WEBVTT

00:15.083 --> 00:18.708
Sa 'yo ko iiwan ang phone ko, Deme.
May mga picture diyan,

00:18.791 --> 00:20.416
pati videos at voice messages.

00:20.500 --> 00:24.500
Pag napansin mong malungkot ang iba,
padalhan mo sila ng message ko.

00:25.291 --> 00:28.000
Siguruhin mong lagi silang magkasama,
gaya ng ginawa ko.

00:28.083 --> 00:29.791
Subukan mong maging ako.

00:29.875 --> 00:31.250
Alam kong mahirap.

00:31.333 --> 00:35.333
Alam kong pakiramdam mo, mahina ka.
Na di mo kaya nang wala ako.

00:35.416 --> 00:38.416
Pero hindi ko makakalimutan
'yong nangyari.

00:41.291 --> 00:43.208
Para sa 'yo 'yong memory number one.

00:44.125 --> 00:46.833
Mula 'yan noong araw
na minahal kita nang todo.

00:48.000 --> 00:49.958
Nasa Ercolano ka, sa bahay ng nanay mo.

00:51.791 --> 00:54.791
Inaayos mo 'yong tolda niya.
Nasa Rome ako no'n.

00:58.958 --> 01:04.291
Noong umagang nalaman kong
lalaki ang panganay ko…

01:09.416 --> 01:11.583
nahulog ka na pala sa balkonahe.

01:15.541 --> 01:16.375
Uy.

01:19.750 --> 01:21.250
-Dem?
-Mm?

01:23.041 --> 01:24.083
Natutulog ka ba?

01:24.666 --> 01:26.208
-Tarantado!
-Wag, Fausto, please…

01:26.291 --> 01:27.625
-Kakausapin ko siya.
-Fausto…

01:27.708 --> 01:28.833
Ano'ng ginawa mo?

01:28.916 --> 01:30.458
Nahulog ako, Fausto.

01:30.541 --> 01:33.791
"Nahulog ako." Di ka ba nahihiya?
Wag mo siyang pakinggan. Tumalon siya.

01:33.875 --> 01:35.666
-Hindi.
-Nabigla ang nanay mo.

01:35.750 --> 01:38.250
Ayaw nang magsalita ng mama mo.
Pipi na siya!

01:38.750 --> 01:41.791
Ganito. Pagkatapos nito,
sasama ka sa 'kin sa Rome.

01:41.875 --> 01:42.750
Ayoko nga.

01:42.833 --> 01:44.500
-Di 'yon pakiusap. Sasama ka!
-Ayoko.

01:44.583 --> 01:46.583
-Umalis ka na!
-Aalis na 'ko.

01:47.208 --> 01:51.125
Dapat pagalitan 'tong tangang 'to, e.
Galing pa 'kong Rome, gago!

01:51.208 --> 01:53.500
Alis na! Sorry.

01:56.083 --> 01:57.083
Di ko marinig.

01:57.166 --> 01:58.833
Ikaw din, umalis ka na!

01:58.916 --> 02:02.291
MY FAMILY

02:18.041 --> 02:18.916
Hello?

02:21.833 --> 02:22.875
Ano'ng nangyari?

02:25.708 --> 02:26.750
Ngayon na?

02:28.416 --> 02:30.791
Deme, di pwedeng bukas na lang ng umaga?

02:34.625 --> 02:36.666
Nasa bar ako sa Testaccio.

02:39.500 --> 02:40.416
Friend ko, lalaki.

02:57.291 --> 03:00.000
Demetrio? Nasa'n ka?

03:03.833 --> 03:04.916
Diyos ko.

03:15.708 --> 03:17.416
Ano'ng nangyari?

03:18.958 --> 03:20.166
Magsabi ka ng totoo,

03:21.208 --> 03:22.500
Natutulog ka lang ba?

03:22.583 --> 03:24.583
Hindi, nasa dinner kami ng friend ko.

03:24.666 --> 03:27.458
-Sinong friend?
-Deme, ano ba'ng nangyari?

03:27.541 --> 03:30.416
-Siya kasi.
-Siya? Sinong siya?

03:30.500 --> 03:32.625
Si Fausto. Pinaglalaruan niya 'ko.

03:33.375 --> 03:34.666
Kita mo 'yong ilaw?

03:34.750 --> 03:36.916
Oo, pundi na. Palitan mo na 'yan.

03:37.000 --> 03:39.875
Akala mo, di ko pa pinapalitan?
Walang nangyari.

03:39.958 --> 03:41.625
Tapos, may mga ingay pa.

03:43.458 --> 03:44.666
Kaluluwa niya 'yan.

03:44.750 --> 03:48.208
Ano, para ka na ding 'yong Haponesa?
May multo na rin dito?

03:48.291 --> 03:49.375
Wala ka na sa sarili.

03:50.625 --> 03:52.041
Pwedeng dito ka matulog?

03:52.125 --> 03:53.958
Hindi. Please, ayoko.

03:54.041 --> 03:55.166
Sige na!

03:55.250 --> 03:57.791
Di ko pinatay ang heater sa bahay. Ano ba?

03:57.875 --> 03:59.208
So, nasa bahay ka nga.

03:59.958 --> 04:01.458
Bago kami lumabas.

04:03.166 --> 04:07.333
Mag-aral ka ng Morse code
para malaman 'yong sinasabi ni Fausto.

04:07.416 --> 04:11.583
Morse code? 'Yong dot-dash-dot?
Para na nga 'kong baliw, e.

04:11.666 --> 04:13.875
Demetrio, hindi ka baliw.

04:14.375 --> 04:17.500
Nagluluksa ka, kagaya naming lahat.

04:17.583 --> 04:20.500
Kanya-kanya tayo ng pagluluksa.
Ikaw, nakakakita ng multo…

04:21.625 --> 04:24.166
-Ako, iba naman.
-Ano 'yong iyo?

04:26.083 --> 04:28.666
Parang di na 'ko nalilibugan.

04:31.375 --> 04:32.958
Parang wala na 'kong puki.

04:35.958 --> 04:37.541
Tingnan mo 'yang mukha mo!

04:38.333 --> 04:39.708
Niloloko lang kita.

04:40.541 --> 04:43.875
-Sabi na, maiilang ka.
-Hindi kaya.

04:45.250 --> 04:46.083
Deme.

04:49.291 --> 04:51.583
Hindi ka pwedeng ma-depress.

04:52.083 --> 04:55.791
Hanggang ngayon,
'yan pa rin ang pinaniniwalaan mo?

04:55.875 --> 04:58.791
Inaayos ko nga lang
'yong tolda ni Mama no'n.

04:58.875 --> 05:00.916
Pag-akyat ko sa hagdan, nahulog ako.

05:01.000 --> 05:03.458
Di ko ginustong magpakamatay,
aksidente 'yon.

05:03.541 --> 05:05.625
Ayan. Nalimutan mo na.

05:12.416 --> 05:14.791
Ano'ng gagawin ko sa Rome
nang wala ang piano ko?

05:14.875 --> 05:17.208
Sakit sa ulo lang 'yong piano, Deme.

05:18.166 --> 05:20.375
Kahit sampung taon ako sa music academy?

05:20.458 --> 05:23.916
Isa 'yong piano
sa mga nagpa-depress sa 'yo, maniwala ka.

05:24.000 --> 05:26.583
Tapos, ang dami mo pang dahilan
para magpakamatay!

05:26.666 --> 05:27.750
Anong mga dahilan?

05:27.833 --> 05:31.916
Wala kang trabaho, wala kang ama,
may mahal na iba 'yong mahal mo.

05:33.375 --> 05:37.000
Namamatay talaga ang mga tao.
Pero dapat hindi sa kalungkutan.

05:37.083 --> 05:40.791
Sige, sa paraang gusto mo na lang.
Basta bigyan mo 'ko ng keyboard.

05:40.875 --> 05:43.583
Hindi, gitara lang ang pwede sa bahay ko.

05:43.666 --> 05:45.958
Bawal si Mozart sa bahay ko.

05:46.458 --> 05:49.791
Si Mozart?
Harpsichord 'yong gamit no'n, tanga.

05:49.875 --> 05:52.625
-Di ba piano ang harpsichord?
-Piano, harpsichord?

05:52.708 --> 05:53.541
Oo.

05:54.125 --> 05:57.041
Ibaba mo na 'ko sa stoplight. Bilis.

05:59.875 --> 06:01.583
Teka, sandali. Diyan ka lang.

06:03.500 --> 06:04.333
Dahan-dahan.

06:05.541 --> 06:07.666
Teka, dahan-dahan. Wag kang gumalaw.

06:08.166 --> 06:09.500
Isara muna natin 'to.

06:10.500 --> 06:11.333
Ikot.

06:13.708 --> 06:16.416
Ano'ng binubusina mo?
Disabled 'yong tao, o!

06:16.500 --> 06:19.458
-"Disabled"?
-Ikaw 'yon. Teka. Tumatawid kami.

06:19.541 --> 06:22.375
-Hindi ako disabled.
-Teka. Sige na, daan na.

06:22.458 --> 06:25.791
Sige na. Ipanalo mo 'yang karera mo! Gago!

06:29.000 --> 06:30.166
Baby?

06:31.083 --> 06:32.250
Demetrio.

06:32.333 --> 06:33.625
Hi, Sarah.

06:33.708 --> 06:35.750
Sorry, ayoko sanang abalahin kayo.

06:35.833 --> 06:38.166
Lalo't buntis ka. Namilit lang siya.

06:38.250 --> 06:40.875
Masaya akong makita ka. Kumusta ka?

06:40.958 --> 06:43.541
'Eto, nahulog.
Seryoso, aksidente lang 'yon.

06:44.875 --> 06:48.208
Wag kang mag-alala.
Gagaling ka sa 'min, pangako.

06:49.750 --> 06:50.916
-Hi.
-Hi.

06:53.500 --> 06:54.833
Ililibot ko muna siya.

06:55.583 --> 06:57.833
Tara, house tour!

07:00.250 --> 07:02.833
-Bakit ganyan boses mo?
-Kasi gunggong ako!

07:07.000 --> 07:07.916
Good morning.

07:08.000 --> 07:09.500
-Morning.
-Ano'ng sa inyo?

07:10.333 --> 07:13.750
Ipapa-cancel ko sana
'yong postpaid plan ng kaibigan ko.

07:14.416 --> 07:15.666
Siya dapat ang nandito.

07:17.083 --> 07:17.958
Patay na siya.

07:21.125 --> 07:23.666
Ayaw mo bang tingnan
kung may mga text sa kanya?

07:24.166 --> 07:27.416
May mga taong di pa alam
na patay na ang tine-text nila.

07:29.250 --> 07:31.083
Tingnan ko ba?

07:31.166 --> 07:33.208
Oo, pero wag dito. Doon.

07:36.875 --> 07:39.666
PIETRO R. - TAWAGAN MO 'KO
LIBERO - HI

07:44.125 --> 07:48.250
I LOVE YOU, PA
PA, MISS NA KITA

07:57.375 --> 08:00.583
Hi, Fausto, ako si Veronica.
Nanay ako ni Serena.

08:00.666 --> 08:03.833
Nakilala ng anak ko si Libero
sa mountain summer camp.

08:03.916 --> 08:08.208
Bibisita kami sa Rome
at gusto siyang makita ulit ni Serena.

08:11.916 --> 08:14.208
-Ano? I-cancel ko ba?
-Hindi, nagbago na isip ko.

08:27.583 --> 08:32.333
Katrabaho ko ang nag-recommend nito.
Sorry kung di n'yo nagustuhan.

08:32.416 --> 08:36.375
Hindi, Sergio, di mo kailangang mag-sorry.

08:37.041 --> 08:39.708
Ang bait mo nga,
in-organize mo 'yong birthday ko dito.

08:39.791 --> 08:42.500
Gusto ko dito. Masarap 'yong hamburger ko.

08:42.583 --> 08:43.541
Salamat, Ercole.

08:44.166 --> 08:45.291
Ikaw, Libero?

08:46.125 --> 08:47.375
Gusto mo 'yong tiramisu?

08:51.666 --> 08:54.041
Nagtanong siya.
Gusto mo ba 'yong tiramisu?

08:54.125 --> 08:55.416
Valerio, okay lang.

08:55.500 --> 08:56.625
Gusto mo ba?

08:57.208 --> 08:59.541
Sabihin mo ngang di siya nakakatulong.

08:59.625 --> 09:00.916
Ma, pwedeng manahimik ka?

09:01.000 --> 09:03.416
Vale, gusto mong masira ang birthday ko?

09:03.500 --> 09:04.416
-Eto na nga.
-Ha?

09:04.500 --> 09:07.583
Tama ang mama mo.
Di mo kailangang magwala. Please.

09:07.666 --> 09:09.125
Alam n'yo kung bakit?

09:09.958 --> 09:12.666
-Nagsulat siya tungkol sa 'tin.
-Pinakialaman mo ang bag ko?

09:12.750 --> 09:15.708
Hindi. Inabot 'to sa 'kin
ng teacher mo sa Italian.

09:15.791 --> 09:17.333
-Wag mong basahin.
-Basahin natin.

09:17.416 --> 09:18.291
Valerio.

09:18.375 --> 09:20.500
Para malaman ng lahat na si Tito Valerio…

09:21.666 --> 09:22.666
hindi siraulo.

09:23.875 --> 09:24.916
Ang tema,

09:26.041 --> 09:27.125
"Ang pamilya ko."

09:28.791 --> 09:32.791
"Napakaingay sa bahay namin.
Ang lalakas ng boses makipag-usap."

09:32.875 --> 09:37.333
"Kunwari, masaya sila, pero laging
mainit ang ulo nila at malungkot."

09:37.416 --> 09:40.833
"Ang lola ko, matanda na
pero feeling dalaga kung manamit."

09:40.916 --> 09:43.791
"Kunwari, inaalagaan niya kami
pero wala siyang paki."

09:43.875 --> 09:47.666
"Sarili niya lang ang iniisip niya.
May kaibigan na naman siyang lalaki."

09:47.750 --> 09:52.125
"Di maganda ang trato niya do'n
kasi mayaman at guwapo ang gusto niya."

09:52.208 --> 09:54.916
-Okay naman ang trato mo sa 'kin.
-At di ka mahirap.

09:55.000 --> 09:58.166
"Si Tito Valerio, di magaling
magsulat sa Italian. At ignorante siya."

09:58.250 --> 10:01.083
"Gusto niya maging haligi ng tahanan,
pero wala siyang silbi."

10:01.166 --> 10:05.875
"Walang tiwala si Papa sa kanya
kasi gumagamit din siya ng droga."

10:05.958 --> 10:07.208
Tama na.

10:08.250 --> 10:09.291
Ano'ng masasabi mo?

10:09.375 --> 10:12.583
Vale, nasa anger stage pa lang tayo,

10:12.666 --> 10:14.625
wag mo nang gatungan 'yong away.

10:14.708 --> 10:18.083
-Anong "anger stage"?
-Nasa librong binigay ni Sergio 'yon.

10:18.166 --> 10:19.833
Uy. Anong libro?

10:19.916 --> 10:21.083
Ano, Sergio?

10:21.166 --> 10:25.291
Mga Praktikal na Paraang Sikolohikal
Upang Makayanan ang Pagdadalamhati.

10:25.375 --> 10:26.708
-"Pagdadalamhati".
-Oo.

10:26.791 --> 10:28.916
Ano'ng kinalaman ng pagdadalamhati dito?

10:29.416 --> 10:31.666
Sabi niya, nagda-drugs ako. Sa ngayon…

10:32.250 --> 10:33.916
Una sa lahat, di 'yon totoo.

10:34.416 --> 10:39.000
Okay. Naisip mo bang
pag may nakabasa nito, mapapahamak tayo?

10:41.250 --> 10:44.250
-Bumalik ka dito! Libero!
-'Yong cake n'yo po.

10:44.791 --> 10:46.333
-Gandang birthday.
-Ayan.

10:46.416 --> 10:48.250
Salamat, Valerio. Salamat.

10:49.416 --> 10:50.500
Dali, kanta na.

10:51.250 --> 10:53.166
Happy birthday to…

10:55.583 --> 10:56.583
Happy birthday.

11:00.458 --> 11:01.791
Kailangang may gawin tayo.

11:01.875 --> 11:03.041
Oo nga. Deme…

11:03.750 --> 11:04.666
Toka mo na.

11:05.375 --> 11:08.166
-Ano'ng sasabihin ko?
-Ewan. Mag-improvise ka.

11:08.666 --> 11:10.458
Pa'no kung may masabi akong mali?

11:10.541 --> 11:11.791
Sige lang, Deme.

11:12.291 --> 11:14.916
Tama na sa kakaisip. Repeat after me.

11:15.625 --> 11:17.166
Walang kuwentang mag-isip.

11:17.875 --> 11:18.708
Sige.

11:20.708 --> 11:21.541
Go!

11:36.041 --> 11:37.333
Lahat ng nandito…

11:38.458 --> 11:39.458
blue.

11:41.958 --> 11:42.916
Pansin mo ba?

11:43.416 --> 11:47.333
Lahat, blue.
Upuan, blue. Mga sofa, blue. Lahat…

11:47.416 --> 11:48.250
Blue.

11:50.458 --> 11:51.958
Ano'ng pinagsasabi mo?

11:53.291 --> 11:54.541
Sige pa.

12:00.833 --> 12:01.791
Ano…

12:03.083 --> 12:04.958
Sa phone ng tatay mo,

12:05.041 --> 12:08.041
May nakita akong message
mula sa ina ng kaibigan mo.

12:08.125 --> 12:09.125
Sinong kaibigan?

12:09.958 --> 12:11.250
Si Serena, tama ba?

12:11.875 --> 12:13.791
Serena mula sa mountain summer camp?

12:13.875 --> 12:15.000
-Sa Asiago?
-Oo.

12:15.083 --> 12:17.041
Oo, siya nga.

12:17.125 --> 12:21.000
Sabi ng nanay niya, bibisita sila ng Rome
ilang araw mula ngayon.

12:21.083 --> 12:23.083
-Gusto ka nilang makita.
-Sige.

12:23.166 --> 12:24.958
Susunduin mo naman ako, di ba?

12:25.041 --> 12:26.083
-Ako?
-Oo.

12:29.416 --> 12:31.750
-Sige.
-Okay.

12:33.916 --> 12:34.833
-Okay?
-Oo.

12:39.416 --> 12:41.083
Kaning may repolyo na naman?

12:41.166 --> 12:43.250
Deme, masarap 'to, healthy pa. Bakit?

12:43.333 --> 12:44.708
-Nakakasawa na.
-A.

12:45.583 --> 12:47.333
Kaning may repolyo na naman.

12:48.416 --> 12:51.416
-Diyos ko.
-Ay, magtatrabaho ka na next week.

12:51.500 --> 12:52.958
May physiotherapy pa 'ko.

12:53.041 --> 12:55.875
Sa umaga 'yon.
Sa hapon, sasamahan mo 'ko sa trabaho.

12:55.958 --> 12:58.125
Oo, pero ayokong maging realtor.

12:58.208 --> 13:01.541
-Ano'ng gusto mo?
-Wala. Gusto kong umuwi.

13:01.625 --> 13:04.000
Deme, tatalon ka na naman sa balkonahe.

13:04.083 --> 13:05.333
'Yan na naman?

13:05.416 --> 13:08.291
Ako ang dapat magsabi niyan.
Wag mo nang uulitin.

13:09.291 --> 13:10.750
-Baby.
-Hi!

13:10.833 --> 13:14.083
-Baby, kaning may repolyo uli ang pagkain.
-Na naman?

13:14.166 --> 13:17.583
Healthy 'to, e! Ano ba'ng gusto n'yo?

13:18.750 --> 13:20.000
-Hi.
-Hi.

13:22.541 --> 13:25.291
-Gusto n'yong makita ang baby?
-Oo naman!

13:26.916 --> 13:28.916
Patingin.

13:35.208 --> 13:38.000
-Ang laki ng ulo niya.
-Hindi, normal 'yan.

13:38.083 --> 13:40.791
-Tingnan mo.
-O? Normal naman.

13:40.875 --> 13:43.083
Baka junjunito niya 'yan.

13:43.166 --> 13:47.041
-Hindi, hindi 'yon "junjunito".
-E, ano?

13:47.125 --> 13:49.500
-Junjun.
-Di na mahalaga, baby.

13:52.958 --> 13:55.375
-Nagustuhan mo?
-Gustong-gusto, baby.

14:00.291 --> 14:02.875
-Pa'no mo nagagawa 'yon?
-Ang alin?

14:02.958 --> 14:07.000
'Yong makuha ang meron ka.
Nakakatawa siya, maganda, mahal ka. Pa'no?

14:07.083 --> 14:08.250
Suwerte lang, Deme.

14:08.333 --> 14:11.166
-Hindi 'yon swerte.
-Swerte 'yon. Deme, di ako matalino.

14:12.416 --> 14:14.708
Para maging masaya ka,
dapat medyo tanga ka.

14:15.583 --> 14:17.125
-Ikaw kasi…
-Malungkot.

14:17.208 --> 14:18.583
Kasi matalino ka.

14:19.083 --> 14:20.833
Kuha mo? Simple lang. Basic.

14:20.916 --> 14:22.416
Anong oras kayo babalik?

14:23.041 --> 14:25.291
-Ewan ko.
-Enjoy kayo!

14:27.750 --> 14:29.166
Isama natin si Ercole?

14:30.166 --> 14:32.375
-Wag.
-Kung mag-subway kaya tayo?

14:32.916 --> 14:35.000
Pa'no kung gusto nilang maglibot sa Roma?

14:35.083 --> 14:38.791
E, di subway.
Ang traffic kasi, lalo sa oras na 'to.

14:38.875 --> 14:40.708
-Demetrio.
-Ano?

14:40.791 --> 14:43.875
-Dapat maganda ang isipin nila sa 'tin.
-Ano'ng ibig mong sabihin?

14:44.375 --> 14:48.625
Di natin kailangang maging malungkot
dahil kay Papa. Magpaka-cool tayo.

14:49.666 --> 14:52.125
Sige. Subukan natin.

14:56.791 --> 14:57.666
Siya 'yon!

14:59.333 --> 15:00.291
Lapitan mo na.

15:03.166 --> 15:04.541
-Kumusta?
-Okay lang.

15:04.625 --> 15:05.750
-Hi!
-Hi.

15:05.833 --> 15:08.666
Nice to meet you. Veronica.
Ikaw si Fausto, tama?

15:08.750 --> 15:10.291
Oo, siya ang papa ko.

15:10.375 --> 15:12.666
Lagi kang naikukuwento ni Serena, Libero.

15:12.750 --> 15:15.750
Ikaw din.
Lagi kang kinukuwento ng anak mo.

15:15.833 --> 15:17.333
-Talaga ba?
-Oo.

15:17.916 --> 15:21.500
-Sa'n n'yo kami dadalhin?
-Sa… Pag-isipan natin.

15:21.583 --> 15:22.541
Tara na.

15:29.375 --> 15:30.291
-Ready na?
-Go.

15:30.875 --> 15:31.916
Kukunin ko ang barya.

15:32.458 --> 15:34.875
Ilalagay ko sa kamay ko,
kukumpas ako nang ganito,

15:34.958 --> 15:37.625
-at mawawala na siya.
-Ang galing mo.

15:37.708 --> 15:39.125
Turo 'yon ng papa ko.

15:43.875 --> 15:46.416
Buweno, hiwalay ka na rin.

15:47.291 --> 15:48.250
Oo.

15:48.833 --> 15:51.750
Paano mo kinakaya ang dalawang anak?
Ang husay mo!

15:53.083 --> 15:54.375
Kasi…

15:55.958 --> 15:58.583
Sumisige lang agad ako. Sige nang sige.

15:59.291 --> 16:02.791
"Fausto, pag nagdududa ka,
hayaan mo lang ang sarili mo."

16:05.333 --> 16:11.875
'Yon ang natutuhan ko sa buhay.
Para maging masaya, dapat medyo tanga ka.

16:12.666 --> 16:14.083
-Totoo 'yan.
-Oo.

16:15.041 --> 16:16.000
Oo.

16:21.541 --> 16:23.500
Uy, ano'ng nangyari dito?

16:24.250 --> 16:26.708
Hindi, Sarah, patawarin mo ako. Sorry.

16:26.791 --> 16:28.333
Pinayagan ako ni Fausto.

16:28.416 --> 16:31.000
Sabi niya, maghanap ako ng suit
at may nakita akong isa.

16:31.083 --> 16:34.916
Naghahanap lang ako ng polo
na babagay dito para do'n sa trabaho.

16:35.000 --> 16:38.166
-Sige lang, magsukat ka lang diyan.
-Salamat.

16:38.250 --> 16:41.208
-Dito ka ba kakain?
-Oo, 'yon ang balak ko.

16:41.291 --> 16:44.208
Kain kaya tayo
ng roast chicken and potatoes sa labas?

16:44.291 --> 16:47.208
-Bakit hindi? Gusto ko 'yon.
-Buwisit na repolyo.

16:47.291 --> 16:48.583
Buwisit na repolyo!

16:49.583 --> 16:52.375
Sige, magsasapatos lang ako,
tapos alis na tayo.

16:52.458 --> 16:53.458
Okay.

16:54.291 --> 16:55.375
Ito kaya?

16:56.708 --> 16:57.666
Hindi.

17:02.958 --> 17:04.166
Ito kaya?

17:05.500 --> 17:06.416
Ano 'yan?

17:08.083 --> 17:09.666
Ay, Sarah, sorry.

17:10.250 --> 17:12.291
Kinuha ko. Sa 'yo yata 'to.

17:12.375 --> 17:13.916
Nandito kasi.

17:14.000 --> 17:16.291
-Diyan mo nakita?
-Oo. Ibabalik ko na.

17:16.375 --> 17:17.333
Akin na.

17:38.625 --> 17:40.000
Puta!

17:41.958 --> 17:45.416
Sarah, okay ka lang? Ano'ng nangyari? Uy!

17:46.000 --> 17:47.583
-Kilala mo ba siya?
-Sino?

17:47.666 --> 17:49.458
-'Yong kinakantot niya!
-Sino?

17:50.083 --> 17:52.041
Kaninong blouse 'to?

17:52.125 --> 17:53.416
Pa'no ko malalaman?

17:53.500 --> 17:55.583
May iba ba siya? Sabihin mo!

17:55.666 --> 17:59.041
Hindi, wala! Wala. Hoy!

18:00.750 --> 18:02.708
Gago kang hayop ka!

18:04.541 --> 18:06.208
Putang ina!

18:07.583 --> 18:08.416
Sarah?

18:11.375 --> 18:12.416
Sarah!

18:14.416 --> 18:15.416
Sumagot ka!

18:35.416 --> 18:36.375
Sarah.

18:37.541 --> 18:39.000
Sinusumpa ko kay Lord.

18:40.500 --> 18:42.333
Di ko alam kung may iba siya.

18:43.625 --> 18:45.041
Pero mahal ka niya.

18:45.541 --> 18:47.333
Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

18:47.416 --> 18:48.958
Akin 'yang blouse na 'yan.

18:51.708 --> 18:53.250
Pa'nong sa 'yo?

18:53.833 --> 18:55.375
Naaalala ko na.

18:58.833 --> 19:00.541
Minsan, sinusumpong ako.

19:02.500 --> 19:05.166
Bigla na lang akong nawawala sa sarili.

19:06.125 --> 19:09.166
Di ko makilala 'yong tinitirhan ko,
o mga tao sa paligid ko.

19:10.833 --> 19:14.916
Minsan, di ko na din nakilala
kahit 'yong sarili ko sa salamin.

19:19.125 --> 19:22.125
Mula nang maging kami ni Fausto,
naging okay na 'ko.

19:25.208 --> 19:26.541
Naniniwala ka ba?

19:30.666 --> 19:35.416
No'ng malaman kong buntis ako,
tinigil ko ang gamutan ko.

19:36.250 --> 19:38.791
Sorry, nangyari 'to habang nandito ka.

19:41.500 --> 19:44.541
Wag mong sasabihin kay Fausto
ang nangyari.

19:47.958 --> 19:48.833
Okay.

19:53.375 --> 19:55.125
Uy, wag tatakbo. Dahan-dahan!

19:56.250 --> 20:03.166
Kung magagawi ka sa Modena,
matutuwa talaga kami. Kasi,

20:04.125 --> 20:06.000
gusto kitang makita ulit.

20:07.041 --> 20:10.041
Gusto rin kitang makita ulit, Veronica.

20:10.125 --> 20:12.500
Ipinanganak ako sa Tiber Island, tama?

20:12.583 --> 20:13.583
Ikaw? Oo.

20:13.666 --> 20:15.291
Ipinakita ko sa kanya 'to.

20:16.166 --> 20:17.583
Ang cute!

20:18.333 --> 20:21.250
Ang cute mo.
Sige na, oras na para magpaalam.

20:21.333 --> 20:23.083
Oo nga. Serena, halika na.

20:23.833 --> 20:26.375
Sige. Kita-kits sa Modena, ha?

20:26.458 --> 20:27.833
-Bye.
-Bye, Vero.

20:27.916 --> 20:29.375
-Bye.
-Bye.

20:30.250 --> 20:31.708
-Bye, Libero.
-Bye.

20:31.791 --> 20:33.541
-Bye, Serena.
-Bye.

20:38.041 --> 20:39.166
Gusto mo siya, 'no?

20:40.458 --> 20:41.500
In love ka?

20:43.916 --> 20:45.333
Sabihin mo sa kanya. Go.

20:47.000 --> 20:48.250
Okay, Libero…

20:48.333 --> 20:51.791
Kung di ka aamin ngayon,
pagsisisihan mo 'to habambuhay.

20:51.875 --> 20:57.000
Makinig ka sa 'kin. Sabihin mo na
'yong nararamdaman mo sa kanya. Go!

20:59.500 --> 21:00.416
Serena!

21:18.625 --> 21:19.541
Nasa'n siya?

21:20.625 --> 21:21.708
-Hi, Lucia.
-Hi.

21:22.583 --> 21:25.625
-Ang ganda ng flowers.
-Bigay ni Sergio. Maganda?

21:25.708 --> 21:27.583
-Sobra.
-Inaya niya rin akong mag-dinner.

21:27.666 --> 21:28.916
Ano'ng gagawin ko?

21:29.000 --> 21:31.375
Kailangan mo ng permiso ko? Sige lang.

21:31.875 --> 21:34.666
-Nasa music class ba si Ercole?
-Di siya naihatid ni Valerio.

21:34.750 --> 21:37.125
Ha? Sabi ko, ako na lang kung…

21:37.208 --> 21:41.375
Ewan ko, Maria. Sabi niya, late na
kaya di siya nakapaghatid.

21:41.875 --> 21:43.500
Kawawang bata. Nasa'n siya?

21:44.041 --> 21:47.333
Naghahanap ng pictures ng tatay niya
sa aparador sa kuwarto.

21:51.125 --> 21:52.041
Valerio?

21:53.416 --> 21:54.583
Nasa'n na 'yon?

21:55.708 --> 21:57.166
-Valerio?
-Ano 'yon?

21:59.958 --> 22:02.875
Ba't di mo 'ko tinawagan?
Ako na lang sana ang naghatid.

22:02.958 --> 22:04.083
Tito?

22:04.625 --> 22:05.666
Ano 'to?

22:08.208 --> 22:10.375
-Diyos ko.
-Nasa aparador, sa ilalim ng kumot.

22:10.458 --> 22:11.416
Akin na 'yan.

22:11.500 --> 22:14.291
-May switch 'yan.
-O? Saan?

22:15.916 --> 22:17.416
Sa'n mo nakuha 'yan?

22:18.833 --> 22:20.625
-Iyo ba 'yon?
-Ang alin?

22:20.708 --> 22:22.416
-'Yon. Sa 'yo ba 'yon?
-Hindi.

22:22.500 --> 22:24.875
Hindi. Kung hindi sa 'yo, kanino?

22:24.958 --> 22:27.208
May bata pa man din dito. Seryoso ka?

22:27.291 --> 22:29.541
Sumpa man kay Lord! Ano ba'ng sinasabi mo?

22:29.625 --> 22:30.583
Ano 'to?

22:30.666 --> 22:33.708
Di namin pwedeng sabihin sa 'yo.
Pa'no ba patayin 'to?

22:33.791 --> 22:37.583
-Sa edad mong 'yan. Nakakahiya ka, Ma!
-Hindi. Wag kang ganiyan.

22:37.666 --> 22:41.708
Anong wag akong ganiyan? Kanino 'yon?
Hindi sa 'kin, di rin kay Fausto.

22:41.791 --> 22:44.375
-Kanino 'yang lintik na 'yan?
-Gago ka!

22:48.458 --> 22:52.791
Di mo talaga kayang
magsalita nang kalmado, ano? Grabe!

22:52.875 --> 22:55.208
Kung sa nanay mo nga 'to, ano naman?

22:55.291 --> 22:58.875
Maria, pwede ba kitang tapatin?

22:59.541 --> 23:02.875
Nabubuwisit talaga ako diyan
sa bait-baitan mong tono.

23:05.541 --> 23:07.875
Ginagamit ba 'yan sa pagluluto?

23:13.541 --> 23:14.416
Thank you!

23:15.583 --> 23:16.500
Thank you.

23:20.000 --> 23:23.250
Deme, okay ka na,
pero dapat mas honest ka.

23:23.750 --> 23:27.083
Nagkakaro'n ka ng clients
sa pagiging honest. Magpakatotoo ka.

23:27.583 --> 23:29.458
Sa bihis kong 'to, di nga ako 'to.

23:29.541 --> 23:33.500
Luxury apartment 'to,
pero may bond dahil sa cultural heritage.

23:33.583 --> 23:35.500
Di nila pwedeng gibain 'to.

23:37.458 --> 23:40.458
-Deme.
-Sabi ni Sarah, di ka raw sumasagot.

23:41.041 --> 23:43.166
Nagtatrabaho tayo, e. Ano ka ba?

23:43.250 --> 23:46.666
Masasamahan mo raw ba siya
sa ultrasound niya bukas?

23:46.750 --> 23:47.833
Kahapon 'yon, a.

23:47.916 --> 23:52.958
Diyos ko, Fausto, due date na niya
next week. Araw-araw na 'yong ultrasound.

23:55.416 --> 23:58.958
Sige, tatawagan ko siya mamaya.
Deme, bilyonarya 'to.

23:59.458 --> 24:01.958
-Sino?
-Anastasia Pakan ang pangalan niya.

24:02.041 --> 24:05.375
-Sino ba siya?
-Ang client. Anastasia Pakan. Bilyonarya.

24:05.458 --> 24:08.208
Miss Estonia no'ng 1999.

24:08.291 --> 24:12.041
International photographer
at may-ari ng isang sex toy line.

24:12.125 --> 24:13.958
Ano namang paki ko do'n?

24:16.875 --> 24:18.083
-Sige na.
-Ano?

24:19.166 --> 24:21.833
'Yong renovation at bonds. Tapatin mo.

24:24.708 --> 24:25.833
Ma'am…

24:26.958 --> 24:29.416
Ayoko talaga ng kurbata. Pwedeng hubarin?

24:29.500 --> 24:32.708
Sige lang. At ikaw?
Mahilig ka ba sa kurbata?

24:33.291 --> 24:35.583
Hindi, ayoko din… Hindi.

24:38.541 --> 24:40.083
'Tang ina?

24:40.166 --> 24:43.041
-Sabi mo, magpakatotoo.
-Okay. Kukunin ko 'to.

24:43.125 --> 24:44.708
-A!
-Kita mo?

24:44.791 --> 24:46.541
Pero may idea ako.

24:48.208 --> 24:49.500
Picture tayo?

24:50.583 --> 24:52.708
-Picture?
-Bibigyan ko kayo ng 500 euros.

24:53.208 --> 24:55.833
-Magpapa-picture kami. Sige.
-Talaga?

24:55.916 --> 24:57.333
Maghubad muna kayo.

24:57.916 --> 25:00.000
-Hubad?
-Oo. Hubad.

25:00.083 --> 25:01.666
Hindi, ma'am. Hindi po.

25:01.750 --> 25:03.375
-Wag kang makulit.
-Ayoko, okay?

25:03.458 --> 25:04.916
-Nahihiya ka?
-Oo! Hubad?

25:05.000 --> 25:06.750
-Five hundred euros 'yon.
-Ayaw niya?

25:06.833 --> 25:09.541
-Ayoko.
-Hindi. Nahihiya lang siya.

25:12.166 --> 25:13.291
May isa sa inyong…

25:14.166 --> 25:16.083
hahawakan 'to.

25:16.166 --> 25:17.875
Ako na. Sige.

25:18.458 --> 25:22.000
Stalingrad. Gusto mo ba
'yong pangalan ng bago kong sex toy?

25:22.083 --> 25:25.958
Gustong-gusto ko. Oo.
Ikaw, gusto mo ng Stalingrad?

25:27.916 --> 25:29.708
Ano… Ano'ng pangalan mo?

25:30.333 --> 25:31.250
Demetrio.

25:31.333 --> 25:32.291
Dimitrio.

25:32.375 --> 25:38.416
Hawakan mo ang titi niya
gamit ang kanang kamay mo.

25:39.416 --> 25:41.250
Tapos, hawak niya 'yong iyo.

25:42.541 --> 25:43.708
Hindi.

25:43.791 --> 25:49.666
Teka. Ano… Hawak ko ang titi niya,
tapos, siya… Hindi ko maintindihan.

25:49.750 --> 25:52.791
Oo. Parang bubuo kayo ng X.

25:52.875 --> 25:54.625
Walang X, ma'am. Di pwede.

25:54.708 --> 25:56.958
-Hubarin mo na.
-Lumayo ka sa 'kin!

25:57.041 --> 25:59.291
-'Yong boxers mo…
-Lumayo ka… Sabi nang ayoko!

25:59.375 --> 26:01.041
-Sandali lang.
-Ayoko!

26:01.125 --> 26:02.375
Wala na.

26:02.458 --> 26:04.458
-Sandali.
-Lumayo ka sa 'kin!

26:04.541 --> 26:05.875
'Tang ina, ano ba 'to?

26:05.958 --> 26:08.666
Manahimik ka. Nahihiya ka, normal 'yon.

26:08.750 --> 26:11.208
Sabihin natin,
"Bawal ang hawakan ng titi." Okay?

26:11.291 --> 26:13.666
-Fausto, tara na.
-Nandito na tayo, i-enjoy na natin!

26:13.750 --> 26:16.416
-Ano'ng problema mo? Wag kang KJ.
-Fausto!

26:17.500 --> 26:20.000
-Ano?
-Nagloloko ka ba sa asawa mo?

26:20.750 --> 26:22.375
Ano'ng kinalaman no'n dito?

26:22.458 --> 26:26.791
Mag-isa siya sa bahay, manganganak na,
tapos, hawak-hawak mo 'yong titi mo dito?

26:27.416 --> 26:29.875
-Napakalungkot mo talaga.
-Mas okay na 'yon kaysa gago.

26:31.291 --> 26:35.125
Tatlong buwan ka na sa bahay ko.
Hinanapan kita ng trabaho. Ako 'yong gago?

26:35.208 --> 26:38.708
-Di mo napapansing di okay si Sarah?
-Okay lang si Sarah.

26:39.208 --> 26:42.125
Paglabas ni Libero,
mas bubuti pa siya. Okay?

26:47.125 --> 26:49.500
-Fausto, tara na.
-Deme, umalis ka na.

26:51.041 --> 26:52.958
Fausti, wag kang magkakamali.

26:53.041 --> 26:54.500
Demetrio, alis na.

27:05.333 --> 27:06.166
Pasok na.

27:19.500 --> 27:22.833
-Sa wakas, nakauwi na kayo.
-Nasa'n sila?

27:22.916 --> 27:26.625
Nasa mga kuwarto nila.
Hindi sila nag-uusap-usap.

27:27.125 --> 27:28.791
-Si Maria?
-Umalis na siya.

27:36.125 --> 27:38.583
Kasalanan 'to ng vibrator, e!

27:38.666 --> 27:39.875
Anong vibrator?

27:39.958 --> 27:43.458
'Yong mahabang stick
na nagpapasaya sa mga babae at lalaki.

27:43.958 --> 27:46.083
Paglaki nila, pagkatapos ng high school.

27:47.000 --> 27:47.916
Sabi ni Maria.

27:55.291 --> 27:58.958
Pag napansin mong malungkot ang iba,
padalhan mo sila ng message ko.

28:02.166 --> 28:05.583
Gamitin mong parang sandata
laban sa kalungkutan.

28:05.666 --> 28:08.083
I-send mo sa kanila
sa panahong di nila inaasahan.

28:08.166 --> 28:10.916
Bam! Tirahin mo ng palaso ng pag-ibig.

28:16.000 --> 28:19.166
Deme, dapat mag-ala-Kupido ka.

28:25.000 --> 28:26.083
Si Papa?

28:27.958 --> 28:29.166
Buksan ko ba?

28:29.791 --> 28:30.666
Oo.

28:32.250 --> 28:35.375
Memory number one
para kina Libero at Ercole.

28:36.958 --> 28:39.416
Nag-camping tayo sa Sperlonga.

28:39.500 --> 28:42.291
Inabot tayo ng dapithapon sa beach.
Tayo lang ang nando'n.

28:43.791 --> 28:47.666
Ercole, bigla kang nagpatugtog at sumayaw.

28:47.750 --> 28:49.500
Nakakatawa 'yong sayaw mo.

28:50.875 --> 28:53.708
At Libero, ikaw na laging nahihiya…

28:53.791 --> 28:56.166
bigla ka ring sumayaw.

29:06.791 --> 29:09.416
Memory number six para kay Valerio.

29:09.500 --> 29:11.291
Do'n sa mga may portiko, Vale.

29:11.375 --> 29:13.333
Pauwi na tayo
galing sa first communion mo,

29:13.416 --> 29:16.291
may malaking Rottweiler na tumitig sa 'kin

29:16.375 --> 29:17.958
at hinabol ako.

29:18.041 --> 29:20.291
Isa lang ang kinatatakutan ko. Aso.

29:20.791 --> 29:22.916
Ilang taon ka no'n? Eight?

29:23.000 --> 29:25.291
Sinigawan mo 'yon, at tumigil 'yon.

29:25.375 --> 29:26.583
Tigil!

29:32.000 --> 29:36.750
Vale, no'ng eight years old ka,
niligtas mo 'ko. Wag mong kakalimutan.

29:37.583 --> 29:40.500
Di ka takot sa mga aso.
Wala kang kinatatakutan.

29:41.375 --> 29:42.791
Protektahan mo ang mga anak ko.

29:46.708 --> 29:48.708
Maganda ba ang wig ko? Pantay?

29:48.791 --> 29:51.208
Ma, Carnival noon, 30 years ago,

29:51.291 --> 29:55.000
lagi tayong magkasama
kasi wala kang boyfriend no'n.

29:57.000 --> 29:59.041
Maniwala ka, sobrang saya ko no'n.

30:00.291 --> 30:04.625
Nakabihis kang parang si Raffaella Carrà,
at ako si Inspector Derrick.

30:04.708 --> 30:08.583
Ikaw ang nag-decide ng suot ko,
pero masaya ako kasi nasolo kita.

30:10.375 --> 30:13.333
No'ng Carnival na 'yon,
naging nanay ka kahit papa'no.

30:14.500 --> 30:19.625
Alagaan mo ang mga bata
gaya ng pag-aalaga mo sa 'kin no'n.

30:21.125 --> 30:24.333
Memory number nine
para kina Maria at Demetrio.

30:24.958 --> 30:30.916
Nasobrahan tayo ng inom habang papunta
sa San Pasquale Sanctuary, guys.

30:31.541 --> 30:35.041
Mari, lumabas ka ng kotse para umihi
habang hawak ni Demetrio ang kamay mo.

30:35.125 --> 30:38.583
Nadulas ka kaya sumadsad
'yong puwit mo sa damuhan.

30:41.083 --> 30:43.916
Nakakatuwa kayo, guys. Sobra.

30:44.500 --> 30:48.208
Iyak-tawa pa rin
kahit nasa damuhan na 'yong puwit n'yo.

30:52.166 --> 30:54.708
Guys, pag pakiramdam n'yo,
wala nang nangyayaring tama,

30:54.791 --> 30:55.958
sumayaw lang kayo.

30:56.458 --> 31:00.000
Kasi pag sumasayaw kayo,
nalulusaw ang kalungkutan.

31:22.541 --> 31:24.375
Hoy! Hinaan n'yo nga!

31:25.333 --> 31:26.625
Hinaan n'yo!

31:37.458 --> 31:39.791
Sige! Magsayawan tayo!

31:51.833 --> 31:54.708
Halika, dito ka kay tito!

32:02.791 --> 32:05.458
Hala, si Sergio!

32:06.083 --> 32:07.166
Sergio.

32:14.125 --> 32:16.500
-Hi.
-Hi. Sorry.

32:18.541 --> 32:20.875
Hindi, Sergio, ngayong gabi kasi…

32:20.958 --> 32:23.583
Mas gusto kong makasama ang pamilya ko.

32:25.208 --> 32:27.083
Usap na lang tayo bukas? Hindi…

32:27.166 --> 32:30.208
Hindi. Siguro mas okay nang wag na.

32:31.416 --> 32:34.625
Kailangan ko lang
ayusin ang sarili ko. Ano…

32:35.875 --> 32:38.291
May mga hindi na rin ako kayang gawin, e.

32:38.916 --> 32:40.000
Ano 'yon?

32:40.083 --> 32:43.500
Ano ba, Sergio,
ipapaliwanag ko pa ba talaga?

32:44.166 --> 32:46.875
Wala ka namang
kailangang gawin para sa 'kin.

32:48.291 --> 32:50.208
Pwede tayong maging magkaibigan.

32:51.000 --> 32:52.666
Sus, magkaibigan daw.

32:54.166 --> 32:57.041
Kung tatawag ka,
pwede tayong magkita. Okay 'yon.

32:57.875 --> 33:00.125
Kung di ka tatawag, okay lang din.

33:02.208 --> 33:04.916
Ngayon lang ako nakatagpo
ng lalaking gaya mo.

33:06.875 --> 33:08.458
Napakabuti mong tao.

33:30.708 --> 33:31.916
Demetrio?

33:33.458 --> 33:34.333
O?

33:38.250 --> 33:41.583
Kalma lang, pero parang
dapat na tayong pumunta sa ospital.

33:41.666 --> 33:45.625
Ano'ng ibig mong sabihin?
Ospital? Tawagan ko ba si Fausto?

33:45.708 --> 33:48.291
Oo. Pero kalma lang.

33:49.000 --> 33:49.833
Kalma lang?

33:49.916 --> 33:51.458
Kalma ka diyan!

33:59.250 --> 34:01.125
The number you have dialed…

34:02.166 --> 34:05.291
Di siya sumasagot.
Gusto mo bang ako na ang magdala sa 'yo?

34:05.375 --> 34:06.708
Nasa'n si Fausto?

34:29.916 --> 34:31.208
Fausto? Hoy!

34:31.291 --> 34:32.791
Deme, ano'ng nangyayari?

34:32.875 --> 34:36.125
Pumutok na ang panubigan niya, okay?

34:36.208 --> 34:37.666
Ano'ng pinagsasabi mo?

34:37.750 --> 34:40.916
Oo, Fausto. Sumugod na kami sa ospital.

34:42.083 --> 34:43.083
Kumusta si Sarah?

34:43.166 --> 34:45.541
Nasa operating room. Pinasok na siya.

34:46.125 --> 34:48.833
-Ayos lang ba siya?
-Ano… Ewan ko. Parang.

34:49.458 --> 34:51.791
Ano'ng ibig sabihin no'n? Okay ba siya?

34:51.875 --> 34:54.208
Oo, pero kailangan mong magmadali!

34:54.291 --> 34:57.125
Papunta na 'ko, nagmamadali na 'ko. Bye.

34:59.500 --> 35:03.083
Gago! Gago ka! Ang gago ko!

35:05.958 --> 35:08.208
Buwisit!

35:09.791 --> 35:11.375
Gago! Ang gago ko!

35:21.708 --> 35:23.291
Ikaw ba ang ama ni Libero?

35:23.375 --> 35:26.458
Hindi, ma'am. Sinabi ko nang di ako…

35:26.541 --> 35:28.458
Di na mahalaga. Buhatin mo siya.

35:28.541 --> 35:29.916
-Buhatin?
-Buhatin.

35:30.000 --> 35:31.208
-Ganito? Pero…
-Okay.

35:31.291 --> 35:33.416
-Wag kang matakot.
-"Wag matakot."

35:37.125 --> 35:38.625
Hi. Hi, Libero.

35:39.583 --> 35:41.750
Wag kang umiyak, Libero.

35:54.291 --> 35:56.541
Wag. Ha?

35:57.083 --> 35:58.291
Ayan.

35:58.375 --> 35:59.208
Hi.

36:02.625 --> 36:05.458
-Uy, lumabas na siya?
-Oo.

36:05.541 --> 36:06.583
'Tang ina!

36:07.583 --> 36:08.625
Na-late ka.

36:10.791 --> 36:14.041
-Nasa'n siya? Pwedeng makita?
-Hindi, bukas pa ng umaga.

36:22.125 --> 36:25.666
Kinunan niya 'ko ng mga picture.
Inabot ng ilang oras.

36:25.750 --> 36:29.416
Apat na oras kang di sumasagot.
Ilang pictures ang kinuha niya?

36:29.500 --> 36:30.916
Kaunti lang.

36:33.250 --> 36:34.125
Pero…

36:35.958 --> 36:37.041
Binigay niya 'to.

36:37.541 --> 36:38.916
'Yan na naman.

36:41.250 --> 36:43.250
Ang benta niya dito, 1,500.

36:43.333 --> 36:46.500
Di ako interesadong malaman.
Itabi mo 'yan.

36:51.000 --> 36:52.791
-Nakita mo na 'yong baby?
-Oo.

36:53.375 --> 36:54.333
Ano'ng hitsura?

36:55.416 --> 36:57.000
Mana sa nanay niya.

36:58.250 --> 36:59.500
-Buti naman.
-Mm.

37:00.083 --> 37:01.333
-Buti naman.
-Mm.

37:04.541 --> 37:06.250
Magkaibigan pa rin ba tayo?

37:06.875 --> 37:07.708
"Dimitrio."

37:09.541 --> 37:10.625
Gusto ko 'yon, a.

37:45.041 --> 37:47.875
-Bakit mo 'ko pinadalhan ng message?
-Mahal kita.

38:03.791 --> 38:05.000
Ba't mo ginawa 'yon?

38:05.750 --> 38:08.375
Ikaw na ang nagsabi. Tama na sa kakaisip.

38:10.583 --> 38:12.583
Sabi ko, "Walang kuwentang mag-isip."

38:29.583 --> 38:30.458
Sino 'yan?

38:31.958 --> 38:33.250
-Sandali.
-Sino 'yon?

38:38.083 --> 38:40.666
-Sino 'yon?
-Si Sarah. Gustong makita ang mga bata.

38:40.750 --> 38:41.583
-Sarah?
-Oo.

38:41.666 --> 38:43.333
Di pwedeng basta siya susulpot dito.

38:45.000 --> 38:46.791
-Ano'ng gagawin natin?
-Ercole!

38:48.583 --> 38:49.541
Ercole?

38:50.041 --> 38:51.791
-Nasa baba si Mama.
-Si Mama?

38:51.875 --> 38:56.500
-Oo, nandito si Mama. Paakyatin mo siya.
-Teka, magtatanong muna tayo.

38:56.583 --> 38:58.666
Wag na, please. Ako na lang bababa.

38:58.750 --> 39:00.583
-Di pwede!
-Ano'ng gagawin natin, Vale?

39:00.666 --> 39:03.083
-Lola, please.
-Alam ko, iho…

39:04.125 --> 39:06.041
Tama na. Ako na ang bahala.

39:06.541 --> 39:07.541
Hindi, Valerio!

39:09.583 --> 39:10.750
Vale!

39:25.083 --> 39:26.833
-Hi, Sarah.
-Hi.

39:28.083 --> 39:29.416
Kumusta?

39:30.083 --> 39:30.958
Okay lang.

39:32.500 --> 39:33.875
Pwedeng makita ang mga bata?

39:34.541 --> 39:36.666
-Hindi.
-Bakit hindi?

39:38.333 --> 39:40.166
Sabi kasi nila, hindi pwede.

39:40.916 --> 39:42.291
Pwedeng pakinig din?

39:42.791 --> 39:45.125
Wag mo nang ipilit, mahihirapan ka lang.

39:49.916 --> 39:54.583
Anak ka talaga ng puta kang hayop ka.
Sino ka para mag-decide sa mga anak ko?

39:55.916 --> 39:56.833
Bye, Sarah.

39:59.958 --> 40:03.041
'Tang ina mo! Gaya ka rin ng kuya mo!

40:04.458 --> 40:05.500
Fuck!

41:18.333 --> 41:20.583
TARANTADO

42:29.791 --> 42:32.791
Nagsalin ng Subtitle: Jessica Ignacio
Sino ka para mag-decide sa mga anak ko?
