WEBVTT

00:13.666 --> 00:16.791
Ma, sa 'yo ako makikiusap
dahil ikaw lang ang nakakaintindi sa 'kin

00:16.875 --> 00:18.833
pagdating sa pamahiin.

00:18.916 --> 00:23.875
'Yong Satanas na ashtray, 'yong pangit,
wag n'yong itatapon 'yon.

00:23.958 --> 00:25.833
Pinoprotektahan no'n ang bahay.

00:30.333 --> 00:33.000
'Yong bolang walang hangin sa tokador ko,

00:33.083 --> 00:36.458
niligtas niyan ang buhay ko
nang tumaob ang bangka ko sa Calabria.

00:36.541 --> 00:39.375
Kumapit ako riyan
at anim na oras nagpalutang-lutang.

00:42.333 --> 00:46.791
'Yong Sonic Youth t-shirt.
Hinagis nila 'yon sa stage sa Pordenone.

00:46.875 --> 00:48.750
Nakipagpatayan ako para diyan.

00:48.833 --> 00:52.250
Magical 'yang t-shirt na 'yan, Ma.
Panlaban sa bangungot.

00:52.333 --> 00:54.958
Ibigay mo kay Ercole
pag di siya makatulog sa gabi.

00:55.041 --> 00:56.541
Ay, saka 'yong pulang bandana…

00:56.625 --> 00:58.708
Tingin kayo do'n, kunwari pirata tayo!

00:58.791 --> 01:01.458
Gamit ko 'yan
no'ng pirata ako sa cruise ship.

01:01.541 --> 01:03.333
Mas mukhang pirata!

01:04.416 --> 01:06.666
May kapangyarihan 'yang
magbigay ng lakas ng loob.

01:06.750 --> 01:09.291
Ibigay mo kay Libero. Pampaalis ng takot.

01:11.000 --> 01:12.791
Tapos, 'yong kantang 'yon, Ma.

01:12.875 --> 01:15.666
Kinakanta mo 'yon sa 'kin dati
bago ako matulog.

01:15.750 --> 01:18.625
'Yung tungkol sa nasusunog na building
ni Gianna Nannini.

01:18.708 --> 01:21.083
Nakakapawi 'ka mo ng lungkot.

01:21.166 --> 01:23.375
Kantahin mo sa mga bata. Gabi-gabi.

01:24.583 --> 01:26.291
Ang iniisip mo, tanga ka.

01:26.791 --> 01:29.791
Ikaw ang pinakamatalinong taong kilala ko.

01:29.875 --> 01:32.125
Umpisa pa lang, alam mo na ang lahat.

01:32.625 --> 01:34.833
Alam mo ang kahihinatnan namin ni Sarah.

01:36.291 --> 01:38.208
Alam mo ang nangyari, Ma.

01:39.166 --> 01:41.916
Wag mong iiwan ang mga bata.
Kailangan ka nila.

01:45.916 --> 01:47.166
MY FAMILY

02:00.666 --> 02:02.791
-Vesuvius ba 'yan?
-Oo.

02:02.875 --> 02:03.875
Sumasabog 'yan.

02:04.958 --> 02:05.791
Ano?

02:07.041 --> 02:10.208
Ercolano, 'yong pinanggalingan ko… Ano…

02:10.291 --> 02:12.750
Noong unang panahon, para 'yong Pompeii.

02:12.833 --> 02:17.208
Nasunog, may lava, lahat namatay,
disaster talaga.

02:17.291 --> 02:18.125
Wow!

02:19.416 --> 02:22.208
Pero ba't sila tumira
sa tabi ng active volcano?

02:22.958 --> 02:24.583
E…

02:25.625 --> 02:27.833
Wag mo na lang tanungin. Ewan ko.

02:28.750 --> 02:31.791
Pamilya ko ang isipin mo.
'Yong pamilya ko, kasi…

02:31.875 --> 02:34.791
Baliw… baliw ang mga tao ro'n.

02:34.875 --> 02:36.958
Baliw na pamilya, baliw lahat.

02:37.541 --> 02:39.041
Mas nag-aalala ka kaysa sa 'kin.

02:40.250 --> 02:43.041
Hawakan mo lang ang kamay ko
at wag kang lalayo.

02:47.083 --> 02:52.125
Tila gas chamber ang pag-ibig na ito

02:52.875 --> 02:57.416
Isang gusaling natutupok sa abo

02:58.750 --> 03:02.250
Tila patalim ang pag-ibig na ito…

03:05.166 --> 03:07.333
-Fausto!
-Uy!

03:08.958 --> 03:10.125
Dahan-dahan!

03:12.375 --> 03:15.083
-May problema.
-Si Valerio, kapatid ko. Sarah.

03:15.166 --> 03:17.833
Hi. Nag-uwi ng lalaki si Mama.
Ayoko sa kanya.

03:17.916 --> 03:20.250
-Heto na.
-Fausti. Palayasin natin siya.

03:20.333 --> 03:21.833
-Pwede mamaya na?
-Hindi!

03:21.916 --> 03:24.000
Nilagay niya ang TV ko sa kuwarto niya.

03:24.083 --> 03:25.875
Kausapin mo, o kakaladkarin ko siya.

03:25.958 --> 03:28.125
Sige na, pumasok na tayo. Tara.

03:29.166 --> 03:30.041
Sige na.

03:33.916 --> 03:34.750
'Yon siya.

03:35.750 --> 03:37.250
Ang tarantadong Pasquale.

03:40.000 --> 03:41.458
Tarantadong Pasquale?

03:41.541 --> 03:42.791
Tarantadong Pasquale.

03:44.833 --> 03:45.666
Hi.

03:50.791 --> 03:52.291
-Ikaw ba si Fausto?
-Oo.

03:52.375 --> 03:54.916
Ako naman si Pasquale,
boyfriend ng mama mo.

03:55.625 --> 03:57.291
Hindi, hindi pa… Ano…

03:57.375 --> 03:58.708
Halika rito. Halika.

03:59.250 --> 04:00.375
Uy. Hi.

04:01.583 --> 04:02.875
-Ang saya.
-Oo nga.

04:06.000 --> 04:06.833
Si Sarah.

04:08.125 --> 04:08.958
Siya ang…

04:10.208 --> 04:11.750
Ang girlfriend ko, oo.

04:12.750 --> 04:13.666
Hi.

04:15.500 --> 04:17.000
Ang saya. Ang saya-saya.

04:17.083 --> 04:17.916
Okay, guys.

04:18.000 --> 04:20.416
Kita tayo mamaya. Magja-jogging lang ako.

04:20.500 --> 04:21.333
-Okay?
-Okay.

04:23.458 --> 04:24.791
Bye.

04:26.541 --> 04:28.458
-Weird siya, 'no?
-Gago siya.

04:32.125 --> 04:33.875
-Mama.
-Ssh! Alam ko.

04:35.958 --> 04:36.791
Buweno?

04:37.750 --> 04:40.208
-Ma, pa-kiss naman.
-Ayoko, Fausti.

04:40.291 --> 04:42.250
-Bakit?
-Ano'ng ginawa mo?

04:42.333 --> 04:44.333
Wala, Ma. Wala akong ginawa.

04:45.541 --> 04:47.750
-Ma, si Sarah.
-Good morning.

04:47.833 --> 04:49.083
Ang ina ng anak ko.

04:49.875 --> 04:50.708
Ano 'ka mo?

04:52.083 --> 04:54.916
Sa madaling salita, magkakaanak na kami.

04:55.666 --> 04:56.916
Hindi, di totoo 'yan.

04:57.000 --> 04:59.666
Totoo, Ma. Totoo. Tingnan mo.

05:01.000 --> 05:01.833
Ano?

05:06.458 --> 05:08.958
-Pa'no nangyari?
-Alam mo naman kung pa'no.

05:09.041 --> 05:11.416
Wag kang pilosopo. Ginusto n'yo ba 'yan?

05:11.500 --> 05:13.041
Oo. Ginusto namin, Ma.

05:13.750 --> 05:15.541
Five months, gusto n'yo nang mag-anak?

05:15.625 --> 05:17.541
Hindi, ayokong ikaw ang sasagot!

05:18.208 --> 05:19.875
Siya ang gusto kong marinig.

05:21.250 --> 05:22.541
Sorry. Ano…

05:23.208 --> 05:24.041
Gusto mo ba 'yan?

05:24.125 --> 05:25.250
-'Yong baby?
-Oo.

05:25.333 --> 05:26.833
Oo.

05:26.916 --> 05:29.166
No'ng ipanganak si Fausto, Ma…

05:29.250 --> 05:30.791
Bakit n'yo ho ginawa 'yon?

05:31.416 --> 05:32.375
In love kayo.

05:34.125 --> 05:38.583
In love? Nabuntis ako no'ng 18 ako.
Love ka diyan.

05:38.666 --> 05:41.958
Naglayas ako at dalawang araw akong
hinabol ng baril ng tatay ko. Love…

05:42.041 --> 05:44.958
Pagkapanganak sa kanya,
lumayas ang asawa ko. Sa'n ang love do'n?

05:45.041 --> 05:46.791
-Dapat di na 'ko umuwi.
-Hindi.

05:46.875 --> 05:49.000
-Hindi, Ma, please…
-Tama ang ginawa n'yo.

05:51.166 --> 05:53.375
-Pero dapat magpakasal kayo.
-Okay.

05:53.458 --> 05:57.208
Bibigyan kayo ng mga kamag-anak ko
ng sobreng may 500 euros.

05:57.291 --> 06:00.916
Nag-aaral ako ng Dentistry,
kaya hindi ako eksperto.

06:01.000 --> 06:05.791
Pero kung ikakasal kayo, malulutas na
ang problema mo sa immigration, tama?

06:07.041 --> 06:09.375
Pasqua, sino'ng nagtanong, ha?

06:09.958 --> 06:12.416
-Okay. Gawa na lang ako ng horchata?
-Oo.

06:14.708 --> 06:15.791
Diyos ko…

06:15.875 --> 06:19.416
Sinasabi ko sa inyo.
Hindi pagdiriwang ang kasalan.

06:19.500 --> 06:20.958
Pamumuhunan 'yon.

06:26.333 --> 06:27.208
Buweno…

06:29.916 --> 06:34.708
Binubuo ang pamilya namin
ng 20 pang subfamilies.

06:35.708 --> 06:37.666
Kada pamilya, karaniwang dalawa ang anak.

06:37.750 --> 06:39.375
-Mama, ano…
-Shh! Tahimik.

06:39.458 --> 06:40.625
Benteng kasalan…

06:41.208 --> 06:44.375
Tuwing may kasal, magbibigay ka ng sobre.
500 euros ang laman.

06:44.458 --> 06:46.791
Kung iiwas ang anak ko sa tradisyon

06:46.875 --> 06:50.958
at di magpapakasal taliwas
sa nais ng Diyos, buweno… di kayo kikita.

06:52.250 --> 06:56.416
Kung ikakasal kayo,
kikita tayo ng di bababa sa 20,000 euros.

06:57.375 --> 06:58.375
Tax-free.

06:59.208 --> 07:00.291
Okay, pero walang pari.

07:00.375 --> 07:02.125
Paki natin sa pari?

07:02.208 --> 07:03.833
A… Ayoko ng white dress.

07:04.708 --> 07:08.666
Iha, kailangang maramdaman mong
parte ka ng pamilyang 'to.

07:08.750 --> 07:10.958
Kayo ang bahala sa lahat.

07:18.375 --> 07:19.666
Magsisimula na sila.

07:20.375 --> 07:22.125
Sabi ko, aalis na tayo.

07:22.208 --> 07:23.416
Siyempre.

07:23.500 --> 07:26.500
-Gusto kong makita.
-Ercoli, hindi pwede.

07:26.583 --> 07:29.416
Kinuwento na ni Papa 'yon.
Di daw nakakatakot.

07:29.500 --> 07:30.666
Sama ka sa 'kin?

07:30.750 --> 07:32.375
Ayoko, ayokong makita.

07:32.958 --> 07:35.291
-Ako na lang mag-isa.
-Diyan ka lang.

07:36.208 --> 07:37.875
Maupo ka. Halika.

07:37.958 --> 07:39.291
-Ano na naman?
-Halika.

07:43.250 --> 07:46.083
-Magdesisyon na tayo.
-Ako, payag ako.

07:46.166 --> 07:48.958
Sige, para ma-trauma siya. Ako, ayoko.

07:49.041 --> 07:53.166
Kung umalis na tayo ngayon,
malilimot niya rin 'yan.

07:53.250 --> 07:55.666
Tama. Sige, ikaw ang magsabi sa kanya.

07:55.750 --> 07:57.375
-Ako?
-Bakit hindi?

07:57.458 --> 08:00.125
-Di ako kamag-anak.
-Para ka na nilang tito.

08:00.208 --> 08:01.458
Oo, malayong tito.

08:01.541 --> 08:03.708
-Ikaw na lang, Lucia.
-Ayoko.

08:03.791 --> 08:05.583
Di siya makikinig sa 'kin.

08:05.666 --> 08:07.041
Makinig kayo.

08:07.125 --> 08:10.333
Dapat may responsable sa 'tin
at umarteng magulang.

08:10.416 --> 08:14.458
'Yon ang hiling sa 'tin ni Fausto.
Kung pare-pareho nating ayaw…

08:15.208 --> 08:16.416
Ako na'ng magsasabi.

08:18.958 --> 08:21.125
Okay? Nagkasundo tayo.

08:31.583 --> 08:33.708
-Ercole…
-Sabi ni Papa, pag namatay ang tao,

08:33.791 --> 08:36.958
nasa mabuti na siyang kalagayan,
o wala na siyang nararamdaman.

08:37.041 --> 08:38.500
Di tayo dapat malungkot.

08:40.083 --> 08:41.458
Sino'ng sasama sa 'kin?

08:43.666 --> 08:47.916
Nasa 900 degrees ang init diyan
kaya nagliliyab agad ang kabaong.

08:48.000 --> 08:49.791
Pero di agad nagiging abo.

08:50.458 --> 08:52.541
Ngayon, may mga buo-buo pang buto.

08:53.625 --> 08:58.000
Mamaya, kukunin 'yan ng staff
at ilalagay sa grinding machine,

08:58.083 --> 09:00.333
at ihihiwalay ang abo sa mga metal.

09:01.041 --> 09:03.458
Gaya ng pasta sa ngipin.

09:03.541 --> 09:05.458
Saka nila ibibigay ang urn.

09:05.541 --> 09:08.500
Dapat isaboy natin 'yong abo,
gaya ng sabi ni Papa.

09:08.583 --> 09:11.916
Okay lang daw
kung sa dagat o sa ilog isaboy.

09:12.000 --> 09:15.458
Pero sa malayo, sa malalim.
Hindi sa Ostia o Fiumicino.

09:18.041 --> 09:21.291
One minute na lang.
Tapos, pwede na tayong umalis.

09:32.458 --> 09:36.958
Alam n'yo naman, ngayong wala ni Fausto,
at dahil hindi reliable ang ina,

09:37.041 --> 09:40.083
pina-monitor ng City Hall
ang sitwasyon n'yo…

09:40.958 --> 09:44.791
Mabuti at nandito kayong apat.
Siguro sinusubukan n'yong…

09:44.875 --> 09:46.500
Pasensiya na, ma'am,

09:46.583 --> 09:49.583
pero may appointment ako.
Ito na nga 'yong alarm, o…

09:49.666 --> 09:52.000
Nag-hi lang talaga ako, pero…

09:52.083 --> 09:52.958
Dito ka lang.

09:53.041 --> 09:55.000
Dito lang ako, hindi ako aalis.

09:55.083 --> 09:56.083
Perfect.

09:56.166 --> 10:00.250
Buweno, napakahalaga
nitong pagsasama-sama ninyo.

10:00.333 --> 10:03.166
Pero kailangang may magpasya, tama?

10:03.791 --> 10:06.666
Mrs. Lucia,
kailangan mong lumipat sa Rome.

10:07.250 --> 10:12.166
Hindi. Di ako pwedeng lumipat dito.
May trabaho ako. Pa'no 'yon? Ayoko.

10:12.250 --> 10:14.791
Katangahan kung aalis pa sila rito.

10:14.875 --> 10:17.625
Di ba mas magandang
bumalik sila sa nanay nila?

10:17.708 --> 10:19.708
-Ha?
-Pero siya ang ina.

10:19.791 --> 10:21.166
-Ano?
-Totoo naman.

10:21.250 --> 10:22.541
-Okay, ganito…
-Please, Ma.

10:22.625 --> 10:27.708
Kung aayaw ka, pansamantalang mapupunta
ang mga bata sa child services, ha?

10:27.791 --> 10:30.125
Okay, di naman sa umaayaw ako.

10:30.208 --> 10:32.125
Ayoko lang lumipat dito sa Rome.

10:32.208 --> 10:35.583
Ma! Gusto mong umalis? Alis na!
Parang ayaw mo naman, e!

10:35.666 --> 10:37.041
-Walang kuwenta.
-Vale…

10:37.125 --> 10:38.416
Ewan.

10:38.500 --> 10:41.000
Okay, dito muna ang mga bata.

10:41.083 --> 10:44.416
Pag-iisipan muna namin ang gagawin.
Bigyan mo kami ng isang linggo.

10:44.500 --> 10:46.416
Isang linggo. Okay.

10:46.500 --> 10:48.333
Last, but not the least.

10:48.416 --> 10:50.875
Pag tumawag ang ina,
dapat naka-loudspeaker.

10:50.958 --> 10:54.250
Dapat lagi n'yong dinig
ang sinasabi ng ina sa mga bata.

10:54.333 --> 10:58.083
Di nila pwedeng makausap
ang ina nila? Okay.

10:59.500 --> 11:00.458
Salamat ulit.

11:04.750 --> 11:07.458
Bakit mo sinabing
pwede sila sa nanay nila?

11:07.541 --> 11:10.416
Ano, wala na ring halaga 'yong opinyon ko?

11:10.500 --> 11:11.708
Mga bata 'yong mahalaga!

11:11.791 --> 11:14.541
-Ayaw mo lang 'ka mo sa babaeng 'yon.
-Luci.

11:14.625 --> 11:17.833
-Parang di n'yo kilala si Fausto.
-Wag kang gagawa ng pagsisisihan mo.

11:17.916 --> 11:20.541
Hindi, Maria, walang may gusto sa kanya.

11:21.125 --> 11:24.958
Luci, alam kong ayaw mong
magkaro'n ng pananagutan dito,

11:25.041 --> 11:28.250
pero kalabisan na
ang sisihin mo pa ang anak mo.

11:28.333 --> 11:31.125
Di ko kayang maging ina o maging lola.

11:31.625 --> 11:34.125
Di ako para sa gano'n,
wala 'kong magagawa.

11:34.875 --> 11:35.875
Luci.

11:37.125 --> 11:38.875
Hindi ka ganito.

11:39.583 --> 11:41.125
Malakas ka.

11:41.875 --> 11:44.166
-'Yong thyroid ko kasi.
-Thyroid mo.

11:44.250 --> 11:46.625
Apat na taon na 'kong may goiter.

11:46.708 --> 11:49.250
Naging anxious at insecure ako.

11:49.333 --> 11:51.416
Goiter?

11:51.500 --> 11:55.291
May thyroid issues din akong dinadaan ko
sa gamot, pero tumutulong ako sa mga bata.

11:57.541 --> 11:59.958
Wala akong maintindihan
sa sinasabi ng mama mo.

12:00.875 --> 12:01.875
Nakakatawa siya.

12:01.958 --> 12:04.666
-Hindi, pero kunwari… magnanakaw ka.
-O?

12:04.750 --> 12:06.916
Magnanakaw sa bangko.
Parang Bonnie and Clyde.

12:07.000 --> 12:09.125
Itatakbo mo 'yong pera.

12:10.625 --> 12:14.166
So, Bonnie, ano'ng gagawin mo sa pera?

12:14.250 --> 12:15.500
Magbabayad ng renta.

12:16.541 --> 12:18.666
-Sa Rome kayo titira?
-Oo naman.

12:18.750 --> 12:22.833
-Di na 'ko babalik dito.
-Ay, hindi. Okay, Fausto…

12:22.916 --> 12:23.750
Sige.

12:23.833 --> 12:26.791
Hindi. Wag… kang papapigil. Bahala ka.

12:35.750 --> 12:36.750
Guys…

12:39.250 --> 12:41.500
Gusto n'yo bang maging witness namin?

12:49.541 --> 12:51.041
Guys, inaya ko kayo.

12:53.833 --> 12:57.875
Masaya ba kayong ikakasal ako o…
Ano ba? Ikakasal ako, o.

12:57.958 --> 13:00.416
Oo naman. Masaya ako para sa inyo.

13:01.000 --> 13:02.708
-Si Demetrio din.
-Ako, hindi.

13:03.250 --> 13:04.375
Hindi ako masaya.

13:04.458 --> 13:06.166
Ano'ng ibig mong sabihin?

13:06.250 --> 13:08.666
Magkababata tayong tatlo,

13:08.750 --> 13:11.208
-magkasama nating ginagawa ang lahat.
-Oo.

13:11.291 --> 13:14.458
-Nagkakasiyahan, naglalakwatsa…
-Oo.

13:14.541 --> 13:17.416
-O, tapos?
-Matatapos 'yon pag ikinasal ka. Okay?

13:17.500 --> 13:18.750
At ayoko no'n.

13:19.250 --> 13:22.875
Sorry, Sarah.
Wala akong personal na galit sa 'yo.

13:22.958 --> 13:25.625
'Yon lang ang nararamdaman ko.

13:25.708 --> 13:29.083
Dadalo ako sa kasal,
pero malulungkot ako. Sobra.

13:29.750 --> 13:30.625
Sorry.

13:35.416 --> 13:36.291
At umalis na siya.

13:39.375 --> 13:41.333
Gano'n ang self-pity dito sa South.

13:42.083 --> 13:43.416
Ganoon talaga kami.

14:02.125 --> 14:03.625
Umalis na tayo rito.

14:07.083 --> 14:08.583
Walang may gusto sa akin.

14:08.666 --> 14:13.041
Hindi totoo 'yan, Sarah.
Hindi totoo 'yan. Gusto ka ni Maria.

14:13.750 --> 14:14.708
Sabi niya sa…

14:14.791 --> 14:16.125
Sinabi niya sa 'kin.

14:16.208 --> 14:17.666
In love siya sa 'yo.

14:17.750 --> 14:20.625
Hindi. Magkaibigan kami.
Mabuti siyang kaibigan.

14:20.708 --> 14:22.625
Friends kami, pero walang love.

14:22.708 --> 14:24.458
-Galit siya sa 'kin.
-Hindi.

14:24.541 --> 14:26.875
Pansin mo bang di niya 'ko tinitingnan?

14:26.958 --> 14:30.416
Sarah, tayo lang ang isipin mo.
Tayo lang. Ang ganda nito.

14:30.500 --> 14:31.666
Napakaganda nito.

14:35.541 --> 14:36.750
Walang pamilya.

14:36.833 --> 14:38.208
Walang mga kaibigan.

14:39.458 --> 14:41.458
Iwan na lang natin ang mundo.

14:43.291 --> 14:44.125
Sige.

14:47.583 --> 14:49.750
Ayaw kong maging malungkot.

14:50.416 --> 14:52.666
Sarah, di ka magiging malungkot.

14:54.083 --> 14:56.250
Kahit kailan. Hindi. Pangako 'yan.

15:08.958 --> 15:10.333
-Sarah.
-Ay.

15:11.541 --> 15:13.041
Ano'ng hinahanap mo?

15:13.125 --> 15:14.458
A, tubig.

15:15.416 --> 15:16.791
Sa ref ka maghanap.

15:17.958 --> 15:18.791
Okay.

15:23.000 --> 15:24.333
Nagkalabuan ba kayo?

15:25.000 --> 15:26.916
-Ha?
-Ano… nag-away ba kayo?

15:27.000 --> 15:28.541
-A, hindi.
-A.

15:29.125 --> 15:30.083
Maupo ka.

15:31.041 --> 15:31.875
Heto.

15:45.041 --> 15:48.458
Pasensiya na kung kulang ako sa lambing.

15:48.541 --> 15:52.916
Lumaki akong puro lalaki ang kasama.
Di ako sanay makitungo sa iba.

15:57.500 --> 16:01.291
Gusto kong sabihing
masaya akong nagdadalang-tao ka.

16:01.958 --> 16:03.333
Ang totoo, excited ako.

16:06.875 --> 16:09.083
Bakit nahulog ang loob mo sa anak ko?

16:10.041 --> 16:11.541
Love. Bakit?

16:12.125 --> 16:12.958
Bakit?

16:13.750 --> 16:15.250
Dahil sa balikat niya.

16:15.333 --> 16:16.791
-Ha?
-'Yong balikat niya?

16:16.875 --> 16:18.250
A, 'yong balikat?

16:18.333 --> 16:19.583
-Oo.
-Mabuti.

16:20.708 --> 16:25.250
Basic 'yon. Wala akong tiwala
sa mga lalaking maliit ang balikat.

16:25.333 --> 16:28.083
Pero 'yong anak ko…
Malapad ang balikat niya…

16:28.166 --> 16:32.333
Ma, di ka niya naiintindihan.
Pwedeng tumigil ka na?

16:32.416 --> 16:33.791
Pinainom ko siya ng tubig.

16:33.875 --> 16:35.583
Napainom mo na siya. Tulog ka na.

16:35.666 --> 16:37.416
-Bakit ka ba ganyan?
-Ha?

16:37.500 --> 16:39.166
Sabi ko lang, "Tulog ka na".

16:39.250 --> 16:42.458
Hindi, Fausti.
Mapagmataas ang tono mo. Ayoko no'n, e.

16:42.541 --> 16:44.333
Para bang baliw ang kausap mo.

16:45.375 --> 16:46.708
Ma, good night.

16:48.041 --> 16:49.375
Gago!

16:51.083 --> 16:53.000
Wag kang magsalita nang gano'n
sa nanay mo.

16:56.625 --> 16:58.125
Baby, lagi kaming gano'n…

16:58.666 --> 16:59.875
"Gago"…

17:00.583 --> 17:01.625
Nagmumurahan.

17:02.250 --> 17:04.291
Pero mahal namin ang isa't isa.

17:04.791 --> 17:06.708
Maniwala ka, mahal namin ang isa't isa.

17:09.375 --> 17:10.208
Baby.

17:11.416 --> 17:12.625
Tulog na tayo?

17:17.250 --> 17:21.333
Oo, sige. Tanda ko.
Sa Piazza Venezia, tama?

17:21.416 --> 17:24.083
Siyempre. Kita tayo ro'n. Darating ako ng…

17:24.833 --> 17:25.666
Alas-siyete?

17:25.750 --> 17:27.500
Paano n'yo 'to nagawa ng kapatid ko?

17:27.583 --> 17:28.916
Mga iho, kain na.

17:29.916 --> 17:31.250
Aabot tayo.

17:31.333 --> 17:32.750
Kain na!

17:32.833 --> 17:34.666
Okay lang 'yong alas-siyete.

17:34.750 --> 17:36.250
-Valerio!
-Gago ka.

17:36.333 --> 17:37.333
Vale!

17:39.125 --> 17:39.958
Heto.

17:44.000 --> 17:45.666
-Kain.
-Kain na.

17:47.750 --> 17:48.791
Natatanggal.

17:50.041 --> 17:53.958
Ginawa ko ang best ko, pero 30 taon nang
di kumakapit ang breading ko.

17:54.041 --> 17:56.625
Masarap naman. Natatanggal lang.

17:56.708 --> 17:58.958
Di na 'to breaded cutlet, cutlet na lang.

17:59.041 --> 18:00.541
Kumain ka na lang.

18:00.625 --> 18:01.916
Vale!

18:02.458 --> 18:03.500
Manners mo.

18:11.166 --> 18:12.083
Ang mama n'yo.

18:12.750 --> 18:13.583
Sagutin mo!

18:14.208 --> 18:15.166
-Sagutin mo.
-Sige na!

18:15.250 --> 18:16.416
Oo, sandali lang.

18:16.500 --> 18:22.041
Okay. Ilalagay natin ang phone sa mesa,
para marinig nating lahat. Ayan.

18:22.125 --> 18:24.833
-Uy, sagutin mo!
-Sasagutin na nga, kumalma ka.

18:25.666 --> 18:26.583
Hello?

18:27.791 --> 18:29.583
Hi, Sarah, kumusta?

18:29.666 --> 18:31.291
Okay lang. Pakausap sa mga anak ko?

18:31.375 --> 18:33.791
Oo, nandito sila. Naririnig ka nila. Ano…

18:34.458 --> 18:36.708
May gusto akong sabihin sa 'yo, Sarah.

18:36.791 --> 18:40.708
Lagi kitang naiisip,
at kung gusto mo akong makausap,

18:40.791 --> 18:42.791
pwede naman. Ssh!

18:44.000 --> 18:48.125
Kahit komplikado na ang lahat,
nag-aalala pa rin ako sa 'yo.

18:48.208 --> 18:50.000
Okay, pakausap na sa mga bata?

18:50.083 --> 18:51.208
-Sige!
-Sa Italian!

18:51.791 --> 18:54.750
Makikiusap lang ako
kung pwedeng mag-Italian kayo?

18:54.833 --> 18:57.333
-Mommy?
-Honey, how are you?

18:57.416 --> 18:58.333
-Italian.
-Fine.

18:58.416 --> 18:59.625
-Italian!
-Ercole?

18:59.708 --> 19:00.833
I'm here.

19:00.916 --> 19:02.833
Kailangan n'yong mag-Italian, okay?

19:02.916 --> 19:04.416
How are you feeling, Mom?

19:04.500 --> 19:06.750
I'm not well. I'm trying to get better.

19:06.833 --> 19:08.208
But for now, I can't…

19:08.291 --> 19:11.250
-Sarah, dapat Italian.
-Di ikaw ang kausap ko.

19:11.333 --> 19:16.250
E, di ibababa ko na 'to.
Pinapahirapan mo 'ko.

19:16.333 --> 19:17.625
-Hindi, wag!
-Libero!

19:17.708 --> 19:19.916
Hindi ko kaya ang ganito, Vale.

19:20.000 --> 19:22.583
-Huminahon ka! Sandali!
-Ayoko na, Vale!

19:22.666 --> 19:23.916
Akin na 'yang phone.

19:24.000 --> 19:25.791
Sarah. One moment.

19:33.708 --> 19:35.000
Ni-record ko lahat.

19:35.916 --> 19:38.166
Wala rin naman tayong maiintindihan.

19:38.666 --> 19:40.666
Lagi ka namang walang naiintindihan.

19:40.750 --> 19:44.583
Ipe-play ko ang recording,
tapos gagamit tayo ng translator

19:44.666 --> 19:46.958
-para maintindihan ang sinabi niya.
-Translator?

19:50.666 --> 19:52.916
Listen, you don't have to cooperate.

19:53.000 --> 19:55.208
Always say no to everything they say.

19:56.875 --> 19:58.458
Di n'yo kailangang sumunod.

19:59.291 --> 20:02.291
Humindi lang kayo sa sinasabi nila.

20:02.375 --> 20:05.166
Kita mo 'yan?
Gusto niyang kalabanin nila tayo.

20:05.666 --> 20:06.666
Ang puta.

20:07.166 --> 20:08.833
Especially your grandmother.

20:08.916 --> 20:09.916
She's ignorant.

20:10.000 --> 20:11.541
Your father hated her.

20:12.041 --> 20:15.041
She's incapable of loving anyone
other than herself.

20:15.958 --> 20:19.375
Oo, pero ang saya ng mga bata
na marinig siya, di ba?

20:19.458 --> 20:21.041
Tama ako, Valerio…

20:21.791 --> 20:24.125
Mabuti siyang tao.
Kailangan niya ng tulong.

20:25.750 --> 20:27.458
Lalong-lalo na ang lola n'yo.

20:28.000 --> 20:29.541
Ignorante siya.

20:29.625 --> 20:31.333
Galit sa kanya ang ama n'yo.

20:32.041 --> 20:35.041
Sarili lang niya ang kaya niyang mahalin.

20:45.583 --> 20:47.458
May susunduin pa 'kong client.

20:50.583 --> 20:52.916
Wag kang malungkot, Ma, siraulo siya.

20:54.083 --> 20:54.958
Okay?

21:09.375 --> 21:10.625
Pwede kang maistorbo?

21:16.666 --> 21:17.750
Makinig ka, Sarah.

21:18.958 --> 21:22.166
Matutuwa talaga ako pag sinuot mo 'to.

21:24.250 --> 21:25.083
Heto.

21:25.916 --> 21:27.083
Salamat, Lucia.

21:27.583 --> 21:29.875
Pero di ko pwedeng suotin 'to…

21:30.625 --> 21:31.958
Nagkaka-allergies ako.

21:32.875 --> 21:36.958
Oo, kasi mumurahin 'yong sinusuot mo,
natural na magka-allergies ka.

21:37.041 --> 21:38.541
Gawa sa gold 'yan, okay?

21:38.625 --> 21:41.291
Suot ko 'yan no'ng kasal ko.
Walang allergies.

21:41.375 --> 21:42.625
Wag na lang.

21:43.500 --> 21:45.500
Sige na, kahit ito na lang.

21:45.583 --> 21:48.291
Ayaw mo ng white dress, simbahan…

21:48.916 --> 21:50.458
Kahit 'yong hikaw na lang.

21:53.083 --> 21:53.958
Okay.

21:58.750 --> 22:02.916
Sarah, alam kong natatakot ka.
Takot din ako no'ng kasal ko.

22:05.958 --> 22:08.458
Pero gusto kong malaman mong
tayong dalawa…

22:08.541 --> 22:12.625
Pareho tayong dalawa.
May pagkakapareho tayo.

22:12.708 --> 22:17.375
Maganda at malakas ang personalidad mo.

22:18.208 --> 22:20.875
Pero may natatago ka ring kahinaan.

22:21.625 --> 22:22.750
Gaya ko.

22:25.708 --> 22:28.041
At may sasabihin pa 'kong iba.

22:28.125 --> 22:30.625
Baka di ko dapat sabihin 'to,
pero sasabihin ko na.

22:31.375 --> 22:35.041
Kayo ni Fausto,
lagi kayong magiging masaya.

22:35.875 --> 22:37.500
Pero kilala ko ang anak ko.

22:38.250 --> 22:41.416
Sinusulit niya ang buhay niya.
Pati buhay ng iba, nadadamay niya.

22:41.500 --> 22:44.250
Kaya pag di ka na masaya balang-araw,

22:44.333 --> 22:48.333
pag di na okay ang lahat,
pag malungkot ka, magbago ka.

22:48.416 --> 22:49.250
Magbago ako?

22:49.958 --> 22:53.541
Hindi ikaw. Magbago ka ng asawa.

22:53.625 --> 22:58.250
Kasi pag nawala na ang saya,
di na 'yon babalik sa dati.

22:58.333 --> 22:59.541
Magbago ka ng asawa.

22:59.625 --> 23:03.166
Magbago ka ng asawa, ng buhay,
baguhin mo lahat. Okay?

23:07.291 --> 23:08.625
Napakaganda mo.

23:29.166 --> 23:31.666
Ma, nasa'n 'yong puting polo ko?

23:32.833 --> 23:33.666
Uy!

23:34.500 --> 23:35.333
Ma.

23:38.458 --> 23:39.833
Cuff links ko 'yan.

23:39.916 --> 23:41.125
Ano'ng kailangan mo?

23:41.208 --> 23:42.958
Gamit ko 'yan no'ng Communion ko.

23:43.041 --> 23:44.208
Di ko mahanap ang akin.

23:44.291 --> 23:45.541
Ano naman? Hubarin mo.

23:46.416 --> 23:49.875
Ano ba, di mo naman kailangan 'to.
Gusto mo talagang magmukhang elegante?

23:51.916 --> 23:54.416
-Pasqua, akin na ang cuff links ko.
-Ayoko.

23:55.500 --> 23:56.500
Ayaw mo?

23:58.333 --> 23:59.208
Ayaw mo?

24:01.208 --> 24:02.500
-Hoy!
-Babasagin ko mukha mo.

24:02.583 --> 24:03.833
Ano'ng nangyayari?

24:03.916 --> 24:05.708
-Kinuha niya cuff links ko.
-Tama na.

24:05.791 --> 24:07.875
-Hubarin mo 'yan!
-Tama na!

24:07.958 --> 24:09.208
-Akin 'yan!
-Labas na.

24:09.291 --> 24:10.916
-Labas.
-Ano'ng gusto mo?

24:11.000 --> 24:13.541
-Basagin ang mukha mo!
-Pasquale, labas na!

24:13.625 --> 24:15.625
-Sige, kasi sabi mo.
-Oo na!

24:15.708 --> 24:19.000
-"Sige, kasi sabi mo."
-Hoy! Kumalma ka nga.

24:19.083 --> 24:20.416
Ikakasal na 'ko!

24:24.625 --> 24:26.583
Pag di mo siya pinalayas, ako ang lalayas!

24:26.666 --> 24:28.666
Vale, kumalma ka.

24:30.083 --> 24:32.541
Mama. Ayusin natin 'to, please.

24:36.041 --> 24:37.208
Makinig ka, Ma.

24:37.291 --> 24:39.625
In love ka talaga sa Pasquale na 'yon?

24:39.708 --> 24:42.125
-Dentista ang tatay niya.
-O, tapos…?

24:42.208 --> 24:43.750
Dalawang molars ko na ang naayos.

24:43.833 --> 24:46.833
Pinapapantay ni Vale
'yong mga ngipin niya sa taas.

24:47.333 --> 24:50.375
Nang libre!
Nakatipid na tayo ng 7,000 euros.

24:50.458 --> 24:53.166
Pag tapos na,
palalayasin na natin si Pasquale.

24:54.166 --> 24:56.375
-A!
-Di n'yo kilala ang mama n'yo.

24:56.458 --> 24:59.958
Akala n'yo, mai-in love ako
sa tangang 'yon? Ano ba, Fausti?

25:00.041 --> 25:01.875
May hangganan naman ang lahat.

25:04.875 --> 25:06.500
Heto na!

25:11.625 --> 25:13.708
Ang pangit mo. Mukha kang penguin.

25:13.791 --> 25:16.166
-Teka.
-Anong "teka", Deme?

25:17.166 --> 25:18.125
O, ngayon?

25:18.208 --> 25:20.416
-Deme, ang pangit mo pa rin.
-Bakit?

25:20.500 --> 25:22.333
Tama na. Nasa'n si Maria?

25:22.416 --> 25:24.208
Di siya dadalo. Nilalagnat.

25:24.291 --> 25:25.916
Ha? Sunduin mo na siya.

25:26.000 --> 25:27.291
May lagnat nga.

25:27.375 --> 25:30.041
Pagkakataon mo na 'to.
Ipagtapat mo ang nararamdaman mo.

25:30.125 --> 25:31.500
-Sige na.
-Nararamdaman ko?

25:31.583 --> 25:33.125
Alam nating mahal mo siya.

25:33.208 --> 25:36.916
Suyuin mo siya.
Wala nang balakid. Sige na.

25:37.000 --> 25:38.916
-Talaga?
-Oo. Busy ako. Sige na.

25:39.000 --> 25:40.541
-Pupuntahan ko siya?
-Oo.

25:40.625 --> 25:41.791
-Fausti, eto na 'to.
-Oo!

25:41.875 --> 25:43.583
-Pupunta na 'ko.
-Go, Demetrio, go!

25:47.166 --> 25:48.416
Tantanan mo 'ko, Ma.

25:49.083 --> 25:49.916
Maria.

25:50.583 --> 25:51.625
Si Demetrio 'to.

25:56.041 --> 25:56.875
Pasok.

26:06.833 --> 26:08.666
-Hi.
-Ano 'yang suot mo?

26:09.375 --> 26:10.875
-Bakit?
-Mukha kang tanga.

26:16.458 --> 26:17.458
Maria.

26:18.000 --> 26:21.625
Tatlong Campari ang ininom ko
bago pumunta rito.

26:22.583 --> 26:23.541
Kasi…

26:24.666 --> 26:26.833
May mahalaga akong sasabihin sa 'yo.

26:27.666 --> 26:29.583
Uy, may sakit ka ba talaga?

26:29.666 --> 26:32.416
-May kailangan ka ba?
-Wala akong lagnat!

26:37.708 --> 26:40.125
Sobrang sakit lang.

26:40.208 --> 26:44.166
Akala ko, kaya ko,
pero para akong sinasaksak!

26:44.875 --> 26:47.166
Sobrang halaga niya sa 'kin. Punyeta!

26:47.250 --> 26:48.250
Mahal mo siya, Mari.

26:48.333 --> 26:50.625
Okay, mahal ko siya. Ano'ng problema?

26:50.708 --> 26:52.708
Walang problema. Wag kang magalit.

26:55.291 --> 26:57.375
Pareho tayo ng sitwasyon.

26:57.458 --> 26:58.625
Hindi.

26:58.708 --> 27:02.291
Maniwala ka. Pag sinabi kong
pareho tayo, pareho tayo.

27:05.291 --> 27:06.208
Okay…

27:06.291 --> 27:08.708
Napakahalaga ng taong 'to sa 'tin.

27:08.791 --> 27:11.083
Ito ang pinakamahalagang araw
ng buhay niya.

27:11.166 --> 27:14.166
Mari, magsakripisyo tayo.
Pumunta tayo sa kasal,

27:14.250 --> 27:16.333
ngingiti tayo,
at sana maging okay ang lahat.

27:18.083 --> 27:20.208
Sige.

27:20.291 --> 27:22.500
Gawin natin lagi 'yong sinasabi niya!

27:23.666 --> 27:27.166
Lagi na lang. Parang prinsipe ang puta!

27:31.583 --> 27:33.416
Nga pala. Mahal kita, Mari.

27:33.500 --> 27:35.708
Mahal na mahal kita. Sobra.

27:35.791 --> 27:36.833
Sobra.

27:46.791 --> 27:47.666
Fausto?

27:56.125 --> 27:57.541
-Hi, Fausti.
-Mari.

28:07.583 --> 28:09.958
Guys, ang saya ko.
Ang saya ng araw na 'to.

28:10.041 --> 28:12.416
Pwede bang mag-effort man lang kayo?

28:12.500 --> 28:14.916
Fausto, ang saya ko kaya.

28:15.000 --> 28:16.791
Pero mangako kang bibisita ka.

28:21.125 --> 28:23.208
-Pa-kiss nga.
-Gago ka.

28:23.291 --> 28:24.833
-Pa-kiss sa lips.
-Gago ka!

28:25.958 --> 28:27.083
Siraulo.

28:28.333 --> 28:29.666
Nakakahiya.

28:31.875 --> 28:33.416
Bibisita ka ba sa Rome?

28:35.791 --> 28:36.666
Baka.

28:47.375 --> 28:48.625
A.

28:48.708 --> 28:52.375
Dinala ko sa bahay ko.
Ayokong laging makita ng mga bata.

28:52.458 --> 28:53.291
'Yong bola?

28:54.333 --> 28:55.416
Oo, ano kasi…

28:57.500 --> 29:01.000
Nasa loob niyan 'yong abo ni Fausto.
'Yon ang gusto ng mga bata.

29:01.083 --> 29:02.166
A.

29:02.750 --> 29:05.125
-Bakit?
-Hindi, kasi…

29:05.208 --> 29:07.500
Normal ba 'yon sa 'yo? Ewan ko, ha.

29:08.625 --> 29:10.166
Hindi. Oo. Hindi.

29:11.625 --> 29:14.375
Tapos na ang isang linggong palugit n'yo.

29:15.750 --> 29:19.625
Ito ang ulat ng neuropsychiatrist
na tumingin sa mga bata.

29:19.708 --> 29:24.166
Si Libero, 'yong panganay,
may mga nakitang isyu sa kanya.

29:24.250 --> 29:26.625
"Hindi tumitingin sa mata ng nakatatanda?"

29:28.416 --> 29:30.791
"Labis na nabawasan
ang communication skills."

29:31.708 --> 29:33.166
"Madalas na bangungot?"

29:34.041 --> 29:35.958
-Ano pa?
-Kung iko-consider

29:36.041 --> 29:39.666
ang ulat ng neuropsychiatrist
sa meeting natin noong isang araw,

29:39.750 --> 29:41.208
sobra akong nababahala.

29:41.291 --> 29:42.875
Mahal ni Lucia ang mga bata.

29:42.958 --> 29:45.500
Maaayos namin 'to, tutulong ako.

29:45.583 --> 29:50.291
Oo, pero nandito ako para tingnan
kung may iba pa tayong solusyon.

29:50.375 --> 29:52.000
Na hindi pa natin…

29:53.583 --> 29:54.541
nako-consider.

29:54.625 --> 29:55.500
Di ko gets.

29:55.583 --> 29:57.541
Maganda ang relasyon n'yo ng mga bata.

29:57.625 --> 30:00.416
-Oo.
-Kilala mo ang pamilya, tama?

30:01.750 --> 30:03.416
Interesado ako sa opinyon mo.

30:05.333 --> 30:07.375
Sorry, opinyon ko saan?

30:07.458 --> 30:11.916
Kung iba ang mag-aalaga sa mga bata.
Sa halip na si Lucia.

30:15.958 --> 30:19.583
Sigurado akong kaya ni Lucia
na makontrol ang lahat.

30:21.000 --> 30:22.791
Wala na akong masasabi pa.

30:33.291 --> 30:35.458
Ma, saan ka pupunta?

30:36.166 --> 30:37.833
Maghahanap ng travel agency.

30:38.750 --> 30:40.916
Ngayon? Bakit?

30:41.000 --> 30:44.625
Dahil hindi ko alam
kung paano bumili ng train ticket online.

30:47.833 --> 30:49.666
Naaalala mo si tarantadong Pasquale?

30:49.750 --> 30:52.000
Ano'ng kinalaman niya dito?

30:52.083 --> 30:56.333
May kinalaman siya dito.
Nagawa mo siyang paikut-ikutin.

30:56.416 --> 30:58.041
Walang nakakapagpabagsak sa 'yo.

30:58.125 --> 31:00.166
Bibilhan mo ba ako ng ticket o hindi?

31:00.916 --> 31:05.125
Kaya natin 'to, Ma.
Walang naniniwala sa 'tin, si Fausto lang.

31:06.000 --> 31:09.291
Walang choice si Fausto
kaya iniwan niya sa 'kin ang mga bata.

31:09.375 --> 31:11.958
Alam kong masasama
ang iniisip niya tungkol sa akin.

31:12.041 --> 31:13.583
Ma, wag ka nang mag-self-pity.

31:13.666 --> 31:16.750
Tuwing titingnan ko ang mga bata,
dama ko 'yong titig ng kuya mo,

31:16.833 --> 31:19.333
na wala akong kuwentang ina,
walang kuwentang babae!

31:19.416 --> 31:22.750
At alam mo? Tingin ko, tama siya!

31:24.000 --> 31:27.666
Please, Vale, gusto ko nang umuwi.
Bilhan mo na 'ko ng ticket.

31:28.500 --> 31:30.875
-Di ko na kaya, Vale.
-Mama!

31:59.250 --> 32:01.166
Pwede pong dito muna 'ko?

32:01.250 --> 32:03.041
Halika, tabihan mo si Lola.

32:12.791 --> 32:15.958
Suot ko na ang magical Sonic Youth shirt,
di pa rin ako makatulog.

32:18.833 --> 32:20.375
Pwedeng palaba nito bukas?

32:20.458 --> 32:25.625
Ang baho na kasi. Pero di ako makatulog
na iba ang suot, babangungutin ako.

32:34.333 --> 32:36.583
Ercole, uuwi na 'ko bukas.

32:38.666 --> 32:41.333
Darating si Maria bukas.
Siya ang maglalaba.

32:48.083 --> 32:49.583
Bakit ka aalis?

32:52.583 --> 32:56.500
Bakit? Kasi maraming
kailangang gawin si Lola sa bahay niya.

32:58.750 --> 33:00.125
Lagi kang malungkot.

33:00.625 --> 33:04.333
Sabi ni Papa,
lagi mo siyang pinapatawa no'ng bata siya.

33:05.875 --> 33:09.875
Kunwari singer ka, tapos lagi mo siyang
kinakantahan ng kantang 'yon.

33:11.125 --> 33:12.291
Anong kanta?

33:14.500 --> 33:19.000
Tila gas chamber ang pag-ibig na ito

33:19.625 --> 33:24.416
Isang gusaling natutupok sa abo

33:25.125 --> 33:30.583
Tila patalim ang pag-ibig na ito

33:30.666 --> 33:35.791
Isang eksenang mabagal ang takbo

33:36.375 --> 33:40.250
Tila bomba sa hotel ang pag-ibig na ito

33:40.333 --> 33:42.125
Ayokong bumalik kay Mama.

33:46.208 --> 33:47.250
Bakit?

33:47.333 --> 33:48.333
Ewan ko.

33:58.458 --> 33:59.291
Uy.

34:09.916 --> 34:10.750
Sarah.

34:15.958 --> 34:16.791
Sarah?

34:21.000 --> 34:22.708
Ayos ka lang?

34:23.750 --> 34:24.791
'Yong braso ko.

34:26.375 --> 34:27.541
'Yong braso ko.

34:30.041 --> 34:30.875
Ha?

34:32.833 --> 34:34.041
'Yong braso ko.

34:35.041 --> 34:36.541
-Braso mo?
-Oo.

34:36.625 --> 34:38.458
Ano'ng problema sa braso mo?

34:38.541 --> 34:40.375
Parang hindi ko braso 'to.

34:41.333 --> 34:44.833
-Di ko maintindihan, Sarah.
-Di ito ang braso ko. Hindi.

34:47.041 --> 34:48.791
-Di 'to ang braso mo?
-Hindi!

34:49.541 --> 34:50.666
-May kailangan ka?
-Wala.

34:50.750 --> 34:51.583
Hmm?

34:52.083 --> 34:57.166
Sarah! Kumalma ka. Tingnan mo 'ko.
Sarah, tingnan mo 'ko.

34:57.250 --> 34:58.583
Tawagin ko ba si Faustino?

35:00.750 --> 35:01.666
Sandali lang.

35:02.166 --> 35:03.583
Babalik ako. Teka.

35:04.833 --> 35:06.166
Babalik ako.

35:07.916 --> 35:09.541
Valerio! Nasa'n si Sarah?

35:09.625 --> 35:12.291
-Naghahanda na.
-Pero late na.

35:12.375 --> 35:14.791
Fausto, susunduin ko siya. Kumalma ka.

35:14.875 --> 35:16.291
-Okay.
-Halika.

35:16.791 --> 35:18.875
-Ano 'yon, Ma?
-Basta, halika.

35:18.958 --> 35:19.791
Uy!

35:20.291 --> 35:22.333
-Hi.
-Uy, hi.

35:23.541 --> 35:24.375
Bakit?

35:24.458 --> 35:26.500
Puntahan mo si Sarah.

35:26.583 --> 35:27.583
Ano ba, Ma?

35:27.666 --> 35:31.416
Hindi! Makinig ka sa 'kin.
Wag mong ipagsawalang-bahala 'to.

35:31.500 --> 35:33.375
Ano ba'ng nangyayari?

35:33.458 --> 35:35.375
Mukhang may sakit siya, Fausti.

35:35.458 --> 35:37.166
Ma, umupo ka na, tama na.

35:37.250 --> 35:39.833
-Hindi, kailangan niyang magpatingin.
-Upo na.

35:39.916 --> 35:42.833
-Kung ano-ano ang sinasabi niya.
-Ma! Makinig ka.

35:43.333 --> 35:46.208
Sinusubukan kong kumalma, maging civil.

35:46.291 --> 35:48.041
Pero ang tinding effort nito.

35:48.125 --> 35:50.541
Kaya please, umupo ka na at tantanan ako.

35:50.625 --> 35:52.666
Seryoso 'to, Fausto.

35:54.250 --> 35:56.541
Ma, ba't ayaw mo 'kong sumaya?

35:56.625 --> 35:57.958
-Bakit?
-Di totoo 'yan.

35:58.041 --> 36:00.416
-Totoo 'yon.
-Paano mo nasabi?

36:00.500 --> 36:01.333
-Ako?
-Oo.

36:01.416 --> 36:03.125
-Ayaw kitang sumaya?
-Oo, Ma.

36:03.208 --> 36:04.666
Ano'ng ginawa ko sa 'yo?

36:07.083 --> 36:08.875
Ma, ilang halimbawa ang gusto mo?

36:08.958 --> 36:11.541
Iniiwan mo kami sa gabi ni Vale
no'ng two years old siya

36:11.625 --> 36:14.208
kasi gusto mong makipagsayawan. Tanda mo?

36:14.291 --> 36:16.208
E, 'yong mga gagong inuwi mo?

36:16.958 --> 36:17.791
Tanda mo sila?

36:18.625 --> 36:22.625
Minsan, nanghingi ako ng pera
pang-field trip. Anak mo ang nanghingi.

36:23.166 --> 36:26.708
Sabi mo, wala tayong pera.
Tapos, ano'ng ginawa mo? Tanda mo?

36:26.791 --> 36:29.125
Nagbakasyon ka sa Acciaroli
nang tatlong linggo.

36:30.708 --> 36:33.583
Marami pa 'kong masasabi,
pero di ito ang tamang oras o lugar.

36:34.500 --> 36:37.541
Kaya wag ka nang mangialam
para maging okay tayo.

36:39.083 --> 36:40.125
Ingat ka.

37:17.791 --> 37:19.000
Napakaganda mo.

37:20.333 --> 37:21.708
I love you, baby.

37:21.791 --> 37:22.666
I love you.

38:01.708 --> 38:04.000
Good morning! Bangon na!

38:04.083 --> 38:06.833
Bihis na, maghahanda ako ng almusal.
Ano'ng gusto n'yo?

38:06.916 --> 38:07.916
Bread with Nutella.

38:08.000 --> 38:10.333
-Ayokong pumasok.
-Papasok ka!

38:11.000 --> 38:12.958
Bangon na, bihis na, at kain na.

38:13.041 --> 38:15.000
-Ano'ng ginagawa mo?
-Kilos na! Kain na!

38:38.333 --> 38:39.333
Saan ang daan?

38:39.416 --> 38:41.208
-Kaliwa po.
-Lucia!

38:41.708 --> 38:42.625
Lucia!

38:43.375 --> 38:45.583
Sorry. Na-late ako.

38:45.666 --> 38:48.291
Hindi, dapat tumawag ako.
Ihahatid ko sila.

38:49.375 --> 38:50.250
A.

38:51.041 --> 38:52.208
Sakay na kayo sa 'kin.

38:52.291 --> 38:55.458
Hindi. Maglalakad kami,

38:55.541 --> 38:58.625
para matandaan ni Lola
ang mga kalsada sa Rome.

38:58.708 --> 38:59.750
Bye, Mari.

39:00.583 --> 39:01.416
Bye.

39:05.125 --> 39:06.041
Ano ba!

39:07.875 --> 39:08.791
Halika rito.

39:10.291 --> 39:12.875
-Halika.
-Tama na.

39:18.166 --> 39:19.833
Okay na kami rito.

39:19.916 --> 39:20.958
Sigurado kayo?

39:21.041 --> 39:22.291
-Oo.
-Okay.

39:23.708 --> 39:24.541
Bye.

39:26.458 --> 39:27.291
Mga iho!

39:29.041 --> 39:30.041
Enjoy sa school.

39:43.083 --> 39:43.958
Bye.

39:53.291 --> 39:55.291
-Good morning.
-Good morning.

39:57.291 --> 39:58.250
Nagkita na ba tayo?

39:58.333 --> 40:00.666
Oo, sa ospital. Di mo na maalala?

40:01.166 --> 40:03.166
Ay, oo. Sergio.

40:03.250 --> 40:04.500
Oo, ako si Sergio.

40:05.333 --> 40:07.500
Ikinalulungkot ko 'yong sa anak mo.

40:09.958 --> 40:12.375
A… Sa'n ka nakatira?

40:12.875 --> 40:14.125
Mula ngayon…

40:14.750 --> 40:16.916
-Mga sampung minutong lakad mula rito.
-A.

40:17.500 --> 40:21.500
-A… Pwede kitang maayang magkape?
-Di na, salamat.

40:21.583 --> 40:23.500
Sige, pasensiya na. Bye.

40:23.583 --> 40:24.625
Bye.

40:26.291 --> 40:27.583
-Sergio!
-Ano 'yon?

40:27.666 --> 40:31.750
Gusto mo bang ihatid ako pauwi?
Ang bigat nitong dala ko, e.

40:31.833 --> 40:33.083
Oo naman!

40:33.166 --> 40:34.166
Tara.

40:34.250 --> 40:37.000
-Ang totoo, di ko na maalala…
-Una ka.

40:37.083 --> 40:39.416
-Ang laki ng Rome.
-Oo nga. Sampung minuto 'ka mo?

40:39.500 --> 40:41.500
-Sampung minuto.
-Sa Bardonecchia?

40:41.583 --> 40:42.458
Hindi.

41:22.583 --> 41:23.458
Mom?

41:23.541 --> 41:24.416
Anak?

41:25.375 --> 41:26.500
Ayos lang ba ang lahat?

41:27.375 --> 41:30.041
-Kumusta ka, mahal ko?
-Gusto kong sumama sa 'yo.

41:30.666 --> 41:33.291
Ipakita mo sa kanilang okay ka na.

41:34.041 --> 41:35.250
Naiintindihan mo ba?

41:35.333 --> 41:36.708
Oo naman.

41:36.791 --> 41:39.083
Para maisama mo na 'ko.

41:39.166 --> 41:40.083
Makinig ka.

41:40.833 --> 41:42.541
Tayo lang ang magkakampi.

41:43.250 --> 41:44.875
Okay, mahal ko? Maghintay ka.

41:44.958 --> 41:45.791
Okay.

41:45.875 --> 41:48.375
Ilang araw na lang, nasa Rome na 'ko.
I love you.

41:48.458 --> 41:49.375
See you.

44:10.041 --> 44:12.833
Nagsalin ng Subtitle: Jessica Ignacio
I love you.
