WEBVTT

01:05.023 --> 01:06.941
Makati at makirot 'yan, 'no?

01:11.196 --> 01:13.740
Hubarin mo 'yang bag mo
at sumandal ka sa pader.

01:17.452 --> 01:20.163
Maupo ka lang. Pagagalingin kita agad.

01:20.246 --> 01:21.998
Ay, okay lang po talaga 'ko.

01:22.082 --> 01:23.249
Hindi ka okay.

01:23.333 --> 01:25.960
Akala ko nandito si Si-won,
kaya dumaan ako.

01:26.044 --> 01:27.754
'Yang mata mo…

01:27.837 --> 01:28.671
Meron kang…

01:30.048 --> 01:31.633
isinumpang kuliti.

01:31.716 --> 01:33.593
-Po?
-Isinumpang kuliti.

01:33.676 --> 01:36.888
Kailangan matanggal 'yon
para gumaling 'yang mata mo.

01:44.020 --> 01:45.897
Diinan mo nang ganito.

01:46.397 --> 01:47.899
Tapos imumog mo 'to.

01:47.982 --> 01:49.025
Damihan mo.

01:50.068 --> 01:51.069
Marami.

01:52.946 --> 01:54.989
Imumog mo 'yan at iluwa mo dito.

01:55.490 --> 01:56.366
Iluwa mo.

01:57.951 --> 01:58.827
Akin na.

01:59.327 --> 02:00.161
Opo.

02:23.977 --> 02:25.395
Bumubuti na ba, ha?

02:30.191 --> 02:32.360
Wow. Mas okay pa po 'to kesa sa ospital.

02:32.443 --> 02:34.904
Kinukumpara mo 'ko sa doktor?

02:34.988 --> 02:37.073
Ibang-iba 'ko sa doktor.

02:37.156 --> 02:38.366
Pa'no po kayo naiba?

02:38.449 --> 02:43.371
Kahit sino, kayang maging doktor
kung magsisikap sila.

02:43.454 --> 02:45.999
Pero 'yong mga tulad namin?
Dapat may talento ka.

02:46.791 --> 02:48.042
Likas na talento.

02:48.626 --> 02:50.086
Naiintindihan mo 'yon, di ba?

02:53.798 --> 02:56.676
Sige na, puntahan mo na
'yong lumayas na malditang 'yon.

02:58.011 --> 02:59.929
SI-WON

03:06.519 --> 03:07.937
Bye po.

03:08.646 --> 03:11.149
Pakisabing wag siyang magpapagutom.

03:46.517 --> 03:49.479
Ano? Nakatulog ka kaagad?

03:49.562 --> 03:50.438
Oo.

03:50.521 --> 03:51.689
Hindi ka ba nilalamig?

03:52.190 --> 03:54.233
Dapat sa inyo ka natutulog
pag ganito kalamig.

03:54.317 --> 03:55.693
Nagsi-snow na nga sa labas, e.

03:55.777 --> 03:57.570
Mas okay na 'to kesa amoy-insenso.

03:57.654 --> 03:59.739
Teka, may snow? Nang March?

04:08.581 --> 04:09.540
Si-won.

04:10.291 --> 04:12.543
Sumali din kaya ako sa coding club?

04:28.101 --> 04:30.270
Uy, Do Hye-ryung!

04:31.521 --> 04:34.274
-Bilis! Late tayo pag naiwan tayo ng bus.
-Di tayo male-late.

04:34.357 --> 04:36.192
Dahan-dahan. Di tayo male-late.

04:36.276 --> 04:37.151
Naku naman!

04:37.652 --> 04:38.486
Hoy!

04:40.280 --> 04:41.155
Uy.

04:46.411 --> 04:48.079
Uy!

04:50.957 --> 04:52.250
Ano'ng ginagawa mo?

04:52.333 --> 04:54.669
-Wag tayong magmadali.
-Ano'ng nangyari sa 'yo?

04:55.503 --> 04:57.088
Uy, 'yong bus…

04:59.382 --> 05:00.425
Si Han Gi-tae?

05:01.009 --> 05:01.843
Ha?

05:04.971 --> 05:06.180
Crush mo siya, 'no?

05:07.390 --> 05:08.266
Hindi.

05:08.975 --> 05:10.059
Sabihin ko sa kanya?

05:10.143 --> 05:12.061
Hoy, wag. Wag mong sasabihin.

05:14.230 --> 05:16.482
-Close ka ba kay Gi-tae?
-Oo.

05:16.566 --> 05:18.151
Sumali siya sa club namin, di ba?

05:19.110 --> 05:20.069
Tama ako.

05:21.404 --> 05:22.905
Crush mo siya, 'no?

05:23.698 --> 05:25.366
Wag kang mag-alala. Di ko sasabihin.

05:26.701 --> 05:27.785
Talaga?

05:29.078 --> 05:30.913
Basta di mo ipagsasabi 'yong sikreto ko.

05:32.248 --> 05:33.750
-Dumating ka rin.
-Pambihira.

05:33.833 --> 05:34.876
-Dito.
-Usog.

05:34.959 --> 05:35.793
Mainit dito.

05:35.877 --> 05:37.754
Dito ka. Mainit 'yong upuan.

05:38.296 --> 05:39.839
Naku po.

05:39.922 --> 05:41.007
Pasensiya na.

05:43.718 --> 05:45.136
Salamat, mga ineng.

05:51.601 --> 05:55.271
Inaantok pa 'ko, kaya di ako sigurado
kung insenso nga 'yong naamoy ko.

05:55.354 --> 05:56.814
Pumasok ka sa bahay namin?

05:58.358 --> 05:59.359
Ang galing mo.

06:03.029 --> 06:04.697
Di mo sinasagot 'yong phone mo, e.

06:04.781 --> 06:08.159
Sobrang lamig,
kaya akala ko doon ka sa inyo natulog.

06:08.242 --> 06:10.703
Pinapasok ako ng mama mo
para gamutin 'yong mata ko.

06:10.787 --> 06:13.790
Pwede kang pumunta, pero sinabi nang
wag kang magpapauto sa kanya.

06:13.873 --> 06:15.083
Bakit ba di ka nakikinig?

06:15.166 --> 06:16.125
Sorry.

06:18.211 --> 06:19.921
Pero gumaling naman, e.

06:20.421 --> 06:22.965
Tingnan mo.
Sobrang pula nito, pero wala na.

06:24.509 --> 06:26.427
Ginagawa mo 'to para asarin ako.

06:26.511 --> 06:28.971
Di naman mangyayari 'to
kung sinagot mo 'yong tawag ko.

06:29.055 --> 06:30.598
Hoy, sinisisi mo ba 'ko?

06:30.681 --> 06:33.893
Dapat nauna ka na lang.
Di naman ako nagpapahintay, e.

06:38.189 --> 06:39.023
Okay.

06:39.107 --> 06:42.568
Simula ngayon, di ko na siya papansinin,
kahit ano pa'ng sabihin niya, okay?

06:43.069 --> 06:43.945
Promise.

06:44.028 --> 06:47.698
Gusto mo ba talagang nakikihalubilo
sa babaeng naglalasing dahil shaman siya?

06:48.533 --> 06:50.118
Sorry na talaga.

06:50.618 --> 06:51.619
Okay?

06:52.328 --> 06:55.665
SUPORTADO NG FACULTY AT STAFF
ANG BAGONG YUGTO NG MGA BAGONG MAG-AARAL

06:55.748 --> 06:56.833
Good morning po.

07:00.628 --> 07:01.712
Uy, Kwon Si-won.

07:03.297 --> 07:04.173
Si-won.

07:04.257 --> 07:06.926
Alam mo na 'yong gagawin mo
para sa smartphone app contest?

07:07.009 --> 07:08.511
Pinag-isipan ko kahapon.

07:08.594 --> 07:10.721
-Pag-usapan natin sa clubroom.
-Sige.

07:14.225 --> 07:17.812
Bakit hindi ka sumali sa coding club?
Kasama mo 'tong genius araw-araw, e.

07:17.895 --> 07:19.313
Pwede rin ba 'kong—

07:19.397 --> 07:21.274
Di siya mahilig sa electronics.

07:22.400 --> 07:23.276
Talaga?

07:23.818 --> 07:25.027
E, ano'ng hilig mo?

07:26.863 --> 07:27.822
Mahilig siya…

07:27.905 --> 07:28.990
sa shamanism.

07:30.658 --> 07:33.411
Shamanism? Parang panghuhula, mga gano'n?

07:34.412 --> 07:35.663
Hulaan mo rin ako.

07:36.164 --> 07:37.874
Uy. Hee-jin.

07:44.380 --> 07:47.341
Uy. Hindi ka late ngayon, a.

07:47.425 --> 07:50.386
Sabi ni teacher
mayayari ako pag na-late pa 'ko.

07:50.970 --> 07:54.682
Di ako nag-almusal para maaga 'ko.
Kain tayo sa cafeteria?

07:54.765 --> 07:56.767
Si-won. Sama ka sa 'min.

08:01.564 --> 08:02.398
Mauna ka na.

08:05.151 --> 08:06.110
Bilisan natin.

08:30.843 --> 08:33.304
Ay, may club meeting ako ngayon.

08:33.387 --> 08:34.430
Hintayin kita?

08:34.514 --> 08:35.598
Si-won.

08:36.432 --> 08:37.433
Tara.

08:38.351 --> 08:39.393
Mauna ka na.

08:48.778 --> 08:52.114
Bakit ang dami mong binibiling alak,
e, mag-isa ka lang namang umiinom?

08:52.198 --> 08:54.200
Hindi ako mag-isang umiinom.

08:54.283 --> 08:57.036
Hindi mo naman siguro kainuman
'yong anak mong high school.

08:58.829 --> 09:01.082
Alam n'yo namang
hindi 'yon ang ibig kong sabihin.

09:01.165 --> 09:03.543
Kung curious kayo,
bakit di kayo pumunta sa bahay ko?

09:03.626 --> 09:04.460
Ay, naku.

09:04.544 --> 09:06.629
Tigilan mo nga ako, pekeng shaman.

09:06.712 --> 09:08.130
Peke?

09:12.009 --> 09:14.095
Mukha ba 'yon laro-laro sa inyo?

09:33.614 --> 09:35.908
Tingin mo makakapagtago ka sa 'kin?

09:42.123 --> 09:43.666
Hello po.

09:43.749 --> 09:45.001
-Hello po.
-Sige.

09:45.584 --> 09:46.502
'Yong anak ko?

09:47.086 --> 09:48.546
Male-late po dahil sa club niya.

09:48.629 --> 09:50.548
-Gano'n ba?
-Opo.

09:51.048 --> 09:53.342
Gusto mo bang pumunta sa bahay?

09:55.011 --> 09:55.928
Hindi na po.

09:56.721 --> 09:57.555
Bakit?

09:59.598 --> 10:03.394
Sigurado akong gustong-gusto mong
pumunta sa bahay ngayon.

10:05.062 --> 10:06.022
Una na po ako.

10:22.705 --> 10:25.291
Aray ko.

10:25.833 --> 10:27.126
Buwisit.

10:27.627 --> 10:29.670
Aray ko.

10:32.548 --> 10:35.217
"Awards. Minister's Award, one team.

10:35.301 --> 10:38.471
"Governor's Award, one team.
Superintendent's Award, two teams."

10:38.554 --> 10:41.057
Kahit fourth place,
maganda para sa college application.

10:42.767 --> 10:43.976
Ipapanalo mo kami, di ba?

10:44.060 --> 10:46.187
Pag may theme na tayo,
madali na 'yong coding.

10:47.188 --> 10:49.231
Habang nagpe-prepare tayo,

10:49.315 --> 10:51.108
ako na'ng bahala sa meryenda ni Si-won.

10:51.192 --> 10:52.610
Tutulong din ako sa UI design.

10:52.693 --> 10:53.778
Ako naman,

10:55.237 --> 10:56.572
ibibigay ko 'yong wish mo.

10:56.656 --> 10:58.866
Para namang
may kakailanganin sa 'yo si Si-won.

10:58.949 --> 11:00.326
'Yong kaibigan niya, pwede pa.

11:01.077 --> 11:02.745
Tinitingnan ka niya araw-araw.

11:02.828 --> 11:05.039
-May taste si Do Hye-ryung.
-Hoy.

11:06.082 --> 11:07.083
Ingat ka.

11:07.666 --> 11:08.793
Nakakatakot siya.

11:08.876 --> 11:11.379
-Bakit?
-Shaman 'yong nanay niya.

11:11.462 --> 11:15.383
At hindi lang basta shaman,
kundi isang kilalang baliw na shaman.

11:16.384 --> 11:18.928
-Imbento ka na naman.
-Seryoso ako.

11:19.011 --> 11:21.847
Sa Baekun Middle School nag-aral
'yong pinsan ko.

11:21.931 --> 11:25.685
Meron daw anak ng baliw na shaman do'n
na pinatay 'yong sarili niyang asawa.

11:26.352 --> 11:27.269
At 'yon…

11:28.187 --> 11:29.063
ay si Do Hye-ryung.

11:30.606 --> 11:31.440
Totoo ba 'yon?

11:33.984 --> 11:35.903
-Uy, mukhang totoo nga.
-Oo.

11:35.986 --> 11:38.489
Kaya mo sinabi
'yong shamanism kanina, 'no?

11:39.407 --> 11:41.534
Tama na 'yan. Mag-isip na tayo ng theme.

11:41.617 --> 11:42.702
Shamanism.

11:43.869 --> 11:46.080
-Gusto ko 'yong shamanism.
-Pambihira.

11:46.580 --> 11:48.708
Ayaw n'yo nang sumali sa contest?
Atras na tayo?

11:48.791 --> 11:51.752
'Yong sinabi mo ang tinutukoy ko, Gi-tae.

11:51.836 --> 11:52.712
Ano?

11:52.795 --> 11:55.840
Sabi mo ibibigay mo kahit ano 'yong wish.

11:55.923 --> 11:58.384
Ano'ng naiisip n'yo pag shamanism? Saju.

11:58.467 --> 12:01.846
Isang app kung saan
ilalagay mo 'yong saju mo, magwi-wish,

12:01.929 --> 12:04.056
tapos matutupad 'yong wish—

12:04.140 --> 12:05.307
Hoy!

12:05.391 --> 12:06.559
Umayos ka nga.

12:06.642 --> 12:07.560
Hindi, ganito.

12:07.643 --> 12:10.062
Maganda 'to. Shamanism!

12:11.147 --> 12:12.064
Pero…

12:12.606 --> 12:13.691
ano ba 'yong saju?

12:13.774 --> 12:15.067
Di ba birthdate 'yon?

12:16.736 --> 12:18.571
Tanungin natin si Do Hye-ryung?

12:20.406 --> 12:22.116
Kung ayaw mong sumali, kumalas ka na.

12:22.950 --> 12:24.326
Wag mo kaming guluhin.

12:28.706 --> 12:29.623
Si-won.

12:31.709 --> 12:33.502
Nakakatakot 'yong malditang 'yon, a.

12:49.894 --> 12:51.187
Ano'ng sinabi ko?

12:51.687 --> 12:56.066
Sabi ko sa 'yo, di ba?
Gustong-gusto mong pumunta sa bahay ko.

12:57.610 --> 13:00.112
Iwan ko na lang po ba 'to dito?

13:00.196 --> 13:01.197
A, 'yan?

13:02.072 --> 13:04.033
Ilagay mo do'n sa kuwartong 'yon.

13:08.287 --> 13:14.210
Gustong-gusto mong malaman
kung ano'ng nasa loob no'n, di ba?

13:16.128 --> 13:17.129
Sige, silipin mo.

13:36.232 --> 13:37.399
Ano'ng ginagawa mo?

13:38.067 --> 13:41.487
Tingin mo pinapunta kita d'yan
para lang magtingin-tingin?

14:07.096 --> 14:09.515
Nakakakalma, di ba?

14:47.303 --> 14:48.554
Ang cute nila.

14:49.138 --> 14:50.764
Kumuha ka ng isa.

14:52.099 --> 14:53.475
Regalo ko sa 'yo.

15:10.367 --> 15:11.243
'Yan ba…

15:11.827 --> 15:13.704
ang nakakatawag ng pansin mo?

15:16.415 --> 15:17.750
Ano po'ng tawag dito?

15:17.833 --> 15:18.709
Deolmi.

15:19.752 --> 15:24.089
Pag hinawakan mo 'yong batok ng isang tao,
'yong dwitdeolmi, nang ganito,

15:24.173 --> 15:26.342
mapapagawa mo ang lahat ng gusto mo.

15:26.425 --> 15:27.551
Kaya "deolmi" ang tawag.

15:29.428 --> 15:30.554
Kaya mo ring gawin 'yon.

15:30.638 --> 15:31.847
Po?

15:31.930 --> 15:35.059
Sabi ko, kaya mo ring hawakan
at pasunurin sa gusto mo ang isang tao.

15:39.229 --> 15:40.105
Eto.

15:41.482 --> 15:47.154
Kumuha ka ng kahit anong bagay
mula sa taong gusto mong kontrolin.

15:47.863 --> 15:51.158
Mas maganda kung kuko nila,
kuko sa paa, o buhok.

15:51.241 --> 15:53.827
Itali mo 'yon sa manika gamit ang sinulid.

15:54.328 --> 15:57.790
Tapos umukit ka ng mata,
ilong, at bibig sa mukha,

15:58.624 --> 15:59.875
isulat mo 'yong saju nila,

16:00.584 --> 16:04.296
at patakan mo
hanggang sa magkulay-pula 'yong sinulid.

16:04.797 --> 16:06.507
-Patakan ng ano?
-Dugo.

16:07.091 --> 16:08.926
Hala, nagbibiro po ba kayo?

16:09.009 --> 16:10.427
Hindi ako nagbibiro.

16:10.928 --> 16:14.348
Mainit-init at sariwang dugo
na may buhay pa.

16:32.658 --> 16:34.326
Sinabi ko na sa 'yo, di ba?

16:34.410 --> 16:36.036
Espesyal ka.

16:36.537 --> 16:38.539
Pag sinunod mo 'yong sinabi ko,

16:38.622 --> 16:43.002
makokontrol mo ang isang tao
gaya ng deolmi na 'to.

16:43.085 --> 16:44.837
Naku, hindi ko po kaya 'yon.

16:44.920 --> 16:46.922
Gusto mo bang maging anak ko?

16:48.007 --> 16:49.216
Anak sa paniniwala.

16:52.636 --> 16:55.097
Kung nakauwi ka na, ipaalam mo man lang!

16:55.180 --> 16:57.558
Bakit nagtatago ka na parang magnanakaw?

16:58.308 --> 17:01.270
Mas okay pa'ng maging magnanakaw
kesa babaeng pumatay ng asawa.

17:05.149 --> 17:06.108
Si-won.

17:07.025 --> 17:08.527
Mali ang iniisip mo.

17:08.610 --> 17:10.487
Mali? E, nasa loob ka.

17:11.280 --> 17:14.032
Kumukuha ka ba ng ebidensiya
para i-blackmail ako?

17:14.116 --> 17:15.784
Bakit naman kita iba-blackmail?

17:16.785 --> 17:18.245
Tama na. Wag mo 'kong susundan.

17:52.071 --> 17:53.072
Mali ang iniisip mo.

17:53.655 --> 17:54.615
Totoo.

18:18.806 --> 18:19.932
Si-won, sorry.

18:29.983 --> 18:32.903
Narinig mo na ba na pag sinulat mo
'yong saju mo at nag-wish,

18:32.986 --> 18:34.530
matutupad 'yon?

18:40.369 --> 18:42.037
Nasusuka 'ko sa insenso.

18:42.538 --> 18:45.249
Naaasar ako pag 'yong mga
di naman nakakaangat sa 'kin,

18:45.332 --> 18:49.711
kinakaawaan ako dahil anak ako ng shaman
na pumatay sa sarili niyang asawa.

18:49.795 --> 18:53.715
Tapos 'yong nanay kong baliw,
laging lasing at dakdak nang dakdak.

18:55.300 --> 18:57.427
FEBRUARY 1, 2005
KWON SI-WON

19:05.644 --> 19:06.979
Sana mamatay na siya.

19:11.525 --> 19:12.818
'Yon ang wish ko.

19:13.861 --> 19:15.654
May mga wish ka ba?

19:17.364 --> 19:18.240
Ha?

19:24.163 --> 19:25.998
Sabi ko, may mga wish ka ba?

19:27.833 --> 19:28.667
Oo.

19:35.340 --> 19:37.009
Sana tanggapin mo na 'yong sorry ko.

19:37.092 --> 19:38.260
Hindi 'yong gano'n.

19:41.096 --> 19:44.224
'Yong wish na matagal mo nang inaasam.

19:46.727 --> 19:48.729
'Yong wish na di mo masabi kahit kanino

19:50.647 --> 19:52.524
at tinatago mo lang.

20:02.242 --> 20:03.368
Gusto kong…

20:05.370 --> 20:06.997
maging boyfriend si Gi-tae.

20:19.509 --> 20:21.845
Ang pinakasikreto mo,
gusto mo si Han Gi-tae?

20:26.850 --> 20:27.976
Tara, gawin natin.

20:29.144 --> 20:30.020
Mag-wish tayo.

20:30.687 --> 20:31.647
Pa'no?

20:39.571 --> 20:40.614
Ang wish ko…

20:40.697 --> 20:42.032
MARCH 12, 2005
DO HYE-RYUNG

20:42.115 --> 20:44.034
…a, kami ni Gi-tae…

20:46.912 --> 20:47.746
Ay, hindi.

20:48.455 --> 20:50.958
Sana magkagusto sa 'kin si Gi-tae.

20:51.041 --> 20:53.252
Hindi. Sinabi ko na, e. Hindi gano'n.

20:57.631 --> 20:59.633
Dapat taimtim na taimtim.

20:59.716 --> 21:02.719
Seryosohin mo, tulad ng ginawa ko kanina.

21:03.303 --> 21:04.972
At saka…

21:05.055 --> 21:09.268
bawal na 'yong mga "a, e, ay, hindi."

21:09.351 --> 21:10.394
Pero kasi—

21:10.477 --> 21:11.645
Bawal ang "pero."

21:11.728 --> 21:13.605
Test lang naman 'to. Kailangan ba gano'n?

21:13.689 --> 21:17.359
At saka hindi "magkagusto sa 'kin."
Dapat "ma-in love sa 'kin."

21:17.859 --> 21:18.735
Ganito.

21:20.487 --> 21:23.782
"Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae!"

21:24.741 --> 21:25.867
"Love"?

21:26.576 --> 21:29.579
Grabe, ang hirap naman nito.

21:30.372 --> 21:31.957
Mahirap ang love.

21:32.040 --> 21:33.667
Parang naranasan mo na, a.

21:38.588 --> 21:41.842
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae.

21:41.925 --> 21:45.137
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae!

21:46.722 --> 21:48.974
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae,

21:49.057 --> 21:50.767
kahit ano'ng mangyari!

22:01.361 --> 22:02.654
Minsan…

22:03.155 --> 22:05.032
Ang totoo, madalas, natatakot ako sa 'yo.

22:10.871 --> 22:11.705
Bakit?

22:12.205 --> 22:14.833
Kasi kilalang-kilala mo 'ko.

22:17.002 --> 22:19.254
Masama ba na kilalang-kilala kita?

22:24.634 --> 22:27.095
Alam mo ba
kung bakit ayaw ng mga tao sa mama ko?

22:27.179 --> 22:29.514
Nalalaman niya…

22:31.767 --> 22:33.310
'yong mga gusto nilang itago.

22:35.062 --> 22:37.105
Lahat ng tao, may gustong itago.

22:37.189 --> 22:38.940
Sa 'kin, 'yong pamilya ko.

22:48.658 --> 22:49.993
Nangako ako, di ba?

22:50.660 --> 22:51.953
Na itatago ko 'yon.

22:52.037 --> 22:53.663
Kung naiilang ka sa 'kin,

22:55.374 --> 22:57.125
lalayo ako sa 'yo sa school.

23:03.965 --> 23:05.717
Ewan ko.

23:10.263 --> 23:12.808
Pero hindi rin biro 'tong sikretong 'to.

23:12.891 --> 23:15.185
-Hoy, i-delete mo na 'yan.
-Ayoko.

23:15.268 --> 23:16.103
I-delete mo.

23:16.186 --> 23:18.814
-Ayoko.
-Sige na, di nakakatuwa 'yan.

23:18.897 --> 23:20.607
-Sige na.
-Matulog ka na.

23:20.690 --> 23:21.900
Matulog na tayo.

23:21.983 --> 23:23.902
-Matulog na tayo.
-I-delete mo 'yan.

23:23.985 --> 23:26.571
-Matulog na tayo.
-I-delete mo muna 'yan.

23:29.908 --> 23:33.036
'Yong app na ginawa mo, 'yong Girigo?
Tingin ko mananalo 'yon.

23:33.120 --> 23:35.872
-Talaga?
-Oo. Simple lang pero nakakatuwa.

23:36.373 --> 23:37.624
Pagkatapos kong mag-wish,

23:37.707 --> 23:40.001
bumilis 'yong tibok ng puso ko
na parang matutupad.

23:40.961 --> 23:42.546
At ang pinakamaganda,

23:43.046 --> 23:44.714
nagsabihan tayo ng sikreto natin.

23:44.798 --> 23:45.715
Ang saya no'n.

23:47.050 --> 23:48.593
Itago natin 'yong sikreto natin.

23:48.677 --> 23:50.011
Oo. Promise.

23:55.475 --> 23:57.936
Every time? Anong klaseng "every time"?

23:58.019 --> 24:00.772
"We read an article on the Internet."

24:00.856 --> 24:01.773
Naiintindihan n'yo?

24:01.857 --> 24:03.733
Ano ang "article"? Article.

24:03.817 --> 24:06.611
"Tuwing nagbabasa tayo ng article
sa Internet."

24:06.695 --> 24:08.822
Pero complete sentence ba 'yon? Hindi pa.

24:08.905 --> 24:10.907
Ano'ng kasunod? Tingnan natin.

24:10.991 --> 24:12.909
"See a commercial on TV."

24:12.993 --> 24:15.829
Nakakapanood ng commercial sa TV o…

24:16.580 --> 24:17.789
Kwon Si-won.

24:19.082 --> 24:20.500
Itago mo 'yang phone mo!

24:21.710 --> 24:22.961
Sorry po, ma'am.

24:23.753 --> 24:26.465
'Yong verb na "be."
"Likely to come into contact."

24:26.548 --> 24:27.716
Ano'ng ibig sabihin no'n?

24:28.425 --> 24:30.260
Ang "be likely to" ay "malamang na…"

24:34.097 --> 24:35.599
-Talaga?
-Oo.

24:35.682 --> 24:37.601
Saan tayo makakapagyosi?

24:41.062 --> 24:43.148
Oo. May maoorder ba tayo dito?

24:50.530 --> 24:52.699
Baka gumagana na 'yong wish.

24:52.782 --> 24:54.951
Dalawang beses kaming
nagkatinginan ni Gi-tae.

24:55.452 --> 24:57.704
Kita mo na? Sabi sa 'yo totoo 'yon, e.

24:59.039 --> 25:00.707
Basta mag-wish ka lang nang taimtim.

25:02.834 --> 25:04.127
Gusto mo talaga siya?

25:04.628 --> 25:06.087
Ewan ko.

25:07.589 --> 25:08.798
Ano ba naman!

25:08.882 --> 25:12.093
Di ako magbebenta ng alak
sa isang pekeng shaman!

25:12.594 --> 25:13.428
Buwisit.

25:13.512 --> 25:16.139
Kaya siguro namatay 'yong asawa mo, 'no?

25:16.640 --> 25:17.599
Una na 'ko.

25:18.099 --> 25:20.393
Ayoko ngang magbenta!
Bakit ka ba nanggugulo?

25:20.477 --> 25:21.937
Pakialam mo ba?

25:22.020 --> 25:23.438
Pupunta ka dito nang lasing?

25:23.522 --> 25:25.649
-Para makipag-away?
-Bitawan mo 'ko!

25:25.732 --> 25:27.150
Tumabi ka nga!

25:27.234 --> 25:29.986
SI-WON, WAG KA NANG MASYADONG MAG-ALALA…
'YONG MAMA MO…

25:39.579 --> 25:43.833
NASA HIDEOUT AKO. ANONG ORAS KA PUPUNTA?

26:00.350 --> 26:02.561
Uy, nakapag— Hoy.

26:03.103 --> 26:04.187
Pambihira.

26:05.272 --> 26:07.899
Mabuti pa 'yong kaibigan mo,
ginagalang ako. Daig ka pa.

26:10.151 --> 26:11.027
Nakapag…

26:13.029 --> 26:14.531
Hay, naku. Buwisit.

26:24.291 --> 26:27.127
BAKA SA BAHAY NA LANG AKO MATULOG!
BUKAS NA LANG!

26:36.636 --> 26:40.932
BAKA SA BAHAY NA LANG AKO MATULOG!
BUKAS NA LANG!

27:06.458 --> 27:07.959
Ano 'yon?

27:19.304 --> 27:20.513
Naku po.

28:39.884 --> 28:41.177
Buhok.

28:41.261 --> 28:42.429
Buhok ng anak ko.

28:46.433 --> 28:47.559
SEORIN

28:56.192 --> 28:58.194
Ang anak kong si Si-won.

28:58.278 --> 29:00.029
Ang anak kong si Si-won, pakiusap…

29:01.781 --> 29:04.117
Banal na espiritu, patawad po.

29:04.701 --> 29:07.912
Patawad. Hindi po alam ng anak ko
'yong ginawa niya.

29:07.996 --> 29:09.330
Dalangin ko kay Bulsa Jeseok.

29:09.414 --> 29:11.708
Ako na lang po ang parusahan
imbes na ang anak ko.

29:11.791 --> 29:15.295
Ako na lang po ang parusahan
imbes na ang anak kong si Si-won.

29:15.378 --> 29:17.964
Nananalangin ako
kina Hwangsa Jebul at Bulsa Jeseok.

29:18.047 --> 29:18.882
GIRIGO
HUMILING

29:18.965 --> 29:22.218
Tanggapin n'yo ang aking pakiusap
at patawarin ang anak kong si Si-won.

30:10.433 --> 30:12.727
The call could not be connected.

30:55.311 --> 30:56.145
Hye-ryung!

31:04.988 --> 31:06.281
Sandali.

31:07.740 --> 31:10.660
Makinig kang mabuti sa 'kin.

31:12.078 --> 31:17.959
Ilagay mo 'tong amulet kay Si-won
o sa bag niya nang di niya alam.

31:18.042 --> 31:21.045
Katulad ng ama niya ang batang 'yon,

31:21.129 --> 31:23.506
kaya magagalit siya
pag nakita niya 'tong amulet.

31:24.424 --> 31:27.385
Dapat mailagay mo pa rin 'to
nang di niya alam.

31:28.177 --> 31:33.182
Hindi ko nailigtas ang asawa ko,
pero ililigtas ko ang anak ko.

31:34.100 --> 31:35.101
Ha?

31:35.184 --> 31:37.854
Bakit di ka sumasagot? Ha?

31:41.774 --> 31:43.484
Pumunta muna kayo sa ospital.

31:46.905 --> 31:50.867
Nakita mo kung pa'no ko pinagaling
'yong mata mo, di ba?

31:51.367 --> 31:55.246
Ako na'ng bahala sa sarili ko,
kaya puntahan mo na si Si-won, ha?

31:58.583 --> 31:59.792
Umalis ka na!

32:03.504 --> 32:04.714
Alis na!

32:05.214 --> 32:07.175
Bilisan mo! Umalis ka na!

32:07.675 --> 32:09.177
Umalis ka na!

32:41.501 --> 32:42.460
Si-won.

32:43.503 --> 32:45.463
-Kanina, sa bahay n'yo—
-Ano?

32:53.554 --> 32:54.555
Ano'ng meron sa bahay?

32:57.809 --> 32:58.768
Kasi…

33:03.356 --> 33:04.273
Sorry.

33:10.822 --> 33:12.073
Ano'ng problema niya?

33:13.908 --> 33:16.327
Ang Daan Palayo ni Kim So-wol.

33:16.995 --> 33:19.914
Ang sabihing nangungulila sa iyo
Ay lalong magpapalungkot sa akin

33:20.707 --> 33:24.085
Marahil ako'y dapat umalis na lamang
Pero, muli…

33:24.836 --> 33:28.172
Katulad ng ama niya ang batang 'yon,

33:29.173 --> 33:32.468
kaya magagalit siya
pag nakita niya 'tong amulet.

33:33.428 --> 33:36.347
Dapat mailagay mo pa rin 'to
nang di niya alam.

33:37.181 --> 33:42.186
Hindi ko nailigtas ang asawa ko,
pero ililigtas ko ang anak ko.

33:43.146 --> 33:44.105
Ha?

33:44.188 --> 33:46.899
May mga uwak sa bundok
Pati na sa kabukiran

33:47.775 --> 33:51.154
Sila'y humuhuni habang palubog ang araw
Sa mga burol sa kanluran

33:51.654 --> 33:52.488
Ang ilog…

34:02.331 --> 34:03.166
Grabe.

34:03.249 --> 34:05.001
Babalik ako.

34:05.084 --> 34:06.169
Samahan na kita.

34:09.964 --> 34:10.798
Uy.

34:13.301 --> 34:14.552
Ano'ng ginagawa mo?

34:31.819 --> 34:32.945
Kanina, 'yong mama mo—

35:18.324 --> 35:19.826
Grabe talaga 'yon.

35:19.909 --> 35:23.371
Sinampal niya si Do Hye-ryung
tapos pinunit 'yong amulet.

35:23.454 --> 35:25.498
Nakakatakot. Grabe.

35:25.581 --> 35:26.916
Parang may kakaiba, e.

35:26.999 --> 35:28.918
Ayaw niyang pinag-uusapan si Do Hye-ryung.

35:29.001 --> 35:31.129
Nagagalit siya
pag nababanggit 'yong shamanism.

35:31.712 --> 35:34.132
Baka si Kwon Si-won
'yong konektado sa shaman.

35:34.215 --> 35:35.424
Alam n'yo,

35:36.092 --> 35:38.636
bago masampal si Do Hye-ryung,

35:39.595 --> 35:41.430
may sinabi siyang weird, e.

35:41.931 --> 35:43.724
Pero baka mali lang ako ng dinig.

35:45.059 --> 35:46.102
Ano'ng sabi niya?

35:46.185 --> 35:47.728
Sabihin mo na.

35:47.812 --> 35:48.938
Kasi…

35:50.106 --> 35:53.151
sobrang maingat si Do Hye-ryung
kay Si-won, tapos…

35:53.234 --> 35:54.610
Punyetang Do Hye-ryung.

35:54.694 --> 35:56.821
…"Kanina, 'yong mama mo—"

35:59.282 --> 36:00.408
Nandito ka na.

36:06.873 --> 36:08.124
Tingnan n'yo 'to.

36:08.708 --> 36:09.959
Entry natin sa contest.

36:10.042 --> 36:11.878
-Tapos na agad?
-Ang bilis, a.

36:13.421 --> 36:14.881
Pa'no mo nagawa 'to?

36:14.964 --> 36:17.800
Hindi ba masyadong dark 'yong design?

36:18.843 --> 36:20.052
Gusto ko nga, e.

36:20.136 --> 36:22.263
Siyempre, wala ka namang ginawa, e.

36:24.807 --> 36:28.185
Wala namang ginawa
ang kahit sino sa inyo, e. Di ba?

36:29.020 --> 36:29.854
Pero…

36:30.813 --> 36:35.735
kahit daldal ka lang nang daldal,
ikaw 'yong nakaisip ng design.

36:36.944 --> 36:40.489
Ikaw, kung ano-ano 'yong sinasabi mo
pag nakatalikod ako,

36:41.657 --> 36:43.117
pero naisip mo 'yong shamanism.

36:46.245 --> 36:49.207
Gi-tae, wala kang inambag na kahit ano,

36:50.750 --> 36:52.251
kaya tutulungan mo 'ko.

37:29.330 --> 37:30.164
Uy.

37:30.790 --> 37:32.500
Narinig mo na 'yong Girigo…

37:32.583 --> 37:33.417
Ano?

37:36.420 --> 37:38.673
Narinig mo na ba 'yong app
na tumutupad ng wish?

37:39.173 --> 37:40.299
Ano'ng sinasabi mo?

37:42.218 --> 37:45.054
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae.

37:45.137 --> 37:45.972
Ano 'yon?

37:46.555 --> 37:49.892
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae,
kahit ano'ng mangyari!

37:49.976 --> 37:52.561
Uy, ano'ng nangyayari sa kanya?

37:52.645 --> 37:54.647
Nakakahiya 'yan!

37:54.730 --> 37:58.401
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae,
kahit ano'ng mangyari!

38:06.409 --> 38:09.704
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae,
kahit ano'ng mangyari!

38:09.787 --> 38:11.288
Uy, nasa group chat 'yan.

38:11.372 --> 38:12.290
Uy, ano 'to?

38:15.001 --> 38:16.544
Grabe! Nakakahiya.

38:17.503 --> 38:20.047
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae!

38:22.299 --> 38:25.177
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae.

38:26.512 --> 38:30.349
Sana ma-in love sa 'kin si Gi-tae,
kahit ano'ng mangyari!

38:32.518 --> 38:33.352
Uy.

38:34.103 --> 38:35.146
Shamanism.

38:35.980 --> 38:37.315
Sagutin mo na siya!

38:37.940 --> 38:40.026
Anak ka nga ng baliw na shaman.

38:40.109 --> 38:42.445
Naniniwala ka talaga d'yan? Ha?

38:48.451 --> 38:51.412
Grabe, wala ka talagang utak.

38:51.495 --> 38:53.831
Wala. Narinig mo? Ha?

38:54.749 --> 38:55.833
Itigil mo 'yan.

38:55.916 --> 38:56.959
Okay lang 'yan.

38:57.710 --> 38:58.544
Hoy.

38:58.627 --> 39:01.213
Sino ka ba sa tingin mo
para umamin sa 'kin?

39:04.133 --> 39:05.176
Tinitingin-tingin mo?

39:05.259 --> 39:07.345
Kanino ako mai-in love? Baliw ka!

39:17.980 --> 39:18.856
Gusto mong mamatay?

39:31.035 --> 39:31.911
Okay na 'yon?

39:56.685 --> 39:57.603
HAN GI-TAE

40:00.439 --> 40:03.526
Kumuha ka ng kahit anong bagay
mula sa taong gusto mong kontrolin.

40:04.193 --> 40:07.279
Mas maganda kung kuko nila,
kuko sa paa, o buhok.

40:08.280 --> 40:10.825
Itali mo 'yon sa manika gamit ang sinulid.

40:12.952 --> 40:14.870
Tapos umukit ka ng mata, ilong, at bibig,

40:15.621 --> 40:17.957
isulat mo 'yong saju nila,

40:19.750 --> 40:22.878
at patakan mo
hanggang sa magkulay-pula 'yong sinulid.

40:25.423 --> 40:27.216
-Patakan ng ano?
-Dugo.

40:27.299 --> 40:30.386
Mainit-init at sariwang dugo
na may buhay pa.

40:33.556 --> 40:35.808
MARCH 12, 2005
DO HYE-RYUNG

40:45.860 --> 40:49.196
Sinabi ko na sa 'yo, hindi lahat,
kayang gawin 'to nang kinokopya lang.

40:49.905 --> 40:51.782
Ang mas mahalaga…

40:52.408 --> 40:54.410
Likas na talento?

40:54.493 --> 40:56.162
Oo, mahalaga din 'yon.

40:56.245 --> 40:58.747
Pero ang mas mahalaga ro'n,

40:59.457 --> 41:00.708
ang ninanais ng puso.

41:02.293 --> 41:03.752
Ayon sa mga kasulatan,

41:03.836 --> 41:06.797
simwibeopbon simjonsimsa.

41:07.339 --> 41:10.217
Ibig sabihin,
ang isip ang pinagmumulan at sinusunod

41:10.301 --> 41:11.552
ng lahat ng bagay.

41:13.137 --> 41:16.515
Para mapagalaw ang isang braso,

41:17.057 --> 41:19.393
kailangan mong mag-alay ng isang manok.

41:21.145 --> 41:23.564
Para mapagalaw ang dalawang braso,

41:23.647 --> 41:25.983
kailangan mong mag-alay ng isang baboy.

41:26.692 --> 41:28.194
Narinig n'yo na ba…

41:31.113 --> 41:33.324
na pag sinulat n'yo 'yong saju n'yo
at nag-wish…

41:35.951 --> 41:36.869
matutupad 'yon?

41:37.912 --> 41:38.996
Oo, tama.

41:41.123 --> 41:43.459
Magwi-wish ako sa paraang itinuro mo.

41:45.002 --> 41:46.128
Ang wish ko…

41:55.095 --> 41:56.513
mamatay kayong lahat.

42:07.983 --> 42:09.193
'Yon ang wish ko.

42:23.290 --> 42:25.542
Kwon Si-won! Nakita mo na 'yong video?

42:26.043 --> 42:27.711
I-delete mo na bago pa may makakita!

42:28.254 --> 42:30.506
Nangyari 'to
dahil humingi ka ng tulong sa 'kin!

42:31.715 --> 42:35.844
Wawasakin ko 'yong buong server
kung kailangan, kaya manahimik ka na!

42:46.939 --> 42:49.275
DELETE FOLDER

42:50.943 --> 42:52.027
Buwisit!

43:20.472 --> 43:21.724
MULTIMEDIA ROOM SERVER

43:47.791 --> 43:48.917
Imposible.

43:56.342 --> 43:58.344
Iniisip n'yo kung ano'ng ginagawa ko?

44:01.138 --> 44:01.972
Oo, tama.

44:03.307 --> 44:05.601
Magwi-wish ako sa paraang itinuro mo.

44:08.062 --> 44:09.480
Ang wish ko…

44:13.984 --> 44:15.402
mamatay kayong lahat.

44:15.486 --> 44:16.612
Buwisit.

44:18.489 --> 44:19.573
Pa'no mo…

44:20.074 --> 44:22.743
Sana mamatay na ang bawat isa sa inyo.

44:40.010 --> 44:41.345
'Yon ang wish ko.

44:57.694 --> 44:59.113
Pa'no mo nagawa sa 'kin 'to?

45:15.754 --> 45:18.549
Tangina mo, Do Hye-ryung!

46:02.301 --> 46:04.303
FEBRUARY 1, 2005
KWON SI-WON

46:04.386 --> 46:05.846
SENDING WISH…

46:06.555 --> 46:08.891
NATUPAD NA ANG IYONG HILING

46:20.194 --> 46:26.074
NATUPAD NA ANG IYONG HILING

46:26.158 --> 46:31.663
IF WISHES COULD KILL

50:20.726 --> 50:23.395
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz
o.
