WEBVTT

00:36.291 --> 00:38.500
Hinihiwa ang Chinese cabbage.

00:44.375 --> 00:46.500
Pagkatapos, hinihiwa ang sitaw.

00:48.875 --> 00:52.958
Binabasag ang itlog
sa mangkok na may dahon ng cha-om.

00:55.541 --> 00:58.291
Michelean, ang bango na.

00:58.375 --> 01:01.750
-Ilagay mo na lahat ng gulay, okay?
-Okay.

01:03.000 --> 01:04.458
Ta-da!

01:17.416 --> 01:19.041
Babalik ako kaagad, buddy.

01:19.125 --> 01:22.208
Magluluto lang ako para sa mga customer.

01:28.208 --> 01:30.750
Jake Food Truck, at your service!

01:31.750 --> 01:33.166
Nababaliw na ako.

01:35.250 --> 01:37.250
Ready na ang order n'yo!

01:37.333 --> 01:41.250
Halina kayo! Kukuha pa ako
ng mga sunbed n'yo?

01:41.333 --> 01:43.250
Jake Food Truck, at your service!

01:43.333 --> 01:48.250
Huling beses na,
hindi kami nandito para mamasyal!

01:48.333 --> 01:50.250
-I-enjoy n'yo ang pagkain.
-Bilisan n'yo!

01:51.000 --> 01:53.625
Busy vibes!

01:53.708 --> 01:56.208
Narinig kita.

01:56.291 --> 01:59.583
Tingnan mo nga 'yan. Bakasyon ba 'to?

01:59.666 --> 02:02.541
Bakit di na lang kayo
mag-order ng cocktails?

02:02.625 --> 02:06.000
-Ginagawa ko na ang best ko!
-Puwede mo bang tingnan 'to?

02:07.000 --> 02:08.833
Okay, i-set up mo na.

02:11.875 --> 02:13.125
Petch!

02:13.750 --> 02:15.000
-O?
-Halika rito!

02:16.125 --> 02:18.708
Bakit ako na naman?

02:19.375 --> 02:20.958
-O?
-Maganda ang ilaw ngayon.

02:21.875 --> 02:22.916
Limang minuto na lang.

02:23.000 --> 02:25.541
Sabihin mo sa araw na maghintay muna.

02:25.625 --> 02:28.000
Nandito na si Me Ree.

02:28.666 --> 02:29.500
Ayan.

02:30.125 --> 02:31.291
Ha?

02:31.375 --> 02:34.500
Lagi mong ginagamit
ang five minutes na 'yan.

02:35.625 --> 02:37.833
Nakakainis na.

02:37.916 --> 02:40.041
Paos na ang boses ko kakasigaw sa 'yo.

02:40.125 --> 02:41.166
Kalma lang.

02:41.250 --> 02:45.458
Hoy, hindi 'to beach trip!
Magtrabaho kayo!

02:45.541 --> 02:46.625
Hinaan mo ang boses mo.

02:47.875 --> 02:48.875
Halika.

02:49.500 --> 02:50.625
Hello, Miss Me Ree.

02:51.625 --> 02:55.000
Ito si Me Ree, head designer ng Namdong.

02:55.083 --> 02:57.291
Pagbati.

02:58.000 --> 02:59.833
Hello.

03:02.208 --> 03:06.916
Talagang trendy ang mga tao sa Namdong.
Kilala n'yo pa si Moo Deng.

03:07.000 --> 03:09.583
Hello, ikinagagalak ko kayong makatrabaho.

03:09.666 --> 03:11.750
Natutuwa siyang makatrabaho tayo.

03:11.833 --> 03:14.583
Sana okay lang na isinama ko ang anak ko

03:14.666 --> 03:16.416
sa trip na 'to.

03:16.500 --> 03:17.583
-At ito si?
-Si Sarang.

03:17.666 --> 03:18.500
-Sarang?
-Oo.

03:18.583 --> 03:22.750
Mag-enjoy tayo ngayon, Sarang.

03:22.833 --> 03:24.833
-Tara?
-Sige.

03:24.916 --> 03:26.666
Halikayo.

03:28.125 --> 03:31.875
First shot, model walk, pinto.

03:31.958 --> 03:34.541
At second shot, lakad, lakad, lakad.

03:34.625 --> 03:38.708
Third shot, view, niyog.

03:39.750 --> 03:41.000
Mama,

03:41.083 --> 03:43.000
kailan tayo pupunta kay Moo Deng?

03:43.083 --> 03:45.666
Pupunta tayo pagkatapos ng shoot.

03:47.833 --> 03:51.833
Wag kang mag-alala.
Nandito tayo para makita siya, di ba?

03:51.916 --> 03:53.250
Totoo?

03:54.458 --> 03:56.875
Akala ko dahil sa trabaho mo.

03:57.458 --> 03:58.875
Pangako.

03:59.375 --> 04:02.375
Pupunta tayo agad pagkatapos nito, okay?

04:02.458 --> 04:03.416
Pangako.

04:05.916 --> 04:07.166
Gusto niyang makita si Moo Deng.

04:07.250 --> 04:09.041
Oo, gustong-gusto siya ng mga bata.

04:10.458 --> 04:11.583
Mag-enjoy kayo.

04:14.250 --> 04:16.833
Street food set, mainit-init pa!

04:18.750 --> 04:20.291
Ito ang kaeng som na may cha-om omelet,

04:20.375 --> 04:22.916
pritong gourami, at pad kaprao.

04:24.000 --> 04:25.541
Busog na ako.

04:25.625 --> 04:27.875
Salamat, pero hindi siya gutom.

04:28.875 --> 04:30.416
Sige na, kumain muna kayo
habang mainit pa.

04:32.000 --> 04:33.541
Pasensya na!

04:44.458 --> 04:45.916
Parang kimchi stew.

04:46.000 --> 04:48.000
Okay lang.

04:48.083 --> 04:50.625
Gagawa ako agad ng bago para sa 'yo.

04:57.208 --> 04:59.833
Hoy, Jake. Jake!

05:00.458 --> 05:01.625
Ano?

05:04.166 --> 05:05.250
Tingnan mo.

05:06.875 --> 05:08.333
Hindi ba ex 'yan ni Mamiew?

05:09.375 --> 05:12.208
Di na siya nakipag-date
sa loob ng ilang taon.

05:12.875 --> 05:15.791
Koreana ang huli niyang girlfriend,

05:15.875 --> 05:17.750
tapos bumalik na sa Korea.

05:17.833 --> 05:21.916
'Yan nga ang sinasabi ko!
'Yong kliyente mula Korea, si Me Ree.

05:22.000 --> 05:23.625
Siya 'yan!

05:25.125 --> 05:28.291
'Yong kilala kong Me Ree di ganyan
ang buhok at wala ring anak.

05:28.375 --> 05:30.375
Seryoso?

05:31.333 --> 05:33.541
Iniisip mong gano'n pa rin ang hairstyle

05:33.625 --> 05:34.916
pagkalipas ng isang dekada?

05:36.583 --> 05:40.333
Imposibleng siya 'yan.
Magtrabaho na lang tayo.

05:40.958 --> 05:42.000
Teka!

05:44.583 --> 05:45.416
Heto.

05:46.208 --> 05:50.000
Tingnan mo 'to.
Hindi ba pamilyar sa 'yo ang batang 'to?

05:51.125 --> 05:52.875
Mamiew…

05:52.958 --> 05:54.083
Miew.

05:55.125 --> 05:57.666
Pati anak mo alam na anak ni Mamiew 'yan.

06:03.000 --> 06:04.666
Kamukha nga niya si Mamiew.

06:05.875 --> 06:09.250
Malinaw na ang lahat,
salamat kay Michelean. Henyo ka.

06:12.083 --> 06:13.083
Ano'ng gagawin natin?

06:18.708 --> 06:22.458
Kita mo? Genes mo 'yang batang 'yan.

06:22.541 --> 06:25.625
Hindi! Hindi pupunta rito si Me Ree.

06:25.708 --> 06:28.208
Bakit mo ako pinapadalhan
ng litrato ng kung sinong bata?

06:29.583 --> 06:31.791
Pumunta ka na dito ngayon.

06:31.875 --> 06:35.416
Pagkakataon mo na 'tong
makasama ulit ang pamilya mo.

06:35.500 --> 06:37.666
Siguradong nami-miss ka ng anak mo.

06:37.750 --> 06:40.875
Dito ba kinukuha ang pagkain?

06:42.750 --> 06:44.875
Miew, tingnan mo. Tingnan mo!

06:44.958 --> 06:48.041
-Ano ba, Bob?
-Kausapin mo ang tatay mo!

06:48.125 --> 06:49.875
Tatay? Ulol! Tumigil ka nga!

06:49.958 --> 06:50.833
Papa?

06:51.625 --> 06:53.416
Pa.

06:53.500 --> 06:55.208
Ay, binaba niya.

06:56.875 --> 06:58.500
Bobby, punta ka na sa set.

06:58.583 --> 06:59.958
Pinapatawag ka ni Mook.

07:00.625 --> 07:02.666
Maglaan ka ng oras mamaya.

07:02.750 --> 07:04.750
Hindi pa tapos 'to.

07:04.833 --> 07:06.875
Tara na. Humihingi
ng weed drinks ang araw.

07:06.958 --> 07:09.500
Weed? Wala sa itsura mo.

07:20.458 --> 07:21.291
Cut!

07:21.375 --> 07:23.125
Okay ka lang? Pasensya na!

07:23.208 --> 07:25.208
Ayos lang ako, salamat. Ano'ng number mo?

07:25.791 --> 07:26.625
Ayos ka lang ba?

07:26.708 --> 07:29.041
Nasaan ang jellyfish? Wala akong nakita!

07:29.125 --> 07:30.291
Ito na!

07:31.208 --> 07:33.333
Gitna ng shoot, seryoso?

07:33.833 --> 07:35.250
Ngayon na!

07:35.875 --> 07:37.791
Ano ako, Aquaman?

07:43.250 --> 07:44.166
Gumawa ka ng jellyfish.

07:47.166 --> 07:49.833
Close-up shots lang ang kailangan ko.

07:50.416 --> 07:51.750
Okay na ang iba.

07:51.833 --> 07:57.083
Close-up lang ang gusto ng kliyente,
tapos okay na tayo.

07:57.166 --> 07:58.000
Okay.

07:58.083 --> 07:59.583
Kunin mo na ang close-up.

07:59.666 --> 08:01.666
-Ikaw na bahala sa iba.
-Okay.

08:01.750 --> 08:04.916
Wag mong kalimutang magligpit.
Mauna na ako.

08:05.000 --> 08:05.916
Sige.

08:06.000 --> 08:06.875
Aalis na ako.

08:07.750 --> 08:09.625
Sayang naman ang jellyfish ko!

08:10.625 --> 08:12.083
-Jake!
-Ano?

08:12.166 --> 08:13.750
Maaga akong natapos.

08:13.833 --> 08:15.250
O, nagustuhan mo?

08:15.333 --> 08:18.416
Oo naman! Ipinasa ko na lahat.

08:18.500 --> 08:20.125
Pasabay naman ako.

08:20.208 --> 08:21.333
Sige, tulungan mo ako dito sa stopper.

08:21.416 --> 08:22.875
Ang init. Gusto mo bang alisin 'yan?

08:25.875 --> 08:27.541
Puwede mo bang bantayan ang anak ko?

08:28.708 --> 08:30.166
Gusto mo bang uminom mamaya?

08:30.250 --> 08:32.208
Okay.

08:32.791 --> 08:33.791
Makinig ka,

08:34.291 --> 08:36.500
wag mong i-post na tapos na ako.

08:37.125 --> 08:39.125
Sasabihin ko sa asawa kong
hanggang 5 a.m. ako nagtatrabaho.

08:40.125 --> 08:42.541
Na-miss kong makasama kayong dalawa.

08:42.625 --> 08:45.083
Uy, i-prank natin si Miew.

08:45.166 --> 08:47.125
Hayaan mo na siya.

08:47.208 --> 08:50.000
Malay mo, anak niya talaga 'yong bata.

08:50.083 --> 08:51.625
Mas nakakatuwa nga 'yon!

08:52.208 --> 08:54.416
Hindi 'to biro. Buhay 'to ni Miew.

08:54.500 --> 08:56.500
Kailan ka pa naging seryoso?

08:57.875 --> 09:00.083
Di naman tayo siguradong anak niya 'yon.

09:04.333 --> 09:05.750
Maswerte ka.

09:06.958 --> 09:09.583
Buong-buo pa ang pamilya mo

09:11.333 --> 09:13.208
kahit kulang sa respeto.

09:14.291 --> 09:15.333
A, ako na ngayon?

09:16.875 --> 09:18.583
Hindi nga kita kinutya.

09:19.458 --> 09:22.208
Sinabi ko lang na mas matalino
ang anak mo kaysa sa 'yo.

09:24.625 --> 09:27.166
Matalino talaga si Michelean.

09:27.666 --> 09:29.041
Di ibig sabihin na di ako matalino.

09:33.750 --> 09:36.000
Wag mong sipain ang upuan, buddy.

09:37.375 --> 09:40.750
Sipa ba 'yon?
Akala ko nabangga tayo sa likod.

09:46.916 --> 09:48.500
Hello sa inyong lahat.

09:49.000 --> 09:51.791
Magsimula tayo sa paghuhugas.

09:51.875 --> 09:54.833
Dahan-dahan ko siyang kinukuskos ngayon.

09:54.916 --> 09:57.375
Dumadaloy ang mabulang tubig.

10:02.500 --> 10:03.833
Nag-enjoy ba kayo?

10:03.916 --> 10:04.875
MATAGAL NA AKONG FAN!
GUSTONG-GUSTO KO ANG CONTENT MO

10:04.958 --> 10:05.958
ANG LAMIG NG BOSES MO ANG GALING!

10:16.125 --> 10:20.416
Paki-like at share naman
para sa mas marami pang ASMR con—

10:23.333 --> 10:26.875
'YONG UMBOK!
OMG!

10:27.583 --> 10:30.041
DAPAT DO'N KA NAGSIMULA

10:30.125 --> 10:32.583
MAY NAKITA AKONG MALIIT NA MEOW

10:35.750 --> 10:38.750
-Ano 'yon?
-Gusto mo bang uminom, pogi?

10:39.583 --> 10:41.875
Hoy, kumuha ka nga ng yelo!

10:49.833 --> 10:52.500
Gabi na, naiinitan ka pa rin, Jake?

10:52.583 --> 10:53.916
Well, well.

10:54.000 --> 10:56.833
Miew, tingin ko anak mo
'yong anak ni Me Ree.

10:56.916 --> 11:00.125
Imposible! Isang taon lang kami no'n.

11:00.208 --> 11:02.958
3,294 days na mula nang maghiwalay kami.

11:05.708 --> 11:07.750
Walang contact, wala.

11:07.833 --> 11:08.875
Tingnan mo 'to.

11:09.916 --> 11:13.208
Ganyan ang magiging anak n'yo ni Me Ree.

11:14.791 --> 11:17.541
Ano 'yan, palaka? Nasaan ang leeg?

11:18.583 --> 11:20.166
Pero kamukha mo nga.

11:20.250 --> 11:22.166
Hindi! Halimaw 'yan!

11:22.666 --> 11:24.083
Ayaw mo ba siyang makita?

11:31.708 --> 11:32.750
Grabe.

11:36.625 --> 11:37.500
Inubos mo?

11:37.583 --> 11:39.541
Walang maaayos ang pag-inom.

11:40.250 --> 11:41.875
Naaawa ako sa 'yo.

11:43.958 --> 11:45.750
Pero sa malapitan?

11:46.500 --> 11:48.083
Kamukha mo nga siya.

11:50.875 --> 11:52.041
Shit!

11:53.250 --> 11:54.333
Totoo ba siya?

11:54.416 --> 11:55.791
Ano 'to?

11:55.875 --> 11:57.083
Kinidnap n'yo ba siya?

12:05.708 --> 12:08.625
Ayos! Tapos na tayo!

12:08.708 --> 12:11.500
Tapos na, Sarang. Oras na para sa zoo.

12:16.375 --> 12:17.625
Nasaan ang anak ko?

12:23.333 --> 12:24.666
A, di ko siya nakita.

12:24.750 --> 12:27.833
Pero nandito lang siya kanina.

12:27.916 --> 12:30.291
Sinabi ko sa 'yong bantayan mo siya!

12:33.125 --> 12:34.583
Sarang!

12:35.833 --> 12:37.041
Sarang!

12:39.958 --> 12:42.791
Wow, ang galing mo!

12:42.875 --> 12:44.125
Puwede mo ba akong iguhit?

12:48.375 --> 12:51.250
Puwede mo ba akong iguhit?

12:53.583 --> 12:56.541
Oo, para maibigay niya sa pulis
'yong sketch.

12:56.625 --> 12:58.000
Gago!

12:58.083 --> 12:59.375
Baliw ka ba

12:59.458 --> 13:01.500
at nagpapaguhit ka pa!

13:01.583 --> 13:04.125
Iisipin nila kinidnap natin siya.

13:04.208 --> 13:05.375
Walang maniniwalang

13:05.458 --> 13:08.041
kusa siyang sumakay sa truck mo.

13:08.125 --> 13:09.958
Bakit naman niya gagawin 'yon?

13:10.541 --> 13:13.250
O, tingnan mo ang mukha mo.

13:13.333 --> 13:14.708
Mukha kang siga.

13:15.458 --> 13:16.291
Oo nga.

13:17.000 --> 13:18.500
Ano? Wag n'yong sabihin 'yan.

13:18.583 --> 13:21.416
Ayaw kong makulong!
Kailangan ako ng anak ko.

13:21.500 --> 13:22.333
Ano'ng gagawin natin?

13:45.041 --> 13:46.041
Ano'ng ginagawa mo?

13:46.625 --> 13:48.166
Nagwa-wacky.

13:48.250 --> 13:50.041
Para di niya ako maiguhit.

13:52.125 --> 13:53.208
Makinig kayo.

13:53.833 --> 13:55.666
Kung kusa siyang sumakay,

13:55.750 --> 13:58.666
ibalik n'yo na lang siya kay Me Ree
at ipaliwanag ang lahat.

13:58.750 --> 13:59.875
Maiintindihan niya.

13:59.958 --> 14:00.958
Tutulungan mo ba kami?

14:02.000 --> 14:03.416
Problema n'yo 'yan,

14:03.500 --> 14:04.708
hindi sa 'kin.

14:04.791 --> 14:08.125
Ano? Hindi siya makikinig kung wala ka.

14:09.125 --> 14:11.833
Baka tumawag na siya ng pulis.

14:13.083 --> 14:14.000
Ano—

14:14.083 --> 14:16.541
FBI! Buksan ang pinto!

14:16.625 --> 14:18.625
Sabi ko na! Tinawagan niya ang FBI!

14:19.250 --> 14:20.375
Shit!

14:20.458 --> 14:21.500
Buksan n'yo ang pinto!

14:21.583 --> 14:23.791
Ibaba n'yo ang armas n'yo!

14:23.875 --> 14:24.958
Kalma, okay?

14:25.583 --> 14:27.000
Eksperto ako rito.

14:27.666 --> 14:29.250
Mula kay Bruce Willis

14:29.333 --> 14:31.125
hanggang kina Samuel Jackson
at Harrison Ford,

14:31.208 --> 14:32.375
napanood ko lahat.

14:33.125 --> 14:34.750
Ako na ang bahalang magsalita.

14:37.208 --> 14:38.500
Grabe, bro!

14:38.583 --> 14:40.916
FBI, gwapo kayo lagi,

14:41.000 --> 14:42.625
good-looking kahit kailan.

14:43.250 --> 14:44.916
Hindi ako, a,

14:45.000 --> 14:47.750
hindi ako nagnanakaw ng bata, ha?

14:47.833 --> 14:49.500
Diyos ko! Kumalma kayo!

14:49.583 --> 14:50.416
Tumahimik ka!

14:50.500 --> 14:51.333
Salamat.

15:03.125 --> 15:04.875
Wag kayong bumaril! Wala akong armas!

15:09.416 --> 15:11.583
Movie expert, ha, Bobby?

15:12.166 --> 15:15.166
Di mo man lang nakilala na clip lang 'yon?

15:15.250 --> 15:16.875
Ano ba 'yan?

15:17.750 --> 15:21.166
Seryoso, Bossa?
Di kita pinag-aral para sa ganito.

15:21.250 --> 15:22.875
Umuwi ka na!

15:24.500 --> 15:26.791
Sabi ni Mama, bantayan kita.

15:26.875 --> 15:30.416
Lagi kang umaalis kapag wala siya.

15:31.000 --> 15:33.666
Isumbong ko ba sa kanya 'tong party mo?

15:33.750 --> 15:34.666
Na nasa labas ka pa rin ng ganitong oras?

15:34.750 --> 15:38.833
Na mas pinili mo ang barkada mo
kaysa sa mahal mong anak?

15:41.583 --> 15:43.250
Pinapagalitan ka ng anak mo?

15:43.333 --> 15:44.375
Bago 'yan, a.

15:44.958 --> 15:49.041
Tingnan mo, nakayuko kang
parang batang napagalitan.

15:49.125 --> 15:50.791
May punto si Tito Jake.

15:50.875 --> 15:52.166
At hello din.

15:52.250 --> 15:54.291
-Hello.
-Hi.

15:54.375 --> 15:55.458
Sino 'to?

15:56.375 --> 15:57.375
Ako?

16:01.333 --> 16:03.750
Hello, ako si Sarang,

16:03.833 --> 16:04.916
mula South Korea.

16:05.625 --> 16:08.916
Mula Korea?
Ako si Bossa. Nice to meet you.

16:09.000 --> 16:10.083
Nice to meet you.

16:10.750 --> 16:12.541
Anong laro 'to?

16:12.625 --> 16:15.541
Ang ganda ng graphics!

16:15.625 --> 16:17.708
A, Free Fire 'to.

16:17.791 --> 16:20.000
Maraming may ayaw sa graphics nito.

16:20.083 --> 16:22.875
Sabi ng iba parang clay ang texture.

16:24.500 --> 16:26.458
Ibalik n'yo na siya.

16:26.541 --> 16:28.416
Sasama ka sa 'min.

16:28.500 --> 16:29.750
Hindi puwede.

16:29.833 --> 16:32.000
Ayaw kong makilala ang asawa niya.

16:32.083 --> 16:35.250
Mauuwi lang 'to sa gulo.

16:36.708 --> 16:40.500
Ayaw kong mag-drive nang lasing.

16:40.583 --> 16:43.916
Magpapahinga muna ako,
tapos saka ako magda-drive.

16:44.000 --> 16:45.583
Bang Saen lang naman.

17:31.166 --> 17:32.208
Ano 'yan?

17:40.500 --> 17:41.458
Bossa!

17:45.833 --> 17:47.916
Sino'ng nagnanakaw ng kotse ko?

17:48.000 --> 17:49.166
Ano? Bossa?

17:49.750 --> 17:50.583
Bakit ikaw ang nagda-drive?

17:50.666 --> 17:54.541
Narinig kong balak n'yong
ibalik si Sarang sa nanay niya,

17:54.625 --> 17:58.166
pero ayaw sumama ni Tito Mamiew,

17:58.250 --> 17:59.791
kaya ako na ang pumalit.

17:59.875 --> 18:01.833
Huminto ka ngayon din!

18:01.916 --> 18:03.541
Sige, Bobby,

18:03.625 --> 18:07.416
pero paano 'tong strip club cards
na nakita ko sa bulsa mo?

18:14.125 --> 18:16.750
Na-scan ko na lahat

18:16.833 --> 18:19.125
at naka-schedule nang
ma-email kay Mama sa loob ng 24 na oras.

18:19.208 --> 18:21.708
Maliban na lang kung i-cancel ko—

18:24.500 --> 18:25.458
Wow,

18:26.375 --> 18:28.541
ang tapang mo.

18:28.625 --> 18:31.166
Wag kang maupo lang d'yan!
Mapapatay niya tayo!

18:37.541 --> 18:39.291
Halika.

18:54.000 --> 18:55.000
Okay lang.

18:55.875 --> 18:56.875
Ayan.

18:56.958 --> 18:58.500
Halika rito.

19:10.833 --> 19:11.958
Sabihin mo nga,

19:12.041 --> 19:14.541
bakit mo siya iniiwasan?

19:15.166 --> 19:16.500
Di mo naman siya nabuntis.

19:18.791 --> 19:21.375
Relax. Isipin mo na lang
na parang field trip 'to.

19:22.500 --> 19:24.791
Matagal na rin mula no'ng huli, di ba?

19:27.125 --> 19:31.958
Sarang, ibabalik ka namin
sa nanay mo, okay?

19:32.041 --> 19:34.166
Sa wakas,
magiging pamilya na kayong tatlo.

19:34.250 --> 19:36.958
Wag mong sabihin 'yan. Malilito siya.

19:37.041 --> 19:39.791
Pag dumating 'yong papa niya,
ikaw ba ang masasapak?

19:40.791 --> 19:42.791
Di pa nakikilala ni Sarang ang papa niya.

19:43.375 --> 19:45.291
Sinabi niya sa 'kin kagabi.

19:47.416 --> 19:48.541
Kahit na.

19:49.416 --> 19:51.583
Ibaba n'yo na lang ako sa bus stop.

19:51.666 --> 19:53.208
Magbu-bus na lang ako pauwi.

19:55.541 --> 19:57.916
Okay lang. Di pa niya maamin,

19:58.000 --> 20:01.208
pero sa tingin ko, aamin din siya
bago matapos ang biyahe.

20:15.708 --> 20:17.000
Papa.

20:21.625 --> 20:25.291
Si Papa, walang Sarang.

20:25.375 --> 20:27.000
Si Papa, walang…

20:27.875 --> 20:30.750
Iba ang sentence structure nila sa 'tin.

20:31.250 --> 20:33.291
Sinasabi niyang wala siyang papa.

20:36.500 --> 20:40.208
Alam kong
nagtrabaho ang mama ko sa Thailand

20:40.291 --> 20:44.791
kasi maraming gamit
na galing Thailand sa bahay namin.

20:45.375 --> 20:46.458
Kaya…

20:47.416 --> 20:52.041
iniisip ko kung anong klaseng history
meron ang nanay ko sa Thailand.

20:52.125 --> 20:54.500
Sinubukan kong mag-aral ng Thai mag-isa,

20:55.083 --> 20:57.500
kaya nakakapagsalita ako kaunti.

20:58.708 --> 20:59.791
Kaya pala.

20:59.875 --> 21:00.708
Nice try.

21:01.750 --> 21:03.375
Ilang taon ka na, Sarang?

21:03.958 --> 21:06.666
Sampu na.

21:11.291 --> 21:14.333
Naghiwalay kami siyam na taon
at pitong araw na ang nakalipas.

21:14.416 --> 21:16.333
Imposibleng anak kita.

21:16.416 --> 21:18.916
Ipinanganak ka
bago ko nakilala ang mama mo.

21:19.541 --> 21:24.083
Naghiwalay raw sila ng mama mo, siyam
na taon at pitong araw na ang nakalipas,

21:24.166 --> 21:28.000
kaya sigurado siyang di ka niya anak.

21:28.083 --> 21:31.458
No'ng ipinanganak ka,
di pa niya kilala ang mama mo.

21:35.291 --> 21:38.166
May anak na si Mee Ree
bago ka niya nakilala?

21:39.041 --> 21:40.208
At hindi mo alam?

21:40.291 --> 21:41.250
Si Tito Miew,

21:41.333 --> 21:42.291
shit,

21:42.375 --> 21:43.958
basag pag-asa… Korean boy.

21:45.375 --> 21:46.500
Kalma.

21:47.500 --> 21:48.458
Nasasaktan

21:48.541 --> 21:49.875
pa rin siya sa hiwalayan.

21:50.541 --> 21:51.375
Ano 'yon?

21:51.458 --> 21:53.541
Parang Martian ba 'yong usapan n'yo?

21:53.625 --> 21:57.083
Tinawag niyang gago si Miew nang palihim

21:57.166 --> 22:00.083
para di masaktan ang damdamin niya.

22:02.916 --> 22:04.666
PULIS

22:04.750 --> 22:06.750
-Hello.
-Hello.

22:07.791 --> 22:09.208
Paano ko kayo matutulungan?

22:09.291 --> 22:10.125
Nawawala ang bisikleta ko.

22:10.208 --> 22:12.250
-Nawawalang bisikleta?
-Oo.

22:13.500 --> 22:15.500
Nawawalang bisikleta.

22:16.416 --> 22:17.583
Ano'ng kulay?

22:19.958 --> 22:21.083
Pula.

22:21.166 --> 22:22.166
-Pula?
-Oo.

22:22.250 --> 22:23.458
Isang pulang bisikleta.

22:23.541 --> 22:26.375
Gaano kalaki tantiya mo?

22:26.458 --> 22:27.458
Ganito kalaki.

22:28.083 --> 22:29.583
-Ganito?
-Opo, sir.

22:29.666 --> 22:31.416
-Ganito talaga?
-Opo.

22:31.500 --> 22:32.875
-Bisikleta?
-Bisikleta.

22:32.958 --> 22:33.958
Ano'ng kulay ulit?

22:34.041 --> 22:35.208
Asul.

22:35.916 --> 22:37.125
-Asul?
-Opo.

22:39.291 --> 22:41.250
Narinig ko kanina pula.

22:41.333 --> 22:42.791
Saan mo huling nakita?

22:42.875 --> 22:43.708
Sa Phetchabun.

22:43.791 --> 22:45.041
-Sa Phetchabun?
-Opo.

22:45.625 --> 22:48.666
-Nasa presinto ka ng Bang Saen.
-Opo.

22:49.416 --> 22:52.041
-Pero nawala sa Phetchabun ang bisikleta?
-Opo.

22:52.666 --> 22:54.416
-Bakit di ka na lang tumawag?
-Sinubukan ko.

22:54.500 --> 22:56.166
-Nawala rin ang phone mo?
-Nawala ang bisikleta ko.

22:56.250 --> 22:57.166
A, oo, bisikleta mo.

22:58.458 --> 23:00.708
-Malayo-layo siguro ang nilakad mo.
-Opo.

23:00.791 --> 23:03.833
Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?

23:03.916 --> 23:05.166
Odd the Large.

23:05.250 --> 23:06.833
Odd the Large?

23:06.916 --> 23:09.041
-May ID ka ba?
-Meron.

23:09.125 --> 23:10.750
-ID number mo na lang?
-Sige.

23:10.833 --> 23:13.208
Sabihin mo na lang.

23:13.291 --> 23:14.833
-077…
-077…

23:14.916 --> 23:17.666
-Plus 100.
-Plus 100…

23:17.750 --> 23:19.041
-Para bang pustahan?
-Opo.

23:19.125 --> 23:21.083
Sige. Kokontakin na lang kita.

23:21.166 --> 23:22.000
Sige.

23:22.083 --> 23:24.083
-Number mo na lang.
-Opo.

23:24.166 --> 23:26.208
-Sige.
-055…

23:26.291 --> 23:27.708
055…

23:27.791 --> 23:29.625
-06…
-06?

23:29.708 --> 23:30.750
38

23:31.666 --> 23:32.625
96

23:32.708 --> 23:33.708
30

23:33.791 --> 23:35.250
19

23:36.291 --> 23:37.458
601.

23:39.375 --> 23:41.166
-Sigurado kang 'yan na lahat?
-Opo.

23:41.250 --> 23:42.791
Okay. Salamat.

23:44.125 --> 23:45.041
Tigil!

23:45.125 --> 23:47.541
Tigilan mo 'yang pagsipa sa paa ko, ha?

23:47.625 --> 23:49.333
-Pasensya na.
-Salamat.

23:50.375 --> 23:52.916
Bakit ka tumigil?

23:53.000 --> 23:54.541
Katrabaho ko 'yong kausap ko.

23:56.958 --> 23:59.291
Tigil! Inulit mo na naman.

23:59.375 --> 24:01.875
-Wag mo nang gawin, okay?
-Sige.

24:01.958 --> 24:03.166
Bakit ka na naman tumigil?

24:04.750 --> 24:06.125
Uy, Mister Odd.

24:07.000 --> 24:08.291
-Please.
-A.

24:11.916 --> 24:13.000
WELCOME

24:13.083 --> 24:14.083
PULIS

24:14.166 --> 24:15.000
Lieutenant William?

24:16.291 --> 24:18.708
Nanay siya ng nawawalang bata.

24:21.666 --> 24:22.625
Nakikita mo,

24:23.250 --> 24:26.500
maraming CCTV sa paligid ng set.

24:28.041 --> 24:30.500
Matatagalan pag ni-review lahat.

24:40.291 --> 24:41.291
Naku.

24:42.541 --> 24:44.500
Di ako nanonood ng K-drama.

24:47.166 --> 24:48.250
Gamsahamnida.

24:48.750 --> 24:50.083
Kimchi.

24:50.166 --> 24:51.333
Samsung.

24:51.416 --> 24:52.291
Tteokbokki.

24:53.250 --> 24:54.083
Please.

24:55.166 --> 24:56.916
Puwede ko rin bang i-check?

24:57.916 --> 24:59.375
Marunong kang mag-Thai?

24:59.458 --> 25:00.666
Kaunti lang.

25:00.750 --> 25:03.875
Marunong ka ba,
o 'yong salitang "kaunti" lang?

25:05.166 --> 25:06.083
Ano?

25:13.125 --> 25:14.541
Mas mabuting

25:15.291 --> 25:17.666
kami na lang ang bahala rito.

25:18.250 --> 25:22.500
Di namin puwedeng bigyan ng access
ang sibilyan sa ebidensya.

25:22.583 --> 25:26.583
Please, gusto ko siyang mahanap kaagad.

25:26.666 --> 25:29.708
Baka makatulong ako para mapabilis,

25:29.791 --> 25:30.750
di ba?

25:35.000 --> 25:35.875
Sa tingin ko…

25:35.958 --> 25:38.541
Salamat.

25:38.625 --> 25:41.250
Napakabait mo.

25:42.083 --> 25:44.583
Akala ko nga character ka sa drama.

25:48.708 --> 25:50.166
Hindi ka naman nagkakamali.

25:51.166 --> 25:54.791
Pero pang-Hollywood
ang tingin ko sa sarili ko,

25:55.666 --> 25:57.166
parang Brad Pitt.

25:58.125 --> 25:59.625
Idol ko siya.

26:01.166 --> 26:03.125
May mga nalilito pa nga sa 'min minsan.

26:03.791 --> 26:07.666
Di maiiwasan.
Sa itsura ko, sino ba'ng di malilito?

26:08.291 --> 26:10.666
Kulay lang ng buhok ang pinagkaiba namin.

26:23.208 --> 26:27.416
Jake, may bus stop sa susunod
na 500 meters. Ibaba mo na lang ako ro'n.

26:28.416 --> 26:31.791
Wag mo siyang pakinggan, Tito Jake.
Kailangan nating magmadali.

26:32.291 --> 26:35.875
Bakit? Sinabi ko na sa 'yong
di ko anak si Sarang.

26:36.416 --> 26:38.708
Di mo kailangang sabihin 'yan.

26:38.791 --> 26:40.666
Pumuslit si Sarang sa truck

26:40.750 --> 26:42.666
kasi akala niya ikaw ang papa niya.

26:44.291 --> 26:45.208
Jake, tumabi ka.

26:46.000 --> 26:47.666
Diretso lang, Tito Jake.

26:47.750 --> 26:50.041
Tama na, Bossa.

26:50.125 --> 26:51.541
Wag kang makialam, Bobby.

26:51.625 --> 26:53.541
Diretso lang, Tito Jake.

26:54.125 --> 26:55.291
Tumabi ka na.

26:55.375 --> 26:57.125
Diretso lang.

26:57.208 --> 26:58.166
Sabi ko, tumabi ka!

26:58.250 --> 27:00.166
Wag kang hihinto!

27:00.250 --> 27:02.166
Dalhin natin siya sa ex niya

27:02.250 --> 27:05.708
para linawin ang tungkol kay Sarang.

27:05.791 --> 27:08.000
Kalokohan 'to!

27:09.000 --> 27:11.083
Lintik, Jake! Nalampasan mo ang hintuan!

27:11.166 --> 27:13.333
Wag kang hihinto, Tito Jake.

27:13.416 --> 27:15.208
Bakit ka ba ganyan?

27:15.291 --> 27:16.166
Paano kung magkita kami ni Mee Ree

27:16.250 --> 27:18.541
at sabihin niyang di ako ang ama?

27:18.625 --> 27:20.208
Bakit ba ayaw mo?

27:20.291 --> 27:24.166
Please, guys, natatakot na talaga ako.

27:24.250 --> 27:26.083
-Tumabi ka!
-Diretso lang!

27:26.166 --> 27:27.208
Jake, tumabi ka!

27:27.291 --> 27:28.125
Diretso lang!

27:28.208 --> 27:29.333
Sabi ko, tumabi ka!

27:29.416 --> 27:31.000
Wag na kayong magtalo!

27:31.083 --> 27:33.208
Bamboo sticky rice!

27:43.708 --> 27:45.458
Saan ka nag-aral magmaneho?

27:45.541 --> 27:46.541
Ang pwesto namin!

27:48.500 --> 27:51.916
-Bayaran mo 'to.
-Oo!

27:52.000 --> 27:54.750
Pasensya na talaga. Babayaran ko lahat.

27:55.250 --> 27:57.208
-Ayos ka lang, Miew?
-Okay lang ako.

27:57.291 --> 27:58.833
Tingnan mo ang mga bata.

27:58.916 --> 28:00.791
-Michelean!
-Pasensya na talaga!

28:12.916 --> 28:13.875
Kumain ka muna.

28:14.500 --> 28:15.916
Salamat.

28:34.583 --> 28:37.500
Ito si Jake, AKA Chalermpon Naengnoi.

28:37.583 --> 28:40.875
Siya ang caterer ng shoot.

28:40.958 --> 28:41.916
PARA SA KATARUNGAN

28:42.000 --> 28:43.416
May isang anak.

28:44.416 --> 28:46.375
Pumanaw na ang asawa niya.

28:46.958 --> 28:48.583
Kung saan siya mag-cater,

28:48.666 --> 28:52.083
may batang misteryosong nawawala.

28:52.166 --> 28:54.166
Malamang na…

28:55.541 --> 28:56.833
ang lalaking 'to,

28:57.416 --> 29:00.500
sangkot sa human trafficking!

29:02.958 --> 29:05.791
Nagkakamali kayo d'yan.

29:05.875 --> 29:08.041
Kilala ko si Jake. Di siya gano'n.

29:08.125 --> 29:09.333
Mabait siya.

29:09.416 --> 29:11.958
Wala kang alam sa mga kriminal, miss.

29:12.041 --> 29:13.500
Ako, meron.

29:14.250 --> 29:16.291
Malinaw na kaso ito

29:16.375 --> 29:19.000
ng sunod-sunod na kidnapping.

29:20.500 --> 29:22.291
Parang serial killer case

29:22.375 --> 29:24.791
sa Se7en, starring si Brad Pitt.

29:27.000 --> 29:29.791
Magiging malaking balita 'to, Lieutenant.

29:32.166 --> 29:33.708
Siguradong mapo-promote ka.

29:36.791 --> 29:38.541
Wala akong pakialam do'n.

29:39.291 --> 29:42.416
Kung gagawan man 'to ng pelikula,

29:42.916 --> 29:44.541
sana si Billkin ang gumanap sa 'kin.

29:46.625 --> 29:48.916
Wag kang mag-alala, miss.

29:49.916 --> 29:51.041
Ako…

29:52.166 --> 29:55.625
ang dudurog sa sindikatong 'to

29:56.250 --> 29:59.083
bago pa mapahamak ang anak mo!

30:01.541 --> 30:04.375
SUSPEK

30:04.458 --> 30:06.416
BIKTIMA

30:07.458 --> 30:09.333
Di 'yan ordinaryong gulong.

30:09.916 --> 30:12.791
Aabutin ng tatlong oras
para matapos ang lahat.

30:13.875 --> 30:14.916
Hindi puwedeng bilisan?

30:15.000 --> 30:17.166
Bakit di muna kayo pumunta sa zoo?

30:17.666 --> 30:19.375
Nakita n'yo na ba si Moo Deng?

30:20.541 --> 30:22.416
Talaga? Malapit lang si Moo Deng?

30:22.500 --> 30:24.583
Moo Deng! Gusto kong makita si Moo Deng!

30:24.666 --> 30:26.291
Tapos na ang hype, kids.

30:26.375 --> 30:28.041
Masyado na siyang malaki para maging cute.

30:28.125 --> 30:31.458
Sabi ng mama ko,
pag pumunta kami ng Thailand,

30:31.541 --> 30:34.333
dadalhin niya ako kay Moo Deng.

30:34.416 --> 30:38.333
Pag nakapag-picture ako kasama siya,
magugulat talaga siya.

30:41.958 --> 30:45.416
Sabi ni Sarang,
pag di mo kami dinala kay Moo Deng,

30:45.500 --> 30:46.500
gago ka.

30:46.583 --> 30:47.500
Gago.

30:49.458 --> 30:51.791
Hoy, sigurado ka bang tama 'yan?

30:53.291 --> 30:55.708
Pagbalik ko sa Korea,

30:55.791 --> 30:58.125
di ko na ulit makikita si Moo Deng.

31:03.458 --> 31:04.666
Ano?

31:05.500 --> 31:07.041
Kasalanan ko pa?

31:12.750 --> 31:14.791
Di tayo makakapunta nang walang sasakyan.

31:14.875 --> 31:16.166
Pahiram naman ng kotse!

31:16.250 --> 31:17.583
Nasa loob ang susi.

31:17.666 --> 31:19.666
-Ako na magda-drive.
-Ikaw?

31:20.250 --> 31:23.041
2Baka maibangga mo sa pool ni Moo Deng.

31:23.125 --> 31:24.416
Ako na magmamaneho.

31:25.541 --> 31:26.541
Mag-ready na kayo, kids.

31:28.208 --> 31:30.375
Pupunta tayo kay Moo Deng!

31:32.750 --> 31:37.291
Moo Deng! Moo Deng!

31:38.791 --> 31:40.208
Oo na, oo na.

31:40.291 --> 31:41.000
SUDKHET AUTO SERVICE

31:41.083 --> 31:45.791
24-HOUR MOBILE SERVICE

31:52.083 --> 31:53.500
Tara na.

31:54.416 --> 31:58.541
-Ayan na.
-Woah!

31:59.250 --> 32:01.916
Nag-e-enjoy ka ba, buddy?

32:04.208 --> 32:05.625
Tara na.

32:33.916 --> 32:36.083
Pareho pa kayo ng galaw pag umiihi.

32:36.166 --> 32:37.833
Walang duda.

32:37.916 --> 32:39.500
-Ano?
-Gago!

32:41.125 --> 32:42.000
Bobby!

32:44.375 --> 32:45.666
Seryoso ka?

33:21.541 --> 33:22.375
Makikiraan.

33:23.916 --> 33:26.291
Malapit na tayo.

33:26.791 --> 33:29.375
Para saan 'yang kahon ng prutas?

33:29.458 --> 33:33.333
Aakitin ko si Moo Deng
para makita natin siya nang malapitan.

33:33.416 --> 33:36.083
O kaya tumalon kang hubad.
Baka isipin niyang

33:36.166 --> 33:37.375
papa ka niya.

33:38.916 --> 33:40.958
Sampalin mo nga, Michelean.

33:41.041 --> 33:43.875
Bilisan na natin, okay?

33:44.541 --> 33:46.208
Nasaan siya?

33:46.291 --> 33:49.000
Ayon siya, Michelean! Tingnan mo!

33:50.375 --> 33:53.041
-Lilipat ako sa mas magandang pwesto.
-Saan?

33:54.416 --> 33:56.791
Di ko makita si Moo Deng, Bobby.

34:05.833 --> 34:07.208
Sige na.

34:07.291 --> 34:09.833
Moo Deng! Moo Deng!

34:09.916 --> 34:11.458
Nakikita ko na siya!

34:11.541 --> 34:12.916
Sandali, Bossa.

34:13.000 --> 34:14.541
Bakit amoy tae rito?

34:14.625 --> 34:15.958
Kasi tae talaga 'yan.

34:16.041 --> 34:18.416
-Moo Deng!
-Ano'ng sinabi mo?

34:20.750 --> 34:22.708
Sabi ko tae.

34:22.791 --> 34:26.041
Natapakan ko kanina sa Eld's Deer Zone.

34:28.291 --> 34:31.791
Dahil madumi na rin ang kamay mo,
tiisin mo na muna.

34:32.875 --> 34:34.291
Maghihintay pa ako?

34:39.916 --> 34:42.291
-Kinakakalat mo pa.
-Moo Deng!

34:48.625 --> 34:49.708
Konti pa!

34:52.875 --> 34:54.041
Ayos na?

34:56.000 --> 34:57.166
Moo Deng?

34:57.750 --> 34:58.916
Moo Deng!

34:59.750 --> 35:00.666
Moo Deng!

35:05.458 --> 35:07.791
-Siya 'yon.
-Moo Deng!

35:11.666 --> 35:15.208
Ayan, Michelean, si Moo Deng. Kita mo?

35:15.291 --> 35:17.000
Nakikita mo ba siya, Michelean?

35:17.625 --> 35:18.458
Ayan, tingnan mo.

35:19.166 --> 35:20.083
Sorry!

35:20.750 --> 35:21.708
Pasensya na.

35:26.708 --> 35:30.041
Pansamantalang isasara ang kulungan
ni Moo Deng para linisin.

35:30.125 --> 35:32.750
Mangyaring lumayo muna sa lugar.

35:32.833 --> 35:34.708
Humihingi kami ng paumanhin sa abala.

35:34.791 --> 35:35.625
Salamat.

35:35.708 --> 35:37.833
Mag-selfie tayo.

35:37.916 --> 35:39.750
Dito ka tumayo, Bobby.
Ikaw rin, Tito Miew.

35:39.833 --> 35:42.625
Puwede mo bang hawakan?
Maikli ang braso ko.

35:47.875 --> 35:51.125
Umusog ka pa konti. Isama mo si Sarang.

35:52.375 --> 35:53.750
Ikaw naman ang wala!

35:59.958 --> 36:01.041
Mukhang okay na 'to.

36:01.125 --> 36:03.375
I-AirDrop ko sa 'yo, Sarang.

36:06.125 --> 36:08.958
Saan dinala ni Jake si Michelean?

36:09.041 --> 36:11.375
Hindi siya nakasama sa group photo.

36:26.375 --> 36:28.375
Tabi muna, guys.

36:28.458 --> 36:29.833
Pinaghintay n'yo kami.

36:29.916 --> 36:32.458
Marami pa akong pakwan na natira.

36:32.541 --> 36:34.375
Ano'ng sabi mo?

36:34.458 --> 36:35.916
Sinabi ko na sa inyo.

36:36.000 --> 36:37.958
Naputol ang ball joints,

36:38.041 --> 36:39.291
pudpod ang preno, sira ang shocks,

36:39.375 --> 36:40.916
sira ang aircon,
at na-stuck ang gear shift.

36:41.000 --> 36:41.916
Kaya inayos ko lahat.

36:42.000 --> 36:43.541
Nang di man lang kami tinatanong?

36:43.625 --> 36:45.750
Naging 120,000 baht na? Mula 4,000?

36:45.833 --> 36:47.708
Kung di kayo magbabayad,

36:47.791 --> 36:50.166
-tatanggalin ko ang mga piyesa.
-Tanggalin mo!

36:50.250 --> 36:52.458
Tanggalin ko rin kaya ngipin mo?

36:52.541 --> 36:54.458
Di ko hahayaang lokohin mo kami!

36:55.083 --> 36:56.000
Hoy!

36:59.750 --> 37:02.666
Wag mo akong maliitin!

37:07.750 --> 37:11.833
Pasensya na, wag mong masamain.
Mahilig lang magbiro si Bobby.

37:11.916 --> 37:14.625
Sandali lang, okay?

37:17.166 --> 37:20.666
Di pa ako binabayaran ng production team.

37:20.750 --> 37:24.166
2,000 baht lang ang binigay
ng asawa ko ngayong linggo.

37:24.250 --> 37:26.833
At 30,000 baht lang
ang laman ng account ko.

37:34.250 --> 37:37.416
Wag n'yo akong tingnan! Bata lang ako.

37:40.666 --> 37:41.583
Wag kayong mag-alala.

37:44.500 --> 37:46.166
May naiisip ako.

37:47.000 --> 37:50.583
Jake, may natira ka pa bang
pagkain mula sa shoot?

38:00.083 --> 38:01.416
FLAVOR FEAST FOOD TRUCK

38:06.625 --> 38:08.208
Ready na kayong umorder?

38:08.291 --> 38:09.541
Ano'ng mare-recommend mo?

38:09.625 --> 38:11.708
Specialty namin ang street food.

38:11.791 --> 38:13.541
Pad kaprao na baboy o seafood,

38:13.625 --> 38:16.333
stir-fried noodles, o noodle soup.

38:16.416 --> 38:19.625
Nagla-live stream ako ngayon sa labas.

38:19.708 --> 38:21.416
AYOS! LOVE IT!

38:21.500 --> 38:24.875
NAHUMALING AKO

38:25.375 --> 38:27.208
ANO 'YONG MAINGAY NA TUNOG?

38:27.291 --> 38:28.625
NAKAKASIRA NG MOOD!

38:30.125 --> 38:31.083
Sarang.

38:35.500 --> 38:37.750
May special guest ako ngayon.

38:48.416 --> 38:50.625
Ito ang soft lip smack.

38:54.041 --> 38:56.166
Papasok na ang main act.

38:59.833 --> 39:00.708
ANG CUTE NG ANAK MO

39:00.791 --> 39:01.708
ANAK MO BA SIYA? GUSTO KO PA SIYANG MAKITA

39:01.791 --> 39:02.833
KAMUKHA MO SIYA

39:02.916 --> 39:04.083
ANG CUTE NIYA

39:04.166 --> 39:05.166
KAMUKHANG-KAMUKHA NG TATAY

39:05.250 --> 39:06.416
ANG GWAPONG BATA

39:06.500 --> 39:07.791
Hindi ko siya anak.

39:07.875 --> 39:09.416
Anak siya ng kaibigan ko.

39:22.666 --> 39:26.083
Kung gusto n'yo pa kaming gumawa ng tunog,

39:26.166 --> 39:27.875
mag-comment lang kayo.

39:31.875 --> 39:33.291
Tingnan n'yo!

39:33.375 --> 39:35.416
Nagse-serve dito

39:35.500 --> 39:36.791
ang Jake Food Truck.

39:36.875 --> 39:41.791
At may dalawang Micheleans pa!

39:42.666 --> 39:43.708
Table 3, go.

39:43.791 --> 39:44.625
Welcome.

39:44.708 --> 39:47.791
Ang daming tao sa Jake Food Truck.

39:48.791 --> 39:50.166
-Puwede bang magpa-picture?
-Sure!

39:50.250 --> 39:52.250
Pasok po kayo!

39:52.333 --> 39:53.333
150 baht po.

39:53.416 --> 39:54.875
Salamat.

39:54.958 --> 39:56.791
-Table 2, tom yum, Jake.
-Sige.

39:58.458 --> 39:59.875
GUSTO KO RING PUMUNTA

39:59.958 --> 40:02.083
Isang pad kaprao pork belly!

40:02.166 --> 40:04.333
Pork belly, okay.

40:04.416 --> 40:06.041
Pork belly sa Table 3!

40:06.125 --> 40:06.958
Okay, sige!

40:07.041 --> 40:08.916
Welcome to Flavor Feast Food Truck!

40:22.875 --> 40:25.041
Diretso mula sa ihawan.

40:26.250 --> 40:29.000
Marami tayong nagawa today. Ayos!

40:29.083 --> 40:30.041
Totoo.

40:30.125 --> 40:31.291
Ikaw ang the best, Bobby.

40:31.375 --> 40:34.375
Dahil sa 'yo, dumami ang customers.

40:34.458 --> 40:36.458
Kung gano'n ako kagaling,

40:36.541 --> 40:38.041
tawagin mo na akong Papa.

40:38.833 --> 40:42.125
Di pa rin napapatawad
ang mga kalokohan mo.

40:50.375 --> 40:55.583
Paano kayo nagkakilala ng mama ko?

40:56.916 --> 40:59.291
Sabihin mo sa kanya.

40:59.375 --> 41:01.666
-Sige na.
-Well.

41:05.166 --> 41:06.416
Wala namang special.

41:07.958 --> 41:09.125
Di na kailangang malaman.

41:16.541 --> 41:20.583
Una kong nakilala ang mama mo
ten years, two weeks, and five days ago.

41:20.666 --> 41:23.041
Ang weird na eksakto.

41:40.666 --> 41:41.791
Ingat!

41:42.416 --> 41:43.583
-Cut!
-Sorry!

41:43.666 --> 41:44.916
Ingat ka d'yan.

41:45.000 --> 41:47.708
-Pasensya na talaga.
-Ayusin mo ang hawak!

41:48.291 --> 41:50.041
-Okay.
-Mag-break muna tayo.

41:50.125 --> 41:51.375
Tara na.

41:52.083 --> 41:54.750
Okay, Art Team, reset tayo.

41:55.500 --> 41:57.333
-Nakikita mo ba 'to?
-Oo.

41:57.416 --> 41:59.583
Ang daming natira.

41:59.666 --> 42:02.458
Sayang naman.
Kailangan ko tuloy kainin lahat.

42:04.166 --> 42:05.166
Ayon!

42:08.375 --> 42:10.291
Type ni Miew 'yong Koreana.

42:11.875 --> 42:13.166
Gano'n.

42:36.791 --> 42:38.625
Ire-record kita, okay?

42:43.875 --> 42:45.666
Ire-record ko 'yong paghigop, ha?

42:50.708 --> 42:54.125
Kasi di naman humihigop ng noodles
ang mga Thai tulad ng Koreans,

42:54.750 --> 42:56.291
kaya kailangan ko ng tulong mo.

42:57.375 --> 42:58.708
Cute ka rin.

43:02.916 --> 43:04.750
Actually, nakakaintindi ako ng Thai.

43:05.875 --> 43:07.166
Salamat.

43:08.958 --> 43:11.208
Simulan na natin?
Truck pala 'to ng kaibigan ko.

43:14.625 --> 43:16.916
Puwede bang lakasan pa?

43:22.208 --> 43:24.125
Ayan. Isa pa.

43:40.916 --> 43:42.750
Magaling. Tuloy mo lang.

43:43.416 --> 43:45.541
Sige pa.

43:45.625 --> 43:48.333
Ang galing mo talaga.

43:48.416 --> 43:49.541
Extra spicy na si Miew!

43:50.166 --> 43:51.291
Spicy, spicy.

43:53.750 --> 43:55.375
Ayos 'yan.

43:58.250 --> 44:02.958
Paano yayain ang Korean
na kumain ng noodles?

44:11.291 --> 44:13.166
Ano? Nagkamali ba ako?

44:15.541 --> 44:19.208
Para sa Koreans,
puwedeng iba ang dating niyan,

44:19.291 --> 44:21.500
parang "Netflix and chill."

44:22.833 --> 44:24.833
Di 'yon ang ibig kong sabihin!

44:24.916 --> 44:25.833
Gets ko na.

44:30.666 --> 44:31.958
Gusto mong mag-Netflix and chill?

44:34.708 --> 44:36.250
Manyak ka!

44:36.916 --> 44:39.541
Nakikinig ang mga bata!

44:40.291 --> 44:42.541
Kung ano-anong pinapaisip mo.

44:43.125 --> 44:45.458
Isang taon lang kami,

44:45.541 --> 44:47.041
pero alam kong magiging mabuting ina siya.

44:49.500 --> 44:51.083
Responsable siya

44:51.166 --> 44:52.791
at di nagdadalawang-isip.

44:57.250 --> 44:58.125
Ano?

44:59.166 --> 45:01.625
Kumain na kayo.
Ihahatid pa natin si Sarang bukas.

45:05.541 --> 45:06.791
Grabe, maghilamos ka nga.

45:06.875 --> 45:08.750
Mukha kang raccoon.

45:12.833 --> 45:14.791
Raccoon!

45:16.250 --> 45:18.000
Kain na, guys.

45:18.083 --> 45:20.833
Pagbalik mo sa mama mo bukas,

45:20.916 --> 45:22.958
puwede mo kaming bisitahin kahit kailan.

45:23.041 --> 45:24.458
Mga kaibigan mo na kami.

45:24.541 --> 45:26.208
Wag mo kaming kalimutan.

45:26.291 --> 45:27.458
Okay.

45:40.500 --> 45:43.041
Di mo kailangan ng tablet
para mag-drawing.

45:49.375 --> 45:52.791
Gusto mong makita
kung paano ako gumuhit dati?

46:00.375 --> 46:02.208
Tapos puwede mo lang burahin.

47:23.791 --> 47:27.791
Moo Deng!

47:58.916 --> 48:00.125
Moo Deng.

48:01.666 --> 48:03.333
Mama.

48:05.166 --> 48:06.541
Papa.

48:50.041 --> 48:51.541
Moo Deng.

48:53.291 --> 48:54.541
Mama.

48:56.166 --> 48:57.541
Papa.

49:19.416 --> 49:21.375
Brand ambassador ka ba nila o ano?

49:23.750 --> 49:24.958
Nakita mo ba si Miew?

49:26.541 --> 49:28.958
Bobby! Tito Jake, tingnan n'yo!

49:30.666 --> 49:32.375
"Kayo na ang bahala kay Sarang."

49:32.458 --> 49:34.541
"Di ko kayang harapin si Mee Ree."

49:35.041 --> 49:36.791
"Pakisabi, sorry."

49:42.125 --> 49:43.458
Bobby.

49:43.541 --> 49:45.291
Hanapin natin si Tito Miew.

49:46.416 --> 49:47.916
Di natin siya mapipilit.

49:48.541 --> 49:49.625
Di siya makikinig.

49:53.541 --> 49:56.416
Pero malulungkot si Sarang.

49:56.500 --> 49:58.000
Kailangan nating irespeto

49:58.916 --> 49:59.750
ang desisyon niya.

49:59.833 --> 50:02.250
Tigilan n'yo na 'yang paligoy-ligoy!

50:06.666 --> 50:09.666
Sarang, umalis si Miew.

50:10.250 --> 50:11.916
Pero wag kang mag-alala,

50:12.958 --> 50:14.833
ihahatid ka namin ni Bobby

50:14.916 --> 50:18.166
sa mama mo, okay?

50:26.000 --> 50:27.250
Ayos lang 'yan.

50:37.500 --> 50:40.583
Ngumiti ka na, bata.
Makakasama mo na ulit ang mama mo.

50:40.666 --> 50:42.458
Kung ganyan ang mukha mo,

50:42.541 --> 50:45.166
iisipin niyang pinabayaan ka namin.

50:46.541 --> 50:47.625
Gusto mo ng meryenda?

50:51.500 --> 50:54.500
Nagutom tuloy ako, Bobby.

50:55.375 --> 50:57.291
SARAPAT

51:04.041 --> 51:06.791
Mamimili lang si Daddy sa Sarapat, okay?

51:16.291 --> 51:17.708
Babalik ako kaagad.

51:17.791 --> 51:21.375
May natanggap kaming report

51:21.458 --> 51:24.916
sa kahina-hinalang lalaki
na nakuhanan sa CCTV

51:25.000 --> 51:27.083
na gumagamit ng food truck
para mandukot ng bata.

51:27.166 --> 51:28.833
Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng
konektado siya sa human trafficking ring.

51:30.375 --> 51:33.125
Uy, bumili ako ng paborito mong snacks!

51:39.125 --> 51:40.083
Gusto mo 'to?

51:40.166 --> 51:41.041
Oo.

51:41.125 --> 51:42.875
Talaga? O, heto.

51:43.875 --> 51:47.916
Sinasabing ginamit niya
ang food truck para mandukot ng bata.

51:48.000 --> 51:49.583
Ang biktima ay isang Korean boy
na wala pang 10 taong gulang.

51:49.666 --> 51:51.083
Bumalik na ako.

51:52.291 --> 51:54.333
Kung makikita n'yo ang taong ito…

51:54.416 --> 51:56.708
Kukuha pa pala ako ng ilang gamit.

51:56.791 --> 51:59.041
…ipaalam sa pinakamalapit
na istasyon ng pulis.

52:20.791 --> 52:21.916
Moo Deng?

52:22.000 --> 52:23.083
Moo Deng!

52:31.625 --> 52:34.083
Moo Deng!

52:34.166 --> 52:35.958
Nagbabagang balita.

52:36.041 --> 52:38.291
Isang pygmy hippo ang ninakaw mula sa zoo.

52:38.375 --> 52:40.583
Naniniwala ang mga awtoridad na gawa ito

52:40.666 --> 52:42.416
ng Food Truck Kidnapper.

52:42.500 --> 52:45.166
Kasama natin ngayon ang zookeeper
na live mula sa pinangyarihan.

52:45.250 --> 52:46.083
Pakinggan natin ang sasabihin niya.

52:46.166 --> 52:48.208
Pagkatapos no'n,
bigla na lang siyang hinimatay.

52:48.291 --> 52:49.833
May kasama siyang dalawang bata.

52:49.916 --> 52:51.458
Dinrug niya si Moo Deng

52:51.541 --> 52:53.375
at isinakay sa kotse niya.

52:53.458 --> 52:55.166
Nahuli namin ang lahat sa CCTV.

52:55.250 --> 52:57.833
Siguradong para sa black market auction.

52:57.916 --> 53:01.291
Parang anak ko na si Moo Deng, alam n'yo?

53:02.125 --> 53:04.416
Kung makita ninyo ang taong ito…

53:05.791 --> 53:09.208
Di ko alam kung paano siya nakapasok dito,

53:09.291 --> 53:10.791
pero ang swerte natin.

53:10.875 --> 53:12.708
Makakasama natin siya buong araw.

53:12.791 --> 53:14.125
Deng!

53:18.208 --> 53:19.833
Gusto ring makita ng mama mo si Moo Deng?

53:19.916 --> 53:20.916
Oo!

53:21.000 --> 53:22.541
Puwede ko bang
dalhin si Moo Deng sa kanya?

53:25.208 --> 53:26.458
Pinangako niya kasi

53:26.541 --> 53:28.958
na dadalhin niya ako
para makita si Moo Deng

53:29.041 --> 53:30.708
mula no'ng huling birthday ko.

53:33.416 --> 53:35.708
Uy, kailan ba birthday mo?

53:35.791 --> 53:37.875
Bibigyan kita ng regalo next year.

53:37.958 --> 53:39.208
Talaga?

53:39.916 --> 53:43.625
December 31, 2016.

53:45.750 --> 53:48.125
Pero sabi mo 10 ka na.

53:48.208 --> 53:51.041
Oo, pero sa Korea,

53:51.125 --> 53:56.833
binibilang na isang taon
mula sa araw ng kapanganakan.

53:56.916 --> 54:00.791
Tapos pagdating ng January 1
ng susunod na taon,

54:01.666 --> 54:03.083
dalawang taon na ako.

54:05.208 --> 54:08.666
Dalawang araw ka pa lang ipinanganak,
dalawang taon na agad?

54:09.791 --> 54:10.708
Oo.

54:17.500 --> 54:19.458
Jake, nasaan ang mga bata?

54:19.541 --> 54:21.000
Baka nasa CR?

54:23.083 --> 54:23.958
PULIS

54:24.041 --> 54:25.291
Ha?

54:25.375 --> 54:27.916
Ano'ng nangyayari? Bakit nandito sila?

54:30.958 --> 54:32.541
Freeze! Walang gagalaw!

54:32.625 --> 54:33.833
Pulis kami!

54:33.916 --> 54:35.666
May karapatan kang manahimik.

54:35.750 --> 54:37.250
Anumang sabihin mo, maaaring gamitin

54:37.333 --> 54:38.791
laban sa 'yo sa korte.

54:39.875 --> 54:41.458
May karapatan kayong kumuha ng abogado.

54:41.541 --> 54:43.666
Kung wala kang kakayahang kumuha,

54:43.750 --> 54:46.708
bibigyan ka namin.

54:47.875 --> 54:49.708
Di maganda 'to, Jake.

54:50.541 --> 54:51.833
Posasan sila.

54:57.458 --> 55:02.166
HONE KRASAE: TRENDING NEWS SHOW

55:05.833 --> 55:09.875
Makikita rito ang mga pulis
na inaaresto ang mga suspek sa kidnapping.

55:09.958 --> 55:11.625
Hoy, tumabi ka!

55:14.000 --> 55:15.791
Saan n'yo itinago ang bata?

55:16.416 --> 55:18.000
Maniwala ka sa 'kin, Lieutenant,

55:18.083 --> 55:20.416
pumuslit 'yong batang 'yon sa truck.

55:21.166 --> 55:24.291
Oo, ihahatid na sana namin siya pabalik.

55:25.791 --> 55:29.750
Sinasabi n'yo bang
sumakay ding pumuslit din si Moo Deng?

55:31.666 --> 55:32.958
Tingnan n'yo 'to.

55:33.041 --> 55:34.208
Kita n'yo?

55:34.291 --> 55:36.416
Ginagawa n'yo ba kaming tanga?

55:38.041 --> 55:39.458
Bakit si Moo Deng?

55:42.541 --> 55:45.500
Makakapal ang mukha n'yo, ha?

55:46.750 --> 55:47.916
Sige.

55:49.166 --> 55:50.791
Tatapusin ko

55:51.416 --> 55:53.375
ang masama n'yong human

55:54.541 --> 55:57.416
at wildlife trafficking ring!

55:58.166 --> 56:00.083
'Yan 'yong The Sixth Sense.

56:00.166 --> 56:01.916
Ang galing ni Bruce Willis do'n.

56:02.000 --> 56:03.541
Gano'n ba siya kagaling?

56:03.625 --> 56:05.500
Di ko pa napapanood. Kumusta naman?

56:05.583 --> 56:07.166
Patay siya sa buong pelikula.

56:08.750 --> 56:12.083
Bakit mo inii-spoil?
Sabi ko nga di ko pa napapanood!

56:12.166 --> 56:14.458
Kung hindi kayo magsasalita,

56:14.541 --> 56:16.333
ii-spoil ko sa inyo

56:16.416 --> 56:18.791
lahat ng mga pelikula sa mundo!

56:18.875 --> 56:21.166
Wag! Please, wag! Di ako makikinig!

56:21.250 --> 56:23.208
Wag mo siyang pansinin, Jake.

56:23.291 --> 56:24.500
Spoiler lang 'yan.

56:24.583 --> 56:25.458
Ito!

56:26.541 --> 56:27.708
Titanic.

56:27.791 --> 56:30.333
Lumubog ba? Di ko pa 'yan natapos.

56:30.416 --> 56:33.541
Lumubog, at namatay pa si Jack sa lamig.

56:33.625 --> 56:37.333
Hindi! Tama na sa spoilers!
Magsasalita na ako!

56:37.416 --> 56:38.583
Hoy!

56:38.666 --> 56:40.250
Alam ng lahat na lumubog 'yon!

56:40.333 --> 56:42.833
Nasaan ang mga bata at si Moo Deng?

56:44.625 --> 56:46.916
Sabihin n'yo na ngayon.

56:48.041 --> 56:50.041
Shutter.

56:51.750 --> 56:54.791
Matagal ko nang gustong panoorin 'yan.

56:54.875 --> 56:56.666
Maganda ba?

56:56.750 --> 57:00.000
Lintik! May natapos ka na bang pelikula?

57:00.541 --> 57:03.041
Ito, simple lang.

57:03.125 --> 57:04.666
Sumakay sa likod niya ang multo.

57:04.750 --> 57:06.541
Ay, buti na lang.

57:06.625 --> 57:08.916
Hoy, wag mo basta i-spoil!

57:09.000 --> 57:10.708
Gusto mo ako naman?

57:10.791 --> 57:14.083
Joking Jazz 4G,
isang pasaway na naging monghe.

57:14.166 --> 57:17.208
Gusto mo bang malaman ang ending?

57:18.000 --> 57:20.458
Directed by Poj Anon,
starring Padung Songsang.

57:20.541 --> 57:21.833
Sabi nila ang ganda raw!

57:21.916 --> 57:24.708
Hindi ko pa napanood.
Ubos agad ang tickets.

57:24.791 --> 57:26.583
Wag mong i-spoil, please.

57:26.666 --> 57:29.166
Available din 'yan sa Netflix!

57:30.375 --> 57:32.666
Kaya kailangan nating mahanap
si Tito Miew.

57:33.166 --> 57:35.416
Baka anak ka niya talaga.

57:35.916 --> 57:38.250
Paano natin siya hahanapin?

57:38.750 --> 57:41.083
Dumating na naman ang panahon.

57:41.166 --> 57:45.208
Mag-alay tayo
sa seremonya ng paglalagay ng pundasyon

57:45.291 --> 57:48.583
sa Sansukwararam Temple.

57:48.666 --> 57:51.541
Sumama sa banal na okasyong ito at…

57:51.625 --> 57:54.541
Ano'ng ginagawa n'yo sa gilid ng kalsada?

57:54.625 --> 57:56.000
Delikado!

57:56.083 --> 57:58.583
Hinahanap namin ang mga tatay namin.

57:58.666 --> 58:00.416
Mga tatay?

58:01.041 --> 58:01.875
Nagkahiwalay ba kayo?

58:47.041 --> 58:48.166
Miew…

58:48.666 --> 58:50.541
Ano'ng ginagawa mo rito?

58:51.791 --> 58:53.791
Pumuslit ang anak mo sa truck ni Jake.

58:53.875 --> 58:56.208
Ihahatid na sana siya sa 'yo,

58:56.291 --> 58:58.875
pero naaresto sila sa daan.

58:59.625 --> 59:01.916
Misunderstanding 'yon.

59:02.416 --> 59:05.583
Pero hindi ba kasama ka nila?

59:07.416 --> 59:08.958
Puwede mo bang kausapin ang pulis?

59:09.041 --> 59:10.208
Sabihin mo ang totoo.

59:10.291 --> 59:13.125
Sinubukan ko, pero di sila nakikinig.

59:14.416 --> 59:16.416
Ano nang gagawin natin?

59:27.708 --> 59:29.833
Lieutenant…

59:29.916 --> 59:31.791
May aaminin ako.

59:37.291 --> 59:39.041
Di talaga nawawala ang anak ko.

59:39.125 --> 59:40.791
Nagalit lang ako sa asawa ko

59:40.875 --> 59:44.041
kasi kinuha siya habang nagtatrabaho ako.

59:49.791 --> 59:52.750
Hindi kayo mukhang mag-asawa,

59:53.291 --> 59:55.291
sa totoo lang.

59:57.000 --> 59:59.458
Parang napipilitan pa nga siya.

01:00:03.416 --> 01:00:05.458
Totoo ang sinasabi niya.

01:00:05.541 --> 01:00:07.041
Nag-overtime siya sa trabaho,

01:00:07.125 --> 01:00:09.000
kaya inuwi ko ang anak namin.

01:00:10.166 --> 01:00:12.000
Alam n'yo, mabilis siyang magalit.

01:00:13.333 --> 01:00:15.875
Di ko lang inakalang ire-report niya agad.

01:00:18.166 --> 01:00:21.833
Pasensya na, honey. Di na mauulit.

01:00:21.916 --> 01:00:23.333
Okay lang, baby.

01:00:27.666 --> 01:00:29.291
Hindi mo ako maloloko.

01:00:30.125 --> 01:00:33.333
Mukhang halos
isang dekada na kayong hiwalay

01:00:33.416 --> 01:00:36.000
pero dala n'yo pa rin
ang mga sugat ng nakaraan.

01:00:38.541 --> 01:00:39.791
Nakita mo 'yon sa itsura namin?

01:00:44.333 --> 01:00:45.208
Sino ka ba?

01:00:46.250 --> 01:00:47.833
Ano bang pakay mo?

01:00:47.916 --> 01:00:49.583
Tama ka.

01:00:49.666 --> 01:00:51.500
Nag-date kami dati.

01:00:53.041 --> 01:00:55.041
Inaresto mo ang mga kaibigan ko.

01:00:55.916 --> 01:00:59.333
Kung mapatunayang inosente sila,

01:00:59.416 --> 01:01:01.166
puwede kang kasuhan

01:01:01.250 --> 01:01:02.625
ng paninirang-puri.

01:01:04.125 --> 01:01:07.083
Pumuslit ang bata sa truck ng kaibigan ko,

01:01:07.166 --> 01:01:09.250
at ihahatid sana namin siya pabalik.

01:01:11.458 --> 01:01:13.291
Pakawalan mo sila ngayon,

01:01:13.375 --> 01:01:15.333
at mananahimik ako.

01:01:15.416 --> 01:01:18.500
Wag mo na 'tong palakihin.

01:01:28.625 --> 01:01:29.791
Sarge.

01:01:30.916 --> 01:01:32.125
Pakawalan mo sila.

01:01:33.916 --> 01:01:35.416
Sigurado kayo, sir?

01:01:38.041 --> 01:01:39.666
Na-corner na nila tayo.

01:01:40.916 --> 01:01:42.291
Kailangan nating sumunod.

01:01:48.750 --> 01:01:51.583
Magandang araw sa lahat!

01:01:51.666 --> 01:01:54.125
Si Puek ito.

01:01:54.208 --> 01:01:57.458
Saludo ako sa inyo, mga bata,

01:01:58.041 --> 01:01:59.583
kaya n'yo 'to nang kayo lang.

01:01:59.666 --> 01:02:02.833
Sa totoo lang,
iresponsable ang lalaking 'yon.

01:02:02.916 --> 01:02:06.208
Paano niya nagawang iwan ang anak niya?

01:02:06.291 --> 01:02:07.583
Di ba?

01:02:07.666 --> 01:02:09.583
Kaya tinutulungan ko si Sarang.

01:02:09.666 --> 01:02:11.041
Ngayon ko lang nalaman

01:02:11.125 --> 01:02:14.333
na sa Korea,
mas matanda sila ng dalawang taon.

01:02:14.416 --> 01:02:17.833
Ibig sabihin,
posibleng buntis na ang nanay ni Sarang

01:02:17.916 --> 01:02:19.416
sa ama niya.

01:02:27.708 --> 01:02:30.291
Naalala ko tuloy ang anak ko
sa batang 'yan.

01:02:31.458 --> 01:02:32.791
Magkasing-edad pa sila.

01:02:32.875 --> 01:02:34.666
Bakit marami kang kamukha?

01:02:40.625 --> 01:02:41.791
Ano 'yang ingay?

01:02:41.875 --> 01:02:43.541
A, aso ko 'yon.

01:02:44.291 --> 01:02:45.375
Aso mo?

01:02:47.083 --> 01:02:48.125
Deng!

01:02:49.000 --> 01:02:50.125
Deng!

01:02:51.416 --> 01:02:52.875
Ano 'yon?

01:02:52.958 --> 01:02:53.916
Deng!

01:02:54.000 --> 01:02:56.583
Gusto niyang sabihin na bouncy ang aso ko.

01:02:56.666 --> 01:02:59.166
Ha? Bouncy ang aso mo?

01:02:59.250 --> 01:03:02.375
Naalala ko tuloy
'yong mga masasamang taong

01:03:02.458 --> 01:03:04.708
dumukot kay Moo Deng sa zoo.

01:03:04.791 --> 01:03:08.208
Bakit kaya nila ginawa 'yon?
Sa tingin mo ba kakainin siya?

01:03:08.291 --> 01:03:09.833
Di nila gagawin 'yon.

01:03:09.916 --> 01:03:14.500
Tutulungan mo ba talaga kaming
hanapin ang papa ni Sarang?

01:03:21.500 --> 01:03:22.666
Alam ko

01:03:23.291 --> 01:03:26.375
ang pakiramdam na mahiwalay sa pamilya.

01:03:28.041 --> 01:03:29.375
Salamat.

01:03:34.291 --> 01:03:35.208
Salamat.

01:03:37.083 --> 01:03:41.208
Ano 'yon? Kombucha?

01:03:42.250 --> 01:03:45.583
Bakit kaya pinakawalan tayo
ng sadistang lieutenant na 'yon?

01:03:45.666 --> 01:03:48.083
Oo nga! Di ba hinahanap niya si Moo Deng?

01:03:49.375 --> 01:03:50.208
Moo Deng?

01:03:50.791 --> 01:03:52.083
Hayaan mo na.

01:03:52.166 --> 01:03:54.375
Kailangan na nating bumalik sa tindahan.

01:03:55.041 --> 01:03:57.083
Baka naghihintay na ang mga bata.

01:03:57.166 --> 01:03:59.375
Bakit magkasama kayong dalawa?

01:04:09.250 --> 01:04:12.083
Ang galing mo kanina sa presinto.

01:04:13.291 --> 01:04:14.500
Salamat.

01:04:15.416 --> 01:04:17.041
At ang cute ng anak mo.

01:04:18.083 --> 01:04:19.125
Siguro mana sa papa.

01:04:27.375 --> 01:04:30.041
Bakit kaya pumuslit si Sarang dito?

01:04:31.541 --> 01:04:32.958
Baka hinahanap ang papa niya.

01:04:33.583 --> 01:04:34.583
Papa?

01:04:36.416 --> 01:04:38.291
Sinabi niya sa 'min

01:04:38.375 --> 01:04:40.625
na di mo nakalimutan ang Thailand. Bakit?

01:04:45.666 --> 01:04:48.083
Dahil nasaktan ako nang husto.

01:04:53.833 --> 01:04:56.458
Ano ba 'yan, nagkita na nga kayo.

01:04:56.541 --> 01:04:58.041
Ayusin n'yo na ang lahat.

01:04:58.625 --> 01:05:01.416
Mula nang maghiwalay kayo,

01:05:02.208 --> 01:05:04.500
wala na siyang ibang dinate.

01:05:05.250 --> 01:05:07.166
Wala kang dine-date, Me Ree?

01:05:08.166 --> 01:05:09.166
Makinig kayo,

01:05:09.250 --> 01:05:11.875
kailangan n'yong mag-move on sa nakaraan.

01:05:18.291 --> 01:05:19.958
Wala ka talagang dinate?

01:05:26.750 --> 01:05:27.916
Duda ako.

01:05:32.416 --> 01:05:33.833
Hindi ako kasing tatag mo.

01:05:35.791 --> 01:05:37.208
Aalis ka na talaga?

01:05:39.291 --> 01:05:43.541
Sinabi ko na,
pangarap ko talaga ang trabahong 'to.

01:05:45.916 --> 01:05:49.416
Pati ako, di ko mababago ang isip mo?

01:05:52.000 --> 01:05:54.875
Wala na bang halaga
lahat ng pinagsamahan natin?

01:05:57.416 --> 01:05:59.750
Gusto mo bang mag-settle down kasama ako?

01:06:01.916 --> 01:06:05.291
O trabaho lang ang mahalaga sa 'yo?

01:06:07.916 --> 01:06:10.333
Pinapalipat kita sa Korea,

01:06:11.000 --> 01:06:11.833
pero ayaw mo.

01:06:11.916 --> 01:06:14.958
Nandito ang trabaho ko. Paano ako papayag?

01:06:15.041 --> 01:06:16.208
Kita mo?

01:06:16.291 --> 01:06:18.750
Pinili mo rin ang trabaho kaysa sa 'kin!

01:06:19.250 --> 01:06:21.083
Bakit ako lang ang may kasalanan?

01:06:25.250 --> 01:06:28.500
Wag ka nang magpalusot
at sabihin mo nang di mo na ako mahal.

01:06:36.333 --> 01:06:38.000
Kung 'yan ang iniisip mo,

01:06:38.791 --> 01:06:40.458
wala na akong magagawa.

01:07:04.541 --> 01:07:05.833
Aalis na ako.

01:07:13.041 --> 01:07:14.916
Salamat sa lahat.

01:08:03.166 --> 01:08:06.458
Hindi ba kayo masayang nagkita-kita
ulit tayo? Magsalita naman kayo!

01:08:06.541 --> 01:08:08.666
Hayaan mo sila.

01:08:08.750 --> 01:08:11.583
Bumabalik sa kanila
ang masasakit na alaala.

01:08:11.666 --> 01:08:13.083
"Fast bag" 'yan.

01:08:13.666 --> 01:08:14.791
Baka flashback?

01:08:14.875 --> 01:08:16.208
British ang accent ko.

01:08:19.166 --> 01:08:20.291
Masaya ako para sa 'yo,

01:08:21.166 --> 01:08:22.916
maayos ang buhay mo.

01:08:24.916 --> 01:08:27.791
Mas napabuti ka na nang wala ako.

01:08:32.791 --> 01:08:34.541
May sasabihin ako sa 'yo.

01:08:35.791 --> 01:08:36.875
Tungkol kay Sarang.

01:08:40.083 --> 01:08:42.958
Magandang araw sa lahat!

01:08:43.041 --> 01:08:44.333
Si Puek 'to.

01:08:44.416 --> 01:08:45.875
Heto, isuot mo 'to.

01:08:46.875 --> 01:08:48.291
Baka malamig d'yan sa likod.

01:08:49.041 --> 01:08:52.333
Pero pambabae 'to. Hindi bagay kay Sarang.

01:08:52.416 --> 01:08:55.083
Ano ka ba,
gender fluid na ang mga tao ngayon.

01:09:04.791 --> 01:09:06.750
Gusto n'yo bang mag-Bang Saen?

01:09:06.833 --> 01:09:08.166
Ayos lang kami, salamat.

01:09:08.250 --> 01:09:09.708
Ibaba mo na lang kami.

01:09:09.791 --> 01:09:10.916
Ayaw naming makaabala.

01:09:12.041 --> 01:09:14.500
Alam n'yo, maganda ang pantalan do'n.

01:09:16.250 --> 01:09:18.875
Sa anak mo ba 'yang damit?

01:09:20.083 --> 01:09:22.875
Ang dami mo namang tanong!

01:09:25.333 --> 01:09:27.083
Puwede bang itanong kung nasaan siya?

01:09:27.166 --> 01:09:28.041
Nandito lang siya.

01:09:28.625 --> 01:09:30.666
Kasama natin!

01:09:33.666 --> 01:09:36.166
Makitabi ka lang sa kanya, ha?

01:09:36.791 --> 01:09:40.083
Paghinto ng sasakyan,
bumaba ka agad at tumakbo, okay?

01:09:40.166 --> 01:09:41.666
Bakit? Ano'ng nangyari?

01:09:42.500 --> 01:09:44.875
Nag-i-English habang nakatingin sa 'kin?

01:09:48.250 --> 01:09:50.916
Pakialamerong bata! Ikaw rin!

01:09:52.166 --> 01:09:54.958
Napaka-usyoso!

01:09:55.041 --> 01:09:57.125
Gusto mo rin ba? Ha?

01:09:57.750 --> 01:10:00.666
Sige, behave ka na lang.

01:10:01.166 --> 01:10:05.125
THE FOUNDATION STONE LAYING CEREMONY

01:10:05.208 --> 01:10:10.291
SANSUKWARARAM TEMPLE
BAN DON BON, CHONBURI

01:10:42.375 --> 01:10:45.041
Sarang. Gising, Sarang!

01:11:02.291 --> 01:11:03.541
Bwisit! Ang hotdog ko.

01:11:05.333 --> 01:11:08.125
-Takbo muna. Mamaya na si Moo Deng.
-Okay.

01:11:20.375 --> 01:11:21.416
Naku, lagot.

01:11:24.625 --> 01:11:27.333
Nasaan kayo?

01:11:27.416 --> 01:11:29.333
Yoo-hoo!

01:11:32.166 --> 01:11:36.958
Sumagot kayo! Pahingi naman ng sign!

01:11:43.166 --> 01:11:45.625
Mukhang gusto n'yong mahirapan.

01:11:45.708 --> 01:11:49.708
Mahahanap kita
Tingnan mo ang likod mo

01:11:49.791 --> 01:11:56.000
Pag nagkamali ka ng lingon
Tatamaan ka!

01:12:19.958 --> 01:12:21.291
-Huli!
-Sarang!

01:12:21.375 --> 01:12:22.208
Binalaan ko kayo!

01:12:22.291 --> 01:12:25.083
Pag nagkamali ka ng lingon
Tatamaan ka!

01:12:25.166 --> 01:12:28.291
Tatamaan ka na!

01:12:33.833 --> 01:12:36.083
Puwedeng makahiram ng phone?

01:12:41.875 --> 01:12:43.041
Hello? Sino 'to?

01:12:43.125 --> 01:12:46.958
Si Bossa 'to! May kumuha kay Sarang.
Tulungan mo kami, Bobby!

01:12:47.041 --> 01:12:49.208
Bossa? Ulitin mo!

01:12:49.291 --> 01:12:51.416
Nabalitaan kong nahuli kayo,

01:12:51.500 --> 01:12:53.666
kaya hinanap namin si Tito Miew.

01:12:53.750 --> 01:12:57.708
Ngayon may kumuha kay Sarang!
Tulungan mo kami!

01:12:57.791 --> 01:13:00.083
May kailangan ding malaman si Tito Miew.

01:13:00.166 --> 01:13:03.333
-Ano 'yon?
-Mahabang kwento. Mamaya na.

01:13:03.416 --> 01:13:04.708
Ano'ng lugar na 'to?

01:13:04.791 --> 01:13:05.708
Don Hua Lor.

01:13:06.291 --> 01:13:10.083
Magkita tayo sa Don Hua Lor Market.

01:13:11.500 --> 01:13:12.958
Akala ba nila

01:13:13.041 --> 01:13:14.625
pakakawalan ko na lang sila?

01:13:14.708 --> 01:13:16.458
Maghanda kayong lahat!

01:13:16.541 --> 01:13:18.083
Sa Don Hua Lor Market tayo!

01:13:20.583 --> 01:13:22.833
Ililigtas natin ang mga bata
at si Moo Deng.

01:13:22.916 --> 01:13:24.291
Okay!

01:13:26.541 --> 01:13:28.625
Ibalik natin si Moo Deng!

01:13:31.333 --> 01:13:34.083
ANIMAL WELFARE UNIT

01:13:35.166 --> 01:13:37.583
Pagdating natin sa pantalan,

01:13:37.666 --> 01:13:39.166
ipapakilala ko sa 'yo ang anak ko.

01:13:40.791 --> 01:13:42.583
Magkakasundo kayo.

01:13:45.750 --> 01:13:48.041
Makinig muna tayo ng radyo, okay?

01:13:59.500 --> 01:14:01.750
DON HUA LOR MARKET

01:14:14.708 --> 01:14:16.458
Bossa! Bossa!

01:14:18.000 --> 01:14:19.958
Okay ka lang ba, anak ko?

01:14:20.041 --> 01:14:22.166
Wala tayong oras, Bobby!

01:14:22.250 --> 01:14:23.333
Nasa panganib si Sarang!

01:14:24.291 --> 01:14:26.000
Sino ang kumuha sa kanya?

01:14:26.083 --> 01:14:28.500
Ikaw ba ang nanay niya?

01:14:28.583 --> 01:14:30.625
Nakausap mo na ba si Tito Miew
tungkol sa kanya?

01:14:36.291 --> 01:14:38.541
Baka na-wiretap kayo

01:14:39.166 --> 01:14:41.041
no'ng pinakawalan kayo.

01:14:41.125 --> 01:14:45.166
Ano'ng gagawin natin?
Di na natin 'to matatakasan.

01:14:45.250 --> 01:14:47.375
Jake, Bobby, sumuko na kayo.

01:14:47.458 --> 01:14:48.791
Ako na ang magliligtas kay Sarang.

01:14:48.875 --> 01:14:50.625
Kailangan kong panagutan 'to.

01:14:50.708 --> 01:14:54.541
Hindi! Di ka namin hahayaang mag-isa.

01:14:54.625 --> 01:14:56.875
Di ka magaling na driver, Miew.

01:14:56.958 --> 01:14:59.416
Kailangan mo ako sa manibela.

01:14:59.500 --> 01:15:01.291
Wag na wag ka nang magmaneho.

01:15:01.375 --> 01:15:05.375
Bilisan na natin!
Kailangan na tayo ni Sarang!

01:15:07.000 --> 01:15:08.625
Sumakay na kayo!

01:15:10.666 --> 01:15:14.208
Hindi kayong tatlo!
Bumalik kayo sa Harley n'yo!

01:15:14.291 --> 01:15:15.416
'Yong kahon!

01:15:15.500 --> 01:15:17.000
Ako na ang bahala!

01:15:18.416 --> 01:15:21.000
Bakit ka napabili ng Mario outfit, ha?

01:15:38.750 --> 01:15:42.416
Sa wakas, magagamit ko na
ang siren sa totoong habulan.

01:15:44.791 --> 01:15:46.500
Ang kapangyarihan,

01:15:46.583 --> 01:15:49.708
may kaakibat na responsibilidad.

01:15:54.875 --> 01:15:56.708
Bilisan mo, Jake!

01:15:56.791 --> 01:15:59.000
Hindi ako si Vin Diesel!
Hanggang dito lang 'to!

01:16:04.791 --> 01:16:07.416
Pulis 'to! Huminto kayo ngayon din!

01:16:07.500 --> 01:16:11.333
Wala kayong takas
sa bulok na truck na 'yan!

01:16:11.916 --> 01:16:16.333
Kung Fast & Furious 'to,
kanina pa kayo sumabog sa kalsada!

01:16:16.416 --> 01:16:19.291
Seryoso? Na-spoil na naman niya!

01:16:20.666 --> 01:16:22.375
Nakita ko na ang bug!

01:16:22.458 --> 01:16:25.291
Akala ko ba movie expert ka, Bobby!

01:16:26.541 --> 01:16:28.958
Huminto kayo at ibigay
ang mga bata at si Moo Deng!

01:16:29.041 --> 01:16:31.708
Moo Deng? 'Yong pygmy hippo?

01:16:31.791 --> 01:16:33.583
Oo, ito siya.

01:16:36.791 --> 01:16:38.291
Ha?

01:16:38.375 --> 01:16:40.250
Paano napunta si Moo Deng dito?

01:16:40.333 --> 01:16:42.916
Hindi ko alam. Nasa kahon na siya.

01:16:46.291 --> 01:16:47.291
Wag n'yo akong tingnan.

01:16:47.375 --> 01:16:49.666
Deng! Deng!

01:16:51.625 --> 01:16:52.833
Whoa!

01:16:56.958 --> 01:16:59.000
Bawal kay Moo Deng
ang pagkain mula sa labas!

01:16:59.583 --> 01:17:00.458
A.

01:17:01.041 --> 01:17:03.625
Naalala ko na, salamat kay Michelean.

01:17:03.708 --> 01:17:06.458
Hindi naman namin nakikita
ang "fast bag" mo, a.

01:17:06.541 --> 01:17:08.583
Tama na kay Moo Deng, okay?

01:17:08.666 --> 01:17:10.208
Mukhang dadalhin

01:17:10.291 --> 01:17:12.791
no'ng creepy na titong 'yon
si Sarang sa pantalan.

01:17:12.875 --> 01:17:14.333
Paulit-ulit niyang binabanggit.

01:17:14.416 --> 01:17:17.458
Paano natin malalaman kung alin do'n?

01:17:17.541 --> 01:17:19.000
Iisa-isahin natin.

01:17:22.708 --> 01:17:24.166
ANIMAL WELFARE UNIT

01:17:24.250 --> 01:17:26.041
Deng, papunta na ako!

01:18:12.750 --> 01:18:15.250
Tumabi ka!
Sagabal ka sa operasyon ng pulis!

01:18:15.333 --> 01:18:18.000
Ikaw ang tumabi!
Sagabal ka sa operasyon ng zoo!

01:18:18.083 --> 01:18:19.958
-Umalis ka diyan!
-Ikaw ang umalis!

01:18:20.041 --> 01:18:22.125
-Opisyal ako ng pulisya!
-Opisyal ako ng zoo!

01:18:26.458 --> 01:18:28.458
Nawala na sila, Tito Jake.

01:18:28.958 --> 01:18:30.958
Ayos, mahahabol na natin—

01:18:31.041 --> 01:18:32.333
Shit!

01:18:36.500 --> 01:18:38.041
Ayos ka lang ba, Me Ree?

01:18:41.083 --> 01:18:44.041
Walang tao sa harap, Jake.

01:18:44.125 --> 01:18:45.625
Ba't ka huminto?

01:18:45.708 --> 01:18:48.166
May tatawid.

01:18:51.083 --> 01:18:54.041
Businahan mo na lang.

01:18:54.125 --> 01:18:56.958
Hindi, maghintay tayo.

01:18:57.041 --> 01:18:59.708
Gumagalaw na.

01:18:59.791 --> 01:19:01.208
Dahan-dahan lang.

01:19:01.291 --> 01:19:04.333
Tito Miew?

01:19:04.416 --> 01:19:05.416
O?

01:19:07.416 --> 01:19:09.166
-Anak mo si Sarang.
-Anak mo si Sarang.

01:19:16.500 --> 01:19:17.666
Totoo 'yon.

01:19:26.166 --> 01:19:28.458
Pagbalik ko sa Korea,

01:19:30.125 --> 01:19:32.291
nalaman kong buntis ako sa anak mo.

01:19:33.041 --> 01:19:38.375
Bumalik ako sa Thailand
para ipaalam sa 'yo.

01:19:39.125 --> 01:19:41.375
At nakita ko ang lahat.

01:19:41.458 --> 01:19:42.833
SAYURI STRIP CLUB

01:19:42.916 --> 01:19:47.166
Akala ko talaga,
makakapagsimula tayo ulit.

01:19:47.875 --> 01:19:50.000
Pero pagdating ko,

01:19:50.083 --> 01:19:52.375
malinaw na naka-move on ka na.

01:19:56.333 --> 01:19:57.583
Mula noon,

01:19:58.166 --> 01:19:59.958
ang tanging focus ko,

01:20:00.041 --> 01:20:04.666
maging matatag para sa anak ko

01:20:05.291 --> 01:20:07.250
para di niya maramdamang
may kulang sa kanya.

01:20:08.500 --> 01:20:12.166
Ako ang naging nanay at tatay ni Sarang,

01:20:13.875 --> 01:20:16.875
at nangako akong di na babalik sa 'yo.

01:20:17.916 --> 01:20:23.083
'Yon ang pinili kong daan.

01:20:25.500 --> 01:20:26.583
Teka.

01:20:27.666 --> 01:20:29.125
Wala akong ibang kinasama.

01:20:46.250 --> 01:20:47.541
A, Jake,

01:20:49.208 --> 01:20:53.625
'yon ba 'yong strip club cards
na iniwan natin sa bahay ni Miew?

01:21:02.083 --> 01:21:05.375
Halos isang dekada mo akong iniwasan

01:21:06.208 --> 01:21:07.166
dahil do'n?

01:21:11.750 --> 01:21:14.708
Ano'ng ginagawa ng food truck dito?

01:21:25.166 --> 01:21:27.750
Magandang araw sa lahat!

01:21:27.833 --> 01:21:29.375
Galing 'yon sa kotse ng creepy na tito!

01:21:30.750 --> 01:21:33.541
Ang weird. Di ko pinindot 'yon.

01:21:33.625 --> 01:21:37.375
Ha? Gumalaw kang tulog?

01:21:39.166 --> 01:21:40.500
Bilisan mo, Jake!

01:21:40.583 --> 01:21:41.708
Ilabas mo na si Vin Diesel!

01:21:51.875 --> 01:21:54.875
Sinusundan ba ako ng food truck na 'yon?

01:22:00.125 --> 01:22:00.958
Wag masyadong mabilis.

01:22:09.083 --> 01:22:11.041
-Tumabi ka!
-Ikaw ang tumabi!

01:22:11.125 --> 01:22:13.041
Bwisit, tumabi ka!

01:22:13.125 --> 01:22:15.333
-Please, kailangan mong umalis.
-Umalis ka!

01:22:21.083 --> 01:22:22.833
-'Yon ba…
-Oo, sir.

01:22:25.500 --> 01:22:27.166
Wag masyadong mabilis, food truck!

01:22:27.250 --> 01:22:29.500
Napanood ko ang buong franchise

01:22:29.583 --> 01:22:32.000
mula pa no'ng buhay si Paul Walker, loko!

01:23:12.583 --> 01:23:16.541
Nanginginig si Moo Deng.
Natatakot na siya.

01:23:20.083 --> 01:23:22.375
Tumigil ka nga sa kakagalaw!

01:23:23.958 --> 01:23:25.833
Nawawala na siya sa sarili!

01:23:27.125 --> 01:23:29.916
Shit, nagkaka-shock ang pambansang yaman!

01:23:30.000 --> 01:23:31.625
Gumawa ka ng paraan, Bobby!

01:23:35.000 --> 01:23:36.125
Clear!

01:23:37.375 --> 01:23:38.500
Clear!

01:23:40.833 --> 01:23:44.125
Di natin siya puwedeng
hayaang mamatay, Bobby!

01:23:51.125 --> 01:23:52.083
Baba!

01:23:53.500 --> 01:23:54.416
-Sarang!
-Bilisan mo!

01:23:54.500 --> 01:23:55.541
Sarang!

01:23:55.625 --> 01:23:58.916
-Sarang!
-Kumalma ka. Mag-usap tayo.

01:23:59.000 --> 01:24:00.250
Pakawalan mo muna siya.

01:24:01.666 --> 01:24:03.250
Please, pakawalan mo siya.

01:24:03.833 --> 01:24:05.083
Nakikiusap ako.

01:24:05.166 --> 01:24:10.958
Ma, kinidnap niya ako!

01:24:11.041 --> 01:24:13.500
Magiging okay ang lahat, Sarang.

01:24:22.125 --> 01:24:22.958
Ano 'to?

01:24:27.000 --> 01:24:30.458
Papaniwalain ko si Moo Deng
na ginigising siya ng nanay niya.

01:24:40.541 --> 01:24:42.500
-Gising na siya!
-Oo nga!

01:24:42.583 --> 01:24:44.541
-Ang galing mo, Bobby!
-Gising na siya!

01:24:44.625 --> 01:24:45.666
Gising na siya!

01:24:45.750 --> 01:24:47.583
Gising na siya!

01:24:50.333 --> 01:24:53.416
Papunta na ang pulis.

01:24:53.500 --> 01:24:54.833
Please, pakawalan mo na siya.

01:24:57.625 --> 01:24:59.125
Nakikiusap ako.

01:25:00.500 --> 01:25:02.041
Wag mo siyang saktan.

01:25:02.708 --> 01:25:04.333
May pinakawalan na akong bata.

01:25:05.583 --> 01:25:08.208
Sabi ng doktor, wala nang pag-asa,

01:25:09.041 --> 01:25:10.541
kaya hinayaan ko na siya.

01:25:10.625 --> 01:25:12.541
Pero hindi na ngayon.

01:25:12.625 --> 01:25:13.541
Hinding-hindi na!

01:25:13.625 --> 01:25:14.875
Naiintindihan ko

01:25:15.375 --> 01:25:17.750
ang sakit ng pakawalan ang sariling anak.

01:25:18.416 --> 01:25:19.583
Maniwala ka.

01:25:39.541 --> 01:25:42.250
Kahit 'yong posibilidad na anak ko siya,

01:25:43.250 --> 01:25:44.500
'yon lang,

01:25:45.458 --> 01:25:47.041
masaya na ako.

01:25:49.000 --> 01:25:51.416
Ikaw, nakasama mo pa ang anak mo.

01:25:53.458 --> 01:25:54.333
Ako?

01:25:55.833 --> 01:25:57.458
Bilang ama,

01:25:58.250 --> 01:25:59.708
hindi ko man lang

01:26:00.375 --> 01:26:01.708
nasaksihan

01:26:02.625 --> 01:26:04.750
ang kapanganakan niya o ang paglaki niya.

01:26:14.250 --> 01:26:16.208
Isa kang ama.

01:26:17.208 --> 01:26:20.250
Alam mo kung gaano kalalim
ang pagmamahal ng magulang.

01:26:21.708 --> 01:26:23.500
Please, wag mong saktan ang anak ko.

01:26:24.750 --> 01:26:26.208
Pakawalan mo siya.

01:26:26.291 --> 01:26:27.666
Nasasabi n'yo 'yan

01:26:27.750 --> 01:26:30.000
dahil buhay ang anak n'yo! Heto!

01:26:30.833 --> 01:26:32.208
Hindi n'yo naiintindihan.

01:26:33.208 --> 01:26:35.000
Wala na ang anak ko.

01:26:35.083 --> 01:26:36.291
Patay na siya!

01:26:37.375 --> 01:26:39.083
Wala na akong dahilan para mabuhay!

01:26:42.000 --> 01:26:43.708
Hindi na ako tatay!

01:26:44.750 --> 01:26:48.166
Hindi mo kailanman matitigil
ang pagiging ama.

01:26:48.250 --> 01:26:51.750
Ikaw pa rin ang nag-iisang tatay niya.

01:26:53.166 --> 01:26:54.750
Sigurado akong

01:26:54.833 --> 01:26:59.708
nagpapasalamat ang anak mo
na ikaw ang naging ama niya.

01:26:59.791 --> 01:27:02.125
Tama na! Sobra na!

01:27:02.208 --> 01:27:03.416
-Tama na!
-Hoy!

01:27:04.458 --> 01:27:07.125
-Hinto. Wala ka nang takas.
-Wag kang makialam!

01:27:07.208 --> 01:27:09.333
Nakikiramay ako

01:27:09.416 --> 01:27:10.916
sa kawalan mo.

01:27:12.625 --> 01:27:14.958
Alam ko ang bond ng magulang at anak,

01:27:15.541 --> 01:27:17.000
at kung ano'ng gagawin natin
para sa kanila.

01:27:19.541 --> 01:27:22.375
Gagawin ko ang lahat para sa anak ko.

01:27:23.000 --> 01:27:24.541
Please,

01:27:24.625 --> 01:27:26.958
-wag mo siyang saktan.
-Sinasabi mo bang

01:27:27.583 --> 01:27:29.916
gagawin mo ang lahat para sa kanya?

01:27:30.583 --> 01:27:33.458
Oo. Lahat gagawin ko para kay Sarang.

01:27:34.125 --> 01:27:36.125
Para sa kaligtasan niya.

01:27:39.291 --> 01:27:41.166
Mahal na mahal mo siya.

01:27:43.000 --> 01:27:44.708
Siya ang buhay ko.

01:27:44.791 --> 01:27:47.291
E di, magpalit kayo.

01:27:47.375 --> 01:27:48.500
Magiging bihag kita.

01:27:49.958 --> 01:27:51.875
Ako na lang ang kunin mo.

01:27:51.958 --> 01:27:53.333
Ayaw ko sa 'yo!

01:27:55.041 --> 01:27:57.791
Ibibigay mo ba ang buhay mo
para sa kanya, ha?

01:28:00.083 --> 01:28:01.083
E di, halika rito.

01:28:01.166 --> 01:28:02.666
Sige.

01:28:02.750 --> 01:28:04.500
-Hindi, hindi pwede.
-Ikaw na naman?

01:28:05.083 --> 01:28:06.375
Wag kang makialam!

01:28:07.208 --> 01:28:08.250
Sige na!

01:28:16.500 --> 01:28:18.833
Sarang, makinig ka sa papa mo, ha?

01:28:18.916 --> 01:28:21.291
Ma, wag kang pupunta!

01:28:29.083 --> 01:28:32.875
Lagi mo akong kasama, anumang mangyari.

01:28:32.958 --> 01:28:34.416
Dito lang ako,

01:28:34.500 --> 01:28:36.083
palagi.

01:28:38.458 --> 01:28:43.958
Pangako, babantayan kitang lumaki
sa bawat hakbang mo.

01:28:44.625 --> 01:28:50.500
Kahit gaano kahirap ang sitwasyon ngayon,
lilipas din 'yan.

01:28:51.875 --> 01:28:55.375
Alam ko kung gaano katatag ang anak ko.

01:28:55.875 --> 01:28:58.166
Makakaya mo.

01:28:59.250 --> 01:29:01.125
Wag na wag kang susuko, ha?

01:29:01.833 --> 01:29:04.625
Sigurado akong
matutupad ang mga pangarap mo.

01:29:05.375 --> 01:29:09.166
Ipangako mo sa 'king
mamumuhay ka nang maayos, Sarang.

01:29:09.250 --> 01:29:10.625
Tama na!

01:29:10.708 --> 01:29:12.708
Halika rito!

01:29:13.708 --> 01:29:15.625
-Jake, putulin mo ang tali ni Sarang.
-Ma!

01:29:17.500 --> 01:29:18.833
Sinasaksak niya ang bata!

01:29:53.291 --> 01:29:54.250
Bobby?

01:29:56.208 --> 01:29:57.041
Hindi!

01:29:57.125 --> 01:30:01.208
Bobby, gumising ka! Bobby!

01:30:01.291 --> 01:30:02.583
Bobby!

01:30:03.500 --> 01:30:04.916
Bobby!

01:30:05.666 --> 01:30:07.291
Pa, wag mo akong iwan.

01:30:07.375 --> 01:30:11.875
Magpapakabait at makikinig na ako sa 'yo.

01:30:14.083 --> 01:30:15.958
Sa wakas tinawag mo rin akong papa.

01:30:17.125 --> 01:30:18.750
Sayang naman,

01:30:19.833 --> 01:30:22.375
huli na pala 'yon.

01:30:24.208 --> 01:30:26.500
Papa!

01:30:33.000 --> 01:30:34.375
Bakit buhay pa ako?

01:30:46.375 --> 01:30:47.458
Bossa,

01:30:48.375 --> 01:30:51.666
sabihin mo kay Mama na niligtas
ng strip club cards ang buhay ko.

01:30:58.666 --> 01:31:00.458
Moo Deng, umalis ka!

01:31:01.625 --> 01:31:03.541
Alis!

01:31:17.041 --> 01:31:19.291
Lieutenant! Sir!

01:31:20.958 --> 01:31:22.875
Paano mo nagawang sipain ang baby ko!

01:32:15.500 --> 01:32:16.958
Me Ree, Me Ree.

01:32:22.666 --> 01:32:23.833
Mama.

01:32:27.250 --> 01:32:28.750
Hello? Kailangan namin ng ambulansya.

01:32:28.833 --> 01:32:31.666
May muntik nang malunod
sa Bang Saen Beach.

01:32:32.833 --> 01:32:34.500
Pakibilisan n'yo. Salamat.

01:32:35.125 --> 01:32:36.250
Mama.

01:32:38.500 --> 01:32:39.750
Mama.

01:32:43.000 --> 01:32:45.458
Mama. Mama.

01:32:49.500 --> 01:32:51.958
Mama. Mama.

01:32:52.916 --> 01:32:54.125
Me Ree.

01:32:58.666 --> 01:33:01.875
Tingnan mo, nakita ko si Moo Deng!

01:33:02.875 --> 01:33:04.208
Mama!

01:33:06.125 --> 01:33:09.250
Nakita ko si Moo Deng!

01:33:09.333 --> 01:33:11.458
-Me. Me Ree.
-Mama.

01:33:12.625 --> 01:33:13.750
Please, gumising ka

01:33:14.875 --> 01:33:17.750
para maging buo na ang pamilya natin.

01:33:19.208 --> 01:33:20.208
Me Ree.

01:33:20.291 --> 01:33:21.583
Mama.

01:33:23.250 --> 01:33:25.166
-Me Ree.
-Mama.

01:33:28.250 --> 01:33:30.125
Me Ree. Me Ree!

01:33:30.916 --> 01:33:31.958
Me Ree.

01:33:48.666 --> 01:33:52.625
Sinabi mo bang magiging pamilya tayo?

01:33:54.083 --> 01:33:55.125
Oo.

01:33:56.000 --> 01:33:57.291
Oo, Me Ree.

01:34:23.250 --> 01:34:25.500
Nagising ka na!

01:34:25.583 --> 01:34:28.125
Dahan-dahan, Sarang.
Kakagising lang ni Mama.

01:34:29.250 --> 01:34:31.583
Okay lang. Okay na ako ngayon.

01:34:33.875 --> 01:34:35.791
Magiging okay na ako, Sarang.

01:34:36.375 --> 01:34:37.625
Tatawagin ko ang doktor.

01:34:39.375 --> 01:34:41.500
Salamat sa pagligtas sa 'kin.

01:34:42.583 --> 01:34:43.458
Alam…

01:34:44.458 --> 01:34:45.291
Alam mo?

01:34:48.458 --> 01:34:52.208
Ikaw ang unang nakita ko pagkagising ko.

01:34:54.750 --> 01:34:56.958
Magiging okay si Sarang kahit wala ako,

01:34:57.833 --> 01:34:59.541
pero di puwedeng wala ka.

01:35:06.125 --> 01:35:08.875
Gusto ko pang mag-stay pa rito,

01:35:09.625 --> 01:35:12.416
pero may trabaho pang
naghihintay sa 'kin sa Korea.

01:35:18.958 --> 01:35:20.000
Alam ko.

01:35:20.750 --> 01:35:24.041
Sisiguraduhin kong dalawin
si Sarang pag kaya ko, okay?

01:35:30.083 --> 01:35:31.083
Hindi na kailangan.

01:35:42.208 --> 01:35:45.666
Lilipat na ako rito
pagkatapos ng trabaho ko.

01:35:47.875 --> 01:35:48.833
Lilipat?

01:35:49.625 --> 01:35:52.666
Di ba sabi mo
nasaktan ka lang sa Thailand?

01:35:52.750 --> 01:35:57.333
Oo, pero nandito rin
ang lahat ng mahalaga sa 'kin.

01:35:58.083 --> 01:36:01.625
Mahal ko ang Thailand.

01:36:09.208 --> 01:36:12.583
Ipapasyal ka ni Tito Miew
sa susunod, okay?

01:36:14.333 --> 01:36:17.791
Pero di ba ikaw ang papa ko?

01:36:28.500 --> 01:36:29.791
Oo,

01:36:29.875 --> 01:36:31.625
ako ang papa mo, Sarang.

01:36:32.750 --> 01:36:36.125
Babawi ako sa mga panahong nawala.

01:36:36.875 --> 01:36:39.500
Ako na ang magpapasaya sa 'yo

01:36:40.125 --> 01:36:42.541
at aaliw sa 'yo kapag umiiyak ka.

01:36:43.500 --> 01:36:47.250
Nasa tabi mo lang ako
hangga't gusto mo, okay?

01:36:49.833 --> 01:36:50.750
Papa.

01:36:51.708 --> 01:36:52.833
Anak ko.

01:37:04.625 --> 01:37:06.333
Ang galing!

01:37:06.833 --> 01:37:09.625
Welcome sa dad club, newbie!

01:37:13.458 --> 01:37:14.875
Buo na rin sa wakas ang pamilya mo!

01:37:15.750 --> 01:37:19.125
Mag-outing tayo!
Family trip ng tatlong pamilya!

01:37:19.208 --> 01:37:20.041
Oo nga!

01:37:20.125 --> 01:37:22.541
Fa-mi-ly.

01:37:23.125 --> 01:37:27.541
Sinabi mo bang "family," Michelean?

01:37:27.625 --> 01:37:29.666
Unang two-syllable word niya 'yon.

01:37:29.750 --> 01:37:30.916
Michelean.

01:38:46.875 --> 01:38:49.791
Nakabalik na si Moo Deng,

01:38:49.875 --> 01:38:52.041
at mahigpit siyang mino-monitor ng vets.

01:38:52.125 --> 01:38:55.500
Mukhang maayos ang kalagayan niya.

01:42:25.541 --> 01:42:27.000
-Papa.
-Hmm?

01:42:34.833 --> 01:42:36.208
Nandito na si Daddy.

01:43:18.583 --> 01:43:21.083
Nagsalin ng Subtitle: Naomi Hagi
.
