WEBVTT

00:01.000 --> 00:02.480
ANG MGA KUWENTO AY MAAARING MAY DAGDAG
AT HAWIG SA MGA KARANASAN NG IBANG TAO.

00:02.560 --> 00:04.240
LAYUNIN LAMANG NITO NA MAGBIGAY-ALIW.

00:04.319 --> 00:05.960
WALA ITONG INTENSYONG MAGSULONG NG SEKSWAL
NA GAWAIN O NG NEGATIBONG KAISIPAN.

00:06.040 --> 00:07.800
HUMIHINGI AGAD NG PAUMANHIN ANG PRODUKSYON
PARA SA ANUMANG PAGKAKAMALI.

01:02.040 --> 01:04.160
Naaalala mo ba si Professor Phat?

01:04.840 --> 01:07.720
Siya 'yong prof natin no'ng first year.

01:07.800 --> 01:08.920
May dine-date ka ba?

01:09.920 --> 01:11.679
Queen, nagfi-flirt ka ba sa kanya?

01:11.759 --> 01:13.800
Baliw ka ba? Nakikipagbiruan lang ako.

01:13.880 --> 01:15.800
Akala mo talaga, seryoso siya sa 'yo?

01:15.880 --> 01:17.600
Niloloko ka niya.

01:17.679 --> 01:19.360
ANG NAKARAAN

01:19.440 --> 01:21.280
Kung hindi siya gano'n kabait,
e di, pakawalan mo na siya.

01:21.360 --> 01:22.720
Bakit kumakapit ka sa kanya?

01:22.800 --> 01:24.240
Kasi mahal ko siya.

01:26.920 --> 01:29.200
Di pa rin maisara 'yong kaso?

01:29.280 --> 01:32.160
Parang mas malala pa 'to
sa inaasahan nating lahat.

01:34.399 --> 01:36.280
Sino 'yon?

01:37.160 --> 01:38.839
'Yong naghihintay sa kanya sa kuwarto?

01:39.440 --> 01:42.000
Sabi ni Coach Kwang, hindi rin niya alam.

01:42.600 --> 01:44.039
Umalis na raw siya agad do'n.

01:44.679 --> 01:46.479
Pero puwedeng may magsabi sa 'min
ng tungkol do'n.

01:51.960 --> 01:52.800
GALE, HINDI KO ALAM
KUNG BUHAY PA 'KO BUKAS

01:52.880 --> 01:53.759
PAG MAY NANGYARI SA 'KIN,
MAY IBIBIGAY AKO SA 'YO

01:57.080 --> 02:00.800
Sige. Ako na'ng bahala.

02:00.880 --> 02:01.800
NASA ROOM 703 AKO

02:01.880 --> 02:03.240
Bukas, ha?

02:08.239 --> 02:11.160
Naisip ni Coach Kwang
na sabihin kay Gale 'yong room number.

02:11.239 --> 02:13.440
Naisip niya,
sakaling may mangyaring masama,

02:13.519 --> 02:14.680
matutulungan siya ni Gale.

02:15.359 --> 02:18.320
Pero 'yon nga,
namatay si Queen kinabukasan.

02:19.840 --> 02:24.239
Bale nagpunta si Gale sa kuwarto
na binanggit ni Coach Kwang?

02:24.320 --> 02:27.560
'Yan ang gusto kong malaman kay Gale.

02:29.840 --> 02:32.079
Bakit hindi mo na lang tanungin si Gale?

02:32.160 --> 02:33.840
Nakausap ko na siya.

02:34.680 --> 02:36.320
Kinumpirma pa rin ni Gale na

02:36.400 --> 02:37.959
di niya naaalala
'yong nangyari no'ng gabing 'yon.

02:38.560 --> 02:40.959
Hindi ako sigurado kung naguguluhan siya

02:41.040 --> 02:43.280
o natatakot siya sa kahit ano.

02:43.359 --> 02:45.079
O baka naman wala siyang tiwala sa 'kin.

02:45.160 --> 02:46.440
Kaya nga

02:47.320 --> 02:48.840
kailangan ko ng tulong mo, Papang.

02:49.560 --> 02:50.760
Tulungan ka, pa'no?

02:52.280 --> 02:54.200
Puwede mo bang tanungin si Gale…

02:56.120 --> 02:58.280
kung ano talaga ang nangyari
no'ng gabing 'yon?

02:58.359 --> 03:03.079
Mas komportable si Gale
makipag-usap sa 'yo.

03:03.640 --> 03:06.320
-Sa tingin ko…
-Please, nakikiusap ako sa 'yo.

03:06.400 --> 03:07.880
Hind ako 'yong tinutulungan dito.

03:08.959 --> 03:10.280
Tingnan mo 'to na

03:11.000 --> 03:12.920
pagtulong sa iba mo pang kaibigan.

03:15.000 --> 03:16.880
Tulungan mong maging payapa si Queen.

03:29.640 --> 03:32.519
Pinilit ka ng pulis
para may malaman sa 'kin?

03:32.600 --> 03:34.799
Bakit? Akala niya, nagsisinungaling ako?

03:36.119 --> 03:38.079
Hindi naman sa gano'n. Kasi…

03:38.160 --> 03:40.679
Alam niyang di mo maalala
ang nangyari no'ng gabing 'yon,

03:40.760 --> 03:42.679
kaya nagpatulong siya kay Papang
para tulungan kang mag-isip.

03:42.760 --> 03:45.239
Alam ko
kung ga'no kasama si Queen sa 'tin.

03:45.320 --> 03:47.320
Pero kung talagang pinatay siya,

03:47.399 --> 03:49.720
di ba dapat, makamit natin ang hustisya
para sa kanya?

03:49.799 --> 03:51.640
Ano'ng gusto n'yong gawin ko?

03:51.720 --> 03:54.760
Hindi ako nagsinungaling.
Wala akong dapat itago. Basta…

03:55.359 --> 03:56.440
Wala 'kong maalala kahit ano.

03:57.320 --> 03:59.079
Siguro, dapat kumalma muna lahat.

03:59.160 --> 04:00.720
Pag-isipan muna natin 'to.

04:00.799 --> 04:02.119
Ano ba, wag kang mag-alala, Gale.

04:02.200 --> 04:04.920
Kahit ano'ng mangyari,
nandito ako sa tabi mo.

04:05.000 --> 04:06.040
Lahat kami, nasa tabi mo.

04:08.679 --> 04:10.280
Puwede ko bang gamitin 'yong computer mo?

04:18.479 --> 04:21.880
Nag-text sa 'kin si Queen na i-meet siya
sa kuwarto ng hotel no'ng gabing 'yon.

04:22.479 --> 04:24.120
Hindi ko nakita
'yong text niya sa phone ko.

04:24.200 --> 04:26.240
Baka dinelete ni Toy 'yong message.

04:26.920 --> 04:28.880
Binura 'yong mga text sa phone

04:28.960 --> 04:30.039
pero nasa system pa rin 'yon.

04:30.680 --> 04:32.200
Pinapakita pag nag-log in tayo
sa ibang lugar.

04:32.800 --> 04:35.680
Heto 'yong room number na sinabi
ni Coach Kwang kung saan ako pinapunta.

04:37.520 --> 04:39.479
Ibig sabihin, nagsasabi ng totoo
si Coach Kwang.

04:41.719 --> 04:42.680
Ang weird.

04:43.520 --> 04:45.760
Sa pagkakasabi ni Queen,
parang alam niyang huling message na niya.

04:46.400 --> 04:48.240
Na parang alam niyang mamamatay na siya.

04:49.919 --> 04:53.240
Kung gano'n, at least…

04:53.919 --> 04:57.000
posibleng gusto niyang
ibalik sa 'yo 'yong sikreto mo.

05:00.760 --> 05:02.520
Alam ni Queen na may gustong mamatay siya.

05:04.000 --> 05:05.320
Tinawagan niya rin ako
no'ng huling araw niya.

05:07.880 --> 05:11.280
Kaya baka 'yong tao sa kuwartong 'yon,

05:12.000 --> 05:13.280
planong patayin si Queen
simula pa no'ng una.

05:15.080 --> 05:16.080
Pero sino?

05:16.159 --> 05:17.400
Sino 'yong puwedeng…

05:17.479 --> 05:19.400
may galit sa kanya?

05:35.440 --> 05:37.880
Queen, nandito ako.

05:53.400 --> 05:54.320
Okay ka lang?

05:57.800 --> 06:00.000
Hindi, hindi ako okay.

06:01.080 --> 06:03.599
Galit ako sa sarili ko
kasi nakalimutan ko 'yong gabing 'yon.

06:03.680 --> 06:06.359
Ako dapat 'yong nakakaalam ng lahat.

06:07.039 --> 06:10.400
Kung di ako dinrugs ni Toy hanggang
sa nawala ang alaala ko no'ng gabing 'yon,

06:10.479 --> 06:12.440
-mas madali sana lahat.
-Gale.

06:13.320 --> 06:14.520
Okay lang 'yon.

06:16.120 --> 06:18.799
Naniniwala akong
babalik din ang alaala ng mga tao.

06:19.919 --> 06:21.840
Maaalala mo rin 'yan balang araw.

06:21.919 --> 06:23.479
Pero kailangan ng panahon.

06:25.520 --> 06:26.880
Tingin mo may panahon pa 'ko?

06:27.479 --> 06:29.479
Ipapatawag na ulit ako ng mga pulis
para sa iba pang statements.

06:29.560 --> 06:32.120
Wala akong masasabi sa kanila.

06:32.200 --> 06:35.440
Magiging suspek ba 'ko?

06:35.520 --> 06:38.320
Kumalma ka. Okay lang 'yan.
Magtiwala ka sa 'kin.

06:38.400 --> 06:41.039
May naiisip ka bang ibang tao ngayon?

06:41.880 --> 06:43.719
'Yong sukdulan ang galit kay Queen na

06:43.799 --> 06:46.080
naging kaaway niya,
binalak siyang patayin?

06:46.159 --> 06:47.400
May naiisip akong isang tao.

06:49.440 --> 06:51.640
Hindi, hindi ako.
Si Athens 'yong nakaisip nito.

06:52.200 --> 06:54.479
-Sabihin mo sino'ng pinagbibintangan mo.
-Ha?

06:55.280 --> 06:56.320
Di mo dapat gawin 'to.

07:04.599 --> 07:06.320
Ang healthy ng baby mo.

07:06.400 --> 07:08.880
Congratulations, Ms. Mon. Girl 'to.

07:09.640 --> 07:10.520
Mahal.

07:10.599 --> 07:12.320
-Maraming salamat.
-Welcome.

07:12.400 --> 07:14.400
Phat, tingnan mo'ng baby natin.

07:14.479 --> 07:15.640
Girl siya.

07:18.159 --> 07:21.000
-Maraming salamat, Doc.
-Oo naman. Congrats ulit.

07:25.440 --> 07:27.840
Sobrang cute ng baby natin.

07:28.560 --> 07:31.440
O, wag mong kalimutan
na mag-isip ng pangalan.

07:32.320 --> 07:33.919
Bakit ka nagmamadali?

07:34.880 --> 07:36.239
Kakaalam lang natin ng gender niya.

07:36.320 --> 07:37.880
Matagal-tagal pa bago siya ipanganak.

07:37.960 --> 07:39.000
Ano ka ba, honey.

07:39.080 --> 07:41.200
Pag naging Deputy Minister ka na,

07:41.280 --> 07:42.880
wala ka nang magiging oras para dito.

07:42.960 --> 07:47.280
Kaya kailangan mo 'kong tulungang
mag-isip ng pangalan ngayon.

07:50.200 --> 07:52.799
-Ano kaya dapat?
-Welcome sa hourly news.

07:52.880 --> 07:56.120
Pinagpaliban muna ng mga pulis
ang ulat sa takbo ng imbestigasyon

07:56.200 --> 07:58.440
sa pagkamatay ni Miss Katariya Kijnueng,

07:58.520 --> 08:02.159
o Queen,
isang sikat na online personality.

08:02.239 --> 08:05.400
Sabi nila, ang mga ebidensya
at mga saksi ay di tugma.

08:09.039 --> 08:10.280
Ang tagal nating di nagkita.

08:11.280 --> 08:13.000
Mas hot ka ngayon.

08:13.840 --> 08:17.599
Alam mo, rising moment mo na 'to.

08:17.679 --> 08:19.400
Ang guwapo mo mula ulo hanggang paa.

08:21.280 --> 08:22.719
Sabihin mo lang
kung ano'ng gusto mong sabihin.

08:24.200 --> 08:26.479
Ang yabang mo naman.
Kailan ka ba maa-appoint?

08:28.840 --> 08:30.080
Natatakot ka sa asawa mo?

08:33.240 --> 08:34.919
Congratulations.

08:35.000 --> 08:37.959
Nakita ko'ng post ng asawa mo
sa Instagram niya na buntis siya.

08:38.840 --> 08:39.959
Dapat lalaki ang anak mo.

08:40.559 --> 08:42.840
Kasi kung babae, kinakabahan ako sa karma

08:42.919 --> 08:44.159
na babalik sa kanya.

08:48.560 --> 08:51.480
Sabihin mo na kung ano'ng gusto mo
kundi aalis na 'ko.

08:52.360 --> 08:53.880
Okay.

08:54.880 --> 08:55.840
Sige.

08:56.520 --> 08:59.000
May problema ako.
Kailangan kong humingi sa 'yo ng favor.

09:04.680 --> 09:06.800
Marami ka nang nakuha sa 'kin.

09:06.880 --> 09:09.880
Nangako ka sa 'kin do'n
na buburahin mo 'yong video.

09:09.959 --> 09:12.560
Kahit minsan, hindi ko nakitang tumupad ka
sa pangako mo.

09:12.640 --> 09:14.800
Dahil 'yan sa 'yo at sa katangahan mo.

09:16.839 --> 09:18.920
Gusto mong makasama ako sa kama.

09:19.000 --> 09:21.560
Naniwala ka sa pakulo ko,

09:22.079 --> 09:25.520
nanghihingi ako ng sex video

09:25.600 --> 09:28.520
n'yo ni Gale tapos…

09:29.120 --> 09:31.360
Mas mapapahanga kita kaysa kay Gale.

09:32.120 --> 09:33.400
At naniwala ka do'n.

09:35.360 --> 09:38.720
Hoy. Ano'ng problema?
Hindi ko pa napo-post.

09:40.360 --> 09:41.400
Gusto mo, i-post ko na ngayon?

09:42.120 --> 09:43.120
Gusto mo 'yon?

09:59.880 --> 10:01.319
Huli na 'to na bibigyan kita ng pera.

10:04.280 --> 10:05.360
Hindi, hindi 'to 'yon.

10:06.880 --> 10:08.520
Babayaran mo 'ko ng pera bawan-buwan.

10:09.720 --> 10:11.319
Dapat tatlong beses nito.

10:11.920 --> 10:13.079
Nasisiraan ka na ba ng ulo?

10:13.760 --> 10:14.800
Saan ako kukuha ng pera?

10:15.400 --> 10:16.319
Ano?

10:17.079 --> 10:20.400
Bakit sobrang kuripot
ng soon-to-be Deputy Minister?

10:22.880 --> 10:24.480
Ganito na lang isipin mo.

10:24.560 --> 10:26.400
Ibibigay mo 'yong perang hinihingi ko

10:26.480 --> 10:28.880
o puwede mong tanggihan.
Ano 'yong mas makakasira sa 'yo?

10:33.959 --> 10:38.400
Professor na nang-harass
ng estudyante niya, kinunan pa ng video,

10:39.760 --> 10:41.839
sinend sa ibang estudyante.

10:41.920 --> 10:44.560
'Yong ganitong tao ba'ng
magpapatakbo ng isang bansa?

10:45.520 --> 10:49.360
Kalimutan na natin
'yong malaki, magarbong posisyon.

10:50.079 --> 10:51.360
Magiging tatay ka na.

10:51.439 --> 10:53.280
Tingin mo, magiging okay sa asawa mo

10:54.160 --> 10:56.000
pag nalaman niya kung gaano ka kasama?

10:58.880 --> 11:00.199
Kung talagang halimaw ako,

11:01.360 --> 11:02.760
halimaw ka rin gaya ko

11:02.839 --> 11:04.640
sa pagpilit sa 'kin nang ganito.

11:09.319 --> 11:10.920
Ano'ng nakakatawa?

11:11.920 --> 11:13.959
Wag ka ngang tumawa. Hoy!

11:18.640 --> 11:19.640
Okay.

11:20.800 --> 11:27.160
Puwede mo 'kong tawagin na kahit ano at
purihin ang sarili mo sa pagiging santo,

11:27.240 --> 11:28.079
ayos lang.

11:28.680 --> 11:30.760
Basta ibigay mo 'yong perang sinabi ko.

11:31.360 --> 11:33.760
Kung hindi, ipapakita ko sa kanila
kung ano'ng nasa likod ng maskara mo.

11:37.000 --> 11:38.079
Kailan ba matatapos 'to?

11:39.040 --> 11:40.240
Tinatanong kita.

11:41.160 --> 11:42.560
Kailan ka masa-satisfy?

11:42.640 --> 11:44.000
Baka pag

11:44.079 --> 11:46.160
patay na 'yong isa sa 'tin.

11:51.000 --> 11:52.560
Pag naiisip ko ulit,

11:52.640 --> 11:56.439
ang tanging sikretong tinago ni Queen,
'yong tungkol sa inyo ni Professor Phat.

11:56.520 --> 11:59.880
Kaya puwede talaga na

11:59.959 --> 12:01.839
'yong eskandalong 'to,
di lang makakaapekto sa 'yo,

12:01.920 --> 12:03.560
pero makakaapekto rin sa kanya.

12:04.400 --> 12:08.400
Saka maganda na talaga ang buhay
ni Professor Phat ngayon.

12:08.480 --> 12:11.000
Kung titingnan natin sa pananaw ni Queen,

12:11.959 --> 12:14.680
posibleng i-blackmail siya nito.

12:15.880 --> 12:17.560
Pero hahantong ba talaga
sa pagpatay sa kanya?

12:18.360 --> 12:20.280
Pag-isipan natin.

12:20.360 --> 12:23.079
Kung kumalat 'yong sikreto,

12:23.160 --> 12:26.000
ang laki ng mawawala kay Professor Phat.

12:26.079 --> 12:28.600
Di niya ba gagawin lahat
para mailihim pa rin 'yon?

12:32.719 --> 12:36.520
Hula ko lang 'yon, ha, di ako sigurado.

12:38.439 --> 12:40.599
Bakit hindi na lang natin siya tanungin?

12:42.199 --> 12:43.040
Ano, Gale?

12:44.000 --> 12:45.199
Parang walang saysay na tanungin siya.

12:46.000 --> 12:47.680
Wala siyang sasabihin. Hindi siya tanga.

12:48.280 --> 12:52.240
Kailangan natin ng matibay na ebidensya
bago tanungin 'yong gaya niya.

12:52.839 --> 12:54.319
Pero saan tayo makakahanap ng ebidensya?

12:54.400 --> 12:55.640
Kay RJ.

12:56.640 --> 12:57.839
Malamang, si RJ lang
ang makakapagsabi sa 'tin

12:57.920 --> 13:00.520
kung kanino niya dinala si Queen.

13:29.120 --> 13:30.160
Nasaan ka?

13:30.719 --> 13:31.959
Kanina pa ako naghihintay sa café.

13:32.040 --> 13:33.560
Wala pa siya diyan?

13:34.040 --> 13:34.920
Sino?

13:35.000 --> 13:38.000
Busy ako ngayon,
kaya may pinapunta ako diyan.

13:38.079 --> 13:40.360
Maghintay ka lang, pagmamadaliin ko siya
para makarating diyan.

13:57.400 --> 13:58.240
Hello, sir.

14:00.240 --> 14:01.400
Nasa klase ba kita?

14:02.000 --> 14:04.040
Hindi na 'ko nagulat
na di mo 'ko nakilala.

14:04.120 --> 14:05.719
Lagi akong absent sa klase mo.

14:12.360 --> 14:13.199
Hello?

14:16.640 --> 14:18.599
Oo, nandito na 'ko. Kausap ko siya.

14:19.680 --> 14:20.959
Sige, ibababa ko na.

14:24.560 --> 14:25.560
Nasaan 'yong pera?

14:26.280 --> 14:27.920
Kailangan mong bayaran si Queen
para manahimik siya, di ba?

14:29.439 --> 14:30.959
Ibigay mo na lang para makaalis na 'ko.

14:33.760 --> 14:34.680
Ito?

14:40.680 --> 14:43.000
Bakit mo ginagawa 'to para sa kanya?

14:46.160 --> 14:49.240
Parehas tayo ng dahilan.

14:51.040 --> 14:52.719
Kailangan mo siyang bayaran,

14:52.800 --> 14:55.520
pero ako, slave niya.

14:56.360 --> 14:57.360
Slave niya?

15:01.400 --> 15:02.400
Kasi…

15:02.920 --> 15:04.000
ginagawa ko lahat ng inuutos niya sa 'kin.

15:05.640 --> 15:06.880
Ano'ng sinabi niya sa 'yo na gawin mo?

15:10.000 --> 15:13.120
Mga masasamang bagay, karamihan.

15:13.800 --> 15:16.560
Nito lang, inutusan niya 'kong
magpakalat ng tsismis

15:16.640 --> 15:18.199
na may nangyari sa 'min ng kaibigan niya

15:19.040 --> 15:20.920
kasi nag-aalala siyang
agawin ng kaibigan niya 'yong mahal niya.

15:22.719 --> 15:23.920
Parang demonyo, di ba?

15:24.000 --> 15:25.360
Halimaw talaga siya.

15:29.160 --> 15:30.959
Bale, di ka rin okay sa kanya?

15:31.520 --> 15:32.959
Sino naman ang magiging okay sa ganito?

15:33.560 --> 15:34.479
Gusto ko…

15:35.719 --> 15:36.839
Gusto ko siyang patayin.

15:37.439 --> 15:38.360
Pero…

15:39.199 --> 15:41.680
Di ako nag lakas-loob. E, ikaw?

15:46.439 --> 15:48.319
Sige, aalis na 'ko. Bye.

15:57.839 --> 15:58.839
Puwede ba, wag ka nang manigarilyo?

15:59.599 --> 16:00.680
Ayoko ng amoy.

16:03.680 --> 16:04.680
Nasaan si Toy?

16:08.800 --> 16:10.040
Kumusta ka na?

16:12.520 --> 16:13.719
Sabi ko, kamusta ka na?

16:14.560 --> 16:15.560
Di ako okay.

16:16.640 --> 16:17.640
Hindi ko dapat ginawa 'yon.

16:18.520 --> 16:19.920
Hindi ko dapat ginawa 'yong sinabi mo.

16:22.839 --> 16:24.359
Uy, siguro…

16:24.439 --> 16:27.560
Dapat ba magpunta tayo sa pulis
para tapusin 'to? Okay?

16:29.520 --> 16:30.599
Kailangan mong mag-focus.

16:32.280 --> 16:33.880
Di na maganda ang mga nangyayari.

16:33.959 --> 16:36.280
Pero tingin mo, makakatakas pa tayo dito?

16:36.359 --> 16:37.479
Lumalala na 'to.

16:40.959 --> 16:42.439
Puwede pa nating ayusin lahat.

16:47.560 --> 16:48.640
Natatakot ka.

16:50.959 --> 16:52.079
Sumunod ka dito.

16:52.160 --> 16:54.880
Isipin mo'ng
ginawa ni Queen sa 'ting dalawa.

16:55.839 --> 16:58.040
Dapat lang siyang mamatay nang ganito.

16:58.640 --> 17:00.199
Wala tayong ginawang mali.

17:01.000 --> 17:03.359
Payapa na'ng mundo ngayong wala na siya.

17:05.560 --> 17:06.599
-Ikaw, hayop ka.
-Hoy.

17:07.240 --> 17:08.440
Kasalanan mo lahat 'to.

17:09.000 --> 17:10.079
Pinahamak mo kaming lahat.

17:10.680 --> 17:11.960
Hindi mo masisisi lahat sa 'kin.

17:12.760 --> 17:14.079
Tumanggi kang bigyan ako ng pera.

17:15.079 --> 17:17.560
Hoy! Buwisit! Tama na. Kumalma kayo.

17:19.200 --> 17:20.800
Pinatawag ko kayong dalawa dito
para pag-usapan 'to,

17:20.879 --> 17:22.280
hindi para mag-away.

17:22.359 --> 17:24.560
Buwisit. Ang dami na nating problema.

17:26.879 --> 17:29.399
Sino ba'ng nagdala ng gulo sa 'min, ha?

17:31.120 --> 17:32.560
Hindi ba dahil sa 'yo?

17:33.560 --> 17:34.600
Ano'ng sabi mo?

17:35.280 --> 17:36.879
Anong kalokohan 'yang sinasabi mo?

17:36.960 --> 17:37.760
Gago.

17:37.840 --> 17:39.600
Kung hindi ka nagpakatanga
sa paglipat ng katawan,

17:39.680 --> 17:40.919
tapos na sana.

17:42.080 --> 17:43.080
Di ko alam

17:44.040 --> 17:45.879
na pareho kayong nagplano
para patayin ang babaeng 'yon.

17:46.480 --> 17:47.800
Kung alam ko lang,

17:49.080 --> 17:50.280
di sana ako madadamay dito.

17:50.879 --> 17:52.440
Sobrang malas ko talaga.

17:52.520 --> 17:54.560
Ako 'yong pinakamalas.

17:54.639 --> 17:56.960
Hindi ko akalain
na magiging ganito kalala.

17:57.879 --> 18:00.040
Di mo sinabi sa 'king aabot ka sa ganito.

18:01.320 --> 18:03.159
Ikaw rin. Gaya ng sabi niya.

18:03.240 --> 18:05.960
Kung hindi ka nagpakatanga,
tapos na sana ngayon 'to.

18:07.080 --> 18:09.200
Hoy, sabi ko tumigil na kayo! Buwisit!

18:12.560 --> 18:13.639
Ano na ngayon?

18:14.440 --> 18:15.440
Di ko alam.

18:16.000 --> 18:16.840
Magdesisyon kayong dalawa.

18:17.800 --> 18:18.800
Ano'ng nasa isip mo,Toy?

18:20.639 --> 18:22.639
Kung naniniwala kang makakatakas ka,

18:23.320 --> 18:24.320
bahala ka.

18:25.200 --> 18:26.080
Pero tatakas ako.

18:27.360 --> 18:28.760
Saka bago ako umalis,

18:28.840 --> 18:30.280
isasama ko si Gale.

18:45.840 --> 18:46.879
PROF. PHAT

19:14.159 --> 19:15.679
-Hello.
-Gale.

19:16.800 --> 19:17.840
Kailangan nating mag-usap.

19:19.040 --> 19:20.040
Tungkol saan?

19:20.639 --> 19:21.600
Tungkol sa gabing 'yon.

19:22.679 --> 19:24.480
Tingin ko oras na para mag-usap tayo.

19:30.800 --> 19:33.560
Queen, nandito ako.

20:09.800 --> 20:10.679
Pumasok ka.

20:24.560 --> 20:25.480
Ano 'to?

20:25.560 --> 20:27.120
Kailangan mo ng pera, di ba?

20:28.440 --> 20:30.080
Sabi mo sa 'kin, magtatago ka kung saan.

20:30.159 --> 20:31.919
Kung kailangan mo talaga ng pera,

20:32.840 --> 20:34.879
ako dapat 'yong una mong nilapitan.

20:35.520 --> 20:38.040
Nagtrabaho ka sa 'kin. Tao kita.

20:38.560 --> 20:40.360
Bakit sa iba ka humingi ng pera?

20:45.240 --> 20:46.919
Kailangan mong tumakas
sa border ng Cambodia.

20:47.919 --> 20:49.000
May kaibigan ako do'n.

20:50.679 --> 20:52.720
Siya na'ng bahala
sa pekeng passport at visa mo.

20:53.320 --> 20:55.480
Tapos puwede kang magtago sa ibang bansa.

20:57.200 --> 20:58.240
Salamat.

21:05.000 --> 21:05.960
Salamat.

21:06.040 --> 21:06.960
Hoy.

21:07.840 --> 21:08.919
Puwede kitang ihatid.

21:09.480 --> 21:10.960
Parang dapat, mag-isa akong magpunta do'n.

21:11.560 --> 21:12.639
Sabi ko sa 'yo, wag na.

21:13.240 --> 21:15.639
Ihahatid na kita, mabilis lang 'yan.

21:16.639 --> 21:17.720
Isara mo'ng pinto.

21:24.960 --> 21:26.000
Hoy!

21:28.120 --> 21:29.440
Buwisit.

22:01.879 --> 22:02.919
GALE

22:04.360 --> 22:05.200
Hello, Gale.

22:05.280 --> 22:06.919
Professor Phat.

22:07.679 --> 22:08.960
Tingin ko, dapat tayong mag-usap.

22:09.760 --> 22:11.399
Nasa bahay ako ngayon.

22:11.480 --> 22:13.000
Magpunta ka dito para makita mo 'ko.

22:13.760 --> 22:14.960
Oo naman.

22:28.960 --> 22:29.919
Hello, RJ.

22:30.439 --> 22:32.679
Papang. Papatayin ako ni Professor Phat.

22:32.760 --> 22:34.200
Ha? Ano'ng sabi mo?

22:34.280 --> 22:36.240
Papatayin ako ni Professor Phat.

22:36.320 --> 22:38.760
Teka, kumalma ka. Nasaan ka?

22:38.840 --> 22:41.399
Nasa Phutthamonthon yata?

22:41.480 --> 22:44.399
-Saan ba talaga?
-Hindi ko alam, wag na.

22:44.480 --> 22:47.200
Makinig kang mabuti,
pag may nangyari sa 'kin,

22:47.280 --> 22:48.919
si Professor Phat ang gumawa nito.

22:49.560 --> 22:51.360
Ang totoo, siya 'yong nasa likod
ng lahat ng 'to.

22:51.439 --> 22:52.960
Siya rin ang pumatay kay Queen.

22:53.560 --> 22:55.320
Ano? Ano'ng sabi mo?

22:55.399 --> 22:57.520
Pinatay ni Professor Phat si Queen.

22:58.439 --> 23:00.399
Pero… wala akong ginawa.

23:00.480 --> 23:02.080
Dinala ko lang siya sa kuwarto.

23:02.159 --> 23:05.159
Akala ko, kukuha lang siya ng pictures
para i-blackmail siya.

23:05.240 --> 23:06.560
Hindi ko alam na papatayin niya pala…

23:09.360 --> 23:10.200
RJ?!

23:11.560 --> 23:12.480
Hello?

23:12.560 --> 23:14.879
RJ, naririnig mo ba 'ko? Hello?

23:20.520 --> 23:23.120
Athens, kakatawag lang sa 'kin ni RJ.

23:35.800 --> 23:36.800
Gale?

23:37.720 --> 23:38.720
Gale.

23:39.320 --> 23:40.560
Sabi ko, mag-focus ka.

23:41.679 --> 23:42.919
Ano'ng ginawa mo?

23:44.960 --> 23:45.960
Gusto mo bang magkaroon
ng malaking problema?

23:47.399 --> 23:48.399
Gusto mo bang makulong?

23:49.000 --> 23:51.080
Professor. Sorry.

23:51.840 --> 23:54.080
Please, wag mo 'kong saktan.

23:56.480 --> 23:59.080
-Please.
-Wala 'kong gagawin.

23:59.159 --> 24:01.800
Gusto lang kitang ihatid.

24:02.399 --> 24:03.480
Please. Wala…

24:04.200 --> 24:05.320
Wala akong sasabihin.

24:06.360 --> 24:07.520
Totoo.

24:07.600 --> 24:08.800
E, sino'ng kausap mo?

24:09.840 --> 24:11.840
Ano lang…

24:11.919 --> 24:15.120
Nadulas lang ako. Di naman
maniniwala ang mga pulis sa 'kin.

24:15.200 --> 24:18.720
Sasabihin ko sa pulis
na ako 'yong nag-frame sa 'yo, okay?

24:18.800 --> 24:20.760
Mas pagkakatiwalaan ka ng mga tao
kaysa sa 'kin.

24:22.080 --> 24:23.560
Please, sir.

24:23.639 --> 24:27.439
Ano ba, di sila maniniwala
na 'yong gaya mo, papatayin si Queen.

24:33.040 --> 24:34.200
Makinig ka sa 'kin.

24:34.280 --> 24:38.560
Di 'to tungkol sa kung sino'ng pinatay ko.
Di ako puwedeng madamay sa gulong 'to!

24:39.760 --> 24:41.560
Di ako mananagot
sa mga karumal-dumal na ganyan

24:41.639 --> 24:43.639
na ginagawa ng mga batang gaya mo.

24:45.000 --> 24:46.760
Mas maganda ang magiging buhay ko.

24:49.000 --> 24:50.360
Walang makakapigil sa 'kin.

24:54.120 --> 24:54.919
Sumakay ka sa kotse.

24:55.800 --> 24:58.080
Pag di ka sumakay sa kotse,
tatapusin kita dito!

24:58.679 --> 24:59.760
Sige, papasok ako.

25:07.600 --> 25:08.600
A?

25:10.120 --> 25:11.240
May…

25:12.000 --> 25:13.320
May meeting ako mamayang gabi.

25:13.399 --> 25:15.240
Buong gabi 'yon.

25:16.879 --> 25:18.800
Magkita tayo bukas ng umaga.

25:18.879 --> 25:19.800
Okay?

25:22.080 --> 25:23.159
Bitawan mo 'ko!

25:53.159 --> 25:54.280
MARCH 31

25:54.360 --> 25:56.320
Pupunta si Queen sa party mamayang gabi?

25:57.320 --> 26:00.080
Oo, sa One Night Stand nightclub.

26:01.159 --> 26:03.280
Magda-drugs ba siya sa hotel din na 'yon?

26:04.360 --> 26:08.439
Hindi ako sigurado, pero baka hindi.

26:08.960 --> 26:11.399
Nandon 'yong lalaking crush niya.

26:11.480 --> 26:14.960
Pag nando'n siya,
bilisan mo, timbrehan mo 'ko.

26:15.480 --> 26:18.120
Tatapusin mo talaga siya?

26:19.560 --> 26:20.960
Hindi ko na kaya 'to.

26:21.040 --> 26:23.760
Alam ko.
Hindi ko na rin siya kayang tiisin.

27:08.960 --> 27:10.360
Anong kalokohan 'yang ginagawa mo?

27:10.439 --> 27:13.760
Di ba sabi ko sa 'yo, pag di ka tumigil,

27:14.399 --> 27:15.520
papatayin kita?

27:25.879 --> 27:27.399
Matagal ko na 'tong pinlano,

27:27.480 --> 27:30.679
simula no'ng nalaman ko na nagrenta ka
ng kuwarto dito para mag-drugs.

27:39.360 --> 27:41.000
Kung bibigyan kita ng gamot na 'to,

27:41.840 --> 27:43.240
sobrang dami,

27:46.000 --> 27:47.280
at itutulak ka sa balcony,

27:49.600 --> 27:50.960
walang maghihinala sa 'kin, tama ba?

27:52.080 --> 27:56.600
Maniniwala silang high ka
at tumalon ka mag-isa.

27:57.960 --> 27:58.800
Wala kang masabi?

27:59.320 --> 28:01.240
Ngayon, natatakot ka?

28:03.040 --> 28:05.360
Ano'ng pakiramdam maging biktima?

28:05.960 --> 28:07.040
Hindi na matalas ang dila mo ngayon?

28:07.879 --> 28:11.199
Sino'ng natatakot? Baka ikaw.

28:11.280 --> 28:12.760
Alam ko

28:14.040 --> 28:15.399
na hindi mo 'yan gagawin.

28:16.560 --> 28:17.560
Hinahamon mo ba 'ko?

28:19.960 --> 28:21.360
Sige lang!

28:21.439 --> 28:22.600
Patayin mo 'ko.

28:26.520 --> 28:27.399
Sige.

28:30.360 --> 28:31.360
Buwisit!

28:47.040 --> 28:48.040
Ano'ng tinatawa-tawa mo?

28:54.280 --> 28:55.240
Tingnan mo'ng mukha ko.

29:02.240 --> 29:03.800
Sino'ng maniniwala ngayon

29:05.199 --> 29:07.600
na high ako, tumalon ako mag-isa?

29:08.639 --> 29:09.959
Buwisit.

29:10.040 --> 29:12.439
Siguradong malalaman ng pulis

29:14.159 --> 29:15.439
na sinaktan ako.

29:26.159 --> 29:27.159
Ang tanga mo.

29:28.240 --> 29:29.399
Wala na 'kong pakialam.

29:29.919 --> 29:31.159
Papatayin kita.

29:31.919 --> 29:34.159
Queen, nandito ako.

29:56.600 --> 29:58.480
RJ. Ano'ng nangyari?

30:01.639 --> 30:02.720
Uy,

30:03.480 --> 30:04.760
sorry.

30:05.360 --> 30:07.280
Kasalanan ko 'to.

30:08.240 --> 30:10.679
Kasalanan ko lahat.

30:14.600 --> 30:15.879
Sorry talaga.

30:17.520 --> 30:18.840
Sorry talaga.

30:21.080 --> 30:22.399
Okay lang.

30:36.800 --> 30:37.600
Gale.

30:44.480 --> 30:46.040
Hoy. Bitawan mo 'ko.

30:46.120 --> 30:47.080
Ano?

30:47.159 --> 30:49.320
Puwede kang makipagkita sa ex mo.

30:50.240 --> 30:52.560
Tapos lumayo ka no'ng nakita mo
'yong boyfriend mo ngayon?

30:53.800 --> 30:55.800
Bakit gustong-gusto mong malaman
ang nangyari no'ng gabing 'yon?

30:55.879 --> 30:57.879
Mas magandang kalimutan
na lang lahat 'yon, di ba?

30:57.959 --> 31:00.080
-Pero pinatay si Queen.
-E, ano naman?

31:00.639 --> 31:02.280
Halimaw naman siya.

31:03.159 --> 31:05.520
Bakit masyado kang nag-aalala
kung pa'no siya namatay?

31:06.439 --> 31:09.360
Ako 'yong nagmamahal sa 'yo.

31:09.439 --> 31:12.199
Di ba, dapat sa 'kin ka may pakialam?

31:13.080 --> 31:16.520
Wala sa mundong 'to ang nagmamahal sa 'yo
gaya ng pagmamahal ko.

31:18.399 --> 31:19.399
Parang hindi naman.

31:20.080 --> 31:21.560
Hindi pagmamahal 'yan.

31:22.280 --> 31:23.280
Ano'ng tawag mo dito?

31:23.879 --> 31:25.280
Tatanungin kita.

31:26.639 --> 31:28.679
Bakit masyado kang ambisyosa?

31:28.760 --> 31:30.439
May nagmahal na ba sa 'yo?

31:32.159 --> 31:33.760
'Yong professor,
niloko ka para may mangyari sa inyo.

31:35.439 --> 31:37.120
Paulit-ulit kang tinraydor ni Queen.

31:39.080 --> 31:41.439
Di ka man lang mahal ng sarili mong nanay.

31:41.520 --> 31:42.480
Ako.

31:43.560 --> 31:44.840
Ako lang ang nagmamahal sa 'yo.

31:46.679 --> 31:48.360
E, bakit ayaw mo 'kong mahalin?

31:49.840 --> 31:51.439
Simula no'ng naging tayo,

31:52.360 --> 31:54.120
hindi 'yon dahil minahal kita.

31:54.800 --> 31:57.439
Dahil 'yon sa di ko mahal ang sarili ko.

31:57.520 --> 31:59.600
At di na 'ko magiging gano'n kahit kailan.

31:59.679 --> 32:01.000
-Ikaw…
-Sige, gawin mo.

32:01.080 --> 32:03.560
Sige. Gawin mo kahit ano'ng gusto mo.

32:04.240 --> 32:05.560
Pero sasabihin ko sa 'yo.

32:06.080 --> 32:08.080
Puwede mo 'kong patayin

32:08.159 --> 32:10.000
at gano'n pa rin ang magiging sagot ko,

32:10.080 --> 32:13.399
hindi kita minahal. At hinding-hindi
mangyayari 'yon kahit kailan.

32:14.800 --> 32:17.080
Gale.

32:17.719 --> 32:18.919
-Bitawan mo 'ko.
-Sorry.

32:19.560 --> 32:21.159
Gale, sorry talaga.

32:21.240 --> 32:22.240
Gale.

32:22.840 --> 32:25.240
Please, tumakas na tayo,
nakikiusap ako sa 'yo.

32:26.120 --> 32:30.240
Alam mo? Ginawa ko 'yong ginawa ko
no'ng gabing 'yon dahil sa 'yo.

32:31.840 --> 32:33.199
Gale.

32:34.439 --> 32:35.840
Ano'ng pinagsasasabi mo?

32:35.919 --> 32:39.480
Kung di ka dumating no'n, tumakas na sana
ako para iligtas ang sarili ko.

32:39.560 --> 32:41.240
Pero nando'n ka.

32:42.399 --> 32:43.399
Gale.

32:44.800 --> 32:46.280
Alam mo ba kung ano'ng una kong naisip?

32:47.199 --> 32:50.280
Ano? Akala mo pinatay ko siya?

32:50.360 --> 32:51.639
Alam na alam mo

32:52.959 --> 32:54.399
na kapani-paniwala 'yon.

32:56.040 --> 32:57.000
Gale.

32:58.679 --> 33:00.919
Magsimula tayo ng bagong buhay.

33:01.520 --> 33:04.399
Kailangan mong maging responsable
sa pagiging ganito ko.

33:05.439 --> 33:06.439
Gale.

33:06.520 --> 33:08.679
-Gale, please?
-Hindi!

33:08.760 --> 33:09.639
Gale!

33:09.719 --> 33:12.040
Hindi ko kailangang
maging responsable sa buhay ng kahit sino.

33:12.120 --> 33:14.080
Bawat isa,
dapat responsable sa sarili nilang buhay.

33:22.000 --> 33:25.120
CHIVAS

33:52.800 --> 33:53.800
Professor Phat?

33:56.000 --> 33:57.719
Bakit ka…

33:57.800 --> 33:59.080
Basta pumasok ka, Gale.

34:05.600 --> 34:08.319
-Queen!
-Gale.

34:09.159 --> 34:10.400
Ano'ng nangyayari?

34:10.480 --> 34:12.360
Ano'ng ginawa mo sa kaibigan ko?

34:12.440 --> 34:13.520
Kaibigan mo?

34:14.679 --> 34:16.120
Tinatawag mo pa rin siyang kaibigan?

34:16.199 --> 34:19.799
Papatayin na niya ako.
Matagal na niya 'tong plano.

34:19.880 --> 34:21.799
Gusto kong malaman
kung gagawin niya ba talaga.

34:22.400 --> 34:24.639
Prank ba 'to? Hindi 'to nakakatuwa.

34:25.839 --> 34:27.759
Kung alam mo lang ang ginawa niya,

34:28.560 --> 34:30.520
baka ikaw pa
ang magplanong pumatay sa kanya.

34:32.440 --> 34:34.120
Nasa kanya pa rin 'yong video natin.

34:34.960 --> 34:35.839
Ginamit niya 'yon para i-blackmail ako.

34:36.560 --> 34:37.960
Ginamit niya 'yon para mangikil sa 'kin.

34:38.040 --> 34:39.799
Malaking pera na'ng nabigay ko sa kanya.

34:39.880 --> 34:41.440
No'ng sinabi ko sa kanyang titigil na 'ko,

34:42.239 --> 34:43.480
sinubukan niyang sirain ang buhay ko.

34:45.839 --> 34:46.880
E, ano naman?

34:47.679 --> 34:49.759
Dapat lang 'yon sa halimaw na gaya mo.

34:51.040 --> 34:53.040
Gale, pumayag ka do'n.

34:53.639 --> 34:55.319
Sinira niya ang buhay mo.

34:55.400 --> 34:59.160
-Dapat masaya ka na sinira ko siya.
-Tumahimik ka.

34:59.240 --> 35:01.680
Gale. Sinisira niya ang buhay ko ngayon.

35:02.680 --> 35:04.680
Puwede rin niyang sirain
ang buhay mo balang araw.

35:05.279 --> 35:06.600
Nasa 'yo pa…

35:07.160 --> 35:09.319
'yong video na 'yon?

35:09.920 --> 35:11.120
Gale.

35:12.000 --> 35:14.240
Hindi ko tinago 'yon para sirain ka.

35:14.960 --> 35:16.240
Siya ang target ko.

35:16.319 --> 35:19.200
Madadamay ka rin pag pinakalat niya 'yon.

35:19.279 --> 35:20.240
Tama na.

35:22.240 --> 35:23.440
Iuuwi ko na siya.

35:24.600 --> 35:25.520
Gale, ano ba.

35:26.200 --> 35:28.200
-Gale!
-Aray!

35:28.279 --> 35:29.360
-Aray!
-Gale.

35:39.920 --> 35:41.080
-Toy!
-Gale.

35:41.160 --> 35:42.200
-Toy?
-Gale.

35:42.279 --> 35:44.319
-Toy?
-Gale, kumalma ka.

35:45.560 --> 35:46.560
Gale.

35:47.880 --> 35:49.040
Okay ka lang?

35:54.360 --> 35:56.040
Sumuko na si RJ.

35:57.880 --> 35:59.200
Inamin na niya lahat.

35:59.960 --> 36:02.560
Patay na si Professor Phat.

36:03.279 --> 36:06.480
Tinangka niyang patayin si RJ,
pinagtanggol ni RJ ang sarili niya.

36:07.080 --> 36:10.040
Pa'no ako napunta dito?

36:10.720 --> 36:11.640
No'ng si Toy…

36:14.040 --> 36:15.920
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi,
di kita nakita.

36:17.120 --> 36:19.160
Nag-alala ako sa 'yo,
sinundan kita sa bahay mo.

36:19.759 --> 36:21.400
Nakita ko si Toy, tinatangka kang kidnapin

36:21.480 --> 36:22.759
kaya tumawag ako ng pulis.

36:23.360 --> 36:24.799
Naaresto na si Toy.

36:26.600 --> 36:27.600
Gale.

36:29.480 --> 36:30.720
Bakit mo ginawa 'yon?

36:32.160 --> 36:33.799
Bakit mo siya pinuntahan mag-isa?

36:34.680 --> 36:36.200
Nag-alala ako sa 'yo.

36:37.640 --> 36:38.640
Sorry.

36:40.160 --> 36:41.200
Gusto…

36:42.200 --> 36:43.560
Gusto kong makipag-usap sa mga pulis.

36:45.240 --> 36:46.240
Gale.

36:48.160 --> 36:49.680
Tingin ko, dapat magpahinga ka.

36:50.759 --> 36:52.040
Handa na 'ko.

36:53.120 --> 36:55.040
Naaalala ko na lahat ngayon.

36:55.120 --> 36:57.440
Pagkatapos niyang ibigay
'yong drugs kay Queen,

36:57.520 --> 37:01.279
binuhat ni Professor Phat si Queen
palabas ng kuwarto.

37:01.880 --> 37:03.759
Hindi ako handa

37:04.560 --> 37:07.839
at natakot talaga ako sa kanya.

37:09.600 --> 37:11.920
Hindi ko kayang iligtas si Queen.

37:12.560 --> 37:14.120
Kasalanan ko 'to.

37:15.160 --> 37:18.680
Kasalanan ko 'to. Nando'n ako,

37:19.560 --> 37:21.759
pero di ko naligtas si Queen.

37:24.600 --> 37:26.000
'Yon lang?

37:27.359 --> 37:28.359
Oo.

37:29.440 --> 37:31.440
Pinatay ni Professor Phat si Queen.

37:39.920 --> 37:41.319
Tapos na 'to ngayon.

37:42.160 --> 37:43.040
Sa wakas, tapos na.

37:44.560 --> 37:47.720
Salamat. Maraming salamat.

37:54.240 --> 37:56.759
MAKALIPAS ANG ISANG TAON

37:57.520 --> 37:59.640
Happy April Fools sa lahat.

38:00.720 --> 38:04.200
Sa totoo lang, pakiramdam ko
hindi tayo dapat mag-celebrate ngayon.

38:05.680 --> 38:06.720
Ano ba.

38:07.400 --> 38:09.960
At least,
sama-sama natin 'tong nalampasan.

38:12.839 --> 38:14.640
Binago ng gabing 'yon ang buhay natin.

38:14.720 --> 38:16.319
Bakit mo nasabi 'yan.

38:16.960 --> 38:20.160
Ang totoo,
gano'n pa rin naman ang buhay natin.

38:21.279 --> 38:22.560
Pa'no naging gano'n pa rin?

38:23.279 --> 38:25.600
E, tayo na ngayon.

38:27.080 --> 38:28.440
Ang cute n'yo talagang dalawa.

38:28.520 --> 38:30.560
Wag mo 'kong asarin.

38:30.640 --> 38:32.040
Cute din kayong couple ni Chivas.

38:36.240 --> 38:37.480
Miss ko si Queen.

38:37.560 --> 38:39.839
Oo. Di ba?

38:40.799 --> 38:42.440
Ayoko na siyang isipin.

38:43.200 --> 38:44.799
Pero hindi ko mapigilan.

38:48.440 --> 38:51.120
Ibang bagay na lang ang pag-usapan natin.

38:52.560 --> 38:56.200
Nagse-celebrate tayo ng April Fools' Day.

38:56.279 --> 38:57.480
Maglaro tayo.

38:58.200 --> 39:00.400
Magsinungaling tayo
pero gawin nating parang totoo.

39:01.040 --> 39:01.880
Okay?

39:02.480 --> 39:03.480
Ikaw mauna.

39:04.720 --> 39:05.720
-Ako?
-Mm.

39:06.680 --> 39:08.120
Kumbinsihin mo kami.

39:09.359 --> 39:10.359
Okay.

39:14.160 --> 39:15.799
Sawa na 'ko sa 'yo, Papang.

39:16.799 --> 39:18.440
Gusto ko nang makipag-date sa iba.

39:20.200 --> 39:21.279
Okay ba 'yon?

39:21.960 --> 39:24.200
Sobrang peke. Ang peke talaga.

39:24.279 --> 39:27.520
Ang totoo, ayoko talaga sa gaya mo.

39:28.440 --> 39:29.799
Pinagkatuwaan lang kitang i-date.

39:30.720 --> 39:32.120
Talaga?

39:32.200 --> 39:34.359
-Oo.
-Sobrang peke rin.

39:35.520 --> 39:36.960
Ngayon, ikaw naman.

39:37.920 --> 39:38.960
Ako?

39:41.000 --> 39:42.560
Si Queen ang babaeng pinakamamahal ko.

39:43.279 --> 39:44.920
Siya lang 'yon habambuhay.

39:45.880 --> 39:47.160
Ano?

39:48.080 --> 39:49.359
May nasabi ba 'kong mali?

39:53.080 --> 39:57.120
Gale, ikaw na. Gawin mong parang totoo.

39:57.200 --> 39:58.440
Ang totoo,

39:58.520 --> 40:00.799
hindi si Professor Phat
ang pumatay kay Queen.

40:03.080 --> 40:05.520
Ako ang pumatay sa kanya.

40:07.400 --> 40:09.880
E, peke na sa simula pa lang.

40:13.000 --> 40:15.160
Tara, cheers!

40:17.640 --> 40:18.480
Ang weird ng game na 'yon.

40:44.600 --> 40:46.000
Queen!

40:46.720 --> 40:48.440
Queen!

40:51.440 --> 40:52.520
Queen!

40:53.440 --> 40:55.359
Okay ka lang? Queen.

40:55.920 --> 40:56.920
Queen!

41:01.359 --> 41:02.279
Queen!

41:03.560 --> 41:05.720
Queen. Saan ka pupunta?

41:09.920 --> 41:10.920
Queen.

41:17.000 --> 41:18.240
Queen.

41:22.440 --> 41:25.359
Queen, burahin mo 'yong video na 'yon.

41:26.920 --> 41:30.080
Pag kumalat ang video na 'yon,
mapapahamak ako.

41:30.160 --> 41:32.359
Artista ako,
naiintindihan mo naman, di ba?

41:34.799 --> 41:35.799
Queen!

41:40.640 --> 41:42.960
Bahala na nga. Mag-usap tayo mamaya.

41:43.920 --> 41:45.000
Umalis na tayo.

41:48.040 --> 41:48.920
Sobra kang…

41:49.680 --> 41:50.680
tanga.

42:01.040 --> 42:02.040
Totoo 'yon.

42:06.480 --> 42:09.080
Ang tanga-tanga mo, Gale.

42:10.640 --> 42:12.359
Tanga rin si Papang.

42:16.120 --> 42:20.640
Tanga lahat ng tao sa mundong 'to!

42:25.799 --> 42:26.640
Pero ikaw…

42:28.319 --> 42:30.080
ikaw ang pinakatanga.

44:40.440 --> 44:42.359
Nagsalin ng Subtitle: Redelyn Teodoro Juan
