WEBVTT

00:21.080 --> 00:22.800
Uy, Jamie. Okay ka lang?

00:25.119 --> 00:26.080
Puta.

00:34.240 --> 00:36.000
Kailangan ko ng maiinom.

00:36.519 --> 00:39.120
-Okay ka lang?
-Gusto ko lang malaman.

00:39.199 --> 00:42.640
Sa isang salita, ano sa tingin mo
ang naiisip ng karamihan

00:42.720 --> 00:44.919
pag naririnig nila ang "Jamie Vardy"?

00:47.400 --> 00:48.280
Wow.

00:49.280 --> 00:50.400
Isang salita.

00:58.199 --> 00:59.440
Isang salita?

01:01.800 --> 01:03.000
Mahirap 'yan.

01:09.560 --> 01:10.680
Bilis.

01:13.520 --> 01:14.880
Aggression.

01:15.960 --> 01:17.200
Goals.

01:20.520 --> 01:21.360
Tapat.

01:23.839 --> 01:26.119
-Kaibigan.
-Oo, mabuting kaibigan.

01:27.560 --> 01:28.920
Alamat.

01:30.520 --> 01:31.680
Pambihira.

01:39.000 --> 01:39.960
Isang salita?

01:42.640 --> 01:43.759
Malamang siraulo.

01:44.479 --> 01:46.680
Si Vardy!

01:51.559 --> 01:53.399
Ang galing ni Vardy.

01:59.960 --> 02:01.919
Pasaway ang tingin sa kanya.

02:02.880 --> 02:05.160
Inaasar ang fans ng kalaban.

02:05.240 --> 02:07.679
Pero hindi lang siya gano'n.

02:08.639 --> 02:11.120
Siya ang pinakamatinding
underdog story of all time.

02:13.040 --> 02:15.920
'Yong lalaking galing
sa non-league football

02:16.000 --> 02:19.400
ang pinakamagandang football
fairy tale, di ba?

02:19.480 --> 02:23.200
'Yong pagtalon sa Premier League,
Everest na walang oxygen.

02:24.160 --> 02:25.799
Doon na naging seryoso.

02:26.320 --> 02:28.239
Ang daming red flags.

02:28.880 --> 02:32.120
Police record, pag-inom,
pag-party, pakikipag-away.

02:32.640 --> 02:35.959
Kaya niyang sirain ang sarili niya.

02:36.040 --> 02:38.239
Pinagmulta si Jamie Vardy.

02:38.320 --> 02:39.760
Shit. Ano'ng nagawa ko?

02:39.840 --> 02:44.760
Sisirain mo lahat ng pinaghirapan mo.

02:44.840 --> 02:47.679
-Hello.
-At doon nagbago ang lahat.

02:47.760 --> 02:48.720
Lahat.

02:49.720 --> 02:52.000
Vardy volley. Ayos!

02:52.080 --> 02:55.600
May kakaibang nangyayari dito.
Magagawa natin ang imposible.

02:55.679 --> 02:57.840
Maipapanalo natin ang league.

02:57.920 --> 03:00.720
Kahit ano, pwedeng mangyari sa football.

03:01.679 --> 03:04.440
Gumawa ng kasaysayan si Jamie Vardy.

03:04.519 --> 03:07.959
Mula sa pagiging non-league prince,
naging hari ng Premier League.

03:08.040 --> 03:10.040
'Yan si Jamie Vardy!

03:16.720 --> 03:19.799
Okay, saan nagsimula
ang kuwento mo, Jamie?

03:19.880 --> 03:22.600
Pwedeng… Pwedeng uminom muna ako ng beer?

03:22.679 --> 03:26.239
-Oo naman. Nasaan?
-Nasa cabinet sa likod mo. 'Yong maliit.

03:26.880 --> 03:28.720
May Modelo sa baba.

03:29.720 --> 03:31.760
-Oo.
-Medyo weird 'to.

03:32.679 --> 03:33.880
-Oo.
-Tapos…

03:33.959 --> 03:37.679
Pwedeng pakikuha 'yong kahoy kong titi
na sinasandalan ng babae?

03:39.640 --> 03:40.880
Oo. Nakita ko na.

03:41.880 --> 03:43.399
Ayan.

03:43.480 --> 03:44.760
Cheers. Salamat.

03:52.720 --> 03:53.600
Okay. Ready.

03:54.560 --> 03:57.280
Okay. Saan nagsimula ang kuwento mo?

03:57.799 --> 04:00.600
-Sa football o sa buhay?
-Buhay.

04:03.799 --> 04:06.320
Talagang konektado sila.

04:07.200 --> 04:10.839
Nagsimula 'yon sa Sheffield,
sa labas lang ng Hillsborough.

04:11.880 --> 04:16.039
Siguro 19 o 20 years old ako,
nakatira ako sa mga magulang ko.

04:17.079 --> 04:20.839
Maayos ang buhay pamilya ko.
Nagtatrabaho ako sa pabrika.

04:23.000 --> 04:27.280
Gumagawa ng saklay, walker, kahit ano
para matulungan 'yong di makalakad.

04:28.000 --> 04:32.560
Matinding trabaho 'yon.
Matagal pa. Sobrang masakit sa likod.

04:33.160 --> 04:37.640
Di 'yon 'yong pangarap ko noong bata ako,
pero akala ko 'yon na ang buhay ko.

04:37.720 --> 04:39.560
'Yon ang landas na tinahak ko.

04:41.080 --> 04:44.479
Noong bata ka,
ano 'yong gusto mong maging?

04:46.160 --> 04:49.680
Pangarap ko noon na makapaglaro
para sa Sheffield Wednesday.

04:51.320 --> 04:54.640
Kada linggo, pupunta ako sa laban
ng Sheffield Wednesday,

04:55.200 --> 04:56.760
at nando'n si David Hirst.

04:56.840 --> 05:00.080
Si Hirst. Ang gandang goal.

05:00.840 --> 05:02.120
Striker siya.

05:02.200 --> 05:05.680
Nakipag-one-two kay Waddle.
Ipinasok ni Hirst at naka-score!

05:05.760 --> 05:10.440
Pag nakaka-score siya,
tumatalon at nagsasaya ang fans niya.

05:10.520 --> 05:15.599
Naalala ko 'yong pakiramdam na 'yon.
Sabi ko gusto kong maranasan 'yon.

05:15.680 --> 05:17.360
Gusto kong maging striker.

05:18.919 --> 05:23.400
Noong ten years old ako, pinasali ako
sa Sheffield Wednesday youth academy,

05:23.479 --> 05:27.640
na parang 'yong susunod na hakbang
para maging professional footballer.

05:28.520 --> 05:31.479
Kailangan doon ng sipag,
sakripisyo, at dedikasyon.

05:31.560 --> 05:34.240
Pero malaking bagay
'yong pagpasok sa academy.

05:35.080 --> 05:38.080
Sa school, tuwing break, puro football.

05:38.160 --> 05:41.680
Lunch break, football. Tatlong beses
sa isang linggo. Pagkatapos, training.

05:42.800 --> 05:44.479
Talagang gusto ko 'yon.

05:45.479 --> 05:48.720
Nakasama ako sa mga under-16.

05:50.160 --> 05:53.320
Medyo maliit ako
para sa edad ko. Di pa tumatangkad.

05:53.400 --> 05:55.760
Pero pag umabot ka sa puntong 'yon,

05:55.840 --> 06:00.400
alam mong maglalaro ka
ng football pag tumanda ka.

06:01.120 --> 06:03.120
Pero sabi nila hindi.

06:04.120 --> 06:07.080
"Hindi sapat ang laki mo
para maging professional."

06:07.160 --> 06:09.760
"Alam kong pinangarap mo 'to,
pero di mo pa kaya."

06:11.599 --> 06:12.960
Mahirap tanggapin 'yon.

06:15.280 --> 06:19.320
Pagkatapos no'n, sa totoo lang,
di ko na naisip 'yong pro-football.

06:19.400 --> 06:22.479
Pag 20 ka na at di ka pa nakapasok
sa Premier League,

06:22.560 --> 06:24.479
malabo nang marating 'yon.

06:24.560 --> 06:27.919
Part-time pa rin akong naglalaro
sa team na Stocksbridge.

06:28.000 --> 06:32.240
-Eighth tier 'yon, di ba?
-Eighth tier. Grabe 'yon.

06:32.880 --> 06:36.799
Malayo pa 'yon sa tuktok.
Walang pag-asa na mangyari 'yon.

06:37.720 --> 06:40.760
Non-league South Yorkshire club
ang Stocksbridge.

06:40.840 --> 06:44.320
Non-league ang tawag doon
kasi di 'yon professional league.

06:44.400 --> 06:47.680
Walang tubig, o kaya malamig,
tapos mahina 'yong ilaw.

06:47.760 --> 06:49.039
Ang pangit ng field.

06:49.880 --> 06:55.200
Mga 100 hanggang 200 lang ang fans,
pero mga barkada lang din namin,

06:55.280 --> 06:56.960
at katuwaan lang.

06:58.120 --> 07:02.880
Pumasok ako sa first team
at nakakontrata ng 120 pounds kada linggo.

07:03.599 --> 07:06.599
Naalala ko nang una siyang nag-training,
12 minutes kaming tumakbo.

07:06.680 --> 07:09.520
Ewan ko kung ilang beses niya akong
nilagpasan.

07:09.599 --> 07:12.640
Para siyang ahas na nangangarera.

07:12.720 --> 07:16.400
Nilagpasan niya ako, sabi niya,
"Sige lang, Brett. Ayos 'yan."

07:16.479 --> 07:19.560
Kailangan niyang ikaliwa.
Pinapasok sa loob.

07:20.200 --> 07:23.000
Ang gandang goal.

07:23.080 --> 07:25.520
Galing pa sa kalahati ng field. Vardy.

07:25.599 --> 07:32.039
Lahat, meron si Jamie.
Bilis, lakas, galing, tibay, tapang.

07:34.599 --> 07:39.719
Pinunan niya 'yong kulang sa katawan niya
ng agresyon niya.

07:41.000 --> 07:42.560
Ako 'yong laging maliit.

07:42.640 --> 07:47.719
Pag malalaki 'yong kasama mo, tingin mo,
mapapatumba ka nila. Dapat bumangon ka,

07:47.799 --> 07:51.120
ipakita mo sa kanila na di ka matitinag

07:51.200 --> 07:52.440
at kaya mong lumaban.

07:53.400 --> 07:56.560
Siya 'yong pampasuwerte namin
linggo-linggo.

07:56.640 --> 07:59.200
Sabi namin sa kanya,
"Magaling ka. Aangat ka.”

07:59.280 --> 08:03.760
Pero wala lang 'yon sa kanya.
"Oo, sige. Salamat, Brett.

08:04.320 --> 08:05.520
Iinom tayo ng beer."

08:06.080 --> 08:09.440
Sa tingin ko, di niya naisip
na may special talent siya

08:09.520 --> 08:12.599
na dapat pagtuunan ng pansin at i-develop.

08:14.280 --> 08:20.719
Di ko inisip na may seryosong mangyayari
sa football para sa akin.

08:21.880 --> 08:25.080
Ang karaniwang linggo ko,
trabaho mula 8 to 5,

08:25.159 --> 08:27.280
tapos diretso training pagkatapos.

08:28.440 --> 08:31.239
Tapos uuwi, matutulog,
ready na ulit sa trabaho kinabukasan.

08:31.320 --> 08:34.919
Madalas na inuman kasama ang tropa
tuwing Sabado at Linggo.

08:39.280 --> 08:42.840
Pagkatapos ng laro sa Sabado,
diretso na ako sa pub

08:42.919 --> 08:44.720
kasama ang Inbetweeners.

08:45.920 --> 08:48.079
Pare-pareho ang hilig namin.

08:48.160 --> 08:50.440
Mahilig kaming uminom.
Mahilig kami sa football.

08:51.199 --> 08:53.400
-At Wednesday.
-Gusto namin ang Wednesday.

08:53.480 --> 08:55.920
-Pare-pareho kami ng hilig.
-E, sa babae?

08:56.000 --> 08:57.240
Oo, mahilig kami sa babae.

08:58.040 --> 09:02.320
-Bakit tinawag kayong The Inbetweeners?
-Sa palabas na The Inbetweeners.

09:02.400 --> 09:04.240
Uy, kaibigan. Bagong kaibigan.

09:04.320 --> 09:05.520
Kaibigan.

09:05.600 --> 09:07.800
Tingnan mo kami, kakaiba talaga kami.

09:09.160 --> 09:11.040
Saan galing 'yong pangalan na Sick Note?

09:12.360 --> 09:17.079
Sino'ng kinausap n'yo? Oo. Sick Note.

09:18.199 --> 09:21.320
Hindi, kasi… Bihasa ako
sa pagisi-sick leave tuwing Lunes.

09:22.160 --> 09:23.199
Sobrang bihasa.

09:25.040 --> 09:28.000
Sa puntong 'yon ng buhay ko,
wala akong stability.

09:28.920 --> 09:31.440
Dahil doon, puro problema ang inabot ko.

09:32.120 --> 09:34.480
Isang gabi, kasama ko 'yong kaibigan ko.

09:34.560 --> 09:38.079
Biglang may nang-asar sa kanya
dahil naka-hearing aid siya.

09:38.160 --> 09:43.320
Nagkainitan kami, tapos maya-maya,
nasa likod na ako ng kotse ng pulis.

09:45.520 --> 09:47.920
Kinasuhan ako ng assault.

09:48.000 --> 09:52.640
Anim na buwan akong naka-ankle tag,
utos ng judge.

09:53.320 --> 09:57.440
Kailangang nasa bahay na ako
ng 6 p.m., bawal lumabas hanggang 6 a.m.

09:57.520 --> 09:59.160
Di siya makalaro ng midweek games.

09:59.240 --> 10:02.560
Maaga siyang umaalis sa laro
pag Sabado para makauwi agad.

10:03.360 --> 10:07.240
Naging hadlang 'yon sa mga scout
na gustong makita siya

10:07.320 --> 10:09.040
para maiangat siya.

10:09.880 --> 10:12.440
Kinausap ko siya nang masinsinan
sa changing room,

10:12.520 --> 10:16.040
"Kailangan mong mag-mature
at maunawaang magaling ka."

10:16.640 --> 10:19.320
Pangkatuwaan pa rin 'yong football.

10:19.400 --> 10:22.680
Di ko pa rin iniisip
na may kahihinatnan 'yon.

10:22.760 --> 10:25.640
Pero sa totoo lang,
ako ang pumasok sa gulo.

10:26.280 --> 10:29.199
Binigo ko ang mga tao.
Binigo ko ang teammates ko.

10:29.760 --> 10:31.959
Mahirap sa pakiramdam 'yon.

10:32.040 --> 10:37.520
Ang iniisip ko pagkatapos noon…
wag na akong maging gago at ulitin 'yon.

10:39.360 --> 10:41.920
Kung di dahil sa football,

10:42.720 --> 10:47.240
baka nagtuloy-tuloy ako sa gulo,
at napunta sa ayokong kapuntahan.

10:48.160 --> 10:49.079
Sa kulungan.

10:52.680 --> 10:55.400
Nakarating kami sa play-offs
sa unang season.

10:55.480 --> 10:58.440
Sa pangalawang season,
halos di na kami matinag.

10:58.520 --> 11:01.520
Nanalo kami sa Sheffield Senior Cup
sa Hillsborough.

11:01.600 --> 11:05.079
Sabay pa kaming na-promote.
Malaki ang ambag ni Jamie roon.

11:05.760 --> 11:08.360
Umabot ako sa puntong nag-eenjoy ako,

11:08.440 --> 11:10.480
pero kailangan ko lang ng bago.

11:10.560 --> 11:11.839
HILING KONG LUMIPAT

11:11.920 --> 11:15.719
Doon na ako pumirma sa Halifax.

11:16.880 --> 11:18.600
Malungkot kami noong nawala siya.

11:18.680 --> 11:22.040
Tamang-tama 'yong dating
ng oportunidad para sa kanya.

11:23.400 --> 11:24.760
Mas malaking club sila.

11:25.560 --> 11:28.440
'Yong stadium… Stadium talaga.

11:29.520 --> 11:31.199
Malaking pag-angat 'yon.

11:31.280 --> 11:34.800
Di talaga sumagi sa isip ko
na aangat pa ako.

11:35.520 --> 11:38.880
Kadalasan, sa academy dumadaan
papuntang Premier League.

11:38.959 --> 11:42.560
'Yong pagtalon mula non-league
papuntang tuktok ng pyramid,

11:42.640 --> 11:46.400
parang bundok 'yon na mahirap akyatin.
Everest na walang oxygen.

11:47.079 --> 11:48.560
Pero alam naming kaya niya 'yon.

11:49.719 --> 11:53.640
Dalawang taon bago 'yon, sinabihan na ako
na di para sa akin ang football.

11:53.719 --> 11:56.040
Gano'n pa rin, mag-eenjoy lang ako.

12:03.199 --> 12:06.040
-Gaano kasaya 'yong performance na 'yon?
-Sobrang saya.

12:06.120 --> 12:08.920
Sinabihan kami noon
na lagi silang nakaka-score.

12:09.000 --> 12:13.160
Matibay sila sa depensa,
kaya ang galing na 6-0 ang laban.

12:14.160 --> 12:17.600
Sa Sheffield pa rin ako noon nakatira,
sa mga magulang ko.

12:17.680 --> 12:21.240
Nagtatrabaho sa pabrika,
at pagkatapos ng full-time shift,

12:21.320 --> 12:26.040
isang oras magda-drive papuntang Halifax,
training, tapos drive pauwi.

12:26.120 --> 12:28.240
Maghahanda ka sa panibagong shift.

12:28.839 --> 12:32.560
Nakakapagod, pero nakakapaglaro ako
ng sport na gusto ko

12:33.280 --> 12:34.440
at nakaka-goal pa.

12:37.240 --> 12:40.199
Una kong nabalitaan
si Jamie sa isang player.

12:40.280 --> 12:42.160
Naglalaro siya noon para sa Halifax Town.

12:42.240 --> 12:46.280
Sabi niya, "Kaka-sign lang namin
kay Jamie Vardy."

12:46.360 --> 12:50.680
"Baliw siya, pero mananalo kami
sa league dahil sa kanya."

12:50.760 --> 12:53.959
Naalala kong sinabi ko,
"Halifax, saang division sila?"

12:54.040 --> 12:57.839
Tinitingnan ko 'yong leagues
at nasa seventh tier sila.

12:57.920 --> 13:02.440
Imposibleng may magagaling na players
sa seventh tier ng English football.

13:05.360 --> 13:08.599
Football ang buhay ko.
Gusto kong maging football agent.

13:09.400 --> 13:13.800
Hirap na nga akong makipag-meeting
sa player, lalo na 'yong magpa-sign.

13:13.880 --> 13:19.079
Inisip ko no'n, magda-drive ako
at pupuntahan ang baliw na si Jamie Vardy.

13:19.160 --> 13:20.280
Sige, Jamie.

13:20.360 --> 13:24.440
Nakita mo 'yong player na sobrang bilis,
tapos nakita mo 'yong magic.

13:24.520 --> 13:27.520
Pagkabitaw ng bola sa likod,
nando'n na agad siya, 'yon ang magic.

13:27.599 --> 13:29.880
Pag nasa loob siya, di siya sumasablay.

13:30.599 --> 13:34.360
Ang lupit na goal!
Mula kay Jamie Vardy! Kanino pa ba?

13:34.959 --> 13:38.120
Tumitingin-tingin ako, sabi ko,
may nakakita na ba nito?

13:38.719 --> 13:41.680
Di ako nagduda
na may tsansa ang batang 'to.

13:45.920 --> 13:50.000
Ang malaking problema, paghanap sa kanya.
Di niya sinasagot ang phone niya.

13:50.640 --> 13:53.680
Sabi ko,
"Bakit di ako makahagilap ng player

13:53.760 --> 13:57.000
ng seventh tier English football?"

13:57.079 --> 13:59.680
Baka nasa pub siya. Di ba?

13:59.760 --> 14:00.599
Oo.

14:01.120 --> 14:04.520
Napapayag ko rin siyang makipag-meeting.

14:04.599 --> 14:07.280
Kakagising ko lang noong may nag-doorbell.

14:07.360 --> 14:11.800
Kumatok ako sa pinto na naka-suit
para magpakita ng magandang impression.

14:11.880 --> 14:15.160
Pero pagpunta niya sa pinto,
naka-shorts lang siya.

14:15.240 --> 14:17.560
Binuksan ko 'yong pinto
nang naka-underwear.

14:17.640 --> 14:21.839
Nakatingin sa 'kin 'yong walang buhok,
sabi niya, "Ano'ng kailangan mo?"

14:21.920 --> 14:24.719
Sabi ko, "Ako si John. Ikaw ang sadya ko."

14:24.800 --> 14:26.000
"A, oo. Pasok."

14:26.079 --> 14:29.839
Naalala kong sinabi ko sa kanya,
"Sobrang galing mo,

14:29.920 --> 14:33.079
at kung tututukan mo ang football
at seryosohin 'yon,

14:33.160 --> 14:35.280
pwede kang maglaro para sa England."

14:35.360 --> 14:37.839
May tumawa, 'yong mama niyang nasa kusina.

14:37.920 --> 14:44.360
Literal na rurok 'yon ng mga pangarap.
Katangahan na isipin 'yon, sa tingin ko.

14:44.959 --> 14:49.719
Gusto niyang maging agent ko.
Umoo yata ako para umalis na siya.

14:49.800 --> 14:54.120
Kaya napunta ako kay John Morris.
Mula noon, magkasama na kami.

14:55.560 --> 15:00.280
-Jamie, nandito ka ba sa susunod na taon?
-Pipirma ako sa Ibiza Town.

15:01.199 --> 15:03.839
Pupunta kami sa Ibiza
at di na ako babalik.

15:03.920 --> 15:05.599
Na-promote kami, nanalo sa league.

15:05.680 --> 15:08.800
Kinausap ko si John,
"Aalis na ako sa trabaho ko."

15:10.160 --> 15:13.160
Sabi ko, "Susubukan ko ang football
nang isang taon."

15:13.240 --> 15:16.560
-"Pag di umubra, di umubra."
-Kailangan ko siyang maisama sa league.

15:17.199 --> 15:19.319
Kailangan kong kulitin ang mga tao.

15:19.400 --> 15:23.839
Kahit sino, tinatawagan ko, kinakausap ko,
tine-text, mine-message sila.

15:24.520 --> 15:25.959
Pero walang may gusto sa kanya.

15:26.040 --> 15:29.839
Kailangan mo silang kumbinsihin
na wag lang sa problema tumingin.

15:29.920 --> 15:33.400
Di na siya bata, 24 na siya.
Matanda na 'yon sa football.

15:34.280 --> 15:38.040
May police record, umiinom,
nagpa-party, nakikipag-away.

15:39.360 --> 15:43.439
Tapos may tumawag sa akin,
at may team na sumulpot galing kung saan.

15:43.520 --> 15:45.959
Sabi ni John,
"Alam mo kung saan ang Fleetwood?"

15:46.719 --> 15:47.719
Sabi ko, "Hindi."

15:47.800 --> 15:50.599
Sabi niya, "Hanapin mo 'yon.
Doon ka pupunta."

15:53.240 --> 15:55.880
Nasa fifth tier ang Fleetwood noon.

15:56.400 --> 15:59.920
Pero sa totoo lang,
wala na 'kong ibang iniisip

16:00.000 --> 16:01.760
pagkatapos no'n.

16:01.839 --> 16:06.439
Alam kong magaling akong player.
Ayokong lumaki ang ulo ko.

16:08.160 --> 16:09.680
Eto si Jamie Vardy.

16:11.640 --> 16:14.000
Tuloy-tuloy si Vardy. Pasok!

16:15.319 --> 16:16.760
Tapos na para sa Fleetwood!

16:16.839 --> 16:20.000
Sa Fleetwood Town season
nagsimula ang magic para sa akin.

16:20.079 --> 16:22.599
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan nila.

16:22.680 --> 16:25.839
Diretso sa pambato ng Fleetwood.
Naka-score si Vardy!

16:25.920 --> 16:30.680
Masaya siya. Nag-e-enjoy siya sa buhay.
Parang nandadaya kami pag kasama siya.

16:32.599 --> 16:34.000
Jamie Vardy!

16:34.079 --> 16:38.160
Naka-score ako ng 31 sa 34 na laro,
sa tingin ko.

16:38.760 --> 16:42.479
Naka-score si Jamie Vardy
ng nine goals sa huling nine games.

16:42.560 --> 16:45.680
Pinapanood siya ng scouts
nitong mga nakaraang linggo.

16:48.040 --> 16:50.839
Maganda ang laro niya
sa unang bahagi ng season.

16:50.920 --> 16:54.079
Imbes na maghabol,
ako ang tinatawagan ng mga tao.

16:54.800 --> 16:58.280
Nagpatuloy siya. Nanalo sila sa league.
Nakakuha ulit siya ng medalya.

16:58.359 --> 17:01.359
Siya ang player of the year.
Siya ang main man.

17:05.839 --> 17:09.399
Isang araw, tinawagan ako
ng chairman ng Fleetwood,

17:09.480 --> 17:13.200
"Nakipag-deal na ako sa tatlong clubs
sa Championship league."

17:13.280 --> 17:15.760
Ang second tier ng English football.

17:15.839 --> 17:17.880
Nangyayari na. Parating na.

17:17.960 --> 17:21.440
Baka tama ako, alam n'yo 'yon?
Baka tama nga ako.

17:22.640 --> 17:28.640
Isa sa mga club na 'yon ang Leicester,
na hawak ni Nigel Pearson,

17:28.720 --> 17:31.520
na ayaw aminin ni Jamie na idol niya.

17:32.280 --> 17:36.200
-Captain ng Sheffield Wednesday si Nigel.
-Exciting 'yon.

17:36.280 --> 17:40.600
Nakita ko siyang maglaro
sa Sheffield Wednesday. Big deal 'yon.

17:41.960 --> 17:46.080
Nakakatuwa ang kuwento niya.
Nakakatuwa na makilala siya.

17:46.800 --> 17:48.840
Tahimik lang siya at sobrang…

17:50.520 --> 17:55.919
Tahimik lang siya noong pumasok siya,
pero may kislap 'yong mata niya.

17:56.640 --> 18:00.680
Siguro tahimik ako no'n
kasi nakainom ako noong gabi bago 'yon.

18:00.760 --> 18:02.000
Masama ang pakiramdam.

18:02.080 --> 18:05.120
Sabi ni Nigel, "Sige na.
Pipirma ka ba sa amin?"

18:06.040 --> 18:08.320
Isa lang ang pupuntahan ko noon.

18:09.640 --> 18:11.360
Narating namin 'yon.

18:13.000 --> 18:18.800
Nasa £8000 kada linggo 'yong kontrata.
Pinakamalaking kita niya 'yon.

18:19.320 --> 18:21.080
Sobrang na-excite ako. Eto na 'yon.

18:21.159 --> 18:24.040
Mula seventh tier,
napunta ako sa second tier.

18:24.120 --> 18:29.640
Ang reaction ni Jamie noon, "Okay,"
hindi, "Grabe, John. Nandito na tayo."

18:29.720 --> 18:34.000
"Pupunta tayo sa Championship."
Walang yakap, walang apir. Basta "Okay."

18:35.360 --> 18:37.520
Noong nag-bid na ang Leicester,

18:37.600 --> 18:41.159
doon ko naisip
na baka magaling nga ako sa football.

18:41.679 --> 18:44.840
Pero 25 na ako noon
at magiging pro pa lang.

18:45.679 --> 18:51.679
Papasok na ako sa bagong mundo,
sobrang laki na ng tatalunin ko.

18:51.760 --> 18:54.720
Malaking hakbang 'to,
pero tingin ko, kaya ko 'to.

18:54.800 --> 18:57.280
Halata namang binabantayan ako ng coach.

18:57.360 --> 18:59.720
Tingin niya kaya ko.
Sana makabawi ako sa kanya.

19:00.880 --> 19:05.399
Hindi siya isang stereotype
na produkto ng academy.

19:06.159 --> 19:07.440
Lamang siya.

19:07.520 --> 19:11.440
Makikita mo 'yon sa mga mata niya,
asal niya, pagdala sa sarili.

19:11.520 --> 19:13.880
'Yong pag-atake niya sa football,

19:13.960 --> 19:17.240
ibang-iba sa mga player na nakatrabaho ko.

19:17.320 --> 19:20.399
Di nagta-tackle ang striker.
Pero nagta-tackle si Jamie.

19:21.399 --> 19:24.120
In-announce 'yon
makalipas ang tatlong araw.

19:24.200 --> 19:26.880
Nasa pub ako noon
kasama ang The Inbetweeners.

19:26.960 --> 19:29.800
Nandito kami noon. May TV diyan noon.

19:29.880 --> 19:32.720
-Nakaupo kami sa palibot ng mesa.
-Binalita 'yon.

19:32.800 --> 19:34.679
Binago niya ang kasaysayan,

19:34.760 --> 19:38.240
pero kahit milyon ang halaga,
hindi natinag si Jamie Vardy.

19:38.320 --> 19:41.880
Karangalan 'to. Mukhang maganda
ang laro ko sa season na ito.

19:41.960 --> 19:46.080
Kung handa silang magbayad,
dapat patunayan kong karapat-dapat ako.

19:46.600 --> 19:49.560
Kumalat 'yong balita sa TV at mga diyaryo.

19:49.640 --> 19:50.720
"KAYA KONG MAKA-GOAL"

19:50.800 --> 19:55.399
Wala pang non-league player
na umabot ng one million pounds.

19:57.320 --> 20:01.560
Siguro doon ko naramdaman
na seryoso na talaga 'yon.

20:09.840 --> 20:12.520
Ano'ng alam mo noon sa Leicester City?

20:14.360 --> 20:17.240
Sa totoo lang, bilang club, wala masyado.

20:21.080 --> 20:23.880
Grabe 'yong pride na dala ng Leicester.

20:23.960 --> 20:27.000
Pero noon, wala pa talaga silang
napanalunan.

20:27.080 --> 20:32.000
Walang FA Cup, Premier League title,
di pa naging England champions.

20:32.080 --> 20:35.200
Ordinaryong Midlands club lang sila.

20:37.040 --> 20:40.640
Umabot sila sa pinakamababa.
Noong 2008, bumagsak sila sa League One,

20:40.720 --> 20:43.880
ang third tier ng English football,
sa unang pagkakataon.

20:43.960 --> 20:48.840
Bukod sa pagkawala ng mahal sa buhay,
baka 'yon ang pinakamasakit na pakiramdam.

20:48.919 --> 20:52.120
Mabagal lang ang pag-angat
sa mga sumunod na taon.

20:52.200 --> 20:55.159
Nakabalik na ulit sila sa Championship.

20:55.240 --> 20:58.960
Lumaban sila para makasama
sa Championship. May bagong pag-asa.

20:59.919 --> 21:02.120
Sila ang ultimate underdog team.

21:02.200 --> 21:05.040
Maliban sa mga taga-Leicester,
binabalewala sila.

21:06.640 --> 21:09.560
Hindi kami tinuturing na kalaban.

21:10.600 --> 21:13.640
Maraming players ang hindi na kailangan.

21:14.440 --> 21:19.440
Tapos na ang kontrata nila sa ibang clubs.
Free agents sila na ayaw ng iba.

21:21.320 --> 21:25.520
Pero gusto nilang sorpresahin ang mga tao.
Bawat season, may nangyayari.

21:25.600 --> 21:27.600
Palaging may drama, may kuwento.

21:30.360 --> 21:34.200
Pagpasok sa dressing room,
makikita mo ang kalidad ng players.

21:34.280 --> 21:36.040
Sasabihin mo, "Puta. Wow."

21:36.800 --> 21:40.880
Di naman ako star-struck,
pero bumilib talaga ako sa lahat ng 'yon.

21:41.640 --> 21:44.040
Sa totoo lang, di ko siya kilala noon.

21:44.120 --> 21:48.560
Narinig ko na 'yong balita, nakita ko
sa media, kaya mataas ang expectation.

21:48.640 --> 21:52.800
Alam mong nakaka-score siya.
Makaka-score kaya siya sa level na 'to?

21:52.880 --> 21:55.399
Nanibago siguro siya sa unang dating niya.

21:55.480 --> 22:00.919
Ang pangit ng kotse niya,
pati damit, pati gupit.

22:02.560 --> 22:04.240
Pagpasok ko sa changing room,

22:04.320 --> 22:08.280
'yong itsura niya, parang kagigising lang
sa Malia tapos bumalik sa football.

22:08.360 --> 22:13.159
Kulubot ang jeans niya sa dulo,
malaki ang V-neck t-shirt, may bracelet.

22:14.200 --> 22:16.760
Nakakatuwang makita siya sa gano'ng damit.

22:16.840 --> 22:19.439
Parang, "Pagpalain siya,
sinusubukan niya."

22:21.960 --> 22:25.720
Torquay ang first game sa Cup.
Naka-score ako.

22:25.800 --> 22:28.120
Inisip ko no'n, "Tuloy lang, parang dati."

22:28.840 --> 22:31.439
Kung ano'n ginawa ko last year,
gano'n ulit.

22:32.520 --> 22:35.040
Di gano'n sa football.

22:37.280 --> 22:41.080
Medyo nahirapan siyang makasabay,
hindi siya nagmarka.

22:44.520 --> 22:48.880
Galing siya sa non-league
kaya sanay siya sa pisikalan at pabilisan.

22:48.960 --> 22:51.919
Kaya naming utakan
'yong depensa sa league na 'yon.

22:52.000 --> 22:54.360
Ginagamit ni Vardy ang bilis niya.

22:54.439 --> 22:58.040
Pagpasok mo sa Championship,
nababasa ng depensa ang galaw mo.

22:58.120 --> 22:59.800
Tatapatan ka nila.

22:59.880 --> 23:04.040
At alam kong nahirapan siya
nang konti sa unang season niya.

23:04.120 --> 23:08.080
Pumasok ang bola. Ginamitan ng ulo
ni Vardy. Tumama sa bar!

23:08.720 --> 23:10.679
-Wala siya sa kondisyon.
-Wala siyang gana.

23:10.760 --> 23:13.880
-Di niya makontrol ang bola.
-Malayo pa sa level.

23:13.960 --> 23:17.159
-Di niya kaya.
-Oo, parang di pa niya kaya no'n.

23:17.240 --> 23:20.280
Papalitan ni Martin Waghorn
si Jamie Vardy.

23:24.360 --> 23:25.840
Hindi sa di ko sinubukan.

23:27.360 --> 23:29.480
Binigay ko ang lahat. Di lang sapat.

23:31.040 --> 23:34.760
Ang hirap kasi biglang kasali na lahat.

23:34.840 --> 23:36.200
JAMIE VARDY, TANGA KA.

23:36.280 --> 23:39.960
Mas maraming fans, press, lahat.

23:40.040 --> 23:42.480
HINDI MAKA-GOAL SI JAMIE VARDY…

23:42.560 --> 23:44.720
Pinaniwala mo ang sarili mo na,

23:44.800 --> 23:47.880
"Sige, okay. Baka di ako sapat
para sa Championship."

23:47.960 --> 23:50.320
BAKA HINDI NIYA SEASON NGAYONG TAON :(

23:50.399 --> 23:53.600
Pinakamalaking challenge niya
sa Leicester 'yong maging professional.

23:53.679 --> 23:57.640
Noong na-interview ko siya
sa unang season, parang lito siya.

23:57.720 --> 24:01.159
Sinusubukan niyang sukatin
ang standard ng laro

24:01.240 --> 24:02.560
na hinihingi sa kanya.

24:03.520 --> 24:05.439
Tingin ko na-culture shock siya.

24:05.520 --> 24:10.200
Tumaas nang konti 'yong level,
pero gano'n pa rin ang lifestyle niya.

24:10.280 --> 24:15.320
Sa mga pinaggagawa niya sa unang taon,
di mo aakalain na pro footballer siya.

24:17.439 --> 24:21.320
Lumalabas ako noon at umiinom
para makalimot kahit papaano.

24:21.399 --> 24:25.720
'Yong kasama mo ang tropa mo,
tapos kuwentuhan lang ng mga alaala.

24:26.840 --> 24:29.520
Pero umaabot ng dalawang araw ang inuman.

24:30.320 --> 24:34.880
Inamin niya na ginamit niya
ang alak para takasan ang pressure,

24:34.960 --> 24:38.320
at kung paano siya gumagawa
ng sarili niyang alak,

24:38.399 --> 24:39.520
ang Skittle vodka.

24:39.600 --> 24:42.040
Uupo siya sa bahay
na may malaking bote ng Belvedere.

24:42.120 --> 24:46.240
Ibubuhos niya 'yong Skittles
sa ibabaw, hihintaying matunaw.

24:46.320 --> 24:49.960
Sasabihin niya, "Lasang Skittles."
Hindi. Ang sama ng lasa.

24:51.120 --> 24:54.240
Pumasok ako noon sa apartment.
May mga kahon ng pizza.

24:54.320 --> 24:58.760
May mga sulat sa sahig. Inayos ko
ang bills niya kasi di siya nagbabayad.

25:01.120 --> 25:03.640
Na-late siya sa training nang ilang beses.

25:04.200 --> 25:07.120
Sabi ko, "Jamie,
babalik ka sa non-league."

25:07.200 --> 25:10.399
"May isang pagkakataon ka sa buhay.
Gamitin mo o hindi."

25:11.399 --> 25:14.120
Pero naging maluwag si Nigel kay Jamie.

25:15.000 --> 25:17.280
Halos parang mag-ama na sila.

25:19.040 --> 25:20.800
Alam naming nahihirapan siya.

25:21.320 --> 25:26.080
Parang meron siyang button
para sirain ang sarili niya.

25:27.280 --> 25:28.960
Vardy, sumugod, pero foul.

25:29.040 --> 25:31.679
Parang tama lang

25:31.760 --> 25:35.360
na bigyan siya ng dagdag na suporta
na sobrang kailangan niya.

25:36.480 --> 25:40.159
Ang hirap noon. Nakiusap akong
pabalikin niya ako sa Fleetwood.

25:41.240 --> 25:44.320
Baka doon, makabawi ako
at maka-score ng goals ulit.

25:46.360 --> 25:50.360
Lumingon si Nigel at sabi niya,
"Hindi 'yon mangyayari."

25:50.439 --> 25:54.760
"Naniniwala kami sa 'yo. Tingin namin
magaling ka na. Di ka aalis."

25:57.560 --> 26:02.480
Sa puntong 'yon, kung gusto kong umusad,
kailangan ko ng matibay na suporta,

26:02.560 --> 26:05.199
ng makakasama

26:06.560 --> 26:08.040
para tumulong.

26:12.320 --> 26:14.880
Kagagaling ko lang
sa di magandang relasyon.

26:15.520 --> 26:17.199
May anak akong lalaki,

26:18.040 --> 26:22.520
at nagtatrabaho ako
sa isang nightclub sa Sheffield.

26:22.600 --> 26:25.280
Tapos may tumawag sa akin

26:25.360 --> 26:29.320
at sabi niya, "May birthday party ako.
Ikaw ang mag-ayos."

26:29.399 --> 26:33.320
"Di ko pwedeng sabihin kung sino 'to."
Naisip ko noon, "Diyos ko."

26:33.399 --> 26:35.199
Gulo 'yon.

26:36.399 --> 26:40.520
Nalaman kong si Jamie Vardy 'yon,
at naisip ko, "Ano'ng meron?"

26:41.399 --> 26:44.080
Ni hindi ko siya kilala noon,

26:45.199 --> 26:49.280
pero nang nalaman kong
professional sports player si Jamie,

26:49.880 --> 26:52.960
parang gusto kong tumakbo palayo agad.

26:53.560 --> 26:56.679
Tingin sa kanila
ng mga tao, mga tanga sila

26:56.760 --> 26:58.040
at mga gago sila.

26:58.120 --> 27:01.080
Dumating 'yong birthday ni Jamie,

27:01.159 --> 27:06.159
at ayun na nga,
pumasok siyang lasing na lasing.

27:06.840 --> 27:10.120
Merong mga nakaalalay
sa magkabilang gilid niya,

27:10.199 --> 27:12.520
at iniisip ko, "Diyos ko."

27:12.600 --> 27:16.560
Oo, pumunta ako
sa sarili kong party na lasing.

27:17.520 --> 27:22.240
Sunod kong nakita, umorder ng malalaking
bote ng champagne ang barkada niya.

27:22.320 --> 27:28.520
Pumunta sila sa dance floor,
at natapunan no'n 'yong mga nasa paligid.

27:28.600 --> 27:31.080
-Grabe 'yon.
-Ang saya no'n, oo.

27:31.919 --> 27:34.040
Ayoko na talaga.

27:34.120 --> 27:37.280
Ibang klase ang grupong 'to.

27:37.360 --> 27:40.880
Para silang mga baliw. Mga pasaway sila.

27:40.960 --> 27:44.280
Oo, gano'n nga
ang mga kaibigan ko, sa totoo lang.

27:44.360 --> 27:45.600
-'Yan ba 'yon?
-Hindi.

27:46.280 --> 27:47.919
'Yan? Sa side na 'yan?

27:48.000 --> 27:50.159
-Parehong pirma.
-Parehong-pareho.

27:51.560 --> 27:55.439
Nasa dance floor si Wes Morgan
na may bote ng champagne,

27:55.520 --> 27:58.560
binubuhos sa bibig
ng kahit sino'ng may gusto.

28:01.000 --> 28:06.760
Sunod kong nakita, binubuhat si Jamie
ng dalawang kaibigan niya palabas ng club.

28:06.840 --> 28:09.679
Sabi ko, "Salamat sa Diyos.
Nabawasan na ng isa."

28:14.120 --> 28:18.480
Kinagabihan, nakatanggap ako
ng text kay Jamie,

28:18.560 --> 28:22.080
"Gusto talaga kitang makita."
Ako naman, ayoko, delete.

28:23.080 --> 28:26.080
Isa sa mga unang ginawa ko
pagkagising, i-text siya.

28:26.600 --> 28:29.560
Maganda siya. May kakaibang dating siya.

28:30.080 --> 28:33.600
Naisip ko talaga noong
siya na ang the one.

28:34.120 --> 28:37.560
Tuloy-tuloy sa message si Jamie.
Walang tigil. Tapos tawag.

28:37.640 --> 28:40.760
Sumagot ako nang ilang beses,
"Kalimutan mo na."

28:40.840 --> 28:42.480
Hindi niya ako tinantanan.

28:42.560 --> 28:48.320
Hindi ako tumigil. Hindi mangyayari 'yon.

28:48.399 --> 28:51.919
Dumating sa punto na parang,
"Hay, sige na nga."

28:52.000 --> 28:54.959
"Sumagot ka, makipagkita ka,
tapos, tapos na."

28:56.840 --> 29:00.600
Habang tumatagal kaming mag-usap,
narealize ko

29:00.679 --> 29:06.399
sa likod ng loko-loko,
lasenggo, at wild na party boy na 'to,

29:06.480 --> 29:10.560
mabait pala siya,

29:10.639 --> 29:14.560
magaling makinig,
at masarap siyang kausap.

29:15.360 --> 29:19.240
Nagdesisyon kaming mag-date pa,
tingnan ang mangyayari.

29:20.000 --> 29:23.439
Pag kasama ko siya,
ang saya sa pakiramdam.

29:23.520 --> 29:25.439
Tapos nagiging seryoso na.

29:26.840 --> 29:28.040
May ibang mga babae dati.

29:28.120 --> 29:31.159
Maraming didikit.
Sikat na footballer siya.

29:31.240 --> 29:36.199
Di niya alam kung paano i-handle 'yon
kasi posibleng pansamantala lang 'yon.

29:36.280 --> 29:39.840
Ramdam kong iba si Bex. Ilang linggo lang,
wifey na ang tawag niya.

29:40.639 --> 29:44.280
Sa tagal naming magkasama, wala akong
nakitang seryosong girlfriend niya.

29:44.360 --> 29:47.760
Di nagtagal, sumasama na
si Becky sa games.

29:48.280 --> 29:51.159
Naisip ko, "Mukhang magtatagal 'to."

29:51.840 --> 29:56.399
Tapos sinabi niyang buntis siya
no'ng pangalawang beses na nakita ko siya.

29:57.360 --> 30:00.320
Mapapaisip ka, "Maganda ba
ang intensiyon niya?"

30:01.480 --> 30:07.720
Hindi 'yon planado,
pero nagdesisyon kami na seryosohin 'yon.

30:08.439 --> 30:12.159
Pero lagi siyang naglalasing.

30:12.240 --> 30:14.439
Tuwing weekend. Naglalaho.

30:15.120 --> 30:19.480
May schedule akong scan,
pero di ko siya mahagilap.

30:19.560 --> 30:23.520
Di ko siya makita. Tinawagan ko
si John Morris at sabi ko,

30:23.600 --> 30:26.879
"John, hanapin mo siya.
Kailangan ko siyang makausap."

30:28.720 --> 30:33.120
'Yong iba, umiinom nang walong oras.
Umaabot si Jamie ng 36 hours.

30:33.199 --> 30:35.720
Lagi niyang kasama ang Inbetweeners.

30:35.800 --> 30:37.840
Tatawagan ko sila, "Nasaan siya?"

30:38.959 --> 30:41.679
Nakaupo kaming lahat
sa local pub, umiinom.

30:41.760 --> 30:46.480
Nakapalibot kami sa mesa sa baba.
Tapos bigla na lang siyang sumulpot.

30:46.560 --> 30:50.280
-Nanggagalaiti siya. Galit siya.
-Oo, galit siya.

30:50.360 --> 30:54.919
Sabi ko, "Mag-usap tayo ngayon."

30:55.520 --> 30:59.159
-Parang bata, e.
-Mas mabilis pa siya kaysa pag nasa field.

30:59.240 --> 31:03.959
Sabi ko sa kanya,
"Ano'ng problema mo? Ano'ng nangyayari?"

31:05.159 --> 31:09.439
Alam kong kaya kong sabihin
sa kanya kahit ano, di siya magrereklamo.

31:10.199 --> 31:15.199
Doon siya nagsimulang magkuwento
kung bakit gano'n siyang kumilos.

31:15.280 --> 31:18.399
Sabi niya, "Nape-pressure ako ngayon

31:18.480 --> 31:21.159
kasi gumastos sila ng ganitong pera."

31:21.240 --> 31:24.560
"Baka di ko magawa 'yong gusto nila."

31:24.639 --> 31:27.080
Sabi ko, "Ba't ka nagdududa sa sarili mo?"

31:27.840 --> 31:32.800
"May magandang pagkakataon ka
para gumawa ng espesyal na bagay."

31:33.439 --> 31:38.919
Sabi ko, "Ano sa tingin mo?"
Sabi niya, "Baka di 'yon mangyayari."

31:40.199 --> 31:46.280
Sabi niya, lagi siyang nire-reject
at sinasabihang hindi siya magaling noon.

31:46.360 --> 31:50.639
Kaya natural lang
na maniwala na din tayong totoo 'yon.

31:51.840 --> 31:54.800
Pero sabi ko sa kanya, "Sisirain mo lahat

31:54.879 --> 31:57.520
ng pinaghirapan mo

31:57.600 --> 32:00.399
kung di mo babaguhin ang lifestyle mo."

32:00.480 --> 32:04.639
Di ko sinasabing tumigil ka sa pag-inom.
Ang akin lang, kontrolin mo.

32:04.719 --> 32:08.840
At tama 'yong sinabi niya.
Kailangan talagang itigil 'yon.

32:08.919 --> 32:10.360
Kailangan kong marinig 'yon.

32:10.439 --> 32:14.360
Ilang oras kaming nag-usap,
at parang therapy 'yon sa kanya.

32:15.600 --> 32:20.240
Doon na talaga nagbago ang takbo ng lahat,

32:20.320 --> 32:23.199
at ang bilis ng mga pangyayari.

32:24.439 --> 32:26.280
Iniisip niya ang kapakanan ni Vardy.

32:26.360 --> 32:29.840
-Doon na naging seryoso 'yon.
-Tapos lumayo siya sa amin.

32:31.399 --> 32:33.800
Wala na si Vards,
kami na ang bumili ng inumin namin.

32:36.600 --> 32:40.560
Magkaibang tao si Vards
bago at pagkatapos makilala si Becky.

32:40.639 --> 32:45.000
'Yong tahimik at maayos na buhay niya,

32:45.080 --> 32:47.040
kitang-kita sa performance niya.

32:47.120 --> 32:49.480
Na kay Vardy pa. Tinataboy ang kalaban.

32:49.560 --> 32:53.199
Jamie Vardy, ayan na.
Naka-goal si Jamie Vardy.

32:54.120 --> 32:57.080
Ini-strike. Goal. Jamie Vardy.

32:57.159 --> 33:00.639
Lagi niya akong tinutulak
sa kabutihan at tamang direksiyon,

33:00.719 --> 33:02.719
at 'yon talaga ang kailangan ko.

33:02.800 --> 33:04.320
Sablay na back-pass ni Jay Tabb.

33:04.399 --> 33:07.840
Kapag nasa tamang mindset si Jamie Vardy,

33:07.919 --> 33:11.800
nagiging inspirasyon siya sa iba.

33:12.520 --> 33:15.800
Si Jamie Vardy pa rin.
Isa lang ang kalalabasan.

33:16.639 --> 33:19.159
Eto si Vardy. Goal.

33:19.240 --> 33:22.000
Ang plano, ma-promote sa Premier League.

33:22.080 --> 33:24.360
Di kami napigilan sa league na 'yon.

33:24.439 --> 33:27.719
May 102 points kami
at malaking parte si Vards doon.

33:27.800 --> 33:31.879
Siya 'yong player na umangat
at nagpasigla sa team.

33:31.959 --> 33:34.639
Jamie Vardy, napakatamis na kuwento.

33:34.719 --> 33:38.080
Two years ago,
member siya ng Fleetwood Town.

33:38.159 --> 33:41.760
Sumama siya sa Leicester last season
sa halagang isang milyon,

33:41.840 --> 33:44.439
at ipinakita niya talaga ang galing niya.

33:45.360 --> 33:50.360
Sa loob lang ng limang taon,
umakyat ka mula sa eighth tier football

33:51.199 --> 33:52.159
papunta sa tuktok.

33:52.240 --> 33:55.320
-Ilang taon? Lima? Grabe.
-Lima.

34:01.520 --> 34:03.240
May agwat ang bawat division,

34:03.320 --> 34:06.560
pero pinakamalaking talon
'yong Championship sa Premier League.

34:07.560 --> 34:09.920
Lahat ng magagaling na players sa mundo,

34:10.000 --> 34:11.839
naglalaro sa Premier League.

34:11.920 --> 34:16.760
Lalabanan nila ang Man United,
Arsenal, Liverpool, Manchester City.

34:18.839 --> 34:21.000
Pinakamayamang league 'yon sa mundo,

34:21.080 --> 34:25.120
at may koneksiyon ang pera
sa tagumpay sa Premier League.

34:26.199 --> 34:30.280
Di inaasahan ang clubs
gaya ng Leicester na lumaban sa elite.

34:30.360 --> 34:33.679
'Yong kaka-promote na team,
buong season maghihirap.

34:33.760 --> 34:37.400
Ang target mo,
mag-survive sa league na 'yon.

34:38.080 --> 34:41.719
Para sa akin, challenge
kung magagawa ko rin sa level na 'yon.

34:44.639 --> 34:48.960
Ramdam mo na agad ang excitement
sa King Power Stadium bago pa magsimula.

34:49.040 --> 34:51.319
Sumakto ang paglabas ng araw.

34:52.360 --> 34:55.639
Ramdam 'yong kakaibang excitement
sa dressing room.

34:55.719 --> 34:58.400
Ang saya ng grupo
na makalaban ang Man United.

34:58.480 --> 35:02.920
Pinapanood ang Man United sa buong mundo,

35:03.000 --> 35:06.760
kaya hindi lang England
ang audience, kundi buong mundo.

35:06.839 --> 35:11.920
Karamihan sa players ng Leicester,
galing Championship o kaparehong league.

35:12.000 --> 35:14.440
Parang David versus Goliath 'yong laban.

35:14.520 --> 35:17.080
Isang dekada nang wala
sa Premier League ang Leicester.

35:17.160 --> 35:21.360
Kalaban nila ngayon ang Manchester United,
royalty ng English football.

35:21.880 --> 35:22.799
Totoo na 'yon.

35:22.880 --> 35:26.080
Eto na sila. Leicester laban
sa Manchester United.

35:26.160 --> 35:29.200
Wala akong pakialam sa kalaban ko.
Gano'n naman ako.

35:29.799 --> 35:33.799
Dapat tumutok ka sa sarili mo.
Doon ako tumutok sa araw na 'yon.

35:34.400 --> 35:37.480
Di ko makakalimutan 'yong laban
sa Man United habang buhay ako

35:38.440 --> 35:40.240
dahil sa pesteng mohawk niya.

35:40.319 --> 35:44.160
First time ni Jamie Vardy
na lumaban sa Premier League.

35:44.240 --> 35:47.920
-Gano'n ang gupit niya, ang lakas ng tama.
-Oo.

35:48.440 --> 35:50.920
Pag-uwi niya galing sa barbero, sabi ko,

35:51.000 --> 35:54.080
"Ano'ng problema mo?
Bakit di ka maging normal?"

35:54.160 --> 35:56.160
Nagpapakatotoo lang ako.

35:56.240 --> 36:00.680
Naisip ko, bakit hindi? Gagawin ko lahat
ng kaya ko para sa season na 'to.

36:01.680 --> 36:04.799
Falcao, hinahanap si van Persie.

36:04.880 --> 36:10.280
Sakto ang dating, handang-handa
si Robin van Persie sa season.

36:11.799 --> 36:15.120
Rooney. Di María, tuloy sa pagtakbo.

36:15.200 --> 36:19.200
Tinapos ni Di María sa napakagandang goal.

36:19.280 --> 36:20.760
Maaga silang naka-score.

36:20.839 --> 36:24.760
Iisipin mo, "Eto na 'yon,
kumalma ka muna."

36:24.839 --> 36:27.640
Baka akala ng Man United,
"Ang dali lang nito."

36:27.720 --> 36:29.560
Pwedeng maging 4, 5, 6 - zero.

36:30.280 --> 36:33.319
Pero biglang sumugod si Jamie Vardy.

36:38.640 --> 36:43.760
Isang goal lang ang lamang.
Ituloy lang natin at tingnan ang mangyari.

36:44.480 --> 36:48.080
Van Persie. Di María. Lumihis at pumasok.

36:48.680 --> 36:50.600
Lumayo si Herrera.

36:51.880 --> 36:56.400
Naging 3-1. Hindi maganda 'yon.
Parang tapos na 'yong laro.

36:57.120 --> 37:00.400
Tumingin si Jamie sa bench
na parang, "Sigurado kayo?"

37:01.280 --> 37:02.720
"Marami pang oras."

37:02.799 --> 37:04.680
May pag-asa pa kayo.

37:04.760 --> 37:08.520
Takbo siya nang takbo,
binibigay lahat para sa team

37:08.600 --> 37:09.960
at para sa sarili niya.

37:10.880 --> 37:14.000
Para siyang siga sa pitch,
parang hayop na nakakulong

37:14.080 --> 37:19.200
na gustong makawala, malakas, mabilis.
Kung saan-saan siya nagtatatakbo.

37:19.280 --> 37:23.560
Parang may dalawang Vardy
sa pitch, at binully niya sila.

37:27.319 --> 37:30.160
Gumanti si Rafael,
kaso penalty ang ibinigay.

37:34.839 --> 37:36.400
At ayan si Cambiasso.

37:37.960 --> 37:40.720
Himala na ang sumunod na nangyari.

37:40.799 --> 37:43.520
Nakita ni De Laet
si Vardy na bukas sa unahan.

37:43.600 --> 37:45.520
Pwede 'tong ipanalo ni Vardy.

37:45.600 --> 37:46.600
Naipasok niya!

37:47.640 --> 37:50.080
Ang pinakamalupit na comeback.

37:50.160 --> 37:53.000
Sobrang saya ko,
sa totoo lang. Sobrang saya.

37:53.080 --> 37:56.720
Ang kauna-unahang
Premier League goal ni Jamie Vardy.

37:56.799 --> 38:01.000
Mahirap maka-goal sa anumang level,
pero ang magawa 'yon sa best league,

38:01.080 --> 38:03.720
pinapakita no'n na karapat-dapat ako roon.

38:04.560 --> 38:06.720
Tingin ko nakatulong 'yong gupit.

38:06.799 --> 38:10.200
Magpapa-party si Jamie Vardy
Magdala ng vodka at Charlie

38:10.280 --> 38:13.440
Fairy tale 'yon.
Karapat-dapat siyang hangaan

38:13.520 --> 38:16.839
kasi ipinakita niyang
kaya niya sa Premier League.

38:17.839 --> 38:22.319
Leicester, five, Manchester United, three.
Di namin akalaing mangyayari 'yon.

38:22.400 --> 38:26.839
Sa totoo lang, Jamie Vardy, five,
Manchester United, three.

38:26.920 --> 38:28.799
Gaano kalaki ang araw na 'to para sa 'yo?

38:28.880 --> 38:32.560
Three years ago, naglalaro ka
para sa Fleetwood laban sa Kidderminster.

38:32.640 --> 38:33.760
Ang galing, di ba?

38:33.839 --> 38:37.480
Napakalaki. Di naging madali
na makarating dito.

38:37.560 --> 38:40.480
Nasa tuktok na kami,
pero dapat manatili kami do'n.

38:40.560 --> 38:43.120
Naka-three points kami. Umakyat kami.

38:44.200 --> 38:47.640
Di pa siya kilala ng marami,
pero sa game na 'yon,

38:48.160 --> 38:50.680
ang tanong ng lahat, "Sino ba siya?"

38:50.760 --> 38:52.839
VARDY, PINAKAMABAGSIK SA FIELD

38:52.920 --> 38:56.799
Interesado ang lahat
na malaman ang kuwento niya.

38:56.880 --> 39:01.480
Ayaw na ayaw niya sa interviews.

39:01.560 --> 39:03.000
A, puta.

39:03.080 --> 39:06.760
Hindi siya sanay sa harap ng camera.

39:06.839 --> 39:08.080
Naka-record ba tayo?

39:08.160 --> 39:09.760
-Mahiyain ako.
-Nakaka-cringe.

39:09.839 --> 39:11.920
Pag pinapanood mo siya, "Ow."

39:12.000 --> 39:15.480
Nakasabay na ako
sa standard ng football… Hala!

39:16.160 --> 39:17.319
Sorry, booty call.

39:17.400 --> 39:20.120
Sa academy mo nakukuha lahat ng training.

39:20.200 --> 39:23.520
Sinalpak siya mula Fleetwood,
tipong, "Kaya mo na 'yan."

39:24.839 --> 39:27.000
May media training na ang mga bata,

39:27.080 --> 39:31.319
ako dati, normal na bata lang.
Pagdating sa pool, lusong sa malalim.

39:32.000 --> 39:34.160
Langoy lang.

39:34.240 --> 39:36.560
Pwedeng pakiulit?
Pero wag kang tumingin dito.

39:36.640 --> 39:39.280
Pero gusto kong tumingin diyan. Poser ako.

39:39.359 --> 39:41.960
Walang ibang paraan
para matuto, aaminin ko.

39:42.040 --> 39:44.640
-Uy, Becky.
-Nakita ko, medyo oily.

39:45.720 --> 39:48.120
-Paano mo nakita?
-Tinanong ko.

39:48.960 --> 39:52.799
-Tinanong mo? Puta, may mga espiya ka?
-Hinintay kitang matapos.

39:52.880 --> 39:55.400
Di pa ako tapos. Nasa kalagitnaan pa ako.

39:57.560 --> 39:59.720
Wag kang sumimangot.
I-relax mo ang mukha mo.

40:01.760 --> 40:05.040
'Yan. Walang may gusto
sa makintab na Vardy.

40:05.960 --> 40:09.400
Wala ring may gusto sa di makintab
na Vardy. Mas pogi na ako sa camera?

40:10.720 --> 40:11.880
Guwapo.

40:15.359 --> 40:20.280
Pagkatapos ng game sa Manchester United,
dumating sa mundo si Sofia.

40:22.520 --> 40:24.640
Punong-puno kami ng excitement.

40:25.560 --> 40:26.960
Bagong simula 'yon.

40:28.319 --> 40:30.600
Bagong simula rin para sa lahat.

40:30.680 --> 40:33.200
Nasa swing ba tayo?

40:34.560 --> 40:36.480
Smile. Hello.

40:36.560 --> 40:38.319
Sobrang saya naming dalawa.

40:39.520 --> 40:41.440
Ang saya ng buhay-pamilya.

40:41.520 --> 40:44.280
Nagkaroon na kami ng anak ni Bex.

40:45.520 --> 40:49.960
Pero 'yong football, mas humirap.

40:51.520 --> 40:54.160
Nasa pinakababa ng league ang Leicester,

40:54.240 --> 40:57.880
hirap na hirap nang maka-goal,
panalo pa kaya?

40:58.760 --> 41:02.319
Palpak kami sa laro,
walang magandang resulta.

41:04.520 --> 41:07.600
Kulelat sila sa league
sa loob ng 140 days.

41:07.680 --> 41:10.600
Di na sila makakaahon.
Nasa pinakailalim sila.

41:11.359 --> 41:13.640
Nagiging bangungot na 'yon.

41:13.720 --> 41:15.600
Natalo ulit ang Leicester.

41:15.680 --> 41:20.080
Nasa pinakailalim pa rin sila,
at kailangan nilang lumaban nang todo

41:20.160 --> 41:22.480
para manatili sa Barclays Premier League.

41:22.560 --> 41:24.880
Para sa 'yo, kaya ba nilang umakyat?

41:24.960 --> 41:29.160
Dapat manalo sila ng apat sa walong laro
para mabigyan sila ng tsansa.

41:29.240 --> 41:32.880
Lima lang ang panalo nila
sa buong season. Mahirap 'yon.

41:33.920 --> 41:36.640
Sa dulo ng season na 'yon, bagsak na kami.

41:36.720 --> 41:42.120
Di na kami pinansin ng mga tao. Di na kami
tinayaan ng bookies. Tapos na kami.

41:43.880 --> 41:45.920
Simulan natin sa Leicester City.

41:46.000 --> 41:50.359
Pag di sila nanalo,
mapapatalsik sila sa league.

41:50.440 --> 41:52.240
Nauubos na ang oras nila.

41:52.920 --> 41:56.640
May extra time na four minutes.
Ito na 'yong extra time na 'yon.

41:56.720 --> 42:00.319
Ang score, 2-2. Lampas 90 minutes na.
Pagod na pagod na kami.

42:03.200 --> 42:06.000
Kapag sinabihan ako
na wala na akong magagawa,

42:06.600 --> 42:10.600
gagawin ko ang lahat
para patunayan na may magagawa ako.

42:18.920 --> 42:22.960
Ang kaliweteng si Jamie Vardy.
Pambihirang goal mula kay Jamie Vardy!

42:23.040 --> 42:27.880
Nadugtungan ba niya ang pag-asa
sa Premier League ng Leicester City?

42:29.080 --> 42:33.839
'Yong goal na 'yon ang spark
para maniwala kaming kaya namin 'yon.

42:35.520 --> 42:38.200
"Puta. Di tayo mapapatalsik."

42:38.280 --> 42:41.319
Mantra niya 'yon.
Sasabihin at isisigaw niya 'yon.

42:41.400 --> 42:44.480
Ginagabayan niya ang mga tao
sa tamang lugar.

42:45.680 --> 42:49.359
"Di kami aalis" ang sigaw
na umaalingawngaw sa King Power.

42:49.440 --> 42:50.880
'Yan, Ulloa!

42:51.400 --> 42:53.400
Pinuntirya ang ibabang sulok.

42:54.520 --> 42:57.000
Kaya ba nila? Makakatakas ba sila?

42:57.520 --> 43:02.280
Matindi 'yong pressure,
pero pinakalma ni Vards ang lahat

43:03.200 --> 43:06.880
dahil sa personalidad
at karakter niya, at nakakahawa 'yon.

43:07.839 --> 43:10.040
Pag kalmado ako, mas magaling ako.

43:12.799 --> 43:15.480
Saktong-sakto. At nando'n si Vardy.

43:16.319 --> 43:18.640
Malaking panalo para sa Leicester City.

43:26.200 --> 43:29.040
Konti na lang, ligtas na sila.

43:30.440 --> 43:33.319
Hinahanap ulit si Vardy. O, Morris!

43:34.200 --> 43:36.600
Isa pang panalo para sa Leicester City.

43:37.120 --> 43:42.040
Halos nadoble nila ang score nila
sa loob lang ng isang buwan. Ang galing.

43:42.120 --> 43:46.280
Tapos na ang laban dito
sa Stadium of Light.

43:46.359 --> 43:51.280
Nakuha ng Leicester City ang puwesto nila
sa susunod na Premier League

43:51.359 --> 43:53.160
sa puntos na ito sa Sunderland

43:53.240 --> 43:57.240
at sa walang kapantay nilang laban
sa Premier League.

44:02.520 --> 44:05.280
Di ko alam kung paano 'yon nangyari.
Grabeng achievement.

44:06.040 --> 44:07.720
"The Great Escape" daw 'yon.

44:09.440 --> 44:12.359
Maglalaro ulit ang club
sa Premiere League sa susunod na season.

44:12.440 --> 44:14.160
Ang saya no'n para sa lahat.

44:14.240 --> 44:17.600
Malaki ang naging papel ni Vards doon.

44:26.200 --> 44:32.600
MAKALIPAS ANG 5 ARAW

44:32.680 --> 44:35.359
Namimili ako ng damit noon
para sa bakasyon.

44:35.440 --> 44:38.760
May nag-message,
kasama na raw ako sa England squad.

44:38.839 --> 44:44.120
Tiningnan ko at ibinaba lang,
iniisip ko na may nanloko lang sa akin.

44:44.200 --> 44:46.200
Napapakurot ka na ba sa sarili mo?

44:46.280 --> 44:50.920
Araw-araw kong kinukurot ang sarili ko
mula no'ng nabanggit ang squad.

44:51.600 --> 44:55.920
In-expect ko 'yon. Kung nagtiwala na ako
noong nasa seventh tier pa ako,

44:56.000 --> 44:58.240
bakit magbabago
ngayong nasa first tier na ako?

44:58.960 --> 45:00.760
Naalala kong sinabi niya noon,

45:00.839 --> 45:03.280
"Maglalaro ka para sa England."
Tinatawanan ko siya.

45:03.359 --> 45:08.200
Pero tama siya. Unang beses niyang tumama.

45:08.280 --> 45:10.200
Vardy at Rooney para sa England.

45:10.280 --> 45:13.720
Di mo maririnig 'yon,
isa o dalawang taon ang nakakaraan.

45:13.799 --> 45:16.760
Di mo 'yon sasabihin
sa nakaraang tatlong buwan.

45:16.839 --> 45:20.640
Pinakamalaking karangalan 'yon.
Maglaro para sa bansa mo.

45:20.720 --> 45:23.799
Isuot ang jersey na may tatlong leon.

45:23.879 --> 45:25.520
Matayog na pangarap 'yon,

45:25.600 --> 45:28.200
na siguro pangarap din niya,
at tinotoo niya 'yon.

45:29.879 --> 45:32.680
Ibang-iba si Jamie
sa normal na England players

45:32.760 --> 45:36.640
kasi dumaan sila sa academies.
Meron silang best nutrition advice.

45:36.720 --> 45:38.280
Pati strength training.

45:39.000 --> 45:41.640
Tapos dumating ang kakaibang Jamie Vardy,

45:41.720 --> 45:44.440
na nabubuhay sa pizza,
Pringles, at Red Bull.

45:46.120 --> 45:48.520
Nakatutok lahat kay Jamie Vardy.

45:49.200 --> 45:52.920
Hindi pa siya handa.
Di namin inasahan 'yon, at naging "boom."

45:55.240 --> 45:57.200
Interesado sila sa lahat.

45:57.720 --> 46:00.799
Sa Facebook account niya,
may nakakita ng "Ang madada, sinisipa."

46:00.879 --> 46:02.280
ANG MADADA, SINISIPA

46:02.359 --> 46:04.280
Ano 'yong "Ang madada, sinisipa"?

46:05.080 --> 46:07.000
'Yon ang problema. Di ko alam.

46:07.080 --> 46:10.040
Di ko talaga alam. Gano'n…
Nagtatanong ang lahat.

46:10.120 --> 46:16.160
Siguro ordinaryong Martes lang 'yon
nina Jamie Vardy at ng tropa niya.

46:16.240 --> 46:17.960
May nasipa sa kakadada.

46:18.040 --> 46:21.359
-Sinulat niya 'yon sa Facebook.
-"Ang madada, nasisipa."

46:21.960 --> 46:23.440
Inisip niya na parang…

46:23.520 --> 46:26.120
Pinag-usapan 'yon.
"Nasipa si Vards sa kakadada."

46:26.200 --> 46:28.240
Di ko alam bakit ko sinulat 'yon.

46:28.319 --> 46:31.200
Sa tingin ko, 2012 'yon.

46:31.960 --> 46:35.760
Wala talaga akong alam.
Pero ang gandang pakinggan no'n.

46:35.839 --> 46:40.480
Ang madada, nasisipa, nasisipa
Ang madada, nasisipa

46:40.560 --> 46:44.000
Naging instant slogan 'yon
at nagustuhan ng fans.

46:44.839 --> 46:47.720
Nagkaro'n ng Internet memes at mga kanta.

46:47.799 --> 46:50.839
May mga t-shirt at mga tattoo.
Iba't ibang klase.

46:50.920 --> 46:52.600
Papilahin ang sisipain

46:52.680 --> 46:56.640
Unti-unting naging cult figure
si Jamie Vardy, at 'yon talaga siya.

46:56.720 --> 47:01.040
Magsabi ka ng kalokohan, makakatikim ka.
Mensahe sa defenders sa Premier League.

47:01.120 --> 47:02.359
-Naaano?
-Nasisipa.

47:02.440 --> 47:04.480
-Ang madada… nasisipa.
-Nasisipa.

47:08.200 --> 47:09.040
Uy.

47:09.120 --> 47:12.680
Pagpasok sa bagong season,
kumpiyansa kami kung paano manalo.

47:14.359 --> 47:16.160
Lumulutang sa buwan

47:16.240 --> 47:18.760
Dala pa namin ang sigla ng nakaraang taon.

47:20.359 --> 47:22.280
Kaya ba naming ituloy 'yon?

47:25.000 --> 47:30.560
May iba't ibang report sa media
na "tinanggal" si Nigel Pearson

47:30.640 --> 47:34.720
bilang manager ng Leicester City.
Di pa kumpirmado 'yong reports.

47:35.520 --> 47:39.839
Nakakagulat 'yon
kasi ang galing ng ginawa ni Pearson

47:39.920 --> 47:42.319
para isalba ang Leicester sa League.

47:42.400 --> 47:46.640
Nagawa niya ang greatest escape
sa kasaysayan ng Premier League.

47:47.680 --> 47:51.920
Nagulat ako, alam ko kung ano
'yong ginawa niya para sa akin,

47:52.000 --> 47:55.000
sumuporta at naniwala siya sa akin.

47:55.080 --> 47:57.600
Sobrang nalungkot ako.

47:58.200 --> 48:01.839
Siya ang nagsalba sa Leicester City
para di mapatalsik.

48:01.920 --> 48:04.839
Makalipas ang isang buwan,
tinanggal siya ng club.

48:05.879 --> 48:10.839
Mahirap talagang umalis,
lalo na sa sitwasyon noon, pero…

48:12.080 --> 48:17.760
hindi madali 'yong panahong 'yon,
sa totoo lang. Sobrang hirap noon.

48:17.839 --> 48:20.000
TINANGGAL NG FOXES SI PEARSON

48:20.080 --> 48:24.200
Nagulat ang lahat,
at sa tingin ko, gano'n naman talaga.

48:24.280 --> 48:27.839
Pag may malaking pagbabago,
di mo alam ang mangyayari.

48:29.240 --> 48:33.520
Pagkatapos ng malaking labang 'yon,
umasa ang lahat na tuloy-tuloy na.

48:33.600 --> 48:37.680
Pero nang umalis si Nigel Pearson,
maraming nagduda,

48:37.760 --> 48:41.040
at ang malaking tanong noon,
"Sino ang susunod?"

48:41.760 --> 48:44.920
Tapos na ang paghahanap
ng bagong manager ng Leicester City,

48:45.000 --> 48:48.960
inanunsiyo na nila ang pagpili
kay Claudio Ranieri.

48:49.040 --> 48:51.440
-Talaga? Claudio Ranieri.
-Claudio Ranieri.

48:51.520 --> 48:52.480
Claudio Ranieri.

48:52.560 --> 48:54.960
-Puta.
-Medyo nakakagulat 'yan.

48:55.040 --> 48:57.879
Tingin ko, akala ng lahat,
tapos na si Ranieri.

48:57.960 --> 49:01.080
Kakaibang appointment 'yon.
Tingin ko, sumugal sila.

49:01.160 --> 49:04.720
Para sa akin, napakasaya
at nakakasabik simulan

49:04.799 --> 49:08.520
ang bagong season.

49:08.600 --> 49:12.720
May karanasan siya sa pamumuno
ng 14 na magkakaibang team.

49:12.799 --> 49:17.240
Pinakahuli ang Greece,
kung saan siya namuno sa apat na laro.

49:17.319 --> 49:21.240
Natalo sila sa Faroe Islands.
Pagkatapos, sinibak siya.

49:21.319 --> 49:25.839
Magkaiba sila ng personalidad.
Pinapalakas ni Nigel ang samahan ng team,

49:25.920 --> 49:28.920
si Claudio naman,
laging nagpapalit ng players.

49:29.000 --> 49:33.359
"The Tinkerman," ang tawag sa kanya.
Tingin ko, mauuwi 'yon sa kapalpakan.

49:34.040 --> 49:38.000
Konti lang ang alam ko. Alam kong
nasa Chelsea siya dati. 'Yon lang.

49:38.520 --> 49:40.520
Di namin alam kung ano'ng aasahan.

49:40.600 --> 49:44.120
Magiging iba 'yong sistema
sa nakasanayan namin.

49:44.200 --> 49:46.640
Ayokong baguhin nang sobra,

49:46.720 --> 49:51.520
gusto ko lang gawin
'yong Italian tactic ko.

49:52.440 --> 49:56.240
Pagpasok namin sa '15-'16 season,
maliit lang 'yong team namin.

49:56.319 --> 49:58.720
Ni wala kaming star players.

49:58.799 --> 50:03.400
Para kaming kapatiran
na nabuo sa maliit na budget.

50:04.920 --> 50:07.839
Parang lahat ng problema,
sumalubong sa kanila sa season na 'yon.

50:07.920 --> 50:12.080
5,000 to 1 ang tsansa ng Leicester City
na manalo ng Premier League.

50:12.160 --> 50:15.640
Ibig sabihin, sa bawat pound,
makakakuha ka ng £5,000.

50:16.280 --> 50:20.640
Pinakamababang taya 'yon sa kasaysayan
ng League sa team na mananalo ng title.

50:20.720 --> 50:24.960
Baka mas malaki pa ang tsansa mo
na makita si Elvis Presley nang buhay.

50:25.040 --> 50:27.160
Literal na tumataya ka sa imposible.

50:28.799 --> 50:31.640
Di mananalo sa Premier League
ang team gaya ng Leicester.

50:31.720 --> 50:34.600
Bakit imposible? Bakit imposible 'yon?

50:34.680 --> 50:37.160
Hindi 'yon mangyayari.

50:37.240 --> 50:40.480
Sa totoo lang,
ang goal namin, di mapatalsik,

50:41.480 --> 50:44.560
pero gusto ko ang pagiging underdog.

50:44.640 --> 50:47.319
Sa huli, 11 laban sa 11 pa rin.

50:47.399 --> 50:53.280
Di importante kung anong team 'yon,
pwedeng mangyari kahit ano sa football.

50:53.359 --> 50:56.879
Pagkatapos ng 11 years,
nagbabalik siya sa English football.

50:57.399 --> 51:01.280
Ang dating Tinkerman ng Chelsea,
hawak na ang Leicester City.

51:05.520 --> 51:08.319
Laging unpredictable
'yong unang game ng season.

51:08.399 --> 51:11.280
Hindi mo alam kung gaano ka kalakas

51:11.359 --> 51:15.560
kompara sa ibang team.
Pero naging maganda 'yong simula namin.

51:15.640 --> 51:19.040
Ipinasa ni Albrighton.
Sinunggaban ni Huth.

51:19.120 --> 51:23.040
Pumasok. Jamie Vardy.

51:24.160 --> 51:25.920
Nangunguna ang Leicester.

51:27.920 --> 51:31.160
Ipinagpatuloy nila
ang ginawa nila sa nakaraang season.

51:31.720 --> 51:34.040
Naaalala ko,
tahimik lang 'yong selebrasyon.

51:34.120 --> 51:37.640
Dahil ba kasali siya sa England
at sanay na siyang maka-goal

51:37.720 --> 51:39.799
o may ibang nangyayari?

51:43.680 --> 51:45.160
Ilang linggo bago ang laro,

51:46.000 --> 51:51.319
kasama ko 'yong asawa ko,
teammates, partners nila,

51:51.399 --> 51:52.879
nag-poker kami sa casino.

51:53.960 --> 51:57.920
May lalaking naglalakad,
tinitingnan ang cards ng mga tao,

51:58.000 --> 52:02.240
sinasabi niya sa isa pang lalaki
sa mesa kung ano'ng hawak namin.

52:04.720 --> 52:08.120
Bigla na lang nagsimula.

52:08.200 --> 52:10.399
P**A.

52:10.480 --> 52:13.240
Nagliparan 'yong mga shot glass.

52:14.120 --> 52:16.120
Nagkalat 'yong mga baraha.

52:16.920 --> 52:22.280
Ipinakita ni Jamie ang pagiging
taga-Sheffield niya nang gabing 'yon.

52:23.120 --> 52:26.120
Nagbitaw siya ng mga salitang
di niya dapat sinabi.

52:27.760 --> 52:32.359
Naalala kong nakaupo ako sa kama
isang gabi, at itinawag sa amin

52:32.440 --> 52:38.000
na ibinigay sa media ang security cameras.

52:38.520 --> 52:40.640
Naglabas sila ng racism story.

52:41.160 --> 52:44.200
Buwisit, ano'ng ginawa ko?

52:47.960 --> 52:49.399
LAKAD.

52:49.480 --> 52:52.839
May sinabi akong term
na nakakainsulto pala.

52:53.720 --> 52:57.240
Akala ko abbreviation lang 'yon ng Japan.

52:58.399 --> 53:01.080
At napahamak ako.

53:01.160 --> 53:04.080
VARDY, SANGKOT ULIT SA RACE ISSUE
HABANG NASA TUKTOK ANG FOXES

53:04.160 --> 53:08.080
"Racist" ka ba? Hindi ako 'yon.

53:08.160 --> 53:11.080
-Pero naapektuhan siya roon.
-Oo.

53:11.920 --> 53:15.399
-Dahil hindi siya 'yon. Hindi siya gano'n.
-Walang gano'n.

53:15.480 --> 53:17.640
-JAMIE VARDY NA RACIST
-GAGONG RACIST

53:19.000 --> 53:23.160
Magkasama kami araw-araw sa dressing room.
Lumalaban kami para sa isa't isa.

53:23.240 --> 53:24.839
Tuwing weekend.

53:25.560 --> 53:28.960
Kung naging racist siya,
di pa nangyari 'yon kahit kailan.

53:29.960 --> 53:33.319
-NAKAKAHIYANG FOOTBALL CLUB
-GAGONG RACIST SI JAMIE VARDY

53:33.399 --> 53:36.280
Hindi niya sinabi 'yon dahil racist siya.

53:37.560 --> 53:39.960
Sinabi niya 'yon
kasi kulang siya sa kaalaman.

53:40.040 --> 53:42.879
Walang laman
'yong komentong 'yon sa kanya,

53:42.960 --> 53:46.080
pero umamin siya agad sa amin
na sinabi niya 'yon,

53:46.160 --> 53:49.720
at sa tingin ko kumilos ang club
para itama 'yong nangyari.

53:51.280 --> 53:55.960
Pwede nilang tapusin ang kontrata ko
o pagmultahin ako, o ibenta ako.

53:56.040 --> 53:58.560
Kaya ang hirap sa gano'ng sitwasyon.

53:59.200 --> 54:02.440
Kinumpirma ng Leicester
na pinagmulta si Jamie Vardy

54:02.520 --> 54:05.280
at sasailalim ito
sa diversity awareness training.

54:05.359 --> 54:08.799
Malaki ang naitulong no'n sa akin.
Di 'yon basta itinuturo.

54:10.480 --> 54:11.600
Lalo na sa…

54:12.960 --> 54:16.799
Sa school, habang lumalaki,
tinuturuan ka kung ano ang racist,

54:17.480 --> 54:22.520
ano ang mga salitang bawal gamitin,
at 'yong mga dapat talagang iwasan.

54:23.359 --> 54:28.000
Sa tingin ko,
malaking aral 'yon para sa akin.

54:29.440 --> 54:32.200
Pagkatapos no'n, magte-training ako, uuwi,

54:32.280 --> 54:35.520
umiiwas na sa mga bagay
na magdadala sa 'yo sa gulo

54:35.600 --> 54:38.520
o magdadala ng problema.

54:39.040 --> 54:43.280
Napagtanto namin
na di na kami normal na mga tao.

54:43.359 --> 54:48.359
Kahit anong pilit naming
mamuhay nang normal,

54:49.040 --> 54:50.920
hindi na namin magawa 'yon.

54:51.520 --> 54:55.839
Kitang-kita sa pangyayaring 'yon
kung paano nagbago ang lahat.

54:55.920 --> 54:57.120
Mami-miss kita.

54:57.920 --> 54:58.760
Lahat.

55:02.200 --> 55:04.440
Dapat mag-move on agad ang club.

55:04.520 --> 55:08.160
Alam niyang kailangan niyang bumawi
sa mga tao.

55:08.240 --> 55:11.480
Pero di inasahan ng mga tao
ang susunod na mangyayari.

55:14.280 --> 55:17.600
Itinodo ni Jamie Vardy ang goal na 'yon.

55:19.720 --> 55:22.000
Eto na si Vardy. Jamie Vardy!

55:22.080 --> 55:25.200
Ang galing niya.
Tuloy-tuloy ang goals niya.

55:25.280 --> 55:28.839
Lumulusot si Vardy. Nakakabilib.

55:28.920 --> 55:31.720
-Di niya mapigilang mag-score.
-Vardy!

55:33.399 --> 55:36.440
Tuloy-tuloy ang pagpuntos niya.

55:38.280 --> 55:41.319
Limang magkakasunod 'yon mula kay Vardy.

55:41.399 --> 55:43.480
Di siya mapigilan sa laro niya.

55:43.560 --> 55:45.839
At pinaabante niya ang team.

55:45.920 --> 55:50.240
Tingnan natin kung makakailang points tayo
at hanggang saan tayo aabot.

55:50.319 --> 55:56.760
Nakuha ni Vardy. Nandito siya!
Naka-score siya ulit! Ang lakas niya.

55:57.280 --> 56:01.000
Napagtanto ko na sunod-sunod 'yong goal ko

56:01.080 --> 56:03.839
noong naglaro kami ng Crystal Palace
sa stadium namin.

56:03.920 --> 56:07.480
Nagawa na naman niya.
Nakapitong laro na siya.

56:07.560 --> 56:09.440
Bago 'yon, hindi ko pa alam.

56:09.520 --> 56:14.600
Eto na si Jamie Vardy.
Halatang makaka-score ulit.

56:14.680 --> 56:18.080
Tuloy-tuloy ang goals ni Jamie Vardy.

56:18.160 --> 56:20.879
Si Ruud van Nistelrooy
ang may record sa League

56:20.960 --> 56:24.359
ng pag-score
sa sampung sunod-sunod na laro.

56:24.440 --> 56:27.359
Napapalibutan ng nakaputi,
pero tuloy lang siya.

56:27.440 --> 56:30.120
Ang galing ni Ruud van Nistelrooy!
Pambihirang goal!

56:30.200 --> 56:34.600
Royalty ng football si Van Nistelrooy.
Naka-score siya sa pinakamalalaking clubs.

56:34.680 --> 56:37.760
At may Jamie Vardy ka
na laking kalye ng Sheffield.

56:37.839 --> 56:40.600
Wala siyang tsansa na mabali 'yong record.

56:41.879 --> 56:45.440
Ito na ba ang oras ni Jamie Vardy?

56:46.040 --> 56:47.680
Ito na ang oras!

56:48.200 --> 56:50.799
Nagpapatuloy ang galing niya.

56:51.319 --> 56:54.879
Naka-score siya para sa pangsiyam
na laban sa Premier League.

56:54.960 --> 56:59.319
Nang umabot ako sa siyam,
isa na lang at maaabot ko na 'yong record.

56:59.399 --> 57:02.919
Sa kanya na nakatutok
halos lahat ng usapan bago ang laban.

57:03.000 --> 57:04.839
Jamie Vardy, hahabulin ang record.

57:04.919 --> 57:07.919
Sampung magkakasunod
na Premier League games.

57:08.000 --> 57:12.000
Sabi ng lahat sa dressing room,
"Dito na papantayan ang record."

57:12.080 --> 57:14.120
'Yon ang iniisip ng lahat.

57:14.839 --> 57:19.200
'Yong dating record ni van Nistelrooy,
kalaban din ang Newcastle.

57:19.280 --> 57:21.759
Kaya nasa parehong direksiyon 'yon.

57:21.839 --> 57:22.839
Eto na si Vardy.

57:24.720 --> 57:27.640
Sa dikit na laban gaya nito,
siya ang bumabasag.

57:27.720 --> 57:29.520
Ayan na si Jamie Vardy!

57:30.759 --> 57:32.200
Taga-ukit ng kasaysayan.

57:32.919 --> 57:34.560
Sampu sa sampu.

57:35.240 --> 57:40.480
At tuloy ang fairy tale.
Nasa alapaap ngayon si Jamie Vardy.

57:40.560 --> 57:44.680
Si Vardy ang magiging laman ng balita,
na naka-score sa 10 sunod-sunod na laro,

57:44.759 --> 57:48.839
pero paano naman ang Leicester City
na walang talo sa 10 League games?

57:48.919 --> 57:51.799
Hindi sila aalis.
Tingin ko hindi sila aalis.

57:51.879 --> 57:53.399
Mahirap 'yon ipaliwanag.

57:53.480 --> 57:56.720
Cheers, boys. Di ko magagawa 'yon
kung di dahil sa inyo.

57:56.799 --> 58:00.240
Sabi ng coach, magdadala siya
ng beer sa bus at eroplano.

58:00.319 --> 58:02.560
'Yon!

58:04.080 --> 58:07.279
Napantayan niya ang record,
pero kaya mo bang lampasan?

58:07.359 --> 58:11.200
Kung di pa sapat
'yong pakiramdam na parang fairy-tale,

58:11.279 --> 58:14.919
mas naging espesyal 'yon
nang madale ni Jamie Vardy

58:15.000 --> 58:18.080
'yong pang-eleven niya
laban sa Manchester United,

58:18.160 --> 58:19.960
dating team ni van Nistelrooy.

58:20.040 --> 58:22.839
Eto na, naka-set na ang stage,
bukas na ang ilaw.

58:22.919 --> 58:27.240
Ito na ang araw na di natin makakalimutan,
ladies and gentlemen.

58:27.319 --> 58:30.000
Wala nang mas gaganda pa rito.

58:30.080 --> 58:34.480
Ramdam mo 'yong laki
at bigat ng buong laban.

58:35.480 --> 58:38.440
Nakasuporta sa kanya
ang lahat para makuha 'yon.

58:39.600 --> 58:42.120
Pero walang nagsalita tungkol doon.

58:43.560 --> 58:47.919
Ayaw naming makaabala sa ginagawa niya
at ma-pressure sa isang laro.

58:49.600 --> 58:53.560
Pero, sa totoo lang,
hindi siya mukhang nape-pressure.

58:55.120 --> 58:59.160
Naalala ko noong gabi bago ang laban
sa Man United, tinawagan ko siya

58:59.879 --> 59:02.600
at sabi ko, "Kung di mo mabali
ang record, okay lang."

59:02.680 --> 59:05.680
"May sampu ka na. Malaking bagay na 'yon."

59:06.799 --> 59:10.640
Wala siyang reaction.
"Wag kang mag-alala bukas. Ako'ng bahala."

59:11.480 --> 59:14.680
Excited ang lahat na magpasa
para sa goal na 'yon.

59:16.600 --> 59:20.399
Hanapin mo siya. Halos isakripisyo namin
ang goals namin para maka-score siya.

59:22.080 --> 59:27.359
Gabi 'yong laban, tutok ang mga ilaw.
Nakasuporta lahat kay Vardy na maka-score.

59:29.160 --> 59:30.359
Nakapasok siya.

59:30.440 --> 59:34.279
At ipinasa 'yon ni Christian Fuchs
diretso sa kanya.

59:34.879 --> 59:35.919
Fuchs.

59:36.520 --> 59:39.720
Ano'ng inisip mo
pagpasa ni Fuchs sa 'yo at tinira mo?

59:40.480 --> 59:41.799
Wag kang sumablay.

59:44.560 --> 59:46.200
Vardy!

59:47.399 --> 59:51.720
Labing-isa na. Langit 'to
para kay Jamie Vardy.

59:52.480 --> 59:56.000
Wag munang i-print ang mga diyaryo.

59:56.080 --> 59:58.879
Binasag ng isang Leicester player
ang record!

01:00:02.240 --> 01:00:05.040
Noong naka-score ako, grabe 'yong emosyon.

01:00:05.839 --> 01:00:07.200
Puta, akin 'yon.

01:00:08.040 --> 01:00:10.000
In-enjoy ko 'yong sandaling 'yon.

01:00:11.240 --> 01:00:13.319
Di lahat, makakagawa ng record

01:00:13.399 --> 01:00:17.440
pero 'yong makita ang isang kaibigan
at ka-team na nagawa 'yon,

01:00:17.520 --> 01:00:20.240
sobrang saya namin para sa kanya.

01:00:21.440 --> 01:00:23.080
Parang naka-score din kami.

01:00:23.160 --> 01:00:25.560
Pinakamalakas na cheer 'yon
na narinig ko sa stadium.

01:00:26.919 --> 01:00:28.319
MAGPAPA-PARTY SI JAMIE VARDY

01:00:28.399 --> 01:00:31.200
Kasama ko ang buong team sa bawat bitaw.

01:00:31.279 --> 01:00:34.799
Gusto kong gawin 'yon para sa kanila.

01:00:37.040 --> 01:00:40.600
Nag-text siya mula dressing room,
"Ang ganda ng kinalabasan."

01:00:41.480 --> 01:00:42.799
ANG GALING VARDY7!

01:00:42.879 --> 01:00:45.040
Nag-Tweet si Ruud sa 'kin noon.

01:00:45.720 --> 01:00:48.879
Sa oras na 'yon,
akin na 'yong official record.

01:00:50.160 --> 01:00:52.160
Oo, masaya 'yon.

01:00:53.720 --> 01:00:56.000
Pagkatapos ng pag-arangkada niya,

01:00:56.080 --> 01:00:58.799
malapit na kami sa tuktok.

01:00:59.640 --> 01:01:01.120
Ang galing.

01:01:01.799 --> 01:01:04.680
Sabi ng asawa ko,
"Maipapanalo n'yo 'yong Premier League."

01:01:04.759 --> 01:01:07.560
Tiningnan ko siya at sabi ko,
"Kalokohan 'yan."

01:01:11.520 --> 01:01:15.600
Nag-Christmas party kami pagkatapos,
kaya dumiretso na kami sa flight.

01:01:15.680 --> 01:01:18.799
At pagkalapag ko,
tinawagan ako ng asawa ko,

01:01:18.879 --> 01:01:21.600
sabi niya, "Tinatawagan ka ng agent mo."

01:01:21.680 --> 01:01:24.040
Kaya tinawagan ko siya at sabi niya,

01:01:24.839 --> 01:01:27.799
"Sasabihan lang kita,
may balita sa diyaryo bukas."

01:01:27.879 --> 01:01:29.919
Sabi ko, "Tungkol saan?"

01:01:30.000 --> 01:01:32.359
"Wala akong ginawang mali," sabi niya,

01:01:32.879 --> 01:01:37.359
"Hindi, nahanap na nila
ang tunay mong ama," tapos sabi ko, "Ano?"

01:01:39.240 --> 01:01:42.319
May tumawag sa akin
mula sa Mail Online at sabi nila,

01:01:42.399 --> 01:01:46.040
"Kasama namin ang tatay ni Jamie
sa laro niya ngayon."

01:01:46.120 --> 01:01:49.919
Iniisip ko, 'yong tatay niya?
Wala 'yong tatay sa laro.

01:01:50.000 --> 01:01:53.799
Sabi nila, "Hindi. Nanood ng laro
'yong tunay niyang ama."

01:01:53.879 --> 01:01:57.480
Sabi ko, "A, okay."
Di ko alam kung alam niya.

01:01:58.960 --> 01:02:02.839
Tinawagan ko muna 'yong mama niya,
at umiiyak siya at sabi niya,

01:02:02.919 --> 01:02:06.480
"Kailangan mong itigil 'yon. Unfair 'yon."

01:02:07.080 --> 01:02:11.720
Oo, ginawa nila lahat ng research,

01:02:12.640 --> 01:02:14.680
tinunton 'yong totoong tatay mo,

01:02:15.960 --> 01:02:18.040
pinadala sa Swansea,

01:02:18.120 --> 01:02:21.240
binilhan ng ticket
para makunan ng litrato sa stadium,

01:02:21.759 --> 01:02:26.440
tapos ginawan siya ng malaking interview.

01:02:27.160 --> 01:02:30.319
Dumagsa ang press,
mga photographer, at paparazzi

01:02:30.399 --> 01:02:33.399
sa Copenhagen
para kunan ng litrato si Jamie.

01:02:33.480 --> 01:02:36.200
Iniisip ko, kailangan ko siyang iuwi.

01:02:36.960 --> 01:02:40.040
Oo, lumipad ako pauwi
para lang makalayo sa lahat.

01:02:40.960 --> 01:02:44.680
Pinipilit kong intindihin lahat,

01:02:45.919 --> 01:02:47.960
kung ano ba talaga ang nangyayari.

01:02:48.040 --> 01:02:51.000
May idea ka ba
na 'yong ama na nagpalaki sa 'yo,

01:02:51.080 --> 01:02:52.960
hindi mo tunay na ama?

01:02:53.680 --> 01:02:57.680
May konting hinala na ako
noong bata pa ako.

01:02:57.759 --> 01:03:00.960
May mga lumapit sa akin,
"Kilala namin ang papa mo,"

01:03:01.040 --> 01:03:04.080
pero galing sila
sa magkakaibang lugar, kaya parang…

01:03:04.600 --> 01:03:06.680
Sabi nila, "Hindi, 'yong tunay mong papa."

01:03:06.759 --> 01:03:10.560
Di ko pinapansin 'yon noon,
sa totoo lang. Ayokong malaman.

01:03:11.200 --> 01:03:14.480
Pero lumabas na 'to, sabi ko, "Puta."

01:03:14.560 --> 01:03:17.799
Di ko maintindihan
kung bakit interesado ang publiko

01:03:19.359 --> 01:03:20.879
na mag-traumatize ng tao.

01:03:21.759 --> 01:03:23.359
Malupit 'yon.

01:03:24.799 --> 01:03:27.839
Isang araw, record breaker ka,
ang saya ng lahat.

01:03:27.919 --> 01:03:30.759
Kinabukasan,
gusto kang pabagsakin ng media

01:03:30.839 --> 01:03:33.480
at sirain lahat ng pinaghirapan mo.

01:03:33.560 --> 01:03:35.080
At ang hirap noon.

01:03:36.440 --> 01:03:39.399
May mga sulat nang ipinapadala sa club,

01:03:39.480 --> 01:03:44.640
galing daw sa pamilya
ng sinasabing papa ko.

01:03:46.080 --> 01:03:50.680
Kung gusto ko raw makipag-usap,
tita ko raw siya.

01:03:52.720 --> 01:03:55.279
Hindi. Ayoko.

01:03:56.839 --> 01:03:59.040
-Sinubukan ba niya–
-Di siya kumontak.

01:03:59.120 --> 01:04:00.839
Wala siyang ginawa kahit ano.

01:04:00.919 --> 01:04:05.279
Baka binayaran siya para sa article,
masaya naman siya… Bahala siya.

01:04:06.960 --> 01:04:10.480
Sobrang nainis ako kasi naisip ko,

01:04:10.560 --> 01:04:15.319
paano mo hahayaan ang anak mong
lumaki sa maling akala,

01:04:15.399 --> 01:04:19.680
nang walang nagsasabi
kung ano ba talaga ang totoo?

01:04:21.120 --> 01:04:22.680
Walang kapatawaran 'yon.

01:04:25.200 --> 01:04:27.279
Oo, ang bigat pakinggan ng lahat.

01:04:29.640 --> 01:04:33.439
Siguro isa 'yon
sa pinakamabigat na pinagdaanan ko.

01:04:33.520 --> 01:04:36.319
Sa tingin ko,
napagbuntunan ko noon si Mama.

01:04:37.359 --> 01:04:39.600
Dapat sinabihan ako kung totoo 'yon.

01:04:40.319 --> 01:04:42.560
Hindi pa rin nila sinasabi sa akin.

01:04:43.680 --> 01:04:46.160
Hindi pa rin nila nakikita ang mga bata.

01:04:47.120 --> 01:04:49.439
Kaya nagdesisyon akong tapusin na 'yon.

01:04:52.120 --> 01:04:54.080
Kasama ko ang asawa at mga anak ko.

01:04:54.160 --> 01:04:55.399
-Masaya ba?
-Opo.

01:04:56.319 --> 01:04:57.680
Nandito kami, masaya kami.

01:04:58.560 --> 01:05:00.359
-Uy. Nakita ko 'yong volley mo.
-Talaga?

01:05:01.919 --> 01:05:03.640
At 'yon lang ang importante.

01:05:04.160 --> 01:05:07.919
'Yon lang talaga ang importante sa akin.

01:05:08.000 --> 01:05:09.480
Siguruhing masaya sila.

01:05:12.759 --> 01:05:15.759
Paglabas ng balita,
may paparating siyang laban.

01:05:16.399 --> 01:05:18.759
Akala ko wala siya sa tamang pag-iisip.

01:05:19.439 --> 01:05:25.120
At nag-aalala ako
na 'yong naipon na poot at galit,

01:05:25.200 --> 01:05:29.439
makakasama sa laro.

01:05:32.359 --> 01:05:36.000
Makakasira ba 'yon sa kanya,
sa season ng Leicester?

01:05:38.480 --> 01:05:39.520
Nag-alala ako.

01:05:46.399 --> 01:05:47.480
Mahrez! Vardy!

01:05:48.759 --> 01:05:50.040
Pero hindi.

01:05:50.120 --> 01:05:55.560
Naiwasan niya lahat,
na parang hindi 'yon nangyari.

01:05:56.279 --> 01:05:58.000
Saan niya tinatago ang sakit?

01:05:59.000 --> 01:06:03.200
Saan niya tinatago ang lungkot?
Di ko alam kung saan niya nilalagay.

01:06:03.799 --> 01:06:07.399
May pinagdaanan siya,
pero pagpasok sa laro, todo bigay siya.

01:06:08.359 --> 01:06:10.240
Baka 'yon ang therapy.

01:06:10.759 --> 01:06:15.879
Pagpasok ko sa field, nakatutok lang ako
na manalo at maka-score.

01:06:15.960 --> 01:06:18.359
Sa tingin ko, gano'n ko hinarap 'yon.

01:06:19.200 --> 01:06:23.080
Nakakahawa 'yong kumpiyansa niya
at kung paano siya maglaro.

01:06:23.160 --> 01:06:27.919
Siya 'yong nagdikta sa takbo ng laro.
Kailangang sundin 'yon ng lahat.

01:06:29.240 --> 01:06:33.200
Nabalik kay Vardy,
tapos kay Okazaki. Pasok na naman sila!

01:06:33.279 --> 01:06:35.439
Naka-score ulit sila.

01:06:35.520 --> 01:06:37.600
Lumilipad ang Leicester.

01:06:37.680 --> 01:06:40.480
Ayan si Vardy, nakabantay kay Butland.

01:06:42.120 --> 01:06:44.319
Pagdating nila sa tuktok ng Premier League

01:06:44.399 --> 01:06:47.759
at nakita mo 'yon sa screen mo,
parang typo 'yon.

01:06:48.759 --> 01:06:51.279
Alam kong kaya natin.
Nakalaan 'to sa Leicester.

01:06:51.359 --> 01:06:53.200
Nasa tuktok na tayo ng league!

01:06:53.279 --> 01:06:56.839
Kinukurot mo 'yong sarili mo,
iniisip mo, "Totoo ba 'to?"

01:06:56.919 --> 01:06:59.640
Lahat ng lahi at relihiyon,
nahumaling sa football.

01:06:59.720 --> 01:07:03.720
Dahil sa kanila, maraming negosyante
ang sumubok ng mga bagong idea.

01:07:03.799 --> 01:07:07.799
Sa isang tindahan, makakabili ka
ng Might Mahrez, o Vardy Burger,

01:07:07.879 --> 01:07:09.879
at katernong Vardy coffee.

01:07:10.879 --> 01:07:14.279
Di mo inaasahan na ganito
ang magiging takbo ngayong taon.

01:07:14.359 --> 01:07:16.439
Masaya ang lahat sa kung ano 'to.

01:07:16.520 --> 01:07:20.480
Nagsasaya kami, naglalaro ng football
na may ngiti sa mga labi.

01:07:21.240 --> 01:07:23.319
Kaya lumalabas 'yong mga resulta.

01:07:23.839 --> 01:07:27.960
Pero sabi ng mga eksperto,
"Matatalo sila sa Liverpool, at tapos na."

01:07:28.040 --> 01:07:31.040
May tatlong laban sila
na talagang mukhang mahirap.

01:07:31.120 --> 01:07:33.520
Liverpool, Manchester City, at Arsenal.

01:07:34.200 --> 01:07:37.560
Pag natalo ka sa tatlong laro,
mawawala ka sa laban.

01:07:38.080 --> 01:07:40.720
Katapusan na ng pangarap mo na titulo.

01:07:40.799 --> 01:07:43.640
Akala ng lahat,
di 'yon kakayanin ng Leicester.

01:07:43.720 --> 01:07:48.480
Mahrez. Ang taas ng pasa. Makikita ba niya
si Vardy? Oo. Naipasok ni Vardy.

01:07:49.240 --> 01:07:51.839
'Yon! 'Yon ang goal ng season!

01:07:51.919 --> 01:07:54.080
Jamie Vardy, ang galing!

01:07:54.160 --> 01:07:57.560
Sabi ko, "Bahala ka.
Ayan. 1-0, kita tayo mamaya."

01:07:57.640 --> 01:08:01.879
Marami na akong nakitang goal,
baka ito ang pinakamaganda ngayong season.

01:08:01.960 --> 01:08:03.960
Isa 'to sa pinakamagandang goal
na nakita ko.

01:08:08.000 --> 01:08:12.000
Tuloy ang Leicester
sa pagsulat ng kakaibang kuwento

01:08:12.080 --> 01:08:14.200
para patunayan ang kanilang galing.

01:08:14.279 --> 01:08:17.599
Big deal na talunin ang Liverpool,
pero para magkatitulo,

01:08:17.679 --> 01:08:20.240
dapat harapin ang pinakamahirap
na laban at manalo.

01:08:20.319 --> 01:08:22.880
Sa puntong 'yon,
pagpunta sa Manchester City

01:08:22.960 --> 01:08:25.760
ang pinakamahirap sa kanila
sa season na 'yon.

01:08:25.840 --> 01:08:30.439
Isa sa pinakamayamang clubs ang City.
Binibili nila ang magagaling na players.

01:08:30.520 --> 01:08:34.120
Bumubuo sila ng super team,
at nangunguna sila sa English football.

01:08:35.080 --> 01:08:37.160
Eto ang Leicester,
dumayo sa Manchester City,

01:08:37.240 --> 01:08:40.920
dala ang team na halos 10% lang
ng budget ng team ng City.

01:08:41.000 --> 01:08:44.000
Ang sama ng dating.
Parang di nila kakayanin.

01:08:44.679 --> 01:08:47.679
Pag gumastos ang Leicester
ng 500 million pounds next three years,

01:08:47.760 --> 01:08:49.880
may tsansa silang manalo.
Kung hindi, wala.

01:08:49.960 --> 01:08:52.920
-Ito na ang best chance nilang manalo.
-Di sila mananalo.

01:08:53.000 --> 01:08:54.639
Pero best chance nila 'to.

01:08:54.720 --> 01:08:56.920
Three years pa. Ngayon na, di ba?

01:08:58.040 --> 01:09:00.720
Sabi ng lahat,
babalik ang Man City sa tuktok,

01:09:00.800 --> 01:09:03.840
babagsak ang Leicester,
City ang magiging kampeon.

01:09:03.920 --> 01:09:07.000
Sa simula pa lang,
5,000 to 1 ang tsansa ng Leicester

01:09:07.080 --> 01:09:10.399
mapanalunan ang titulo.
Magandang tagumpay na 'yon.

01:09:10.479 --> 01:09:11.920
Kanino ang happy ending

01:09:12.000 --> 01:09:15.240
sa huling kabanata
ng kuwento ng dalawang lungsod?

01:09:16.240 --> 01:09:20.000
Di kami natakot.
Sobrang relaxed ang lahat.

01:09:20.679 --> 01:09:21.520
Bless you.

01:09:23.279 --> 01:09:25.679
Lumusot sa likod ni Okazaki… pero pasok!

01:09:26.479 --> 01:09:31.160
Naka-score si Robert Huth sa Leicester
sa dalawa't kalahating minuto.

01:09:31.920 --> 01:09:33.120
Riyad Mahrez.

01:09:33.920 --> 01:09:35.639
2-0 Leicester.

01:09:37.080 --> 01:09:40.359
Header mula kay Huth. Tatlo na. Ang husay.

01:09:40.880 --> 01:09:44.080
Di lang nila tinatalo
ang pinakamayamang club sa bansa,

01:09:44.160 --> 01:09:47.560
dinudurog pa nila ang mga 'to
sa sarili nilang bakuran.

01:09:47.639 --> 01:09:52.040
Ang lamang namin sa ibang teams,
'yong pagkakaisa namin.

01:09:53.120 --> 01:09:57.200
May team kami na handang gawin
ang lahat para sa isa’t isa.

01:09:57.880 --> 01:10:01.480
Pagkatapos ng laban sa Man City,
nagsimulang tumaas ang tsansa

01:10:01.560 --> 01:10:04.240
ng Leicester na maging kampeon
sa unang pagkakataon.

01:10:04.320 --> 01:10:08.560
Kaya nila 'yon.
Maipapanalo natin ang league.

01:10:08.639 --> 01:10:10.840
Parang may espesyal na nangyayari.

01:10:10.920 --> 01:10:15.040
Magagawa namin ang imposible,
pero nagsimulang bumigat ang pressure.

01:10:17.120 --> 01:10:21.160
Baka di na 'yon maulit.
Di pwedeng palampasin 'yon ngayon.

01:10:21.240 --> 01:10:25.440
Malayo na ang narating namin.
Dapat samantalahin namin ang pagkakataon.

01:10:25.520 --> 01:10:28.000
Dapat agawin namin 'yon ng dalawang kamay.

01:10:28.080 --> 01:10:32.480
Ang Leicester na nanalo
sa Manchester City, nananalo sa Arsenal.

01:10:33.080 --> 01:10:36.280
Nalagasan na sila ng tao,
nawala pa sa kanila ang bola.

01:10:37.760 --> 01:10:40.120
Kailangan ito ng Arsenal.

01:10:40.200 --> 01:10:42.639
Ipinasa ni Özil. Welbeck!

01:10:44.200 --> 01:10:46.080
Ayan ang fairy tale.

01:10:46.960 --> 01:10:50.080
Mapapaiyak ka
para sa Leicester. Ang sakit.

01:10:51.920 --> 01:10:56.040
Pero sinagad ng Arsenal ang laban
hanggang sa mga huling segundo.

01:10:56.120 --> 01:10:58.960
Sinasabi ng lahat,
"Baka 'yon na ang katapusan.

01:10:59.040 --> 01:11:01.240
Ubos na ang lakas nila. Tapos na."

01:11:01.320 --> 01:11:04.720
Pero ang Leicester crowd,
akala mo, 3-0 win kung magsaya.

01:11:04.800 --> 01:11:09.240
Tumayo lahat, standing ovation.
Nagsasaya sila na parang nanalo kami.

01:11:09.320 --> 01:11:10.560
Grabe ang fans namin.

01:11:11.360 --> 01:11:15.520
Ang gusto nilang makita,
binibigay mo lahat anuman ang resulta.

01:11:16.560 --> 01:11:18.880
'Yon ang ginawa namin. Nagsikap kami.

01:11:19.800 --> 01:11:21.880
Iniisip namin, "Una pa rin tayo."

01:11:21.960 --> 01:11:26.000
"Pag nakuha natin ang ganitong puntos,
mananalo tayo sa league."

01:11:26.080 --> 01:11:29.880
Pag ramdam mo na naniniwala
ang fans at players,

01:11:29.960 --> 01:11:34.040
may unti-unting sumisiklab sa loob.

01:11:34.639 --> 01:11:37.120
Sa isang iglap,

01:11:37.200 --> 01:11:39.880
naging Leicester fans ang lahat noon.

01:11:39.960 --> 01:11:44.880
Sikat ang Leicester dahil kumalat
ang kwento nila sa buong mundo.

01:11:44.960 --> 01:11:47.760
Gusto ng lahat na manalo ang Leicester.

01:11:47.840 --> 01:11:50.880
Hindi lang 'yong pera ang nagdedesisyon,

01:11:50.960 --> 01:11:53.280
o kung sino'ng may pinakamagarang team,

01:11:53.360 --> 01:11:57.240
kundi 'yong puso
at pagmamahal sa laro ang nananalo.

01:11:57.320 --> 01:11:59.880
Tingin ko,
'yon ang pinaniwalaan ng marami.

01:11:59.960 --> 01:12:03.440
Pag nanalo ang Leicester,
unang beses 'to sa loob ng 12 taon

01:12:03.520 --> 01:12:06.599
na di naipanalo
ang Premier League ng mga higante,

01:12:06.679 --> 01:12:09.920
ng Manchester United,
Manchester City, o Chelsea.

01:12:10.000 --> 01:12:13.960
Kapag kagaya namin ang nanalo,

01:12:14.960 --> 01:12:17.080
maniniwala silang kaya rin nila.

01:12:17.160 --> 01:12:22.280
Alam naming di kayo maniniwala

01:12:22.360 --> 01:12:24.360
Mananalo tayo sa league

01:12:24.440 --> 01:12:27.720
Bilang fan, di mo akalaing mangyayari 'to.
Pinapanood mo lang 'to sa iba.

01:12:27.800 --> 01:12:32.320
Di mo inaasahan na ikaw ang susunod
na mananalo. Biglaan lang. Pwede pala.

01:12:33.200 --> 01:12:37.320
Hindi lang sa labas ng stadium,
pero sa loob din.

01:12:37.400 --> 01:12:40.639
Ramdam nila na abot-kamay na nila 'yon.

01:12:41.360 --> 01:12:44.840
Sobrang lapit mo na,
tapos biglang nagbago ang lahat.

01:12:49.080 --> 01:12:49.960
Eto si Vardy.

01:12:50.040 --> 01:12:54.240
Pinasok ang bola,
at nagkabuhol-buhol ang mga binti.

01:12:54.320 --> 01:12:59.160
Bumagsak ako. Narinig ko 'yong pito.
Akala ko may penalty siya.

01:13:00.200 --> 01:13:04.360
Naglakad siya papasok,
at bigla niyang itinuro 'yong kabila.

01:13:05.000 --> 01:13:08.480
Binigyan sila ng free kick,
ako pa ang na-book, diving daw.

01:13:08.560 --> 01:13:12.320
Ang striker na si Jamie Vardy,
pinaalis sa laban.

01:13:12.400 --> 01:13:16.840
Nagpanting ang tainga ko
at minura ko siya.

01:13:17.760 --> 01:13:19.840
GALIT NI VARDY, BANTA SA TITLE RACE

01:13:19.920 --> 01:13:24.240
Lumabas na ang balita.
Suspendido si Vardy sa dalawang laro.

01:13:25.160 --> 01:13:29.320
Paano 'yon kakayanin ng Leicester?
Tinatanggal mo ang star player nila.

01:13:32.720 --> 01:13:34.480
Dahil sa reaksiyon ko sa ref,

01:13:34.560 --> 01:13:37.240
di ako makakalaro
sa game sa Swansea at Man U.

01:13:38.360 --> 01:13:42.440
Pagkatapos no'n, akala ko tapos na.
'Yon ang pinakahihintay ng lahat.

01:13:43.320 --> 01:13:45.840
Ang pangit ng tiyempo. Pangit talaga.

01:13:46.520 --> 01:13:49.480
Apat na laro na lang,
at dikit pa rin ang laban.

01:13:50.080 --> 01:13:52.040
Kasunod lang namin ang Tottenham.

01:13:55.200 --> 01:13:58.200
Si Harry Kane,
main striker at captain ng Tottenham,

01:13:58.280 --> 01:14:02.280
nag-post sa social media
ng litrato ng ilang leon na nagha-hunt,

01:14:02.360 --> 01:14:04.840
parang nagsasabing,
"Hahabulin namin kayo."

01:14:06.639 --> 01:14:08.360
Walang katulad si Vards,

01:14:08.440 --> 01:14:13.920
pero ang sukatan ng magandang team
ay kung kaya nilang harapin ang problema.

01:14:14.000 --> 01:14:18.760
Nandiyan 'yong taong gusto nilang maglaro.
Mawawalan sila ng 22 goals ni Vardy.

01:14:18.840 --> 01:14:21.040
Ngayon, isa siyang fan.

01:14:21.120 --> 01:14:23.599
Nagkaroon ng tensiyon sa Swansea game.

01:14:23.679 --> 01:14:26.400
Pinagkait sa kanila
ang kanilang star striker.

01:14:27.200 --> 01:14:29.040
Nakakakaba 'yon. Ayoko 'yon.

01:14:29.960 --> 01:14:33.400
Baka tingin niya, binigo niya kami,
pero di gano'n sa amin.

01:14:33.480 --> 01:14:38.719
Nasa amin na ngayon ang responsibilidad
na manatili do'n hanggang makabalik ka.

01:14:38.800 --> 01:14:40.000
Papunta kay Mahrez.

01:14:40.800 --> 01:14:42.320
At naka-score si Mahrez.

01:14:44.040 --> 01:14:47.960
Masaya akong pinapanood 'yong team.
Ang galing ng ginawa nila.

01:14:48.040 --> 01:14:52.040
Gray. At hinampas ni Albrighton.

01:14:52.120 --> 01:14:56.520
Doon na tumahimik lahat. Sabihin mo
ang gusto mo, pero di kami aalis.

01:14:56.599 --> 01:14:59.480
Nandiyan man o wala si Vardy, kaya namin.

01:14:59.560 --> 01:15:02.360
Di mapipigilan ang sigla ng Leicester.

01:15:04.360 --> 01:15:07.080
Parang nangyayari na.

01:15:09.400 --> 01:15:12.160
Kapag nanalo ka sa Man U,

01:15:12.240 --> 01:15:15.679
wala nang makakapigil sa amin
para maging champions.

01:15:16.280 --> 01:15:18.240
Pinagdudahan ang Leicester.

01:15:19.679 --> 01:15:22.760
Sinagot nila bawat mahirap na tanong.

01:15:23.280 --> 01:15:26.360
Mabigat 'yong hamon
kapag panalo ang kailangan,

01:15:26.440 --> 01:15:28.040
lalo na sa Old Trafford.

01:15:28.639 --> 01:15:31.200
Malakas ang simula ng Manchester United.

01:15:31.280 --> 01:15:34.000
-Si Lingard.
-Nanguna sila sa first 20 minutes.

01:15:34.080 --> 01:15:35.520
Ramdam mo 'yong iniisip nila,

01:15:35.599 --> 01:15:38.719
"Sino ba'ng mga 'tong nag-aakalang
mananalo sila sa stadium natin?"

01:15:38.800 --> 01:15:40.880
"Di Leicester. Di sila mananalo."

01:15:40.960 --> 01:15:42.639
Ayan si Martial!

01:15:46.400 --> 01:15:49.480
Nagsagupaan sila. At sumugod si Morgan.

01:15:49.560 --> 01:15:52.360
'Yong goal ko laban sa Man United,

01:15:52.440 --> 01:15:56.480
espesyal 'yon, tumakbo ako pabalik
sa mga tao at tinuro ko si Mama.

01:15:56.560 --> 01:16:00.719
Tumakbo ang captain na si Wes Morgan
papunta sa Leicester fans.

01:16:04.719 --> 01:16:07.280
Di man nanalo para maging champion noon,

01:16:07.360 --> 01:16:09.560
papunta pa rin 'yon sa tamang landas.

01:16:11.480 --> 01:16:15.520
Kahit nakapuntos ang Leicester,
nagkatsansa pa rin ang Tottenham

01:16:15.599 --> 01:16:18.360
kasi pwede pa silang maging champions.

01:16:19.200 --> 01:16:22.599
Hindi pa ngayon ang oras ng Leicester,

01:16:22.679 --> 01:16:25.480
nasa Spurs na ang bigat ng laban.

01:16:25.560 --> 01:16:28.560
Kinabukasan, dapat talunin
ng Tottenham ang Chelsea

01:16:28.639 --> 01:16:31.000
para magkapag-asa pa sa titulo.

01:16:31.080 --> 01:16:35.800
Kapag di nanalo ang Tottenham sa Chelsea,

01:16:36.400 --> 01:16:39.480
champions na kami,
di na nila kami maaabutan.

01:16:39.560 --> 01:16:44.400
Danny Drinkwater!

01:16:44.480 --> 01:16:47.920
Sabi ni Vards,
"Manood tayo ng laro sa bahay ko."

01:16:52.280 --> 01:16:53.560
Tinatawagan niya ako.

01:16:53.639 --> 01:16:57.280
Sabi niya, "Babalik ang team
para manood ng laro ng Chelsea."

01:16:58.679 --> 01:17:02.800
-Sabi ko, "Ano, lahat?"
-Oo, tingin ko magandang idea 'yon.

01:17:05.760 --> 01:17:08.200
Kumalat na agad 'yong balita

01:17:08.280 --> 01:17:11.400
kasi nagsidatingan na ang fans sa bahay,

01:17:11.480 --> 01:17:13.080
nakatayo sa labas ng gate.

01:17:13.639 --> 01:17:16.639
Sabi ko, "Uy, di pa nanalo ang Leicester."

01:17:18.480 --> 01:17:22.560
Gabi ito kung saan parang bata
ang Leicester sa bisperas ng Pasko,

01:17:22.639 --> 01:17:24.480
puno ng sigla at pananabik,

01:17:24.560 --> 01:17:28.840
habang papalapit na
sa matagal nang inaasam na tagumpay.

01:17:28.920 --> 01:17:32.520
Kailangan namin ng tabla
o panalo ng Chelsea.

01:17:33.400 --> 01:17:35.719
Pag nangyari 'yon, di na kami matatalo.

01:17:36.280 --> 01:17:41.000
Pero pag nanalo ang Tottenham sa Chelsea,
two points ang hahabulin nila sa amin.

01:17:41.080 --> 01:17:44.599
Pagdating ng susunod na linggo,
medyo tense na ang laban.

01:17:44.679 --> 01:17:47.679
Hindi pa ito nangyari sa world sport.

01:17:47.760 --> 01:17:54.320
Wala pang 5,000-to-1 shot
ang nanalo sa titulo, karera, o laban.

01:17:54.400 --> 01:17:57.480
Malapit nang isulat
ng Leicester City Football Club

01:17:57.560 --> 01:18:02.440
ang bagong kasaysayan
dito sa bansa at sa buong mundo.

01:18:02.520 --> 01:18:05.599
Sabi ko, "Pahingi ng beer.
Kailangan ko niyan."

01:18:05.679 --> 01:18:08.679
"Grabe 'yong kaba ko.
Di ko kaya kung walang beer."

01:18:08.760 --> 01:18:11.320
Kane! Naka-score!

01:18:12.679 --> 01:18:15.480
Buhay na buhay ang Tottenham! Sila pa rin…

01:18:16.080 --> 01:18:19.599
-Okay lang. May oras pa.
-Naku.

01:18:19.679 --> 01:18:24.719
Naka-goal si Son! 2-0 na
para sa Tottenham bago mag-halftime.

01:18:25.320 --> 01:18:29.440
-Nakaupo lang ang lahat, tahimik.
-Hindi 'to mangyayari ngayong gabi.

01:18:30.280 --> 01:18:34.440
Pero pagka-second half,
nakaisa agad ang Chelsea.

01:18:34.520 --> 01:18:37.120
Bumawi ang Chelsea sa malupit na tira.

01:18:37.200 --> 01:18:40.679
Buong bansa, maliban sa fans ng Tottenham,

01:18:40.760 --> 01:18:42.200
gusto kami ang manalo.

01:18:42.800 --> 01:18:45.240
Ayaw ng Chelsea na manalo ang Tottenham,

01:18:45.320 --> 01:18:47.320
at siyempre, para rin kay Claudio.

01:18:48.160 --> 01:18:53.960
Tapos biglang nagpakitang-gilas
si Eden Hazard.

01:18:54.760 --> 01:18:56.840
Diego Costa. Eden Hazard!

01:18:58.000 --> 01:18:59.240
Ang gandang goal.

01:18:59.840 --> 01:19:01.280
Goal ng Leicester.

01:19:01.840 --> 01:19:06.160
Ang saya namin. Nagtalunan kami.
Pero tingin ko di pa tapos ang laro.

01:19:06.920 --> 01:19:09.400
Maghanda kayo, Leicester. Maghanda kayo.

01:19:09.920 --> 01:19:11.160
Eto na.

01:19:12.000 --> 01:19:14.000
Mangyayari na.

01:19:15.000 --> 01:19:15.880
Hipan mo.

01:19:17.000 --> 01:19:20.320
Pumito na, tapos na
ang laban sa Stamford Bridge.

01:19:20.400 --> 01:19:24.560
Ang Leicester City ang champions
sa Premier League.

01:19:28.760 --> 01:19:33.240
Noong narinig ko 'yong huling pito,
grabe 'yong saya ko. Sobrang saya.

01:19:38.560 --> 01:19:41.679
Nagtawanan kami,
sabi namin, "Nanalo tayo sa league."

01:19:41.760 --> 01:19:42.960
"Ang saya nito."

01:19:43.040 --> 01:19:48.840
Champions! Champions! Olé! Olé! Olé!

01:19:50.480 --> 01:19:54.639
Lumalabas lahat ng emosyon,
at di ka makapaniwala na totoo 'yon.

01:19:55.320 --> 01:19:56.599
Ang galing, pare.

01:19:57.560 --> 01:20:00.840
Pinakamasarap 'yon sa pakiramdam.

01:20:04.800 --> 01:20:08.840
Sino'ng mag-aakala na Leicester
ang English Prime League champions?

01:20:10.679 --> 01:20:14.679
Sa labas ng stadium nila,
nagdiwang ang Leicester fans buong gabi

01:20:14.760 --> 01:20:18.200
para sa pambihirang tagumpay sa football.

01:20:18.280 --> 01:20:19.320
Nagawa natin!

01:20:19.400 --> 01:20:21.840
Champions! Olé! Olé! Olé!

01:20:21.920 --> 01:20:25.160
Walang duda
na 'yon ang pinakamalaking tagumpay

01:20:25.240 --> 01:20:26.920
sa kasaysayan ng aming laro.

01:20:27.000 --> 01:20:30.280
Nagbigay ng inspirasyon ang Leicester

01:20:30.360 --> 01:20:35.240
sa bawat manager, player, supporter
na balang-araw, pwedeng sila naman.

01:20:35.320 --> 01:20:38.320
Ang galing. Hindi na namin 'to mauulit.

01:20:40.520 --> 01:20:42.800
Kakaiba ito.

01:20:44.120 --> 01:20:47.200
Isang modernong himala ng football.

01:20:48.960 --> 01:20:51.560
Napatumba nila ang mga kalaban nila.

01:20:53.040 --> 01:20:56.160
Ginulat nila tayong lahat, sa totoo lang.

01:20:57.200 --> 01:20:59.760
Premier League Champions 2016.

01:21:00.400 --> 01:21:03.480
Ang nakakabilib na Leicester City.

01:21:21.599 --> 01:21:22.800
Di kapani-paniwala.

01:21:22.880 --> 01:21:26.960
Sa tingin ko, 'yon ang pangarap
ng bawat footballer.

01:21:54.440 --> 01:21:56.200
Di 'yon basta suwerte para kay Vards.

01:21:56.719 --> 01:22:02.560
Nakuha niya ang Golden Boot,
FA Cup, Community Shield,

01:22:03.080 --> 01:22:04.719
Team of the Seasons.

01:22:05.800 --> 01:22:08.320
Kung titingnan mo
kung saan siya nagsimula,

01:22:09.000 --> 01:22:11.240
gaano siya ka-late pumasok sa laro,

01:22:12.120 --> 01:22:15.960
wala pa akong nakikitang
nakagawa ng gano'n katindi

01:22:16.040 --> 01:22:17.520
sa gano'ng sitwasyon.

01:22:20.320 --> 01:22:22.679
Pumasok ako rito na puno ng tagumpay.

01:22:23.639 --> 01:22:27.120
Pero sa sarili ko, ang importante,
manatili kang humble

01:22:28.120 --> 01:22:30.040
at wag lumaki ang ulo mo.

01:22:30.840 --> 01:22:34.960
Kung iba lang ang nangyari noon,
wala talaga ito rito, kaya…

01:22:36.639 --> 01:22:40.520
Gusto kong mapagnilayan ni Jamie

01:22:40.599 --> 01:22:44.280
kung gaano siya kagaling
sa mga nagawa niya

01:22:45.560 --> 01:22:47.599
at patuloy na ginagawa.

01:22:47.679 --> 01:22:50.599
Pero di niya pinapansin
'yong mga nagawa niya.

01:22:51.840 --> 01:22:55.280
Iisipin ko lahat 'yon
pag retired na ako, pag tapos na ako.

01:22:56.960 --> 01:22:58.520
'Yong mga gano'ng bagay,

01:22:59.080 --> 01:23:01.599
siguradong malalala ko nang todo

01:23:01.679 --> 01:23:04.160
pag huminto na talaga ako sa laro.

01:23:04.800 --> 01:23:06.800
Kailan ka magre-retire?

01:23:07.639 --> 01:23:10.360
Puta. 'Yan ang pinakamalaking tanong.

01:23:11.760 --> 01:23:12.639
Hindi ko alam.

01:23:14.599 --> 01:23:18.560
Naniniwala ako na sasabihin sa 'yo
ng katawan mo kung oras na.

01:23:18.639 --> 01:23:20.880
Nandiyan pa rin ang gutom at sigla ko.

01:23:23.040 --> 01:23:26.920
Leicester ang nagbigay sa akin
ng pagkakataon simula umpisa.

01:23:27.560 --> 01:23:30.719
At tingin ko, nabayaran ko naman sila
hanggang ngayon.

01:23:34.639 --> 01:23:39.840
May malaking breaking news tayo.
Aalis na si Jamie Vardy sa Leicester City

01:23:39.920 --> 01:23:42.960
sa katapusan ng season
matapos ang 13 years sa club.

01:23:43.040 --> 01:23:47.040
Oras na para tapusin 'to.
Sa tingin ko, tama 'yong tiyempo.

01:23:48.320 --> 01:23:50.360
Gusto kong magpasalamat sa lahat.

01:23:50.440 --> 01:23:53.960
Laging may malaking parte
ang Leicester sa puso ko.

01:23:54.040 --> 01:23:57.920
Paalam muna,
pero babalik din ako, pangako.

01:24:02.719 --> 01:24:05.639
Kailan mo malalaman
kung saang club ka mapupunta?

01:24:06.840 --> 01:24:10.120
-Malalaman ko kapag hindi ka na nagtanong.
-Talaga?

01:24:11.040 --> 01:24:12.840
Sasabihin ko sa 'yo.

01:24:17.440 --> 01:24:18.800
Ayoko nito.

01:24:19.840 --> 01:24:21.760
Maganda 'yan.

01:24:21.840 --> 01:24:24.040
Ano? Maganda ba 'to?

01:24:24.599 --> 01:24:25.599
Talaga?

01:24:28.639 --> 01:24:32.400
Hindi 'yon maganda. Bakit gusto mong
ilagay ko sa basurahan?

01:24:32.480 --> 01:24:34.480
Pag naka-goal ka lang.

01:24:36.639 --> 01:24:37.560
Cheers, Mins.

01:24:38.360 --> 01:24:40.360
Binigyan mo si Papa ng card?

01:24:40.440 --> 01:24:42.560
Hangga't di maka-score, itatapon ka.

01:24:42.639 --> 01:24:45.599
-Naku. Talaga?
-Oo.

01:24:51.240 --> 01:24:53.080
-Ready? Talaga?
-Opo.

01:24:53.160 --> 01:24:54.360
Last na 'to?

01:24:55.639 --> 01:24:56.480
Opo.

01:24:58.040 --> 01:24:58.880
Love you.

01:25:00.719 --> 01:25:02.639
HULING LARO NI JAMIE PARA SA LEICESTER

01:25:02.719 --> 01:25:05.719
Huling laro ngayon ni Jamie Vardy
para sa Leicester.

01:25:05.800 --> 01:25:10.440
Sa kanyang 500th appearance,
target niya ang goal 200 para sa team.

01:25:19.480 --> 01:25:22.240
PAALAM SA GOAT

01:25:34.639 --> 01:25:39.000
Ang ganda ng takbo.
James Justin. Jamie Vardy!

01:25:46.800 --> 01:25:49.560
Pang-200 goal para sa club.

01:25:49.639 --> 01:25:53.280
Parang nakatadhana
ang araw na 'to para sa kanya.

01:25:53.360 --> 01:25:58.360
Ang number nine ng Leicester. Jamie Vardy.

01:26:01.639 --> 01:26:04.880
Salamat sa pagtanggap sa akin
at sa pamilya ko.

01:26:04.960 --> 01:26:07.520
Sana nabayaran ko lahat para sa inyo.

01:26:13.520 --> 01:26:16.160
Ano'ng pusta mo kay Vardy
na maulit ang nagawa niya?

01:26:16.240 --> 01:26:19.560
One million to one,
pero tingin ko hindi million.

01:26:19.639 --> 01:26:21.840
Baka ten billion to one.

01:26:22.920 --> 01:26:27.000
Para sa akin, 'yon ang pinaka-inspiring
na underdog story,

01:26:27.080 --> 01:26:30.040
mula sa pinagmulan niya,
nakamit lahat ng tagumpay

01:26:30.120 --> 01:26:31.960
kahit marami ang pinagdaanan.

01:26:32.040 --> 01:26:33.280
MAMI-MISS KA NAMIN!

01:26:35.240 --> 01:26:39.719
Di ko masabi kung paano ko ginawa,
paano 'yon nangyari, bakit 'yon nangyari.

01:26:40.880 --> 01:26:44.400
Pero grabe 'yon.

01:26:44.480 --> 01:26:48.040
SALAMAT VARDS

01:26:48.120 --> 01:26:51.599
Pero alam ko na sa pagsisikap,

01:26:52.880 --> 01:26:56.800
di pagsuko, at pagkakaroon
ng mga tamang tao na sumusuporta sa 'yo…

01:26:59.080 --> 01:27:03.160
pag-uwi sa pamilyang mahal ka,
at hangad ang pinakamabuti para sa 'yo,

01:27:04.520 --> 01:27:09.679
maaabot mo ang pinaniniwalaan mo.
Patunay ako no'n.

01:27:59.120 --> 01:28:01.040
Nagsalin ng Subtitle: Lea Torre
.
Patunay ako no'n.
