WEBVTT

00:01.000 --> 00:02.480
ANG MGA ISTORYA AY KATHANG-ISIP AT
MAAARING MAHAWIG SA ILANG SITWASYON.

00:02.560 --> 00:03.920
ANG MGA ITO AY PARA LAMANG SA LIBANGAN.

00:04.520 --> 00:08.160
Gusto ko lang maging si Ms. Wanviva

00:08.240 --> 00:10.959
na nasa tabi ni Ms. Sadabpin habambuhay.

00:11.040 --> 00:14.719
Dahil nasa 'kin ka naman,
di ko na kailangan ng iba.

00:14.799 --> 00:18.640
Pa'no kung isang araw, magka-boyfriend
ako, kailangan kong magpakasal?

00:18.720 --> 00:19.960
Ano'ng gagawin mo no'n?

00:20.040 --> 00:21.560
Para di mangyari 'yon,

00:22.400 --> 00:24.640
dapat maunahan kitang
makahanap ng boyfriend.

00:24.720 --> 00:25.799
Nagseselos ka sa 'kin.

00:25.880 --> 00:28.240
Baliw ka ba? Hindi nagseselosan
pag magkakaibigan.

00:28.320 --> 00:29.840
Magiging doktor ako.

00:30.959 --> 00:31.880
Sana nga magkatotoo 'yan.

00:31.959 --> 00:34.839
Pag nagawa ko, ano'ng ibibigay mo sa 'kin?

00:34.920 --> 00:36.640
Gawin mo muna, saka ka na magtanong.

00:36.720 --> 00:38.080
Nandiyan ka na ba sa bahay ng kaibigan mo?

00:38.160 --> 00:40.120
Nag-stop lang ako
para bumili ng gamit para sa project.

00:40.199 --> 00:41.400
Nasaan ka ngayon?

00:41.480 --> 00:47.160
ANG NAKARAAN

01:50.679 --> 01:51.679
Wan!

01:57.960 --> 01:59.479
Di naman 'to coincidence, 'no?

02:01.039 --> 02:03.240
Pa'no ko nga ba ie-explain?

02:04.039 --> 02:05.440
Nagbe-break ako galing sa study group ko.

02:05.520 --> 02:07.360
Naisip kong kumain dito.

02:08.199 --> 02:09.919
Tapos, nakita kita pati mga kasama mo.

02:10.000 --> 02:11.280
Kaya medyo sinundan na rin kita.

02:11.359 --> 02:12.840
Ba't mo naman gagawin 'yon?

02:13.560 --> 02:14.720
Kasi gusto kitang kakuwentuhan.

02:15.600 --> 02:19.680
Uy, Wan! Pupunta kami sa store,
bibili kami ng snacks.

02:20.200 --> 02:21.840
Pwedeng ikaw muna magbayad?

02:21.920 --> 02:23.280
Kitakits na lang, ha?

02:23.359 --> 02:24.880
Tara na.

02:25.560 --> 02:26.760
Teka.

02:33.799 --> 02:35.959
Akin na 'yan. Tulungan na kitang magdala.

02:36.040 --> 02:37.799
Ayos lang ako, kaya kong mag-isa.

02:38.799 --> 02:40.120
Hayaan mo na lang siyang tumulong.

02:41.079 --> 02:42.480
Nagpapaka-gentleman siya.

02:43.640 --> 02:44.720
Wag mong saktan 'yong feelings niya.

02:45.519 --> 02:46.440
Pleng.

02:47.280 --> 02:48.679
Pa'no mo 'ko nahanap dito?

02:51.239 --> 02:52.640
Teka, sinusundan mo ba 'ko?

02:54.560 --> 02:57.040
Ikaw ba 'yon?
'Yong laging tumatawag kay Wan.

02:57.120 --> 02:58.000
Gusto mo ba si Wan o ano?

02:59.079 --> 03:00.480
Pleng…

03:01.760 --> 03:02.799
Oo, parang, oo.

03:03.679 --> 03:07.079
Ibig kong sabihin, kung gusto mo lang
maging friend, di ka kikilos nang ganito.

03:08.120 --> 03:11.040
Sa totoo lang, pag lalaki saka babae,

03:12.040 --> 03:13.239
di pwedeng maging friends lang.

03:13.320 --> 03:15.280
Ano'ng sinasabi mo? Walang sense.

03:16.640 --> 03:19.200
Sobrang hooked ka na ba sa guys ngayon,
nonsense na para sa 'yo ang sinasabi ko?

03:29.120 --> 03:30.280
Hello?

03:30.359 --> 03:32.880
Wan, tapos na 'ko. Tapos ka na ba?

03:33.440 --> 03:34.920
Okay, aalis na 'ko.

03:40.239 --> 03:41.239
Kailangan ko nang umalis.

03:41.840 --> 03:43.200
Ingat sa pag-uwi.

03:43.280 --> 03:44.320
Nag-aalala ako sa 'yo.

04:03.880 --> 04:04.720
Oo, gusto ko si Wan.

04:15.040 --> 04:16.320
E di, inamin mo rin.

04:17.880 --> 04:19.120
Hindi ka masaya tungkol do'n, 'no?

04:21.839 --> 04:23.760
Ba't naman ako hindi magiging masaya?

04:24.800 --> 04:26.840
Ewan ko.

04:26.920 --> 04:28.479
Obvious na obvious sa kilos mo.

04:31.120 --> 04:34.280
Kung may iniisip ka,
sabihin mo lang nang diretso.

04:34.360 --> 04:35.960
Kaya ko namang ayusin.

04:38.880 --> 04:40.719
Ba't mo iniintindi 'yong nararamdaman ko?

04:42.760 --> 04:44.280
Kasi boss ka ni Wan.

04:45.440 --> 04:48.640
Pag ayaw mo sa 'kin, aayaw rin si Wan.

04:50.440 --> 04:51.919
Sabi ba ni Wan, boss niya 'ko?

04:56.039 --> 04:57.840
Nasabi ba niya na best friend niya 'ko?

05:03.080 --> 05:05.960
Pero di ba, mas importante
'yong opinyon mo dahil diyan?

05:08.599 --> 05:09.800
Hindi, a.

05:11.159 --> 05:13.120
Desisyon na 'yon ni Wan.

05:13.960 --> 05:17.960
Kahit ayaw ko sa 'yo, kung gusto ka
ni Wan, di ko siya mapipigilan.

05:18.560 --> 05:20.719
Ayaw mo talaga sa 'kin, 'no?

05:23.520 --> 05:24.520
Hindi, di sa gano'n.

05:25.039 --> 05:27.599
Di pa lang kasi tayo
masyadong magkakilala.

05:28.479 --> 05:30.159
Kaya medyo naiilang pa 'ko.

05:32.520 --> 05:33.479
Kung gano'n…

05:34.440 --> 05:35.960
pwede mo ba 'kong tulungang
makuha ang loob ni Wan?

05:37.359 --> 05:39.000
Para mas makilala natin ang isa't isa.

05:59.800 --> 06:01.400
Pwede mo ba 'kong tulungang
makuha ang loob ni Wan?

06:01.479 --> 06:03.120
Para mas makilala natin ang isa't isa.

06:05.640 --> 06:07.880
Sige. Matutulungan kita diyan.

06:09.440 --> 06:12.240
Pero… sagutin mo muna 'yong tanong ko.

06:13.680 --> 06:14.840
May pangarap ka ba?

06:16.680 --> 06:17.560
Pangarap?

06:19.599 --> 06:22.000
A… Tungkol sa future mo siguro?

06:23.120 --> 06:24.240
Pa'no mo nakikita ang sarili mo?

06:28.200 --> 06:29.400
'Yang tanong na 'yan…

06:30.599 --> 06:31.599
Malamang kailangan mo nang
tanungin ang parents ko.

06:33.200 --> 06:36.280
Wala talaga akong
masyadong masasabi diyan.

06:39.359 --> 06:41.200
Mangarap ka, as if namang
magugustuhan ni Wan 'yong gaya mo.

06:42.640 --> 06:45.919
Sino ba'ng walang sariling pangarap?

06:52.359 --> 06:55.120
Pleng? Ano'ng ginagawa mo?

06:55.640 --> 06:57.000
Pwedeng pumasok?

06:57.640 --> 06:58.640
Saglit lang.

07:08.239 --> 07:09.280
Ano?

07:10.200 --> 07:12.400
Galit ka pa rin ba sa 'kin?

07:13.479 --> 07:14.320
Tungkol saan?

07:14.919 --> 07:17.919
Do'n sa sinabi kong nakakatawa ka.

07:20.640 --> 07:22.680
Nagi-guilty ka na ba?

07:23.599 --> 07:26.400
Oo naman. Guilty na talaga.

07:27.640 --> 07:30.479
E, kung guilty ka na,

07:30.560 --> 07:31.880
hindi na 'ko galit.

07:33.719 --> 07:35.159
'Yon lang ba'ng gusto mong itanong?

07:35.239 --> 07:36.799
Kung 'yon lang,
tatapusin ko na ang shower ko.

07:36.880 --> 07:39.440
Teka! Pwedeng maki-join?

07:39.520 --> 07:42.200
Ang sakit ng likod ko
kakagawa ko ng report.

07:43.239 --> 07:45.719
Oo naman. Ima-massage kita.

07:46.919 --> 07:48.080
Seryoso?

07:51.479 --> 07:52.560
Ano'ng ginagawa mo?

07:53.680 --> 07:55.640
Ang tagal-tagal mo!

07:55.719 --> 07:57.239
Wag ka nang magbagal diyan, 'kakaasar.

08:09.679 --> 08:12.320
Sinusuot mo pa rin ba'ng bra ko?

08:13.159 --> 08:14.520
Alam mo, luma na 'yan.

08:15.880 --> 08:17.120
Ang weird mo talaga.

08:17.200 --> 08:18.960
Sabi ko, bibilhan kita, ayaw mo naman.

08:19.039 --> 08:20.560
Gusto mo ba talaga 'yan?

08:20.640 --> 08:22.080
Pamana galing sa 'kin!

08:23.400 --> 08:25.840
Oo, gustong-gusto ko.

09:03.840 --> 09:05.600
Ang sipag mo
nitong mga nakaraang araw, ha.

09:07.439 --> 09:08.400
Siyempre!

09:09.040 --> 09:10.959
Kailangan kong mag-ready
sa med school exams.

09:12.760 --> 09:15.079
Di ka pa rin sumusuko maging doktor, ha?

09:16.800 --> 09:20.319
Bakit ako susuko, pangarap ko 'yon.

09:20.920 --> 09:22.040
'Yan ang nakakatawa.

09:22.120 --> 09:26.400
'Yon ang gustong-gusto ko,
ginagawa mo lang 'yon para ma-impress ako.

09:34.360 --> 09:36.160
Parehas talaga kayo ni Ek.

09:37.360 --> 09:40.199
Laging tinatali 'yong mga pangarap
sa ibang tao.

09:41.439 --> 09:43.400
Kailan mo pa nakausap si Ek?

09:45.199 --> 09:46.199
A…

09:46.800 --> 09:48.000
No'ng naghiwalay tayo sandali.

09:49.160 --> 09:50.640
Ano naman ang pinag-usapan n'yo?

09:54.360 --> 09:55.720
Wala naman masyado.

09:57.040 --> 10:01.280
Sinubukan lang ni Ek
na magustuhan ko siya.

10:02.720 --> 10:05.720
Iniisip niya, may impluwensya ako
sa mga desisyon mo.

10:08.959 --> 10:10.040
E, medyo naman talaga.

10:10.720 --> 10:13.120
Ikaw lang 'yong tao sa mundo

10:13.720 --> 10:15.319
na pinaniniwalaan ko lahat ng sinasabi.

10:15.920 --> 10:17.480
Kahit ano'ng mangyari.

10:32.040 --> 10:34.240
'Musta pakiramdam mo? Mas okay na ba?

10:35.480 --> 10:39.520
Pagkatapos ng warm bath,
masarap na massage?

10:41.800 --> 10:43.040
Mas okay na.

10:46.600 --> 10:50.199
Pa'no ko naman mababayaran
'yong nag-massage sa 'kin?

10:56.640 --> 10:57.839
Ngumiti ka lang.

10:58.800 --> 11:00.800
Pag ngumingiti ka,

11:01.480 --> 11:02.839
gumaganda mood ko.

11:11.360 --> 11:12.439
Ayan, ngumiti na 'ko.

11:12.959 --> 11:14.600
Basta galingan mo lang mag-massage.

11:33.079 --> 11:34.040
Tama na 'yan.

11:35.079 --> 11:35.959
Nilalamig na 'ko.

11:46.319 --> 11:48.199
Pero warm naman 'yong tubig!

12:07.920 --> 12:09.160
Wan— Uy, ingat!

12:52.160 --> 12:54.520
FEELING PAG KUMAKABOG ANG PUSO

12:57.079 --> 13:00.040
Feeling pag kumakabog ang puso
pag katabi ang kaibigan.

13:03.439 --> 13:07.599
Feeling ko, kumakabog ang puso ko
tuwing malapit ako sa friend ko na 'to.

13:08.199 --> 13:12.280
Ako rin, lalo na pag may eye contact kami.

13:14.120 --> 13:16.079
Secretly in love ba ako?

13:20.120 --> 13:22.160
Malamang crush lang.

13:22.240 --> 13:25.000
Pag love, mas intense 'yan.

13:25.079 --> 13:26.040
MALAMANG CRUSH LANG

13:26.120 --> 13:28.839
Parang nagseselos ka
pag nakikita mo silang may kasamang iba.

13:28.920 --> 13:30.800
'Yong gano'ng selos.

13:32.520 --> 13:35.360
Di mo ba napapansin
na ang dami mong sinasabing taliwas?

13:35.959 --> 13:37.680
No'ng nasa gallery,

13:37.760 --> 13:40.959
sabi mo, kung makikipag-date ako,

13:41.040 --> 13:42.360
parang okay na piliin si Ek.

13:42.959 --> 13:46.480
Pero ngayong
kinikilala na namin ni Ek ang isa't isa,

13:47.280 --> 13:48.199
nagseselos ka naman.

13:49.240 --> 13:51.360
Wan, ano'ng sinasabi mo?

13:52.319 --> 13:53.760
Nagseselos ka sa 'kin.

13:53.839 --> 13:55.360
Nagseselos ka sa 'kin, Pleng.

14:28.319 --> 14:29.520
Pleng?

14:30.880 --> 14:32.120
Ba't ka nandito?

14:32.959 --> 14:35.079
Tinitingnan ko lang kung gising ka na,

14:35.160 --> 14:36.719
para malaman
kung gusto mong sumabay mag-almusal.

14:37.400 --> 14:38.280
A, gising na 'ko.

14:40.040 --> 14:42.560
-Ano'ng tinitingnan mo?
-Wag kang mangulit.

14:46.000 --> 14:47.360
Pwede bang wag na lang?

14:48.439 --> 14:49.520
Saka simula ngayon,

14:50.040 --> 14:53.439
wag ka nang papasok sa kuwarto ko
hangga't hindi ko sinasabi.

14:53.520 --> 14:55.040
Kuha mo! Ngayon, alis na.

14:55.120 --> 14:56.880
Bakit? May nagawa ba 'kong mali?

14:57.800 --> 14:59.920
Pwede ba, wag ka nang magtanong?

15:00.000 --> 15:02.240
Sabi ko, umalis ka na, kaya alis na.

15:08.319 --> 15:09.560
Parang namumugto ang mga mata mo.

15:09.640 --> 15:10.920
Hindi ka ba nakatulog?

15:11.640 --> 15:12.479
O masama ang pakiramdam mo?

15:30.800 --> 15:32.439
Wala ka namang lagnat.

15:32.520 --> 15:33.920
Malamig ka naman.

15:38.839 --> 15:40.560
Sabi ko, umalis ka na, Wan.

15:41.280 --> 15:42.839
Wag mo akong paulitin.

15:43.839 --> 15:45.199
Umalis ka na lang.

15:45.280 --> 15:47.479
Sige na, aalis na 'ko.
Wag kang maging harsh.

15:48.479 --> 15:50.520
Tapusin mo'ng ginagawa mo, bumaba ka na.

15:50.599 --> 15:51.839
Naghihintay ako ng almusal kasama ka.

15:53.079 --> 15:54.360
Wag kang maghintay.

15:55.719 --> 15:57.199
Kung gutom ka na, kumain ka na.

15:58.479 --> 15:59.800
Sa buong araw rin,

16:00.479 --> 16:01.719
wag mo 'kong pakialaman.

16:02.560 --> 16:04.040
Kailangan kong mag-focus.

16:06.880 --> 16:08.040
Gumagawa ako ng bagong kanta.

16:11.880 --> 16:13.079
Alis na.

16:17.199 --> 16:18.280
Bilisan mo.

16:32.959 --> 16:34.280
Pag nagtuloy-tuloy 'to,

16:35.439 --> 16:37.599
balang araw, malalaman mo rin.

16:49.120 --> 16:52.319
Ano'ng dapat kong gawin?

16:55.240 --> 16:56.760
Hindi…

16:59.959 --> 17:01.160
Dapat ba tumawag ako?

17:09.040 --> 17:10.280
Ano nga'ng number ulit?

17:10.839 --> 17:13.879
Zero… Zero-six…

17:15.040 --> 17:17.159
Zero-six-three… Zero…

17:18.319 --> 17:19.960
Zero-six-three…

17:32.720 --> 17:34.080
Hello?

17:34.159 --> 17:35.919
Hi, Ek. Si Pleng 'to.

17:37.360 --> 17:40.440
Available ka ba bukas?
Pwede ba tayong magkita?

17:41.560 --> 17:43.040
Sige, saan?

17:44.159 --> 17:46.280
Kahit saan, pumili ka.

17:48.040 --> 17:50.520
Kung gano'n, do'n na lang sa dati?

17:51.280 --> 17:52.320
Sige.

18:27.000 --> 18:29.639
Nasaan ka na? Umuwi ka na ngayon.

18:29.720 --> 18:32.000
Paulan na, baka magkasakit ka niyan.

18:33.399 --> 18:34.960
May balita ka kay Wan?

18:40.200 --> 18:41.399
Binili ko 'to para sa 'yo.

18:42.520 --> 18:45.440
Sa ganda ng katawan mo, siguradong
hindi ka kumakain ng nakakataba.

18:46.440 --> 18:47.760
Kilala mo talaga 'ko, ha?

18:52.840 --> 18:55.399
Dito ka ba laging nagpupunta?

18:56.639 --> 18:57.760
Ang init,

18:57.840 --> 19:00.200
Saka ang lungkot dito.
Wala akong makitang maganda dito.

19:02.399 --> 19:04.760
A… Tahimik kasi dito.

19:06.120 --> 19:07.320
Kung gusto mo ng tahimik,
ba't di ka na lang umuwi sa bahay?

19:10.080 --> 19:11.840
Kung peaceful lang sana sa bahay,

19:11.919 --> 19:13.000
ang ganda sana.

19:15.960 --> 19:18.399
So, may dahilan ba kaya gusto mong
makipagkita dito, Pleng?

19:21.560 --> 19:23.240
Gusto ko lang malaman…

19:24.040 --> 19:26.280
Nagka-girlfriend ka na ba dati?

19:28.679 --> 19:30.919
Bakit mo tinatanong?
Gusto mo ba 'ko o ano?

19:31.840 --> 19:33.040
Nasisiraan ka na ba ng ulo?

19:35.080 --> 19:37.639
E… nakipag-date-date lang ako dati.

19:38.159 --> 19:40.679
Pero pag parang di tama,
e di, maghiwalay na lang.

19:43.800 --> 19:45.720
Ano'ng ibig mong sabihin
sa "parang di tama"?

19:46.919 --> 19:49.720
E… sobrang private kong tao.

19:50.679 --> 19:53.760
Minsan gusto kong mag-isa
kahit walang dahilan.

19:54.520 --> 19:57.960
Karamihan ng mga babaeng kausap ko,
hindi 'yon naiintindihan.

19:59.440 --> 20:01.440
Kung gano'n, malamang hindi ka pwedeng
makipag-date kay Wan.

20:02.760 --> 20:04.639
Si Wan, gaya lang din
ng karamihan ng babae.

20:05.320 --> 20:07.440
Attached talaga siya sa partner niya.

20:07.520 --> 20:09.159
Hindi 'yong klase ng relasyon
na pwede mong gawin gusto mo.

20:11.240 --> 20:12.399
Pero kung kay Wan,

20:14.320 --> 20:15.360
payag ako.

20:22.080 --> 20:23.720
Nahanap ko na'ng sagot ko.

20:23.800 --> 20:26.800
No'ng tinanong mo 'ko
kung ano'ng pangarap ko…

20:31.399 --> 20:32.240
gusto kong makasama si Wan.

20:33.760 --> 20:37.159
Kung posible, gusto kong bumuo
ng pamilya kasama siya.

20:38.080 --> 20:41.560
Parang nakakatawa pakinggan
para sa age ko na sabihin 'yon.

20:42.280 --> 20:43.320
Pero 'yon talaga ang nararamdaman ko.

20:45.840 --> 20:47.560
Pero bakit kailangang si Wan?

20:49.399 --> 20:50.320
Hindi ko alam.

20:51.120 --> 20:54.320
Na kay Wan 'yong bagay
na matagal ko nang hinahanap.

20:57.760 --> 20:58.919
Bagay?

21:00.360 --> 21:01.320
Ano 'yon?

21:05.639 --> 21:06.480
Comfort, siguro.

21:09.320 --> 21:10.840
Comfort?

21:12.200 --> 21:13.720
Kulang ka ba sa comfort?

21:14.320 --> 21:15.320
Di ka ba mahal ng parents mo?

21:22.639 --> 21:24.040
Kasi, a…

21:24.800 --> 21:27.600
Sabi mo, 'yong future mo,
nakadepende sa parents mo, di ba?

21:29.520 --> 21:31.560
Paano kung ayaw ng parents mo kay Wan?

21:31.639 --> 21:32.480
Ano'ng gagawin mo pag gano'n?

21:37.600 --> 21:41.399
Si Wan lang 'yong di ko
hahayaang pakialaman nila.

21:45.120 --> 21:46.480
Sigurado kang kaya mo 'yon?

21:49.520 --> 21:50.560
Sigurado.

21:52.120 --> 21:53.080
Promise.

21:53.720 --> 21:56.840
Kung magiging kami ni Wan,
di ko hahayaang may manakit sa kanya.

21:57.919 --> 22:00.960
Kahit sarili ko pa.
Hindi ko siya sasaktan.

22:08.600 --> 22:12.639
Sige. Tutulungan kong maging kayo ni Wan.

22:15.080 --> 22:16.360
Sinabi mo 'yan.

22:17.639 --> 22:19.520
Wala nang bawian.

22:49.120 --> 22:50.080
Kulang ka ba sa comfort?

22:51.159 --> 22:52.520
Hindi ka ba mahal ng parents mo?

22:56.360 --> 22:57.360
Ek…

22:58.399 --> 23:01.399
Di ba, sabi ko, bibilhin ko 'yan
pag nag-top ka sa exams?

23:02.639 --> 23:04.439
Wag ka nang umiyak, Ek.

23:04.520 --> 23:07.480
Lalaki ka. Wag kang masyadong mahina.

23:08.800 --> 23:11.919
Pwede ba 'kong magka-gitara, Ma?

23:12.000 --> 23:14.600
Pabili, please?

23:28.720 --> 23:30.760
Di mo ba nakita
'yong message na sinend ko?

23:32.120 --> 23:33.360
Nakita ko.

23:33.439 --> 23:34.760
E, bakit di ka nag-reply?

23:36.520 --> 23:37.919
Tinatamad lang ako.

23:46.000 --> 23:47.159
Saan ka nagpunta?

23:48.480 --> 23:49.439
Sa mall.

23:50.960 --> 23:52.280
Sino'ng kasama mo?

23:52.360 --> 23:53.679
Kasama ko 'yong lalaking may gusto sa 'yo.

23:55.840 --> 23:57.000
Si Ek?

23:58.159 --> 23:59.600
Bakit nakipagkita ka ulit kay Ek?

24:00.760 --> 24:02.480
Para mas magkakilala kami.

24:04.399 --> 24:06.600
Para makita kung tama siya para sa 'yo.

24:08.200 --> 24:09.800
Sa tingin ko, ayos si Ek.

24:10.840 --> 24:12.240
Kung gusto mo siya,

24:12.960 --> 24:14.439
suportado ko kayong dalawa.

24:16.520 --> 24:17.919
Tingin ko, panahon na rin.

24:19.280 --> 24:20.840
Panahon na para magka-boyfriend ka.

24:22.840 --> 24:23.720
Ano'ng sabi mo?

24:24.560 --> 24:26.760
Wala. 'Yon lang.

24:27.639 --> 24:30.159
Sige na. Kailangan ko nang gawin
'yong assignment ko.

24:33.200 --> 24:34.280
Saglit lang.

24:36.360 --> 24:37.520
Mag-usap muna tayo.

24:39.159 --> 24:42.600
Nagselos ka no'ng nalaman mong
may gusto sa 'kin si Ek.

24:44.760 --> 24:46.879
Pero ngayon, matchmaker ka na.

24:47.960 --> 24:48.879
Ano ba'ng tumatakbo sa isip mo?

24:49.600 --> 24:51.320
Iniisip ko lang,
panahon na para mag-mature tayo.

24:53.080 --> 24:54.399
Wag na tayong maging sobrang attached.

24:55.399 --> 24:57.679
Magsimula na tayo ng sarili nating buhay.

25:00.320 --> 25:01.879
Di mo ba natatandaan
'yong sinabi ng mama ko?

25:01.960 --> 25:03.840
Kung naging close pa 'ko sa 'yo
nang ganito,

25:04.679 --> 25:06.879
hindi tayo makaka-move on.

25:10.639 --> 25:11.840
Ayokong magpunta kahit saan.

25:11.919 --> 25:13.320
Pero isang araw, kailangan natin.

25:15.560 --> 25:17.199
Isang araw,
kailangan nating maghiwalay ng landas.

25:17.280 --> 25:19.840
Kaya dapat masanay na tayo ngayon.

25:21.360 --> 25:22.399
Bilisan mo, mag-boyfriend ka na.

25:23.000 --> 25:24.159
Para magkaroon na rin ako.

25:27.879 --> 25:29.439
Ito ba talaga ang gusto mo?

25:35.679 --> 25:36.520
Sigurado ka?

25:38.439 --> 25:40.080
Pwede ba, wag ka ngang tanong nang tanong?

25:40.720 --> 25:41.639
Nakakainis ka na.

26:15.320 --> 26:17.679
-Ang bagal mong maglakad.
-Male-late na tayo.

26:19.080 --> 26:20.600
Nagugutom na 'ko. Gutom na ba kayo?

26:20.679 --> 26:22.600
Gutom? Oo, gutom na talaga.

26:22.679 --> 26:24.199
-Ano'ng kakainin natin?
-Noodles?

26:24.280 --> 26:26.199
Sige, tara.

26:26.280 --> 26:28.760
-'Yong dati pa rin?
-Fried rice?

26:28.840 --> 26:29.919
Fried rice, 'no?

27:13.199 --> 27:16.040
Uy, di ko alam ang buong detalye.

27:16.120 --> 27:18.879
Narinig ko lang sinasabi
ng papa ko sa uncle ko.

27:19.480 --> 27:22.520
Sangkot daw 'yong papa niya sa corruption.

27:22.600 --> 27:23.480
Ngayon, malaki'ng magiging problema niya.

27:23.560 --> 27:26.560
Ano kaya ang gagawin ni Pleng
kung gano'n nga?

27:28.000 --> 27:29.960
Naaawa ako sa kanya, sa totoo lang.

27:30.040 --> 27:31.159
Bakit ka naman maaawa sa kanya?

27:31.240 --> 27:32.480
Lahat sa class namin, galit sa kanya.

28:11.960 --> 28:14.760
WAN

28:56.720 --> 28:57.919
Pwede ba 'kong pumasok?

29:04.760 --> 29:05.879
Pasok ka, anak.

29:14.080 --> 29:15.199
'Musta ka?

29:15.280 --> 29:16.679
Gabi na, bakit di ka pa natutulog?

29:17.439 --> 29:19.040
Hinihintay kitang umuwi, Pa.

29:20.320 --> 29:21.199
May problema ba?

29:22.959 --> 29:26.720
Pa… may problema sa company mo, di ba?

29:28.679 --> 29:29.639
Sino'ng nagsabi sa 'yo niyan?

29:31.159 --> 29:33.399
Narinig ko sa school,
pinag-uusapan ng friends ko.

29:35.000 --> 29:37.000
Saan naman narinig ng friends mo 'yon?

29:37.600 --> 29:41.120
Sagutin mo muna ako, Pa. Totoo ba o hindi?

29:46.040 --> 29:48.800
Oo, may problema.

29:50.439 --> 29:52.439
Pero hindi gano'n kalaki.

29:53.040 --> 29:54.439
Nakahanap na 'ko ng paraan
para ayusin 'yon.

29:55.840 --> 29:56.800
Talaga?

29:56.879 --> 29:59.399
Pero sabi ng friends ko…

29:59.480 --> 30:01.000
Hindi importante kung ano'ng sinabi nila.

30:02.360 --> 30:04.600
Kayang-kaya 'yon ng papa mo.

30:06.439 --> 30:07.919
Di ba, ikaw mismo ang nagsabi sa 'kin?

30:08.639 --> 30:10.320
Na magaling ako?

30:14.560 --> 30:15.639
Oo naman.

30:16.320 --> 30:18.600
Papa ko 'yong pinakamagaling
sa buong mundo.

30:22.199 --> 30:26.720
Kung gano'n, kailangan mong magtiwala
sa papa mo, ha?

30:28.399 --> 30:29.720
Wag kang mag-alala sa 'kin.

30:31.040 --> 30:32.560
Magiging maayos din lahat.

30:43.679 --> 30:44.879
Ngayon, matulog ka na.

30:50.679 --> 30:52.000
Love you, Pa.

31:02.320 --> 31:03.919
Love you too, Pleng.

31:07.840 --> 31:10.879
Binalaan kita
na wag kang mag-invest sa company na 'yan.

31:11.760 --> 31:12.919
Pero ang tigas ng ulo mo.

31:13.000 --> 31:14.240
Pero naisip ko…

31:14.320 --> 31:15.560
Tama na, Mr. Wut.

31:15.639 --> 31:19.520
Kailangan kong
ayusin mo lahat sa auditors.

31:20.320 --> 31:22.320
Kasama 'yong personal accounts mo.

31:23.040 --> 31:24.520
Ano'ng kinalaman nito
sa personal accounts ko?

31:24.600 --> 31:26.040
Kasi hinala ko,

31:26.840 --> 31:29.360
baka may kinalaman ka
sa corruption na 'to.

31:30.639 --> 31:33.879
Sa 'yo kasi nanggaling
'yong idea na 'to simula pa no'ng una.

31:35.520 --> 31:36.919
Bakit ka ganyan mag-isip sa 'kin?

31:37.520 --> 31:39.959
Magkasama tayong nagtrabaho
sa loob ng maraming taon.

31:40.520 --> 31:42.080
Alam mo kung anong klase akong tao.

31:42.159 --> 31:44.000
Hindi ako gagawa ng imoral.

31:44.080 --> 31:47.600
Pero pag personal gain,
pwedeng maapektuhan lahat.

31:48.320 --> 31:51.639
Kung totoong inosente ka,
wala kang dapat ikatakot.

32:02.399 --> 32:03.800
Matutulog na 'ko, Pa.

32:05.480 --> 32:07.600
-Dapat matulog ka na rin.
-Okay.

32:11.480 --> 32:13.199
-Good night.
-Good night.

32:20.040 --> 32:22.399
EXAMINATION ID CARD: EKKARIN

32:25.800 --> 32:29.399
CONGRATULATIONS! NATANGGAP KA
SA BUSINESS ADMINISTRATION FACULTY.

32:38.679 --> 32:40.159
Kumusta 'yong kinalabasan
ng exam mo, anak?

32:40.959 --> 32:42.240
Tulad ng ine-expect mo, Ma.

32:43.320 --> 32:44.360
Talaga?

32:47.199 --> 32:49.919
-Seryoso ka, Ek?
-Opo.

32:50.719 --> 32:52.240
Gumaan ang loob ko.

32:52.800 --> 32:53.879
Alam mo ba, Ek?

32:53.959 --> 32:57.840
No'ng isang araw, sabi sa 'kin ni Papa,
pag di ka pumasa sa exam,

32:57.919 --> 32:59.879
di niya hahayaang
ikaw ang humawak ng company.

33:00.480 --> 33:02.520
Dahil lang sa hindi ako nakapasa ng exam?

33:04.840 --> 33:06.480
Hindi lang dahil do'n.

33:08.080 --> 33:10.800
Sabi ni Papa, matagal na niyang iniisip

33:10.879 --> 33:12.800
na hindi ka qualified.

33:12.879 --> 33:14.159
Kasi simula no'ng bata ka pa,

33:14.919 --> 33:16.520
wala kang pinakitang
kahit anong senyales na

33:16.600 --> 33:19.120
maging leader o mag-achieve
ng importanteng bagay.

33:19.199 --> 33:20.679
Naaalala mo ba, Ek?

33:20.760 --> 33:23.919
Na buong buhay mo,
minsan ka lang naging top sa exams?

33:24.000 --> 33:27.679
Kaya naniwala si Papa
na pag nag-fail ka sa ngayon,

33:27.760 --> 33:30.679
magiging patunay na hindi mo talaga kaya.

33:30.760 --> 33:32.320
Kaya pinaaalalahanan kita

33:33.080 --> 33:34.280
na mag-focus.

33:34.879 --> 33:37.199
Oo, Ma. Meron pa po ba, Ma?

33:37.879 --> 33:39.520
Kung wala na po, aalis na 'ko.

33:39.600 --> 33:40.840
Teka, saglit lang.

33:41.600 --> 33:43.159
Ek, lalabas ka ba
kasama ang mga kaibigan mo?

33:52.320 --> 33:53.520
Nag-transfer ako ng pera sa 'yo.

33:54.320 --> 33:56.199
Tatawagan ko si Papa,
ipapaalam ko sa kanya.

33:56.280 --> 33:57.560
Magpapagaan 'yon sa pakiramdam niya.

34:09.080 --> 34:10.480
40,000 BAHT

34:37.600 --> 34:38.839
EK

34:43.120 --> 34:45.239
Kung may sasabihin ka,
ngayon mo na sabihin.

34:45.319 --> 34:46.679
Gusto ko pang matulog.

34:47.239 --> 34:48.400
Gusto kong makita si Wan.

34:48.960 --> 34:50.839
Pwede mo ba 'kong tulungang humanap
ng paraan para ma-meet siya?

34:52.440 --> 34:53.759
Ano'ng problema?

34:54.719 --> 34:56.360
Bakit gustong-gusto mong makita si Wan?

34:57.400 --> 34:59.000
May importante akong sasabihin sa kanya.

35:00.680 --> 35:01.560
Ano 'yon?

35:02.080 --> 35:03.040
Hindi ko masabi sa 'yo.

35:03.640 --> 35:05.560
Gusto ko munang sabihin kay Wan.

35:08.960 --> 35:09.920
Fine.

35:11.279 --> 35:12.960
Susubukan kitang tulungan
na humanap ng paraan.

35:14.480 --> 35:16.440
Pero di ko maipapangakong magagawa ko.

35:29.200 --> 35:30.720
Nakabihis ka na.

35:30.799 --> 35:32.160
Saan ka pupunta, Ma?

35:32.240 --> 35:33.680
Pupunta ako sa supermarket
kasama si Tita Wi.

35:34.279 --> 35:36.480
May bibilhin ako
para sa canned fish fried rice

35:36.560 --> 35:38.080
ng papa mo sa dinner.

35:39.360 --> 35:40.640
Magluluto ka?

35:42.880 --> 35:45.400
Bakit? Wag kang mag-make face nang ganyan.

35:45.480 --> 35:48.000
Marunong akong magluto,
kahit isang dish lang.

35:48.080 --> 35:50.799
Pina-practice ko na
simula no'ng dinate ko ang papa mo.

35:51.920 --> 35:53.960
-Talaga?
-Oo naman!

35:54.040 --> 35:57.680
Kaya pala laging nagmamakaawa ang
papa mo na lutuin ko 'yon.

35:57.759 --> 36:00.240
Pero matagal ko nang di nagagawa.

36:00.319 --> 36:02.240
Di ako sigurado
kung 'yong dati pa rin 'yong lasa.

36:04.200 --> 36:07.480
E, bakit biglang
gusto mong gawin para kay Papa?

36:08.759 --> 36:10.400
E, kasi, lately,

36:10.480 --> 36:12.680
pansin ko, parang stressed 'yong papa mo.

36:12.759 --> 36:14.080
Malamang may kinalaman 'to sa trabaho.

36:14.960 --> 36:16.680
Kaya naisip ko, sorpresahin siya

36:16.759 --> 36:18.560
para pasayahin siya nang konti.

36:19.400 --> 36:21.160
Good idea 'yan!

36:21.240 --> 36:24.759
Habang nag-e-enjoy si Papa
sa canned fish fried rice mo,

36:24.839 --> 36:27.560
magpi-play ako ng piano para sa kanya.

36:27.640 --> 36:29.440
Pag gano'n, doble ang encouragement niya!

36:30.440 --> 36:31.680
Magandang plano 'yan.

36:32.200 --> 36:33.640
Sige, aalis na 'ko.

36:36.640 --> 36:38.600
Pwede po ba akong sumama, Ma?

36:39.360 --> 36:40.360
Oo naman.

36:41.240 --> 36:42.520
E, ikaw, Wan, gusto mo bang sumama?

36:45.720 --> 36:47.319
Sigurado, di makakasama si Wan, Ma.

36:47.920 --> 36:48.839
Kasi…

36:49.520 --> 36:52.600
uutusan ko sana si Wan
para bilhan ako ng guitar strings.

36:52.680 --> 36:54.200
Nasira na po 'yong luma.

36:57.640 --> 36:58.480
Pwede ka bang bumili para sa 'kin?

37:00.080 --> 37:02.279
Do'n pa rin sa store dati.
'Yon pa rin 'yong type.

37:02.359 --> 37:03.200
Naaalala mo, di ba?

37:07.600 --> 37:08.640
E di, tara na.

37:09.319 --> 37:12.000
-Kukunin ko lang 'yong bag ko, ha?
-Sige.

37:30.920 --> 37:34.359
Sige, i-meet mo si Wan sa guitar store
sa second floor, sa mall din na 'yon.

37:35.400 --> 37:36.560
Magkaaway ba kayo ni Wan, anak?

37:38.440 --> 37:39.319
Hindi, a.

37:40.240 --> 37:41.319
Bakit mo natanong 'yon, Ma?

37:42.440 --> 37:45.279
Kasi ilang araw ko na kayong
di nakikitang nag-uusap.

37:45.839 --> 37:47.839
Saka kanina, pareho kayong tense.

37:48.799 --> 37:50.080
Kahit sino, mapapansin.

37:51.960 --> 37:53.359
Di naman sa gano'n.

37:54.520 --> 37:57.120
Kailangan lang namin ni Wan ng space.

37:58.880 --> 38:00.319
Bakit kailangan n'yo ng space?

38:01.920 --> 38:03.600
Naghahanda lang kami.

38:03.680 --> 38:05.120
Kung sakali isang araw,

38:05.200 --> 38:08.080
pag pumasok si Wan sa university,
maghihiwalay rin kami ng landas.

38:08.600 --> 38:09.759
Para masanay.

38:11.040 --> 38:12.240
Kayong dalawa…

38:12.319 --> 38:13.839
Tatlong araw na okay,
apat na araw nag-aaway,

38:13.920 --> 38:15.240
pagkatapos ng dalawang araw,
ayos na kayo ulit.

38:15.319 --> 38:16.720
Binibigyan n'yo 'ko ng sakit ng ulo.

38:20.640 --> 38:22.120
Speaking of future,

38:22.200 --> 38:24.720
sinabi na ba sa 'yo ni Wan
kung ano'ng gusto niyang aralin, Wi?

38:25.359 --> 38:27.040
Hindi, di ko talaga alam.

38:27.120 --> 38:28.480
Di namin napag-uusapan 'yon.

38:29.759 --> 38:31.880
Ano naman ang gusto mong aralin ni Wan?

38:31.960 --> 38:34.200
Sa totoo lang, gusto kong
mag-aral siya ng business.

38:34.279 --> 38:36.520
Sa tingin ko, malawak 'yon,
maraming pagkakataon.

38:37.240 --> 38:39.960
Pero 'yong gaya ni Wan,
malamang di kakayanin.

38:40.040 --> 38:41.200
Kaya wala akong mataas na expectations.

38:42.480 --> 38:43.720
Sa tingin ko lang…

38:43.799 --> 38:45.640
hayaan n'yo siyang mag-aral
kung ano'ng kaya niya.

38:45.720 --> 38:47.000
Kasi kahit ano'ng mangyari,
pagka-graduate niya,

38:47.080 --> 38:49.680
malamang magiging ordinaryong
office worker lang siya.

38:49.759 --> 38:52.120
Di siya magiging gano'n kaimportante
o may malaking posisyon.

38:52.640 --> 38:55.560
Sa tingin mo talaga, hahayaan kong
magkaroon ng gano'n na future si Wan?

38:56.560 --> 38:59.600
Kahit na di ko sariling anak si Wan,
pinalaki ko siya na parang anak ko.

39:00.200 --> 39:01.920
Napag-isipan ko na 'yan.

39:02.440 --> 39:04.000
Pagka-graduate niya,

39:04.560 --> 39:06.839
irerekomenda ko siya sa trabaho
sa company ni Mr. Wut.

39:06.920 --> 39:07.920
Naniniwala ako

39:08.759 --> 39:13.160
na magsa-succeed si Wan
sa sarili niyang paraan.

39:14.480 --> 39:15.759
Tama ba, Pleng?

39:20.600 --> 39:23.040
Wag ka ngang gumanyan.

39:23.120 --> 39:24.720
Ikaw rin.

39:24.799 --> 39:28.200
Kahit ga'no mo kamahal ang music, di mo
pwedeng iwan 'yong company ng papa mo.

39:28.279 --> 39:30.400
Kailangan mo siyang tulungan minsan.

39:30.480 --> 39:32.120
Di pwede, Ma.

39:32.680 --> 39:34.200
Natatakot akong harapin
'yong mga problema.

39:34.279 --> 39:36.279
Ayokong ma-stress nang ganyan.

39:36.359 --> 39:37.200
Ayoko.

39:39.279 --> 39:41.720
May tao ba sa mundong 'to
na hindi nagkakaproblema?

39:42.960 --> 39:46.920
Kung may pinagdadaanan ang papa mo
sa ngayon, di naman 'yon first time.

39:47.680 --> 39:49.640
Alam mo, bago ka ipanganak,

39:50.279 --> 39:53.120
dumaan siya sa malalaking krisis.

39:53.200 --> 39:54.440
Pero nalampasan niya 'yon.

39:56.120 --> 40:00.000
Wala pa nga ako sa tabi niya
no'ng time na 'yon.

40:01.080 --> 40:03.560
E… Nasaan ka, Ma?

40:05.160 --> 40:09.319
Na-admit ako sa ospital
ng halos isang linggo.

40:11.040 --> 40:14.240
Si Tita Wi pala ang
nag-alaga sa papa mo imbes na ako.

40:25.920 --> 40:28.240
Okay. Thank you nang marami.

40:31.520 --> 40:34.359
Ma, pagdating natin sa supermarket,

40:34.440 --> 40:36.680
ako na po'ng bahala
sa mga dapat kong asikasuhin.

40:37.200 --> 40:40.120
Kung tapos na kayo ni Tita Wi sa pamimili,
pwede na kayong maunang umuwi.

40:40.200 --> 40:41.240
Wag mo na 'kong hintayin.

40:42.080 --> 40:42.920
Sige.

40:55.000 --> 40:56.440
-Excuse me.
-Yes po?

40:56.520 --> 40:58.960
-Isang set po ng guitar strings, please.
-A, sige.

41:00.080 --> 41:01.640
Guitar strings, tama?

41:03.920 --> 41:07.359
Ikaw ba 'yong kasama ni Ms. Pleng dati?

41:08.799 --> 41:11.279
-Opo, ako 'yon.
-A, naggigitara ka rin ba?

41:12.240 --> 41:14.520
Hindi po.
Bibili lang ako para kay Ms. Pleng.

41:16.359 --> 41:18.160
Naputol na naman 'yong strings?

41:18.240 --> 41:19.160
Kakapalit ko lang no'n.

41:21.279 --> 41:22.600
Ikukuha kita ng isa pang set.

41:33.319 --> 41:34.200
Wan.

41:41.400 --> 41:42.759
Wag mong sabihin sa 'kin,
coincidence ulit.

41:51.720 --> 41:52.920
Sinabi sa 'yo ni Pleng, di ba?

41:56.880 --> 41:58.440
Ako 'yong nagtanong sa kanya.

41:59.120 --> 42:00.560
Wag kang magalit kay Pleng.

42:02.040 --> 42:03.279
Bakit mo ginawa 'to?

42:03.359 --> 42:05.000
Kasi may sasabihin ako sa 'yo.

42:06.120 --> 42:07.240
E, bakit di ka na lang tumawag?

42:07.319 --> 42:10.560
Tumawag ako. Araw-araw akong tumatawag.

42:10.640 --> 42:11.799
Pero ikaw 'yong di sumasagot.

42:46.560 --> 42:47.600
Pleng, halika dito, ngayon na!

42:47.680 --> 42:50.960
Wan, masakit! Bitaw!

42:52.200 --> 42:53.759
Pinupuwersa mo na ba 'ko ngayon, ha?

42:55.600 --> 42:58.279
Masyado kang nagkokontrol!

42:59.839 --> 43:01.400
Lahat ng ginagawa ko, para sa 'yo!

43:01.480 --> 43:02.799
Di mo 'yan ginagawa para sa 'kin.

43:04.920 --> 43:06.279
Ginagawa mo 'yan para sa sarili mo.

43:07.240 --> 43:08.880
Ano'ng ibig mong sabihin diyan?

43:08.960 --> 43:11.279
Gusto mo lang dumistansya sa 'kin.

43:11.359 --> 43:12.560
Kaya pala tinutulak mo 'ko kay Ek.

43:14.799 --> 43:16.480
Nang di man lang ako tinatanong

43:17.080 --> 43:18.240
kung gusto ko man o hindi.

43:19.040 --> 43:20.279
Pag tinanong kita,

43:21.040 --> 43:22.440
sasabihin mo, hindi.

43:22.520 --> 43:24.000
Mismo.

43:25.799 --> 43:27.600
Alam mo 'to dati pa,
pero ginawa mo pa rin.

43:30.560 --> 43:31.759
Sa totoo lang,

43:32.720 --> 43:34.480
kung gusto mo lang dumistansya sa 'kin,

43:35.759 --> 43:37.200
e di, lumayo ka.

43:37.720 --> 43:39.839
Wag mong pahirapin 'yong mga bagay.

43:42.160 --> 43:43.759
Saka wala ka nang pakialam do'n.

43:44.799 --> 43:47.080
Wan, sinasabi mo bang nangingialam ako?

43:52.359 --> 43:53.440
Wan.

43:55.000 --> 43:56.560
Wag mo 'kong tingnan nang ganyan.

43:58.160 --> 44:00.440
Kahit ano pa'ng gawin ko,
sa 'kin lang 'yon.

44:01.240 --> 44:02.920
Pwede ba, wag ka nang mang-istorbo?

44:04.440 --> 44:07.600
Kundi, gagayahin ko'ng sinabi mong word.

44:11.040 --> 44:12.319
Anong word?

44:15.319 --> 44:16.480
'Yong "nakakainis."

44:18.359 --> 44:21.480
Wan… 'Yong gaya mo…

44:22.560 --> 44:23.839
'Yong gaya mo,
di maiinis nang matagal sa 'kin.

44:25.640 --> 44:27.560
Babalik ka rin agad sa 'kin.

44:31.960 --> 44:33.200
Pleng…

44:35.080 --> 44:36.520
Galit ako sa 'yo.

45:32.080 --> 45:35.040
Pleng, galit ako sa 'yo.

45:45.080 --> 45:47.000
Wan, pakitawag nga si Pleng.

45:47.640 --> 45:49.440
Bababa raw siya para tumulong
pagkatapos ng shower niya.

45:50.040 --> 45:51.359
Mahigit isang oras na.

45:51.960 --> 45:52.799
Sige po.

46:08.440 --> 46:10.960
Pleng!

46:11.040 --> 46:12.879
Pleng, buksan mo'ng pinto, please!

46:12.960 --> 46:14.080
Pleng!

46:15.240 --> 46:16.080
Pleng!

46:17.279 --> 46:18.279
Pleng!

46:18.359 --> 46:19.440
Ano'ng nangyayari, Wan?

46:19.520 --> 46:20.960
Ewan ko po.

46:21.040 --> 46:22.839
Kahit anong tawag ko,
ayaw niyang buksan 'yong pinto.

46:22.920 --> 46:24.720
Pleng!

46:25.319 --> 46:26.319
Pleng!

46:26.400 --> 46:28.480
-Pleng!
-Pleng, buksan mo'ng pinto!

46:30.319 --> 46:31.960
Ma'am!

46:32.040 --> 46:34.120
-Ma'am!
-'Yong susi!

46:37.000 --> 46:38.960
Ma'am!

46:39.040 --> 46:41.200
Pleng!

46:41.279 --> 46:43.080
Pleng!

46:43.160 --> 46:45.560
Pleng!

46:46.720 --> 46:51.160
Pleng!

46:51.799 --> 46:54.600
Pleng!

46:55.600 --> 46:59.440
Pleng!

47:38.279 --> 47:39.359
Uy, guys.

47:39.440 --> 47:40.640
Kumain na kayo.

47:40.720 --> 47:41.720
Di pa naman ako gutom.

47:41.799 --> 47:43.600
Okay. Tara, alis na tayo.

47:47.240 --> 47:50.200
Sangkot daw 'yong papa niya sa corruption.

47:50.279 --> 47:51.200
Ngayon, malalagay siya sa alanganin.

47:51.279 --> 47:54.240
Ano'ng gagawin ni Pleng pag nangyari 'yon?

47:55.600 --> 47:57.600
Naaawa ako sa kanya, sa totoo lang.

47:57.680 --> 47:58.960
Bakit ka naman maaawa sa kanya?

47:59.040 --> 48:00.680
Lahat sa batch namin, galit sa kanya.

48:00.759 --> 48:02.680
Baka pag napahiya 'yan,
di na 'yan magsusungit.

48:03.359 --> 48:04.200
Sin!

48:23.120 --> 48:24.799
Pag nagtigas-tigasan ka pa ng ulo,

48:24.879 --> 48:28.160
sisigaw ako
para malaman ng lahat na mahal kita!

48:29.720 --> 48:30.560
Dine-dare mo ba 'ko?

48:31.160 --> 48:32.279
I love you!

48:32.359 --> 48:33.520
Binili mo 'to para sa 'kin?

48:33.600 --> 48:35.560
Para wag mo nang suotin
'yong luma kong bra.

48:36.160 --> 48:37.120
Binili mo 'to para sa 'kin.

48:37.960 --> 48:39.120
Isuot mo nga sa 'kin.

48:39.200 --> 48:40.160
Di ako makatulog.

48:41.040 --> 48:41.920
Gusto mong makatulog?

48:42.600 --> 48:43.600
Tutulungan kita diyan.

48:43.680 --> 48:47.080
SUSUNOD NA EPISODE

48:47.160 --> 48:49.279
Ang lungkot-lungkot naman ng buhay.

48:49.359 --> 48:51.960
Ito ba 'yong sinasabi nilang
fallen princess?

49:29.040 --> 49:33.319
Nagsalin ng Subtitle: Redelyn Teodoro Juan
s?
