WEBVTT

00:11.636 --> 00:12.929
Buksan ko na ba?

00:13.013 --> 00:15.724
Hindi na. Ako na lang kung natatakot ka.

00:15.807 --> 00:17.350
JAPANESE LANGUAGE TEST RESULTS

00:17.434 --> 00:19.102
Hindi ako natatakot.

00:32.449 --> 00:34.826
PASSED

00:36.244 --> 00:37.787
-Pumasa ako.
-Ha?

00:38.663 --> 00:39.956
Pumasa ako!

00:41.750 --> 00:44.210
-Nagawa mo!
-Sorry!

00:44.294 --> 00:45.837
-Congrats, Johan!
-Si Kanau, o.

00:45.920 --> 00:48.089
-Congratulations!
-Himala 'to!

00:48.173 --> 00:49.716
Sorry, Kanau.

00:49.799 --> 00:53.386
Nag-alala ako, kasi mag-e-expire na
'yong working holiday visa mo.

00:53.470 --> 00:56.806
Teka lang. Kung pumasa ka
sa college entrance exams mo…

00:56.890 --> 00:58.808
Pwede ka nang mag-stay sa Japan forever.

00:58.892 --> 01:00.894
Malayo pa 'yong forever.

01:00.977 --> 01:02.395
-Totoo 'yon.
-Sorry.

01:02.479 --> 01:03.813
-Ang ingay namin, 'no?
-Sorry.

01:03.897 --> 01:06.191
-Ikukuha lang kita ng milk.
-Oo nga, milk.

01:06.274 --> 01:07.317
Wag ka nang umiyak.

01:07.400 --> 01:09.069
-Okay lang 'yan.
-Tahan na.

01:09.152 --> 01:09.986
Kanau.

01:10.070 --> 01:12.155
Tara. Milk pang-celebrate.

01:18.495 --> 01:22.957
EPISODE SEVEN: DAHIL SA PAG-IBIG

01:23.708 --> 01:27.253
Madalas puro university graduate
'yong hina-hire namin.

01:29.881 --> 01:32.634
Pagbibigyan kita, kasi guwapo ka.

01:34.010 --> 01:35.970
Dapat makapasok ka sa university

01:36.471 --> 01:38.181
at maging sikat na teacher, ha?

01:38.264 --> 01:39.098
Eto.

01:41.142 --> 01:42.352
Gagalingan ko po.

01:42.435 --> 01:43.436
Sige.

01:45.480 --> 01:48.566
INSTRUCTOR
HWANG JOHAN

01:52.904 --> 01:54.572
Wag kang magpapakalasing.

01:56.783 --> 01:58.660
Hindi ako maglalasing.

02:00.578 --> 02:02.122
Pinaghirapan mo talaga 'yon.

02:03.331 --> 02:05.792
Nagulat din si Sua.

02:06.751 --> 02:10.421
Sabi niya, hindi niya alam
na magaling mag-aral ang kuya niya.

02:12.382 --> 02:13.967
Sa totoo lang, ako din.

02:22.475 --> 02:23.852
Nag-aral akong mabuti.

02:25.186 --> 02:28.022
Oo nga. Alam ko 'yon.

02:40.034 --> 02:42.036
Hindi ako masyadong iinom.

02:42.537 --> 02:43.955
Hinihintay ako ni Kanau.

02:44.038 --> 02:45.331
Ako ang hinihintay niya.

02:47.292 --> 02:48.459
Ako kaya.

02:49.794 --> 02:51.296
-Excuse me po.
-Ano 'yon?

02:51.379 --> 02:52.839
Bill nga po, please.

02:53.631 --> 02:57.844
DAYCARECENTERS.COM

03:01.556 --> 03:02.891
Ryu.

03:02.974 --> 03:03.975
O?

03:06.603 --> 03:07.687
Sa mga susunod na araw,

03:09.397 --> 03:12.108
naisip kong magtingin ng mga daycare
para kay Kanau.

03:12.817 --> 03:13.818
Ha?

03:14.777 --> 03:17.572
Pero three months pa lang si Kanau, a.

03:18.156 --> 03:18.990
Oo nga.

03:19.490 --> 03:24.829
Pero mas madaling makapasok sa daycare
pag wala pang isang taon.

03:25.955 --> 03:29.918
Ang totoo, nagtingin-tingin na din ako.

03:30.418 --> 03:31.377
-Talaga?
-Oo.

03:33.546 --> 03:35.590
Naiisip ko na din

03:36.799 --> 03:38.134
ang magtrabaho.

03:40.261 --> 03:42.722
Parang kayo ni Johan.

03:43.723 --> 03:45.266
Nagpapakahirap kayo.

03:46.559 --> 03:48.102
Ikaw din naman, a.

03:56.527 --> 03:58.071
Mahal ko si Kanau…

04:00.490 --> 04:02.158
nang buong puso ko.

04:04.619 --> 04:05.620
Pero…

04:07.038 --> 04:08.957
gusto ko ding magtrabaho nang maayos.

04:14.003 --> 04:15.588
Makasarili na ba 'ko no'n?

04:15.672 --> 04:17.173
Hindi.

04:18.257 --> 04:19.676
Siyempre, hindi.

04:21.010 --> 04:22.178
Kaya natin 'to.

04:22.762 --> 04:27.433
Wag tayong magpapigil pagdating kay Kanau,
sa trabaho, at sa kinabukasan natin.

04:28.017 --> 04:31.604
Magsisikap tayo
at gagawin natin ang lahat.

04:35.775 --> 04:36.985
Salamat.

04:38.695 --> 04:41.948
-Ayos na 'yong "company employee", di ba?
-Oo.

04:43.574 --> 04:47.620
RYU NARUTAKI, ROOMMATE, COMPANY EMPLOYEE
HWANG JOHAN, ROOMMATE, COMPANY EMPLOYEE

04:47.704 --> 04:49.372
Makakapasok kaya siya?

04:50.373 --> 04:51.457
Sana.

04:58.214 --> 04:59.799
Hello.

04:59.882 --> 05:01.592
-Hello.
-Hello.

05:05.138 --> 05:06.264
Salamat sa pagpunta.

05:06.347 --> 05:08.266
-Sige po, salamat.
-Salamat po.

05:08.349 --> 05:09.809
Salamat po sa pagpunta.

05:09.892 --> 05:11.769
-Babay!
-Babay!

05:12.729 --> 05:16.441
-Babay!
-Babay!

05:16.524 --> 05:18.026
Mommy.

05:18.109 --> 05:21.029
Salamat sa paghihintay, Ms. Aizawa.
Pasok na po kayo.

05:26.451 --> 05:27.452
Sige po.

05:28.578 --> 05:31.205
Matutuwa ang mga bata
sa performance na magkakasama.

05:31.289 --> 05:34.250
Iniimbitahan din naming sumali
'yong mga magulang.

05:35.376 --> 05:38.963
May huling tanong pa po ako.

05:39.047 --> 05:40.048
Sige po.

05:41.049 --> 05:45.803
Alam ko pong roommates kayo.

05:45.887 --> 05:49.724
Pero ano po 'yong eksaktong relasyon n'yo
sa isa't isa?

05:50.308 --> 05:53.644
Gusto ko lang pong malaman,
kasi importante po 'yon

05:53.728 --> 05:57.440
sa nabanggit namin kanina
na mga authorized na tagasundo.

05:57.940 --> 06:00.568
Ganito po kasi 'yan,

06:00.651 --> 06:04.989
tinutulungan po nila akong dalawa
sa pagpapalaki sa kanya.

06:05.823 --> 06:07.241
'Yong "relasyon" po namin?

06:07.325 --> 06:08.701
A…

06:08.785 --> 06:11.037
-Pwede po bang magtanong?
-Sige po.

06:12.663 --> 06:14.082
Kami po…

06:15.833 --> 06:19.837
Gusto po naming maging guardian ni Kanau
kung pwede po.

06:21.005 --> 06:24.383
Nilagay po namin 'yong "roommates"
sa application form,

06:24.967 --> 06:27.136
pero hindi po kami
magkakasama lang sa bahay.

06:28.262 --> 06:30.681
Hindi niya po kami magiging magulang.

06:31.557 --> 06:32.809
Pero seryoso po kami.

06:34.769 --> 06:35.895
Tama po siya.

06:35.978 --> 06:38.689
Seryoso po ito para sa 'min.

06:40.608 --> 06:43.319
Siguro nga po, hindi 'to normal.

06:43.402 --> 06:47.865
Naiintindihan ko din po na medyo weird
na tatlo 'yong guardian ng bata.

06:48.366 --> 06:51.452
Hindi naman weird 'yon.

06:52.161 --> 06:56.916
Masasabi kong medyo kakaiba
'yong gano'ng kalagayan ng pamilya,

06:57.417 --> 07:00.461
pero hindi dahil kakaiba 'yon,
e, masama na.

07:01.671 --> 07:02.672
Di ba?

07:03.256 --> 07:04.257
Opo.

07:12.640 --> 07:14.350
Magandang daycare center 'to.

07:14.892 --> 07:15.893
Ha?

07:17.812 --> 07:19.689
Sabi ko, magandang lugar 'to.

07:20.481 --> 07:23.568
Bumalik na si Sumiko
galing sa maternity leave.

07:23.651 --> 07:24.527
Ayos!

07:24.610 --> 07:26.988
-Congratulations!
-Salamat.

07:27.071 --> 07:29.824
-Mama ka na, pero maganda ka pa din.
-Tumigil ka nga!

07:29.907 --> 07:32.243
-Kumusta ka, Ms. Aizawa?
-Ayos naman.

07:32.326 --> 07:33.828
Welcome back, Sumi.

07:33.911 --> 07:34.912
Salamat.

07:34.996 --> 07:38.082
Sorry kung agad-agad, ha.
Pero pwede bang humingi ng advice?

07:38.166 --> 07:40.209
Agad-agad nga, pero sige.

07:40.293 --> 07:43.421
Tungkol sa mga butones sa dibdib
ng damit na 'to.

07:43.504 --> 07:44.464
Okay.

07:54.474 --> 07:56.309
Sige. Mag-inom na tayo.

07:56.392 --> 07:57.727
Ang galing n'yo today.

07:58.853 --> 08:02.106
Nag-book ka ba sa merong Chamisul?

08:02.190 --> 08:04.525
Chineck ko.

08:04.609 --> 08:05.818
Ayos.

08:05.902 --> 08:08.362
Hay, napagod ako.

08:08.446 --> 08:09.780
Ang galing mo today.

08:09.864 --> 08:10.948
Ikaw din, Mr. Johan.

08:12.200 --> 08:14.410
Johan, ikaw din. Bilisan mo, tara na.

08:15.077 --> 08:17.038
Hindi muna ako sasama ngayon.

08:17.121 --> 08:20.249
Ano ka ba? Ang corny mo.
Hindi ka na din sumama no'ng huli.

08:22.043 --> 08:23.628
Susunduin ko pa 'yong anak ko.

08:23.711 --> 08:26.088
Ano? May anak ka na, Mr. Johan?

08:27.381 --> 08:28.925
Oo, meron na.

08:31.177 --> 08:33.638
Iuwi mo muna 'yong anak mo,
tapos sumunod ka na lang.

08:33.721 --> 08:35.223
Iwan mo ang anak mo sa misis mo.

08:35.306 --> 08:38.559
Wala akong pera pang-inom.
Kung meron man, para sa anak ko na lang.

08:42.855 --> 08:45.316
-Ba't ang tagal mo? Bilis na.
-Okay.

08:53.699 --> 08:54.867
Mr. Johan.

08:55.826 --> 08:59.580
Kung kailangan mo ng pera,
sabihan mo lang ako, a.

09:00.164 --> 09:00.998
Ano?

09:01.082 --> 09:06.671
Bilang magkatrabaho,
dapat nagtutulungan tayo kung kailangan.

09:13.844 --> 09:15.596
Hello.

09:15.680 --> 09:18.349
A, andito na 'yong sundo mo.

09:18.432 --> 09:19.642
Ayan.

09:19.725 --> 09:20.726
Okay.

09:21.936 --> 09:23.729
Hello po.

09:24.939 --> 09:25.898
Ayan na.

09:25.982 --> 09:26.983
Kanau!

09:27.066 --> 09:29.277
Good mood siya buong araw.

09:29.360 --> 09:30.194
Kanau.

09:32.321 --> 09:33.322
Hello.

09:34.532 --> 09:37.034
-Sige, eto na.
-Salamat.

09:37.118 --> 09:39.412
Babay, Kanau.

09:39.495 --> 09:44.542
Kanau.

09:44.625 --> 09:46.043
Hindi ka giniginaw?

09:50.464 --> 09:52.383
Kanau, malapit na tayo sa bahay.

09:52.925 --> 09:55.761
Kanau, malapit na tayo.

10:05.646 --> 10:08.107
-Uy, isara mo 'yong pinto.
-Okay.

10:11.027 --> 10:12.361
Kumusta ang lagnat mo?

10:12.445 --> 10:15.072
-Bumaba na.
-Mabuti naman.

10:15.156 --> 10:15.990
Oo nga.

10:16.073 --> 10:17.575
Sige.

10:17.658 --> 10:18.659
Ayan.

10:19.702 --> 10:20.911
Tingnan nga natin.

10:21.912 --> 10:24.206
Hindi naman bumababa.

10:25.333 --> 10:27.251
Wag ka na munang pumasok ngayon.

10:27.335 --> 10:29.170
Okay.

10:33.132 --> 10:34.425
Hala.

10:35.384 --> 10:36.802
Magpa-checkup ka na sa doktor.

10:37.303 --> 10:40.097
Kung gusto mo,
hindi na din muna ako papasok.

10:40.181 --> 10:42.308
-Pwede kitang samahan—
-Ang OA mo.

10:42.975 --> 10:44.602
Sipon lang 'to.

10:44.685 --> 10:46.354
Hindi ka sigurado.

10:46.437 --> 10:49.690
Kahit bata ka pa,
pwede kang mahawa ng kahit anong sakit.

10:49.774 --> 10:51.567
Sige na po, Doc.

10:52.068 --> 10:54.236
Doc pala, ha?

10:54.320 --> 10:55.154
Ayan.

10:58.741 --> 10:59.742
Aray.

11:08.668 --> 11:09.794
Ano 'to?

11:09.877 --> 11:10.961
Lugaw.

11:13.047 --> 11:14.674
-Kaya mong kumain?
-Oo.

11:16.217 --> 11:17.885
Ingat, mainit 'to. Ayan, o.

11:19.387 --> 11:20.388
Eto.

11:24.141 --> 11:26.102
Medyo nabigla tayo

11:26.185 --> 11:28.688
no'ng tumira tayo
kasama sina Kanau at Sumiko.

11:31.023 --> 11:32.358
Totoo 'yan.

11:52.753 --> 11:54.171
Pwede na din.

11:56.173 --> 11:58.175
-Alam mo?
-Ano?

11:58.801 --> 11:59.760
Luto ni Sumiko 'yan.

12:13.816 --> 12:18.446
Mr. Hwang Johan.
Please enter the examination room one.

12:24.910 --> 12:26.328
Ayun.

12:27.371 --> 12:29.415
Mukhang sipon lang naman 'to.

12:29.498 --> 12:30.708
Okay po.

12:30.791 --> 12:32.668
Reresetahan kita ng gamot.

12:33.169 --> 12:34.712
Salamat po.

12:35.337 --> 12:37.631
A, sandali lang.

12:38.340 --> 12:39.508
Ano, kasi…

12:40.009 --> 12:43.596
Meron pang nakakuha ng atensiyon ko.

12:43.679 --> 12:47.600
Sinulat mo sa medical questionnaire mo
na may pamamanhid sa katawan mo.

12:47.683 --> 12:48.809
Opo.

12:48.893 --> 12:51.479
Gusto mo bang magpa-test
para lang sigurado?

12:53.439 --> 12:54.690
-Okay po.
-Talaga?

12:55.191 --> 12:57.443
Kukuhanan ka namin ng dugo

12:57.943 --> 13:01.113
para i-check 'yong pamamanhid
ng katawan mo.

13:09.955 --> 13:10.790
FUMIE SASAKI

13:10.873 --> 13:13.959
Pinag-isipan namin 'to nang mabuti.

13:14.585 --> 13:15.544
Pero…

13:16.086 --> 13:20.424
kailangan din naming alalahanin
'yong buhay ng ibang residente.

13:21.759 --> 13:27.264
Dahil sa mga problema at reklamo
ng ibang residente at mga pamilya nila,

13:27.348 --> 13:28.808
wala na kaming magagawa

13:29.391 --> 13:33.145
kundi paalisin siya sa facility.

13:33.229 --> 13:36.023
Uy, mas malala
kung iuuwi namin siya sa bahay.

13:36.106 --> 13:39.401
Kung mga caregiver nga, nahihirapan na,
pa'no pa kaming hindi sanay?

13:39.485 --> 13:46.158
Tutulong kaming maghanap ng lugar
na tatanggap kay Ms. Sasaki.

13:46.242 --> 13:48.744
Kami ang nagbabayad sa inyo, a.

13:50.371 --> 13:51.956
Sa pag-aalaga sa magulang mo,

13:52.873 --> 13:54.959
importante ba kung pro ka o hindi?

13:59.255 --> 14:00.256
Hmm.

14:09.139 --> 14:10.391
Ayan.

14:11.350 --> 14:13.185
-Hay.
-Ano'ng problema?

14:15.062 --> 14:16.230
-Gising ba siya?
-Oo.

14:16.313 --> 14:17.398
Gising siya.

14:19.858 --> 14:21.485
Andito na ako.

14:21.569 --> 14:23.112
Tumatawa siya.

14:23.612 --> 14:25.114
Welcome home.

14:25.614 --> 14:27.241
Ang dami mong nainom na milk.

14:27.825 --> 14:28.784
Busog ka ba?

14:28.867 --> 14:30.160
Busog ka na, 'no?

14:30.244 --> 14:31.787
Ang daldal mo.

14:34.123 --> 14:34.957
Hugasan ko na 'to.

14:35.040 --> 14:36.584
-Salamat.
-Sige.

14:38.544 --> 14:39.587
Kumusta si Johan?

14:39.670 --> 14:42.214
Nakauwi na siya.
Sabi sa kanya, sipon lang.

14:42.798 --> 14:43.882
Okay.

14:45.384 --> 14:47.761
Nagkukulong pa din siya sa kuwarto niya?

14:47.845 --> 14:50.764
Oo. Sabi niya, mabuti na 'yong sigurado.

14:58.355 --> 14:59.690
Bubuksan ko ang pinto.

15:06.238 --> 15:08.699
Hanggang kailan ka magkukulong dito?

15:09.617 --> 15:11.952
Kahit hanggang bukas.

15:12.745 --> 15:17.541
-Sipon lang naman, di ba?
-'Yon ang sabi ko, di ba?

15:19.126 --> 15:21.879
Ano? Naghugas ka ba ng kamay?

15:22.963 --> 15:24.173
Naghugas ako.

15:26.508 --> 15:27.718
Nagmumog ka ba?

15:28.928 --> 15:30.387
Hindi pa.

15:30.888 --> 15:33.682
Lagi kong sinasabi sa 'yo
na magmumog ka pagkatapos maghugas—

15:33.766 --> 15:37.227
Sige, okay. Sorry na.

15:37.728 --> 15:39.229
-Uy.
-Ano?

15:39.313 --> 15:40.689
Isara mo 'yong pinto.

15:42.358 --> 15:43.984
Uy, ikaw talaga!

15:49.156 --> 15:50.407
Wag ka nang makulit.

16:02.503 --> 16:04.213
Nag-isip-isip ako.

16:04.296 --> 16:08.676
Maganda sana kung ilalagay natin
'tong picture sa space na 'to.

16:08.759 --> 16:11.095
-Sige.
-Oo nga.

16:13.180 --> 16:14.640
Halimbawa…

16:15.933 --> 16:18.769
-Pwede nating isama 'tong kulay na 'to.
-Sige.

16:18.852 --> 16:20.729
-Ine-emphasize 'yong theme ng season.
-Oo.

16:20.813 --> 16:21.772
-Sige.
-Totoo.

16:21.855 --> 16:23.315
-Ang galing.
-Oo nga.

16:23.399 --> 16:26.527
Ganito bang kulay ng pader
'yong pipiliin natin?

16:26.610 --> 16:27.945
Sige, sa ngayon.

16:28.445 --> 16:30.864
Pwede na siguro nating gawin 'to.

16:30.948 --> 16:33.534
-Sorry, sandali lang.
-Sige.

16:33.617 --> 16:34.451
Hello?

16:34.535 --> 16:37.705
Hello? Ms. Aizawa,
pasensiya na po sa abala.

16:37.788 --> 16:40.374
May lagnat po si Kanau.

16:40.457 --> 16:41.750
A.

16:41.834 --> 16:44.336
Pwede n'yo po ba siyang sunduin?

16:44.420 --> 16:46.839
A, kasi…

16:46.922 --> 16:51.677
Kailangan po kasing sunduin 'yong mga bata
pag 37.5 degrees pataas ang temperature.

16:51.760 --> 16:54.763
Sige. Pupunta na ako.

16:54.847 --> 16:57.516
Matatapos na siguro
ang meeting ko in an hour.

17:11.530 --> 17:14.324
-Hello?
-A, hello? Ms. Aizawa?

17:14.408 --> 17:18.454
-Ito nga.
-A, may lagnat po ulit si Kanau.

17:18.537 --> 17:21.165
Pwede n'yo po ba siyang sunduin?

17:22.249 --> 17:25.043
Sige. Pupunta na ako.

17:25.127 --> 17:26.795
-May suggestion ako.
-Ano?

17:26.879 --> 17:30.799
Buksan na kaya natin nang buo
'tong shoulder area?

17:32.593 --> 17:33.927
Gano'n ba?

17:34.011 --> 17:36.221
Tama. Pwede nga 'yon.

17:36.305 --> 17:39.099
-Mula dito.
-Oo.

17:39.183 --> 17:41.018
-Maganda 'yon.
-Oo.

17:41.101 --> 17:43.228
-Mukhang maganda nga.
-Oo.

17:47.441 --> 17:49.943
Sige na. Daycare center ba 'yan?

17:55.073 --> 17:56.366
Hello?

17:56.450 --> 18:00.579
"May plano kami ng kaibigan ko sa Tokyo."

18:00.662 --> 18:05.042
-"May plano kami ng kaibigan ko sa Tokyo."
-Magaling.

18:05.125 --> 18:09.338
I-practice n'yo naman 'to sa isa't isa.

18:09.421 --> 18:10.756
-Okay po.
-Okay po.

18:12.174 --> 18:13.383
Hello?

18:13.967 --> 18:15.886
-A, sorry, Johan.
-Sige lang.

18:15.969 --> 18:18.639
Tinawagan ako.
Nilalagnat daw ulit si Kanau.

18:19.181 --> 18:21.475
Pwede mo ba siyang sunduin?

18:21.558 --> 18:23.644
Hindi talaga ako makakaalis sa trabaho, e.

18:23.727 --> 18:26.146
A, okay.

18:26.230 --> 18:30.025
Susubukan kong magpaalam
kung makakaalis ako in 30 minutes.

18:30.526 --> 18:32.945
Sige. Hindi, ayos lang.

18:33.445 --> 18:34.655
Naiintindihan ko si Ryu.

18:35.155 --> 18:40.285
Mahigpit ang trabaho ng caregiver,
hindi sila pwedeng tumingin sa phone.

18:40.369 --> 18:41.787
Bubuhatin po namin kayo.

18:41.870 --> 18:43.705
Eto po. Buhat na po namin kayo.

18:45.541 --> 18:47.084
Ayan.

18:49.920 --> 18:52.214
Nakikita n'yo po ba 'yong dagat,
Ms. Sasaki?

18:53.132 --> 18:55.843
Ms. Sasaki, alam ko po
paborito n'yo ang lugar na 'to.

18:58.470 --> 19:00.389
Nakikita n'yo po ba 'yong dagat?

19:02.057 --> 19:03.308
Ayan.

19:05.894 --> 19:07.521
Ang ganda.

19:21.827 --> 19:24.079
Tahimik po ngayon, di ba?

19:34.423 --> 19:37.009
Manong?

19:37.092 --> 19:38.093
Po?

19:41.847 --> 19:45.017
Ang buhay ay…

19:47.394 --> 19:51.523
Wala ka nang magagawa sa buhay.

19:54.151 --> 19:55.152
Ha?

20:03.243 --> 20:07.456
Nakakalungkot 'yong mga tunog.

20:15.464 --> 20:18.133
Napakaraming bagay…

20:20.177 --> 20:25.015
ang lumilipas lang.

20:28.268 --> 20:29.895
Pero alam mo?

20:32.272 --> 20:38.028
May mga bagay din na hindi nagbabago.

20:45.035 --> 20:46.411
A…

20:51.500 --> 20:54.628
Salamat…

20:56.755 --> 20:59.758
sa pagdadala sa 'kin dito.

21:05.764 --> 21:06.974
Wala po 'yon.

21:23.198 --> 21:24.783
Andito na 'ko.

21:24.866 --> 21:26.785
-Welcome home.
-Welcome home.

21:29.538 --> 21:32.958
Sorry, lagi akong nale-late umuwi
nitong nakaraan.

21:33.875 --> 21:37.337
Si Ms. Sasaki ba?
Nakahanap na kayo ng malilipatan niya?

21:37.421 --> 21:42.217
Hindi pa. Naghahanap na kami ni Madoka,
pero hindi madali.

21:44.052 --> 21:45.637
Mainit na 'yong tubig pampaligo.

21:45.721 --> 21:46.722
Okay.

21:48.390 --> 21:50.809
Maliligo na muna ako.

22:19.379 --> 22:21.506
Sumiko. Gusto mong inumin 'to?

22:22.507 --> 22:23.633
Salamat.

22:24.342 --> 22:25.635
-Iiwan ko lang dito.
-Okay.

22:32.476 --> 22:34.394
Salamat sa pagsundo sa kanya kanina.

22:36.271 --> 22:38.273
Tawagan mo lang ako kahit anong oras.

22:38.357 --> 22:43.445
Kung gusto mo, sabihin natin sa principal
na ako ang laging tawagan.

22:43.945 --> 22:45.947
-Sabihin sa principal?
-Oo.

22:46.031 --> 22:47.074
Bakit hindi?

22:58.377 --> 23:00.003
Wow, ang galing.

23:00.087 --> 23:01.338
-Ang lakas mo.
-Kanau.

23:01.421 --> 23:02.756
Halika dito.

23:03.590 --> 23:05.467
Sige. Ayan na.

23:11.556 --> 23:15.894
Kanau, mahal kong Kanau.

23:16.395 --> 23:18.063
Peekaboo.

23:19.940 --> 23:22.651
Kanau.

23:26.113 --> 23:29.324
Sorry. Samahan mo lang ako saglit.

23:30.784 --> 23:32.285
Mr. Hwang.

23:32.369 --> 23:34.079
Mr. Hwang Johan.

23:34.162 --> 23:35.038
Po?

23:35.122 --> 23:36.456
Dito po tayo.

23:36.540 --> 23:39.876
Sige, tara na. Eto na tayo.

23:41.169 --> 23:42.754
Tara.

23:44.214 --> 23:47.342
-Hindi ko alam na may anak ka pala.
-Opo.

23:47.843 --> 23:49.845
Ako po si Kanau!

23:51.221 --> 23:53.056
Mr. Hwang.

23:54.015 --> 23:56.726
Wala namang nakitang problema
sa blood test mo.

23:56.810 --> 23:59.062
Kaya lang…

24:00.021 --> 24:03.650
Eto ang resulta
ng electromyography test mo.

24:05.235 --> 24:06.695
ALS.

24:07.195 --> 24:10.365
Pwede ding SBMA.

24:11.074 --> 24:13.618
Mahirap matukoy, e.

24:14.286 --> 24:17.497
Pero may tsansa na hindi 'yon magagamot.

24:19.666 --> 24:22.627
A, ano…

24:24.588 --> 24:29.467
Ano po 'yong ALS at SBMA?

24:29.551 --> 24:30.886
Sa dalawang 'yon,

24:30.969 --> 24:35.056
unti-unting titigil sa paggalaw
ang mga muscle sa buong katawan mo.

24:35.807 --> 24:39.936
Tapos kalaunan,
mahihirapan ka nang huminga.

24:40.437 --> 24:41.855
Progressive disease ito.

24:50.864 --> 24:52.699
Kaya pa naman pong gamutin, di ba?

24:53.200 --> 24:54.868
Sa puntong 'to,

24:55.619 --> 24:59.789
ikinalulungkot kong sabihin
na walang gamot sa sakit na 'to.

25:01.583 --> 25:03.627
Para sa mga ganitong sakit,

25:03.710 --> 25:09.466
nirerekomenda namin na magpa-test
at magpagamot ka sa sarili mong bansa.

25:11.593 --> 25:14.304
Hindi lang para sa gastusin,

25:15.388 --> 25:19.267
pero sobrang importante
ng suporta galing sa pamilya mo.

25:21.603 --> 25:22.687
Ano sa tingin mo?

25:23.563 --> 25:26.358
Bakit hindi ka magpagamot sa Korea?

25:36.076 --> 25:37.661
Chubby?

25:38.286 --> 25:39.663
-Chubby.
-Chubby.

25:39.746 --> 25:40.747
Chubby.

25:41.540 --> 25:43.083
A, sorry.

25:44.167 --> 25:45.752
-Ryu.
-Ha?

25:46.253 --> 25:48.380
Maaga ang pasok mo bukas, di ba?

25:48.463 --> 25:49.464
Oo.

25:50.465 --> 25:53.260
Pwede mo bang sunduin si Kanau?

25:53.343 --> 25:54.553
Oo naman.

25:55.929 --> 25:58.265
Si Tito Ryu ang susundo sa 'yo bukas.

25:58.348 --> 26:01.268
-Ang saya, di ba?
-Woo-hoo!

26:01.893 --> 26:02.852
Sorry.

26:03.937 --> 26:08.108
Baka hindi muna ako makasundo sa kanya,
kasi magiging busy ako.

26:08.191 --> 26:09.609
Mag-aaral ka para sa exams mo?

26:11.570 --> 26:12.571
Oo.

26:13.405 --> 26:15.448
Good luck.

26:25.834 --> 26:28.920
Bihira mo lang akong tawagin, a.

26:31.381 --> 26:33.133
Wow.

26:33.216 --> 26:35.176
Hindi ko alam ang lugar na 'to.

26:52.068 --> 26:53.486
May nabanggit ka dati…

26:55.280 --> 26:57.157
kung mangailangan ako ng pera.

26:57.240 --> 26:58.325
A, oo.

26:58.825 --> 27:00.410
Bakit?

27:02.412 --> 27:04.039
Ano ba 'yon?

27:06.750 --> 27:11.755
Okay, libre na 'to!

27:17.761 --> 27:18.720
-Ready?
-Ready?

27:18.803 --> 27:21.639
-Cheers!
-Cheers!

27:31.316 --> 27:33.234
WEDNESDAY, DECEMBER 19
12:03 A.M.

27:39.741 --> 27:42.827
Ba't hindi mo siya tawagan
kung nag-aalala ka?

27:43.620 --> 27:45.330
Kasi…

27:45.413 --> 27:47.540
Baka busy siya sa kung ano-ano.

27:51.586 --> 27:53.672
Ang dami mong nainom, ha?

27:53.755 --> 27:55.465
Okay ka lang ba?

27:56.007 --> 27:59.260
Ay, hindi. Wag.

27:59.344 --> 28:00.720
Wag mong gawin 'yan dito.

28:02.722 --> 28:05.016
Pero ang saya, di ba?

28:05.100 --> 28:06.851
-Teka.
-Ay.

28:12.649 --> 28:13.775
Hello?

28:14.401 --> 28:15.819
-Hello?
-Hello!

28:16.319 --> 28:19.406
-Ha? A…
-Kasama ka ba ni Johan sa bahay?

28:19.489 --> 28:21.699
-A, oo. Sino 'to?
-Naku, sorry.

28:21.783 --> 28:25.578
Medyo nalasing
at nakatulog si Johan ngayon.

28:25.662 --> 28:26.705
Ano?

28:26.788 --> 28:30.041
Sige, susunduin ko na lang siya.

28:30.125 --> 28:31.042
Okay lang.

28:31.126 --> 28:35.547
-Pwede naman siyang makitulog sa bahay ko.
-Wag na. Nakakahiya.

28:35.630 --> 28:37.298
Wag kang mag-alala. Ay!

28:37.799 --> 28:40.427
Sige, babay na. Sorry!

28:40.510 --> 28:42.637
Ha? Teka lang.

28:42.721 --> 28:44.305
A, Johan!

29:06.202 --> 29:07.370
Sumiko?

29:10.665 --> 29:13.460
May lagnat si Kanau?

29:14.669 --> 29:17.213
Sige.

29:17.297 --> 29:21.760
Pero may pasok ako mamayang hapon.

29:22.719 --> 29:25.138
Sige. Ano'ng gagawin natin?

29:26.514 --> 29:28.016
Oo.

29:29.058 --> 29:30.810
Sandali lang.

29:31.686 --> 29:32.937
Johan.

29:33.730 --> 29:35.940
Ako na munang bahala sa klase mo.

29:36.441 --> 29:37.984
-Talaga?
-Oo.

29:38.067 --> 29:39.235
Salamat.

29:39.903 --> 29:43.615
A, Sumiko. Pwede pala ako.

29:44.115 --> 29:46.034
Oo. Sige.

29:48.745 --> 29:50.997
-Maraming salamat.
-Wala 'yon.

29:51.498 --> 29:53.958
-Aalis ka na?
-Oo, mauna na ako.

29:54.042 --> 29:56.711
Johan, 'yong bag mo.

29:58.004 --> 29:59.672
-Ingat.
-Salamat.

29:59.756 --> 30:01.758
-Aalis na 'ko. Mamaya na lang ulit.
-Okay.

30:06.471 --> 30:07.764
Hello.

30:13.978 --> 30:17.440
Uy, Mr. Johan. Long time no see, a.

30:17.524 --> 30:19.025
Oo nga po, medyo matagal na.

30:19.108 --> 30:20.235
Kumusta po si Kanau?

30:20.318 --> 30:21.820
Okay naman siya.

30:21.903 --> 30:23.988
Mukhang bumaba na din ang lagnat niya.

30:25.698 --> 30:27.784
-Po?
-Bubuksan ko ang pinto.

30:30.495 --> 30:32.163
Andito na ang sundo niya.

30:34.832 --> 30:36.501
Mas maayos na siya ngayon.

30:37.085 --> 30:38.294
Kanau.

30:38.878 --> 30:41.089
Okay ka lang ba?

30:43.800 --> 30:44.842
Salamat po.

30:57.522 --> 30:58.731
Andito na 'ko.

30:58.815 --> 31:01.109
-Andito na 'ko.
-Welcome home.

31:06.781 --> 31:09.200
-Salamat kanina, a. Life saver ka.
-Wala 'yon.

31:09.284 --> 31:11.619
-Bumaba na 'yong lagnat niya?
-Oo.

31:11.703 --> 31:12.829
Buti naman.

31:26.718 --> 31:27.552
Andito na 'ko.

31:27.635 --> 31:29.429
Uy, welcome home.

31:39.230 --> 31:41.065
Lalabas lang ako saglit.

31:41.149 --> 31:42.150
Ha?

31:55.163 --> 31:56.497
Sa'n ka pupunta?

32:01.586 --> 32:03.004
May lakad ako, e.

32:03.087 --> 32:04.881
Lakad?

32:10.178 --> 32:14.807
Umalis ka din kahapon, a.
Sumagot ka man lang sa tawag.

32:17.060 --> 32:18.686
-Sorry.
-Hindi.

32:18.770 --> 32:21.064
-Ayokong makarinig ng "sorry".
-Sorry.

32:21.814 --> 32:23.524
Sasagutin ko na 'yong phone ko.

32:24.525 --> 32:26.903
Okay, alis na 'ko.

32:35.078 --> 32:36.371
Yun!

32:36.454 --> 32:38.164
-Yun!
-Yun!

32:38.247 --> 32:42.961
Ayos! Ang saya nito. Eto, libre ko na 'to!

32:44.045 --> 32:44.879
Yun!

32:54.931 --> 32:55.807
Ano ka ba?

32:55.890 --> 32:58.810
Mag-ingat ka sa punch-drunk syndrome.

32:58.893 --> 32:59.894
Johan!

33:04.023 --> 33:06.192
Bumabagal ka na, ha?

33:44.647 --> 33:45.648
Ha?

33:48.943 --> 33:50.445
Gising ka pa.

33:51.904 --> 33:53.740
Alam mo ba kung anong oras na?

33:53.823 --> 33:55.575
Hmm.

34:03.583 --> 34:06.669
O, one o'clock pa lang.

34:08.629 --> 34:11.007
Ayu.

34:18.931 --> 34:22.060
Maghugas ng kamay.

34:22.143 --> 34:23.519
-Uy.
-Naghuhugas ako ng…

34:23.603 --> 34:26.189
Tulog na sina Kanau at Sumiko.
Wag kang maingay.

34:26.272 --> 34:27.440
Ha?

34:27.523 --> 34:29.400
Tulog na sila.

34:29.901 --> 34:31.319
A.

34:38.326 --> 34:43.122
Kanau!

34:43.206 --> 34:44.499
Tumigil ka nga.

34:45.333 --> 34:47.585
-Tumigil ka.
-Ha?

34:47.668 --> 34:49.712
Bitawan mo ako!

34:51.506 --> 34:53.466
Do'n ka. Pumunta ka do'n.

34:53.966 --> 34:56.511
Okay, okay.

35:04.477 --> 35:06.229
Lasing na lasing ka.

35:06.729 --> 35:08.106
Buwisit.

35:09.065 --> 35:11.025
Tumahimik ka nga.

35:11.109 --> 35:13.069
Ikaw ang tumahimik.

35:14.904 --> 35:17.281
-Ano?
-Anong "ano"?

35:17.365 --> 35:21.327
Ano bang problema mo?
Kakaiba ang kilos mo ngayon.

35:23.621 --> 35:26.040
Uminom lang ako nang konti, e.

35:26.124 --> 35:28.167
Kailangan nating magtulungan ngayon.

35:30.044 --> 35:31.796
Magtulungan?

35:33.172 --> 35:34.382
E, ikaw?

35:36.300 --> 35:37.927
Minsan ka lang sumundo kay Kanau.

35:38.010 --> 35:39.720
Kaya nag-aayos ako dito sa bahay.

35:39.804 --> 35:41.097
Ako din naman.

35:41.722 --> 35:43.015
Pati si Sumiko.

35:45.726 --> 35:46.727
Ikaw nga,

35:47.228 --> 35:49.355
late ka na laging umuuwi.

35:49.438 --> 35:51.107
Hindi ka din sumasagot sa tawag.

35:51.607 --> 35:55.069
Kami ni Sumiko ang nagbabantay kay Kanau
sa mga oras na 'yon.

35:55.153 --> 35:56.529
Bawal ang phone sa trabaho.

35:56.612 --> 35:58.322
Lahat tayo, nagtatrabaho!

36:01.075 --> 36:02.326
Wag kang maingay.

36:13.588 --> 36:15.173
Dumayo pa ako dito sa Japan.

36:18.301 --> 36:22.138
Tapos pagbabawalan mo pa akong lumabas
para uminom nang ilang beses.

36:28.227 --> 36:30.146
Pinapunta mo ako dito sa Japan.

36:31.314 --> 36:32.398
Ano?

36:33.274 --> 36:35.651
Sina Sumiko at Seiichi.

36:36.569 --> 36:40.031
Ikaw naman talaga 'yong kaibigan nila.

36:41.699 --> 36:43.618
Ba't ganyan ka makapagsalita?

36:45.786 --> 36:46.787
Ano?

36:47.371 --> 36:50.082
Sinasabi mo bang napilitan ka lang
na pumunta dito?

36:51.500 --> 36:53.211
Hindi ko sinabi 'yan.

36:53.878 --> 36:54.712
Hindi…

36:55.671 --> 36:59.383
Masama 'yong lagay mo.
Nag-suggest lang ako na tumira ka dito—

36:59.467 --> 37:00.843
Wag mo akong kaawaan!

37:02.178 --> 37:03.721
Sabi ko, wag mo 'kong kaawaan.

37:09.310 --> 37:10.228
Sinama mo ba…

37:12.063 --> 37:13.439
ako dito

37:14.774 --> 37:17.026
dahil naaawa ka?

37:19.487 --> 37:22.240
This whole time.

37:24.575 --> 37:27.036
Naaawa ka lang ba sa 'kin?

37:28.454 --> 37:31.332
Hindi 'yan ang ibig kong sabihin.

37:35.586 --> 37:36.587
Kung gano'n…

37:38.798 --> 37:40.466
ano'ng ibig sabihin no'n?

37:41.717 --> 37:43.010
Kasi…

38:10.288 --> 38:12.206
May nakilala na akong iba.

38:16.585 --> 38:17.586
Ano?

38:20.673 --> 38:22.883
May nakilala akong gusto kong protektahan.

38:24.301 --> 38:25.469
'Yong taong…

38:28.097 --> 38:29.890
mas importante kesa sa kahit ano.

38:33.394 --> 38:34.854
Gusto kong…

38:39.775 --> 38:41.444
mapasaya ang taong 'yon.

38:42.111 --> 38:43.362
Hindi, teka.

38:46.615 --> 38:47.575
Ano?

38:47.658 --> 38:49.702
Sandali lang.

38:51.454 --> 38:52.955
Ha? Ano'ng sinasabi mo?

38:53.831 --> 38:55.166
Hindi pwede.

38:55.791 --> 38:56.709
Ano?

38:57.752 --> 38:59.462
Masyado kang makasarili.

38:59.962 --> 39:00.921
Oo.

39:02.757 --> 39:03.591
Sorry.

39:03.674 --> 39:05.134
Ayoko ng sorry.

39:05.217 --> 39:07.928
-Sorry.
-Sabi nang wag kang mag-sorry!

39:09.680 --> 39:10.681
A…

39:12.516 --> 39:13.434
aalis na ako.

39:19.106 --> 39:22.818
Naging masaya ako
sa mga oras na nagkasama tayo.

39:27.698 --> 39:30.701
Pero iiwan na kita.

41:04.795 --> 41:05.796
Bye.

41:20.728 --> 41:23.647
Pakitapon na lang 'yong ibang gamit ko.

41:35.159 --> 41:36.577
Tungkol pala sa kanya…

41:37.453 --> 41:38.829
Alagaan mo siya, ha?

41:43.334 --> 41:44.668
Kanau.

41:50.007 --> 41:51.592
Ingat ka, a.

41:58.390 --> 42:00.309
Salamat sa lahat.

46:17.733 --> 46:20.736
Nagsalin ng Subtitle: Precious A.
t ko.
