WEBVTT

00:01.000 --> 00:02.480
ANG MGA ISTORYA AY KATHANG-ISIP AT
MAAARING MAHAWIG SA ILANG SITWASYON.

00:02.560 --> 00:03.920
ANG MGA ITO AY PARA LAMANG SA LIBANGAN.

00:04.000 --> 00:05.720
Ano'ng ginagawa mo dito?

00:05.800 --> 00:07.199
Nandito ako para makita si Wan.

00:07.279 --> 00:08.520
Nakatira ako dito kay Wan.

00:08.600 --> 00:09.799
Kaka-break lang ni Wan sa 'kin.

00:10.400 --> 00:12.600
Ano'ng naging problema n'yong dalawa?

00:12.680 --> 00:13.959
Bakit kayo naghiwalay?

00:14.799 --> 00:16.000
Niloko ako ni Ek.

00:16.720 --> 00:18.080
Isa 'to sa mga hotel ng family ko.

00:19.320 --> 00:21.200
Gusto kong tumugtog ka dito.

00:21.279 --> 00:23.520
Parang mas okay 'to
kaysa tumugtog ka sa kalsada.

00:23.599 --> 00:25.119
Si Earth. Producer siya.

00:25.200 --> 00:27.639
Gusto ko lang naman
magkakilala kayong dalawa.

00:27.720 --> 00:29.040
Baka magkatrabaho kayo balang araw.

00:29.119 --> 00:32.040
Nakipaghiwalay ako kay Wan,
pero di pa naka-register divorce namin.

00:32.680 --> 00:34.199
Ibig sabihin ba no'n,
'yong bagong lalaki ni Wan,

00:34.280 --> 00:35.480
kabit niya?

00:35.559 --> 00:38.559
Kung kilala mo siya…
puwede mo bang sabihin sa 'kin?

00:38.640 --> 00:40.800
Pag nalaman mo, ano'ng gagawin mo?

00:40.879 --> 00:42.120
Papatayin ko siya.

00:42.640 --> 00:44.440
ANG NAKARAAN

01:52.960 --> 01:54.119
O?

01:54.199 --> 01:56.000
Hindi ka ba tutugtog ngayon?

02:02.960 --> 02:03.800
Kumain ka na ba?

02:05.280 --> 02:08.759
Hindi pa. Wala 'kong masyadong gana.

02:08.840 --> 02:11.600
Bakit? Masama ba'ng pakiramdam mo?

02:12.519 --> 02:13.880
Patingin nga.

02:20.160 --> 02:21.600
Wan.

02:21.680 --> 02:23.880
Bakit hindi mo sinabi sa 'kin

02:25.000 --> 02:26.600
na kasal na kayo ni Ek?

02:30.959 --> 02:32.160
Kasal nga kami.

02:33.079 --> 02:34.880
Pero magpa-file ako ng divorce.

02:35.519 --> 02:37.280
E, bakit di mo sinabi sa 'kin no'n?

02:40.280 --> 02:43.000
Sabi ko nga, tapos na 'yon.

02:44.200 --> 02:46.400
Kung di ka pa divorced,
di pa tapos 'yon, Wan.

02:48.120 --> 02:50.920
Sa batas, totoo 'yan.

02:51.720 --> 02:55.640
Pero sa damdamin, ibang usapan 'yan.

02:58.120 --> 03:00.880
E, bakit mo sinabi kay Ek
na may bago ka na?

03:06.200 --> 03:07.600
Kasi meron naman talaga.

03:17.320 --> 03:18.720
E di,

03:21.320 --> 03:23.200
'yong taong 'yon, kabit, tama?

03:24.359 --> 03:26.480
Wala naman tayong ginagawa.

03:26.560 --> 03:28.320
Kaya di mo talaga 'yon matatawag na kabit.

03:29.320 --> 03:30.320
Wan,

03:31.840 --> 03:33.440
seryoso ako.

03:34.760 --> 03:36.760
Sabi sa 'kin ni Ek,
papatayin niya 'yong taong 'yon.

03:39.399 --> 03:42.600
Di gagawa nang ganyan 'yong gaya ni Ek.

03:44.320 --> 03:45.519
Paano mo nalaman?

03:46.119 --> 03:50.359
Pag nawalan ka ng taong mahal mo,
kaya mong gawin kahit ano.

03:51.920 --> 03:53.280
Natatakot ako, Wan.

03:57.720 --> 03:59.239
Saan ka natatakot?

04:00.239 --> 04:03.839
Ikaw ba… 'yong bago ko?

04:07.480 --> 04:11.000
Alam mo kung sino'ng tinutukoy ko.

04:11.079 --> 04:12.040
Halata naman.

04:16.440 --> 04:17.599
Well, hindi.

04:18.360 --> 04:20.240
Hindi ka bago.

04:20.360 --> 04:21.519
Ikaw pa rin 'yon—

04:22.800 --> 04:24.000
'Yong una

04:24.920 --> 04:26.440
at nag-iisa kong mahal.

04:28.280 --> 04:31.880
Kaya… kahit ano'ng mangyari,

04:33.320 --> 04:35.159
poprotektahan kita ng buhay ko.

04:37.000 --> 04:39.039
Basta dito ka lang sa tabi ko,

04:40.680 --> 04:42.360
wag ka nang mawawala ulit.

04:46.880 --> 04:49.320
Puwede ba? Pleng?

05:16.599 --> 05:17.960
Wan.

05:20.320 --> 05:22.080
Hindi maganda 'yan.

05:22.159 --> 05:23.479
Bakit mo sinisilip 'yong gamit ng iba?

05:25.120 --> 05:26.000
Hindi ako sumisilip.

05:26.080 --> 05:27.560
Tinitingnan ko talaga.

05:28.159 --> 05:29.240
E, kahit na…

05:30.000 --> 05:32.080
Di ba sabi mo,
hindi ka na magsusulat ng kanta?

05:32.159 --> 05:33.520
Di ba ito 'yong songwriting notebook mo?

05:35.800 --> 05:39.280
Kakaumpisa ko lang ulit magsulat
simula no'ng nakasama kita.

05:40.280 --> 05:41.359
Pero…

05:42.120 --> 05:44.240
Wala ka namang nakita
sa loob ngayon, di ba?

05:46.359 --> 05:48.640
Hindi ko alam… Ayoko ngang sabihin.

05:48.719 --> 05:49.840
Wan.

05:51.280 --> 05:54.719
Hindi para sa iba 'tong kantang 'to.

05:54.800 --> 05:57.960
-Kanta mo 'to.
-Wan!

05:58.039 --> 06:01.320
Parang pagiging sa 'yo ko.

06:06.800 --> 06:08.520
Tapusin mo agad ang pagsulat niyan, okay?

06:08.599 --> 06:10.120
Gusto ko nang marinig 'yan.

06:11.359 --> 06:13.440
Thirteen years din akong naghintay.

06:14.760 --> 06:15.880
Ang kulit-kulit mo.

06:16.479 --> 06:17.280
Papasok na 'ko sa trabaho.

07:05.080 --> 07:06.080
Tita Wi.

07:07.719 --> 07:08.560
Pleng.

07:09.880 --> 07:11.039
Hello.

07:39.919 --> 07:41.520
Paano ka napunta dito?

07:43.520 --> 07:44.840
Niyaya ako ni Wan.

07:47.039 --> 07:49.200
Kailan kayo
nagsimulang magkita ulit ni Wan?

07:52.000 --> 07:54.280
At bakit gano'n na lang ang tiwala sa 'yo
ni Wan para patirahin ka dito?

07:57.799 --> 07:59.799
Nito lang kami nagkausap ulit.

08:00.840 --> 08:02.479
Tungkol naman sa tiwala…

08:03.080 --> 08:05.000
naging magkaibigan kami,
alam n'yo po 'yon.

08:05.599 --> 08:07.799
Dahil lang nagkahiwalay kami
nang matagal na panahon…

08:08.719 --> 08:11.760
di naman ibig sabihin no'n,
magbabago na'ng nararamdaman namin.

08:13.840 --> 08:14.919
Mismo.

08:19.120 --> 08:20.719
Ang tagal mong nawala.

08:22.640 --> 08:23.640
Bakit ka bumalik?

08:26.679 --> 08:28.919
Hindi mo ba nakikita, no'ng wala ka,

08:29.440 --> 08:31.400
lalong gumanda ang buhay ni Wan?

08:36.480 --> 08:37.640
Kita ko nga po.

08:39.039 --> 08:40.799
Pero hindi naman lahat bumuti, di ba?

08:40.880 --> 08:42.079
At ano'ng hindi bumuti?

08:43.360 --> 08:44.560
Pamilya niya.

08:46.880 --> 08:48.120
Balita ko,

08:49.199 --> 08:51.240
magdi-divorce na si Wan at asawa niya.

08:51.319 --> 08:53.079
Humingi pa siya ng tulong sa 'kin.

08:54.480 --> 08:55.840
Tinulungan mo ba?

08:57.400 --> 08:58.439
Hindi po.

08:59.280 --> 09:01.720
-Labas ako do'n.
-Buti naman.

09:02.800 --> 09:05.640
Kung gano'n, mas mabuti
kung lalayo ka na kay Wan.

09:05.720 --> 09:10.400
Baka kung wala ka, magkaayos sila.

09:11.079 --> 09:12.800
Ano naman po'ng
kinalaman no'n sa 'kin, Tita Wi?

09:12.880 --> 09:14.160
May kinalaman lahat sa 'yo.

09:16.600 --> 09:19.839
Kasi pag kasama ka ni Wan,
wala na siyang ibang nakikita kundi ikaw.

09:20.680 --> 09:22.520
Sa nakalipas na sampung taon,

09:23.439 --> 09:26.120
nahirapan si Wan dahil sa 'yo.

09:26.199 --> 09:29.079
Pag iniwan mo ulit siya ngayon,

09:30.640 --> 09:32.720
hindi na magiging gano'n kasakit sa kanya
dahil nasaktan na siya.

09:46.360 --> 09:48.920
Lalabas po muna ako saglit.

09:50.160 --> 09:51.280
Excuse me lang.

10:24.880 --> 10:25.839
Pleng.

10:35.280 --> 10:36.760
Nagkita kayo ng mama ni Wan, di ba?

10:39.199 --> 10:41.040
Alam mo palang galing dito si Tita Wi?

10:44.280 --> 10:45.360
Sinundo ko siya.

10:46.120 --> 10:47.280
Para tulungan ako kay Wan.

10:48.560 --> 10:49.560
Kasi ayaw mo akong tulungan.

10:51.839 --> 10:53.280
Tingin mo, matutulungan ka ni Tita Wi?

10:54.199 --> 10:55.640
Nanay pa rin niya siya, kung tutuusin.

10:56.520 --> 10:57.800
Kahit paano, baka pakinggan siya ni Wan.

10:58.640 --> 11:00.120
Walang pinapakinggan si Wan.

11:00.800 --> 11:02.800
Ikaw ang dapat makinig sa kanya,

11:03.839 --> 11:05.160
ituloy mo 'yong divorce.

11:06.920 --> 11:09.319
Hindi. Hindi ko siya idi-divorce.

11:10.280 --> 11:12.000
Hindi ako papayag
na makasama ni Wan 'yong kabit niya.

11:12.920 --> 11:14.600
Pero hindi ka na mahal ni Wan.

11:16.040 --> 11:20.160
Kahit magkabalikan kayo,
pisikal na katawan lang niya ang babalik.

11:20.240 --> 11:25.040
Sa huli, babalik lang din sa dati
'yong relasyon mo kay Wan.

11:26.600 --> 11:29.280
-Kaya mo ba talaga 'yon?
-Kaya ko.

11:31.640 --> 11:36.480
Kahit na maging malungkot ako,
wala rin namang saysay, titiisin ko 'yon.

11:37.280 --> 11:38.560
Kasi mahal na mahal ko si Wan.

11:39.439 --> 11:40.680
Hindi pa ako handang mawala siya.

11:43.319 --> 11:45.400
Magkita na lang tayo sa hotel.

12:09.079 --> 12:10.199
Pleng!

12:19.079 --> 12:20.240
Pleng!

12:21.439 --> 12:22.640
Pleng!

12:23.880 --> 12:25.240
Nasaan ka, Pleng?

12:27.319 --> 12:28.439
Pleng!

12:33.760 --> 12:35.079
Ma, nasaan si Pleng?

12:36.599 --> 12:38.839
Pinatira mo ba siya dito kasama mo?

12:39.599 --> 12:41.319
Tinatanong kita, nasaan si Pleng?

12:41.400 --> 12:43.000
Hindi ko alam!

12:44.839 --> 12:47.240
Nakita ko lang siya saglit
pagdating ko dito.

12:47.319 --> 12:49.439
Nag-usap kami saglit,
tapos lumabas na siya.

12:50.120 --> 12:51.400
Paano ko malalaman
kung saan siya nagpunta?

12:52.000 --> 12:53.240
Ano'ng pinag-usapan n'yo?

12:54.360 --> 12:55.920
Tamang oras ba talaga 'to
para mag-alala tungkol sa ibang tao?

13:00.959 --> 13:02.280
Mag-focus ka munang ayusin
ang sarili mong buhay.

13:05.680 --> 13:07.599
Bakit mo sinabi kay Ek na may bago ka na?

13:09.880 --> 13:11.560
May bago ka na ba talaga?

13:11.640 --> 13:13.319
O pinapaniwala mo lang siya?

13:14.160 --> 13:15.640
Hindi n'yo na kailangang malaman 'yon.

13:16.240 --> 13:18.920
Nasabi ko na sa inyo dati.
Matanda na 'ko ngayon.

13:19.000 --> 13:22.240
Kung hindi naman kailangan,
lumayo na lang kayo sa buhay ko.

13:22.319 --> 13:23.839
Pero kailangan!

13:26.000 --> 13:27.680
Kung talagang may bago ka na,

13:27.760 --> 13:30.280
kung sino man 'yan,
kailangan mong makipaghiwalay sa kanya.

13:30.360 --> 13:31.280
Bumalik ka kay Ek.

13:31.880 --> 13:35.040
Hindi ka naman niya tinrato nang masama
no'ng magkasama kayo.

13:35.800 --> 13:38.719
Nagkamali siya, dapat mapatawad mo siya.

13:39.319 --> 13:43.959
'Yong isang pagkakamali lang, Ma,
kaya no'n sirain ang buhay ng isang tao.

13:45.199 --> 13:46.880
Parang ginawa n'yo sa 'kin.

13:46.959 --> 13:47.880
At kay Pleng.

13:50.120 --> 13:55.520
Kaya wala kayong karapatang sabihan ako
kung paano ko aayusin ang love life ko.

13:56.760 --> 13:58.719
Ako ang magdedesisyon no'n sa sarili ko.

14:00.400 --> 14:03.319
Uy! Wag kang tanga.

14:04.079 --> 14:06.480
Wala ka nang mahahanap na gaya ni Ek.

14:07.959 --> 14:09.240
Hindi ko kailangan ng perfect na tao.

14:09.319 --> 14:11.640
Kailangan ko ng taong mahal ako.

14:11.719 --> 14:13.240
At mahal ko rin.

14:14.240 --> 14:15.719
Nahanap ko na siya.

14:17.599 --> 14:19.079
Alam ko 'yon, matagal na.

15:02.280 --> 15:04.280
-Hello?
-Nasaan ka?

15:05.360 --> 15:07.199
Lumabas lang ako para maglakad.

15:08.079 --> 15:10.240
Saan? Pupuntahan na ba kita?

15:10.319 --> 15:11.920
Hindi, wag kang mag-alala.

15:12.000 --> 15:13.400
Babalik ka pa rin naman ulit sa trabaho.

15:13.479 --> 15:14.839
Sayang lang oras mo.

15:15.360 --> 15:16.719
Okay, hindi na ako pupunta.

15:17.280 --> 15:20.839
Pero, Pleng…
Nakausap mo na si Mama, di ba?

15:21.479 --> 15:22.920
Wala 'yon, talaga.

15:23.000 --> 15:24.199
Wag kang mag-alala.

15:24.280 --> 15:25.400
Siyempre, nag-aalala ako.

15:26.680 --> 15:29.120
Nag-aalala ako,
baka matakot ka na naman niya.

15:31.680 --> 15:34.240
Hindi. Nangako na ako sa 'yo, di ba?

15:34.319 --> 15:35.520
Hindi ako aalis.

15:36.240 --> 15:38.839
Kung aalis man ako,
sasabihin ko sa 'yo nang diretso.

15:38.920 --> 15:40.520
Pleng…

15:41.599 --> 15:42.640
Binibiro lang kita.

15:43.400 --> 15:46.439
Bumalik ka na sa trabaho.
Wag ka nang mag-alala, okay?

15:47.199 --> 15:49.040
Kailangan ko lang ng konting oras mag-isa.

15:50.079 --> 15:51.000
Text kita mamaya.

16:11.160 --> 16:13.160
-Sorry, bro.
-Tumingin ka sa dinadaanan mo, pare!

16:13.240 --> 16:16.240
Tama na. Ano sa tingin mo'ng ginagawa mo?

16:16.800 --> 16:18.400
Lasing 'yong kaibigan mo,

16:19.040 --> 16:20.920
-siya 'yong nanggulo.
-Teka, saglit!

16:23.680 --> 16:25.439
Pasensya ka na sa kaibigan ko.

16:26.959 --> 16:28.319
Pero please,
wag kang makipag-away sa kanya.

16:28.959 --> 16:30.319
Kilala mo ba kung sino siya?
Siya 'yong may-ari ng lugar na 'to.

16:31.240 --> 16:33.120
Pag may nangyari,
baka lalo pang magkagulo.

16:34.199 --> 16:35.359
Sige, aalis na kami!

16:39.959 --> 16:42.240
Halika. Umupo ka dito!

16:59.400 --> 17:00.959
Grabe itsura mo, pare.

17:03.839 --> 17:05.560
Hindi pa nga nagsisimula ang palabas.

17:07.560 --> 17:08.879
Halika, inom muna tayo.

17:10.159 --> 17:11.440
Ikaw rin, pare.

17:11.960 --> 17:13.680
Mukhang naparami ka na ng inom.

17:16.839 --> 17:18.760
Di niyan maaayos 'yong problema.

17:20.280 --> 17:21.919
Di ko na kasi alam
kung ano pa'ng dapat kong gawin.

17:24.680 --> 17:25.919
Tama ka diyan.

17:27.399 --> 17:29.320
Kahit mama ni Wan, di ako matulungan.

17:29.919 --> 17:31.639
Siguro, sagad na talaga.

17:33.159 --> 17:34.440
Pag pumayag ako na tulungan ka,

17:35.840 --> 17:37.360
titigil ka na ba sa kakaganyan?

17:40.600 --> 17:43.960
Pleng… ano'ng sabi mo?

17:44.919 --> 17:47.040
Tutulungan kitang makausap si Wan.

17:48.919 --> 17:50.399
Pero wag mo nang sirain
ang sarili mo nang ganito.

17:51.440 --> 17:54.200
Pleng… seryoso ka ba?

17:56.280 --> 17:57.480
Di mo naman ako niloloko, 'no?

18:01.520 --> 18:04.520
Pero tutulong lang ako
para makapag-usap ulit kayong dalawa.

18:05.120 --> 18:07.120
Pagkatapos nito, nasa 'yo na 'yon.

18:08.800 --> 18:10.200
Saka depende rin sa…

18:10.280 --> 18:11.840
Depende rin sa desisyon ni Wan.

18:14.000 --> 18:16.240
Pero dapat igalang mo'ng
desisyon niya kahit ano pa 'yon.

18:18.200 --> 18:21.280
Kahit ano pa'ng mangyari,
kailangan mong tanggapin.

18:23.600 --> 18:24.760
Tutulungan din kita.

18:26.720 --> 18:28.679
Minsan, di sapat pag sinabi lang.

18:30.480 --> 18:32.320
Kailangan mo sigurong
gumawa ng sobra kaysa do'n.

18:33.960 --> 18:37.240
Para malaman ni Wan
na mahal mo talaga siya,

18:38.399 --> 18:39.639
at gusto mong bumalik siya.

19:13.440 --> 19:14.480
Wan.

19:17.639 --> 19:20.480
Wan.

19:29.159 --> 19:30.520
Kahapon, iniisip mo si Ek.

19:31.120 --> 19:33.120
Ngayon naman,
alam ko, iniisip mo'ng mama ko.

19:33.720 --> 19:35.520
Kung lagi mong iisipin ang ibang tao,

19:37.399 --> 19:38.760
di na siguro tayo dapat magsama.

19:42.320 --> 19:43.520
Sandali, Wan!

19:47.560 --> 19:49.399
Hindi ko iniisip 'yong ibang tao.

19:51.240 --> 19:52.520
Ano lang…

19:52.600 --> 19:56.760
Iniisip ko lang kung kailan
kita mailalabas para mag-dinner.

19:59.320 --> 20:00.120
Ano?

20:03.600 --> 20:05.800
Nakuha ko na 'yong unang suweldo ko.

20:07.000 --> 20:09.800
Kaya gusto kitang ilabas
sa magandang lugar.

20:12.520 --> 20:14.720
Kung yayayain mo akong mag-dinner,

20:16.040 --> 20:17.520
puwede mong gawing mas exciting.

20:19.919 --> 20:21.159
E, ano pa ba'ng dapat kong gawin?

20:23.600 --> 20:25.240
Bakit hindi mo pag-isipan?

20:27.080 --> 20:31.280
Kung ano kaya ang gusto kong gawin mo?

20:58.240 --> 21:00.040
'Yon na 'yon?

21:00.840 --> 21:02.440
Marami na 'yan.

21:03.200 --> 21:05.040
Wag ka nang humingi nang sobra.

21:09.480 --> 21:10.320
Sige.

21:11.159 --> 21:12.240
Ayos na 'to.

21:13.639 --> 21:15.120
Mas okay kaysa wala.

22:06.080 --> 22:08.760
Teka. Puwede ka bang maghintay
dito sandali?

22:09.639 --> 22:11.560
-Babalik agad ako.
-Saan ka pupunta?

22:11.639 --> 22:13.480
Basta maghintay ka lang, babalik agad ako.

23:22.760 --> 23:23.960
Sorry, Wan.

23:25.399 --> 23:26.480
Bumalik ka na sa 'kin, please.

23:32.080 --> 23:33.240
Sinabi ko na sa 'yo, di ba?

23:33.320 --> 23:34.439
Idi-divorce na kita
kahit na ano pa'ng mangyari.

23:35.040 --> 23:36.480
Pero ayoko ng divorce.

23:37.120 --> 23:39.120
E di, maghanda ka na sa court papers.

23:40.040 --> 23:42.080
Kung gusto mong gawing big deal 'to.

23:43.800 --> 23:45.000
Isipin mo, tapos na.

23:53.960 --> 23:55.560
Bigyan mo ng isa pang
pagkakataon si Ek, please.

23:59.600 --> 24:00.919
Mahal ka talaga ni Ek.

24:02.360 --> 24:04.639
Hindi mo buhay 'to. Wag kang mangialam.

24:06.639 --> 24:07.720
Pero kaibigan ko si Ek.

24:08.399 --> 24:09.679
Kailangan ko siyang tulungan.

24:10.360 --> 24:12.120
Parang si Pleng, tinutulungan ka.

24:15.840 --> 24:17.679
Hindi ginawa ni Pleng 'to nang kusa.

24:18.280 --> 24:19.760
Pinipilit niya lang ang sarili niya.

24:21.120 --> 24:21.960
Alam ko 'yon.

24:22.919 --> 24:25.560
Wan, please, wag mo 'kong iwan.

24:25.639 --> 24:26.960
Di ko kayang mabuhay nang wala ka.

24:28.800 --> 24:30.120
Di kayang mabuhay?

24:30.200 --> 24:32.480
Ano? Mamamatay ka ba?

24:32.560 --> 24:34.560
Oo, mamamatay ako.

24:38.879 --> 24:40.040
E di, sige.

24:41.000 --> 24:42.520
Gusto 'kong makita.

24:42.600 --> 24:43.800
Tingnan natin kung talagang mamamatay ka.

24:45.520 --> 24:46.760
Dahil sa kanya 'yon, di ba?

24:47.720 --> 24:48.720
'Yong bago mo, Wan.

24:48.800 --> 24:51.159
Kaya ayaw mo na 'kong bigyan
ng isa pang pagkakataon.

24:53.360 --> 24:54.520
Sino 'yon, Wan?

24:54.600 --> 24:55.960
Sino'ng taong 'yon?

24:57.639 --> 25:01.800
Siya 'yong dahilan
kung bakit ako nagdesisyong pakasalan ka.

25:06.080 --> 25:08.960
Pinakasalan kita
para tuparin 'yong pangako ko sa kanya.

25:09.720 --> 25:14.000
Kung wala na siya sa buhay ko,
ikaw lang ang makakasama ko.

25:15.600 --> 25:19.199
Kahit hindi kita minahal.

25:21.520 --> 25:24.679
Maiiwan ka ba dito sa kakakilala mo lang

25:24.760 --> 25:26.120
o uuwi ka kasama ko, Pleng?

26:04.080 --> 26:07.520
Tingin mo ba, dapat pa tayong mag-usap?

26:09.480 --> 26:10.760
Parang hindi na.

26:13.240 --> 26:15.159
Pero buti sinabi mo.

26:16.760 --> 26:18.240
Gusto ko talagang malaman

26:18.960 --> 26:20.760
kung kailan ka titigil umarte nang ganyan?

26:22.800 --> 26:24.560
Hindi ko sinasadya, Wan.

26:24.639 --> 26:26.679
-Gusto ko lang…
-Hindi 'yon.

26:27.360 --> 26:29.840
Di 'yong pagtulong mo kay Ek
ang tinutukoy ko.

26:30.480 --> 26:31.919
Ang ibig kong sabihin,

26:32.679 --> 26:35.879
kailan ka titigil
gumawa ng mga bagay na ayaw mo?

26:37.399 --> 26:40.080
Sabi ko sa 'yo, unahin mo naman
'yong sarili mong kaligayahan.

26:40.159 --> 26:41.600
Bakit di ka nakikinig sa 'kin?

26:43.520 --> 26:45.120
Pero may ibang bagay…

26:45.199 --> 26:46.879
Mahirap isipin
'yong sarili mo lang, di ba?

26:47.480 --> 26:48.760
Ano'ng gusto mong gawin ko?

26:50.000 --> 26:51.040
Sinabi ko kay Ek na gusto ko ng divorce.

26:51.120 --> 26:53.600
Ilang daang beses ko nang sinabi kay Ek.

26:53.679 --> 26:54.960
Pero ayaw pumayag ni Ek.

26:56.840 --> 26:59.480
Ibig bang sabihin, dapat magtiis ako
kasama si Ek buong buhay ko?

27:00.439 --> 27:04.159
Hindi, hindi 'yon ang sinasabi ko.
Ayokong gawin mo 'yon.

27:05.439 --> 27:07.360
Pero puwede mo naman siyang
kausapin nang kalmado, di ba?

27:07.439 --> 27:10.000
'Yong sinabi mo kay Ek
tungkol sa pagkamatay,

27:11.480 --> 27:12.760
parang sobra naman 'yon.

27:12.840 --> 27:14.360
Kasi alam ko…

27:15.360 --> 27:18.080
lagi akong mabait pag kausap si Ek.

27:18.679 --> 27:22.639
Pero pag nagiging mabait ako,
mas lalong umaasa si Ek.

27:23.520 --> 27:25.679
Mas lalo lang siyang nasasaktan.

27:27.439 --> 27:31.520
Minsan, mas okay
kung mas masakit pero mabilis.

27:32.960 --> 27:33.960
Pero sa tingin ko…

27:34.040 --> 27:35.879
Tama na, Pleng.

27:38.120 --> 27:39.439
Wag ka nang makisali dito.

27:41.520 --> 27:45.000
Seryoso, hindi mo naman 'to problema.

27:48.159 --> 27:49.280
Okay.

27:51.360 --> 27:52.679
Naiintindihan ko.

27:53.439 --> 27:54.840
Sorry.

27:56.760 --> 27:58.919
Simula ngayon,
di na 'ko mangingialam sa buhay mo.

28:01.639 --> 28:03.240
Wag mo nga akong asarin.

28:03.320 --> 28:04.560
Di ako nang-aasar.

28:09.960 --> 28:13.159
Sa ganitong sitwasyon,
ano sa tingin mo'ng puwede kong gawin?

28:13.800 --> 28:15.240
Sabihin mo sa 'kin, please.

28:22.280 --> 28:23.560
Ikaw…

28:23.639 --> 28:24.679
Wan…

28:25.879 --> 28:28.360
Wan… Tama na.

28:28.879 --> 28:30.120
Ayoko nang gawin 'to.

28:30.199 --> 28:31.280
Pero gusto ko.

28:38.560 --> 28:39.520
Wan…

28:40.720 --> 28:41.760
Hindi ko na kaya 'to.

28:41.840 --> 28:43.840
Kaya natin 'to.

28:43.919 --> 28:45.320
Kailangan mo lang bumitaw.

28:45.399 --> 28:47.080
Bitawan ang ano?

28:47.879 --> 28:50.280
Alam mong mali ang ginagawa natin.

28:51.240 --> 28:53.040
Pag tinuloy pa natin,

28:54.000 --> 28:55.520
wala nang balikan, Wan.

28:55.600 --> 28:57.600
Kung wala nang balikan,
ituloy na lang natin.

28:57.679 --> 28:59.639
Simula no'ng bumalik ako, nakita kita,

29:00.240 --> 29:02.080
nagdesisyon na 'kong di na 'ko babalik.

29:31.159 --> 29:33.399
Teka, Wan… Di ko kayang gawin 'to.

29:34.480 --> 29:35.760
Ayokong maging…

29:36.879 --> 29:38.399
E di, wag ka nang kumilos.

29:39.159 --> 29:40.320
Ako na'ng bahala.

29:40.879 --> 29:43.120
Wan, wag ka ngang makasarili.

29:43.199 --> 29:44.760
Alam mo'ng ibig kong sabihin.

29:44.840 --> 29:46.720
Naaalala mo ba'ng pangako mo sa 'kin?

29:47.320 --> 29:50.760
Sabi mo,
pag naka-graduate ako bilang doktor,

29:51.760 --> 29:53.520
kahit ano'ng hilingin ko,
ibibigay mo sa 'kin.

29:53.600 --> 29:55.080
Bakit mo inuungkat 'yan ngayon?

29:55.840 --> 29:59.560
Kasi alam ko na ngayon
kung ano'ng gusto ko.

30:00.439 --> 30:01.480
Ano'ng gusto mo?

30:02.520 --> 30:04.159
Gusto kita.

30:09.760 --> 30:12.360
Wan…

30:17.959 --> 30:19.280
Hindi, Wan, di tayo puwede.

30:22.040 --> 30:23.360
Magkaibigan tayo, Wan.

30:24.000 --> 30:28.199
Sa lahat ng 'to…
sobra na'ng ginagawa natin.

30:31.080 --> 30:32.080
Tama na 'yon.

30:34.560 --> 30:35.520
Naiintindihan ko na ngayon.

30:36.280 --> 30:38.600
'Yong paghabol sa taong laging umaalis,

30:39.399 --> 30:41.199
nakakapagod din.

31:35.679 --> 31:36.760
Gusto ko ring uminom ngayon.

31:39.159 --> 31:40.199
Sige.

31:42.040 --> 31:43.199
Isang baso nga, please.

31:56.040 --> 31:57.240
Sorry.

31:58.320 --> 31:59.560
Hindi kita natulungan.

32:00.399 --> 32:01.240
Ayos lang.

32:02.120 --> 32:03.320
Nga pala,

32:03.399 --> 32:04.959
bakit ka nag-order ng drinks?

32:06.120 --> 32:07.360
May pinoproblema ka ba?

32:09.760 --> 32:11.080
Nag-away ba kayo ni Wan o ibang bagay?

32:16.600 --> 32:18.520
Mukhang kailangan kong
humanap ng bagong matitirhan.

32:23.080 --> 32:24.240
Hindi puwede.

32:25.480 --> 32:27.520
Hindi hahayaan ni Wan na umalis ka.

32:28.199 --> 32:30.159
Ang tagal kang hinanap ni Wan.

32:36.480 --> 32:37.639
Mahal ka talaga ni Wan.

32:39.280 --> 32:40.560
Mahal na mahal ka niya.

32:42.120 --> 32:43.760
Minsan napapaisip din ako…

32:45.439 --> 32:46.919
kung 'yong laging sinasabi ni Wan

32:48.080 --> 32:49.120
ay ikaw, Pleng.

32:55.120 --> 32:56.120
Wag ka ngang magpatawa.

32:56.760 --> 32:58.320
Magkaibigan lang kami ni Wan.

33:01.959 --> 33:03.760
Kahit ano pa 'yan, nagseselos pa rin ako.

33:05.520 --> 33:07.199
Kahit matagal kang nawala,

33:08.080 --> 33:09.560
no'ng bumalik ka,

33:11.159 --> 33:13.240
binigyan ka pa rin ni Wan
ng pagkakataon na makasama siya ulit.

33:15.080 --> 33:16.520
Pero pagdating sa 'kin,

33:17.959 --> 33:19.560
nakagawa ako ng isang mali,

33:21.199 --> 33:22.959
di man lang ako
binigyan ni Wan ng pagkakataon.

33:24.600 --> 33:27.480
Parang wala talaga akong kuwenta
sa paningin ni Wan.

33:33.040 --> 33:34.360
Wag mong sisihin ang sarili mo.

33:38.840 --> 33:40.399
Wala kang ginawang masama, Ek.

33:46.080 --> 33:47.959
E, bakit mahal na mahal ka ni Wan?

33:51.560 --> 33:55.919
Bakit mahal pa rin ni Wan
'yong nanakit sa kanya ng 13 years?

33:58.480 --> 33:59.719
Alam mo ba?

34:01.040 --> 34:02.520
Simula no'ng umalis ka,

34:03.879 --> 34:05.159
walang araw

34:05.959 --> 34:07.159
na ngumiti si Wan,

34:07.840 --> 34:08.960
o tumawa.

34:10.000 --> 34:11.159
Malungkot lang talaga si Wan,

34:13.279 --> 34:15.040
sinisisi ang sarili niya,

34:16.159 --> 34:17.880
iniisip niya, kasalanan niya

34:20.279 --> 34:21.639
na kailangan mong maghirap mag-isa.

34:26.560 --> 34:28.279
Nasaan si Pleng?

34:42.080 --> 34:45.319
Kahit gano'n,
iniisip ka pa rin lagi ni Wan.

34:47.040 --> 34:48.239
Wan…

34:50.000 --> 34:52.239
Miss ko na si Pleng.

34:52.759 --> 34:56.679
-Miss ko na si Pleng.
-Tutulungan kitang hanapin siya.

34:56.759 --> 35:00.600
Ginagawa pa rin niya lahat
ng ipinangako niyang gawin para sa 'yo.

35:13.600 --> 35:15.319
Nagpupunta kung saan-saan.

35:15.400 --> 35:17.360
Nagpupunta sa mga lugar
kung saan iniisip niyang baka nando'n ka,

35:17.440 --> 35:18.799
baka makita ka niya.

35:34.880 --> 35:39.400
Araw-araw,
nagigising si Wan bigla ng 4 a.m.,

35:39.480 --> 35:41.600
kasi 'yon ang oras na iniwan mo siya.

35:42.720 --> 35:45.360
Hindi pa rin siya makawala do'n,
parang naging trauma.

35:46.240 --> 35:48.160
Bakit siya nagigising
ng mga gano'ng oras, paulit ulit?

35:49.640 --> 35:52.520
Pleng,
parte ka ng lahat ng feelings ni Wan,

35:53.120 --> 35:55.160
hindi ka nawala kahit saglit.

36:02.839 --> 36:04.279
A, aalis na 'ko.

36:05.319 --> 36:06.319
Pupuntahan mo ba si Wan?

36:08.200 --> 36:09.440
Oo, pupuntahan ko siya ngayon.

36:10.080 --> 36:11.279
Di naman kailangang masyadong magmadali.

36:13.120 --> 36:14.440
Ayoko nang maghintay.

36:15.080 --> 36:17.160
Ayoko nang mahirapan si Wan dahil sa 'kin.

36:17.240 --> 36:18.240
Aalis na 'ko.

36:45.279 --> 36:48.440
Sabi ko sa 'yo,
Guy, kailangan kong magpahinga.

36:48.520 --> 36:50.040
Wag mo muna akong tawagin.

36:50.120 --> 36:53.520
Kung papasok ka, dapat kumatok ka muna.

37:00.600 --> 37:01.920
Hindi 'to bahay,

37:03.040 --> 37:04.880
na kahit sino, puwedeng pumasok, di ba?

37:04.960 --> 37:06.120
Hindi na kailangang kumatok.

37:06.680 --> 37:10.160
Kung gusto mo ng privacy,
umuwi ka, matulog ka kasama ko.

37:17.279 --> 37:19.560
Sino'ng nagsabing
puwedeng pumasok kahit sino?

37:19.640 --> 37:21.680
Para sa mga doktor lang 'yong room na 'to.

37:22.200 --> 37:23.759
Sino'ng nagsabing puwede kang pumasok?

37:25.560 --> 37:28.640
Wala. Pumasok ako nang palihim.

37:30.400 --> 37:31.480
Grabe ka naman.

37:31.560 --> 37:33.480
E, dapat sarili mo'ng sisihin mo.

37:34.080 --> 37:36.640
Kasi no'ng nakaraan…
kaya ako pumasok dito,

37:37.839 --> 37:39.880
pinasok mo 'ko nang palihim dito.

37:44.440 --> 37:46.120
Umuwi na tayo, Wan.

37:46.640 --> 37:48.799
Iniwan mo na 'kong mag-isa matulog kagabi.

37:50.759 --> 37:52.200
Di ba okay 'yon?

37:52.279 --> 37:53.920
Pero may naisip ka pa bang iba?

37:56.200 --> 37:59.160
Hindi, wala.
Isang bagay lang ang iniisip ko.

38:00.600 --> 38:01.720
Ikaw lang ang iniisip ko.

38:15.400 --> 38:17.440
Nandito ako para bumawi sa 'yo.

38:17.520 --> 38:19.040
Umuwi na tayo, Wan.

38:21.279 --> 38:22.720
Nakikipag-ayos ka sa 'kin

38:22.799 --> 38:24.799
kasi natatakot kang palayasin kita, di ba?

38:26.839 --> 38:28.040
Hindi, hindi 'yon.

38:34.200 --> 38:35.200
Kasi mahal kita.

38:38.799 --> 38:40.080
Saka…

38:43.960 --> 38:46.720
gusto kong tuparin
'yong pangako ko sa 'yo.

38:52.600 --> 38:54.200
Kung gusto mo 'ko,

38:59.759 --> 39:01.200
ibibigay ko'ng sarili ko sa 'yo.

39:25.400 --> 39:26.720
Uminom ka ba ng wine?

39:28.279 --> 39:29.240
Oo.

39:29.799 --> 39:32.040
Ayaw mo? Puwede akong mag-gargle.

39:32.720 --> 39:34.040
Hindi na.

39:35.080 --> 39:36.240
Gusto ko 'yan.

39:37.759 --> 39:39.120
Ang sexy.

40:13.520 --> 40:14.720
Wan…

40:18.480 --> 40:20.040
Lakasan mo pa.

40:21.080 --> 40:22.359
Para alam ko

40:23.279 --> 40:25.359
kung gaano mo talaga 'to kagusto.

40:51.560 --> 40:53.359
-Hindi mo na kaya?
-Hindi ko na kaya.

41:17.920 --> 41:19.040
Nagustuhan mo ba?

41:22.359 --> 41:23.480
Siyempre naman.

41:25.759 --> 41:26.880
Pero…

41:27.880 --> 41:30.279
Feeling ko, hindi pa rin talaga tama.

41:31.920 --> 41:33.040
Bakit naman?

41:34.759 --> 41:35.839
Kasi…

41:39.040 --> 41:40.920
binigay ko na'ng sarili ko sa 'yo.

41:44.839 --> 41:46.759
Kaya dapat maging akin ka rin.

43:41.080 --> 43:42.359
Alam ko na ngayon

43:43.400 --> 43:45.319
kung bakit lagi kang nagigising ng 4 a.m.

43:46.160 --> 43:47.440
Paano mo nalaman?

43:48.359 --> 43:50.759
Di na importante kung paano ko nalaman.

43:52.000 --> 43:54.520
Basta alam mo, nagsisisi talaga ako

43:56.319 --> 43:58.520
kasi sa 'kin ka nagkaroon ng trauma.

44:01.120 --> 44:02.520
Simula ngayon,

44:03.799 --> 44:05.319
puwede mo ba 'tong gawing bagong memories?

44:06.560 --> 44:08.240
Tuwing 4 a.m.,

44:09.319 --> 44:10.960
di na 'to 'yong oras na iniwan kita.

44:13.359 --> 44:15.240
Kundi 'yong oras

44:17.240 --> 44:19.680
na naging tayo.

44:22.400 --> 44:24.040
Hindi ko kaya 'yon.

44:25.839 --> 44:28.319
Kasi tapos na 'yon bago mag-4 a.m.

44:29.879 --> 44:32.480
Kung gusto mo talagang baguhin
'yong memories na 'yon,

44:33.160 --> 44:35.000
dapat magsimula tayo ulit.

44:36.040 --> 44:37.240
Ngayon.

45:20.560 --> 45:24.080
-May dahilan ba kaya ka nandito?
-Wala.

45:24.879 --> 45:28.520
Naglalakad-lakad lang ako,
kaya naisip kong dumaan para makita ka.

45:29.799 --> 45:32.400
Talaga? Hindi ba dahil

45:32.480 --> 45:34.920
sobrang miss mo 'ko, hindi mo na matiis?

45:37.720 --> 45:38.839
Miss na kita.

45:41.520 --> 45:42.920
Miss mo na 'ko?

45:43.000 --> 45:47.040
O na-miss mo lang 'yong ginawa natin?

45:54.560 --> 45:55.600
Friend ni Doctor Wan.

45:57.040 --> 45:59.040
Hello, nagkita ulit tayo.

46:00.000 --> 46:01.640
-Pleng.
-Guy.

46:02.600 --> 46:04.279
Wag ka ngang mangialam, Guy.

46:04.359 --> 46:05.640
Mangialam?

46:05.720 --> 46:07.839
Gusto ko lang makilala 'yong friend mo.

46:07.920 --> 46:10.480
No'ng nagkita kami,
di man lang kami nag-usap.

46:11.120 --> 46:12.879
Intindihin mo 'to.

46:12.960 --> 46:15.000
Dati, magkaibigan kami.

46:15.080 --> 46:17.759
Pero ngayon, hindi na.

46:19.080 --> 46:20.920
E, ano naman?

46:21.640 --> 46:22.680
Ito si Pleng.

46:22.759 --> 46:24.920
-Girlfriend ko.
-Wan!

46:32.279 --> 46:33.759
Naintindihan ko na.

46:33.839 --> 46:35.759
-Kaya pala sa doctor's lounge…
-Excuse me.

46:35.839 --> 46:37.359
-No'ng araw na 'yon…
-Aalis na kami ni Wan.

46:53.279 --> 46:55.120
Tara dito ngayon.

46:57.520 --> 46:59.120
Bakit mo nasabi 'yon?

47:00.040 --> 47:02.080
Hindi pa nga kayo divorced ni Ek.

47:02.160 --> 47:04.040
Bakit mo sinasabi sa iba na couple tayo?

47:04.960 --> 47:06.720
E, ano'ng dapat kong sabihin?

47:06.799 --> 47:09.120
Di naman ginagawa ng magkaibigan
'yong ganito.

47:09.200 --> 47:10.720
Ikaw na rin 'yong nagsabi.

47:13.400 --> 47:15.520
-Pero…
-Wag mo nang intindihin 'yon.

47:16.520 --> 47:18.720
Ang tagal kong hinintay 'tong araw na 'to.

47:19.319 --> 47:21.839
Mahal kita lagi, Pleng.

47:21.920 --> 47:25.480
'Yong pagmamahal na di lang
basta pagmamahalan ng magkaibigan.

47:26.440 --> 47:30.359
Alam ko, parehas tayo ng nararamdaman.

47:30.960 --> 47:33.720
Takot ka lang aminin ang totoo.

47:34.440 --> 47:36.120
Ayoko ring i-pressure ka.

47:36.920 --> 47:39.240
Sa totoo lang,
kung mas matapang tayo no'n,

47:39.319 --> 47:41.359
matagal na sana tayo.

47:41.440 --> 47:43.200
Di na sana tayo naghintay
ng ganito katagal.

47:43.920 --> 47:45.720
Siguro, oras na.

47:47.640 --> 47:49.720
Oras na
para harapin natin ang katotohanan,

47:50.440 --> 47:53.040
linawin na natin sa wakas.

47:53.120 --> 47:54.799
Saka, pag magkasama tayo,

47:58.279 --> 48:02.160
-pag magkasama tayo sa kama…
-Wan!

48:02.920 --> 48:05.440
Wag mo na 'kong tawagin sa pangalan ko.

48:05.520 --> 48:07.560
Puwede mo 'kong tawaging "darling".

48:07.640 --> 48:09.040
Baliw ka ba?

48:09.120 --> 48:10.520
Nasa public place tayo.

48:11.319 --> 48:14.040
"Darling."

48:14.120 --> 48:17.759
Pero cute, ha. "Darling."

50:00.560 --> 50:01.440
Kumusta ka?

50:01.520 --> 50:02.440
Ilang araw na kitang di nakikita.

50:03.120 --> 50:04.440
Hindi papasok si Ek ngayon.

50:05.200 --> 50:06.000
Alam ko.

50:07.440 --> 50:08.879
Siguro nagpapalipas siya ng oras
para mag-heal.

50:10.279 --> 50:11.680
Pero di ako nandito para kay Ek.

50:11.759 --> 50:12.879
Nandito ako para makita ka.

50:15.240 --> 50:16.600
Ikaw ba mismo'ng sumulat ng kanta?

50:18.799 --> 50:19.879
Gusto ko talaga.

50:20.640 --> 50:21.960
Puwede ko bang bilhin sa 'yo?

50:23.560 --> 50:27.600
Iniisip ko, ire-rearrange ko,
ako 'yong magmi-mix at mastering.

50:28.279 --> 50:29.839
Pagkatapos, perfect na 'yon.

50:29.920 --> 50:32.480
Sorry, hindi ko 'yon binebenta.

50:33.520 --> 50:34.480
Sinulat ko 'yon para sa partner ko.

50:40.120 --> 50:41.399
Hindi importante 'yon.

50:46.520 --> 50:49.319
Kung sinulat mo
para sa partner mo o para sa iba,

50:50.120 --> 50:51.080
wala 'kong pakialam.

50:51.680 --> 50:54.960
Ang importante, may value 'yong kanta
puwede pang mapaganda.

50:56.040 --> 50:57.160
Iniisip ko lang,

50:57.240 --> 50:59.480
sayang kung itatago mo lang
sa inyo ng partner mo.

51:00.120 --> 51:01.720
May makukuha ka dito.

51:02.319 --> 51:05.120
Uy, tinatanong kita nang seryoso.

51:05.200 --> 51:07.279
Kaya mo ba 'ko nilalapitan,

51:08.879 --> 51:10.080
kasi inutusan ka ni Ek?

51:11.040 --> 51:12.399
Oo, inutusan ako ni Ek.

51:13.560 --> 51:17.359
Pero kung di ako interesado sa 'yo,
di ako nakatayo dito ngayon.

51:20.040 --> 51:22.520
Interesado ako sa 'yo bilang producer,

51:22.600 --> 51:24.160
at isang lalaki.

51:25.160 --> 51:27.600
Pero kung may partner ka na, ayos lang.

51:29.160 --> 51:30.720
Gusto ko pa ring makatrabaho ka
kahit gano'n.

51:31.680 --> 51:33.080
Sigurado ka ba?

51:33.160 --> 51:34.359
Na kaya mong paghiwalayin lahat ng bagay?

51:36.279 --> 51:40.480
Kung obsessed ako sa mga babae,
inuuna ko sila kaysa trabaho…

51:41.160 --> 51:43.240
baka may girlfriend na ako
sa bawat sulok ng city.

51:44.920 --> 51:46.399
Kailan ka titigil sa paglalakas-loob mo?

51:47.799 --> 51:49.680
Sabihin nating bandang 2 a.m., okay 'yon.

51:51.399 --> 51:54.279
-Mr. Earth.
-Sige, Ms. Pleng.

51:55.759 --> 51:56.720
Ganito kasi…

51:57.319 --> 51:59.319
Tingin ko, dapat mong pag-isipan 'to.

52:00.359 --> 52:02.440
Ano'ng dahilan
kung bakit ka nagpe-play ng music?

52:05.240 --> 52:06.720
Kung pangarap mo 'to,

52:07.600 --> 52:09.560
siguro panahon na
para sundin 'yong pangarap na 'yon.

52:11.600 --> 52:13.720
Ako na'ng bahalang magdala sa 'yo do'n.

52:22.359 --> 52:24.399
Sabihin mo'ng gusto mong sabihin.

52:27.600 --> 52:33.120
Kung kukuha pa 'ko ng isang trabaho,
ayos lang ba sa 'yo?

52:34.640 --> 52:35.720
Anong klaseng trabaho?

52:37.879 --> 52:39.120
Gagawa kami ng music ni Earth.

52:43.920 --> 52:45.080
Wan…

52:49.759 --> 52:52.759
Alam kong ayaw mong gawin ko 'to.

52:53.480 --> 52:55.120
Siyempre, hindi.

52:55.200 --> 52:57.720
Masasabi ko,
may gusto sa 'yo 'yong lalaking 'yon.

52:57.799 --> 53:00.600
Di ka niya kukulitin nang ganyan
kung hindi.

53:01.200 --> 53:02.799
Pero ayoko sa kanya.

53:04.560 --> 53:06.240
Gusto ko lang talagang magtrabaho.

53:08.359 --> 53:11.600
Sige, gawin mo lahat ng gusto mo.

53:13.240 --> 53:16.440
Kung 'yan ang gusto mo, di kita pipigilan.

53:19.279 --> 53:22.279
Saka, magkarelasyon na naman tayo.

53:23.080 --> 53:25.600
Ayokong makipag-away sa 'yo lagi.

53:25.680 --> 53:26.520
Toxic 'yon.

53:27.839 --> 53:29.160
Salamat.

53:29.240 --> 53:32.200
Pero… dapat may kondisyon.

53:34.319 --> 53:36.359
Dapat mag-honeymoon muna tayo.

53:37.080 --> 53:38.200
Mag-honeymoon?

53:39.759 --> 53:43.520
Oo. Kung magkarelasyon na tayo,
dapat mag-honeymoon tayo.

53:43.600 --> 53:45.040
Do'n na talaga magiging official.

53:46.920 --> 53:48.680
Naaalala mo ba 'yong beach

53:49.720 --> 53:51.960
kung saan tayo dinala ng papa mo
no'ng mga bata pa tayo?

53:54.000 --> 53:55.080
Siyempre, naaalala ko.

53:56.480 --> 53:57.879
Gusto kong magpunta do'n.

53:58.759 --> 54:02.480
Pagkatapos ng birthday ko,
pag may oras na para magpahinga,

54:03.640 --> 54:04.759
magpunta tayong dalawa.

54:13.839 --> 54:15.000
May problema ba?

54:19.480 --> 54:20.879
Nami-miss ko'ng mama at papa ko.

54:25.319 --> 54:27.759
Paano ko papasayahin 'yong darling ko?

54:30.200 --> 54:32.200
Nagpapaka-sweet ka ba ngayon, Wan?

54:33.640 --> 54:34.879
Ayaw mo ba?

54:35.839 --> 54:38.680
Gusto. Pero di lang ako sanay.

54:42.040 --> 54:45.520
Kung gano'n, gawin na lang natin
'yong nakasanayan.

55:34.440 --> 55:35.480
Ang bango.

55:37.520 --> 55:38.960
Halika dito, papakainin kita.

55:57.359 --> 56:00.160
Naaalala mo ba kung anong araw ngayon?

56:04.520 --> 56:05.640
Ngayon?

56:08.080 --> 56:09.120
Friday na.

56:10.520 --> 56:13.640
-Ano pa?
-Ano pa ba ngayon?

56:18.120 --> 56:19.120
Huling Friday na ba ng buwan?

56:21.240 --> 56:24.200
A, o Friday the 13th ba?

56:26.279 --> 56:27.560
Hindi na kita kakausapin.

56:28.160 --> 56:29.799
Teka, sandali lang.

56:29.879 --> 56:31.799
Sabihin mo muna sa 'kin
kung anong araw ngayon!

56:32.759 --> 56:35.480
Kung di mo maalala, di bale na lang.

56:44.200 --> 56:45.879
Paanong hindi ko maaalala?

56:47.279 --> 56:48.640
Birthday mo ngayon!

57:29.440 --> 57:31.359
EK

57:42.080 --> 57:43.160
Bakit, Ek?

57:44.040 --> 57:45.359
Nasa lobby ako.

57:45.440 --> 57:46.919
Bumaba ka, tara dito, Pleng.

57:48.799 --> 57:49.839
Okay.

58:05.200 --> 58:07.040
Balita ko, nag-leave ka ulit ngayon?

58:10.359 --> 58:11.879
Pero nag-submit naman ako
ng leave request nang maaga.

58:13.879 --> 58:14.960
Ise-celebrate n'yo ba ni Wan
'yong birthday niya?

58:20.879 --> 58:21.960
Ano'ng nangyari sa daliri mo?

58:23.799 --> 58:25.839
Nasugatan sa kutsilyo.

58:27.399 --> 58:28.560
Hindi maganda 'yan.

58:29.200 --> 58:32.560
Kasi 'yong gaya mo, Pleng, ginagamit mo
lagi ang mga daliri mo, di ba?

58:34.160 --> 58:35.319
Ano'ng ibig mong sabihin?

58:37.960 --> 58:42.040
Musician ka, di ba?

58:46.359 --> 58:47.359
Tatanungin kita nang diretso.

58:48.080 --> 58:49.560
Bakit mo ako pinuntahan?

58:49.640 --> 58:51.319
Ano ba talaga'ng gusto mo sa 'kin?

58:52.720 --> 58:54.480
Kung tungkol lang sa di pagpasok,

58:56.000 --> 58:57.279
ayos na 'yon, di ba?

58:57.359 --> 58:58.399
Aalis na 'ko.

58:59.240 --> 59:00.960
Sinabi sa 'kin ni Earth
na may partner ka na.

59:07.000 --> 59:08.160
Sino 'yong partner mo?

59:09.399 --> 59:10.560
Alam ba ni Wan?

59:11.560 --> 59:12.680
Wala akong partner.

59:13.919 --> 59:17.960
Sinabi ko lang 'yon kasi nag-iingat ako
kung sakaling mag-flirt sa 'kin si Earth.

59:20.440 --> 59:21.440
Bakit?

59:22.600 --> 59:26.160
Tingin ko… kayo ni Earth,

59:26.919 --> 59:27.960
bagay kayo.

59:29.200 --> 59:32.799
Kung magiging kayo ni Earth,
sa wakas, makakaalis ka na dito.

59:34.359 --> 59:38.040
Saka parang
sobrang tagal mo na rin kay Wan.

59:38.759 --> 59:39.680
Ek…

59:41.160 --> 59:42.640
Ano ba'ng gusto mong sabihin sa 'kin?

59:43.480 --> 59:44.359
Wala naman.

59:45.160 --> 59:46.680
Wala akong sasabihin kahit ano.

59:48.160 --> 59:49.279
Inaalala lang kita.

59:51.080 --> 59:53.240
Gusto kong magkaroon ka
ng sarili mong buhay.

59:55.359 --> 59:57.080
Magkaibigan kayo ni Wan,

59:58.040 --> 01:00:00.080
pero di kayo puwedeng
maging malapit sa isa't isa habambuhay.

01:00:10.279 --> 01:00:11.839
Salamat sa pag-aalala mo.

01:00:13.520 --> 01:00:15.080
Pero buhay ko 'to,

01:00:17.560 --> 01:00:19.240
kaya kong magdesisyon sa sarili ko.

01:00:59.080 --> 01:01:01.000
MASARAP NA CAKE SHOP SA RAMA IV ROAD

01:01:19.759 --> 01:01:20.839
Surprise!

01:01:25.160 --> 01:01:26.680
HAPPY BIRTHDAY, MAHAL KO

01:01:26.759 --> 01:01:29.440
HBD MAHAL KO

01:01:47.080 --> 01:01:48.359
A, naalala mo pagkatapos ng lahat.

01:01:49.759 --> 01:01:51.359
Hindi ko nakalimutan.

01:01:52.359 --> 01:01:54.120
Birthday mo pa rin.

01:01:57.080 --> 01:01:58.000
Nakita mo na ba 'yong cake?

01:02:00.919 --> 01:02:01.960
Nagustuhan mo ba?

01:02:03.120 --> 01:02:04.240
Ano'ng nangyari sa daliri mo?

01:02:06.399 --> 01:02:08.120
Gumawa ako ng cake para sa 'yo.

01:02:09.919 --> 01:02:11.560
Pero hindi 'to.

01:02:12.879 --> 01:02:14.759
Habang ginagawa ko,

01:02:14.839 --> 01:02:16.680
aksidenteng nahiwa
'yong daliri ko ng kutsilyo.

01:02:17.919 --> 01:02:20.560
Naisip ko, di magiging maayos,
kaya nag-order na lang ako.

01:02:22.399 --> 01:02:23.399
Sorry, Wan.

01:02:24.640 --> 01:02:26.480
Kawawa ka naman.

01:02:39.960 --> 01:02:41.160
Ang totoo,

01:02:42.279 --> 01:02:44.160
di mo na 'ko kailangang gawan ng cake.

01:02:45.879 --> 01:02:48.040
Kasi ayoko talagang kainin 'yon.

01:02:54.879 --> 01:02:57.240
Mas gusto kitang kainin.

01:03:02.720 --> 01:03:04.080
E di, sige, kainin mo.

01:03:08.160 --> 01:03:09.560
Birthday mo naman ngayon.

01:03:13.879 --> 01:03:15.279
Siguraduhin mong masisiyahan ka.

01:04:00.160 --> 01:04:01.720
Dapat kayong mamatay na dalawa.

01:04:04.319 --> 01:04:05.439
Ek!

01:05:08.919 --> 01:05:10.200
Aalis na ako, Ma.

01:05:14.759 --> 01:05:15.879
Wan…

01:05:19.279 --> 01:05:22.960
Ngayong patay na'ng papa mo,
bumalik ka na lang, dito ka na tumira.

01:05:24.359 --> 01:05:25.759
Ayokong mag-isa.

01:05:26.520 --> 01:05:27.759
Sinabi ko na sa inyo,

01:05:29.080 --> 01:05:31.120
di na 'ko babalik para tumira dito.

01:05:32.560 --> 01:05:36.399
At kung di naman kailangan,
lumayo na lang kayo sa buhay ko.

01:05:40.720 --> 01:05:42.359
Pero mama mo ako, Wan.

01:05:43.720 --> 01:05:46.240
Hanggang kailan mo 'ko paparusahan
sa pagkakamali ng ibang tao?

01:05:46.839 --> 01:05:48.080
Hindi lang ibang tao si Pleng.

01:05:50.080 --> 01:05:51.879
Siya 'yong taong mahal ko.

01:05:52.919 --> 01:05:53.960
Gano'n na lang pala.

01:05:57.720 --> 01:05:59.480
Di mo na ba 'ko mahal?

01:06:00.640 --> 01:06:03.040
Ikaw 'yon, Ma, 'yong di ako mahal.

01:06:06.640 --> 01:06:08.359
Kung mahal n'yo talaga 'ko,

01:06:11.960 --> 01:06:13.799
di n'yo tatratuhin si Pleng nang gano'n.

01:06:20.240 --> 01:06:22.160
Dapat naging mabait kayo sa kanya,

01:06:23.640 --> 01:06:25.399
sa harap ko at kahit nakatalikod.

01:06:28.759 --> 01:06:32.879
Dapat alam n'yo
kung gaano siya kaimportante sa 'kin.

01:06:40.720 --> 01:06:41.560
Pero tapos na.

01:06:42.680 --> 01:06:44.319
Kahit pag-usapan pa 'to,
wala nang magbabago.

01:06:46.480 --> 01:06:48.359
Nawala na sa 'kin si Pleng.

01:06:48.960 --> 01:06:50.560
Pagbabayaran n'yo 'to.

01:06:52.240 --> 01:06:53.919
Mawawala rin ako sa inyo.

01:07:58.120 --> 01:08:00.560
Kung di n'yo pa rin
kayang tanggapin ang totoo,

01:08:00.640 --> 01:08:02.240
problema n'yo na 'yon.

01:08:02.319 --> 01:08:04.120
Gusto mo bang malaman ang totoo?

01:08:04.200 --> 01:08:06.480
Sino kaya talaga 'yong di 'to makakayanan?

01:08:06.560 --> 01:08:08.560
May mga bagay

01:08:09.200 --> 01:08:11.879
na nagiging dahilan kung bakit
imposibleng magkasama kami ni Wan.

01:08:11.960 --> 01:08:13.240
May urgent document para sa 'yo.

01:08:13.319 --> 01:08:14.600
Kaninong results 'to?

01:08:16.040 --> 01:08:18.720
O, ikaw…
Di ba sabi mo, lilipat ka na sa 'kin?

01:08:18.800 --> 01:08:20.639
SUSUNOD NA EPISODE

01:08:20.720 --> 01:08:24.559
Gusto kong bigyan mo 'ko
ng pagkakataon na alagaan ka.

01:08:26.439 --> 01:08:28.840
Kung wala kang pera, meron ako…

01:09:05.880 --> 01:09:10.200
Nagsalin ng Subtitle: Redelyn Teodoro Juan
alagaan ka.
