WEBVTT

00:05.839 --> 00:09.259
Naaksidente ka. Nilinisan ka na namin.

00:09.342 --> 00:14.014
Ang cancer, matinding sakit 'yon, Ma.
Hindi mo kasalanan 'yon.

00:14.097 --> 00:17.767
Iwan ba muna natin siya? Grabe 'yon, e.

00:17.851 --> 00:20.186
Morgan, alam kong takot ang henerasyon mo

00:20.270 --> 00:23.273
sa kahit anong
hindi maganda sa pakiramdam n'yo,

00:23.356 --> 00:26.276
pero isa 'to sa mga pangyayari sa buhay

00:26.359 --> 00:28.361
na dapat andito ka.

00:28.445 --> 00:31.948
Siya ang nagpalit ng diaper ko.
Ngayon, ako naman ang magpapalit ng kanya.

00:32.031 --> 00:33.616
Pagpapakita 'to ng pagmamahal.

00:33.700 --> 00:36.703
Parang ayaw niya kasing
nandito tayo lahat,

00:36.786 --> 00:38.329
nakatingin habang nangyaya—

00:38.413 --> 00:40.415
-Pagpapakita ng pagmamahal 'to.
-Okay.

00:40.498 --> 00:44.294
Alam n'yo ba
kung ga'no kahirap para sa 'kin

00:44.377 --> 00:48.173
na maghanda ng maagang birthday party
para sa mamamatay ko nang nanay

00:48.256 --> 00:50.925
habang naglo-launch ng mayoral campaign?

00:51.009 --> 00:54.012
Ano ba'ng naitulong n'yo?
Ibinili n'yo man lang ba siya regalo?

00:54.095 --> 00:55.346
Lumala ang kondisyon niya.

00:55.430 --> 00:59.726
Hindi no'n napigilan si Natalie.
Oo nga pala, may papadaanan ako sa store.

00:59.809 --> 01:03.021
-May ni-reserve na dekorasyon si Leanne.
-Ma, ako na ang kukuha.

01:03.104 --> 01:06.858
Mukhang naurong nila nang isang linggo
'yong town hall ng mga kandidato.

01:06.941 --> 01:07.817
Mabuti naman.

01:07.901 --> 01:10.487
Ikuwento mo sa mga kapatid mo
'yong regalo mo sa lola mo.

01:10.570 --> 01:13.698
Pasta bowls galing sa bakasyon
namin ni Kevin sa Amalfa no'ng summer.

01:13.782 --> 01:16.242
Naka-feeding tube siya.
Kailangan niya ng pasta bowls?

01:16.326 --> 01:17.452
Ano'ng sinabi mo?

01:17.535 --> 01:18.536
-Ma?
-Ano'ng sinabi mo?

01:18.620 --> 01:20.080
-Ano? Wala akong sinabi…
-Ma.

01:20.163 --> 01:22.582
Ano'ng gusto mong iregalo ng mga bata
sa birthday mo?

01:22.665 --> 01:24.459
Ayoko ng birthday!

01:24.959 --> 01:28.630
Ano'ng gusto mong iregalo sa 'yo
ni Nicholas at ni Morgan?

01:28.713 --> 01:30.340
-Sino sila?
-Hay, naku.

01:30.423 --> 01:31.800
Magandang tanong 'yan, Lola.

01:31.883 --> 01:34.761
Binigyan ako ng kuwintas ng papa mo…

01:34.844 --> 01:38.807
Sa Acapulco, na nawala mo
no'ng honeymoon n'yo.

01:38.890 --> 01:41.059
Alam namin. Bigyan n'yo siya ng kuwintas.

01:41.142 --> 01:44.354
Diamond na kuwintas 'yon!

01:44.437 --> 01:46.523
Lola, public school teacher ako.

01:46.606 --> 01:48.733
Morgan, di niya tayo kilala.

01:48.817 --> 01:50.860
Wala na sa kanya
kung totoong diamonds 'yon.

01:50.944 --> 01:51.986
Oo, alam ko—

01:52.070 --> 01:55.740
Kahit anong mura at sweet
na maaalala niya sa mga huling araw niya.

01:55.824 --> 01:56.991
Mahirap bang gawin 'yon?

01:57.075 --> 01:59.452
Nicky, tulungan mo ang kapatid mo,
kahit ngayon lang.

01:59.536 --> 02:02.413
-Kahit ngayon lang?
-Gumawa ka ng mabuti, para sa 'kin.

02:02.497 --> 02:03.623
Lalabas muna 'ko.

02:03.706 --> 02:05.750
Sige. Salamat.

02:05.834 --> 02:07.669
-Aalis ka na?
-Oo.

02:07.752 --> 02:11.297
Walang nag-e-expect
na maging tulad kayo ni Natalie.

02:11.381 --> 02:13.091
Siya ang naiiba sa pamilya natin.

02:13.174 --> 02:16.594
May kumpiyansa at ambisyon.
Di pinaghihirapan 'yong gano'ng katawan.

02:16.678 --> 02:20.640
Pero pwede bang
tigilan n'yo nang dalawa ang kakaaway

02:20.723 --> 02:23.393
at gawing madali para sa 'kin
ang pagkamatay ng nanay ko?

02:23.476 --> 02:25.603
-Tumigil ka sa kakasigaw!
-Oo na.

02:26.813 --> 02:28.189
Kailangan niyang umidlip!

02:35.947 --> 02:40.994
Kasi, kahit marating n'yo 'yong isla
at makita na 'yong mga rosal,

02:41.077 --> 02:43.162
sulit pa rin ba sa huli

02:43.663 --> 02:47.792
kung matatalo
ang mabangong amoy no'n ng usok

02:47.876 --> 02:50.628
na galing sa tulay na sinunog n'yo
para makarating do'n?

02:51.379 --> 02:53.047
Pero, ang maganding balita,

02:53.131 --> 02:56.593
ipapaalala ko lang sa inyo
na fire-free zone ito, okay?

02:56.676 --> 02:58.261
Halos lahat dito, hardwood floor.

02:58.344 --> 03:00.388
Kung gusto n'yong magbigay
sa food donation,

03:00.471 --> 03:02.265
ililista ni Rose ang pangalan n'yo.

03:13.943 --> 03:14.777
Hi, Helen.

03:19.616 --> 03:22.410
Parang pang-serial killer
ang pagkakaayos ng drawer mo.

03:22.493 --> 03:24.662
Oo, sinadya 'yan, 'no. Hi.

03:29.042 --> 03:30.376
-Shit!
-Reverend Nicholas!

03:30.460 --> 03:32.003
Oo. Rose?

03:33.588 --> 03:35.840
Basta na lang bang papasok ngayon, ha?

03:35.924 --> 03:38.384
Dapat yata pag-usapan natin
ang mga di pwedeng gawin.

03:38.468 --> 03:40.136
-Hindi naka-lock 'yong pinto.
-Okay.

03:40.220 --> 03:43.389
-Pero, may narinig ba 'ko?
-Wala, may kausap lang ako sa phone.

03:43.473 --> 03:46.100
Pwede sa Biyernes 'yong sponsorship team.

03:46.184 --> 03:47.310
Sige, okay.

03:47.393 --> 03:50.313
Pwede namang i-email 'yon,
pero salamat sa pagsabi sa 'kin.

03:50.396 --> 03:52.065
Magkita na lang tayo bukas, ha?

03:52.148 --> 03:53.608
-Sige.
-Okay.

03:54.567 --> 03:55.568
Bye.

03:58.696 --> 04:00.657
Isipin mong
naimbitahan kang manood ng game,

04:00.740 --> 04:02.575
tapos, may nagtago ng saklay mo.

04:02.659 --> 04:04.661
May mga binabato sila, nag-aaway.

04:04.744 --> 04:05.578
Grabe 'yon.

04:07.372 --> 04:08.331
O, siya.

04:10.875 --> 04:12.418
Pwedeng pakibuksan ang pinto, ha?

04:17.548 --> 04:18.508
O, sige na.

04:22.470 --> 04:24.597
Lagi kang lumalayo pag hinahalikan kita.

04:25.306 --> 04:26.933
-Lumalayo ako?
-Oo…

04:27.016 --> 04:28.351
Nasa trabaho ako.

04:28.434 --> 04:31.104
Oo nga, pero 'yong intimacy
ang pagpapakita ko ng love.

04:31.187 --> 04:33.982
-Pinaparamdam ko 'yong nasa loob ko.
-Oo, alam ko.

04:34.065 --> 04:37.068
-Nasosobrahan ka na sa therapy.
-Sabi niya, sasabihin mo 'yan.

04:37.151 --> 04:39.404
Okay, pasensiya na
kung ayokong makipag-sex sa 'yo

04:39.487 --> 04:41.322
sa parking lot ng school.

04:41.406 --> 04:43.866
Ganyan ka talaga.
Sinisira mo 'yong moment.

04:43.950 --> 04:46.369
Ginagawa mong sobrang… Ewan.

04:46.452 --> 04:48.913
Basta, sinisira mo. Ewan.
Parang tanga lang.

04:48.997 --> 04:51.332
-Pwedeng pakibuksan na lang ang pinto?
-Sige.

04:52.041 --> 04:52.959
Salamat.

04:58.464 --> 05:00.425
Ano 'yan? Ano 'to?

05:00.508 --> 05:01.843
Ano sa tingin mo?

05:03.052 --> 05:05.471
Oo, Morgan, gusto kong may gawing maganda

05:05.555 --> 05:08.266
para sa babaeng mas mahal ko
kesa sa puso kong tumitibok.

05:08.349 --> 05:10.518
Ang proposal mo,
ibato ang singsing sa likod ko?

05:10.601 --> 05:13.354
-Ano'ng gagawin ko dito?
-Ewan ko, nasa sa 'yo na 'yan.

05:13.855 --> 05:14.897
Bahala ka.

05:16.274 --> 05:17.108
Wow.

05:21.237 --> 05:22.155
Okay.

05:23.614 --> 05:24.532
Ang ganda nito.

05:25.116 --> 05:25.950
Alam ko.

05:26.034 --> 05:29.329
Di ko naman kailangan ng flash mob, 'no?

05:29.412 --> 05:33.583
Pero, sa tingin ko, deserve ko naman
ng maayos na proposal.

05:33.666 --> 05:36.502
-Alam mo 'yon?
-Oo naman. Oo. Gets ko.

05:38.129 --> 05:39.714
-Kita tayo mamaya?
-Sige.

05:39.797 --> 05:41.257
-Okay.
-Sige, I love you.

05:41.341 --> 05:42.508
I love you too.

05:42.592 --> 05:43.426
Okay.

05:43.509 --> 05:44.344
O, sige.

05:45.053 --> 05:46.429
Bye, mag-enjoy ka sa trabaho.

05:47.013 --> 05:48.222
-Salamat, bye.
-Bye.

05:51.184 --> 05:52.727
Wag kang sobrang mag-react.

05:55.063 --> 05:57.607
Nasabi ko ba na i-o-honor ako
ng Out and Loud next month

05:57.690 --> 06:00.026
para sa ginagawa ko para sa kanila?

06:00.109 --> 06:03.613
Nagre-raise ng pera sa mga queer
para pwede silang "mag-out and loud"?

06:03.696 --> 06:05.490
Ilang beses mo nang nabanggit 'yan.

06:05.573 --> 06:07.366
Pero, bawal sorpresahin ang jowa ko

06:07.450 --> 06:09.410
sa trabaho, kasi sabi ng simbahan niya,

06:09.494 --> 06:11.704
pwede siyang maging gay
pero bawal mag-boyfriend.

06:11.788 --> 06:14.290
Ine-expect nilang di ako magjojowa, oo.

06:14.373 --> 06:18.878
Gusto kong jowain
ang boyfriend kong bawal magjowa,

06:18.961 --> 06:21.672
di 'yong nasa mid-thirties
na tinatago ang relasyon natin

06:21.756 --> 06:23.216
sa mga kaibigan at sa pamilya.

06:23.716 --> 06:26.803
May isa kang trabaho no'ng summer,
ayusin 'yong bubong ko.

06:26.886 --> 06:27.970
Oo nga.

06:28.054 --> 06:31.224
Tapos, naging suwapang ka, okay?
At ngayon, tingnan mo tayo.

06:31.307 --> 06:34.727
Di ko mapigilan, e.
Gusto ko ang The Book of Mormon.

06:34.811 --> 06:35.686
-Talaga?
-Oo.

06:35.770 --> 06:39.023
-Hindi ako Mormon.
-Alam ko, pero kapareho mo silang manamit.

06:41.859 --> 06:44.112
Sabi ko,
pagkatapos ng kampanya ng nanay ko,

06:44.195 --> 06:46.197
maghahanap na 'ko ng bagong congregation.

06:46.864 --> 06:49.867
Tapos, pwede na tayong maging magjowa
out and loud.

06:49.951 --> 06:52.537
-Naniniwala ako sa 'yo, okay?
-Hanggang sa gusto natin.

06:52.620 --> 06:55.248
Ibu-book ko 'yong cruise
ngayong taon, kasama ka o hindi.

06:55.331 --> 06:58.292
-Excited na 'kong sumama sa 'yo sa cruise.
-Oo.

06:58.376 --> 07:02.171
-Excited na pareho tayong magka-norovirus.
-'Yon ang pinakamagandang parte!

07:03.005 --> 07:05.174
Di mo naman ako kailangang samahan.

07:05.258 --> 07:07.885
Tingin ni Mama,
kailangan mo ng babysitter kahit 30 na.

07:07.969 --> 07:10.346
Tingin niya rin, kailangan ko 'yon
no'ng lumalaki na.

07:10.430 --> 07:11.681
Nasa'n ka no'n, Reverend?

07:11.764 --> 07:14.559
Nagdadasal siguro
na protektahan ako sa kamalditahan mo

07:14.642 --> 07:16.310
at sa paninigarilyo mo.

07:16.811 --> 07:18.104
Paborito ko ang sigarilyo.

07:21.858 --> 07:23.192
Hindi, mauna ka na.

07:23.276 --> 07:25.319
-Excuse, ha.
-Sorry.

07:27.029 --> 07:27.989
Bibili ako ng card.

07:28.072 --> 07:30.074
Di na siguro siya magbabasa ng card, 'no?

07:31.117 --> 07:32.994
Para sweet. Ibibili natin siya ng regalo.

07:33.077 --> 07:36.122
-Bibigyan ko siya ng card.
-Bigyan mo ng card. Bahala ka.

08:02.732 --> 08:05.610
-Excuse me, pwedeng—
-Display lang 'yan.

08:06.527 --> 08:08.529
A, sige, gusto ko lang isukat.

08:09.780 --> 08:10.865
Di 'yan binebenta.

08:11.407 --> 08:14.160
Alam ko, malinaw 'yong sinabi mo.

08:15.411 --> 08:19.457
-Pwedeng ikuha mo 'ko ng stock?
-Hindi, kasi last na 'yan.

08:20.500 --> 08:22.543
Okay, sige, 'yan na lang ang bibilhin ko.

08:23.586 --> 08:25.046
Wag mo na ngang pakialaman 'yan.

08:26.506 --> 08:27.965
Hindi 'yan para sa 'yo, okay?

08:28.049 --> 08:31.135
Talaga ba? Mumurahing kuwintas lang 'to
sa pipitsuging tindahan.

08:31.219 --> 08:33.012
-O?
-Para kanino 'to kung di akin?

08:33.095 --> 08:34.805
-Puwes, lumayas ka rito.
-Sige.

08:34.889 --> 08:36.182
Hoy, Morgan.

08:36.265 --> 08:39.644
Pwedeng tanggapin mo na lang
na di ito sikat na New York boutique?

08:39.727 --> 08:42.730
"Sikat na New York boutique"?
Adik ka ba sa pagpapahiya sa sarili?

08:42.813 --> 08:45.441
Isa pa, wish niya lang
na sikat na New York boutique 'to.

08:45.942 --> 08:47.526
Kontrolin mo 'yang asawa mo.

08:47.610 --> 08:50.446
Hindi ko siya asawa. Pastor ako
sa Glenview Community Church.

08:50.530 --> 08:52.615
Kahit pa oo, di kailangang uminit ang ulo.

08:52.698 --> 08:54.909
-"Kahit pa oo"?
-Morgan, ano ba.

08:54.992 --> 08:57.620
-Napakabastos mong babae.
-Ikaw ang bastos na babae.

08:57.703 --> 08:59.163
Morgan, maghintay ka sa labas.

08:59.747 --> 09:03.709
Salamat, bibilhin ko 'tong card
at dalawang angel figurine.

09:08.214 --> 09:09.924
-Alin, ito?
-'Yong blue.

09:10.633 --> 09:12.885
Kung may gift bag ka saka wrapping paper—

09:12.969 --> 09:16.722
-May riboon ka ba o kahit anong pang…
-Ilalagay ko lang sa loob nito.

09:16.806 --> 09:19.392
Magbabanggaan 'yan sa loob ng bag.

09:19.475 --> 09:21.310
Ingatan mo na lang ang pagbitbit, ma'am.

09:22.061 --> 09:24.689
-Okay?
-Kasi, naku, mababasag 'yan.

09:24.772 --> 09:26.941
Sinasabi ko lang, di ka maaasahan.

09:27.024 --> 09:29.110
Di ako maaasahan
kasi a-attend ako ng dinner?

09:29.193 --> 09:30.987
-Hindi tama 'yon.
-Wala na siya.

09:31.571 --> 09:34.073
Malamig na siya.
Di n'yo naabutan ang huling habilin.

09:34.156 --> 09:36.409
Nicky, wala ka man lang dito
para magdasal.

09:36.492 --> 09:39.870
Isang teenager dito sa ospital
ang gumawa no'n.

09:39.954 --> 09:42.415
Nagbasa lang galing sa phone niya.

09:42.498 --> 09:46.127
Patigil-tigil pa dahil sa mga text.

09:47.169 --> 09:48.212
Ano ba 'yon?

09:48.296 --> 09:49.297
Ano ang ano?

09:49.380 --> 09:50.589
'Yong huling habilin niya?

09:50.673 --> 09:52.967
Ewan ko. Di ko marinig.
Bumubulong lang siya.

09:53.050 --> 09:57.054
Sabi ko, linawan niyang magsalita.
Basta tungkol sa bagong guwantes niya.

09:57.138 --> 09:59.473
Kawawa naman,
wala na siya sa wisyo no'ng huli.

09:59.557 --> 10:02.643
-Sinasabi niya, "Mahal kita."
-Sa tingin ko, hindi 'yon.

10:02.727 --> 10:03.936
A, basta,

10:04.020 --> 10:06.230
kaninang alas-diyes pa dito
ang kapatid n'yo,

10:06.314 --> 10:08.024
nire-record ang mga nangyayari.

10:08.107 --> 10:12.528
Sa tingin niya, importanteng content 'yon
para sa mga social platform.

10:12.612 --> 10:14.280
Parang pansasamantala 'yon.

10:14.947 --> 10:17.783
Basta, namatay siya
bago ang birthday party niya.

10:17.867 --> 10:21.787
E, ano na'ng gagawin natin dito?

10:22.580 --> 10:23.748
Ano ba'ng ginawa mo?

10:23.831 --> 10:26.083
-Ginawan ko ng paraan.
-Morgan!

10:27.001 --> 10:28.586
Hindi nakabalot.

10:28.669 --> 10:30.046
Grabe.

10:30.129 --> 10:32.632
Simpleng regalo galing sa 'min ni Nicky.

10:32.715 --> 10:34.550
Galing sa inyong dalawa.

10:34.634 --> 10:36.802
Natalie, tingnan mo 'to.

10:36.886 --> 10:38.429
Ang gan— maganda.

10:38.512 --> 10:41.682
Nicholas, dapat lang

10:41.766 --> 10:44.226
na ikaw ang maglagay nito sa kanya.

10:44.310 --> 10:46.562
-Ilagay sa kanya?
-At siguro magdasal nang konti.

10:46.646 --> 10:51.067
Gusto niyang isuot mo ang kuwintas
kay Lola at magdasal nang konti.

10:51.150 --> 10:54.028
-Ilagay mo na, tapos magdasal ka.
-Di ko alam kung bakit.

10:54.111 --> 10:55.613
Morgan? Sige.

10:55.696 --> 10:56.906
Ilagay mo na ang kuwintas.

10:56.989 --> 10:58.658
Natalie, pakihawak nito.

10:58.741 --> 11:01.035
-At umalis ka diyan.
-Nicholas, ilagay mo na.

11:01.118 --> 11:03.037
-Sorry, ano lang kasi…
-Ayos lang.

11:03.120 --> 11:05.122
Morgan, tulungan mo siya.
Regalo mo din 'yan.

11:05.206 --> 11:06.665
Oo nga, Morgan, halika.

11:07.792 --> 11:08.834
Okay.

11:08.918 --> 11:09.794
Tulungan mo 'ko.

11:09.877 --> 11:10.711
Oo na.

11:10.795 --> 11:11.796
Morgan, 'yong ulo.

11:11.879 --> 11:14.465
-Iangat mo 'yong ulo niya.
-Ano pa'ng iaangat ko?

11:14.548 --> 11:16.801
-Iangat mo lang.
-Eto na.

11:16.884 --> 11:18.260
-Morgan.
-Eto na.

11:18.344 --> 11:19.929
-Inaangat mo na ba?
-Ay, anak.

11:20.429 --> 11:21.263
Sandali lang.

11:22.848 --> 11:23.933
Ayos lang 'to.

11:24.016 --> 11:26.102
Ayan na. O, sige.

11:27.103 --> 11:29.063
-Okay.
-Hala. Okay. Pakiramdam ko…

11:29.146 --> 11:31.273
-Iangat mo pa.
-Sorry, nabibitawan ko.

11:31.357 --> 11:32.858
-Ano ba.
-Ang bigat.

11:32.942 --> 11:34.276
-Pwedeng angat pa?
-Sige pa?

11:34.360 --> 11:36.278
I-forward mo, di ko maisara 'yong lock.

11:36.362 --> 11:38.072
Ba't ang tagal?

11:38.155 --> 11:39.699
Kapayapaan kailan man ang igawad…

11:39.782 --> 11:43.786
-Di ko marinig ang sinasabi mo.
-…ng Maykapal sa yumaong ating mahal.

11:45.704 --> 11:47.373
Mapanatag siya sa kapayapaan, amen.

11:47.456 --> 11:48.416
Okay.

11:49.667 --> 11:52.169
Natalie, gusto mo ba ng pictures
para sa social media?

11:52.253 --> 11:54.213
Ano ba, Morgan!

11:54.296 --> 11:57.133
-Morgan, shit. Baliw ka ba?
-Igalang mo naman ang patay.

11:57.216 --> 11:58.884
Nicky, sobra mo namang binilisan.

12:19.196 --> 12:20.030
Andiyan na.

12:26.829 --> 12:30.207
-Huy.
-Hi. Ano'ng maitutulong ko sa 'yo?

12:31.292 --> 12:32.752
May ipi-pickup ako.

12:34.545 --> 12:36.797
Nagkamali ka yata ng address.

12:38.382 --> 12:39.300
Hindi.

12:39.800 --> 12:42.428
Sabi mo, taga-Glenview Church ka?

12:45.431 --> 12:46.265
Oo.

12:47.016 --> 12:48.767
Kasama mo 'yong kapatid mo,

12:48.851 --> 12:51.937
bumili ka sa 'kin ng card,
dalawang Elsa doll?

12:52.021 --> 12:55.816
Dalawang angel figurine 'yong binili ko.
Hindi naman kamukha ni Elsa.

12:55.900 --> 12:57.610
At isang tennis necklace?

12:59.779 --> 13:00.654
A…

13:01.155 --> 13:04.867
Hindi, di ako…
Di ako bumili ng tennis necklace.

13:04.950 --> 13:07.369
Alam kong di mo binili 'yong kuwintas.

13:09.705 --> 13:11.207
Andito ako para bawiin 'yon.

13:15.628 --> 13:17.296
Wala… wala sa 'kin.

13:23.969 --> 13:25.429
Ang ganda ng bahay, a.

13:26.222 --> 13:31.435
Very supportive siguro…
ang kongregasyon mo.

13:32.937 --> 13:36.023
Di siguro magandang mawala
ang tiwala nila, di ba, Father?

13:36.106 --> 13:39.026
Hindi ako Katoliko,
kaya "Pastor" ang tawag sa 'kin.

13:39.109 --> 13:43.572
Wala akong pakialam sa tawag sa 'yo,
mukhang tunggak kang lintik ka.

13:43.656 --> 13:46.116
Di mo alam ang kinuha mo, okay?

13:46.617 --> 13:49.453
-Okay.
-Di mo alam kung sino'ng binabangga mo.

13:50.204 --> 13:55.584
Ibalik mo 'yon, o sisiguraduhin kong
magagalit ang Diyos mo sa 'yo, ha?

13:56.168 --> 13:57.002
Okay.

13:57.962 --> 13:59.255
-Oo.
-Oo?

13:59.338 --> 14:00.381
-Oo.
-Mabuti.

14:49.388 --> 14:50.514
Pumasok ka sa—

14:50.598 --> 14:53.142
Pumasok ka na sa kotse!

15:10.659 --> 15:14.246
Hindi, kasi Gosling siya na may G.
Hindi siya kaano-ano ng walong bata.

15:14.830 --> 15:15.915
-Punyeta!
-Ay, shit.

15:15.998 --> 15:19.084
Anak, ano'ng problema?
Tinatanong kita, ano'ng problema?

15:19.168 --> 15:22.713
Ayos lang ako, tinamaan ko ang daliri ko.
Dapat kasi nagpa-deliver na lang.

15:22.796 --> 15:26.759
Gusto ko lang alalahanin ang nanay ko
sa paggawa ng cutlets ngayong pagkamatay.

15:26.842 --> 15:28.969
Ito na ang pinakamasarap
na cutlets, Mrs. M.

15:29.053 --> 15:31.138
Nasa'n si Nicky?
Sabi ko sa kanya alas-otso.

15:31.221 --> 15:32.431
-Hindi ko alam.
-Mrs. M.

15:32.514 --> 15:34.475
Alam kong napakahirap ng araw na 'to,

15:34.558 --> 15:38.562
pero kung ayos lang sa 'yo,
gusto kong makausap ka privately

15:38.646 --> 15:39.647
pag pwede.

15:39.730 --> 15:42.441
May gustong-gusto akong itanong sa 'yo.

15:42.524 --> 15:43.943
Tingnan na lang natin, Max,

15:44.026 --> 15:45.486
-ha?
-Okay.

15:45.569 --> 15:47.321
Tingnan na lang natin.

15:47.863 --> 15:48.697
Nandiyan na!

15:50.699 --> 15:51.575
Bilis.

15:52.826 --> 15:53.661
Ano ba.

15:54.787 --> 15:56.538
Kailan ka pa nag-lock ng pinto?

15:56.622 --> 15:59.875
Mula nang pinasok ang garahe
ni Susan Gopnik ilang linggo na,

15:59.959 --> 16:02.044
at ninakaw lahat ng bike ng anak niya.

16:02.127 --> 16:04.588
-Nasa'n ang payong mo?
-Wala akong payong.

16:04.672 --> 16:07.967
Ayokong mawala ang anak ko at nanay ko
sa parehong araw.

16:08.050 --> 16:08.968
Pasensiya na.

16:09.051 --> 16:11.804
Pasensiya, di maganda 'tong inaasal ko.

16:11.887 --> 16:12.846
Aaminin ko 'yon.

16:12.930 --> 16:15.724
-Kumusta ka naman?
-Hindi ako okay. Hindi ako—

16:15.808 --> 16:18.644
Hindi, gusto ko lang masolo sandali
ang panganay ko.

16:19.144 --> 16:20.688
Technically, si Morgan 'yon.

16:20.771 --> 16:23.190
Di pinag-uusapan ang pag-ampon
sa bahay na 'to.

16:23.273 --> 16:26.652
Ramdam kong ipinanganak kita,
kasingsakit din 'yon.

16:26.735 --> 16:27.695
Ang lamig mo.

16:27.778 --> 16:29.947
-Ba't ba tayo nakatayo dito?
-Ewan ko sa 'yo.

16:32.992 --> 16:34.827
Nagluluto kami ng veal cutlets ni Lola.

16:34.910 --> 16:38.080
-Tumira sila sa Long Island.
-Morgan, pwede ba kitang makausap saglit?

16:38.163 --> 16:39.873
Walang sikreto sa bahay na 'to.

16:39.957 --> 16:42.710
Kung ano 'yang sasabihin mo,
pwede sa harap namin ni Max.

16:42.793 --> 16:44.878
At sa kalahati ng kababaihan
sa bayang 'to. Ma—

16:44.962 --> 16:48.465
Inclusive Facebook group 'yon
sa lugar na 'to!

16:48.549 --> 16:50.008
Morgan! Five minutes lang.

16:50.092 --> 16:52.136
Malay ko sa mga sumasali
o sa sine-send nila.

16:52.219 --> 16:53.846
-Okay.
-Wala akong kontrol do'n!

16:53.929 --> 16:54.972
Five minutes lang.

16:55.055 --> 16:57.975
-Pa'no ko makokontrol 'yon?
-'Yon lang ang kailangan ko. Morgan…

16:58.684 --> 17:00.227
Grabe naman.

17:00.310 --> 17:03.605
Okay, una sa lahat,
ano ba'ng problema mong lintik ka?

17:03.689 --> 17:04.523
Ano'ng sabi mo?

17:04.606 --> 17:07.151
Kailangang mabalik mo 'yong kuwintas,
ngayon na.

17:07.234 --> 17:08.527
Anong kuwintas?

17:08.610 --> 17:12.531
'Yong kuwintas na ninakaw mo
pagkatapos kong sabihing hayaan mo na.

17:12.614 --> 17:16.201
'Yong kuwintas na nasa leeg
ng patay nating lola sa morge?

17:16.285 --> 17:17.870
-Morgan.
-Ano ba.

17:17.953 --> 17:20.748
Di ka naman mukhang natataranta
no'ng pinupuri ka sa ospital

17:20.831 --> 17:21.832
dahil do'n.

17:21.915 --> 17:23.792
Tumingin ka sa labas.

17:23.876 --> 17:25.586
-Nakikita mo 'yong truck?
-Oo.

17:25.669 --> 17:28.255
-Oo!
-Wag kang ganyan tumingin. Magtago ka.

17:28.756 --> 17:31.925
Sinundan ako ng lalaking 'yon
galing sa bahay ko.

17:32.009 --> 17:34.928
-Ano?
-'Yong inasar mo sa shop.

17:35.012 --> 17:37.264
Kumatok siya sa bahay
at nanakot na sisiraan ako

17:37.347 --> 17:39.266
pag di ko naibalik 'yong kuwintas.

17:39.349 --> 17:40.684
Di ko na alam ang gagawin.

17:40.768 --> 17:43.729
Tingin mo, magandang idea
na dinala mo siya dito sa bahay ni Mama

17:43.812 --> 17:45.606
kung saan magdi-dinner tayong lahat?

17:49.359 --> 17:52.196
-Di ko naisip 'yong—
-Buong pamilya mo?

17:52.279 --> 17:54.823
-Hay, Morgan.
-Kumain ka ba ng falafel?

17:54.907 --> 17:56.158
Demonyita ka talaga.

17:56.241 --> 17:59.119
Nalulungkot akong di umubra
'yong buhay-artista mo sa Manhattan

17:59.203 --> 18:02.539
gaya ng gusto mong mangyari,
pero di ako papayag na masira ang buhay ko

18:02.623 --> 18:05.876
dahil lang sinukuan mo na 'yong iyo.

18:05.959 --> 18:09.630
-Ayusin mo 'to, Morgan.
-$79 na kuwintas 'yon.

18:09.713 --> 18:12.758
Alam mo, mabigat 'yon
para sa $79 na kuwintas.

18:12.841 --> 18:14.802
Hinawakan ko 'yon, parang mamahalin.

18:14.885 --> 18:16.136
Wala akong oras para dito.

18:16.220 --> 18:18.555
Hindi ka sinusundan
no'ng lalaki sa Quick Post.

18:18.639 --> 18:21.350
-E di, lumabas ka at kausapin mo siya.
-Seryoso ka?

18:21.433 --> 18:22.518
Oo!

18:24.228 --> 18:25.813
Okay, oo na.

18:25.896 --> 18:27.689
-Kakausapin ko siya, oo na.
-Alis na!

18:27.773 --> 18:29.858
Alam mo? Kung gusto niya ng $79,

18:29.942 --> 18:32.402
ive-Venmo ko sa kanya
'yong lintik na 79 dollars.

18:32.486 --> 18:34.113
-Sige.
-Kung 'yon ang gusto niya.

18:47.292 --> 18:48.252
Hello?

18:50.129 --> 18:52.005
Ano ba'ng maitutulong ko sa 'yo?

18:53.465 --> 18:54.591
'Tang ina 'to.

18:54.675 --> 18:56.593
Natatakot sa 'yo 'yong pamilya ko.

18:56.677 --> 19:00.222
Di ko alam ang ginagawa mo dito,
pero konting di pagkakaintindihan lang.

19:01.473 --> 19:02.808
Bingi ka ba?

19:02.891 --> 19:05.727
Kailangan mo nang umalis.
Alam kong naririnig mo 'ko. Hi.

19:07.604 --> 19:08.939
Uy, buti naman.

19:37.885 --> 19:38.719
O, ano?

19:41.013 --> 19:43.974
Oo nga. Oo, kailangan lang nating

19:44.474 --> 19:47.352
makuha… makuha 'yong kuwintas.

19:47.436 --> 19:49.605
-Alam ko.
-Pero kailangang isoli.

19:50.606 --> 19:52.274
-Kailangan.
-Okay. Oo, alam ko.

19:53.066 --> 19:55.110
'Yon lang? 'Yon lang ang sinabi niya?

19:56.195 --> 19:57.696
Hindi, di niya…

19:57.779 --> 19:59.907
-Sabihin mo na.
-Wala siyang masyadong sinabi.

19:59.990 --> 20:02.201
Pero sana winarningan mo 'ko
tungkol sa baril.

20:04.328 --> 20:06.079
-Anong baril?
-'Yong baril!

20:06.163 --> 20:08.373
'Yong punyetang baril
na tinutok sa mukha ko.

20:08.457 --> 20:11.210
-Ikaw ba—
-Anong baril, Morgan?

20:11.293 --> 20:13.128
Hindi ka ba tinutukan ng baril?

20:17.341 --> 20:18.550
Hindi.

20:19.635 --> 20:22.846
Pero may lalaking pumunta sa bahay ko
sa kalagitnaan ng gabi

20:22.930 --> 20:24.181
at pinagbantaan ako.

20:24.264 --> 20:26.642
-A, talaga?
-Sobrang nakakatakot din 'yon.

20:26.725 --> 20:27.601
Tinakot ka ba niya?

20:27.684 --> 20:30.103
Pumunta siya sa bahay mo,
at di ka tinutukan ng baril?

20:30.187 --> 20:32.564
-Magkaiba 'yon.
-Kumalma ka.

20:32.648 --> 20:34.524
Ang tindi no'n!

20:35.651 --> 20:38.487
-Kailangan mong kumalma.
-A, kailangan kong kumalma?

20:38.570 --> 20:39.988
Relax ka lang.

20:40.072 --> 20:42.407
Pa'no natin mababawi 'yong kuwintas?

20:44.743 --> 20:47.496
Makikita ko si Lola bukas.
Tatanggalin ko 'yon sa leeg niya.

20:47.579 --> 20:49.539
-Kailangan ko 'yong tanggalin.
-Okay.

20:49.623 --> 20:50.999
Sa leeg ng patay na babae.

20:51.083 --> 20:52.751
-Okay?
-Oo, tama.

20:52.834 --> 20:54.378
-May iba pa bang plano?
-Wala na.

20:54.461 --> 20:55.629
-Sige, kung gano'n…
-Okay.

20:56.505 --> 20:57.673
May sasabihin ka ba?

20:58.423 --> 20:59.967
-Ano?
-"Salamat, Nick"?

21:00.050 --> 21:02.886
-"Salamat sa offer mo"?
-'Yan ba ang iniisip mo?

21:02.970 --> 21:04.471
-Oo.
-Nasisiraan ka na ba?

21:04.554 --> 21:07.516
-Ha? Nasisiraan ka—
-Grabe, ibang level 'yan.

21:07.599 --> 21:09.268
Nakakaistorbo ba 'ko?

21:09.351 --> 21:11.019
Hindi… Oo, kasi…

21:11.103 --> 21:13.480
-Hindi. Ano'ng meron?
-Okay.

21:13.563 --> 21:17.275
Gusto ko lang malaman
kung may sasabihin ka sa 'kin.

21:17.776 --> 21:19.903
-Hindi ko…
-Parang… Wala naman.

21:19.987 --> 21:22.864
-Morgan, ano 'to?
-Wala kang sasabihin sa 'kin?

21:22.948 --> 21:25.367
-Babe, di ko alam kung ano'ng—
-E, ngayon?

21:25.450 --> 21:27.035
Okay, oo.

21:27.119 --> 21:30.247
-Baka may gusto kang sabihin sa 'kin?
-Hala, punyeta.

21:30.747 --> 21:32.499
May gusto kang sabihin?

21:33.792 --> 21:35.127
-Morgan.
-Oo.

21:35.210 --> 21:37.629
-Diyos ko.
-Janice Dardano.

21:37.713 --> 21:40.048
Pwedeng buuin mo ang buhay ko sa pag-oo?

21:41.216 --> 21:42.634
Ma, pa'no si Lola?

21:42.718 --> 21:44.219
-Hindi ito ang tamang…
-Okay.

21:44.303 --> 21:46.346
Ay, hindi, anak, matutuwa siya.

21:46.430 --> 21:48.598
-Nicky, kunin mo 'yong Prosecco sa garahe.
-Ano?

21:48.682 --> 21:50.267
Sa garahe, okay.

21:50.851 --> 21:51.727
Oo na ba?

21:55.772 --> 21:57.482
Oo. Grabe.

21:57.566 --> 21:58.442
Okay.

21:58.525 --> 22:00.110
Grabe, nangyayari na nga.

22:05.282 --> 22:06.700
Engaged na kami!

22:07.993 --> 22:09.119
Ba't basang-basa ka?

22:19.755 --> 22:20.714
Patawarin mo po ako.

22:34.269 --> 22:35.604
-Ano 'yon?
-Sorry sa istorbo.

22:35.687 --> 22:37.981
Pwede kong gamitin 'yong printer
para sa programs?

22:38.065 --> 22:39.816
-Oo.
-Wala nang ink 'yong sa basement.

22:39.900 --> 22:40.734
Sige lang.

22:40.817 --> 22:45.447
Salamat. Gusto mo bang
black-and-white 'yong program o colored?

22:45.530 --> 22:48.700
Hindi ko alam, Rose. Ang programs ba,
black-and-white o colored?

22:48.784 --> 22:51.745
-Colored.
-E di, colored ang i-print mo.

22:51.828 --> 22:52.954
Salamat, Rose.

23:04.758 --> 23:05.675
Miss Morgan?

23:07.010 --> 23:08.553
Mukha kang salbaheng mangkukulam.

23:09.679 --> 23:10.722
Salamat, Mackenzie.

23:25.320 --> 23:27.322
SA SIMBAHAN NA AKO.
BABALITAAN NA LANG KITA.

23:27.406 --> 23:28.240
MAY BALITA NA?

23:32.369 --> 23:33.662
Nicholas.

23:34.329 --> 23:37.082
-Anak. Kalma ka lang.
-Ano?

23:37.165 --> 23:41.253
'Yong best friend daw ng lola mo,
si Dina, nadulas sa Five Guys kagabi.

23:41.336 --> 23:42.421
Ano?

23:42.504 --> 23:45.298
Nabali ang leeg niya.
Habambuhay na siya sa ospital ngayon.

23:45.382 --> 23:47.259
Kaya, basahin mo ang tula niya.

23:47.342 --> 23:50.637
At nandito ang tatay mo,
siya dapat ang nadulas, e.

23:50.720 --> 23:52.139
-Ma.
-Ano?

23:52.222 --> 23:54.724
Kung di tayo matatawa sa ganito,
ano'ng gagawin natin?

23:54.808 --> 23:57.144
Iniwan niya si Denise sa bahay,
matino naman pala.

23:57.227 --> 23:58.228
Okay.

23:59.271 --> 24:00.689
-Handa na kayo, Mrs. M?
-Oo.

24:01.481 --> 24:03.108
-Alis na tayo.
-Pwedeng wag muna?

24:03.191 --> 24:04.317
Pwede bang…

24:04.818 --> 24:06.862
Pwedeng sandali lang? Pwedeng tigil muna?

24:06.945 --> 24:10.490
Pwedeng sandali lang? Sabing tigil! Stop!

24:17.456 --> 24:20.750
Hindi pa 'ko nagdadasal.
Kailangan ko muna siyang dasalan.

24:20.834 --> 24:21.710
Okay?

24:21.793 --> 24:23.670
Kailangang iwan n'yo muna…

24:23.753 --> 24:25.881
-Anak.
-…kami sandali, please.

24:26.506 --> 24:28.550
Late na siya sa sarili niyang libing.

24:28.633 --> 24:30.093
Mamaya mo na lang siya i-bless.

24:30.760 --> 24:31.636
Ha? Tabi.

24:36.683 --> 24:38.643
Ano ba 'yon?

24:39.561 --> 24:40.395
'Tang ina!

24:43.607 --> 24:44.774
Putang ina!

25:02.042 --> 25:04.669
Good afternoon at welcome sa inyong lahat.

25:08.757 --> 25:12.260
Sana lang mas masaya ang dahilan
ng pagtitipon natin ngayon.

25:13.512 --> 25:14.554
Pero…

25:15.263 --> 25:18.516
pero madalas na sa ganitong mga panahon,

25:19.017 --> 25:20.685
na ang Panginoon,

25:21.895 --> 25:25.815
pinapakita ang kakayahan natin
bilang mga tao,

25:25.899 --> 25:29.986
na iproseso at kayanin ang sakit.

25:30.946 --> 25:32.697
Sa parehong emosyon at…

25:33.990 --> 25:34.950
at pisikal.

25:35.951 --> 25:39.663
Minsan, madaling makalimutan
na anumang oras,

25:40.664 --> 25:44.459
pwedeng… mamatay

25:45.835 --> 25:46.795
kahit sino sa 'tin.

25:48.463 --> 25:52.175
Tingnan n'yo si Dina Caputo,
na kagabi lang nadulas sa Five Guys

25:52.259 --> 25:53.718
at comatose na ngayon,

25:54.219 --> 25:57.013
di niya na mababasa ngayon dito
'yong tula niya.

25:59.099 --> 26:02.018
Ipagdasal natin si Dina
at ang pamilya niya

26:02.978 --> 26:04.145
sa panahong ito.

26:04.729 --> 26:08.108
Alam n'yo, espesyal na babae si Lola.

26:08.191 --> 26:11.611
Ginagamit ko ang salitang "espesyal",
kasi marami siyang inasar dito.

26:13.029 --> 26:14.406
Pero hindi siya nagsinungaling

26:15.407 --> 26:18.618
o pinilit ang sinuman sa pamilya niya
na magsinungaling para sa kanya.

26:25.834 --> 26:27.502
Ba't hindi mo nakuha 'yong—

26:27.586 --> 26:29.421
Wag mo 'kong sisimulan.

26:38.054 --> 26:41.141
Uuwi na 'ko at papalabasin ang mga aso.
Nasa Tampa si Denise.

26:41.725 --> 26:43.143
Magkita na lang tayo sa bahay.

26:43.810 --> 26:45.937
-Mabuting babae ang lola n'yo.
-Oo naman.

26:46.021 --> 26:48.148
-Oo.
-Ipinagmamalaki niya ang nanay n'yo.

26:48.231 --> 26:50.609
Ayos na, Michael. Salamat. Umuwi ka na.

26:50.692 --> 26:53.445
Palabasin mo na 'yong poodles niya.
Baka dumumi pa sa carpet.

26:53.528 --> 26:57.324
Sige. Magkita na lang tayo mamaya.
Uy, congrats ulit sa singsing, 'nak.

26:57.407 --> 26:58.283
Salamat, Pa.

27:01.911 --> 27:03.872
Binati mo na ba ang kapatid mo?

27:03.955 --> 27:07.751
Sa pag-propose ni Max
no'ng araw na namatay si Lola?

27:07.834 --> 27:09.210
Hindi pa, e.

27:09.294 --> 27:11.921
Congrats, Morgan. Wala akong masabi.

27:12.005 --> 27:14.049
-Tuwang-tuwa ako.
-Tinutulungan ako ni Max.

27:14.132 --> 27:16.801
Pinabili ko siya ng Baileys
para sa Tita Joanie n'yo.

27:16.885 --> 27:19.346
Pero dapat nang umuwi.
Magdadatingan na ang mga tao.

27:19.429 --> 27:23.099
Wala akong tiwalang
iinitin ng caterer 'yong pagkain.

27:23.183 --> 27:24.392
Ikinalulungkot ko.

27:24.476 --> 27:27.103
Maraming salamat. Magkakilala ba tayo?

27:29.731 --> 27:30.857
Nakikiramay po ako.

27:31.775 --> 27:33.401
Kaibigan siya ni Morgan.

27:33.485 --> 27:35.028
Kaibigan ko.

27:35.111 --> 27:36.196
Kaya naman pala.

27:36.279 --> 27:39.824
Anak, kailangan na talagang umalis.
Magkita-kita na lang tayo sa bahay.

27:39.908 --> 27:40.742
Okay.

27:40.825 --> 27:42.077
Sige, mamaya na lang.

27:44.537 --> 27:45.789
Tara, lakad tayo.

27:46.665 --> 27:48.750
May mga papeles pa akong pipirmahan, kaya—

27:48.833 --> 27:49.959
-Lakad.
-Okay.

27:50.043 --> 27:51.002
Sige.

27:51.086 --> 27:53.088
-Wag kang manulak.
-Marunong akong maglakad.

27:53.171 --> 27:54.130
Bilis na.

27:54.214 --> 27:55.924
Akin na 'yong kuwintas.

27:58.468 --> 27:59.469
Nasa'n na?

28:00.387 --> 28:01.221
Ha?

28:02.347 --> 28:03.306
Wala sa amin.

28:03.390 --> 28:05.892
-Anong wala sa inyo?
-Wala sa 'min.

28:06.559 --> 28:08.478
Pucha, ano'ng sinasabi n'yo? Nasa'n na?

28:08.561 --> 28:11.981
Di ko alam kung pa'no pa namin sasabihin.
Wala sa amin.

28:12.065 --> 28:13.983
Anong lintik ang pinagsasabi n'yo?

28:14.067 --> 28:15.694
-Nasa'n na nga?
-Ano—

28:17.320 --> 28:18.154
Okay.

28:18.238 --> 28:19.364
Pwedeng kumalma ka lang?

28:19.447 --> 28:21.658
Di naman makakatulong
pag ganito ka makipag-usap.

28:21.741 --> 28:23.785
Ano ka, crisis manager ka na ba ngayon?

28:23.868 --> 28:25.620
-Kanino ka ba kumakampi?
-Hindi sa 'yo.

28:26.121 --> 28:27.497
Ano na'ng gagawin ko ngayon?

28:31.209 --> 28:32.335
Putragis.

28:34.212 --> 28:37.298
Di n'yo alam ang ginawa n'yo. Ha?

28:42.887 --> 28:44.180
Sumakay kayo sa truck.

28:44.264 --> 28:45.348
Meron naman sigurong…

28:45.432 --> 28:47.767
Pa'no kung
di ako komportableng gawin 'yan?

28:51.604 --> 28:53.481
-Sumakay ka na sa truck.
-Ayoko.

28:53.565 --> 28:57.110
-May baril siya. Sumakay ka na sa truck.
-Parang kidnap homicide ang vibe nito.

28:57.193 --> 29:00.405
"Vibe"? 'Yan ang last words mo?
Parang kidnap homicide ba ang vibe?

29:00.488 --> 29:02.532
-Sakay na. Sakay na sa truck!
-Diyos ko po!

29:02.615 --> 29:03.450
Aray!

30:28.785 --> 30:31.704
Nagsalin ng subtitle: Joan Cabato
os ko po!
