WEBVTT

00:06.666 --> 00:10.708
HANGO SA MGA TUNAY NA PANGYAYARI

01:10.666 --> 01:17.125
Pelé!

01:17.208 --> 01:23.458
Pelé!

01:23.541 --> 01:26.291
Ngayon na ang araw, mga matatapang.

01:26.875 --> 01:31.500
Unang sabak ng Brazil sa Mexico
sa ilalim ng madilim na ulap ng pagdududa.

01:32.000 --> 01:34.958
May isang pangalan
na nasa sentro ng atensiyon

01:35.041 --> 01:38.166
sa Jalisco Stadium sa Guadalajara,

01:38.250 --> 01:40.041
ang King of Football.

01:40.125 --> 01:43.833
Bagamat dineklara niyang ayaw na niya

01:43.916 --> 01:46.708
matapos ang pagkatalo ng Brazil
sa huling World Cup,

01:46.791 --> 01:51.791
muling bumabangon si Pelé
bilang pag-asa ng milyon-milyong Brazilian

01:51.875 --> 01:54.875
na ipinagkakatiwala ang pangarap nila
at pangatlong titulo

01:54.958 --> 01:57.208
sa katauhan ng lalaking ito.

02:02.416 --> 02:05.666
BRAZIL '70: THE THIRD STAR

02:18.958 --> 02:22.583
WORLD CUP, 1966
BRAZIL VS PORTUGAL

02:30.708 --> 02:33.333
Matinding foul kay Pelé.

02:33.916 --> 02:36.416
Pinupuntirya siya sa field.

02:36.500 --> 02:40.125
Kitang-kita na nahihirapan siya sa pitch.
Mahihirapan siyang maglaro.

02:40.208 --> 02:41.625
Karma ito ng King.

02:41.708 --> 02:46.125
Namimilipit sa sakit ang King of Football
at hindi makabangon sa field.

02:46.208 --> 02:49.041
Nakakabahala ang kalagayan ni Pelé.

02:50.083 --> 02:51.000
Aray!

02:52.416 --> 02:53.791
Itayo n'yo nang dahan-dahan.

02:53.875 --> 02:55.583
Kaya 'yan, Pelé.

02:57.291 --> 02:58.208
Ganyan nga.

02:58.875 --> 02:59.708
Sige.

03:00.333 --> 03:01.708
-Tara na, iho.
-Aray!

03:01.791 --> 03:04.000
Ayan. Dahan-dahan, magiging ayos ka din.

03:04.083 --> 03:05.083
Ayan nga.

03:09.083 --> 03:10.916
-Pahinging benda!
-Grabe naman!

03:11.000 --> 03:12.208
-Dahan-dahan!
-Aray!

03:12.916 --> 03:14.041
Mukhang masama 'to.

03:14.125 --> 03:15.208
Kaya mo pa ba, King?

03:15.291 --> 03:16.458
Kailangan, Tostão.

03:18.416 --> 03:20.333
Di ko pababayaang kulang ng isa ang team.

03:22.416 --> 03:23.541
Benda!

03:23.625 --> 03:24.458
Ayan na naman.

03:24.541 --> 03:27.416
Sinusubukan ni Pelé
na makasabay sa marking.

03:27.500 --> 03:29.708
Pero walang kuwenta. Hindi niya kaya.

03:29.791 --> 03:33.500
Imposibleng makapaglaro
sa ganitong klase ng kalagayan.

03:40.833 --> 03:46.625
Laglag na sa 1966 World Cup ang Brazil.

03:47.416 --> 03:48.916
-Pelé!
-Dito, Pelé!

03:49.000 --> 03:50.000
Magre-retire ka na ba?

03:50.083 --> 03:51.208
Pelé, please!

03:51.291 --> 03:53.250
-Pelé, saglit lang!
-Please. Sige na!

03:53.833 --> 03:55.958
Tingin mo ba, mababawi mo pa 'to?

03:57.333 --> 03:59.083
Lumabas kayo dito!

03:59.166 --> 04:01.333
Uy! Pelé!

04:01.958 --> 04:03.666
Umalis na kayo!

04:03.750 --> 04:06.416
-Lumayas na kayo dito!
-Rumespeto naman kayo!

04:06.500 --> 04:07.541
Uy, King.

04:07.625 --> 04:10.833
Sa susunod na World Cup,
lalagyan na natin ng metal ang binti mo.

04:13.208 --> 04:14.458
Wala nang susunod.

04:56.875 --> 04:57.791
Ayan na siya.

04:57.875 --> 04:59.000
Nakakahiya ka!

04:59.083 --> 05:00.750
MARUMING TEAM!
PALPAK NA TEAM!

05:03.166 --> 05:04.958
Pelé, kausapin mo naman kami.

05:05.041 --> 05:08.375
Sinasabi ng mga tao
na huling World Cup mo na 'to.

05:08.458 --> 05:09.458
Totoo ba 'yon?

05:09.541 --> 05:12.958
Totoo 'yon. Wala na akong planong maglaro
sa susunod na World Cup.

05:13.666 --> 05:14.666
Siguro, malas ako.

05:14.750 --> 05:18.708
Pangalawang World Cup na naglaro ako
nang dalawang beses at hindi makatuloy.

05:18.791 --> 05:19.666
Patay na si Pelé!

05:19.750 --> 05:21.708
-Patay na si Pelé!
-Mag-retire ka na!

05:21.791 --> 05:23.208
Patay na si Pelé!

05:27.458 --> 05:29.000
Ayun na. Tapos na.

05:29.083 --> 05:31.000
-Pelé, pa'no 'yong—
-Pelé!

05:31.083 --> 05:32.750
Dondinho, sandali lang, please!

05:32.833 --> 05:34.750
-Nakakahiya!
-Nakakahiya!

05:35.958 --> 05:38.041
Attention. Nagbabagang balita.

05:38.541 --> 05:40.958
PATAY NA BA ANG HARI?

05:41.041 --> 05:41.958
Tama, mga kaibigan.

05:42.041 --> 05:46.625
Nananatili ang national team ng Brazil
na wala si Pelé at walang coach.

05:46.708 --> 05:50.875
Sa gitna ng gulong ito,
may namamayaning katanungan.

05:51.916 --> 05:55.500
Sino'ng mamumuno sa squad natin
sa World Cup sa Mexico next year?

05:56.375 --> 05:58.833
KAAYUSAN AT PAG-UNLAD
MAHALIN MO O TALIKURAN MO

05:58.916 --> 06:01.208
IBAGSAK ANG DIKTADURA

06:19.791 --> 06:23.541
Mahal, hindi mo alam kung sino'ng dumating
sa newsroom kanina.

06:24.250 --> 06:25.125
Sino, João?

06:25.208 --> 06:26.458
'Yong bossing.

06:27.583 --> 06:28.875
Galing sa CBD.

06:31.625 --> 06:34.000
Nagmamaktol sila dahil sa World Cup.

06:34.083 --> 06:37.333
Kailangan ng team ng coach.
Kinumusta nila ako.

06:37.416 --> 06:39.666
Hindi ito ang oras ng pagbibiro, João.

06:39.750 --> 06:41.000
Hindi ako nagbibiro.

06:41.666 --> 06:44.208
Kaya tinanong ko,
"Offer ba 'to o tanong lang?"

06:45.791 --> 06:46.791
Offer nga 'yon.

06:47.708 --> 06:48.791
Offer?

06:49.833 --> 06:52.083
Na maging coach
ng national team ng Brazil.

06:53.791 --> 06:55.125
E, ano'ng sinabi mo?

06:55.208 --> 06:56.041
"Payag ako."

06:56.958 --> 07:00.375
Komunista ka, João.
Magtatrabaho ka para sa diktadura?

07:00.458 --> 07:01.541
Para sa football.

07:01.625 --> 07:02.833
-Anong football?
-Football.

07:02.916 --> 07:04.916
-Coach ka ng Botafogo ten years ago!
-E, ano?

07:05.000 --> 07:06.666
Reporter ka. Ba't mo gagawin 'to?

07:06.750 --> 07:08.875
Di ako pwedeng maging coach,
kasi reporter ako?

07:08.958 --> 07:10.958
-Alam mo ba kung ano'ng gusto nila?
-Ano?

07:11.041 --> 07:13.083
Gagamitin nila ang kasikatan mo.

07:13.166 --> 07:14.791
Higit pa 'yon do'n.

07:14.875 --> 07:16.916
Gusto ka nilang patahimikin.

07:17.000 --> 07:19.708
Pero binigay nila
ang pinakamalaking mikropono sa mundo.

07:23.250 --> 07:25.125
Alam mong mahilig akong magsalita.

07:59.375 --> 08:01.833
Madalas, naka-cleats kami sa field.

08:03.583 --> 08:05.333
Kesa naman sa high-heels na ugali.

08:07.708 --> 08:11.041
Kailangan mo pa ng VIP invitation
para makapaglaro sa team ko?

08:12.916 --> 08:14.500
Sige. Andito na ako.

08:17.750 --> 08:19.791
Sa 'yo na ba ang Brazilian team?

08:19.875 --> 08:23.166
Hindi, wala akong pag-aari.
Sa mga tao 'yong team.

08:24.250 --> 08:27.375
Andito ako para gawing champion ulit
ang team.

08:28.541 --> 08:29.500
Saldanha.

08:30.708 --> 08:32.250
Dalawang beses nanalo ang Brazil.

08:32.333 --> 08:33.833
Andun ako pareho.

08:33.916 --> 08:35.375
Tapos na ang trabaho ko.

08:35.875 --> 08:37.791
Alam na alam mong di totoo 'yon.

08:37.875 --> 08:39.583
"Pero laos na si Pelé."

08:39.666 --> 08:42.166
-Sabi mo sa column mo.
-'Yon ba ang problema?

08:42.250 --> 08:43.791
Ayaw mo sa pambabatikos?

08:44.458 --> 08:46.375
Batikusin mo ako hangga't gusto mo.

08:46.458 --> 08:48.291
Sanay na akong laging sinisisi.

08:48.875 --> 08:50.458
Alam ko ang dapat sisihin.

08:51.416 --> 08:54.416
Pero wala nang gulo o politika ngayon.

08:54.500 --> 08:55.916
Puro mga star lang sa field.

08:57.333 --> 08:58.916
At ikaw, Pelé,

08:59.000 --> 09:01.250
hindi mo na papasanin ang bigat
nang mag-isa.

09:05.166 --> 09:06.583
Right-winger,

09:07.458 --> 09:08.291
si Jairzinho.

09:10.666 --> 09:12.875
Good luck sa fullback na hahabol.

09:15.625 --> 09:17.208
Tara! Salamat!

09:17.875 --> 09:19.208
JAIRZINHO
"BAGYO"

09:19.291 --> 09:22.583
Sa midfield, ang hindi malalampasan
ng long pass kahit sa bangungot.

09:25.125 --> 09:26.333
Si Gérson?

09:26.958 --> 09:29.208
Track back tayo! Dali!

09:30.916 --> 09:33.125
Malakas na duo.
Nakalaban ko sila sa Botafogo.

09:33.208 --> 09:34.375
Naeengganyo ka na?

09:34.458 --> 09:35.958
Hindi, Saldanha.

09:36.041 --> 09:37.875
-Hindi?
-Tinutulungan lang kita.

09:37.958 --> 09:39.166
Sige, tulungan mo ako.

09:39.250 --> 09:41.458
Left-winger, si Rivellino.

09:42.041 --> 09:44.583
Star 'yon.
Pero mainitin ang ulo niya. Kaya dapat…

09:44.666 --> 09:47.125
Mainitin ang ulo, pasaway,
pero magaling mag-dribble.

09:47.208 --> 09:49.291
-Pag tumira siya…
-'Yong tira ni Riva…

09:49.375 --> 09:51.125
Hindi 'yon tira. Final verdict 'yon.

09:55.125 --> 09:57.125
Tapos sa harap? Sino'ng lulusot?

09:57.666 --> 10:00.083
-'Yong champion ng Minas Gerais.
-Si Tostão?

10:00.666 --> 10:02.708
Sub lang siya no'ng huling World Cup.

10:02.791 --> 10:05.500
Kahit na tinamaan siya sa mata
sa Cruzeiro…

10:06.541 --> 10:07.375
Aray!

10:08.125 --> 10:10.583
…sa team ko, siguradong starter siya.

10:14.166 --> 10:15.875
TOSTÃO
"ANG GOLDEN BOY NG MINAS"

10:15.958 --> 10:18.625
Para maorganisa ang sayaw na 'to,
kailangan namin ng hepe.

10:20.083 --> 10:24.625
Sino pa bang mas magaling na fullback
na kapitan n'yo na dito sa Santos?

10:24.708 --> 10:26.000
Si Carlos Alberto Torres.

10:26.083 --> 10:27.375
CARLOS ALBERTO
"KAPITAN"

10:29.750 --> 10:32.541
Hindi matatalo ang team na 'to, Pelé.

10:33.500 --> 10:35.000
Kailangan lang ang number ten.

10:39.791 --> 10:40.625
May kilala ka ba?

10:42.625 --> 10:44.166
Eto na! Ang chest control.

10:44.250 --> 10:46.166
Sinupalpal ang defender.
Makaka-score siya…

10:46.833 --> 10:49.708
Goal para sa Brazil!

10:50.375 --> 10:51.541
Pelé!

10:56.125 --> 10:57.791
Saldanha, hindi mo naiintindihan.

10:57.875 --> 10:59.916
Tapos na ang panahon ko sa national team.

11:00.541 --> 11:01.375
Tapos na.

11:02.541 --> 11:03.416
Makinig ka, Pelé.

11:03.500 --> 11:06.333
Dumayo pa ako dito,
kahit mali ang sapatos ko at umuulan,

11:06.416 --> 11:08.916
para kumbinsihin kang bumalik
sa national team.

11:10.041 --> 11:11.708
Pero nakikita kong takot ka.

11:11.791 --> 11:14.916
Hindi ako takot.
Hindi mo alam ang pinagdaanan ko.

11:15.000 --> 11:16.083
Ano'ng hindi ko alam?

12:04.375 --> 12:08.708
Nag-uulat live
mula sa United States Space Center.

12:08.791 --> 12:10.708
Ayan, Papa. Maganda na.

12:10.791 --> 12:12.166
Apat na araw ang nakakaraan…

12:12.250 --> 12:14.208
Magaling na ako.

12:14.291 --> 12:16.250
Baka mapanood pa natin ang World Cup.

12:16.333 --> 12:18.333
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan,

12:18.416 --> 12:21.083
may taong makakatapak

12:21.166 --> 12:23.458
-sa likas na satellite ng mundo.
-Eto, mahal ko.

12:23.541 --> 12:24.500
Salamat.

12:25.791 --> 12:27.625
-Mahirap, pero mahusay…
-Ano'ng problema?

12:27.708 --> 12:28.666
Ayos ka lang ba?

12:30.000 --> 12:31.166
Wala 'to, Rose.

12:31.666 --> 12:33.416
Dahil sa national team, 'no?

12:34.333 --> 12:36.750
Kailan ba nila irerespeto
'yong desisyon mong tumigil?

12:37.791 --> 12:41.916
-Ang rurok ng intergalactic mission.
-Tingnan n'yo! Magsisimula na.

12:42.000 --> 12:43.500
Ang Amerikanong astronaut…

12:43.583 --> 12:45.500
Malapit na. Tingnan n'yo.

12:45.583 --> 12:46.625
Ayan na.

12:46.708 --> 12:48.666
Nasa layo na siya na…

12:48.750 --> 12:50.750
Parahing hindi kapani-paniwala, 'no?

12:50.833 --> 12:52.583
Nanonood ang buong mundo.

12:52.666 --> 12:54.916
Parang set ng soap-opera.

12:55.833 --> 12:57.791
Siyempre, totoo 'yan, Celeste.

12:57.875 --> 13:00.791
Pinakamalaking tagumpay ng tao 'to.

13:00.875 --> 13:04.500
Ang imahe ng space module
na nalalapit na sa destinasyon nito.

13:04.583 --> 13:07.375
Tatapak na ang tao sa buwan.

13:07.458 --> 13:10.291
Heto na. Palapag na!

13:10.375 --> 13:15.375
Mga binibini at ginoo,
nasa lupain na tayo ng buwan.

13:15.458 --> 13:18.041
Isang araw na tatatak sa kasaysayan.

13:18.125 --> 13:20.625
Isang maliit na hakbang para sa tao,

13:20.708 --> 13:24.625
isang dambuhalang lundag
para sa sangkatauhan.

13:26.791 --> 13:29.541
Dumaan sa stadium si Saldanha kahapon
pagkatapos ng practice.

13:30.083 --> 13:31.625
Sinasali niya ako sa team.

13:33.916 --> 13:36.416
Akalain mo 'yon, Dico?

13:36.500 --> 13:37.916
Masaya na ako sa Santos.

13:38.000 --> 13:41.541
Gusto kong magkaanak ulit kami ni Rose.
Ayos na ang buhay ko, Pa.

13:42.125 --> 13:44.458
Tinanggal ako ng Diyos sa field no'ng '62.

13:44.541 --> 13:46.000
Saka no'ng '66.

13:46.083 --> 13:48.791
-Ayaw niya ako sa World Cup.
-Ano'ng sinasabi mo?

13:49.708 --> 13:51.708
Andito ka. Handa at malakas.

13:55.750 --> 13:59.166
Natatakot akong subukan ulit,
tapos hindi ko matatapos ang laro.

14:00.250 --> 14:01.083
Makinig ka.

14:02.291 --> 14:04.708
Nakatapak na ang tao sa buwan, Dico.

14:05.708 --> 14:07.250
Tingin mo ba, madali 'yon?

14:09.208 --> 14:11.583
Pa'no mo gustong maalala ka?

14:11.666 --> 14:13.333
Gaya ng sa nakaraang World Cup?

14:13.916 --> 14:16.708
Bagsak, binubuhat palayo, talunan?

14:17.375 --> 14:19.625
Tapos sinasabi ng lahat na tapos ka na?

14:19.708 --> 14:22.083
O maabot 'yong hindi pa naaabot ng iba?

14:28.041 --> 14:31.625
"Ayaw akong maglaro ng Diyos…"
Inadya ka ng Diyos.

14:35.833 --> 14:38.416
Alam mo kung ano'ng sinasabi ko.

14:42.041 --> 14:44.958
Alam kong marami ka nang nagawa
sa buhay mo.

14:45.041 --> 14:48.666
Pero kulang ka pa ng World Cup mo.

14:50.625 --> 14:52.458
Pag nanalo ka sa World Cup,

14:52.541 --> 14:56.083
ikaw ang kauna-unahang
tatlong beses na world champion, Dico.

14:57.916 --> 15:01.625
Hindi mamamatay 'yong lalaking
nakatapak sa buwan.

15:04.000 --> 15:06.208
May talento ka, anak.

15:06.958 --> 15:08.375
Wag mong sayangin.

15:21.333 --> 15:23.375
Nagbabagang balita!

15:23.458 --> 15:26.750
Napili na ang number 10!

15:26.833 --> 15:31.333
Maglalaro ang ating King Pelé
para sa national team.

15:31.416 --> 15:32.750
Tuloy na sa Mexico!

15:32.833 --> 15:35.500
Tuloy na ang pangatlong world title,
mga matatapang!

15:36.333 --> 15:38.791
Sige. Ilalatag ko ang formation.

15:39.500 --> 15:43.375
Ayokong ma-stuck sa isang lugar.
Hindi pabahay ang field.

15:43.458 --> 15:46.666
Tapos na ang diktadura sa posisyon.

15:46.750 --> 15:49.458
Lahat aatake at dedepensa.

15:49.541 --> 15:51.583
-Ano?
-Aatake 'yong mga depensa?

15:51.666 --> 15:53.333
-Dedepensa din ako?
-Ha?

15:54.000 --> 15:55.958
Kailangan ng lakas sa pag-atake.

15:56.041 --> 15:59.750
Lilinawin ko lang na hindi 22 na babae
'yong tinawag ko.

15:59.833 --> 16:01.833
Tumawag ako ng 22 na halimaw.

16:03.375 --> 16:06.625
Ako mismo ang pumili sa bawat isa sa inyo.

16:06.708 --> 16:09.541
Walang nakialam
at walang kinilingan na kahit sino.

16:09.625 --> 16:11.000
'Yong magagaling lang.

16:11.083 --> 16:14.166
Mula ngayon,
kalimutan n'yo na ang Canary Squad.

16:14.250 --> 16:16.875
Para manalo sa World Cup,
dapat magpursige kayo.

16:17.458 --> 16:19.458
Kung hindi n'yo gusto 'yon,

16:19.541 --> 16:22.375
pumunta na kayo sa kuwarto
at kunin ang mga bag n'yo.

16:23.583 --> 16:24.625
Ingat na lang.

16:27.375 --> 16:30.750
Aayusin ko ang diskarte, pero…

16:31.250 --> 16:32.541
pag tumunog na ang pito…

16:32.625 --> 16:35.291
-Uy, Saldanha.
-…kayo na ang bahala.

16:35.375 --> 16:36.541
Star kayong lahat.

16:36.625 --> 16:38.750
Alam n'yo ang kailangang gawin.

16:40.625 --> 16:42.208
Magaling nga ang taong 'yan.

16:42.291 --> 16:44.208
Kailangan din nating galingan, di ba?

16:44.291 --> 16:45.875
May sira ang isang 'to. Dito.

16:45.958 --> 16:47.000
Sira.

16:47.083 --> 16:50.458
Pagkatapos no'ng nangyari
kay Manga, Gérson,

16:50.541 --> 16:51.958
kayang-kaya niya 'yan.

16:52.041 --> 16:53.708
Ano'ng sinasabi mo?

16:53.791 --> 16:56.375
Talaga? Sige, pare. Sabihin mo sa kanya.

16:56.875 --> 16:58.958
Nagpaputok siya, pare. Namaril.

16:59.041 --> 17:00.041
Ano?

17:00.125 --> 17:01.625
Die-hard fan ng Botafogo 'yan.

17:02.458 --> 17:04.791
Isang araw, nagdesisyon siya
na sinadyang palampasin

17:04.875 --> 17:06.291
ni Manga 'yong goal.

17:06.375 --> 17:07.791
Nagtago siya sa Beetle.

17:07.875 --> 17:09.583
-Sa ilalim?
-Sa ilalim, Tostão.

17:09.666 --> 17:11.458
Naghintay lang siya do'n.

17:11.541 --> 17:14.916
Paglabas ni Manga,
hinugot niya 'yong baril niya, tapos bang!

17:15.000 --> 17:16.333
Manga!

17:17.000 --> 17:18.833
Ano ba 'yan? Ano ka ba?

17:19.750 --> 17:20.875
Ano?

17:20.958 --> 17:23.166
Tatakbo ka? Ha?

17:24.041 --> 17:27.291
Oo, Félix. Ayusin mo. Bawal ang magkamali.

17:27.375 --> 17:29.583
-Umayos ka, pare.
-Mag-ingat ka.

17:29.666 --> 17:31.958
-Wag naman sana.
-Oo nga, Félix.

17:32.041 --> 17:34.208
Parang gulaman lang 'yong puwesto mo.

17:35.500 --> 17:37.583
Di ka maliligtas
ng galing sa paglalaro dito.

17:37.666 --> 17:39.208
Ako ang bahala, Jairzinho.

17:39.291 --> 17:42.625
Maraming kalokohan si Saldanha.
Lahat pinapansin niya, di ba, Gérson?

17:42.708 --> 17:45.666
Hindi pwedeng makipagtalo
sa ganyang siraulo.

17:45.750 --> 17:48.208
Di ako matatakutin.
Pero nakita n'yo 'yong mukha niya?

17:48.291 --> 17:49.583
Mukha siyang demonyo.

17:49.666 --> 17:52.000
-Ano ka ba, Riva?
-Ano 'to?

17:52.083 --> 17:55.041
Isang grupo ng mga lalaki
na takot kay Tanda.

17:55.125 --> 17:56.500
Tanda?

17:56.583 --> 17:58.625
-Hindi ako takot kay Tanda.
-Ako din!

17:58.708 --> 18:00.291
-Sige.
-Ang lakas ng loob mo.

18:00.375 --> 18:02.541
-Sabihin mo 'yan sa harap niya.
-Tanda?

18:02.625 --> 18:05.500
-Anong kaguluhan 'to?
-Andito na siya.

18:05.583 --> 18:08.583
Sine-celebrate n'yo na ang pagpasok n'yo?
Pasok na ba kayo?

18:08.666 --> 18:11.875
Iniisip lang namin kung pa'no tatakbo
ang training camp.

18:11.958 --> 18:13.375
Pwede ba kaming umalis o hindi?

18:13.458 --> 18:15.250
Nagsasalita lang ako para sa sarili ko.

18:15.333 --> 18:17.250
Nakilala ko ang blondie na si Saldanha…

18:18.791 --> 18:19.791
Oo. Nakita ni PC.

18:19.875 --> 18:21.875
-Ako? Hindi, a.
-Pati si Clodoaldo. Totoo!

18:21.958 --> 18:24.958
-In love ako!
-Walang nakakulong. Hindi army 'to.

18:25.041 --> 18:28.333
Kung nananalo ang pagkakakulong,
world champion na ang team kulungan.

18:29.000 --> 18:30.291
Maaayos din natin 'to.

18:30.875 --> 18:34.083
Sandali! Hindi pwedeng magkagulo.

18:34.666 --> 18:37.958
-Walang gulo. Aayusin natin 'to.
-Deal!

18:38.041 --> 18:38.958
Isa-isa lang.

18:42.250 --> 18:44.791
-Takbo na!
-Tara!

18:44.875 --> 18:47.000
Sige. Bilisan n'yo na!

18:50.500 --> 18:51.458
Dali!

18:51.541 --> 18:53.958
BRAZIL VS VENEZUELA
WORLD CUP QUALIFIERS

18:54.041 --> 18:54.958
Ayusin n'yo!

18:55.041 --> 18:56.416
Tuloy lang!

18:57.041 --> 18:58.500
Sige pa!

18:59.916 --> 19:00.833
Ano ba?

19:02.208 --> 19:03.041
Tira!

19:03.125 --> 19:06.916
Sa ngayon, nakakadismayang simula
sa qualifiers.

19:07.000 --> 19:08.125
Go, Pelé!

19:11.125 --> 19:12.291
Go!

19:12.375 --> 19:14.708
Ang daming pasa.

19:14.791 --> 19:17.041
-Kalokohan na 'yan.
-Kakaunti ang kasiyahan.

19:17.125 --> 19:18.458
-Ang galing!
-Sa totoo lang.

19:18.541 --> 19:20.750
Mataas ang inaasahan sa team ni Saldanha.

19:20.833 --> 19:24.208
Lalo na sa mahinang team ng Venezuela.

19:45.625 --> 19:47.125
Marami pang laban.

19:47.208 --> 19:48.916
Tumigil kayong lahat diyan!

19:49.000 --> 19:50.000
Tigil!

19:50.083 --> 19:50.916
Sandali.

19:51.541 --> 19:54.833
Kung maglalaro kayo na parang basura,
bumalik kayo sa field.

19:54.916 --> 19:56.208
Kailangan kong magbanyo.

19:56.291 --> 19:58.000
-Diyan lang kayo!
-Maiihi ako.

19:58.083 --> 20:00.166
Pahingahan 'yong locker room.

20:00.666 --> 20:01.916
Pero hindi kayo pagod.

20:02.000 --> 20:04.500
Hindi n'yo kailangang magbihis,
uminom, o umihi.

20:04.583 --> 20:07.166
Andito ang susi, pero walang papasok.

20:07.250 --> 20:09.166
Teka. Nagbibiro ka lang, di ba?

20:09.250 --> 20:11.958
Ang biro, 'yong gusto n'yong manalo
nang hindi n'yo inaayos.

20:13.041 --> 20:15.833
World Cup qualifiers 'to, leche!

20:16.791 --> 20:19.458
Pero hindi kayo umaatake.
Hindi kayo tumitira sa goal.

20:19.541 --> 20:21.791
Tapos pag nagmimintis kayo, tatawa kayo!

20:23.125 --> 20:25.666
Walang kahit isang patak ng pawis
sa team na 'to.

20:26.541 --> 20:28.000
Basa lang kayo, kasi umuulan!

20:28.083 --> 20:30.500
-Hoy! Ano ba?
-Ano ka ba, Saldanha?

20:30.583 --> 20:33.000
-May problema ba kayo?
-Pambihira.

20:33.083 --> 20:33.916
Ha?

20:34.000 --> 20:36.250
Ano ba? Pambihira.

20:36.333 --> 20:37.500
Ano, Pelé?

20:37.583 --> 20:39.875
Mga tol, tama si Saldanha.

20:39.958 --> 20:43.416
Andito tayo para sa World Cup,
hindi para ipahiya ang sarili natin.

20:43.500 --> 20:47.541
Kaya bumalik kayo do'n
at maglaro ng totoong football.

20:48.041 --> 20:50.416
Hindi 'tong nakakaawang paglalaro n'yo.

20:51.916 --> 20:53.125
Ngayon na, ano ba?!

20:53.625 --> 20:54.916
-Sige na!
-Tama!

20:55.000 --> 20:57.458
-Ano'ng gagawin natin do'n?
-Sige!

20:57.541 --> 20:59.000
Tara na, mga tol!

21:00.416 --> 21:03.791
Lumabas nang mas agresibo ang Brazil
sa second half.

21:03.875 --> 21:05.041
Eto na si Pelé.

21:05.125 --> 21:08.166
Kay Tostão,
tapos kay Pelé sa mabilis na one-two.

21:08.875 --> 21:10.791
Ayan na ang dribble! Eto na 'to!

21:10.875 --> 21:16.333
-Isang magandang goal galing kay Pelé!
-Ayos!

21:16.416 --> 21:18.791
Binaligtad ni King ang laro, mga manonood!

21:18.875 --> 21:23.083
Kung kailan kinakailangan,
ginagawan niya ng paraan.

21:23.166 --> 21:24.916
Ito si Pelé!

21:30.125 --> 21:33.000
Araw para magdiwang, mga matatapang.

21:33.083 --> 21:36.125
Matapos ang hindi matalong kampanya
sa qualifiers,

21:36.208 --> 21:39.791
pasok na ang Brazil
para sa World Cup finals sa Mexico.

21:39.875 --> 21:44.958
Suportahan ang mga halimaw ni Saldanha
sa paghahabol nila sa pangatlong titulo.

21:45.041 --> 21:47.791
Brazil, Brazil, tatlong beses, Brazil!

21:47.875 --> 21:48.916
MGA HALIMAW NI SALDANHA

21:49.000 --> 21:53.166
Tumatahimik ang Brazil
Sa mga hapon ng Linggo

21:53.250 --> 21:56.958
Pakinggan ang samba na ito
Ito ang bansa ng football

21:57.041 --> 21:57.875
Uy, Pelé.

21:57.958 --> 22:02.250
Tumatahimik ang Brazil
Sa mga hapon ng Linggo

22:02.333 --> 22:05.833
Pakinggan ang samba na ito
Ito ang bansa ng football

22:05.916 --> 22:10.666
Sa puso ng bansa ng ito
Sa kahabaan ng mga avenida nito

22:10.750 --> 22:14.958
Sa malalawak na lupa at damo
Buhay na ng Brazil ang football

22:15.041 --> 22:19.291
Sa 90 minuto ng ligaya

22:19.375 --> 22:21.500
Nalilimutan ko ang bahay at trabaho

22:21.583 --> 22:23.458
Nananatili sa labas ang buhay

22:23.541 --> 22:25.791
Nananatili sa labas ang pera

22:25.875 --> 22:28.416
-Nananatili sa labas ang pamilya
-Nananatili sa labas

22:28.500 --> 22:30.916
Nananatili sa labas ang lahat

22:34.416 --> 22:35.833
Tama 'yan, pare!

22:37.333 --> 22:38.541
-Uy, Tostão.
-Saldanha?

22:38.625 --> 22:39.708
Halika dito, pare.

22:41.666 --> 22:42.500
Halika.

22:45.500 --> 22:50.333
Nag-aalala kayong lahat,
pero mukhang mabait ang coach n'yo.

22:50.833 --> 22:54.833
Ipagdadasal kong ganyan lang siya,
kasi hindi mo gugustuhing makabangga siya.

22:54.916 --> 22:58.458
Gusto kong batiin ang top scorer namin.

22:58.541 --> 23:00.250
-Uy.
-Kumusta na?

23:00.333 --> 23:02.875
Laging sinasabi ni João
na walang team kung wala ka.

23:02.958 --> 23:04.416
Ano ka ba, João?

23:04.500 --> 23:08.208
-Dapat maglaro ka sa Fluminense.
-Die-hard fan siya ng Fluminense.

23:08.291 --> 23:11.291
Gusto ko ding batiin kayong lahat.

23:11.375 --> 23:14.333
Pati ang sarili ko,
kasi ang dami kong sinabi.

23:15.750 --> 23:21.375
Ibig bang sabihin, nakikinig sa payo
ang magaling na si Saldanha?

23:21.458 --> 23:22.541
Sa kanya lang.

23:23.125 --> 23:26.750
Alam n'yo naman.
Pag nagsalita ang boss, dapat makinig ka.

23:26.833 --> 23:28.666
-Naiintindihan mo na ba?
-Ang alin?

23:28.750 --> 23:31.833
Kung sino'ng tunay na halimaw ni Saldanha?

23:33.208 --> 23:34.750
Siya 'yon.

23:34.833 --> 23:35.916
Doon nga tayo.

23:36.791 --> 23:38.333
Tara. Halika na.

23:38.416 --> 23:39.583
Iuuwi natin 'yong trophy.

23:40.375 --> 23:41.708
Kuha mo?

23:44.375 --> 23:46.708
Ang bumaba galing sa Olympus.

23:46.791 --> 23:48.166
Ay, wow.

23:48.250 --> 23:49.916
-Ang kisig, a.
-Oo nga.

23:50.000 --> 23:52.000
May umakyat galing impiyerno.

23:53.000 --> 23:54.708
João Havelange.

23:55.291 --> 23:56.541
Kumusta kayo?

23:56.625 --> 24:01.083
Binabati kayong lahat ni Presidente Médici
para sa pag-qualify.

24:01.166 --> 24:04.375
Gusto niyang imbitahan ang delegasyon
sa Palácio da Alvorada.

24:04.458 --> 24:06.375
'Yan ang kailangan ko.

24:06.875 --> 24:10.166
Para ka namang bata. Gusto lang
ng presidente ng picture kasama sila.

24:10.250 --> 24:11.500
Hindi pwede.

24:11.583 --> 24:15.125
Di ko hahayaan ang trapong militar na 'yon
na gamitin ang team sa propaganda.

24:15.958 --> 24:17.666
Hindi sa 'yo ang team.

24:27.833 --> 24:28.666
Tara na.

24:32.833 --> 24:36.833
Gusto nilang gamitin ang national team
para linisin ang kalat ng gobyerno?

24:36.916 --> 24:40.083
-Sabi sa 'yo, mangyayari 'to.
-"Hindi sa 'yo ang team."

24:40.166 --> 24:43.666
João, makinig ka. Umuwi na tayo.

24:57.833 --> 25:00.666
JANUARY 1970
MEXICO CITY

25:13.458 --> 25:15.291
WORLD CUP GROUP DRAW

25:15.375 --> 25:17.333
Mga binibini at ginoo,

25:18.416 --> 25:21.833
oras na para malaman
ang bubuo sa grupo ng England.

25:22.416 --> 25:25.375
-Simulan natin ang draw para sa Group 3.
-Excuse me.

25:25.458 --> 25:28.333
Saldanha! Magsisimula na ang draw.

25:28.416 --> 25:31.166
Hindi mababago ng paghihintay dito
ang resulta.

25:31.250 --> 25:33.125
"…Uruguay at ng Soviet Union."

25:35.041 --> 25:39.833
Tingnan natin ang haharapin
ng reigning champion sa first round.

25:40.541 --> 25:41.375
Magandang hapon.

25:41.458 --> 25:43.000
-Magandang hapon.
-Magandang hapon.

25:43.083 --> 25:46.166
Eto ang pangalan ng pangalawang team
sa grupo.

25:50.333 --> 25:52.041
Ano'ng ginagawa ni Saldanha dito?

25:52.125 --> 25:55.541
Nakikipag-usap siya sa mga kaibigan niya
no'ng panahon niya sa journalism.

25:55.625 --> 25:56.791
Alam mo naman 'yon.

25:56.875 --> 26:00.500
Ngayon, ang Czechoslovakia.

26:01.000 --> 26:02.333
10 CZECHOSLOVAKIA

26:02.916 --> 26:06.791
-Ayos naman ang Brazil, di ba?
-Nasa diktadura ang Brazil.

26:06.875 --> 26:10.375
Tumitindi ang paglala ng kalagayan
ng bansa namin.

26:10.458 --> 26:12.750
Kailangan na naming kumilos.

26:13.250 --> 26:16.666
Meron kaming listahan ng mga nawawala.

26:16.750 --> 26:20.000
Makikilala na natin
ang pangatlong team sa grupo.

26:20.083 --> 26:23.333
Kailangan n'yong tingnan nang mabuti
ang mga pangalan na ito.

26:23.416 --> 26:24.500
ROMANIA

26:24.583 --> 26:25.833
Romania!

26:26.958 --> 26:31.083
May mahigit 3,000 bilanggong politikal
at daan-daang taong tinorture…

26:31.166 --> 26:33.458
At ang kokompleto sa group three…

26:33.541 --> 26:34.583
…at pinatay.

26:35.166 --> 26:37.541
Hindi maayos ang Brazil.

26:38.458 --> 26:40.041
Brazil!

26:40.125 --> 26:41.166
Lintik!

26:42.166 --> 26:43.875
Nasa diktadura kami.

26:43.958 --> 26:47.583
Kailangang malaman ng buong mundo
ang nangyayari ngayon.

26:50.708 --> 26:51.875
12 BRAZIL

26:55.125 --> 26:56.583
May na-miss ba ako?

26:56.666 --> 26:59.666
Napunta tayo sa grupo ng kamatayan.
'Yon lang naman.

26:59.750 --> 27:02.041
Hindi tayo dapat matakot sa kalaban.

27:02.125 --> 27:04.875
Para manalo ng belt,
dapat mapatumba mo ang titleholder.

27:08.041 --> 27:09.791
Hindi bale. Alam ko ang ginagawa ko.

27:11.166 --> 27:13.541
-Sana nga, Saldanha.
-Gawin mo ang parte mo.

27:14.666 --> 27:15.875
Gagawin ko ang akin.

27:26.541 --> 27:29.166
Sa tuwing bubuksan mo
ang bibig mo sa Mexico,

27:29.250 --> 27:31.291
may namumuong sama ng panahon.

27:32.083 --> 27:34.083
Tatanggapin ko 'yon bilang papuri.

27:34.166 --> 27:35.041
Kaya 'yan!

27:35.125 --> 27:39.125
Ang problema lang,
sinasalanta ako ng bagyong 'yon.

27:39.625 --> 27:42.958
Nagalit 'yong presidente.
May dahilan siya para do'n.

27:43.041 --> 27:43.875
Tingnan mo 'to.

27:45.250 --> 27:48.000
BRAZILIAN COACH, INAKUSAHAN
ANG GOBYERNO NG TORTURE AT MURDER

27:48.500 --> 27:49.916
Ayos!

27:50.500 --> 27:52.791
Nilalabas ng mga reporter
ang nakikita nilang tama.

27:53.708 --> 27:56.375
Nagbigay lang ako ng impormasyon.
Katotohanan.

27:56.458 --> 27:57.958
-Saldanha.
-Katotohanan.

27:58.041 --> 28:00.000
Sinusubukan kong pagaanin ang tensiyon,

28:00.083 --> 28:01.500
pero tulungan n'yo ako.

28:01.583 --> 28:04.000
Tulungan n'yo ang sarili n'yo.

28:04.500 --> 28:06.583
Gusto ni presidente si Dadá Maravilha.

28:06.666 --> 28:09.041
Gusto niyang isali sa national team.

28:09.125 --> 28:12.333
Nakapuntos siya ng dalawang goal
sa friendly game ng Atlético

28:12.416 --> 28:13.583
laban sa Soviet Union.

28:13.666 --> 28:15.333
May star quality 'yong tao.

28:17.500 --> 28:18.458
Suwerte niya.

28:19.833 --> 28:23.750
Hindi ko hinihingi sa 'yo
na bitawan ang paniniwala mo sa politika.

28:23.833 --> 28:26.458
Nakikiusap lang ako.

28:26.541 --> 28:30.333
Tanggapin mo na 'yong payo ng presidente.
'Yon lang.

28:30.416 --> 28:31.750
Oras na ba, Havelange?

28:32.250 --> 28:34.000
Late na nga tayo, e.

28:35.583 --> 28:36.791
May namatay ba?

28:36.875 --> 28:39.666
May commitment ako.
Inimbitahan akong mag-shoot ng commercial.

28:40.458 --> 28:41.458
Ngayon na?

28:42.458 --> 28:43.791
Ginagawa ko ang parte ko.

28:43.875 --> 28:45.708
Maglaro ng football ang parte mo.

28:45.791 --> 28:46.875
Saldanha.

28:46.958 --> 28:49.500
-Maglaro ng football ang parte mo.
-Saldanha!

28:49.583 --> 28:52.208
-Kailangan ng sagot ng presidente.
-Kalokohan na 'to!

28:52.291 --> 28:54.375
Tawagan mo na lang si Dadá, Saldanha.

28:55.750 --> 28:57.708
Bakit pa ako andito?
Di kailangan ng coach.

28:59.041 --> 29:00.875
Niloloko n'yo 'ata ako.

29:03.416 --> 29:05.250
Wag kang mag-alala, Saldanha.

29:05.333 --> 29:09.291
Sa talento niya sa pag-arte,
babalik agad sa training 'yon.

29:10.333 --> 29:12.708
Roll sound, camera, action!

29:12.791 --> 29:14.083
Halina't maging masaya.

29:15.041 --> 29:17.250
Sa Colorado TV,
dumating na ang kinabukasan.

29:17.333 --> 29:18.166
Cut!

29:18.250 --> 29:21.375
Hindi, Pelé. Hindi bagay, e.
Sobrang lungkot mo.

29:21.458 --> 29:24.666
Dapat mas mukha kang masaya at masigla.
Ngumiti ka pa.

29:24.750 --> 29:25.916
Mas malaking ngiti.

29:26.000 --> 29:27.541
Halina't maging masaya!

29:27.625 --> 29:30.083
-Sa Colorado TV, heto na ang kinabukasan.
-Cut!

29:30.166 --> 29:32.958
-Magandang TV para sa World Cup.
-Cut, guys!

29:33.041 --> 29:36.208
-Bagay ang TV na 'to sa World Cup.
-Ulit! Ano ba kayo?

29:37.083 --> 29:38.083
Ulitin natin?

29:38.166 --> 29:42.250
Pinakamagandang TV para panoorin
ang World Cup nang live.

29:43.000 --> 29:43.833
Cut!

29:51.666 --> 29:53.500
Ang dami mong commitment, ha, Pelé?

29:54.083 --> 29:55.291
Di ka ba napapagod?

29:55.791 --> 29:57.708
Wag kang mag-alala, kaya ko pa sa field.

29:58.958 --> 30:01.250
May sumablay kang sitter sa friendly.

30:03.875 --> 30:05.333
Ayos pa ba ang paningin mo?

30:08.000 --> 30:10.958
-Paglalaruin mo ako nang nakasalamin?
-Nag-aalala ako sa 'yo.

30:11.041 --> 30:14.750
Sasabihin ko sa medical department
na bigyan ka ng tests.

30:16.958 --> 30:18.083
Sandali nga, Saldanha.

30:18.958 --> 30:20.666
May problema ka ba sa 'kin?

30:24.541 --> 30:25.375
Oo.

30:26.833 --> 30:29.041
Masyado mong inaalala 'yong iba.

30:29.541 --> 30:32.416
-Ikaw, di nag-aalala.
-Wala akong utang na loob sa kahit sino.

30:32.500 --> 30:34.416
Lahat dapat may respeto sa ibang tao.

30:40.541 --> 30:43.333
Puwes, hindi ka maglalaro
sa susunod na friendly match.

30:43.416 --> 30:45.583
Mag-usap tayo pag nakita ko
ang test results mo.

30:46.166 --> 30:48.000
-Seryoso ka ba?
-Siyempre naman.

30:48.083 --> 30:49.958
Makakabuti sa 'yo ang konting pahinga.

30:51.208 --> 30:54.166
Lalo na sa dami ng commitment mo sa CBD.

31:03.250 --> 31:05.125
Para sa araw-araw na briefing natin

31:05.208 --> 31:07.458
sa kalagayan ng mga aktibidad
sa gitnang rehiyon,

31:07.541 --> 31:10.916
narito si Ernesto Valente Hoffmann,
at ang namumunong administrasyon.

31:11.416 --> 31:13.916
Hi, mahal. Ginabi ka sa pag-uwi, a.

31:14.000 --> 31:15.208
Matulog ka na.

31:15.708 --> 31:17.708
Hinihintay kita para sa hapunan.

31:19.125 --> 31:20.583
Naghapunan na ako. Salamat.

31:21.583 --> 31:24.083
Sige, tabihan mo na lang akong maupo dito.

31:25.083 --> 31:26.208
Kahit saglit lang.

31:29.708 --> 31:30.583
Halika.

31:32.958 --> 31:36.250
-Parang may binabalak ka, a.
-Kilala mo ako.

31:51.166 --> 31:52.541
Junior ko na ba 'yan, Rose?

31:52.625 --> 31:54.791
Fifty-fifty pa 'yon, mahal.

32:00.166 --> 32:03.208
Kung plano mo akong pasayahin,
nagtagumpay ka.

32:07.875 --> 32:11.833
Tinalakay ni Saldanha ang usapin
sa kinatawan namin.

32:12.916 --> 32:16.000
Saldanha, tinanggal mo si Pelé
sa isang friendly match.

32:16.083 --> 32:18.375
Hinihingi ngayon ni President Médici

32:18.458 --> 32:21.416
na imbitahan si Dadá
para sa national team.

32:21.500 --> 32:23.666
Ano'ng masasabi mo
sa mungkahi ng presidente?

32:23.750 --> 32:28.250
May nasa 80 o 90 na milyong football fans

32:29.166 --> 32:31.541
ang Brazil.

32:31.625 --> 32:33.458
Mga taong mahilig sa football.

32:33.958 --> 32:35.291
Karapatan ng lahat 'yon.

32:35.375 --> 32:38.541
Sa totoo lang, kami ng presidente,
o ang presidente at ako,

32:39.125 --> 32:41.208
marami kaming pagkakapareho.

32:41.291 --> 32:42.875
Mga gaúcho kami.

32:42.958 --> 32:44.625
Mga tagahanga kami ng Grêmio.

32:44.708 --> 32:46.291
Mahilig kami sa football.

32:47.250 --> 32:50.083
At gaya ng hindi ko pagpili
ng mga ministro niya,

32:50.166 --> 32:51.791
di presidente ang mamimili sa team.

32:51.875 --> 32:54.166
-Diyos ko.
-May pagkakaunawaan kami.

32:55.541 --> 32:59.166
Ito ang head coach ng Brazil,
si João Saldanha,

32:59.250 --> 33:00.875
at ang final lineup…

33:02.166 --> 33:05.041
Nagbabagang balita!
Krisis sa national team.

33:05.125 --> 33:09.000
Kumpirmado na ang pagkakatanggal
kay Coach João Saldanha.

33:09.083 --> 33:12.625
Ilang buwan na lang bago ang World Cup,
nag-aalala ang sambayanan,

33:12.708 --> 33:15.458
"Sino ang mamumuno sa national team?"

33:17.000 --> 33:19.208
Hindi ako sorbetes para lusawin nila.

33:20.541 --> 33:23.166
-Sinabi mo ba talaga 'yon?
-Siyempre naman.

33:23.666 --> 33:27.125
Sabi ni Havelange,
"lulusawin" niya ang coaching staff.

33:28.208 --> 33:29.083
Saldanha.

33:30.125 --> 33:32.416
-Tatlong buwan na lang, World Cup na.
-Tama.

33:32.500 --> 33:35.500
Hindi sapat ang pagiging magaling,
dapat yumuko ka.

33:35.583 --> 33:36.583
'Yan naman, kaibigan…

33:36.666 --> 33:38.875
Pa'no na kami kung wala ka?

33:38.958 --> 33:41.708
-Handa na kayo.
-Ha? Pa'nong handa?

33:41.791 --> 33:43.500
Siyempre, handa na kayo.

33:44.083 --> 33:47.375
Pag oras na para magpakitang-gilas,
alam n'yo na ang gagawin.

33:50.333 --> 33:53.958
Ang totoo, binangga ko ang presidente
at binangko ko si Pelé.

33:54.041 --> 33:56.708
Kaya 'yon ang resulta.

34:02.041 --> 34:04.500
Masaya akong makatrabaho kayo.

34:06.958 --> 34:08.791
Andito lang ako pag may kailangan kayo.

34:11.500 --> 34:12.583
'Yon lang.

34:16.833 --> 34:20.291
Uuwi na ako para maghapunan.
Hinihintay ako ng misis ko.

34:20.958 --> 34:22.041
Tuloy ang buhay.

34:24.916 --> 34:26.166
Ayan na siya.

34:27.958 --> 34:29.416
Ito ang gusto mo, di ba?

34:29.916 --> 34:31.875
-Tang ina. Ang gulo.
-Kagagawan mo 'to.

34:31.958 --> 34:34.375
-Pa'no na?
-Ginago nila tayo.

34:35.500 --> 34:37.916
-Ano'ng gagawin natin?
-Ang hirap niyan.

34:39.375 --> 34:41.166
E, andiyan na 'yan.

34:42.833 --> 34:44.583
-Pa'no na, pare?
-Ano'ng gagawin natin?

34:46.333 --> 34:47.416
Nangyari na nga?

34:48.000 --> 34:49.041
Oo, King.

34:50.875 --> 34:54.208
-Tapos na. Lusaw na ang staff.
-Uy, kalma lang.

34:54.291 --> 34:56.125
-Kalma lang?
-Kalma lang, pwede?

34:56.208 --> 34:59.833
Wag tayong magpadala sa emosyon.
Nakaayos na ang lahat, pucha.

34:59.916 --> 35:01.625
Kailangan lang nating sundin.

35:02.458 --> 35:04.083
Binabago nito ang lahat, Kapitan.

35:05.125 --> 35:08.250
Sinumang papalit, papatakbuhin ang team
sa paraang gusto niya.

35:08.333 --> 35:10.333
Kailangan nating mag-umpisa ulit.

35:10.416 --> 35:11.500
Uy, Tostão.

35:12.208 --> 35:16.041
Pinatalsik ang coach natin
dahil sa politika, di dahil sa football.

35:16.125 --> 35:18.791
Kung tungkol 'to sa football,
andito pa sana siya.

35:18.875 --> 35:21.125
Nag-aalala ka sa posisyon mo sa team?

35:21.208 --> 35:23.208
Siyempre, sasabihin mo 'yan, PC.

35:23.291 --> 35:25.041
-Sub ka, e.
-Ano ka ba?

35:25.125 --> 35:27.375
-Siyempre, mag-aalala kami!
-Wag mong guluhin!

35:27.458 --> 35:29.625
-Hindi ko ginugulo.
-Hindi mo naiintindihan!

35:29.708 --> 35:32.125
-Sandali lang! Ayos lang 'yan!
-Mag-usap lang tayo.

35:32.208 --> 35:33.583
Alam mo ang sinasabi ko!

35:33.666 --> 35:35.041
May nakakalimutan kayo.

35:35.125 --> 35:38.458
Matigas ang ulo ni Saldanha, di ba?
Wala siyang pinakikinggan.

35:38.541 --> 35:39.666
Nakinig ba siya sa 'yo?

35:39.750 --> 35:42.708
Matigas ang ulo niya. Pasaway 'yon.
Sang-ayon ako sa 'yo.

35:42.791 --> 35:45.458
Pero sa gusto mo man o hindi,
lagi niya tayong pinapanalo.

35:45.541 --> 35:46.625
Sa bawat isang laro!

35:46.708 --> 35:48.375
Sang-ayon ako!

35:49.125 --> 35:50.250
Tama si PC.

35:51.333 --> 35:56.000
Umalis lang si Saldanha dahil ayaw niya
na makialam ang gobyerno sa team niya.

35:56.083 --> 35:58.041
Ang gobyerno at ang maharlika.

35:58.541 --> 36:02.541
-Ano'ng sinasabi mo, Fontana?
-Narinig mo naman ako, King.

36:02.625 --> 36:03.583
May problema ba?

36:03.666 --> 36:06.208
Akala ni Saldanha, pag-aari niya ang team.

36:06.291 --> 36:08.666
Matigas ang ulo niya. Alam ng lahat 'yan.

36:08.750 --> 36:10.375
Di niya kayang magtimpi sa kanila.

36:10.458 --> 36:12.000
Sang-ayon ako sa 'yo, King.

36:12.083 --> 36:15.875
Matigas ang ulo niya. Hindi niya alam
na may nagmamay-ari na sa team.

36:15.958 --> 36:19.416
Kaya pinatalsik siya no'ng naisipan niyang
kalabanin ang Kamahalan.

36:19.500 --> 36:21.500
-Anong kamahalan, Fontana?
-Ikaw, Pelé.

36:21.583 --> 36:23.416
Anong kalokohan 'yan, Fontana?

36:23.500 --> 36:26.166
Inaasar mo pa 'yong tao?

36:26.250 --> 36:28.166
Wala akong inaasar.

36:28.250 --> 36:30.625
Sinasabi ko lang 'yong nakikita ng lahat,

36:30.708 --> 36:34.250
pero walang sipsip dito
ang may lakas ng loob sabihin 'yon sa 'yo.

36:35.875 --> 36:37.875
Tumahimik ka na nga!

36:42.791 --> 36:44.541
Sandali lang, pare!

36:44.625 --> 36:46.208
Kalma lang! Fontana!

36:46.291 --> 36:48.291
-Magpalamig kayo ng ulo!
-Huminahon kayo!

36:48.375 --> 36:49.458
Tingnan mo 'to, PC!

36:49.541 --> 36:50.875
-Fontana!
-Sandali!

36:50.958 --> 36:52.791
Tama na 'yan, punyeta!

36:54.625 --> 36:56.083
Wala akong kinalaman dito.

36:56.166 --> 36:58.083
-Alam ko.
-Kilala ako ng lahat dito.

36:58.166 --> 36:59.833
Hindi, sandali lang, King. Teka.

37:01.083 --> 37:02.458
May kinalaman ka nga.

37:03.166 --> 37:06.541
Tapos na ang usapang 'to.
Tatlong buwan na lang bago ang World Cup.

37:07.916 --> 37:10.916
Hindi na mahalaga 'yon.
Gusto kong makilala ang bagong coach.

37:11.000 --> 37:13.125
Wala nang silbi ang mag-away.
Huminga tayo.

37:15.750 --> 37:17.166
Gano'n nga. Hinga lang.

37:17.250 --> 37:18.916
-Oo, bossing.
-Tapos na 'yon.

37:30.458 --> 37:32.291
Kumusta, mga matatapang?

37:32.375 --> 37:34.333
Dumating na ang araw.

37:34.416 --> 37:38.625
Magsisimula na ang 1970 World Cup.

37:38.708 --> 37:42.541
Matindi ang inaasahan sa national team
sa pagtapak nila sa field.

37:43.291 --> 37:45.500
Tandaan natin, mga matatapang,

37:45.583 --> 37:48.416
na kahit nakapuntos
ng ilang libong goal ang King,

37:48.500 --> 37:50.916
na-injure siya
sa nakaraang dalawang World Cup

37:51.000 --> 37:53.083
at kinailangan niyang umalis
sa kompetisyon.

37:53.166 --> 37:57.333
Siya 'yon, si Pelé. Ang pag-asa ng Brazil
na gumawa ng kasaysayan.

37:57.416 --> 38:00.875
At sa wakas,
maiuwi na ang Jules Rimet Trophy.

38:04.625 --> 38:07.333
Hinipan na ang pito!

38:07.416 --> 38:10.291
Nagsimula na ang laban sa Guadalajara!

38:13.000 --> 38:15.833
Unang sabak ng Brazil
matapos ang nakakagimbal na pagbabago

38:15.916 --> 38:17.666
dahil sa pagpapalit ng coach.

38:17.750 --> 38:20.791
At si Pelé,
ang pinakamaningning na bituin,

38:20.875 --> 38:23.250
ang nasa sentro ng mga kaganapang ito.

38:23.333 --> 38:27.083
Kailangan niyang pangunahan ang Brazil
sa pagsulong.

38:27.166 --> 38:28.750
Heto na, mga kaibigan.

38:28.833 --> 38:32.291
Sinusukat ang mga minuto ng pagbubukas
dito sa Jalisco Stadium.

38:32.375 --> 38:35.291
Atake sa kaliwa ni Rivellino.

38:35.375 --> 38:36.458
Isang hamon!

38:36.541 --> 38:39.791
Corner para sa Brazil!

38:43.583 --> 38:45.250
-Ito na. Dali.
-Ito na nga.

38:47.833 --> 38:48.791
Ayan na si Rivellino.

38:48.875 --> 38:52.041
Pumunta siya sa corner
at naghandang tirahin ang bola.

38:52.125 --> 38:54.500
Papunta ang bola sa box ng Czechoslovakia.

38:54.583 --> 38:57.875
Maaaring ito ang unang goal ng Brazil
sa World Cup.

38:57.958 --> 38:59.541
Pasok sa box,

38:59.625 --> 39:03.583
sinusubukang kumawala nina Tostão and Pelé
sa mga marker nila

39:03.666 --> 39:05.541
para maitaboy ang bola.

39:05.625 --> 39:09.791
Isang sandali ng matinding kapanabikan
sa Guadalajara.

39:09.875 --> 39:11.500
Ayan na si Rivellino.

39:11.583 --> 39:12.500
Tinira nang mababa.

39:12.583 --> 39:16.333
Sumabak si Gérson sa bakbakan
laban sa depensa ng Czechoslovakia.

39:16.416 --> 39:19.125
Sinubukan niyang makawala.
Hinigpitan ng Brazil ang depensa.

39:19.208 --> 39:21.291
Nabawi ni Rivellino ang bola.

39:21.375 --> 39:23.666
Sumusugod si Rivellino sa kaliwa!

39:25.541 --> 39:27.750
Magandang dribble ni Rivellino!

39:34.125 --> 39:36.458
Napunta sa likod ni Tostão.

39:37.166 --> 39:39.916
Heto na! Si Pelé at ang goal!
Ang goal at si Pelé!

39:48.250 --> 39:51.000
Si Pelé at ang goal! Ang goal at si Pelé!

39:51.083 --> 39:52.625
Heto na! Pelé!

40:08.333 --> 40:09.916
Lampas sa goal!

40:12.375 --> 40:14.916
-Pambihira!
-Hindi nga!

40:15.000 --> 40:17.208
Pa'no niya nalampasan nang gano'n
'yong goal?

40:17.291 --> 40:21.291
Pambihira talaga!

40:21.375 --> 40:24.125
Sa manlalarong ganito kagaling,

40:24.208 --> 40:28.416
nawala ang tsansa ng Brazil
na lumamang sa scoreboard.

40:29.000 --> 40:31.166
Umaatake na ang Czechoslovakia.

40:31.250 --> 40:33.000
Nasa kanang bahagi ang bola.

40:33.083 --> 40:34.958
Sige na, Riva! Dito!

40:35.041 --> 40:37.750
Labanan sa gitna ng field para sa bola.

40:37.833 --> 40:41.541
Sinubukan ni Pelé na makaabot do'n,
pero mahigpit ang marking.

40:41.625 --> 40:43.541
Foul!

40:43.625 --> 40:44.666
Foul 'yon, ref!

40:45.666 --> 40:47.833
Pinagtutulungan nila si Pelé.

40:47.916 --> 40:49.083
Okay ka lang, Pelé?

40:49.833 --> 40:50.666
Ipasa kay Brito.

40:50.750 --> 40:53.291
Heto na si Clodoaldo. Ginigipit siya.

40:53.375 --> 40:55.708
Naagaw kay Clodoaldo ang bola! Ingat!

40:55.791 --> 40:56.916
-Tangina!
-Hindi!

40:57.000 --> 41:00.583
Nilampasan ni Petráš ang depensa
at sumugod sa box. Tumira siya!

41:00.666 --> 41:02.208
Goal! Nakapuntos siya.

41:02.291 --> 41:06.750
Goal!

41:06.833 --> 41:09.250
Para sa Czechoslovakia!

41:10.000 --> 41:15.708
Pinatalsik ni Petráš ang bola sa net,
lampas sa goalkeeper na si Félix.

41:18.541 --> 41:21.750
-Akala n'yo, gusto ko 'to?
-Dumeretso siya, e!

41:21.833 --> 41:24.166
Nagkakagulo na ang team.

41:24.250 --> 41:25.500
Ito na nga ang World Cup!

41:25.583 --> 41:28.583
Para bang walang coach ang team.

41:28.666 --> 41:31.833
Hindi maganda ang simula ng Brazil
sa World Cup.

41:32.333 --> 41:35.916
Ano'ng nangyayari sa squad natin,
João Saldanha?

41:36.583 --> 41:40.041
Ang commentator natin
na head coach nitong nakaraang ilang buwan

41:40.125 --> 41:44.125
ay magbibigay na ng matalas na pagtingin

41:44.875 --> 41:47.291
sa bagong coach ng team.

41:47.375 --> 41:50.500
Nakakaawa! Nagkakagulo ang team.

41:50.583 --> 41:52.833
Hindi ka pwedeng magpa-cute
sa delikadong lugar.

41:53.416 --> 41:55.541
Sino ba'ng nagpapatakbo sa circus na 'to?

41:55.625 --> 41:58.958
'Yan ang matinding pagtingin
ni João Saldanha

41:59.041 --> 42:02.083
sa piniling coach bago ang World Cup.

42:02.166 --> 42:03.750
Magpangalan na tayo.

42:03.833 --> 42:06.208
Naliligaw si Pelé. Totoo 'yan.

42:06.291 --> 42:09.958
Pero iisang tao lang ang dapat sisihin.

42:11.833 --> 42:14.375
Si Mário Jorge Lobo Zagallo.

51:09.625 --> 51:14.625
Nagsalin ng Subtitle: Precious
sisihin.
