WEBVTT

00:01.000 --> 00:02.679
ANG MGA KUWENTO AY MAAARING MAY DAGDAG
AT HAWIG SA MGA KARANASAN NG IBANG TAO.

00:02.760 --> 00:04.399
LAYUNIN LAMANG NITO NA MAGBIGAY-ALIW.

00:04.479 --> 00:05.960
WALA ITONG INTENSYONG MAGSULONG NG SEKSWAL
NA GAWAIN O NG NEGATIBONG KAISIPAN.

00:06.040 --> 00:07.800
HUMIHINGI AGAD NG PAUMANHIN ANG PRODUKSYON
PARA SA ANUMANG PAGKAKAMALI.

01:02.040 --> 01:03.839
Gusto mong maging victim buong buhay mo?

01:03.919 --> 01:06.039
O gusto mo ring maapi sila?

01:07.720 --> 01:08.800
Wag kang gagalaw.

01:09.399 --> 01:10.640
Gusto mo ba ulit ako makatabi sa kama?

01:11.240 --> 01:12.200
Ha?

01:12.280 --> 01:13.320
Gale.

01:13.840 --> 01:15.240
ANG NAKARAAN

01:15.320 --> 01:16.479
Ano'ng ginagawa mo dito, Toy?

01:17.000 --> 01:18.080
Nandito ako para sunduin si Gale.

01:18.160 --> 01:20.280
Bibigyan kita ng huling chance.

01:20.360 --> 01:22.119
Gawin mo 'yong tama,

01:22.720 --> 01:24.479
bago ka mawalan ng chance.

01:24.560 --> 01:26.679
Pa'no kung makahanap ako
ng ebidensya para sa 'yo?

01:26.759 --> 01:27.720
Anong ebidensya?

01:40.839 --> 01:44.240
DI KA PAPASOK SA KLASE NGAYON?
GUSTO MONG MAG-HANG OUT MAMAYANG GABI?

01:52.000 --> 01:53.039
Ano?

01:53.559 --> 01:55.039
Susubukan mong tumalon ulit?

01:55.640 --> 01:56.920
Baliw ka ba?

01:57.000 --> 02:00.320
Kahit kailan, wala akong planong tumalon.

02:00.399 --> 02:02.320
Pagod lang talaga ako.

02:02.399 --> 02:03.559
Ayokong maka-meet ng kahit sino.

02:04.559 --> 02:07.640
A, nakita ko, hinahanap ka ni RJ.

02:07.720 --> 02:09.880
Oo nga, e. Nakakainis talaga, di ba?

02:09.960 --> 02:11.039
Tingnan mo.

02:11.640 --> 02:13.640
Gusto niyang mag-send sa 'kin
ng mga picture niya na topless.

02:15.640 --> 02:18.400
Kung masyado siyang horny,
dapat gamitin niya ang pera niya,

02:18.480 --> 02:20.359
di 'yong ganito ang ginagawa niya sa iba.

02:22.680 --> 02:23.840
Ano'ng nakakatawa?

02:24.680 --> 02:26.359
Natatawa ako kay RJ.

02:29.880 --> 02:31.760
Gusto mong malaman 'yong sikreto niya?

02:31.840 --> 02:32.799
Anong sikreto?

02:38.040 --> 02:39.079
Bakla siya.

02:39.680 --> 02:40.680
Ano?

02:42.720 --> 02:44.440
-Talaga?
-Oo.

02:45.600 --> 02:46.560
Sino ba 'ko?

02:47.079 --> 02:49.600
Di ako si Makam. Di ako nagsasabi
ng mga walang saysay.

02:50.120 --> 02:51.959
Pag alam ko'ng sikreto ng isang tao,

02:52.480 --> 02:54.799
totoo talaga lahat 'yon.

02:56.160 --> 02:58.440
Bakit pinopormahan niya 'ko?

02:59.760 --> 03:01.560
Naguguluhan pa rin siguro siya.

03:02.600 --> 03:04.799
Kailangan niyang makatawid
sa phase na 'to.

03:06.600 --> 03:09.560
Kaya wag kang magalit sa kanya, okay?

03:17.440 --> 03:19.519
Ano? Di ka naniniwala sa 'kin?

03:19.600 --> 03:21.120
Hindi naman sa gano'n.

03:21.200 --> 03:25.160
Nagtataka lang ako
kung pa'no mo nalaman 'yong sikreto niya.

03:28.079 --> 03:29.880
Special talent ko 'to.

03:37.239 --> 03:39.679
Di naman tsismosa si Queen.

03:39.760 --> 03:42.119
Kung gano'n siya,
di ko siya magiging kaibigan.

03:43.079 --> 03:45.480
Pero marami siyang alam
na sikreto ng mga tao.

03:46.239 --> 03:47.280
Hindi ako makapaniwala na

03:47.799 --> 03:49.959
itatago niya nang ganyan 'yan.

03:51.679 --> 03:54.160
Sabi ko sa 'yo, 'yong gaya ni Queen,

03:54.239 --> 03:55.760
di dapat maging kaibigan ng kahit sino.

04:02.200 --> 04:05.359
Di ko alam
kung bakit ginawa ni Queen lahat ng 'to.

04:06.079 --> 04:09.239
Trip ba niya o nasa-satisfy siya do'n?

04:09.839 --> 04:11.440
Di lang 'to ginawa ni Queen
para mag-enjoy.

04:12.320 --> 04:15.880
Tinago niya 'yong info na 'to
para magamit niya sa ibang pagkakataon.

04:16.479 --> 04:19.599
Kung gano'n,
kailangan kong itago 'yong sa 'kin.

04:31.640 --> 04:33.840
Ano'ng dapat nating gawin sa iba?

04:34.800 --> 04:37.120
Dapat ba nating ibalik sa mga may-ari?

04:38.840 --> 04:42.440
O tingnan muna natin?

04:42.520 --> 04:44.400
Puwede tayong humanap ng puwedeng magamit.

04:45.919 --> 04:48.080
Tingin ko, di natin dapat gawin 'yon.

04:48.159 --> 04:50.400
Personal at confidential 'yan.

04:50.960 --> 04:52.240
Di natin dapat i-violate 'yan.

04:53.479 --> 04:54.440
Ano sa tingin mo?

04:56.280 --> 04:57.800
Pag-usapan natin 'yan mamaya.

04:58.640 --> 05:00.520
Mas nag-aalala ako sa safety ni Gale.

05:09.960 --> 05:11.159
Oo naman.

05:11.760 --> 05:14.039
Dito lang ako sa 'yo.

05:14.680 --> 05:16.280
Di ako lalayo.

05:16.800 --> 05:18.520
Dito lang ako sa 'yo,

05:20.760 --> 05:22.599
hihintayin kong masunog ka sa impiyerno.

05:24.440 --> 05:26.159
Nandito lang ako sa tabi mo.

05:26.680 --> 05:28.120
Pag hindi ka nakatingin,

05:28.719 --> 05:29.640
ako ang

05:30.159 --> 05:31.840
taong sisira sa buhay mo.

05:34.599 --> 05:35.800
Ano'ng ibig mong sabihin diyan?

05:36.760 --> 05:38.320
Di naman gano'n kakumplikado.

05:39.440 --> 05:41.039
Ayaw mo 'kong umalis.

05:41.560 --> 05:43.520
Di mo puwedeng i-expect
na gano'n pa rin lahat.

05:54.599 --> 05:55.599
Sige.

05:56.320 --> 05:57.440
Pag oras na,

05:58.840 --> 06:00.000
maiintindihan mo

06:01.440 --> 06:04.560
na di tayo puwedeng paghiwalayin.

06:06.320 --> 06:08.520
Tama, halimaw nga ako.

06:09.039 --> 06:10.200
Masamang tao ako.

06:11.240 --> 06:12.120
E, ikaw?

06:12.960 --> 06:14.560
Tingin mo mas magaling ka kaysa sa 'kin?

06:16.440 --> 06:18.280
Kailangan ko bang pasalamatan si Queen?

06:20.359 --> 06:23.359
Kasi nakita ko'ng totoong kulay mo.

06:23.960 --> 06:25.159
Ikaw…

06:37.359 --> 06:38.760
Dapat magpakatino ka.

06:39.799 --> 06:41.039
Dapat tanggapin mo

06:41.640 --> 06:44.039
na magkadugtong talaga 'yong buhay natin.

06:46.560 --> 06:49.080
Pag magulo 'yong buhay ko,
magugulo ka rin.

06:54.320 --> 06:58.120
Sabi ko sa 'yo, simula ngayon,
magbabago na'ng lahat.

06:59.880 --> 07:03.000
Di ko hahayaang
ikaw lang ang sumira sa 'kin.

07:27.479 --> 07:29.440
Hello? Ano na?

07:29.520 --> 07:31.599
Tapos na 'ko dito.

07:31.680 --> 07:33.799
Tapos? Tapos sa ano?

07:34.520 --> 07:37.039
Sinabi ko na sa mga pulis ang totoo.

07:38.760 --> 07:40.120
Ano ba talaga ang problema mo?

07:42.680 --> 07:43.799
Di mo pa rin ba maintindihan?

07:44.320 --> 07:46.560
Wala na sa kontrol lahat.

07:47.200 --> 07:49.280
Di ko rin makontak si Guy.

07:49.880 --> 07:52.400
Di ko alam
kung may sinabi si Peanut sa pulis.

07:52.479 --> 07:53.640
Shet.

07:54.239 --> 07:56.080
Sabi mo sa 'kin,
tinago siya ng parents mo.

07:59.120 --> 08:01.919
'Yan ang alam ko,
pero sino'ng nakakaalam ng totoo.

08:02.919 --> 08:04.120
Shet.

08:05.560 --> 08:07.000
Makinig ka sa 'kin, RJ.

08:07.640 --> 08:11.039
Di na importante
kung may sinabi silang dalawa sa pulis.

08:11.120 --> 08:14.200
Pero di ka puwedeng magsalita.
Narinig mo 'ko?

08:18.039 --> 08:19.320
Sige, bayaran mo 'ko.

08:19.919 --> 08:21.120
Ano'ng sinabi mo?

08:21.200 --> 08:22.520
Magtatago ako sa ibang lugar.

08:23.039 --> 08:24.200
Kailangan ko ng pera.

08:26.679 --> 08:27.520
Magkano?

08:29.479 --> 08:30.320
Three million.

08:30.960 --> 08:31.919
Anak ka ng puta!

08:32.000 --> 08:34.919
Bigyan mo 'ko ng pera,
titira ako sa ibang lugar.

08:35.000 --> 08:36.559
Walang makakatunton sa 'kin.

08:37.799 --> 08:40.240
Kung hindi,
sasabihin ko sa mga pulis ang totoo.

08:40.840 --> 08:42.360
Sawang-sawa na 'kong mabuhay nang ganito.

08:43.600 --> 08:44.920
Kailangan ko 'yan bukas, okay?

09:00.720 --> 09:01.959
Excuse me,

09:02.040 --> 09:05.400
mag-isa ka lang o may hinihintay ka?

09:36.120 --> 09:37.120
Ayos ka lang?

09:38.199 --> 09:39.400
Gusto mo bang magpunta sa ibang lugar?

09:40.439 --> 09:42.120
Gusto mo bang magpunta sa bahay ko?

09:42.199 --> 09:44.240
O gusto mo, do'n tayo sa bahay mo.

09:57.839 --> 09:58.920
Isang bote nga ng beer, please.

10:32.000 --> 10:33.079
Ano?

10:33.640 --> 10:35.040
Sasabihin mo sa 'kin, di ikaw 'to?

10:36.079 --> 10:37.120
Sinusundan mo ba 'ko?

10:37.920 --> 10:39.480
Wag mo namang sabihin 'yan.

10:40.760 --> 10:42.079
Gusto ko lang malaman.

10:42.160 --> 10:45.439
Marami akong narinig
na usap-usapan sa 'yo.

10:45.520 --> 10:48.640
Hanggang usap lang sila
pero wala silang magawa.

10:49.240 --> 10:51.880
Pag may gusto akong malaman,
kailangan kong alamin.

10:53.520 --> 10:56.560
Gusto mo ba, ikuwento ko sa ’yo?

10:56.640 --> 10:58.319
Wala ka bang magawa?

11:00.520 --> 11:01.600
E, ano naman?

11:01.680 --> 11:04.000
-Wala kang pakialam sa ginawa ko.
-O.

11:05.520 --> 11:07.160
Gusto ko 'yan.

11:07.959 --> 11:10.760
Siguro dapat sabihin mo 'yan sa lahat.

11:10.839 --> 11:13.199
-Ipo-post ko 'to sa stories ko.
-Akin na 'yan.

11:26.079 --> 11:27.560
PERMANENTENG I-DELETE ANG 11 ITEMS?

11:27.640 --> 11:28.880
TRASH

11:28.959 --> 11:30.280
Tapos mo na bang i-delete?

11:32.800 --> 11:34.480
Ilang beses mo pa gustong i-delete 'yan?

11:36.280 --> 11:37.160
May copies ako.

11:38.079 --> 11:39.079
Queen, bruha ka.

11:43.680 --> 11:47.240
Siguro, di ko na 'to kailangang
ipakita sa maraming tao.

11:47.880 --> 11:48.880
Puwede ko ring ipakita sa papa mo.

11:49.480 --> 11:50.439
Queen.

11:50.959 --> 11:52.040
Ano?

11:52.760 --> 11:54.280
Di mo tanggap kung sino ka?

12:00.439 --> 12:01.439
RJ.

12:01.520 --> 12:04.360
Alam kong mahirap

12:04.880 --> 12:09.079
at puwedeng matagalan
kasi sobrang conservative ng papa mo.

12:09.760 --> 12:13.439
Sa totoo lang, 'yong sexuality mo,

12:13.520 --> 12:16.560
saka kung sasabihin mo sa iba,
ikaw na'ng bahala do'n.

12:16.640 --> 12:18.079
Di mo kasalanan 'yon.

12:19.120 --> 12:21.600
Ano'ng point para gawin mo 'yan,
'yong totoo?

12:21.680 --> 12:23.400
Kung sakali,

12:24.280 --> 12:26.000
kailangan ko ng tulong mo sa isang bagay.

12:26.079 --> 12:27.520
Tungkol saan?

12:27.600 --> 12:28.520
Ano'ng gusto mong gawin ko?

12:30.199 --> 12:32.199
Lahat ng iuutos ko sa 'yo.

12:49.719 --> 12:51.000
Bibigyan kita ng 1 million.

13:04.680 --> 13:07.120
Sige. Bukas, okay?

13:36.680 --> 13:37.880
Uy.

13:38.400 --> 13:40.360
Ga'no katagal kita kailangang bayaran?

13:43.920 --> 13:46.319
Hanggang sa handa ka nang
pakawalan si Gale.

13:47.360 --> 13:50.400
Pag sinabi ko kay Gale 'yong secrets mo,

13:50.920 --> 13:51.959
sigurado, iiwan ka niya.

13:53.839 --> 13:55.280
Wag mong kalimutan na

13:55.839 --> 13:58.360
pumayag si Gale na makipag-date sa 'yo
dahil sa maganda mong image.

13:58.439 --> 14:00.319
Pag nalaman niyang

14:00.880 --> 14:03.240
'yong aristocrat na gaya mo,

14:03.319 --> 14:05.760
bigo sa lahat ng bagay,
at kumapit sa pagbebenta ng drugs,

14:06.760 --> 14:07.959
hindi na siya makikipag-date sa 'yo.

14:15.640 --> 14:17.479
Ano ba, wag ka masyadong kuripot.

14:17.560 --> 14:19.920
Maayos 'yong takbo
ng business n'yo ni Pepper, di ba?

14:21.360 --> 14:25.120
Wag mong kalimutan
na pinakilala kita sa kanya.

14:26.599 --> 14:29.439
Isipin mo na lang, paraan mo 'to
ng pagpapasalamat sa 'kin.

14:30.719 --> 14:32.400
Sisimutin mo ba 'ko
hanggang sa wala nang matira?

14:34.479 --> 14:36.599
Pag-isipan mo.

14:37.640 --> 14:41.360
Sa pagbibigay sa 'kin ng pera
saka sa pagkawala ni Gale,

14:41.880 --> 14:43.280
alin 'yong mas malala?

14:46.640 --> 14:49.719
Ga'no kahalaga si Gale sa 'yo?

15:32.160 --> 15:36.079
Gale, hindi ko alam
kung buhay pa 'ko bukas.

15:36.599 --> 15:40.319
Pag may nangyari sa 'kin,
may gusto akong ibigay sa 'yo.

15:41.479 --> 15:43.560
Sikreto mo 'yan.

15:43.640 --> 15:45.920
Nakatago sa drawer ng mesa sa kuwarto ko.

15:46.000 --> 15:47.880
Nasa mesa 'yong susi.

15:48.400 --> 15:50.760
A. Nando'n din 'yong sikreto ni Toy.

15:50.839 --> 15:54.839
Puwede mong buksan at tingnan.
Puwede mong magamit sa buhay mo.

15:54.920 --> 15:58.319
QUEEN
DELETE MESSAGES

15:58.400 --> 16:00.839
DELETE

16:22.599 --> 16:23.800
Di sinasagot ni Gale 'yong phone niya.

16:24.400 --> 16:27.680
Tinawagan ko 'yong mama niya.
Sabi, kasama raw ni Gale si Toy.

16:29.959 --> 16:32.439
Teka. Saan ka pupunta?

16:34.400 --> 16:37.359
Kailangan ko siyang makita.
Kailangan ko siyang makausap.

16:38.479 --> 16:40.280
Para saan pa'ng makita siya ngayon?

16:41.199 --> 16:43.120
Mas lalo lang magagalit si Toy
pag nakita ka niya.

16:43.199 --> 16:44.560
Baka lalong mapahamak si Gale.

16:45.319 --> 16:46.680
Ililigtas ko siya sa kanya.

16:47.280 --> 16:48.479
Pa'no?

16:49.000 --> 16:51.079
Bakit di nag-iisip nang mabuti
ang mga lalaki?

16:51.160 --> 16:55.199
Sa tingin mo, pag sinuntok mo si Toy,
makakalaya na si Gale sa kanya?

16:58.160 --> 17:00.479
Parang tama siya.

17:01.160 --> 17:04.599
Kung talagang hawak ni Toy
ang mga sikreto ni Gale,

17:05.240 --> 17:06.879
wala talagang makaka-save sa kanya.

17:15.240 --> 17:16.399
Pa'no naman 'to?

17:17.200 --> 17:19.240
Alam kong nag-aalala ka kay Gale.

17:19.319 --> 17:21.079
Pero hintayin mo na lang
na makausap ko siya.

17:21.159 --> 17:25.280
At least maririnig ko sa kanya
kung ano'ng totoong problema.

17:27.879 --> 17:29.120
Kakausapin ka ba niya?

17:29.639 --> 17:32.000
Tinawagan mo siya
pero di niya sinasagot 'yong tawag mo.

17:32.080 --> 17:34.560
Makikita ko siya bukas sa campus.

17:35.120 --> 17:36.720
Tatanungin ko siya.

17:37.320 --> 17:40.080
Siguro dapat umuwi ka na ngayon.

17:40.680 --> 17:45.120
Ano ba, baka di naman
kasing sama ng iniisip mo'ng mangyayari.

17:47.000 --> 17:51.360
Alam mo ba? No'ng sinabi sa 'kin ni Queen
na may problema siya,

17:51.879 --> 17:53.879
akala ko rin, walang mangyayari.

17:54.600 --> 17:57.520
Sa huli, hindi ko siya nailigtas.

18:05.639 --> 18:07.080
Ano sa tingin n'yo 'yon?

18:07.800 --> 18:09.720
'Yong sikreto ni Gale na tinago ni Queen?

18:10.240 --> 18:11.159
Kahit ano.

18:12.360 --> 18:13.840
Pa'no ko naman malalaman?

18:14.440 --> 18:18.120
Sabi mo, nadulas si Queen,
sinabi 'yong sikreto ni RJ.

18:18.200 --> 18:22.040
Siguro nadulas si Queen,
may nasabi tungkol kay Gale.

18:27.159 --> 18:28.280
Kasi,

18:29.560 --> 18:33.440
minsan, kinukuwento sa 'kin ni Queen
'yong mga sikreto ng iba.

18:34.840 --> 18:37.000
'Yong iba totoo, 'yong iba hindi.
Di ko na matandaan lahat.

18:37.080 --> 18:39.159
May natatandaan ka ba?

18:40.600 --> 18:41.639
A,

18:42.360 --> 18:44.800
sobrang adik sa sugal ng mama ni Gale.

18:45.399 --> 18:46.840
Nakatira sila sa malaking bahay.

18:46.919 --> 18:49.000
Pero lubog sa utang ang mama niya.

18:49.720 --> 18:53.000
Kaya kailangang maghanap ng trabaho
ni Gale sa entertainment business

18:53.080 --> 18:54.560
para mabayaran
'yong mga utang ng mama niya.

18:57.919 --> 19:03.320
Tingin ko, di 'to gano'n kalaking bagay
para gamitin ni Toy laban kay Gale.

19:03.399 --> 19:04.240
Sa tingin mo?

19:06.560 --> 19:07.600
O…

19:08.600 --> 19:10.440
tungkol ba 'to
sa nangyari no'ng first year namin?

19:10.520 --> 19:11.760
Ano'ng nangyari?

19:13.360 --> 19:14.720
A.

19:14.800 --> 19:16.639
Di ko talaga puwedeng sabihin.

19:16.720 --> 19:18.200
Saka di ko rin sasabihin.

19:19.240 --> 19:21.480
Hahayaan kong si Gale mismo
'yong magkuwento sa 'yo.

19:45.480 --> 19:46.679
Ano 'yon?

19:48.879 --> 19:49.919
Ano?

19:50.440 --> 19:51.520
Parang kinakabahan ka.

19:51.600 --> 19:54.000
Mas maaga kang mapapahamak kaysa akala mo?

19:55.480 --> 19:56.560
Basta.

19:57.720 --> 20:00.919
Hangga’t nandiyan ka,
di na importante 'yong iba.

21:01.200 --> 21:03.480
Pinakialaman mo ba
'yong trabaho ko sa bagong serye?

21:04.080 --> 21:06.480
Ikaw na'ng papalit kay Queen sa role

21:07.159 --> 21:09.360
kasi nakiusap ako sa team na piliin ka.

21:11.240 --> 21:12.919
Kung makikipaghiwalay ka sa 'kin,

21:13.960 --> 21:16.320
mawawala sa 'yo 'yong trabaho. 'Yon lang.

21:17.919 --> 21:19.399
'Yan ba'ng gusto mo?

21:20.520 --> 21:22.000
Sinabi ko na sa 'yo

21:22.080 --> 21:24.960
na kailangan nating maghawak-kamay
nang mahigpit sa sitwasyong gaya nito.

21:26.560 --> 21:28.679
Pag binitawan mo'ng kamay ko,

21:35.200 --> 21:38.399
parehas tayong masisirang dalawa.

21:43.560 --> 21:45.000
Sige, magwasakan na tayo.

21:45.600 --> 21:46.399
Ano'ng sabi mo?

21:47.320 --> 21:49.679
Wala akong pakialam
kung ano'ng gagawin mo.

21:49.760 --> 21:53.280
Sige, sabihin mo sa kanila na tanggalin
ako sa serye. Wala akong paki.

21:53.960 --> 21:56.639
Kung iniisip mong
di ako mabubuhay pag wala ka,

21:56.720 --> 21:58.600
sinasabi ko sa 'yo, nagkakamali ka.

22:02.360 --> 22:03.280
Sigurado ka ba diyan?

22:04.080 --> 22:05.120
Oo.

22:05.200 --> 22:07.919
Sigurado akong tapos na tayo.

22:08.879 --> 22:10.280
Pag hiniwalayan mo 'ko,

22:11.919 --> 22:14.080
di lang serye mo,

22:14.159 --> 22:16.520
pati buhay mo, sisirain ko.

22:18.720 --> 22:19.840
Hindi.

22:19.919 --> 22:21.439
Di ko masasabing ako 'yong sisira.

22:23.040 --> 22:24.399
Kasi si Queen ang may gawa no'n.

22:27.520 --> 22:29.360
A, di naman lahat.

22:31.200 --> 22:32.520
Dahil sa huli,

22:34.439 --> 22:35.879
ikaw mismo ang gumawa no'n.

22:39.639 --> 22:41.439
-Ano'ng ibig mong sabihin?
-Ano?

22:43.240 --> 22:44.760
Wag mong sabihing di mo na maalala

22:45.919 --> 22:47.760
'yong nakakahiyang ginawa mo.

22:57.720 --> 22:59.360
Nakuha ko 'to sa bahay ni Queen.

23:00.320 --> 23:02.760
Mukhang matagal na niya 'tong tinatago.

23:27.280 --> 23:28.360
Ibigay mo sa 'kin 'yan.

23:33.080 --> 23:34.159
Kita mo?

23:34.760 --> 23:36.520
Kayang-kaya kong sirain ang buhay mo.

24:15.360 --> 24:16.720
Hoy.

24:16.800 --> 24:17.840
Ano 'to?

24:26.480 --> 24:27.320
Gale?

24:30.360 --> 24:33.200
Talagang wala kang malay, 'no?

24:34.560 --> 24:35.560
Ano 'tong ginawa mo?

25:09.879 --> 25:10.760
Sinabi ko na sa 'yo,

25:11.439 --> 25:14.679
pagkatapos nito, magbabago na lahat.

25:16.639 --> 25:20.720
Di ako mananahimik at hahayaang
ikaw lang ang manakit sa 'kin.

25:26.840 --> 25:28.159
Nasaan 'yong flash drive?

25:29.439 --> 25:30.919
Nasa deposit box mo?

25:31.439 --> 25:32.760
Sabihin mo sa 'kin 'yong combination.

25:34.840 --> 25:36.040
Pa'no kung ayoko?

25:36.600 --> 25:37.439
Ano'ng gagawin mo?

25:39.199 --> 25:40.800
Ang lakas ng loob mong
gawan ako nang ganito?

25:47.760 --> 25:49.639
Sasabihin mo ba sa 'kin o hindi?

26:14.439 --> 26:16.560
3, 4, 5, 6, 7, 8.

26:17.159 --> 26:17.960
Ito lang ba?

26:19.439 --> 26:20.399
Okay.

26:28.080 --> 26:29.919
Talaga bang kailangan mong gawin 'yan?

26:30.520 --> 26:31.520
Oo, siyempre.

26:31.600 --> 26:34.639
Sabi ni Chivas, itago raw hanggang
malaman natin kung ano'ng gagawin.

26:34.720 --> 26:36.439
Ibig sabihin, responsibilidad natin 'to.

26:37.040 --> 26:39.000
Sabi ko sa 'yo,
sa bahay ko na lang, pero ayaw mo.

26:39.879 --> 26:41.840
Hindi. Puwede mo namang tingnan.

26:42.879 --> 26:44.000
Ayaw mong malaman?

26:45.000 --> 26:47.199
-Ayoko.
-Kahit konti lang?

26:49.480 --> 26:52.840
Pero nandiyan
'yong sikreto ni Coach Kwang.

26:52.919 --> 26:55.000
Ayaw mo bang malaman
kung ano'ng sikreto niya?

26:58.280 --> 26:59.360
Ayoko.

27:01.199 --> 27:04.760
Patay na si Queen,
di tayo dapat umarte na parang si Queen.

27:07.919 --> 27:10.919
Ang ipokrito mo.

27:12.919 --> 27:13.760
Ha?

27:14.320 --> 27:16.960
Talaga? Bibigyan pa kita
ng chance para sabihin.

27:17.760 --> 27:20.159
Tingnan mo nga, pinipilit mo sarili mo.

27:20.240 --> 27:21.919
Alam ko, di 'yan ang nasa isip mo.

27:22.000 --> 27:24.120
Talaga? Sa tingin mo,
gano'n akong klaseng tao?

27:26.679 --> 27:29.520
Parang dine-describe mo lang
ang sarili mo.

27:34.240 --> 27:35.240
Ano ba 'to?

27:35.840 --> 27:36.800
Hoy!

27:37.720 --> 27:38.919
Teka lang!

27:40.000 --> 27:42.240
Saan ka pupunta?
Di pa tayo tapos mag-usap.

27:45.399 --> 27:48.080
Ano'ng ibig mong sabihin?

27:50.120 --> 27:52.439
Ngayon, ano? Ganyan ka talaga.

27:53.320 --> 27:54.760
Di mo sinasabi kung ano'ng iniisip mo.

27:54.840 --> 27:57.399
Ang ipokrito mo,
iba ang kinikilos mo sa iniisip mo.

27:57.480 --> 27:59.960
Ano? Sobrang sincere ko nga.

28:00.040 --> 28:01.760
Napaka-open ko sa lahat.

28:01.840 --> 28:03.000
-A, talaga?
-Oo.

28:03.080 --> 28:04.800
Sige, sumumpa ka nga

28:04.879 --> 28:06.720
na 'yong dahilan
kung bakit mo 'ko gustong layuan,

28:06.800 --> 28:08.960
kasi pang one-night stand lang ako,
totoo ba 'yon?

28:12.760 --> 28:14.399
Kung di mo masasagot 'yan,

28:14.480 --> 28:16.760
wag mo na 'kong kumbinsihin
na bukas ka sa lahat.

28:18.280 --> 28:19.240
Hoy.

28:21.800 --> 28:22.800
Hoy.

28:24.760 --> 28:25.879
Ano?

28:25.960 --> 28:27.320
-Ano'ng gagawin natin?
-Tama na.

28:27.399 --> 28:29.639
Na-stuck. Wag kang basta
pindot nang pindot.

28:30.720 --> 28:31.679
Tabi.

28:39.959 --> 28:42.879
Sabihin mo sa 'kin 'yong combination!

28:44.120 --> 28:45.360
Hindi ko sasabihin sa 'yo.

28:50.360 --> 28:51.480
Gale.

28:54.800 --> 28:55.679
Tama na.

28:56.520 --> 28:57.840
Gale.

29:01.480 --> 29:02.679
Okay.

29:02.760 --> 29:04.679
Okay. Sasabihin ko na sa 'yo.

29:51.240 --> 29:55.280
Maghintay po, mga estudyante. Mag-aayos
ang technician sa loob ng sampung minuto.

29:55.360 --> 29:56.560
Salamat.

30:02.439 --> 30:05.080
Ito lang? Kulang 'to.

30:05.159 --> 30:07.120
Dapat tabihan mo sa kama,
kunan mo, i-share mo sa 'kin.

30:07.199 --> 30:10.080
Babangon ako galing sa libingan ko,
magwi-witness ako sa 'yo.

30:16.760 --> 30:18.639
Seryoso. Nanloloko ka lang, di ba?

30:18.720 --> 30:20.919
Wala kang kahit ano, 'no?

30:25.760 --> 30:27.480
WALA KANG KAHIT ANO, 'NO?

30:35.760 --> 30:37.280
Naniniwala ka na sa 'kin ngayon?

30:37.800 --> 30:41.760
Sample lang 'to. Marami pa ako nito.

30:42.280 --> 30:45.919
Meron ako
karamihan ng nangyari no'ng gabing 'yon.

30:49.439 --> 30:51.199
Puwede bang
wag ka munang makipaglaro ngayon?

30:51.280 --> 30:52.840
May problema 'yong kaibigan ko.

30:52.919 --> 30:54.919
Kung ano'ng meron ka, i-send mo sa 'kin.

30:58.919 --> 31:01.959
Sisiguraduhin kong
lalayo talaga sa 'yo si Athens.

31:05.159 --> 31:06.159
Teka.

31:07.199 --> 31:08.639
Chinat ka ba ni Queen ngayon?

31:11.520 --> 31:14.679
Oo. Alam ko na…

31:16.280 --> 31:18.040
Alam kong di si Queen 'yon.

31:18.120 --> 31:20.800
Pero sabi niya, meron siyang ebidensya
para sa gabing 'yon.

31:20.879 --> 31:23.280
Ise-send niya sa 'kin
pag ginawa ko'ng utos niya.

31:24.600 --> 31:27.040
Ano'ng gusto niyang gawin mo?
Ano 'yong mga utos?

31:28.360 --> 31:29.679
Layuan daw kita.

31:33.959 --> 31:37.399
Alam ko, parang tanga lang talaga pero…

31:37.480 --> 31:39.560
Di ko talaga alam ang gagawin ko.

31:40.600 --> 31:42.800
Paano ka nakakasigurado
na may ebidensya siya?

31:42.879 --> 31:45.560
May sinend siya
pero in-unsend niya rin agad.

31:45.639 --> 31:47.000
Sigurado akong meron siya.

31:48.480 --> 31:49.879
Ano 'to?

31:49.959 --> 31:52.000
Anong klaseng joke 'to?

32:05.560 --> 32:09.159
Tiningnan ko'ng mga sikreto ko
na tinatago ni Queen.

32:10.240 --> 32:12.000
Gusto kong malaman kung ano 'yong mga
sikreto ko na gusto niyang ibunyag.

32:13.639 --> 32:16.360
Ang totoo, wala naman.

32:16.879 --> 32:19.360
Mga litrato lang 'yon na lasing ako,
nakasuot ako ng manipis na damit.

32:19.439 --> 32:20.800
Nakita na ng lahat 'yon.

32:21.320 --> 32:24.679
Medyo nakaka-disappoint.
Akala ko, mas grabe pa dito.

32:25.800 --> 32:27.480
Mas magaling ka kaysa kay Queen.

32:27.560 --> 32:29.520
Mas alam mo'ng
mga sikreto ko kaysa kay Queen.

32:37.760 --> 32:39.280
Ang totoo,

32:39.360 --> 32:41.439
no'ng sinabi mong
di ko sinasabi ang nasa isip ko,

32:42.560 --> 32:43.679
siguro nga, totoo.

32:45.080 --> 32:47.600
Di ko sinunod ang puso ko
kahit kailan, kahit minsan.

32:48.480 --> 32:51.879
Nagsinungaling ako sa sarili ko
na magaling ako sa iba't ibang bagay.

32:52.399 --> 32:55.879
Ang totoo niyan,
duwag at loser talaga 'ko.

32:58.159 --> 32:59.240
Hindi 'yan totoo.

32:59.320 --> 33:01.760
Kahit kailan,
di ko inisip na deserved kita.

33:02.840 --> 33:06.240
Habang nagiging close tayo,
lalo kong nararamdaman

33:06.800 --> 33:09.159
na di ko deserve
'yong mabuting lalaking gaya mo.

33:09.240 --> 33:13.040
'Yong gaya mo, di dapat
nakikipag-date sa gaya ko.

33:17.159 --> 33:18.120
'Yon…

33:19.040 --> 33:20.240
ang sikreto ko.

33:21.879 --> 33:22.879
Ano'ng pakiramdam mo?

33:23.639 --> 33:26.199
No'ng narinig mong sinabi ko mismo,

33:27.560 --> 33:28.520
parang nakakaawa, di ba?

33:29.040 --> 33:31.679
Parang ang loser ko.

33:36.399 --> 33:41.040
Gusto mo bang malaman
'yong mga tinago kong sikreto ni Queen?

33:48.360 --> 33:49.520
Heto.

33:50.399 --> 33:51.480
'Tong pictures na 'to.

33:53.199 --> 33:59.159
Pinapakita lang na matabang bata ako dati,

33:59.919 --> 34:01.360
na pangit 'yong mukha.

34:01.439 --> 34:03.560
Di talaga ako guwapo o cute.

34:03.639 --> 34:05.159
Ang pangit, tingnan mo 'to.

34:07.719 --> 34:08.799
'Yan lang?

34:10.759 --> 34:12.920
Akala mo wala lang, 'no?

34:14.040 --> 34:17.279
Pero tinamaan talaga ako.

34:18.199 --> 34:20.440
Isipin mo. 'Yong gaya ni Queen,

34:20.520 --> 34:24.120
naghuhukay ng sikreto para ilantad ako.

34:24.920 --> 34:26.960
Ito lang 'yong nakita niya.

34:27.480 --> 34:30.719
Ibig sabihin, sobrang boring ng buhay ko.

34:30.799 --> 34:34.199
Walang special sa 'kin, ang boring.

34:34.799 --> 34:36.719
Pero simpleng buhay lang.

34:40.560 --> 34:41.920
Sa totoo lang, Papang,

34:43.880 --> 34:48.400
di importante
kung ano'ng nangyaring masama sa 'yo,

34:49.440 --> 34:50.480
kahit ano pa 'yon,

34:51.120 --> 34:52.319
di magbabago ang halaga mo,

34:53.880 --> 34:55.440
at least, sa paningin ko.

34:55.960 --> 34:59.279
Saka sobrang ordinaryo ko lang.

34:59.360 --> 35:00.640
Walang special.

35:01.240 --> 35:02.120
Mataba rin ako no'ng bata.

35:09.080 --> 35:10.240
Alam mo kung ano?

35:10.759 --> 35:15.839
Sa totoo lang,
di naman ako 'yong nasa video.

35:19.240 --> 35:22.080
Tinamad lang akong itanggi 'yon.

35:22.720 --> 35:24.360
Pag may sinabi ako, sasabihin naman
ng mga tao, sinungaling ako.

35:24.960 --> 35:28.080
Kaya inamin ko na lang.

35:29.360 --> 35:32.360
Di rin gano'n kay RJ.

35:36.600 --> 35:40.319
Sabi ko nga,

35:42.040 --> 35:43.240
umaarte lang ako na parang

35:43.880 --> 35:46.279
wala akong pakialam sa iniisip ng iba.

35:47.360 --> 35:49.560
Pero sa totoo lang,
lagi mo namang iniisip, di ba?

35:59.319 --> 36:00.360
Papang,

36:01.440 --> 36:04.799
wala kang kailangang patunayan.

36:06.200 --> 36:10.279
Dapat malaman mo kung sino ka talaga,
kung gaano ka kahalaga.

36:11.880 --> 36:12.960
'Yon ang importante.

36:14.680 --> 36:15.680
Alam mo 'yon?

36:29.600 --> 36:31.200
A.

36:31.279 --> 36:32.400
Ayos lang ba kayong dalawa?

36:32.480 --> 36:34.799
-Ayos lang kami.
-Salamat.

36:44.319 --> 36:45.319
Gale.

36:47.640 --> 36:48.640
Gale.

36:53.520 --> 36:54.480
Kailangan ko nang umalis.

36:55.920 --> 36:56.920
Puwede bang tanggalin mo muna
'tong tubig sa tub?

36:57.440 --> 36:58.759
Kalagan mo rin ako.

36:58.839 --> 37:00.720
May dadating dito, ililigtas ka.

37:00.799 --> 37:01.839
Aalis na 'ko.

37:02.600 --> 37:03.600
Gale.

37:04.359 --> 37:06.120
Alam mo naman, lahat ng ginawa ko,

37:06.839 --> 37:08.160
dahil 'yon mahal kita, di ba?

37:08.960 --> 37:09.920
Mahal na mahal kita.

37:11.200 --> 37:12.560
Please, wag mo 'kong iwan.

37:12.640 --> 37:13.600
Gale.

37:13.680 --> 37:14.680
Gale.

37:15.200 --> 37:16.480
Gale.

37:19.440 --> 37:20.440
Gale.

37:34.440 --> 37:35.480
Gale?

37:38.359 --> 37:39.960
Puwede ba 'kong pumasok?

37:54.040 --> 37:55.080
Ayos ka lang ba?

37:55.640 --> 37:56.640
Sobrang nag-aalala ako sa 'yo.

37:57.720 --> 37:59.400
Di ko alam kung saan ako pupunta.

37:59.920 --> 38:03.440
Pag umuwi ako, pipilitin lang ako
ng mama ko na bumalik kay Toy.

38:04.080 --> 38:06.880
Pag nagpunta naman ako kay Papang,
makikita ako ni Toy.

38:06.960 --> 38:08.680
Ayokong mapahamak siya.

38:09.400 --> 38:11.600
Alam ko, kakakilala pa lang natin.

38:12.120 --> 38:13.480
-Pero ako…
-Ayos lang.

38:14.319 --> 38:15.600
Puwede kang mag-stay dito.

38:16.720 --> 38:17.839
Promise,

38:19.080 --> 38:20.200
poprotektahan kita.

38:34.400 --> 38:35.480
Di naman sa

38:36.359 --> 38:39.200
di kita gusto,
pero di mo kailangang pilitin.

38:41.240 --> 38:43.120
Gusto kong makalaya sa kanya.

38:45.640 --> 38:47.080
Matutulungan mo 'ko, di ba?

39:08.440 --> 39:09.480
Kumusta ang pakiramdam mo?

39:10.560 --> 39:11.839
Nag-reply na sa 'kin si Gale.

39:12.359 --> 39:14.839
Sabi niya sa 'kin, wag akong mag-alala.
Kasama niya si Chivas ngayon.

39:17.240 --> 39:19.040
Ano ba'ng meron sa kanila?

39:19.759 --> 39:22.520
Magkarelasyon ba sila
gaya ng iniisip natin?

39:23.120 --> 39:24.480
Di ko alam.

39:25.000 --> 39:28.240
Pero ayos na rin, sa wakas,
mahihiwalayan na niya si Toy.

39:30.720 --> 39:32.120
Ikaw, kumusta ka?

39:32.799 --> 39:37.560
Naghihintay ka pa rin ba
ng ebidensya sa pekeng Queen na 'yan?

39:38.880 --> 39:41.200
Hindi, mukhang hindi na.

39:45.680 --> 39:46.880
Sige, guys.

39:46.960 --> 39:50.600
Usap tayo tungkol sa 'kin,
in five, four, three, two…

39:56.680 --> 39:57.520
FOLLOWERS

40:05.400 --> 40:06.720
Bakit mo ginawa 'yon?

40:06.799 --> 40:08.319
Ayaw mo naman
ng kahit anong ebidensya, di ba?

40:11.680 --> 40:13.440
MESSAGE

40:23.440 --> 40:26.000
Ang tagal ko nang hinihintay
na tumalon ka.

40:26.600 --> 40:27.960
Bakit di mo pa ginagawa?

40:28.040 --> 40:29.359
Bakit nagbago ang isip mo?

40:31.520 --> 40:32.600
Paano ka nakapasok dito?

40:34.680 --> 40:35.520
Nasaan si Athens?

40:36.400 --> 40:37.680
Di mo ba nakikita, wala siya dito?

40:38.279 --> 40:40.000
Sabihin mo sa 'kin kung nasaan siya!

40:40.080 --> 40:43.680
Kung hindi, magla-live ako
para ibunyag na nagda-drugs ka dito!

40:44.279 --> 40:50.319
Makikita ng mga tanga mong fans
kung ga'no ka talaga kagaga.

40:54.000 --> 40:55.160
Sige lang.

40:56.720 --> 40:58.040
Gawin mo!

40:59.000 --> 41:00.040
Sige, ibunyag mo 'ko.

41:01.799 --> 41:03.839
Ibubunyag din kita.

41:04.920 --> 41:06.160
Tingnan natin

41:07.279 --> 41:10.080
kung sino nga ba talaga
'yong walang lugar sa society?

41:16.240 --> 41:17.480
Buti na lang, wala si Athens dito.

41:19.080 --> 41:23.240
At least mas may isip siya,
na di dapat bumaba sa ganitong level.

41:25.120 --> 41:26.080
Isang araw,

41:26.160 --> 41:29.839
ipapakita ko sa kanya
na di siya bagay sa gaya mo.

41:35.640 --> 41:37.120
Sinabi niya sa 'kin na

41:38.040 --> 41:40.960
gusto niya si Papang.

41:43.480 --> 41:44.480
Ano'ng sabi mo?

41:48.040 --> 41:49.319
Babaeng gaya niya?

41:53.000 --> 41:54.000
Di totoo 'yan.

41:54.920 --> 41:55.880
Imposible.

41:59.880 --> 42:00.920
Aminin mo na lang.

42:02.520 --> 42:05.960
Kahit ano'ng pilit mo,
di ka niya magugustuhan.

42:07.880 --> 42:10.240
Hindi ka niya pinansin kahit minsan.

42:13.279 --> 42:15.600
Pero sa tingin ko,

42:16.920 --> 42:18.680
kahit tinanggihan niya 'ko,

42:20.080 --> 42:21.640
makukuha ko pa rin siya.

42:24.080 --> 42:25.680
At pag dumating 'yong oras na 'yon,

42:26.920 --> 42:29.279
sisiguraduhin kong mamahalin
at mababaliw siya sa 'kin.

42:30.160 --> 42:33.440
Tapos dudurugin ko'ng puso niya
gaya ng ginawa niya sa 'kin.

42:33.520 --> 42:36.720
Hindi siya makakatulog o makakakain.

42:38.400 --> 42:39.279
Ayos ba?

42:40.799 --> 42:42.319
Gagawin ko 'yan.

42:42.920 --> 42:44.040
Maghintay ka lang.

42:46.680 --> 42:47.759
Queen, bruha ka!

42:48.880 --> 42:51.200
Baliw kang bruha ka! Baliw ka!

42:51.720 --> 42:53.839
Do'n ka sa impiyerno! Do'n ka!

42:53.920 --> 42:56.560
Tumalon ka na! Gawin mo na!

43:03.600 --> 43:04.440
Ano?

43:06.279 --> 43:07.279
Bakit di mo 'ko itulak?

43:09.200 --> 43:10.839
Sabi mo, gusto mo na 'kong mamatay.

43:13.920 --> 43:15.279
Di mo ba 'ko itutulak?

43:15.920 --> 43:17.440
Sige, itulak mo na 'ko!

43:17.520 --> 43:19.120
Sige na, gawin mo na!

43:42.879 --> 43:44.839
Sa wakas, kinausap mo rin ako.

43:45.440 --> 43:46.600
Nandito ako para balaan ka.

43:46.680 --> 43:49.279
Pag sinabi ko sa 'yo
'yong mga sikreto niya,

43:49.920 --> 43:53.200
siguro ikaw 'yong tamang tao

43:53.279 --> 43:54.839
na magbabalik kay Gale sa 'kin.

43:54.920 --> 43:57.279
Kahit ano pa'ng pagkakamaling nagawa mo,

43:57.359 --> 43:58.920
poprotektahan kita.

43:59.000 --> 44:02.600
Queen, ipangako mo sa 'kin
na di mo ko tatraydurin.

44:03.200 --> 44:05.279
Tingin ko, kailangan mo nang
sabihin sa 'kin ang totoo.

44:05.359 --> 44:08.120
SUSUNOD NA EPISODE

44:08.200 --> 44:09.400
Tapos na.

44:11.839 --> 44:13.080
Thank you talaga.

44:42.359 --> 44:44.600
Nagsalin ng Subtitle: Redelyn Teodoro Juan
n ang totoo.
