WEBVTT

00:01.000 --> 00:02.639
ANG MGA KUWENTO AY MAAARING MAY DAGDAG
AT HAWIG SA MGA KARANASAN NG IBANG TAO.

00:02.719 --> 00:04.359
LAYUNIN LAMANG NITO NA MAGBIGAY-ALIW.

00:04.439 --> 00:06.080
WALA ITONG INTENSYONG MAGSULONG NG SEKSWAL
NA GAWAIN O NG NEGATIBONG KAISIPAN.

00:06.160 --> 00:07.800
HUMIHINGI AGAD NG PAUMANHIN ANG PRODUKSYON
PARA SA ANUMANG PAGKAKAMALI.

01:02.040 --> 01:03.879
Heto, videohan mo para sa 'kin!

01:03.959 --> 01:06.160
ANG NAKARAAN

01:06.759 --> 01:07.759
Ibig sabihin niyan,

01:08.520 --> 01:11.520
gusto mo rin ako, tama ba?

01:11.600 --> 01:13.479
Puwede mo ba 'kong puntahan?

01:14.080 --> 01:15.080
Ano 'yon?

01:15.160 --> 01:16.920
Hindi ko na kaya.

01:20.840 --> 01:22.119
Nahulog siya sa balcony, patay na siya.

01:22.720 --> 01:23.960
Di n'yo napansin?

01:24.039 --> 01:24.960
Ano?

01:25.039 --> 01:27.039
Si Queen. Nahulog siya sa building.

01:27.560 --> 01:29.039
-Gale?
-Hello, Gale.

01:29.119 --> 01:30.520
Alam ko na lahat ngayon.

01:53.039 --> 01:53.880
Uy, tumingin ka nang diretso.

01:54.399 --> 01:57.800
Kita mo 'yong lalaking nakaitim,
tinitingnan ako?

01:59.559 --> 02:00.440
Wag kang lumingon.

02:01.479 --> 02:02.559
Tinitingnan ka niya, 'no?

02:04.440 --> 02:06.039
Oo, tinitingnan niya tayo.

02:10.840 --> 02:12.519
Sino siya? Mukhang pamilyar siya.

02:13.120 --> 02:14.120
Si Toy 'yon.

02:14.640 --> 02:16.560
Cover siya sa magazine nito lang.

02:17.160 --> 02:19.120
Kasama rin siya
sa list ng mga heartthrob this year.

02:19.640 --> 02:20.680
Alam mo ba,

02:20.760 --> 02:23.320
pamangkin siya ng Deputy Chief of Police?

02:23.920 --> 02:25.840
Assistant Permanent Secretary
'yong papa niya.

02:25.920 --> 02:28.000
Tumakbo naman na MP 'yong kapatid niya.

02:28.079 --> 02:29.840
Maimpluwensya 'yong pamilya niya.

02:30.440 --> 02:31.239
E, ano naman?

02:31.320 --> 02:32.640
Galing siya sa respetadong pamilya.

02:32.720 --> 02:35.079
Pero mukhang
di siya gano'n ka-interesting.

02:35.160 --> 02:37.840
Parang gusto lang niyang
ipagyabang 'yong yaman niya.

02:38.519 --> 02:42.000
Uy, ka-age lang natin siya.

02:42.079 --> 02:43.200
O baka mas matanda ng ilang taon.

02:43.280 --> 02:44.280
Ano ba'ng ine-expect mo sa kanya?

02:45.400 --> 02:48.120
Pero dapat pag-isipan mo rin 'yong future.

02:48.200 --> 02:51.079
Sigurado, maganda ang future niya
kasi lumaki siya sa gano'ng pamilya.

02:51.679 --> 02:53.200
Ano pa'ng hinihintay mo?
Puntahan mo na siya!

02:53.280 --> 02:54.720
Hindi, ayoko.

02:55.239 --> 02:57.600
Hindi ka puwedeng mag-flirt sa kanya
tulad ng ibang guys

02:57.679 --> 03:01.040
na gusto mong maka-one night stand.

03:01.560 --> 03:04.760
Magkakamali siya ng akala
na may gusto ako sa kanya.

03:05.359 --> 03:07.640
Magkakamali o tatama?

03:12.079 --> 03:15.720
Ganito na lang,
magfi-flirt ako sa kanya dito,

03:15.799 --> 03:18.959
hihintayin ko siyang lumapit sa 'kin.

03:22.920 --> 03:24.280
Tama, Gale.

03:24.359 --> 03:26.000
Sabi ni Tor, tanungin kita.

03:26.079 --> 03:27.560
Kailan ka raw magre-reply sa text niya?

03:28.799 --> 03:31.920
Kailan ka titigil maging matchmaker?

03:32.000 --> 03:35.399
-Sabi ko sa 'yo, ayoko ng boyfriend.
-Kausapin mo lang siya.

03:35.480 --> 03:37.160
Walang mawawala.

03:37.239 --> 03:38.519
Mabait siya.

03:39.040 --> 03:40.799
Kung mabait siya, bakit di mo i-date?

03:40.880 --> 03:42.440
Bakit mo siya pinakilala sa 'kin?

03:42.519 --> 03:44.320
Ikaw ang gusto niya, hindi ako.

03:45.440 --> 03:46.440
Hindi totoo 'yan.

03:46.519 --> 03:47.920
Ang alam ko, ikaw muna 'yong dinate niya.

03:48.000 --> 03:48.840
Pero ayaw mo sa kanya.

03:53.359 --> 03:56.359
A, kinausap ko siya, di ko siya type.

03:56.440 --> 03:58.880
Kaya pinakilala ko siya sa 'yo,
ang saya, di ba?

03:58.959 --> 04:02.079
Salamat, pero wag na lang.

04:02.880 --> 04:03.920
Magsi-CR lang ako.

04:20.560 --> 04:21.560
Gale.

04:21.640 --> 04:23.320
Iba 'yong pinili ng director

04:23.400 --> 04:24.920
para sa commercial
kung saan ka nag-audition.

04:25.000 --> 04:26.280
Thank you sa pagpunta sa audition.

04:32.520 --> 04:34.000
Okay, thank you.

04:34.080 --> 04:36.360
Sabihan mo lang ako
pag may iba pang auditions.

04:47.560 --> 04:48.680
Sorry.

04:48.760 --> 04:49.640
Okay lang.

04:50.919 --> 04:52.200
Friend mo ba si Queen?

04:53.479 --> 04:54.599
Mm.

04:55.200 --> 04:56.320
A,

04:56.919 --> 04:58.240
pamilyar ka sa 'kin.

04:58.320 --> 04:59.640
Kilala ba kita?

05:00.719 --> 05:02.039
Artista ka ba?

05:03.800 --> 05:05.640
Oo. Siguro.

05:05.719 --> 05:07.599
Kita mo? Sabi ko na nga ba.

05:08.200 --> 05:09.280
Pinapanood na kita dati pa.

05:10.280 --> 05:13.680
Hoy, kung gusto mong kausapin si Queen,
puntahan mo na lang siya.

05:13.760 --> 05:14.760
Wag mo 'kong gamitin.

05:14.840 --> 05:15.880
Ayokong maging Cupid.

05:16.640 --> 05:17.640
Teka.

05:18.200 --> 05:20.120
Ba't ko ba siya kakausapin?

05:25.919 --> 05:27.440
Puwede ko bang makuha ang Instagram mo?

05:58.560 --> 05:59.719
Nagfi-flirt siya sa 'kin.

06:02.320 --> 06:03.400
'Yong lalaking 'yon.

06:03.919 --> 06:05.520
Ayaw niya sa 'yo, Queen.

06:05.599 --> 06:06.680
Gusto niya ako.

06:56.200 --> 06:57.520
Gusto mo na bang umuwi?

06:58.640 --> 06:59.680
Ihahatid na kita.

07:03.680 --> 07:05.280
Naisip mo ba,

07:06.919 --> 07:09.000
mas okay sana ang buhay mo,

07:09.840 --> 07:12.000
kung di mo nakilala si Queen?

07:12.840 --> 07:13.760
Ano?

07:16.599 --> 07:18.159
Di ako makakauwi.

07:18.960 --> 07:19.919
Kasi…

07:20.440 --> 07:21.680
natatakot ako, baka makita ko siya do'n.

07:26.440 --> 07:28.400
Sige, puwede kang mag-stay dito.

07:30.000 --> 07:32.080
At least, safe naman.

07:34.640 --> 07:35.680
Salamat.

07:36.200 --> 07:37.760
Pero di maganda ang
pakiramdam ko tungkol diyan.

07:43.080 --> 07:44.520
Wag mo sanang masamain.

07:44.599 --> 07:46.680
Di kita pinagdududahan.

07:47.280 --> 07:48.440
Gusto ko lang…

07:49.440 --> 07:50.599
Okay lang.

07:52.799 --> 07:54.080
Naiintindihan ko.

07:56.320 --> 07:59.039
Saan ka titira?

08:09.840 --> 08:11.599
Sorry, pero kailangan mo nang umalis.

08:11.679 --> 08:14.560
May problema si Gale,
gusto niyang mag-stay dito.

08:15.080 --> 08:15.960
Okay lang.

08:16.039 --> 08:17.799
Di ko rin naman planong mag-stay magdamag.

08:18.679 --> 08:19.679
A.

08:20.280 --> 08:23.799
Pupunta ka ba sa pulis bukas?

08:24.400 --> 08:26.359
Hindi pa. Pupunta muna ako
sa morning class ko.

08:26.440 --> 08:28.440
Sobrang dami ko nang absent,
ayoko nang bumagsak.

08:28.520 --> 08:30.239
Pero baka pumunta ako pagkatapos ng klase.

08:30.320 --> 08:34.319
Siguro dapat hayaan mo 'yong pulis
na kausapin si Peanut.

08:34.400 --> 08:36.679
Kundi, baka hindi

08:36.760 --> 08:38.199
natin sila mapaniwala
sa mga sasabihin natin.

08:38.280 --> 08:40.520
Iche-check ko si Peanut bukas.

08:41.679 --> 08:42.520
Salamat.

08:47.640 --> 08:49.880
GALE: MALAPIT NA AKO

08:51.480 --> 08:52.439
Malapit na si Gale.

08:52.959 --> 08:53.840
Tara na.

08:58.720 --> 08:59.920
May nakalimutan ka ba?

09:08.040 --> 09:09.840
Wala na. Tara na.

09:21.560 --> 09:23.199
Dadating 'yong friend ko dito.

09:23.280 --> 09:24.319
Kailangan mo nang umalis.

09:25.800 --> 09:26.920
Okay.

09:28.079 --> 09:30.640
Tawagan mo lang ako kahit anong oras
pag may nangyari.

09:33.040 --> 09:35.280
Thank you. Ingat sa pagda-drive.

09:43.079 --> 09:44.040
Gale.

09:46.199 --> 09:47.680
Kailangan mo nang umalis, gabi na.

09:47.760 --> 09:49.880
Sige, tatawagan kita bukas.

10:03.760 --> 10:04.600
Sino 'yon?

10:05.800 --> 10:06.959
Sasabihin ko sa 'yo mamaya.

10:07.480 --> 10:10.079
Di ba ako nakakaistorbo?

10:10.680 --> 10:12.360
Hindi naman. Tara.

10:20.360 --> 10:22.319
Di mo yata masusuot ang mga damit ko.

10:22.400 --> 10:25.560
Pero dati, natutulog dito si Queen.

10:25.640 --> 10:27.160
Iniwan niya ang mga damit niya dito.

10:27.240 --> 10:28.480
Okay lang ba?

10:29.280 --> 10:30.880
Okay lang. Puwede ko 'yang suotin.

10:30.959 --> 10:32.839
Sinusuot naman natin lagi
'yong damit ng isa't isa.

10:33.439 --> 10:34.439
Hindi naman sa gano'n.

10:34.520 --> 10:37.280
Kasi, di pa patay si Queen no'n.

10:58.360 --> 11:01.319
Ibahin na lang natin 'yong usapan?

11:04.520 --> 11:05.719
Ano'ng pag-uusapan natin?

11:05.800 --> 11:08.920
'Yong masaya naman.

11:09.439 --> 11:10.800
Tungkol sa lalaking 'yon.

11:11.360 --> 11:12.360
Ano nga ba'ng pangalan niya?

11:12.880 --> 11:14.160
Chivas, tama?

11:15.600 --> 11:17.600
Sinabi ko na sa 'yo na

11:17.680 --> 11:19.680
para na siyang kapatid na close kay Queen.

11:19.760 --> 11:22.680
At gusto niyang malaman
kung ano talaga ang nangyari.

11:23.719 --> 11:25.480
Ayokong malaman
'yong tungkol sa kanila ni Queen.

11:25.560 --> 11:26.920
Gusto kong malaman 'yong tungkol sa inyo.

11:28.199 --> 11:29.079
Ano 'yon?

11:29.160 --> 11:31.120
Nakita mo siya sa club no'ng gabing 'yon.

11:31.199 --> 11:32.600
Nilapitan ka niya, di ba?

11:32.680 --> 11:33.760
Ano 'yong sumunod?

11:36.000 --> 11:37.160
Ganito na lang kaya?

11:37.240 --> 11:38.760
Pag sinabi ko sa 'yo
'yong tungkol sa kanya,

11:38.839 --> 11:41.880
kailangan mo ring ikuwento
'yong tungkol kay Athens, okay?

11:41.959 --> 11:44.400
Pero wala namang nangyayari
sa pagitan namin.

11:45.280 --> 11:46.959
Talaga? Sigurado ka ba?

11:48.439 --> 11:51.079
Sige na, sabihin mo na. Chivas, di ba?

11:51.600 --> 11:52.520
Ano'ng nangyari?

11:52.600 --> 11:54.640
Parang kailangan ko nang mag-shower.

11:54.719 --> 11:56.800
Sige na, sabihin mo na.

11:56.880 --> 11:58.079
-Magsha-shower lang ako.
-Ano?

12:19.360 --> 12:21.160
PRIVATE TAXI

12:30.560 --> 12:31.640
DELETE

12:31.719 --> 12:32.920
Gale.

12:34.120 --> 12:36.280
Sigurado ka ba, gusto mong pumasok?

12:36.360 --> 12:37.920
Puwede ka naman sa bahay.

12:38.000 --> 12:39.400
Di malalaman ni Toy kung nasaan ka.

12:40.160 --> 12:42.040
Hindi. Ayoko nang umiwas.

12:42.120 --> 12:44.079
Hindi ko alam
kung hanggang kailan ako iiwas.

12:47.160 --> 12:49.040
Kung gano'n, wag kang mag-alala.

12:49.120 --> 12:50.719
Kapag kasama mo ako,

12:50.800 --> 12:52.640
di ko hahayaan na saktan ka ni Toy.

12:56.760 --> 12:59.199
Paano ka naman?

12:59.280 --> 13:00.120
Ano'ng gagawin mo?

13:00.199 --> 13:01.959
Di ka ba pupunta sa pulis ngayon?

13:02.560 --> 13:04.280
Nakausap ko si Athens.

13:04.360 --> 13:06.280
Maghihintay ako
hanggang magising si Peanut.

13:06.360 --> 13:09.439
Siya na rin 'yong makikipag-usap sa pulis.

13:13.480 --> 13:14.439
Gale.

13:14.520 --> 13:16.280
Ano? Toy.

13:16.800 --> 13:18.439
Ano'ng ginagawa mo dito?

13:19.040 --> 13:20.800
Hindi ako nagpunta dito
para makipag-usap sa 'yo, Papang.

13:20.880 --> 13:22.640
Tumabi ka. Gusto kong kausapin
'yong girlfriend ko.

13:23.760 --> 13:24.800
Girlfriend mo?

13:25.319 --> 13:27.160
Di mo na siya puwedeng
tawaging girlfriend mo.

13:29.360 --> 13:31.120
-Sabi ko, tumabi ka.
-Uy!

13:31.199 --> 13:34.000
-Tumabi ka! Toy, gago ka!
-Tama na, Toy.

13:34.599 --> 13:36.560
Tama na, campus 'to.

13:36.640 --> 13:38.360
Magpakadisente ka naman.

13:39.880 --> 13:41.400
E di, tara, lipat tayo ng lugar
para makapag-usap tayo.

13:41.480 --> 13:42.599
Hindi, wag kang makipag-usap sa kanya.

13:43.280 --> 13:46.240
-Papang… kailangan ko siyang kausapin.
-Hindi.

13:46.319 --> 13:48.640
Ayokong mapansin dito.

13:50.360 --> 13:51.240
Tara.

14:08.640 --> 14:10.719
Kasama mo ba si Athens?

14:17.000 --> 14:18.319
Hindi. Ano 'yon?

14:22.160 --> 14:24.040
Sabihin mo sa kanya,
pag di pa siya um-attend ng practice,

14:24.120 --> 14:25.880
di ko na siya isasali sa competition.

14:33.079 --> 14:34.880
Ano'ng gusto mong pag-usapan?

14:34.959 --> 14:37.000
Bilisan mo. May klase ako.

14:38.079 --> 14:41.800
Bakit mo dinelete
lahat ng pics natin sa IG?

14:42.439 --> 14:43.400
Di mo ba naisip, sobra na 'yon?

14:44.680 --> 14:47.599
Hindi, kumpara sa ginawa mo.

14:49.400 --> 14:50.880
Pa'no kung tanungin tayo
ng reporters tungkol do'n?

14:51.640 --> 14:52.719
Sasabihin ko sa kanila.

14:53.439 --> 14:54.280
Ano'ng sasabihin mo sa kanila?

14:54.920 --> 14:56.680
'Yong totoo.

14:56.760 --> 14:58.360
Ano kaya 'yong posibleng dahilan

14:58.439 --> 15:00.719
kung bakit binubura ng babae 'yong picture
ng boyfriend niya sa Instagram?

15:01.680 --> 15:02.680
Uy.

15:03.719 --> 15:04.760
Gusto mo nang makipaghiwalay sa 'kin?

15:08.439 --> 15:09.479
Hindi, di mo puwedeng gawin 'yan.

15:10.280 --> 15:11.599
Di 'to nakakatawa.

15:12.880 --> 15:14.079
Nakakatawa?

15:14.160 --> 15:16.160
Akala mo ba, joke 'to?

15:17.560 --> 15:18.560
Gale.

15:19.479 --> 15:21.880
Sorry. Kasalanan ko 'to.

15:24.920 --> 15:26.400
Tatanungin kita.

15:26.479 --> 15:29.000
Hindi ka ba napapagod sabihin 'yan?

15:29.599 --> 15:31.880
Sabi mo kasalanan mo.
Ano 'yong kasalanan mo?

15:32.479 --> 15:34.360
'Yong pang-aabuso mo sa 'kin?

15:34.439 --> 15:36.520
O dealer ka ng drugs?

15:36.599 --> 15:38.680
O 'yong pagtatago mo ng bangkay ni Queen?

15:40.520 --> 15:41.479
Gale.

15:42.240 --> 15:43.760
Kaya kong ipaliwanag 'yan.

15:44.400 --> 15:46.439
Wag mong sayangin
'yong oras mo sa pagpapaliwanag.

15:46.520 --> 15:48.000
I-reserve mo 'yan sa pulis.

15:48.760 --> 15:52.160
Mas maraming gulo
ang haharapin mo simula ngayon.

15:52.240 --> 15:54.040
Mag-focus ka na lang sa sarili mong buhay.

15:55.520 --> 15:57.599
Hindi, Gale.
Kailangan nating pag-usapan 'to.

15:57.680 --> 15:58.560
Tama na.

15:59.439 --> 16:00.800
Wala na siyang ibang sasabihin sa 'yo.

16:02.160 --> 16:03.199
Tara na.

16:09.839 --> 16:12.599
Totoo ba 'yon?
Galing sa reliable source, di ba?

16:12.680 --> 16:14.680
Oo, kagabi nga,

16:14.760 --> 16:17.160
nagpunta 'yong friend ko sa party
sa bahay ni RJ.

16:17.240 --> 16:19.599
Sinabi raw sa kanya 'yon ni RJ

16:19.680 --> 16:21.839
no'ng gabi na namatay si Queen.

16:21.920 --> 16:23.240
High sa drugs si Papang.

16:24.000 --> 16:26.280
Kasama niya sa kama
'yong members ng swimming club.

16:27.079 --> 16:28.120
Uy.

16:28.760 --> 16:31.719
No'ng isang araw, mamamatay-tao ako.

16:31.800 --> 16:33.479
Ngayon naman, binabago mo 'yong kuwento?

16:33.560 --> 16:34.439
Kasi,

16:34.959 --> 16:36.920
may bago akong source.

16:37.000 --> 16:38.479
Ina-update lang namin 'yong balita.

16:38.560 --> 16:41.760
Pinanganak kayong tatlo
nang walang utak, 'no?

16:42.760 --> 16:45.199
Hindi mo alam kung ano'ng totoo at hindi?

16:45.280 --> 16:48.160
O akala n'yo,
puwede n'yong pagkuwentuhan kahit ano?

16:49.079 --> 16:52.040
E, ano ba'ng totoo?

16:52.560 --> 16:53.760
Gusto rin naming malaman.

16:55.439 --> 16:56.280
Wag mo na lang pansinin.

16:56.359 --> 16:57.959
Walang kuwentang makipag-usap sa kanila.

16:58.040 --> 17:00.560
Naghahanap lang talaga sila ng gulo.

17:00.640 --> 17:01.880
Tara na.

17:12.760 --> 17:15.480
Hay, lalabas din ang totoo
sa tamang panahon.

17:15.560 --> 17:17.399
Hayaan mo silang magsalita.

17:17.480 --> 17:18.760
Wag mo silang pansinin.

17:26.680 --> 17:28.240
ATHENS

17:29.520 --> 17:30.600
Nasaan ka?

17:30.680 --> 17:32.440
Tinatanong ka ni Coach Kwang sa 'kin.

17:32.520 --> 17:34.560
Ha? Talaga?

17:34.639 --> 17:36.560
Wala 'yon, nasaan ka na?

17:37.560 --> 17:40.520
Sa ospital, chine-check ko si Peanut.

17:41.360 --> 17:43.159
Kumusta na si Peanut? Nagising na ba siya?

17:43.760 --> 17:45.440
Nilipat siya sa ibang ospital.

17:45.520 --> 17:46.680
Ano?

17:47.280 --> 17:48.320
Ano'ng sinabi mo?

17:48.919 --> 17:50.159
Nasaan siya ngayon?

17:50.240 --> 17:52.000
Di ko rin alam.

17:52.080 --> 17:54.360
Tinanong ko 'yong staff ko dito,
pero wala silang sinabi.

17:54.440 --> 17:58.399
Tinawagan ko ang parents niya,
pero walang sumasagot. Ang weird, di ba?

18:00.879 --> 18:02.280
Hello.

18:02.360 --> 18:03.919
Okay ka lang ba?

18:04.960 --> 18:05.960
Nasaan ka?

18:07.480 --> 18:08.879
Nasa klase.

18:09.399 --> 18:11.960
Wala. Iniisip ko lang
kung ano'ng susunod na gagawin.

18:12.560 --> 18:14.720
Sige, pupunta ako sa 'yo agad.

18:16.000 --> 18:16.960
Okay.

18:20.720 --> 18:21.560
Ano'ng nangyari?

18:22.159 --> 18:24.360
Tumawag si Athens, nawawala raw si Peanut.

18:24.440 --> 18:26.240
Hindi niya alam
kung saang ospital nalipat si Peanut.

18:26.840 --> 18:28.320
Makaka-affect ba 'yon sa kahit ano?

18:28.399 --> 18:29.560
Siyempre,

18:29.639 --> 18:32.760
siya lang ang witness na puwedeng magsabi
ng totoo tungkol sa nangyari kay Queen.

18:33.480 --> 18:34.879
Ibig sabihin, simula ngayon,

18:34.960 --> 18:37.520
pag may sinabi tayo sa pulis,
wala nang magiging epekto.

18:40.040 --> 18:43.040
Mukhang may kinalaman talaga dito si RJ.

18:44.760 --> 18:45.760
O puwede ring si Toy.

19:01.600 --> 19:02.600
Papang.

19:04.080 --> 19:05.200
Papang.

19:05.720 --> 19:07.919
Uy, saan ka pupunta?

19:10.000 --> 19:11.280
Di ko alam.

19:11.360 --> 19:13.040
Nalilito talaga ako.

19:13.840 --> 19:15.520
Di ko na alam
kung ano'ng susunod na gagawin ko.

19:15.600 --> 19:17.000
Relax ka lang.

19:17.080 --> 19:19.520
Magiging maayos din lahat sa huli.

19:24.879 --> 19:25.679
Hi, babe.

19:26.639 --> 19:27.600
Saan mo dinala si Peanut?

19:27.679 --> 19:30.200
Inilipat mo siya, di ba?
Sabihin mo sa 'kin, RJ.

19:30.280 --> 19:32.480
-Nasaan si Peanut?
-Tama na!

19:32.560 --> 19:34.280
Nilipat lang siya sa ibang ospital.

19:34.360 --> 19:35.399
Saan?

19:35.480 --> 19:37.159
Tanungin mo'ng parents niya.

19:37.679 --> 19:38.760
Hindi ko rin alam.

19:39.399 --> 19:42.200
Wag mong isipin
na makakalusot ka sa ginawa mo.

19:42.720 --> 19:44.520
Pagbabayarin kita.

19:44.600 --> 19:46.000
Pagbabayarin saan?

19:46.520 --> 19:47.879
Wala naman akong ginawa.

19:47.960 --> 19:50.159
Si Queen mismo ang pumasok sa gulong 'to.

19:51.600 --> 19:53.840
Saka si Toy, 'yong boyfriend mo,

19:53.919 --> 19:55.360
sinira niya lahat.

19:57.800 --> 19:59.200
Pero dinrugs mo 'ko.

19:59.280 --> 20:01.520
Sino sa tingin mo'ng
nag-utos sa 'kin na gawin 'yon?

20:02.800 --> 20:04.000
Si Queen, malamang.

20:05.560 --> 20:07.360
Pero wala akong ginawa sa 'yo.

20:09.440 --> 20:11.720
Papang, wag mong sayangin
ang oras mo na kausapin 'yan.

20:11.800 --> 20:13.879
-Tara na.
-Babe.

20:14.800 --> 20:17.080
Tapusin na lang natin 'to.

20:17.639 --> 20:19.840
Hindi naman kailangan
na mapahamak tayo pareho.

20:20.480 --> 20:21.639
Pakinggan mo lang ako.

20:21.720 --> 20:24.480
Puwede kong kumpirmahin kung nasaan ka.

20:25.120 --> 20:26.800
Di mo na kailangang matakot sa pulis.

20:26.879 --> 20:28.560
Malalagpasan natin 'to agad pareho.

20:31.120 --> 20:33.480
Hindi na ako magsisinungaling
sa kahit sino.

20:33.560 --> 20:35.600
Hindi rin ako magsisinungaling
para sa 'yo.

20:36.360 --> 20:37.480
Bahala ka na nga.

20:38.000 --> 20:41.040
Kung sa tingin mo,
maniniwala sila, sige lang!

20:41.800 --> 20:42.760
Gawin mo na!

20:43.280 --> 20:44.360
Tara na.

21:19.760 --> 21:20.639
Nasaan ka?

21:20.720 --> 21:21.760
Wala ka sa classroom?

21:25.720 --> 21:27.200
Hindi, bumalik ako sa bahay.

21:33.520 --> 21:34.760
Gusto mo ba, magpunta ako?

21:36.440 --> 21:38.399
Hindi na. Wala ka bang swimming practice?

22:04.600 --> 22:05.480
Gale.

22:06.439 --> 22:08.120
Kailangan mong makipaghiwalay kay Toy.

22:08.800 --> 22:11.080
Halimaw siya, sinaktan niya tayong dalawa.

22:12.040 --> 22:14.320
Sangkot din siya sa mga drug dealer.

22:14.840 --> 22:17.760
Kung makikipag-date ka pa sa kanya,
sobrang tanga mo na talaga.

22:24.399 --> 22:25.360
Sorry.

22:26.000 --> 22:26.919
A…

22:27.439 --> 22:28.639
Masyado na akong na-focus diyan.

22:35.320 --> 22:36.399
Pag-usapan natin 'yong tungkol sa 'yo.

22:36.919 --> 22:38.560
Sigurado ka ba, di mo sasabihin sa pulis

22:38.639 --> 22:40.520
'yong tungkol sa pag-drugs sa 'yo ni RJ
at mga kaibigan niya?

22:41.120 --> 22:42.439
Para ano pa?

22:42.520 --> 22:43.879
Wala rin naman akong ebidensya.

22:44.560 --> 22:46.720
-Pero tingin ko…
-Kailangan kong humanap ng ebidensya.

22:46.800 --> 22:49.679
O kailangan ko silang piliting umamin.

22:57.399 --> 22:59.960
Okay ka lang ba?

23:03.320 --> 23:04.360
A…

23:04.439 --> 23:05.840
Sinusubukan ko.

23:10.879 --> 23:13.439
Bakit nangyari sa 'tin
'tong kabaliwang 'to?

23:18.439 --> 23:19.399
Bakit?

23:45.600 --> 23:46.600
Uy, Guy.

23:48.000 --> 23:49.240
Nasaan si Peanut?

23:50.760 --> 23:51.800
Hindi ko alam.

23:52.800 --> 23:55.000
Ano ba, pa'nong hindi mo alam?

23:55.800 --> 23:56.760
Hoy, gago ka!

23:57.360 --> 23:58.639
Please lang!

23:59.240 --> 24:00.399
Puwede ba, wag kang mangialam dito?

24:00.480 --> 24:01.840
Bakit?

24:01.919 --> 24:04.520
Takot kang malaman ko lahat ng ginawa mo?

24:05.240 --> 24:08.040
Wag kang mag-alala.
Sinabi sa 'kin ni Peanut lahat.

24:08.120 --> 24:10.080
Dinrugs n'yo raw si Papang

24:10.159 --> 24:12.520
hanggang sa mawalan siya ng malay
at walang maalala.

24:12.600 --> 24:16.040
Nakipagsabwatan ka pa kay Toy
para itago 'yong katawan ni Queen.

24:18.200 --> 24:19.600
Kung sigurado ka talaga diyan,

24:20.200 --> 24:21.560
dapat magpunta ka sa pulis.

24:21.639 --> 24:23.000
Ano'ng ginagawa mo dito?

24:23.520 --> 24:24.439
Hm?

24:27.919 --> 24:30.480
Ang lakas din
ng loob mong magpunta dito, ha?

24:30.560 --> 24:32.439
Pinabalik na 'ko ni Coach sa practice.

24:35.200 --> 24:37.879
Pag nalaman niya
lahat ng nakakakilabot na ginawa mo,

24:37.960 --> 24:39.439
sigurado akong tatanggalin ka niya.

24:39.520 --> 24:40.840
Tungkol saan?

24:42.720 --> 24:44.159
A, tama.

24:44.960 --> 24:47.280
Tungkol sa pagpayag ni Papang
na galawin siya.

24:52.679 --> 24:54.639
-Hoy!
-Ayusin mo ang pananalita mo!

24:54.720 --> 24:56.280
Tigil! Tumigil na kayo!

24:56.360 --> 24:57.919
Itigil n'yo na 'yan, ngayon din!
Ano'ng nangyayari?

24:58.879 --> 25:01.520
Hoy! Unang araw 'to na pinapasok kita.

25:01.600 --> 25:03.280
-Gusto mo ng bagong penalty?
-Siya 'yong nagsimula.

25:03.360 --> 25:04.840
-Tumahimik ka! Hindi!
-Sabihin mo ulit 'yan!

25:04.919 --> 25:05.960
Tumigil na kayo! Kayong dalawa!

25:06.040 --> 25:07.240
Tama na.

25:07.320 --> 25:09.760
Simulan n'yo na'ng
warm-up routine n'yo. Lahat kayo.

25:09.840 --> 25:11.159
Labas na!

25:12.439 --> 25:14.080
Labas na! Ngayon na! Bilis!

25:15.760 --> 25:16.760
Puwede ba, wag kayong mag-away
kahit isang araw lang?

25:16.840 --> 25:18.399
Lagi kayong nag-aaway.

25:23.360 --> 25:24.199
Athens.

25:26.919 --> 25:27.800
Mag-usap tayo.

25:30.280 --> 25:31.600
Seryoso ka ba diyan?

25:33.000 --> 25:35.199
Di ako magsisinungaling
tungkol sa ganitong bagay, Coach.

25:35.280 --> 25:36.840
Tatlo sa kanila, dinrugs si Papang.

25:36.919 --> 25:39.000
Dinrugs nila si Queen bago siya namatay.

25:39.080 --> 25:41.240
Nadulas si Peanut,
sinabi sa 'kin lahat mismo.

25:43.480 --> 25:45.439
Bago mo sabihin sa 'kin
'yong tungkol sa iba,

25:45.520 --> 25:47.399
mag-focus ka muna sa sarili mo.

25:47.480 --> 25:49.280
Bakit ngayon ka lang nagpakita?

25:49.360 --> 25:50.960
Malapit na'ng competition.

25:51.040 --> 25:53.800
Sabi ko sa 'yo,
kailangan mo pang mag-practice.

25:54.439 --> 25:57.399
Sobrang kawalanghiyaan
'yong ginawa ni RJ at ng mga kasama niya.

25:57.480 --> 26:00.360
Involved sila sa drugs
at sexual harassment,

26:00.439 --> 26:02.199
pagtatago ng bangkay, pagsisinungaling.

26:02.280 --> 26:05.480
Wala 'kong nakita
kahit konting pagsisisi sa kanila.

26:05.560 --> 26:07.199
Sige. Naiintindihan ko.

26:07.280 --> 26:11.040
Sa totoo lang,
di ko masyadong gusto si RJ.

26:11.919 --> 26:16.280
Pero wala akong power
magtanggal ng kahit sino sa club, gets mo?

26:17.120 --> 26:19.080
Kailangan natin silang i-report
sa board o committee.

26:19.159 --> 26:22.919
Dad ni RJ 'yong sponsor ng college na 'to.

26:23.000 --> 26:26.159
At least, mag-file man lang tayo
ng report, imbestigahan sila.

26:26.760 --> 26:29.480
Nasaan 'yong ebidensya? Meron ka ba?

26:30.000 --> 26:31.439
O nagre-rely ka lang
sa sinasabi ni Peanut?

26:33.960 --> 26:36.720
Pero sigurado, di siya magsisinungaling.

26:36.800 --> 26:38.679
Sigurado akong
totoo ang sinabi niya sa 'kin.

26:38.760 --> 26:40.679
Bigla na lang siyang nawala nang ganito.

26:42.159 --> 26:44.520
Hayaan mong gawin ng pulis
ang trabaho nila.

26:44.600 --> 26:48.800
Pag napatunayan nilang guilty si RJ,
siguradong papaalisin ko siya.

26:48.879 --> 26:50.840
Pero ngayon, focus ka muna sa sarili mo.

26:52.199 --> 26:54.960
Hindi ako sigurado

26:55.040 --> 26:57.760
kung fit ka para sa competition.

26:57.840 --> 27:01.360
Kung ganito 'yong performance mo,
kailangan kong pag-isipan ulit.

27:03.600 --> 27:05.320
Ayos lang naman sa 'kin.

27:05.840 --> 27:08.480
Promise, pagkatapos nitong gulo,

27:08.560 --> 27:10.080
magfo-focus ako sa training.

27:10.840 --> 27:12.600
Kung ganyan pa rin ang iniisip n'yo,

27:12.679 --> 27:14.320
at di ako fit para do'n, tanggap ko 'yon.

27:14.399 --> 27:18.560
Pero ibang usapan 'yong ginawa ni RJ.

27:18.639 --> 27:22.120
May kawalanghiyaan silang ginawa,
at kailangan nating kumilos.

27:22.639 --> 27:24.399
Kung hindi, parang pinoprotektahan natin
'yong mga masasama,

27:24.480 --> 27:26.280
masisira ang reputasyon ng club.

27:27.360 --> 27:28.320
Sige.

27:29.000 --> 27:32.720
Sinasabi mo sa 'kin,
galit na galit ka tungkol diyan

27:32.800 --> 27:34.399
kasi nag-aalala ka sa club.

27:35.080 --> 27:35.919
Sigurado ka ba diyan?

27:36.760 --> 27:40.280
Hindi makuha ng mga tao
'yong justice na para sa kanila.

27:41.040 --> 27:42.480
Kasama na do'n si Queen na namatay na,

27:42.560 --> 27:45.760
pati si Papang na dinrugs,
ginawan ng kuwento.

27:47.480 --> 27:48.760
So, 'yong point,

27:49.280 --> 27:51.439
concerned ka sa mga babaeng 'yon

27:51.520 --> 27:55.000
kaysa sa club na 'to
na mas makakatulong sa future mo?

27:57.080 --> 27:57.919
Coach.

27:58.520 --> 28:01.240
Akala ko, mas magaling ka kaysa kay RJ.

28:02.800 --> 28:03.919
Pero sa huli,

28:05.800 --> 28:08.439
ginamit mo 'yan imbes na utak mo.

28:11.320 --> 28:14.080
Nakakadismaya ka rin gaya niya.

28:16.560 --> 28:18.600
Pa'no mo nagawang mambaliktad nang ganyan?

28:19.159 --> 28:22.560
Ginagawa ko lang 'yong tama.

28:24.000 --> 28:24.840
Sige.

28:25.360 --> 28:27.560
Puwede kang ma-disappoint sa 'kin.

28:28.360 --> 28:29.760
No'ng narinig kong ganyan ka,

28:30.480 --> 28:32.000
nawalan na rin ako ng tiwala sa 'yo.

28:50.959 --> 28:52.080
Saan ka pupunta?

28:54.360 --> 28:56.879
Kung 'yang sinabi mo,
nagre-reflect sa ugali mo,

28:57.399 --> 28:59.159
siguro, hindi ako dapat nandito.

29:14.320 --> 29:15.240
Saan ka pupunta?

29:23.639 --> 29:26.240
Ngayong umaga,
ang Narcotics Suppression Bureau

29:26.320 --> 29:28.679
ay nagsagawa ng raid
sa isang bahay sa Seri Thai

29:28.760 --> 29:31.360
na pag-aari ni Premkit Kiatkampol

29:31.439 --> 29:33.879
o si Pepper, isang malaking drug dealer.

29:33.959 --> 29:37.720
Natuklasan ng pulis ang malaking halaga
ng drugs sa bahay niya,

29:37.800 --> 29:40.919
kasama ang crystal meth, cocaine,
at one-night stand drug,

29:41.000 --> 29:44.879
bagong uri ng gamot
na malawakang ginagamit ngayon.

29:44.959 --> 29:47.760
Pero hindi pa rin mahanap
ng pulisya si Pepper,

29:47.840 --> 29:49.679
ang may-ari ng bahay.

29:49.760 --> 29:53.840
Inilabas na ng pulis
ang warrant para sa kanyang pag-aresto.

29:55.080 --> 29:56.320
Ibig sabihin,

29:56.399 --> 29:59.199
wala na tayong puwedeng gawin
kahit ano kay Toy ngayon?

30:01.720 --> 30:04.040
Mukhang kaibigan nila 'yong pulis.

30:04.120 --> 30:06.360
May nagtimbre kay Pepper
kaya nakatakas siya sa tamang oras.

30:07.320 --> 30:09.040
Nag-aalala sila na pag naaresto si Pepper,

30:09.120 --> 30:11.120
puwede niyang mabanggit si Toy.

30:13.639 --> 30:15.240
Sinabi lang sa 'kin ni Papang

30:15.320 --> 30:18.320
na may nakakita kay Toy
habang tinatago ang katawan ni Queen

30:18.399 --> 30:20.360
na bigla ring nawala sa ospital.

30:20.439 --> 30:21.639
Ano?

30:23.000 --> 30:26.679
Wala kaming ebidensya
na nagtuturo sa kanila.

30:31.439 --> 30:35.399
Gale, kailangang i-postpone
'yong schedule ng fitting.

30:40.800 --> 30:42.360
GUSTO MO BANG TUMAWAG SA CAST?

30:44.240 --> 30:45.919
Hello, Gale.

30:47.040 --> 30:48.080
Hello.

30:48.639 --> 30:51.480
Ano'ng nangyayari? Akala ko,
nagmamadali kayong mag-shoot.

30:54.520 --> 30:56.919
Gusto ng executive team na ipahinto muna.

30:57.000 --> 30:58.720
Sabi nila, puwedeng magkaroon ng changes.

30:58.800 --> 31:00.879
Di ko rin alam.

31:02.280 --> 31:03.439
Gale,

31:03.520 --> 31:06.280
baka dapat kausapin mo 'yong management.

31:06.360 --> 31:08.919
Nalilito rin ako tungkol diyan.

31:12.120 --> 31:13.720
Sige. Salamat.

31:16.639 --> 31:17.600
Okay ka lang ba?

31:18.199 --> 31:20.080
Okay naman lahat. Wag kang mag-alala.

31:35.560 --> 31:36.560
Busy ka ba?

31:37.240 --> 31:38.199
Hindi.

31:39.000 --> 31:40.800
Puwede ba 'kong pumasok?

31:40.879 --> 31:41.760
Mm.

31:53.679 --> 31:56.320
So, ano'ng gagawin mo?

31:56.840 --> 31:58.240
Pupunta ka ba sa pulis?

31:59.639 --> 32:00.639
Hindi pa.

32:01.760 --> 32:03.280
Wala akong ebidensya.

32:03.360 --> 32:05.000
Mukhang hindi 'to makakabuti.

32:07.600 --> 32:09.399
Wag kang ma-stress.

32:09.480 --> 32:11.639
Tutulungan kitang maghanap ng ebidensya.

32:11.719 --> 32:14.679
Kukumbinsihin natin si Guy

32:14.760 --> 32:17.600
-o pipilitin si RJ na…
-Uy.

32:17.679 --> 32:19.320
Wala ka bang swim practice?

32:19.399 --> 32:20.399
Next month na 'yong competition, di ba?

32:22.600 --> 32:24.159
Hindi na importante 'yon.

32:24.240 --> 32:25.520
Mas importante 'yong problema mo.

32:29.560 --> 32:30.760
Okay lang ba lahat?

32:32.959 --> 32:35.600
Actually, tingin ko,

32:36.159 --> 32:37.719
wag ka nang makisali dito.

32:39.040 --> 32:41.120
Ayokong sayangin ang oras mo.

32:41.199 --> 32:43.639
At ayokong masayang
'yong future mo dahil dito.

32:44.480 --> 32:47.639
Umalis na 'ko sa club.

32:47.719 --> 32:48.719
Ha?

32:50.360 --> 32:51.840
Baliw ka ba?

32:53.000 --> 32:55.080
Sabi ko, mas importante 'yong problema mo.

32:55.159 --> 32:57.760
Di ko hahayaang
harapin mo 'to lahat mag-isa.

32:57.840 --> 32:58.800
Tutulungan kita kahit ano'ng mangyari.

32:58.879 --> 33:00.639
Pero ayokong gawin mo 'yan.

33:00.719 --> 33:01.800
Ha?

33:02.840 --> 33:05.199
Saka, wala naman tayo.

33:05.280 --> 33:06.840
Hindi nga tayo mag-bestfriend, e.

33:06.919 --> 33:10.040
Ayokong ma-guilty kung sasayangin mo'ng
future mo dahil sa 'kin.

33:12.520 --> 33:13.520
Teka.

33:14.760 --> 33:17.159
Ano'ng ibig mong sabihin
no'ng sinabi mong walang tayo?

33:18.199 --> 33:21.439
Pa'no mo nasabi 'yan? Tayo…

33:22.520 --> 33:24.360
Gusto ko lang gumanti kay Queen.

33:25.159 --> 33:27.320
One-night stand lang 'yon, okay?

33:28.840 --> 33:29.879
Papang.

33:30.800 --> 33:33.360
Kung may gumugulo sa 'yo, sabihin mo lang.

33:34.919 --> 33:36.639
Wag ka masyadong ma-involve dito.

33:39.040 --> 33:42.159
Wala 'to.

33:42.240 --> 33:45.399
Saka siguro, mas madali
kung di ka na lalapit sa 'kin.

33:46.199 --> 33:48.000
Oo, mas mabuti 'yon.

33:51.840 --> 33:53.199
Kailangan kong mapag-isa.

33:54.240 --> 33:55.320
Puwede ba, umalis ka na?

33:57.719 --> 33:59.439
Sabi ko, umalis ka na.

34:00.240 --> 34:01.199
Hindi mo ba 'ko narinig?

34:02.600 --> 34:04.120
Totoo ba 'yan?

34:04.800 --> 34:05.959
Umalis ka na.

34:10.080 --> 34:11.040
Okay.

35:02.480 --> 35:03.960
Ginawa ko'ng sinabi mo.

35:04.040 --> 35:06.240
Sinabi ko kay Athens
na tigilan niya na 'ko.

35:09.799 --> 35:11.160
Sigurado ka?

35:18.759 --> 35:20.560
Kung hindi ka naniniwala sa 'kin,
hintayin mo lang.

35:20.640 --> 35:21.960
'Yan lang ang masasabi ko.

35:23.000 --> 35:26.200
Good, pag lumayo na sa 'yo si Athens,

35:26.279 --> 35:29.160
ise-send ko na 'yong video
no'ng gabing 'yon sa mga pulis.

35:29.680 --> 35:32.799
Puwede mo talagang ibintang kay RJ.

35:36.600 --> 35:38.200
Sino ka ba talaga?

35:38.279 --> 35:40.279
Bakit may access ka sa account ni Queen?

35:40.360 --> 35:42.319
Ba't may video ka?

35:42.400 --> 35:44.600
Bakit ka nag-post ng pictures
para i-frame up ako?

35:48.520 --> 35:50.360
Sino ako?

35:50.440 --> 35:52.040
Ako si Queen.

35:56.839 --> 35:59.120
Sabihin na lang nating
matatapos na lahat ng kaguluhang 'to

35:59.200 --> 36:01.759
pabor man sa 'yo o hindi,
nakasalalay 'yon sa 'kin.

36:01.839 --> 36:03.440
Ayusin mo'ng sarili mo.

36:03.520 --> 36:05.600
Tutulungan kitang malampasan 'to.

36:11.400 --> 36:13.960
Wag mong sabihin kahit kanino
lalo na sa mga pulis.

36:14.680 --> 36:16.759
Kung hindi, buburahin ko
lahat ng ebidensya.

36:16.839 --> 36:19.480
Wala nang matitira para maaresto sila.

36:22.960 --> 36:27.799
MESSAGE

36:43.839 --> 36:46.120
Kagagawan mo ba 'yong nangyari sa series?

36:46.200 --> 36:48.799
Pinalitan mo si Queen sa series na 'yon

36:49.680 --> 36:51.960
kasi sinabi ko sa casting team
na kunin ka.

36:52.880 --> 36:54.400
Kung gusto mong makipaghiwalay sa 'kin,

36:55.000 --> 36:56.279
di ka na masasali do'n.

36:56.359 --> 36:57.560
'Yon lang.

36:59.040 --> 37:00.520
Gusto mo 'yon?

37:01.560 --> 37:04.400
Sabi ko sa 'yo, sa sitwasyong 'to,

37:04.480 --> 37:06.440
dapat higpitan natin ang hawak
sa isa't isa.

37:07.640 --> 37:09.720
Basta pag binitawan mo'ng kamay ko,

37:16.040 --> 37:19.520
pareho tayong masisira.

37:41.960 --> 37:43.120
Ano ba'ng gusto mo?

37:44.240 --> 37:45.720
Ako dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo.

37:45.799 --> 37:47.400
Ano ba'ng gusto mo sa 'kin?

37:48.000 --> 37:49.480
Bakit nangingialam ka sa buhay ko?

37:50.160 --> 37:52.720
Maging responsable ka lang
sa lahat ng ginawa mong masama.

37:54.440 --> 37:56.080
Dapat maging responsable ka rin do'n.

38:03.319 --> 38:04.200
Minnie?

38:07.920 --> 38:09.240
Naniwala ka talaga

38:09.799 --> 38:13.120
na di ko malalamang pinadala mo siya?

38:14.200 --> 38:16.080
Pinatay ko na dapat siya.

38:17.120 --> 38:18.600
Pero di ko ginawa

38:18.680 --> 38:21.000
kasi gusto kitang kausapin nang maayos.

38:23.120 --> 38:25.640
May inutusan ako para alamin ang buhay mo.

38:27.799 --> 38:30.799
Alam kong pinondohan ka ng mga mafia
para magsimula ng company.

38:32.920 --> 38:37.080
Pag sinabi ko 'yon sa mga awtoridad,

38:39.640 --> 38:40.799
tingnan natin

38:41.560 --> 38:42.920
kung sino sa 'ting dalawa

38:43.680 --> 38:45.080
ang unang babagsak.

38:48.000 --> 38:52.279
Kaya, tigilan mo na 'yang ginagawa mo.

38:52.799 --> 38:55.240
Hindi na kita guguluhin.

38:57.040 --> 38:57.880
Shet.

38:58.400 --> 39:02.120
High at tangang babae lang
na nahulog sa building,

39:03.759 --> 39:05.080
bakit hinahalungkat mo pa 'yon?

39:05.839 --> 39:07.640
'Yong babaeng 'yon
ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

39:08.279 --> 39:09.400
Ano ba'ng nagawa kong mali?

39:10.040 --> 39:11.640
Di ko rin naman ginustong mamatay siya.

39:13.120 --> 39:14.799
Ano ba talaga ang gusto mo sa 'kin?

39:15.400 --> 39:18.160
Gusto ko? Nagbenta ka ng drugs kay RJ,
nagsinungaling ka sa pulis

39:18.240 --> 39:19.359
tungkol kay Queen,
'yon pa lang nakakakilabot na.

39:22.920 --> 39:25.040
Parang di tayo nagkakaintindihan.

39:26.720 --> 39:28.960
Ano'ng dapat kong gawin sa malanding 'to?

39:34.680 --> 39:36.640
Ano sa tingin mo?

39:37.600 --> 39:39.520
-Tatanungin kita sa huling pagkakataon.
-Tulong.

39:41.200 --> 39:42.480
Titigil ka ba

39:43.480 --> 39:44.480
sa ginagawa mo?

40:02.480 --> 40:03.520
Minnie.

40:07.960 --> 40:08.839
Sige.

40:10.759 --> 40:11.600
Titigil na 'ko.

40:13.120 --> 40:14.240
Tapos ka na ba?

40:19.040 --> 40:19.960
Minnie.

40:25.600 --> 40:27.480
Tigilan mo na rin
'yong paglapit sa girlfriend ko.

40:30.440 --> 40:31.319
Sinong girlfriend mo?

40:32.520 --> 40:33.440
Boyfriend ba'ng tingin niya sa 'yo?

40:33.520 --> 40:35.720
Pagkatapos ng masasamang ginawa mo
sa kanya at sa mga kaibigan niya.

40:37.400 --> 40:39.319
Naayos ko na lahat sa kanya.

40:40.960 --> 40:42.000
Di naman gano'n kahirap

40:43.520 --> 40:44.400
makipag-ayos sa babae.

40:47.920 --> 40:48.839
Tara na.

40:54.960 --> 40:55.920
Minnie?

41:01.279 --> 41:02.359
Ayos ka lang?

41:04.520 --> 41:05.440
Minnie.

41:15.799 --> 41:18.600
CHIVAS

41:23.799 --> 41:25.640
MAGSISIMULA NA 'YONG KLASE

41:28.640 --> 41:31.560
SIGE, TAWAGAN MO 'KO PAG TAPOS KA NA.
SUSUNDUIN KITA.

41:42.680 --> 41:43.680
Nasaan si Papang?

41:44.200 --> 41:45.520
Ayaw niyang gumising nang maaga.

41:47.200 --> 41:49.319
Tinanong ako ni Toy
kung gusto niya akong maging girlfriend.

41:52.520 --> 41:54.720
Talaga? Okay 'yon para sa 'yo.

41:57.000 --> 41:58.160
Uy.

41:58.240 --> 41:59.319
Galit ka ba sa 'kin?

42:00.720 --> 42:01.880
Tingin mo galit ako sa 'yo?

42:03.160 --> 42:04.400
Ano ka ba.

42:05.680 --> 42:06.920
Wag kang mag-alala tungkol do'n.

42:08.319 --> 42:09.920
Buti nga, dine-date ka niya.

42:10.920 --> 42:13.200
Bagay siya sa 'yo.

42:14.520 --> 42:15.880
Sana magtagal kayo.

42:34.560 --> 42:37.480
CHIVAS

43:33.920 --> 43:35.839
Ano ba'ng problema mo?

43:35.920 --> 43:37.400
May sarili akong dahilan.

43:37.480 --> 43:39.200
Kailangan kong magsuot ng school uniform?

43:39.279 --> 43:40.120
SUSUNOD NA EPISODE

43:40.200 --> 43:42.240
-Halika dito. Wag kang malikot!
-Tama na.

43:44.440 --> 43:46.480
Kung gusto mo silang gantihan,

43:46.560 --> 43:47.720
matutulungan kita.

43:47.799 --> 43:48.960
Ano'ng kailangan kong gawin?

43:49.560 --> 43:50.319
Maging friends tayo.

43:50.400 --> 43:52.520
Gagawin ko 'to para sa friend ko.

43:54.799 --> 43:58.839
Naniniwala akong
susuportahan din ako ni Queen.

43:58.920 --> 44:00.240
Anong ebidensya?

44:00.839 --> 44:02.319
Di ako sigurado.

44:02.839 --> 44:04.319
Pero tingin ko, malapit ko nang makuha.

44:33.600 --> 44:35.839
Nagsalin ng Subtitle: Redelyn Teodoro Juan
een.
