --> 09:16.000
Tumakbo ako palabas habang buhat ka,
sumisigaw na parang baliw.

09:16.083 --> 09:17.125
Nando'n din si Papa?

09:17.208 --> 09:18.708
Oo, nandoon din si Faustino.

09:18.791 --> 09:21.958
Si Gaetano lang ang wala.
As usual. Tama, Gaetano?

09:22.041 --> 09:23.166
Ano?

09:25.208 --> 09:26.250
Ano 'yon?

09:28.541 --> 09:29.791
Pa'no ka nakapasok?

09:29.875 --> 09:32.666
Excuse me. Bukas sa likod.

09:32.750 --> 09:33.875
At may mga daga.

09:33.958 --> 09:36.958
Tama na. Kung may mga daga,
di na 'ko papasok diyan.

09:37.041 --> 09:40.416
Hindi, Demetrio, maliliit na daga.
Mga dagang-bukid.

09:40.500 --> 09:41.500
Siyempre.

09:41.583 --> 09:44.583
Sanay ka sa buwaya at di ka takot sa daga.

09:44.666 --> 09:46.833
Takot ako, aalis na 'ko. Ingat kayo. Bye.

09:46.916 --> 09:49.583
-Ang babaw.
-Nagseselos lang 'yan.

09:49.666 --> 09:51.583
Sanay ka talaga sa buwaya?

09:51.666 --> 09:53.625
Sa'n tayo pupunta? May mga daga.

09:53.708 --> 09:55.000
Dehado ka, Demetrio.

09:55.083 --> 09:56.083
Ano?

09:56.166 --> 09:57.958
Ibang level 'yong Iberian.

09:58.041 --> 10:00.333
Alam ko, pero ano'ng paki ko?

10:00.416 --> 10:03.291
Likable ka naman. Baka may tsansa ka pa.

10:03.875 --> 10:05.416
Demetrio! Halika na.

10:05.500 --> 10:07.500
Maghati tayo sa dalawang grupo.

10:07.583 --> 10:10.458
Kami ni Demetrio, Pau, at Maria. Tara.

10:10.541 --> 10:13.458
-Iiwan mo 'ko sa kanya, Ma?
-Oo. Tara na.

10:13.541 --> 10:15.583
-Mari!
-Saan ka pupunta?

10:22.125 --> 10:24.083
Diyos ko.

10:29.083 --> 10:30.083
Mag-ingat ka.

10:30.166 --> 10:32.583
Guys, diyan lang kayo. Delikado.

10:32.666 --> 10:34.708
-Hindi.
-Bakit pa kami nandito?

10:34.791 --> 10:37.458
Hayaan mo sila.
Tatlong henerasyon ang nakapila, o.

10:37.541 --> 10:39.791
Maganda 'yong emosyon dito.

10:39.875 --> 10:40.833
Ito ang buhay.

10:41.750 --> 10:43.291
-Hala. Diyos ko…
-Buwisit…

10:43.375 --> 10:46.041
Ingat ka, baka mamatay ka.

10:46.125 --> 10:47.875
-Itigil mo 'yan.
-Wish mo lang, 'no?

10:49.000 --> 10:50.833
Walang tape dito.

10:58.583 --> 11:00.833
Lieutenant Ciaramitano! Mag-ingat ka.

11:00.916 --> 11:02.250
Yes, sir.

11:07.208 --> 11:10.500
Akin na 'tong flashlight. Wag kayong
hahawak kahit saan, ma-tetano kayo.

11:10.583 --> 11:14.458
-Mari, wag kang tumigil.
-Nahihilo ako, sorry.

11:14.541 --> 11:16.541
-Ha?
-Nahihilo ako.

11:16.625 --> 11:17.916
-Maria, okay ka lang?
-Mm.

11:18.000 --> 11:20.041
-Sigurado ka?
-Okay lang ako.

11:20.125 --> 11:21.916
-Ako na'ng bahala.
-Medyo nahihilo ako.

11:22.000 --> 11:23.375
Baka claustrophobic siya.

11:23.458 --> 11:26.125
-Ewan ko.
-Di siya claustrophobic.

11:26.750 --> 11:27.750
-Hindi.
-Okay.

11:27.833 --> 11:30.666
Baka bumaba ang BP mo? Nag-almusal ka ba?

11:30.750 --> 11:33.500
-Kumain ka ba bago pumunta dito?
-Oo.

11:34.916 --> 11:36.625
Mahal, sabihin na kaya natin?

11:37.208 --> 11:38.791
-Wag.
-Nag-aalala sila.

11:38.875 --> 11:40.541
Malalaman din nila.

11:40.625 --> 11:43.208
-Guys, ano'ng nangyayari?
-Wala.

11:43.291 --> 11:45.416
Pero magandang bagay 'to.

11:45.500 --> 11:46.416
Buntis ka.

11:48.375 --> 11:49.458
Oo.

11:50.083 --> 11:51.250
Hindi!

11:53.083 --> 11:54.208
Mari, buntis ka?

11:55.958 --> 11:58.916
Bakit ka umiiyak?

11:59.000 --> 12:01.375
Maganda nga 'to.

12:06.500 --> 12:07.708
Pau!

12:08.791 --> 12:10.041
Kudos, Maria.

12:10.125 --> 12:11.708
Wag kang mag-"kudos."

12:11.791 --> 12:13.125
Ano'ng sasabihin ko?

12:13.208 --> 12:14.416
Ewan ko.

12:16.333 --> 12:18.166
Pero payakap.

12:28.166 --> 12:29.458
Diyan lang kayo!

12:30.791 --> 12:32.041
Wow!

12:42.916 --> 12:44.000
Wow.

12:52.166 --> 12:56.583
PARA SA MATANDANG FAUSTO

13:01.791 --> 13:02.875
Ano'ng nakasulat?

13:03.625 --> 13:05.333
"Para sa matandang Fausto."

13:24.666 --> 13:25.958
Ipe-play ko na?

13:35.166 --> 13:36.166
Sige.

13:43.041 --> 13:46.791
Hi. Ako si Fausto Ciaramitano,
nine years old.

13:46.875 --> 13:49.833
Para 'to sa matandang Fausto.

13:49.916 --> 13:53.833
Gusto kong sabihin sa 'yo
ang lahat ng gusto kong mangyari sa 'kin.

13:54.666 --> 13:57.125
Sana hiwalay na sina Mama at Papa,

13:57.208 --> 13:59.583
kasi lagi silang nag-aaway at ayoko no'n

13:59.666 --> 14:02.291
kapag nagsisigawan at nagbabatuhan sila.

14:02.375 --> 14:05.750
Kahit ngayong malapit nang
ipanganak ang kapatid ko,

14:05.833 --> 14:08.458
pero di pa namin alam 'yong pangalan.

14:09.291 --> 14:11.666
Gusto ko siyang tawaging Valerio.

14:13.666 --> 14:17.458
Kagabi, narinig ko silang
nag-aaway at nagsisigawan.

14:17.541 --> 14:20.375
Nagalit si Papa kay Mama at sinabing,

14:20.458 --> 14:22.958
"May iba kang lalaki!
Magsabi ka ng totoo!"

14:23.041 --> 14:27.666
Kaninang umaga, sabi ni Mama,
maraming sinasabing kung ano-ano si Papa,

14:27.750 --> 14:29.666
pero mahal pa rin niya siya.

14:29.750 --> 14:33.541
Naniniwala ako sa kanya,
kasi laging nagsasabi ng totoo si Mama.

14:43.250 --> 14:46.500
Sana magkaro'n ka ng magandang pamilya,

14:46.583 --> 14:48.916
sana mapuno ng mga kaibigan ang bahay mo,

14:49.000 --> 14:51.250
na iniisip na mabuti kang tao

14:51.333 --> 14:53.166
at di ka nagnanakaw ng pera.

14:54.375 --> 14:56.750
May payo ako sa 'yo, matandang Fausto.

14:56.833 --> 15:01.333
Para maging masaya,
isipin mo muna ang sarili mo.

15:01.416 --> 15:04.583
Lagi kong iniisip
kung paano pasasayahin ang iba,

15:04.666 --> 15:06.500
pero di naman gumagana

15:06.583 --> 15:09.375
kasi malungkot ako ngayon.

15:10.541 --> 15:13.333
Makinig ka, para maging masaya
ang pamilya mo,

15:13.416 --> 15:16.916
kailangan mo munang maging masaya.

15:17.000 --> 15:19.416
Minsan, kailangan mong maging makasarili,

15:19.500 --> 15:22.750
at wag laging isipin ang iba
tulad ng ginagawa ko.

15:24.000 --> 15:27.166
Bye, Fausto.
Matagal pa bago tayo mag-usap,

15:27.250 --> 15:31.250
dahil sana mabuhay ka pa
nang 74 years o higit pa.

15:42.875 --> 15:44.708
Okay. Pagbalik natin sa Rome,

15:44.791 --> 15:47.791
kakain kami ng mga bata
ng pinakamasarap na burger sa capital.

15:47.875 --> 15:49.750
Hindi, sir, hindi ako kakain.

15:49.833 --> 15:51.791
At di ko iiwan ang mga bata.

15:51.875 --> 15:54.083
Pagod kami at matutulog na kami.

15:54.166 --> 15:56.500
-Bakit?
-Dahil nagdesisyon na ako.

15:56.583 --> 15:57.708
Kung pwede lang…

15:57.791 --> 15:59.583
Hindi pwede. Di ikaw ang magdedesisyon.

15:59.666 --> 16:02.166
Bakit, tito?
Di naman kami bibili ng drugs.

16:02.250 --> 16:05.166
Saktong hyperbole 'yan.

16:05.250 --> 16:08.416
Vale, wag kang mag-alala.
Sasama ako sa kanila.

16:09.208 --> 16:10.458
Ah.

16:21.875 --> 16:23.000
Kumusta?

16:26.458 --> 16:29.083
Narinig ko 'yong boses ng anak ko at…

16:29.708 --> 16:32.625
ngayon, parang may nakabara
sa lalamunan ko na di mawala-wala.

16:34.375 --> 16:36.541
May nakabara din sa lalamunan ko.

16:36.625 --> 16:38.166
Pero iba 'to.

16:39.125 --> 16:40.791
Pero bara pa rin.

16:41.625 --> 16:43.500
May sasabihin ka ba sa akin?

16:43.583 --> 16:44.750
Mm.

16:48.625 --> 16:50.000
Tama na, okay?

16:51.583 --> 16:53.208
Sobra ka namang mag-react.

16:53.291 --> 16:55.791
-Sobra, ako?
-E, di ako na lang.

16:56.333 --> 16:58.750
Ano'ng problema, Maria? Ha?

16:58.833 --> 17:00.208
Di nila dapat malaman?

17:00.291 --> 17:01.750
Puwes, sorry,

17:01.833 --> 17:05.541
pero akala ko good news 'yon
na dapat sabihin sa pamilya. Sorry.

17:05.625 --> 17:08.250
Di pwedeng ako ang magdesisyon
kung ano'ng sasabihin ko?

17:08.333 --> 17:10.291
Maria, ayokong makipag-away.

17:10.375 --> 17:13.125
Kung mali ako para sa 'yo,
alam mo? Tama ka.

17:13.208 --> 17:16.208
-Sige, tratuhin mo 'kong tanga!
-Di ako gano'n sa 'yo.

17:16.291 --> 17:19.041
Tuwing nagsasalita ako,
parang lagi akong mali.

17:19.125 --> 17:22.291
Di ko alam ang gagawin.
Di mo pansing di na 'to nagwo-work?

17:22.375 --> 17:24.250
Na wala 'kong place dito?

17:25.500 --> 17:26.666
Alam mo?

17:27.583 --> 17:31.000
Tama ka. Mas maiging
di tayo mag-usap ngayong gabi.

17:33.541 --> 17:34.375
Maria.

17:35.291 --> 17:36.333
Maria!

17:41.166 --> 17:42.875
-Eto.
-Salamat, Valeria.

17:42.958 --> 17:44.083
-Walang anuman.
-Salamat.

17:45.708 --> 17:49.166
Ang kalayaan, guys,
ang pundasyon ng demokrasya.

17:49.750 --> 17:51.833
-Magandang premise, di ba?
-Totoo!

17:51.916 --> 17:55.625
At kahit mga batang tulad n'yo
ay may kalayaang pumili.

17:55.708 --> 17:58.916
Ngayon, parang sobra-sobra
na nga, e. Pero…

17:59.000 --> 18:02.541
May anarkiya din,
demokrasyang walang batas.

18:02.625 --> 18:05.541
-Na may interesting sides din.
-Totoo.

18:05.625 --> 18:07.166
Pero di tayo gano'n.

18:07.250 --> 18:09.708
-Di natin kailangan no'n.
-Ano'ng sinasabi mo?

18:11.083 --> 18:12.291
Gets ko na.

18:12.791 --> 18:14.583
Gusto niyang umuwi tayo.

18:14.666 --> 18:17.291
Hindi. Ercoli, wala sa lugar 'yon,

18:17.375 --> 18:20.750
kundi sa pagsasama n'yong dalawa
sa iisang lugar.

18:20.833 --> 18:22.750
'Yon ang gusto ng tatay n'yo.

18:22.833 --> 18:26.250
Lagi niyang sinasabing dapat naming
gawin ang lahat para sumaya.

18:26.333 --> 18:27.583
Tama ang papa n'yo.

18:27.666 --> 18:31.333
-Gaetano, wag mong simulan.
-Ikaw rin!

18:31.416 --> 18:34.333
Kailangan ng konting anarkiya sa buhay.

18:34.416 --> 18:36.750
Rhyme ang anarkiya at masaya,
tandaan n'yo 'yan.

18:36.833 --> 18:39.416
-Ang batas, rhyme sa…
-Wala.

18:39.500 --> 18:40.416
Sa ungas.

18:40.500 --> 18:43.083
-Matalino ka, ha?
-Hay.

18:43.166 --> 18:44.291
Ercoli.

18:46.208 --> 18:48.666
Ano'ng makapagpapasaya sa 'yo?

18:49.625 --> 18:52.250
Gusto kong magsama-sama tayo
sa isang bahay.

18:52.333 --> 18:54.166
E, di lumaban ka, Ercolino.

18:54.250 --> 18:56.416
Ipaglaban mo ang gusto mo.

18:56.500 --> 18:59.416
Lumaban ka na parang mandirigma. Kuha mo?

18:59.500 --> 19:00.458
-Opo.
-Ha?

19:00.541 --> 19:01.916
Patingin nga ng mandirigma.

19:04.083 --> 19:05.583
Nakakatawa naman 'yan.

19:09.916 --> 19:11.666
At ikaw, Libero?

19:12.166 --> 19:15.291
Gusto mong mag-stay sa foster home?
Gusto mo ba do'n?

19:16.458 --> 19:17.916
Uy, sabihin mo lang.

19:19.583 --> 19:20.416
Uy.

19:21.833 --> 19:23.041
Okay lang.

19:24.125 --> 19:25.291
Opo.

19:25.375 --> 19:27.250
O? E, di mag-stay ka do'n.

19:27.333 --> 19:29.708
Wag mong isipin 'yong iba.

19:29.791 --> 19:33.041
Ito ba ang magpapasaya sa 'yo?
Ipaglaban mo 'yon.

19:35.333 --> 19:36.750
Sabi nga ng tatay mo.

19:36.833 --> 19:39.000
Hindi po, ayoko do'n.

19:39.708 --> 19:42.166
Kung gano'n, alam mo?

19:43.916 --> 19:47.000
Di agad natin naiintindihan
ang lahat sa buhay, okay?

19:47.083 --> 19:51.250
Kung ano'ng nagpapasaya sa atin
at kung ano'ng hindi. Matagal 'yon.

19:51.958 --> 19:55.541
Wag kang magmadali.
Bata ka pa. Marami ka pang oras.

19:58.083 --> 19:59.166
Cheers.

20:01.166 --> 20:02.833
-Cheers, Gaetano.
-Cheers!

20:02.916 --> 20:05.791
Liberté! Égalité!

20:05.875 --> 20:09.083
-Fraternité! Magaling! Nakuha niya.
-Fraternité!

20:09.166 --> 20:12.083
-Size 43 ang sapatos ko. Ikaw?
-38.

20:12.166 --> 20:13.500
Thirty-eight.

20:15.208 --> 20:18.583
Forty-three at thirty-eight.

20:18.666 --> 20:22.500
-Salamat, ang bait mo.
-Walang anuman.

20:23.166 --> 20:24.958
Six euros, Marco.

20:25.041 --> 20:25.958
Ah.

20:26.041 --> 20:28.458
-Uy.
-May trabaho ka na, makakapagbayad ka na.

20:28.541 --> 20:31.541
-Oo. May trabaho na 'ko.
-Pakisabi sa mama mo, "Hi" 'ka mo.

20:32.583 --> 20:34.250
-Kumusta?
-Di ako makalaro.

20:34.333 --> 20:35.708
-Ito.
-Alam ko, pero…

20:37.541 --> 20:38.541
Mm.

20:41.750 --> 20:44.000
-Hi.
-Naka-strike ka.

20:44.083 --> 20:45.541
Di kasingsama ng dati.

20:45.625 --> 20:47.291
Ihagis mo at mag-strike ka.

20:52.041 --> 20:53.875
Wala ka bang itatanong sa 'kin?

20:55.666 --> 20:56.750
Ano'ng itatanong ko?

20:57.583 --> 20:59.083
Para kasi akong…

21:00.000 --> 21:03.375
Para 'kong baso ng gatas,
para 'kong walang buhay sa 'yo.

21:03.916 --> 21:06.208
-Hindi, wag kang tumawa.
-Vale, ano'ng problema?

21:06.291 --> 21:09.583
Humihinga ako. Tao ako.
Hindi ako baso ng gatas.

21:09.666 --> 21:11.833
Gets ko. Ano'ng ibig sabihin no'n?

21:11.916 --> 21:13.250
Tumawag ka. Pa'no 'to?

21:13.333 --> 21:15.708
Ibig sabihin, nagkita rin kami ng ama ko.

21:16.916 --> 21:18.208
Wala kang pakialam.

21:18.916 --> 21:20.375
Hindi, hindi 'yan totoo.

21:22.125 --> 21:23.416
Gago.

21:23.500 --> 21:24.583
Valeria.

21:37.458 --> 21:38.458
Uy…

21:38.958 --> 21:40.416
Valerio…

21:42.250 --> 21:48.083
Wala akong hinihingi sa 'yo.
Pinapatira kita, pinapakain, pero…

21:49.000 --> 21:52.041
Pucha, puwede mo naman akong kumustahin.

21:52.125 --> 21:53.708
Alam ko, Vale. Sorry.

21:54.500 --> 21:57.500
Kailangan mong matutuhang
minsan, kulang ang sorry.

21:59.166 --> 22:00.708
Minsan, di na sapat 'yon.

22:01.541 --> 22:03.791
Sawang-sawa na 'kong

22:03.875 --> 22:07.208
tratuhing parang walang silbi. Kuha mo?

22:08.041 --> 22:09.708
-Kuha ko, Valeria.
-Mm.

22:09.791 --> 22:13.875
Naiintindihan kita.
Ganiyan din ang lagi nilang trato sa 'kin.

22:13.958 --> 22:16.750
Anong klaseng pangangatwiran 'yan?

22:17.333 --> 22:18.250
Ipaliwanag mo.

22:20.916 --> 22:23.625
-Gusto mong malaman ang nangyari?
-Pangit.

22:30.375 --> 22:31.625
Sorry.

22:32.291 --> 22:34.916
Alam ko, kuha ko,
pero wag mo nang sabihin.

22:35.000 --> 22:36.083
Sige.

22:36.875 --> 22:38.083
Gusto ba nating…

22:40.625 --> 22:41.791
tumahan na?

22:53.833 --> 22:55.166
Ano'ng gusto nating gawin?

22:55.875 --> 22:57.375
Magtalik tayo.

23:03.125 --> 23:04.333
Ano'ng ibig mong sabihin?

23:04.416 --> 23:07.791
Tulad noong una tayong nagkita.

23:13.666 --> 23:16.291
Iba 'yong una tayong magkita.

23:16.958 --> 23:19.791
Ayaw nating mag-isip ng kahit ano.

24:04.875 --> 24:06.208
Medyo maalat.

24:54.291 --> 24:56.916
Gano'n ako. Ayoko ng kompetisyon.

24:57.000 --> 24:58.208
Anong kompetisyon?

24:58.291 --> 25:01.125
Pag nandiyan siya, para 'kong
nakikipaglaban. At hinuhusgahan.

25:01.208 --> 25:05.083
Ah, so parang ako ang prey?
Nag-aagawan kayo sa babae, gano'n?

25:05.166 --> 25:07.833
Hindi ako gano'n.
Alam mo 'yon at alam ko rin.

25:07.916 --> 25:11.208
Ang dami mong alam, Sergio.
Alam mo 'to, alam mo 'yan.

25:11.291 --> 25:13.875
At alam kong ayaw mo akong isama kanina.

25:13.958 --> 25:16.791
-At may ibig sabihin 'yon sa akin.
-Ano?

25:20.416 --> 25:24.916
Sa isip mo, di talaga ako parte
ng pamilyang 'to.

25:30.583 --> 25:32.916
Ang OA mo, Sergio.

25:33.000 --> 25:36.291
Ginawa ko lang 'yon
para di ka maabala, 'yon lang.

25:36.375 --> 25:37.791
-Maabala?
-Oo.

25:37.875 --> 25:38.916
Maabala?

25:39.000 --> 25:40.000
Mm.

25:49.791 --> 25:50.875
Nandito na kami.

25:50.958 --> 25:51.958
Nakauwi na 'ko.

25:52.041 --> 25:54.583
Buti naman, apo.

25:54.666 --> 25:57.375
Salamat sa kanya. Nag-behave siya.

25:58.916 --> 26:00.333
Nabalik ko na 'yong isang apo.

26:00.416 --> 26:02.583
Sa mga susunod na araw, 'yong isa naman.

26:02.666 --> 26:05.250
Sergiolino, good evening.

26:05.333 --> 26:07.208
-Good evening.
-Ano'ng ginagawa mo?

26:07.291 --> 26:08.958
-Uuwi na ako.
-Bakit?

26:09.041 --> 26:12.666
-Ayoko nang mag-stay dito.
-E, di umuwi ka na.

26:12.750 --> 26:15.500
-Ang ganda niya kapag galit.
-Hindi ako galit.

26:15.583 --> 26:16.750
Tumahimik ka na.

26:16.833 --> 26:20.041
Oo, kaya nga tayo nagkagustuhan.

26:21.666 --> 26:24.500
-Imposible.
-Kung dahil lang dito, aalis ka,

26:24.583 --> 26:26.708
gusto mo talagang umalis, Sergio.

26:26.791 --> 26:29.708
Lucia, inaamin ko.
Di ko kinakaya 'yang ex mo.

26:29.791 --> 26:31.916
-Ayoko sa kanya.
-Sige.

26:32.875 --> 26:34.041
Umuwi ka na. Sige.

26:35.416 --> 26:36.666
-Aalis na ako.
-Hmm.

26:42.125 --> 26:43.833
Pero wag ka nang babalik.

26:47.000 --> 26:49.625
Di na ako babalik, Lucia. Di na.

27:06.500 --> 27:09.041
Dalawang bagay lang
ang nagbibigay sa 'kin ng kapayapaan.

27:09.125 --> 27:11.541
Sabihin nating alam ko na 'yong isa.

27:11.625 --> 27:13.791
'Yong isa, pagsasayaw.

27:16.416 --> 27:17.958
Di kita matutulungan diyan.

27:18.041 --> 27:19.916
-Hindi?
-Di ako sumasayaw.

27:20.000 --> 27:22.666
Kailangan mo pa rin ng tutulugan.

27:23.458 --> 27:25.916
Oo, kahit ilang araw.

27:26.000 --> 27:28.125
Kailangan ko ng kapalit.

27:28.208 --> 27:31.583
Nakakaabala ba ako?
Kung oo, aalis na ako ngayong gabi.

27:31.666 --> 27:33.833
-Hindi.
-Wag kang mag-alala, sabihin mo lang.

27:33.916 --> 27:35.000
Hindi, dito ka lang.

27:36.125 --> 27:37.125
Pero sumayaw ka.

27:37.208 --> 27:40.166
-Vale, di ako marunong.
-Sayaw ka. Samahan mo 'ko.

27:40.250 --> 27:42.166
-Sige na.
-Vale, di ako marunong.

27:42.250 --> 27:45.458
And hop, hop, hop, olé, olé, olé.
Nagsasayaw na tayo.

27:45.541 --> 27:47.666
-Baliw ka! Ano'ng sinasabi mo?
-Tara na!

27:47.750 --> 27:49.000
Dapat matuto ka.

27:49.083 --> 27:51.208
At sasali rin tayo. Oo!

27:51.291 --> 27:53.333
-Tara na.
-Baliw ka talaga.

27:53.416 --> 27:55.250
Halika na, gagawin ko lahat.

27:55.333 --> 27:58.083
Simple lang. Di ka mag-aaral masyado.

27:58.166 --> 27:59.708
Tuturuan kita, magaling ako.

27:59.791 --> 28:02.583
Kaya ko 'yon. Mga isang buwang
rehearsals lang?

28:02.666 --> 28:06.083
-Vale, para 'kong tanga.
-Vale, sige na.

28:06.166 --> 28:08.083
Di natin kailangang manalo.

28:08.166 --> 28:11.125
May patutunayan lang ako.

28:11.208 --> 28:13.666
Wala kang kailangang
patunayan kahit kanino.

28:13.750 --> 28:14.750
Pero…

28:15.250 --> 28:18.500
Alam kong makakatulong 'to sa 'kin. Okay?

28:18.583 --> 28:21.916
Kung ayaw mo, ayan ang pinto.
Matulog ka sa sasakyan.

28:22.000 --> 28:23.250
Walang problema.

28:23.958 --> 28:25.041
Sige, sayaw na tayo.

28:25.833 --> 28:28.125
Nakatingkayad ako kasi 'yong sapatos…

28:28.208 --> 28:29.916
-Gets.
-…may heels.

28:30.916 --> 28:33.958
Makinig ka. 'Yong paa na nagta-tap,
'yon 'yong gagalaw ulit.

28:34.041 --> 28:35.166
Pa'no 'yon?

28:35.833 --> 28:39.916
One, two, three, four, balik. Magaling.

28:40.916 --> 28:41.958
-One…
-'Yong tuhod ko!

28:42.041 --> 28:43.583
-'Yong paa ko!
-Aray!

28:43.666 --> 28:45.375
-Pero…
-Sorry.

28:45.458 --> 28:46.291
Ulit.

28:49.458 --> 28:50.583
Sorry.

28:57.083 --> 28:58.750
Init tayo ng cordon bleu?

29:02.458 --> 29:03.750
Ano…

29:06.916 --> 29:08.083
Ano'ng ginagawa mo?

29:09.583 --> 29:11.833
May nakita akong ticket para bukas.

29:12.708 --> 29:16.041
Mas mabuti siguro
kung sa Spain muna 'ko nang ilang araw.

29:16.791 --> 29:18.750
Maria, may gagawin ka pa rito.

29:19.708 --> 29:21.541
At nakakaistorbo lang ako.

29:21.625 --> 29:22.625
Hindi totoo 'yan.

29:22.708 --> 29:23.750
Totoo 'yon.

29:25.875 --> 29:30.333
Mahahanda ko 'yong mga gamit natin
do'n sa Barcelona.

29:31.041 --> 29:33.000
Mag-trial period tayo.

29:33.833 --> 29:38.125
At kung ayaw mo,
mag-usap tayo kung sa'n lalaki ang bata.

29:39.958 --> 29:42.916
-Sabihin mong di ka aalis dahil sa 'kin.
-Hindi.

29:44.750 --> 29:46.208
Hindi, tingnan mo ako.

29:46.291 --> 29:48.416
'Yong lahat kasi dito,

29:49.833 --> 29:51.583
itong pamilyang 'to,

29:52.625 --> 29:54.000
hindi para sa 'kin.

29:55.000 --> 29:58.458
Okay tayo noong tayo lang, Maria.

29:58.541 --> 29:59.541
Hindi dito.

30:01.583 --> 30:04.083
Di ko alam kung gusto ko
'yong sinasabi mo.

30:04.958 --> 30:06.166
Ako rin.

30:07.833 --> 30:08.833
Pero,

30:09.708 --> 30:12.708
sa tingin ko, ito ang pinakamabuti
para sa ating dalawa.

30:15.416 --> 30:17.750
Para mas makapag-relax ka,

30:18.583 --> 30:20.333
at matulungan mo lahat,

30:21.125 --> 30:23.416
na pinakagusto mong gawin sa mundo.

30:25.500 --> 30:28.208
Sigurado akong magiging masaya ka.

30:29.833 --> 30:30.916
Totoo.

30:39.125 --> 30:40.708
Nakatulog na siya.

30:40.791 --> 30:41.875
Magaling.

30:43.708 --> 30:45.333
Pasensiya na kanina.

30:46.291 --> 30:49.625
Nagbibiro lang ako para masaya.
Ano'ng magagawa natin?

30:50.458 --> 30:52.875
Di ko ginustong magkaganito.

30:53.625 --> 30:55.541
Ano ba'ng gusto mo?

30:55.625 --> 30:57.875
Wala ka namang nagawang mabuti, e.

31:17.958 --> 31:21.708
Hindi, Gaetano. Wag.

31:24.500 --> 31:26.416
Ano'ng ibig sabihin ng halik na 'yon?

31:29.291 --> 31:30.375
Wala, Lucia.

31:32.500 --> 31:34.291
Mga sandali ng kaligayahan.

32:10.708 --> 32:12.416
Napanaginipan ko 'yon kagabi.

32:14.500 --> 32:16.583
Fausto, ayokong maalala 'yon.

32:16.666 --> 32:18.541
Hindi, 'yong pangatlong anak.

32:18.625 --> 32:21.125
Nakita ko siya. Sa totoo lang…

32:21.958 --> 32:23.416
Nakita ko siya. Babae siya.

32:24.333 --> 32:26.000
Wag, Fausto, please.

32:26.083 --> 32:28.625
Kahit isang beses lang, pag-usapan natin.

32:28.708 --> 32:30.250
Pwede nating pag-usapan?

32:30.333 --> 32:33.541
Ang alin? Eighteen tayo no'n, mga bata pa.

32:33.625 --> 32:37.208
-Pa'no natin mapapalaki ang bata?
-Pero mairaraos natin 'yon.

32:37.291 --> 32:39.083
Tatlo na sana anak ko ngayon.

32:39.166 --> 32:41.041
Twenty na siya. Di ba?

32:41.125 --> 32:43.166
Bakit mo 'to ginagawa sa 'kin?

32:43.250 --> 32:46.208
Maria, kasi di mo mabubura
'yong mga 'yon. Okay?

32:46.291 --> 32:49.083
'Yong ospital, 'yong waiting room.

32:49.166 --> 32:52.916
Pumasok kang umiiyak
at lumabas kang high sa anesthesia.

32:53.000 --> 32:55.666
Tandang-tanda ko pa.
Ba't ko kakalimutan 'yon?

32:55.750 --> 32:59.333
Kung gusto mong alalahanin,
mag-isa ka. Ako, ayoko.

33:04.083 --> 33:05.958
Pero gusto mo bang magkaanak?

33:07.208 --> 33:08.416
Hindi sa 'yo.

33:09.083 --> 33:10.375
E, kanino?

33:11.125 --> 33:12.458
Wala.

33:13.875 --> 33:16.000
Wala akong maternal instinct.

33:17.083 --> 33:20.000
Natatawa ako pag naaalala ko
kung paano ka sa mga anak ko.

33:20.083 --> 33:21.500
-Paano?
-Oo.

33:21.583 --> 33:23.083
Fausto, di mo 'ko kilala.

33:23.166 --> 33:25.166
Wala kang alam.

33:25.250 --> 33:29.666
Totoo, pero at least di ako takot
na pag-usapan ang nakaraan.

33:29.750 --> 33:33.291
Di ko alam kung tama
na di ko itinuloy 'yong bata.

33:33.375 --> 33:35.041
Pero okay naman ako

33:35.125 --> 33:37.625
bago mo ulit ginulo lahat.

33:41.000 --> 33:43.416
Green ang mga mata niya sa panaginip ko.

33:44.083 --> 33:47.208
Anita ang pangalan niya.
Ang ganda-ganda niya.

33:47.291 --> 33:48.750
Sandali lang, please.

33:50.666 --> 33:52.666
Sige, tawagan mo 'ko paglapag mo.

33:52.750 --> 33:55.750
-Takot kang mag-crash 'yong eroplano?
-Hindi. Gano'n kasi talaga.

33:55.833 --> 33:58.083
Tawagan mo 'ko paglapag mo.
Italian lang ba 'yon?

33:58.166 --> 34:01.125
Maria, oo na. Biro lang.

34:01.708 --> 34:04.541
Tatawag ako kasi gusto ko talaga, okay?

34:04.625 --> 34:07.291
Wag na tayong mag-away, por favor.

34:08.083 --> 34:10.875
-Okay.
-Okay?

34:16.250 --> 34:17.500
Ingat sa biyahe.

34:35.041 --> 34:36.208
Good morning.

34:42.833 --> 34:44.291
Wala nang yogurt?

34:44.375 --> 34:46.083
Kinain ko 'yong huli.

34:49.166 --> 34:50.458
Sabi na, e.

34:50.541 --> 34:52.708
Sige, bibili ako sa baba.

34:52.791 --> 34:54.791
Wag na, Deme, okay lang.

34:56.750 --> 34:58.875
Hormonal swing ba 'yan?

34:59.750 --> 35:00.833
Oo.

35:01.541 --> 35:03.750
Hindi. Di ko alam.

35:06.875 --> 35:08.583
Gusto mo bang magbuntis?

35:08.666 --> 35:10.666
Anong klaseng tanong 'yan?

35:10.750 --> 35:13.708
Ewan ko. Oo nga.

35:15.750 --> 35:17.166
Di mo na mahal si Pau?

35:17.750 --> 35:19.208
Mahal ko si Pau.

35:19.291 --> 35:23.000
Bakit ka nagwawala ngayong umaga?

35:23.083 --> 35:24.083
Uminom ka ng kape.

35:25.416 --> 35:27.875
Sinusubukan kong maging masaya,
pero di ko kaya.

35:28.458 --> 35:31.916
Lahat ng pagsubok at effort ko,
lagi akong nahihirapan.

35:32.000 --> 35:34.708
-Laging may laban.
-Ano'ng ibig sabihin no'n?

35:36.333 --> 35:38.458
-Di ko alam kung kaninong anak 'to.
-Di sa 'yo?

35:38.541 --> 35:39.458
Tanga ka ba?

35:40.083 --> 35:41.625
Sa 'kin. Di ko alam kung kanya.

35:41.708 --> 35:42.666
Kay Pau?

35:43.458 --> 35:44.416
Oo, Deme.

35:44.500 --> 35:45.541
Wow.

35:46.708 --> 35:48.041
E, kanino 'yan?

35:50.125 --> 35:51.875
-Puwes…
-Ano?

35:51.958 --> 35:53.333
Sa…

35:55.041 --> 35:56.125
Hindi.

35:57.458 --> 35:59.208
Hindi. Nagbibiro ka ba?

35:59.291 --> 36:00.666
Hindi, Deme.

36:00.750 --> 36:02.250
Di ka nagbibiro?

36:06.416 --> 36:09.583
-Pero di ba may IUD ka no'ng…
-Oo, meron.

36:09.666 --> 36:13.000
-Di naman gumana.
-Ngayon mo lang sinabi?

36:15.083 --> 36:16.125
Grabe…

36:16.208 --> 36:17.958
Laging nahihirapan?

36:18.041 --> 36:20.291
Ang problema, sobrang gulo mo.

36:24.583 --> 36:27.000
Deme! Deme, sorry.

36:27.083 --> 36:28.125
Gago.

38:37.750 --> 38:41.458
Nagsalin ng Subtitle: J. Ignacio
sinabi?
