WEBVTT

00:01.000 --> 00:02.639
ANG MGA KUWENTO AY MAAARING MAY DAGDAG
AT HAWIG SA MGA KARANASAN NG IBANG TAO.

00:02.719 --> 00:04.479
LAYUNIN LAMANG NITO NA MAGBIGAY-ALIW.

00:04.560 --> 00:06.239
WALA ITONG INTENSYONG MAGSULONG NG SEKSWAL
NA GAWAIN O NG NEGATIBONG KAISIPAN.

00:06.319 --> 00:07.800
HUMIHINGI AGAD NG PAUMANHIN ANG PRODUKSYON
PARA SA ANUMANG PAGKAKAMALI.

01:02.040 --> 01:04.000
Kailangan kong malaman
kung ano'ng nangyari sa kanya,

01:04.080 --> 01:05.039
wala akong pakialam

01:05.640 --> 01:08.480
kung kailangan kong manakit ng tao.
Kahit ikaw.

01:08.560 --> 01:09.440
ANG NAKARAAN

01:09.520 --> 01:12.280
Di mo 'ko puwedeng traydorin, okay?

01:12.360 --> 01:14.960
'Yong gaya ko,
hindi magtataksil sa mga kaibigan.

01:15.039 --> 01:17.479
Pag ginawa ko 'yon,
malasin na ako buong buhay ko.

01:17.560 --> 01:18.759
Pine-frame up n'yo 'ko.

01:18.840 --> 01:22.479
Di ko alam kung may tinatago ka
no'ng gabing 'yon.

01:22.560 --> 01:24.280
Gusto ko lang malaman

01:24.360 --> 01:26.720
-kung ano'ng nangyari no'ng gabing 'yon.
-Babe,

01:26.800 --> 01:28.600
gising ka na?
Tawagan mo 'ko pag puwede ka na, okay?

01:30.920 --> 01:32.080
RJ UNSENT THE MESSAGE

01:35.199 --> 01:37.960
Ano'ng sabi mo? 'Yong RJ na 'yon?

01:38.800 --> 01:42.119
Oo. Mukhang may alam siya.

01:42.199 --> 01:44.839
Binantayan ako buong gabi.

01:44.920 --> 01:47.800
Nag-text siya sa 'kin no'ng umaga,
pero binura niya.

01:47.880 --> 01:49.080
Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon.

01:49.679 --> 01:51.440
Dapat tanungin mo na lang siya
tungkol diyan.

01:51.520 --> 01:53.119
Kailangan mo siyang tanungin
at alamin 'yon.

01:53.199 --> 01:54.880
Bakit sinayang mo 'yong oras mo,
nakipag-usap ka sa 'kin?

01:56.640 --> 01:59.559
Kailangan ko bang makisama sa gaya niya?

01:59.640 --> 02:01.759
Alam mo namang ayoko talaga sa kanya.

02:03.119 --> 02:05.720
Uy, may iba ka bang choice?

02:05.800 --> 02:09.440
O gusto mo, clueless ka gaya niyan?

02:20.880 --> 02:22.799
PAPANG

02:34.239 --> 02:37.000
Sigurado ka ba, kaya natin 'yan?

02:38.840 --> 02:40.600
Kailangan mo talagang
pakalmahin sarili mo.

02:41.840 --> 02:43.400
Huling beses ko nang sasabihin 'to,

02:43.480 --> 02:46.000
kung di tayo magsasalita,
walang makakaalam.

02:50.440 --> 02:51.920
Sa balita ko nitong huli,

02:52.959 --> 02:54.720
nagpa-urine drug test pa si Papang.

02:54.799 --> 02:56.840
Tinanong siya ng mga officer tungkol do'n,
pati sa insidente ni Queen.

02:58.359 --> 02:59.679
Ano'ng nangyayari?

03:00.200 --> 03:03.079
Hala! Ako lang 'yong mapapahamak, 'no?

03:04.840 --> 03:07.720
-Sabi ko sa 'yo, tumahimik ka na!
-Hoy.

03:08.239 --> 03:09.239
Ano'ng nangyayari?

03:10.320 --> 03:11.600
Ano'ng problema?

03:12.200 --> 03:14.519
Peanut, bakit moody si RJ?

03:21.880 --> 03:25.320
Kailan kayo titigil umasal nang ganyan?

03:26.079 --> 03:27.840
Matatanda na kayo.

03:27.920 --> 03:30.000
Pero para kayong mga pasaway na bata
sa middle school.

03:30.079 --> 03:33.239
Ano'ng problema mo?
Wala naman akong ginagawa.

03:33.320 --> 03:35.359
Nakita ko, papatulan mo na siya.

03:35.440 --> 03:37.399
E, ano naman? Hindi mo matagalan?

03:38.000 --> 03:39.480
Bakit kailangan mong mangialam?

03:39.560 --> 03:41.359
Kailangan mo bang mag-ala superhero?

03:42.079 --> 03:43.359
Tingin mo, matapang ka?

03:43.440 --> 03:45.079
E, ano ngayon? Ano'ng problema mo?!

03:45.160 --> 03:47.840
Tumigil kayo! Tama na 'yan! Lumayo ka!

03:51.079 --> 03:52.280
-Siya 'yong nagsimula.
-Tama na.

03:52.359 --> 03:54.280
Athens, mag-warm up ka na
para sa practice.

03:55.640 --> 03:57.000
Ikaw, RJ,

03:57.079 --> 04:00.839
umalis ka muna, wag kang babalik
hangga't ganyan ka pa.

04:00.920 --> 04:02.399
Magpahinga ka muna ng tatlong araw.

04:02.480 --> 04:03.720
Ano, Coach?

04:03.799 --> 04:05.760
Sabi ko, siya 'yong nagsimula, hindi ako.

04:05.839 --> 04:07.839
Ikaw 'yong naging pisikal sa kanya.

04:07.920 --> 04:08.839
Saka,

04:08.920 --> 04:12.200
top swimmer si Athens,
magko-compete siya next month.

04:12.280 --> 04:13.880
Sub ka lang.

04:15.079 --> 04:16.360
Late ka,

04:16.440 --> 04:19.360
wala kang disiplina, lagi pang absent.

04:19.440 --> 04:20.839
Ngayon, may seven-day suspension ka.

04:20.920 --> 04:22.800
-Coach?
-Pag inulit mo 'yan,

04:22.880 --> 04:24.240
siguradong tanggal ka.

04:26.080 --> 04:27.640
Bakit nandito ka pa? Alis na!

04:46.039 --> 04:47.200
Alis na.

05:09.240 --> 05:10.800
Anak ng puta!

05:28.560 --> 05:31.919
PAPANG

05:47.760 --> 05:50.800
O, babe? Lagi mo akong tinatawagan.

05:50.880 --> 05:52.240
Hindi ka ba makapaghintay makausap ako?

05:52.320 --> 05:53.719
Ano'ng problema mo?

05:53.800 --> 05:55.680
Kanina pa kita tinatawagan,
bakit di mo sinasagot?

05:56.680 --> 05:59.919
Relax ka lang. Wag kang magalit,
tatanda ka niyan agad.

06:00.000 --> 06:03.200
Busy ako, bakit ka tumawag?

06:04.000 --> 06:04.840
Na-miss mo ba ako?

06:07.320 --> 06:09.520
Ano'ng tinext mo sa 'kin kaninang umaga?

06:09.599 --> 06:10.560
Bakit mo binura?

06:12.800 --> 06:14.800
Umaga? Anong umaga?

06:14.880 --> 06:17.120
Kinabukasan pagkamatay ni Queen.

06:17.200 --> 06:20.359
Nag-text ka sa 'kin tapos in-unsend mo.
Ano 'yong nasa text?

06:21.479 --> 06:24.719
Di ba medyo ang slow mo diyan?

06:24.799 --> 06:26.799
Bakit mo in-unsend?

06:27.640 --> 06:28.599
A…

06:29.240 --> 06:30.919
Kailangan kong protektahan ang sarili ko.

06:31.000 --> 06:32.960
Sino'ng mag-aakalang mamamatay si Queen?

06:33.039 --> 06:35.039
Saka kinuwestiyon ka ng pulis.

06:35.840 --> 06:38.159
Teka. So,

06:38.240 --> 06:39.880
tungkol 'yon sa pagkamatay ni Queen?

06:40.760 --> 06:42.120
Dapat sabihin mo sa 'kin lahat.

06:43.320 --> 06:45.479
Alam mo 'yong nangyari
no'ng gabing 'yon, 'no?

06:45.560 --> 06:48.799
Kasama ba kita no'ng gabing 'yon?
May ginawa ba ako?

06:49.840 --> 06:51.159
Bakit wala akong maalala kahit ano?

06:51.240 --> 06:54.240
Chill ka lang, isa-isa lang tanong.
Hindi ako makasabay.

06:55.640 --> 06:56.560
A…

06:57.159 --> 06:58.760
ang pangit ng araw ko.

06:59.479 --> 07:00.599
Gusto mo bang lumabas?

07:01.240 --> 07:03.560
Hindi, di ako pupunta kahit saan.

07:04.120 --> 07:06.760
Kailangan mong sabihin sa 'kin
kung ano'ng nangyari no'ng gabing 'yon.

07:06.840 --> 07:07.680
Hindi.

07:07.760 --> 07:10.680
Kung talagang kailangan mong malaman,
magkita tayo mamaya.

07:11.760 --> 07:13.200
Mag-bonding tayo.

07:13.280 --> 07:15.400
Sasabihin ko sa 'yo lahat, okay?

07:41.560 --> 07:42.640
OFFICERS, INIIMBESTIGAHAN
ANG DRUG USE SA PAGKAMATAY NI QUEEN

07:42.719 --> 07:44.919
POSITIBO SA DRUG TEST ANG BEST FRIEND NIYA

07:49.799 --> 07:51.000
A, Gale.

07:52.479 --> 07:53.719
Manonood ka ba ng soccer kasama si Toy?

07:53.799 --> 07:55.320
Hindi niya sinabi sa 'kin.

07:55.400 --> 07:58.120
Hindi, magkausap kami tungkol sa business.

07:58.919 --> 08:00.599
Sige, magkita tayo mamaya.

08:10.520 --> 08:11.799
Wag ka nang magreklamo.

08:12.520 --> 08:14.479
Asikasuhin mo'ng parte mo.

08:15.120 --> 08:16.840
Ako na'ng bahala sa parte ko.

08:17.479 --> 08:18.760
Hindi kita tutulungan.

08:19.760 --> 08:21.400
Pag sinama mo ako sa gulo,

08:22.120 --> 08:23.080
sigurado, babalikan kita.

08:24.919 --> 08:26.239
Ikaw na'ng bahala sa kanya.

08:27.000 --> 08:28.039
Kailangan ko nang umalis.

08:31.760 --> 08:32.840
Toy.

08:33.720 --> 08:34.679
Gale?

08:35.880 --> 08:37.039
Kailan ka pa nakarating?

08:39.439 --> 08:41.640
Kakadating ko lang,
nakita ko si Pepper palabas.

08:43.480 --> 08:46.319
Kumain ka na ba?
Gusto mo bang mag-order ng pagkain?

08:47.880 --> 08:49.920
Nasaan 'yong mga damit ko?

08:51.160 --> 08:52.439
Ano?

08:52.520 --> 08:55.079
'Yong damit na suot ko no'ng gabing 'yon.

08:55.720 --> 08:57.319
Nasaan? Bakit di ko pa nakikita?

08:59.079 --> 09:00.360
Pinadala ko sa dry cleaning.

09:01.600 --> 09:02.480
Ano 'yon?

09:04.680 --> 09:07.319
Wala, nagtatanong lang.

09:08.120 --> 09:09.240
A, tama.

09:09.319 --> 09:10.920
May tinanong na 'ko

09:11.480 --> 09:13.240
para makipag-usap sa production ng series.

09:13.880 --> 09:15.680
Makikipag-usap sila sa team
tungkol sa 'yo.

09:16.400 --> 09:17.880
Malalaman natin sa ilang araw.

09:17.959 --> 09:20.600
Nangako sila,
siguradong papalitan mo si Queen.

09:23.560 --> 09:25.199
Hindi ka masaya tungkol do'n?

09:26.240 --> 09:27.360
Toy.

09:29.280 --> 09:32.160
Puwede ba, wag ka nang
makipag-hang out kay Pepper?

09:32.240 --> 09:33.360
Ano'ng sabi mo?

09:34.400 --> 09:36.000
At least, hindi ngayon.

09:37.120 --> 09:40.000
Business partners kami ni Pepper.

09:40.079 --> 09:40.920
Alam ko.

09:41.000 --> 09:44.040
Puwedeng makipag-businesss
'yong gaya mo sa kahit sino.

09:44.120 --> 09:45.800
Hindi mo kailangang
maging malapit kay Pepper.

09:45.880 --> 09:47.120
Bakit?

09:48.160 --> 09:49.720
Bakit hindi mo siya gusto?

09:54.040 --> 09:55.600
Nandito ako. Nasaan ka?

09:57.199 --> 09:58.439
Naiintindihan ko.

09:59.680 --> 10:02.319
Nasa parking lot na, papasok na.

10:02.400 --> 10:04.920
Late siya, late 'yong sumundo sa kanya.

10:05.600 --> 10:07.079
Talaga bang seryoso si Queen sa kanya?

10:08.240 --> 10:09.880
Hindi siya naghahanap
ng seryosong relasyon.

10:11.280 --> 10:12.319
Tama ka.

10:18.600 --> 10:19.839
Hello.

10:19.920 --> 10:21.199
Late na ba ako?

10:24.560 --> 10:28.640
Ipapakilala ko muna siya. Si Pepper 'to.

10:28.720 --> 10:32.680
Pepper, si Gale, best friend ko.

10:32.760 --> 10:33.760
Siya naman si Toy, boyfriend niya.

10:34.319 --> 10:37.480
Hi, Gale, Toy.

10:37.560 --> 10:39.640
Puwede ko na ba kayong
tawaging friends ko?

10:42.920 --> 10:45.839
May fun ba tayong gagawin pagkatapos nito?

10:47.319 --> 10:48.199
Ano 'yon?

10:51.439 --> 10:52.319
Makikita mo.

10:53.280 --> 10:55.079
May dala siyang something good,
gusto niyang subukan mo.

11:00.640 --> 11:02.160
Di bale na.

11:02.240 --> 11:03.920
Sorry, a…

11:04.000 --> 11:07.319
Nag-aalala ako
na baka pagsimulan ng gulo si Pepper.

11:12.120 --> 11:14.880
Gale, di ba, sabi ko sa 'yo,

11:14.959 --> 11:16.280
wag kang mag-alala tungkol sa kahit ano?

11:17.319 --> 11:19.280
Walang makakapanakit sa 'tin.

11:20.000 --> 11:21.560
Malapit nang matapos 'yan.

11:23.040 --> 11:25.120
Maghanda ka na para sa shooting ng series.

11:27.439 --> 11:28.600
Wag kang mag-alala.

11:43.120 --> 11:44.480
Ano'ng gusto mo?

12:34.199 --> 12:36.199
SYDNEY OPERA HOUSE
FROM CHIVAS

12:40.199 --> 12:41.199
Queen.

12:47.439 --> 12:48.280
Chivas!

12:51.839 --> 12:52.920
Sobrang saya ko

12:53.719 --> 12:54.839
na naaalala mo pa rin ako.

12:55.480 --> 12:58.839
Siyempre, naaalala kita,
di ko naisip na babalik ka.

12:58.920 --> 13:01.280
Ayan, bumalik na ako. Ako na 'to.

13:02.319 --> 13:04.800
May pupuntahan ka ba o may imi-meet ka?

13:05.560 --> 13:06.839
Hindi, ayoko.

13:06.920 --> 13:09.120
Kahit kailangan kong makipagkita,
puwede ko namang i-cancel.

13:09.199 --> 13:11.719
Sweet talker ka, 'no?

13:11.800 --> 13:12.920
Gusto mo, mag-dinner tayo?

13:13.000 --> 13:16.920
Kailangan mo akong bilhan ng dinner
bilang welcome back.

13:19.000 --> 13:21.040
Joke lang, bibilhan na kita ng dinner.

13:21.920 --> 13:23.040
Okay.

13:25.839 --> 13:26.880
Wow.

13:29.040 --> 13:30.000
Puwede ko bang i-drive?

13:31.280 --> 13:32.920
Please.

13:33.000 --> 13:35.400
Please.

13:36.400 --> 13:37.640
-Sige.
-Yehey.

13:39.760 --> 13:42.880
Queen, dahan-dahan lang.
Wag kang magmadali.

13:42.959 --> 13:44.839
Mas okay kung mas mabilis.

13:46.520 --> 13:48.280
-Woo!
-Uy!

13:50.040 --> 13:50.920
Bagalan mo.

13:51.719 --> 13:53.599
-Tumingin ka sa daan!
-Okay.

13:55.560 --> 13:58.680
Wow.

13:59.480 --> 14:01.319
Di ako makapaniwala na

14:01.880 --> 14:07.640
bagong milyonaryo ng bansa si Mr. Chivas.

14:08.520 --> 14:10.480
Di ako maniniwala kung di ko nakita mismo.

14:11.800 --> 14:13.360
Milyonaryo?

14:13.439 --> 14:17.040
Suwerte lang ako, may holding company na
puwede kong i-manage galing sa investor.

14:17.880 --> 14:20.839
Bonus sa 'kin 'yong bahay na 'to.

14:22.079 --> 14:24.880
Ako pa rin 'yong dati. Ikaw ang nagbago.

14:26.360 --> 14:27.599
Ano'ng tawag mo sa sarili mo?

14:29.160 --> 14:30.160
Queen?

14:31.400 --> 14:32.400
Tama.

14:33.280 --> 14:35.280
Saka dapat tawagin mo rin ako niyan.

14:37.839 --> 14:38.920
Sige.

14:41.079 --> 14:44.000
Teka, nilalasing mo ba 'ko?

14:47.120 --> 14:48.439
Ano'ng sinasabi mo?

14:48.520 --> 14:50.560
Nakita ko'ng pictures mo sa Instagram,

14:51.160 --> 14:53.000
-ang galing mong uminom.
-Hay.

14:53.079 --> 14:54.640
Hindi mo ako puwedeng i-judge
sa social media lang.

14:57.760 --> 14:58.920
Kumusta 'yong tita mo?

15:02.079 --> 15:03.319
Bakit mo naman siya natanong?

15:04.520 --> 15:05.800
Hindi ka na ba nakatira sa kanya?

15:06.719 --> 15:07.719
Nakatira pa rin ako sa kanya.

15:08.760 --> 15:13.280
Ayoko na sa kanya, gusto kong
mag-rent ng magandang apartment.

15:15.800 --> 15:17.000
Okay 'yan.

15:17.079 --> 15:20.000
Mura lang 'yong mga apartment
malapit sa school mo.

15:20.079 --> 15:21.520
Puwede ba akong tumira sa 'yo?

15:31.160 --> 15:32.439
Joke lang.

15:33.400 --> 15:36.479
Pag dito ako tumira,
magseselos sa 'kin 'yong girlfriend mo.

15:37.640 --> 15:38.719
Wala akong girlfriend.

15:41.760 --> 15:43.599
-Talaga?
-Mm.

15:43.680 --> 15:46.400
Di ako naniniwala sa 'yo,
may mga babaeng naa-attract sa 'yo.

15:47.760 --> 15:49.560
Di naman, ano lang…

15:50.719 --> 15:52.800
-Wala akong girlfriend.
-Sabi na nga ba.

15:55.319 --> 15:56.439
E, ikaw?

15:57.120 --> 15:58.240
May boyfriend ka ba?

16:07.520 --> 16:09.719
Bakit di ka sumasagot? Nakatitig ka lang.

16:14.800 --> 16:17.240
Kung hindi kita tinuturing na kapatid,

16:18.640 --> 16:20.359
nahalikan na kita.

16:30.839 --> 16:31.920
Excuse lang.

16:41.040 --> 16:42.160
Hello, sir?

16:43.640 --> 16:44.719
Ngayon na?

16:48.040 --> 16:49.160
Okay, sige.

16:50.640 --> 16:52.079
Magkita tayo in five minutes.

16:53.839 --> 16:55.000
Magkita tayo.

16:59.439 --> 17:01.400
Sorry talaga pero…

17:02.719 --> 17:04.079
'yong business partner ko,

17:04.639 --> 17:06.520
dumating galing sa Singapore,
pupunta siya sa China pagkatapos.

17:06.599 --> 17:09.359
Gusto niya akong i-meet sa airport,
kailangan ko siyang puntahan ngayon.

17:10.760 --> 17:14.399
Gano'n ba? Aalis na 'ko.

17:14.480 --> 17:17.000
Paano ka uuwi?

17:18.440 --> 17:20.720
Makakauwi ako.

17:21.760 --> 17:23.639
Puwede akong tumawag ng lalaki
para sunduin ako.

17:26.159 --> 17:28.280
Hay, joke lang.

17:30.159 --> 17:31.720
Puwede akong tumawag ng taxi.

17:35.520 --> 17:36.440
Queen, saglit lang.

17:41.240 --> 17:42.360
Puwede mong gamitin 'yong kotse ko.

17:44.879 --> 17:45.879
Puwede ba?

17:47.040 --> 17:48.320
Oo, puwede naman.

17:48.399 --> 17:51.159
Wag kang mag-alala,
may isa pa akong company car.

17:51.240 --> 17:52.440
Puwede mong gamitin 'yong sa 'kin.

17:53.760 --> 17:54.600
Joy ride lang.

17:57.680 --> 18:00.879
-Kailangan mo ba agad?
-Hindi naman.

18:00.960 --> 18:03.840
Ibalik mo na lang kapag patay ka na.

18:06.720 --> 18:09.040
Pero wag kang mabilis mag-drive
tulad no'ng isang araw, okay?

18:09.120 --> 18:10.080
Okay.

19:25.919 --> 19:27.000
Tita.

19:27.600 --> 19:29.879
May susi ka ba sa bedside cabinet niya?

19:30.520 --> 19:32.480
Anong susi? Di ko alam.

19:35.159 --> 19:36.399
E, 'yong katawan niya?

19:37.360 --> 19:38.240
Ano'ng plano n'yo?

19:38.320 --> 19:40.080
Bukas 'yong huling service.

19:41.120 --> 19:43.080
Pagdating ng katawan niya, ike-cremate na.

19:43.679 --> 19:46.240
Tita, puwede ba akong magtanong?

19:46.919 --> 19:50.240
Naisip mo bang humingi ng hustisya
para sa pamangkin mo?

19:52.919 --> 19:54.040
Anong hustisya?

19:54.760 --> 19:57.159
Anong hustisya
ang dapat kong hingin para sa kanya?

19:57.240 --> 20:00.000
Nagpanggap siyang anghel.

20:00.080 --> 20:02.560
Ang totoo, nakakakilabot siya.

20:03.320 --> 20:06.320
Pinili niya 'yong delikadong buhay.

20:06.399 --> 20:08.080
Dapat lang, mamatay siya nang ganyan.

20:08.760 --> 20:12.679
Alam mo bang pinanganak siyang pasanin ko?

20:12.760 --> 20:15.159
Iniwan siya
ng mga magulang niya, pinalaki ko.

20:15.240 --> 20:17.320
Nagpasalamat ba siya no'n?

20:17.399 --> 20:20.560
Binayaran ba niya ako? Hindi naman.

20:20.639 --> 20:24.560
Lagi siyang nagdudulot ng problema.
Paulit-ulit na gumagawa ng gulo.

20:24.639 --> 20:26.600
Kahit patay na siya,

20:27.399 --> 20:29.520
mas marami pang problema
'yong iniwan niya sa 'kin.

20:30.200 --> 20:31.040
Ano'ng ibig mong sabihin?

20:34.080 --> 20:35.600
Umalis ka na.

20:35.679 --> 20:37.159
Wag ka nang babalik dito.

20:37.760 --> 20:38.840
Teka.

20:39.639 --> 20:41.040
May kumausap ba sa 'yong ibang tao?

22:16.520 --> 22:18.320
'Yan na muna ngayon. Ahon na.

22:18.840 --> 22:20.080
Tara na.

22:30.560 --> 22:32.159
Tara kayo, dali.

22:40.760 --> 22:42.840
Hindi ka masyadong mabilis ngayon, Athens.

22:45.639 --> 22:47.080
Sorry, Coach.

22:47.159 --> 22:49.600
Siguro, sobrang pagod ko lang.

22:49.679 --> 22:53.320
Pagod ka lang ba o may iniisip ka?

22:56.040 --> 22:57.159
Wala.

22:57.960 --> 22:59.200
Good.

23:00.720 --> 23:04.240
Balita ko,
positive si Papang sa drug test.

23:06.960 --> 23:09.159
-Talaga?
-Hindi ako sigurado.

23:09.240 --> 23:12.720
Balita ko, na-trace ng mga pulis
na may drug use sa katawan niya.

23:13.360 --> 23:17.760
Nakakahinala talaga, kung kasama ba niya
si Queen bago siya mamatay.

23:19.000 --> 23:20.960
Pero wala kayong kinalaman do'n, di ba?

23:23.800 --> 23:27.360
Athens, kakakausap ko lang sa association,

23:27.439 --> 23:32.080
magpapadala sila ng swimmers
sa World Junior Championships sa Japan.

23:32.679 --> 23:35.720
Ino-nominate kita
para makita kung qualified ka sa race.

23:35.800 --> 23:40.520
Kung kaya mong i-represent
ang Thailand, sasali ka sa national team.

23:42.800 --> 23:44.080
Sige po.

23:44.159 --> 23:46.919
Ibig sabihin, kailangan mong
mag-focus sa goal mo.

23:47.679 --> 23:49.399
Hindi 'yon gano'n kahirap, kaya mo 'yan.

23:50.000 --> 23:54.000
Kung may bagay o tao na gumugulo sa 'yo,
o nakakapag-shift ng focus mo,

23:54.080 --> 23:57.639
mag-focus ka sa goal mo sa buhay,
iwasan mo sila.

23:58.520 --> 23:59.360
Sige, Coach.

23:59.439 --> 24:01.240
Kayo ring lahat.

24:01.320 --> 24:03.000
-Okay.
-Mag-focus kayo sa training.

24:03.080 --> 24:05.040
Pag may problema,
puntahan n'yo ako agad, okay?

24:06.080 --> 24:07.960
Magpahinga kayo.
Matulog buong gabi kahit minsan.

24:09.720 --> 24:11.200
Tapos na tayo sa ngayon.

24:12.480 --> 24:13.840
-Bye.
-Opo.

24:56.679 --> 24:58.080
Babe.

24:58.159 --> 25:00.439
Kumusta? Akala ko,
hindi ka darating. Sayaw tayo.

25:02.040 --> 25:05.360
Ano'ng nangyayari? Maaga pa, lasing ka na?

25:05.439 --> 25:06.919
Ano'ng mali do'n?

25:07.000 --> 25:08.840
Di mo alam kung ano'ng mangyayari bukas.

25:08.919 --> 25:12.120
Tingnan mo si Queen.
Bigla na lang siyang namatay.

25:12.800 --> 25:16.280
Kaya dapat, magsaya tayo. Tara!

25:17.040 --> 25:19.919
-Uminom tayo.
-Hindi, di ako iinom ngayong gabi.

25:23.000 --> 25:25.399
Bakit hindi? Nandito ka na.

25:25.480 --> 25:27.480
-Uminom tayo nang konti.
-Hindi. Wag ngayong gabi.

25:33.439 --> 25:34.520
Sige na.

25:38.040 --> 25:39.320
Please naman, RJ.

25:39.399 --> 25:41.879
Kahit ngayon lang. Puwede, wag mo
akong buwisitin, kahit ngayon lang?

25:46.199 --> 25:47.080
Babe.

25:53.040 --> 25:54.240
Bakit di mo iniinom?

26:11.480 --> 26:12.520
Peanut.

26:16.320 --> 26:17.480
Uy, Peanut.

26:19.040 --> 26:20.320
Ha?

26:20.399 --> 26:22.600
Okay ka lang ba? Ano'ng problema?

26:24.120 --> 26:25.480
Ayos lang ako.

26:27.840 --> 26:30.560
Kung kailangan mo ng tulong sa kahit ano,

26:30.639 --> 26:32.080
puwede mong sabihin sa 'kin.

26:49.560 --> 26:50.480
Sige na, konti lang.

26:51.399 --> 26:52.480
Hindi! Ano ba!

26:52.560 --> 26:55.720
-Uy.
-Wag mo nang sayangin ang oras ko.

26:56.240 --> 26:58.000
Puwede ba nating pag-usapan
'yong gabing 'yon?

27:02.600 --> 27:05.840
Dapat ba, kausapin ko'ng mga pulis?
Para makausap ka nila nang diretso.

27:06.439 --> 27:07.840
Sige, babe.

27:09.000 --> 27:12.080
Maghanap tayo ng tahimik na lugar
para mag-usap.

27:12.919 --> 27:14.120
Okay ba?

27:16.199 --> 27:17.360
Tara.

27:28.960 --> 27:31.720
Ibig sabihin,
kailangan mong mag-focus sa goal mo.

27:32.480 --> 27:34.000
Di 'yon gano'n kahirap, kaya mo 'yan.

27:34.840 --> 27:39.080
Kung may bagay o tao na gumugulo sa 'yo,
o nakakapag-shift ng focus mo,

27:39.159 --> 27:42.399
mag-focus ka sa goal mo sa buhay,
iwasan mo sila.

27:42.919 --> 27:49.720
MASYADONG ALIEN PARA SA EARTH,
MASYADONG HUMAN PARA SA OUTER SPACE.

27:49.800 --> 27:52.679
Sabi mo,
wala kang maalala kahit ano, di ba?

27:52.760 --> 27:54.679
Oo. Kung hindi, di kita tatanungin.

27:54.760 --> 27:56.720
Pero alam mo
na lasing na lasing ka, di ba?

27:56.800 --> 27:59.040
Oo, alam ko. Hindi mo na
kailangang ipaalala sa 'kin.

27:59.960 --> 28:01.360
So,

28:01.439 --> 28:05.240
ano'ng nangyari no'ng gabing 'yon?
Kasama kita, di ba?

28:05.840 --> 28:07.280
Hm. Tama.

28:08.240 --> 28:11.199
No'ng nagsara 'yong nightclub,
sumama ka sa 'min.

28:12.399 --> 28:14.600
-Tayo?
-Ano ba, ako

28:14.679 --> 28:16.080
pati friends ko sa swimming club.

28:22.679 --> 28:24.600
May kinalaman ba tayo
sa pagkamatay ni Queen?

28:24.679 --> 28:27.520
Baliw ka ba? Wala!

28:28.560 --> 28:29.399
Wala talaga!

28:32.720 --> 28:35.520
Bakit nakakaduda 'yong kilos mo?

28:35.600 --> 28:37.199
Bakit mo in-unsend 'yong message mo?

28:37.280 --> 28:40.199
Kung talaga ngang magkasama tayo no'n,

28:40.280 --> 28:44.199
ba't di mo sinabi sa pulis
na magkasama tayo?

28:44.280 --> 28:45.919
Para ma-confirm kung nasaan ako.

28:47.000 --> 28:50.280
Kung gano'n lang kadaling sabihin,

28:51.199 --> 28:52.520
nasabi ko na sana.

28:54.800 --> 28:57.679
Sa totoo lang, di naman big deal
'yong nangyari sa 'tin

28:57.760 --> 28:59.520
kung di namatay si Queen.

29:00.959 --> 29:02.159
Ano'ng ibig mong sabihin diyan?

29:03.399 --> 29:05.560
Alam mong mahal kita,

29:06.879 --> 29:09.520
at kung gaano kita gusto i-spoil, di ba?

29:14.000 --> 29:16.399
Inom ka nang inom, di ko alam kung bakit.

29:18.120 --> 29:20.240
Sabi mo, kailangan mo
ng mas matapang kaysa sa alak.

29:20.320 --> 29:22.240
May mas matapang ka pa kaysa dito?

29:23.959 --> 29:26.159
Gusto mong mag-enjoy,
kaya binigay ko sa 'yo.

29:27.120 --> 29:28.399
Ano'ng ibig mong sabihin niyan?

29:28.480 --> 29:31.399
A, drugs.

29:31.480 --> 29:34.159
Alam ko, pero ibig kong sabihin…

29:35.639 --> 29:37.040
ako?

29:37.120 --> 29:38.280
Inutusan ba kitang kumuha ng drugs?

29:39.040 --> 29:39.919
Naguguluhan ka, di ba?

29:40.720 --> 29:41.919
Naguguluhan din ako.

29:42.000 --> 29:44.760
Ang alam ko lang,
sobra ka no'ng gabing 'yon.

29:46.600 --> 29:49.879
No'ng gabing 'yon,
saan tayo nagpunta pagkatapos?

29:51.800 --> 29:53.120
Sa bahay ko, siyempre.

29:54.959 --> 29:59.120
Pagsara ng nightclub,
sabi mo, gusto mo pang mag-enjoy.

30:00.040 --> 30:03.399
Kaya dinala kita sa bahay ko.
Sumama rin sina Guy at Peanut.

30:03.480 --> 30:05.959
Sa totoo lang, gusto ko sanang
makasama ka nang mag-isa.

30:06.040 --> 30:10.000
Pero sabi mo, mas okay kung kasama sila.

31:08.480 --> 31:09.480
Babe?

31:10.720 --> 31:12.199
-Ha?
-Ayos ka lang ba?

31:12.720 --> 31:14.240
Ginawa ko 'yon? Talaga?

31:16.399 --> 31:17.840
Sabi ko sa 'yo, lasing na lasing ka.

31:19.280 --> 31:21.520
Nawalan ka ng kontrol.

31:21.600 --> 31:23.439
Hindi, ibig kong sabihin…

31:24.120 --> 31:26.360
may ginawa bang gano'n 'yong tulad ko?

31:26.439 --> 31:30.760
Parang imposibleng
nag-request ako sa 'yo ng drugs,

31:31.360 --> 31:32.879
tapos, matutulog ako kasama kayo.

31:33.919 --> 31:35.840
Parang imposible talaga.

31:35.919 --> 31:38.879
Kung imposible sa 'yo,
ano naman 'yong totoo para sa 'yo?

31:38.959 --> 31:40.840
'Yong sinasabi nila sa 'yo
na ikaw ang pumatay kay Queen?

31:41.520 --> 31:42.840
Gusto mong paniwalaan 'yon?

31:42.919 --> 31:45.080
Bahala ka, nasa 'yo 'yan.

31:46.639 --> 31:49.719
Bakit ako nagising sa tabi ng basurahan?

31:52.240 --> 31:53.360
Basurahan?

31:54.520 --> 31:57.199
Sabi mo sa 'kin,
kasama mo ako no'ng gabing 'yon.

31:57.280 --> 32:00.840
Bakit ako nagising sa tabi ng basurahan?
Bakit di ako nagising sa bahay mo?

32:02.639 --> 32:06.639
No'ng pasikat na ang araw,
sinabi mo, gusto mo nang umuwi.

32:06.719 --> 32:08.320
Kaya nag-book ako ng ride para sa 'yo.

32:08.399 --> 32:10.560
Di ko na alam
kung ano'ng nangyari pagkatapos no'n.

32:13.959 --> 32:15.000
Babe.

32:15.080 --> 32:18.439
Kaya kong i-confirm sa pulis
kung nasaan ka.

32:18.520 --> 32:20.959
Na kasama mo ako no'ng namatay si Queen.

32:22.120 --> 32:23.639
Pero kailangan kitang tanungin
ng isang bagay.

32:25.679 --> 32:27.240
Puwede mo bang wag sabihin sa pulis

32:27.879 --> 32:29.120
na nakuha mo sa 'kin 'yong drugs?

32:29.199 --> 32:33.439
Pag naaresto ako dahil sa drugs,
di na ako makakapag-race.

32:33.520 --> 32:37.120
Puwede mo bang sabihin sa kanila
na sa iba ka nakakuha ng drugs?

32:38.240 --> 32:39.560
Please.

32:44.159 --> 32:45.360
Athens?

32:47.399 --> 32:48.320
Ano'ng ginagawa mo dito?

32:55.480 --> 32:56.439
Tama.

32:56.959 --> 32:59.639
Ewan ko
kung bakit kailangan kong magpunta dito.

33:01.120 --> 33:03.639
Narinig mo lahat?

33:05.879 --> 33:08.959
Kung di mo gets, bakit ka nandito?

33:09.040 --> 33:12.560
Kung gusto mong malaman kung ano'ng
nangyayari, ba't di ka nagpakita agad?

33:14.600 --> 33:17.480
Okay? Para marinig mo nang malinaw lahat.

34:32.799 --> 34:34.920
I-ENTER ANG PASSCODE

34:35.480 --> 34:37.839
MGA TAWAG

34:43.199 --> 34:44.400
RJ

34:48.639 --> 34:50.759
Bakit tawag ka nang tawag sa 'kin?

34:50.839 --> 34:52.520
Inayos ko na si Papang.

34:52.600 --> 34:54.839
Wala siyang alam sa nangyari.

34:54.920 --> 34:56.560
Pinaniwalaan niya lahat ng sinabi ko.

34:57.240 --> 34:59.279
Ngayon, kailangan mo nang gawin
ang parte mo.

35:59.240 --> 36:01.160
Kung nandito ka
para makita si RJ, wala siya.

36:02.600 --> 36:05.680
Sinuspinde siya ni Coach
kaya wala siya dito.

36:06.480 --> 36:08.680
Hindi. Nandito ako para makita ka.

36:15.240 --> 36:17.160
Naniniwala ka ba
sa sinabi ni RJ no'ng isang araw?

36:17.920 --> 36:18.839
Tungkol sa 'kin?

36:21.279 --> 36:24.160
Hindi naman importante sa 'yo
kung naniwala ako o hindi, di ba?

36:29.560 --> 36:33.600
Kinumpirma ba ni RJ sa pulis
kung nasaan ka?

36:35.319 --> 36:36.319
Hindi pa.

36:37.400 --> 36:42.040
Mukhang okay 'yon
para di ka na nila tanungin kay Queen.

36:44.680 --> 36:48.520
Hindi ko na matandaan
kung ano'ng nangyari no'ng gabing 'yon.

36:48.600 --> 36:50.680
Pero sigurado akong di ko siya pinatay.

36:50.759 --> 36:54.120
Di ko rin ginawa
'yong sinabi ni RJ na ginawa ko.

36:54.200 --> 36:55.759
Hindi ako 'yon.

36:58.920 --> 37:02.520
Ayokong mabuhay
base sa sinasabi ng iba na ako.

37:02.600 --> 37:03.880
Pero sa totoo lang, di ako gano'n.

37:06.000 --> 37:07.839
Hindi na 'ko mamumuhay nang ganito.

37:10.440 --> 37:14.400
Ewan ko kung 'yong pagpunta ko dito,

37:14.480 --> 37:16.880
'yong pagpapaliwanag ko sa 'yo,

37:16.960 --> 37:18.200
makakabuti sa 'kin.

37:20.319 --> 37:24.520
Pero ayokong
ma-misinterpret mo na naman ako.

37:38.680 --> 37:39.880
Naniniwala ako sa 'yo.

38:11.160 --> 38:12.359
Ano'ng gagawin mo pagkatapos?

38:13.560 --> 38:14.680
Di ko alam.

38:15.600 --> 38:17.200
Ang sigurado lang,

38:17.279 --> 38:19.240
kailangan kong malaman
'yong nangyari no'ng gabing 'yon.

38:20.480 --> 38:23.359
Tingin ko, alam ko
kung paano kita matutulungan.

38:36.560 --> 38:37.560
Tita Kaew.

38:38.560 --> 38:41.560
Dadalhin kita sa ibang lugar pansamantala.
Para sa safety mo.

38:41.640 --> 38:42.680
Ano?

38:42.759 --> 38:45.520
Dalhin mo lang 'yong mga kailangan.

38:45.600 --> 38:47.120
Kukunin ko rin
'yong mga importanteng gamit ni Queen.

39:13.839 --> 39:15.680
Hiniram ni Queen 'yong mga damit ko.

39:15.759 --> 39:17.520
Nandito ako para kunin 'yong mga gamit ko.

39:17.600 --> 39:19.480
Nandito ka na dati?

39:21.520 --> 39:23.839
Hindi, first time ko 'to.

39:24.920 --> 39:26.920
Kilala ko na siya simula high school.

39:27.000 --> 39:29.120
Pero di niya sinasabi
kung saan siya nakatira.

39:29.960 --> 39:33.520
Sabi lang niya, may business
sa ibang bansa 'yong parents niya.

39:34.160 --> 39:35.880
Pinagpatayo siya ng papa niya ng bahay.

39:35.960 --> 39:37.480
Pinakiusapan niya ang tita niya
na tumira kasama niya.

39:39.200 --> 39:40.480
Puro kasinungalingan.

39:42.000 --> 39:44.200
Baka naisip niya,
pag sinabi niya sa 'yo ang totoo,

39:44.279 --> 39:46.400
na mahirap lang siya,

39:47.440 --> 39:49.200
iwasan mo na siya.

39:50.880 --> 39:53.560
'Yan talaga ang pinakamasakit.

39:54.960 --> 39:56.799
Di 'yong pagsisinungaling niya sa 'kin.

39:57.759 --> 40:02.200
Kundi 'yong wala palang totoo
sa friendship namin.

40:03.960 --> 40:05.040
E, ikaw?

40:06.640 --> 40:11.359
Sobrang tagal mo na siyang kilala, di ba?

40:13.920 --> 40:17.200
Di ako sigurado
kung 'yong totoong siya na alam ko,

40:17.279 --> 40:18.880
'yon ang puwede talagang
maging katauhan niya.

40:19.640 --> 40:21.319
Pero di Queen ang pangalan niya.

40:21.920 --> 40:24.240
Tinatawag ko siya
sa totoong pangalan niya.

40:24.319 --> 40:27.680
Di pala Queen ang totoong pangalan niya.

40:30.120 --> 40:32.839
E, ano 'yong totoong pangalan niya?

40:32.920 --> 40:34.359
Di na importante 'yan ngayon.

40:35.640 --> 40:39.240
Di niya sinabi sa 'yo kasi ayaw niyang
malaman mo'ng side niya na 'yon.

40:39.319 --> 40:40.680
Parang ako.

40:41.400 --> 40:43.279
Wala akong chance
na makilala talaga si Queen.

40:43.920 --> 40:45.759
Matagal akong nawala sa buhay niya.

40:46.600 --> 40:47.799
Ngayong nakabalik na 'ko,

40:49.200 --> 40:50.359
patay na siya.

40:53.080 --> 40:55.759
Alam ko, pinagsususpetsahan mo 'ko.

40:55.839 --> 40:57.440
Pero di ko siya pinatay.

41:00.520 --> 41:01.839
Ako?

41:01.920 --> 41:03.279
Nagsususpetsa sa 'yo?

41:03.920 --> 41:06.759
Ang alam ko lang,
pinagtatakpan mo'ng boyfriend mo.

41:08.720 --> 41:09.960
Ano'ng ibig mong sabihin?

41:10.040 --> 41:12.000
Alam na alam mo 'yan.

41:12.080 --> 41:15.240
Pinagsinungaling ka ng boyfriend mo
sa pulis, pinasabi na magkasama kayo.

41:16.120 --> 41:18.040
Puwede mo bang tanggapin 'yong totoo?

41:18.120 --> 41:21.799
No'ng kasama mo 'ko,
ano'ng ginawa ng boyfriend mo?

41:30.960 --> 41:32.000
Teka.

41:33.839 --> 41:35.000
Ayaw mo na sa mga damit mo?

41:36.440 --> 41:39.319
Hindi, kay Queen na lang siguro.

41:40.000 --> 41:41.040
Uy.

41:42.440 --> 41:44.080
Nakita mo ba 'yong susi sa drawer?

41:45.680 --> 41:47.440
-Ano?
-Susi.

41:48.319 --> 41:50.040
No'ng naghanap ka sa room na 'to,
may nakita ka bang susi?

41:51.000 --> 41:52.000
Wala.

42:02.200 --> 42:05.040
Tita, nag-aalala ako sa 'yo.

42:06.680 --> 42:09.799
Kung nag-aalala ka talaga sa 'kin,
puwede mo 'kong iwan mag-isa.

42:12.960 --> 42:14.960
Mapapahamak ako kasi nandito ka.

42:15.720 --> 42:18.839
Ituloy mo'ng buhay mo, di ako aalis dito.

42:19.560 --> 42:20.640
Tita.

42:39.560 --> 42:42.000
Ano'ng nakita mo? Sabihin mo sa 'kin.

42:42.960 --> 42:44.040
Tungkol saan?

42:44.839 --> 42:48.720
Sa lahat. Lalo na 'yong sa boyfriend ko.

42:50.000 --> 42:53.440
Ano 'yong suspetsa mo sa kanya?
Ano'ng tingin mong ginawa niya?

42:55.120 --> 42:56.319
A, kasi,

42:57.960 --> 42:59.200
mahaba-habang usapan 'to.

42:59.279 --> 43:00.720
May oras naman ako.

43:22.520 --> 43:24.000
Wala ka talagang hiya?

43:24.080 --> 43:26.720
Gumastos 'yong parents mo para
mag-aral ka, di bumuntot sa mga lalaki.

43:27.440 --> 43:29.440
Umalis ka na,
di makapag-concentrate 'yong team ko.

43:30.040 --> 43:31.640
Saan tayo nagsimulang dalawa?

43:31.720 --> 43:34.040
Pinaghirapan nating
makarating sa point na 'to.

43:34.120 --> 43:35.960
Di kita huhusgahan.

43:36.560 --> 43:37.759
Di mo rin ako puwedeng husgahan.

43:37.839 --> 43:39.839
Drug dealer si Pepper,

43:39.920 --> 43:41.520
business partner niya 'yong boyfriend mo.

43:41.600 --> 43:43.879
Wala 'kong paki
sa relationship niya kay Queen.

43:43.960 --> 43:45.440
Patay siya sa 'kin.

43:45.520 --> 43:48.120
Sasabihin mo sa 'kin
kung ano'ng sinabi mo sa kanya?

43:48.200 --> 43:49.640
SUSUNOD NA EPISODE

43:49.720 --> 43:51.600
-Umalis ka dito!
-Papang?

44:24.279 --> 44:25.120
Nagsalin ng Subtitle: Redelyn Teodoro Juan
sa kanya?
