WEBVTT

00:20.020 --> 00:21.813
Geon-woo, hintayin mo 'ko.

00:29.529 --> 00:32.073
NOVEMBER 4, 2008
LIM NA-RI

00:37.078 --> 00:38.329
-Cheers!
-Cheers!

00:41.624 --> 00:42.542
-Cheers!
-Cheers!

00:50.425 --> 00:53.595
Uy, Na-ri.
Ano nga ulit 'yong pangalan niya?

00:53.678 --> 00:55.597
Geon-woo. Kim Geon-woo.

00:56.181 --> 00:57.348
Patingin nga ng picture.

00:57.849 --> 01:02.562
Titingnan ko kung may saysay
'yang heartbreak na pinagdadaanan mo.

01:03.438 --> 01:06.107
-Kalokohan.
-Uy, magugulat ka.

01:09.694 --> 01:10.528
Ha?

01:11.029 --> 01:13.740
-Cute nga siya.
-Di ba?

01:15.241 --> 01:17.619
Pambihira, karaniwan lang, e.
Wala namang espesyal.

01:17.702 --> 01:19.162
Ano ba'ng sinasabi mo?

01:19.245 --> 01:21.164
Magmumukha kang pusit pag tumabi sa kanya.

01:26.211 --> 01:27.337
Ito ba siya?

01:27.420 --> 01:28.546
'Yong uto-utong otaku?

01:28.630 --> 01:29.964
Obvious ba?

01:30.548 --> 01:33.551
Buwisit! Halatang-halata agad, e.

01:33.635 --> 01:36.304
Lalo na pag nakita mo siya sa personal.

01:36.387 --> 01:37.472
Akin na.

01:38.515 --> 01:39.432
Eto.

01:44.187 --> 01:48.024
Sabi niya app daw 'to
na tumutupad ng mga wish.

01:49.442 --> 01:50.568
Kagaguhan.

01:51.778 --> 01:53.446
Hindi 'to lamp na may genie.

01:53.530 --> 01:55.115
Ang tanda na, uto-uto pa rin.

01:55.198 --> 01:57.033
Tumutupad ng wish, letse.

01:57.116 --> 01:59.327
Sabi niya gusto daw ni Geon-woo si Se-ah—

01:59.410 --> 02:01.246
Itong app na tumutupad ng wish…

02:02.705 --> 02:04.082
Girigo ba 'to?

02:04.165 --> 02:05.875
Hala. Alam mo 'yon?

02:10.296 --> 02:11.172
Uy.

02:15.760 --> 02:17.470
'Yang Girigo na 'yan,

02:18.346 --> 02:19.180
totoo 'yan.

02:19.264 --> 02:21.182
Hoy. Puta naman, e.

02:21.683 --> 02:22.517
Lasing ka na?

02:22.600 --> 02:24.352
Ano ka ba, alam mo 'yon, a.

02:25.436 --> 02:27.063
Kapalit ng wish,

02:27.564 --> 02:29.440
ibibigay mo 'yong buhay mo.

02:29.524 --> 02:30.984
Tumigil ka na nga.

02:31.067 --> 02:32.193
Tandaan mo 'yan.

02:39.325 --> 02:41.411
O, napaniwala kita, 'no?

02:41.494 --> 02:43.705
Bata ka pa talaga.

02:43.788 --> 02:46.207
Tingnan mo 'tong
inosenteng 18 years old na 'to.

02:46.708 --> 02:48.918
Wag kang matakot. Okay lang 'yon, ha?

02:50.170 --> 02:54.257
Ginawa nila 'yang app
para i-bully 'yong isang estudyante.

02:54.340 --> 02:55.466
Hindi totoo 'yan.

02:55.550 --> 02:56.926
Anong di totoo?

02:57.010 --> 02:58.761
Ginawa n'yo 'yong app para mang-bully.

02:58.845 --> 03:00.430
Sinabi nang hindi, e.

03:04.392 --> 03:08.438
Medyo kahawig mo si Kwon Si-won,
pero pag nagagalit ka,

03:08.521 --> 03:10.481
medyo kahawig mo si Do Hye-ryung.

03:11.524 --> 03:13.651
-Di ba?
-Tumigil ka na nga!

03:13.735 --> 03:14.736
Bakit?

03:15.445 --> 03:17.071
Namatay naman talaga sila noon, a.

03:17.155 --> 03:19.616
Tumigil ka na sa kakakuwento no'n.

03:22.285 --> 03:23.536
Na-ri, aalis ka na?

03:24.037 --> 03:26.456
Sinira mo 'yong vibe, e.

03:26.539 --> 03:27.373
Ano'ng ginawa ko?

03:27.457 --> 03:29.542
Bakit? Nag-e-enjoy ako.

03:38.426 --> 03:39.385
Ano 'yan?

03:44.933 --> 03:46.309
E, di susubukan ko.

03:46.392 --> 03:49.771
Dahil sinabi mong kamukha ko
'yong engot na naniwala dito,

03:51.522 --> 03:55.109
parang gusto ko ding maniwala at mag-wish.

03:57.695 --> 04:01.366
GIRIGO
ANG APP NA TUMUTUPAD NG MGA HILING!

04:01.449 --> 04:04.494
Teka, pumapatay din ba ng tao
'tong app na 'to?

04:06.788 --> 04:09.916
Ibibigay ko 'yong buhay ko.
Dapat gawin din nito 'yon para sa 'kin.

04:09.999 --> 04:11.167
Huwag.

04:13.253 --> 04:14.587
GIRIGO
HUMILING

04:21.260 --> 04:25.682
May dalawang tao
na gusto kong mamatay, okay?

04:26.182 --> 04:27.517
Itigil mo na 'yan.

04:27.600 --> 04:29.018
Una, si Choi Hyeong-wook.

04:29.519 --> 04:31.562
Sigurado na 'yon.

04:32.689 --> 04:36.901
At may isang tao pa
na sobrang kinaiinisan ko ngayon.

04:36.985 --> 04:38.069
Si Dong-jae—

05:03.094 --> 05:05.179
Hay, ang sama ng pakiramdam ko.

05:06.347 --> 05:08.266
Grabe, ang sakit ng ulo ko.

05:09.642 --> 05:10.643
Hoy!

05:12.145 --> 05:14.439
Ano ba 'yon?

05:15.565 --> 05:18.234
Pambihirang araw 'to.

05:18.818 --> 05:20.695
Hyeong-wook, bitawan mo 'yang cutter.

05:21.195 --> 05:23.614
Ano ba'ng nangyayari? Bitawan mo na 'yan.

05:24.532 --> 05:25.742
Hyeong-wook, wag!

05:25.825 --> 05:27.076
Wag, Hyeong-wook.

05:27.702 --> 05:30.038
Hyeong-wook, wag!

05:30.121 --> 05:31.622
Huwag!

05:33.666 --> 05:34.834
Hindi!

05:39.255 --> 05:40.256
Pumasok kayo!

05:40.340 --> 05:44.761
May dalawang tao
na gusto kong mamatay, okay?

05:45.636 --> 05:47.263
Una, si Choi Hyeong-wook.

05:47.347 --> 05:48.806
Sigurado na 'yon.

05:48.890 --> 05:49.849
Hindi.

05:50.516 --> 05:51.517
Hindi.

06:00.318 --> 06:05.823
GIRIGO
NATUPAD NA ANG IYONG HILING

06:06.574 --> 06:08.201
NATUPAD NA ANG IYONG HILING

06:21.923 --> 06:26.928
IF WISHES COULD KILL

06:44.445 --> 06:46.280
DONG-JAE

06:47.824 --> 06:50.243
The person you are trying to reach
is unavailable.

06:53.371 --> 06:55.039
-The person you are trying—
-Buwisit.

07:02.547 --> 07:03.923
MAGING MASAYA KA, DONG-JAE

07:04.006 --> 07:07.927
May isang tao pa
na sobrang kinaiinisan ko ngayon.

07:08.010 --> 07:09.429
Si Dong-jae—

07:24.026 --> 07:25.486
-Uy, narinig n'yo ba?
-'Yong ano?

07:25.570 --> 07:27.363
Namatay si Hyeong-wook dahil kay Na-ri.

07:27.447 --> 07:29.073
-Nakakatakot naman.
-Talaga?

07:29.157 --> 07:31.075
Bakit si Hyeong-wook? Ang bait niya, e.

07:31.159 --> 07:32.785
Di ba dapat si Lim Na-ri na lang?

07:32.869 --> 07:33.953
Oo nga e, di ba?

07:34.036 --> 07:37.457
Delikado din kaya si Se-ah?
Nilalandi ni Na-ri si Geon-woo.

07:37.540 --> 07:39.959
Katulad siya ng mama niya,
na niloko 'yong papa niya.

07:40.042 --> 07:41.878
Hindi, papa niya daw 'yong nambabae.

07:41.961 --> 07:44.505
Ewan. Baka magulo talaga
'yong pamilya niya.

07:45.131 --> 07:46.549
Mga putang ina n'yo!

08:12.825 --> 08:14.160
HEE-JIN

08:31.969 --> 08:33.179
Lumitaw 'yong timer?

08:33.262 --> 08:34.222
Timer?

08:43.397 --> 08:45.483
Na-cancel talaga 'yong training mo?

08:45.566 --> 08:46.442
Natupad…

08:47.360 --> 08:48.569
'yong wish mo?

08:49.904 --> 08:52.031
I-cancel 'yong training!

08:52.114 --> 08:55.785
-I-cancel 'yong training!
-Sana matupad 'yong wish ni Geon-woo.

08:59.288 --> 09:02.083
-Anong oras na-cancel 'yong training mo?
-11:26.

09:02.792 --> 09:04.335
Noon mo natanggap 'yong message?

09:04.418 --> 09:06.087
-Oo.
-Baka na-hack 'yan.

09:06.170 --> 09:08.631
Makinig kayo. Hindi na-hack 'yan.

09:09.799 --> 09:11.968
Nakakapatay ba 'yong pangha-hack?

09:12.051 --> 09:14.679
E, 'yong app, nakakapatay ba?

09:14.762 --> 09:17.431
Isang walang kuwentang app
na tumutupad ng mga wish?

09:17.515 --> 09:19.600
Magpapakamatay ka
pag nag-zero 'yong timer?

09:20.184 --> 09:21.978
Tingin n'yo ba talaga totoo 'yon?

09:22.061 --> 09:25.731
Kung anuman 'to, di ito ordinaryong app.
Ayaw ma-delete, kahit i-reset.

09:26.691 --> 09:28.025
Ayaw din tumigil nito.

09:30.820 --> 09:32.530
E, kung sirain na lang 'yong phone?

09:33.114 --> 09:35.116
Di pwede. Di mawawala 'yong app…

09:48.004 --> 09:49.005
Guys.

09:49.088 --> 09:51.507
Sa mga ganitong sitwasyon,
kailangan nating mag-isip

09:51.591 --> 09:53.426
at magsimula sa mga simpleng bagay.

09:53.968 --> 09:58.264
Kunin natin lahat ng kailangan natin
tapos magkita tayo sa bahay namin.

09:59.181 --> 10:00.308
Na-ri.

10:00.391 --> 10:01.392
Ha?

10:02.226 --> 10:03.686
Sasama ka rin, di ba?

10:05.146 --> 10:05.980
Oo.

10:06.814 --> 10:07.732
Sige.

10:25.750 --> 10:26.751
Na-ri.

10:29.086 --> 10:30.546
Bakit di ka sumasagot?

10:30.630 --> 10:32.048
Na-ri, ano ba'ng problema mo?

10:38.888 --> 10:39.847
Labas.

10:51.859 --> 10:53.027
Lumabas ka.

10:57.114 --> 10:58.741
Alam mong mangyayari 'to, di ba?

11:03.746 --> 11:07.500
Alam kong lasing na si Dong-jae,
pero nagtataka 'ko sa 'yo.

11:07.583 --> 11:09.335
Di ko rin alam na mangyayari 'to.

11:09.919 --> 11:13.547
Kung alam kong mamamatay talaga
si Dong-jae, pinigilan sana kita.

11:13.631 --> 11:16.050
O baka sarili mo lang ang iniisip mo.

11:16.842 --> 11:17.677
Na-ri.

11:17.760 --> 11:20.596
Di ka naman naniniwala sa app
no'ng nag-wish ka.

11:20.680 --> 11:23.933
Tumigil ka! Sabihin mo na lang ang alam mo
tungkol sa Girigo!

11:26.060 --> 11:30.231
Ginawa ang app ng babaeng si Kwon Si-won
para i-bully si Do Hye-ryung.

11:30.314 --> 11:33.109
Namatay si Do Hye-ryung dahil sa app.
'Yon lang ang alam ko.

11:39.990 --> 11:41.117
Dahil dito?

11:43.369 --> 11:44.412
Ano 'yan?

11:49.375 --> 11:51.168
Walang ganyan sa app na nakita ko.

11:53.129 --> 11:54.630
E, bakit namatay si Do Hye-ryung?

11:55.965 --> 11:57.133
Suicide.

11:59.552 --> 12:02.763
May mga tsismis na hindi daw suicide,

12:02.847 --> 12:04.473
pero gawa-gawa lang lahat 'yon.

12:04.557 --> 12:07.435
Kung gawa-gawa lang,
bakit may mga namamatay?

12:09.019 --> 12:10.354
Hindi ko rin alam.

12:12.022 --> 12:13.607
Ang masasabi ko lang,

12:14.108 --> 12:16.694
kung gusto mo talagang malaman
ang tungkol sa Girigo,

12:17.653 --> 12:20.030
hanapin mo si Kwon Si-won,
hindi si Do Hye-ryung.

12:20.114 --> 12:23.492
Si Kwon Si-won ang gumawa sa Girigo
at ang anak ng shaman.

12:24.076 --> 12:25.369
Kwon Si-won?

12:28.080 --> 12:29.582
Kang Ha-joon!

12:32.626 --> 12:33.711
Hintayin mo 'ko.

12:39.008 --> 12:40.259
Naniniwala ka ba kay Se-ah?

12:42.052 --> 12:45.055
Na namatay si Hyeong-wook
dahil sa sumpang nasa app?

12:46.390 --> 12:47.766
Di ako naniniwala sa pamahiin.

12:49.643 --> 12:50.478
E, ano?

12:51.437 --> 12:53.647
Ano'ng tingin mo sa Girigo?

12:55.566 --> 12:58.569
Pinakamatinong paliwanag,
smishing app ang Girigo.

12:59.236 --> 13:00.738
Hacking, gaya ng sabi mo.

13:01.989 --> 13:04.408
Bakit di mo sinabi 'yan kanina
sa harap ni Se-ah?

13:08.370 --> 13:10.164
May gusto ka pa rin kay Se-ah?

13:11.540 --> 13:13.250
May gusto ka pa rin kay Geon-woo?

13:16.253 --> 13:17.421
E, 'yong timer?

13:17.505 --> 13:21.175
Pwede na nating patigilin
at i-delete 'yong timer, di ba?

13:21.759 --> 13:22.760
Oo.

13:25.387 --> 13:26.388
I-delete ko na?

13:26.472 --> 13:28.557
Oo, burahin mo na lahat.

13:55.209 --> 13:57.461
Geon-woo, ano'ng problema?

13:59.088 --> 13:59.922
Di ko alam, e.

14:01.257 --> 14:03.217
Napuwing yata ako.

14:03.300 --> 14:05.302
Geon-woo, tama na. Hugasan mo—

14:13.894 --> 14:14.728
Ayun…

14:16.272 --> 14:17.106
Geon-woo.

14:18.065 --> 14:19.066
Geon-woo.

15:05.362 --> 15:06.363
Huwag.

15:27.176 --> 15:29.053
Na-ri, alam mo ba kung nasaan ka?

15:32.473 --> 15:33.515
Kilala mo ba 'ko?

15:35.017 --> 15:36.310
Tita kayo ni Se-ah.

15:37.311 --> 15:40.981
Pero pa'no po ako napunta dito?

15:41.065 --> 15:43.901
Di mo ba naaalalang
isinakay kayo sa ambulansiya?

15:47.404 --> 15:48.364
Masakit ba'ng ulo mo?

15:49.031 --> 15:50.199
Hindi po.

15:51.075 --> 15:54.370
Oo, hindi naman grabe.
Bubuti ka rin pag nakapagpahinga ka na.

16:13.931 --> 16:17.476
Hinahanting ka
ng mga magulang ni Geon-woo.

16:18.435 --> 16:21.939
May kailangan ka ba?
Sabihin mo, kukunin ko sa bahay n'yo.

16:22.690 --> 16:23.691
Okay lang ako.

16:24.733 --> 16:27.069
Dinala na ng tita ko kanina
lahat ng kailangan ko.

16:29.488 --> 16:30.572
E, ikaw?

16:31.073 --> 16:32.825
Di ba nasa bahay 'yong bag mo?

16:32.908 --> 16:36.829
Birthday ko 'yong passcode.
Kunin mo na lang do'n.

17:07.192 --> 17:08.068
Ha?

17:08.861 --> 17:10.362
'Yong timer…

17:11.822 --> 17:12.823
tumigil?

17:21.623 --> 17:23.250
Ha? Na-ri!

17:24.168 --> 17:25.043
Na-ri!

17:27.129 --> 17:28.672
Hindi ka pa umuuwi?

17:29.965 --> 17:30.799
Hindi pa.

17:30.883 --> 17:33.218
Dadalawin mo ba si Geon-woo?

17:33.302 --> 17:35.387
-Wala na siya sa ICU.
-Po?

17:35.888 --> 17:38.640
Bumuti na siya kanina,
kaya nilipat na siya sa regular room.

17:39.850 --> 17:42.227
Diyos ko, buti naman po.

17:43.103 --> 17:44.605
Kailan pa po?

17:45.439 --> 17:47.941
May isang oras na mula nang magising siya.

17:48.025 --> 17:49.693
Pwede mo siyang dalawin.

17:50.444 --> 17:51.570
Teka, Na-ri.

17:52.237 --> 17:53.739
Pag nakita mo si Se-ah,

17:53.822 --> 17:56.283
pwede ba pakisabing hinahanap ko siya?

17:56.366 --> 17:58.952
Wala siya sa kuwarto niya,
at saka di ko siya makontak.

17:59.453 --> 18:00.662
Okay, sige po.

18:16.929 --> 18:18.347
Se-ah.

18:19.681 --> 18:21.016
Yoo Se-ah.

18:32.528 --> 18:35.614
"Hindi titigil ang timer"?

18:41.829 --> 18:43.747
Namatay si Hyeong-wook…

18:44.915 --> 18:46.625
ng 9:08.

18:50.546 --> 18:53.382
-Anong oras na-cancel 'yong training mo?
-11:26.

18:53.465 --> 18:57.219
11:26 natupad 'yong wish ni Geon-woo.

18:57.719 --> 19:01.723
Pag nagbawas ako
ng 2 hours at 18 minutes sa 24 hours,

19:02.224 --> 19:04.810
may matitirang 21 hours at 42 minutes.

19:06.645 --> 19:08.897
Doon tumigil 'yong timer ko.

19:12.192 --> 19:14.236
Pagkatapos matupad 'yong wish ni Geon-woo,

19:14.319 --> 19:16.572
tumigil 'yong timer ko.

19:17.781 --> 19:20.284
E, bakit tumigil 'yong timer ni Geon-woo?

19:22.202 --> 19:25.289
11:26 natupad 'yong wish ni Geon-woo.

19:28.041 --> 19:30.002
May isang oras na mula nang magising siya.

19:30.085 --> 19:33.547
Bawasan ng 9:32, no'ng magkamalay siya.

19:34.047 --> 19:35.632
Ten hours at six minutes.

19:36.133 --> 19:39.803
Pag binawas 'yong 10 hours at 6 minutes
sa timer ni Geon-woo,

19:39.887 --> 19:42.890
may matitirang 13 hours at 54 minutes.

19:45.309 --> 19:47.186
No'ng nagkamalay si Geon-woo,

19:47.978 --> 19:49.688
tumigil 'yong timer.

19:51.023 --> 19:52.024
Oo.

19:53.859 --> 19:55.819
Pa'no ba nagkaganito?

19:56.862 --> 20:00.073
Siguradong nag-wish si Se-ah.

20:04.077 --> 20:05.120
5. DI TITIGIL ANG TIMER

20:05.204 --> 20:07.414
Pag may bagong timer na umandar,

20:09.249 --> 20:11.418
titigil 'yong timer
no'ng naunang nag-wish.

20:14.588 --> 20:15.881
SE-AH

20:17.633 --> 20:20.928
The person you are trying to reach
is unavailable.

20:21.011 --> 20:22.846
Please try again later.

20:29.853 --> 20:31.146
HA-JOON

20:33.690 --> 20:34.524
Huwag!

20:35.025 --> 20:35.901
Wag, Haetsal!

20:37.527 --> 20:39.279
Pag sumara 'yong pinto, tapos na kayo.

20:39.363 --> 20:42.741
Lumabas ka man lang
para makahanap tayo ng paraan, okay?

20:43.242 --> 20:46.453
The person you are trying to reach
is unavailable.

20:46.536 --> 20:47.955
Please try again later.

20:49.748 --> 20:52.167
SE-AH, ALAM KO NA
KUNG PA'NO PATITIGILIN 'YONG TIMER

20:53.710 --> 20:56.964
AT SAKA MAY AAMININ AKO SA 'YO

20:57.047 --> 21:00.717
SI HYEONG-WOOK…

21:11.061 --> 21:12.354
YOO SE-AH

21:13.563 --> 21:16.316
GEON-WOO, ALAM KO NA
KUNG PA'NO PATITIGILIN 'YONG TIMER!

21:18.652 --> 21:20.153
PERO WAG MONG SASABIHIN KAY NA-RI

21:20.237 --> 21:22.155
HINDI LAHAT TAYONG TATLO MABUBUHAY

21:27.369 --> 21:30.664
PA'NO PATITIGILIN?

21:32.666 --> 21:34.918
SASABIHIN KO PAG NAGKITA TAYO, HINTAY LANG

21:45.178 --> 21:47.014
Anong paraan 'yon?

21:50.809 --> 21:52.185
YOO SE-AH

22:00.110 --> 22:00.944
Buwisit!

22:17.669 --> 22:20.380
Si Ha-joon na lang ba 'yong hanapin ko
imbes na si Se-ah?

22:21.882 --> 22:25.302
Pareho nila 'kong di sinasagot,
kaya siguradong magkasama sila.

23:39.960 --> 23:42.838
Uy, bakit ka nandito?

23:43.338 --> 23:45.215
Inutusan ako ng tita ni Se-ah.

23:45.715 --> 23:47.300
E, ikaw?

23:47.384 --> 23:48.718
Sa loob tayo mag-usap.

23:55.725 --> 23:59.354
Kung buong araw ka lang ganyan,
uuwi na 'ko. Akin na 'yang phone ko.

24:05.152 --> 24:07.612
May naalala 'ko
habang pinanonood 'yong video mo.

24:07.696 --> 24:09.447
May nakita akong tao kahapon.

24:16.663 --> 24:17.831
Doon sa taas.

24:19.332 --> 24:20.792
May ibang tao pa bukod sa 'tin.

24:27.132 --> 24:28.633
Ano ba? Tinatakot mo 'ko.

24:29.759 --> 24:31.761
May malaki siyang sugat sa mukha,

24:32.429 --> 24:36.641
at kapareho ng uniform at name tag natin,
pero di ko siya kilala.

24:37.350 --> 24:39.978
Malaking sugat sa mukha?

24:40.729 --> 24:41.563
Oo.

24:42.647 --> 24:43.857
Weird.

24:43.940 --> 24:46.776
Kung ka-batch natin siya,
sana nabalitaan natin 'yon.

24:47.277 --> 24:49.112
Sama ka sa 'kin sa school mamayang gabi?

24:51.406 --> 24:52.240
Mamayang gabi?

24:52.324 --> 24:54.951
May titingnan ako
na di dapat malaman ng mga teacher,

24:55.035 --> 24:58.121
kaya lang ayokong pumuntang mag-isa.

24:58.622 --> 25:00.415
Pwede mo ba 'kong tulungan?

25:03.919 --> 25:04.961
Sige.

25:05.962 --> 25:07.380
Pero di pwedeng nakaganito ako.

25:07.464 --> 25:09.966
Sabihin mo kung saan at anong oras.
Magpapalit lang ako.

25:10.050 --> 25:12.135
Sige. Salamat, Na-ri.

25:17.182 --> 25:19.434
Huling na-detect 'yong signal

25:20.310 --> 25:22.938
sa Gwangdong Apartments, Building 323.

25:23.021 --> 25:25.065
Pero di ko makumpirma 'yong floor number.

25:25.148 --> 25:26.858
Nakapatay kaya 'yong phone?

25:26.942 --> 25:28.151
Siguro.

25:28.235 --> 25:32.239
Kasi ngayon, pag naka-on 'yong phone,
sasagap 'yon ng Wi-Fi o GPS.

25:36.701 --> 25:38.745
NASAAN KA?

25:38.828 --> 25:42.541
KAILAN TAYO MAGKIKITA?

25:47.003 --> 25:51.007
MALALAMAN MO RIN, HINTAY LANG
GEON-WOO AKO ANG NAGPATIGIL NG TIMER MO :)

25:59.933 --> 26:05.563
HINDI PA RIN BA NATIN SASABIHIN KAY NA-RI?

26:09.192 --> 26:12.153
OO, HINDI LAHAT TAYONG TATLO MABUBUHAY

26:33.633 --> 26:35.510
Geon-woo, hintayin mo 'ko.

26:36.219 --> 26:38.346
Pa'no mo nalaman 'yong butas sa bakod?

26:38.430 --> 26:39.514
Ako ang gumawa, e.

26:39.598 --> 26:40.932
Ha? Para saan?

26:41.558 --> 26:43.226
Makapasok si Se-ah sa national team.

26:43.977 --> 26:44.811
Tara na.

26:50.317 --> 26:53.570
Uy, bakit dito tayo dadaan?
Nando'n 'yong daanan.

26:55.238 --> 26:56.281
Ingat sa pagbaba.

26:56.364 --> 26:57.282
Oo.

27:02.996 --> 27:04.539
-Ano 'yan?
-Ito?

27:05.624 --> 27:06.666
Decoration lang.

27:12.422 --> 27:13.715
Ano'ng ginagawa mo?

27:20.305 --> 27:22.349
Di madaling magpasok ng tao
sa national team.

27:25.644 --> 27:26.686
Pumasok na tayo.

27:40.492 --> 27:41.868
Tinakot mo naman ako.

28:02.263 --> 28:04.182
Kailan pa naging kayo ni Se-ah?

28:08.103 --> 28:09.104
Hindi kami.

28:10.271 --> 28:13.400
Kanina, ginamit mo
'yong passcode ni Se-ah at pumasok.

28:13.483 --> 28:16.236
Close na kayo para malaman
'yong passcode ng isa't isa.

28:16.903 --> 28:18.071
Dahil lang 'yon sa—

28:18.154 --> 28:20.532
Sa wish video na ginawa mo
habang kumakain ng manok

28:21.032 --> 28:22.867
sa bahay nila Se-ah.

28:23.993 --> 28:26.204
Mukhang alam na rin ni Ha-joon.

28:28.456 --> 28:33.586
Curious lang ako kung ganito kayo
pag nagkikita kayo gabi-gabi.

28:34.254 --> 28:35.630
'Yon lang naman.

28:38.508 --> 28:40.343
Hindi naman gano'n.

28:41.886 --> 28:45.765
Di pa naman kami gano'n katagal.
Di ko naman balak itago. Sorry.

28:49.310 --> 28:52.439
Gusto n'yo ang isa't isa,
kaya naging kayo. Bakit ka nagso-sorry?

28:52.939 --> 28:54.524
Di ako nag-sorry dahil naging kami.

28:55.024 --> 28:58.194
Nag-sorry ako
kasi nagsinungaling ako sa 'yo ngayon.

29:01.322 --> 29:05.160
Lagi nga akong nagsisinungaling sa 'yo, e.
Bakit ka magso-sorry para do'n?

29:05.785 --> 29:07.203
Anong kasinungalingan?

29:08.246 --> 29:09.122
Ha?

29:09.205 --> 29:12.000
Magsabi ka nga
ng kasinungalingang sinabi mo sa 'kin.

29:13.126 --> 29:14.669
Ano'ng gagawin mo sa 'kin?

29:16.463 --> 29:17.672
Kahit ano pa 'yon,

29:18.214 --> 29:19.841
sasabihin kong okay lang 'yon.

29:28.057 --> 29:30.477
Hindi totoo
na lagi akong nagsisinungaling sa 'yo.

29:31.144 --> 29:33.646
At 'yong kasinungalingan na 'yon?
Kasinungalingan din.

29:37.275 --> 29:38.443
CLINIC

29:43.907 --> 29:45.575
Nandito na tayo,

29:46.493 --> 29:47.785
pero pa'no tayo makakapasok?

29:53.792 --> 29:55.418
Sira 'yong pinto ng clinic.

30:06.221 --> 30:08.640
Tinatago pala talaga nila 'to.

30:08.723 --> 30:13.186
So kahit ilang taon na, malalaman nilang
tumatambay lang ako dito linggo-linggo?

30:13.269 --> 30:15.855
-Nakakatakot naman.
-Sana walang batang katulad mo noon.

30:21.402 --> 30:23.947
"Gasgas sa tuhod, Choi Ju-a."

30:25.740 --> 30:27.951
"Hinihinalang pilay sa kamay, Ju Da-hae."

30:33.706 --> 30:35.250
"Laslas na may pagdurugo."

30:39.212 --> 30:40.255
"Kwon Si-won."

30:44.509 --> 30:45.343
Nahanap mo na?

30:49.806 --> 30:50.932
Na-ri.

30:52.058 --> 30:54.143
May sugat siya sa kanang pisngi, di ba?

30:57.313 --> 30:58.523
Nakita mo din siya.

31:00.483 --> 31:01.651
'Yong babaeng estudyante.

31:07.448 --> 31:09.909
Di ko napansin
no'ng una kong pinanood 'yong video mo.

31:10.493 --> 31:12.161
Sa pangalawa ko na napansin.

31:13.788 --> 31:16.416
May kinukunan ka sa camera
na di naman nakikita.

31:17.083 --> 31:19.043
Parang nakita mo rin 'yong nakita ko.

31:21.838 --> 31:23.756
'Yong di nakikita ng iba.

31:34.809 --> 31:37.312
Sabi mo hinahanap mo sa video
'yong phone mo.

31:38.229 --> 31:40.899
Nagkukunwari ka lang pala
na di makapagsinungaling kanina?

31:42.233 --> 31:44.652
Wow, Kim Geon-woo. Bago 'to, a.

31:44.736 --> 31:46.696
Nasa 'yo rin ba 'yong phone ko?

31:46.779 --> 31:49.532
E, kung sabihin kong wala?
Maniniwala ka ba?

31:54.287 --> 31:55.163
Na-ri.

31:57.040 --> 32:01.294
Sigurado akong may magandang rason ka
kaya nagsinungaling ka sa 'kin.

32:02.503 --> 32:04.088
Pero maging tapat na tayo.

32:04.756 --> 32:05.673
Wag kang lumapit!

32:06.674 --> 32:09.427
Dinala mo 'ko sa eskuwelahan
para takutin ako?

32:09.510 --> 32:12.764
Hindi, gusto ko lang malaman
kung nakita mo talaga 'yong babae.

32:13.348 --> 32:14.974
Baka kasi nagkakamali ako.

32:18.603 --> 32:20.355
Sige, lumapit ka.

32:27.487 --> 32:28.613
Si bayaw.

32:39.165 --> 32:42.335
Tayo lang 'yong nakakita
sa babaeng nasa video mo, Na-ri.

32:42.919 --> 32:44.379
Tayo ang pinakananganganib.

32:44.879 --> 32:48.925
Di mo alam 'yong pakiramdam
pag kontrolado ka niya.

32:49.592 --> 32:51.344
Magtulungan tayo. Okay?

32:51.427 --> 32:53.471
Siguradong nakikita na rin siya ni Se-ah.

32:54.347 --> 32:55.348
Ano?

32:55.431 --> 32:58.309
Maraming nangyari habang wala kang malay.

32:58.393 --> 33:00.937
Gusto mong malaman
kung anong klaseng ahas si Se-ah?

33:05.024 --> 33:06.192
Nakikita mo 'to?

33:06.275 --> 33:07.985
Ang galing na kaibigan.

33:08.778 --> 33:09.696
Na-ri.

33:10.363 --> 33:13.574
Pumunta 'ko sa network company
at pinaputol 'yong plan ng phone ko.

33:14.075 --> 33:16.577
Nireport kong ninakaw,
nag-sign out sa lahat ng account,

33:17.078 --> 33:18.454
at binura 'yong number ko.

33:18.538 --> 33:19.622
Naiintindihan mo ba?

33:20.456 --> 33:22.458
Wala nang makakakontak sa 'kin d'yan.

33:23.167 --> 33:25.169
Wala nang silbi
'yang phone na 'yan, Na-ri.

33:32.885 --> 33:34.429
Pinaghandaan mo talaga.

33:35.096 --> 33:39.267
Pareho 'yong nangyari sa 'min
ni Hyeong-wook, may mga tawag at text.

33:39.350 --> 33:40.977
Wag kang lumapit. Makinig ka lang!

33:41.728 --> 33:43.271
Alam mo na lahat, ha?

33:45.189 --> 33:47.024
E, di alam mo na 'yong wish ko.

33:49.610 --> 33:51.529
"Sana mamatay na si Choi Hyeong-wook."

33:51.612 --> 33:52.613
Uy.

33:53.448 --> 33:54.866
Wag kang magsinungaling.

33:54.949 --> 33:55.867
Tama ka.

33:56.993 --> 33:59.203
Magandang kasinungalingan 'yon.

34:00.663 --> 34:01.998
Pero alam mo kung ano?

34:02.498 --> 34:04.292
Nandito sa 'kin 'yong video ng wish ko.

34:08.421 --> 34:09.797
Uy, okay ka lang ba?

34:09.881 --> 34:11.215
Wag kang lumapit!

34:27.106 --> 34:28.524
Sinabing wag kang lumapit, e.

34:32.195 --> 34:33.029
Na-ri!

34:34.447 --> 34:35.490
Lim Na-ri!

34:57.804 --> 34:58.805
Bakit ayaw…

35:08.648 --> 35:09.607
Uy.

35:16.781 --> 35:17.657
Na-ri!

35:17.740 --> 35:19.742
Hoy, Lim Na-ri!

35:33.381 --> 35:34.257
GIRIGO
DOWNLOAD

35:38.261 --> 35:40.721
I-DOWNLOAD

36:54.253 --> 36:55.296
Huwag.

38:26.929 --> 38:28.222
-Okay ka lang?
-Ha?

38:29.098 --> 38:30.516
Nasa'n 'yong babaeng kasama mo?

38:31.934 --> 38:33.561
'Yong babaeng tinatawag mo!

38:33.644 --> 38:34.645
Sino ka?

38:42.069 --> 38:42.987
Wag kang gagalaw.

38:47.116 --> 38:48.659
Okay ka lang?

39:10.389 --> 39:11.766
Tapos na.

39:13.351 --> 39:14.185
Ha?

39:14.268 --> 39:15.436
Ano'ng nangyayari?

39:30.326 --> 39:33.412
Narinig n'yo na ba na pag sinulat n'yo
'yong saju n'yo at nag-wish…

39:36.290 --> 39:37.708
matutupad 'yon?

43:21.598 --> 43:24.310
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz
yo
'yong saju n'yo at nag-wish…
