WEBVTT

00:01.000 --> 00:01.920
ANG MGA ISTORYA AY KATHANG-ISIP AT
MAAARING MAHAWIG SA ILANG SITWASYON.

00:02.000 --> 00:02.880
ANG MGA ITO AY PARA LAMANG SA LIBANGAN.

00:02.960 --> 00:03.880
WALA ITONG LAYUNING ISULONG
ANG ANUMANG IMORAL NA KAUGALIANG SEKSWAL

00:03.960 --> 00:04.920
O MAGDULOT NG NEGATIBONG PAGTINGIN
SA ANUMANG KASARIAN O GRUPO NG TAO.

00:05.000 --> 00:07.359
Nagkamayan tayo sa harap ng press,

00:07.439 --> 00:10.520
hindi ibig sabihin na kailangan nating
maging magkaaway.

00:10.600 --> 00:12.399
Dapat lumayo ka sa kanya.

00:12.479 --> 00:14.479
Wag kang lalapit.
Wag kang makikipagkaibigan.

00:14.559 --> 00:15.639
Sino si Gavin?

00:15.719 --> 00:17.520
Siya ang huling dinate ni Ms. Mae.

00:17.599 --> 00:18.480
-Tapos na ako.
-Mag-usap tayo!

00:18.560 --> 00:20.400
-Bitawan mo 'ko.
-Ayaw kong makipag-break.

00:20.480 --> 00:23.080
Kung ayaw mong masaktan, layuan mo si Mae.

00:23.160 --> 00:25.040
-Sinundan ka niya?
-Oo.

00:25.119 --> 00:26.840
ANG NAKARAAN

00:26.919 --> 00:28.000
Ano'ng nagdala sa 'yo rito?

00:28.080 --> 00:31.200
Kasi lahat ng nandito
pareho lang ang gusto.

00:31.279 --> 00:32.600
Babae?

00:32.680 --> 00:34.920
Kung oo, ano ngayon?

00:43.640 --> 00:45.040
Katahimikan?

00:45.120 --> 00:47.760
Iniisip mo bang weird ako?

00:50.160 --> 00:51.280
Hindi naman.

00:52.040 --> 00:54.839
Normal lang magkagusto sa parehong gender.

00:55.760 --> 00:57.000
Nagulat lang ako

00:57.080 --> 00:59.400
na hindi ko 'yan narinig noon.

01:00.559 --> 01:03.160
Panay ang banggit ng media

01:03.239 --> 01:06.119
na isa kang hotshot young entrepreneur.

01:07.399 --> 01:10.800
Pero wala ni isang outlet
ang nagbanggit ng preferences mo.

01:13.440 --> 01:15.200
Di pa ako nagkaroon ng seryosong relasyon.

01:15.960 --> 01:18.000
At wala namang nagtanong.

01:18.600 --> 01:22.280
Kaya walang puntong
i-announce pa 'yan sa iba.

01:24.440 --> 01:26.399
Ba't mo sinabi sa 'kin?

01:27.280 --> 01:29.200
Di ka natatakot na sirain kita?

01:32.240 --> 01:33.640
Sa tingin ko

01:33.720 --> 01:37.920
hindi ikaw 'yong tipong maruming maglaro.

01:38.000 --> 01:39.759
At kung may masama kang intensyon,

01:40.440 --> 01:42.720
di ka sana nagpakita
sa Orienna ngayong gabi.

01:46.000 --> 01:47.440
Ang totoo,

01:48.360 --> 01:50.160
ayaw ko sanang pumunta.

01:50.240 --> 01:51.920
Pero dito nakipagkita ang mga kaibigan ko.

01:52.839 --> 01:54.280
Hindi ako makahindi.

01:56.440 --> 01:58.000
Ikaw? Seryoso?

01:58.080 --> 01:59.800
Di makahindi sa mga kaibigan?

02:00.559 --> 02:01.759
Sa tingin ko

02:02.600 --> 02:04.479
may iba pang rason.

02:08.600 --> 02:10.320
Anuman ang dahilan,

02:11.000 --> 02:12.440
masaya akong

02:13.640 --> 02:14.880
makita ka ulit.

02:17.160 --> 02:18.120
Ms. Maple.

02:20.920 --> 02:22.519
Paano mo nalaman ang palayaw ko?

02:24.239 --> 02:26.480
Nag-research ka tungkol sa 'kin, di ba?

02:27.000 --> 02:29.480
Ba't di ko puwedeng gawin sa 'yo?

02:30.280 --> 02:31.560
Ms. Maple…

02:32.239 --> 02:33.920
Ang cute ng pangalan.

02:35.920 --> 02:37.239
Salamat.

02:37.320 --> 02:39.920
Pero hindi tayo close.

02:40.560 --> 02:42.560
At di tayo magiging close.

02:43.359 --> 02:46.880
Kaya dapat Maevika lang.

02:48.280 --> 02:49.920
Wag kang magsalita nang tapos.

02:50.720 --> 02:52.000
Mapaglaro…

02:53.120 --> 02:54.920
ang tadhana.

02:56.239 --> 02:57.560
Maniwala ka.

03:12.720 --> 03:14.399
Excuse me, manager.

03:15.000 --> 03:16.720
Nasa Anthea ba si Ms. Ai?

03:17.720 --> 03:20.239
May gusto akong sabihin sa kanya.

03:20.320 --> 03:22.480
Tinawagan ko siya, pero di sumasagot.

03:22.560 --> 03:24.000
Nandito siya, Ms. Yam.

03:24.079 --> 03:25.480
Kinakausap niya si…

03:26.120 --> 03:27.160
Sino?

03:27.760 --> 03:29.359
-Ms. Maevika.
-Ano?

03:31.920 --> 03:33.280
Okay, sige.

03:33.359 --> 03:35.480
Bantayan mo sila mula sa malayo.

03:35.560 --> 03:37.600
At i-save mo lahat ng CCTV footage.

03:37.679 --> 03:38.880
Lahat ng camera.

03:38.959 --> 03:41.399
Kung may lumabas man at maging problema,

03:41.480 --> 03:43.720
may magagamit tayong pruweba.

03:49.480 --> 03:51.239
Ms. Ai, talaga…

03:51.320 --> 03:53.600
Sinabi ko nang wag siya, e.

04:27.120 --> 04:29.080
NOBELA NI SERENISTA

05:04.520 --> 05:05.760
Sino 'yong lalaki?

05:05.840 --> 05:07.960
Ba't ka niya sinusundan?

05:11.039 --> 05:12.200
Ex ko.

05:13.560 --> 05:15.159
Naging kami.

05:15.240 --> 05:16.440
Tapos…

05:17.400 --> 05:20.000
no'ng na-realize ko na hindi siya,
umatras ako.

05:22.280 --> 05:23.400
At…

05:23.479 --> 05:25.680
Ganito ka ba sa lahat?

05:27.240 --> 05:28.880
Ano'ng ibig mong sabihin?

05:30.320 --> 05:31.760
Ibig kong sabihin…

05:33.440 --> 05:35.599
Kakausap ka ng tao,
tapos mari-realize mong hindi siya.

05:38.400 --> 05:39.840
Bakit mo gustong malaman?

05:41.359 --> 05:42.680
Sabihin mo na.

05:42.760 --> 05:44.960
Di naman ito makakaapekto
sa negosyoy natin.

05:48.320 --> 05:49.599
Well…

05:52.320 --> 05:53.440
Oo.

05:54.599 --> 05:56.039
Pero siya lang

05:56.120 --> 05:58.039
ang di tumitigil humabol sa 'kin.

06:01.120 --> 06:02.919
Siguro di niya kayang tanggapin.

06:03.719 --> 06:05.479
Nakakairita 'yong mga gano'n.

06:08.320 --> 06:09.960
Mukhang naranasan mo rin 'yon.

06:11.159 --> 06:12.479
Oo.

06:13.520 --> 06:14.960
Sa babae ba?

06:16.800 --> 06:18.000
Sa lalaki.

06:22.320 --> 06:24.799
Bago pa natin malaman
ang talagang gusto natin,

06:24.880 --> 06:27.320
kailangan muna nating magkamali.

06:29.359 --> 06:30.440
At…

06:33.359 --> 06:34.840
Kailan mo nalaman?

06:36.599 --> 06:39.479
Siguro noong

06:39.560 --> 06:41.120
una akong nag-aral sa abroad.

06:41.799 --> 06:44.359
Noon, akala ko okay na ako sa mga lalaki.

06:44.880 --> 06:47.120
Pero no'ng sinubukan ko ang mga babae…

06:47.680 --> 06:49.599
mas kinausap ko sila…

06:50.120 --> 06:51.120
at may nakasama ako sa kama…

06:52.640 --> 06:55.640
do'n ako naging sigurado.

06:55.719 --> 06:56.960
Ganito ang gusto ko.

06:58.080 --> 07:00.120
Di mo naman kailangang idetalye.

07:00.919 --> 07:02.359
Ano'ng ibig mong sabihin?

07:02.440 --> 07:05.080
Intro pa lang 'yon.

07:05.840 --> 07:07.719
Gusto kong malaman mo…

07:08.880 --> 07:11.039
kung ano ang nagpabago sa 'kin.

07:12.320 --> 07:13.760
Baka sakaling…

07:14.719 --> 07:17.039
makahanap ka ng mga kasagutan
para sa sarili mo.

07:20.599 --> 07:21.719
Tingin ko…

07:23.239 --> 07:26.080
kailangan ko nang bumalik.
Wala na siguro si Gavin.

07:30.200 --> 07:33.760
Ms. Ai. Sabi ng lobby
bumalik 'yong lalaki sa bar.

07:33.840 --> 07:35.479
Ano pong gusto n'yong gawin ko?

07:36.880 --> 07:38.719
Hindi na. Ako na ang bahala.

07:39.719 --> 07:40.719
Okay.

07:45.320 --> 07:47.000
Mukhang di pa siya sumusuko.

07:47.640 --> 07:48.880
Sasamahan na kita.

07:54.560 --> 07:55.400
Tara.

09:01.880 --> 09:03.079
Wag kang kabahan.

09:04.120 --> 09:06.000
Sabayan mo ako kung may gawin ako.

10:25.800 --> 10:27.839
Nasaan ang kotse mo? Ipagda-drive kita.

10:39.920 --> 10:41.079
Halika, tara.

10:43.240 --> 10:44.760
Bilis, sa kotse!

10:48.400 --> 10:49.439
Ano na? Di natin siya matakasan.

10:49.520 --> 10:51.560
-Mag-drive ka lang.
-Okay.

10:51.640 --> 10:52.640
Mae! Mae!

10:56.000 --> 10:57.040
Mae!

11:09.520 --> 11:10.959
Huminto ka rito.

11:26.880 --> 11:28.280
Aalis na ako.

11:30.560 --> 11:31.439
Teka.

11:36.240 --> 11:37.520
Kanina…

11:38.480 --> 11:40.120
Salamat sa pagtulong sa 'kin.

11:44.120 --> 11:45.880
Di ko tinatanggap ang pasasalamat.

11:47.199 --> 11:49.120
Iba ang gusto ko.

11:50.520 --> 11:52.880
At… ano 'yon?

11:55.120 --> 11:56.240
Sasabihan kita.

12:00.439 --> 12:01.760
Bye.

12:32.600 --> 12:35.120
Ms. Ai, sinabi ng lobby
na bumalik ulit 'yong lalaki sa bar.

12:35.199 --> 12:36.920
Ano pong gusto n'yong gawin ko?

12:37.000 --> 12:39.079
Hindi na. Ako na ang bahala.

12:39.160 --> 12:40.599
Sasamahan na kita.

12:42.800 --> 12:44.160
Mukhang…

12:45.240 --> 12:47.640
kailangan nating magpanggap
na couple sa ngayon.

12:48.800 --> 12:49.880
Sorry, ano?

12:51.680 --> 12:53.920
Nakita ka na niyang

12:54.000 --> 12:56.160
pumasok sa bar ng mga babae.

12:56.920 --> 12:58.599
Hayaan mong paniwalaan niya 'yon.

12:59.120 --> 13:00.599
Na nakikipag-date ka sa babae.

13:02.400 --> 13:04.079
Baka sakaling bumitaw na siya.

13:05.240 --> 13:06.280
Sige na.

13:32.199 --> 13:35.760
Wag kang kabahan.
Sabayan mo ako kung may gawin ako.

13:56.040 --> 13:59.199
Tama na, Maple. Ano bang problema mo?

14:04.120 --> 14:06.040
Ba't niya naman gagawin 'yon?

14:25.079 --> 14:26.479
Ms. Yolada.

14:26.560 --> 14:29.439
Sinabi kong i-send mo
ang market analysis files

14:29.520 --> 14:33.800
sa lahat ng companies na magbi-bid kagabi.

14:33.880 --> 14:35.160
Ba't di mo sinend?

14:35.240 --> 14:36.640
Hindi ka naman nale-late.

14:37.240 --> 14:38.920
May problema ba?

14:39.000 --> 14:40.160
Meron.

14:40.880 --> 14:43.000
Ano 'yon? Ba't di ka tumawag?

14:43.680 --> 14:46.560
Tumawag ako. Pero di ka sumagot.

14:46.640 --> 14:50.360
Balita ko busy kang
nag-e-entertain ng VIP sa Anthea Bar.

14:55.360 --> 14:56.839
Pinagsabihan na kita, di ba?

14:58.839 --> 15:00.599
Hindi sa di ako nakinig.

15:00.680 --> 15:02.640
Ginagawa ko lang ang trabaho ko.

15:02.719 --> 15:04.400
Siya naman ang dumating.

15:04.479 --> 15:06.079
At dahil ako ang host…

15:06.160 --> 15:07.959
siyempre binati ko siya.

15:08.040 --> 15:10.120
Ano ba dapat ang gawin ko, paalisin siya?

15:13.800 --> 15:16.760
Ms. Ai, hindi 'yon
"ginagawa lang ang trabaho."

15:16.839 --> 15:19.199
Mula no'ng nakita mo siya
sa Greater Building,

15:19.280 --> 15:21.280
iba na ang kilos mo.

15:22.319 --> 15:25.079
Ang baguhang si Ms. Maevika,
di natin alam ang laro niya.

15:25.719 --> 15:27.199
Mas mabuting itrato siyang wildcard.

15:27.280 --> 15:28.800
Di siya nakakatakot sa 'kin.

15:29.599 --> 15:30.560
Cute nga siya e.

15:32.400 --> 15:34.640
Oo, gusto ko siya.

15:36.199 --> 15:37.800
Marami pang ibang babae.

15:38.680 --> 15:41.000
Pero iba siya.
Mas special siya sa kahit sino.

15:41.079 --> 15:43.520
At mas delikado rin siya kaysa sa iba.

15:44.240 --> 15:46.120
Kakumpitensya siya.

15:46.199 --> 15:49.800
Siguradong problema
ang makipagmabutihan sa kakumpitensya.

15:52.680 --> 15:55.319
Puwedeng hindi.
Puwedeng maganda ang kalabasan.

15:58.439 --> 16:02.120
Kung pareho kami ng iniisip,

16:02.199 --> 16:05.479
puwedeng magkasundo kami
sa susunod na hakbang.

16:05.560 --> 16:07.160
Para pareho kaming makinabang.

16:08.079 --> 16:09.479
-Pero 'yon…
-Okay lang.

16:09.560 --> 16:11.280
Di mo kailangang mag-alala sa 'kin.

16:11.880 --> 16:14.000
Walang masisira rito.

16:16.359 --> 16:17.560
Ms. Ai.

16:23.520 --> 16:24.680
Ms. Ai.

16:25.479 --> 16:27.000
Nag-email ang Greater.

16:31.839 --> 16:35.319
Inimbitahan nila ang first batch
ng companies na bumili ng bid packets

16:35.400 --> 16:38.240
na umattend sa urgent meeting
ngayong Thursday.

16:38.319 --> 16:39.479
Tungkol saan?

16:39.560 --> 16:41.920
Bubuksan nila ang bids next week.

16:46.120 --> 16:48.359
Nagsumite ng joint complaint

16:48.439 --> 16:49.880
ang Business Promotion Research Institute

16:49.959 --> 16:51.959
at Small Traders Association.

16:52.040 --> 16:55.680
Tungkol 'yon sa monopoly practices
ng dating concession holders.

16:55.760 --> 16:58.000
Kaya inimbitahan nila ang kumpanya natin,

16:58.079 --> 17:01.680
ang Orienna, at ang iba pang sasali sa bid

17:01.760 --> 17:04.240
sa isang meeting
bago ang official conference.

17:04.319 --> 17:07.040
Para pag-usapan kung paano
sasagutin ang reklamong 'yon.

17:09.280 --> 17:10.359
Pati Orienna?

17:11.879 --> 17:15.119
Kung ayaw mong pumunta,
puwede akong magpadala ng iba.

17:17.159 --> 17:18.319
Teka, G.

17:21.520 --> 17:22.879
Pupunta ako.

17:23.440 --> 17:25.240
Pakilagay sa schedule ko.

17:26.560 --> 17:27.599
Sige.

17:39.680 --> 17:41.639
MAS MAPUTING KUTIS SA LOOB NG TATLONG ARAW

17:41.720 --> 17:44.240
Ito na ang kumpletong listahan
ng bidders, G?

17:45.200 --> 17:46.360
Hawakan mo muna.

17:46.440 --> 17:48.280
Inilista ko rin ang mga reklamo.

17:48.360 --> 17:49.720
Kung sakaling gusto mong tingnan
habang nasa meeting.

17:49.800 --> 17:52.360
Hindi na. Nakabisado ko na bawat salita.

17:52.440 --> 17:53.440
Okay.

18:25.399 --> 18:26.240
Ms. Mae.

18:26.919 --> 18:28.600
Ms. Mae. Ms. Mae.

18:29.120 --> 18:29.960
Yes?

18:30.040 --> 18:32.120
Tara na. Pumasok na ang Orienna.

18:33.440 --> 18:34.360
Okay.

18:41.480 --> 18:43.840
Patungkol sa concession fee policy,

18:44.600 --> 18:46.200
gusto naming itaas ang rate.

18:46.280 --> 18:48.520
Mas mataas kaysa sa singil
sa duty-free shops sa airport.

18:49.800 --> 18:51.480
Magkano ang balak singilin ng Greater?

18:51.560 --> 18:53.280
Hindi pa namin puwedeng sabihin.

18:53.360 --> 18:56.000
Makikita sa TOR documents
lahat ng impormasyon.

18:56.080 --> 18:59.679
Makakatanggap ang lahat ng kopya
sa araw ng bidding.

18:59.760 --> 19:03.600
Kaya nga gusto naming baguhin n'yo na
bago ang araw na 'yon.

19:03.679 --> 19:05.080
Nakapagdesisyon na kami.

19:05.159 --> 19:09.320
Kung may babaguhin man,
sa susunod na 'yon ipapatupad.

19:09.399 --> 19:12.240
Pero tatagal ng sampung taon ang kontrata.

19:12.320 --> 19:14.080
Hindi n'yo ba ire-reconsider?

19:15.760 --> 19:17.760
'Yan ba ang gusto mo, Ms. Maevika?

19:17.840 --> 19:20.679
Oo. Kung mas makakabuti sa huli,

19:20.760 --> 19:21.639
okay lang sa 'kin.

19:22.280 --> 19:24.280
Kaya kong bayaran ang mas mataas na fees

19:24.360 --> 19:26.679
kung manalo ako sa bid.

19:26.760 --> 19:28.480
At ang pagbabayad ng mas mataas na fees,

19:28.560 --> 19:30.440
mas malaking kita rin 'yon sa bansa.

19:30.520 --> 19:31.840
Pero tingin ko…

19:31.919 --> 19:33.800
kung nakaayos na ang lahat sa TOR,

19:33.879 --> 19:35.800
hindi na natin dapat biglang baguhin.

19:35.879 --> 19:38.720
Puwedeng maapektuhan
ang buong bidding process.

19:38.800 --> 19:42.080
At dahil isa ako
sa mga kandidato sa round na ito,

19:42.159 --> 19:45.200
sa tingin ko,
dapat igalang ang original terms.

19:45.280 --> 19:47.320
Sinuman ang manalo sa concession,

19:47.399 --> 19:50.679
dapat ipatupad niya ang terms na 'yon.

19:50.760 --> 19:53.720
Sa hinaharap,
kung may makaramdam na di 'yon patas,

19:53.800 --> 19:54.960
puwede silang mag-file ng reklamo

19:55.040 --> 19:57.760
para pag-usapan ang mga puwedeng baguhin.

20:00.679 --> 20:02.440
Salamat, Ms. Aiwarin,

20:02.520 --> 20:04.080
sa pagbahagi ng idea na 'yan.

20:05.280 --> 20:06.720
Mula sa sinabi ni Ms. Aiwarin,

20:06.800 --> 20:08.560
sa tingin ko nakita nating lahat

20:08.639 --> 20:11.000
na baka hindi na effective

20:11.080 --> 20:12.600
ang single-operator monopoly gaya ng dati.

20:12.679 --> 20:14.200
Kasi sinuman ang manalo sa concession

20:14.280 --> 20:17.120
ay magkakaroon
ng malaking responsibilidad.

20:17.200 --> 20:20.919
Kung tutuusin, puwede namang
paghatian ang risk na 'yon.

20:24.720 --> 20:26.159
Paano?

20:28.800 --> 20:31.600
Bukod sa pakikinig sa mga reklamo,

20:31.679 --> 20:33.480
may proposal din ako.

20:33.560 --> 20:35.600
Gusto kong gamitin ng Greater Duty Free

20:35.679 --> 20:38.560
ang category-based bidding system.

20:38.639 --> 20:40.280
Di lang nito mababawasan ang risk,

20:40.360 --> 20:42.760
makakagawa rin tayo
ng mas kumpletong duty-free model.

20:42.840 --> 20:45.320
Lalo na kung isasali natin
ang business groups

20:45.399 --> 20:47.879
na may experts
na magma-manage sa bawat category.

20:53.639 --> 20:55.240
Alam kong hindi madali.

20:55.320 --> 20:58.280
Kumalat na ang balita tungkol sa bid.

20:58.360 --> 21:00.879
Alam ng lahat na isa lang
ang gusto ng Greater.

21:00.960 --> 21:04.840
Pero para sa 'kin,
pagkakataon ito para makagawa ng bago.

21:05.440 --> 21:08.919
Outdated na ang master concession models
sa maraming bansa.

21:09.960 --> 21:13.159
Kaya dapat subukan natin
ang mas flexible na approach.

21:13.240 --> 21:15.720
'Yong mas angkop sa panahon ngayon.

21:23.200 --> 21:24.800
Sumasang-ayon ako ro'n.

21:28.760 --> 21:30.679
Kami rin.

21:35.040 --> 21:39.280
Sige, sabihin nating
iko-consider namin ang proposal na ito.

21:39.360 --> 21:41.040
Pero gaya ng alam ng lahat,

21:41.120 --> 21:44.560
kasabay ng national election
ang bidding period.

21:44.639 --> 21:47.120
Kailangan nating maging neutral

21:47.200 --> 21:50.280
at hintayin kung saan tatayo
ang bagong gobyerno.

21:50.360 --> 21:52.879
Naiintindihan ko.
Ang simpleng pag-consider

21:52.960 --> 21:55.399
ng Greater sa proposal ko…

21:55.480 --> 21:57.159
malaking bagay na 'yon para sa 'kin.

22:00.280 --> 22:02.600
MAEVIKA POKINCHAYAKUL

22:06.520 --> 22:09.040
-Sang-ayon ako sa proposal,
-Nakita ko rin 'yon.

22:09.120 --> 22:10.560
at sa bagong pananaw mo.

22:10.639 --> 22:11.879
Maraming salamat.

22:11.960 --> 22:14.080
Naniniwala akong sa idea na 'to,

22:14.159 --> 22:16.679
mas mama-manage nating investors ang risk.

22:16.760 --> 22:18.439
-Mauna na ako.
-Sige.

22:18.520 --> 22:19.800
-Sana magkita ulit tayo.
-Oo, sige.

22:22.000 --> 22:22.840
Kumusta?

22:22.919 --> 22:24.760
-Kumusta?
-Okay naman, G.

22:24.840 --> 22:26.399
May isa pa tayong meeting mamayang hapon.

22:27.080 --> 22:28.000
Heto ang kape mo.

22:29.439 --> 22:30.480
Halika rito.

22:33.120 --> 22:34.320
Ano?

22:34.399 --> 22:36.840
Gumawa ka ng paraan
para umalis ang assistant ni Maevika.

22:37.560 --> 22:38.520
-Ano?
-Ngayon na.

22:39.520 --> 22:40.560
Gaano katagal?

22:40.639 --> 22:42.480
Hangga't kaya mo.

23:04.639 --> 23:05.840
Aalis na ba tayo?

23:07.000 --> 23:08.200
Oo. Sige.

23:08.280 --> 23:11.280
-Ihahanda ko na ang kotse.
-Okay.

23:12.080 --> 23:13.159
Tawagan mo ako, okay?

23:18.800 --> 23:20.679
Naku!

23:20.760 --> 23:22.960
Sorry. Hindi ko sinasadya.

23:23.040 --> 23:24.960
Naka-focus ako sa tawag, hindi ko nakita.

23:25.040 --> 23:26.840
Ang clumsy mo, ano?

23:26.919 --> 23:30.080
Oo nga, naku… nadumihan.

23:30.159 --> 23:32.040
Maghugas ka muna.

23:32.120 --> 23:33.399
-Tulungan na kita…
-Hindi na.

23:33.480 --> 23:34.760
Kaya ko ang sarili ko.

23:35.919 --> 23:38.560
Mae… Hintayin mo ako sa sasakyan.

23:38.639 --> 23:40.240
Susunod ako pagkatapos ko.

23:44.960 --> 23:47.600
Ms. Mae, tulungan ko ba si Ms. G?

23:47.679 --> 23:49.760
Oo, di ba? Kasi kasalanan ko naman.

23:49.840 --> 23:51.040
Dapat akuin ko ang responsibilidad.

23:51.120 --> 23:52.800
Sige, aalis na ako.

24:35.520 --> 24:36.919
Ba't mo ako sinusundan?

24:38.399 --> 24:40.000
Sinusundan ba kita?

24:40.080 --> 24:42.080
Papunta lang din ako sa parking lot.

24:42.159 --> 24:43.960
Ba't di ka gumamit ng ibang elevator?

24:44.600 --> 24:46.320
O maghintay hanggang makaalis ako?

24:47.040 --> 24:49.320
Hindi tayo puwedeng
magmukhang close sa public.

24:49.919 --> 24:52.000
Ay? Hindi ko alam

24:52.080 --> 24:53.439
na close pala tayo.

25:05.040 --> 25:06.240
Ano 'yon?

25:06.840 --> 25:07.919
Natatakot ka ba?

25:08.000 --> 25:09.560
Di ako natatakot.

25:10.120 --> 25:11.480
Hindi lang tama.

25:13.159 --> 25:15.040
Nagkasabay lang tayo ng elevator.

25:15.120 --> 25:16.960
Hindi ba coincidence lang 'yon?

25:39.399 --> 25:40.399
Tabi.

25:49.120 --> 25:50.439
KASALUKUYANG NILILINIS

26:07.720 --> 26:10.879
Kailangang makausap ng boss ko
ang boss mo nang pribado,

26:10.960 --> 26:13.280
kaya nautusan akong bantayan ka sa ngayon.

26:15.280 --> 26:16.439
Bantayan ako?

26:19.879 --> 26:21.159
Naku!

26:21.240 --> 26:23.760
Sorry. Di ko sinasadya!

26:26.520 --> 26:28.639
Tinapunan mo ako ng kape…

26:29.280 --> 26:31.320
Plano pala ito ng boss mo?

26:31.399 --> 26:32.600
Oo.

26:38.159 --> 26:39.480
-Tabi
-Hindi.

26:39.560 --> 26:40.919
Hoy… Hoy…

26:41.720 --> 26:42.760
Tama na.

26:43.600 --> 26:46.679
Gusto mo bang maayos akong aalis
o pupuwersahin kita?

26:46.760 --> 26:48.720
Sige. Sisigaw ako
hanggang marinig ng buong building.

26:48.800 --> 26:51.080
Iisipin nilang
sinusubukan mo akong i-rape.

26:52.399 --> 26:53.280
Baliw ka ba?

26:53.360 --> 26:55.199
Hindi. Seryoso ako.

26:55.280 --> 26:57.040
At malalagay ka sa gulo.

26:57.120 --> 26:59.879
At si Ms. Maevika rin.

27:02.960 --> 27:03.840
Sige lang.

27:04.480 --> 27:06.600
Walang maniniwala

27:06.679 --> 27:08.080
sa kabobohang 'yan.

27:09.000 --> 27:10.040
Di na mahalaga.

27:10.120 --> 27:12.360
Sa panahon ngayon, pag may nagsabi,

27:12.439 --> 27:13.919
at inulit ng iba,

27:14.000 --> 27:15.960
sapat na 'yon para makasira.

27:19.520 --> 27:21.320
Wag kang masyadong mag-alala.

27:21.399 --> 27:24.199
Kung di kumportable
ang boss mo sa boss ko,

27:24.280 --> 27:26.000
tatawagan ka niya mismo.

27:26.080 --> 27:29.040
At pag nangyari 'yon,
hahayaan kitang umalis.

27:29.120 --> 27:32.120
Pero sa ngayon… maghintay ka lang, okay?

27:32.199 --> 27:34.800
Superstar assistant.

27:51.879 --> 27:52.919
Mae.

27:56.360 --> 27:58.000
Ano na naman, Gavin?

27:58.080 --> 27:59.639
Di ako nandito para guluhin ka.

27:59.720 --> 28:01.919
May gusto lang akong linawin.

28:02.000 --> 28:03.720
No'ng sinabi mong hindi ako…

28:04.280 --> 28:05.480
Dahil ba di ako babae?

28:06.639 --> 28:08.520
Nakita kita no'n sa Orienna Hotel.

28:08.600 --> 28:10.760
At alam kong nakita mo rin ako.

28:10.840 --> 28:12.280
Gusto mo ba talaga 'yon?

28:14.520 --> 28:15.520
Sa tingin ko…

28:16.439 --> 28:17.960
nagpapanggap ka para lokohin ako.

28:18.560 --> 28:19.960
Nawala ka na ba sa sarili?

28:20.040 --> 28:21.439
Ba't ko gagawin 'yon?

28:23.240 --> 28:26.040
Oo nga. Di mo nga gusto ang mga babae.

28:26.120 --> 28:27.280
Ginagawa mo lang 'to para inisin ako.

28:29.120 --> 28:30.120
Bakit?

28:30.720 --> 28:32.679
Kung magkakagusto ako,

28:32.760 --> 28:34.360
kailangan ba na lalaki?

28:34.439 --> 28:35.480
Tama.

28:38.600 --> 28:40.600
Ba't mo ina-assume

28:40.679 --> 28:42.560
na ayaw ni Maevika sa babae?

28:47.240 --> 28:49.240
Sinabi ko sa 'yong hintayin mo ako.

28:49.320 --> 28:50.639
Bakit ka nauna?

28:53.320 --> 28:56.360
Kita mo? Sandali lang tayong magkahiwalay,

28:56.439 --> 28:57.720
at nangyari ito.

28:58.800 --> 29:00.439
Ganitong kalokohan pa.

29:03.080 --> 29:06.120
Ikaw si Gavin, anak ng CEO ng Lux Speed,

29:06.199 --> 29:08.480
isang major car importer, di ba?

29:08.560 --> 29:10.280
Sa ibang bansa nag-aral…

29:10.360 --> 29:13.159
Sino'ng mag-aakalang
ganito kakitid ang utak mo?

29:13.240 --> 29:14.720
Problema namin ni Mae ito.

29:15.320 --> 29:16.679
Wala kang pakialam dito.

29:16.760 --> 29:18.600
Ms. Aiwarin.

29:20.360 --> 29:22.560
Hindi lang makitid ang utak mo,

29:22.639 --> 29:24.720
bulag ka rin.

29:24.800 --> 29:26.840
Ganito kami ka-close ni Mae,

29:27.360 --> 29:29.040
at di mo pa rin nakikita

29:29.600 --> 29:31.240
kung ano kami sa isa't isa.

29:33.240 --> 29:34.560
Nagde-date kami.

29:45.120 --> 29:47.520
Ang babaeng kasama ni Mae
sa Orienna no'ng gabing 'yon…

29:48.120 --> 29:49.439
ako 'yon.

29:49.520 --> 29:50.720
Di 'yan totoo.

29:51.399 --> 29:52.480
Malabo.

29:53.120 --> 29:54.480
Paniwalaan mo ang gusto mo.

29:55.199 --> 29:56.040
Tara na, babe.

29:56.720 --> 29:58.439
Walang saysay makipag-usap
sa tumatanggi sa katotohanan.

29:58.520 --> 29:59.919
Sayang lang ang oras.

30:00.000 --> 30:01.679
Parang nakikipag-usap sa pader.

30:03.240 --> 30:06.360
Kung totoo, ba't mo sinabi sa 'kin?

30:06.439 --> 30:08.360
Di ka natatakot na sabihin ko sa press?

30:08.439 --> 30:10.280
Sige. Subukan mo.

30:11.080 --> 30:12.720
Di rin ako sigurado.

30:12.800 --> 30:15.240
Kung ang pakikipag-date ko kay Mae

30:15.320 --> 30:17.320
o ang pangha-harass mo sa kanya,

30:17.399 --> 30:19.280
ang magiging laman ng balita.

30:19.360 --> 30:21.639
Matutuwa ang mga magulang mo.

30:24.120 --> 30:25.919
Balita ko istrikto ang papa mo.

30:27.679 --> 30:28.639
Di ko siya hinarass.

30:28.720 --> 30:30.439
Pero iba ang sinasabi ng ginawa mo.

30:31.800 --> 30:33.679
At may pruweba ako.

30:33.760 --> 30:36.159
Security cameras sa Orienna

30:36.240 --> 30:37.840
at dito rin.

30:40.840 --> 30:41.919
Tandaan mo 'to…

30:42.439 --> 30:45.480
Hindi sumusuko ang mga tulad ko.

30:46.080 --> 30:48.000
Kung gusto mong maglaro,

30:48.080 --> 30:50.679
kaya kong sumabay,

30:50.760 --> 30:52.280
o higitan ka.

30:52.360 --> 30:55.280
Kaya sige, gamitin mo ang maliit mong utak

30:56.040 --> 30:57.679
at isipin mo, sa 'ting dalawa,

30:58.439 --> 30:59.679
sino ang mananalo.

31:18.080 --> 31:19.360
Ito ang pangatlong beses

31:20.080 --> 31:21.000
na tinulungan kita.

31:23.360 --> 31:25.080
Sabihin mo sa 'kin

31:25.879 --> 31:27.439
kung ano ang gusto mong kapalit

31:28.399 --> 31:30.679
para matapos na rin ito.

31:32.159 --> 31:33.560
Nagmamadali ka, ha?

31:33.639 --> 31:36.120
Hindi mo na iniisip ang future?

31:36.199 --> 31:37.439
Paano kung kailangan kitang tulungan ulit?

31:38.120 --> 31:39.040
Ms. Aiwarin.

31:39.120 --> 31:41.600
Puwede bang samahan mo ako
sa underground parking?

31:42.120 --> 31:43.560
Do'n ko pinark ang kotse ko.

31:44.320 --> 31:46.000
Kung gano'n…

31:46.919 --> 31:48.639
Ba't mo ako sinusundan?

31:49.240 --> 31:50.360
Gusto lang kitang samahan

31:50.439 --> 31:53.919
para makausap kita.

32:00.639 --> 32:02.760
Gusto ko talaga 'yong ideas

32:02.840 --> 32:05.040
na nabanggit mo sa meeting.

32:05.679 --> 32:08.760
Pero gusto lang kitang paalalahanan
na sa business,

32:09.439 --> 32:10.760
di puwedeng laging direkta.

32:10.840 --> 32:12.840
Kailangan mong matutunan ang finesse.

32:12.919 --> 32:14.080
Matutong maglaro nang konti.

32:15.040 --> 32:16.959
Wag mong hayaang makita nila
ang iniisip mo.

32:17.639 --> 32:19.080
Wag mong ipabasa ang isip mo.

32:19.159 --> 32:21.199
Dahil di mo alam

32:21.719 --> 32:23.439
kung sino ang may masamang balak sa 'yo.

32:24.280 --> 32:26.360
At kung ipagpapatuloy mo ito,

32:27.040 --> 32:28.600
palagi kang matatalo.

32:33.159 --> 32:35.159
Nasa basement ang kotse mo, di ba?

32:42.080 --> 32:45.040
PARKING PARA SA AUCTION PARTICIPANTS

33:05.360 --> 33:06.320
MS. MAEVIKA

33:18.679 --> 33:19.520
Saan ka pupunta?

33:20.240 --> 33:21.439
Di na ako maghihintay.

33:22.399 --> 33:23.240
Hoy.

33:24.439 --> 33:25.520
Aray.

33:36.199 --> 33:37.560
Masyado ka.

33:43.040 --> 33:44.159
Nandito na tayo.

33:45.240 --> 33:47.280
Quits na tayo, di ba?

33:48.919 --> 33:50.360
Paanong quits?

33:50.439 --> 33:52.280
Tatlong beses kitang niligtas.

33:52.360 --> 33:54.560
Isa lang ang sinukli mo.

33:56.000 --> 33:57.919
Paano ko ibabalik ang pabor?

33:58.439 --> 34:01.000
Babawi ako sa 'yo nang minsanan.

34:02.719 --> 34:03.840
Basta…

34:06.320 --> 34:07.879
Pag-isipan mo lang.

34:27.920 --> 34:29.360
Satisfied ka na ba?

34:33.600 --> 34:34.600
Sa tingin ko…

34:35.120 --> 34:36.880
hindi 'yon pagbabalik ng pabor.

34:37.600 --> 34:39.679
Parang may nararamdaman ka sa 'kin.

34:41.839 --> 34:43.480
Sa karaniwan…

34:43.560 --> 34:45.560
di basta-basta humahalik ang tao.

34:46.159 --> 34:47.560
Maliban kung may nararamdaman sila.

34:49.400 --> 34:51.719
Di mo ba naisip na
baka gusto ko lang subukan?

34:52.679 --> 34:53.600
Subukan ang alin?

34:54.199 --> 34:56.000
Na hanapin ang sagot na sinasabi mo.

34:57.880 --> 34:59.279
Gusto mo pang subukan?

35:17.120 --> 35:18.360
Maghihintay ako.

35:18.440 --> 35:22.040
Puntahan mo ako
sa Anthea Bar pag handa ka na.

35:40.600 --> 35:42.120
Ano'ng sinabi sa 'yo ni Ms. Ai?

35:44.560 --> 35:45.759
Kung ano-ano lang.

35:45.839 --> 35:46.880
Pero alam mo ba…

35:46.960 --> 35:49.560
na hindi coincidence ang nangyari?

35:49.640 --> 35:52.839
Pinlano ni Ms. Ai 'yon
para magkasama kayong dalawa.

35:52.920 --> 35:55.920
Kung mangyari uli 'yon, wag kang bibigay.

35:56.000 --> 35:58.279
Sigurado akong
di mabuti ang intensyon niya.

35:58.360 --> 35:59.920
Siguro lumalapit siya sa 'yo

36:00.000 --> 36:03.080
para makakuha ng secrets
na makakatulong sa kanya sa auction.

36:03.160 --> 36:05.960
Pero di mo ba naisip na baka pumayag ako

36:06.040 --> 36:07.640
kasi gano'n din ang nararamdaman ko?

36:07.720 --> 36:08.680
Wag kang bobo.

36:09.279 --> 36:11.000
-Di mo makita ang mga laro niya.
-G.

36:12.000 --> 36:14.080
Alam mo ba, nakakainsulto 'yon sa 'kin.

36:17.040 --> 36:19.600
Pasensya na. Nag-aalala lang ako sa 'yo.

36:20.799 --> 36:22.520
Di mo kailangang mag-alala
sa lahat ng maliliit na bagay.

36:24.319 --> 36:25.799
Lalo na sa trabaho.

36:26.400 --> 36:29.480
Hayaan mo akong mag-isip
at magdesisyon minsan.

36:30.279 --> 36:31.440
Anuman ang mangyari,

36:31.520 --> 36:33.799
ako ang haharap.

36:35.080 --> 36:36.279
Naiintindihan ko.

36:50.480 --> 36:52.880
Diretso na lang ako sa bahay, G.

36:54.319 --> 36:56.359
Hindi na ako dadaan sa office.

37:00.400 --> 37:01.359
Sige.

37:04.160 --> 37:05.759
Dito na tayo maghiwalay.

38:00.640 --> 38:02.520
Isang pill lang, tulog ka na?

38:06.120 --> 38:08.279
Uy, tingnan mo ang entrance.

38:08.359 --> 38:09.359
Sige.

38:13.040 --> 38:13.920
Hoy.

38:14.000 --> 38:16.040
-Puta.
-Puta.

38:16.120 --> 38:17.799
Anong klaseng lalaki ka?

38:17.880 --> 38:19.080
Paano mo nagagawa 'yan sa babae?

38:19.160 --> 38:20.279
Ano bang problema mo?

38:24.000 --> 38:24.839
Subukan mo.

38:25.920 --> 38:28.080
Ba't mo hinayaang painumin ka nang ganyan?

38:31.640 --> 38:33.680
Buti at nakarating ako sa oras.

38:34.920 --> 38:36.640
Campus mentor lang kita,

38:37.240 --> 38:39.799
pero may pakialam ka talaga sa 'kin. At…

38:40.560 --> 38:42.880
itinuturing mo akong totoong kapatid.

38:45.120 --> 38:46.560
Salamat.

38:49.680 --> 38:50.720
Di mo kailangang magpasalamat.

38:51.600 --> 38:54.319
Masaya akong naaalagaan kita.

38:56.279 --> 38:59.799
Alam kong naghahanap ka ng trabaho, G.

38:59.880 --> 39:02.480
Pagka-graduate mo,

39:03.480 --> 39:05.720
ba't di ka magtrabaho sa kumpanya ni Papa?

39:07.560 --> 39:10.600
Naghahanap siya ng mag-aalaga sa 'kin.

39:12.000 --> 39:14.680
Para forever mo akong maalagaan.

39:24.520 --> 39:25.600
Nag-aalala lang ako sa 'yo.

39:26.120 --> 39:27.880
Di mo kailangang mag-alala
sa lahat ng maliliit na bagay.

39:27.960 --> 39:29.560
Lalo sa trabaho.

39:29.640 --> 39:32.480
Hayaan mong mag-isip at
magdesisyon ako minsan para sa sarili ko.

39:48.279 --> 39:49.680
'Yong assistant.

39:56.440 --> 39:59.000
Mukha kang heart broken.

40:11.759 --> 40:14.080
Gusto ko talaga ang ideas mo.

40:14.160 --> 40:17.000
Pero gusto lang kitang paalalahanan,
na sa business,

40:17.080 --> 40:19.000
di puwedeng laging direkta.

40:19.080 --> 40:20.319
Kailangan mong matutunan ang finesse.

40:20.400 --> 40:23.920
Di mo alam
kung sino ang may masamang balak sa 'yo.

40:24.520 --> 40:26.600
At kung ipagpapatuloy mo ito,

40:26.680 --> 40:28.400
palagi kang matatalo.

40:31.560 --> 40:33.000
Makikita mo rin.

40:33.640 --> 40:35.600
Mas tuso ako kaysa sa inaakala mo.

40:50.080 --> 40:53.759
Hindi lang basta-basta
gano'n humahalik ang tao.

40:58.400 --> 40:59.600
Maliban kung may nararamdaman sila.

41:00.480 --> 41:02.640
Di mo ba naisip na
baka gusto ko lang subukan?

41:03.520 --> 41:04.839
Gusto mo pang subukan?

41:05.560 --> 41:08.560
Puntahan mo ako
sa Anthea Bar pag handa ka na.

41:26.279 --> 41:28.000
Nandito na ako, gaya ng pinag-usapan.

41:29.880 --> 41:31.759
Alam ba ng papa mo

41:31.839 --> 41:33.000
na nakikipagkita sa 'kin?

41:33.080 --> 41:35.960
Alam ba ng papa mo na babae ang gusto mo?

41:38.600 --> 41:40.040
Hindi ako sigurado.

41:40.720 --> 41:42.200
Pero tingin ko di niya alam.

41:43.279 --> 41:44.759
Kasi kung alam niya,

41:44.839 --> 41:46.400
hindi niya basta-basta hahayaan.

41:47.200 --> 41:50.200
Adik sa tagumpay ang papa ko.

41:50.720 --> 41:52.799
Di niya hahayaang maging hadlang ito

41:52.880 --> 41:55.400
sa tagumpay niya.

41:57.600 --> 41:59.359
Ibig sabihin,

42:00.640 --> 42:03.160
kung magiging seyoso ka sa isang babae,

42:04.560 --> 42:06.359
hindi mo rin siya makakasama, di ba?

42:08.400 --> 42:09.600
Hindi rin.

42:11.680 --> 42:13.560
Pag dumating ang araw na 'yon,

42:14.200 --> 42:16.920
susundin ko ang puso ko.

42:19.560 --> 42:21.359
Kahit ano pa ang kapalit.

44:08.080 --> 44:09.600
Lakasan mo.

44:11.600 --> 44:12.839
Gusto kong marinig.

44:37.200 --> 44:39.000
First time ko 'to.

44:40.120 --> 44:42.720
Gusto ko sanang mangyari
sa magandang lugar.

44:43.440 --> 44:44.680
Puwedeng…

44:45.720 --> 44:47.240
sa inyo?

44:51.240 --> 44:52.279
Sige.

44:53.960 --> 44:54.920
Halika.

45:19.200 --> 45:20.440
Gusto mo ng maiinom?

45:22.319 --> 45:25.040
Kahit ano'ng maisip mo.

45:26.279 --> 45:28.480
Kailangan mong maghintay nang konti.

45:29.080 --> 45:31.120
Kasi kapag gumagawa ako ng inumin,

45:32.120 --> 45:33.680
binibigyan ko 'to ng espesyal na atensyon.

45:38.160 --> 45:39.799
Gano'n din sa ibang bagay.

45:43.799 --> 45:44.680
Gano'n…

45:44.759 --> 45:46.080
Habang naghihintay ako,

45:46.160 --> 45:48.960
mag-iikot-ikot lang ako nang konti.

45:49.040 --> 45:50.600
Ang ganda ng kwarto.

45:50.680 --> 45:51.799
Nagustuhan ko.

45:53.759 --> 45:55.040
Feel at home ka lang.

47:17.560 --> 47:18.560
Ano'ng ginagawa mo?

47:43.759 --> 47:44.560
SUNOD NA EPISODE

47:44.640 --> 47:45.720
Sino'ng dinala mo rito?

47:45.799 --> 47:47.600
Personal na buhay ko 'to.

47:47.680 --> 47:50.359
Wag mong gamitin 'yang linya sa 'kin.
Naaalala ko ang nanay mo.

47:50.440 --> 47:51.759
Mr. Rachen.

47:51.839 --> 47:53.080
Hello, Ms. Maevika.

47:53.160 --> 47:55.359
Kung plano mong lapitan si Maevika

47:55.440 --> 47:58.759
sa parehong paraan, wag na lang.

47:58.839 --> 48:00.160
Di ko kailangan ng approval mo.

48:03.560 --> 48:05.040
Magkita tayo sa rooftop pool mamaya.

48:05.120 --> 48:07.120
Pag-usapan natin 'to.

48:07.200 --> 48:11.080
Bug 'to. Ganito natin
makukuha ang mga sikreto niya.

49:11.560 --> 49:13.560
Nagsalin ng Subtitle: Naomi Hagi
g mga sikreto niya.
